You are on page 1of 2

Laruan ni Tatay

Nagraratratang huni ng baril at tunog ng espada na walang tigil na umaalingawngaw ang parati
kong naririnig araw-araw. Gulong hindi natatapos at tuwinang naghahasik ng lagim. Ako’y isang musmos
pa lamang na nangangarap na matapos ang kaguluhang laganap sa bayan ko.

Maaga akong nagising sapagkat alam na alam ko na tatakasan na naman ako ng aking tatay
papunta sa kanilang kampo. Paglabas ko palang sa aking silid naaninag ko ang lungkot sa mukha ng aking
nanay na tila ba naiiyak sa paglisan ni tatay.

“Tay huwag ka ng umalis parang awa mo na baka mapahamak ka doon.” naiiyak na sabi ko sa
kaniya.

“Anak huwag kang mag-alala kaya ito ni tatay at hinding-hindi ako papabayaan ng Panginoong
Diyos tiwala lang tayo anak.” Mangiyak-ngiyak na saad niya sa akin.

“Tay mag-iingat ka doon, puksain mo ang gulong ito para magkaroon na tayo ng payapang
pamumuhay.” Malumanay na hiling ko sa kaniya.

“Anak, ito ang laruan na ibinigay pa sa akin ng lolo mo noong ako’y bata pa. Sundalong laruan
dahil ito ang gusto niya para sa akin, maging isang sundalo balang araw sapagkat nais niya na maging
bahagi ako sa pagkamit ng kapayapaan ng ating pinakamamahal na bayan. Kaya anak ipinagkakaloob ko
na sa iyo ito sa kadahilanang alam kong gusto mong maging katulad ko, kung hindi ko matatapos ang
gulong ito ikaw sana ang tutulong sa akin para wakasan na ito.” sabi ni tatay.

Sa sinabing iyon sa akin ni tatay hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa aking mga
mata. Gusto kong pigilan ang pag-alis ni tatay ngunit ako’y nagdalawang isip dahil dama ko na buong-
buo ang desisyon niya na tataposin niya ang sigalot ng aming bayan.

“Anak ingatan mo ang laruang ito, at kapag naaalala mo ako titigan mo lang ang laruang sundalo
na ito sapagkat magkawangis kami.

“Salamat tatay talagang aalagaan ko ito at hinding- hindi ko ito sisirain sapagkat matagal na
naman tayong hindi magkikita at sana sa pagbalik mo ay tapos na ang suliraning ito.” Umiiyak na sabi ko
sa kaniya.

Hindi ko mapigilang umiyak sa lungkot at hinagpis. Masasabik na naman ako sa kaniya sa


kaniyang mga pagpapatawa at pag-aalaga sa akin. Nag-uunahan ang aking mga luha habang
humahakbang si tatay palayo sa aming tahanan. Maging ang aking nanay ay hindi rin mapigilan ang pag-
iyak dahil susugal si tatay ng buhay para sa kapayapaan ng aming bayan.

Sa aking kalungkutan ang laruan na binigay sa akin ni tatay ang siyang pumapawi sa aking
lumbay.

“Anak tahan na sa pag-iyak manalangin na lamang tayo sa Diyos para gabayan niya ang iyong
ama at para ilayo siya sa kapahamakan. “Alo sa akin ng aking nanay.

Habang naghuhugas ang aking nanay ng aming pinagkainan aksidente niyang nahulog ang
pinggan na pinagkainan ni tatay. Kinakabahan ang aking nanay na tila ba may mangyayaring hindi
kanais-nais. Habang nanginginig sa takot ang aking nanay tumunog ang aming telepono.

“Kayo po ba ang pamilya ng kasamahan naming sundalo? Paumanhin po sa balita pero ang
inyong asawa ay patay na, nabaril siya ng aming mga kalaban. Sinubukan namin siyang dalhin sa hospital
ngunit hindi na siya umabot.”Sabi ng kausap ni nanay sa telepono.
Nang malaman namin iyon parang magugunaw na ang mundo ko, hindi ko alam kung ano ang
mararamdaman ko dahil sa isang iglap nakitil na ang buhay ng aking tatay. Niyakap ko nang pagkahigpit-
higpit ang laruan na kaniyang ibinigay sa akin, laruan na siya na lamang niyang ala-ala sa akin.

Sa pagkakataong iyon naalala ko ang kaniyang sinabi na kung hindi niya matatapos ang gulong
ito ako ang tatapos. Mag-aaral ako nang mabuti at gagawin ko ang laruan na binigay niya bilang
inspirasyon ko.

Pagkalipas ng mahabang panahon ako’y nagtapos bilang isang sundalo pero ramdam ko pa rin
ang sakit na iniwan sa amin ni tatay. Sakit na hindi malulunasan ng kahit anong klaseng gamot.
Hanggang ngayon, buhay pa rin ang laruan na binigay niya sa akin. Laruan kung saan doon ko siya
nakikita at nakakausap. Ngayon ako’y handa na upang ipinid ang gulo na laganap sa aking bayan at
handa na akong tuparin ang ipinangako ko sa aking tatay.

“Nay handa na ako para sa labanan namin at alam kong kaunti na lang makakamit na rin natin
ang inaasam nating kapayapaan ng ating bayan.” Sabi ko sa aking nanay.

“Nak mag-iingat ka, at sana matupad mo na ang iyong pangako.”

Nanalangin muna kami ni nanay bago ako umalis sa aming tahanan. Dinala ko din ang laruan na
ibinigay sa akin ni tatay bilang motibasyon sa aking gagawing pakikipaglaban.

Dumako na ako sa aming kuta at tila may naramdaman akong kakaiba, parang may sumusunod
sa aking mga yapak. Ako’y walang ibang dalang armas maliban sa aking laruan. Ako’y nagulat ng sa aking
likuran ay may nakatutok na baril. Ako’y hindi natakot. Inilabas ko ang aking laruan at ipinakita ko ito sa
kanila.

“Ang laruang ito lamang ang iniwang ala-ala sa akin ng aking tatay, ibinigay niya sa akin ito bago
niyo siya paslangin. Hindi niyo alam ang sakit ng mawalan ng ama. Gusto kong matapos ang hidwaang
ito sapagkat kami rin ay nahihirapan na. Alam kong wala akong kalaban-laban sa inyo sa pagkat baril at
espada ang gamit ninyo, samantalang ako ay walang kalaban-laban na laruan.” saad ko habang umiiyak.

Sa sinabi kong iyon umalis ang mga rebelde na kalaban namin at hindi ko alam kung ano ang
gagawin nila. Kung itutuloy ba nila ang labanan o hahayaan na lang kami na makamtan ang aming
inaasam na kapayapaan.

Gumising ako ng maaga at tila himala napakapayapa ng aming kapaligiran at walang huni ng
baril ang umalingawngaw. Kapayapaan na ba ang kahulugan nito? Tanong ko sa aking sarili. Sumikat na
ang araw at wala pa ding ingay ang aking narinig tuluyan ngang nakamtan na namin ang matamis na
kapayapaan. Kapayapaaang nakamtan gamit ang laruan ni tatay.

You might also like