You are on page 1of 1

REBOLUSYON LABAN SA KAHIRAPAN

Minsan sa isang umaga, ididilat mo ng iyong mga mata


Magtatagal ng muta, mararamdaman ang sikmura
Sikmurang walang laman dahil hindi maiwasan
Takasan ang kahirapan na minana pa sa mga magulang

Paano ka matutuwa na salubungin ang umaga,


Kung bawat araw poproblemahin mo ng isusubo mo sa iyong bunganga
Bawat putahe naisip mo na, mapa-adobo, sinigang o kaldereta
Ngunit sa isang iglap lang ikay’ malulungot, pagkapkap mo sa iyong bulsa
Wala ka na palang pera

Sabi nila edukasyon ang susi upang makaahon sa kahirapan


Ngunit bakit kahit magkanda-kuba na ako, umuwi mang pawisan
Mabaho pa sa imburnal, ang perang kinita sa mag-araw
Hindi parin kasya para mga pangangailan ng pamilya ko’y matustusan

Muntik na kong sumuko, kamay koy tumiklop


Tuhod ko’y lumapat sa sahig at ako’y napaluhod
Ipinikit ko ang aking mga, at akoy nagsimulang magdasal
Humiling sa Diyos ng tulong, at ibinigay sa akin ang Team Quiambao Sabangan

Mga proyektong pangkabuhayan itinuro sa mga mamamayan,


Mga trabaho umusbong at mga tao’y natulungan
Mga batang dati’y nangangarap lamang makapag-aral ngayona ay iskolar na ng bayan
Mga pangarap dating mistulang panaginip lamang, ngayo’y posible ng maisakatuparan

Bawat bituin ngayon sa kalangitan ay abot na ng kamay


Mga sikmurang dati’y nagugutom ngayon ay meron ng laman
Mga magulang sa tahanan ngayon ay meron ng pangakabuhayan
Pasalamat nalang tayo na ang Team Quiambao-Sabangan ay nagrebolusyon laban sa kahirapan

You might also like