You are on page 1of 2

Eryl Joseph Aspera 11 STEM - Teal KPWKP: Editoryal tungkol sa Wika

Bayanihan para sa Wikang Pambansa

Tinawag na Filipino ang wikang opisyal ng mga Pilipino sa panahon ni


Pangulong Cory Aquino. Ayon sa Saligang Batas ng 1986 ito ay dapat payabungin at
pagyamanin salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Sa
kasalukuyan, kasabay ng pag-unlad at pag-abanse ng teknolohiya ay siya ring pagbaba
ng bilang ng mga Pilipinong marunong magsalita at sumulat ng wikang pambansa.
Ayon sa Inquirer (2021), noong 2014 nasa 37.8% lamang ang nagsasalita ng wikang
Filipino ngunit ngayong 2021, mas lalong bumaba ito sa 25.55%.
Isa sa mga kadahilanan ng malaking pagbaba ng porsyento ay ang pagbigay diin
ng mga Pilipino sa wikang Ingles dulot ng colonial mentality. Bukod dito, mayroon bang
iba pang dahilan ang pagbaba ng literasiya ng mga mamamayan sa wikang Filipino?
Paano kaya makatutulong ang paggamit ng telebisyon, dyaryo, radyo, Internet at social
media upang mapaunlad ang karunungan ng mga Pilipino sa wikang pambansa?
Maraming mga Pilipino ang hindi marunong magsalita o magsulat ng wikang
Filipino unang-una dahil sa kahirapan. Mas pinipili ng karamihan na maghanap ng
perang pambili ng pagkain para sa kumakalam na sikmura ng pamilya kesa sa mag-
aral. Dagdag pa, isa rin sa maraming rason ay ang kulang na pasilidad para sa
edukasyon dahil nakakligtaan ito ng gobyerno. Dahil dito, marami ang walang access
sa edukasyon upang matuto.
Makatutulong sa pagpapunlad ng wikang Filipino ang pagturo sa mga hindi
marunong nito. Ngunit, paano? Pwedeng gamitin ang social media upang magbahagi
ng mga makabuluhang impormasyon tungkol sa wikang Filipino na nasa internet at mga
video na nagtuturo sa mga nanonood. Ito ay mabisang paraan dahil kahit na ang iba ay
hindi marunong magsalita ng Filipino, sila ay marunong namang gumamit ng social
media sa pamamagitan ng mobile phones.
Ang paggawa rin ng content tungkol sa wika at bakit kailangang pahalagahan at
paunlarin ng mga Pilipino ay nakakahikayat sa mga tao upang pagtuunan ng pansin
ang wikang Filipino. Maaari ding gumawa ng mga teleserye o mga pelikula ang mga tv
station tungkol sa ating kasaysayan tulad ng Heneral Luna at Goyo at ipalabas ito sa
mga telebisyon. Bukod sa mga palabas, maari ring gumawa ang mga istasyon ng radyo
ng mga drama na ang pundasyon ay ang wikang Filipino.
Ang pakikinig sa mga lokal na musika at mga himig na gawang Pinoy sa tulong
ng mga plataporma tulad ng Youtube, PureTuber at Tiktok ay isang mabisang paraan
upang dagdagan ang kamalayan ng mga tao lalo na ng mga kabataan. Dagdag pa,
nakasanayan na ng mga tradisyonal at makalumang Pilipino ang pagbabasa ng
telegrama at dyaryo. Kung kaya’t pwedeng pumasa ng mga artikulong nakabase at
gamit ang wikang Filipino.
Kahit pa man unti-unting namamatay ang wikang Filipino hindi pa huli ang lahat.
Marami pa ang pwedeng gawin ang mga Pilipino upang mapaunlad ang ating wika. Ito’y
sa pamamagitan ng pagsubaybay sa telebisyon at radyo, pagbabasa ng dyaryo at mga
artikulo na makikita online, at paggamit ng internet at social media bilang daluyan ng
mga makabuluhang impormasyon. At panghuli, umpisahan sa sarili, pagsikaping aralin
at mahalin ang wikang Filipino. Dahil wala nang iba pang makatutulong sa mga Pilipino
na magkaroon ng kamalayan ang lahat tungkol sa wikang pambansa kundi mismong
mga Pilipino rin.

You might also like