You are on page 1of 6

Baldicantos, Jelaika C PAN154 – A2

2021-1236 November 1, 2023

“Lunas sa mga Pinsalang Nakaraan”

Sa buhay ng tao, ang gamot ay mahalaga,

Sa kalusugan at buhay, ito'y pangunahing tala.

Araw-araw, sa bawat pagbangon,

Nais nating maging malusog, upang makaahon.

Ako’y may sakit sa paa,

Iniinda noong ako’y bata pa,

Hindi inalintana ang sakit noong una

Huwag intindihin at sakit ay mawawala na

Umiiyak gabi-gabi

Hindi alam kung ano ang gagawin sa binti

Wala si nanay at tatay, upang patahanin ako

Nag aalimpuyo ang dibdib sa pagkabigo

Gigising na may iniindang sakit

Hindi alam ang gagawin, napapatanong nalang ng bakit?

Walang mapagsabihan sa sakit at problema

Dahil malayo nga ang pamilya

Ang hirap pala kung wala sila

Hindi naiintindihan ni lolo at lola

Pati na si tiya, walang ibang inatupag kundi magdada


Paano na ang sakit na aking iniinda?

Humihingi pa rin ng solusyon,

Pero ang naririnig ko ay puro suhestyon

Masahiin ang binti, baka may bali

Hinilot hilot, ngunit walang nangyayari

Gusto ko na umuwi at makita ang gamot,

Ayaw ko na bumalik sa manghihilot

Nagiging tingin sa akin ay isang krus sa balikat,

Alilang-kanin sa kamay ng mga taong angat

Kumukulo ang tiyan sa tantyang pagkain

Matigas pa sa riles ang aking tiyahin

Nahihiyang humingi ng pagkain pangdagdag

Kahit marami pa ang pagkain sa hapag

May gamot din ba sa mahapding tiyan?

Lumipas nalang ang tatlong araw, hindi pa rin naaagapan

Alon ng pagnanasa na maibsan ang dinanadama

Anong gamot ba ang hahanapin pa?

Sa kakaunti kong buhay, buto’t balat pa,

Sa labanang ito, mukhang ako ang nasumpa

Ngunit sa pusong aking dala, lakas ay taglay

Kahit masakitin, lalaban sa buhay


Sakit na iniinda, binalewalang bahala

Lumipas ang mga taon, ako’y nakawala,

Sa hawlang walang hangin ng kalayaan

Korona ng tagumapay mapagsisiskapan

Halakhak ng kasiyahan ang aking nakita,

Nasilayan ang mga ngiti ng makita ang kanilang dalagita

Sa kabila ng kadiliman na nadarama

Mga bituin sa dilim, nagpapahiwatig ng pag-asa

Ito na ba ang gamot sa sakit na iniinda?

Ang paglaya sa mga taong may nunal sa dila?

Damdaming binibingit sa mga tanong ng utak

Ano pa ba ang kailangan upang makalipad ang pakpak?

Kulang pa ba ang tahanang puno ng tawa’t sigla?

Pamilyang nagbibigay ng liwanag bawat umaga

Pag-ibig at pag-aalaga naibibigay nila

Walang labis at walang kulang na pag-aaruga

Pero bakit hinahanap ko pa rin ang lunas?

Sa madilim na gabi, naghahap pa rin sa tamang landas

Ang bawat yakap at halik na dala ng pagmamahal,

Tila’y may bahid ng lihim na dumudunghal

Pababayaan ko rin ba, katulad noong una?


Sakit na iniinda ipagbabawalang bahala

Basta’t masaya kahit may kulang pa

Magiging kontento sa kung ano ang nakikita ng mata

Nabigyan lunas ang sakit sa paa

Ipinacheck up nila ama’t ina

May inborn rayuma na iniinda

Nasagot na ba ang sakit at problema?

Ngunit mayroon pa ring pagtataka

Gamot na hinahanap nakita ko na ba talaga?

Ano pa ang kulang, ngayong natunton na ang kinakailangan

Malinaw na mabibigyan ng magandang kinabukasan

Nailipat na ang kapalaran sa palad

Ngunit hindi madiktahan ang sarili na umunlad

Nakadepende pa rin at sunudsunuran

Hindi mawala ang mentalidad ng batang kumukulo ang tiyan

Natatakot na magkamali, baka’y kanilang iwanan

Ibabalik sa buhay na mahahalintulad sa kulungan

Bawat kilos ay tantyado at hindi makagalaw

Naiipit pa rin sa loob ng bangungot, hindi marinig ang sigaw

Ano pa ba ang hindi ko nariringgan

May batang umiiyak sa kaloob-looban

Walang saplot at kumakalog ang baba,

Ang puso ko ay hindi mapakali at puno ng pangamba


Ikaw ba ay ako? at ako ay ikaw?

Paghihinagpis sa mga mata mo ay nangingibabaw

Bata, luha mo’y walang humpay

Ano ang dahilan ng iyong ingay?

Ang puso ko pala ang naglilihim

Namumuo ang mga sakit na ipinasailalim

Ang ibinaon sa hukay ay nahalungkat

Malalim na sakit na pasanpasan ng batang payat

Paano maiibsan ang sakit na iyong nadarama?

Kasama mo naman ang iyong pamilya

Ano pa ang iyong hinahanap sa buhay

Sa gubat na puno ng katanungan, ikaw ay naglalakbay

Akala ko ba ay nakalaya ka na sa kadiliman?

Palaging bumabalik at napapanaginipan

Ikaw ay malaya na at maari ng kumawala

Sa hawlang sarili ko lang ang may gawa

Kahit anong pilit mang gamutin ang sakit

Hindi ko na maibaibalik sa dati, ngayong puno na ng pait

Mahanap ko man ang gamot

Sa kagubatan ng pasakit, ako’y habang buhay na mag-iikot

You might also like