You are on page 1of 1

PARA KAY NANAY

“Para Kay Nanay” Sa unang tingin palang ito na agad ang nagpa antig sa puso ko. Maganda ang
pagkakagawa dahil kuhang kuha nya ang kulay na para sa mga babae. Napili ko itong art na to dahil
nakakarelate ako sa gustong iparating ng artist. Galing ako sa isang broken family at ang tanging
nanay at lola ko lang ang nag taguyod sakin. Sobrang hanga ako sa tapang at malasakit ng nanay ko
dahil sinalo nya lahat ng responsibilidad mag isa binigyan nya ako ng maayos na buhay pinalaki nya
ako ng maayos kahit na siya lang mag isa. Naging ama at ina siya kaya ngayon “Para kay nanay”
gagawin ko ang lahat para masuklian ang pag sasakripisyo nya para lang mabigyan ako ng
Magandang buhay. Alam ko na hindi lang ako nakakaranas ng gantong sitwasyon sa buhay at
madami pang iba ang wala ng tatay sa ibat ibang dahilan kagaya ng hiniwalayan, iniwan o namatay.
Kaya to all single parents dyan hanga at saludo kami sa inyo dahil kahit nag iisa lang kayo nagagawa
nyo parin ng paraan para mabigyan ng Magandang buhay ang inyong mga anak. Lahat ginagawa nyo
kahit minsan wala ng natitira sa inyo dahil ang palaging nasa isip nyo lang ay ang inyong anak.
Minsan hindi ako makapaniwala na kayang gawin lahat yun ng isang babae. Yung hindi nila
kailangan ng lalaki para lang makapag provide sa kanilang anak o pamilya. Kaya as a lalaki
naiitindihan ko yung hirap ng mga babae dahil may magulang ako na babae na nag taguyod sakin
mag isa. Kaya palagi kong pinipili na mas maging mabuting tao dahil wala naman bayad iyon. Kaya
nanay dadarating din ang araw na mas giginhawa na dahil masusuklian kona lahat ng pag hihirap
nyo lahat ng mga sakripisyo nyo maraming salamat po nanay dahil andyan po kayo palagi para sa
akin.

You might also like