PANGKOMUNIKATIBO Ang wikang Filipino, na siyang pambansang wika sa Pilipinas ay ang ginagamit sa lahat ng sulok ng bansa. Ito ang nagsisilbing sinturon upang matali ang mga mamamayan upang maging isa sila sa kanilang mga diwa at pangarap. Mahirap na isipin kung walang sariling wika na magiging daan upang magkabuklod-buklod ang mga hiwa-hiwalay na isla ng Pilipinas maaaring magdulot ito ng mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan. Ayon sa SWS Survey noong 1993, 18% lamang sa mga Pilipino ang may ganap sa kahusayan sa paggamit ng wikang Ingles. Gaano kahalaga ang pagsasalita ng Filipino? Ayon sa SWS Survey noong 1995 na 2 sa bawat 3 Pilipino ang marunong magsalita ng Filipino, 71% sa Luzon, 55% sa Visayas at 50% sa Mindanao. Hindi lang sa mga mahihirap o hikahos sa buhay mahalaga ang pagsasalita ng Filipino kundi pati na rin sa mga mayayaman, angat at may kaya sa buhay, sa katunayan 73% sa kanila ang naniniwala na mahalagang-mahalaga ang pagsasalita ng Filipino. Nasaan na nga ba o ano na nga ba ang kalagayan ng wikang Filipino sa ika-21 siglo sa iba’t-ibang larangan? Alamin natin ang mga sitwasyong pangwika sa Pilipinas. Una ay ang sitwasyong pangwika sa telebisyon. Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naaabot nito. Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating ang malalayong pulo at ibang bansa. Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal na channel. Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na ginagamitan ng wikang Filipino ay mga teleserye, mga pantanghaliang palabas tulad ng Eat Bulaga at It’s Showtime, mga magazine show, news and public affairs, reality show at iba pa. Dahil sa pagsubaybay ng milyon-milyong manonood ang nagging dahilan kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino. Sunod naman ay ang sitwasyong pangwika sa radio at diyaryo. Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radio sa AM man o sa FM. Kahit ang estasyon sa probinsiya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung may kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipag-usap. Sa diyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman sa tabloid. Tabloid ang mas binibili ng masa o mga karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito dahil ito ay nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw headline na naglalayong maakit agad ang mga mambabasa at ang linalaman nito ay karaniwang senseysyonal na naglalabas ng impormalidad. Pangatlo ay ang sitwasyong pangwika sa pilikula. Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pilikulang Pilipino pero Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit. Ang pangunahing layunin nito ay makaakit ng mas maraming manonood na malilibang sa kanilang mga palabas at programaupang kumita ng malaki. Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami ng mamamayan ng bansa ang nakakauunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino. Ayong nga kay Tiongson, 2012 “ Sa maraming babasahin at palabas sa Filipino ang tila nangingibabaw na layunin ay mang-aliw, manlambing, lumikha ng ugong at ingay ng kasayahan”. Hamon na hindi basta lumaganap ang Filipino, hindi din magamit ito ng mga nasabing midyum upang higit na maitaas ang antas ng ating wika. Pang-apat ay ang sitwasyong pangwika sa iba pang anyo ng kulturang popular. Ang wika ay malikhain. May iba’t ibang nauusong paraan ng malikhaing pagpapahayag na gumagamit ng wikang Filipino at mga barayti nito sa mga sitwasyong tulad ng Fliptop, ito ang pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap. Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkatugma bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw ang paksang tinatalakay. Gumagamit ito ng di-pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya naman kadalasan ang mga ginagamit na salita balbal at impormal at mga salitang nanlalait. Ang kompitisyon ay tinatawag na “Battle League” at kung isinasagawa sa wikang Ingles ay tinatawag na “Filipino Conference Battle”. Sunod ay ang Pick up lines, ito ay makabagong bugtong kung saan may mga tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Karaniwang wikang Filipino ang ginagamit dito. Nakakatuwa, nakapagpapangiti, nakakakilig, cute, cheesy, at masasabi ring corny. Hugot lines ay tinatawag na love lines o love quotes na nagpapatunay na ang wika nga ay malikhain. Karaniwang nagmula ito sa liny ang ilang tauhan sa pilikula o telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood. Ang panglima ay ang sitwasyong pangwika sa text. Ang pagpapadala ng SMS (short messaging system) ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa bansa. Humigit kumulang 4 na bilyong text ang ipinapadala at natatanggap ng ating bansa kaya ito ay kinilala bilang “Text Capital of the World”. Madalas ang paggamit ng code switching at madalas pinaiikli ang mga baybay ng mga salita. Pang-anim ay ang sitwasyong pangwika sa social media at sa internet. Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen. Karaniwan rin ang code switching. Mas pinag-iisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago i-post. Bagamat marami na rin ang mga website na mapagkukunan ng kaalamang masusulat sa wikang Filipino, nananatili pa ring Ingles ang pangunahing wika rito. Pangpito ay ang sitwasyong pangwika sa kalakalan, Ingles ang pangunahing ginagamit sa pakikipagkomunikasyon maging sa mga dokumentong ginagamit ngunit gumagamit rin ng Filipino kapag mag-iindorso ng produkto sa mga mamamayang Pilipino. Pangwalo, sitwasyong pangwika sa pamahalaan. Ayon sa Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye mh 1988 – nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, opesina, ahensiya ay magsasagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon , komunikasyon, at korepondensya. Tulad ni dating Pangulong Benigno Aquino III, gumagamit siya ng wikang Filipino sa kanyang SONA bilang pagpapakita ng pagpapahalaga rito. Ang panghuli ay ang sitwasyong pangwika sa edukasyon. Ang wikang ginagamit ay itinadhana ng K to 12 Basic Curriculum. Kinder hanggang Grade 3 ang unang wika ang gamit bilang wikang panturo samantalang sa mataas na antas ay nananatiling bilingguwal ang wikang panturo Filipino at Ingles. Kaya sa lahat ng mga nabanggit kong sitwasyong pangwika sa Pilipinas, masasabi kong ang laki ng impluwensiya nito sa mga tao. Isa sa mga daan para mapalawak pa ang paggamit ng wikang Filipino. At mas lalo pang magkaintindihan ang bawat Pilipino sa bawat panig ng bansa. PAGSIPI AT PINAGMULAN NG IMPORMASYON “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino” Nina Dolores R. Taylan, Jayson D. Petras, Jonathan V.Geronimo, Crizel Sicat-De Laza, at Aurora Batnag (koordineytor).