Professional Documents
Culture Documents
WIKA
•Mula sa pinagsama-samang
makabuluhang tunog, simbolo, at
tuntunin ay nabubuo ang mga salitang
nakapagpapahayag ng kahulugan o
kaisipan.
MULA SA SALITANG LATIN NA LINGUA NA
NANGANGAHULUGANG “DILA” AT “WIKA” O
“LENGGUWAHE”. Ito ang pinagmulan ng
salitang Pranses na langue na
nangangahulugan ding dila at wika.
PAZ, HERNANDEZ, AT PENEYRA (2003:1)
ANG WIKA AY TULAY NA GINAGAMIT PARA
MAIPAHAYAG AT MANGYARI ANG ANUMANG
MINIMITHI O PANGANGAILANGAN NATIN. ITO AY
BEHIKULO NG ATING EKSPRESYON AT KOMUNIKASYON
NA EPEKTIBONG NAGAGAMIT. GINAGAMIT NG TAO
ANG WIKA SA KANYANG PAG-IISIP, SA KANYANG
PAKIKIPAG-UGNAYAN, AT PAKIKIPAG-USAP SA IBANG
TAO, AT MAGING SA PAKIKIPAG-USAP SA SARILI.
HENRY ALLAN GLEASON, JR.
ISANG LINGGUWISTA AT PROPESOR
EMERITUS SA UNIVERSITY OF TORONTO,
ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS
NG MGA TUNOG NA PINILI AT ISINAAYOS
SA PAMARAANG ARBITRARYO UPANG
MAGAMIT NG MGA TAONG NABIBILANG
SA ISANG KULTURA.
CAMBRIDGE DICTIONARY
ITO AY ISANG SISTEMA NG
KOMUNIKASYONG NAGTATAGLAY NG MGA
TUNOG, SALITA, AT GRAMATIKANG
GINAGAMIT SA PAKIKIPAGTALASTASAN NG
MGA MAMAMAYAN SA ISANG BAYAN O SA
IBA’T IBANG URI NG GAWAIN.
CHARLES DARWIN
• ANG WIKA AY ISANG SINING TULAD NG
PAGGAWA NG SERBESA O PAGBE-BAKE NG
CAKE, O NG PAGSUSULAT. HINDI RIN DAW
ITO TUNAY NA LIKAS SAPAGKAT ANG BAWAT
WIKA AY KAILANGAN MUNANG PAG-
ARALAN BAGO MATUTUHAN.
TANONG
1. ANO-ANO ANG KAHALAGAHAN NG WIKA SA BUHAY NG
TAO? ANO KAYA ANG MANGYAYARI KUNG MAWAWALA
ANG WIKANG BINIBIGKAS AT NAUUNAWAAN NG MGA TAO
SA ISANG PAMAYANAN O KULTURA?
2. BAKIT NAHIHIRAPAN TAYONG UMANGKOP KAAGAD SA
ISANG LUGAR NA PINUPUNTAHAN NATIN KUNG HINDI
TAYO MARUNONG NG KANILANG WIKA?
3. BAKIT KAYA SA MARAMING BANSA SA MUNDO AY
MAGKAPAREHO O MAGKASINGKAHULUGAN ANG
MGA SALITANG LENGGUWAHE O WIKA AT DILA?
BAKIT LAGING NAIUUGNAY ANG DILA SA WIKA?
4. ANO-ANO ANG PAGKAKAPARE-PAREHO SA MGA
PAGPAGPAPAKAHULGANG BINASA AT IBINIGAY NG
IBA’T IBANG DALUBHASA SA WIKA? SA PAANONG
PARAAN NAMAN SILA NAGKAKAIBA-IBA NG
PANANAW?
5. SUMASANG-AYON O SUMASALUNGAT KA
BA KAY CHARLES DARWIN SA SINABI
NIYANG “HINDI TUNAY NA LIKAS ANG WIKA
SAPAGKAT KAILANGAN MUNA ITONG PAG-
ARALAN BAGO MATUTUHAN”?
IPALIWANAG ANG IYONG PANANAW.
6. KUNG IKAW ANG TATANUNGIN, ANONG
PAGPAPAKAHULUGAN ANG IBIBIGAY MO SA
SALITANG WIKA?
ANG WIKANG
PAMBANSA
• ANG PILIPINAS AY ISANG KAPULUANG BINUBUO NG
IBA’T IBANG PANGKAT NG MGA PILIPINONG
GUMAGAMIT NG IBA’T IBANG WIKA AT DIYALEKTO.
• HUMIGIT KUMULANG 150 WIKA AT DIYALEKTO ANG
UMIIRAL SA ATING BANSA. ANG KALAGAYANG ITO ANG
NAGING PANGUNAHING DAHILAN KUNG BAKIT
KINAKAILANGANG MAGKAROON TAYO NG ISANG
WIKANG MAUUNAWAAN AT MASASALITA NG
KARAMIHAN SA MGA PILIPINO.
• ANG WIKANG ITO ANG MAGBUBUKLOD SA ATIN
BILANG MAMAMAYAN NG BANSANG PILIPINAS
AT TATAWAGING WIKANG PAMBANSA.
1934
DAHIL SA PAGKAKAHIWA-HIWALAY NG ATING BANSA SA IBA’T
IBANG PULO AT SA DAMI NG WIKANG UMIIRAL DITO,
NAGING ISANG PAKSANG MAINITANG PINAGTALUNAN,
PINAG-ISIPAN, AT TINALAKAY SA KUMBENSIYONG
KONSTITUSYUNAL NOONG 1934 ANG PAGPILI SA WIKANG
ITO. MARAMI SA MGA DELEGADO ANG SUMANG-AYON SA
PANUKALANG ISA SA MGA UMIIRAL NA WIKA SA BANSA ANG
DAPAT MAGING WIKANG PAMBANSA SUBALIT SINALUNGAT
ITO NG MGA MAKA-INGLES NA NANINIWALANG HIGIT NA
MAKABUBUTI SA MGA PILIPINO ANG PAGIGING MAHUSAY SA
INGLES.
SUBALIT NAGING MATATAG ANG GRUPONG
NAGMAMALASAKIT SA SARILING WIKA.
IMINUNGKAHI NG GRUPO NI LOPE K. SANTOS
NA ANG WIKANG PAMBANSA AY DAPAT
IBATAY SA ISA SA MGA UMIIRAL NA WIKA SA
PILIPINAS. ANG MUNGKAHING ITO AY
SINUSUGAN NI MANUEL L. QUEZON NA
NOO’Y PANGULO NG PAMAHALAANG
KOMONWELT NG PILIPINAS.
1935
ANG PAGSUSOG NA ITO NI PANG. QUEZON AY NAGBIGAY-
DAAN SA PROBISYONG PANGWIKA NA NAKASAAD SA
ARTIKULO XIV, SEKSIYON 3 NG SALIGANG BATAS NG 1935
NA:
“ANG KONGRESO AY GAGAWA NG MGA HAKBANG
TUNGO SA PAGKAKAROON NG ISANG WIKANG
PAMBANSANG IBABATAY SA ISA SA MGA UMIIRAL NA
KATUTUBONG WIKA. HANGGA’T HINDI ITINATAKDA NG
BATAS, ANG WIKANG INGLES AT KASTILA ANG SIYANG
MANANATILING OPISYAL NA WIKA”
SALIGANG BATAS 1935
•NAGKAROON NG
MARAMING TALAKAYAN
KUNG ANONG WIKA ANG
GAGAMITING BATAYAN SA
PAGPILI NG WIKANG
PAMBANSA.
BATAS KOMONWELT BLG. 184 NI
NORBERTO ROMUALDEZ NG LEYTE
• NAGTATAG NG SURIAN NG WIKANG PAMBANSA.
• PANGUNAHING TUNGKULIN NA “MAG-ARAL NG MGA
DAYALEKTO SA PANGKALAHATAN PARA SA LAYUNING
MAGPAUNLAD AT MAGPATIBAY NG ISANG PAMBANSANG
WIKANG BATAY SA ISA SA MGA UMIIRAL NA WIKA AYON SA
BALANGKAS, MEKANISMO, AT PANITIKAN NA TINATANGGAP
AT SINASALITA NG NAKARARAMING PILIPINO”
BASE SA PAG-AARAL NA ISINAGAWA NA
SURIAN, NAPILI NILA ANG TAGALOG BILANG
BATAYAN NG WIKANG PAMBANSA DAHIL
ANG NATURANG WIKA AY TUMUGMA SA
MGA PAMANTAYANG KANILANG BINUO .
ANG WIKANG PIPILIIN AY DAPAT
• WIKA NG SENTRO NG PAMAHALAAN
• WIKA NG EDUKASYON
• WIKA NG SENTRO NG KALAKALAN
• WIKA NG PINAKAMARAMI AT PINAKADAKILANG
NASUSULAT NA PANITIKAN
1937
DISYEMBRE 30, 1937-IPRINOKLAMA NI
PANG. MAUEL L. QUEZON ANG WIKANG
TAGALOG UPANG MAGING BATAYAN NG
WIKANG PAMBANSA BASE SA
REKOMENDASYON NG SURIAN SA BISA NG
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 134.
MAGKAKAIBA ANG KAUTUSANG ITO
PAGKARAAN NG DALAWANG TAON.
1940
DALAWANG TAON MATAPOS MAPAGTIBAY ANG
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 134,
NAGSIMULANG ITURO ANG WIKANG PAMBANSA
NA BATAY SA TAGALOG SA MGA PAARALANG
PAMPUBLIKO AT PRIBADO.
1946
NANG IPAGKALOOB NG MGA AMERIKANO ANG
ATING KALAYAAN, SA ARAW NG PAGSASARILI NG
PILIPINAS NOONG HULYO 4, 1946 AY IPINAHAY DING
ANG MGA WIKANG OPISYAL SA BANSA AY TAGALO
AT INGLES SA BISA NG BATAS KOMONWELT BLG. 570.
1959
AGOSTO 13, 1959, PINALITAN ANG TAWAG SA
WIKANG PAMBANSA MULA TAGALOG ITO AY NAGING
PILIPINO SA BISA NG KAUTUSANG PANGKAGAWARAN
BLG. 7 NA IPINALABAS NI JOSE E. ROMERO, ANG
KALIHIM NG EDUKASYON NOON.
• SA PANAHONG ITO’Y HIGIT NA BINIGYANG HALAGA AT
LUMAGANAP ANG PAGGAMIT NG WIKANG PILIPINO. ITO
ANG WIKANG GINAMIT SA MGA TANGGAPAN, GUSALI,
AT MGA DOKUMENTONG PAMPAMAHALAAN TULAD NG
PASAPORTE, AT IBA PA. SA KABILA NITO AY MARAMI ANG
SUMALUNGAT SA TAGALOG BILANG BATAYAN NG
WIKANG PAMBANSA.
1972
• MULING NAGKAROON NG MAINITANG PAGTATALO
SA KUMBENSIYONG KONSTITUSYUNAL NOONG 1972
KAUGNAY NG USAPING PANGWIKA. SA HULI, ITO
ANG MGA NAGING PROBISYONG PANGWIKA SA
SALIGANG BATAS NG 1973, ARTIKULO XV, SEKSIYON
3, BLG. 2
ISA SA MGA
TUMUTUGON SA
UMIIRAL NA NOONG 1959, SA SALIGANG BATAS
MGA
WIKA SA BANSA ANG TAGALOG AY NG 1973 ITO’Y
PAMANTAYAN SA
DAPAT MAGING PINALITAN NG TINAWAG NA
PAGPILI NATIN
BATAYAN NG TAWAG NA FILIPINO
ANG WIKANG
ATING WIKANG PILIPINO.
TAGALOG
PAMBANSA.
HENRY ALLAN
GLEASON, JR.
Siya naman ay naniniwalang ang wika ay
hindi tunay na likas sapagkat ang bawat
wika raw ay kailangan munang pag-aralan
bago matutuhan.
CHARLES DARWIN
•Siya ang pangulo ng bansang sumusog sa
mungkahing ibatay ang wikang pambansa
sa isa sa mga umiiral na wika o wikain sa
ating bansa.
Tagalog
Siya ang dating kalihim ng Edukasyon na
nagpalabas ng kautusang pangkagawarang
nagsasaad na mula tagalog ay Pilipino na
ang itatawag sa ating wikang pambansa,
JOSE E. ROMERO
Sa probisyong pangwika ng Saligang
Batas na ito unang nagamit ang Filipino
bilang wikang Pambansa
LABINSIYAM/19
Punan ang mga kahon ng mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan sa
pagpapatibay sa Filipino bilang wikang pambansa. Gawing gabay ang mga petsang
nakalahad sa mga kahon sa unahan.
“Perpektong Bilingguwal”
John Macnamara 1967
Ang bilingguwal ay isang taong may sapat
na kakayahan sa isa sa apat na makrong
kasanayang pangwika kinabibilangan ng
pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at
pagsulat sa isa pang wika maliban sa
kanyang unang wika.
Uriel Weinreich (1953)
Isang lingguwistang Polish-American na
nagsasabing ang pagagmit ng dalawang
wika nang magkasalitaan ay matatawag
na bilingguwalismo at ang taong gagamit
ng mga wikang ito ay bilingguwal.
Maituturing na bilingguwal ang isang tao
kung magagamit niya ang ikalawang wika
nang matatas sa lahat ng pagkakataon. Sa
pananaw na ito dapat magamit ng mga
bilingguwal ang dalawang wika nang halos
hindi na matutukoy kung alin sa dalawa
ang una at ang pangalawang wika.
BALANCED BILINGUAL
Ang tawag sa mga taong nakagagawa
nang ganito at sila’y mahirap mahanap
dahil karaniwang nagagamit ng mga
bilingguwal ang wika mas naaangkop
sa sitwayson at sa taong kausap
Sa paulit-ulit na exposure o pakikinig
sa mga nagsasalita ng wika, unti-unti’y
natutuhanan niya ang bagong wika
hanggang sa hindi niya namamalayang
matatas na siya rito.
BILINGGUWALISMO SA WIKANG
PANTURO
Artikulo 15 seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas
ng 1973
Probisyon para sa bilingguwalismo o
pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa
mga paaralan at wikang opisyal na iiral sa
lahat ng mga pormal na transaksiyon sa
pamahalaan man o sa kalakalan.
Artikulo 15 seksiyon 2 at 3 ng Saligang
Batas ng 1973
“Ang Batasang Pambansa ay
magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wikang Filipino. Hangga’t
hindi binabago ang batas ang ingles at
Filipino ang manantiling mga wikang
opisyal ng Pilipinas.”
Ponciano B.P. Pineda (2004:159)
Ang Probisyon ang naging basehan ng Surian
ng Wikang Pambansa sa pagharap sa Kalihim
ng edukasyon at Kultura ng kahilingang
ipatupad ang patakarang bilingual instruction
na pinagtibay ng Board of National
Education (BNE) bago pa umiral ang Martial
Law.
Ang patakarang iyon ay alinsunod sa
Executive Order No. 202 na bubuo nhg
Presidential Commision to survey Philippine
Education (PCSPE) tungkol sa dapat maging
katayuan ng Pilipino at Ingles bilang mga
wikang panturo sa paaaralan.
Nilagdaan ang isang makasaysayanng
patakaran tungkol sa bilingual education sa
bias ng Resolusyon Bilang 73-7 “ang Ingles
at Pilipino ay magiging midyum ng
pagtuturo at ituturo bilang asignatura sa
kurikulum mula Grade 1 hanggang antas
unibersidad sa lahat ng paaralan, publiko o
pribado man”
HUNYO 19, 1974
Department of Edcation ay naglabas ng
panuntunan sa pagpapatupad ng edukasyong
bilingguwal sa bansa sa bias ng Department
Order No. 25, s.1974.
Mahalaga ang probisyon sa Kautusan na:
1. Makalinang ng mga
mamayang Pilipinong matatas
sa pagpapahayag sa mga
wikang Pilipino at Ingles.
2. Ang pariralang bilingual education
ay binigyang katuturan sa
magkahiwalay na paggamit ng Pilipino
at Ingles bilang mga wikang panturo
mula Grade 1 pataas sa mga tiyak na
asigantura.
Dapat Ituro sa Filipino
TAUSUG
MAGUINDANAO
MERANAO
CHAVACANO
Pagkalipas ng isang taon 2013 ay nadagdag ng pitong
wikain kaya’t nagging labinsiyam na ang wikang
ginagamit sa MTB-MLE. Ito ay ang ss:
Ybanag-Tuguegarao City, Cagayan at Isabela
Ivatan-Batanes
Sambal-Zambales
Aklanon-Aklan
Capiz;Kinaray-a-Antique
Yakan-ARMM
Suriganon-Surigao City
Pang. Benigno Aquino III
“We should become tri-lingual as a
country. Learn English well and
connect to the world. Learn Filipino
well and connect to our country.
Retain your dialect and connect to
your heritage.”
Tanong
Pangalawang wika
Tanong
MTB-MLE
Tanong
MONOLINGGUWALISMO
Tanong
INGLES;FILIPINO
Tanong
Ito ang kasalukuyang bilang ng mga wika at
wikain sa bansa na itinalaga ng DepEd
upang magamit bilang wikang panturo
mula kindergarten Hanggang grade 3.
19/LABINSIYAM
Tanong
150
Alam mo ba?
Dominikano
Franciscano
Agustinian at
Heswita
Pangasinan at Cagayan
Kabikulan
kabisayaan
Phelan 1995
APAT NA ORDEN/Limang orden
AGUSTINO
PRANSISKANO
DOMINIKO
HESWITA
REKOLETO
Upang mas maging epektibo ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga
misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral
ng mga wikang katutubo. Nakita nilang
mas madaling matutuhan ang wika ng
isang rehiyon kayasa ituro sa lahat ang
wikang espanyol.
Nabatid nilang sa pagpapalaganap
ng kanilang relihiyon mas magiging
kapani-paniwala at mas mabisa
kung ang mismong banyaga ang
nagsasalita ng wikang katutubo.
Dahil dito ang mga prayle ay
nagsulat ng mga diksiyonaryo at
aklat-panggramatika, katekismo
at mga kumpensyonal para sa
mas mapabilis ang pagkatuto nila
ng katutubong wika.
Wikang panturo PILIPINO
Reading
Writing
Arithmetic
Ipagamit ang bernakular bilang wikang
pantulong. Pagpapalimbag ng mga
librong pam-primary na Ingles-Ilokano,
Ingkes-Tagalog, Ingles-Bisaya, at Ingles-
Bikol.
Pinagtubay ang isang kursosa wikang
Tagalog para sa mga gurong Amerikano at
Pilipino sa panahon ng bakasyon ng mga
mag-aaral.
Dahilan sa paggamit ng Ingles
1. Ang pagtuturo ng berankular sa mga paaralan ay ,ag-
rere-sulta sa suliraning administratibo. Ang mga mag-
aaral ay mahihirapang lumipat sa ibang pook ng
kapuluan sa kadahilanang iba-iba ang itinuturing wika
sa iba-ibang rehiyon. Kung Ingles lamang ang ituturo sa
lahat, walang magiging suliranin ditto.
2. Ang paggamit ng iba’t ibang
bernakular sa pagtuturo say
magdudulotlamang ng
rehiyonalismo sa halip na
nasyonalismo.
3. Hindi magandang pakinggan ang
magkahalong wikang Ingles at bernakular.
4. Malaki na ang nagasta ng pamahalaan
para sa edukasyong pambayan at
paglinang ng Ingles upang maging wikang
pambansa.
5. Ingles ang nakikitang pag-asa upang
magkaroon ng pambansang pagkakaisa.
6. Ingles ang wika ng pandaigdigang
pangangalakal. Ang paggamit ng wika ay
makatutulong sa katayuan ng pilipinassa daigdig
ng pangangalakal.
7. Ang ingles ay mayaman sa katawagang
pansining at pang-agham. Kailangang malaman ng
mamamayan ang mga katawagang ito upang
umunlad ang kalinangan sa pilipinas.
8. Yamang nandito na ang ingles ay kailangang
hasain ang paggamit nito.
DAHILAN SA PAGTATAGUYOD NG
BERNAKULAR
1. 80% ng mga mag-aaral ang nakaabot ng
hanggang ikalimang grado lang kaya pagsasayang
lamang ng panahon at pera ang kanila ng Ingles
na walang kinalaman sa kanilang sosyal a praktikal
na pamumuhay.
2. Kung bernakular ang gagamiting panturo, magiging
epektibo ang pagtuturo sa primary.
3. Kung kailangan talagang linangin ang wikang komon
sa Pilipinas, nararapat lamang na Tagalog ito sapagkat
isang porsiyento lamang ng tahanang Pilipino ang
gumagamit ng Ingles.
4. Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo
kung Ingles ang gagamitin dahil naman natututo ang
mga mag-aaral kung paano nila malulutas ang mga
problemang kahahharapin nila sa kanilang pang-araw-
araw na pamumuhay.
5. Ang paglinang ng wikang Ingles bilang
wikang pambansa ay hindi pa nagpapakita ng
nasyonalismo.
6. Nararapat lamang na magsagawa ng mga
bagay para sa ikabubuti ng lahat katulad ng
paggamit ng bernakular.
7. Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa
wikang Ingles ay hindi dapat idahilan sapagkat
alam naman nilang hindi ito magbubunga nang
mabuti.
8. Hindi na ngangailangan ng mga kagamitang
panturo upang magamit ang bernakular, kailangan
lamang na ito ay pasiglahin.
Nagsagawa ang mga Amerikano ng mga
pag-aaral, eksperimento , at sarbey
upang malaman kung epektibo ang
pagtuturo gamit ang wikang Ingles. Ang
unang pagsisiyasat ay ginawa ni Henry
Jones Ford.
Iniulat nito “gaya ng makikita, ang gbyerno
ay gumastos ng milyon-milyon para
maisulong ang paggamit ng Ingles upang
mabisang mapalitan nito ang Espanyol at
,ga dayalek sa mga ordinaryong usapan, at
ang Ingles na sinasalita ay kay hirap
makilala na Ingles na nga.”
Propesor Nelson at Dean Fansler
Maging ang mga kumukuha ng mataas
na edukasyon ay mahihirapan sa
paggamit ng wikang Ingles.
Iminungkahi ni Lope K. Santos na
isa sa mga wikang ginagamit ang
nararapat na maging wikang
pambansa. Ang panukala ay
sinusugan naman ni Pang. Manuel
L. Quezon.
Noomg panahon ng mga Hapones nagkaroon ng
pagsulong ang wikang pambansa. Sa pagnanais na
burahin ang anumang impluwensiya ng mga
Amerikano, ipinagbawal ang paggamit ng Ingles
sa anuamng akpekto ng pamumuhay ng mga
Pilipino.
Ipinagamit nila ang katutubong wika,
particular ang wikang tagalog, sa pagsulat ng
mga akdang pampanitikan. Masasabing ito
ang panahong namayagpag ang panitikang
Tagalog.
Ordinansa Militar Blg. 13
Nag-uutos na gawing opisyal na wika ang tagalog
at ang wikang Hapones (Nihonggo).
Upang ipatupad ang patakarang military ng mga
hapones pati ang propagandang pangkultura,
itinatag ang tinatawag na Philippine Executive
Commision na pinamumunuan ni Jse Vargas.
Pagkaraan ng ilang buwan na pananakop ng mga
Hapones ay binuksan muli ang mga paaralang
bayan sa lahat ng antas. Itinuro ang nihonggo sa
lahat , ngunit binigyang-diin ang paggamit ng
Tagalog upang maalis na ang paggamit ng wikang
Ingles.
Ang gobyerno-military ay nagturo ng Nihonggo sa mga
guro ng paaralang-bayan. Sinusuri ang kakayahan ng
guro sa wikang Nihonggo upang kapag sila ay nagging
bihasa na ay sila naman ang magtuturo.
Ang mga nagsipagtapos ay binigyan ng katibayan upang
maipakita ang kanilang kakayahan sa wikang Niponggo.
Ang katibayan ay may Tatlong uri: JUNIOR,
INTERMEDIATE, at SENIOR.
Sa panahong ito ay Isinilang ang KALIBAPI o
kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas. Ang
pagpapabuti ng edukasyon at moral na
rehenerasyon at pagpapalakas at pagpapaunlad
ng kabuhayan sa pammatnubay ng Imperyong
Hapones ang mga layunin ng kapisanang ito.
Si Benigno Aquino ang nahirang na director.
Pangunahing proyekto ng kapisanan ang
pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa buong
kapuluan. Katulong nila sa proyektong ito ang
Surian ng wikang pambansa.
SITWASYONG
MGA SITWASYONG
PANGWIKA SA IBA
PANGWIKA
PANG SA
ANYO NG
KULTURANG
PILIPINAS
POPULAR
Sitwasyong pangwika sa Telebisyon
Telebisyon-itinuturing na pinakamakapangyarihang
media sa kasalukuyan.
Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa
telebisyon sa ating bansa.
Gumagamit ng Wikang Filipino
Teleserye
Pantanghaling palabras
Mga magazine show
News and public affairs
Atbp.
Mangilan-ngilang news program sa wikang ingles
subalit ang mga ito’y hindi sa mga nangungunang
estasyon kundi sa ilang local na news TV at
madalas ay inilalagay hindi sa primetime kundi sa
gabi kung kalian tulog na ang nakararami
Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang
malaking dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga
mamamayan sa Pilipinas ang nakapagsasalita ng
Filipino at maraming kabataan ang namumulat sa
wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar
na hindi kabilang sa katagalugan.
Patunay ang mga ito na habang dumarami
ang manonood ng teebisyon ay lalong
lumalakas ang hatak ng midyum na ginagamit
dito samga mamamayang Pilipino saanmang
dako ng bansa at maging ng mundo
SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO
BARCELONA
Lalaki: Mahal Kita
Babae: You Don’t have too. Huwag mo akong
mahalin dahil mahal kita, mahalin mo ako
dahil mahal mo ako. Because that what I
Deserve….
HUGOT LINES
Tinatawag na love lines o love
quotes.
Tawag sa mga linya ng pag-ibig na
nakakakilig, nakatutuwa, cute,
cheesy, o minsa’y nakaiinis
FLIP TOP
Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa nang
pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil
ang mga bersong nira-rap ay
magkakatugma bagama’t sa fliptop ay hindi
nakalahad o walang malinaw na paksang
pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang
sisimulan ng naunanang kalahok ay siyang
sasagutin ng kanyang katunggali.
Di tulad sa balagtasan na gumagamit ng
pormal na wika sa pagtatalo, sa fliptop
ay walang nasusulat na iskrip kaya
karaniwang ang mga salitang ibinabato
ay di pormal at mabibilang sa iba’t ibang
barayti ng wika. Pangkaraniwan din ang
paggamit ng mga salitang nanlalait para
mas makapuntos sa kalaban.
BATTLE LEAGUE- malaking samahan na
nagsasagawa ng mga kopetisyon.
Ang bawat kompetisyong
tinatampukan ng dalawang kalahok ay
may tigatlong round at ang panalo ay
dinedesisyonan ng mga hurado.
May mga Flip Top na isinasagawa sa wikang
ingles subalit ang karamihan ay sa wikang
filipino lalo sa tinatawag nilang Filipino
Conference Battle/ Ang karaniwang paraan
ng paglaganap ng fliptop ay sa pamamagitan
ng YOUTUBE. Milyon-milyon ang views ng
mga kompetisyon ito. Sa ngayon ay
maraming paaralan na rn ang nagsasagawa
ng fliptop lalo sa paggunita ng Buwan ng
Wika.
Pick-up Lines
May mga nagsasabing ang pick-up
lines ay makabagong bugtong
kung saan may tanong na
sinasagot ng isang bagay na
madalas maiuugnay sa pag-ibig at
iba pang aspekto ng buhay.
Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga
binatang nanliligaw na nagnanais
magpapansin, magpakilig, magpangiti, at
magpa-ibig sa dalagang nililigawan. Kung
may mga salitang angkop na
makapaglalarawan sa pick-up lines,
masasabing ito’y nakatutuwa,
nakapagpapangiti, nakakakilig, cute, cheesy.
at masasabi ring corny.
Nakikita rin ito sa mga Facebook wall, sa
Twitter, at sa iba pang social media
network. Ang wikang ginagamit sa mga
pick-up lines ay karaniwang Filipino at
mga barayti nito subalit nagagamit din
ang Ingles o taglish dahil mga kabataan
ang higit na nagpapalitan ng mga ito.
Kailangang ang taong nagbibigay ng
pick-up line ay mabilis mag-isip at
malikhain para sa ilang sandali lang
ay maiugnay o mai-konekta ang
kanyang tanong sa isang
nakapagpapakilig na sagot.
“BOOM!” ang sinasabi kapag sakto o
maliwanang na maliwanag ang
koneksiyon ng dalawa. Nauso ang pick
up lines dahil sa impluwensiya ni “BOY
PICK-UP” o Ogie Alcasid sa programa
nilang Bubble Gang na may ganitong
segment. Naging matunog din ito lalalo
na nang gamitin ni Senadora Miriam
Defensor Santiago sa kanyang mga
talumpati.
Q and A
Kung may puwede kang
baguhin sa pagsasagawa ng
Fliptop, ano ito at bakit?
Q and A
Paano naipapakita ang
pagkamalikhain ng wika
sa pamamagitan ng Pick-
up lines at hugot lines?
Q and A
Sa paanong paraan ito patuloy
na lumalaganap? Alin-alin sa
mga katangian nito ang
nagugustuhan ng mga tao lalo
na ng kabataan?
Ano ang mararamdaman
mo kung ikaw ay
patutungkulan ng mga pick-
up line o hugot line ng
isang nagmamahal?
Bunot mo Ihugot mo!
Ang bawat grupo ay bubunot sa kahon ng
kaalaman ng mga salita at kailangan nila itong
gawan ng pick up lines. Mayroon lamang
limang minute ang bawat grupo upang mag-
isip. Tandaan: maaring magtulungan ang
magkaka-grupo ngunit isa lamang ang bibigkas
ng kanilang pick-up line.
SA PAANONG PARAN MAARING
MAKATULONG ANG PAGSASAGAWA
NG FLIPTOP GAYUNDIN NG PICK-UP
LINES AT HUGOT LINES SA
PAGPAPALAGANAP NG WIKANG
FILIPINO LALO NA SA KABATAAN?
TAKDANG-ARALIN
SA ISANG PUSO NA PAPEL AY
ILAGAY ANG PICK-UP LINES O
HUGOT LINES NA INYONG
NAGAWA.
UNAN KABA?
BAKIT?
ANG SARAP MO KASING
YAKAPIN
Sitwasyong Pangwika sa Text
Ang pagpapadala at pagtanggap ng
SMS (Short messaging system) na
lalong kilala bilang text message o
text ay isang mahalagang bahagi ng
komunikasyon sa ating bansa
Katunayan, humigit-kumulang apat ma
bilyong text ang ipinadadala at
natatanggap sa ating bansa araw-araw
kaya naman tinagurian tayong “Texting
Capital of the World”.
Higit na itong popular kaysa pagtawag sa
telepono ay may mga pagkakataong mas
komportable ang taong magparating ng
maiikling mensaheng nakasulat kayasa
sabihin ito nang harapan o sa
pamamagitan ng tawag sa telepono.
Sa pagpindot ng KEYPAD ay mas
nabibigyan ng pagkakataon ang taong i-
edit ang sarili niya at piliin ang mas
angkop na pahayag o salita kaysa sa kung
aktuwal niya itong sinasabi sa harapan
man o sa telepono.
Subalit ano nga ba ang
katangian ng wika sa SMS o
Text?
Ikaw mismo kapag nag-te-text
ay malamang na gumagamit ng
magkahalong Filipino at Ingles
at pinaikling mga salita, hindi
ba?
Sa pagbuo ng mensahe sa text,
madalas ginagamit ang code
switching o pagpapalit-palit ng
Ingles at Filipino sa pagpapahayg.
Madalas ding binabago o pinaiikli
ang baybay ng mga salita para mas
madali o mas mabilis itong mabuo.
160 Characters (Letra, numero at
simbolo) lang kasi ang nilalaman ng
isang padalahan ng mensahe kaya
nangyayari ito para makatipid sa
espasyo at para mapabilis ang
pagpindot sa maliliit na keypad ng
cell phone.
Walang sinusunod na rule o tuntunin
sa pagpapaikli ng salita, gayundin
kung sa Ingles o sa Filipino ba ang
gamit basta’t maipadala ang
mensahe sa pinakamaikli,
pinakamadali, at kahit paano’y
naiintindihang paraan.
Halimbawa ang OKAY ay nagiging OK o K
na lang. Ang dito ay nagiging d2.
pinaghahalo ang Ingles at Filipino at saka
dinadaglat para ,masabing “d2 na me. Wr
u na?” mula sa mahabang “Nandito na
ako. Where are you na?”
Madalas ding tinatanggal ang mga patinig
para mapaikli ang salita tulad ng PUWEDE na
nagiging pwd; saan ka na ba na nagiging sn k n
b? sa ,sa mga salitang Ingles naman ay
ginagamit na lang ang letra at numerong
katunog ng salita. Halimbawa, are na nagiging
r.
AAP Always a pleasure G2G GOT TO GO
Bahagi ng pananalita
Bantas
Baybay
ponolohiya,
Morpolohiya
Aspekto ng wika
Nasusukat ang kakayahang pangkomunikatibo
1.Komunikasyong
Intrapersonal
2.Komunikasyong
Interpersonal
3.Komunikasyong Pampubliko
6 anim pamantayan sa Pagtataya ng
Kakayahang Pangkomunikatibo
1. Pakikibagay (Adaptability)
ang isang taong may kakayahang
pangkomunikatibo ay may kakauahang
pangkomunikatibo ay kakayahang mabago ang
pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang
pakikipag-ugnayan.
Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod:
a. Pagsali sa iba’t ibang interaksiyong sosyal
b. Pagpapakita ng pagiging kalmado sa
pakikisalamuha sa iba
c. Kakayahang ipahayag ang kaalaman sa
pamamagitan ng wika
d. Kakayahang magpatawa habang
nakikisalamuha
2. Paglahok sa Pag-usap