You are on page 1of 1

PAGSUBOK

Ang ating buhay ay isang libro, maraming pahina at sa bawat pahina na ito ay hindi
nawawala ang problema. Ito ang nagbibigay ng “thrill” sa bawat kwento para hindi maging boring,
para mas tangkilikin at mas maging malaman. Kung ang libro ay walang mga problema na
kinakaharap para saan pa’t binabasa ito? Para saan pa na may isang libro?

Hindi lingid sa ating lahat na sa bawat araw na gumigising tayo ay panibagong problema ang
ating kakaharapin. Mga problema na sumusubok sa ating pasensya at determinasyon pero sa likod
ng mga ito buong puso pa din tayong lumalaban. Aminado ako na mahirap, lalong lalo na kung
pamilya na ang pinag-uusapan. Hindi naman nawawala ang mga problema na may kinalaman sa
pamilya, mga hiwalay ang magulang na minsa ay nagre-resulta sa pagrerebelde ng mga anak, minsan
naman ay kawalan ng pera na nagreresulta sa hindi pagtatapos ng pag-aaral o di kaya ay hindi
pagkakaroon ng isang maayos na bahay. Sa ngayon, mas namumutawi ang mga problema na ating
hinaharap sa pag-aaral, may mga hindi na kinakaya at tumitigil na lamang, ang mas masahol pa ay
pinipiling tapusin ang buhay dahil sa depresyon ay halo-halong sakit na nadarama. Madaming
madidilim na pangyayari na akala anatin ay wala na tayong masasandalan, wala na tayong maasahan
at hindi na tayo makakaahon mula sa kalugmukan pero mali, hindi. May pag-asa pa, may solusyon
pa, ano, hanggat humihinga tayo may dahilan para lumaban. Magpasalamat tayo na sa dami ng mga
taong nasa peligro ang buhay tayo ang isa sa piniling lumaban ng buo at walang kapansanan.
Manalangin ka at sabayan mo ng gawa.

Isang daan na makipot ang ating buhay, makipot, pasikot-sikot, pataas, pababa, minsan ay
maputik, minsan ay mabato, minsan ay sementado pero ang importante sa lahat ay umuusad ka sa
bawat daan na tinatahak mo. Marahil ay mahirap, sobrang pawis, pago at pag-iyak, ngunit kapag
lahat ng ito ay nalampasan mo, sobra pa sa salitang saya at pasasalamat ang mararamdaman mo.
Laban lang, isipin mo na lang na isang roller coaster ang problema na sa kasadsadan ng pag-ikot nito
ay titigil din ito dahil hangganan ang lahat.

You might also like