You are on page 1of 1

Pamilya

O kay Dakila talaga ng Dyos na gumawa ng buhay


Ang aking amat ina na nagbigay ng magandang buhay at sumabaybay
Naghirap at nagtiis upang kaginhawaay maialay
Simula nang akoy isilang hanggang sa magkamalay
Ang aking ina ang syang ilaw,
Tanging takbuhan ko kapag nadidiliman dahil sa labis na kalungkutan
At sa lahat ng mga katanungan sa aking isipan
Tanging sya lamang ang nakapagbibigay kasagutan
Ang aking ama ang syang haligi,
Na nagsilbing tagahubog habang akoy lumalaki
At nagtatangol sakin sa tuwing akoy mahina at api
Na ang lakas niyay namumukod tangi
Sina kuya at ate ay kaibigan ko rin
Kasa-kasama sa kwentuhan at kalokohan
Kahit na minsay nagkakabiruan
Alam ko na hindi nila ako sasaktan kailanman
Saan man tumingin ang aking mata
Saan man mapadpad ang aking mga paa
Alam kong laging nariyan si amat ina
Kasama pa sina ate at kuya
Ang gabay ay handa nilang ibigay
Pagmamahal na lubos ang sa kanilay kayang kong ibigay
Na humihiling sa Diyos na kamiy pagpalain pang lubos
Upang kami ay magkaroon ng masaya at magandang buhay na taos.

You might also like