You are on page 1of 117

Amygdala's End

Amygdala's End

Naranasan kong mabuhay nang normal. Pinalaki ng mga itinuring kong normal na mga
magulang. Nagkaroon ng mga kapatid. Lumaki sa iba't-ibang lugar na ang tanging
dahilan lamang ng paglipat ay mga simpleng problema ng pamilya.
Ngunit dumating ang panahon na ipinakita sa akin ang tunay na mukha ng katotohanan.
Na ikinukubli ng kanilang mga ngiti ang malalaking kasinungalingan.
Hindi ako normal. Ang iniisip kong normal na mga magulang ay kabilang pala sa
samahan ng mga delikadong tao. Magnanakaw ang itinuring kong ama, manunubos naman
ang nakalakihan kong ina. Wala akong mga tunay na kapatid maliban sa isang kahati
ng aking pagkatao. At ang simpleng problema ng pamilya'y may kaugnayan na pala sa
problema sa iba't-ibang bahagi ng mundo.
Nagbago na ang lahat.
Nagbago na ako.
Nagbago na ang mundong iniikutan ko.
At ngayon... oras na upang muling simulan ang nais tapusin ng itinuring kong mga
magulang.
Sa mundong bubuksan ko, makikita nila kung ano ang laman ng isipan ng mga gaya kong
hindi-ordinaryong tao.
Isa lang naman ang nais kong malaman: kung sa imortal ba na gaya ko ay posible ang
salitang hangganan.
_____________________________________________

Prologue

PROLOGUE
Pinipigilan ko ang pagngiti ko habang nakatingin sa sinasabing Boss nitong Jaegar
Underground. Wala akong pakialam kung nanggagalaiti siya sa inis dahil sa ginawa
kong pag-alis sa grupo niya. Hindi niya ako kilala-- hindi niya kilala si ARJO.
"Akala ko ba wala na ako sa grupo, ha?" mapanghamon kong tanong sa kanya. Tinaasan
ko pa siya ng kilay at nginisihan. He don't know me, bad news for the Jackals.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin kung sino ka talaga?" Pigil ang galit niya nang
sabihin iyon. Trabaho niya o ng mga tao niyang alamin kung sino ang pinapapasok
nila sa loob ng Jaegar kaya hindi ko na kasalanan kung hindi nila alam na pagmamay-
ari ko pala sila.
"Why? May pinagsisisihan ka na ba, Reese?"
Kitang-kita ko ang panggigigil niya na umabot na sa puntong nabasag na niya ang
hawak niyang basong may lamang alak. Saglit akong natawa sa reaksyon niya. Madalas
ko siyang makitang badtrip at wala sa mood, ibang level nga lang ngayon.
"Anyway," pagpapatuloy ko, "tinawagan na ako ni Charles. May kontrata tayo at
marunong akong sumunod sa kasunduan. Lalabanan ko ang alaga ni Lolli sa last fight.
Hindi ko iyon tatakbuhan." Kumunot lang ang noo niya sa sinabi ko.
"Malapit na ang Annual Elimination. Sa tingin mo ba hahayaan ka ng mga Superiors na
lumaban sa isang Death Match, hmm?"
"Hindi nila ako hahayaan, pero wala silang magagawa..." Tumayo na ako sa
kinauupuan ko at nginitian siya. "Amygdala's a super soldier. Kung siya na ang
perpektong player para sa lahat ng mga bidders ng Jaegar, ngayon pa lang sinasabi
ko na sa iyo, maswerte ang susugal sa panig ko."
Naglakad na ako papunta sa pinto ng malaki niyang opisina para kausapin si Xerez na
nakabantay sa labas. Hindi magiging maganda ang susunod na mangyayari kaya
kailangang doblehin ang pag-iingat, mahirap na.
"Arjo, sandali!" Kinuha niya ang braso ko para pigilan ako sa pag-alis. Isang
masamang tingin ang iginanti ko sa kanya. "Hindi mo lalabanan si Amygdala.
Magpapakamatay ka lang!"
"Matagal na akong nagpapakamatay, Reese. Napakatagal na panahon ko nang ginagawa
iyon." Tinabig ko ang kamay niya at nagpatuloy sa paglabas ng opisina niya.
"Arjo!"
Bumungad sa akin si Xerez at nagbigay-galang. "Lady Josephine, kaya kong gawan ng
paraan ang plano mo."
Tuluy-tuloy akong naglakad sa hallway ng Jaegar papunta sa balcony ng fighting
ground. "Hindi mo na kailangan pang gawan ng paraan, Xerez." Tumalon ako at
tumapak sa marmol na railings ng balkonahe. Hinarap ko si Xerez nang nakangiti at
inilipat ang tingin kay Reese na kitang-kita ang pag-aalala sa akin. "I forgot to
say, Reese!" Lalong lumaki ang ngiti ko nang idipa ko ang aking mga kamay sa
hangin. "I'm the rumored immortal fighter. Wish me die tonight!"
Tumalon ako sa hangin pabaliktad at pinanood ko sa hangin ang napakaraming tao na
manonood sa inaabangang Death Match ng Jaegar Tournament.
Umalingawngaw ang napakalakas na hiyawan sa buong arena.
"ARJO! ARJO! ARJO! ARJO!"
Halos dumagundong ang sahig na pinaglapagan ko nang tumapak na ang paa ko sa arena.
Unti-unti akong tumayo nang diretso at isang mapagmataas na tingin ang binigay sa
tinatawag ng lahat na life crusher ng Jaegar-- si Amygdala.
Hindi napakalaki ng katawan niya gaya ng iniisip ko, mukha ngang magkasingkatawan
lang sila ni Mama gaya ng pagkakatanda ko. Para sa iidolohing manlalaro, mukha
siyang sasayaw ng pole dancing sa isang bar. Hindi na nakapagtataka kung bakit
apple of the eye siya ng Jackals dahil ginagawa niyang fighting uniform ang micro
mini shorts at bra. Ang lakas niya makasuot ng pula, may gusto yatang palabasin. If
I know, my purpose ang pagsusuot niya ng napakataas na heels.
"You look cheap," pambungad niya sa akin habang nakapameywang pa.
"At least, I'm not as bitch-looking whore as you are right now." Isang mapang-asar
na ngiti ang binigay ko sa kanya nang biglang sumimangot ang mukha niya dahil sa
sinabi ko.
Mabilis niyang hinugot sa belt niya ang dala niyang latigo. "Prepare to die,
stupid bitch."
"Gusto ko kung paano mo paalalahanan ang sarili mo, Amygdala. Sige, sasabihan ko
rin ang sarili kong maghanda sa kamatayan mo para fair ang suporta. Gusto mo pa ng
cheer ko?"
Hindi ko gustong gamitin ang bagay na ito pero kailangan na. This is a death match
and this fight should be memorable 'coz I'm gonna kill the Jaegar's Queen.
Napansin ko ang pagtahimik ng paligid nang ilabas ko na ang gagamitin kong panlaban
sa pinagmamalaki nilang manlalaro.
Sabay-sabay na bulungan ang nangibabaw sa pandinig ko.
"Natalo niya ang Boss ng Jaegar?"
Lalong sumama ang tingin sa akin ni Amygdala nang makita ang dalawang sai na hawak
ko.
"Wala pang nakakatalo kay Reese," galit niyang sinabi.
Napangisi ako. "Bad news, bitch. Meron na. O? Lalabanan mo ako o makikipag-
tsismisan ka pa?"
_______________________________________________________

01: Revival from Survival


Chapter 1: Revival from Survival

Taon na ang lumipas. Napakaraming taon. Hindi ko na matandaan ang mukha nila.
Siguro, sinadya ko na lang din na hindi sila maalala. Dati, iniisip ko na masaya
siguro ang tumira sa malaking bahay dahil nasanay kami na nakatira sa bahay na
sasapat lang sa aming pamilya.
Tama pala si Papa.
Nakikita ko na ang punto ni Mama.
Napakalaki ng Citadel. Hindi sapat upang libutin nang isang buong araw-- gaya ng
hindi sapat upang paligayahin ako.
Nasa akin na ang halos lahat. Mga kayamanan ni Armida Zordick at Richard Zach.
Gano'n din ang yaman ni Daniel Ash Wolfe. Isama pa ang yaman na natatanggap ng
Order para sa mga Superiors na ako lang mag-isa ang nakikinabang bilang Fuhrer.
Marami akong lugar na pagmamay-ari at mga taong pinasusunod ngunit kulang pa rin
ang lahat.
I'm taking everything ended up having none. Mahirap sabihing nasa akin na ang lahat
kung napakalaki ng kulang.
Ilang beses na ba akong humiling na sana magising ako sa bulyaw ni Mama para
sabihing mahuhuli na ako sa klase ko. Ilang beses kong hiniling na sana asarin ulit
ako ni Kuya Max dahil bobo ako sa Math. Ilang beses kong hiniling na sana bilhan
ulit ako ng stuff toy ni Papa kahit na alam niyang magagalit sa kanya si Mama.
Ilang beses kong hiniling na sana makipaglaro ulit ako kay Zone ng mga mind games
na siya lang ang nakakaintindi kung paano laruin.
Napakadaling magkaroon ng mga materyal na bagay ngunit hindi madaling makuha ang
halaga. Kahit isang maliit na manika lang galing kay Papa, kaya nang tumbasan ang
milyones na halaga ng kahit anong alahas na mayroon ako ngayon. Nakakalungkot lang
dahil mas posible pa sa aking mabili lahat ng sikat na mga jewelries na gawa ni
Faberge kaysa mabilhan kahit simpleng teddy bear ni Papa.
Ilang taon na ba?
Pakiramdam ko, kalahating siglo na ang lumipas...
Hindi ko na rin matandaan kung kailan ba ako pinanganak... kung talaga bang
pinanganak nga ako.
Sampung taon...
Sampung taon na rin noong huli kong nakita at nakausap si Papa.
Limang taon naman noong huli kong nakita si Mama at Kuya.
At si Zone?
Kabibisita ko lang sa kanya kahapon.
"Milady."
Lumingon ako nang marinig ang tawag ni Jean sa likod ko.
"Nakahanda na ang hapunan."
Tumango na lang ako at hindi na siya sinagot pa. Nakakawalang-gana. Naisip ko kung
umabot din ba sa punto si Mama na pinagdarasal niya at tinatanong ang Diyos kung
kailan ba siya mamamatay. Nakakapagod mabuhay kung laging ganito ang gagawin ko.
Talo ko pa ang mga CPA sa araw-araw na ginagawa ko. Naalala ko ang laging paalala
ni Mama sa aming magkakapatid noon na dapat naming tapusin ang pag-aaral na umaabot
sa puntong pati ang acceleration program, pinipigilan pa niya. Hindi pala niya
habol ang diploma kundi ang taon na igugugol namin sa normal na eskuwelahan para
maging normal na mga bata.
Siguro nga, mahalaga ang pera at kapangyarihan... pero wala pala iyon sa makukuha
mo. Naroon pala 'yon sa pinagdaanan mo bago iyon makuha. Basic classical
conditioning na huli na nang maisip ko.
Hindi ko makita ang saysay ng lahat ng ito. Hindi ko makita kung bakit kailangan ng
batas sa mundong marunong lumabag sa lahat ng utos; kung bakit kailangang ayusin
ang matagal naman nang sira; kung bakit kailangang maging mabuti kahit na likas
naman sa lahat ang maging masama.
Ngayon ko naiisip na tama nga sila Mama at Papa sa plano nilang pabagsakin noon ang
Citadel at ang Order.
Laging may tamang tao para sa tamang trabaho...
Sila ang tamang tao para sa naturang trabaho at ako ang maling tao upang mailuklok
sa malaking mali na ito.
Naisip ko noon kung kailan ba ang tamang panahon, kaso nalaman kong lahat ng
panahon ay tama... mali lang ang mga bagay na ating nagagawa.
Tama na noon ang panahon, nagkataon lang na maling-mali ang lahat ng nagawang
desisyon.
"Jean," tawag ko.
"Yes, Milady."
"May gusto akong puntahan bukas. Lalabas ako ng Citadel."
"Yes, Milady."
Dumating na rin ako sa puntong ang pagpili ko sa Citadel ang nag-alis sa akin ng
aking kalayaan. Pinapili na ako ng pagkakataon kung kalayaan ko ba o pansariling
interes ang paiiralin ko. Pinagpalit ko ang kalayaan ko dahil sa pansariling
interes; pansarili na ring maituturing ang ginawa kong pagpapatuloy sa gusto nilang
tapusin noon.
Nalaman ko ang dahilan...
Nalaman ko ang totoo...
Nalaman ko kung ano ba talaga ang pinagsimulan ng lahat ng kanilang matagal nang
plano.
May mali rin siguro sila Mama. Naging mahina at walang pakialam naman si Papa. At
si Daniel Ash Wolfe?
May katwiran siya na hindi man lang nabigyan ng pagkakataong ipaliwanag nang maayos
sa lahat kaya madali siyang nahusgahan. Aayusin niya ang Citadel, ang Order at ang
pamumuno rito kasama si Mama. Gusto niyang baguhin ang sistema. Nakakalungkot lang
dahil hindi talaga umayon ang lahat sa dapat mangyari.
Nagkaroon ako ng problema sa pagtulog mula noong araw na mamatay si Mama at Kuya.
Madalas akong nakakulong sa malaki ngunit nakakasakal kong kwarto na bihira lamang
masilip ang liwanag mula sa labas dahil sa makakapal na kurtinang ayaw kong
pabuksan sa kahit sino.
Uupo lang ako sa sulok, tutunganga, kalilimutan ang mga bagay na lagi ko namang
inaalala. Aalalahanin ang mga bagay na dapat lang na kalimutan. Bibilangin ang mga
bagay na wala namang katapusan at pahihintuin ang sariling mundo para manatili sa
tinuturing kong kawalan.
Ang Terminal.
Madalas akong mag-isa sa Terminal. Nililibot ang walang hanggang lugar na iyon...
Pilit hinahanap ang dulo... Ang imposibleng dulo. Gaya ng pagiging imposible ng
aking buong pagkatao.
Marunong palang matapos ang realidad. Alam pala ng katotohanan ang limitasyon niya.
Lumalampas na ako sa pagitan ng totoo at hindi. May paraan na ako kung paano maging
tama ang kahit anong mali.
Nakakaubos ng takot ang paulit-ulit na buhay at kamatayan. At kung mayroon man
akong kinatatakutan, iyon ang panoorin ang bawat tao sa mundo na harapin ang
kanilang katapusan habang nag-iisip kung balak pa ba akong dalawin ni Kamatayan.
"Milady, nakahanda na ang sasakyan."
Kung naranasan mong maging ako kahit lang sa loob ng isang buong linggo, hinding-
hindi mo maiisip ang kaibahan ng isang buong araw at isang mabilis na minuto.
"Saan po kayo pupunta, Milady?"
Tamang tanong.
Saan nga ba ako pupunta?
Malaki ang mundo... sapat ang laki para maisip kong mag-isa lang ako. Masyado
namang maliit para isiping isang lingon ko lang, makararating na naman ako kila
Mama at makikita ko ang lugar kung saan nga ba ako nagsimula.
"Dalhin mo 'ko sa lugar na hindi ko pa napupuntahan..." wala sa sarili kong sagot.
Nakakatawang isipin na para akong isang ibon na malayang nakalilipad sa kahit saan
habang inaalala na wala na pala akong kalayaan.
Napaka-ironic ng buhay ko. Gusto ko nang makakita ng bago.
Madalas akong bumabyahe, nakakapunta sa mga lugar na pinipilit kong hanapan ng
dahilan kung bakit ko kailangang maging masaya sa pagpunta doon. Kaso ang laging
nangyayari ay mauupo lang ako sa isang tabi, panonoorin ang mundong umikot at
hintayin ang oras kung kailan naman hihinto ang sa akin.
Walang bago, lahat kontrolado. Bilang maging ang paghinga ko.
Pinipigilan akong gawin ang gusto ko... malas ko lang dahil ang kalaban ko talaga
ay sarili ko mismo.
"Ah--!" Isang masamang tingin agad ang ibinigay ko sa guardian na nagmamaneho dahil
muntik na akong tumalsik sa harapan nang bigla itong prumeno. "What the--?"
"I'm sorry, Milady."
Lalong kumunot ang noo ko nang makita ang isang galit na lalaki sa harap at
ibinagsak ang magkabilang palad sa hood ng sinasakyan namin. Agad na lumabas ang
guardian na kasama ko at kinausap ang lalaki. Mukha namang wala siyang damage dahil
nakukuha pa niyang magwala at mag-eskandalo. Mukha siyang papasok sa opisina dahil
sa suot niyang informal casual suit. Nagmamadali siguro kaya muntik nang
maaksidente. Pinagagalitan pa niya ang guardian na kasama ko. May kasalanan din
naman siya, hindi siya tumitingin sa dinaraanan niya. Napailing na lang ako at
sandaling sinilip ang relo ko. May ala una na pala nang hapon.
Malakas na kalampag mula sa bintana ng sasakyan ang nagpabalik ng atensyon ko sa
labas. Nakita ko ang lalaki na kinakatok ang tinted window ng sinasakyan kong
Mustang. Binaba ko naman agad ang bintana habang hinahanda na ang sarili sa speech
na ibibigay ko sa eskandalosong lalaki na ito.
"Yes?" tanong ko.
"Milady, huwag n'yo na siyang kausapin. Ako na ang bahala," pagpipigil ng guardian
ko. "Sir, magbabayad naman--"
"No, you shut up! I'm not talking to you!" sigaw ng lalaki sa driver ko. Yumuko
siya para tingnan ako sa bintana. "Excuse me--" At natigilan siya.
"What's the problem here?" tanong ko.
"Ikaw ba ang may-ari ng sasakyan?" Napansin ko ang biglaan niyang paghinahon.
"Yes. May problema ba?"
"Sinagasaan lang naman ako ng walang displina mong driver." Nangibabaw ang sarcasm
sa tono niya kahit pa mahinahon na siya.
"Okay." Tumango na lang ako at tumingin sa harapan. "We will pay for the damage.
Kung kailangan mo ng pampa-ospital, magsabi ka lang." Kinuha ko sa wallet ko ang
summons card ng Citadel at inabot sa kanya nang hindi siya tinitingnan. "Sensitive
'yan sa heat. Lalabas ang nakasulat diyan kapag tinapat mo mainit. May instruction
naman na nakalagay diyan."
"Burn me..." narinig kong ibinulong niya. Isasara ko na sana ang bintana ng kotse
nang bigla niyang pigilan ang pagsara. "Excuse me, Miss."
"Yes?"
"Superior ka, tama?"
Agad na kumunot ang noo ko at agad siyang tiningnan. Pansin ko ang matipid niyang
ngiti sa dulo ng labi.
Ipinakita niya sa akin ang binigay kong card at kinuha niya sa bulsa niya ang isa
pang card na kamukha ng summons na bigay ko.
"Grymm. Erish Grymm... From the Tenth Generation."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakita ko ang isa sa mga dapat makatanggap
ng summons o magagalit dahil limang taon na ang nakalilipas pagkatapos kong ibigay
sa kanila ang invitation na 'yon.
"I don't care." Sinenyasan ko na lang ang driver ko na umalis na kami. Wala ako sa
mood makipagdiskusyunan kaya kailangan nang umalis.
Hindi ako familiar sa mukha niya pero kilala ko ang pangalan.
Erish Grymm. He's that architect na minsan nang nakagawa ng napakalaking disgrasya
sa pamamagitan lang ng isang prank terrorism. Surprisingly, that prank is well-
known to be an amazing move for the world dahil isang sikat na terrorism group ang
pinulbos niya nang walang kahira-hirap dahil lang sa walang kwenta niyang biro.
Lucky bastard.
"Pasensya na sa abala, Lady Josephine," sabi ng guardian ko.
"It's okay. Hayaan mo siya, hindi pa naman siya patay."
Inalis ko sa isipan ko ang sandaling eksena na iyon at agad na tinanaw ang labas ng
bintana ng sasakyan. Hindi ko alam kung nasaan na kami, wala rin akong pakialam
kung nasaan kami. Gusto ko lang iwan ang Citadel dahil ang hirap doon magtagal. Sa
laki ng lugar na 'yon, hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinukoy ang lugar
bilang malaking nakakasakal.
Sandali kaming napahinto dahil sa traffic. Naagaw ng pansin ko ang isang itim at
pulang bandila na hawak ng isang binatilyo na pinangtali niya sa ulo pagkatapos.
Dali-dali itong tumakbo papalapit sa grupong may kaparehong ayos gaya ng kanya.
"Jackals..." Agad kong tiningnan ang guardian ko nang marinig kong may sinabi siya.
"Ngayon pala ang balik ni Reese."
Kumunot agad ang noo ko sa sinabi ng aking guardian.
"Sinong Reese?" tanong ko.
"Boss ng Jaegar, Lady Josephine."
Jaegar. Kaya naman pala...
"Gusto kong pumunta sa Jaegar. Dalhin mo ako roon."
"Yes, Lady Josephine."
Balita ko, may kung anong kababalaghan ang nangyayari ngayon sa Jaegar. Masilip nga
kung ano ang mayroon doon ngayon.
____________________________

02: Trying Out

Trying Out

Jaegar Underground. Isa sa mga pinakamalalaking fighting arena na pagmamay-ari ni


Reese na bunsong anak ng pinakasikat na mafia boss sa malaking panig ng mundo.
Iba't-ibang grupo ang hinahawakan niya sa loob ng Jaegar at ang may pinakamalalakas
na miyembro ay ang grupo ng Jackals. Isang buong distrito ang hawak nila at marami
na rin ang gustong makasali sa grupong itinuturing na destroyers ng iba.
Mag-isang nilalakad ni Arjo ang entrance ng Jaegar. Nakikita niya ang napakaraming
kabataan at kalalakihang gustong makasali sa sikat na grupo. Sumakto pa ang
pagdating ni Reese na kapag namili, hindi na kakailanganin pang sumalang sa ibang
pagsubok ang kukuning miyembro bago maging parte ng Jackals.
Nagkakasigawan na sa loob. Lumalakas ang bulungan para itanong kung nasaan na si
Reese.
"Ah--!" Isang masamang tingin ang binigay ni Arjo sa tumulak sa kanya. Paatras
siya nang paatras papasok sa loob ng Jaegar dahil itinutulak siya nang itinutulak
ng iba pang taong nakikipagsiksikan doon.
"Tara na! Ano pa ang ginagawa mo riyan?!" sigaw sa kanya ng isang babaeng bigla na
lang siyang hinatak. Hindi siya nanlaban, walang kahit anong salita ang lumabas sa
bibig niya habang tinitingnan ang babaeng humahatak sa kanya. "Sabi ni Grandel,
kapag nahuli sa first screening, mababawasan ng puntos. Kapag na-late tayo ng--"
Napahinto ito nang makita si Arjo.
"First screening saan?" tanong ni Arjo.
"Sino ka?!" takang tanong nito at saka binitawan si Arjo. "Vien? Nasaan na si
Vien?" Hinanap niya sa likod nito ang tinutukoy niya.
"Ano yung first screening?" tanong pa ulit ni Arjo.
"Maghahanap ngayon ng bagong member ang Jackals," sabi niya at nilampasan si Arjo
para hanapin ang tinawag niyang Vien.
"At magpapa-member kayo?"
"Natural."
Tumango naman si Arjo at tiningnan ang dapat tutunguhin nila ng humatak sa kanya na
nasa dulo ng hallway. Nabasa niya sa pinto ang mga salitang "Only Jackals are
Allowed".
"Pwedeng pumasok doon?" tanong ni Arjo habang tinuturo ang pinto.
"Pwede naman. Pero good luck kung makalalabas ka pa ng buhay pagpasok mo." Isang
ngisi ang natanggap niya mula sa babae.
Tumango na lang si Arjo at nilakad na ang papunta sa pintong nakita. "Good luck na
lang kung mapapatay nila ako." Walang guwardiya sa lugar na ikinataka niya. Walang
katakut-takot niyang binuksan ang nasabing pinto at sinilip ang loob. Pansin niya
ang lawak doon at marami-rami rin ang nakita niyang tao sa loob. Pasimple siyang
pumasok at nagmatyag nang kaunti.
"Anong meron dito?" tanong niya sa tinabihan niyang lalaki na nakatayo sa malapit
sa pinto.
"Screening ngayon ng Jackals."
"Ah..." Tumango lang si Arjo at pinanood ang gitna ng kwarto. may dalawang tao
roon na naglalaban. Naka-pula ang isa at makikita sa suot niyang sando ang tatak ng
mga Jackals. Lalaki at kita sa katawan nito na laging nagwo-work out dahil sa mga
muscles. Kalaban niya ang isang lalaking marami-rami nang dugo sa mukha at putok na
ang kanang kilay.
"Isang Jackal lang ba ang lalabanan dito?" tanong ni Arjo.
"Si Tristan pa lang ang lumalaban mula pa kanina. Kapag napagod siya, baka sumunod
si Grandel. Kinse na ang pinababagsak niya, hindi pa siya seryoso niyan."
Tumango naman si Arjo at pinanood ang laban. Hindi siya pamilyar sa mga miyembro ng
Jackals pero alam niyang malalakas sila. Maliban sa apat na association na
pinatatakbo niyang mag-isa, isa lang ang Jaegar Underground sa independent
organization na pagmamay-ari ng Order. Sa pagkakatanda niya, ilan sa mga guardians
at decurions ng Citadel, nangggaling sa Jaegar Underground.
Inilibot niya ang tingin at nakita sa kabilang dulo ng pwesto niya ang lalaking
tinatawag na Boss ng Jaegar.
"Reese Havenstein..." Agad na umiling si Arjo habang nakangisi. Natigilan siya
nang isang malakas na kalabog ang naramdaman sa buong kwarto. Bumagsak na ang
kalaban ni Tristan.
Nagsalita ang lalaking katabi ni Arjo. "Wala pang nananalo kay Tristan. Sa lagay
na 'yan, siya pa naman ang pinakamahina sa Jackals."
Tumaas ang kilay ni Arjo habang nakatingin kay Tristan. "Siya pa ang
pinakamahina?" tanong niya sa katabi.
"Oo. Kapag si Grandel na ang pinasabak nila, magba-back out na ako. Walang pag-
asang matalo ko yung isang 'yon," nanlulumong sinabi ng lalaki.
Muling tiningnan ni Arjo ang mga tao roon. Naka-indian seat ang iba, ang iba,
nakatayo. Karamihan, kinagat na ang labi nila at mga kuko dahil sa kaba. Ang iba,
mababasa sa mukha ang katanungang 'itutuloy pa ba nila o aatras na?'.
"Pwede bang lumaban ngayon?" tanong ni Arjo habang nakatingin kay Tristan na
namimili na ng lalabanan.
"Kaya ka nga narito sa loob, 'di ba? Lalaban ka para maging member?"
Agad na napangiti si Arjo at nakagat niya ang labi sa sobrang excitement. "Why
not?"
"Sino na ang susunod?" Malakas na tanong ni Tristan sa lahat.
Mabilis na nagtaas ng kamay si Arjo. "Ako!" Agad siyang pumunta sa gitna ng
kwarto at tumayo nang may isang dipa sa harapan ni Tristan.
Hinagod ni Arjo ng tingin ang lalaki. Matangkad at sa tingin niya'y hanggang
balikat lang siya nito. Maamo naman ang mukha nito at hindi mukhang gagawa ng
masama. Pagdating nga lang sa katawan, mukhang sanay na sanay sa pakikipagbabagan.
Maputi ito at may tinging kayang makapagpaamo ng kahit sinong mainit ang ulo.
"Sigurado ka na bang gusto mong sumali sa grupo?" nakangiti nitong tanong kay
Arjo. Wala sa tono niya ang nagbabanta, sa halip ay puno pa ng pag-aalala.
"Naligaw lang ako rito pero magbabaka-sakali ako." Ngumiti si Arjo at matipid na
tumango. Ngumiti lang din si Tristan sa kanya.
"Hindi kita susugurin, pero kapag sumugod ka, dedepensa ako sa kahit anong paraan
na magagawa ko. Ang rule ay kailangan mo akong pabagsakin sa loob ng sampung
minuto. Kapag hindi mo iyon nagawa, pasensya na pero hindi ka pasado," mahinahon
niyang paalala. "Simula na ng sampung minuto mo."
"Sige, gets ko." Tumayo nang diretso si Arjo at tiningnan ang suot niyang damit.
Hindi niya alam kung makakaya ba ng khaki niya ang gagawin. Pinagdasal niya na lang
na hindi siya mahubaran. Inilipat niya ang tingin kay Tristan at saka siya humugot
ng malalim na hininga. Dahan-dahan siya ritong naglakad palapit at tumayo, may
limang dangkal ang layo sa lalaki.
"Aatake ka na ba?" tanong pa nito.
Diretso lang ang tayo ni Arjo nang sumuntok siya sa kanan na nasangga naman ni
Tristan. Sunod ang kaliwa.
Nagtaka ang lahat dahil base sa suntok ni Arjo, parang hindi naman ito marunong
lumaban.
"Miss, hindi mo ako mapapabagsak sa mga suntok mong pambata," paalala pa ng
kalaban niya.
Sumipa si Arjo sa kanan at sa kaliwa na nasalag na naman.
Dinig ang mahinang tawanan sa buong kwarto.
"Aksaya lang 'yan ng oras!" sigaw ng isa sa mga Jackal. "Tris, patumbahin mo na
'yan!"
Lumingon si Tristan sa ka-grupo niya. "Dwight, wala pang sampung minuto!"
Ilang suntok ang ginawa ni Arjo sa ilang parte ng dibdib ni Tristan habang hindi
ito nakatingin.
"Huwag mo na kasing paabutin ng sampung minuto!" sagot nito. "Mahina lang naman
'yang kalaban mo, e!"
Hindi na nakasagot pa si Tristan.
Nangingibabaw pa rin ang mahihinang tawa at mga bulung-bulungan sa loob ng kwarto.
Nakatayo na lang doon si Arjo at ang kalaban niya.
Ilang minuto pa'y tumahimik ang lahat dahil walang gumagalaw sa dalawa.
"Tristan, ano ba?!" sigaw ng ibang Jackals.
"Wala na siyang malay!" sigaw ni Arjo.
"Anong wala nang ma--" Natigilan sila nang itnulak ni Arjo ang kalaban niya at
agad itong bumagsak na dilat ang mata.
"Kanina pa siya walang malay," sabi ni Arjo sa mga nanonood na member ng Jackals
sa kanila. Nagtayuan tuloy ang mga ito at sinilip si Tristan.
"Ano ang nangyari?" tanong sa kanya ng ibang member.
"Hindi niya kasi ako sineseryoso. Nilalabanan ko naman siya ng patas."
Kumunot ang noo ng lahat kay Arjo.
"Ano ang ginawa mo sa kanya?" galit na tanong ng iba.
"Sinuntok ko lang siya. Ang sabi niya kasi, kailangan siyang pabagsakin sa loob ng
sampung minuto. Ginawa ko naman ang instruction niya."
Masasamang tingin ang natanggap ni Arjo sa lahat ng tao sa loob ng kwartong iyon.
"Nandaya ka ba?" tanong ng tinawag na Dwight ni Tristan.
Tamad na sumagot si Arjo. "Ano naman ang mapapala ko kung mandadaya ako?"
At walang umintindi ng sinabi niya. Inutusan lang ni Dwight ang isang magpapa-
miyembro. "Ikaw! Kapag pinatumba mo siya, Jackal ka na!"
Sumunod naman ang inutusan niya at dali-daling sinugod si Arjo.
"Wala ba sa mukha ko ang makakatalo sa miyembro ninyo?" Ni hindi man lang niya
nagawang gumalaw sa kinatatayuan at walang kahirap-hirap niyang binira sa leeg ang
sumugod sa kanya na ikinabagsak nito sa sahig. "Akala ko ba, itong taong 'to ang
pinaka-mahina sa mga miyembro ninyo. Siguro naman natural lang na matalo siya ng
gaya ko, 'di ba?"
At wala na namang nakinig sa kanya. "Kayong dalawa! Kapag napatumba ninyo siya,
member na kayo!"
Gaya ng nauna, sinugod na naman siya ng dalawang nautusan.
"Haay, bakit ba ang kikitid ng utak ng mga 'to..." Tumalikod si Arjo at walang
ganang tiningnan ang pasugod sa kanyang mga kalaban.
"Argh!!"
Mabilis na kinuha ni Arjo ang mga leeg nito at saka ibinaon ang mga kuko sa balat
ng mga kalaban niya. Buong pwersa niyang hinatak ang laman ng mga ito hanggang sa
mahugot niya ang halos kalahati ng leeg ng dalawa.
Napuno ng gulat ang buong kwarto kasabay ng katahimikan.
Bumagsak lahat ng panga ng nakakita sa ginawa niya.
Napalunok naman ang iba sa nasaksihan.
Ibinagsak ni Arjo ang duguang laman na nasa kamay niya at nilingon ang mga
lihitimong miyembro ng Jackals na hindi makapaniwala sa ginawa niya.
"May pasusugurin pa ba kayo?" Nilingon niya ang paligid. "Sino pa ba ang gustong
sumugod? Hindi naman ako mahirap kausap. Mukhang survival of the fittest ang
patakaran dito." Ibinalik niya ang tingin sa mga Jackals at hindi na inalis ang
tingin kay Reese na nakatingin lang nang diretso sa kanya.
"Kung papatayin ko ba lahat ng magpapa-member ngayon sa grupo mo, papasa na ba
ako?"
________________________________________

03: Reconsideration

Chapter 3: Reconsideration

"Ayoko sa kanya!" tanggi agad ni Yulance, ang nag-iisang babae sa Jackals na


nakapanood ng laban.
"Pasado na siya para sa'kin," sabi agad ni Grandel.
"Gising na ba si Tristan?" tanong ni Dwight sa ibang kasama.
"Gising siya, hindi lang makagalaw."
"Ano ba kasing ginawa ng babaeng 'yon kay Tris?" takang tanong ni Grandel.
Nagpulong-pulong ang mga Jackals para pag-usapan ang pagsama ni Arjo sa kanilang
grupo. Ilan ang hindi sang-ayon pero karamihan ay tanggap agad ang magiging
desisyon ni Reese kung sakaling um-oo ito.
Sa kabilang banda...
"Assassin ka ba?" tanong ni Reese kay Arjo.
Nasa ibang kwarto ang dalawa at sila lang ang nag-uusap. Simple lang ang kwarto at
walang ibang laman kundi dalawang upuan lang na inuupuan nila at isang malamyang
ilaw.
"Nope." Nakahalukipkip lang si Arjo habang nakatingin sa Boss ng Jaegar
Underground.
"Contract Killer? Hitman? Nagtatrabaho ka ba sa assoc?"
"May trabaho ako. Human Resources Manager ng isang napakaling kompanya. Madali lang
ang trabaho kaso boring. Maghahanap ka ng tamang tao para sa tamang trabaho. Wala
kang makikitang tama sa mga nag-aapply. May makikita kang tama pero hindi
tatanggapin ang trabaho. Iinit lang ang ulo mo kung ikaw ang nasa kalagayan ko."
"Tamang tao para sa tamang trabaho, huh?" Napa-smirk siya at tumango na lang sa
sinabi ni Arjo. "Kung may trabaho ka naman pala, bakit ka pa nagtangkang sumali sa
grupong hinahawakan ko?"
"Sumubok lang ako. Mukha kasing masaya kaysa sa trabaho ko."
"Nasa entrance ka pa lang. Mamamatay ka lang kapag lalo ka pang pumasok."
"Para sa mga adventure-seeker, iyan na ang pinaka-best marketing strategy para
pasalihin ang iba sa grupo mo. You know what, mahirap nang matakot kapag sanay ka
nang tinatakot." Lumapit siya kay Reese at yumuko para itapat ang mukha niya sa
mukha nito. "Kaya kitang patayin ngayon, kung hindi mo naitatanong."
"Talaga?" Mabilis na kumilos si Reese at sinakal agad si Arjo. "Kaya rin naman
kitang patayin ngayon, kung hindi mo naitatanong." Tumayo siya at hanggang dibdib
lang niya si Arjo. "Mukhang hindi mo kilala kung sino ang kinakausap mo."
Hindi naman inintindi ni Arjo ang pananakal ni Reese sa kanya at diretso lang niya
itong tiningnan. Walang kahit anong bakas ng takot sa kanyang mga mata kaya lalong
nagtaka ang lalaki sa kilos niya.
"Sino ka bang talaga?" tanong nito.
"Gusto ko ring malaman kung sino nga ba ako? Madaling magbigay ng pangalan, pero
hindi ng pagkatao."
Sandaling tumahimik sa loob ng silid.
Nanatili lang na nakatingin si Reese sa mga mata ni Arjo. Niluwagan na rin niya ang
pagkakasakal dito at unit-unti'y binitawan na rin si Arjo.
"Masyado kang seryoso," sabi ni Reese sabay ngisi. "Chill ka lang. Pasok ka na sa
grupo."
"Inaasahan ko na." Walang kahit anong reaksyon ang makikita sa kanya nang
mapagpasayahan niyang lumabas na ng kwartong iyon. Ilang hakbang pa lang ang
nagagawa niya'y isang kamay ang pumigil sa kanya sa pag-alis.
"Nagkita na ba tayo dati?" tanong ni Reese.
"Malamang na hindi." Tiningnan ni Arjo ang lalaki at isang matipid na ngiti ang
binigay niya rito. "Pero nakita na kita dati. Sikat ka kaya imposibleng hindi kita
kilala." Inalis na niya ang kamay ni Reese sa braso niya at tumuloy na palabas.
"You should stay here. You're part of the group now."
"Babalik ako bukas. Magfa-file muna ako ng leave sa trabaho ko. Kung hindi kayo
papayag, hindi rin naman kawalan sa akin."
___________________
Marami-raming Guardians din ang bumungad kay Arjo pagkatapak na pagkatapak niya sa
Citadel. Lahat ay may dala-dalang tanong at lahat ay kailangan ng utos at salita
niya.
"Lady Josephine, nagpadala ang Capitol ng pondo sa Order. Kailangan ng pirma
ninyo."
"Lady Josephine, gustong makipagkita sa inyo ang presidente ng Central sa
makalawa."
"Lady Josephine, nagdeklara ng gyera ang oyabun ng Shiragawa sa--"
Sandaling huminto si Arjo sa paglalakad at ipinikit ang mga mata. "Si Xerez?"
"Yes, Lady Josephine," boses sa likod niya.
"Lahat ng Guardian Decurion tawagin mo at papuntahin mo sa meeting room."
"Yes, Milady."
Sa meeting room...
"Wala pa ba ang mga Superiors?" tanong ni Arjo.
"Nagpahayag na ang iba ng hindi pagsang-ayon, Milady. Ang ilan ay tinanggap ang
posisyon ngunit hindi interesadong tumapak ng Citadel."
"Gano'n ba." Tumango lang si Arjo at itinuro ang tambak na papel sa harapan niya.
"Ibigay 'yan sa iba. Kapag hindi nila trinabaho 'yan, magpaalam na sila sa mundo."
Inilipat niya ang tingin kay Xerez na nakatayo lang sa gilid. "Kumusta na ang
pinapatrabaho ko sa iyo? May nahanap ka nang gagawa?"
"Yes, Milady. 7pm ang meeting sa kanya sa Black Swan."
"Good."
Napapaisip si Arjo kung kailan nga ba siya hindi naging abala sa loob ng limang
taon. Abala man siya, hindi naman niya matandaan kung naging masaya ba siya sa
ginagawa niya.
Alas siete nang gabi nang makarating sila sa Black Swan restaurant at kapansin-
pansin ang kawalan ng tao sa loob. Laging gano'n ang nagaganap tuwing may
mahalagang meeting si Arjo. Reserved ang buong lugar para lang sa kanya at sa
kausap niya.
Dire-diretso lang ang lakad ni Arjo papalapit sa ka-meeting niya. Katabi pa naman
ng salaming dingding ang mesa nila kung saan tanaw ang labas.
"Good evening," bati niya bago umupo.
"Good evening, too."
Parehong seryoso ang mga mukha nila nang makita ang isa't-isa. Hindi nga lang
nagtagal dahil nag-react agad ang isa.
"Oh, it's you again."
Kumunot lang ang noo ni Arjo sa kaharap.
"Sir, Ma'am, this is water for your refreshment." Nagsilbing harang sa mamumuong
tensyon ng dalawa ang chef de rang.
"Okay, I'll introduce myself again. Erish Grymm. Salvatore Desimougne asked for my
presence here. I already signed a contract and I'm here to know my client's
preference for the project."
"I don't find you talented," diretsong sagot ni Arjo.
"You don't even know me. How'd you say so?"
"I do know you. Tama na ang nalaman ko para sabihing hindi magandang idea ang maka-
trabaho ka."
Natawa ito nang mahina. "Judgemental ka pala. I'm a well-known architect, some
even called me a genius then you judged me that fast because of the little
information you knew about me?"
Nanatiling blangko ang reaction ni Arjo sa mga sinabi ni Erish. Naglapag ng pagkain
ang mga food server na kanina pa inorder ng lalaki at hinintay lang talaga ang
pagdating ni Arjo.
Napahugot ng malalim na hininga si Arjo habang nakatingin kay Erish. Hindi niya
alam kung bakit iba ang nararamdaman niya sa taong iyon.
Isa si Erish Grymm sa pinadalhan niya ng summons dahil sa mga ginawa nito. Alam
niya ang kakayahan nito at kung ano pa ang kaya nitong gawin. May dahilan kung
bakit nakuha nito ang posisyon ng isang Superior kaya iyon ang iniisip ni Arjo.
Kaso, alam niyang hindi lang iyon ang nakita niyang dahilan.
Malayo ang hitsura pero naaalala niya si Max habang nakatingin siya rito. Sa halos
lahat kasi ng aspeto, parehong-pareho sila ni Max.
"Let's be professional here," pagputol ni Erish. "I'm here for work, that's all.
About that musoleum, they sent me the details of the location. Malawak ang
vicinity, kumplikado pa dahil sa request na landscape. I need to compromise
somebody and fixed my schedules for that." Ginalaw na niya ang pagkain niya at
nag-isip pa ng mga tanong na mag-aalis sa usapan nila tungkol sa trabaho na
babagsak sa pangingialam na niya ng buhay. "The musoleum, for your parents?"
pasimple niyang tanong habang kinakain ang salad niya.
"For my whole family?" sagot ni Arjo habang nakatitig lang kay Erish.
"Ang aga mo maghanda para sa kamatayan nila."
"Patay na silang lahat."
At natigilan sa pagkain si Erish dahil sa sinabi ni Arjo. Napunta tuloy ang
atensyon niya rito. "I-I am sorry for that."
"Gusto ko nang medyo malaki ang space para sa parents ko. Elevated ang part para sa
tatlo kong kaibigan. Sa bandang north mo gawin ang kanila. Lagyan mo ng unique
structure ang para sa kapatid ko. Gusto ni Max ng simple lang kaya gawin mong
masculine ang disenyo nang para sa asawa ko."
Walang kahit anong salita ang nakalabas sa bibig ni Erish sa sunud-sunod na request
ng kausap niya para sa musoleo na gagawin niya. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng
narinig mula kay Arjo.
"Sana matapos mo ang trabaho bago ang isang taon."
"I supposed magkasing-edad lang tayo."
"And?"
"I-I don't want to open this but--" Sandaling lumunok si Erish at nagdalawang-isip
pa sa susunod na sasabihin. "Were they killed?"
Hindi nagdalawang-isip sa pagsagot si Arjo. "My whole family wanted to die and I'm
a product of world's devastation."
Kumunot ang noo ni Erish sa sinabi ng kausap. "You killed them?"
"Our world killed them. I tried to prevent everything. But I'm not good enough to
do it."
Napahinto sa pagkain si Erish at nagpunas agad ng bibig. "I don't see any good
joining that Order."
"It's never been good to join that kind of world."
"Pero parte ka."
"Dahil hiniling iyon ng pagkakataon."
"May choice ang lahat."
"And I chose that. I don't have any right to regret everything because I already
made my choice."
"You're a monster," dismayadong sinabi ni Erish.
Sandaling hindi nakasagot si Arjo dahil kahit pa alam niyang figurative ang ibig
sabihin ni Erish ay literal naman iyon para sa kanya.
"It's never been good? See! Ikaw mismo, hindi makita ang worth ng pagsali doon!
Ikaw mismo ang nagsasabing walang maganda sa mundong gusto mong pasukin namin!
Bakit ko kailangang maging Superior? Para sa anong dahilan?"
Walang maisagot si Arjo na matinong dahilan. Naisip na naman niya kung nagdaan din
ba ang mga magulang niya sa mga tanong na iyon noon.
"Namatay ang buong pamilya ko dahil sa mundong iniikutan ko ngayon. Alam kong mali
ang desisyon ko pero kailangang maging tama kasi iyon din ang mundo na gusto nilang
baguhin kaso hindi nila nagawa." Nabalisa si Arjo at lalong bumigat ang
nararamdaman. "Dala ko lahat ng problema. Nagiging literal ang pasan ko ang buong
mundo. Masama ka kasi masama ang mundo. Masakit lang na nabubuhay tayo sa lipunan
na kung sino pa ang nag-iisang tama, siya pa ang nag-iisang mali. Pare-pareho mag-
isip ang lahat-- that's society. People judge others kasi may nagagawa silang hindi
mo nagagawa. Huhusgahan ka kasi iba ang paniniwala ng nakararami sa paniniwala mo.
Maraming maganda sa mundo, pero hindi ko 'yon nakikita kasi maraming nakaharang na
trabaho. Ang trabaho ng dalawampung tao, mag-isa kong ginagawa. Wala ngang masaya
sa trabaho ko. Walang masaya sa pagiging Superiors."
Sa wakas ay ginalaw na rin ni Arjo ang salad niya.
"Pero naririnig ko ang kwento ng ilang Guardians." Saglit na napangiti si Arjo
habang nakatulala sa plato niya. "Sila Mama, na-enjoy ang trabaho kasi magkasama
sila ni Papa. Iba pa rin kapag hindi ka mag-isa." At bumalik na naman ang seryoso
niyang mukha. Tiningnan niya ulit si Erish na nakatitig lang din sa kanya.
"Anyway, kung ayaw mong tanggapin ang posisyon, okay lang." Tumayo na si Arjo at
inayos ang sarili. "About the musoleum, assistant ko na ang magdadala sa iyo sa
location. Malapit lang naman ang Citadel dito."
Naglakad na rin si Arjo paalis.
Nanaig ang katahimikan sa buong restaurant na nabasag lang nang nagsalita nang
malakas si Erish.
"Pagsisisihan ko ba kapag tinanggap ko ngayon ang posisyon?"
"Depende sa mangyayari, pero sinisigurado ko nang oo," sagot ni Arjo na hindi man
lang nagawang lingunin ang kinakausap.
Tuluy-tuloy na lumabas si Arjo at dumiretso na sa sasakyan nila. Sa huling
pagkakataon ay nilingon niya si Erish sa loob ng restaurant. Nangunot ang noo niya
nang makita ang isang papel na hawak nito at pinakikita sa kanya.
"I'll reconsider the offer," pagbasa niya sa nakasulat sa hawak ni Erish. Tumaas
ang kilay niya nang nagpakita na naman ito ng panibagong papel kung saan nakasulat
ang mga salitang: "Nobody wanted to be alone."
Napailing na lang si Arjo at sumakay na ng kotse. Si Xerez lang ang kasama niya
kaya ito na rin ang driver niya.
Paalis na sila sa lugar nang tingnan niya ulit si Erish. Napaurong siya sa upuan
niya palapit sa bintana nang may papel na naman siyang nakita na hawak nito.
Binasa niya ang nakasulat habang sinusundan niya ito ng tingin habang umaandar ang
sasakyan nila paalis.
"Your smile is enough to make me think twice."
Agad din siyang nagbalik sa maayos na pagkakaupo nang hindi na niya makita pa si
Erish.
"Xerez?" tawag niya sa kanyang Guardian Centurion.
"Yes, Milady."
"Why him?"
"I'm just hitting a flock of birds with just a single stone, Milady." Tiningnan
niya si Arjo sa rearview mirror at doon niya ito nginitian.
"He wasted papers and ink just to tell me about reconsideration." Tumingin si Arjo
sa labas ng kotse at napangiti na lang. "That's cute."
______
Erish Grymm daw sa media ^_^

04: Roommates

Chapter 4: Roomates

Madaling araw pa lang ay nasa Jaegar na si Arjo. Simpleng t-shirt lang at cargo
shorts ang suot niya habang nakatambay sa isang kwarto ng Underground. Marami-
raming kabataan ang nasa lugar pero ang mga miyembro ng Jackals ay wala pa sa tanaw
niya.
Nakatitig lang siya sa phone at naglalaro ng Sudoku. Naka-easy mode ang laro pero
limang oras na niya iyong sinusubukang sagutan. Alam naman niyang mahina siya sa
Math at mind games 'di gaya ng dalawa niyang kapatid pero sinusubukan pa rin niya
kahit paano.
"Ilagay mo yung 3 sa 4D," boses sa kanyang likuran. Sinundan ni Arjo ng tingin ang
lalaki na umupo sa tabi niya at sinilip ang nilalaro niya. "8 naman sa 7D para
kumpleto na yung buong D row." Nginitian nito si Arjo nang matamis.
"Ikaw si Tristan, 'di ba?" tanong ni Arjo.
"Yep!" masaya nitong sagot.
"Hindi ka ba magagalit sa akin. Pinatumba kita nung nag-audition ako dito."
Umiling agad si Tristan. "It's my fault. Hindi ako nagseryoso. Wala naman kasi sa
hitsura mo na malakas ka pala." Nginitian na naman niya si Arjo at itinuro niya
ang phone. "Mahilig ka pala sa Sudoku."
"Hindi. Hindi kasi ako marunong nito." Inalok ni Arjo ang phone niya kay Tristan.
"Gusto mong maglaro?" Ngumiti si Tristan at kinuha ang phone sa kanya.
"Madali lang 'to kasi given naman na lahat ng numbers. Analyzing lang saka tiyaga."
Wala pang isang minuto, tapos na niya ang limang oras na easy-mode ni Arjo. "See?
Easy!"
Ngumiti nang matipid si Arjo kay Tristan at binawi na niya ang phone niya.
"Know what," sabi ni Tristan, "ayaw sa iyo ng ibang Jackals. Naririnig ko sila
kahapon sa clinic."
"Talaga? Bakit?"
Hinawakan ni Tristan si Arjo sa ulo nito at bahagyang pinaglaruan ang ilang hibla
ng buhok ng babae. "Liban sa tinalo mo 'ko, pumatay ka ng dalawang contender."
Tumayo na si Tristan at tumayo sa harapan ni Arjo. "Two reasons ng Jackals kapag
ayaw nila ang isang member: Either mahina..." Yumukod siya at itinapat ang mukha
niya kay Arjo. "...o malakas." Ngumiti na naman siya at bahagyang itinaas ang
baba ni Arjo gamit ang hintuturo niya. "The second one fits for you."
"Am I considered as a threat?"
Tumawa lang si Tristan at kinuha ang magkabilang kamay ni Arjo. Inakay niya ito
para itayo at saka ipinaikot na para bang nagsasayaw sila. "Para sa mga ladies,
yes."
Tinitigan naman ni Arjo si Tristan nang humarap na naman siya rito. Maamo ang mukha
nito at naalala niya bigla si Jean na butler niya. "Masyado kang mabait para
mapunta rito."
"I know. Pero hindi ako pwedeng umalis dahil consigliere ako ng mga Havenstein."
Pumwesto siya sa tabi ni Arjo at inakbayan niya ito. "At dahil hindi mo pa alam
ang buong lugar itu-tour kita. For free!"
Napangiti naman si Arjo dahil kung makakilos si Tristan, parang matagal na silang
magkaibigang dalawa. Napansin din niya na hindi siya asiwa sa lalaki kaya nagtaka
siya agad kung bakit.
"Oo nga pala, ako si Tristan Dragna. Bata pa lang ako, kasama ko na ang Boss nitong
Jaegar."
"Si Reese?"
"Yep! Tara, dito tayo." Itinuro niya ang daan papunta sa malaking arena ng Jaegar.
"Ikaw, ano pala ang pangalan mo?"
"Arjo. Arjo Mala-- I mean, Arjo Wolfe."
"Wolfe? May kilala akong famous family na Wolfe. Familiar ka sa mga Zordicks?"
Agad na umiling si Arjo. "Hindi. Why?"
"Wolfes are connected to the Zordicks. Malaking pamilya 'yon, mas powerful sa mga
Havensteins aside from the Zachs. Zachs and Havensteins belong to the same
bloodlines kaya sabihin na nating powerful na rin ang family ni Reese."
"Zachs and Havensteins?" takang tanong ni Arjo.
"Yep! Anyway, sa pagkakaalam ko, wala nang pure Zachs na nabubuhay ngayon. Kahit
mga pure Zordicks, wala na rin. But, according to the hear-says, mayroon pa raw
isa."
"Paano kung mayroon nga. Ano ang mangyayari?" tanong ni Arjo. Huminto ang dalawa
para manood ng laban sa arena sa ibaba nila.
"Malamang na hahanapin ng mga Havenstein 'yon. May tradition ang mga Zordicks kaya
if ever babae ang huling Zordick na buhay, baka ayain ni Reese ng kasal."
Tumaas lang ang kilay ni Arjo sa narinig niya kay Tristan. Alam niya ang tradition
na tinutukoy nito at iyon din ang rason kung bakit niya pinakasalan si Max-- dahil
ito ang huling Zach, pero iba na yata ang kaso ng Boss ng Jaegar.
Itinuro ni Tristan ang arena. "Oo nga pala, one of this days, baka pasalangin ka
riyan." Tiningnan niya si Arjo. "Hindi ka magtatagal sa Jackals kung hindi ka
lalaban sa Jaegar."
"At lumalaban ka rin ba until now?"
"Yes. It depends on the situation, but yes." Tinangay na naman ni Tristan si Arjo
papunta sa isang lugar na alam ng nakararami ay pinagbabawal puntahan ng mga
baguhan, liban na lang kung may pahintulot ng Boss ng Jaegar. "Iyan ang opisina ni
Reese." Itinuro ni Tristan ang magarang pinto sa dulo ng pasilyo kung saan sila
tumapat. "Kapag nakapasok ka riyan, dalawa ang ibig sabihin no'n: may kasalanan ka
kay Reese o gagawa ka pa lang ng kasalanan kay Reese."
Kumunot ang noo ni Arjo sa pangalawang rason dahil sa pananaw niya'y dalawa ang
ibig sabihin no'n.
"Ang sabi pala ni Grandel, dalhin kita sa quarters kapag nai-tour na kita rito. May
mga dala ka namang gamit kaya pwede ka nang mag-stay doon."
"May kasama ako sa kwarto?"
"Yep!"
"Sinu-sino?"
"Ako saka si Grandel. Wala na kasing ibang quarters saka ayaw sa iyo ng mga girls
kaya no choice kami. Saka, inaasahan kasi namin na lalaki ang papasa ngayong try-
outs kaya..." napakamot ng ulo si Tristan saka ngumisi. "Huwag kang mag-alala!
Hindi ka namin gagalawin! Takot lang namin kay Boss."
Lalong tumaas ang kilay ni Arjo sa sinabi ni Tristan.
"Okay, sige, sige. Friendly lang ako kaya huwag kang mag-assume."
Nanatili ang taas ng kilay ni Arjo.
"Ano ba?" alangan nitong tanong at saka lumayo kay Arjo habang kinakamot ang ulo.
"Mukha ba akong masama, hmm?"
Hindi pa rin nawala ang attitude sa mukha ni Arjo.
"Okay." Sumuko na rin si Tristan at saka umiling habang nakataas ang dalawang
kamay. "You can kill me if may ginawa akong masama sa iyo."
Umiling na lang din si Arjo sa kasama niya.
"Tara na nga! Dadalhin pa kita sa quarters." Hahawakan sana niya sa balikat si
Arjo kaso binawi niya ang kamay. "Yung mga gamit mo, ako na lang ang kukuha. Para
naman hindi magatungan ang iniisip mo sa akin."
Napabuntong-hininga na lang si Arjo dahil kay Tristan at sa kinikilos nito.
"Kung gusto mo palang matulog, matulog ka muna doon. Don't worry, walang kakain sa
iyo." At saka siya tumawa nang mahina. Isang palo sa braso tuloy ang natanggap
niya mula kay Arjo. "Aray--! Oo na, hindi naman, eh! Nagsabi na ngang hindi, ito
naman!" Ipinalibot na naman niya ang kaliwang kamay sa balikat ni Arjo at kinurot
ang pisngi nito. "Ikaw, masyado ka." Tumawa na naman siya nang mahina at saka
umiling. "Pero ito, seryoso na..."
At naramdaman naman ni Arjo na seryoso nga ang kausap niya.
"Kahit na ganito ako, kapag sinabi mong hanggang dito lang ako: hanggang dito lang
talaga ako. I know my limits and I it's my duty to know my boundaries." Tinap niya
ang ulo ni Arjo nang dalawang beses at saka siya nagpamulsa. "Turn right, quarters
na. Kumatok ka lang tapos sabihin mong ikaw yung bago, bubuksan agad iyon ni
Grandel." Unti-unti na siyang umatras at sinundan naman siya ng tingin ni Arjo.
"Nasa taas ang mga gamit mo, 'di ba? Ako na ang kukuha." Sumaludo siya kay Arjo at
saka tumakbo pabalik sa pinanggalingan nila.
Walang kahit anong naging reaksyon si Arjo sa kanya kaya tumuloy ito sa quarters at
kumatok doon. Magsasalita na sana siya nang bumukas ang pinto.
"O, ikaw pala." Pambungad nito habang nakahawak ang kaliwang kamay sa doorknob ng
magarang pinto at nakatukod ang kanang braso sa hamba ng pintuan. "Pasok na."
Tumaas lang ang kilay ni Arjo habang hinahagod ang katawan ni Grandel. Magkasing-
taas lang sila ni Tristan. Moreno si Grandel at mukhang latino.
"Huwag kang ma-bother sa katawan ko. Topless lang ako, hindi rapist."
"I'm not saying anything," mataray na sinabi ni Arjo.
"Papasok ka ba o hindi? Kung hindi, isasara ko na 'to." Isasara na sana niya ang
pinto kaso pinigilan na siya ni Arjo.
"Oo na! Papasok na nga!" Padabog na naglakad si Arjo papasok sa loob ng quarters
nilang mukhang presidential suite ng isang 7-star hotel. "Ang atat naman ng--
aaahhh!!"
Napasigaw si Arjo nang bigla siyang buhatin ni Grandel at dali-daling ibinagsak sa
malambot na kama malapit sa kanila. Agad itong pumaibabaw sa kanya at isang
malaking ngiti ang ibinungad nito.
"Ano ba?! Umalis ka nga diyan!" utos ni Arjo na masama ang tingin sa lalaki.
"What's your name?"
"Alis na sabi, eh!"
"I'm Grandel. From Santora family."
"Alis!" Pinalo na niya ang braso nitong nakatukod sa gilid ng ulo niya.
"Hindi pwede. Hindi kita makita nang maayos sa malayo kaya kailangang malapit."
"Malapit?!" gulat na tanong ni Arjo dahil ibang lapit ang posisyon nilang dalawa.
"Are you freaking serious?! Nakapatong ka sa akin!"
"Nasa ibabaw mo lang ako, hindi ako nakapatong. Huwag ka ngang assuming."
"Ah! At ako pa ang assuming! Layas sabi, eh!"
"Bakit ako ang lalayas eh bahay ko 'to? Makikitira ka nga lang dito tapos ako
papalayasin mo?"
"Huwag ka ngang pilosopo!"
"Hindi ako namimilosopo. Nagsasabi lang ako ng totoo."
"I don't care! Get off of me!"
"Make me."
Nakipaghamunan ng tingin si Grandel kay Arjo. Wala na tuloy ibang magawa si Arjo
kundi ang lumaban. Igagalaw na sana niya ang mga kamay nang makuha ito ni Grandel
at hinawakan nang mahigpit.
"Nuh-uh-uh..." At binigyan ng lalaki ng nakakaasar na ngiti si Arjo.
Sinubukan ni Arjo na sumipa kaso pinigilan ng mga binti ni Grandel ang mga binti
niya kaya hindi na siya makakilos nang maayos.
"Nice try, babe." Isang smirk ang binigay ni Grandel kay Arjo.
"Damn you," galit na sinabi ni Arjo at naisip na untugin na lang si Grandel.
Gagawin na sana niya ang plano nang agad na inilapit ni Grandel ang mukha niya kay
Arjo at itinutok ang labi niya sa labi nito bago bumulong ng
"Sige, subukan mo..."
Mahigpit na kinuyom ni Arjo ang mga kamao niya dahil sa kahit anong anggulo ng
posisyon nila, luging-lugi siya sa lalaki.
"Pigil ka pa..." bulong ni Grandel habang tinitingnan nang malapitan ang mga mata
ni Arjo. Ramdam nito ang init ng hininga niya. "Magiging kahinaan mo 'yan kapag
hindi ka nasanay..."
"Wala ka nang pakialam doon," matigas na sinabi ni Arjo na masama pa rin ang
tingin sa lalaking pinaralisa lahat ng galaw niya.
Lalong lumaki ang ngiti ni Grandel dahil sa hitsura ni Arjo. "Welcome sa Jaegar."
Lumayo na rin siya nang kaunti at naging tipid na rin ang kanyang ngiti. "Nakausap
mo si Reese nang mag-isa kahapon kaya ang iniisip ko, sanay ka na sa welcome
greetings." Binitawan na niya si Arjo at umalis na rin sa kama. "If Reese do what
I did to you, malamang na wala ka nang damit ngayon at naghahabol ka na ng
hininga."
Sinundan lang ni Arjo nang masamang tingin si Grandel na lumapit sa isang closet at
kumuha doon ng longsleeve shirt.
"That's your bed. Mine's over there," itinuro niya ang itim na kama sa kabilang
dulo ng kwarto na malapit sa isang bintana. "And Tristan's over there." Itinuro
niya ang isang pulang kama na malapit sa pwesto ni Arjo. "None of the girls liked
you kaya pagpasensyahan mo na kung dito ka napunta. Don't worry, maloko lang kami
ni Tristan, pero hindi kami kasing-sama ng iba gaya ng inaakala mo."
Nakabangon na rin si Arjo ngunit nananatili pa rin ang masamang tingin niya kay
Grandel.
"Masanay ka na sa mga babaeng madalas dito sa loob. Walang makalat sa amin ni Tris
kaya sana malinis ka. Uniform ng Jaegar, nasa closet. Dumampot ka lang doon. Food,
ikaw ang kukuha no'n dahil wala kang katulong dito, unless magdadala kami. Walang
curfew pero may duty ang mga Jackals. Alamin mo ang duty mo for the whole week
dahil walang pare-parehong task dito. Kung may laban ka, excuse ka day before the
fight. Kung Death Match ang laban mo, free ka ng whole week. Pakunswelo sa buhay mo
saka oras na rin para makapagpaalam sa mga mahal sa buhay."
"Sumalang ka na ba sa Death Match?"
"Never and I don't wanna try. Mahirap talunin si Amygdala."
Napaatas ang ulo ni Arjo at napaisip sa sinabi ni Grandel. "Who's Amygdala?"
"She's the Jaegar's Queen."
"Any connection with Reese?"
"Pinipilit lang niya ang sarili niya kahit maging babae lang ni Reese kaso walang
pag-asa. Ayaw ni Reese sa mga gaya niyang fighter. Wala namang special connection
sa dalawa aside from pareho silang bigtime sa Jaegar Underground."
Nakapag-ayos na si Grandel at dumiretso na sa may pinto. "Feel at home. May duty
ako ngayon. Si Tris, ang alam ko meron din. Kung pinatawag ka ni Reese, pumunta ka
agad sa opisina niya. Sana itinuro iyon sa iyo ni Tristan." Binuksan na niya ang
pinto at lumabas na. Kinindatan pa niya si Arjo bago iyon isara.
__________________________
Tristan sa media ^__^

05: The Real Boss

Chapter 5: The Real Boss


Isang tauhan sa Jaegar Underground ang inutusan ng Boss nila para papuntahin si
Arjo sa opisina ni Reese Havenstein. Si Reese ang nagbibigay ng duty sa bawat
niyembro kaya inaasahan na ni Arjo ang presensya niya sa loob ng opisina nito.
Maraming ilaw sa loob ngunit nadidiliman si Arjo sa paligid. Malamig at kumportable
pero nakakaantok ang mga kulay na nakikita niya. Pakiramdam niya, para siyang
nakapasok sa kwarto ng mga baraha dahil sa mga kulay na itim at pula.
"Hindi ako makakapagbigay ng maayos na duty sa iyo kaya sumama ka muna sa akin
habang pinag-iisipan ko muna ang gagawin mo," sabi ni Reese sa kanya habang abala
ito sa pagtingin sa napakaraming papel na nasa mesa niya.
"Paperworks are always boring," sabi ni Arjo habang sitting pretty na nakaupo sa
single couch sa harap ng mesa ng bagong Boss niya na siya naman ang pinaka-Boss.
Natigilan sandali si Reese at sinulyapan si Arjo mula sa pagkakayuko niya.
"I do that kind of job at never akong nabuhayan sa pagbabasa ng mga papel," dagdag
pa ni Arjo.
"Maingay ka pala." Simpleng sabi ni Reese at nagpatuloy na sa ginagawa nito.
"May transactions ka ngayon?" tanong ni Arjo.
Walang sagot.
"Sasama ba ako sa'yo?"
Wala na namang sagot.
"I can be helpful."
Hindi talaga balak ni Reese magsalita.
"Wala ka bang secretary?"
"Walang Jackal ang nakikipag-usap sa akin nang ganiyan."
"Wala rin namang tauhan ko ang hindi nakikipag-usap sa'kin. Subukan lang nila akong
hindi pansinin. Walang sagot, papata--" At natigilan si Arjo. Mabilis siyang nag-
isip ng pangtuloy sa naudlot niyang salita. "Papatawan ng offense."
Tinaasan lang ng kilay ni Reese ang katwiran ni Arjo. Ilang sandali pa'y tumunog
ang phone ni Reese.
"Hello."
Itinuon naman ni Arjo ang atensyon niya sa mga kuko niya.
"Sa Geruda? Pupuntahan ko pa si Sa-- Hindi nga pwedeng..."
Humikab si Arjo dahil naiinip na siya kahihintay ng ibibigay na trabaho ni Reese.
"Fine. Pupunta ako mamaya kung 'yon ang gusto niya." Pinatay na ni Reese ang tawag
at agad na tumayo.
Napaayos ng upo si Arjo at tipid na nginitian si Reese. "Any good news?"
"Good and bad. Good chance is here. Bad news, time conflicts. Mahirap kausap ang
mga kakausapin ko." Kinuha niya agad ang leather jacket niya at sinuot iyon.
"I can help." Tumayo na si Arjo at inayos ang suot na black jacket na may tatak ng
Jackals na nagsisilbing uniform niya.
Umiling lang si Reese at tumuloy na sa paglabas ng opisina niya. Sumunod naman si
Arjo.
"Transactions?" makulit na tanong ni Arjo. "Group? Organization? Crime family?
Mafia? Cartel?"
"All of that." Dumiretso si Reese sa isang makitid na hallway na noon lang
napuntahan si Arjo. "Sasama ka sa akin pero huwag na huwag mong susubukang
magsalita sa kung ano ang makikita mo. Pag-aralan mo ang transactions, ang kilos ng
mga kausap ko, ang tamang gawin kapag kaharap sila, kung ano ba ang kalakaran dapat
malaman mo."
Lumabas sila sa dulo ng isang maliit na pintuan at bumungad kay Arjo ang
naggagandahang sasakyan ng mga matataas na miyembro ng Jackals.
"Oooh, nice cars." Ngumiti lang si Arjo at sumunod kay Reese na huminto sa harap
ng isang asul na Lamborghini.
"What's your name again?" tanong ni Reese sa kanya.
"Arjo."
"Sakay na."
Naghintay si Arjo na pagbuksan siya ng lalaki kaso nauna na itong sumakay sa
driver's seat. Napailing na lang si Arjo at siya na ang nag-serbisyo para sa sarili
niya.
Bored na bored ang mukha ni Arjo habang nasa byahe sila ng tahimik
niyang kasama. Puro siya transaksyon sa loob ng Citadel. Paglabas niya, mukhang
gano'n pa rin pala ang magiging trabaho niya. Alam na niya ang gagawin-- alam na
alam. Kaso mukhang si Reese ang hindi.
Pagkatapos ng kalahating oras na byahe, nakarating din ang dalawa sa harap ng isang
casino hotel.
"Olive Castle?" takang tanong ni Arjo habang nakatingala sa mataas na gusali.
"Tara na. Sayang ang oras." Utos ni Reese at tumuloy na ito papasok ng hotel.
Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Arjo na parang may natatandaan siyang papel na
nabanggit ang lugar. Hindi siya sigurado kung Decurion ba ang nagbigay sa kanya o
ilan sa mga tao sa CCS. Hindi niya maalala nang malinaw pero alam niyang nabasa na
niya ang lokasyon nila.
Nakasunod lang siya kay Reese hanggang sa huminto sila sa 17th floor ng lugar.
Naningkit ang mga mata ni Arjo nang makita ang dalawang guwardya ng isang kwarto na
nilapitan ni Reese.
"I'm here for Juancho Jimenez," sabi ni Reese at nagpakilala na siya.
"Havenstein."
Tumango ang isa sa mga guwardiya at binuksan na ang pinto.
Tumuloy sa pagpasok si Reese kaso biglang hinarang si Arjo.
"She's with me," pabahol pa ng lalaki kaya pinapasok na rin si Arjo pagkatapos.
Simpleng hotel room lang dapat ang loob no'n kaso iba ang dating dahil sa dim
lights at ilang tugtuging nakakaakit.
Nakita agad ni Reese ang pakay niya na kumportableng nakaupo habang sinasayawan ng
tatlong mga babaeng walang ibang suot kundi sapatos lang at manipis at maikling
pang-ibaba. Sa edad nitong kuwarenta, nakukuha pa nitong i-enjoy ang buhay niya
bilang malayang tao na may mataas na posisyon sa lipunang tinatapakan niya.
"Juancho Jimenez, long time no see." Pagbati ni Reese.
Isang nakakaasar na ngiti ang isinukli ni Juancho. "Himala. Pumunta ang anak ni
Havenstein."
"Reese," tawag ni Arjo. "Pamilyar yung--"
Natigilan si Arjo at agad na nagbago ang mukha ni Juancho nang makita siya.
"Alis," utos niya sa mga babae kaya umalis agad ang mga ito.
"Juancho Jimenez," pagtutuloy ni Arjo.
"Pakibukas ng ilaw!" malakas na utos ni Juancho at agad na tumayo sa kinauupuan
niya. Ilang sandali pa'y bumukas na nang maayos ang ilaw ng hotel at nagliwanag na
rin nang matino ang paligid.
"Tungkol sa mga baril na inangkat sa India," pagsisimula ni Reese. "Hindi naman
tamang kunin mo 'yon mula sa amin para lang dalhin sa Mexico--"
"Please be seated," magalang na sinabi ni Juancho.
Kumilos si Reese para umupo pero pinigilan agad siya ni Juancho.
"Not you." Tiningnan niya si Arjo. "Milady, please sit down." At inilahad pa
niya ang palad para ituro ang kumportableng upuan sa harap niya.
Nagtaka naman si Reese dahil pinaupo si Arjo ni Juancho Jimenez.
"Narito ba kayong dalawa para sa mga armas?" Pansin ang magalang na tono ni
Juancho nang makaupo na si Arjo.
"Uh--" Lalong nagtaka si Reese sa nangyayari. Parang may mali. "About that, kami
ang naunang kumuha ng mga 'yon. Hindi naman tamang mapunta sa inyo ang dapat na
sa'min."
Sumali na sa usapan si Arjo. "Dinala ba sa sangay ng Central sa Mexico ang mga
armas?"
"Yes, Milady. Si Salvatore Desimougne ang kumuha ng mga 'yon para ilipat."
"Kailan pa?"
"Mga isang buwan na."
"Kinuha niya sa mga Havenstein?"
"Mas pinili lang na ibenta sa mga Zordick ang armas kaysa sa mga Havenstein."
"Hindi na pwedeng ibalik sa mga Havenstein ang mga nakuha?"
"Ang alam ko, hawak na ng Central ang mga armas. Kung sakaling pinadaan muna iyon
sa Citadel, baka naroon pa rin sa mga Guardians ang mga nakuhang armas mula sa
India."
"Okay." Tumayo na si Arjo sa kinauupuan niya. "Si Xerez na lang ang dapat
kausapin ko-- I mean..." Sinulyapan niya sandali si Reese na nakataas ang kilay sa
kanya. "Namin."
"May parusa bang sasalubong sa akin dahil dito?" alalang tanong ni Juancho kay
Arjo.
"Wala naman. Nagkataon lang ang pagpunta ko rito." Tumuloy si Arjo palabas ng
kwartong iyon nang wala man lang pasabi mula sa mga nasa loob.
Kaya pala pamilyar sa kanya ang lugar ay dahil minsan nang napirmahan niya ang
transaksyon kung saan si Xerez ang umayos. Kilala niya si Juancho Jimenez na isa sa
mga importer ng armas ng apat na association na hinahawakan niya. Kilalang-kilala
niya ito dahil siya mismo ang nagbigay rito ng trabahong iyon. Sa madaling sabi,
walang Juancho Jimenez kung wala si Arjo bilang Fuhrer.
"What's the meaning of that?" pambungad na tanong ni Reese sa kanya paglabas nito
ng hotel room ni Juancho.
"What's what?" nalilitong tanong ni Arjo.
Dinuro ni Reese si Arjo. "Pinakialam mo ang trabaho ko..."
"Wala akong pinakialaman! Nagtanong lang ako!" depensa ni Arjo.
'No! It's my duty to deal with him!" galit na sigaw ni Reese.
"Nagtanong lang ako, hello?" Makikita sa mukha ni Arjo ang pagkadismaya. "Ni wala
nga akong binabang order or agreement tapos--"
"Pumayag siya!" putol sa kanya ni Reese.
"Pumayag saan?"
"Alam mo bang taon ang binilang ko mapapayag lang si Juancho Jimenez na maging
exporter namin?"
"O? Ano ang kasalanan ko?!"
"Sa isang iglap lang, pumayag siya dahil lang sa'yo!"
"At?!"
"Yung--" Hindi maituloy ni Reese ang sinasabi niya dahil hindi niya alam kung ano
ba ang susunod na sasabihin. Puno ng inis ang mukha niya kaya nalaman agad ni Arjo
ang problema.
"Parehas kayo ng kuya mo. Mataas ang pride, madaling basagin ang ego."
"Huwag na huwag mong mababanggit dito ang kapatid ko. Magkaiba kami."
Umiling na lang si Arjo at pinaikutan ng mata ang sinabi ni Reese. "Saan ka na
pupunta sa susunod."
"Pupuntahan ko ang Brigadier ng Familia Catania." At naglakad na si Reese
papuntang elevator.
Nakitaan naman ng gulat ang mukha ni Arjo dahil sa narinig. "Catania?" Napilitan
tuloy siyang sumunod kay Reese.
Umalis si Arjo sa Citadel dahil bored na siya sa trabaho niya. Hindi lang niya
inaasahan na paglabas niya ng Citadel at paglipat sa Jaegar Underground, gagawin pa
rin niya ang mga trabahong inatang niya sa mga Guardian niya.
Bumyahe na naman ang dalawa at katahimikan ang nanaig sa sasakyan.
Malalim ang nasa isip ni Arjo at walang ibang umiikot sa utak niya kundi ang
mangyayari sa pagdaan nila sa mga Catania.
Matagal na panahon na rin noong dumalaw siya sa Familia na iyon at may malaking
utang ang mga Catania sa Fuhrer na kailangang bayaran. Nakikini-kinita na niya ang
magaganap oras na makatapak siya sa bahay ng mga iyon.
"Narito na tayo," sabi ni Reese at lumabas na ng sasakyan.
Lumabas na rin si Arjo at muling hinagod ng tingin ang mataas at malaking bahay na
nasa loob ng isang napakagandang villa sa Geruda.
Nakayuko lang si Arjo at bahagyang nagtakip ng mukha at tumago sa likod ni Reese
nang maglakad ito papasok sa loob ng bahay.
Dinig ang malakas na tawanan sa paligid, ang usok ng mga sigarilyo at malalakas na
tugtugin. Nangangamoy alak sa lugar at halos kainin na ng tingin ng mga armadong
guwardya doon ang Boss ng Jaegar Underground.
Ilang sandali pa'y huminto na rin si Reese sa harap ng isang mahabang mesa na
pinalilibutan ng mga parte ng Familia Catania.
"Sylvano Catania," pagtawag niya sa lalaking kaedaran niya na nasa dulo ng mesa.
"Ikaw na talaga ang pumunta, ha... Nasaan si Dragna? Akala ko ba siya ang kakausap
sa akin. Naduwag na ba?" pang-asar nito.
"Pinagpipilitan mo ang presensya ni Tristan dahil kaya mo siya. Kung may duwag sa
inyo, baka ikaw 'yon. Alisin mo ang mga tao mo sa teritoryo ko kung ayaw mong
simulan ko ang gyera sa pagitan ng Catania at mga Havenstein."
Isang malakas na tawa mula kay Sylvano. "Paano kung ayoko?"
Sumilip si Arjo sa likod ni Reese at tinaasan ng kilay ang sinagot ni Sylvano
Catania. "Kung ayaw mo, mukhang mauubos kayo sa loob lang ng isang buong araw."
Gulat na gulat ang mga mukha ng nasa mesang iyon nang makita si Arjo. Lahat
nagtayuan nang makita siya.
"A-a-anong..." Natanga si Sylvano habang nakatingin kay Arjo.
"Gusto n'yo ng gyera?" tanong pa ni Arjo. "Madali kaming kausap."
"Tsk!" galit na tiningnan ni Reese si Arjo. "Shut up. You're not helping."
"Yung mga tao ko lang ba sa teritoryo ng Jaegar ang problema?" takot na tanong ni
Sylvano. Agad siyang nilingon ni Reese. "Kung 'yon lang pala ang problema,
paaalisin ko na."
"Mabilis naman pala kayong kausap," sabi agad ni Arjo. "Sa loob ng dalawang araw
mula ngayon, kapag may tauhan pa rin ang mga Catania sa palibot ng Jaegar,
pasensyahan na lang."
Pigil na pigil naman ang galit ni Sylvano at agad na nag-iwas ng tingin sa lahat.
"Ayokong magtagal dito, baka kung ano pa ang maisip ko. Mukhang tapos na ang usapan
na 'to, Reese." Gaya ng lagi niyang ginagawa, lagi siyang nauunang umalis nang
walang pasabi.
Alam ng mga Catania ang kayang gawin ng Fuhrer.
Kapag ang Fuhrer ang nagdeklara ng gyera laban sa isang pamilya, kaya nitong bumura
ng isang buong angkan sa loob lang ng ilang araw.
"Sandali nga lang!" Hinatak agad ni Reese ang braso ni Arjo para pigilan. "Nang-
aasar ka ba?"
"Ano na naman ba ang problema?" tanong ulit ni Arjo. "Tinulungan ka na, 'di ba?"
"Hindi madaling kausap ang mga Catania, alam mo ba iyon?"
"Ngayon?"
"Gano'n lang? Iyon na 'yon?"
"O? Nasaan ang pinagpuputok ng butse mo doon?"
"Laban lang naman ng pamilya ang pinagitnaan mo."
"At?"
"Anong at?! Hindi basta-basta napapapayag nang gano'n ang mga gaya niya!"
"Ah! Sorry ka, sorry siya, pumayag sila!" Binawi ni Arjo ang braso niya at saka
humalukipkip. "And, excuse me, Mr. Havenstein... I said I can help. I'm helping.
Tapos imbis na makatanggap ng thank you, pinagagalitan mo pa ako. Wow!"
"Why would I thank you, anyway?! That's my duty as Boss of Havenstein Mafia
Family!"
"And, I guess, it's my duty to help you because you brought me with you and I don't
have any duty as of the moment. Now you tell me what is really wrong with you?"
At natahimik si Reese habang nakikipagsukatan ng tingin kay Arjo.
Hindi lang talaga niya matanggap na ang mga transaksyong taon na niyang nilalakad
at inaayos ay mase-settle lang nang wala pang isang oras na usapan. At dahil lang
iyon sa kasama niyang baguhan sa Jaegar.
"May pupuntahan ka pa ba?" tanong ni Arjo na dinugtungan pa niya ng "Boss?"
"I need to talk to Salvatore Desimougne. And, I don't want you to interfere again."
"Okay."
At dumiretso na si Reese sa sasakyan niya. Sumunod na naman si Arjo.
Hindi iyon ang inaasahan niyang mangyari sa araw na iyon. Wala sa panaginip niyang
maayos nang gano'n lang kadali ang lahat. Hindi niya alam kung paano matutuwa o
tatanggapin ang bilis ng mga pangyayari.
Inaasahan niyang hindi kakayanin ng isang buong araw ang tatlong taong kakausapin
niya kaya niya pinoproblema ang oras. Kaso base sa mga naganap, napakarami pa
niyang oras at halos lahat ng minutong sinayang niya ay sa byahe lang nagastos.
"Kilala mo si Salvatore Desimougne?" tanong ni Arjo.
"I told you not to interfere again, right?" seryosong sinabi ni Reese habang
tuutok sa daan.
"Just asking para mamaya, hindi na talaga ako magsasalita."
Tiningnan ni Reese sa dulo ng mata niya si Arjo. Nanigurado sa sinasabi nito.
"Salvatore Desimougne is the Third Generation Guardian Centurion of Citadel.
Grandson of Frederico Decavalcante and nephew of the late Giuseppe Devero. He's the
right hand of the Fuhrer at hindi siya basta-bastang kausap."
"Ano ba ang dapat pag-usapan ninyo?"
"Tungkol sa naiwang posisyon noon ni King Ace Havenstein at doon sa dapat na
posisyon ng anak niya."
Naningkit bigla ang mata ni Arjo dahil hindi niya yata alam ang tungkol doon.

"Balak kong pasukin ang Citadel. Gusto kong makausap ang Fuhrer ngayon para
sabihing kukunin ko ang naiwang posisyon ng Superior na Havenstein noon."
"That's impossible. May requirements ang mga Superiors. Saka patay na ang anak ni
King, sampung taon na."
"I don't care about those fucking requirements. And, I know the kid is dead--"
Natigilan si Reese at nagtatakang tiningnan si Arjo. "Where the hell did you get
those information?"
"I'm a human resource manager. I get right people for the right job. If I need
information, I get right people to get me right information. Basic."
"Intel ka ba?"
"I'm not smart enough to enter that kind of job. I just know what I need to know.
Inaalam ko lang kung ano ang mahalaga."
Naningkit lang ang mga mata ni Reese kay Arjo dahil lalo lang siyang nagtataka sa
mga ginagawa at sinasabi nito.
Nanaig na naman ang katahimikan sa sasakyan. Unti-unti, dumarami ang tanong ni
Reese tungkol sa pagkatao ni Arjo at sa mga nalalaman nito.
Inabot ng dalawang oras ang byahe at nakarating ang dalawa sa isang parte ng
Citadel kung saan may opisina ang mga Guardian. Doon madalas tanggapin ang mga
bisitang nais kausapin ang kahit sino sa mga Guardian-- Decurion man o Centurion.
Kagat-kagat lang ni Arjo ang hinlalaki niya habang nakasunod kay Reese habang
binabaybay nila ang pasilyo patungo sa meeting room ng mga Guardian. Nakailang
beses siyang nakatanggap ng pagbibigay-galang na hindi naman napapansin ni Reese
dahil alam niyang magalang ang mga Guardians.
Sa wakas ay napasok na nila ang meeting room kung nasaan nakaupo si Xerez sa dulo
ng oval table.
"I'm expecting you coming here late," bungad sa kanya ni Xerez.
"I didn't expect coming here early," sagot ni Reese at naupo sa kabilang dulo ng
oval table.
Nanatili namang nakatayo si Arjo sa may pintuan at nakangiti lang kay Xerez.
Nagulat man si Xerez, hindi naman iyon nakita sa kanyang reaksyon. Ngumiti lang din
siya kay Arjo at tumayo sa kinauupuan niya. "Please be seated, Milady. Hindi ka
sekretarya para tumayo sa gilid ng pinto." Nilapitan pa niya si Arjo at inaya ito
para paupuin. Doon sana sa pwesto niya ito dapat umupo kaso pinigilan siya ni Arjo.
"Hindi niya alam na kilala kita," bulong ni Arjo kay Xerez.
"Gano'n ba, Milady." Dinala na lang ni Xerez si Arjo sa tabi ni Reese.
Umupo na rin si Xerez sa kaninang inupuan niya at tiningnan si Reese. "Balita ko,
nanggaling ka kay Juancho Jimenez at sa mga Catania."
"Bakit kapag balita ang pag-uusapan, talo pa ng mga Guardians ang pinakabitan ng
CCTV ang mga tao sa buong mundo?"
"May dahilan kung bakit kami ang nagpapalakad sa anino ng mundo. Maganda ang araw
na ito ngayon para sa iyo. Madali akong makagagawa ng desisyon sa problema mo. Sana
alam mo kung anong klaseng swerte ang dala mo ngayon." Tiningnan ni Xerez si Arjo.
"Gusto ninyo ng maiinom bago tayo magsimula?"
___________________________________________________
Yan muna sa ngayon kasi marami akong ginagawa... hindi ko na isinama yung karugtong
niyan kasi hehehehe... medyo basta, abangan n'yo na lang.
Ganito para matino ang usapan natin.., Challenge ko sa mga manghihingi ng updates.
Kapag nakagawa kayo ng 5,000 words short story... kahit ano, may kwenta man o wala,
i-upload n'yo sa wattpad profile ninyo tapos babasahin ko. After that, saka ako
gagawa ng updates nitong Amygdala's End. KAPAG NANGHINGI KAYO NG UPDATES HA!
Babantayan ko kayo. Kapag nanghingi kayo tapos hindi ninyo nagawa ang kasunduan,
maghihintay ako sa inyo kahit gaano pa katagal magawa n'yo lang yon... bale hindi
lang pala ako ang maghihintay kundi ang iba pang readers ng story na ito.
Eh paano kapag walang nanghingi ng updates?
Eh di maganda. Maghintay kayo kung kailan ako sipagin ulit. Mga next week lang,
ganon :)
Kapag may hindi sumunod, tandaan: HINDI KO KAWALAN.
Nananakot ba ako?
Depende kung natatakot ka bilang nagbabasa nito.

06: Leaving Safe Zone

Chapter 6: Leaving Safe Zone

Kalmadong-kalmado lang si Xerez habang pinakikiramdaman ni Reese na sandaling


uminom ng ibinigay nilang kape. Tahimik lang si Arjo para makinig sa magiging
usapan ng dalawa.
"Kulang pa ang posisyon ng mga Superiors ayon sa mga taong nakakausap ko sa
Jaegar," sabi ni Reese.
"Gano'n na nga," sagot ni Xerez. "Pero hindi ibig sabihin no'n ay bukas ang
posisyon para sa kahit sinong gustong makapasok ng Order."
"Naipapasa ang posisyon at siguro naman, tama lang na kunin ko ang posisyon na
naiwan ni King Ace Havenstein o ng anak niya."
"Pero hindi iyon maaari. Hindi lahat ng gusto ninyong mangyari ay mangyayari. Hindi
pwedeng kunin ang naiwang posisyon ng kahit sino sa dalawang nabanggit mo."
"Bakit ikaw ang nagdedesisyon niyan? Hindi ba dapat ang Fuhrer?" paghahamon ni
Reese. "Kanang kamay ka lang. Siya ang gusto kong makausap ngayon."
"Wala ring magagawa ang Fuhrer," tugon ni Xerez. "Hindi niya hawak ang Criminel
Credo."
"The Fuhrer can do no wrong. The Fuhrer is the Order. The Fuhrer is the Criminel
Credo itself."
Napailing na lang si Arjo. "The Fuhrer is but a person, Reese. Pwede siyang
tanggalin ng mga tao niya. No one is above the Credo-- even the Fuhrer."
"But he has immunity from any punishments laid by their law."
"Nabasa mo na ba ang Credo, ha?" tanong pa ni Arjo. "Nakabase sa logical and
practical ground na walang kahit anong batas sa Criminel Credo--"
Sumabat agad si Reese. "Nakalagay sa Criminel Credo na walang batas ang maaaring
lumaban sa desisyon ng Fuhrer."
"You're wrong," sagot agad ni Arjo. "There are reasons why Guardians exists."
Umiling na lang siya at inilipat ang tingin sa ibang direksyon. "The Fuhrer may be
the King, but the Centurion is the Queen. The King may be important but no one is
much more powerful than the Queen."
"Hindi papayag ang Fuhrer sa binabalak mo," sagot agad ni Xerez.
"Papayag siya, ako ang kakausap," katwiran ni Reese. "Nasaan ba siya?"
Umayos ng pagkakaupo si Xerez at inilipat ang tingin kay Arjo.
Napailing na lang si Arjo kay Xerez. "Kung ako ang Fuhrer, hindi ako papayag."
Sinagot siya agad ni Reese. "At mabuti dahil hindi ikaw ang Fuhrer. Walang
humihingi ng opinyon mo kaya tumahimik ka."
Tumaas lang ang kilay ni Arjo sa sinabi ni Reese at tamad na hinimas ang noo niya
dahil sa kakulitan ng kausap niya.
"Kukuha ako ng appointment sa kanya." Tumayo na si Reese at tiningnan nang masama
si Xerez. "Sabihin mong gusto ko siyang makausap sa lalong madaling panahon."
Sandaling ngumiti si Xerez. "Hindi mo na kailangang kumuha pa ng appointment dahil
siya na mismo ang lalapit sa iyo kung karapat-dapat ka nga sa posisyong hinihingi
mo."
"Karapat-dapat ako-- iyan ang sabihin mo sa kanya." Agad na dumiretso si Reese
palabas ng meeting room na iyon at iniwan si Arjo at Xerez sa loob.
Tipid lang ang ngiti ni Arjo sa Guardian Centurion niya.
"Nangingibabaw ang amor propio niya, Milady. Balak mo bang baguhin ang pasya mo?"
"Dapat ko bang baguhin?" tanong ni Arjo na nagdadalawang-isip na.
"Sabihin na nating may karapatan nga si Reese sa naiwang posisyon ni King. Sapat na
bang dahilan iyon para magbago ang isip ninyo, Lady Josephine?"
Isang pilit na ngiti mula kay Arjo. "Kahati ng pagkatao ko ang anak ni King.
Pamangkin naman siya ni Papa. Hindi ko alam kung pinsan ko ba si Reese o tiyuhin
ko. Kung sakali pang makapasok siya ng Citadel, baka siya pa ang pumalit sa naiwang
lugar ni Max bilang asawa ko. Kailangang pigilan ang mga bagay na hindi na dapat
maulit."
"Hindi basta-basta napipigilan ang mga bagay na matagal nang itinakda, Milady.
Imposibleng manalo sa tadhana."
"Imposible rin naman ang pagkabuhay ko kaya may pag-asa akong manalo. Kailangan ko
lang sumugal sa tamang laro."
"Pero sumugal ka na at naglapag ka na ng malaking baraha mula nang pasukin mo ang
teritoryo niya."
Unti-unting lumaki ang ngiti ni Arjo at napailing na lang dahil sa sinabi ni Xerez
sa kanya. "Manalo man ako o matalo, wala naman akong pakialam. Gusto ko lang
mabago ang daan ko papunta doon sa dulo kung saan makikita ko ulit sila Mama."
Dumiretso na siya sa may pinto ng meeting room at sa huling pagkakataon ay
nagpasabi pa sa Guardian Centurion niya.
"Kung dumating na si Erish Grymm sa Citadel, tawagan mo agad ako. Babalik ako rito
para kausapin siya."
"Yes, Milady."
Si Arjo nga ang Fuhrer pero hindi niya uulitin ang mga maling nagawa ng nakaraang
pamamalakad sa Citadel. Alam niyang kwalipikado si Reese at kung tutuusi'y may
isang summons ang hanggang ngayo'y hawak niya para lang sa taong iyon.
May kinatatakutan lang siyang mangyari kaya hindi niya maibigay ang kailangan at
hinihingi nito.
Pabalik na si Arjo sa sasakyan ni Reese nang bigla siya nitong hatakin at marahas
na itinulak sa mataas na bakod ng lugar na pinanggalingan nila. Masamang tingin ni
Reese pa ang bumungad sa kanya.
"Sino ka bang talaga?" tanong ni Reese.
"Baguhan lang ako sa Jaegar." Aalis na sana siya nang harangan ni Reese gamit ang
braso niya ang direksyong dadaanan ni Arjo.
"Espiya ka ba?"
"Hindi ko kailangang maging espiya. Kahit pa ipa-check mo ako sa mga tauhan mo,
wala rin silang makikitang bug, spying cam o mic sa akin."
"Bakit ang dami mong alam? Parte ka ba ng--"
"Marami akong kakilalang Guardians. Napag-uusapan nila, nakikirinig lang ako."
"E, yung kaso kanina ni Jimenez at ng mga Catania? May kinalaman ka ba roon?"
"Nagtanong lang ako. Simpleng pagbabanta lang ang ginawa ko. Kung natatakot sila,
kasalanan nila 'yon." Tinabig niya ang braso ni Reese na nakaharang sa dadaanan
niya at saka siya naglakad papalapit sa sasakyan ng lalaki.
"Huwag kang sasakay ng kotse ko." Puno ng pagbabanta sa kanya ni Reese.
"Okay." Itinaas ni Arjo ang mga kamay para sumuko. "Mas masaya pa siguro ang
maglakad pabalik sa quarters." Umiling na naman siya at sinimulan nang lakarin ang
direksyon pabalik sa Jaegar.

____
Saka ko na ia-update yung next chap. Ayusin ko muna kasi andaming kulang...

07: The Guardian

Chapter 7: The Guardian

Nasanay si Arjo na hindi na inaalam ang oras kapag nag-iisa siya kaya hindi niya
napansin na lumubog na ang araw. Sarado rin sa quarters nila kaya hindi niya alam
kung may araw pa ba o wala na. Gaya ng nakasanayan, nakaupo siya at nakasandal sa
headboard ng malambot niyang kama sa quarters nila sa Jaegar Underground at iniisip
na naman ang kanyang kahapon na gusto na niyang kalimutan.
"Ma, dress lang naman, eh!"
"Hoy, Arjo, ilang beses ka ba nagsusuot ng damit sa isang buong araw, ha?" reklamo
sa kanya ng Mama niya.
"Luma na yung mga dress ko!"
"Luma?! Last week ko lang binili yung mga damit mo, luma na agad? Sira ba ang
kalendaryo sa iyo, ha? Kung pasuutin kaya kita ng isang pares lang ng t-shirt at
short nang isang buong taon? Tigil-tigilan mo ako sa kaartehan mo, ha."
Maraming beses silang nag-away ng Mama niya noon dahil lang sa mga simpleng bagay
gaya ng damit at ilang mga abubot na wala naman talagang pakinabang.
Hindi lang niya nakita na dadating ang oras na makikita niya ang Mama niya na handa
silang patayin dahil lang sa sinasabing pagmamahal nito sa kanila.
"Papa! Gusto ko ng stuff toy!"
"Alin ba diyan? Yung pink?"
"Bibilhin mo?" At nginitian niya nang matamis ang Papa niya.
"Hindi."
"Papa!"
"Hahaha! Oo na, ito na nga, bibilhin na."
Kahit hindi sabihin, alam nilang magkakapatid na siya ang paboritong anak ng Papa
niya-- na kung tutuusi'y hindi naman talaga siya kadugo nito. Higit sa lahat, anak
siya ng mortal na kaaway ng itinuring niyang ama.
"Kuyaaa! Bakit ko kelangan magpa-tutor? Kaya ko naman, eh!"
"Kaya mo? Ni simple-simpleng introduction ng mathematical sequence hindi mo alam!"
sabi ni Max sabay hagis ng pink notebook sa mukha ni Arjo.
"Aray! Kuya! Bakit ang sama mo?!"
"Bakit ang engot mo?"
"Why are you doing this to me?"
"If you're not stupid in Math, I will not do THIS to you. Now, you have to do what
I want you to do; think, what I want you to think; and keep everything what I say
in your bird-like mind because I hate people wasting my precious time for nothing."
Sa lahat na siguro ng madali kausap, si Max na ang pinakamahirap kausapin. Wala
naman dapat magbabago sa kanilang dalawa kung hindi lang nabunyag lahat ng
tinatagong sikreto ng mga Malavega.
Napapaisip siya sa mga oras na iyon kung ano sana ang buhay niya ngayon kung hindi
nangyari ang mga nangyari noong nakaraang sampung taon.
"Pst."
Napapikit-pikit si Arjo nang mawala sa konsentrasyon at makita ang palad na
winawagayway sa harap ng mukha niya.
"Yoohoo..."
Tumigil ang kamay nang hawakan ito ni Arjo. Tiningnan niya kung sino ang nasa
harapan niya.
"Tristan." Isang ngiti ang natanggap niya mula rito.
"Okay ka lang?" tanong pa nito. "Kanina ka pa tulala." Hinawakan nito ang leeg
niya kaya agad siyang napaiwas. "Easy ka lang, titingnan ko lang kung may lagnat
ka."
"Ayos lang ako." Binitiwan na niya ang kamay ni Tristan at saka siya humiga
patagilid sa kama niya. Kahit na anong gawin niya, hindi niya maiwasang hindi
matulala.
"Sure kang okay ka lang?"
Hinawi ni Tristan ang buhok niyang humarang sa kanyang mukha. "Oo. Baka napagod
lang ako. Naglakad kasi ako pabalik dito sa Jaegar. Galing ako sa Citadel."
"Nilakad mo?" gulat na tanong ni Tristan.
"Hindi naman sa nilakad. Sumakay rin ako pero mas nakunsumo ang oras ko sa
paglalakad. Sinama kasi ako ni Reese sa lakad niya kaso iniwan niya ako kaya
napilitan akong bumalik dito mag-isa."
"Iniwan ka ni Reese?" Napailing si Tristan. "Siraulo talaga yung isang 'yon! Ang
layo ng Citadel dito!"
"Hayaan mo na. Tapos naman na."
Nagbago ang tono ni Tristan at napuno ng pag-aalala. "Napagod ka ba? Kumain ka na
ba? Gusto mong dalhan kita ng makakain mo?"
"Ang sabi ni Grandel, hindi uso ang butlers dito. Huwag ka nang mag-abala."
"May pagkain ako diyan sa ref kaso dessert lang. Baka sumama ang tiyan mo kasi
hindi ka pa yata nagdi-dinner."
"Ayos lang ako."
Dama ni Tristan na hindi ayos si Arjo kaya humiga siya sa tabi nito patagilid
paharap sa kausap niya. "Hindi ka ayos. May problema ka ba?"
Malamyang sumagot si Arjo. "Wala."
"Ang babaeng sumasagot ng wala, laging may katumbas na meron 'yan. Ano 'yon?"
"Hindi mo maiintindihan."
"Girl problems ba?"
"Family."
Natahimik si Tristan. Nakitaan ng lungkot ang reaksyon niya sa pagbabanggit ni Arjo
tungkol sa problema sa pamilya.
"Wala nang buhay sa tinuring kong pamilya," pagtutuloy ni Arjo. Bumangon siya sa
pagkakahiga at umupo sa kama. "Pinatay nila ang Papa ko. Pinatay ng kapatid ng Papa
ko ang kapatid ko. Pinatay ng Mama ko ang asawa ko. Nagpakamatay ang Mama ko.
Mahirap mabuhay kapag iniisip kong bakit pa ako natira..."
"Mahirap mag-isa. Lumalaki lalo ang mundo."
"Tama."
Bumangon na rin si Tristan at umupo paharap kay Arjo. "Iyon lang ba ang problema
mo?" Tinapik niya ang sarili niyang balikat. "Libre umiyak diyan." Pilit namang
ngumiti si Arjo sa kanya. "Mahirap matira bilang matibay sa pamilya. Alam ko ang
pakiramdam niyan." At dahil hindi kumilos si Arjo, si Tristan na mismo ang
naglapit kay Arjo para isandal ito sa balikat niya. Kinuha niya ang magkabilang
kamay nito para ipayakap sa kanya. "Nakakagaan ng pakiramdam ang hug."
Napangiti nang tipid si Arjo dahil sa ginagawang pagtulong sa kanya ni Tristan.
"Kaya ka sinasabihang mahina. Masyado kang mabait."
"Ayos lang," mahinang sinabi ni Tristan at hinagod ang buhok ni Arjo. "Tawagin na
nila ako sa kung paano sila magiging masaya. Hindi naman nila ako kilala kaya
malaya silang manghusga."
Sa hindi malamang dahilan, kumakalma si Arjo sa yakap at ginagawa sa kanya ni
Tristan. Huling beses na naramdaman niya iyon ay noong huling beses na natulog sila
ni Max na magkasama. Nakuyom pa niya ang damit na suot ni Tristan at isinubsob niya
ang mukha sa leeg nito.
"Nararamdaman ko ang bigat ng problema mo..." bulong ni Tristan sa kanya. "Your
whole family was killed."
"I miss them..."
Humugot ng malalim na hininga si Tristan at tinapik-tapik ang likod ni Arjo. "It's
okay." Inilayo niya si Arjo sa kanya at matipid niya itong nginitian. "I can be
your family. I can be your father, or your elder brother if awkward sa iyo dahil
hindi naman ako father-figure."
Sa wakas ay ngumiti na rin si Arjo. "Know what, I have a butler. Magka-ugali
kayo."
"Wala na rin ba siya?" alangang tanong ni Tristan.
Umiling si Arjo. "Buhay pa siya. Doon siya nagtatrabaho sa tinitirhan ko bago ako
mapunta rito sa Jaegar. Anyway, where's your family?"
Hindi nakasagot si Tristan.
"Uhm, masyado bang personal ang tanong ko?" alangang tanong ni Arjo.
Nagdalawang-isip pa pero sumagot naman si Tristan. "I... I don't have any..."
Tinantya muna ni Arjo ang mukha at reaksyon ni Tristan bago ito tanungin. "Why?"
"Well... my family..."
Hindi na umasa si Arjo na makakasagot pa si Tristan sa tanong niya. Nakikita niya
kasi sa mukha nito na nahihirapan itong magpaliwanag.
"Kung hindi mo kayang sabihin, okay lang."
"I'm the last Dragna in my clan."
May sasabihin pa sana si Arjo kasi hindi na niya naituloy pa. Tinitigan na lang
niya si Tristan na tulala sa kung saan.
"Mahaba lang ang pasensya ko, marunong lang ako umunawa ng sitwasyon, alam ko lang
kung paano kokontrolin ang mga tao sa paligid ko. Pero hindi ibig sabihin no'n,
hindi na ako marunong lumaban." Napabuntong-hininga si Tristan at malungkot na
tiningnan ang palad niya. "Hindi uso sa akin ang second chances pagdating sa
atraso. I never give another bullet to those people who didn't kill me the first
time they tried. You can see people's true character when they're mad. And 'true'
is always scary."
Nakita bigla ni Arjo ang sarili niya sa kinikilos ni Tristan. Alam niya ang ibig
sabihin ng mga balisang tingin na iyon at ang mga kilos na parang nakulong ito sa
isang maliit na kahon dahil may nagawa itong kasalanan na kailangang pagdusahan.
"Tristan..."
Agad na lumaki ang ngiti ni Tristan at hinawi ang buhok ni Arjo na nasa balikat
nito. "Pero tapos na 'yon kaya kailangang magpatuloy sa buhay. Kaya kung may
problema ka, tandaan mo: nandito lang ako. At dahil wala rito ang sinasabi mong
butler mo, willing akong maging butler para sa iyo."
"Pero--"
"Hey, Tris!"
Napalingon ang dalawa sa direksyon ng pinto.
"O, Grandel." Tumayo agad si Tristan at nilapitan ang kaibigan niya.
"Inaasahan ka kanina sa Geruda, si Reese daw ang pumunta."
"Hindi ako tumuloy roon. Mahirap na, ayokong idamay ang Jaegar."
May inabot na papel si Grandel kay Tristan bago nito nilapag ang mga gamit na dala
niya sa pinakamalapit na cabinet sa quarters nila. "Ikaw ang gusto nilang pumunta
roon. Ayaw nilang papuntahin si Reese o kahit si Lollipop."
Kumunot ang noo ni Tristan sa nabasa niya sa papel na binigay ni Grandel sa kanya.
"Consigliere lang ako. Trabaho ng Brigadier 'to."
"Ibinigay ko na 'yan kay Yulance at pinuntahan na niya. Hindi siya tinanggap doon.
Inalok pa nga ni Yuly na si Reese na lang ang kumausap sa kanila o kaya si Lolli
kaso hindi talaga pumayag. Nagbigay pa ng pasabi na ikaw ang dapat pumunta roon at
hindi ang kung sino pang member ng Jaegar."
Napapikit sa galit si Tristan at biglang bumigat ang paghinga niya. Nalukot niya
ang hawak na papel at agad siyang tumango sa sinabi ni Grandel.
"Sige. Pupuntahan ko."
"Bukas?"
"Ngayon." Dali-dali siyang naglakad palabas ng quarters nila.
"Tris!" pahabol ni Grandel. "Magpasama ka kay Dwight!" Wala siyang natanggap na
sagot mula sa kaibigan.
Umiiling na lumapit si Grandel sa closet niya para kumuha ng damit na pampalit sa
uniporme niyang suot.
"Hey," tawag ni Arjo. "Tungkol saan yung pinag-uusapan ninyo?"
"Pinatawag kasi Tristan sa Citadel."
Nagulat naman si Arjo sa sinabi ni Grandel. "Para?"
"I don't know. Hindi naman basta-basta nagbibigay ng rason ang Citadel sa kung
sinu-sino lang."
Naguluhan tuloy si Arjo kung bakit pinapatawag sa Citadel si Tristan gayong wala
siyang kaalam-alam kung bakit ito kailangang pumunta roon.
Agad na tinawagan ni Arjo si Xerez para kumpirmahin ang tungkol sa kaso ni Tristan.
"Yes, Milady?"
"Xerez, kilala mo ba si Tristan Dragna?"
"Tristan Dragna, the last blood of Dragna Clan. Yes, Milady."
"Bakit siya pinapupunta sa Citadel? Sino ang nagpatawag sa kanya riyan?"
"Ako ang nagpatawag sa kanya, Milady. Ang pangalawang henerasyon na Guardian
Decurion ng dating Lady Armida ay malapit nang umalis sa kanyang pwesto."
"Ngayon?"
"Ang Guardian Decurion na papalit sa maiiwang posisyon ay si Tristan Dragna."
At hindi nakasagot si Arjo sa nalaman niya mula kay Xerez.
"May katanungan pa kayo, Milady?"
"W-wala na... salamat." Binaba na ni Arjo ang tawag at nilingon agad si Grandel na
abala sa binabasa nitong libro sa sarili nitong kama. "Hey, Grandel!"
"What?" sagot nito habang naka-focus sa librong hawak.
"Alam mo ba kung ano ang nangyari sa pamilya ni Tristan?"
"Ang alam ko, naging superstition sa pamilya nila ang tungkol sa cursed child.
Malas daw kasi 'yon sa angkan. Mga sinumpang anak daw kasi ang magpapabagsak sa
buong pamilya. Ibang version lang ng anak sa labas. Kaso, yung lagay niya, anak
siya sa labas ng panganay na Dragna tapos ang nanay niya tagapagmana ng kalaban ng
angkan nila. Malas nga talaga."
"Tapos?"
"Pinapatay siya ng buong angkan ng tatay niya."
"Pinapatay? E, bakit nandito siya ngayon?"
"Pinatay niya ang buong angkan niya."
"Pinatay niya? Paano siya napunta sa mga Havenstein?"
"Havenstein ang mother niya."
"Pinsan niya si Reese?"
"Second consanguinity." At parang biglang nagising si Grandel sa mga sinasabi niya
at napabangon sa pagkakahiga niya. Ibinaba niya agad ang hawak na libro at hinubad
ang suot niyang salamin sa mata. "Huwag mo nga palang sasabihin kay Tristan na
sinabi ko 'yan sa iyo, ha! Baka magalit 'yon! Kami lang ni Reese ang nakakaalam
no'n!"
"Oo na, oo na..." Agad na umiling si Arjo at tinaasan lang ng kilay si Grandel na
nag-aalala dahil sa mga nasabi nito. "Guardian Decurion... kung buhay pala si
Mama, magiging Guardian niya si Tristan."

_______
Tristan sa media ^__^
08: Memories of Yesterday

Chapter 8: Memories of Yesterday

Panibagong araw at hanggang ngayon ay wala pa ring natatanggap na duty si Arjo mula
kay Reese.
At dahil wala pa siyang trabaho, kinailangan niyang bumalik sa Citadel para ayusin
ang musoleo na pinagagawa niya kay Erish Grymm.
"Akala ko ba 11 pm sharp, narito na?" inip na tanong ni Arjo habang nasa ilalim ng
itim na payong na hawak ni Xerez. Tirik ang araw at nasa harapan sila ng libingan
ng mga Superiors at Guardian sa sementeryong nasa loob ng Citadel.
"Milady, nagkaroon daw ng emergency si Mr. Grymm kaya male-late siya nang ilang
minuto."
Sinilip ni Arjo ang relo niya. Sampung minuto makalipas ang alas onse.
"Pagkatapos ng sampung minuto at wala pa rin ang lalaking yon--" Natigilan siya
nang makarinig ng paparating na sasakyan mula sa kanyang kaliwang direksyon.
"Mukhang narito na si Mr. Grymm, Milady."
Huminto ang sasakyan may ilang dipa ang layo kila Arjo. Bumukas ang pinto nito sa
may driver side at lumabas doon si Erish Grymm.
"I'm sorry I'm late! I have this--" Naituro niya ang sasakyan kaya napatingin doon
si Arjo.
Kumunot agad ang noo ni Arjo nang makita ang isang batang lalaki sa loob.
"Don't worry, hindi siya makakaabala," katwiran pa ni Erish.
"Who's that kid?" tanong ni Arjo.
"Uhm... he's..." Napakamot ng ulo si Erish at hindi na naituloy pa ang gusto
niyang sabihin.
"Daddy!" sigaw ng batang lalaki sa loob ng kotse ni Erish. Dumungaw ito sa
binuksang bintana habang sumisigaw. "Daddy, I'm hungry!"
"Oh, God..." Napatakip ng mukha si Erish dahil sa kahihiyan.
"You brought your son?" di-makapaniwalang tanong ni Arjo.
Pinilit namang mangtawiran ni Erish. "Sunday today and wala siyang school. Walang
mapag-iiwanan sa kanya kaya--"
"Where's the mother of that child?"
Hindi nakasagot si Erish sa tanong na iyon kaya binulungan na ni Xerez si Arjo.
"Patay na ang asawa ni Mr. Grymm, Milady. Limang taon na. That kid is Zion Grymm,
seven years old."
"Oh..." Napatango na lang si Arjo dahil sa sinabi ni Xerez.
"Daddy! Daddy! Daddy! I wanna go outside!"
Pinanood lang ni Arjo si Erish na puntahan ang anak nito at palabasin ng sasakyan.
"Zion, I said behave, right?" Binuhat ni Erish ang bata at tinakpan ang ulo nito
para hindi mainitan. "Are you behaving right, hmm?"
"Xerez," tawag ni Arjo.
"Yes, Milady?"
"Kumuha ka pa ng isang payong at magdala ka ng lunch para sa aming tatlo."
"Yes, Milady."
Agad na tumawag si Xerez sa ibang Guardian para ibigay ang hinihingi ni Arjo.
Samantala, nakatitig lang si Arjo sa mag-amang Grymm. Naalala niya si Max at Zone
sa nakikita niya.
Nappaikit siya nang maramdamang may mga bagay na naman siyang ipinagkukumpara. Wala
na sina Max at Zone. Isa na lang silang parte ng kahapon niya kaya kailangan na
niyang kalimutan ang tungkol sa dating buhay nila bilang pamilya Malavega.
"I'm really really sorry about this," sabi sa kanya ni Erish.
"It's okay." Kinuha ni Arjo ang payong kay Xerez at inalok ito kay Erish.
"Payungan mo 'yang bata. Mainit."
"Ha?" Nagulat naman ito. "No! No need, I-I can--" Hindi na siya nakapagsalita pa
nang tinabihan na siya ni Arjo para payungan silang pare-pareho.
"Milady," tawag sa kanya ni Xerez, "ako na lang ang--"
"No, Xerez. It's fine. Ihanda mo na lang ang mga hinihingi ko." Idiniretso ni Arjo
ang tingin sa dadaanan nila at saka nagsalita "Puntahan na natin ang site. Wala
akong balak mag-aksaya ng oras katatayo rito."
"A-- S-Sige..." Hindi alam ni Erish ang sasabihin dahil hindi niya inaasahan ang
pangyayaring iyon. Wala s aplano niya ang dalhin ang anak niya sa trabaho kaya
nagsisimula nang mangibabaw sa kanya ang hiya dahil malaking abala na ang nagagawa
niya kay Arjo.
Naglakad na sila papasok sa napakatahimik na sementeryo ng Citadel. Malawak ang
lugar at nangingibabaw ang kulay ng bermuda grass sa buong paligid. Sa kalsadang
dinaraanan nila ay matatanaw ang ilang mga naglalakihang puntod ng mga nakaraang
henerasyon ng mga Superiors.
"Daddy, where are we?" tanong ni Zion na karga ni Erish sa mga oras na iyon.
"Zion," tawag na may pagbabanta ni Erish sa anak.
Mabilis na nagtakip ng bibig si Zion at aksidenteng napatingin kay Arjo. Nakatitig
lang sa kanya si Arjo kaya agad nag-iwas ng tingin ang bata. Hindi naman tinanggal
ni Arjo ang tingin kay Zion at ilang ulit din siyang sinulyapan ng tingin ng batang
lalaki para malaman kung nakatingin pa rin ba siya rito o hindi na.
Sa tuwing mahuhuli ni Zion ang tingin sa kanya ni Arjo ay mabilis itong nag-iiwas
ng tingin. Unti-unti, sisilip na naman siya at makikita na naman si Arjo na
nakatingin pa rin sa kanya kaya iiwas na naman siya ng tingin.
Habang tumatagal ay palikot nang palikot ang bata kakaiwas ng tingin kay Arjo na
lagi niyang nahuhuli.
"Zion, stop," warning ni Erish sa anak. Lumapit na ito sa kanya para bulungan
siya.
"Daddy, she's looking at me."
Kumunot naman ang noo ni Erish at tiningnan si Arjo. Siya na tuloy mismo ang
nakahuli rito na tinitingnan nga si Zion.
"O?" tanong ni Arjo nang si Erish naman ang nabiktima ng tingin niya.
"Naasiwa ang anak ko sa tingin mo," sabi nito.
Isang ah-talaga? reaksyon ang nabasa ni Erish sa mukha ni Arjo bago ito nag-iwas ng
tingin at ang daan na lang nila ang tiningnan. Lalong kumunot ang noo niya nang
makita ang napakagandang ngiti ni Arjo habang nakatanaw sa malayo.
"Are you happy when someone is bothered by what you do?" tanong ni Erish.
"No," masayang sagot ni Arjo.
"No pero ang laki ng ngiti mo."
"I'm not smiling," katwiran pa nito kahit kita naman ang ebidensya.
"Yeah, not smiling." Napailing si Erish at napabuntong-hininga. "You're just
showing your gleaming teeth."
Ilang sandali pa'y nakarating na sila sa site kung saan gagawin ang musoleo. Binaba
na ni Erish ang anak niya sa tabi ni Arjo.
"Zion, behave, ha?" paalala niya sa bata. "May gagawin lang si Daddy." Ginulo
niya ang buhok ng bata at iniwan na ito para libutin ang malawak na lugar na
pagtatayuan niya ng musoleo.
Naiwan doon si Arjo at Zion.
At gaya ng ganap kanina, naghuhulihan na naman ng tingin ang dalawa.
Hindi talaga maiwasan ni Arjo na maalala ang bunso niyang kapatid sa batang nasa
tabi niya. Mahirap kalimutan ang mga bagay na puno ng masasayang alaala. Mahirap
tanggapin ang mga bagay na hindi niya inaasahang magaganap.
"Hi... Zion," alanganing bati ni Arjo sa bata. Sinulyapan siya nito kasi nag-iwas
na naman ng tingin. Pumwesto na lang siya sa harap nito at umupo nang bahagya para
ipantay sa taas niya ang taas ng bata. "I'm Arjo."
Pasulyap-sulyap sa kanya ang bata habang nakatingin ito sa ibang direksyon at hindi
siya sinagot.
"Can we be friends?" tanong ni Arjo sa bata at inalok ito ng pakikipagkamay.
Kinagat ng bata ang labi niya at nakiramdam pa kung makikipagkamay ba siya o hindi.
"Your Daddy and I are friends..."
"Daddy?" tanong pa nito. Tumango naman si Arjo at sa wakas ay nakipagkamay na rin
ang bata sa kanya.
Tinitigan lang ni Arjo ang kamay niyang hawak na ang kamay ng anak ni Erish Grymm.
Nanginig ang mga labi niya at bigla siyang napaluha.
Ilang taon na rin niyang hinihiling na sana mahawakan niya rin gaya nang gano'n ang
kamay ni Dae Hyun. Gusto na niyang ibalik ang dati nilang buhay. Yung mga panahong
nagagawa pa niyang makipaglaro sa kapatid niya kahit lagi siyang ginagawang bobo
nito.
Binitawan niya ang hawak na payong, mayakap lang ang bata.
Lumuluha niya itong niyakap. Kahit doon man lang maramdaman niyang buhay pa rin si
Dae Hyun. Kahit sa ganoong paraan lang mapunan niya ang kulang sa kanya dahil hindi
na niya kaya. Kahit sa sandaling panahon lang, gamit ang ibang bata, maibalik lang
niya ang kahit maliit na pag-asang unti-unti nang nawawala sa kanya.
"Zone... miss ka na ni Ate..." bulong niya habang hinahagod ang buhok ni Zion.
"Bubuhayin ka ni Ate, hmm... promise ko 'yan sa'yo... bubuhayin kita..."
"Daddy--" hirap at mahinang pagtawag ni Zion dahil sinasakal na siya ni Arjo sa
yakap nito.
"Lady Josephine," tawag ni Xerez.
Mabilis na bumitaw sa pagkakayakap niya si Arjo nang marinig ang boses ni Xerez.
Agad siyang tumayo at pinunasan ang mukha niyang luhaan.
"Lady Josephine, ayos lang ba kayo?"
Tumango lang si Arjo sa kanya. Ni hindi man lang nito napansin si Erish na
nakabalik na at napahinto ilang dipa lang layo kay Arjo at Zion.
"Maglalakad-lakad lang muna ako," sabi ni Arjo habang paulit-ulit na pinupunasan
ang luha niyang hindi humihinto sa pagpatak. Mabilis siyang naglakad palayo doon
para lang makahinga muna siya sa mga nangyayari.
Dali-dali namang naglakad si Erish Grymm para habulin si Arjo kaso pinigilan siya
ni Xerez.
"Mr. Grymm, hayaan muna natin si Lady Josephine."
"Pero--" isang iling lang ang natanggap niya kay Xerez habang pinipigilan siya
nito.
Wala na tuloy nagawa si Erish kundi ang panoorin si Arjo na lumayo na lang sa
kanila.
___________________
Erish Grymm sa media ^__^

09: Superior's Dilemma

Chapter 9: Superior's Dilemma

Sa isang parte ng sementeryo sa Citadel ay may isang hardin na ipinagawa pa ni


Edreana Huich at Mikhail Zordick bilang regalo sa ika-apat na henerasyon ni Armida
Zordick sa kanilang pamilya-- kay Cassandra Armida Zordick. Doon kumakain ng
tanghalian ang mag-amang Grymm na ipinahanda pa ni Arjo.
Limang Guardian ang naroon kasama si Ara, ang Guardian Decurion ni Erish Grymm.
Guardian Decurion rin ito ng yumaong Superior na si Labyrinth.
Hindi sanay si Erish sa atensyon na natatanggap niya mula sa mga Guardian kaya
hindi niya maiwasang hindi mailang. Inasikaso na lang niya ang anak niyang mukhang
ginutom nga.
Hindi pa rin maalis sa isip niya ang eksena na nakita niya kanina bago pa umalis si
Arjo. Ang akala niya, nakikipaglaro lang ito sa anak niya. Hindi niya inaasahan ang
mga sumunod na nangyari. Napuno tuloy siya ng tanong habang iniisip kung bakit nito
niyakap ang anak niya at kung bakit ito umiyak.
"Nasaan na si Salvatore Desimougne?" tanong niya kay Ara na nakabantay lang sa
kanya.
"Kasama ni Mr. Desimougne si Lady Josephine, Mr. Grymm."
"Ah," napatango na lang si Erish dahil kasama pala nito si Arjo. "Anyway, may
asawa si Arjo, tama?"
"Yes, Mr. Grymm."
"Uhm, wait... Lahat ba ng tanong ko, kaya mong sagutin? Or allowed kang sagutin?"
paniniguro nito.
"Depende sa tanong, Mr. Grymm, pero oo."
"Okay." Tumango na naman siya. "Patay na ang asawa ni Arjo?"
"Yes, Mr. Grymm."
"How?"
"Nagkaroon ng laban sa Hamza limang taon na ang nakalilipas, Mr. Grymm. Naglaban
ang ikalimang henerasyon ni Armida Zordick at ang huling legal na tagapagmana ng
Citadel."
"At... paanong namatay ang asawa doon ni Arjo?"
"Isang sinasadyang pangyayari at aksidente lang ang lahat, Mr. Grymm. Pinatay ni
Lady Armida ang sarili niyang anak para lang mamatay siya."
"Mother ni Arjo yung Lady Armida, 'di ba? Tapos manugang niya ang asawa ni Arjo..."
"Tunay na anak ni Lady Armida Zordick at Lord Richard Zach ang asawa ni Lady
Josephine. Si Lord Maximillian Zach at Lady Josephine Zordick ang mga orihinal na
tagapagmana ng Citadel."
"T-Teka... p-parang sinasabi mo na--" Kumunot ang noo ni Erish base sa
pagkakaintindi niya ng sagot ni Ara. "Magkapatid ba sila?"
"Sa maraming aspeto, oo, Mr. Grymm."
"Pinakasalan nila ang isa't-isa?" gulat na tanong ni Erish. "That's-- That's
immoral! Hindi pwede 'yon!"
"Hindi sa lugar na ito, Mr. Grymm. Hindi rin naman magkadugo si Lady Josephine at
Lord Maximillian. Isang magulang lang ang nagpalaki sa kanila ngunit magkaiba sila
ng kinabibilangang pamilya."
"So... hindi sila magkadugo?"
"Yes, Mr. Grymm."
At nakahinga na nang maluwag si Erish sa huling sagot sa kanya ni Ara-- hindi nga
lang niya alam kung bakit.
"Ikaw naman ang...?" pagtatanong niya kay Ara.
"Guardian Decurion ninyo, Mr. Grymm."
"Same as bodyguard?"
"Same as your parent, Mr. Grymm. Guardian per se."
Kahit naguluhan, tumango na lang si Erish. "You work as a governess for me?"
"Bodyguard, secretary, assistant, governess and your law, Mr. Grymm."
"And my law? W-what do you mean by 'my law'?"
"Kapag may nilabag kayong batas sa Criminel Credo, ako mismo ang magpapataw ng
parusa ng castigation sa inyo."
"Oh!" Agad na tumango si Erish dahil sa wakas ay naintindihan na niya ang tungkol
sa pagiging Guardian ni Ara. "Parent! Para kang... yeah, guardian. I studied basic
law kaya alam ko ang responsibilities and obligations ng mga parents and guardians.
I see..."
"Daddy, I'm through." Sumandal si Zion sa inuupuan nito at hinimas ang tiyan.
"Uh, Ara..."
"Yes, Mr. Grymm."
"Kung dito ako magi-stay sa Citadel as Superior, iiwan ko rin ba ang anak ko sa
labas?"
"Sa batas ng Criminel Credo, maaaring isama ang anak ng isang Superior sa loob ng
Citadel, ngunit hindi upang manirahan bilang anak niya kundi bilang isang tauhang
magsisilbi para sa kinabukasan ng Order. Sasanayin ang bata at ituturo sa kanya ang
dapat niyang malaman tungkol sa Order. Kung ang magulang na Superior ay hindi
papayag, kailangan niyang iwan ang kanyang anak doon sa labas ng Citadel at hindi
niya ito maaaring makita hangga't walang pahintulot ng mga Guardians."
Napakuyom ng kamao si Erish dahil sa kondisyon na iyon. Masyadong hindi
makatarungan.
"B-Bakit kayo pumayag na papasukin dito ang anak ko ngayon?"
"Dahil narito kayo ngayon upang magtrabaho sa ilalim ni Lady Josephine bilang
architect niya at hindi ng Order bilang Superior. Narito ako dahil tungkulin ko
kayong pagsilbihan dahil nakatanggap na kayo ng summons, tinanggap n'yo man ang
pagiging Superior o hindi."
Dahan-dahan namang tumango si Erish at tiningnan ang anak niyang walang kamalay-
malay sa pinag-uusapan nila.
"M-May... may Superior na ba na nagpatira ng anak niya rito sa Citadel?"
"Yes, Mr. Grymm."
"Sino?"
"Si Lord Joseph Zach at ang anak niyang si Lord Ricardo. Si Lady Cassandra at Lord
Yoo-Ji at ang anak nilang si Lady Armida. Ang dalawang bata ay sinanay sa loob at
sangay ng Citadel at itinuring na mga alamat sa iba't ibang bahagi ng mundo. Lahat
ay may kapalit, at ang kalayaan ay may katumbas na kabayaran."
"Kung dito ko patitirahin ang anak ko... ano ang gagawin ninyo sa kanya?"
"Si Xerez at ang Fuhrer ang humahawak sa bagay na iyan, Mr. Grymm. Ngunit kung ako
ang tatanungin, mas mabuting huwag ninyong isama ang anak ninyo sa lugar na ito.
Hindi niya gugustuhing lumaki na may pinagsisisihan. Malawak ang mundo. Walang
malayang ibon ang papayag na makulong kahit pa sabihin na nating iyon ay isang
ginintuang hawla."
_____________________________________________________

Jaegar's Battle part 1

Chapter 10: Jaegar's Battle part 1

Hindi na tinapos ni Arjo ang pakikipag-usap kay Erish Grymm. Sinabihan na lang niya
si Xerez sa mga detalyeng kailangan niyang sabihin dito. Lumubog na ang araw nang
makabalik si Arjo sa Jaegar at napansin niya ang kaguluhan sa loob.
Sabay-sabay ang mga bibig habang binabagtas niya ang pasilyo pabalik sa quarters
nila. Nagtataka siya dahil sa mga ingay kaya napaisip siya kung ano ba ang petsa sa
kasalukuyan.
"Ano ba ang nangyayari--" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang isang kamay ang
agad na humatak sa kanya para ilayo sa nagkakagulong mga tao sa loob ng Jaegar.
Pinilit ni Arjo tingnan ang mukha ng humahatak sa kanya kaso hindi niya magawa
dahil sa mga nakakabunggo niyang mga miyembro.
Ilang sandali pa'y huminto ang dalawa sa madilim na dulo ng hallway na bahagyang
naiilawan lang ng ilaw galing sa malayo.
"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nandito ka na," sabi ng humatak kay
Arjo.
Inusisa ni Arjo ang lalaki. Tiningnan kung sino.
"Grandel?"
"Bad news for you, lalaban ka sa Level 5 fight tonight."
"Ako? Lalaban? Ngayong gabi?"
"Yes. Good news, kapag nanalo ka bibigyan ka nila ng Jackals badge."
"Wait..." Sandaling natahimik si Arjo at tiningnan ang mukha ni Grandel na mukhang
may inaabangang hindi maganda. Makailang ulit itong lumingon sa pinanggalingan na
para bang may inaasahan siyang bubulaga sa kanila anumang oras. "May problema ba
doon sa sinasabi mong laban ko?"
"Walang baguhan ang pinasasabak sa Level 5 fight. Mataas na Level 15 para sa mga
bago."
"Ano bang meron sa mga Level 5?"
"Mga notorious killers ang pinasasabak nila sa Level 5. Mga kasing-lebel ni Tristan
kapag nagseryoso. Delikado ka roon."
"Ano yung tungkol sa Jackals badge?"
"Binibigay lang ang Jackals badge para sa mga gaya namin nila Tristan. Proof of
Legitimacy ng Jaegar para sa mga under ni Reese. Walang baguhan ang agad-agad
binibigyan ng badge dahil kahit ako, inabot ng taon bago ko makuha ang akin.
Maswerte ka dahil kahit bago ka, may pagkakataon ka na. Inabot ako ng isang taon
bago makalaban sa Level 5 fights at sa sampung laban ko, twice pa lang ako nanalo
nang hindi napupuruhan."
"Pumapatay ba ang mga nasa Level 5?"
"Papatay kapag nakita ng mga nanonood na walang kwenta ang laban. Priority ng laban
sa Jaegar ang amusement at pera ng bidders."
"Bakit mo ako dinala rito? Para lang paalalahanan?"
"Dinala kita rito para sabihing tumanggi ka sa laban na 'yon. Pinag-iinitan ka nila
Yulance kaya sila mismo ang kumuha ng laban para sa iyo dahil wala kang duty.
Mataas ang level na kinuha nila dahil gusto ka nilang mawala! Permanenteng mawala!
Sabihin mong hindi mo pa kaya. Lalaban ka pero sa mababang level lang. Gumawa ka ng
katwiran na kailangang--"
"Lalaban ako," diretsong sagot ni Arjo.
"Hindi nga pwede! Makulit ka rin, eh!" pagpipilit ni Grandel. "Bangkay kang aalis
sa arena, okay? Na-gets mo 'yon?"
"Hindi ako namamatay..."
"Mamamatay ka kahit na anong gawin mo!" Itinuro niya ang direksyon ng arena.
"Death Match na nga ang Level 5 para sa mga baguhan, eh! Akala mo, isa lang ang
kalaban mo? Lima yung haharapin mo! Hindi Joke yung--"
"I'll try." At naglakad na paalis si Arjo patungo sa direksyon ng arena.
"Anong 'I'll try'?!" sigaw sa kanya ni Grandel at agad itong humabol sa kanya.
"Hoy, wala nang second-second chance kapag nakatapak ka na ro'n! Hindi 'to audition
at hindi kasingbait ni Tristan ang lalabanan mo!"
"I don't care."
"Anong 'I don't care'?! Magpapakamatay ka ba?!"
Napahinto ang dalawa nang mapansing napahinto ang lahat nang makita sila.
Tumahimik ang maingay na Jaegar Underground.
"Lalaban ako," sabi ni Arjo at tumingin sa kanang gilid niya. Humawi ang mga tao
at bumungad sa kanya ang hagdan pababa sa arena.
"Arjo, wala akong balak hilahin ang bangkay mo sa arena na 'yan," huling panakot
sa kanya ni Grandel.
Nilakad na ni Arjo ang daan pa-arena at binigyan ng maangas na ngiti si Grandel.
"Don't worry, wala kang bangkay ko na hihilahin tonight."
At sa isang iglap, bumalik ang malalakas na sigawan sa loob ng Jaegar Underground.
Puno ng hiyawan ang maingay na lugar habang nilalakad ni Arjo ang arena na gawa sa
matigas na semento kung saan nakapinta ang malaking tatak ng Jaegar.
Maong na pantalon, rubber shoes at puting low-neck sleeveless shirt lang ang suot
niya. Walang panlaban sa kahit saang anggulo. Tiningala niya ang itaas at halos
mapapikit dahil sa nag-iisa at malaking ilaw ng arena. Mga nakabibinging sigaw at
pagwawala ng mga manonood ang tumatapat sa lakas ng tibok ng puso niya.
Malakas ang tibok ng puso niya.
Agad siyang napangisi.
Iyon na yata ang unang beses na lumakas nang gano'n ang tibok ng puso niya
pagkatapos ng halos kalahating dekada.
Ilang sandali pa'y lumabas na ang lima niyang makakalaban.
Dalawang babae at tatlong lalaki. Isang tingin pa lang, alam na niyang malalakas
ang mga iyon.
Limang taon... mahina pa siya noong nakaraang limang taon...
Sampung taon noon nang magawa niyang kontrolin ang kung anong kapangyarihan mayroon
siya.
Iba na ang panahon ngayon.
Ibang-iba na siya.
"Arjo!" sigaw mula sa kung saan. "Sumuko ka na lang! Papatayin ka nila!"
Napailing si Arjo dahil alam niyang nag-aalala lang si Grandel sa wala.
Naroon na siya. Wala nang atrasan pa.
Pumikit si Arjo at hiniwalay niya ang naririnig. Pinakiramdaman ang paligid.
Mlalakas ang sigawan ngunit unti-unti, naibubukod niya ang mahihinang tawa mula sa
kanyang mga kalaban na nagpapahiwatig na handa ang mga ito na parusahan siya.
Pinaikutan na siya ng lima.
Ilang saglit pa'y sumugod na ang isa. Umatake ito ng suntok at at kahit nakapikit
si Arjo, nahuli niya ang kamay nito. Idiniretso niya ang kabilang kamay at ginamit
ang sariling mga daliri sa paghiwa ng braso ng naunang sumugod. Mabilis siyang
tumapat sa mismong harapan nito at mahigpit na hinawakan ang kalaban sa pisngi
nito. Ibinaon niya ang mga daliri sa balat nito at walang habas niyang hinatak ang
panga nito pababa hanggang mahiwalay na ang ibabang parteng iyon sa ulo ng kalaban
niya.
Isang minuto?
Kalahating minuto?
Sampung segundo.
Bilang sa daliri ang segundo kung gaano niya kabilis na napatay ang isa sa mga
kalaban niya.
At muling natahimik ang buong Jaegar Underground.
Bumagsak ang katawan ng kalaban sa sementadong sahig.
Kumalat ang nangingitim na buo at basang pulang dugo sa arena.
At muling dumilat si Arjo upang makita ang lugar na sinisimulan nang husgahan na
ang kakayahan niya. Kulay pula ang nakikita ng kanan niyang mata gaya ng pagbabago
ng kulay nito nang magawa na naman niyang kontrolin ang nagtatagong demonyo sa loob
niya.
"Isa..." mahina niyang sinabi habang nakatulala sa sahig ng arena. "dalawa...
tatlo... apat."
"Argh!!!" At sabay-sabay siyang sinugod ng apat niyang kalaban.
Isang ngisi ang sumilay sa kanyang labi na nagpapahiwatig ng masamang balita sa mga
makakatanggap.
______________________________________

to be continued malamang...
saka na update ko. baka bukas lang.
Salamat kay Elle Dizon ang awesome na admin ng The NEW-ly Weird page na gumagawa ng
karamihan sa aking mga book covers ^__^ thank you bhe!

11: Immortal Revelation

Chapter 11: Immortal Revelation

Pakikipaglaban para sa sariling buhay.


Wala siyang matatandaang alaala na tinuruan siya ni Erajin at Joseph Malavega na
makipaglaban para sa sariling buhay niya. Hindi niya matandaan kahit kailan na may
itinuro sa kanya ang mga
kinalakihang magulang tungkol sa kung paano ba pumatay para lang manatiling buhay.
Simpleng buhay ang nakagisnan niya noon at hindi siya makapaniwalang lumalaban siya
ngayon sa apat na mamamatay-tao dahil lang napag-iinitan siya sa lugar na kung
tutuusi'y hindi rin
gugustuhin ng mga magulang niyang pasukan niya.
Gumawa siya ang pabilog na guhit sa sementadong sahig ng arena gamit ang dulo ng
suot niyang sapatos para alamin ang sakop ng pagkilos niya.
Dug. Dug. Dug. Dug.
Nakaririnig siya ng tibok ng pusong pumapaligid sa kanya.
Kinuha niya ang leeg ng isang babaeng kalaban sa kanan at sumipa siya patalikod
upang hindi palapitan ang isa pa niyang kailangang pabagsakin. Ibinagsak niya nang
buong lakas ang babaeng
sinasakal sa sahig ng arena at sinipa ito nang puong pwersa sa parteng dibdib.
Agad siyang tumalikod at nakitang aatakihin siya ng isa pang babaeng kalaban.
Walang kahirap-hirap niya itong pinatumba gawa ng malakas na pagsipa sa panga nito.
Lumipad ang babae sa
pinaka-dingding ng arena kung saan nasa itaas lang ang mga nakakapanood sa kanila.
Nangingibabaw sa buong Jaegar ang sigawan ng mga manonood. Mabibingi ang kahit sino
sa lakas ng hiyawan dahil sa kanilang napapanood.
Dalawang malakas na tibok ng puso ang natitirang rumerehistro sa pandinig ni Arjo.
"Malakas ka palang bata ka!" malakas na sinabi ng isa niyang lalaking kalaban nang
bigla siyang mahuli nito mula sa likod. Sinakal ng lalaki si Arjo gamit ang braso
nito at sinubukan itong
tanggalan ng malay.
Nakagat ni Arjo ang labi niya para tiisin ang pananakal na ginagawa ng kalaban niya
sa kanya. Nakaramdam siya ng pagsusuka habang iniipit nito ang leeg niya gamit ang
malaking braso nito.
Gumawa ng paraan si Arjo at mahigpit na hinawakan ang magkabilang tenga ng kalaban
niya. Marahas niyang hinatak ang mga ito dahilan upang matanggal ang parteng iyon
sa ulo ng kalaban
niya.
"Aahh!" napahiyaw ang lalaki at nabitawan ang sinasakal niya. Sunud-sunod na
suntok ang ginawa ni Arjo sa dibdib ng lalaki at kapansin-pansin ang pangingitim ng
balat ng parteng pinatamaan
niya. Ilang sandali pa'y napaluhod ito at sumuka na ng buo-buong dugo.
At naghiyawan na naman sa buong arena doble ng kanina pang ingay.
"Humanda ka!"
Humarap si Arjo sa natitira niyang kalaban at hindi lang niya inaasahan ang sumunod
na naganap.
Biglang natahimik ang buong Jaegar sa isang iglap.
Napatigil si Arjo. Napatingin siya sa ibaba.
"You're dead," nakangising sinabi ng kalaban niya sa kanya.
Napahugot ng malalim na hininga si Arjo nang makitang nakabaon na ang mahabang
kalis sa tiyan niya.
"Cheater..." bulong ni Arjo at masamang tiningnan ang natitira niyang kalaban.
Dumagundong na naman ang hiyawan sa buong Jaegar Underground at mapapansing tuwang-
tuwa pa sila sa naganap.
Mabilis na umabante si Arjo at sa loob lang ng napakabilis na segundo ay dinukot
niya ang kanang mata ng kalaban niya. Hindi na niya inintindi pa ang tama niya sa
tiyan at buong lakas na lang
niyang kinalmot sa mukha ang lalaking magsisimula pa lang sumigaw dahil sa
pagkawala ng mata nito. Pinanggigilan niya ang natitira niyang kalaban at halos
gutay-gutayin na niya ang mukha.
Sinipa niya ito nang buong lakas sa dibdib hanggang sa lumipad ito sa mga manonood
ng laban nila sa itaas ng arena.
Sandaling natahimik ang lugar upang tingnan ang level 5 fighter na pinalipad ng
baguhang Jackal. Ilang sandali pa'y nagsigawan na naman ang lahat dahil sa wakas ay
tapos na ang labang sulit
nilang napanood.
Sa kabila ng hiyawan ay natahimik ang mundo ni Arjo.
Dahan-dahan niyang hinatak ang kalis para tanggalin sa katawan niya. Ibinagsak niya
ang hawak at dinig niya nang napakalakas ang tunog ng bumagsak na metal sa
semetadong sahig.
Kailan nga ba siya huling nasugatan?
Pumikit siya at tumingala sa malaking ilaw ng arena.
Nanalo siya sa labang intensyon niya talagang panalunin.
Imortal siya. Tangap na niyang kung pisikal na laban lang ang pag-uusapan, panalo
na siya kahit hidni pa siya tumatapak sa arena.
"Arjo!" sigaw mula sa kung saan.
Narararamdaman niya ang dugo sa tiyan niyang nagmamantsa na sa suot niyang puting
damit.
"Arjo!" Halos liparin na ni Grandel ang arena, malapitan lang ang kasamahan niyang
baguhan. "Arjo!"
Gustong magpahinga ni Arjo. Nakaramdam siya ng pagod... sulit na pagod.
Idiniretso niya ang tingin at nakita si Grandel na nag-aalalang nakatingin sa
kanya. Nakatayo ito sa harapan niya at nagtatalo sa reaksyon nito ang inis at pag-
aalala.
"Gusto kong matulog..." Idinantay ni Arjo ang noo niya sa bandang balikat ni
Grandel at ipinikit ang mga mata. "Napagod ako..."
"Tsk!" Agad na binuhat ni Grandel si Arjo at lalong dumoble ang inis sa mukha
nito. "Matigas pala ang ulo mo." Nilakad niya ang hagdan at isang masamang tingin
ang ibinigay niya sa mga
taong nasa taas nito at nakahilera pa.
"Okay, the fight is good," pambungad na pambungad sa kanya ni Dwight.
"Mahina lang talaga ang pinasabak nila ngayon," katwiran ni Yulance na lalong
nagpainis kay Grandel.
Pagtapak ni Grandel sa taas ng hagdan. Isa-isa niyang tinitigan nang masama ang mga
kasamahan niyang Jackals. "Binibigyan n'yo lang ang mga sarili ninyo ng malaking
problema. Kung
natatakot kayo sa isang baguhan, dapat kayo mismo ang lumaban." At saka niya
nilakad ang pabalik sa quarters nila.
Kapansin-pansin ang mabibigat na paghinga ng dalawa.
Galit para kay Grandel. Pagod para kay Arjo.
"That's a good fight..." mahinang sinabi ni Arjo na sapat na upang marinig ni
Grandel habang papalapit sila sa tahimik na parte ng Jaegar kung nasaan ang
quarters nila.
"A good fight and you're dying."
Saglit na napangiti nang pilit si Arjo. "At least, hindi mo hinihila ang bangkay
ko ngayon... I told you so..."
Masyadong galit si Grandel para matuwa sa biro ni Arjo sa kanya.
Nakabalik na sila ng quarters at agad niyang inilapag si Arjo sa pinakamalapit na
upuan.
"Hindi ko ine-expect na aabot sila sa gano'ng point," sabi ni Grandel habang
kumukuha ng medicine kit sa cabinet. "Siguro nga, magaling ka talaga." Binalikan
niya si Arjo at tiningnan ang
damit nitong basang-basa ng dugo ang ibabang parte. "Matatagalan bago gumaling ang
sugat mo." Iniluhod niya ang kanang tuhod sa sahig at inilapag ang medicine kit.
"Tumagos sa katawan
mo ang kalis, sinagad mo pa sa pagsugod mo." Pinunit niya ang duguang parte ng
damit ni Arjo para makita ang sugat nito. "Nagpapakamatay ka nga talaga." Puno ng
dugo ang parteng
nasaksak kay Arjo. Kumuha ng alcohol si Grandel at binuhusan ang sugat. "Akala mo,
madali lang ang lumaban sa mga level 5?"
"Buhay naman ako. Patay silang lahat. Madali lang lumaban."
Kumunot ang noo ni Grandel dahil sigaw ang inaasahan niyang sagot kay Arjo dahil sa
ginagawa niyang paggamot dito at hindi kung ano pa mang salita.
"Masakit ba 'tong tama mo?" tanong niya kay Arjo.
"Masakit naman." At nagtama ang tingin nila ni Grandel. "Masakit."
Napataas ng kilay si Grandel dahil walang bakas sa mukha ni Arjo ang sinasabi
nitong sakit.
"Tsk, ewan ko sa'yo..." Napailing na lang si Grandel at pinunasan ang mga dugo sa
sugat na natamo ni Arjo dahil sa laban. "Kung alam ko lang na mana--"
Mabilis na tinakpan ni Arjo ang sugat niya nang makita ang reaksyong madalas niyang
matanggap kapag may nakakakita sa kakaibang kakayahan ng katawan niya.
"A-anong--" Inalis agad ni Grandel ang kamay ni Arjo sa sugat nito at mahigpit
niyang hinawakan ang pulso nito para hindi nito matakpan ng kamay ang sugat na
mabilis ang nagiging paghilom.
"Never tell that to anyone." Sabi agad ni Arjo sa kanya.
Gulat na gulat niyang tiningnan ang mga mata ni Arjo na seryoso sa pakiusap o banta
nito.
"What are you?"
__________________________________________

12: Jackal's Badge

Chapter 12: Jackal's Badge

Ibang-iba na ang paraan ni Grandel ng pagtingin kay Arjo habang pinanonood itong
palitan ang duguang damit. Hindi niya alam kung paano niya ida-digest sa isip ang
nakita.
"Tao ka ba?" alanganing tanong ni Grandel habang sinusundan ng tingin si Arjo na
naglalakad palapit sa kanya.
"Siguro, oo." Nakaya nang kumilos ni Arjo na parang walang pananaksak sa kanya na
nangyari. "Anyway, mabilis lang ang regeneration process ng katawan ko compare sa
normal body
regeneration. Kaso, hindi porke wala nang sugat, ibig sabihin no'n magaling na.
Nararamdaman ko pa rin sa loob ng katawan ko na hindi pa umaayos ang nasirang
parte." Pinunasan niya ang mga patak ng dugo na nasa sahig at inupuan niya.
"Delikado sa tao ang dugo ko. Kayang pumantay sa mercury kapag nagtagal sa balat ng
tao."
Napahugot ng hininga si Grandel habang nakatitig kay Arjo. May gusto siyang
sabihin, hindi lang niya masabi.
"Sabi nila, halimaw raw ako. Sabi ni Papa, ang ganda ko raw para maging halimaw."
Napangiti si Arjo. "Si Mama, ang sabi hindi ako gano'n. Hindi kasi niya pinaramdam
sa akin na halimaw nga
ako kahit madalas kaming hindi magkasundo." Nawala ang ngiti ni Arjo at napalitan
ng lungkot ang mga mata niya. "Sa totoo lang, bihira ako tumingin ngayon sa
salamin. I see different kinds of monster inside me every time I look on the
mirror... but, at the same time, kailangan kong i-check kung mukha pa rin ba akong
tao kahit na ganito ako."
"Paano ka naging ganiyan?" tanong ni Grandel.
"Uhm..." Tumayo nang diretso si Arjo at inisip ang pinakamadali at simpleng
paliwanag sa lagay niya. "I'm a product of in vitro fertilization. Mahirap
ipaliwanag ang mga sumunod na
impormasyon pero naging ganito ako kasi ginawa akong ganito."
"Ginawa ka?"
Napakamot ng ulo si Arjo dahil mahirap magpaliwanag ng mga detalye. Itinapon na
lang niya sa basurahan ang duguang tela na ipinampunas niya sa mga dugo at
tiningnan si Grandel na nalilito pa rin sa paliwanag niya.
"Okay, in short na lang..." sabi ni Arjo. "Pamilyar ka kay RYJO?"
"RYJO... the Slayer?"
"Yes."
"Uhm, yeah, why?"
"Aware ka sa kung anong klaseng tao siya?"
"RYJO was a very high skilled assassin. Skilled enough to do the impossible. Rumor
says RYJO was immortal and hawak niya ang susi for immortality dahil ilang beses na
siyang pinatay pero lagi
siyang nakikitang buhay ng mga taga-association. Sinasabi nilang buhay pa rin siya
hanggang ngayon at nagtatago lang sa lahat gaya ng lagi niyang ginagawa."
Natawa nang mahina si Arjo sa kwento ni Grandel. "Five years na siyang patay at
witness ako ro'n kaya hindi ko paniniwalaan ang sinasabi mong buhay siya dahil
nakalibing na ang katawan niya.
Pero tungkol doon sa susi ng immortality na hawak niya, baka paniwalaan pa kita.
Anyway, RYJO was my mother."
At napanganga si Grandel sa sinabi niya.
Nakarinig sila ng katok mula sa pinto kaya si Arjo na ang nagbukas no'n. Bumungad
sa kanya ang isang lalaking member sa Jaegar Underground.
"Pinapatawag ni Reese ang mga members ng Jackal."
"Ngayon na?"
"Ngayon na. Sa opisina niya." Pagkatapos sabihin no'n ay umalis na ang rin ang
lalaki.
Ibinalik ni Arjo ang tingin sa loob at nakita si Grandel na lalong nagulat ang
hitsura kumpara kanina.
"Pinapatawag tayo ni Reese sa office niya."
"A-anak ka n-ni RYJO?"
"Huwag mo nang gawing malaking bagay 'yon. Patay na siya, tapos na ang alamat
niya." Lalabas na sana siya ng pinto nang pigilan ni Grandel.
"Anak ka talaga ni RYJO?!"
"Bakit ba? Ano ba ang problema kung anak nga niya ako?"
"Kilala mo ba kung sino ang magulang mo? Kilala mo ba kung sino ang sinasabi mo?"
"Kakasabi ko nga lang 'di ba? Bakit makulit ka?"
"RYJO was a legendary executioner..."
"And?"
"RYJO killed Soulomon and Illyck Romanov."
"Wha-- Who's that?"
"Anak ng founder ng Jaegar Underground ang dalawang Romanov. Kapag nalaman nilang
anak ka ni RYJO, lalo kang pag-iinitan ng mga taga-rito."
"Walang makakaalam kung walang magsasalita." Tinabig niya ang kamay ni Grandel sa
braso niya. "Nandito ako bilang si Arjo at hindi anak ng kung sino pa man.
Pinatatawag tayo ni Reese.
Kailangang pumunta."
"Malalaman at malalaman nila kung sino ka. At kapag nalaman nila kung sino ka ngang
talaga--"
"Kapag nalaman nila kung sino akong talaga..." Nginisihan lang niya si Grandel.
"Tingnan natin kung mapag-initan pa nila ako."

*******************************

Bumungad kay Arjo at Grandel ang mga member ng Jackal sa loob ng opisina ni Reese.
Lahat ng mata nakasunod sa dalawa-- lalo na kay Arjo.
Nahagip ng tingin ni Arjo si Tristan na nasa tabi ni Reese at diretso lang na
nakatingin sa kanya. Nanibago tuloy siya dahil hindi naman siya tinitingnan nang
gano'n ni Tristan mula nang unang beses silang maglaban.
Naramdaman niyang mukhang siya ang magiging focus ng meeting dahil pinaupo siya sa
magsisilbi niyang hotseat sa gitna na harap ng mesa ng Havenstein Mafia Boss.
Tahimik ang paligid. Nagpapakiramdam ang dapat magpakiramdaman.
Nakatitig si Arjo kay Reese na seryosong nakatingin sa kanya.
"Lumaban ka sa isang Level 5 battle," pagsisimula ni Reese, "at nanalo ka."
"Beginner's luck," tanging katwiran ni Arjo.
"I don't believe in beginner's luck, lalo na kung nakikita kong hindi ka kumikilos
bilang isang baguhan."
"Maki-kick out na ba ako?"
"Naging Torpedo ka na ba?"
Umiling si Arjo. "Sabi ko na sa iyo, hindi ako killer sa kahit anong grupo."
"Fighter?"
Umiling na naman si Arjo. "I fight when I feel I have to fight to live."
"You killed five of Jaegar's Level 5 fighters."
"Ang sabi kasi, lumaban ako. Lumaban naman ako. Sumunod pala ako o hindi, may
kasalanan pa rin ako. Akala ko pa naman madadali kayo kausap."
Walang kahit anong sinabi si Reese. Hinagis lang niya kay Arjo ang isang gintong
badge na sinlaki ng palad nito.
Napataas lang ang kilay ni Arjo nang makita ang tatak ng Jackal na nakaukit sa
sinalo niyang badge.
"Welcome to Jaegar Underground's strongest group," sabi sa kanya ni Reese. "May
offer ako sa iyo, magiging Torpedo ka ng Havenstein Mafia Crime Family."
Mabilis namang sumagot si Arjo. "Thanks for the offer pero ialok mo na lang sa iba
'yan. May trabaho akong iba, kung gusto mo ng tamang tao para sa trabahong inaalok
mo, madali lang para sa aking hanapan ka."
"Huh!" Hindi naiwasan ni Yulance ang mag-react. "Bakit kung makapagsalita ka kay
Reese, akala mo magkapantay lang kayo?"
Isang mapang-asar na ngiti ang binigay ni Arjo kay Yulance. "Hindi kami
magkapantay dahil alam ko naman ang layo ng agwat ng posisyon naming dalawa."
Hindi sinasadyang madako ang tingin niya kay Grandel na ilang dipa lang ang layo
kay Yulance.
"Paano kung sabihin kong duty mo ang offer ko. At kapag hindi mo tinanggap, kasama
rin no'n ang pagkawala ng pagiging lehitimong miyembro mo ng grupo," pagtutuloy ni
Reese.
Inilipat ni Arjo ang atensyon sa Boss ng Jaegar Underground. "Kung gano'n naman
pala, obligasyon kong sumunod. Kaso, ito ang sasabihin ko sa iyo, Mr. Havenstein...
kung ako ang magiging contract killer ng pamilya mo, huwag kang umasang ako mismo
ang gagawa ng trabaho. Gaya ng unang sinabi ko, nagtatrabaho ako sa human
resources. Kaya kong kumuha ng tamang tao para
sa tamang trabaho. Ang magiging obligasyon ko lang ay tanggapin ang trabahong
ibibigay mo. Kung sa paanong paraan ko iyon gagawin, ako na ang bahala. Hindi ko
dudumihan ang kamay ko kung hindi naman papasukin no'n ang loob ng pansarili kong
kapakanan."
Tumayo na si Arjo dahil pakiramdam niya, tapos na ang usapan nila.
"Huwag kang magmalaki sa akin dahil lang nagagawa mo ang mga bagay na nahihirapan
kaming gawin," katwiran sa kanya ni Reese. "Tandaan mo: Boss ako ng lugar na
'to."
Napangiti naman si Arjo. "Hindi ko naman kinakalimutan na Boss ka nga ng lugar na
'to. Pero kung titingnang maigi, may Boss ka pang sinusunod. Kung ang Boss mo ay
ang mismong Boss ko, ibig sabihin lang no'n, mas malakas ang kapit ko sa iyo."
Agad na naningkit ang mga mata ni Reese sa sinabi ni Arjo sa kanya.
"May dahilan kung bakit sumunod si Juancho Jimenez sa akin. May dahilan kung bakit
natakot ang mga Catania sa salita ko. May dahilan kung bakit iba ang pakikitungo sa
akin sa Citadel."
Inilipat niya ang tingin kay Tristan na mukhang nababasa na niya ang nasa isipan.
"At may dahilan kung bakit hindi ako natatakot sa iyo bilang Boss ng lugar na ito."
Ibinalik niya ang tingin kay
Reese at matipid itong nginitian. "Kung Fuhrer mismo ang taong pinagsisilbihan ko,
huwag ka nang magtaka kung bakit ganito ako. Tama ba ako... Tristan?"
Lahat ng mata ay napunta na sa consigliere ng Havenstein Mafia.
"I think I have to go. Mukhang nasabi n'yo na ang kailangan n'yong sabihin. Kung
may tanong kayo, siguro tamang tao si Tristan para sagutin ang mga tanong ninyo."
Naglakad na si Arjo paalis ng opisina ni Reese.
13: Missing Pieces

Chapter 13: Missing Pieces

Nakabalik na si Arjo sa quarters nila at nakahiga lang siya sa malambot niyang kama
habang nakatitig sa badge na nakuha niya.
"Jackal..."
Kung tutuusin, walang halaga ang badge na iyon kumpara sa posisyong hawak niya
ngayon. Walang-wala ang badge na iyon kumara sa kapangyarihan niyang talo pa ang
pagiging Boss ni Reese ng Jaegar Underground.
Nadako ang tingin niya sa pinto nang pumasok ang dalawang lalaking kasama niya sa
kwarto. Agad niyang ibinalik ang tingin sa badge at inisip na naman ang halaga no'n
bilang parte ng isang grupong tinatatwa siya bilang miyembro ngunit kung tutuusi'y
isa sa pagmamay-ari naman niya talaga.
"Nakausap ko si Xerez," pambungad sa kanya ni Tristan.
"Good," tipid na sagot ni Arjo sa kanya.
"Why are you here?" seryosong tanong nito na kapani-panibago para kay Arjo.
"Tumatakas."
"Saan?"
"Sa mundo ko." Inilapag niya ang badge at bumangon sa pagkakahiga. Nag-indian seat
siya sa kama at parang batang malungkot nang tingnan si Tristan na mukhang hindi
natutuwa sa nalaman niya. "Alam mo na ba kung sino ako?"
Sinulyapan ni Tristan si Grandel. Iniisip niya kung tama bang marinig nito ang
totoo.
"May nalaman na akong nakakagulat tungkol sa kanya," sabi agad ni Grandel sa
kaibigan. "Wala na yatang mas nakakagulat pa sa nalaman ko kaya sabihin mo na."
Dumiretso siya sa ref ng kwarto nila para kumuha ng beer.
Tumango lang si Tristan kay Grandel at ibinalik ang tingin kay Arjo. "Sige,
aaminin ko, nagtampo ako sa iyo kasi nagsinungaling ka sa akin. Hindi ka nagsabi ng
totoo kahit na sinabi k osa iyong mapagkakatiwalaan ako."
Sinulyapan ni Arjo si Grandel na umiinom ng beer habang pasimpleng nakikinig sa
kanila.
"Hindi ko lang inaasahan na ikaw pala ang Fuhrer..."
"Pfft! Ugh! Ugh! Ugh!"
Napatingin ang dalawa kay Grandel na nasamid sa iniinom niya.
"Damn it!" Mabilis niyang pinunasan ang bibig at ilong at suminga nang suminga
dahil lumabas sa ilong niya ang iniinom na alak.
"Del, ayos ka lang?" tanong pa ni Tristan sa kaibigan.
Umiling si Grandel para sabihing hindi at agad na pumunta sa closet nila para
palitan ang damit niyang basang-basa na ng iniinom na alak.
"Tinanggap mo ba ang posisyon?" tanong ni Arjo.
Napahugot ng hininga si Tristan at napayuko.
"Kung mahirap humanap ng Superior, mas mahirap humanap ng tamang Guardian para sa
Superior. Kung buhay pa ang mama ko, malamang na siya ang pagsisilbihan mo."
"Hindi ko pa pwedeng tanggapin ang trabaho. Hindi ko pwedeng iwan si Reese."
Napakuyom ng kamao si Arjo. "Hindi mo pwedeng iwan si Reese?"
"Mahihirapan ang mga Guardians na takutin ako dahil wala na silang pamilyang
sisirain sa akin. Kaso..."
"Kaso ano?"
Inilipat ni Tristan ang tingin kay Arjo at pansin ang tapang sa mukha nito. "Bakit
hindi mo pa binibigay kay Reese ang posisyon niya bilang Superior?"
Napaawang ang bibig ni Arjo sa narinig niya kay Tristan.
"Ang sabi ni Xerez, wala akong magagawa kundi tanggapin ang posisyon dahil sa
Superior na pagsisilbihan ko. Ako ang magiging Guardian Decurion ni Reese bilang
Superior. Kaso paano 'yon mangyayari kung hindi mo pa siya inilalagay sa posisyon
niya?"
Agad na kumunot ang noo ni Arjo sa sinabi ni Tristan. "May dahilan ako..."
"Laging may dahilan ang mga gaya mo. At malamang na may kaugnayan 'yon sa personal
na bagay. Hindi pa alam ni Reese kung sino ka at wala rin akong balak pangunahan ka
dahil kung balak mo talagang magpakilala sa kanya, dapat umpisa pa lang ginawa mo
na."
Kumalma na ang mukha ni Arjo at kinalma na rin niya ang kanyang sarili. "Malalim
ang dahilan ko at kahit sino, hindi papayag sa desisyon ko... May anak si King Ace
Havenstein..."
Napuno naman ng pagtataka ang mukha ni Tristan sa sinabi ni Arjo. "A-anong anak?"
"Nagkaroon ng anak si King Ace Havenstein... at kapatid ko ang anak niya." Napuno
na naman ng lungkot si Arjo habang nagkukwento ng nakaraang pangyayari sa buhay
niya. "Alam mo kung
sino ang pumatay kay King? Ang anak niya mismo... nandoon ako at nilalaban ang anak
niya na mismong kapatid ko..." Hindi na naman nya napigilan ang pagluha kapag
naaalala niya ang naganap noon sa Distrito Mortel. "Alam ko na ang mangyayari
kapag nalaman ni Reese na Zordick ako kaya iniiwasan kong magkamali ulit gaya ng
naging pagkakamali ng pamilya ko..."
Pinunasan niya ang luha at pinilit na huwag umiyak. "Nawala ang buong pamilya ko
dahil lang sa mundong pinipilit pasukin ni Reese ngayon... Hindi na ako susugal sa
bagay na minsan ko nang naipatalo noon..."

*************************

Sa sampung maling desisyon, malamang na isa doon, masasabing kayang ilihis sa tama.
Kahit pa sabihing napapagod nang matakot si Arjo, hindi pa rin maiaalis ang
katotohanang natatakot pa rin siya. Natatakot siya sa mga bagay na maaaring maganap
na alam niyang hindi niya kayang pigilan.
Makakaya niyang pabayaan pansamantala ngunit dadating at dadating ang oras na kung
hindi niya ito babalikan ay ito naman ang hahabol sa kanya.
Patay ang ilaw sa loob ng quarters dahil ayaw nila Tristan ng liwanag kapag
natutulog. Sinubukan nilang huwag muna siyang tanungin tungkol sa mga bagay-bagay
na hindi pa niya kayang ipaliwanag at tinanggap naman nila ang pakiusap niya.
Nakaupo siya ngayon sa kama at nakatulala lang sa dilim. Hindi pa niya malaman kung
nakadilat ba siya o nakapikit dahil wala rin namang pinagkaiba ang dalawa-- dilim
pa rin ang kanyang nakikita.
"Arjo..." Naririnig niya sa utak niya ang boses ng mama niya. Ang malungkot na
boses ng mama niya nang makita siya nito sa kwarto niyang madilim gaya ngayon.
"M-Ma..."
"Arjo... Why...?"
"Ma... I'm sorry..." Naluha si Arjo habang nakatingin sa mukha ng nanay niyang
naghalo na ang lungkot, galit at pag-aalala sa reaksyon "Ma, I'm not a freak 'di
ba... Normal lang ako 'di ba...
Hindi ako halimaw 'di ba..."
Pinunasan ni Arjo ang mainit na luhang gumapang sa pisngi niya.
"I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry..."
Paulit-ulit na nagso-sorry sa kanya ang mama niya habang yakap siya. Gusto niya
itong sisihin sa pagiging imortal niya. Gusto niya pero nahihirapan siya.
"It's my fault... I'm sorry, Arjo..."
Mahal niya ang buong pamilya niya kaya nga nagagalit siya. Nagagalit siya dahil ang
pamilya mismo niya ang nagwasak sa masayang imahe na nakagisnan niya noon pa.
Nagagalit siya sa sarili niya dahil wala siyang nagawa noong mga panahong
kailangang may magawa siya para iligtas sila.
Kapag dumarating ang mga gano'ng pagkakataon sa buhay niya, nararamdaman niyang
mag-isa na lang siya.
At biglang bumukas ang lampshade ni Tristan.
Agad na napapunas ng mata si Arjo at pinigil ang sariling huwag umiyak.
"Arjo..."
"Sorry, naistorbo ba kita?" tanong ni Arjo na nanginginig pa ang boses. Tumayo
naman si Tristan at nilapitan siya. Umupo ito sa tabi ng kama paharap sa kanya.
"Naiisip mo na naman ba ang pamilya mo?"
"A-Ayoko na silang..." pinunasan niya ang pisngi at pinigil ang sariling huwag
ituloy ang pag-iyak. "Ayoko na silang isipin... kaso..." Umiling si Arjo na
nanginginig ang dulo ng labi. "Ayoko na... nahihirapan na 'ko..." Yumuko siya at
parang batang nagkutkot ng kuko. "Masaya kasi kami... Yung gigising ako tuwing
umaga dahil sa sigaw ni Mama kasi male-late lang ako sa klase..." Patuloy na
tumulo ang luha niya sa mga mata na bumabagsak sa mga kamay niya. "Yung nagagalit
si Papa kasi mababa lang ang grades ko... Yung poproblemahin lang ako ni Kuya kasi
ang bobo ko sa Math..." Kinagat ni Arjo ang labi niya dahil ayaw na niyang umiyak.
Niyakap niya ang mga binti niya at isinubsob doon ang mukha saka siya humagulgol ng
iyak. "Gusto ko nang mamatay... Gusto ko nang mamatay..."
Nakaramdam ng matinding lungkot si Tristan dahil alam niya kung ano man ang
nararamdaman ni Arjo sa mga oras na iyon. Nilingon niya ang kama kung saan
natutulog si Grandel at nakita niya
itong gising at nakabangon na. Nakatingin ito sa kanila at mababasa sa mukha nito
ang awa para sa dalawa dahil sa nangyari sa kanilang mga pamilya.
"May dahilan kung bakit nawalan tayo ng pamilya," katwiran ni Tristan kay Arjo.
"May mga bagay lang na kapag kinailangang isuko, wala tayong magawa kundi ang
ibigay ang kailangang ibigay."

_______________________________________________

14: Centurion's Position

CHAPTER 14: Centurion's Position

Bumalik sa Citadel si Arjo dahil sa trabaho niya. Hindi siya nawawalan ng


kailangang pirmahan, ng mga kailangan ng salita niya bilang pagsang-ayon, ng mga
utos niyang kailangan pang tingnan kung dapat bang ipatupad. Napapansin tuloy
niyang habang tumatagal, nawawalan na siya ng oras para magpahinga.
Nasa sementeryo na naman ng Citadel si Arjo at nakatanaw sa malawak na lupa kung
saan ipatatayo ang musoleo ng pamilya niya. Kapansin-pansin ang makulimlim na
kalangitan na nagbabadya ng pag-ulan. Nagtatalo ang lamig ng hangin at init na
sumisingaw sa lupa.
"Xerez," tawag ni Arjo.
"Yes, Milady."
"Kung ilalagay ko na ba si Havenstein sa posisyon niya, may karapatan pa ba ako
para magsisi?" Nadinig niya ang pagbuntong-hininga ni Xerez sa tanong na iyon.
"Depende sa gagawin niya oras na maupo siya sa pwesto, Lady Josephine."
"Kung sakaling gawin niya ang ginawa noon ni King Ace Havenstein..."
"Bahala na ang Criminel Credo sa parusa, Milady."
Tumango na lang si Arjo at nagsimula nang maglakad paalis sa pwesto nila. Nanatili
naman si Xerez na nasa kanyang likod at nakasunod.
"Xerez, bakit mo tinanggap ang posisyon ng pagiging Guardian?"
"Dahil hiniling iyon ng pagkakataon. Wala akong magagawa kundi ibigay ang aking
sarili, Milady."
"Kung sakaling maisipan kong ibigay ang posisyon ko bilang Fuhrer sa iyo,
tatanggapin mo ba?"
Saglit na napangiti si Xerez sa sinabi ni Arjo. Ngiti sa paraang tinanggap niyang
biro ang narinig. "Masyado nang mataas ang posisyon ng pagiging Centurion, Milady.
Ang isang malaking tungkulin ay sapat na para sa isang tao. Imposible na ang
dalawa."
Tipid na ngumiti si Arjo at napatango na lang sa sinabi ni Xerez.
"Malaki na nga para sa iyo ang pagiging Guardian ko," sabi ni Arjo at tumingala sa
langit nang makaramdam ng ilang patak ng tubig mula sa taas. "You're the right
person for that position... unlike me."
Unti-unti ay tumuloy-tuloy na ang mga patak.
Isang itim na payong ang agad tumakip kay Arjo bilang panangga sa papalakas na
ulan.
"Milady, umuulan na. Kailangan na nating bumalik sa Citadel. Tatawagan ko na ang
iba pang guardian para dalhin dito ang sasakyan."
"Huwag na." Mabilis na umalis si Arjo sa ilalim ng payong at masayang nginitian si
Xerez. "Minsan lang ako maulanan. Gusto kong samantalahin ang pagkakataon. Ikaw na
lang ang magpayong."
Tuluy-tuloy na patak ng tubig sa langit ang unti-unting bumabasa kay Arjo. Nilakad
na uli niya ang daan ng sementeryo habang seryosong-seryoso ang mukha.
Isa-isa na namang nagbalik ang malalagim na alaala kay Arjo. Mga kaganapan noon sa
Distrito Mortel.
Umuulan din nang araw na iyon. Nakabibingi ang mga kulog at nakasisilaw ang mga
kidlat.
"KUYA!" malakas na sigaw ni Arjo.
Paano nga ba niya makakalimutan ang mga oras na halos nagpapatayan na silang
magkakapatid para sa kani-kanilang buhay.
"ANA! HINDI!"
Naririnig niya ang malakas na iyak ni Dae Hyun.
Hindi na naman niya maiwasang maluha. Tinatangay ng ulan ang mga patak ng luha sa
kanyang mga mata.
Nagbalik sa kanyang isipan ang malakas na pagbagsak ng ulan sa paligid.
Gumuhit muli ang kidlat sa langit.
Ang nagngangalit na kulog ang paulit-ulit na tumutumbas sa kanilang bawat sigaw.
Naalala na naman niya ang bumagsak na katawan ni Edreana sa basang kalsada.
Nakabaon sa ulo nito ang mahabang kutsilyo na si Riggs mismo ang may gawa.
Napahinto si Arjo sa paglalakad.
"Lady Josephine..."
Tumalikod si Arjo para tanungin si Xerez tungkol sa mga naaalala niya. Nagulat lang
siya dahil nakasara ang payong na hawak nito at gaya niya, pareho silang dalawa na
basang-basa na sa ulan.
Hindi na naitanong pa ni Arjo ang dapat na itatanong niya. "May payong ka, bakit
hindi mo gamitin?"
"Kung nagpapakabasa kayo, dapat gano'n din ako, Milady."
"Wala sa tungkulin mo bilang Guardian ko ang magpakabasa rin dahil lang gusto ko."
"Ngunit kung basa ang amo, kailangan gano'n din ang kanyang anino. Isa na sa mga
tungkulin ko ngayon ang makisimpatya sa gusto ng taong pinaglilingkuran ko."
Itinaas ni Xerez ang payong. "Magpapayong lamang ako, Milady, kung gano'n din
kayo."
Unti-unti na namang lumilitaw ang ngiti ni Arjo ngunit agad ding nahinto.
"Xerez," napahugot ng malalim na hininga si Arjo at nagdalawang-isip pa sa bigla
niyang naisip, "kung lalabag ba ako sa Credo, papatayin mo ba ako depende sa laki
ng magiging kasalanan ko?"
Hindi agad nakasagot si Xerez.
"Kung sisimulan ko na ngayong labagin ang Credo, bibitayin n'yo rin ba ako gaya ng
ginawa ninyo kay Labyrinth?"
"Milady..."
"Xerez, kung ilalagay ko si Reese sa pagiging Fuhrer--"
"May dahilan kung bakit kayo ang naging Fuhrer, Milady. Mayroon ding dahilan kung
bakit hindi siya maaaring ilagay sa posisyon ninyo. Huwag n'yong isiping wala nang
dahilan para magtagal sa lugar na ito dahil kahit ano pa man ang mangyari, narito
pa rin ang alaala ng buo ninyong pamilya; maganda man o hindi ang tinutukoy kong
alaala."
Muling binuksan ni Xerez ang payong na dala at lumapit kay Arjo upang payungan ito.
"Basa na ako, para saan pa ang payong?" tanong ni Arjo.
"Mamamatay rin ang tao, bakit pa nga ba nila kailangang kumain? Bakit kailangan ng
gamot? Bakit kailangang lumaban upang mabuhay?" Tipid na ngumiti si Xerez at inaya
na si Arjo pabalik sa loob ng Citadel. "Milady, lahat ng ginawa at ginagawa ng tao
ay laging may dahilan at may pinaglalaanan. Dapat kayong mabuhay ngayon dahil may
kailangan kayong tugunan. Hihinto ang mundo namin kung wala kayo, kaya kailangan
n'yong mabuhay para mabalanse ang tinatapakan naming mundo."
Sa ilang pagkakataong nararamdaman ni Arjo na wala siyang kasama, naiisip niyang
paano nga ba siya mawawalan kung may mga taong handang samahan siya sa kahit anong
gawin niya, mabuti man o masama.
Naramdaman na lang niya na isinuot na sa kanya ni Xerez ang suot nitong gray na
suit jacket.
"Maya-maya lang, Milady, pupuntahan na tayo rito ng mga guardians na susundo sa
inyo."
Dumiretso ang dalawa sa malapit na maliit na gazeebo ng sementeryo at doon
nanghintay. Umupo si Arjo sa pinaka-mesa ng gazeebo habang nakatayo naman at
nakatalikod sa kanya si Xerez upang magbantay. Niyakap niya ang pinasuot nitong
suit sa kanya dahil mainit iyon mula sa loob kahit na medyo basa sa labas.
Humugot ng hininga si Arjo at saglit na ngumiti. Kumunot lang ang noo niya nang may
mapansin.
"Xerez," tawag niya.
Humarap ang guardian upang sagutin siya. "Yes, Milady."
"Ano yung pabango mo?" tanong ni Arjo habang inaamoy ang suit ng guardian niya.
Hindi naman alam ni Xerez kung ngingiti ba siya, magugulat o hindi na lang
magbibigay ng reaksyon dahil iyon ang unang beses na nagtanong ng personal si Arjo
mula nang pagsilbihan niya ito, tatlong taon na ang nakalilipas.
"Walang pangalan ang pabangong 'yan, Lady Josephine."
"Why?" diretsong tanong niya kay Xerez nang magtama ang tingin nila.
"Sikat ang mga Desimougne sa paggawa ng mamahaling pabango sa buong mundo. Ako lang
sa mundo ang may ganiyang pabango dahil ako mismo ang gumawa niyan para lang sa
aking sarili."
Agad na lumawak ang ngiti ni Arjo at kitang-kita sa kanyang mga mata ang pagkabilib
kay Xerez dahil sa unang pagkakataon, may nalaman siya ritong hindi basta-basta
nalalaman ng kahit sino.
"Wow..." tanging nasabi ni Arjo habang malapad ang ngiti sa guardian niya.
"You're close to perfection. How admiring."
Tipid na ngumiti si Xerez at tumalikod ulit. Umayos siya ng tayo at isang ngiti ang
makikita sa kanyang mga labi dahil hindi niya inaasahan na may mapapansin sa kanya
ang Fuhrer na magiging dahilan ng ngiti nitong bihira sa isang taon masilayan.
Samantala, hindi inaasahan ni Arjo ang nalaman niya sa kanyang guardian. Hindi niya
kasi ito natatanong noon dahil wala siyang ibang iniisip kapag nakikita ito kundi
trabaho-- tambak na trabaho.
Masyado tuloy siyang bumilib habang naaamoy ang pabango sa suit nitong kayang
makapagpaamo ng kahit sinong makakaamoy.
Napaisip na naman siya habang naghihintay. Sa pagkakaalam niya, tatlong taon lang
ang tanda ni Salvatore Desimougne sa kanya. Masyado itong perpekto para lang gawing
alipin. Matagal na niyang napapansin ang pisikal na kaanyuan nito kaso alam niyang
talo pa ng mga Guardians ang nag-pari at madre dahil sa mga trabaho nila.
Ilang sandali pa'y dumating na ang dalawang sasakyan na susundo sa kanila.
"Milady..." Inaya na ni Xerez si Arjo at binuksan na nito ang payong. Ang driver
ng sasakyan na ang nagbukas ng pinto sa backseat para sa Fuhrer.
"Magtatrabaho na ba uli ako pagbalik natin sa CCS?" tanong ni Arjo bago sila
sumakay sa sasakyan.
"Kung hindi pa ninyo kaya o gustong magtrabaho, ako na muna ang aasikaso ng
kailangang asikasuhin, Milady."
Napasakay na si Arjo. Sinundan na lang niya ng tingin si Xerez na sumakay sa isa
pang sasakyan na nasa likuran nila.
Napabuntong-hininga siya at inilipat ang tingin sa harap nang umandar na ang
kanyang sinasakyan.
Napahigpit ang pagkakayakap niya sa suit ni Xerez habang iniisip na mas bagay pa
ito sa posisyon ng pagiging Fuhrer kumpara sa kanya. Kung aagawin lang nito ang
posisyon, kusa na niya itong ibibigay kaso mukhang hindi ito interesado.
Ilang sandali pa'y kumunot ang noo niya.
May paraan...
"Bakit nga ba hindi?"
______________________________________________

Since Salvatore naman ang name niya... Si Xerez sa media... hihihihi, awesome :)

15: Fight Plans

Chapter 15: Fight Plans

Sa quarters sa Jaegar Underground...


Napakaseryoso ng mukha ni Tristan at Grandel habang iniisip ang tungkol kay Arjo na
kasalukuyang wala roon. Nalaman na nila kung sino ito. Iba ang pagkakaalam ni
Grandel, iba rin naman kay Tristan, ngunit sa kahit saang anggulo, alam nilang
dalawa na mabigat ang lagay ni Arjo.
"Bakit hindi mo sinabi kay Reese ang tungkol sa kanya?" tanong ni Grandel.
"Dahil bawal kong pangunahan ang lahat," sagot ni Tristan. "Parurusahan ako kung
sakaling lumabag ako."
"Yung tungkol sa pagiging Guardian mo..."
Napahugot ng hininga si Tristan. Hindi niya inaasahan ang balitang iyon. Naalala
tuloy niya ang naging usapan nila ni Xerez noong pumunta siya sa Citadel upang
kausapin ito.
"Hindi ko alam kung bakit ako pinatawag sa Citadel," sabi ni Tristan. "Kung
tungkol lang ito sa mga problema ng mga Havenstein, sa tingin ko, si Reese o si
Lollipop dapat ang narito at hindi ang consigliere na gaya ko."
Boss niya si Reese kaya nagtataka siya kung bakit hindi ito ang hinanap ni Xerez.
Alam niyang siya ang adviser ng mga Havenstein pero sa tingin din niya ay may
karapatan din ang underboss nilang si Lollipop para kausapin ng isa sa pinakamataas
na namumuno sa pinakamalaking samahang sinasalihan nila.
"Malapit nang tanggapin ang Superior na pagsisilbihan mo. Dapat ngayon pa lang,
naghahanda ka na para maging Guardian."
Hindi naintindihan ni Tristan ang tnutukoy ni Xerez noong una ngunit kalaunan ay
naalala niyang may natanggap siyang alok noon pagkatapos lang ilibing ang buong
angkan ng mga Dragna na si Theodore Havenstein pa ang umasikaso.
"Superior na pagsisilbihan ko?" tanong agad ni Tristan.
"Ang mga consigliere lang ang may karapatang kuwestyunin ang lahat ng desisyon ng
Boss ng isang mafia. Mga gaya mo lang ang kayang pasunurin ang Boss ng
pinagsisilbihan niyang pamilya. Si Jael ang tagapagmana ng mga Havenstein, at
bilang anak niya dapat ikaw ang nasa posisyon ni Reese ngayon."
"Wala akong pakialam sa posisyon ng pagiging Boss."
"At gano'n din ang pagiging Guardian. Dahil kung titingnang maigi, ikaw ang
kumokontrol kay Reese at sa buong pamilya at hindi siya. Tama ba? Ang desisyon
niya, kailangang dadaanan muna sa iyo. Ang desisyon mo ay hindi na napakikialaman
pa."
Hindi mabasa ni Tristan ang nasa isip ni Xerez. Hindi niya mawari kung masama ba
ang iniisip nito o tinutulungan siya.
"At ano ang gusto mong puntuhin?"
"Si Reese Havenstein ay nakatakdang iluklok sa pagiging Superior kung sakaling
magbago ang isip ng Fuhrer at ibigay na sa kanya ang summons."
Alam ni Tristan ang tungkol doon dahil ilang beses na sinubukan ni Reese na maupo
sa posisyong iniwan ni King Ace Havenstein. Hindi lang nito nagawa ang plano noon
dahil kay Theodore Havenstein ngunit ngayon, ang problema naman nito ay ang
desisyon ng mismong namumuno.
"Kung sakaling tanggapin ko ang posisyon ng pagiging Guardian..."
Naalala niya na hindi pa nakikilala ni Reese ang Fuhrer. At kahit siya ay walang
ideya sa taong iyon liban sa pangalan at posisyon nito bilang namumuno sa kanila.
Nakakita tuloy siya ng pagkakataon para makilala ang Fuhrer para tulungan ang Boss
ng Jaegar.
"...makikilala ko ba ngayon at makakausap ang Fuhrer?"
Umaasa siya ng ngiti ng pagkapanalo kay Xerez ngunit nanatili ang blangkong
reaksyon nito sa tanong niya.
"Walang lugar para sa iyo ang pagdadalawang-isip dahil ang napagkasunduan ay
napagkasunduan na. Tumanggi ka man o hindi, magiging Guardian ka. Kung gusto mong
makausap ang Fuhrer, malaya kang gawin iyon. Parte na siya ng Jaegar Underground
ngayon at malamang na ilang beses mo na siyang nakadaupang-palad."
"A-anong i-ibig mong sabihin?" takang tnaong ni Tristan.
"Kung kilala mo si Arjo Wolfe, ibig sabihin lang no'n kilala mo na kung sino ang
Fuhrer. Kung may gusto kang itanong sa kanya, malaya kang tanungin siya. Ngunit
wala kang karapatang pilitin siyang sagutin ang mga tanong mo dahil nasa kanya pa
rin ang desisyon kung magsasalita siya o hindi."
Hindi alam ni Tristan ang iisipin tungkol kay Arjo dahil hindi niya talaga lubos
maisip na ito ang Fuhrer. Malayong-malayo sa inaasahan niya.
"May kinalaman ba si Arjo?" pagpapatuloy ng tanong ni Grandel sa kanya. Umiling
siya sa tanong.
"Limitado lang din ang alam ni Arjo. Halos lahat ng trabaho, ang Guardian niya ang
gumagawa. May problema din si Arjo kaya hindi niya magawang pagsabay-sabayin ang
lahat."
"Si Reese..."
"Gusto kong pilitin si Arjo na ibigay kay Reese ang matagal na nitong hinihingi sa
Citadel... kaso--" Napayuko na lang siya at napailing. "Del, nakikita ko si
Arjo." Ibinalik niya ang tingin sa kaibigan. "Nakikita natin siya. Sige, sabihin
na nating Fuhrer siya. Wala na sigurong mas tataas pa sa posisyon niya. Nakita na
natin siyang lumaban. Kaya niyang pumatay nang hindi na kailangan pang mag-utos sa
mga nasa ilalim niya. Limang Level 5 killers, pinagbagsak niya tapos makikita lang
natin siya na akala mo mga mahihinang tao lang ang nilabanan niya... pero--"
Natigilan siya at napatingin sa kama ni Arjo na nasa gilid lang niya.
"Nakikita kong walang masaya sa buhay niya." Ibinalik niya ang tingin kay Grandel.
"Si Reese papatay para sa posisyon ng pagiging Superior... iba lang... iba lang
yung pananaw ko sa posisyon ni Arjo mula nang malaman ko kung sino talaga siya. Mas
lalo na nang malaman ko kung ano ba talaga ang magiging trabaho ko bilang Guardian
para kay Reese oras na ibigay na ni Arjo ang posisyon..."
Bilang taong pinagkakatiwalaan ng Boss ng Havenstein at bilang taong nakakaisip ng
pinakamagandang desisyon para sa buong pamilya, naisip ni Tristan na hindi
magandang ideya ang papasukin si Reese sa isang lugar na tatanggalan ito ng
kalayaan at siya mismo, bilang kaibigan, pinsan o kapatid ni Reese, ang
magpaparusa rito oras na may nilabag itong batas.
"Alam ko ang nararamdaman ni Arjo tuwing makikita ko siyang umiiyak dahil sa
pamilya niya. Hindi ko lang siguro kayang tanggapin kung dumating ang oras na ako
mismo ng papatay kay Reese dahil lang may mali siyang nagawa."
"Ano na ang balak mo?" tanong ni Grandel.
"Gano'n pa rin. Saka ko na aasikasuhin 'yan kapag nagbago ang desisyon ni Arjo.
Pero kung ako lang, hindi ko na papapasukin sa Citadel si Reese. Kung noon,
masusuportahan ko pa siya, sa tingin ko ngayon hindi na."
Samantala, sa opisina ni Reese...
"Kalat na ang balita tungkol doon sa bagong member mo," sabi ni Lollipop na
pabalagbag na nakahiga sa single couch na kaharap lang ni Reese. "Nadismaya raw sa
malaking talo ang mga bidders pero binalewala lang nila dahil sa naging laban.
Patay raw yung lima."
"Bago lang 'yon, huwag n'yong pag-initan," sabi ni Reese na puro papel na naman
ang hawak.
"Mukhang mas maganda kung para sa bagong 'yon, isang Level 4 fight ang ayusin ko
para sa mga bidders."
Kumunot agad ang noo ni Reese sa babaeng nasa harapan niya. "Maraming players. Si
Grandel, si Dwight, si Yulance, mamili ka sa mga Jackals, 'wag lang ang baguhang
'yon."
Isang kakaibang ngiti ang nagpakita sa mga labi ni Lollipop at umayos na ng
pagkakaupo sa couch. "And, why is that?"
"Bago lang siya. Kung may laban siyang dapat salihan, dapat Level 15 lang."
Tumayo na si Lollipop at nilapitan ang mesa ni Reese. "Babae ang baguhang 'yon..."
Umupo siya sa mesa ni Reese at inalis niya sa mga kamay nito ang mga papeles.
"Alam ko na ang mga galawan mong gan'yan, Reese. Wala kang maitatago sa akin."
"Leave her alone. Tapos ang usapan."
Isang ngiting nang-aasar ang natanggap ni Reese kay Lollipop.
"Kapag nalaman ni Amygdala ang tungkol sa kanya at sa espesyal na trato mo sa
baguhang 'yon, baka magsisi ka..."
Agad na tumayo si Reese at tinantya ng tingin ang underboss niya. "Huwag na huwag
mong idadamay rito si Amygdala. Malayo ang agwat nila ng baguhang 'yon."
"Ooohh, how far hmm? Far enough on skills? Or far enough for your attention."
Natawa nang mahina si Lollipop.
"Why do we have to argue on a simple newbie, anyway?"
"Then, pumayag ka na sa Level 4 fights! If not, I can't promise you keeping my
mouth shut." Umalis na siya sa mesa ni Reese at dumiretso na sa pinto. "I'll fix
the fights. Tomorrow will be a very good night for all of us."
"Lolli!"
"Come on, Reese-y... We all know, you can't stop me. Personal issues have no space
for this place. Stop that stupid feelings of yours or else that girl will die."
"I don't have any feeli--!"
"Bye-bye, Reese!" Isang malakas na tawa ang binigay ni Lollipop kay Reese at saka
nito ibinagsak pasara ang pinto.
Napakuyom ng kamao si Reese dahil kay Lollipop at sa banta nito. Nahihirapan siyang
pigilan ito sa mga nagiging desisyon liban na lang kung si Tristan ang kakausap
dito.
Kaso ayaw niyang laging umaasa kay Tristan kaya mas pinipili na lang niyang
sumunod.
____________________________________________

16: Terminal
Chapter 16: Terminal

Nakasilip si Arjo sa bintana niyang natatakpan ng makapal na kurtina. Tulala sa


malakas na ulang bumabalot sa buong tanawin sa Citadel. Kapag naaalala niya ang mga
panahong nasa Distrito Mortel sila, hindi niya maiwasang hindi matulala na lang.
Matagal na panahong parang kahapon lang naganap.
"Lady Josephine, nasa labas si Xerez," tawag sa kanya ni Jean. "Gusto niya kayong
kausapin."
"Papasukin mo."
Ilang sandali pa'y nasa loob na ng kwarto niyang madilim ang guardian.
"Milady, ayon sa CCS, tapos na ang unit."
Tumango lang si Arjo sa narinig.
"Kailangan mo bang ituloy ang plano mo?"
"Kailangan..." Umalis na si Arjo sa may bintana at naglakad patungo sa pintuan.
Seryoso ang kanyang mukha habang iniisip ang tungkol sa chamber na iyon.
"Hindi lahat ng kailangang gawin ay karapat-dapat lang na magawa, Milady..."
Walang sinagot si Arjo sa sinabi ni Xerez. Tumuluy-tuloy lang siya sa paglalakad
hanggang sa pigilan siya nito bago pa man siya makalagpas sa gilid ng guardian.
"Puno na ng kasalanan ang lugar na ito, Lady Josephine," mahinang sinabi ni Xerez
habang nakatingin lang nang diretso sa harapan niya.
Tiningnan naman ni Arjo ang kanang kamay niyang hawak ni Xerez nang pigilan siya
nito. "At hindi na bago ang pagdadagdag ng isa." Inilipat niya ang tingin kay
Xerez. "Gusto ko lang silang makita."
"Hindi lahat ng pintong inyong bubuksan ay papasukin kayo sa lugar kung saan n'yo
nga sila makikita. Mali ka na ng bagay na sinusugalan."
Bumitiw na si Arjo kay Xerez. "Gagawin kong tama ang maling sinasabi mo."
Lumabas na si Arjo ng kwarto niya at agad na tumungo sa laboratory ng Citadel.
Kailangan niyang makita ang pamilya niya at gagawin niya ang lahat upang mangyari
iyon.
Wala na siyang pakialam kung uulitin na naman niya ang mali ng kahapon, basta ang
mahalaga lang sa kanya ay makita lang ang gusto niyang makita.
"Lady Josephine," pambungad sa kanya ng isa sa mga doktor na galing pa sa Sanglant
Congregation. "Inilipat namin sa block 0112 ang buong unit. Maayos na ang lahat.
Kayo na lang ang kailangan."
Tumango lang si Arjo at dumiretso sila sa lugar kung saan nila sisimulan ang
eksperimento.
Pumasok si Arjo at ang doktor sa isang malaking kwartong puro puti lang ang pintura
kung saan makikita sa gitna ang isang glass chamber na kaiba sa nakasanayan nilang
nakikita.
"We need to reverse the whole unit and gawing mas efficient kumpara sa dati. We
need no liquids, just the specimen and the whole will function more effective than
what they did before."
Tumango lang si Arjo at pumasok na sa loob ng glass chamber.
"What am I gonna do next?" tanong ni Arjo.
Ngumiti lang ang doktor sa kanya. "Bring us to the Terminal."
Napahugot ng hininga si Arjo. Idineretso niya ang tingin sa harapan.
Terminal.
Sumara bigla ang chamber at nakita niyang lumabas ang doktor sa kwarto kung saan
siya naroon.
Gusto niyang maniwalang patay na ang buo niyang pamilya ngunit alam niyang may
paraan para makita sila.
Ang gagawin lang niya... buksan ang Terminal.
Sa kabilang banda...

"Sa tingin mo ba makakatulong 'to, Olive?" tanong ni Xerez sa doktor na gagawa ng


eksperimento kay Arjo. Nakatingin lang siya sa harapang mirror wall kung saan
nakikita niya si Arjo na nakapikit at nakatayo sa loob ng chamber habang hindi sila
nakikita nito.
"I'm just doing what the Fuhrer ordered me to do." Binuksan niya ang lahat ng
glass monitors at naglabasan ang napakaraming data tungkol kay Arjo at isang
malaking screen. Inilagay niya ang palad sa glass monitor at unti-unting umangat si
Arjo na nasa loob ng chamber dahil sa malakas na air pressure.
"Dapat pa bang niyang hanapin ang mga bagay na hindi naman na kailangang makita
pa?" tanong ni Xerez.
"Desidido siya. Wala ka nang magagawa."
At biglang lumitaw sa glass monitor ang isang imahe ng batang babaeng naka-indian
seat sa puting lugar gaya ng kinalalagyan ni Arjo.

"Kumusta," malakas na boses ni Arjo galing sa speakers.


Nagkatinginan si Xerez at Olive dahil gumagana ang unit na matagal nang pinaaayos
sa kanila ni Arjo.
"Sabi na nga ba, buhay pa rin kayo."
"Sa tingin mo ba, makikita mo rito ang iba pa?" tanong ng batang babae kay Arjo.
"Siguro. Hindi ka ba talaga umaalis sa Terminal, Jinrey?"
"Narito ang mundo ko." Tumayo na ang bata at nginitian si Arjo. "Naghahanap ka pa
rin ba ng paraan para buhayin siya?"

Nagtanong si Xerez kay Olive. "Buhayin sino?"

"May paraan, 'di ba?" tanong ni Arjo.


Sa isang iglap ay nagbago ang puting lugar kung nasaan ang bata at napunta sila sa
lumang imahe ng Distrito Mortel.
Puro guho. Bakas ang naganap na gyera sa lugar. Walang katao-tao. Tahimik ngunit
maaliwalas ang lugar. Mataas ang panghapong sikat ng araw ngunit malamya ang
paligid.
"Kahit saang daan ka maglakad, kung sa isang bilog ka lang nananatili, babalik at
babalik ka pa rin kung saan ka nanggaling," sabi ng batang babae.
"Paano ko siya ibabalik?" tanong ni Arjo.
Mabilis na inilahad ng batang babae ang kamay niya sa hangin at biglang dumilim ang
paligid.
Umuulan. Malakas ang ulan na sinasamahan ng pagkulog at pagkidlat.

"Pinatay ang dahilan para mabuhay siya. Kung pipilitin mong gawin ang imposible,
mauuwi ka rin sa wala."
"May paraan para mabuhay siya."
"May paraan... Pero kailangan mong mamatay... Imortal ka... Kung imposible ang
kamatayan sa iyo, gaano ka-posible ngayon ang imposible..."
At isang malakas na pagkulog ang dumagundong sa mga speakers sa kwarto kung saan
nanonood sila Xerez at Olive ng nangyayari sa loob ng utak ni Arjo.
"Olive!" sigaw ni Xerez dahil umiilaw ng pula ang mga signals sa mga monitor.
Pinatay agad ni Olive ang system na kumokontrol sa chamber at nakabalik na naman sa
pagkakatapak sa sahig ang mga paa ni Arjo. Agad din itong bumagsak dahil sa
panghihina. Mabilis na lumabas si Xerez ng kwarto at pinuntahan si Arjo sa kabila.
"Milady!" Binuksan niya agad ang chamber at tiningnan si Arjo kung may malay ba
ito. "Lady Josephine! Lady Josephine!"
Walang sagot mula kay Arjo.
Binuhat niya agad ito at tiningnan nang masama si Olive nang makita itong pumasok
na rin sa puting kwarto.
"Simulan mo nang magdasal na walang maling maidudulot ito sa Fuhrer. Kung mayroong
masamang mangyayari sa kanya, alam mo na ang magiging parusa mo," banta ni Xerez
sa doktor.
_____________________________________________

17: Visit

Chapter 17: Visit

"Lady Josephine," tawag ni Xerez. "Kumusta na ang pakiramdam ninyo?"


Walang isinagot si Arjo. Kalahating oras na siyang gising pagkatapos niyang mawalan
ng malay sa loob ng chamber at hanggang sa mga oras na iyo'y hindi pa rin siya
nagsasalita tungkol sa nararamdaman niya.
"Gusto n'yo na ba ng tubig?" pang-ilang tanong na iyon ni Xerez na hindi naman
sinasagot ni Arjo.

Napabuntong-hininga na lang si Xerez at napatingin sa labas ng bintana ng kwarto ni


Arjo sa wakas ay nahawian na rin ng makapal na kurtina. Umuulan pa rin kaya lalong
nakapanghihina ang kalagayan nila.
"Sinabi ko na sa iyong hindi magandang ideya ang paggamit sa unit na 'yon,"
malungkot na sinabi ni Xerez habang nakatingin sa makulimlim na kalangitan sa
labas. "Lagi mo na lang pinahihirapan ang sarili mo." Inilipat niya ang tingin
kay Arjo. "Alam kong gusto mong makita ang pamilya mo... pero sana hindi mo
sinasakripisyo ang sarili mo para lang makita sila."
Napahugot ng hininga si Xerez at napayuko nang makita ang pagtulo ng luha sa gilid
ng mata ni Arjo.
"Milady... huwag n'yo sanang gawin ito sa sarili ninyo."
"Xerez," tawag ni Jean sa kanya kaya agad siyang napalingon sa direksyon ng pinto.
"May gustong kumausap sa iyo."

Ilang oras bago ang kaganapang iyon...


Masamang masama ang timplada ng mukha ni Reese habang nilalakad ang pasilyo patungo
sa quarters nila Tristan.
Kailangan niyang makausap ang baguhan ng Jaegar. Nakapagtataka lang dahil sa rason
niyang kailangan niya itong balaan. Kahit kailan, wala siyang miyembrong binalaan
sa magiging laban nito sa Jaegar Underground liban na lang kung Death Match iyon.
Kaso, iilan lang ang lumalaban ng Death Match kay Amygdala kaya hindi siya sanay na
nagbababala.
Walang pasabi niyang binuksan ang pinto ng quarters at naabutang nag-uusap si
Grandel at Tristan.
"Nasaan yung bago?" bungad niya sa dalawa.
"Bakit?" tanong ni Tristan at tumayo upang lumapit kay Reese. "May problema ba?"
Palingon-lingon naman si Reese sa loob para hanapin ang pakay niya. "Gusto kong
makausap."
"Sana nagpasabi ka na lang sa ibang member. Hindi mo naman kailangang pumunta rito
ng personal," sabi ni Grandel.
"Nasaan nga?" tanong pa ulit ni Reese.
"Wala siya ngayon," sagot ni Tristan.
"Wala?! Saan nagpunta?" takang tanong ni Reese.
"Wala siyang duty sa kasalukuyan kaya wala siyang ginagawa. Wala naman siyang naka-
fix na laban kaya wala siyang dahilan sa ngayon para magtagal ngayon dito," sagot
ni Tristan.
"Pwes, may laban na siya ngayon. Alam n'yo kung nasaan?"
At nagkatinginan si Grandel at Tristan. Nabasa nila ang iniisip ng isa't isa.
"Mukhang..." Ibinalik ni Tristan ang tingin sa Boss niya. "...alam ko kung saan
siya pwede hanapin."
"Good. Dalhin mo 'ko sa kanya."
Nagitla si Tristan kaya nasagot niya si Reese ng "HINDI PWEDE!"
Agad na tumaas ang kilay ni Reese.

"I mean... bago lang siya!" Mabilis siyang tumango at saglit na tiningnan si
Grandel na gulat din ang naging reaksyon at kababakasan ng kaba sa nagaganap.
"Bakit mo siya kailangang puntahan nang personal? Dapat siya ang pumunta rito at
hindi ikaw ang pupunta sa kanya! Tama? Boss ka rito at hindi siya."
Agad namang tumango si Reese para ipakita ang pagsang-ayon sa sinabi ni Tristan.
"Tama. Sige, sasabihan ko si Yulance na--"
"Ako na ang bahala." Putol agad ni Tristan sa kanya. "Trabaho ko 'to. Ako na ang
bahala sa isang 'yon."
Tumango na lang ulit si Reese. "Sige. Mamaya, kailangan ko na siyang makausap."
Mabilis na tumango si Tristan. "Sige, ako na ang bahala. Makakausap mo siya
mamaya."
Lumabas naman agad si Reese na sinilip pa muna ang pwesto ni Arjo na halatang hindi
pa nagagalaw.
Sabay na napabuga ng hininga ang dalawang magkaibigan paglabas ng Boss nila.
"Muntik na..." sabi ni Grandel. "Saan mo hahanapin si Arjo?"
"Saan pa ba?" Umiling si Tristan. "Kailangang bumalik sa Citadel."
Mula nang malaman ni Tristan na maaari na siyang pumunta ng Citadel, hindi na siya
nahirapan pang gumawa ng paraan upang makapasok sa lugar na ilan ang pinapayagang
pumasok.
"Si Xerez?" pambungad niyang tanong kay Leto, isa sa mga Guardian Decurion na nasa
CCS.
"Abala siya sa kasalukuyan, may kailangan ka?" tanong nito.
"Gusto kong makausap ang Fuhrer dahil sa ilang bagay tungkol sa Jaegar
Underground."
"May kinalaman ba si Reese Havenstein sa pakay mo?"
"Sa isang banda, oo. Pero tungkol naman iyon sa pagiging parte niya ng Jaegar."
"Abala ang Fuhrer sa kasalukuyan."
"Magpapadala lang naman ako ng mensahe. May problema ba ro'n?"
"Ivan, Leto..." boses ng isang babae. Napalingon ang dalawa sa direksyon ng
pinanggalingan ng boses.
"Ara," tawag ni Leto.
"Bakit hindi mo hayaan si Ivan na kausapin si Xerez?"
Kumunot ang noo ni Tristan dahil sa sinabi ni Ara.
"Sasamahan na kita sa kanya," aya ni Ara kay Tristan at umalis na sila ng CCS.
Agad na nagtungo ang dalawa patungo sa kwarto ng Fuhrer.
"Sino si Ivan?" tanong ni Tristan.
"Ang pangalan ng Guardian na pinalitan mo ay Ivan. Sanayin mo na ang sarili mo sa
pangalang iyon."
"Ikaw si...?"
"Ara."
"Hindi 'yan ang tunay mong pangalan, tama?"
"Kung ano man ang tunay kong pangalan, hindi na iyon mahalaga."
Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa pasilyo kung nasaan ang kwarto ng pakay
nila.
"Nasaan si Xerez?" malakas na tanong ni Ara kahit malayo pa siya sa bungad ng
pinto ng kwarto ng Fuhrer.
Umayos ng tayo ang mga nakabantay roong Guardians, maids at ang butler ng Fuhrer.
"May kailangan ka ba, Ara?" pambungad na tanong ni Jean.
"May gustong kumausap sa kanya."
Huminto ang dalawa sa tapat ng pinto sa harapan ni Jean.
"Ivan?" tanong ni Jean kay Tristan. "Ano ang kailangan mo kay Xerez?"
"Tungkol lang sa ilang bagay sa Jaegar Underground."
"Sa Fuhrer ba?"
Alanganing tumango si Tristan.
"Hindi maganda ang pakiramdam ng Fuhrer ngayon. Sa tingin ko, hindi mo siya
makakausap."
"Kahit sandali lang. Bibisitahin ko rin siya."
"Hindi binibisita ng Guardian Decurion ang Fuhrer. Dapat alam mo 'yan."
"Hindi naman ang Fuhrer ang pinunta ko rito, si Arjo."
Naningkit agad ang mga mata ni Jean sa sinabi ni Tristan sa kanya. "Sandali lang."
Pumasok siya sa loob ng kwarto at iniwan si Ara at Tristan sa labas ng silid.
Ilang sandali pa'y lumabas na si Jean. Tiningnan lahat ng Guardian na naroon.
"Umalis muna ang lahat."
Yumuko nang sabay-sabay ang mga naroon at umalis nga gaya ng inutos ng butler ng
Fuhrer.
"Maaari ka nang pumasok," sabi ni Jean ay Tristan at hinayaan na nito ang pintong
nakabukas.
Pumasok na sa silid si Tristan at nakita si Xerez na nakatayo mismo sa harapan niya
pagpasok.
"Ano ang kailangan mo sa Fuhrer?" bungad sa kanya ng Guardian Centurion.
Sinilip muna ni Tristan ang kama kung nasaan nakahiga si Arjo. "May sakit ba siya
ngayon?"
"Ano ang kailangan mo sa Fuhrer?" pag-uulit ni Xerez.

Inilipat na ni Tristan ang tingin sa kausap. " Narito sana ako para sabihing gusto
siyang makausap ni Reese. Tungkol sa duty niya sa Jaegar Underground."
"Hindi pa siya handang bumalik doon sa kasalukuyan."
"Mukha nga." Naglakad siya patungo sa direksyon ni Arjo ngunit agad siyang
pinigilan ni Xerez.
"Hindi siya maaaring lapitan ngayon."
"Bakit?"
"Maliban sa Fuhrer siya at Decurion ka lang, wala ka ring permiso upang kausapin
siya."
"Siya si Arjo at may permiso ako bilang kaibigan niya. Narito ako ngayon para
sabihin ang pakay ko sa Fuhrer. Tapos na ang tungkulin ko para sa Superior na
pagsisilbihan ko. Ngayon, gagawin ko naman ang tungkulin ko para sa kaibigan ko."
Tumuloy pa rin siya na ngunit pinigilan na naman siya ni Xerez.
"Ang hindi maaari ay hindi pa rin maaari," matigas na sinabi nito.
"Nangako ako sa kanya na magiging pamilya niya kapag kailangan niya ng pamilya.
Kailangan kong tuparin ang pangako ko." Tinabig niya ang kamay ni Xerez na
pumipigil sa braso niya at nilapitan si Arjo. Umupo siya sa tabi nito at tiningnan
ang lagay. "Arjo... kumusta ka na?"
Wala pa ring isinagot si Arjo.

"Ang putla mo ngayon, a..." sabi ni Tristan nang mapansin ang hitsura ni Arjo na
mukhang sinalaan ng dugo sa buong mukha. "Ibabangon kita, ha." Kinuha niya ang
bandang balikat ni Arjo at isinilid sa ilalim ng likod nito ang mga braso upang
maibangon si Arjo.
"Dragna," may kalakasang tawag ni Xerez sa kanya.
Binalewala lang ni Tristan si Xerez at pinaayos ng upo si Arjo na nanlalata.
"Sa tingin ko, hindi mo kakayaning lumaban ngayon," pabulong na sinabi ni Tristan
kay Arjo habang hinahawi ang buhok nito na nakatakip sa mukha. "Sasabihin ko kay
Reese na hindi ka lalaban..."
Mahina at malamyang sumagot si Arjo. "Kapag ba lumaban ako, mamamatay ako..."
"Kaya nga hindi pwedeng lumaban dahil oo ang sagot..."
"Gusto ko siyang buhayin... kailangan kong mamatay..."
Kumunot naman ang noo ni Tristan sa sinabi ni Arjo. "Bubuhayin sino?"
"Si Zone..." Kusa nang bumagsak ang noo niya sa mga balikat ni Tristan. "Kailangan
kong buhayin si Zone..."
____________________________

18: Secrets Untold

Dedicated to Angela Nicole Villaran, happy birthday bhe!

Chapter 18: Secrets Untold

"Nangako ako kay Reese na makakausap ka niya ngayon," mahinang sinabi ni Tristan
habang pinanonood si Arjo na kumain. Hawak niya ang isang mangko na may lamang
pagkain. "Pero mukhang hindi mo pa kaya. Sasabihin ko na lang na hindi ka muna
pwede."
"Kailangan bang lumaban?" malamyang tanong ni Arjo.
"Hindi ko alam kung bakit pumunta si Reese sa quarters para lang hanapin ka. Kung
sa laban iyon, sa tingin ko, masamang balita ang dala niya."
"Lalaban ako..."
"Arjo."
"Kailangan kong lumaban..."
"Hindi sa lahat ng oras, kailangan. Piliin mo ang panahon, at hindi iyon ngayon."
"Para ka na ring si Xerez magsalita." Tiningnan ni Arjo ang direksyon ng pintuan
at nakita ro'n ang Guardian Centurion niya at si Jean na nakabantay. "Babalik na
ako ng Jaegar."
"Huwag muna."
"May trabaho ako ro'n."
"Baguhan ka pa lang, wala ka pa talagang trabaho."
"Pero may binigay nang laban para sa akin."
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"
Napahugot ng malalim na hininga si Arjo at umalis na sa kama niya. "Xerez, ihanda
mo ang sasakyan. Babalik ako ng Jaegar."
"Lady Josephine." Pansin sa tono ni Xerez at Jean ang pag-aalala nang tawagin ang
pangalan ni Arjo.
"Mahina pa kayo."
"Magpahinga ka muna, Milady. Hindi pa maayos ang lagay mo."
"Ihanda ang sasakyan."
"Milady... magpahinga muna kayo."
"Xerez!" sigaw ni Arjo. "Kapag sinabi kong ihanda ang sasakyan, ihahanda mo ang
sasakyan. Maliwanag?"
Humugot ng hininga si Xerez at agad na napayuko. Mariin siyang pumikit at kahit na
ayaw niya ang isasagot ay isinagot pa rin niya.
"Yes, Milady."
Lumabas na si Xerez at iniwan sila sa kwarto.
Masamang tingin lang ang ibinigay ni Tristan kay Arjo habang pinanonood itong mag-
ayos ng sarili niya.
"Jean, ihanda mo ang mga damit na gagamitin ko."
"Yes, Milady." Pumunta agad si Jean sa closet ng kwarto upang kuhaan si Arjo ng
maisusuot.
Napailing na lang si Tristan sa nakikita niya.
"Inaabuso mo ang sarili mo." Nanatili lang ang tingin niya kay Arjo na
pansamantalang naupo sa single couch na naroon. "Kung ganiyan pala ang ginagawa mo
sa sarili mo, lalo ka lang mahihirapan sa mga problema mo."
"Wala kang alam. Hindi mo alam kung ano ang problema ko..." Bigat na bigat si Arjo
sa ulo niya at pinipilit na itayo gamit ang kinuyom na kaliwang kamao.
"Problema mo ang pamilya mo. Alam ko ang problema mo dahil problema ko rin 'yan.
Patay na sila at hindi mo iyon matanggap."
Bahagyang umiling si Arjo. "Trust me, hindi tayo pareho ng problema. Buhay sila,
at alam ko, may paraan para buhayin sila."
Kumunot ang noo ni Tristan sa narinig niya. "Baliw ka na. Kahit na gaano ka pa ka-
desperada, imposible pa ring ibalik ang pamilya mong namatay na."
Natawa nang mahina si Arjo. Tawang puno ng lungkot.
"May nakakatawa ba?" inis na tanong ni Tristan.
Itinaas ni Arjo ang kaliwang braso at ibinaon mula sa pulso ang mga kuko. Dahan-
dahan niyang binalatan ang sarili sa harapan mismo ni Tristan.
"Nababaliw ka na talaga!" Dali-dali siyang nilapitan ni Tristan at pinigilan siya
sa ginagawa. "Ano ba'ng problema mo?!"
Patuloy pa rin sa pagtawa na tila ba isang baliw si Arjo. Unti-unting tumulo ang
luha sa kanyang mga mata habang nagtatalo ang pag-iyak at pagngiti sa mga labi
niya.
"Halimaw ako, Tristan... halimaw ako..."

"Tumigil ka nga! Tingnan mo ang ginawa mo sa sarili--" Napaawang ng bibig si


Tristan nang makita ang napakablis na pagkain ng balat ni Arjo sa duguang sugat
nito. Nabitiwan niya ang kamay ni Arjo at gulat na gulat itong tiningnan.
"Ako na ang pinakamalaking kasalanan ng tao, Tristan... nilabag ng pagkatao ko ang
batas ng kalikasan. Mahirap..." lumuluhang tumango si Arjo. "Napakahirap maging
ako... mahirap maging batayan ng salitang perpektong tao dahil nagmumukha akong
demonyo. Hindi mo kilala ang pamilya ko... Hindi mo alam kung anong klaseng mga tao
ang parte ng pamilya ko... Hindi tayo pareho, Tristan. Kahit kailan hindi tayo
magiging pareho."

Sa kabilang banda naman...


Makikita sa ngisi ni Lollipop ang tuwa habang hawak ang profile ni Arjo sa kanyang
mga kamay.
"May kakaiba ba sa kanya?" tanong ni Charles na organizer ng mga laban sa Jaegar
Underground.
"Marami." Inilapag niya sa mesa ang hawak na folders at tumawa nang mahina.
"Familiar ka sa mga tao sa Citadel?"
"Sa mga Guardians, oo. Marami akong kilala."
"Magandang ideya ang pagiging parte ng baguhang iyon sa Jaegar." Tumayo si
Lollipop at tinanaw mula sa bintana ng opisina niya sa isang casino ang mga
nagsusugal sa ibaba lang ng pwesto niya. "Mas maganda kung hindi muna nila
makikilala ang tunay ng pagkatao ng baguhang iyon."
"At bakit naman? May problema ba sa kanya?"
"Pamilyar ka kay RYJO?"
"At ano ang kinalaman dito ng assassin na 'yon?"
"Isipin mo na lang na parang si RYJO na rin ang lumalaban kapag pinasabak na ang
baguhang 'yon."
Hindi inaasahan ni Charles ang narinig na balita kay Lollipop. "Ibig sabihin--
kaya ba Level 4 agad ang inaalok mong--"
"Exactly." Humarap na siya kay Charles at isang ngisi na naman ang natanggap nito
mula sa kanya. "Dadami ang bidders. Dadami ang kikitain ng mga laban, doble pa. At
higit sa lahat, makakalaban na ulit si Amygdala."
"S-si A-Amygdala?" Napatayo agad si Charles at agad na umiling. "Hindi pwede!
Kapag hindi niya nagustuhan ang makakalaban niya, sisirain na naman niya ang
Jaegar!"
At natawa nang malakas si Lollipop. Hindi naman iyon nagustuhan ni Charles.
"Worry not, Charles..." Tumalikod na siya at humarap na naman sa mga manunugal ng
casino. "I'm sure everybody will enjoy this fight...
..everybody will, especially, the Guardians."
________________________________________

The Rant

Ang hanep po ang series ko, 'noh? Tsk! Ang haba na nga ng kwento ko, pampasakit
pa sa ulo! Tapos babasahin n'yo? Pagpupuyatan n'yo? Aba, sinuswerte talaga ako!
Grabe si Lena0209, gagawa na lang ng kwento, yung maganda pa! Grabe talaga siya!
*buhat bangko pa murr hahaha!*
Kasi po may mga nagrereklamo na naman po. Bihira na lang po ako gumawa ng author's
note na rant kaya pagpasensyahan n'yo na. Balato n'yo na sa akin 'to dahil
magmamaldita na naman ako.

Ito... Tandaan po ninyo: mahirap maging author. Kung iniisip po ninyo na madaling
gumawa ng updates...
madali mag-type!
Sus! Pauupuin mo ko sa harap ng pc, tingnan natin kung wala akong ma-type diyan...
pero po, uulitin ko, mahirap maging author.

Palit tayo ng pwesto.Pagagawin kita ng kwento. Gusto ko tapatan mo ang gawa ko,
gawin mo ang ginagawa ko, kukulitin kita everyday, at ayaw kong makakatanggap ng
sagot na negatibo mula sa iyo kapag nagtanong ako kung kelan ang update... Ayaw
kong makatanggap ng katwiran na kasi hindi ako ikaw. Na kasi hindi ka si Lena0209.
Na hindi mo kayang gawin ang ginagawa ko.

...kayanin mo kaya?

Madali magreklamo. Nakapadali magreklamo. Pero try mo lang at least a day maging
ako...

yung may problema ka sa grades mong wala until now,


may problema ka sa school na napakaraming babayaran tapos wala kang mahuhugutan ng
pera,
yung may problema ka sa pamilya,
yung may problema ka sa mga kaibigan, yung tanging exit mo sa mga reality
problems, bubungaran ka pa ng tadtad na problema kasi kailangan mong husgahan ang
gawa ng iba,
kailangan mong magbasa kahit lutang ang utak mo sa ibang bagay,
yung kailangan mong gumawa ng napakaraming mga kuwento para lang masabihan ng iba
na pangit ang gawa mo para lang makuntento ang ibang kilala mong umaasa sa
pagbagsak mo,
yung kailangan mong kausapin ang mga kaibigan mong expert mang-seen,
yung may iga-guide kang dalawang grupong kung di ka pa kikilos, walang gagalaw sa
kanila,
yung kailangan kong mag-edit ng lima-limang stories nang sabay-sabay kasi deadline
na nila at nangako ka,
na kailangang pagaanin pa ang loob ng mga newbies na napagsabihan ng ibang authors
at sabihan silang okay lang ang lahat at wag mawalan ng pag-asa, na dapat gawin ito
na dapat gawin iyan,
yung ang ganda ng mga naka-hiatus mong story tapos tinatadtad ka ng request minu-
minuto ng buhay mo,
gusto mong ipahinga ang utak mo, wala kang oras,
napapagod ka na, wala kang mahanap na panahon para magpahinga...
Sa lahat ng problemang iyan na araw-araw mong haharapin kasi kada solve mo ng isa,
may dagdag pang isa bukas o baka mamaya lang... try n'yo lang maging ako.

Hindi ako nagagalit, kapag ako nagalit yung sagad na sagad na... iiwan ko ang
Wattpad. Kasi half of my problems today galing sa Wattpad. Delete the account of
Lena0209 then poof! Gawa ng bagong account start all over again, anonymously, hindi
naman mahirap 'yan. Sikat na kung sikat, wala na akong pakialam. Naramdaman ko na
ang dapat kong maramdaman.

Nagtiya-tiyaga kang gumawa ng ud. Sasabihan na sabaw. Aminado ako. Walang problema
roon kasi aware ako. Pero tandaan n'yo sana...

Kung ikaw ay nagsusulat, PINAKAMAHIRAP pong updates sa lahat ay yung mga sinasabi
n'yong sabaw, tandaan n'yo 'yan.
Pakisipi sa isipan na ang mga walang kwentang updates na 'yan ang pinaka-
pinagtiyagaan ng lahat ng authors.
Kasi yang mga WALANG KWENTANG updates na yan ang resulta ng pigang-pigang tuyot na
utak ng author na pinilit na ang sarili niyang mag-update para lang sa inyong mga
naghihintay.
This is not only for me but to all authors out there na inaatake ng writer's block.
Kung hindi ninyo nagustuhan, pakitanong po muna ang sarili ninyo kung kahit minsan
ba tinanong ninyo ang author kung bakit sabaw ang update niya?
Kahit minsan ba tinanong ninyo ang author sa bawat update niya kung kumusta na ba
siya?
Kung bakit may time pa rin siyang mag-update kahit busy siya?
Kung hindi ba uso sa kanya ang magkasakit?
Kung happy ba siya ngayon sa buhay niyang puno ng problema?
Guys, ang pamilya ko, hindi sang-ayon sa pagsusulat ko, baka lang gusto ninyong
malaman...
Ayaw nila akong magsulat, baka lang gusto n'yo 'yang isipin...
Wala lang, sinasabi ko lang, baka lang kasi trip n'yo lang alamin.

Magtataka kayo, imbes na update ang tinype ko, itong rant na ito ang resulta...

UULITIN KO!!

Madali mag-type. Napakadali mag-type. Pero hindi madali mag-isip. Madali ngang mag-
isip, kailangan pa ring pag-isipan.

Para naman sa mga authors na readers ko rin na nakaka-relate at doon sa mga readers
lang na talagang nakaramdam...
Ayokong makakabasa ng comment na READERS LANG NAMAN SILA AT HUWAG NA SILANG
PANSININ.

Huwag n'yong sabihing readers lang kayo. O readers lang sila.

NEVER kong inisip na readers "LANG" kayo. Kasi kung tutuusin, kahit pa sabihin ng
lahat na taga-basa lang kayo, wala naman ako sa pwesto ko kung wala kayo. Sa tingin
po ninyo, sisikat ang series ko kung wala kayong mga sinasabi nilang TAGA-BASA
LANG? 'Di ba, hindi?
Malaki ang utang ko sa inyo kaya nga nagpapasalamat ako.
Kaya nga kapag maganda ang feedback sa akin ng mga messages ninyo, hangga't maaari,
gusto kong tapatan iyon. Kahit wala akong time, kahit wala akong net connection,
kahit wala akong pera pang-internet, gumagawa ako ng paraan.
Nagpapasalamat ako sa inyo dahil hindi po biro ang oras na nilalaan ninyo sa
pagbabasa ng story ko. Reader din ako at kapag ayoko sa isang kwento, iniiwan ko
agad. Paano pa kaya yung umabot ka ng book 13, 'di ba? Lahat po kayo mga record
holders na dahil sa pagtiya-tiyagang basahin ang TNW mula umpisa.

Pero sana huwag abuso... free lang akong gumagawa ng story para sa inyong lahat...
sana naman po huwag kayong harsh sa akin. Malnourished po ako, may sakit ako sa
puso, madalas akong hindi makahinga, minsan kahit may kausap ako, tinitiis ko lang
na maging masaya kahit nahihirapan na akong magsalita... kayo po kaya sa pwesto ko.
Kahit po mga one week lang, gano'n.

Anyway, may update dapat ako ngayon kaso kaunti lang 'yon at SABAW... at dahil na-
bash ako, syempre hindi ko na iyon ia-update. Nakakahiya kasi sa reader na iyon
kaya kailangan siksik, maganda at hindi sabaw... Ayokong mapagsabihan ulit kaya
maghintay kayo kung kailan magkakalaman ang updates ko. Hangga't hindi ako nasa-
satisfy sa update ko, walang ud syempre :)
Kailan ang update? Sa Saturday. Kung walang ud sa Saturday? ^__^ Asa pa, hindi
nauubos ang Sabado. Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat.

Ito po pala ang dapat abangan sa next update.


Ang paglitaw ni Amethea Watersong.
Ang muling paghaharap ni Reese at ng Fuhrer.
Ano ang kaugnayan ni Xerez kay Lollipop?
At ang Level 4 fight ni Arjo na mapapanood ni Amygdala.

Updated na dapat 'yan ngayon kaso wala eh... Damay-damay na. Hindi ako kawalan at
ang story ko, marami pang ibang mababasa dyan, rekomendahan ko pa kayo kung gusto
ninyo.

Sa mga nagme-message na nahihiya sa akin dahil terror daw ako. Huwag kayong ma-
amazed kapag sinagot ko ang messages ninyo, tandaan ninyo, pantay-pantay lang tayo
rito.
Hindi ako author na dapat tinitingala at hindi rin naman kayo mga reader na dapat
niyuyukuan.
Tingnan natin ang isa't isa nang pantay dahil walang mataas at mababa sa atin
pagdating sa posisyon. May utang kayo sa akin at may utang din ako sa inyo.
Maraming salamat sa mga nagbasa. ^__^
Kahit na ganyan kayo, mahal ko pa rin kayong lahat. Pakitatak yan sa isipan.

19: Amygdala's Beginning

Madilim sa buong paligid ngunit maraming mga guhit ng iba't ibang ilaw ang tumatama
sa bawat sulok ng lugar. Mausok ngunit wala namang sunog. Mainit ngunit bukas naman
lahat ng aircon. Maingay at maraming nagsasayawan. Nakabibingi ang tugtuging
lumalabas sa malalaking speakers.
"Hey!" sigaw sa kanya ng isang lalaking nagsasayaw.
Hindi niya ito pinansin, sa halip ay nagpatuloy na lang sa pag-inom ng martini.
Saglit na napangisi ang bartender na nasa harapan niya at napailing na lang.
"I'm Cleide!" pagpapakilala nito, na hindi na naman niya pinansin.
Sinilip niya sandali ang relo at nakitang alas onse na ng gabi. Sa pagkakaalam niya
ay may pupuntahan pa siyang meeting-- na alas diyes ang usapan.
"What's your name?" tanong pa ulit ng lalaking nagpakilalang Cleide.
Inubos niya ang iniinom na martini at marahang ibinaba sa bar counter ang hawak na
inuman. Agad niyang hinugot mula sa asul na lalagyan ang katana niya at itinutok sa
leeg ng lalaki.
"Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung iniistorbo ako," sabi niya rito habang
nakatitig lang sa natirang olive sa martini glass na ininuman niya.
Napansin ng iba ang nagaganap at agad na lumayo sa may pinangyayarihan ng munting
komosyon.
Napalunok ang lalaki. "S-Sorry..." Umatras ito nang bahagya, makalayo lang sa
matalas na metal na nakatutok sa kanyang leeg.
Tumaas lang ang kilay niya at masamang tiningnan ang lalaki. "Apology never will
be accepted."
"Amy!" sigaw ng isang babae sa kanya. Dali-dali siya nitong nilapitan at walang
takot na binaba ang hawak niyang katana. "Amy, have you heard the news?"
Naging kalmado ang mukha niya nang tingnan ang babaeng dumating. "What news?"
"Bumalik na si Reese sa Jaegar!" masaya nitong sinabi at nagtata-talon agad sa
tuwa.
Tumango lang siya sa balitang natanggap. Ibinalik niya ang katana sa lalagyan nito
at agad na tumayo.
"Aren't you happy?" tanong pa ng babae.
"Guia, alam ko na ang balitang 'yan noong isang araw pa." Inakbayan niya si Guia
at inaya palabas ng club kung nasaan sila. "Kanina pa kita hinihintay, napakatagal
mo namang gumamit ng restroom."
"Tss, byt the way, alam mo na agad?" tanong pa nito. "How?"
Humugot siya ng hininga at umiling na lang. "Lolli told me the news."
"And?"
"That's it." Dinala niya si Guia sa malapit na parking lot at sumandal siya sa
asul na Lamborghini na pagmamay-ari niya.
"Uhh, hindi ka ba masaya?" alanganing tanong nito.
"I'm not Amygdala, why whould I be happy about it?" Itinuro niya ng ulo ang
kabilang parte ng sasakyan niya. "Hop in. We'll visit Jaegar."
"Ooohhh..." Napangiti agad si Guia sa sinabi sa kanya ng kaibigan. Mabilis siyang
sumakay sa kotse nito at napakalaki ng ngisi niya habang pinanonood na sumakay rin
ang may-ari ng sasakyan sa driver seat. "Nai-imagine ko na ang shocked face ni
Reese kapag nakita ka niya sa Jaegar."
"Reese never liked my presence in his place. Already accepted the sad truth. Pero
wala naman siyang magagawa kapag napunta na ako ro'n." Pinaandar na niya ang
sasakyan at agad na binaybay ang kalsada patungong Jaegar Underground.
"May laban ka ba ngayon?"
"Nuh-unh." Umiling siya sa tanong.
"Gusto mong lumaban?"
"Mahirap magpa-book ng Death Match, Guia."
"Death Match ba agad? Bakit hindi mo muna subukan ang mas mababang Level?"
"What?" tanong niya.
" Say, 5? Ar you good? Balita ko, may bago sa Jaegar na pinabagsak ang grupo ng mga
Level 5 sa loob lang ng ilang segundo. Take note! BAGO."
"Guy?"
"Nope!"
Naningkit agad ang mga mata niya sa sinabi ng kaibigan.
"Name?"
"Uhh," tumingin si Guia sa taas at nag-isip. "Not familiar, eh. Basta kumalat
lang ang news. Why?"
Tumaas ang dulo ng labi niya at naisip ang tungkol sa sinabi ng kaibigan niya.
"Still breathing... that noob?"
"Ang sabi nila, may puncture na nakuha. Enough to drain blood to it, but..."
"But what?"
"Dunno. Just weird stuff and tattle-tale stories."
"Like?"
"The noob's still alive. You fight a Level 5 as a newbie, lucky you to still
breathe... keep in mind, just A Level 5... and that noob fought another four. No
Jackals can kill a straight five Level 5 notorious killers in just a few seconds,
duh!"
Napataas ang kilay niya sa lahat ng detalyeng binanggit ni Guia. "Kung magpapakita
ngayong gabi si Amygdala, ano kaya ang mangyayari?"
"No way! Amy!" Napuno ng pag-aalala ang boses ni Guia dahil sa sinabi ng kaibigan.
"Why?! I'm just thinking maybe--"
"NO!! A big big NO!"
"Bakit nga?" Unti-unti ay natatawa na siya dahil sa kabadong reaksyon ni Guia.
"Amethea! Kung joke 'yang sinasabi mo, hindi siya nakakatuwa, promise!"
"Come on, Guia. Tinatanong ko lang kung ano ang mangyayari, hindi ko naman sinabing
tatawagin ko siya."
"Are you drunk?" tanong pa nito.
"Dalawang Martini lang ang ininom ko, hindi pa ako lasing." Natawa na naman siya
at saka umiling.
Kalahating oras din ang biyahe nila. Malayo pa lang ay kita na nila ang mga taga-
Jaegar na nakatambay sa labas ng teritoryo nito. Ipinarada nila ang sasakyan sa
malapit na parking lot at agad na bumaba roon.
"Amy!" Excited na excited si Guia nang makita ang entrance ng Jaegar. "I wanna
see Tristan!" Kinuha niya agad ang kamay ng kaibigan at hinatak papunta sa loob ng
Jaegar Underground.
Gaya ng nakasanayan, maraming tao roon. Hindi mawari kung may gulo ba o mga
maiingay lang talaga ang lahat dahil may kasalukuyang laban.
"Excuse me! Excuse me!" Hinawi ni Guia ang mga nakahambalang na nanonood sa arena
at dali-dali silang lumusot patungo sa pasilyo kung saan tutumbukin ang opisina ng
Boss.
Unti-unting lumalaki ang ngiti niya habang nakikita ang pinto ng opisina ni Reese.

********************************

Diretso ang tingin ni Arjo sa Boss ng mga Havenstein. Hindi mababakas sa mukha niya
ang kahit anong pinagdaanan ng araw mismo na iyon. Nakikita niya sa likod ni Reese
si Tristan na kanina pa nakatingin sa kanya na parang handa siyang saluhin kung
sakali mang bumagsak siya sa kinauupuan. Ramdam din niya ang presensya ng halos
lahat ng miyembro ng Jackals na naroon at nakaabang sa panibagong balita.
"Ayos ka lang?" tanong ni Reese sa kanya. "Balita ko, may sugat kang nakuha sa
huling laban mo."
"Noong isang araw pa ang laban na tinutukoy mo, ngayon mo lang nabalitaan?" sagot
ni Arjo. "Nakakuha na ako ng badge at lahat-lahat, hindi mo pala alam ang
kondisyon ko."
Tumaas lang ang kilay ni Reese sa nakuhang sagot. Mas lalo na sila Yulance na
nakikinig.
"Wala kasi sa hitsura mo noong huling beses na pumunta ka rito na may tama ka
pala."
"Alangan namang lulugo-lugo akong humarap sa iyo."
Napailing lang si Reese dahil hindi niya mawari kung saang lugar ba hinuhugot ni
Arjo ang tapang nito para kausapin siya sa walang galang na paraan.
"Napagkasunduan na kailangan mong lumaban sa isang Level 4 fight," pag-iiba ni
Reese ng usapan.
"E 'di lumaban," mabilis na sagot ni Arjo.
"Reese," napalakas na bulong ni Tristan sa Boss niya.
"Bakit?"
"Kailangan mo ba talaga siyang palabanin?" tanong ni Tristan.
"Kailangan dahil si Lollipop na mismo ang nagsabi."
"Kakausapin ko si Lollipop."
"Hindi," agad na tutol ni Reese. "Wala kang kakausapin, okay?"
"Pero, Reese, hindi dapat palabanin ang baguhan sa mga labang tagal ng taon ng
pananatili sa Jaegar ang basehan. Alam mo 'yan."
"Nagdesisyon na ako, Tris."
"At hindi ako sang-ayon sa desisyon mo. Dapat kinonsulta mo muna sa akin ang bagay
na ito."
"Boss ako rito, Tristan."
"At bilang Consigliere ng pamilya, trabaho kong kuwestiyunin ka. Kung hindi tama
ang desisyon, trabaho kong baguhin 'yon. Hindi mo palalabanin si Arjo."
Napahugot ng hininga si Reese at masamang tiningnan si Tristan. "At bakit hindi?"
"Baguhan lang siya."
"Maliban doon, ano pa ang dahilan kung bakit hindi?"
"Sapat na ang dahilan na iyon, Reese, para hindi siya lumaban. Kung sakali man,
dapat mas mababa pa sa Level 10 ang ibibigay na laban sa kanya."
"Pero natalo na niya ang Level 5."
"Pero hindi ibig sabihin no'n makakaya na niya ang Level 4. Sinuwerte lang siya."
"Alam nating pare-pareho na hindi lang swerte ang tawag sa kaya niya--"
"Reese-y!!" Malakas na pambungad na boses ng isang babae sa kanila kaya napahinto
ang lahat at napatingin sa pintuan. "Oh, may meeting pala tonight!"
Napatayo ang lahat nang makita ang dalawang dumating.
"Guia..."
"Hello!" bati ni Guia at dali-daling nilapitan si Tristan at niyakap ito sa braso.
"Hi, Tris! I miss you!"
Hindi nila inisip lahat si Guia. Nanatili ang tingin nila sa isa pa na na-steady
lang sa pinto. Hinagod nila ito ng tingin at napansin nilang balot na balot ito ng
damit. Itim na coat, asul na turtleneck, itim na slacks at leather boots. Nakatali
rin ang buhok nitong itim na itim at kakikitaan ang mukha niya ng tapang.
"May meeting pala kayo, pasensya na sa istorbo," sabi niya at agad na hinubad ang
coat na suot. Isinampay niya iyon sa rack na nasa tabi ng pinto at nginitian ang
lahat. "I know, hindi ako welcome dito pero nagpumilit si Guia." Katwiran niya
kahit intensyon niya talaga ang pagpunta.
"Watersong," tawag sa kanya ni Reese.
"Alam na alam mo talaga kung paano ako tatawagin, hmm, Havenstein?" Ngumisi lang
siya at umupo sa isang blangkong upuan sa tabi nila Yulance. "Jackal pa rin naman
ako, tama? So, I needed to be here."
"Amethea..." mahina nilang pagtawag sa pangalan niya.
"Oh!" Lalong lumaki ang ngiti niya nang makita si Arjo na nakatitig sa kanya.
"New face. Malamang ikaw yung bago. Familiar ang mukha mo, parang nakita na kita
before."
"Talaga?" walang buhay na tanong ni Arjo.
"Uhm, I guess, yeah." Tumango lang ito at inilipat ang tingin kay Reese. "Matagal
na noong nakarinig ako ng Death Match offer. Mukhang may niluluto na naman si
Lolli."
"At papatulan mo naman," matigas na sinabi ni Reese sa kanya.
"Come on, Havenstein. Kapag pinatulan ko 'yon, gusto ko malaki ang bayad."
"Huwag ka nang umasa ng Death Match. Walang baliw ang papayag labanan si Amygdala."
"Kapag ginusto niyang lumaban, wala naman kayong magagawa kundi mag-provide ng
fighter, 'di ba?"
"Walang Jackal fighter na lalampas sa boundary."
"Mukhang mayroon," inilipat ni Amethea ang tingin kay Arjo. "Mabilis kumalat ang
balita."
"Walang lalaban sa Queen, Watersong."
"Let's see about it, Havenstein. Kilala mo si Xylamea, alam mo ang kaya niyang
gawin. Kapag sinabi niyang may laban, magkakaroon at magkakaroon ng laban, tumanggi
ka man o hindi. Anyway, I'm here to watch some fights. May laban yata ngayon,
naiintriga ako sa lalaban."
At isang ngisi ang natanggap ni Arjo mula sa babaeng bigla-bigla na lang nagpakita
sa Jaegar Underground.

********************************
Napakaseryoso ng mukha ni Xerez nang makita ang hindi niya inaasahang bisita sa
bungad ng Jaegar. Sa kasalukuyan ay nasa isang kapihan sila at nag-uusap. Pansin
ang ngisi sa mukha ng kausap niya, kabaligtaran ng reaksyon niya-- napakalaking
kabaligtaran.
"So, how's my dear half brother, hmm?" nakangising tanong nito. Hinawi niya ang
mahaba niyang buhok na kulay ginto at ininuman ang kape niyang umuusok pa sa init.
"It's been a very long time, Sav. Inalisan ka na ba nila ng kakayahang ngumiti sa
impyernong 'yon?"
"Xylamea, hanggang ngayon pa rin ba?"
Natawa na naman nang mahina ang kausap ni Xerez. "Napakatagal na panahon na noong
huling beses na tinawag mo ako sa pangalan ko. Mataas pa ang respeto mo sa akin
noong mga panahon na iyon bilang ate mo." Sumeryoso na ang mukha niya habang
nakatingin nang diretso kay Xerez. "Alam mo bang hanggang ngayon, mahirap pa rin
para sa aking tanggapin na ikaw ang nakakuha ng posisyong pinapangarap ko..."
Bahagya niyang inilapit ang mukha kay Xerez para marinig nito ang ibubulong niya.
"Hindi ko matanggap na sa lahat ng Desimougne, ikaw pa," puno ng galit niyang
bulong.
Inilayo na niya ang sarili at makikita na sa kanyang mga nanlilisik na mata ang
galit na matagal na niyang tinatago sa kapatid.
"Desisyon ng yumaong Devero na piliin ako sa pamilya ng mga Decavalcante," sabi ni
Xerez.
"Pero ako ang panganay na Desimougne. Akin ang posisyon na iyon. Ako ang nararapat
na Centurion at hindi ikaw," matigas nitong pagpipilit.
Napailing na lang si Xerez sa miserableng pananaw ng kapatid. "Tanggapin mo na,
Xylamea. Tapos na ang lahat, nakapili na sila. Tatlong taon na, dapat kalimutan mo
na ang mga bagay na hindi naman sa iyo nakatakda."
"Kapag ginusto ko, nakukuha ko, Salvatore. Alam mo 'yan."
"Pero hindi ito. Hindi ang posisyon ko."
Napangisi agad si Xylamea. "Iniisip mo bang wala akong magagawa para mabawi ang
posisyon KO sa iyo, hmm?" Inilahad niya ang kaliwang palad niya sa maarteng
paraan. "Hawak ko ang kapalaran ng Fuhrer. Lahat ng desisyon ko, magre-reflect sa
pinagsisilbihan mo. Pinasok niya ang kabilang mundong nakokontrol ko kaya wala
siyang magagawa kundi ang sumunod."
Napakuyom agad ng kamao si Xerez at lalong sumama ang tingin sa kapatid.
"Wala kang karapatang galawin ang Fuhrer."
Tumawa nang pagkalakas-lakas si Xylamea at saka umiling.
"Sav, ang teritoryo ni Lollipop ay teritoryo ni Lollipop. Alam mo kung ano ang
magiging resulta kung gagawa ka ng mga bagay na hindi aayon sa Criminel Credo."
Ibinagsak ni Xerez ang kamao sa mesa at padabog na tumayo.
"Oras na may mangyaring masama sa Fuhrer, kung kinakailangan kong magdeklara ng
giyera laban sa mga Havenstein at sa mga Desimougne, gagawin ko, mapigilan ka
lang."
Lalong natawa si Xylamea sa hitsura ng kapatid.
"Mula nang tanggapin mo ang posisyon na hawak mo ngayon, nagdeklara ka na. Oras na
kumilos ka, maiipit ang taong pinoprotektahan mo ngayon ng buong buhay mo. Kaya sa
totoo lang, wala ka pa ring magagawa... kumilos ka man o hindi, hawak ko pa rin
siya. Sumugal ka isang bagay na malaki ang halaga pero malaki rin ang tyansang
matalo ka. Tiisin mo ngayon ang kabayaran sa pinanghawakan mong desisyon."
Tumayo na si Xylamea at tinapik sa braso si Xerez.
"May laban pala ngayon sa Jaegar. Gusto mong manood? Fuhrer pa naman ang lalaban.
Baka kailanganin niya ng moral support mula sa kanyang nag-iisang Guardian
Centurion."
************************************************

Nakaupo sa pinaka-itaas na parte ng Jaegar Underground si Amygdala para manood ng


laban. Inaabangan ng lahat ang oras na iyon dahil ang nag-iisang baguhan ng Jackals
ang sasalang pagkatapos ng laban nito mula sa limang Level 5 fighters.
"Sa tingin mo, sulit ba ang labanan siya?"
"Hindi ako sigurado," sagot ni Amygdala. "Mahirap magsalita. Ngayon ko pa lang
siya makikitang lumaban."
"Alam ko talagang nakita ko na siya somewhere, hindi ko lang maalala kung saan."
"Alam mo, Amethea, sa totoo lang, pamilyar din siya sa akin."
Maingay sa palibot ng arena. Nasa gitna na ng lugar na paglalaban si Arjo at
hinihintay lang ang paglabas ng mga makakalaban niya.
"Level 4 ang laban. Lima yata ang lalabanan niya. Sa tingin mo, tatagal siya?"
Napangiti si Amygdala. "Kung makakatagal siya, e 'di maganda."
Napapikit si Amygdala at parang may dumaang malakas na hangin sa kanyang katawan at
tinangay ang lahat ng nasa loob niya.
"Amy!" Lumapit si Guia sa kanya at tinabihan siya sa kanyang pwesto. "You think,
makaka-survive ngayon yung baguhan?"
"Guia..." Napangisi agad siya.
"Bakit?" tanong pa nito at agad siyang tiningnan.
"Mukhang alam ko na kung saan ko siya unang nakita."
"Uhh..." Sinulyapan niya sandali si Arjo sa ibaba ng arena at saka ibinalik ang
tingin sa kausap. "Where?"
Ngumisi na lang si Amygdala at napakagat ng labi habang nakatitig kay Arjo na
nakatayo lang sa gitna.
"Sa loob ng Terminal..."
Napuno naman ng gulat si Guia at mabilis na tiningnan si Arjo na nasa ibaba. "Oh?
E 'di ba-- Paano nangyari 'yon?"
"Sa tingin ko, tatagal siya sa laban na 'yan." Nanigurado agad si Amygdala sa
sinabi. "Imposibleng hindi."
"Wait! Ang sabi mo, ilang tao lang ang nakakapasok sa loob ng Terminal. Paano
niya--?"
"Kung kilala niya ang magkapatid na Kingley, malamang na siya nga at tama ang
iniisip ko. Minsan ko nang nagamit ang Transmitter Chamber ng Sanglant
Congregation, imposible talagang mali ako ng nakita. Kung kamukha lang niya, baka
maintindihan ko pa... kaso mukhang hindi dahil siya yata talaga."
"I-check mo uli, baka nagkakamali ka lang."
"Madali na lang malaman kung hindi." Inilipat niya ang tingin kay Arjo na
nakapwesto na para lumaban.
Lumalakas na ang ingay sa palibot ng arena. Lumabas na ang makakalaban ng baguhan
ng Jaegar Underground. Makikita na ulit ng lahat kung paano lumaban si Arjo.
"Amygdala, gusto mo bang labanan siya?" tanong ni Amethea.
Ngumiti lang si Amygdala at napatingin sa gilid niya. "Bakit hindi?"
"Pst!" tawag sa kanya ni Guia.
"Yep?"
"Simula na ng laban. Mamaya mo na siya kausapin."
Ilang sandali pa'y nagsimula na ang laban.

....
"Reese," mahinang tawag ni Tristan sa Boss ng Jaegar Underground. Tiningnan na
lang din niya ang tiningnan nitong dalawang babaeng nanonood sa may pinakatuktok na
balcony ng lugar.
"Masaya ako dahil si Amethea ang bumungad sa akin ngayon," sagot ni Reese.
"May pinagkaiba ba kung si Amethea o Amygdala ang makikita mo?"
Umiling na lang si Reese bilang sagot.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano sasabihin ang pagkakaiba nila."
___________________

20: Law Breakers

Chapter 20: Law Breakers

Walang ganang lumaban si Arjo. Kanina pa nagtatayuan ang mga balahibo niya. Hindi
man sa kilabot kundi sa matinding lamig. Mainit sa loob ng Jaegar, lalo na sa
arena, ngunit kakaiba ang ginaw na nararamdaman niya.
Malakas ang sigawan. Mabibingi ang kahit sinong makaririnig. Sabay-sabay na boses
ng mga mananaya at mga manonood ang naghalo-halo sa buong underground. Kumakalampag
ang malalakas na pagbagsak ng paa sa sahig at dumadagundong ang buong lugar.
Ngunit para kay Arjo... tahimik ang paligid. Wala siyang ibang naririnig kundi
katahimikan. Nakapikit lang siya habang naghihintay ng hudyat...
Hudyat na simula na ang laban.
Isang malakas na tunog ang nagpatahimik sa lahat.
Isa-isang lumabas sa arena ang limang makakalaban ni Arjo. Lahat lalaki at mas
malalaki pa nang di-hamak sa kanya.
Ang tahimik na paligid kay Arjo ay biglang umingay. Sabay-sabay na tibok ng puso
ang kanyang naririnig. Mga galit na tibok ng puso.
Idinilat ni Arjo ang mga mata kasabay ng hudyat na simula na ang laban.
Nanlaki ang mga mata ni Arjo nang iba ang makita ng kanyang mga mata sa buong
paligid. Nakita niya ang sarili na nasa gitna ng Distrito Mortel... ang mismong
lugar kung saan niya huling nakitang buhay si Edreana.
Lumingon siya. Puro guho lamang ang natatanaw ng kanyang mga mata. Kinusot niya ang
mata at nagbaka-sakaling halucination lang ang nakikita.
Walang nagbago sa paligid.
"Tama bang pinasok mo ang lugar na hindi na dapat pang buksan?"
Napatingin si Arjo sa kanyang harapan. Napaatras siya nang makita ang pamilyar na
mukha.
"Erah..."
Nginitian siya nito nang matamis. Naglakad ito paikot sa kanya habang sinusundan
niya ito ng tingin. "Masyado mong ginagawang desperada ang sarili mo." Mabilis
itong lumapit sa kanya sa isang iglap lang at nginisihan siya. "Patay na sila.
Tanggapin mo na."
Isang malakas na suntok ang nakapagpatalsik kay Arjo sa kinatatayuan niya. Bumangga
ang katawan niya sa isang pader at agad na bumagsak sa sahig.
Biglang umikot ang paningin ni Arjo at paiba-iba na ang nakikita niya.
Ang Jaegar arena...
At ang Distrito Mortel...
"Sinusukuan na ang mga bagay na dapat umpisa pa lang binitiwan mo na..."
"Ugh! Ugh! Ugh!" Dahan-dahang tumayo si Arjo. Umiikot ang paligid. Nakikita niya
ang isang lalaki... na biglang nagiging si Jinrey... na magbabago na naman... at
babalik ulit sa pagiging si Jinrey.
"Bakit hindi ka lumaban? Bakit hindi mo ipaglaban ang sarili mo..." Hinatak nito
ang kuwelyo ng suot niyang uniporme ng Jaegar at tinitigan siya; mata sa mata.
"Hindi solusyon ang patayin mo ang sarili mo para lang buhayin sila..." Ibinalibag
siya nito paitaas at nang pabagsak na siya'y isang malakas na sipa sa sikmura ang
natanggap pa niya. Lumipad na naman siya patama sa pader ng arena.
Samantala...
Kuyom na kuyom ang kamao ni Tristan habang pinanonood ang nangyayari sa arena.
Isang masamang tingin ang ibinigay niya kay Reese na wala man lang kahit anong
reaksyon sa nangyayaring pambubugbog ng mga Level 4 fighters kay Arjo.
"Hindi si Lollipop ang problema rito, Reese. Desisyon mo ang laging problema rito,"
pigil na pigil niyang sinabi. " Sa tingin mo ba makakatulong ang ginagawa mong
pagsunod sa lahat ng gusto niya, ha?!"
"Hindi pa siya patay," simpleng sagot ni Reese.
"At hihintayin mong mamatay siya, gano'n ba?!"
"Mamamatay siya kung paiiralin niya ang pagiging mahina."
"Level 4 ang pinalalaban mo sa kanya! Limang Level 4! Baguhan lang siya! Dapat
inisip mo man lang--!"
"Enough, Tris! Baguhan lang siya! Nandoon na tayo! Pero si Lolli ang may gusto ng
laban na 'to!"
"Pero alam mong mapipigilan ko siya!"
"Hindi mo siya kailangang pigilan..." Ibinalik ni Reese ang tingin niya sa arena.
Patuloy pa rin na binubugbog si Arjo ng limang kalaban nito.
"Oras na may mangyaring masama sa kanya, huwag mo sanang pagsisihan ang magiging
resulta." At naglakad paalis si Tristan sa pwesto nila upang bumaba sa arena.
Sa kabilang banda...
"Ano ba?! Bitiwan n'yo nga ako!" sigaw ni Grandel sa iba pang Jackal na kasama
niyang nanonood ng laban ni Arjo.
"Ano ba pinakain sa'yo ng babaeng 'yon ha, Grandel?" tanong ni Yulance. "Bakit
kung kumilos ka, parang obligasyon mo laging protektahan 'yon, ha?"
"Jackal na siya, Yulance! Parte na siya ng grupo! Walang Jackal ang hahayaang
mapatay ang kapwa niya Jackal!"
"Pero hindi epektibo ang batas na 'yan sa Jaegar Arena, Del... alam mo 'yan," sabi
sa kanya ni Dwight na isa rin sa humaharang sa kanya para makababa sa arena upang
tulungan si Arjo.
"Batas ng Jaegar Arena?!" Itinulak niya ang tatlong Jackal na pumipigil sa kanya
at agad na kinuwelyuhan si Dwight. "Nasa batas ng Jaegar Arena na walang baguhan
ang lalaban sa Level fights na tataas sa Level 10! Bakit lumalaban si Arjo sa Level
4, huh?! Nilabag na ninyo ang batas ng Jaegar kaya bakit hindi ko pwedeng labagin
ang batas na sinasabi ninyo?!"
"Tumigil na nga kayong dalawa!" Pinaghiwalay na ng iba si Dwight at Grandel na
nagkakainitan na.
"Kung talagang matibay siya, patunayan niya!" asik ni Dwight sa kanya.
"Ah! Kung talagang may batas dito," dinuro niya ang kaaway, "patunayan n'yo!"
Tinabig niya ang mga kamay na pumipigil sa kanya at agad na tumalikod upang umalis
at maghanap ng ibang daan upang makababa sa arena.
Sa itaas ng Jaegar Underground...
"Mukhang mahina yung baguhan," sabi ni Guia, "nakaka-disappoint." Tiningnan niya
ang katabi. "Hey, Amy. Are you okay?"
Napansin ni Guia na tulala ang katabi niya. Pinadaan niya ang palad sa harap ng
mukha nito.
"Amethea... Yoohoo... Nandiyan ka pa?"
At wala siyang natanggap na sagot mula rito.
"Come on! Nanonood ka ba ng laban?"
Sa isang parte ng Jaegar Underground...
Kagat ni Xerez ang ibabang labi niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa bakal na
tubo na nagsisilbing bakod para sa mga nanonood ng laban.
Alam niyang bawal mangialam ang mga Guardian sa kahit anong laban sa Jaegar kaya
nagtatalo sa kanya kung dapat ba niyang tulungan ang Fuhrer dahil wala itong
kalaban-laban sa lima nitong kalaban. Siya ang pinakamataas na tagapagpanatili ng
batas ng mga Guardian at bawal sa kanila ang lumabag sa mismong batas na iyon.
Ngunit isa sa mga trabaho niya ay ang panatilihing ligtas ang Fuhrer sa lahat ng
pagkakataon.
Hindi niya alam kung ililigtas ba niya ang pinoprotektahan o susundin niya ang
batas na hindi maaaring suwayin ng mga gaya niya.
"Lady Josephine... patawad..."
Mabalik sa laban...
Hinang-hina na si Arjo. Malamig ang kanyang pakiramdam. Hindi niya alam kung ano ba
ang nangyayari sa kanya at sa katawan niya. Hindi niya nararamdaman ang sakit
ngunit nahihirapan siya.
Hindi sakit sa bugbog ang nararamdaman niya kundi iba...
"Tulong..." mahina niyang bulong habang nakasubsob sa sahig ng arena. "Parang awa
na ninyo... tulungan n'yo ako..."
Nakikita niya sa kanyang malabong paningin ang isang imahe ng taong naglalakad
palapit sa kanya.
"Bakit pinipigilan mong ilabas ang parteng iyon ng pagkatao mo...?" tanong nito.
At pamilyar sa kanya ang boses.
Unti-unti itong lumalapit sa kanya.
"Hindi kita matutulungan ngayon... Hindi ito ang tamang panahon." Isang ngiti ang
ibinigay sa kanya nito. "Huwag mo sanang isiping may pag-asa pang natitira. Aasa
ka lang at mabibigo ka..."
"Mama..."
At malakas na tibok ng puso ang bumalot sa kanyang buong sistema.
Naghihiyawan na ang mga tao sa buong Jaegar Underground. Malakas ang dagundong sa
bawat sulok nito. Sinisigaw ng lahat ang salitang patayin na ang nag-iisang laruan
ng limang Level 4 fighters.
"Whooh!"
"Kill! Kill! Kill! Kill! Kill! Kill!"
Malalaki ang ngiti ng limang Level 4 fighters nang balikan ng tingin si Arjo sa
gitna ng arena na parang kaawa-awang tutang pinagtulungan ng mga gaya nila.
"Kill! Kill! Kill!--"
Biglang nawala ang ingay ng lahat nang tumalon pababa sa gitna ng arena si Tristan
at masamang tiningnan ang lahat ng manonood na sadista at naghahanap ng dugo.
"Arjo...?" tawag niya. "Kaya mo pang tumayo?"
Walang sagot mula kay Arjo. Napahugot siya ng hininga at hinanda ang sarili upang
lumaban sa mga Level 4 fighters.
"Kailangan mo ng tulong?"
Napatingin si Tristan sa gilid at nakita si Grandel na nakahanda na rin para
lumaban.
"Nababaliw ka na ba?" bulyaw ni Tristan sa kaibigan. "Bawal makisali sa laban ang
mga Jackals!"
"Mukha nga! Kaya ka pala nandito!"
Sabay na lang na napangiti ang dalawa at tiningnan ang limang kalaban ni Arjo
kanina.
"Bawal sa batas ng Jaegar Underground ang umeksena sa laban ng iba!" sigaw sa
kanila ng isa sa mga Level 4 fighters.
"Pero nasa batas namin na kailangang tulungan ang kapwa-Jackal kapag kailangan!"
sabay na sagot ng dalawa.
Napangisi na lang ang Level 4 fighter at napa-iling. "Kung gano'n, humanda kayo
dahil isusunod namin kayo diyan sa babaeng 'yan."
Ilang sandali pa ay may isa na namang bumaba sa arena na galing sa itaas. Pansin
ang pag-angat ng mga alikabok sa sementadong sahig ng arena pagtapak ng mga sapatos
nito sa lupa.
"Kung ang pagpiling gagawin ay makasisira sa isang iniingatang imahe ngunit
makapagliligtas ng iniingatang buhay..." Nagpamulsa siya at diretsong tiningnan
ang Level 4 fighter na huling nakapagpabagsak kay Arjo. "Nakahanda ako sa anumang
parusang ipapataw sa akin ng aming batas."
Natigilan ang lahat.
Nanlaki ang mga mata ng mga nasa arena habang nakatingin sa taong biglaan ang
pagpapakita.
"May interesado bang labanan ako?" mahinahon niyang tanong sa lahat ng bumugbog sa
Fuhrer. "Nakahanda ang katawan ko sa kahit anong inyong ibibigay."
Napalunok ang limang Level 4 fighters. Ang kaninang maingay na Underground ay tila
ba dinaanan ng napakaraming anghel.
Napatingin siya sa bandang itaas at nakita doon si Lollipop na nanonood lang sa
lahat ng nagaganap. Nababasa niya sa mukha nito na nakuha nito ang gusto nitong
makuha dahil sa ginawa niyang pagbaba sa arenang iyon.
"Xerez..." banggit nin Tristan sa pangalan niya.
Tumalikod na si Xerez at tiningnan si Tristan at Grandel.
"Kung sakali mang may mangyaring hindi maganda sa mga susunod na araw dahil sa
kaganapang ito, ingatan sana ninyo ang taong pinaglilingkuran ko." Nagdire-diretso
siya ng lakad at tumabi ang dalawa para lang paraanin siya.
Lumuhod agad siya sa tabi ni Arjo upang buhatin ito.
"Milady, patawad kung hindi ko nagampanan nang maayos ang trabaho ko bilang
Guardian mo." Kinarga na niya ito at halos manghina siya dahil napakabigat ng
paghinga ni Arjo at napakainit nito. "Milady, patawad kung hindi kita
napigilan..."
Tahimik lang ang lahat habang pinanonood siyang maglakad paalis sa arena kasama si
Arjo.
"Tatanggapin ko ang parusa para rito sa pagsapit ng takdang oras."
Kahit ang mga Jackal ay natahimik habang nakikita siyang umaakyat sa hagdan na
nagsisilbing daan para makaalis sa lugar ng pinaglabanan.
"Malaking kamalian talaga ang lahat ng ito. Hindi na sana tayo sumugal sa larong
malaki ang tiyansa ng pagkatalo."
Pag-akyat niya'y si Reese naman ang bumungad sa kanya sa daan palabas ng Jaegar.
"Ano ang ibig sabihin ng ginawa mo, hmm?" tanong ng Boss ng Jaegar Underground.
"Hindi ko obligasyon ang magpaliwanag sa iyo," sagot ni Xerez. "Hindi ko rin
gusto ang pagsuway mo sa batas ninyo."
"Sumuway ka rin sa batas ng Credo. Nakialam ka sa hindi mo teritoryo."
"Ang batas ng isa ay hindi batas ng iba. May mga batas na nasusuway dahil hindi rin
marunong sumunod ang nasa kabilang panig. Ang trabaho ko ay mananatiling trabaho.
Aanhin ko ang batas kung patay na ang taong pinaglilingkuran ko. Marunong akong
tumanggap ng parusa, hindi ko lang alam sa inyo."
Nagtuluy-tuloy si Xerez sa paglabas ng Jaegar Underground habang nananatili pa rin
ang pag-alingawngaw ng katahimikan sa loob no'n na bihirang mangyari.
_______________________________

22: Castigation and the Rulers

Chapter 21: Castigation and the Rulers

Dinig na dinig ang yabag ng paa ni Erish Grymm habang nilalakad ang malawak na
pasilyo ng Citadel na iniilawan lamang ng liwanag ng buwan. Nasa harapan niya si
Ara, ang kanyang Guardian Decurion. Ibibigay na sa kanya ang titulong huling
hinawakan ni Labyrinth bilang Superior, may sampung taon na ang nakalilipas. Sila
ay papunta sa meeting room kung saan madalas gawin ang pagpupulong ng mga
Superiors.
"Ang Fuhrer..." pagsisimula ni Erish. "Siya ba ang magsasalin ng titulo?"
"Wala sa kasalukuyan ang Fuhrer. May pahintulot ang pagsasalin ng titulo at bilang
Gurdian Decurion ninyo, may karapatan na ako para gawin iyon."
Tumango si Erish sa sinabi ni Ara. "So... sino pala ang mas mataas ang posisyon sa
ating dalawa ngayon? Ako o ikaw?"
"Mas mataas ang inyong posisyon kumpara sa akin dahil ako'y hamak na tagasunod
lamang."
"But, evey decision na gagawin ko, kailangang nakadepende sa iyo."
"Nakadepende sa batas ng Credo," pagtatama ni Ara. "Kumbaga sa batang nag-aaral,
ako'y taga-saway lamang sa nagkakamali."
"Ah..." Napatango lang si Erish sa sinabi ni Ara. "Kung nagkamali ka ba,
maparurusahan ka rin?"
"Parurusahan kung lumabag sa batas. Ang Credo ay hindi namimili ng parurusahan. Ang
susuway ay kailangang magbayad sa pagkakasala, kahit pa siya ang namumuno. Ang
disiplina ay mananatiling disiplina kung kaya't--"
Naputol ang usapan ng dalawa nang may marinig na tunog mula sa kung saan.
"Bakit?" biglang tanong ni Ara habang hawak ang kanang tainga. May kausap sa
kabilang linya. "Si Xerez?"
Natigilan si Ara, ganun din si Erish Grymm.
"Bakit siya pumasok sa loob ng Jaegar?!" Dinig ang inis sa tono ni Ara dahil sa
sinabi ng kabilang linya. "Ipatawag ang lahat ng Guardian Decurion sa Oval. Ngayon
na."
Tumalikod si Ara at seryoso ang mukha nang tingnan si Erish na nalilito sa
nangyayari.
"Ang posisyon ninyo ay matagal nang inyo. Maglalaan ako ng ilang minuto sa
pagsasalin ng titulo at pagkatapos ay maaari na kayong magpatawag ng ilang Guardian
upang dalhin kayo sa inyong silid."
"What's happening?" tanong ni Erish.
"Ang kasalukuyang kaganapan ay hindi pa sakop ng inyong trabaho."
"Pero karapatan kong malaman ang dapat kong malaman."
Nakipagsukatan ng tingin si Ara sa kanyang Superior... ilang sandali pa'y sumuko na
rin ito.
"May lumabag sa Criminel Credo. Kailangang magpulong ang lahat ng nakatataas upang
mapag-usapan ang magiging desisyon sa kaso ng lumabag at ang parusang ipapataw sa
kanya."
"Hindi ba ako pwedeng sumali sa pulong na 'yan? Isa na rin naman ako doon sa
'NAKATATAAS', right? Sasama ako sa inyo."
Napahugot ng malalim na hininga si Ara at tinantya ang desisyon. Sandali siyang
yumuko at saka dahan-dahang tumango. Inangat niya ang tingin.
"Masusunod, Mr. Grymm."
Samantala...
Dahan-dahan ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Arjo habang nakahiga patagilid sa
backseat ng sinasakyang kotse. May masakit sa kanya, ngunit pihadong hindi iyon ang
katawan niyang nabugbog.
"Xerez..." mahina niyang pagtawag sa nagmamaneho ng sasakyan. "Pasensya ka na..."
Waka siyang narinig na sagot mula rito. Lalong bumigat ang nararamdaman niya dahil
sanay siyang sumasagot si Xerez kahit pa sa pinakawalang kwenta niyang mga linyang
hindi naman nangangailan ng kasagutan.
"Ako na ang bahalang humarap sa castigation. Walang mangyayaring masama sa akin,
alam nating dalawa 'yon..." dugtong ni Arjo.
Wala na namang sagot mula sa Guardian.
"Galit ka ba...?"
Sa wakas ay nagsalita na rin si Xerez. "Gusto kong magalit, Milady... kaso wala
akong karapatan."
"Pasensya na talaga..."
"May mali rin ako, Milady. Kung may dapat parusahan, ako iyon at hindi ikaw."
"Kasalanan ko... huwag mong sisihin ang sarili mo."
"Bakit kasi napakatigas ng ulo mo." Napansin ni Arjo ang biglang pagbigat ng tono
nito na may halong paninisi... gaya ng kung paano niya naririnig si Max kapag
pinagsasabihan siya dahil sa mga maling desisyon niya. "Hindi maayos ang lagay mo.
Sana kahit iyon man lang inisip mo muna bago ka sumalang sa laban na iyon."
"Iba ang nakita ko habang nasa arena ako... nakita ko sila..." mahinang sinabi ni
Arjo pero sapat na para marinig ni Xerez.
"Kung ano man ang nakita mo, iyon ang nagpahamak sa iyo."
Napahugot ng hininga si Arjo. "Galit ka nga talaga..." Bahagya siyang namaluktot.
"Kapag nalaman nila ang tungkol sa ginawa mo, mapapahamak ka."
"Wala akong pakialam sa malalaman nila! Ang inaalala ko ay ang mangyayari sa iyo
kapag nawala ako!"
Ikinagulat naman ni Arjo ang pagtataas ng boses ni Xerez na unang beses niya yatang
narinig.
"Hindi ka magiging ligtas kapag nalaman ni Lollipop na---" At natigilan siya.
"Nalaman ang alin...?" Unti-unting bumangon si Arjo mula sa pagkakahiga niya.
Nagbalik sa malumanay na tono ang boses ni Xerez. "Hindi ko pinagsisishan na
iniligtas kita sa arenang iyon, Milady... ang pinagsisishan ko ay hinayaan kitang
mapunta sa arenang iyon."
"Xerez..."
"Malalaman at malalaman nila ang tungkol sa nangyari sa Jaegar. Hindi kikilos si
Ivan dahil isa siya sa bumaba sa arenang iyon. Malamang na ang desisyon ay
magmumula kay Ara." Saglit niyang sinulyapan si Arjo sa rearview. "At dahil solo,
mong hinahawakan ang trono, walang ibang Superior ang mamumuno sa pagpapasya. Kay
Ara pa rin babagsak ang lahat ng desisyon..."
"Hindi ba pwedeng magpaliwanag sa kanya?" tanong ni Arjo na parang bago lang siya
sa pinasukang trabaho.
"Ang paliwanag ay buong pusong tatanggapin ngunit ang batas ay batas. kahit gaano
kabuti ng rason ko, ang paglabag ay mananatiling paglabag. Guardian Centurion ako,
at bilang pinakamataas sa lahat ng Guardian, tungkulin kong ipatupad nang maayos
ang Cirminel Credo sunod sa inyo. Kung ako'y susuway, ang parusa ay nararapat
lamang. At taos-puso ko iyong tatanggapin dahil pinili ko ang pagkakamali."
"Sasalang ka sa castigation?" alalang tanong ni Arjo.
"Wala akong magagawa kung iyan ang magiging desisyon."
Samantala...
Isang ngiti ng tagumpay ang makikita sa mga labi ni Lollipop habang nakatingin kay
Reese na naguguluhan sa lahat ng nangyari sa Jaegar arena. Dismayado naman sila
Tristan at Grandel habang nagtataka ang ibang Jackals kung bakit bumaba ng arena sa
gitna ng laban ang pinakamataas na Guardian ng Citadel.
"Malaki ang inilugi ng laban ngayong gabi, Reese," sabi ni Lollipop na hindi naman
nanghihinayang sa sinasabi niya.
"Reese, bumaba ang isang Guardian ng Citadel sa gitna ng arena para lang sa
baguhang iyon," sabi ni Yulance, "ano'ng ibig sabihin ng nangyaring 'yon?"
May gustong sabihin si Lollipop ukol sa tanong ni Yulance ngunit hinding-hindi niya
iyon itutuloy dahil sa isang dahilan: masisira ang lahat ng mga plano niya.
Umiling lang si Reese. "Hindi ko rin alam..." Tiningnan niya si Tristan na
nakatayo sa likuran ng inuupuan niya. "Hindi ko alam..."
"Oo nga pala, kayong dalawa," sabi ni Dwight para tukuyin ang magkaibigang Grandel
at Tristan. "Alam n'yong bawal bumaba sa arena kapag may laban pero bumaba pa rin
kayo. May katigasan rin ang ulo ninyo, lalo ka na Grandel. Alam mo ang rule ng
Jaegar kaya dapat--"
"Huwag na huwag mong ikakatwiran sa akin ang tungkol sa rule na 'yan kung kahit
kayo mismo sinuway 'yon," matigas na sinabi ni Grandel para kina Reese at
Lollipop. "Baguhan lang siya. Nasa rule ng Jaegar na hindi palalabanin ang mga
baguhan sa labang Level 10 pataas. May sumunod ba sa rule na 'yon, ha? Sinunod n'yo
ba ang rule na 'yon? Lalabag kayo pero kami hindi? Tigilan n'yo nga ako!"
Isang masamang tingin ang binigay ng lahat sa sinabi ni Grandel. Inilipat nila ang
tingin kay Tristan na isa rin sa mga sumuway. Alam nilang lahat kung gaano kahigpit
si Tristan pagdating sa rule ng Jaegar dahil consigliere siya ng mga Havenstein at
ang pananahimik nito pagkatapos ng nangyari ay maituturing na hindi magandang
balita.
"Tristan..." tawag ni Lollipop, "May sasabihin ka?" mapanghamong tanong nito.
Diretsong tingin at walang reaksyong mukha ang natanggap ni Lollipop mula kay
Tristan.
"Kung may sasabihin ako, may magbabago ba? Pinag-iinitan ninyo kaming dalawa ni
Grandel ngayon at pag-iinitan n'yo pa rin si Arjo pagkatapos nito... May karapatan
akong magdesisyon pero inalis n'yo iyon nang hayaan n'yong palabanin ang isang
baguhan sa arena laban sa limang high level fighters. Kung hindi naman pala
kailangan ang salita ko rito, mananahimik na lang ako. Nag-aaksaya lang ako ng
laway sa inyo."
Natawa lang nang mahina si Lollipop sa sinabi ni Tristan sa kanila. "It's your
fault why Reese didn't listen to you, Tristan... you're too weak to handle him..."
"It's YOUR fault why Reese didn't listen to me, Xylamea..." Pansin na sa tono ni
Tristan ang galit na bihira nilang makita sa kanya. Hindi nagustuhan ni Lollipop
ang pagtawag nito sa tunay niyang pangalan. "I'm trying to prevent the worst.
Still, nobody bats an eye on what I was trying to do."
"And you're blaming me? Fine!" Itinaas ni Lollipop ang mga braso niya at idinipa
para hamunin si Tristan. "Do what you want, Dragna!"
"I have your permission now... good." Iba na ang tono ni Tristan kaya napatayo na
ang iba nilang kasama na naroon sa opisina ni Reese. Maging si Reese ay tumayo na
at hinarap ang pinsan niya.
"Tris!" Banta ni ng Boss ng Jaegar.
Hindi pinansin ni Tristan si Reese, sa halip ay tinabig lang niya ito para muling
harapin si Lollipop. "You, listen to me, bitch." Dinuro na niya ang babae. "I
never wanted to mess with anyone. But, I will never let anyone mess with my family.
Want to see what I can do to you?" Isang ngisi ang binigay niya kay Lollipop para
maghamon. "I'm free to show it. Mabait na kung mabait, pero ayaw na ayaw kong
sinusubukan ang pasensya ko."
"Tristan!"
Napakuyom ng kamao si Lollipop. Mababasa sa tingin niya ang takot kay Tristan. Alam
niya sa sarili niyang may laban sa kanya si Tristan kumpara kay Reese, at ang
sinasabi nitong banta ay sapat na para pakabahin siya.
Nagtuluy-tuloy ng lakad si Tristan patungo sa pinto ng opisina ni Reese.
"Hey! Where are you going?" pahabol ni Yulance bago pa tuluyang buksan ni Tristan
ang pinto.
"Getting my new job!" Masamang tingin ang binato niya sa lahat ng naroon. "I
never wanted to quit, but it's necessary."
_____________________
Xylamea Desimougne aka Lollipop in media ^_^
***************************

23: Law of Criminel Credo

Chapter 23: Law of Criminel Credo

Ni hindi man lang namalayan ni Erish Grymm na isa na siyang ganap na Superior. Sa
kasalukuyan ay siya ang nag-iisang Superior sa grupo ng mga Guardian Decurion na
naroon sa Oval. Ang meeting room ng mga Guardians, kaiba sa meeting room ng mga
miyembro ng mga lehitimong Superiors ng Order. Nasa kabilang dulo ng Citadel ang
Oval kung saan hugis-itlog ang interyor na ang pinakadulo'y tumutumbok sa mataas na
parte na tanaw ang malawak na lupaing nasasakupan ng buong Citadel.
Nasa likod ni Erish ang kanyang Guardian Decurion na si Ara, nakatayo lang ito
bilang bantay habang ang ibang Guardian na naroon ay pawang mga nakaupo. Blangko
ang kabilang dulo ng mesa, nakalaan para sa Guardian Centurion.
Bumukas ang pinto ng Oval, pumasok ang isang Guardian ng CCS. "Ara."
"Nakabalik na ba ang Fuhrer?" tanong ni Ara na bahagya lang nakatingin sa gilid
niya.
"Narito si Ivan."
Agad na napalitan ng kaunting gulat ang mukha ni Ara at tuluyan nang tumalikod
upang lingunin ang kausap na Guardian.
"Si Ivan...?"
Ibinukas pa lalo nito ang pinto at bumungad doon si Tristan na handang-handa na sa
meeting nila. Nakasuot ito ng tuxedong itim at puti lamang ang kulay. Seryoso ang
mukha nang tingnan siya.
"Hindi ka ba abala ngayon, Ivan?" mahinahong tanong ni Ara kay Tristan.
"Hindi na." Tuluy-tuloy na naglakad si Tristan na parang matagal na siyang parte
ng Citadel, umupo siya sa nag-iisang blangkong upuang naroon, mismong tabi sa kanan
ni Erish na nasa kabilang dulo ng mesa.
Hindi naiwasang magtama ang tingin ni Tristan at Erish. Parehong seryoso ang mga
mukha.
"Grymm," simpleng salita ni Tristan.
"Mas nagulat ako sa presensya mo rito," tugon ni Erish.
"Akala ko pa naman wala kang balak gamitin ang card na 'yon." Idineretso ni
Tristan ang tingin at nag-abang ng susunod na magaganap.
Alam na ni Tristan ang mangyayari. Magkakaroon ng pagdedesisyon ukol sa
castigation, bagay na matagal na niyang alam dahil bilang consigliere ng mga
Havenstein, obligasyon niyang basahin ang batas ng Citadel: ang Criminel Credo.
Lumabag si Xerez sa batas ng Jaegar, na tutumbas sa paglabag nito sa batas ng
Credo. Mabigat ang parusa, ngunit alam niyang may paraan upang mapababa ang
sentensya. Mabuti na lang at alam niya, hindi siya sasabak ng kakaibang giyera na
hindi man lang siya nakapaghanda.
Kapansin-pansin ang katahimikan sa loob. Disiplinadong disiplinado ang mga Guardian
Decurion. Tahimik lang at mga hindi takot mapanisan ng laway. Talo pa ang mga
laruang de susi na hindi kikilos kung hindi sususian.
"Ara." Muling pagtawag ng bagong Guardian. "Narito na ang Fuhrer at si Xerez."
Tumayo ang lahat ng Guardian Decurion, damay na si Tristan bilang Ivan: Guardian
Decurion ng isa sa mga Initiator. Kahit hindi alam ang mangyayari ay tumayo na rin
si Erish at nilingon ang pinto kung saan bumungad sa kanya si Arjo na malamya at
tulalang naglalakad papasok. Nasa likod nito si Xerez na diretso pa rin ang tingin
na tila ba walang kinatatakutang paghatol.
Lahat ay nagbigay-galang. Yumukod habang hinihintay na makaupo ang Fuhrer sa
kabilang dulong upuan ng mesa.
"Sidet (Sit down)," utos ni Arjo.
Walang bakas ng paninisi ang mga mukha ng mga Guardian Decurion na naroon. Wala
ring senyales na masaya sila sa mangyayaring castigation.
"Ara," tawag ni Arjo.
"Yes, Milady," tugon nito.
"Ano ang parusang matatanggap ko at ng aking Guardian ukol sa nangyari sa Jaegar?"
diretsong tanong ni Arjo na hindi man lang nagawang tanungin ang Guardian kung
paano nito nalaman ang naganap o kung mapagbibigyan ba sila ni Xerez at palampasin
na lang sa mga ginawa sa Jaegar.
Seryoso lang ang mukha ni Tristan habang nakatingin kay Arjo na balisa pa.
"Nabanggit sa akin ni Ara ang tungkol sa ginawa mo at ni Mr. Desi-- I mean, ni
Xerez sa Jaegar Underground." Si Erish Grymm na ang tumugon sa katanungan ni Arjo
bilang nag-iisang Superior doon liban sa Fuhrer. "Ayon sa Criminel Credo..."
Napahugot ng hininga si Erish dahil hindi niya inaasahan na sa unang araw niya sa
trabaho, siya pa ang magpapataw ng parusa sa mga lumabag sa batas na sinasabi
niyang walang hustisya. "Ipinagbabawal sa mga Guardian: Centurion, Decurion o
simpleng bantay lamang ang makialam sa kahit anong labang hindi nasasakupan ng
direktang batas ng Credo, kabilang na roon ang laban sa Jaegar Underground."
Hindi mababakas sa loob ng Oval ang tagal ng pananatili ng karamihan. Bago man si
Erish Grymm, may kapangyarihan na siya at karapatan. Matagal man si Arjo, wala
siyang magagawa dahil sumuway siya sa batas nila.
"Ang Guardian Centurion: Si Xerez, ay tatanggap ng tatlumpung bilang ng paglatigo
at limang araw sa loob ng detention cell. Hindi makakatanggap ng pagkain sa loob ng
limang araw at limitado lamang ang tubig na ibibigay."
Si Xerez na nasa likuran ni Arjo ay hindi man lang natinag sa sinabi ni Erish
Grymm. Walang dahilan upang magulat o tumanggi dahil ang batas na iyon ay siya
mismo ang tagapagpatupad. At kung labagin man niya'y wala siyang magagawa kundi ang
tumanggap ng parusa.
"Ang Fuhrer ay nilabag ang isa sa mababang kautusan ng Order ukol sa pagsali sa mga
laban na hindi direktang sakop ng batas ng Criminel Credo na magdudulot ng paglabag
ng kanyang Guardian Centurion sa batas ng Citadel. Tatlumpung bilang ng paglatigo
at isang araw..." Natigilan si Erish, pinunasan ang noong bahagyang napawisan
kahit malamig naman sa loob ng Oval. "...isang araw sa detention cell."
Walang sagot mula kay Arjo.
Gustong magsalita ni Tristan ukol sa parusa ngunit hindi natuloy dahil sa sumunod
na parusang mababanggit.
"At dahil nasakop pa rin ng batas ng Credo ang mga Havenstein at ang Jaegar
Underground. Ipatatawag si Reese Havenstein, Boss ng jaegar Underground; Xylamea
Desimougne, Underboss ng Jaegar Underground at Tristan Dragna; consigliere ng
Havenstein Mafia Family upang magpaliwanag sa paglabag nila sa kanilang batas na
nagdulot ng paglabag ng mga nasa panig ng Citadel at Criminel Credo."
"P-pero--" Halos mapatayo si Tristan sa kinauupuan niya dahil sa narinig kay Erish
Grymm.
"Patas ang Criminel Credo," sagot ni Ara. "Parurusahan ang nagkamali sa aming
panig; mapa-mababa, mapa-mataas. Ngunit, kailangan ding parusahan ang dahilan ng
pagkakamali hangga't sakop ito ng aming batas."
Tumayo na si Erish Grymm, at dahil nasabihan na siya ng mga susunod na gagawin bago
pumasok sa Oval...
"Ipatawag ang iba pang Guardian. Dalhin ang Fuhrer at ang kanyang Guardian
Centurion sa Black Pit."

________________________________

Ilang taon na rin ang nakalipas noong huling may Superior na nanood ng castigation
liban sa Fuhrer. Nasa balcony si Erish Grymm kasama si Ara na tagasubaybay ng
pagpaparusa.
Impit na mga mga tinig lang ang maririnig mula sa kanilang posisyon. Walang sigaw
dahil sa sakit, walang pagmamakaawa, walang pagsisisi.
"I can't see any reason why I have to watch this kind of humiliation," sabi ni
Erish habang pinanonood ang Fuhrer at ang Guardian Decurion nito sa lugar kung saan
isinasagawa ang castigation.
Hindi niya makita ang mali sa nangyaring hindi nga niya alam ang pinag-ugatan.
Hindi niya alam kung bakit kailangang parusahan ang mga taong sa batas ng tao'y
wala namang kasalanan. Wala siyang naiintidihan ngunit namili na siya. At pinili
niya ang kinalalagyan ngayon.
"Si Mr. Desimougne ba ang kauna-unahang Xerez na sumalang sa castigation?"
"Hindi, Mr. Grymm," tugon ni Ara.
Agad na kumunot ang noo ni Erish at agad na napatingin sa Guardian Decurion.
"Hindi? So, hindi si. . ."
"Hindi si Salvatore Desimougne ang unang Xerez na sumalang sa castigation kundi si
Frederico Decavalcante, ang pinakaunang Guardian Centurion ng kauna-unahang
Fuhrer."
Naintriga bigla si Erish sa sinabi ni Ara ukol sa sinabi nito. "Nakialam din ba
siya sa laban gaya ni Mr. Desimougne?"
"Nakialam siya sa isang delikadong plano na binuo ni Apollyon, ang unang Fuhrer,
kung saan umiikot ang kabuuan ng plano sa pagliligtas sa buhay ng sumunod na
tagapagmana ng Citadel na si Lord Ricardo. Sinira ng unang Xerez ang ilang mga
lugar at pinatay ang maraming miyembro ng asosasyong pinamumunuan ng Order."
"At ang dahilan?"
"Para iligtas ang Fuhrer. Trabaho niyang panatilihing buhay ang kanyang
pinaglilingkuran kahit na ang dahilan no'n ay ang paglabag sa batas na magdudulot
sa kanya ng kaparusahan."
"At naparusahan siya?"
"Naparusahan sila ng Fuhrer."
"Sino ang nagparusa? Nahuli ba sila? Sinuplong?"
"Ang Fuhrer ang nagsabi kay Azrael na kailangan nilang parusahan dahil lumabag sila
sa Credo. Ang Fuhrer mismo ang nagpataw ng parusa sa kanyang sarili dahil sa
ginawang paglabag sa batas, kasama na ang kanyang Guardian. Walang pinipili ang
aming batas, at hindi kailangang mamili ng parurusahan. Isa sa mga maling
paniniwala ng lahat ukol sa Fuhrer at sa pamumuno niya ay ang pagiging walang puso.
May katotohanan man ang paratang na iyon ngunit kung laging paiiralin ang puso at
konsensya, wala nang dahilan pa ang pagbuo sa Criminel Credo. Kung laging
pagpapasensyahan ang mali... hindi na dapat ginawa ang kahit anong batas."
_______________

24: Detainees

Makalipas ang halos kalahating siglo, ngayon na lang uli nagkaroon ng castigation
kung saan sumasalang ang isang Guardian na may mataas na posisyon at ang Fuhrer.
Nakadipa si Xerez habang nakaluhod. Mahahabang kadenang bakal ang umaalalay sa
kanyang magkabilang pulsuhan. Mabibilang na sa kanya mismong katawan ang hapuras ng
latigo. Gumuguhit ang dugo sa iba't ibang bahagi ng kanyang likod at mga braso.
Halos maligo na siya ng pawis. Sugatan na rin ang labi niyang nakagat dahil sa
pagtitiis sa hapdi ng mga sugat na papatungan na naman ng isa pa.
Ngunit hindi siya sumigaw ni nagmakaawa para sa tulong. Wala rin siyang sama ng
loob sa Guardian na nagpaparusa sa kanya. Ang tanging iniisip at nakikita lang niya
sa mga oras na iyon ay ang Fuhrer na nasa kanya mismong harapan na tumatanggap ng
bilang ng paglatigo na gaya ng kanyang nakuha.
Nakatulala naman si Arjo sa sahig habang paisa-isang tumutulo sa kanyang mga mata
ang pinaghalong patak ng pawis at luha. Nararamdaman niya ang sakit ng bawat
pagtama ng latigo sa kanyang katawan na papatungan pa ng isa. Pareho lang sila ng
posisyon ni Xerez na nakaluhod at nakakadena ang mga pulsuhan.
Marami siyang pinagsisisihan, doon pa lang sa pagtanggap niya ng hamong labanan ang
mga Level 4 fighters, kaso huli na ang lahat para magsisi. Kada minutong nagtatagal
sila sa Black Pit kung saan laging ginagawa ang castigation, unti-unting kinakain
ng kanyang balat ang bawat sugat na dinudulot ng latigo sa kanyang katawan.
Tumutulo ang dugo sa mga naglahong sugat, ngunit hindi na nagtaka pa ang Guardian
na nagpaparusa sa kanya. Hindi lihim ang kalagayan ng Fuhrer sa lahat ng Guardian.
Tahimik lang sila at tikom ang bibig sa bawat sama ng loob na dulot ng batas nila.
Ang panuntunan, ang tungkulin at ang karapatan ay kailangang balanseng magawa dahil
hindi lahat ay aayon sa pabor nila.
Isang oras din ang lumipas bago natapos ang pagpataw ng parusa ng castigation sa
dalawa. Pumasok ang apat pang Guardian doon at inakay ang Fuhrer at ang Guardian
Centurion nito.
Tumingin sa balkonahe ng lugar si Arjo at nakita roon si Erish Grymm na nakatingin
lang sa kanya. Hindi niya mabasa ang iniisip nito sa oras na iyon. . . mas maganda
at pabor sa kanya.
Hindi masasabi sa mga oras na iyon na dalawa sila ni Xerez sa pinakamataas na
namumuno sa buong Citadel. Talo pa nila ang pinakamababang kriminal na sumasalang
sa castigation.
Halos ang dalawang Guardian na nakaalalay sa kanila ang humahatak sa kanila papunta
sa detention cell ng Citadel.
Madilim ang pasilyo na iniiliwan ng mga maliliit na ilaw na magkakalayo ang agwat
sa bawat isa. Dinadaan nila ang mga kulungang pang-isang tao na laging
pinagkukulungan sa mga nagkasala.
Unang ipinasok sa madilim at maliit na silid si Arjo. Dahan-dahan siyang ipinaupo
ng dalawang Guardian sa mahabang sementadong upuang nakadikit sa dingding na
nagsisilbing higaan na rin ng mga nakukulong doon.
"Mabibigyan kayo ng tubig ngayon, Milady, ngunit isang beses lamang iyon para sa
buong araw," paalala ng Guardian sa kanya.
Walang itinugon si Arjo.
Lumabas ang dalawang Guardian at iniwan si Arjo sa dalawang dipang lawak na silid
na hinaharangan lamang ng pintong gawa sa inaagwatang metal na tubo.
Iginilid ni Arjo ang tingin at nakita doon si Xerez na nakaupo rin sa sementadong
upuan gaya niya.
"Xerez..."
"Nauuhaw ka ba, Lady Josephine...?" mahinang tanong ni Xerez ngunit sapat na upang
marinig ni Arjo.
Napakuyom ng kamao si Arjo at nakagat ang kanyang labi dahil sa tanong na iyon.
"Sinabihan ko ang... ang dalawang Guardian na... naghatid--"
"Huwag ka nang magsalita..." maluha-luhang pakiusap ni Arjo.
"na... dalhan ka ng... ng tubig..."
"Sabi nang huwag ka nang magsalita!" Kunot-noo niyang tiningnan si Xerez na
kitang-kita niya ang panghihina. "Kasalanan ko ang lahat! Hindi ka dapat
naparusahan dahil sa 'kin! Bakit ako pa rin ang inaalala mo?!" Halos manlabo na
ang mga mata niya dahil sa luha. Hindi na rin niya gaanong maaninag si Xerez.
"Guardian mo 'ko, Milady..." mahinang tugon ni Xerez. Dahan-dahan siyang humiga sa
kinauupuan upang ipahinga ang katawang sugatan dahil sa latigo. "Tungkulin kong
alalahanin ka..."
Agad na tumayo si Arjo at hinawakan ang dalawang metal na tubo na nagsisilbing
pinto ng pinagkulungan sa kanya. Puno ng pag-aalala ang mukha niya habang
nakatingin sa kanyang Guardian.
"Xerez! Xerez, huwag kang matutulog!"
Wala siyang narinig na sagot mula rito.
"Xerez!"
Inilipat niya ang tingin sa dulo ng madilim na pasilyo. Umaasang may Guardian doon
na makaririnig sa kanya.
"Guardians! Kahit sinong nariyan!"
"Walang tutugon sa inyo, Milady..."
Natigilan si Arjo nang magsalita na si Xerez.
"Alam ninyong malayo ang... ang kinaroroonan ng mga bantay mula rito..."
"Xerez, mamamatay ka kapag hinahayaan ka nilang ganiyan ngayon..."
"Magpahinga ka na lang, Milady... bukas ay makakalabas ka na rito..."
Ilang sandali pa'y nakarinig na ang dalawa ng yabag ng sapatos mula sa malayo.
Tinanaw ni Arjo ang isang dulo ng pasilyo at nakita ang isang Guardian na may
dalang inumin mula sa dalawang babasaging baso. Sinundan niya ito ng tingin
hanggang huminto sa tapat ng silid nila ni Xerez. Inilapag nito ang tig-isang baso
sa tapat ng bawat pinto.
"Ano ang pangalan mo?" tanong ni Arjo sa Guardian.
"Teo, Milady."
"Ibigay mo sa 'kin 'yang suit jacket mo."
"Milady?" Nagtaka naman ang Guardian.
"Hindi mo ba 'ko narinig?"
"Milady, ipinagbabawal sa amin ang pagtulong sa lahat ng makukulong sa detention
cell na sumasailalim sa castigation."
"Hindi ko sinasabing tulungan mo 'ko. Kinukuha ko ang suot mo."
"P-pero..."
Pilit na inabot ni Arjo ang suot na suit ni Teo at sapilitan niyang inalis mula sa
Guardian ang suot nito. Dali-dali siyang umatras at buong pagmamataas na ipinakita
ang suit na naagaw niya mula sa Guardian.
"Inagaw ko ang suot mong 'to. Hindi mo ako tinulungan at wala akong hininging
tulong mula sa iyo. Wala kang nilabag na batas ng Credo pagdating sa castigation,
wala akong nilabag na batas bilang sumasalang sa castigation."
"M-milady..." Hindi naman makapaniwala ang Guardian sa ginawa ng Fuhrer.
"Alis na."
Napuno naman ng pag-aalala si Teo dahil lalabas siya ng detention cell na hindi
kumpleto.
"Milady, ako ang isasalang nila sa--"
"Ipatawag mo rito si Ara o ang amo niya kung sakaling kuwestyunin ka nila.
Sumasalang lang ako ng castigation pero ako pa rin ang Fuhrer."
Wala nang ibang nagawa ang Guardian. Nagbigay-galang na lang ito at umalis na doon.
Lumapit agad si Arjo sa bakal na pinto.
"Xerez," tawag niya. "Kunin mo 'to."
Bumangon sa pagkakahiga si Xerez at tiningnan si Arjo na inaabot sa kanya mula sa
kabilang silid ang suit na kinuha nito sa Guardian na dinaluhan sila.
"Matigas talaga ang ulo mo, Milady."
"Kunin mo na lang."
"Mas kailangan mo niyan kaysa akin. Isuot mo, malamig dito sa detention cell."
"Kaya nga ibinibigay ko sa iyo dahil malamig dito. Wala kang pantaas, gusto mo bang
mamatay sa lamig?"
"Tingnan mo muna ang sarili mo bago ako. Suutin mo na lang iyan, Milady."
Tiningnan nga ni Arjo ang sarili niya at nakitang itim na tube top at itim na
maikling shorts lang ang suot niya. Napabuntong-hininga siya at ibinalik ang tingin
kay Xerez.
"Kunin mo na lang 'tong suit jacket," malamya niyang sinabi. "Kinuha ko 'to para
ibigay sa 'yo."
Tiningnan lang siya ni Xerez. Tinatantiya ang sinseridad niya sa sinabi.
"Sige na," pagpipilit ni Arjo. "Hindi ako titigil dito hangga't hindi mo 'to
kinukuha."
Napabuntong-hininga si Xerez at saka umiling. Nilahad niya ang palad sa labas ng
pinto ng selda niya para kunin ang inaabot ni Arjo. Ibinato nito ang suit jacket na
sinalo naman niya.
"Kapag narinig ko ang kahit maliit na senyales na nilalamig ka, sisirain ko ang
pinto ng seldang kinaroroonan ko para lang ibigay sa iyo itong suit na ito,
Milady."
Napangiti na lang si Arjo sa sinabi ng Guardian niya at saka siya bumalik sa
sementadong upuan.
Humugot siya ng malalim na hininga at sandaling pumikit... sa isang iglap lang
paggising niya ay napunta siya sa pabalik sa Distrito Mortel.
"Kanina pa kita hinihintay... anak ni RYJO..."
_______________________________

25: Revenge of the Fallen 2

25: Revenge of the Fallen 2

"Sino ka?" tanong agad ni Arjo sa babaeng nakatayo sa harapan niya.


Nilahad nito ang palad sa hangin at bahagyang ngumiti. "Magaling kang gumawa ng
lugar. Binalot ng takot at alaala mo ang Terminal. Hindi 'to ganito dati."
Kunot-noo lang si Arjo na sinusundan ng tingin ang babaeng kinakausap siya. "Sino
ka nga?"
"Gaya ng sabi mo, madaling magbigay ng pangalan, pero hindi ng pagkatao." Huminto
ito sa paglalakad at pumuwesto sa likuran ni Arjo. "Amethea..."
Agad na naalala ni Arjo ang pangalan. "Watersong?" Tumalikod siya at nagtatakang
tiningnan ang babae. "Hindi mo siya kamukha."
"Ikaw ang gumawa ng hitsura ko rito sa Terminal. Makikita mo ako sa paraan kung
paano mo ako gustong makita." Ngumiti ito sa pumalakpak ng dalawang beses. Biglang
naglaho ang Distrito Mortel at napalitan ng malawak na lugar kung saan ang tanging
matatanaw lang ay mga bulaklak na kulay puti na papantay sa kanilang mga baywang.
"Kontrol lang sa utak ang kailangan para makagawa ng imahe ng lugar sa Terminal.
Nasanay ka siguro sa ginagawa ni Jinrey na puro itim at puti lang ang nakikita."
"Paano ka nakapasok rito?"
"Kasalanan ng Fuhrer kung bakit ako nakapasok dito. Kailangan ng experiment para
maayos ang chamber na kailangan niya, at naging experiment ako ng Citadel."
Nagpameywang siya at tiningnan ang malawak na langit. "Anyway, nandito ako para
bigyan ka ng magandang offer dahil sa pakiusap ni Mephistopheles. Kailangang isara
ang Terminal, at ikaw ang gagawa no'n."
"Ano?"
"Ikaw ang kasalukuyang may hawak sa buong lugar na 'to pero maraming kumokontrol.
Kapag nakulong ka rito, makukulong na ang lahat. Mahihinto ang pagpasok at paglabas
ng mga isipan at sabihin na nating. . . matatapos na ang mga paghihirap mo."
Umihip ang hangin sa mga bulaklak na puti ngunit wala namang naramdamang hangin si
Arjo.
"Kaya kong buhayin ang buo mong pamilya. Kaya kong ibalik ang nawala sa iyo. . . sa
isang kondisyon."
"Anong kondisyon?"
Saglit na ngumiti si Amethea at sinabi na ang kondisyon niya.

Samantala. . .

"And, what's the meaning of this?" takang tanong ni Lollipop kay Erish Grymm at
Ara na kasalukuyan silang kinakausap hinggil sa nangyari sa Jaegar Underground.
Kasalukuyan silang nasa Oval nina Reese Havenstein kasama si Tristan Dragna.
"Nilabag ninyo ang batas ng Jaegar Underground ukol sa mga fixed fights," sabi ni
Ara.
"At walang kinalaman doon ang Citadel dahil ang batas ng Jaegar ay batas ng
Jaegar," sagot ni Lollipop.
"Ngunit ang batas ng Jaegar na nilabag ninyo ay naging dahilan ng paglabag sa
Criminel Credo ng mga tao sa Citadel, partikular na ang isang Superior at isang
Guardian. Sa ganang paraan ay marapat lang kayong tumanggap ng parusa."
"Huh!" Napailing na lang sa pagkadismaya si Lollipop.
"Isang Superior at Guardian?" tanong ni Reese.
"Hindi kayo sakop ng castigation ngunit may paraan upang patawan kayo ng parusa.
Ipahihinto ng Order ang lahat ng transaksyon sa Havenstein Mafia Family at ng
Jaegar Underground. Walang laban ang ipatutupad sa Jaegar Underground sa loob ng
tatlong linggo, at ang susuway sa kautusang iyan ay huhulihin at papatawan ng
parusang kamatayan."
"Hindi pwede 'yon!" pagtanggi agad ni Lollipop. "Malulugi ang Jaegar Underground!
Bilang sponsor ng mga laban, hindi ako papayag na--!"
"Bilang sponsor ng laban, dapat alam mong umpisa pa lang na mangyayari ito," putol
sa kanya ni Ara. "At mukhang alam mong mangyayari ito. Kung isang malaking
kamalian ang naganap, matuto kang tumanggap. Hindi sasang-ayon ang lahat sa iyo
dahil lang ginusto mo. Magaling makipaglaro ang pagkakataon at ang ginawa mong
pagsugal sa tadhana ay napakalaki. Madaling ngitian ang pagbagsak ng aming
Centurion ngunit sa oras ng pagtalikod nito'y batalyon ang haharap upang gumanti
para lamang sa kanya. Mapapatawan ng parusa ang lahat ng nagkamali, at hindi namin
mapapalampas na gaya mo lang ang hahamak sa mga tulad namin."
Ibinagsak ni Lollipop ang mga palad sa mesa kung saan sila nagpupulong at matalim
na tingin ang iginanti kay Ara. "You don't know me," mariin niyang sinabi.
"At hindi mo rin kami kilala," tugon ni Ara. "Hindi nagkamali si Mr. Devero sa
pagpili ng papalit sa kanya dahil kung gaya mo lang ang hahawak sa posisyong
tutumbas sa kanang kamay ng pinakamataas na pamamahala, babagsak nang wala sa oras
ang buong Order."
Dinuro agad ni Lollipop si Ara bilang pagbabanta. "Humanda ka sa 'king babae ka!
Akala mo natatakot ako sa 'yo?!"
"Laging handa ang mga Guardian sa mga gaya mong hindi marunong lumaban ng patas.
Walang dahilan para matakot kung inosente ka; kung hindi nama'y dapat ngang
kilabutan ka na."
Dali-daling kinuha ni Lollipop ang gamit niya at naglakad na palabas ng Oval.
Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang limang Guardian at agad na kinuha
ang magkabila niyang braso.
"Nakalimutan kong sabihin, may isa ka pa palang nilabag na batas ng Citadel,"
dagdag ni Ara. "Dalhin siya sa Black Pit."
Agad na tumugon ang mga Guardian. Nagsara muli ang pinto ng Oval. Naiwan si Reese
at Tristan doon kasama si Erish Grymm at Ara.
"Makatatanggap ng parusa si Tristan Dragna hindi bilang consigliere ng Havenstein
Mafia Family dahil base sa aming impormasyon ay nilingid sa kanya ang ukol sa
nangyaring laban, sa halip ay makatatanggap siya ng mababaw na parusa bilang
Guardian Decurion na nakialam sa laban sa Jaegar Underground. Ikukulong siya sa
detention cell ng Citadel sa loob ng dalawang araw."
Pumasok ang dalawang Guardian sa loob ng Oval at kinuha si Tristan. Wala naman
itong sinagot na negatibo o kinilos na masama, kusang loob na tinanggap ang parusa
niya. Naiwan si Reese sa loob.
"Noong sinabing pinatawag ako sa Citadel dahil sa nangyari sa Jaegar Underground,
umaasa na ako ng mataas na klase ng parusa," sabi ni Reese kay Erish Grymm.
"You're here para lang marinig nang personal na ipahihinto ang transactions sa
Jaegar at ng pamilya mo," sagot ni Erish.
"Hindi ba ako ikukulong? Papatawan ng castigation o kung ano man?" tanong ni Reese
na puno pa ng pagtataka sa mukha.
Saglit na ngumisi si Erish at tumayo na sa kinauupuan niya. "Wala ka namang
kapangyarihang pasunurin ang mga tauhan mo. Kung mayroon, e 'di sana hindi na
sumalang si Arjo sa laban na 'yon."
Naglakad na si Erish palabas ng Oval.
"Nang-iinsulto ka ba, Grymm?!" sigaw ni Reese.
"Kung na-insulto ka, mas maganda." Pagkalabas ni Erish ng pinto ay sumunod na sa
kanya si Ara.
"Mr. Grymm, wala ang Fuhrer sa kasalukuyan. Mapipilitan kayong hawakan ang CCS
habang wala siya."
Napatango na lang si Erish sa sinabi ng Guardian niya. "Sige. Pero bago iyon,
dadalawin ko muna si Arjo. Pumunta ka ng CCS at tingnan ang update sa Jaegar."
"Masusunod, Mr. Grymm." Humiwalay na si Ara ng daan.
Isang kakaibang ngiti ang makikita sa labi ni Erish habang sinisilip ang Guardian
niyang umalis.
"Bawal palang tumulong sa mga sumasalang sa castigation, huh?" Kinapa niya sa
kanang bulsa ng blazer ang maliit na plastik na naglalaman ng pagkain at sa kaliwa
naman ay maliit na bote ng energy drink. "Let's see..."
Nakangiti niyang binaybay ang pasilyo patungo sa detention cell.
_______________________________
Erish Grymm sa media :)

Wandering Ones

Ano ba ang meron dito sa chapter na ito na hindi naman tungkol kay Arjo at kay
Amygdala?
Wala lang akong mapaglagyan pero malamang na ilan sa inyo, familiar na rito sa one
shot na 'to.
Ipapabasa ko lang sa lahat ng hindi pa nakakabasa :)
__________________________________________________
"She's beautiful."
Mga salitang nakapagpakunot ng noo ni Cassandra Zordick nang sabihin sa kanya iyon
ni Joseph Zach. Malaki ang ngiti nito habang nakatingin sa iniinom nitong kape.
"Nakita niya yung Herring's Eyes sa jewelry shop." Tumawa ito nang mahina.
"Matagal na iyon doon pero ngayon lang may nakapansin. At gaya pa niya."
Iyon ang unang beses na nakita ni Cassandra ang napakasayang ngiti kay Joseph
simula noong makasama niya ito. Ngiti na lalo sanang makakapagpasaya sana kung
hindi ibang babae ang pinag-uusapan nila.
"Simple lang siya, Cas!" masayang saad nito. "Magugustuhan mo siya kapag nakilala
mo."
Isang pilit na ngiti naman ang ibinigay ni Cassandra kay Joseph. Napahawak tuloy
siya sa engagement ring na suot niya. "Joseph..."
"Hmm?" Tinignan siya nito na may napakatamis na ngiti.
"Yung kasal... natin." Agad siyang napayuko at napa-buntong hininga. Pinilit
niyang ngumiti upang ipaalala kay Joseph ang tungkol doon bago ito tingnan kaso
nang makita niya ang reaksyon nito'y agad siyang sumeryoso.
"Kasal..." Iniwas agad nito ang tingin sa kanya. Nawala na ang kanina'y maganda
nitong ngiti. "Oo nga pala."
Napakuyom ng kamao si Cassandra dahil mukhang nakalimutan nito ang tungkol sa kasal
nila.
"Joseph kung may problema... sana maaga pa lang sabihin mo na," malungkot niyang
sinabi.
"Hindi." Umiling si Joseph at kinuha ang kamay ni Cassandra na nasa mesa.
"Walang-- walang problema."
At kahit pa nanigurado na siya, ramdam naman ni Cassandra na nagsisimula nang
magbago ang lahat sa kanila.
Ilang araw na ang lumilipas at napapansin na ni Cassandra na bihira na niya makita
si Joseph. Nasa maliit siyang apartment ngayon na pansamantala niyang tinitirhan.
Naghahanda siya ng simpleng tanghalian nang makarinig siya ng kakaibang tunog mula
sa pinto. Napahugot siya ng malalim na hininga at kinapa sa ilalim ng mesa sa likod
niya ang nakaipit doong handgun. Pasimple rin niyang kinuha ang kitchen knife sa
harapan niya. Saglit siyang pumikit at pinakiramdaman ang paligid.
Mabilis siyang tumalikod at itinutok ang baril na hawak niya sa noo ng basta-basta
na lang pumasok sa bahay niya at itinutok sa leeg nito ang kutsilyo. Napakatalim ng
tingin niya sa lalaking kaharap.
"At sinong nagbigay sa iyo ng pahintulot na basta na lang pumasok sa bahay ko?"
matigas na tanong ni Cassandra sa walang emosyong lalaki na nag-trespass sa
apartment niya.
"Just checking if you're still alive," diretso at malamig nitong sinabi. Inurong
nito ang baril na natutok sa noo niya at inilayo ang kutsilyo sa kanyang leeg.
"Mas delikado ka pala kapag heartbroken ka."
Tumaas lang ang kilay ni Cassandra sa sinabi nito. "Is that a joke, Mr. Hwong?"
"If you take that as it is-- I guess so." Lumapit pa siya kay Cassandra. Napaatras
tuloy ito upang hindi siya makadikit. "He's with somebody else right now."
Huminto siya sa paghakbang nang maramdamang dumikit na si Cassandra sa kitchen
counter. "Poor you." Inabot niya ang strawberry jam na nasa gilid lang ni
Cassandra. Nakataas ang kilay niya nang tingnan iyon. "Ngayon ka pa lang ba magbe-
breakfast?"
"That's my lunch."
"I know the difference between a lunch and a breakfast, Madame Zordick." Inilapag
niya ang hawak na bote ng jam at itinapat ang mukha kay Cassandra. "And, now I
know why you have cooks in your palace." Inalis niya ito palayo sa kitchen counter
at nagkalkal na ng cabinet. "Do you have any edible food here aside from breads
and jams?"
"Assassins don't cook, Mr Hwong." Pagtataray ni Cassandra habang nakahalukipkip.
"Good news: I was trained to survive, and cooking is part of survival. Food is a
necessity and luckily, I have talent." Hinanda na niya ang mga kailangang gamitin
at nakakita naman siya ng mapagtya-tiyagaan nang pagkaing laman ng ref ni
Cassandra. "Bad news is I am an assassin, yet I have to babysit you because your
fiance is trying to be a normal man with a heart right now and he can't be with you
today."
"You talk a lot right now, Mr. Hwong." Bahagyang umupo naman si Cassandra habang
pinanonood ang bisita niya na magluto para sa kanya.
"It's unfair if NightShade's trying to be normal while I don't."
Natawa naman si Cassandra sa narinig. "You? Trying to be normal? Do I have to
laugh right now?"
"If it'll make you happy, why not?"
Kumunot lang ang noo ni Cassandra sa narinig. Alam niyang matalik na magkaibigan si
NightShade at ang lalaking kasama ngayon kaya may ideya na siya kung bakit ito nasa
apartment niya. Hindi lang talaga niya maintindihan kung bakit nito kailangang
pumunta.
Ilang sandali pa'y tapos na ang pagluluto at paghahanda at naghain na ang bisita ni
Cassandra sa mesa nitong apat na tao. Nakataas lang ang kilay ni Cassandra habang
nakatitig sa pagkaing nasa harapan niya.
"Eat," utos ng lalaki sa kanya.
Inilipat ni Cassandra ang tingin sa bisita. "I felt being threatened by your word.
I felt being threatened by this food. And I felt being threatened by your presence
here in my place. So, what's the catch?"
"Eat your food."
"Why would I?"
"Just eat it."
"Why?"
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"
"Bakit ko 'to kailangang kainin?"
"Just eat it. It's food."
"I know. I'm not stupid."
"Then, eat it."
"Why are you doing this?"
"Eat your food. Don't ask for more."
"You're presence here bother me most. Why are you here? Si Joseph ba talaga ang
nagpapunta sa iyo o ang Fuhrer?"
"Eat. Now." Matigas na utos nito.
"Being thoughtful is not your nature, No. 99. You kill, that's you."
"And you think, I'm gonna kill you?"
"Am I wrong? Pinipilit mo 'kong kainin ang pagkaing 'to." Itinuro niya ang niluto
ni No. 99 para sa kanya. "May sapat na rason ako para pag-isipan ka nang masama."
Wala namang kahit anong reaksyon mula kay No. 99. "You're being cautious. Kaso
wala sa lugar."
"Ikaw ang wala sa lugar." Tumayo si Cassandra at dinala ang platong naglalaman ng
nilutong pagkain ni No. 99 para sa kanya. Walang pagdadalawang-isip na tinapon niya
iyon sa basurahan. "Tigilan mo ang paggawa ng mga bagay na hindi mo dapat
ginagawa." Pagtalikod niya, bumulaga agad sa harapan niya si No. 99 na masama ang
tingin sa kanya. Kinuha nito ang hawak niyang plato at ibinalibag sa sahig at
pagkatapos ay itinulak siya sa pader ng maliit na kusina.
"Tigilan mo na ang pagpapakatanga, Cassandra," mariin nitong sinabi.
"Ikaw ang tumigil! Wala kang alam!"
Napakuyom ng kamao si No. 99 dahil sa pagka-inis. Agad niyang kinuha ang pulso ni
Cassandra at dali-dali niya itong hinatak palabas ng apartment nito.
"Yoo-Ji! Ano ba?! Bitiwan mo 'ko!" Pumalag si Cassandra ngunit masyadong malakas
si No. 99.
Nakababa na sila sa may parking lot at sapilitang pinasakay ng lalaki si Cassandra
sa sasakyan. Ni-lock nito ang pinto ng kotse upang hindi na makalabas pa si
Cassandra.
"Wala akong alam?" sabi ni No. 99 habang nakatingin sa daan at nag-drive na
paalis. "Tingnan natin kung sino ang walang alam."
Inabot ng tatlumpung minuto ang biyahe nila at tatlumpung minuto rin na katahimikan
ang nanaig sa dalawa.
Huminto ang sasakyan sa gitna ng isang parte ng kalsada na matatanaw ang baybaying-
dagat sa ibaba. Lumabas doon si No. 99 at hinatak na naman si Cassandra upang
ipakita ang kaganapan sa ibaba.
"Saan mo ba ako dinala?" inis na tanong ni Cassandra.
"Tingnan mo sila. Ngayon mo sabihin kung sino ang walang alam sa ating dalawa."
Itinuro ni No. 99 ng tingin ang nangyayaring kasalan sa ibaba. Isang simpleng beach
wedding lang ang nagaganap. Iilan lang ang mga bisita at nagsisimula nang
magpalakpakan ang lahat.
Nakagat ni Cassandra ang labi at napahigpit ang pagkakakuyom niya sa kamao habang
nakikita ang dalawang ikinakasal.
"Bakit ka nga ba niya kailangang pabantayan ngayon?" tanong ni No. 99 habang
pinanonood si Joseph Zach at ang kasama nitong babae na nag-alay ng halik sa isa't-
isa bilang pagtatapos ng seremonya. Napatingin siya sa gilid at agad siyang
naalarma nang wala na doon si Cassandra. "Madame Zordick!" tawag niya rito nang
makitang naglalakad pababa sa pwesto nila. Agad niya itong hinabol upang pigilan.
"Nasisiraan ka na ba?"
"Huwag mo 'kong pipigilan," banta nito sa kanya.
"Cassandra!" Hinatak niya ang braso nito para pigilan at binantaan ito ng tingin.
Hindi na niya inalintana pa ang pagluha nito.
"Mr. Hwong..." Kitang-kita ang panginginig ng labi at boses niya habang unti-
unting tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Hinatak na lang siya ni No. 99
palapit at niyakap siya nang mahigpit.
Paulit-ulit na umiikot sa isipan ni Cassandra ang mga nakita habang nakapikit siya.
Napakahigpit ng pagkakakuyom niya sa kanyang kamao na halos bumakat na ang mga kuko
niya sa palad. Hindi niya nakakausap si Joseph dahil ang alam niya, may misyon ito
o 'di kaya ay may importanteng ginagawa. Hindi naman niya inaasahang sa gano'ng
sitwasyon niya uli ito masisilayan.
Lumayo na siya kay No. 99 at naisipang tumuloy sa balak.
"Cassandra, it will not help you."
"Gusto ko lang siyang kausapin." Nagtuluy-tuloy pa rin siya at nakasunod sa kanya
si No. 99.
Ilang sandali pa ay nakaabot na sila sa pinangyarihan ng kasal at natatanaw na niya
ang mapapangasawa at ang 'napangasawa' nito na nakikipag-kamay sa mga bisita.
"Mr. Zach!" malakas niyang tawag kaya natigilan ang iba, lalo na si Joseph.
Kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito, kasunod ang pagtataka dahil kasama niya
ang matalik nitong kaibigan.
"Cas?" Agad-agad itong lumapit sa kanya upang magpaliwanag. "Cas, let me
explain."
Nanatili ang blangkong ekspresiyon sa mukha ni Cassandra at walang pagdadalawang-
isip niyang hinubad ang engagement ring nila ni Joseph Zach. Inabot niya ito sa
lalaki.
"Hindi ko na kailangan niyan... Hindi na natin kailangan niyan."
Aabutin na sana ni Joseph ang singsing nang bigla niya itong bitawan at nalaglag na
lang ang mamahaling engagement ring sa puting buhangin ng baybaying-dagat.
Napalunok na lang ang lalaki habang nakatitig sa singsing na nasa buhanginan.
Naglakad na si Cassandra at tumungo sa pwesto ng bride na pinanonood sila.
"Cas!"
Walang ibang gustong gawin si Cas kundi ang makahawak ng isang napakatalim na
kutsilyo, gilitan sa leeg ang lapastangang babaeng sumira ng pangarap niya at
isunod ang walang kwentang si Joseph Zach na ang lakas ng loob na lokohin siya.
Kaso, wala siyang balak ibaba ang sarili niya sa gano'ng punto. Isa siyang Zordick
at hindi siya magpapakababa para lang sa walang kwentang bagay.
"Congratulations!" pilit na bati ni Cassandra at inalok ang kamay niya sa
napangasawa ni Joseph. "I'm Cassandra Zordick."
Ngumiti naman ang babae sa kanya kahit na naasiwa ito sa tono niya at nakipagkamay
rin. "Hello, Cassandra. I'm Anjanette."
"You're beautiful. Joseph is right." Bumitaw na siya sa pakikipagkamay at tinignan
ang lalaki sa likuran nila.
"Are you his friend?" tanong ni Anjanette.
Umiling naman si Cassandra at ibinalik ang atensyon sa kausap. "I'm his partner.
Sa work. Anyway, best wishes. Sayang, nahuli ako nang dating at hindi ako nakaabot
sa wedding ceremony."
"No! It's fine! You want to attend the reception? May seats for visitors," masaya
nitong alok.
Agad na umiling si Cassandra. "Ah, no! Aalis din agad ako. I have work and I don't
have time for this bullshit." Nakita niya ang biglaang pagbago ng reaksyon ni
Anjanette sa huling sinabi niya. Hindi na niya iyon inintindi pa at tinalikuran na
ang kausap. Diretso lang ang tingin niya habang naglalakad papalapit sa pwesto ni
Joseph.
"Cas..."
"Fuck you."
Nagtuluy-tuloy lang siya sa paglalakad kaso pinigilan na naman siya ni Joseph.
"Cassandra, sandali lang!" Walang anu-ano'y sinuntok siya nang pagkalakas-lakas ni
Cassandra na halos makapagpa-atras sa kanya at makapagpabagsak sa lupa.
Halos mag-usok sa galit si Cassandra habang buong-buo ang kamaong ipinansuntok kay
Joseph. "That's my wedding gift for you, Mr. Zach! Sana man lang binigyan mo 'ko
ng invitation para naman hindi ako nagmukhang gatecrasher!" Tumalikod na siya at
naglakad palayo. Napahinto lang siya nang may maalala. Agad siyang bumalik at dali-
daling kinuha ang pulso ni No. 99.
"I'll take him! At least siya, marunong umintindi ng salitang 'loyalty'."
Hatak-hatak niya si No. 99 paalis doon. Nagagalit siya. Masama ang tingin niya sa
daan. Dire-diretso siya at hindi niya alam kung saan nga ba ang punta niya. Tahimik
lang ang kasama niya at hinayaan na lang siya kung ano man ang gusto niyang gawin.
Nasa kabilang daan ang kalsadang pinanggalingan nila ngunit sa ibang direksyon siya
nagpunta.
Nasasaktan siya ngunit may parte sa kanyang pilit na tinatanggap ang lahat dahil
nararamdaman naman na niya umpisa pa lang na nagsisimula nang magbago si Joseph
Zach. Iba na ang ginagawa nito, iba na ang inaasikaso nito, iba na ang minamahal
nito. At wala na siya sa kahit saan sa tatlong iyon.
Nararamdaman niya ang pagtulo ng likido sa kanyang pisngi. Unti-unti at naging
tuluy-tuloy na. Damay na ang ulo at balikat niya sa nakararamdam ng pagtulong iyon.
Napahinto siya at napatingin sa itaas. Nabitiwan niya ang kasama.
Umuulan...
Padilim na at umuulan pa...
"Madame Zordick, kailangan mo nang sumilong. Lumalakas na ang ulan."
Nanatiling nakatingala si Cassandra at pumikit. Hinatak ni No. 99 ang pulso niya
ngunit pinigilan niya ito.
"Madame Zordick..."
"Am I not enough...?"
Tinitigan lang ni No. 99 si Cassandra. Napahugot siya ng hininga at bumitaw sa
pagkakahawak nito. Hinubad niya ang suot na suit jacket at pinangpandong kay
Cassandra.
"Having you is too much," sabi ni No. 99 nang dumilat si Cassandra dahil hindi na
niya nararamdaman pa ang mga patak ng ulan. Tiningnan na siya nito nang diretso.
"And he has had enough to have you."
Matamlay na yumuko si Cassandra at inisip na wala na talaga siyang pag-asa.
"You should go home now, Madame Zordick. You're tired and hungry. This day is not
yet through," isang matipid na ngiti ang binigay ni No. 99 kay Cassandra. "...and
I'm willing to cook another lunch for you."
_________________________

26: Law Makers, Law Breakers


26: Law Makers, Law Breakers

"Amethea Watersong. . ." Nakakunot lang ang noo ni Ara habang nakatingin sa file
ni Amethea.
"Alam nating pareho na may mali sa kanya," sabi ni Leto nang mapansin si Ara.
"Kung buhay pa si Lord Ricardo, baka magulat siya. Kung sakali palang malaman ni
Amethea Watersong ang tungkol sa dating Lord Ricardo at sa katungkulan nito sa
Citadel, babalik kaya siya rito?"
Umiling si Ara. "Wala na siyang babalikan." Ibinaba niya ang hawak at inilipat
ang tingin sa mga monitors sa CCS.
"Paano kapag nalaman niya ang mga kaugnayan ng nagdaang tatlong Fuhrer...?"
"Wala siyang malalaman kung walang magpapaalam. Wala siyang alam sa proyektong
'yon. Wala siyang aalamin ukol doon at wala siyang dapat malaman, lalo na sa
chamber na hawak natin ngayon." Tiningnan ni Ara si Leto. "Si Reese Havenstein,
mukhang walang balak papasukin dito ng Fuhrer. Iniiwasan niya nga ang pagtapak ng
isa pang Havenstein sa Citadel."
"Kung hindi man siya papasukin dito, hindi rin naman kawalan. Malapit na ang Annual
Elimination at ilang mga Superiors na ang nagsabing uupo na sila sa posisyon. Hindi
na mahirap magplano ng gagawin."
Saglit na napangiti si Ara at naalala ang nakaraang nangyari. "Sampung taon ka
nang walang hinahawakang Superior, Leto. Dodoble na naman ang trabaho mo sa mga
susunod na buwan."
Napailing na lang si Leto sa sinabi ni Ara. "Wala na sigurong makakatapat pa sa
pagiging abala ko noong mga panahong si Weefee pa ang Superior na pinaglilingkuran
ko. Malay mo, labanan na naman kita gaya ng naganap noong kapanahunan ng Kill-for-
Will Tournament. Hindi biro ang naging trabaho ko dahil lahat ng Guardians at
Superiors kalaban ko na rin dahil sa amo ko."
Tumango man si Ara, hindi naman mababago no'n ang nasa isip niya tungkol sa
mangyayari.. "Pero, base sa bagong Superior ko, mukhang imposibleng mangyari ang
iniisip mo." Saglit niyang itinuro ang isa sa mga monitor sa CCS. "May mga
sitwasyong ilang mga tao lang ang magagaling kumontrol. At hindi dapat basta-basta
nanghuhusga ng iba at sa kung ano ang kaya nilang gawin, lalo na kapag walang
nakatingin."
Tiningnan ni Leto ang tinuturo ni Ara at nakita si Erish Grymm na nilalakad ang
pasilyo ng detention cell.
Sa detention cell. . .
"Milady..." Ilang beses nang tinawag ni Xerez si Arjo dahil nagsasalita itong mag-
isa sa kabilang selda. "Lady Josephine, naririnig mo ba ako?"
May paulit-ulit na ibinubulong si Arjo. Hindi nga lang maintindihan ni Xerez. Alam
niyang paminsa'y gano'n talaga ang Fuhrer... nagsasalita mag-isa. Kaso iba ang
sitwasyon nila ngayon dahil nakakulong silang dalawa. Hindi niya alam kung dapat ba
siyang mag-alala.
Ilang sandali pa'y tumayo si Arjo.
"Kung gagawin ko iyon, matatapos na ba ang lahat?"
Kumunot ang noo ni Xerez. "Milady, ayos lang ba ang pakiramdam mo?"
Nakarinig si Xerez ng tunog ng metal. May bumukas na pinto. Mukhang may bagong
ikinulong sa detention cell. Saglit siyang tumayo at sinilip ang pasilyo sa
magkabilang direksyon. Wala siyang natanaw dahil sa limitadong espasyo.
"Lady Josephine," tawag uli niya ngunit hindi na naman ito sumagot. Lumapit na
siya sa pinto ng selda niya. "Milady, kung hindi ka sasagot, lalabas na ako ng
seldang ito at hindi ako magdadalawang-isip na pakawalan ka riyan."
Wala pa rin siyang nakuhang sagot. Wala na siyang nagawa.
Kinuha niya agad ang swiss knife sa bulsa ng suit jacket na kinuha ni Arjo kay Teo.
Lahat ng Guardian ay may itinatagong gamit sa kada bulsa ng kanilang suot kaya alam
na alam ni Xerez kung ano pang magagamit ang matatagpuan sa suit na mayroon siya.
Pinili niya ang victorinox toothpick at sinubukang buksan ang pinto ng selda.
Natigilan lang siya nang makarinig ng yabag ng sapatos.
Sinilip niya ang pasilyo.
Unti-unti, lumalakas ang yabag na naririnig niya.
"Milady..."
Wala na namang sagot pero nagsasalita pa rin ito.
"Lady Josephine, sana'y sumagot ka naman para hindi ako nag-aalala rito."
Nagtatalo ang isip ni Xerez kung itutuloy ba niya ang ginagawa o maghintay pa rin
hanggang sagutin na siya nang maayos ng Fuhrer.
Papalapit nang papalapit ang mga yabag. Nakakakita na siya ng anino mula sa malayo
dahil sa limitadong ilaw sa detention cell.
"Milady, hindi maayos ang inyong pakiramdam. Manghihingi ako ng tulong sa--"
"Arjo?" pagtawag ng boses sa pasilyo.
Sa wakas ay nakita na rin ni Xerez ang taong paparating.
"Mr. Grymm." Nagbigay-galang si Xerez nang huminto si Erish sa tapat ng selda nila
ni Arjo.
"Nasaan si Arjo?"
"Nasa kabilang selda, Milord."
"Oh..." Tiningnan agad ni Erish ang kabilang selda at nakita roon si Arjo mukhang
may kinakausap. "Is she talking to... what?"
"Hindi maganda ang kalagayan ng Fuhrer, Milord. Sa ganitong pagkakataon ay
inirerekomendang makapagpahinga siya sa mas maayos na lugar."
Tumango na lang si Erish sa sinabi ni Xerez. Humakbang siya ng dalawa paatras
hanggang sa dumikit ang likod niya sa pinto ng selda ng Guardian. Iniluhod niya ang
kanang tuhod at kunwaring pinunasan ang sapatos niya, kasabay no'n ay ang pagkuha
niya ng energy drink sa bulsa at pinagulong iyon sa loob ng selda ni Xerez.
"May sinabi sa akin si Ara tungkol sa pagtulong sa mga nakakulong sa detention
cell," sabi ni Erish at tumayo na nang diretso. "Napansin ko lang na hindi ka
nakiusap sa akin na alisin siya rito, Mr. Desimougne."
Nakatuon lang ang paningin ni Xerez sa gumulong na bagay sa paanan niya. "Hindi
ako maaaring mag-utos sa isang Superior, Milord, lalo na kung may kaugnayan ito sa
batas ng Citadel."
"Pero sinabi mong hindi maganda ang lagay ni Arjo."
"Dahil iyon ang dapat ninyong malaman, Milord. Ang pagpapaalam at sapilitang
pagtulong ay may kaakibat na parusa sa magkabilang panig."
Tumango na naman si Erish at nilapitan na ang selda ni Arjo.
"Si Zone. Papayag ako kung mabubuhay mo si Zone."
"Arjo?" tawag ni Erish habang nakikita ang Fuhrer na kinakausap ang pader ng selda
nito. "Sino ang kinakausap mo riyan?"
Dahan-dahang lumingon si Arjo sa pinto ng selda niya. Pansin ni Erish ang kawalan
niya ng reaksyon. Bahagya niyang itinagilid ang ulo habang wala pa ring emosyon ang
nasa mukha niya.
"Naririnig mo 'ko, Ms. Fuhrer?" tanong ni Erish.
"Erish Grymm," sabi ni Arjo na may mas mababang boses na iba sa nakasanayan nilang
boses nito. "magaling kang mamili ng lugar na pinapasok. Maghanda ka na sa mga
susunod na magaganap dahil malaki ang magiging papel mo sa nalalapit na Annual
Elimination."
Napuno ng pagkalito ang mukha ni Erish sa sinabi ni Arjo. "A-anong sinasabi mo?"
"Malapit nang mawala ang Fuhrer sa posisyon niya. Nakakita na siya ng papalit sa
maiiwang trono."
"Arjo, ayos ka lang ba talaga?"
"Wala siya sa kasalukuyan, kinakausap ang isang kaibigan sa mundong siya lang ang
nakapagbubukas. Hapon ng kinabukasan makakaalis na siya sa kulungang ito. Bantayan
mo ang susunod na kaganapan dahil malaki ang magiging parte mo sa nalalapit na
pagwawakas ng katungkulan ng huling Zordick sa Citadel."
_____________________
Sa Jaegar Underground. . .
Kaiba ang araw na iyon sa palaging nangyayari. Tahimik ang buong paligid, ibang-iba
sa nakasanayang maingay na arena. Bantay-sarado ang labas ng Underground ng mga
Guardian ng Citadel.
Mag-isa sa opisina niya si Reese nang pumasok si Grandel sa loob para kausapin
siya.
"Nasaan na si Tristan, Boss?"
Umiling lang si Reese habang hawak ang basong may lamang alak.
"Hindi na ba siya babalik?"
"Hindi ko alam. Hawak siya ng Citadel kaya 'di ko masasabi."
Napabuntong-hininga si Grandel. "Alam kong wala nang magagawa ang salita pero
hindi naman mangyayari 'to kung hindi mo hinayaan ang laban na 'yon."
Walang naisagot si Reese. Tinulalaan lang ang basong hawak.
"Kakausapin ko ang mga taga-Citadel. Manghihingi ako ng tulong. Baka sakaling
maibalik ko rito kahit si Tristan na lang. Kung laging pag-iinitan si Arjo ng ibang
Jackal, mas mabuting 'wag na lang siyang pabalikin dito."
Tumalikod na si Grandel at tumungo sa pinto ng opisina.
"Sana nga maibalik mo si Tristan," huling salita sa kanya ni Reese.
Seryosong seryoso ang mukha ni Grandel nang mahawakan ang doorknob ng pinto.
Bahagya niyang nilingon ang Boss.
"Siguro nga kalokohan lang ang bagay na 'yon para sa'kin pero kung kinakailangan
nang panindigan ngayon, paninindigan ko na, maibalik ko lang ang kaibigan ko."
Napabuntong-hininga siya. "Nadismaya ako sa lahat ng ginawa mo, Reese. Nadismaya
talaga ako..."
Tuluyan na siyang lumabas ng opisina ni Reese at buo ang pasya niyang tumungo ng
Citadel upang kausapin ang kung sino man ang handang makinig sa kanya doon.
_____________
Ang nagaganap sa Citadel ay mananatili sa Citadel. Walang nakakaalam na naparusahan
ang Fuhrer ng sarili niyang batas; walang nagsalita kung may nangyari ba pagkatapos
ng nangyari sa Jaegar Underground nang makialam ang isang Guardian na may mataas na
posisyon; at higit sa lahat, walang naglabas ng impormasyon ukol sa nangyaring
maanomalyang laban.
Bagong araw na naman at tatlong oras na lang ay makalalaya na ang Fuhrer mula sa
parusa nito.
Lahat ay naghihintay matapos ang castigation ng mga parte ng Citadel na nakulong
dahil sa kagagawan ng mga taga-labas.
Samantala, nilalakad ni Grandel ang napakalawak na bungad ng tarangkahan ng
Citadel. Iyon na lang ang muli niyang pagtapak sa lugar pagkalipas ng napakatagal
na panahon at iba talaga ang naramdaman niya kaysa sa nakikita ito mula sa labas.
Agad siyang sinalubong ng isang Guardian Decurion at sinasabayan sa paglalakad.
"Magandang araw, Milord. Hindi namin inaasahan ang pagbisita ninyo sa Citadel,"
pagbati ni Leto sa kanyang Superior.
"Si Tristan Dragna, narito?" tanong ni Grandel.
"Si Ivan ay kasalukuyang sumasalang sa mababang parusa ng castigation, Milord.
Nakakulong siya ngayon sa detention cell at sa loob ng tatlumpu't apat na oras ay
palalayain na siya."
Saglit na napatango si Grandel sa sinabi ni Leto. "Ang Fuhrer?"
"Tatlong oras na lang ay makalalaya na ang Fuhrer, Milord."
"Balita ko tinanggap na ni Grymm ang posisyon niya."
"Yes, Milord."
"Tsk, napakasinungaling talaga ng isang 'yon," mahinang bulong ni Grandel.
Nang makarating sila sa bungad ng palasyo ay nakasalubong nila si Ara na may dalang
mga mahahalagang papeles at patungo sa CCS. Natigilan ito at gulat na tiningnan ang
dalawa.
"Quincervie, long time no see," pagbati ni Grandel na tuluy-tuloy lang sa
paglalakad.
Nagbigay-galang agad si Ara nang batiin siya ni Grandel. "Magandang araw, Lord
Raegan. Sana'y nagpasabi kayong dadalaw upang nakapaghanda ang buong Citadel sa
inyong pagdating."
"Hindi na kailangan. Pinatigil ng Citadel ang lahat ng transaksyon sa Jaegar
Underground kaya nawalan ako ng trabaho. Ikaw ba ang may gawa no'n, Ara?"
"Yes, Milord."
Napailing na lang si Grandel at napabuntong-hininga. "Umaasa akong ipatatawag ng
Citadel dahil sa ginawa kong pagbaba sa arena kaso naalala ko, iba ang kaso namin
ni Reese. Si Grymm lang ba ang narito bilang member ng 10th Generation?"
"Yes, Milord."
"Dadalawin ko sana si Arjo kaso hihintayin ko na lang na makalabas siya. Ihanda ang
silid ko. Maghihintay muna ako sa meeting room ng Order habang inaayos ninyo ang
tutuluyan ko rito."
Nagtuluy-tuloy si Grandel sa loob ng Citadel at pansin niya ang gulat ng ilang mga
Guardians na nakakasalubong siya. Lahat ay agad na nagbibigay-galang habang
nilalampasan niya.
"Lord Reagan, malapit na ang Annual Elimination. Kahit si Xerez ay umaasa pa rin ng
inyong partisipasyon gaya nitong mga nakaraang taon, lalo na sa magaganap na
labanan ngayon," paalala sa kanya ni Leto.
"Hindi naman ako tumigil sa pagbibigay ng suporta sa Annual Elimination taun-taon.
Alam n'yo namang iyan lang ang gawain namin ni Weefee noong una pa lang. Nasaan nga
pala si Xerez?"
"Nasa detention cell ang Guardian Centurion at aabutin pa ng siyamnapu't anim na
oras ang ilalagi niya roon bago palayain."
"Okay. Mukhang kailangan nga talaga niya ng tulong ngayon." Huminto sandali si
Grandel at sinabihan agad ang Guardian Decurion niya. "Pakisabi sa lahat ng
Guardian na tawagin akong Grandel hanggang sa aabutin ng panahon ng pananatili ko
rito. Huwag na huwag din ninyong ipaaalam sa Fuhrer na isa ako sa mga natitirang
6th Generation Superior, naiintindihan ninyo?"
"Yes, Milord."
"Oo nga pala, ipatawag na rin ang lahat ng Guardian Decurion sa Oval. Halatang
walang ideya si Grymm sa kapangyarihan niya bilang Superior."
"May pinaplano ba kayo ngayon, Milord?" tanong ni Leto.
"Babawasan ko lang ang pahirap kay Xerez, tutal isa siya sa pinakagusto kong parte
ng lugar na 'to. May immunity pa akong pwedeng gamitin kaya gagamitin ko na ngayon.
May kailangan din pala akong parusahan na mukhang narito rin sa lugar na 'to.
Iwasan ninyong banggitin kay Grymm ang tungkol sa akin at sa trabaho ko rito,
maliwanag? Ayokong may nangingialam sa ginagawa ko, lalo na kung gaya niya pa ang
magiging intrimitido sa mga plano ko."
"Yes, Milord."
Humiwalay na si Leto para sabihan ang lahat ng Decurion na pumunta ulit sa Oval
para sa isa na namang importanteng pagpupulong.
___________

27: Missing Childrens

Dalawang Guardian ang nakabantay sa magkabilang gilid ng selda ni Arjo samantalang


ang isa naman ay nagbubukas ng pinto upang makalabas na siya. Lahat ng Guardian
Decurion ay kasalukuyang kinakausap ni Grandel ukol sa pagpapababa ng parusa sa
Guardian Centurion ng Citadel.
Nanonood lang si Xerez sa ginagawa ng mga Guardian sa katapat na selda. Ilang
sandali pa'y nakita na niyang nakalabas na si Arjo at hindi niya inaasahan ang
masisilayan niya paglabas nito.
Nababasa niya sa mukha ni Arjo ang hindi magandang balita. Seryoso ang mukha nito
at mukhang may pinaghandaan mula sa loob. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto ng
selda niya at hinawakan ang makakapal na bakal na tubo na nagsisilbing harang niya
mula sa labas.
"Lady Josephine..." mahina niyang pagtawag.
At nagtama ang tingin nila ni Arjo. Napahigpit ang pagkakahawak ni Xerez sa bakal
na tubo. Bigla siyang kinabahan at nararamdaman niya ang paggapang ng kilabot sa
buo niyang katawan.
"Milady, kailangan na ninyong tumungo sa meeting room ng Order," saad ng Guardian
na naglabas sa kanya sa selda niya.
Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ni Arjo. Bumitaw ng tingin kay Xerez
at nilakad na ang pasilyo kasabay ng tatlong Guardian.
Napalunok na lang si Xerez dahil hindi niya talaga nagustuhan ang nakita niya. May
kung ano sa sarili niya na gusto nang tumakas sa loob ng kulungan niya para lang
mapigilan si Arjo sa kung ano man ang masamang tumatakbo sa isipan nito.
Rinig ang malulutong na yabag ng sapatos sa pasilyo ng detention cell. Parang isang
leon si Arjo na nilalakad ang papalabas ng kanyang hawla para sa nakahandang laban.
"Mukhang kailangan mo ring malaman ang tungkol sa ginawa niya sa labang iyon."
Mababasa sa mukha ni Arjo ang matinding galit, at sisiguraduhin niyang magbabayad
ang may pagkakautang sa kanya.
Saglit siyang napahinto sa isang kulungan at tiningnan ang kanang gilid.
"Amoy na amoy rito ang lansa ng katrayduran mo," mariing sinabi ni Arjo sa
nakakulong sa seldang pinaghintuan niya. "Babalikan kita, Lollipop. May pag-
uusapan pa tayo. Huwag kang mag-alala... hindi rito kundi sa labas."
Tumuloy na ng lakad si Arjo palabas ng detention cell.
Samantala, sa Oval kung saan tinipon ang lahat ng Guardian Decurion ni Grandel para
sa isang espesyal na meeting...
"Hindi ba ginamit ng Fuhrer ang immunity niya para mapababa ang sentensya ng parusa
nila ng Guardian niya?" tanong ni Grandel.
"Hindi, Milord."
Nagtaka naman doon si Grandel dahil kung gugustuhin lang ng Fuhrer; makakaiwas ito
sa parusa. "Alam ba niya ang tungkol sa immunity niya?"
Magsasalita sana si Ara ngunit natigilan dahil hindi rin niya alam ang sagot.
"I'll take that as no." Napabuntong hininga si Grandel. "Okay, gagamitin ko na
lang ang natitirang immunity ko kapalit ng pagpapababa ng parusa kay Xerez. Mukhang
matigas ang ulo ng Fuhrer kaya kailangan nga talaga niya ng bantay. Ten days ang
katumbas ng immunity ko at four days pa ang kailangang gugulin ni Xerez sa loob ng
detention cell. Ara, alam mo na kung ano ang gagawin."
"Yes, Lord Raegan."
"Alam ninyong hindi ako pwedeng magtagal dito sa Citadel dahil hindi pa tapos ang
kasunduan namin ni Armida Zordick."
"Ngunit dalawang buwan na lang ang itatagal ng kasunduang iyon, Milord," sabi ni
Leto.
"At makapaghihintay pa ang dalawang buwan na 'yan. Isa pa, kailangan kong ayusin
ang gusot ng Jaegar at Citadel. Malaking problema ang idudulot no'n sa trabaho ko
kapag natagalan pa ang ipinataw na parusa sa mga Havenstein. Alam kong kaya ng
Fuhrer baguhin ang pasya-- na mukhang hindi niya interesadong gawin, unless may
magsasabi sa kanya-- kaya dapat talagang may gawin ako ngayon." Tumayo na si
Grandel at agad na nagtungo sa pintuan ng Oval. "May isa pa pala, ang Project
Zone."
Napansin niya ang pagbabago ng reaksyon ng mga Guardian sa sinabi niya. Sumunod si
Leto sa kanya at sandaling huminto sa kanyang likuran, kalahating dipa ang layo.
"Maaari ninyong bisitahin ang Project Zone pagkatapos ninyong gawin ang lahat ng
kailangan ninyong gawin, Lord Raegan," sabi ni Leto kay Grandel.
"Hindi ko alam kung posible ang plano ni Armida Zordick pero sana nga magawa niya
ang sinasabi niyang pagagalingin ang kapatid ko."
Napayuko na lang si Leto at napabuntong hininga.
"Sampung taon na... masyado nang matagal ang sampung taon."
Sa laboratory ng Citadel...
"Naririnig mo 'ko?" tanong ni Olive sa binatang nagising na sa matagal na panahon.
Nakahiga ito sa pahigang chamber na puno ng asul na tubig habang ang katawan nito
ay kinakabitan ng napakaraming tubo.
"Mama..."
"Daemon?"
"Where's Mama?"
"Dae--" Hindi tinuloy ni Olive ang pangalang binabanggit, sa halip ay binago nito
ang pagtawag. "Zone?"
"I want my Mama..."
Tiningnan ni Olive ang dating hitsura ng batang Zone na nasa kabilang chamber at
inisip na malamang na maninibago si Arjo kapag nakita nito ang kapatid niyang
malaki na.
"Olive," pagtawag sa kanya ng isa sa mga Guardian. "Nasa Citadel ngayon si Raegan
Hawkins."
Agad na kumunot ang noo ni Olive sa narinig. "S-si... Hawkins? Kailan pa siya
nakabalik dito?"
"Kanina lang. Tatlong oras na ang nakalilipas."
Inilipat niya agad ang tingin sa binatang tinawag niyang Zone. "Hindi pa tapos ang
experiment... hindi ka niya pwedeng bawiin ngayon."
_________________________

28: Fuhrer's Rage

Bumungad kay Arjo ang mga Guardian Decurion na noong nakaraang araw lang ay
pinulong upang parusahan siya. Pagbukas ng pinto ay hindi na mga Guardians na
magpapataw ng parusa ang bumungad sa kanya kundi mga Guardians na nakahanda na
upang sumunod sa anumang iutos niya.
Umupo siya sa dulo ng mesa na laging pwesto ng kung sino man ang may pinakamataas
na posisyong nasa loob ng Oval sa mga oras na iyon. Tulala lang siya sa mahabang
puting mesa pero alam niya sa sarili niyang nasa sarili nga niya siya.
Takot silang lahat, pero alam nilang hindi sila sasaktan ng Fuhrer dahil lang
ginawa nila ang trabaho nila bilang tagapagpatupad ng Criminel Credo.
"Napatawan na ng parusa ang iba pang sangkot sa nangyaring maanomalyang laban sa
Jaegar, Milady," sabi agad ni Ara sa kanya.
"Hindi mapapatawan ng parusa ng castigation ang mga nasangkot na Superiors, maliban
sa akin, tama?"
Puno ng pagtataka ang mababasa sa mukha ng mga Guardians dahil sa sinabi ni Arjo.
"Si Havenstein..."
"Napatawan na si Reese Havenstein at ang Havenstein Mafia ng parusa bilang parte
lamang ng organisasyong may kaugnayan sa Citadel."
"Yung isa pa."
Nagpalitan ng makahulugang tingin ang mga Decurion. Alam nila ang tinutukoy ni Arjo
ngunit ayaw nilang magsalita dahil baka mali sila ng iniisip na tinutukoy nito.
"Si Grandel Santora..."
Napahugot ng malalim na hininga si Leto sa pagkakabanggit ng pinaglilingkuran
niyang Superior.
"Napaka-inutil ko namang Fuhrer kung simpleng impormasyon lang, hindi ko pa alam!"
Ibinagsak niya ang kanang kamo sa mesa na halos ikinatalon ng mga Guardian Decurion
sa kinauupuan nila dahil lang sa gulat. "Bali-baligtarin n'yo man ang impyernong
'to, ako pa rin ang namumuno rito! Itikom n'yo man ang mga bibig ninyo, may
malalaman at malalaman ako!"
"Milady, muling nagbalik si Raegan Hawkins sa Citadel ngayong araw, tatlong oras na
ang nakalilipas," sagot sa kanya ni Leto.
"Nasaan siya?"
"Nasa sementeryo siya ng Citadel ngayon upang dalawin ang yumao niyang lolo."
Naningkit ang mga mata ni Arjo at tinantiya ng tingin si Leto. Sa pagkakatanda
niya, si RYJO ang pumatay sa unang Hawkins na tinutukoy ng Guardian. At base sa
impormasyong nalalaman niya, iyon ang panahon na nagdeklara si RYJO ng all-out war
sa mga Superiors noong nalaman ng lahat na buhay pala si Shadow.
Tumayo na si Arjo at saka humugot ng malalim na hininga.
"Ipatawag si Raegan Hawkins at Erish Grymm, pati na ang lahat ng Guardian
Decurion-- damay na si Ivan. Ilabas ng detention cell ang magkapatid na Salvatore
at Xylamea Desimougne. Lahat ng ipinatawag ko ay pumunta ng Black Pit. May lumabag
sa mga batas ng Fuhrer na nakasaad sa Criminel Credo... at dahil tapos na ang
pagtanggap ko ng parusa... isang magandang pagkakataon ang mayroon ako ngayon para
ipakita kung paano ako magpataw ng sentensya."
Hindi pa nila nakikita kung paano magpataw ng parusa ang pangatlong henerasyon ng
Fuhrer. At kung may dapat silang katakutan sa lahat, siguro ang ika-anim na
henerasyon na iyon ng Armida Zordick-- si Arjo-- dahil sa kung sino... o ano ito.
Nasa balcony ang mga Guardians at masamang tingin lang ang naibigay ni Grandel kay
Erish nang magkita sila.
"Hindi pala tatanggapin, huh?" bungad ni Grandel kay Erish.
"Wala ka nang magagawa, Hawkins. Natanggap ko na. At isa pa, hindi ko tinanggap ang
alok dahil lang sa iniisip mong dahilan ko. Nakausap ko lang si Arjo kaya pumayag
ako."
Binalewala naman ni Grandel ang dahilan ni Erish at hinanap na lang sa paligid ang
kaibigan niya.
Ilang sandali pa ay sabay-sabay na dumating ang mga Guardian Decurion kasama na si
Tristan na bagong laya sa selda nito.
"Tris!" masayang pagbati ni Grandel, talo pa ang batang nakita muli ang kalaro
niya pagkalipas ng matagal na panahon.
"Grandel?" Takang-taka naman si Tristan sa presensya ng kaibigan niya sa Citadel.
Hiwalay ang mga Guardians sa dalawang Superior. Ilang sandali pa ay nakikita na
nila si Lollipop na pinapalakad sa gitna ng Black Pit, tangay-tangay ng dalawang
Guardian.
"Kung ano man ang masasaksihan ko rito, sa tingin ko, hindi iyon maganda."
Napalingon silang lahat nang makita si Xerez na nakasuot muli ng amerikanang kulay
abo gaya ng lagi nitong suot bilang Guardian Centurion ng Fuhrer.
"Xerez," tawag sa kanya ng mga kapwa niya Guardian. Masaya dahil ang namumuno sa
kanila ay nakalabas na ng kanyang selda at madaliang natapos ang parusa ng
castigation sa kanya.
"Magandang araw, Lord Raegan, Mr. Grymm," pagbati ni Xerez at nagbigay-galang.
Humawi ang mga Decurion upang paraanin ang Centurion. Ibinigay nila ang
pinakaharapang pwesto upang masaksihan nito ang magaganap.
"Pinatawag ng Fuhrer si Xylamea Desimougne, Xerez," paalala sa kanya ni Ara.
Napabigat ang paghinga ni Xerez sa narinig. May alam siya, at alam niyang alam ni
Arjo kung ano ang nilabag nito sa batas ng Citadel. Natatakot siya para sa kapatid
niya, pero mas natatakot siya sa maaari at kayang gawin ni Arjo.
Ilang sandali pa'y lumabas na si Arjo mula sa malaking pintuan ng Black Pit at
naglalakad na papalapit kay Xylamea Desimougne na nasa gitna ng napakalaking
slaughter area na iyon.
"Batas ng Citadel, huh! Walang kwenta..." Masamang tingin lang ang ibinigay ni
Lollipop kay Arjo habang sinusundan ito ng tingin.
"Minsan ka nang naging parte ng lugar na 'to, Lollipop... at minsan ka nang
pinatawan ng parusa dahil sa ginawa mo noong huli. Sayang... sayang ka."
Isang kahoy na upuan ang inilaan para kay Lollipop at sapilitan pa siyang pinaupo
roon ng Guardian sa Black Pit na nagsisilbing assistant ng Fuhrer sa pagpapataw
nito ng parusa.
"Ang isang Guardian na ipinatapon sa labas ng Citadel ay hindi na maaaring bumalik
pa sa kahit anong dahilan..." mahinahong sinabi ni Arjo. "At kung siya ay
magbabalik lamang sa dahilan ng pagganti sa kahit sino o anong parte ng Citadel ay
tutumbasan ng parusang kamatayan na mismong ang Fuhrer-- kung wala ay Guardian
Centurion niya ang kailangang magpataw."
Lumapit ang isang Guardian dala ang isang metal tray na naglalaman ng isang matalim
na bagong hasang kutsilyo at isang heringgilya.
"Ang isang Guardian na pinatapon sa labas ng Citadel at gumawa ng kahit anong
paraan upang mapasama ang kahit sinong Guardian na nasa posisyon, na magdudulot ng
paglabag sa Criminel Credo ay tutumbasan ng parusang kamatayan na mismong ang
Fuhrer-- kung wala ay Guardian Centurion niya ang kailangang magpataw."
Isang maamong ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Arjo habang nakikita ang nanlilisik
na mga mata ni Lollipop.
"Ang isang Guardian na pinatapon sa labas ng Citadel at gumawa ng kahit anong
paraan upang malagay sa panganib ang buhay ng Fuhrer ay tutumbasan ng parusang
kamatayan na mismong ang Fuhrer-- kung wala ay Guardian Centurion niya ang
kailangang magpataw."
Isang Guardian na naman ang dumating at naglapag ng metal rack na naglalaman ng
iba't ibang klase ng matatalim na espada.
"Tatlong beses pala kitang kailangang patawan ng parusang kamatayan..." Pinanood
ni Arjo na igapos si Lollipop sa upuan nito. "Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang
sinasagad ang limitasyon ko... at sinagad mo 'yon, Lollipop. Pati ang batas ng
Credo, hindi mo na pinalampas..."
"I don't care about your fucking laws!" At dinuraan pa niya si Arjo na tumama sa
bandang leeg nito. "You're a good-for-nothing bitch! I don't even care about who
you are! Hindi ako natatakot sa'yo! Pinalaki ka lang ni RYJO! Hindi ka siya!"
Tumango lang si Arjo at dali-daling lumapit ang isang Guardian upang magbigay ng
panyo. Kinuha iyon ni Arjo at ipinunas sa parteng naduraan ni Lollipop.
"Alam mo kung ano ang pinagkaiba namin ni RYJO?" tanong ni Arjo habang inaayos
muli ang sarili niya. "Siya, pinanganak muna bilang Armida Zordick bago maging
RYJO... pero ako...?" Pumantay si Arjo sa mukha ni Lollipop na nakaupo.
"Pinanganak muna ako bilang ARJO bago maging Armida Zordick."
Inabot niya ang panyo sa Guardian at kinuha ang heringgilya na dala ng isang
Guardian doon.
"Kahit na libong pangalan ang gamitin ko..."
Itinutok niya ang makapal na karayom sa braso niya.
"Kahit na kada minuto kong palitan ang gusto kong itawag ninyo sa'kin..."
Inilipat niya ang tingin kay Lollipop habang unti-unting binabaon sa balat ang
karayom.
"Hindi no'n mababago ang katotohanang gigising ako sa bawat umaga bilang ARJO. I
was born to keep your ultimate killer... alive."
Kumuha siya ng 30 cc ng dugo sa mismong braso niya.
"And that job..."
Saglit siyang ngumiti.
"...is not on my job description... anymore."
Hinugot niya ang karayom sa braso niya at tinitigan ang heringgilya.
"Because my job now is to hire people..."
Saglit niyang tiningnan ang mga nasa balcony.
"...to employ people..."
Ibinalik niya ang masamang tingin kay Lollipop.
"And, to terminate each one of my people once I had a fucking chance."
Walang pagdadalawang-isip niyang itinurok ang hawak na iniksyon sa leeg ni
Lollipop.
"And now is that one fucking time..."
Unti-unti niyang inubos ang dugo sa heringgilya palipat sa katawan ni Lollipop.
"...to grab that one fucking opportunity."
Isang malakas na sigaw ang bumalot sa Black Pit.
"I might have played in your Goddamn petty games, Lollipop. But that doesn't mean,
I don't know how to deal with your stupid games, very seriously."
"Tama na! Aarrgghh! Hayop ka! Pareho lang kayo ng taong 'yon!" Hingal na hingal si
Lollipop. Lumilitaw na sa balat niya ang mga naglalakihang ugat niyang nangungulay
lila at berde sa kahit saang parte ng mukha, leeg, braso at sa iba-ibang bahagi ng
katawan niya. Pakiramdam niya ay sinusunog siya mula sa loob. "Fuck you, bitch!!
You'll pay for this!!"
"You can play with me, Lolli... but never a fucking way on my family." Kinuha ni
Arjo ang kutsilyo sa tray na hawak ng Guardian at itinutok iyon sa leeg ni
Lollipop. "Want me to show what the real entertainment is, hmm?" Pumuwesto siya
sa likod ni Lollipop at tinanaw si Xerez na pinanonood lang siya at ang ginagawa
niya. "You live to bring entertainment to Jaegar's people..." Hinatak niya ang
buhok ni Lollipop at bahagyang ibinaon ang talim ng kutsilyo sa kaliwang banda ng
leeg nito. "You employ me to bring that entertainment to Jaegar..."
"No... no..." Nagsisimula nang tumulo ang luha sa mga mata ni Lollipop habang
nakikita ang mga mata ni Arjo na wala man lang bakas ng takot, pagsisisi, awa o
kahit ano pa man. "Please... no..."
"Too late for that." Bahagyang lumapit si Arjo kay Lollipop para bumulong. "Death
is a very good deal, ain't it? Saktan mo ang mga tao ko, papatay ako para sa
kanila. It's my duty... you know how to pray, hmm? Pray for your soul, if you have
one."
Para sa mga tao na pinanonood ang Fuhrer sa ginagawa nito...
Napakabigat ng paghinga ni Xerez. Doble ang pahirap para sa kanya. Ang mga Guardian
na naroon ay inaantabayan kung ano ang gagawin niya ngunit sa kasalukuyan ay wala
pa siyang ginagawa para pigilan ang lahat.
"She's scary..." mahinang sinabi ni Erish. "...more than what I had expected from
her."
"This is one of the reason why I never wanted to watch any of the castigation,"
sabi ni Grandel. "Malas ko lang, naabutan ko ang lahat ng Fuhrer na naluklok sa
pwesto." Napailing na lang siya at tiningnan si Ara. "Naalala ko tuloy si
Labyrinth."
Napayuko na lang si Ara dahil sa sinabi ni Grandel.
"Bakit hindi mo siya pinigilan?" mahinang tanong ni Tristan kay Xerez.
"Dahil may kaukulang parusa kapag pumagitna ako," simpleng sagot ni Xerez.
"Kapatid mo siya, 'di ba?"
"At hindi ko siya makokontrol. Hindi ko siya nakontrol. May isip siya at kung ano
man ang maging resulta ng mga naging desisyon niya..." Humugot na naman ng hininga
si Xerez. "...dapat ay nakahanda siyang pagbayaran ang lahat."
Tumalikod na siya at naglakad na paalis sa balcony.
"Hindi pa tapos ang castigation, Xerez," pagtawag sa kanya ni Grandel.
"Alam ko, Lord Raegan, pero kailangan kong salubungin sa ibaba ang Fuhrer
pagkatapos ng castigation."
Inaasahan na ni Xerez ang magaganap sa Black Pit. At bago pa man siya tumapak sa
balkonaheng iyon... bago pa man tuluyang lisanin ni Arjo ang detention cell... bago
pa man bitawan ni Arjo ang tingin nito sa kanya paglabas ng seldang iyon...
Alam na niyang masama ang balitang bubungad sa kanya paglabas niya ng kulungan.
At doon ay alam niyang wala na talaga siyang magagawa.
________________________________________

29: Life Borders

29: Life Borders

Kahit na may pagkakataon, hindi na nagawa pang silipin ni Xerez ang kapatid.
Nakatayo lang siya sa bungad na pintuan ng Black Pit habang hinihintay na matapos
ang Fuhrer sa ginagawa nito.
Wala na siyang naririnig na iyak. Wala na siyang naririnig na kahit anong ingay sa
Black Pit. Hindi na siya umaasang mabubuhay pa ang kapatid niya dahil sa ginawa
nito.
"Nakalabas ka na pala," pambungad sa kanya ni Arjo na nilalakad ang papalapit sa
pwesto niya. Iba ang aura niya na hindi sanay na nakikita ni Xerez.
"Milady," bati ni Xerez at nagbigay-galang, "ayos lang ba ang pakiramdam mo?"
"Nagagalit ka ba sa ginawa ko?" mahinahong tanong ni Arjo.
"Hindi ko alam kung dapat ba o kailangan ba, Lady Josephine. Base sa lahat ng
pagkakaalam ko, dapat ay hindi ako makararamdam ng galit kung ang pasya ay mula sa
Credo."
"Patay na si Xylamea Desimougne. At ako ang may gawa no'n."
Bumuntong hininga muna si Xerez bago sumagot.
"Gusto ko siyang isipin at ipagluksa ngunit mas nag-aalala ako sa iyo, Milady."
Inilahad niya ang palad upang paraanin ang Fuhrer. "Pagod kayo. Kailangan ninyo ng
mas maayos na pahinga."
Tumigil sa paglalakad si Arjo at tiningnan ang mukha ng Guardian niya.
"Alam kong walang hustisya ang ginawa ko sa kanya... pero mas mabuti na iyon kaysa
ikaw mismo ang gumawa."
Bahagyang yumuko si Xerez sa sinabi ni Arjo. "Pinili ko ang desisyon. Namili siya
ng desisyon. Pumili ka ng desisyon. We all have that million choices, and we
already chose one, Milady. Pinili ko ang manahimik. Namili si Xylamea na lumaban.
At pumili ka ng pinakamainam na pasya para sa aming dalawa."
Tumango na lang si Arjo at tumuloy na sa paglalakad paalis doon.
Masasabing lahat ay nagbalik na sa normal sa loob ng Citadel. Pinababa ni Arjo ang
sentensya kay Tristan kaya hindi na ito pinabalik pa sa detention cell.
Marami siyang kapangyarihan sa loob ng lugar na iyon at ngayon lang niya magagamit
ang karamihan dahil kailangan.
Seryoso siya sa trabaho ngunit laging pinangungunahan ng kawalang-gana sa paggawa
at laging inaasa ang lahat sa mga Guardians niya. Ngayon ay napipilitan siyang
kumilos nang kusa para lang hindi masira ang sistemang pinamumunuan niya.
Agad siyang dumiretso sa laboratory para i-check ang kapatid niya.
"Olive, kumusta ang lahat dito?"
Pansin ang gulat ng mga tao sa loob ng laboratory habang lumalapit siya kung saan
nakatayo ang doktor na umaasikaso sa Project Zone.
"Lady Josephine..."
"May sinabi sa akin ang isang Guardian na nakabantay rito at--" Natigilan si Arjo
nang makita ang bumangon na binatang nasa kinse ang edad mula sa mesang nasa
likuran ni Olive. Agad na tumaas ang kilay niya at inilipat ang tingin sa doktora.
"Akala ko ba inaasikaso mo ang kaso ni Zone."
"A-a-ang totoo kasi niyan, Lady Josephine--"
"Ate Arjo..." pagtawag ng binata.
Agad na ikinataka ni Arjo ang sinabi na iyon ng binata.
"Lady Josephine, buhay ang katawan pero patay na ang utak ng batang Zone. Kahit na
anong gawin namin sa kanya ay hindi na talaga siya pwedeng mabuhay. May nakita lang
kaming microchip sa brain and central nervous system ng batang Zone at mukhang iyon
ang connector niya sa isip ng Zone prototype." Tiningnan ni Olive ang binata. "
we transferred every data and informations na nasa microchip na iyon at isinalin
namin sa memorya ng binatang ito at--"
Pinutol agad siya ni Arjo sa pagsasalita. "Sino siya at kailan pa siya na-involved
sa pinatratrabaho ko sa inyo, ha?"
"A-ang totoo niyan..."
"Ang totoo niyan, isa siya sa napiling vessel ng Project Zone."
Napalingon si Arjo sa likuran niya at kunot-noo niyang tiningnan si Grandel na
naglalakad papalapit sa kanila.
"Ten years ago, habang nasa kasagsagan ng paghahanda sa Kill-for-Will Tournament
ang buong lugar na 'to, kinausap ko si Labyrinth para tulungan akong pagalingin ang
kapatid kong naaksidente at isang buwan nang brain dead sa ospital." Itinuro ni
Grandel ang binata. "He's Daemon Hawkins. Limang taon lang siya noong dinala rito
sa Citadel noon. Iyon din ang panahon na nakita ko nang personal si Daemon Hughne
Zach na tinatawag nga nilang bioweapon ng Order."
"Alam mo ang tungkol dito, Grandel?" takang tanong ni Arjo.
Tumango lang siya bilang sagot. "Ang sabi ni Labyrinth, kausapin ko si Armida
Zordick para humingi ng tulong. Nasa proseso pa ang pagsasaayos no'n ng chamber na
sana'y bubuhay sa kapatid ko kaya hindi ako umasa sa mga makina. Si RYJO ay may
kakayahang bumuhay ng patay ayon sa bali-balita kaya naniwala naman ako."
"Hindi bumubuhay ng patay ang Mama ko!" matigas na sinabi ni Arjo.
"At sinabi rin niya 'yan sa 'kin. Ang sabi niya, handa siyang tumulong pero may
problema. May Reviver man siya pero hindi iyon epektibo sa utak dahil katawan lang
ang kaya no'ng buhayin. May kilala siya na makakatulong kaya dinala ko ang kapatid
ko rito sa Citadel. Minsan nang pumunta rito ang magkapatid na Kingley at si
Mephistopheles pero masyado pang bata ang kapatid ko para makagawa ng paraan para
buhayin siya gamit ang isipan."
"N-nakausap mo si Jinrey?" tanong ni Arjo.
"Hindi ko matandaan ang mga detalyeng binanggit nila pero nangako si Armida Zordick
na bubuhayin niya ang kapatid ko basta ba makapaghihintay lang ako ng sampung taon.
Hindi niya maipapangako na ang kapatid ko pa rin ba ang maabutan ko pero sinigurado
niyang mabubuhay si Daemon." Itinuro niya ang binata. "At mukhang sigurado nga
siya."
Tiningnan ni Arjo ang binata.
"Isa pang pinagkasunduan namin... aalis ako pansamantala sa pwesto ko sa Order
habang ginagawa ang proseso ng paggamot sa kapatid ko. Ngayon ko lang naisip ang
dahilan niya kung bakit iyon ginawa... ayaw niyang may magtagal na Superior sa
pwesto na hindi niya pinagkakatiwalaan. Superior ang bumubuhay sa buong Citadel at
inaasahan niyang babagsak ito kapag walang natirang nasa posisyon. Lalo pa, nakita
niya 'kong nasa panig ni Weefee."
Hindi lubos na kilala ni Arjo si Raegan Hawkins, basta ang alam lang niya ay hindi
nito ginagawa ang trabaho bilang Superior. Ngayon, alam na niya ang dahilan. Kahit
paano'y nakilala niya ito bilang si Grandel at kung alam nito ang tunay niyang
pagkatao, pumasok agad sa isip niya na baka pakitang tao lang ang lahat ng ginawa
nito.
"Hindi ang binatang iyan ang kapatid ko," sabi ni Arjo habang tinuturo ang binata.
"At mukhang hindi na rin siya ang kapatid ko ngayon. Pero kung hindi mo siya
tatanggapin, ako na ang kukupkop sa kanya. Wala namang kaso sa akin 'yon."
"Zone..." mahinang pagtawag ni Olive sa binata na kinakausap ito habang
nagsasagutan si Arjo at Grandel. "Ikaw ba si Zone?"
Tumango naman ang binata.
"Ano ang buo mong pangalan?"
"Hwong Dae Hyun."
Napalingon agad si Arjo sa binata nang marinig ang pangalan na iyon.
"Where's Mama...?"
"He's not my brother..." Kinagat agad ni Arjo ang labi niya para pigilan ang pag-
iyak dahil hindi iyon ang inaasahan niyang resulta... kaso sa tagal ng panahon ng
pagtatangka, ngayon lang nagkaroon ng resulta ang lahat kahit hindi niya gusto.
"What's the name of your Mama, Zone?"
"Erajin..."
Napahugot ng malalim na hininga si Arjo. Nahihirapan siyang tanggapin ang
katotohanang nabubuhay ngayon ang alaala ng maliit niyang kapatid sa katawan ng
ibang tao. Dali-dali siyang naglakad palabas ng laboratoryo pero bago iyon ay
nagpahabol pa ng salita si Grandel.
"Kasama nga pala sa kasunduan namin ni Armida Zordick na kung sakaling matapos na
ang kasunduan namin... baka ang kapatid ko-- o kapatid MO-- ang paupuin niya sa
posisyon ng pagiging Fuhrer dahil hawak niya ang huling apelyido ng mga Zach."
"Wala akong pakialam. Kunin n'yo kung gusto n'yo. Ang gusto ko lang ay buhayin ang
pamilya ko." Iyon na lang ang nasabi ni Arjo bago lumabas nang tuluyan sa lugar na
iyon.
_______________________
Grandel sa media

30: Fight of the Big Boss

Hindi na nagpasabi pa si Arjo at dumiretso na lang sa saradong Jaegar Underground.


Mag-isa lang siya at walang sinuman ang sumama sa kanya papunta roon. Pansin niya
ang nag-uumapaw na katahimikan sa lugar, kaiba sa kung paano niya ito palaging
naaabutan.
Binabalot ng blangkong hangin ang loob. Lalong lumawak ang buong paligid at sa
pagkakatayo sa may balkonahe kung saan matatanaw nang malapitan ang Jaegar arena,
nakikita niya at nabibilang sa isipan kung gaano karaming tao ang gabi-gabing
pumupuno sa lugar na kasya na ang higit dalawampung libo.
Napabuntong hininga siya nang maalala ang huling laban niya. Kaya niyang ipanalo
iyon... kayang-kaya niya. Hindi lang niya alam kung ano'ng nangyari.
"Bakit ka narito?"
Kahit hindi na tumalikod si Arjo, alam niyang si Reese ang nagtanong.
"Alam mo bang hindi magandang balita ang pagpapatigil sa lahat ng transaksyon sa
mga Havenstein? Maraming grupo at Familia ang sasamantalahin ang pagkakataon. Isang
linggo lang na mawala kayo, ang isang linggo na 'yon sapat na para paguhuin ang
mundo ng mga Havenstein," sabi ni Arjo na nananatiling nakatitig sa arena.
"Superior ka, tama?" tanong ni Reese.
"Pinili ko ang posisyon pero hindi ko ginusto maging gano'n." Tumalikod na si Arjo
para harapin si Reese. Isinampay niya ang mga braso sa metal na railings ng
balkonahe at tipid na nginitian ang Boss ng mga Havenstein. "Kaya kong ibalik ang
lahat sa dati, Reese. Pero ang kapalit no'n, lalabanan ko si Amygdala. Wala si
Lollipop ngayon kaya malamang na si Charles ang gagawa ng kontrata ko." Napansin
niya ang pagbabago ng reaksyon ni Reese sa sinabi niya.
"Tinalo ka ng limang Level 4 fighters. Sa tingin mo, makakatagal ka sa Death
Match?"
"Natalo nila ako dahil masama ang pakiramdam ko," kumpyansadong sinabi ni Arjo.
"Pinartidahan ko lang sila."
Tinantiya muna ni Reese kung seryoso siya sa sinagot. "Ang gandang excuse. Still,
hindi pa rin ako papayag na lumaban ka ng Death Match."
Napangiti na lang si Arjo at saka tumango. Itinaas niya ang tingin at saka nag-isip
ng ibang bagay. "Once upon a time, there was a very beautiful princess living in a
very beautiful land..." Natawa siya sa pagsisimula niya ng kwento. "She believed
in happy ending... she believed in forever."
"I'm not a fan of fairytales, sorry," seryosong sagot sa kanya ni Reese. "Don't
give me craps like true love's kiss and happily ever after. It never exists."
Natawa naman nang mahina si Arjo. "You're aware about true love's kiss and happily
ever after, huh? You do know fairytales, hindi ka lang talaga fan." Tumango si
Arjo at inilipat ang tingin sa gilid niyang naiilawan lang ng bahagyang liwanag
galing sa malamyang ilaw sa arena. "Once upon a time in this world, a merciless
killer was born. That person was once an innocent mortal, yet the world change that
person into a ruthless monster." Huminga siya nang malalim at tinitigan ang kamay
niya. "That ruthless monster once do believed in happy ever after in this cruel
world. That ruthless monster once had a happy family while living on a fake reality
created by a very powerful mind. And, one day... just a day, everything has
changed. That ruthless monster is not the real monster but the world. That ruthless
monster didn't want to end the fake happy reality yet she had to. She killed her
whole family just so the cruel world won't make her happy ever after another
miserable world like the place she once lived in. Too bad, after the so-called
happy ending, an immortal fighter was born and solely face the cruel world. And
now... that immortal fighter wants a very memorable ending. Not happy nor tragic,
but a very memorable one."
"And your point is?"
"Rumor says that immortal fighter fights everywhere. Naghahanap kasi siya ng
makakapatay sa kanya. Interesante, 'di ba? Killing an immortal is the same as
hugging dark clouds in the sky. The idea may be impossible but it's worth to try."
"At hinahanap mo ang immortal fighter na 'yon? Dito sa Jaegar?"
" Naririnig ko ang pangalan ni Amygdala sa usap-usapan ng mga taga-Jaegar. Kaya ko
siyang labanan bukas na bukas din. Pwede na akong pumirma ng kasunduan mamaya kapag
nakausap ko si Charles."
"Sarado ang Jaegar."
"Bubuksan ko para sa Death Match."
"Hindi pa rin ako papayag."
"At bakit?"
"Wala pang nakakatalo kay Amygdala."
Napangisi nang bahagya si Arjo. "E, 'di mas maganda. Lalaban ako."
"No."
Napailing si Arjo. "Ikaw na rin ang may sabi, Superior ako. May kapangyarihan
ako." Napansin niya ang paghugot ng hininga ni Reese na agad nag-iwas ng tingin.
Basa niya sa mukha nito na natamaan ang pride nito dahil umaasa ito ng posisyon sa
Order na hanggang ngayo'y hindi pa nito nakukuha.
"Labanan mo 'ko," sabi ni Reese, at ibinalik ang tingin kay Arjo. "Kapag natalo
mo'ko sa laban, papayag akong labanan mo si Amygdala. Kung hindi mo ako
mapapabagsak, isipin mo nang wala tayong pinag-usapan ngayon tungkol sa Death
Match."
Unti-unting lumaki ang ngiti ni Arjo sa suhestiyon ni Reese. "That's a very good
deal. Tara, laban tayo. NGAYON NA." Hinawakan nang mahigpit ni Arjo ang metal
railings at itinaas ang sarili para makaupo doon. "Kapag nanalo ako, lalaban ako
ng Death Match." Pumaling siya palikod paharap sa arena.
"Kapag natalo ka--"
"Hindi mo 'ko matatalo, and I'm sure of that," sabi niya kay Reese, at agad siyang
tumalon pababa sa arena.
_____________________________

31: Losing Ground

31: Losing Ground

"Reese Havenstein..." Nakatingin si Arjo sa sementadong sahig ng Jaegar


Underground na kanyang nilalakaran. "Youngest son of Theodore Havenstein...
younger brother of King Ace Havenstein... as far as I'm concern, your father and
your brother has this... unusual kind of rivalry."
"You know nothing about my family," sabi ni Reese habang sinusundan ng tingin si
Arjo na pinapaikutan siya.
"Siguro nga, wala akong alam sa pamilya mo... pero bilang anak ng matandang
Havenstein, mas naging masunurin ka kaysa kay King. I'm thinking why must claim the
Superior position he or his child once had? You already have Jaegar and the
Havenstein Family. Ano? Gaya ka rin ba ng ibang takaw na takaw sa kapangyarihan?"
"Why are you asking me those questions, huh?"
Saglit na napangiti si Arjo. "Let's say... this is also an interview for a special
applicant." Mabilis na lumundag sa Arjo sa pwesto niya papalapit kay Reese. Isang
suntok sa dibdib ang ginawa niya at sinipa ang likurang bahagi ng binti nito
dahilan upang matumba ito sa pagkakatayo. Lumundag na naman si Arjo ng dalawang
beses paatras. "Ayokong seryosohin 'tong laban natin kasi baka mapuruhan kita."
"Ugh!" Napahawak agad si Reese sa likod niyang unang tumama sa sahig ng arena.
"Mahina ako pagdating sa pisikal na laban, pero hindi ko inaasahan na unang atake
pa lang mapapatumba na kita."
Masamang tingin lang ang ibinigay ni Reese kay Arjo habang sinusubukan nitong
tumayo ulit. "Naka-tsamba ka lang."
"Iyan ang sinasabi ng mga taong hindi matanggap ang pagpapamukha sa kanila ng
katotohanang may mas malakas pa kaysa kanila."
Nakatayo na si Reese at pinunasan niya ang dulo ng labi niya habang nakatingin nang
masama kay Arjo.
"Wala sa hitsura mo ngayon, Reese, na balak mo 'kong pabagsakin. Huwag mo sanang
isipin na dahil babae ako, hindi mo na ako papalagan."
"Don't worry, hindi ko iisipin 'yan." At dali-daling sumugod si Reese papalapit
kay Arjo. Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya. Sinalag ito ni Arjo ngunit
masyadong malakas ang pwersa na nagpaatras dito. Hindi na nakalayo pa si Arjo dahil
hinatak niya agad ang damit nito para ipalapit sa kanya. "Gusto ko tuloy malaman
kung paano kang naging Superior." Buong lakas niyang binuhat si Arjo at saka
ibinalibag sa Jaegar Arena.
Ngayon, si Arjo naman ang nakasubsob sa sahig at dumadaing ng bahagyang sakit
dahila sa pagtama ng katawan niya sa arena.
"Kung mapupurahan kita ngayon, hindi ka nga talaga makakalaban ng Death Match..."
sabi ni Reese at hinubad na ang suot niyang abuhin na leather jacket.
Dahan-dahan nang tumatayo si Arjo at siya naman ang nagpunas ng dulong labi niya.
"Kahit pa mapuruhan mo 'ko ngayon, makakalaban pa rin ako sa Death Match."
Muling sumugod si Arjo at sunud-sunod na suntok ang pinakawalan niya. Umiilag lang
si Reese sa lahat ng natatanggap niyang atake.
"Kinuha na ng Citadel ang kaibigan ko. Siguro naman alam mo 'yon." Sinalo ni Reese
ang kanang kamay ni Arjo at saka siya mabilis na pumwesto sa likuran ng babae para
i-armlock ito. Ipinagsakal din niya ang kaliwa niyang braso sa leeg ni Arjo.
"Ah--!" Nakagat ni Arjo ang labi niya dahil malakas nga talaga si Reese.
"Ilang araw ka pa lang narito sa Jaegar..."
Napapikit na si Arjo at nakikita na ang pamumuo ng ugat sa mukha at leeg niya.
Unti-unti na ring namumula ang mata niya at ilang patak na ng luha dahil sa hirap
ng paghinga ang tumulo sa kanyang pisngi.
"...pero sinira mo nang walang kahirap-hirap ang teritoryo ko."
"Argh--!" Sinipa ni Arjo ang kaliwang binti ni Reese dahilan upang mawalan ito ng
balanse at mabitawan siya. Pumaling agad siya sa likuran at buong pwersa na
pinabagsak sa arena ang Boss ng Jaegar. Sisipain sana niya ito sa bandang dibdib
ngunit nakaiwas si Reese at gumulong pakanan. Mabilis itong tumayo at binalikan na
naman si Arjo. Sinugod niya ito at niyakap sa bandang tiyan. Inangat niya ito sa
arena at saka halos ibalibag sa sahig mula sa likuran niya.
"Ugh--!" Halos namilipat si Arjo dahil sa malakas na pagkakabagsak niya sa
sementadong sahig. Napaubo siya ng kaunting dugo at napadura sa gilid. Naging
masama ang tingin niya kay Reese na pinanonood lang siyang bumangon. Hindi niya
inaasahan na magagawa ni Reese na gawin ang suplex sa kanya. Sineryoso nito na
hindi nga isiipin ni Reese na babae siya.
Sa pagkakaalam niya, may background si Reese sa wrestling kaya hindi na siya
magtataka kung ang paraan ng pagsugod nito ay mga istilo ng mga professional
wrestlers.
At sa ganoong paraan ay mahihirapan siya dahil lakas ng katawan talaga ang
kailangang gamitin sa laban.
"Kung babaldahin kita ngayon, mukhang matatahimik ako sa mga susunod na linggo,"
sabi ni Reese sa kanya.
Nakatayo na si Arjo. Kailangan niyang mag-iba ng istilo ng paglaban kundi matatalo
siya.
Inihakbang niya ang kanang paa paharap, itinaas at inilahad ang kanang kamay
kapantay sa dibdib, paharap ang palad kay Reese. Kuyom ang kaliwang kamao katapat
ng baywang at pagilid ang paling ng katawan.
"You think, matatalo ng East ang West?" tanong ni Reese.
"Sisiguraduhin kong oo," sagot ni Arjo. Isang mabagal na paghinga ang ginawa nya
na animo'y lumikha ng daan sa hangin. Gumawa siya ng iba't ibang posisyon gamit ang
kanang kamay at unti-unti'y nabubuo ang mga alikabok sa ere na nagpapakita ng
pwersa sa bawat posisyon na ginagawa ni Arjo. Ibinagsak ni Arjo ang kanang paang
nakahakbang at biglang umangat ang mga alikabok sa sahig na nakagawa ng pabilog na
hugis sa palibot niya. "Once you entered my circle," Muling dumura ng dugo si
Arjo sa gilid niya. "I'll make sure, you'll end up unconscious."
"Oh, really?" Napangisi na lang si Reese at sumugod agad. Isang suntok ang
pinakawalan niya na walang kahirap-hirap na sinalag lang ni Arjo gamit ang mahinang
tapik sa likod ng palad nito.
Sinipa ni Reese ang tagiliran ni Arjo at isang mabagal lang na paggalaw ng kamay at
mahinhing pagtabig sa binti ng Boss ng Jaegar ang nagpabagsak sa paa nito sa arena.
Malumanay na paggalaw sa hangin ang ginawa ng kamay ni Arjo at isang maliit na
galaw ang idinampi niya sa leeg ni Reese at wala pang kisap-mata'y bumagsak ito sa
arena na talo pa ang binagsakan ng tone-toneladang gamit.
Rinig na rinig sa buong Jaegar Underground ang lakas ng pagbagsak ng katawan ni
Reese sa arena.
Isang malalim at mabagal na paghinga ang ginawa ni Arjo at inayos ang posisyon ng
katawan para ipakitang tapos na siya sa pag-atake.
"Ugh! Ugh! Ugh!" Paulit-ulit na umubo si Reese. Tumulo ang dugo sa dulo ng labi
niya at bahagya siyang naluha ng may kasamang kaunting dugo sa kanang mata.
"I don't want to fight... pero pinipilit ako ng mga tao. Mabuti at wala akong hawak
na kahit ano ngayon dahil kung oo, baka may paglalamayan ang Jaegar Underground
ngayon."
Naglakad na si Arjo papunta sa hagdanan ng arena. Kinuha doon ang nilapag niyang
phone.
"Masasabi kong talo ka na. Hindi mo na kaya pang lumaban sa'kin kaya tuloy ang
Deatch Match ko bukas."
"S-Sandali..." mahinang pagtawag sa kanya ni Reese.
"Tatawag ako ng Guardian na tutulong sa iyo. Hindi kita pwedeng iwan ngayon na
ganiyan ka."
Patuloy pa rin sa pag-ubo si Reese.
"Magpatawag ka ng Guardians ngayon dito sa Jaegar. Saka magdala ka ng medic."
Pinatay na ni Arjo ang tawag at binalikan si Reese na namimilipit pa rin sa sakit.
"H-hin...hindi k-ka..."
Lumuhod si Arjo sa tabi ni Reese at dahan-dahang isinilid niya ang kamay sa likod
nito at marahan niya itong ibinangon.
"..p-pwedeng... lu-lumaban... sa..."
Bumagsak ang katawan ni Reese paharap at dumikit ito sa katawan ni Arjo.
"D-death Match..."
Rinig na rinig ni Arjo ang bigat ng paghinga ni Reese at damang-dama niya ang
napakabilis na pagtibok ng puso nito.
"Wala ka nang magagawa, Reese. Nakapag-desisyon na 'ko."
"K-kung... g-gagawin mo 'yon... h-hindi na k-kita... ta-tatanggaping p-parte ng...
Jackals..."
"Ayos lang. Hindi na rin naman ako magtatagal dito." Napahugot ng malalim na
hininga si Arjo at napayuko. "Isa pa pala... tinatanggap ko na ang pagiging parte
mo ng Citadel."
Napapikit na lang dahil sa sobrang panghihina si Reese.
"Baka lang makalimutan kong sabihin... ako nga pala ang Fuhrer."
At narinig pa ni Reese ang pag-amin niyang iyon bago pa ito tuluyang mawalan ng
malay.
_________________________

32: Fuhrer's Last Goodbye

32: Fuhrer's Last Goodbye

"Bubuksan ang Jaegar Underground bukas."


Simpleng mga salita ni Arjo ngunit sumapat na para gulatin ang mga Guardians at ang
dalawang Superiors na nasa meeting room ng Order.
"Bukas agad?" tanong ni Erish. "Bakit gano'n kabilis?"
"Kapag sinabi kong bubuksan bukas, bubuksan bukas. Tapos ang usapan. Pinatawag ko
lang kayo para malaman ninyong kung sakaling bumalik dito si Reese Havenstein,
tanggapin n'yo na siya bilang parte ng Order." Tumayo na si Arjo at tiningnan si
Grandel na inaasahan niyang magsasalita. "May sasabihin ka... Grandel?"
Napangiti na lang si Grandel dahil hindi siya tinawag ni Arjo sa tunay na pangalan
niya. "Salamat."
Bahagyang tumango si Arjo at naglakad na paalis ng meeting room. Ngunit bago iyon,
nagpahabol pa ng tanong si Grandel.
"Pwede bang malaman ang rason kung bakit nagbago ang isip mo?"
"Bumalik ka sa Jaegar bukas, malalaman mo ang sagot." At tuluyan na siyang lumabas
ng meeting room.
Wala pa siyang balita sa lagay ni Reese pagkatapos ng naging laban nila, may anim
na oras pa lang ang nakalilipas. Ngunit alam naman niyang ilang oras lang ay
magiging na agad si Reese, lalo pa't malakas ang katawan nito at nagawa pa siyang
kausapin kahit na ang ginawang atake niya'y sapat na para magpatulog ng tao.
"Arjo-- I mean... Lady Josephine!" pagtawag sa kanya ni Tristan.
Huminto si Arjo at nilingon si Tristan. Pinanood niya itong lumapit sa kanya.
"May complain ka ba?" tanong ni Arjo.
Huminto si Tristan sa harap ni Arjo at bahagyang ngumiti. "Gusto kong magpasalamat
kasi binuksan mo ang Jaegar pagkatapos ng nangyari. Saka si Reese..."
Tinapik ni Arjo ang braso ni Tristan. "Pasensya na kung pinag-alala ko kayo. Hindi
na mauulit... hinding-hindi na iyon mauulit pa kahit kailan. Anyway, it's nice
knowing you people. Lalo ka na, Tristan."
Tumalikod na si Arjo na may seryosong mukha.
"Bakit pala nagbago ang isip mo?" tanong ni Tristan.
"Bawal magtanong ang Guardians sa Fuhrer. Kung pwede man, hindi niya obligasyong
sumagot."

*****

Nakabalik na si Arjo sa kwarto niya sa Citadel. Nakaupo na naman siya sa kama niya
ngunit iba ngayon dahil nakabukas ang mga bintana ng kwarto niya na limang taon
nang laging nakasara.
"Lady Josephine," nagbigay-galang si Xerez sa kanya pagpasok nito.
"Magaling na ba ang mga sugat mo?" tanong ni Arjo habang nakatulala sa magarbong
sahig ng silid niya.
"Hindi pa lubusang magaling pero kaya naman ng katawan ko ang kumilos at gumawa ng
trabaho, Milady."
"Ibinigay ko na kay Reese ang posisyon niya, Xerez."
"Nabanggit na nga ni Ivan, Milady. Nagsisisi ka ba sa iyong desisyon?"
Sinenyasan ni Arjo na lumapit si Xerez sa kanya. Sumunod naman ito at huminto, may
isang dipa ang layo sa kanya.
"Alam mo ba ang tungkol sa Project Zone at kay Hawkins?"
"Yes, Milady."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
Napahugot ng hininga si Xerez at bahagyang napatingin sa ibang direksyon. "Milady,
hindi ako umaasang may patutunguhan ang eksperimentong iyon ni Olive dahil
imposibleng--"
"Gaano ba ka-imposible ang mga bagay-bagay rito sa Citadel? Dito ako ginawa. Dito
galing ang mga magulang ko. Dito galing ang malalaking kasalanan ng tao. Iisipin mo
pa rin bang imposible ang lahat kung nagagawa ng mga taga-rito ang imposible?"
"Patawad, Milady."
Tumayo si Arjo at tumungo sa may bintana ng silid. "Tatapusin ko na ang lahat
dito, Xerez. Lalaban ako sa Death Match ng Jaegar."
"Milady..."
"Nakakuha ako ng isang magandang alok. Pinakamagandang alok sa lahat..."
"Iiwan n'yo ba ang posisyon ng pagiging Fuhrer, Lady Josephine?"
"Iyon ang magiging resulta ng alok na tinanggap ko." Humarap si Arjo kay Xerez at
tipid siyang ngumiti. "Napapagod na kasi ako. Pagod na 'ko..."
"Milady, kung ang problema ay--"
"Bibigyan kita ng pagkakataon ngayon para sabihin ang gusto mong sabihin sa akin."
Idinipa ni Arjo ang mga kamay. "Bukas ang huling araw mo ng trabaho sa akin bilang
Guardian ko. At ngayon... bibigyan kita ng limang minuto para maging si Salvatore
Desimougne sa harapan ko at hindi bilang si Xerez na Guardian Centurion ko. At ako
naman ay magiging si Arjo Malavega sa harap mo at hindi ang Fuhrer."
"Lady Josephine..."
"Sabihin mo ang lahat ng gusto mo. Magandang bagay man o hindi. Kung may galit ka
sa akin, sabihin mo na agad at hindi ako magagalit. Kung may gusto kang gawin sa
akin, gawin mo na. Saktan mo ako, hindi ako papalag. Wala akong gagawin."
Ibinaba ni Arjo ang mga kamay.
"Inuutusan kitang gawin ang sinabi ko bilang Fuhrer. Ang limang minuto mo ay simula
na ngayon."
Sandaling tinantiya ni Xerez ng tingin si Arjo. Seryoso ito.
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya at saka tumango. Utos iyon ng
Fuhrer kaya kailangang sundin.

Apat na minuto...

"Hindi mo sana pinahihirapan ang sarili mo..." pagsisimula ni Xerez. "Alam ko


namang malaking responsibilidad ang maging pinuno ng lugar na 'to. Lalo pa, mag-isa
ka lang. Hindi ka namin masisisi kung marami kang problema, pero sana tingnan mo
naman ang buhay sa ibang direksyon. Dapat alam mo 'yan dahil kilala mo ang mga
kinalakihan mong magulang."

Tatlo at kalahating minuto...

"Maraming galit sa iyo sa lugar na 'to. Pero hindi sa dahilang gaya ng sa mga
naunang Fuhrer. Galit sila sa iyo dahil hindi mo alam ang ginagawa mo. Madalas kang
nakakulong sa kwarto. Para kang batang kailangan pang asikasuhin araw-araw. Pero
gusto ka ng lahat dahil hindi ka mahirap kausap."

Tatlong minuto...

"Nagpapasalamat ako dahil sa pagkakataong naibigay sa akin. Isang karangalan ang


makilala ka. Hindi kita nakikita bilang mataas na tao kahit pa napakataas ng
posisyon mo dahil para sa akin, isa kang babaeng pinipilit maging matibay kahit na
napakarupok na. Para kang kapatid na naghahanap ng nawawalang pamilya. Para kang
batang umaasang mahahanap ng mga taong matagal nang wala."

Dalawa at kalahating minuto...

"Kung ano man ang mga nangyari sa akin dahil sa iyo, hindi kita sinisisi sa kahit
saan doon. Tinanggap ko na ang lahat ng responsibilidad mula nang maging Guardian
mo ako. At kung bibigyan man ako ng pagkakataong mamili ng bagong Superiors, hindi
ako magdadalawang-isip na piliin ka uli."

Dalawang minuto...

Naglakad papalapit si Xerez kay Arjo. Tumayo sa harap nito, dalawang dangkal ang
layo.
"Alam kong malaking problema ako sa paningin mo dahil lahat ng lumalabas sa bibig
ko'y puro mga trabaho lang. Isa lang akong naglalakad na gawain. Lahat ng sasabihin
ko'y hindi mawawalan ng kaugnayan sa responsibilidad mo bilang Fuhrer. Ni hindi ko
magawang tanungin ka kung ano ba ang tunay na pinagdaraan mo bilang simpleng taong
marunong dinng mamroblema."

Isa't kalahating minuto...

Niyakap ni Xerez si Arjo. Napangiti siya dahil iyon ang unang beses na ginawa niya
iyon sa Fuhrer mula nang paglingkuran ito.
"Kapag nag-iisa ka sa kwartong 'to, alam kong mas malaki pang problema ang nasa
isip mo kumpara sa problema sa trabaho... sa mga oras na 'yon, gusto kitang yakapin
at samahan ka sa paghihirap mo... kahit doon man lang makatulong ako sa'yo... kaso
hindi ko iyon pwedeng gawin dahil alam kong may batas na nakapagitan sa ating
dalawa."
"Xerez..."

Isang minuto...
Bumitaw na sa yakap si Xerez at isang matamis na ngiti ang ibinigay kay Arjo. Unang
beses na ginawa niya mula nang pagsilbihan ang Fuhrer.
"Kahit kailan, hindi ko inisip na malakas ka... dahil kahit na kaya mong pumatay,
alam kong sa lahat ng tao rito, ikaw ang pinakamahina."
Hinawakan niya ang bandang batok ni Arjo at idinampi ang labi niya sa labi nito.
Sunod ay hinalikan niya ang noo ni Arjo.
"Itinuring na kita bilang bagong buhay ko... Ikaw na ang naging kapatid, anak at
asawa ko mula nang tanggapin ko ang trabahong paglingkuran ka bilang Guardian mo.
Hindi ko masasabing problema ako. Pero sana, kahit minsan lang, naging solusyon ako
sa mga problema mo."

Sampung segundo...

Lumayo na si Xerez kay Arjo. Nagbigay-galang sa Fuhrer at muling sumeryoso ang


mukha.
"Xerez," pagtawag ni Ara sa labas ng silid ng Fuhrer. "May gustong kumausap sa
iyo sa Oval."
"Tinatawag na ako ng trabaho, Milady. Mauuna na ako sa labas." Tumalikod na siya
upang umalis ngunit bago pa siya makahakbang ay kinuha ni Arjo ang kanang kamay
niya.
"Sa totoo lang, laging sumasagi sa isip ko na sana nga solusyon ka na... gaya ng
inisip ni Daniel Wolfe na sana naging solusyon siya sa lahat ng problema ng naunang
Armida."
Dahan-dahang binitawan ni Arjo ang kamay ni Xerez.
Nagtuluy-tuloy lang palabas ng kwarto ang Guardian nang hindi man lang niya
nililingon ang Fuhrer.
"Kaso alam kong hindi pwede." Ibinalik ni Arjo ang tingin sa labas ng bintana kung
saan tanaw ang magandang sinag ng papalubog na araw. "Tama nga siguro... sa
mundong 'to, may mga bagay pa rin na imposible."
____

33: Last Invitation


33: Last Invitation

Kalagitnaan ng gabi. Oras na lang ang binibilang ng muling pagbubukas ng Jaegar


Underground. Si Arjo ay nasa sementeryo ng Citadel kung saan, kasalukuyang ginagawa
ang musoleo para sa pamilya niya. Nakaupo siya sa damuhan at tinatanaw ang malawak
na langit.
Maliwanag ang buwan ngunit minsan lang namamataan dahil sa makakapal na ulap.
"Pansin ko lang, loner ka."
Napatingin si Arjo sa kaliwang gilid at nakita si Erish Grymm.
"Your family's not here, right?" Lumapit ito at umupo sa tabi niya. "Being a
Superior is not as enjoying as others imagine."
"Agree," simpleng sagot ni Arjo.
Sandaling katahimikan.
Ramdam ang lamig sa pwesto nila dahil sa hangin. Hinubad ni Erish ang suot niyang
blazer at isinuot kay Arjo na naka-blusa lang.
"Nilalamig ka ba?" Saka lang nagtanong si Erish.
"Oo."
"Bakit hindi ka nagja-jacket?"
"Gusto ko lang maramdaman ang lamig."
"Magkaka-hypothermia ka nang wala sa oras niyan..."
"E, 'di mas maganda."
Napuno naman ng pagtataka si Erish at tiningnan agad si Arjo. "Gusto mo na
talagang mamatay?"
"Kapag wala ka nang dahilan para mabuhay, gagawa at gagawa ka ng paraan para
mamatay."
"There are many reasons to live."
"And, I'm tired finding reasons."
Hinintay pa ni Erish kung nagbibiro lang si Arjo. Kaso masyado itong seryoso para
isiping biro lang ang lahat.
Napabuntong-hininga si Erish.
"Maraming iiyak kapag nawala ka," sabi na lang ni Erish.
"Sino naman? Mga Guardians? Kayo?" Umiling si Arjo. "I don't think so..."
Napakamot tuloy ng ulo si Erish. Nag-isip pa siya ng ikakatwiran kay Arjo. "My
wife died. Cardiac arrest. But, that's not the real reason..." Napatingin si Erish
sa ibang direksyon. "She was protecting Zion na hindi pa pinapanganak that time
nang mangyari ang insidente. Nadala siya sa hospital. Weak na ang katawan niya pero
conscious pa rin siya. After two weeks, nag-C section sila para lang makuha ang
anak namin. It was her due date and she's too weak to undergo normal birthing. Nag-
stay ang wife ko sa hospital ng five months. Na-coma siya after a week ng
pinanganak si Zion. After that long four deadly months, bumigay na ang katawan
niya."
Napapansin ni Arjo na bumibigat ang boses ni Erish at lumalalim na.
"My son that time needed her. I need her, too. More than anyone else in this
world..."
"Where were you that time?"
Napahugot ng hininga si Erish. "Doing stupid things. I bombed some group's
hideout. Hacked some database somewhere in this world. Everything was just a joke
for me and my wife was dealing that time on some serious matters. I regret that..."
Sa pagkakaalam ni Arjo, ang tinutukoy ni Erish ang dahilan kung bakit ito naging
Superior. Pero bago pa iyon, sa pagkakaalam niya ay may plano na noon na kunin si
Erish Grymm bilang parte ng Order.
Napaisip tuloy si Arjo na baka may kinalaman ang mga Guardians sa pagkamatay ng
asawa ni Erish Grymm.
"Kaya nga, ayokong tanggapin ang offer ng pagiging Superior." Binigyan niya ng
matipid na ngiti si Arjo. "Iba kasi ang dating sa akin. Ang reason kung bakit 'di
ko naprotektahan ang pamilya ko ang naging reason naman para makapasok ako sa lugar
na 'to. Alam ko kasi, kailangang bitawan ang pamilya at papatayin ka sa mata ng
lahat kapag naging parte ka ng Citadel. Hindi ko maiwasang isipin na parang sinadya
yata na pagkatapos mamatay ng asawa ko, saka ko nakuha ang summons."
Pasimpleng humugot ng hininga si Arjo at ibinaling sa iba ang tingin. Mukhang tama
pa ang hinala niya.
"Pero tinanggap ko pa rin," masayang sinabi ni Erish. "Nakita ko kasi sa'yo ang
sarili ko bilang asawang namatayan. Anyway, masaya pa rin mabuhay. Zion is enough."
"And, I don't have any Zion... or anybody."
"You have the world! You have your people!"
"And they're not enough." Tumayo na si Arjo at pinagpag ang damit niya. "Gusto
kong maglagay ka ng isa pang pwesto ko sa musoleum na gagawin mo. Para sa akin."
Napayuko na lang si Erish dahil mukhang hindi niya napilit si Arjo.
"If you really wanna die..." Tumayo na rin si Erish at tiningnan si Arjo. "Why
not shot your head or chop it off?"
"Did that once... didn't succeed. Caused too much trouble."
Naglakad na si Arjo paalis sa sementeryo. Iniwang mag-isa doon si Erish Grymm.
"Pay a visit on Jaegar Underground tomorrow night!" malakas na sinabi ni Arjo.
*****************
Papasok ng loob ng kastilyo ng Citadel si Arjo nang mapansin si Tristan na
nakaabang sa entrada ng lugar. Nasa likod ang mga kamay nito, gaya ng kung paano
niya nakikita ang lahat ng Guardians na handang magbigay-galang sa kanya bilang
Fuhrer. Nakasuot ito ng itim na amerikanang sukat na sukat sa katawan nito at
malayo na ito sa Tristan na nakikita niya sa Jaegar.
"It's already 1 in the morning, Ms. Fuhrer," bati nito at saka nagbigay-galang.
"And, you should be in bed, Mr. Guardian," seryosong bati ni Arjo.
"And, I should be the one saying that to you, Milady."
Sinabayan ni Tristan si Arjo sa paglalakad nang matapatan siya nito.
"Been to Jaegar. And..." Humugot ng hininga si Tristan at huminto. Huminto rin si
Arjo para abangan ang susunod na sasabihin ni Tristan. "...mukhang hindi ka niya
kinaya."
Napangiti tuloy si Arjo sa sinabi ni Tristan. "Hinamon niya 'ko. And, not because
I lose on my last fight, it also means I can't beat him. I'm in good shape and
nobody mess with the Fuhrer whose in good shape."
"And you beat him bigtime. How fondly of you, Milady." Napangiti na lang din si
Tristan at muli na naman silang naglakad.
"You should be mad because I beat him," sabi ni Arjo.
"Hindi mo lalabanan si Reese dahil lang gusto mo. Alam kong may nangyari kaya mo
siya pinabagsak sa mismong teritoryo niya." Ipinakita ni Tristan ang dalawang sai
kay Arjo. "This is a very special gift galing sa Boss ng Jaegar Underground.
Pinabibigay niya sa kauna-unahang babaeng hinamon at nakatalo sa kanya."
Napataas ang kilay ni Arjo at alanganing nginitian si Tristan. "Seriously?"
"Malaki ang value ng sai na 'to para kay Reese. Galing 'to sa mother niya." Inalok
uli ni Tristan kay Arjo ang hawak na sandata. "Maraming may gustong makakuha
niyan, kahit nga si Amygdala, pero never niyang binigay. Kaya kapag nakita iyan ng
babaeng 'yon na hawak mo, I don't know what kind of hell on earth will happen.
Anyway, kusang loob lang niyang isusuko 'yan sa taong tatalo sa kanya..."
"At marami pang pwedeng tumalo sa kanya..."
Isang ngiti na naman mula kay Tristan. "It's not about losing yesterday...
today.... or tomorrow. What I mean is... Losing and accepting it wholeheartedly.
Yung walang planong makaganti... o labanan uli. Looks like he lose to you because
he already knew he will never win."
Kinuha na ni Arjo ang sai.
"May sira yata ang mean time sa lugar na 'to. Sa labas, napakabilis ng oras, dito
sa loob napakatagal..." sabi ni Tristan.
"Kung gusto mong mag-stay sa Jaegar, sasabihin kong hayaan kang mag-stay doon."
"I'll stay wherever Reese will stay. Matagal na niya 'kong Guardian kahit wala pa
ang Citadel at ang Credo. Reese is the only family I had, and I can't afford to
lose my only family."
Napatango na lang si Arjo at napahigpit ang pagkakahawak sa dalawang sai na bigay
ni Tristan.
"You should go to sleep, Arjo... Ms. Fuhrer?"
Muling ngumiti si Arjo kay Tristan. "I will. Thanks, Tristan. I'll see you on
Jaegar Underground tomorrow night. And that's an order."
****************************
Bitbit ni Arjo ang dalawang sai niya at patungo na sa kanyang kwarto sa Citadel.
Hindi niya maiwasang titigan iyon. Wala namang espesyal sa hitsura nito, liban sa
setimental value nito kay Reese.
Napabuntong hininga siya at tiningnan ang pasilyong dinaraanan.
"Ang tagal mo namang bumalik," pambungad sa kanya ni Grandel na nakasandal sa tabi
ng pintuan ng kwarto niya habang nakapamulsa pa.
"Ano'ng kailangan mo?" tanong ni Arjo na huminto sa paglalakad.
"I didn't expect na genius pala ang kapatid mo. Para akong nakikipag-usap sa isang
seven-year old scientist na na-trap sa katawan ng isang fifteen-year old na
binatilyo."
Bumuntong hininga si Arjo at napayuko. "Zone is very smart... genius, actually."
Tiningnan uli niya si Grandel na naglalakad papalapit sa kanya. "Kapag nagsasalita
siya, napapa-nganga ako. Mahina kasi ako sa acads, talo pa niya ako. He's a very
cute kid. Medyo harsh lang magsalita pero mabait siyang bata. We used to play games
na siya lang ang nakakaintindi... para lang akong display para masabing may kalaro
siya. He really likes playing chess. And, kaya niya akong talunin sa three moves
lang." Saglit na napangiti si Arjo. "Wala akong alam na ginamit ang kapatid mo
para sa gusto ko. Kapatid mo ang binatang iyon. Sa iyo siya, pamilya mo siya....
hindi sa akin."
"Pinipilit mong buhayin ang nag-iisang pamilya mo sa mundo..." Puno ng
pagkadismaya at awa ang tono ni Grandel. "At mukhang ninakaw ko pa sa iyo ang
pagkakataong makita ulit siyang buhay..."
Pilit na ngumiti si Arjo at saka umiling. "Wala kang ninakaw sa akin. Pareho lang
tayong umaasa na baka may pag-asang bumalik sila nang buhay sa atin kahit
imposible..."
"Naging posible sa akin pero hindi sa iyo. Patay pa rin ang kapatid mo..."
Tumango na lang si Arjo at tinanggap ang katotohanang iyon.
"Erish lost his wife, still he has his son. Tristan lost his whole clan, yet he has
Reese. You, on some point lose your brother but he's alive now... And me?"
"We are your family... we can be your family... we are willing to be your family...
hindi lang ito tungkol sa dugo, Arjo. Sana isipin mo rin na sa mga panahong mag-isa
ka, hindi ka talaga mag-isa. Marami kaming nag-aabang kung kailan mo bubuksan ang
pinto para papasukin kami sa buhay mo para lang tulungan ka."
"Sana nga kaya kong buksan ang pintong sinasabi mo, Grandel... naka-lock kasi ako
sa loob. At makakalabas lang ako kapag alam ng lahat na hindi na ako humihinga
pa..."
Nagpatuloy sa paglalakad si Arjo papunta sa kwarto niya. Bago siya tuluyang pumasok
ay nagsalita pa siya kay Grandel.
"Gusto kong magpasalamat kasi nariyan kayong lahat. Pumunta ka ng Jaegar bukas,
aasahan kita..."

*********************************

Alas kwatro ng madaling araw at gising na gising pa rin si Arjo. Hindi siya
nakatulog kaya naisipan niyang tumungo sa meeting room ng Order. Sampung minuto na
siyang nanatili roon nang bumukas ito at bumungad sa kanya si Xerez na may dalang
papeles.
Parang batang nakasubsob sa mesa ang mukha ni Arjo habang bagsak ang magkabilang
kamay niya sa gilid. Hindi naiwasan ni Arjo ang mapangiti nang makita ang Guardian
Centurion niya pagpaling niya ng ulo sa kanang gilid. Hindi niya normal na ginagawa
iyon kaya napansin ni Xerez na may malaki ngang problema ang Fuhrer sa mga oras na
iyon.
"Milady, ayos lang ba ang pakiramdam ninyo?" alalang tanong ni Xerez.
"Xerez, sana nag-artista ka na lang o kaya nag-model sa magazine..." parang batang
tugon ni Arjo.
Napayuko si Xerez at nagtalo ang pag-aalala at pagngiti sa sinabi ni Arjo sa kanya.
"Milady, may ininom ba kayong alak o gamot?"
"What's with the papers?" Umayos na ng pagkakaupo si Arjo at tamad na nilahad ang
palad para kunin ang hawak ni Xerez.
"Lady Josephine, kung masama ang pakiramdam ninyo, magpahinga muna kayo,"
nagsisimula nang mag-alala si Xerez sa kinikilos ng Fuhrer.
"Papeeeeers...!" At ibinagsak na naman niya ang mukha sa mesa habang nakalahad pa
rin ang mga kamay.
Inilapag naman ni Xerez ang mga hawak sa mesa at kumuha ng swivel chair na naroon
at umupo sa tabi ni Arjo.
"Milady," kinuha niya ang nakalahad na kamay ni Arjo at ibinaba. "hindi maayos ang
pakiramdam mo. Wala ka pang tulog, alam ko. Kailangan mo nang magpahinga. Apat na
araw ka nang hindi man lang umiidlip. Hindi iyon maganda."
"Not tired."
"Lady Josephine, sana makinig kayo dahil--"
"Ssshhh!" Pinigilan niya ang pagsasalita ng Guardian gamit ang kaliwang kamay.
"Keep quiet..." Bumangon siya at pinaningkitan ng mata si Xerez. "...you're
speaking too loud. Nabibingi ako..."
Kumunot ang noo ni Xerez at hinawakan ang pulsuhan ni Arjo para alisin ang kamay
nito sa bibig niya.
"Lady Josephine..." mahinahon nitong tawag. "ano ang problema?"
Ngumuso si Arjo, bahagyang yumuko at saka parang batang umiling.
"Why are you doing this? What's wrong?" seryoso na ang tanong ni Xerez.
Umiling na naman si Arjo.
Bumuntong hininga na naman si Xerez at binitawan si Arjo. Hinawakan niya ang baba
nito at inangat ang mukha para ipaharap sa kanya.
"Milady, if you're tired... rest."
Inalis ni Arjo ang kamay ni Xerez sa baba niya at idinantay na lang niya ang pisngi
sa balikat nito.
"I will surely miss you," mahinang sinabi ni Arjo. Pumikit siya at pinakiramdaman
ang paligid.
Tahimik sa loob ng meeting room at ang tanging naririnig lang niya ay ang mahinang
ingay ng aircon at ang malakas na tibok ng puso ng Guardian. Kahit na may suot na
siyang blazer, nakakaramdam pa rin siya ng lamig, ngunit hindi na sa mga oras na
iyon dahil nadadama niya ang init ng katawan ni Xerez.
"If you want to sleep, Milady, please sleep. You regenerate your wounds,
physically. That's all. You still bleed, you know how to get tired, you know know
to get hurt. You're still a human."
"No, I'm not."
"Please sleep. Wala ka pang pahinga mula nang sumalang tayo sa castigation."
"Ikaw rin naman e... Saka may pipirmahan pa ako..." pahina nang pahinang boses ni
Arjo.
"Ako na ang gagawa. Magpahinga ka na."
"May laban pa ako mamaya..." Unti-unting bumibigat ang mata ni Arjo at
nakakaramdam na siya ng pagkaantok.
"Sleep... please." Marahan niyang tinapik ang balikat ni Arjo.
"I... can't..."
"You will."
Hindi na alam ni Arjo ang nangyari dahil tuluyan na nga siyang nakatulog sa balikat
ni Xerez.
Naramdaman naman ng Guardian na mukhang nakatulog na nga si Arjo at lahat ay dala
lang ng matinding pagod.
Binuhat na niya si Arjo upang dalhin ito sa silid ng Fuhrer.
"Xerez," pagtawag sa kanya ni Jean na bahagyang sumilip sa pinto ng meeting room.
"Nandiyan ba si--" At tuluyan na nitong ibinukas ang pinto.
"She's tired," simpleng sabi ni Xerez sa butler ni Arjo.
"I know," tumango na lang si Jean. "More than what we thought."
Sandaling tiningnan ni Xerez ang kontratang dala niya tungkol sa laban sa Jaegar.
"Ako na ang magdadala sa kanya sa kanyang silid," sabi niya kay Jean. "Saka,
hihingi ako ng pabor sa iyo: pakisunog ng kontratang ito." Itinuro niya ang mga
papeles sa mesa.
Tipid na ngumiti si Jean. "Masusunod."

__________________________

34: Manifesto

34: Manifesto

Alas siete ng umaga sa Citadel. Sumisilip ang magandang sinag ng araw sa makapal na
kurtina sa bintana ng silid ng Fuhrer. Maaga pa ring nagising si Arjo dahil sa
ingay ng cellphone niyang naiwanan niya sa ilalim ng unan.
Tamad na tamad niyang sinagot ang tawag.
"Who's this?" basag ang boses niya nang sumagot.
"Hindi ko tinatanggap ang pag-alis mo bilang Jackal."
Agad na bumangon si Arjo dahil sa narinig. "Reese?"
"Bukas na ang Jaegar."
"Good."
"Still, Jackal ka pa rin."
"No. Wala na ako sa grupo mo."
"Nasa iyo pa rin ang Jackal's Badge."
"Okay ka na agad?" pagbabago ng tanong ni Arjo.
"Don't change the topic."
"Not changing the topic, just asking if you're fine."
"Then, I'm more than fine. Bumalik ka sa Jaegar, may duty ako para sa'yo."
"May Death Match ako tonight."
"May duty ka as Jackal."
"I have a fight tonight, Havenstein."
"I'm your Boss."
"Then, I'm the Fuhrer. Deal with that."
At natahimik ang kabilang linya...
"Pupunta ako ng Jaegar tonight dahil may laban ako. Ayos na ang kontrata kaya wala
ka nang magagawa."
"Magkaiba kami ni Amygdala..."
"Hindi ko tinatanong."
"Arjo!"
Natawa nang mahina si Arjo nang marinig ang galit na boses ni Reese. "Magbe-
breakfast muna ako. Thanks for waking me up, Havenstein. I owe you one."
"Arjo, you can't--!"
Agad na pinatay ni Arjo ang tawag at muling bumalik sa pagkakahiga.
"Jean!" malakas niyang tawag. "Jeaaan!"
Bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok ang kanyang butler.
"Good morning, Lady Josephine."
"Breakfast, please."
Nagtaka naman ang butler niya sa kanyang sinabi. "Breakfast, Milady?"
"Yeah..." Bumangon na si Arjo at naglakad papunta sa closet niya.
Limang taon na ring hindi kumakain ng almusal si Arjo kaya nagtaka talaga si Jean
kung bakit humingi ng almusal ang Fuhrer.
"I'll prepare your dress, Milady," alok ni Jean.
"No need. I'll do it."
"O... kay, Milady. Anything more?"
"Just prepare my breakfast."
Alanganing tumango si Jean at naglakad na palabas ng kwarto ng Fuhrer.
Hindi nararamdaman ni Arjo ang kaba, takot, lungkot o kahit anong negatibo sa mga
oras na iyon. Nanibago rin siya kahit paano dahil nasanay siyang palaging may
mabigat na dinadala sa loob.
Iniisip niyang huling araw na niya iyon kaya sinusulit na niya ang saya.
Unang umaga mula noong nakaraang sampung taon, kakain ng almusal si Arjo... sa
umaga.
Hindi sa tanghali. Hindi sa hapon. Hindi sa gabi.
Almusal sa umaga.
Nakahilera ang mga maids sa gilid ng napakalaking dining area na handa sa kanyang
ipag-uutos. Nasa gilid niya si Jean bilang kanyang personal na butler.
"Lady Josephine, may gusto pa ba kayong kainin?" tanong ni Jean.
Tiningnan naman ni Arjo ang mga nakahain sa mesa niyang kayang pakainin ang limang
pamilya.
"Sa dami ng pagkaing nasa mesang 'to, damang-dama ko na ang huling araw ko sa
mundo."
"Milady..." pag-awat sa kanya ni Jean dahil sinabi na nitong huling araw na niya
iyon.
Isang tunog na sapatos ang narinig nila mula sa malayo at si Jean at Arjo lang ang
tumingin sa entrada ng dining room.
"Good morning, Lady Josephine," bati ni Xerez na huminto sa pintuan ng silid at
saka nagbigay-galang. Naglakad na uli ito papalapit kay Arjo at tumayo sa kaliwang
gilid nito.
"Hindi ako tatanggap ng trabaho ngayon, Xerez."
"At hindi rin ako magdadala ng trabaho sa inyo ngayong araw, Milady."
"So... what are you doing here?"
"Hindi ko alam kung sino ang nagpakalat ng balita sa Jaegar pero usap-usapan ka na
sa lugar na iyon."
Naningkit ang mata ni Arjo dahil hindi niya maintindihan ang gustong puntuhin ng
Guardian.
"Si Arjo... Usap-usapan ang laban ni Arjo ngayong gabi sa Jaegar kay Amygdala.
Pasensya na, Milady, hindi ko napigilan nang maaga ang pagkalat ng balita."
"Aahhh... so... alam nilang lalaban si Arjo na fighter sa Jaegar tonight for Death
Match?"
"Yes, Milady."
Unti-unting lumaki ang ngiti ni Arjo at sumubo ng kinakain niyang pancake. "Grand
opening nga ang mangyayari sa Jaegar today." Tumawa siya nang mahina at pinunasan
na ang bibig niya. "Jean, thanks for the breakfast."
"You're welcome, Milady."
Tumayo na si Arjo at tinapik ang balikat ni Xerez. "The pressure is on. Thanks for
the news. Samahan mo 'kong mag-jogging."

*******************

Maraming nagtataka sa ikinikilos ng Fuhrer sa araw na iyon. Iniisip tuloy ng iba


ang dahilang tatlong Superior ang agad-agad na nailagay sa pwesto sa isang pikitan
lang.
Tama nang dahilan upang isiping mababawasan na ang trabaho ng Fuhrer na dekada na
rin niyang hawak mag-isa.
Sa kasalukuyan ay nagjo-jogging siya sa kahabaan ng malawak na hardin ng Citadel.
Unang beses na nag-jogging ang Fuhrer sa loob ng Citadel mula nang umupo ito sa
pwesto.
"Why did you wake up early, Lady Josephine?" tanong ni Xerez na nakasunod lang kay
Arjo.
"Bawal ba magising nang maaga?" tanong ni Arjo.
"No, but you need proper rest, Milady."
"As far as I can remember, puro ako rest nitong mga nakaraang taon. And, besides
mas marami na akong time for resting kapag patay na ako. I can sleep all day, wala
nang gising-gising, kaya hindi ko kailangan ng pahinga ngayon."
Bumuntong-hininga si Xerez at bahagyang umiling. "Milady, that joke is not funny.
Don't force yourself too hard."
"Xerez..." Huminto si Arjo at humarap sa Guardian niya. Nagpameywang siya at
tiningnan ito.
"Yes, Milady." Hinarap din siya ni Xerez.
"I'm gonna die tonight."
"That's not gonna happen."
Dahan-dahang ngumisi si Arjo para asarin ang Guardian niya. "Mami-miss mo ba 'ko
'pag wala na 'ko rito?"
Nanatili ang seryosong mukha ni Xerez.
Nakangisi pa rin si Arjo. "Wag ka mahiya magsabi ng yes, tayo-tayo lang naman ang
nandito."
Nanatili pa rin ang seryosong mukha ni Xerez.
Unti-unting nawala ang ngisi ni Arjo at napalitan ng pagkadismaya. "Oo na, sige
na, forget it. Ang KJ mo, tss." Kumilos siya na parang tutuloy sa pag-jogging pero
kasabay ng paghakbang niya'y isang malakas na sipa ang ginawa niya upang patamaan
si Xerez sa tagiliran nito.
Seryoso pa rin ang mukha ni Xerez nang saluhin niya ang paa ni Arjo na tatama sana
sa bandang tadyang niya. Walang kahirap-hirap niyang ibinaba ang paa ni Arjo
pabalik sa lupa at isang mahinang tapik sa balikat ang binigay niya sa Fuhrer
dahilan ng pagkawala nito sa balanse at pagkatumba sa lupa.
"Aww!" Napahawak si Arjo sa bandang puwitan niya na unang bumagsak sa kanya. "Why
did you do that?!"
"Paano ka lalaban sa Death Match kung kahit ako lang, hindi mo pa kayang
patumbahin?"
"Madaya ka naman, e!"
"Sino ang naunang umatake, Milady?"
"Madaya ka pa rin! Bakit ka lumaban?"
"Hindi kita nilabanan, Milady, dumepensa lang ako." Inalok niya ang kamay niya
upang itayo ang Fuhrer.
"Tss, alam mong susugod ako, 'no?" Kinuha niya ang kamay ni Xerez. "Madaya." At
dahil wala siyang balak magpatalo, sinipa niya ang kanang binti nito at umasang
tutumba rin ito gaya niya.
Sa kasamaang palad, nabigo siya sa balak dahil hindi man lang natinag si Xerez sa
atake niya. Hinatak na lang siya nito nang pwersahan upang tuluyan siyang makatayo.
"Ikaw ang madaya sa ating dalawa, Milady." At isang ngiting nanunuya ang ibinigay
niya kay Arjo. "Hindi na nga ako pumapalag, hindi mo pa rin ako napabagsak."
"Bakit hindi ka bumabagsak?!" reklamo ni Arjo sa Guardian.
"Paano guguwardiyahan ng isang Guardian ang isang Superior kung simpleng atake
lang, mapapabagsak na siya?"
"Tao ka pa ba, Xerez?"
"Kulang ka pa sa training, Milady. Hindi mo matatalo si Amygdala kung ganiyan ka
lalaban."
Umirap lang si Arjo. "Tss, akala mo naman nakalaban na siya ng Death Match..."
bulong niya na narinig naman ni Xerez.
"Produkto ako ng Jaegar Underground, Milady. Hindi pa Havenstein ang may hawak sa
lugar na iyon noong mga panahon ng pananatili ko roon. At apat na beses ko nang
natatalo si Amygdala." Tinapik niya ang balikat ni Arjo para patuluyin ito sa
pajo-jogging. "Limang ikot pa para makondisyon ka."
Kunot na kunot naman ang noo ni Arjo nang tingnan si Xerez. "Apat na beses?!"
"Hindi ako mapipiling Centurion dahil lang kadugo ko ang mga nauna sa akin, Milady.
Tumuloy ka na sa ginagawa mo."
"What the hell, Xerez! Wala bang hall of fame sa Jaegar Underground? Bakit hindi
kita nababalitaan doon?!"
"Sapat na ang katahimikan ng mga tao para sabihing sikat ako kapag tumatapak ako sa
Jaegar arena. Pinagbawal na sa lugar na iyon ang pagbabanggit sa pangalan ni
Salvatore Desimougne bilang dating humahawak sa titulo ng pinakamagaling na
manlalaro ng Jaegar Arena bago si Amygdala pagkatapos kong hirangin bilang bagong
Guardian Centurion ng Fuhrer."
Hindi naiwasang matitigan ni Arjo si Xerez habang nakaawang ang bibig nang maalala
nang bumaba ito sa Jaegar arena noong laban niya at napansin niya ang pagtahimik ng
lahat sa mga oras na iyon.
Naalala niyang wala man lang pumigil kay Xerez o nagtangkang maghamon dahil sa
ginawa nitong pag-alis sa kanya sa gitna ng laban.
"Limang ikot pa, Lady Josephine."
"Last question..." mahinang sabi ni Arjo na hindi pa rin inaalis ang titig kay
Xerez.
"Yes, Milady."
"Ikaw ba ang dating fighter ng Death Match bago si Amygdala...?"
Inilahad ni Xerez ang palad patungo sa daan ng hardin na iikutin pa ni Arjo.
"Limang ikot at magpahinga ka na, Milady."
"Answer me, Xerez. That's an order."
"That's half a decade ago, Milady." Isang tipid na ngiti mula kay Xerez. "And
another five rounds of jogging for you."
"No shit! So, kapag napabagsak kita ngayon, mapapabagsak ko na si Amygdala?"
"At hindi mo ako napabagsak."
"Hindi ako seryoso sa pag-atake!"
"Pero seryoso kang gusto mo 'kong pabagsakin at hindi mo nagawa, Milady."
Naningkit bigla ang mga mata ni Arjo at dinuro si Xerez. "Tatapusin ko ang five
rounds na 'to at magtutuos tayo mamaya."
Tumango lang ang Guardian sa kanya. "As you wish, Milady."
_____________________________

35: Fuhrer and Centurion

35: Fuhrer and Centurion

Hindi intensyon ni Xerez na labanan ang Fuhrer at alam niyang bawal labanan ang
Fuhrer sa batas ng Citadel; liban sa isang rason, maaring labanan ng kahit sinong
Guardian ang namumuno ng Order kung ito ang mismong magi-initiate ng laban.
At si Arjo ang nagsimula kaya walang magagawa si Xerez kundi tanggapin ang hamon.
Suot ni Xerez ang abuhing amerikana bilang uniporme niya sa pagiging Guardian
Centurion habang si Arjo naman ay sweatshirt, fitted pants at rubbershoes ang suot.
Nasa loob sila ng isa sa pitong gym sa loob ng Citadel na bihira lang bisitahin ng
mga taga-roon. Nakatayo sila sa gitna kung saan madalas pagpraktisan ng mga nagma-
martial arts.
"Bakit hindi mo sinabi sa'king galing ka ng Jaegar Underground?" tanong ni Arjo.
"Hindi ninyo tinanong, Milady. Alam ninyong hindi magsasalita ang mga Guardians
kung hindi kami tatanungin."
Lalong sumama ang tingin ni Arjo kay Xerez. "Damn that rule."
"And besides, Milady, I'm just your Guardian." At isang matamis na ngiti ang
ibinigay ni Xerez kay Arjo. "Nothing more."
"And you are too perfect to be JUST a Guardian." Sumugod na si Arjo para patamaan
si Xerez. Isang suntok ang binigay niya rito na wala namang kahirap-hirap nitong
sinalag. "I'll take this fight very seriously!"
"Then I won't," simpleng sagot ni Xerez at kinuha ang kanang pulsuhan ni Arjo.
"You want to play, Milady...?" Isang may pwersang tapik ng palad ang ibinigay niya
kay Arjo sa itaas ng dibdib nito, sa ilalim ng lalamunan. "I'll challenge you. Get
out of this gym before midnight."
Binitawan niya si Arjo at agad itong napaluhod sa rubber mat na kinatatayuan nila.
"Ugh! Ugh! Ugh! Hagh--!" Naghabol agad ng hininga si Arjo dahil talo pa niya ang
binarahan ng daanan ng hangin dahil sa ginawa ni Xerez. "I-I have a... a fight!
Hagh--!"
"If you can't beat me, then you'll never beat Amygdala."
Isang masamang tingin agad ang ibinigay ni Arjo kay Xerez.
"You can't kill me with those glares, Milady."
"You're a demon..." Mabilis na tumayo si Arjo at humugot ng malalim na hininga.
"I'm still the Fuhrer."
"Lord Adolf onced tried to kill the first Guardian Centurion of Citadel..." kwento
ni Xerez. "Ah! Wrong... always tried to. But he never won."
Pumosisyon para umatake si Arjo. Ikinuyom ang magkabilang kamao, pumagilid ng tayo
at kinalma ang sarili.
"Frederico Decavalcante is a very fine man. A doctor of Philosophy, son a rich
merchant, creator of famous perfumes in the world, charming enough to have people
without wanting them to do so. And Adolf Zach never wanted that..."
"Argh!" sumugod na si Arjo at sunud-sunod na suntok ang ginawa niya. Iwas lang ang
ginawa ni Xerez kahit nakikita niyang oras na matamaan siya ng kahit isa sa mga
suntok na iyon ay may tiyansang mapabagsak siya dahil sa lakas ng binubuong pwersa.
"And one time, Frederico Decavalcante can't withstand what Adolf Zach was doing,
so..." Sinalo niya ang magkabilang kamay ni Arjo at sinubukang tuhurin ang Fuhrer
sa sikmura ngunit hindi nito itinuloy. "He asked Lord Adof what's the point of all
those insecurities." Binitiwan niya ang kanang kamay ni Arjo at tinangkang birahin
ang leeg nito gamit ang gilid ng palad ngunit hindi na naman itinuloy. "Lord Adolf
answered 'You already won the war without even entering the battlefield. And, I
hate losing a war I never had a chance to fight.'" Binitawan niya ang kaliwang
kamay ni Arjo at humirit ng uppercut na hindi na naman niya itinuloy. "I can cut
your breathing with just three moves. You're always an easy kill for me... Milady."
Lumayo sandali si Xerez at tiningnan si Arjo na hindi man lang nakakilos sa pwesto
nito. Nakikita niya ang mukha ni Arjo na pawisan at makailang beses na napalunok.
Kitang-kita niya ang kaba at takot sa mga tingin nito.
"If you wanted to die, I can do the honor. If you asked me before to kill Xylamea
Desimougne for you, I'll kill her without any hesitation-- disregarding the blood
connecting between the two of us. I was trained to kill, I was trained to protect,
I was trained to lead, I was trained to be a Guardian. If I did my job ten years
ago, you should'nt have been here today leading this world we're in. Lei did her
job, yet get killed because of the negligence of the former Fuhrer."
Alam ni Arjo na hindi seryoso si Xerez sa mga ginawa niya, pero sapat na ang mga
hindi natuloy na mga atakeng iyon para takutin siya. Hindi pa niya alam kung ano
ang magiging resulta kung tuluyang tumama ang mga atakeng iyon sa katawan niya.
Dama niya ang panginginig ng tuhod niya sa mga oras na iyon at sigurado siyang
isang maling kibot lang, babagsak na naman siya.
"One of the requirements of this position I'm in is humility-- which Xylamea didn't
possess. And that's the reason why she has Amygdala... to beat me. Bad news for
her: I'm a no-loser type." Lumapit na siya kay Arjo at inayos ito para makatayo
nang tuwid. "Hindi ka naman natatakot sa'kin niyan, Lady Josephine..."
Hindi sumagot si Arjo... hindi siya nakasagot dahil talagang natakot siya kay Xerez
at sa mga HINDI-NATULOY na ginawa nito.
"Hindi na kita pipigilang labanan si Amygdala. Matigas ang ulo mo kaya kahit pa
pigilan kita, tutuloy ka pa rin."
"You're daunting..." mahinang sinabi ni Arjo habang nakatitig sa kalmadong mukha
ni Xerez.
"It's already lunch, Milady. Are you hungry?"
"You can't cook... can you?"
"I do cook. What kind of cuisine?"
Agad na nagbago ang timplada ng mukha ni Arjo na kulang na lang sabihin niyang may
hindi pa ba kayang gawin si Xerez.
"I can't believe your just my Guardian..." napailing na lang si Arjo sa
katotohanang iyon at agad naglakad palabas ng gym na iyon. "I can't accept your
position. If I had another summons card, I will definitely give it to you."
Inayos na lang si Xerez ang suot niyang bahagyang nagusot at sinundan palabas si
Arjo.
_______________

36: Jaegar Battle Part 2

36: Jaegar Battle Part 2

Alas otso nang gabi nang muling makatapak ng Jaegar Underground si Arjo. Doble ang
ingay noon 'di gaya ng dati. Nakasuot ng itim na jacket ng Jackals si Arjo at
nakatakip ang hood nito sa ulo niya. Walang nakakilala sa kanya pagpasok niya sa
Jaegar, at sa mga oras na iyon ay kasama niya si Xerez bilang Guardian Centurion
niyang bumibisita sa Jaegar Underground.
At gaya ng balita ni Xerez, umaalingawngaw ang pangalang ARJO sa iba't ibang sulok
ng Jaegar sa mga oras na iyon.
Kilala nila ang pangalang Arjo bilang fighter na lumilibot sa buong mundo para lang
maghanap ng laban. Hindi para sa premyo kundi sa mismong labanan lang.
"The name's a fame, Milady," mahinang sinabi ni Xerez habang naririnig na
isinisigaw ng karamihan ang pangalang 'Arjo'
"Infamous enough."
"The 'infamous' word is for bad people only, Lady Josephine..."
"And I'm supposed to be bad." Tumungo silang dalawa sa opisina ng Boss ng Jaegar.
Binuksan ni Xerez ang pinto para kay Arjo at bumungad sa kanila ang grupo ng mga
Jackals-- kasama si Tristan at Grandel sa loob.
"A grand reunion," mahinang sabi ni Arjo at naglakad na papunta sa harapan ng mesa
ni Reese. Nakasunod pa rin sa kanya si Xerez na sinusundan naman ng tingin ng ibang
Jackals.
"Manifestations of worst entities are in Jaegar right now," sabi ni Yulance.
"And, I'm in Goddamn hell on fucking Earth."
"Sa pagkakatanda ko, may laban ako ngayon," pambungad ni Arjo sa kanilang lahat.
"You lied on telling us you're not a fighter," sabi ni Dwight kay Arjo.
"I'm no fighter," simpleng sagot ni Arjo.
"Not a fighter pero kilala ka ng lahat ng pumunta rito bilang fighter sa iba't
ibang lugar."
"I don't consider myself a fighter. Seeker lang ako, hindi fighter. Anyway, may
ilang oras pang natitira bago ang Death Match. Would you mind if I talk to Jaegar's
Boss for a minute?" tanong ni Arjo.
Tinantiya siya ng tingin ng mga naroon.
Ilang sandali pa'y tumayo na rin ang mga Jackals para pagbiyan ang hiling niya.
"Xerez," mahinang tawag niya.
"Yes, Milady."
"I have a plan..." Saglit siyang ngumiti at tinapik ang braso ni Xerez. "I'll
open my forbidden gate tonight." Itinuro niya ang pinto ng opisina. "Join the
others."
"Lady Josephine..."
"Out, Xerez. That's an order."
Isang buntong hininga na lang ang nagawa ni Xerez at tuluyan nang lumabas ng
opisina.

_____________________________

Pinipigilan ni ang pagngiti habang nakatingin sa Boss ng Jaegar Underground.


"Akala ko ba wala na ako sa grupo, ha?" mapanghamon tanong ni Arjo. Tinaasan pa
niya ng kilay si Reese at nginisihan.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin kung sino ka talaga?" Pigil ang galit ni nang
sabihin iyon. Pinatutungkulan, hindi lang ang pagiging Fuhrer ni Arjo kundi ang
pagiging fighter nito sa iba't ibang lugar.
"Why? May pinagsisisihan ka na ba, Reese?"
Kitang-kita ang panggigigil ni Reese na umabot na sa puntong nabasag na niya ang
hawak niyang basong may lamang alak. Saglit na natawa si Arjo sa reaksyon niya.
"Anyway," pagpapatuloy ni Arjo, "tinawagan na ako ni Charles. May kontrata tayo
at marunong akong sumunod sa kasunduan. Lalabanan ko ang alaga ni Lolli sa last
fight. Hindi ko iyon tatakbuhan."
Kumunot lang ang noo ng Boss ng Jaegar sa sinabi ni Arjo.
"Malapit na ang Annual Elimination. Sa tingin mo ba hahayaan ka ng mga Superiors na
lumaban sa isang Death Match, hmm?" tanong ni Reese.
"Hindi nila ako hahayaan, pero wala silang magagawa..." Tumayo na si Arjo sa
kinauupuan niya at nginitian si Reese. "Amygdala's a super soldier. Kung siya na
ang perpektong player para sa lahat ng mga bidders ng Jaegar, ngayon pa lang
sinasabi ko na sa iyo, maswerte ang susugal sa panig ko." Naglakad na siya papunta
sa pinto ng malaking opisina ni Reese para kausapin si Xerez na nakabantay sa
labas.
"Arjo, sandali!" Kinuha niya ang braso ni Arjo para pigilan sa pag-alis. Isang
masamang tingin ang iginanti nito sa kanya. "Hindi mo lalabanan si Amygdala.
Magpapakamatay ka lang!"
"Matagal na akong nagpapakamatay, Reese. Napakatagal na panahon ko nang ginagawa
iyon." Tinabig niya ang kamay ni Reese at nagpatuloy sa paglabas ng opisina.
"Arjo!"
Bumungad kay Arjo si Xerez at nagbigay-galang. "Lady Josephine, kaya kong gawan ng
paraan ang plano mo."
Tuluy-tuloy na naglakad sa hallway ng Jaegar si Arjo papunta sa balcony ng fighting
ground. "Hindi mo na kailangan pang gawan ng paraan, Xerez." Tumalon siya at
tumapak sa marmol na railings ng balkonahe. Hinarap niya si Xerez nang nakangiti at
inilipat ang tingin kay Reese na nakasunod sa kanya at kitang-kita ang pag-aalala
sa mukha. "I forgot to say, Reese!" Lalong lumaki ang ngiti niya nang idipa ang
mga kamay sa hangin. "I'm the rumored immortal fighter," pagtutukoy niya sa
kwento niya nang maglaban sila nito. "Wish me die tonight!"
Tumalon niya sa hangin pabaliktad at pinanood sa ere ang napakaraming tao na
manonood sa inaabangang Death Match ng Jaegar Tournament na binubuksan lang kapag
lalaban si Amydala-- ang Jaegar's Queen.
Umalingawngaw ang napakalakas na hiyawan sa buong arena.
"ARJO! ARJO! ARJO! ARJO!"
Halos dumagundong ang sahig na pinaglapagan niya nang tumapak na ang mga paa niya
sa arena. Unti-unti siyang tumayo nang diretso at isang mapagmataas na tingin ang
binigay sa tinatawag ng lahat na life crusher ng Jaegar-- si Amygdala.
Hindi napakalaki ng katawan nito gaya ng iniisip niya at nakasuot lamang ng micro
mini shorts, bra at napakataas na heels.
"You look cheap," pambungad nito kay Arjo habang nakapameywang pa.
"At least, I'm not as bitch-looking whore as you are right now." Isang mapang-asar
na ngiti ang binigay ni Arjo kay Amygdala nang bigla itong sumimangot dahil sa
binitawan niyang salita.
Mabilis nitong hinugot sa belt ang dala niyang latigo. "Prepare to die, stupid
bitch."
"Gusto ko kung paano mo paalalahanan ang sarili mo, Amygdala. Sige, sasabihan ko
rin ang sarili kong maghanda sa kamatayan mo para fair ang suporta. Gusto mo pa ng
cheer ko?"
Napansin niya ang pagtahimik ng paligid nang ilabas niya ang gagamiting panlaban sa
pinagmamalaking manlalaro ng Jaegar.
Sabay-sabay na bulungan ang nangibabaw sa pandinig ni Arjo.
"Natalo niya ang Boss ng Jaegar?"
Lalong sumama ang tingin ni Amygdala kay Arjo nang makita ang dalawang sai na hawak
niya.
"Wala pang nakakatalo kay Reese," galit nitong sinabi.
Napangisi si Arjo. "Bad news, bitch. Meron na. O? Lalabanan mo ako o makikipag-
tsismisan ka pa?"
Ipinaikot ni Amygdala sa ere ang latigo niya at pinuntirya ang bandang ulo ni Arjo.
Sinalo ni Arjo ang latigo dahilan para magkalatay ang palad nito. Hindi niya
binitiwan ang latigo at buong higpit itong hinatak. Pinakawalan niya ang isang sai
na hawak para puntiryahin si Amygdala sa katawan.
Inilagan lang ni Amygdala ang lumilipad na sandata at bumaon ito sa sementadong
pader ng Jaegar arena.
Muli, dumagundong ang malakas na sigawan at kalampag sa Jaegar Underground.
Binitawan ni Aygdala ang latigo niya at mabilis na nilapitan si Arjo. Kinuha niya
ang leeg nito gamit ang magkabilang kamay at buong lakas na inangat sa sahig ng
arena.
"I'm gonna tear your body apart, bitch!" malakas na sinabi ni Amygdala.
Hinawakan ni Arjo ang mga pulsuhan ni Amygdala at itinaas ang ibabang parte ng
katawan niya. Ipinalibot niya sa itaas na parte ng katawan ng kalaban ang mga binti
niya at buong lakas niyang itinulak ang sarili paibaba, maihagis lang si Amygdala
papunta sa arena.
Napuno na naman ng sigawan ang buong lugar.
Parehas na nakahiga sa sahig ang dalawa ngunit mas mabilis na nakatayo si Arjo.
Hindi na niya hinayaang makatayo pa si Amygdala. Dinaganan niya agad ito sa bandang
tiyan at paulit-ulit na sinuntok sa mukha.
Mula sa malayo ay nanonood ang mga orihinal na Jackals at pinagmamasdan ang Death
Match kung saan mas nakalalamang si Arjo sa kasalukuyan.
"She do fights," sabi ni Dwight.
"Hindi na ako magtataka kung mapapatay siya ni Amygdala. Pero kung mapapatay niya
si Amygdala..." paghinto ni Yulance.
"This might be one of those best fights ng Jaegar Underground," sabi ni Grandel sa
kanila.
"Wala ka bang balak pigilan siya, hmm?" paghahamon ni Tristan.
"Narito si Xerez kaya malamang hindi na..." Nginitian lang nila ang isa't isa sa
birong iyon.
Pagbabalik sa laban...
Basag na ang kamao ni Arjo at pati na rin ang mukha ni Amygdala. Ngunit mas dama ni
Arjo ang sakit kumpara sa kalaban niya.
Tumawa nang mahina si Amygdala. "My nerve endings are burned, bitch. I can't feel
any pain anymore." Sinabunutan niya si Arjo at siya naman ang pumaibabaw rito.
"Now, it's my turn!" Isang suntok ang binitawan niya na nailagan agad ni Arjo.
Nanlaki lang ang mga mata ni Arjo dahil nabasag ng kamao ni Amygdala ang sahig ng
arena na sumalo ng suntok.
"Oh, shit!" buong lakas na itinulak ni Arjo si Amygdala at mabilis siyang gumapang
para makalayo rito. Hirap pa siyang makatayo nang mas maayos dahil sa pagpapanic
para makuha ang isa sa mga sai na hawak niya kanina.
"And, where do you think you're going, bitch?!" Nakuha agad ni Amygdala ang leeg
ni Arjo mula sa likod at buong pwersa itong pinaluhod sa arena.
Tumiim ang bagang ni Arjo dahil sa ginawa ni Amygdala. Buong higpit niyang
hinawakan ang braso nito mula sa likod at ibinaon ang kuko niya sa balat nito.
"Argh!" Puno ng pwersa niyang binalatan ang braso ng kalaban niya hanggang sa
gumapang sa sarili niyang braso ang dugo nito.
"It won't do you any good!" Kinuha ni Amygdala ang likurang parte ng suot ni Arjo
na v-neck at buong lakas itong ibinato sa pader ng arena.
"Ugh! Ugh! Ugh!" Napaubo ng dugo si Arjo dahil sa lakas ng pagkakatama ng katawan
niya sa pader. Pinunasan man niya ang bibig niya para alisin ang dugo ay mas lalo
pang kumalat ito dahil duguan na rin ang braso niya.
"This is a Death Match!" malakas na sabi ni Amygdala. "It's either you die... or
we'll go back to square one!"
Kumunot naman ang noo ni Arjo nang makatayo uli. Hindi niya naintindihan ang ibig
sabihin ni Amygdala sa square one.
"I'ts over, Arjo..." Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa kanya. "And, we
already had an agreement..."
"W-what agreement?" Pumosisyon na agad si Arjo para lumaban. Itinaas ang
magkabilang kamay nang nakalahad para umatake sa iba pang paraan.
"Oh, yeah... what agreement?" Isang ngisi ang nagawa niya. "You'll face the
end..." Talo pa niya ang lumipad sa bilis ng paglapit niya kay Arjo. "Facing me
is the end..." Kinuha niya ang kwelyo ng damit nito at halos ibalibag niya si Arjo
pabalik sa gitna ng Jaegar Arena. Muli niya itong pinaluhod sa harapan niya. "I'm
Amygdala... and I'm the end."
Hinawakan niya ang noo ni Arjo at sa isang iglap, pinuno ng liwanag ang paningin ni
Arjo. Para siyang binulag sa mahabang sandaling iyon.
Wala siyang nararamdaman...
Wala siyang naririnig...
Wala siyang nakikita...
Blangko ang paligid.
Ilang sandali pa'y biglang lumamig.
Napabangon agad si Arjo at hingal na hingal na tiningnan ang buong paligid.
Madilim, wala siyang makita liban sa kakaunting mga liwanag.
"No... no... w-what's... what's h-happening...?" Mabilis ang galaw ng mata niya.
Hindi makali ng titingnan. "Where am I?!"
"A-are you alright?" tanong ng lalaki sa harap niya.
"Ah!" Halos mapaatras si Arjo dahil sa gulat. "W-who are you?!"
At biglang bumukas ang ilaw.
"Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" tanong nito.
"X-xerez?"
"I'm sorry... h-hindi ako si Xerez."
"P-pero..." Tiningnan pa niya ito nang maigi at napansing bata ang mukha nito
kumpara sa nakasanayan niyang hitsura nito. Hindi rin ito nakasuot ng uniporme ng
Guardian Centurion. Kumunot bigla ang noo niya dahil itim ang amerikana nito gaya
ng mga simpleng Guardian. At may napansin siyang kakaiba. "Y-yung nasa..."
Itinuro niya ang dibdib niya at pagkatapos ay ang dibdib ng lalaki.
Tiningnan ng lalaki ang tinutukoy ni Arjo. "Oh, uh... isa 'tong--"
"Crest ng mga Zach," sagot ni Arjo. "Guardian ka ng mga Zach."
"Uhh, yes."
"Salvatore Desimougne?"
"Y-yes..."
"And... what are you doing here?"
"Uhh, a-actually, Ma'am, I'm guarding you."
"For?"
Napatingin muna sa ibang direksyon si Salvatore bago sumagot. "Dahil ipinag-utos
ni Lord Ricardo na bantayan kayo."
"Ricardo.... Richard Zach?"
"Yes, Ma'am."
"May ranggo ka as Guardian?"
"I-I'm a newly appointed Guardian, Ma'am."
"Where am I... and what am I doing here?"
"Ma'am... it's uh... you're uh... you're in Grei Vale hospital and--"
"Sav, any news here--?"
Napanganga na lang si Arjo nang makita ang taong pumasok sa loob ng kwarto.
"Oh, thank God! You're awake!"
Agad na tumulo ang luha ni Arjo.
"Papa..."
______________________

Epilogue

Epilogue

"Kaya kong buhayin ang buong pamilya mo kung susunod ka sa lahat ng sasabihin
ko..."
Hindi ko talaga maintindihan ang tinutukoy ni Amethea sa mga oras na iyon, basta
ang alam ko... nakipagkasundo ako.

"Labanan mo si Amygdala sa isang Death Match..."


"Papatayin ba niya ako?"
"Bubuhayin ka uli niya..."

Nakikita ko ngayon si Papa sa harapan ko... buhay... kausap si Xerez-- o si


Salvatore Desomougne.
"Kapag dumating ang asawa ko rito, sabihin mong ayos na si Arjo," mahina ngunit
narinig kong sinabi ni Papa.
"Yes, Milord."
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari... kung bakit buhay si Papa... kung bakit
narito si Xe-- Salvatore Desimougne bilang bantay ko... hindi ko alam.

"Kung gagawin ko iyon, matatapos na ba ang lahat?"


"Milady, ayos lang ba ang pakiramdam mo?"

Alam kong naririnig ko ang boses ni Xerez nang mga oras na iyon kung nasaan kami
nakakulong bilang sumasalang sa castigation pero hindi ko pinansin.

"Iyon nga ang katapusan ng lahat. Dahil iyon ang dapat maganap..."
"Si Zone. Papayag ako kung mabubuhay mo si Zone."
"Anong oras siya nagising?" tanong ni Papa.
"Limang minuto bago kayo dumating, Milord," sagot ni Salvatore.
Nakaupo lang ako sa hospital bed habang pinanonood si Papa at ang kilala kong Xerez
sa may pintuan.
Hindi ko alam kung panaginip lang ba ito o ano... dapat ba akong matuwa?
Mukhang tapos na sila dahil papalapit na si Papa.
"Arjo, anak..." Umupo si Papa sa tabi ko at hinawi ang buhok ko... gaya ng lagi
niyang ginagawa noon...
Noon.
"Saan ba kayo nagpunta ni Zone, ha? Kung hindi pa kayo nakita ng mga..." Natigilan
si Papa. At kahit di siya magsalita, alam ko ang tinutukoy niya.
Pero wala akong balak sabihing mga Guardians iyon dahil ang alam nila, hindi ko
alam na mga Superiors sila... at alam ko ring binitawan ni Papa ang pagiging Fuhrer
niya.
"Pa..." Umaapaw ang luha ko sa mata. Ang hirap nila pigilan.
"Tsk," pinunasan ni Papa ang mga luha ko. "Huwag ka nang umiyak... Hindi bagay sa
prinsesa ko ang umiiyak." Nginitian muna ako ni Papa bago niya ako yakapin.
"Pa... akala ko di na kita makikita ulit..."
Mainit... Tama ba na nararamdaman ko ang init ng yakap ni Papa sa panaginip?
Totoo ba ang tapik niya sa likod ko? Kasi nararamdaman ko...
"Josef," bungad ni Mama sa pintuan. Lumayo agad ako kay Papa at mabilis na
nagpunas ng luha.
"Jin." Tumayo na si Papa at lumapit kay Mama. May ibinulong siya rito na hindi ko
narinig. Lumabas na lang si Papa nang di man lang nagpaalam sa'kin.
Iwas ang tingin ko kay Mama. Pakiramdam ko pagagalitan n'ya ko.
"Dinala mo ang kapatid mo sa HMU sa kalagitnaan ng gabi, tama ba 'yon, ha, Arjo?"
Sabi na nga ba...
T-teka...
HMU?
"Kung hindi ka pa nakita ni--" At hindi na naman nila itinuloy ang dapat nilang
sabihin.
Galit na naman si Mama... lagi na lang siyang nagagalit sa'kin.
Lumapit na siya at umaasa akong mapagbubuhatan niya ako ng kamay... o papatayin
niya rin ako... gaya ng ginawa niya kay Kuya.
"Nakita na si Ana..." sabi ni Mama.
"S-si Ana..." Napayuko ako dahil oo... nakita na si Ana. At naroon ako nang
mamatay siya. At si Uncle Riggs ang pumatay sa kanya. Na sana'y ako--o kaya si Kuya
ang nakagawa.
"Magpahinga ka na... bukas, ilalabas ka na namin dito."
"Ma..." Alam ko, wala akong karapatang magsalita pero kailangan kong intindihin
ang sitwasyon. "Sana lang alam ko kung ano ang nangyayari ngayon kasi gusto kong
magtanong, kaso..."
Umupo si Mama sa tabi ko at nakita ko na naman nang mas malinaw ang mukha niya.
Ang mukhang minsan ko nang kinatakutan... at hiniling na sana makita ko uli.
"Ang mahalaga maayos kayo ni Zone at nakita na si Ana. Magpahinga ka na..." Si
Mama na ang naghiga sa akin sa kama at kinumutan pa ako.
"Ma... buhay ba si Zone?"
"Buhay si Zone. Nasa kabilang kwarto lang siya."
"I want to go home..."
"Tomorrow, we will."
Tomorrow, we will.
Tomorrow...
We...
Will...
"I miss you, Ma."
Pumunta na lang si Mama sa may pintuan nang hindi man lang ako sinasagot.
Gaya ng nakasanayan ko... matigas talaga si Mama pagdating sa akin.
Pinatay niya ang ilaw sa kwarto at inaasahan kong pagsasarhan lang ako ng pinto...
pero may sinabi pa siya bago tuluyang umalis.
"I'm glad nothing bad happens to you. I'll make sure those people who tried to
kidnapped my children will pay for what they'd done."
Iisipin ko sanang biro lang 'yon kung di ko lang nakilala si Mama.
Kinuyom ko ang kumot ko at pumaling sa gilid. Sandali akong pumikit at sinubukang
pumunta sa Terminal.
Wala.
Wala akong makita...
Kakaiba.
Dumilat agad ako.
"Bakit hindi ako makapasok sa Terminal?"
Narinig kong bumukas uli ang pinto ng kwarto kung saan ako naroon. Akala ko si Mama
uli kaso mali ako.
"She's awake."
"Of course, she is. Can't you see, stupid?"
"How's your life now?"
Bumangon agad ako at nakita silang tatlo.
Oo... silang tatlo.
"Jocas, Erah, Jin."
"Kilala pa rin niya tayo," sabi ni Jocas na nakasandal sa pintuan.
"Ay, hindi halata!" bulyaw sa kanya ni Erah.
"Buti at nagising ka na," sabi ni Jinrey sa'kin.
"Patay na ba 'ko?" tanong ko.
"Mukha bang patay ka ha?" sarcastic na tanong sa'kin ni Jocas.
"Huwag mo siyang intindihin, Arjo," sabi sa akin ni Jin. "Lumampas ka na sa
limitasyon ng kahit sino sa amin. Wala nang ibang nagawa si Amygdala kundi
pabalikin ka."
"Hindi naman kasi dapat talaga mangyayari iyon kung hindi siya kinontrol ni
Edreana," sabi ni Erah. "Alam ni Josef ang problema sa kanila at ngayon, look at
everything! Kaya nga sila pinaghiwalay, 'di ba?"
"A-anong meron kay... kay Ana?" tanong ko.
"Nakita namin lahat," sabi ni Jinrey.
"Alam namin ang lahat," dagdag ni Erah.
"At kung ano man ang lahat ng iyon, hindi iyon totoo," pagtatapos ni Jocas.
Kahit di na ako magsalita, alam nilang nalilito ako. Hindi ko nga kasi
naiintindihan.
"Binuksan ni Edreana ang Terminal. Pinigilan ko siya sa pagbubukas no'n at nagawa
ko, pero huli na dahil nakapasok ka na sa limitasyon ng kakayahan ko," sabi ni
Jinrey sa'kin.
"Minsan nang nakalagpas si Erajin sa limit ni Jin at iyon ang dahilan kung bakit
Jocas alter ang humawak ng katawan niya sa loob ng limang taon," dugtong ni Jocas.
"Si Amygdala rin ang nagbalik kay RYJO noong panahon ng Annual Elimination."
"Sampung taon ang binilang mo sa Terminal, Arjo. Napakahabang sampung taon at
mabuti dahil napigilan ni Amygdala ang paglagpas mo sa panibagong limitasyon ng
Terminal," pagtatapos ni Erah.
"K-kilala n'yo si Amygdala?"
"Jinrey and Amygdala... dalawa lang sila sa napakaraming mga bantay ng Terminal.
And, you reached Amygdala's End," sabi ni Jocas.
"Patay na ba 'ko...?" tanong ko.
"Buhay ka na," pagsasabay nilang tatlo. "And, we are here para sabihing itikom mo
ang bibig mo sa lahat ng nakita mo sa loob ng Terminal. Kung ano ang nalaman mo,
ang nakita mo, ang naramdaman mo, dapat ilihim mo iyon. Maraming alam si Erajin...
kasingdami ng nalaman mo habang nasa loob ka ng Terminal kaya sana, SANA, kumilos
ka ng naaayon sa nagaganap."
"Tinatakot n'yo ba 'ko?"
"Natatakot ka ba?" tanong nila.
Natatakot ba ako?
Pagkatapos ng mga nalaman, nakita at naramdaman ko, matatakot pa ba ako?
"Hindi na," sagot ko sa kanila.
At malamang, ganito ang nangyari kay Mama. Aalisin ng Terminal ang takot mo dahil
para kang dinadala ng lugar na iyon sa ibang dimensyon. Ipapakita ang totoo at nasa
iyo na lang kung paano iyon ililihim.
Siguro nga, tapos na ang lahat. At panaginip lang pala ang lahat.
Mahabang sampung taon ng bangungot at panaginip.
Napakahaba nga kung bibilangin. Pero araw lang yata ang binilang ko sa tunay na
mundo.
At bagong araw na naman... gaya ng nakasanayan ko. Mabilis ang oras at parang
nasisira ang timelines ko.
Nag-ayos ako ng sarili para umuwi.
Umuwi... saan?
Nag-aayos ako ng mga damit ko nang marinig ko ang boses na 'yon.
"Hoy, panget, pwedeng bilisan."
Napatingin agad ako sa may pinto at nakita si Kuya na nakasandal sa may pinto at
nakapamulsa.
"Kapag pinagalitan ako ni Mama dahil sa kabagalan mo, kukutusan talaga kita."
Napangiti na lang ako at ibinato sa kanya ang bag na naglalaman ng mga gamit ko.
"Isusumbong kita kay Papa!" bulyaw ko sa kanya.
Walang hirap niyang sinalo ang ibinato kong bag.
"Sumbong mo, tss." Lumapit na siya sa akin at hinatak ang buhok ko.
"Kuya!" Tsk! Napakasiraulo talaga niya kahit kelan!
"Bagal mo, e."
"Bakit ansama ng ugali mo?!"
"Bakit ang kupad mo?" Inakbayan niya ako at binigyan ako ng kutos. "Kupad!"
"Kuya!" Pilit kong inalis ang braso niya sa leeg ko kaso 'di ko nagawa. Kinaladkad
niya lang ako papunta sa hallway ng ospital.
"Ma! Pa!"
Natigilan lang ako nang makita ko sila...
Si Mama...
Si Papa...
Si Zone...
At si Ana...
...ang buo kong pamilya na naghihintay sa dulo ng pasilyong nilalakad namin ni
Kuya.
"Bilisan n'yo! Magluluto pa ako," tawag sa amin ni Papa.
Siguro nga, maraming problema sa pamilyang nakikita ko ngayon.
At matagal nga ang sampung taon para sa aming lahat.
At kung ano man ang nakita ko, ano man ang nalaman ko, ano man ang naramdaman ko,
sa akin na lang iyon.
"Nandiyan na!" masaya kong sinabi at hinatak na si Kuya palapit sa kanila.
Totoo man 'to o hindi, alam ko nang hindi lang ako simpleng dalaga. Dahil wala
naman talagang simple sa buhay ko.
Dahil ako si Arjo... anak ni Erajin at Josef. Kapatid ni Max, Zone at Ana.
Isa akong Malavega at dapat lang na manatiling lihim ang kung ano man ang
itinatagong sikreto ng aking buong pamilya.

WAKAS

Black Web's Creator

Ganda ng title ng author's note ko noh? Bwahahaha!


Wag mag-alala, konti lang AN ko, tinamad na ako mag-type.
Ending na ba?
Oo, ending na.
Fact: Continuation ang epilogue ng chapter kung saan nakidnap sila Arjo, Zone at
Edreana sa Secrets of the Malavegas.
Opo, malaking maze ang series ko :)
FAQ:
May book 14 ba?
Ans: WALA.
May bagong book ba?
Ans: WALA
May karugotng ba ang Amygdala's End
Ans: WALA
Balik book 10 ako. Or tatapusin ang kay Harmonica na Mystery/Horror na malapit na
rin ang ending. Tapos yung kay Lacsamana.
Walang ka-labtim si Arjo, bitter ako. Di kelangan ng labtim sa isang action story.
Ano ang ibig sabihin ng epilogue? Bakit parang bumalik?
Ans: Intindihin n'yo na lang... magulo talaga utak ko.
Wala akong bagong story kaya tatapusin ko na mga on-goings ko.
MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG SUMUBAYBAY NG PUMOPOREBER STORY NA ITO.
Patipid nang patipid mga authors' note ko hahaha!
Di ko na kayo kayang pasalamatan isa-isa. Lampas na kasi kayo sa bilang ng daliri
ko sa kamay.
Free softcopies are available on The NEW-ly Weird page sa fb.
Add me on facebook, paki-hunting na lang si Elena Buncaras. Ayan, binabanggit ko na
ang name ko... wag matakot i-add ako dahil mabait ako! proven na 'yan! Wag din
mahiya o sabihing sorry po FC, nakow! sarap nyo yakapin isa-isa pramis!
Anyway, kasi pag ako inaatake ng kaabnormalan, pinagtitripan ko mga nagpi-PM sa
akin sa fb na nagtatanong kung ako ba author ng TNW. Gaya nung nakaraan... di niya
alam na ako pala author ng series, kung anu-ano sinabi hahaha! Di na ako nireplyan
pagkatapos kong gatungan mga sinabi niya sabay hirit ng "oo nga pala, baka
makalimutan ko, ako pala si Lena0209. :) May kabaitan ka sana, kinulang nga lang.
Don't worry, di ako galit. Love na nga kita, pwede ka ligawan?"
Bwehehehe...
Di ako masamang tao. Pramis. ^_^
Thank you again! Labyu, guys!
#ProudWeirdo!

Next Book

Oooh, may next book...

Akala nila book 14 siya hehehe...

NO

Advice: Bumalik po sa Book 10. Nandoon po masasagot ang katanungang...

SINO SI AMYGDALA?
Read the latest update sa Hunting Project RYJO, magkaka-idea na kayo.

You might also like