You are on page 1of 2

Wika: Kasangkapan sa Tunay na Pagkakaisa at Kapayapaan.

Wika, ito ang pinakamahalagang bahagi sa ating buhay araw-araw. Ito ang dahilan kung
bakit tayo ay nagkakaintindihan, nag-uusap, o gumagawa ng iba’t-ibang ugnayan. Sa
katotohanan, ang wika ay hindi lamang ginagamit sa pag-kokomunikasyon. Nakapaloob din dito
ang kultura ng bawat lipunan, kabilang na ang relihiyon, musika, at sining. Gayunpaman, ito din
ang pagkakailanlan ng isang bansa/lugar at higit sa lahat ito ang nagbububuklod sa lahat ng
mamamayan. Bakit? Dahil para sa akin ang mga salita na ating binibigkas ang nagdudugtung
sa bawat tao dito sa mundo.
Sa ating bansa, mahigit-kumulang mayroon tayong walong pangunahing dayalekto.
Tagalog, Bikolano, Illongo, Kapampangan, Pangasinan, Waray, Cebuano, Ilokano, at iba pa.
Ang mga wikang ito ang kumakatawan ng bahagi sa kung saan galing ang ating mga ninuno, at
kung sino man tayo ngayon. Kung wala ang mga wikang ito, ang mga kaalaman na nalalaman
natin ngayon ay hindi din posible, kabilang na dito ang pagkakaisa natin at ang ating
kapayapaan. Alam naman natin na isa sa mga importansya ng wika ay para tayo ay
magkaintindihan. Sa kahulugang ito mababatid na natin kung bakit ang Wika ay Kasangkapan
sa tunay na Pagkakaisa at Kapayapaan. Isipin natin ang panahon na hindi pa naiimbento ang
wika, ibig sabihin mahirap makipag-usap sa bawat tao o ipahayag ang ating nararamdaman o
iniisip, at maghahantong lang ito sa hindi pagkakaunawaan. Dahil dito, ang mga tao noon ay
nakalikha ng isang masistemang ideya ng pagkokomunikasyon at tinawag na Wika o Lingwahe.
Masasalamin natin na kahit wala pang wika, ang ating hangarin sa pagkamit ng pagkakaisa at
kapayapaan ay nagliliyab. Ika nga’y ang pangangailangan ay ina ng imbensyon.
Sa ating bansa na Pilipinas, marami nang nangyari na pinagtibay tayo gamit ang ating
wikang Filipino. Sa kasaysayan natin, tayo ay sinakop ng iba’t ibang dayuhan. Espanyol na
sinakop tayo ng tatlong daan at tatlong pu’t tatlo. Dahil dito maraming Pilipino ang nagalit,
sapagka’t tayo ay pinahirapan, inabuso, at minaltrato bilang alipin. Gayunman, sa panahon ng
sakuna at kawalan ng pag-asa, tayo ay nagkakaisa sa pamamagitan ng ating wika, patunay na
ang mga aklat ni Dr. Jose Rizal na nag udyok sa mga Pilipino na simulan ang Rebolusyong
Pilipino na lalong pinatibay ang pundasyon ng ating Wikain at mas lalong pinatingkad ang ating
pagka-Pilipino. At higit sa lahat ang wika ay siyang nagbubuklod sa lahat ng tao, tulad sa
kasabihan na ang Wika ay isang kasangkapan sa tunay na Pagkakaisa at Kapayapaan
Paksa: Para sa makabagong kabataan

Para sa kapwa kong Makabagong Kabataan,

Iminumungkahe ko ang aking saloobin na dinadamdam ng aking puso’t isipan, para sa


mga kapwa kong Pilipino pati narin sa mga Makabagong Kabataan. Isinulat ko ang liham na ito
dahil sa katotohanan na marami ng kabataan na humihinto sa pag-aaral dahil sa kahirapan.
Alam naman natin na isa lang ang ating inaasam para sa ating buhay, and umunlad para
mamuhay ng matiwasay nang sa gayon ay tayo ay maka-ahon sa buhay.

Maraming mga hamon sa buhay na kailanma’y hinding mawawala. Isa sa mga


pangunahing hamon na ating hinaharap ay ang kahirapan. Ito ay isa sa mga dahilan na
nagdudulot ng mahinang pag-unlad ng isang bansa, katulad sa bansang Pilipinas. Masasalamin
natin ang mga na-iisip ng bawat Kabataan na kapag ika’y mahirap, wala kanang patutunguhan.
Para sa kaalaman ng bawat isa, hindi lahat ng umunlad sa buhay ay mayaman, kadalasan sa
kanila ay pinanganak ng mahirap. Hindi rason o hadlang ang pagiging mahirap sa pagkamit ng
ating pangarap, dapat tayo ay matutong tumayo sa sarili nating paa, at magkaroon ng diskarte
sa buhay, sipag, tiyaga, at dedikasyon sa ating ginagawa para tayo ay umunlad. Sabi nga ng
matagumpay na billionaire sa mundo na si Bill Gates, “Kapag pinanganak ka na mahirap, hindi
mo ito kasalanan, pero kapag sinayang mo ang buhay mo at ikaw ay namatay, kasalanan mona
ito”.

Naghahangad ako na marami pang mga tao ang patuloy na magbibigay ng inspirasyon
sa mga kabataan ngayon na, mangarap at maniwala na mayroon pang pag-asa at hindi pa huli
ang lahat. Gayon pa man mas mainam na makamit ang pagkakaisa hindi lang para sap era at
sa kung ano pang mga luho natin, kundi para sa tunay nap ag-unlad at pag-ahon ng bawat
indibidwal.

You might also like