You are on page 1of 1

B. Nagiging mabisa ba ang paggamit ng wikang Filipino sa mga pabatid? Paano?

Paanong
hindi?

Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (2020), wika ang tulay sa paghahatid ng kamalayan sa
sangkatauhan upang ang COVID-19 ay mapigilan. Alam natin na ang bawat lugar na ating
pupuntahan ay may kanya-kanyang sariling wika na ginagamit upang makipag ugnayan o
makipag komunikasyon sa ibang tao. Ang mga wikang ito ay tinatawag na wikang Filipino. Ito’y
kasalukuyan at kalimitang ginagamit sa mga pabatid. Sa paglaganap ng mga sakit, ang mga
pabatid ang nagsisilbing tulong upang magbigay ng impormasyon ukol dito. Mahalaga ang
nilalaman ng mga impormasyong ito, kayat mahalaga rin na maayos itong inilalahad sa madla.
Maayos na nailalahad ang isang impormasyon kung ang wikang gagamitin ay hango sa wikang
naintindihan ng nakararami. Halimbawa na lamang sa nakalap na litrato ng aming grupo.
Makikita na ang pabatid ay gumagamit ng wikang Bisaya o Cebuano, sa pamamagitan ng
paggamit ng wika ng pamayanan mas madaling nauunawaan ng kabisayaan ang inilalahad na
impormasyon ukol sa Covid-19. Nagpapatunay lamang na ang paggamit ng wikang Filipino sa
mga pabatid sa iba’t ibang lugar ay nagiging mabisa sa paglalahad ng impormasyon ukol sa
mga kasalukuyang lumalaganap na sakit sa ating bansa at kung paano ito maiiwasan.

You might also like