You are on page 1of 20

Kumpisal

ni Norma O. Miraflor
Ikatlong gantimpala 1972

....At ang bawat puso't isipan ay sumigaw: kalayaan, tunay na

kalayaan!

Ali nga siguro ang panhik ko nang bahay, wala sa tyempo: wala nang

tubig sa balde e wala pang mainit na kape sa mesa. Ang hirap pa nga

e wala pa ang nagnobena kong nanay. At eto nga naman akong

parang prinsipeng papanhik na pasipul-sipol pa. Ano nga naman, para

maghapunan?

Inspirado ang tatay ko. Medyo nakainom at para sigurong naliliyo.

Ako ang napagdiskitahan at binuntunan ng sama-ng-loob. Wala nang

sermon ngayon, balita ko nga kina Nitong, diretso na lang agad sa

pagtatakwil ang ginawa. Sumpa kaagad. Sabi ng tatay ko basta raw

mula ngayon, 'ala na' ko sa kanya,' ala na taw siyang pakialam sa

akin.

"Hawa naman." pakli ni Nitong." sinabi mo sanang galing ka sa DG,

ipinaliwanag mo sanang walang masama ro'n."


"Ulol," pakli ko naman,"di naulit pa ang sumpa kung tumira pa ko?

Baka tinotoo na. Lasing na nga't liyo, sasabihan mo pa ng DG?"

"Ikaw siguro ang hawa," puna naman ni Bing, "kung matino sanang

isip ni mang Merto e do'n mo ipinaliwanag ang mga ginagawa natin. Di

naman siguro natin maitatawa na sa nga gusto natin.e kasali siya."

" Lahat naman sila,," sunngab naman nitong si Fred na ang dating

plano ay mag- William Wordsworth ng Pilipinas, "lahat naman sila e

kasama sa mga gusto nilang mangyari."

Kami raw ay isang klase ng mga makatang nangangarap, anang

mga reaksyunaryong di man kapitalista ay nangangarap na ganoong

uri ng antas ng pamumuhay.

Paglaya mula sa pagkaalipin. Pag- angat mula sa pagdarahop, sa

pagsasamantala ng mga gahamang naghahari-harian. Paggapi sa mga

uring sumisipsip ng dugo at tumatapak sa maliit. 'yon lahat ang ibig

namin: kaligayahang tunay, sabi nga, katiwasayan na hindi joke only,

yung paglayang walang halong bola, 'alang presyo ng parity ng mga

kano,' yong talagang para sa atin, ating-atin.


"O di ba," muling ungkat ni Fred na tila yata naibigan ang nasabi

niya, "di ba kailangang tanggapin niya na malaki ang bahagi nila sa

lahat ng ibig natin?"

Nininila na. Hindi si Mang Merto na lang kundi sila. 'dangan kasi'y

pare-pareho ang mag pinag-ugatan namin: small fry, sabi nga, 'ala

kang itulak-kaibigan. Pare-parehong estero eskandalosa ang tanging

pabangong kaya namin at lumaki sa tumbang preso, sa public

natutong sumamba sa mga makatang puti, sa Slip-zero na rin na

naging tagaigib ng tubig na pampaligo ng mga maharlikang ate namin

na sa kabila ng putik at halimuyak ng estero ay nakukuha pa ring

mag-asal glamour girls.

Sa mas maigsi at mas mapaklang pangsasabi, walang pakinabang

sa 'min ang mga "matitinong" babae na nangangarap na trahe de

bodang idinesenyo ng kung sinong sikat na bakla, brilyanteng

singsing, bungalow at nakaunipormeng yaya para sa mga anghelitong

anak. Walang dreamboat sa 'min, dreamboy, prince charming dahil sa

dream at charm, kasama lagi ro'n ang kislap ng kaharian na ni hindi

namin makita maging sa aming pinaka-nagwawalang pagmumuni-

muni. Si Nitong ba e pwedeng prince charmng sa naroroon at tikikhu-

tikho na sa hika e kailangan pang manganing-baboy para sa mga

alaga ng nanay niya? Kung si Bing naman, anong klaseng dreamboat


ang iniuutusan ng nanay niyan maghanap ng kung anong

katarantaduhang dahon sa patyo ng Quiapo na gagamitin pala sa

paglalaglag ng batang di na kayang isksik sa entresuwelo ni Aling

Edeng? At si Fred/ naturingan ngang may ilalabas sa pagsulat pero

pwede kayang dreamboy ang anak ng kabit ng pulis/ at ako? Tomador

ang ama, baon sa benyte por syento ang ina.

"pesteng buhay ito," sabi ng tatay ko. Halos wala na raw siyang

makain, ni hindi man lang daw siya magkaroon ng pag-asa.

Sasagot sana 'ko. Sasabihin ko sana, kami nina nitong, "'tay, may

nakita nang pag-asa." pero lango ang tomador at walang nakikitang

tama ang tatay ko kapag naumpisahan na ang drama niya.

"Alang pag-asa." patuloy niyang hinagpis.

Masakit na dagil iyon dahil patama sa 'kin. Ako ang pag-asang

sinasabi niya, ang pag-asang papuslit-puslit at minamabuti pang

magdemo at magpiket kaysa magsilbing pag-asa ng ama. Ang isip

siguro ng tatay ko, ba't kaylaswa ng asal ko, ba't kaya minamahalaga

pa ng damuhong anak niya ang pyudalismo? Mas mahalaga kaya ang

imperyalismo sa kanya?
Punong-puno na raw siya sa 'kin kaya magsuot na lang daw ako

kung saan ko ibig. Magpakabulok daw akong mag-isa.

Lumagok ako ng tubig. Inis at awa ang damdamin ko sa tatay ko.

Sabi ko nga sa nana ko noong minsan, di bale na lang, pareho na lang

nila' kong maintindihan balang araw.

Kaya nga pag galit na si itay, shut up na lang ako. Kaya nang

sabihin sa akin na lumigpit ako't baka lang ako tamaan e bumaba na

nga lang ako ng bahay. Balak ko sanang hintayin ang nanay kong ang

pag-asa ay idinidikta naman yata na Baclaran.

"talagang hawa." segunda ni Nitong, "ang ermat ko rin, tingin sa

akin, negosyo niya. Ako ang pag-asa dahil umaasang magtatapos

ako't magwa-white collar job sa kung saang air-conditioned na opisina.

Buwan-buwan nga naman e mgbabayad ako sa kanya ng buwis. Di

may tubo na siya? Hawa naman talaga ang pag-asang ganoon"

Babasaging pag-asa nga. Mabuti para sa ilang taon. Ang unang

problema ay kung papaano kong masasabi sa mga tatay ko na ibang

klaseng pag-asa ang kailangan namin. , hindi ang klase ng pag-asang

nakita nila sa katauhan ni kuya Nestor o ni Ate Emma at ngayon ay


pinagpipilitang makita sa akin. Diploma, kaunting trabaho, kaunting

intrega hanggang makabingwit ng asawa. gusto kong maintindihan

nila na nakakabanas ang pag-asang ganoon.

Madalas ikatkat sa akin mg nanay ko-sa'n daw ang tungo ko? Sa'n

lupalop daw? Kahit saan, gusto ko ngang sabihin, kahit saang lupalop

basta doon lang sa hindi ako tuturingang iskwater o alipin, doon sa

sigurado kong hindi ako magugtom kahit hindi ko himurin ang palad

ng kung sinong naghahari-harian.

Tinuran ko iyon minsan. Sabi ko nang minsan kaming nag-uusap

nang matinuan,

'pagod na 'ko sa Slip Zero, nay"

"Kaya nga mag-aral ka," sunngab naman agad, "para matapos ka't

pare-pareho tayong makinabang. Pagod na rin ako, Ernesto, sa

kapapalista sa tindahan, baka akala mo."

Ayon na nga. Akala ng nanay ko(at ng tatay ko at mga utol ko) e

pagod lang ako sa gegewang-gewang naming kaharian sa Slip Zero.

Ang akala nila e gusto ko lang umukupa ng isang nakakayanig na

apartment sa Mabini at mag-asal prinsipe habang nakikinig ng stereo.


Kaya nga raw magtapos ako para kung may diploma na 'ko, pwede na

'kong bumangga sa mga kapitalista marahil sa Makati at pwede ko

nang magamit ang nalalaman ko para mag-pr kaya sa kanila. Tiyak na

tipak nga naman ako kung ipag-lo-lobby ko, halimbawa, ang intires ng

kung sinong hari. E ano nga naman iyon sa bayan? Iimik ba ang

bayan? Tatanghoy ba? Aanghal ba ang bayan, tulad ng pag-angal ng

tatay ko?

"Magpakaulol ka sa lansangan," hiyaw ng tatay ko," tatanggapin

lang kita kapag nagkamuwang ka na."

Bagamat hindi patapos ang salitang iyon, nakakapundi rin.

Makalagok lang ng kape ang tatay ko at maisuka lang ang demonyong

ininom niya, medyo maaalala niyang bunso nga pala niya akong anak.

Ang nanay ko naman ang babagsakan at duweto na nila akong

mumurahin habang iniisip kung saang lupalop na naman ako

napasuot.

Kina Nitong ang bagsak ko, sa pugad ng mga nagkakamuwang na

barkadang tubong Torres. Sa aming pangkat, si Nitong, bagamat

hikain, ang medyo may ibubuga kung ang pansikmura lamang ang

pag-uusapan. May maliit na imprenta ang tatay niya at may kung ilang
alagang baboy si Aling Anching. Sa lahat sa amin ay si Nitong lamang

ang nakakaalam kung anong klaseng paraiso ang monthly allowance.

Kami nina Bing ay salat, minsan may baon, minsan wala. Lumng

istorya sa amin sa ang kalam ng sikmura tuwing recess at hawa rin sa

amin ang hambog na amagdadala pa ng coke sa editorial room kung

saan naman sikat itong si Fred na ang pampalubag-loob sa buhay ay

pagiging patnugot sa Torch.

Sa maliit na silid ni Nitong na kanugnog ng imprenta kami

nagpupulong, nag-uusa, nagpupunahan. Doon unang tinira si Bing

tungkol sa hilig sumulat ng mga pipitsuging tula na bagamat ayaw

niyang aminin ay alam naming alay niya ro'n kay Teresita na laging

namber wan sa klase namin sa history dahil talaga namang parang

loro kung magmemorya ng mga pangalan ng mga gobernador-

heneral. Dito na rin kami nag-aaral. Katakut-takot na magasin at libro

na ang nahiram ni Nitong. Lumipat-lipat sa amin sina Abaya, si Recto,

si Constantino, si Guerrero. Minsan ay dumadayo kami sa hq sa

kabilang ibayo at doon nakikipagtalakayan. Nagiging malinaw na sa

amin ang tunay na kalagayan ng bansa , ang sosyo-ekonomikong

bahagi, ang tagilid na kaayusan kung grasya ang pag-uusapan . Hindi

maitatwa sa amin ang katotohanang nobenta porsyento ng bansa ang

hilahod ang kalagayan. Hindi kami nahirapang maintindihan ang


tunggalian ng mga uri dahil mula't sapul ay kasama nga naman kami

sa pakikibaka."sabagay," sabi ng barkada, huwag ka na lang

makipagtalo sa tatay mo, magkakaintindihan din kayo balang araw."

Hanggang saan nga naman kami makakarating kung makikimura

rin ako? Iniisip ko na lamang, nagkakalyo na lamang sa hirap ang mga

magulang ko at sa pananaw nila ay diploma at empleyo lamang ang

maaring magligtas sa akin. Hindi maabot ng pananaw na iyon na

kapag lumagpak ako sa kung saang opisina ay maaring matangay ako

sa tukso ng bagong sapatos at maraming kurbata at sa pagkakatangay

ay tuluyan kong malimot na kailangan di nilang umalsa mula sa putik

na pinagkatandaan. Hindi ko dapat sisihin sila kung mababaw man ang

kanilang pagkakaintindi sa mga bagay-bagay: hinungkag iyon ng

kawalan, sinira ng pngangailangan. Pilit komg isinasaisip kapg

nagmumura na ang tatay ko: hindi kami ang magkalaban, hindi sila ni

Inay ang dapat kong labanan. Kaya nga kapag hindi ko na matiis,

bumababa na lang ako ng bahay, katok kina Nitong at doon na

nagpapalipas ng gabi. Mas gusto ko pa kapag ganoon ang nangyayari

dahil nagkakaroon ng laman ang takbo ng oras.

Umandap-andap ang gaserang nakapatong sa mesa ni Nitong.

Kapag lampas na ang ikasiyam, ang gaserang regalo ni Aling A nching


ang gamit namin. Panay kasi ang ang daing nito tungkol sa presyo ng

Meralco, kaya inawitan na nga ni Nitong ang gaserang ginagamit

lamang tuwing may bagyo at nawawalan ng koryente. Okey din naman

si Aling Anching . Ang katwiran nga ay mabuti nang sa bahay na nila

kami magbumabad kaysa iisip-isipin pa niya kung saang lupalop

nasuot ang bugtong na anak.

"Ikaw," minsan ay ungkat ni Bing, " kaya mo bang talikuran ang

inay mo?"

Bagamat si Nitong ang tinatanong, napabalikwas ako. Ang nanay

ko: subsob sa makina para may maitubos sa nautang noong ikasal si

kuya Nestor. Anong tatalikuran ang pinagsasabi ni Bing? Tuwing

magwawagayway ako ng bandila, tuwing magtataas ako ng plakard,

tuwing kasama ako sa martsa, kasama ko ang hinagpis ng nanay ko at

ng mga tulad niya, nakikita kom ang pagngangalit ng mga ugat sa

kamay niya. Ang pagtalikod ay paglimot. Hindi nawaglit sa isip ko

minsan man ang singaw ng estero.

" yung bahaging pisikal lamang ang sakop ng tanong mo," ani

Nitong.
Hindi umimik si Bing. Mula ng samahan ko siya sa Quiapo para

bumili nga ng mga dahon para sa nanay niya ay hindi na siya nag-

iimik. Maya-maya, umunat siya sa sahig at inunan niya ang mga bisig.

"ang putla na ng nanay ko." aniya

Walang gatol ang tanong ni Fred. "Naglaglag na ba?"

Walang gatol din ang sagot ni Bing. "Dinudugo pa siya,"

Maliwanag na gumiti sa isip ko ang entreswelo ni Aling Edeng.

Parang ginalugad na lata ng sardinas. Sa gitna, si Aling Pining,

dinudugo, putlang-putla.

Parang nangangarap si Bing nang muling magsalita. "ilan kaya ang

tulad ng nanay ko, ha?

Marami kami, alam namin iyon at ang dami namin, ang aming

lakas. Talos din namin na kami ang bumubuo ng katotohanan, hindi

ang mga alagad ng kristal na daigdig ng mga hiyas at kopita at tawang

aral, pilit. Katotohanan ang lusak sa estero, ang panghi mg aming mga
kusina. Katotohanan ang kalam ng sikmura, ang hapdi ng isang

hinaharap na kung hindi ipakikibaka ay walang ipinangangako kundi

patuloy na pagkaalipin. Ang dami namin ang bumubuo ng bayan: ito

ang aral na tumino sa kaisipan namin nina Nitong, ang daming kapag

naipon ay maaring magtayo ng isang sandigang tunay na para sa

lahat.

Hindi lamang iisang hukbo ang maaari naming itayo kung pipisan-

pisanin ang aming mga hinampo: hindi lamang si Aling Pining ang

naglalaglag ng sanngol na di na niya kayang pasusuhin at isiksik sa

dilim ng entreswelo, hindi lang si Aling Anching ang namamayagpag sa

pag-aalaga ng kung ilang baboy para maangat lang nang bahagya sa

amin. Hindi lang ang nanay ko ang maglamay man sa pananahi ay

baon pa rin sa utang, hindi lang ang nanay ni Fred ang kumabit sa

pulis dahil natukso sa kislap ng mga palamuting hindi niya kayang

bilhin. Libu-libong tulad nila ang patuloy na sinisipsip ng isang

sistemang para lamang sa iilang pinagpalang-uri. Hindi maikukubli ang

bagay na 'yon at hindi namin ikukubli: dapat bang ikahiya ang

katotohanan? Hindi ba dapat ipaglaban ang katotohanan kahit sa

anong paraan?

Ang ganda, at ang saya kapag nagkataon.


Buhos na rito ang loob ko. Pumasok dili ako sa klase kaya nga

naisumbong na 'ko sa prinsipal. Bakit daw, sabad naman nitong

guidance counselor, sayang daw ako, sayang naman daw ang IQ ko.

Bakit daw? Ipapako ko ba ang sarili ko sa loob ng isang silid na

pinupuno ng baluktot na katwiran at maling paniniwala? Dumating daw

ang mga kastila at hinandugan tayo ng krus. Di salamat pero di ba

nagpapasasa naman dito ang isang katerbang katolikong puti? Di ba

naman nabusog nang husto ang nga prayle sa lupa at napataba ang

mga heneral nilang angkat? Dumating daw ang mga kano at binigyan

tayo ng katarungan. Pero di ba pinalitan natin iyon ng buong

pagmumukha yata ng bayan ng ? Di ba buong puso nating niyakap

ang malakolonyal na pananaw na itinuro nila sa atin? Di ba patuloy na

nagpapakamatay tayo para maipanalo lamang ang mga pakialaming

digmaang pinapasukan Amerika?

"Lintik na kano ," sabi ni kuya Nestor at simula nang magsimula sa

nasabing pwesto ay wala na lang akong narinig kundi mura para sa

banyagang panginoon . Nakatapos ng komersyo, nakapasa sa CPA at

ngayon nga ay kampon ng kung sinong Jack. Para sa nakakakilala sa

amin, asensado na ang utol ko: umuupa sa isang apartment sa Ortigas

at nakapag-asawa ng isang empleyadang mainam magbihis, mukhang


mahal, may panlasa. Kaya nga tuwing dadalaw ang kuya e lalo akong

natatabunan: 'Ala raw aasaahn sa 'kin dahil' ala raw akong pangarap.

Sa kahusayan tuloy ng lagay ng utol ko, libre na siyang sumumpa sa

harap ng mga magulang namin.

"Sinuswerte talaga," giit niya.

"Ba't naman," putol ng tatay ko na pumasok mula sa batalan.

"Kumukulo ang dugo ko sa Jack na yan," pakli ni kuya Nestor.

"Ba't nga," muling ungkat ni Itay.

Paasik ang tugon. " Tagakwenta' ko ro'n, " Tay. Di ako messenger

na sisigawan kapag di ko naidaan ang kung anong katarantaduhan sa

hawak niya.

Waring nadagil ang nanay ko. "sinisigawan ka ba?"

Nakatitig si kuya Nestor sa bestidong pinapasada ng nanay.

Pumiksi si Itay dahil marahil napansing mataman akong nakikinig.


"husto na iyan," saway niya, "dadalaw ka ba rito paar umangal?

Pinalis ng Inay ang buhok mula sa noo. "kumusta si Zeny? Ang

mga bata, nagngingipin na raw."

Umungol lang si kuya Nestor.

Binagtas ni Itay ang maliit na sala at tinungo ang pinto.

"Tigil na 'yan , Nestor," utos niya, "may pamilya ka na."

Hindi na niya marahil narinig ang muling pag-uungol mg kuya.

"ayon na naman," sambit ng nanay.

Lumang istorya nga. Lango na naman si Mang Merto nang umuwi.

Medyo nagtatrabaho pa ang ispiritu ng demonyo sa utak nito nang

mangyari ang disgrasya kinabukasan . Ito na nga ang umaga ng tula.

Hindi ko na nagisnan ang nanay ko na sa loob-loob ko nga ay baka

ngapunta lang sa kung sinong isip burges na magsusukat ng


pinatahing damit. Nakakahiyang banggitin ito pero kailangan kong

tanngapin na sa bahay namin ay talagang api-apihan kadalasan ang

kababaihan. Madalas nga, pinupuna ko ang sarili ko kapag nagisnan

kong wala na si Inay pero may naiwang almusal sa mesa. Nadodoble

kong wala na si Inay pero may naiwang almusal sa mesa. Nadodoble

pa ang inis ko sa sarili ko kapag nakitang nakatimbwang din at

lumiban sa pabrika ang tatay.

Pamura akong titindig, tuloy sa pagligo, at bababa ng bahay. May

tapang ba 'kong sikmurain iyong hindi dapat sa aking inaasal?

Magutom ka, batugan, sabi ko sa sarili, sabay layas.

Nang umagang ito nga, mataas na ang araw at marami na ang

taong nagkalat sa labas nang maisip kong dumayo naman sa Torres

para hiramin na iyong libro para sa report na inaamag na ng

pagkalate. Nasa puno na 'ko ng hagdan nang parang trumpong

rumaragasang isang batang tubong Slip Zero. Putlang-putla ang pobre

sa kahalagahan ng bitbit na balita.

"Ang nanay mo, Ernie," hiyaw nito.' binagga n'ong oto!"

Binangga?
Panhik uli ako sa bahay para yugyugin ang bayani. "Tay," buhos

ko agad, " naaksidente raw ang nanay ."

Sa dulo ng kagitingan, sa pakulutan ni Ninay Cosme, namin

nadatnan ang nanay ko. Wala namang nalansag na buto, wala ring

dumaloy na dugo pero bago pa lang nahihimasmasan dahil nga

nawalan daw ng ulirat, sa nerbyos marahil. Naghanay ang mga usyosa

at mga testigo.

"Humahagibis ang sasakyan," sabi ng isa.

"Kasi si Aling Meding," sumbat naman ng isa,"sukat ba namang

naglakas-loob tumawid sa oras ng pagdaraan g mga sikat. Di

hinagingan siya,'alang lingon-likod."

"Sikat 'ata," pakli naman ng ikatlo, "ikaw na ang mag-burges."

Yumuko ako at dinama ang noo ng nanay ko na pinagyaman sa

kandungan ni Ninay Cosme.

"Nay," tawag ko. Bahagyang humalang ang ngalan niya sa


lalamunan ko.

Umungol lang ito. "Tumawag na ng doktor," sabi ni Ninay "wala

naman sigurong Aling Meding."

Sumabad na naman ang isang usyoso. "di hindi pala naka-score

ang burges?

Umungol na naman ang nanay ko. Napansin ko ang supot ng

damit sa paanan niya.

Nang dumating ang tatay ko, may kasunod na itong barkada.

"Tena sa Mary Johnston," mungkahi ng kasabay niya, "para ma-

check-up si Meding"

Matamang nakatingin ang tatay ko sa nanay. Para bang

minememorya ang mukha nito. Nakita rin niya siguro ang supot sa

paanan; narinig na rin niya siguro ang tungkol sa burges na tumakas.

"Huli ka na,' kantyaw ng isang tagapanood, "ala na ang Mercedes."


Nakatayo pa rin ang tatay ko sa may gawing pintuan pero hindi na

nakatitig kay Inay. Bahagyang nakabaling ang mukha niya sa labas,

sinusugod marahil ng tingin ang kalawakang nilusutan ng sinasabi

nilang humahagibis na Mercedes. Nakita ko ang pagtatagis ng bagang

niya, ang pagbangis ng kanyang mukha.

"Buhatin natin ang nanay mo." maya-maya'y sabi niya. Parang

malapit na malapit ang kanyang tinig.

Ginagap ko ang palad ng nanay ko at dinama ang nagbabalik na

init.

Kabig na, sasabihin nga nina Nitong, ayos na. WAKAS.....


Fred Bulakbol Nitong
A Tamad
Matgas ang B
ulo
Mahirap 1
Kapwa
masayahi
Nagsisikap
Masipag n
Mapagmah
May
al
pangarap sa
May kaya
anak
2
3

Inay
C

You might also like