You are on page 1of 3

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY

The National Center for Teachers Education


The Indigenous People Education Hub
North Luzon

Lathalain

Ipinasa ni:

Abegail G. Teodoro

OBTEC NL-3

Ipinasa kay:

G. John Furuc

Ang Iisang Kwento sa Magkaibang Mundo

Sa sistema ng edukasyon sa ating bansa, patuloy paring dumadaloy isang nakalulungkot

na kwento sa magkaibang mundo ng mga bumubuong nayon at lungsod dito. Ano nga ba ang

nakalulungkot na kwentong namamayani rito?

Masyadong siksikang silid aralan. Walang maayos na bentilador. Hindi na matutukanng

maayos ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa sobrang dami. Ilan lamang ito sa

magpapasimula ng kwento sa mundo ng mga pampublikong paaralan sa mga ilang lungsod sa

ating bansa.

Naiiba naman ang mundo pagdating sa mga malalayong lugar sa bansa. Naririyan ang

mga estudyante na maraming oras ang ginugugol sa paglalakad ng ilang milyang layo

makarating lang sa paaralan. Mas malala pa sa iba, dahil tumatawid pa sa ilog at peligro ang

inaabot tuwing umuulan dahil sa rumaragasang baha. Mayroon ding dagat pa ang nilalangoy.
Ganito kahirap ang dinaranas nila para lang makapagtapos sa elementarya at high school. Kung

mahina-hina ang loob ay napipilitan na lang silang tumigil.

Sa kabilang dako, sumungit sa kwento ang isang senaryo, ito ang kasalukuyan ng

iniimplementang programa ng pamahalaan, ang K+12. Ito ay ang pagdaragdag ng taon sa Basic

Education ng bansa. Sa programang ito ay hindi na tatanggapin sa unang grado ang batang hindi

nag-kinder bilang unang hakbang sa pagpapatupad nito. At ang isa pa ay ang dalawang taong

dagdag sa high school na ibig sabihin ay magkakaroon ng tinatawag na Senior High. Sa loob ng

dalawang taon sa Senior High ay maaaring mamili ang isang estudyante ng kanyang

espesyalisasyon na Technical/Vocational course o isport at iba pang pagpipilian. Sinasabing ito

ang senaryong magwawakas sa nakalulungkot na kwento dahil ito ay naglalayong mapataas ang

kalidad ng edukasyon ng bansa. Ang Pilipinas na lang kasi ang bukod tanging bansa sa Asya ang

may pinakamababang bilang ng taon sa Basic Education. Suportado ang programang ito ng ilang

sektor tulad ng mga nasa negosyo. Sa ganitong paraan diumano ay maari ng makapagtrabaho ang

mga Pilipino kahit high school lang ang tinapos.

Ngunit tila isa itong mas magpapalugmok sa protagonista sa kwento (ang mamamayang

Pilipino). Napakaganda ng layunin nito pero tulad ng ibang programa ay hindi naman naaangkop

ang pagpapatupad nito. Bakit kaya hindi muna unahin ang mga kasalukuyang pagkukulang ng

pamahalaan sa kasalukuyang suliranin. Kumpletuhin ang mga kulang na silid paaralan.

Magbigay ng mga aklat na tama ang nilalamang impormasyon. Magdagdag pa ng mga guro at

dagdagan ang kanilang sahod at benipisyo. Hindi dapat gumaya ang Pilipinas sa ibang bansa na

dinagdagan ang bilang ng taon sa pag-aaral upang tumaas lang ang kalidad ng edukasyon. Hindi

nasusukat sa dami ng taong pinasok sa eskwelahan ang katalinuhan ng tao.


Kung dadagdagan ng taon ang pag-aaral ay mawawakasan ba nito ang nakalulungkot na

kwento? Kahit sabihin pang libre ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay gumagastos

pa rin ang mga magulang sa mga pang-araw-araw na baon ng mga bata. Ibig sabihin nito ang

karagdagang taon ay panibagong dalawang taon din ang dagdag pahirap sa mga magulang. Ang

sinasabing para makapagtrabaho na kahit high school lang ang tinapos ay hindi rin totoo. Sa

kasalukuyan, kahit may mga tinapos sa kolehiyo ay hirap makahanap ng trabaho. Karamihan dito

ay mga nagsipagtapos ng Nursing.

Mas mainam kung subukan nalang baguhin ng pamahalaan ang sinasabing magwawakas

sa masalimuot na kwento, ang kwento ng di matapos tapos na kahirapan dahil sa di

mapagandang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Pag-isipan sana ng Gobyerno ang

magkaroon ng mas angkop na sulosyon upang tuluyan ng mawakasan ang nakalulungkot na

kwento ng isang masaya at progresibong kalagayan ng bida sa kwentong ito..

You might also like