You are on page 1of 2

Pagsaludo’y Sayo

Ni Abegail Teodoro

Sa mga unang hakbang noong ako’y musmos pa,

Natuto akong humakbang ng walang takot at pangamba

Habang hawak ko ng mahigpit ang iyong mga daliri’y,

Paulit ulit mang nadadapa, lakas mo’y nakaalalay upang ako’y bumangong muli

Tunay ngang maituturing, repleksiyon mo ang Ama sa itaas,

Nabigkis ng pag-ibig na pinagmumulan ng iyong lakas,

Dahil katulad Niya, bago ako mahulog ay handa mong saluhin

At sa bawat pagkakadapa nama’y handa mong paulit-ulit na bangunin

Sa aking pagtanda’y pagiging matatag ang iminarka mo sa aking isipan

Sa puso ko, tinuro mo ang kahalagahan ng kabutihan

Naging modelo ng katapatan at paninindigan

Kaya nga ang bansag sayo’y “Haligi ng Tahanan”

Ngayong ako’y dina musmos

Minsa’y hinahayaan mo ring madapa

At itinuturo mong ako’y matutong tumayo sa sariling paa,

Bitbit ang lakas na mula sa May likha, bunga ng matibay na pananampalataya

Pawis at pagod ay di mo inaalintana

Matugunan lamang ang pangangailangan ng iyong pamilya

Ikaw ang sandingan at matapang na nanguguna


Sa nabuong tahanang matatag at masaya

Tunay ngang ang iyong papel ay hindi biro

Dahil buong loob ang iyong pagsasakripisyo,

Maprotektahan lamang ang Pamilya mo

O dakilang ama na bigay ng Maykapal, saludo ako sayo!

You might also like