You are on page 1of 784

Mabait na babae,

Inosente at simple,

Yan si Scarlett Astrid Sundust.

Papasok siya sa mundo kung saan makikilala niya ang mga tunay at maraming kaibigan,

Dito niya rin kaya makilala ang magpapatibok sa inosenteng puso niya?

Paano kung may sikreto pala sa mga nakaraan niya?

Makaramdam kaya siya ng tuwa dahil nasa tabi na niya buong buhay niya hanggang
ngayon ang mahal niya?

O maging malungkot siya dahil may nagawa itong malaking kasalanan na siguradong
magpapalungkot sakaniya?

Alamin at samahan si Scarlett Astrid na isa-isahing buksan ang mga nakasaradong


nakaraan na naghihintay lang matuklasan.

@MayuKimmy

Fb: Mayu Kimmy :''>

1,

''Tita, aalis na po ako.'' paalam ko kay tita na kumakain sa dining are kasabay ang
kanyang nag-iisang anak na si Grace.

''Mabuti. Agahan mo ang uwi, para matulungan mo yung mga maids sa paglilinis ng
bahay. Aalis rin kami ni Grace mamayang hapon.'' cold na sabi ni tita. Tumango lang
ako sakanya pati kay Grace na hindi nag-abalang tumingin saakin.
Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang pakikitungo saakin nila Tita at ni
Grace. Hindi ko minsan naramdaman na parte ako ng pamilya. At syempre hindi ako
ampon.

Masaya kami noon. Noong buhay pa si mama. Natatandaan ko pa noong pitong taong
gulang lamang ako. Buhay pa si mama, ang saya namin. Si Tita napaka-bait, maalaga
at maalalahanin. Si Grace naman maliit pa sya noon.

Nagsimula lang maging malamig ang pakikitungo ni Tita saakin noong bawian ng buhay
si mama. Sa pagkakaalam ko binangungot si mama. Nakahiga lang sya sa kama at
maraming dilaw na rosas ang nakapaligid sakanya noong maabutan namin syang wala
nang hininga.

Masakit yung nangyari, oo. Pero pinilit kong maging matatag.

*Flashback*

(7 years old Astrid)

Nagluluksa ako sa nangyari kay mama ilang araw na ang nakakalipas.

Kaya naisip ko na magpunta nalang dito sa playground.

Ang sabi ni mama, masaya raw lahat ng tao na makikita sa playground. Gusto ko rin
sumaya kahit wala na sa tabi ko si mama kasi alam ko ayaw nya ako maging malungkot.
Nakaupo lang ako sa ilalim ng puno habang nakaakap sa mga tuhod ko.

''Uy, tignan nyo oh! Si Scarlett pala!''

''Ay oo nga! Yung namatayan ng mama! AHAHAHA buti nga! Pangit kasi!''

Alam kong yung mga kasing-edad ko lang yung mga nag-uusap. Sila yung laging nang-
aasar saakin pero pinababayaan ko lang.

''Oo nga naman. Tapos alam nyo ba? Sabi ni mommy mangkukulam daw ang mama nyan?''

''Narinig ko rin sila mom at dad na nag-uusap sabi nila kaya daw namatay ang mama
nyan kasi bad at nananakit ng ibang tao kaya ---''

''HINDI BAD ANG MAMA KO!! TUMIGIL NA KAYO!!'' sigaw ko.

''Mommy! Daddy! HELPP!'' umiiyak na ang mga bata sa harapan ko nang dahil sa
malakas na hangin na nagpapaugoy sa mga puno.

End of flashback

Simula nang mangyari yun. Nung malaman ni Tita ang pangyayari na 'yon. Ang sama na
lagi ng tingin nya saakin. Pinandidirian at itinataboy nya na ako. Pero
nagpapasalamat parin ako na hindi nya ako itinatakwil.
''Hi, Scarlett. Morning!'' pagkapasok at pagkapasok ko sa Classroom namin binati
agad ako ng mga kaklase ko. Mabait naman ako kaya mabait din silang lahat saakin.

''Wow, aga natin ngayon ah.'' sabi ni Sandy. Bestfriend ko.

''Oo nga. Nakalimutan ka bang alilain ng Tita at pinsan mo?'' natatawang sabi ni
Dion. Bestfriend din namin sya ni Sandy. Lagi kasi talaga ako pinaglilinis ni Tita
ng buong bahay kahit na maraming maids na kami.

''Hindi. Natapos ko kasi agad yung pinalinis nya kanina.'' sagot ko.

''I hate your Tita na talaga bespren!! Saamin kana tumira! Lagi ka naman
pinapahirapan sainyo! *pouts*'' Sandy.

''Oo nga Scarlett! Pwede ka naman kasi namin patirahin saamin.--I mean kila Sandy
pala. Sagot na nyan tuition mo. 'Wag kana mahiya--'' Dion

''Di nga ako nahihiya, ano ba kayo?! Ayaw ko lang talaga umalis sa bahay namin.
Pamilya ko lalayasan ko? Loko talaga kayong dalawa 'no?'' sagot ko sakanila saka
umupo sa seat na tabi rin nila.

Lagi nila ako pinipilit na doon nalang daw ako tumira sa bahay ni Sandy. Sagot na
daw nila lahat sakin.
**

Nakauwi na ako dito bahay ng maaga pa. Mga tanghaling tapat palang, sakto na uwian
namin.

''Oh. Mabuti naman nakauwi kana. Sabi ni Mommy sa mga banyo ka daw maglinis. Bukod
dun sa second floor pati rin sa banyo doon malapit sa kitchen.'' utos ni Grace na
nakaupo sa sofa at nanonood ng t.v

''Uh, Grace. Hindi ka sumama kay tita? Diba aalis daw kayo--''

''PINAPALAYAS MO BA AKO DITO?!--'' sigaw nya.

''N-Naku! H-Hindi, sa ganoon Grace, Ang ibig kong sabihin--''

''WALA AKONG PAKE KUNG ANONG IBIG MONG SABIHIN!! NGAYON, MAG-UMPISA KANG KUSKUSIN
YUNG BANYO DAHIL ANG DUMI!! PWEDE?!'' sigaw ni Grace, Napatango nalang ako sakanya.

17 years old at 4th year high school na ako. Si Grace naman na pinsan ko 3rd year
high school lang.

Nagsimula na akong maghanda ng panglinis at kinuha ang mga iyon sa mga cabinet sa
ilalim ng sink sa kitchen. Naramdaman ko naman si Grace sa likuran ko,

''Scarlett, gusto ko malaman kung totoo yung mga naririnig ko sa mga kapitbahay.''
Grace na nakasandal sa dining table. Napalingon naman ako sakanya.

''Ano 'yun, Grace?'' tanong ko. She just smirked.


''Well, ang sabi e, dark witch, bad witch, or whatsoever na witch daw ang nanay mo?
Basta bad..kaya daw namatay? Or kinarma raw sa mga 'di makatao na ginagawa kaya
namatay?'' nakangiting tanong nya,

I just balled my fist. Tungkol na naman sa mama ko. Sa pagkamatay ng mama ko. Sa
witch daw ang mama ko. Sa masama daw ang mama ko.

Binaliwala ko lang ang sinabi nya at kinalma ang sarili. Gusto ko nang masanay sa
mga taong may ganyang paninirang sinasabi kay mama. Pero hindi ko talaga magawa,
napupuno ng galit ang dibdib ko.

''Oh, Scarlett manners naman. Nagtatanong yung tao oh. 'Di mo sinasagot? Totoo ba
'yon? Mangkukulam daw talaga ang nanay mo? Kinarma that's why namatay?!'' gusto ko
na syang sagutin na hindi yun totoo pero nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng mga
gagamitin ko sa paglilinis ng banyo dito sa mga cabinet sa ilalim ng sink.

''Ay, siguro totoo, ano? Grabe talaga. DAPAT LANG PALA NA MAMATAY YUNG INA MO?!
SIGURO MALAS DIN YUNG TAO NA 'YON SA BUHAY NAMIN LIKE YOU! KAYA DAPAT SUMUNOD KANA
RIN DOON SA INA MO NA NAMATAY DAHIL SA KASAMAAN NG UGALI!!--'' Hindi na nya natuloy
ang pagsigaw-sigaw ng humarap na ako sakanya. Nanlaki ang mga mata nya nang mga
oras na 'yon. Wala na akong pakialam kung bakit, basta galit na galit lang ako sa
mga salitang binitiwan nya,

''ITIGIL MO ANG DILA MO KAKAKUTYA SA MAMA KO! HINDI MO SYA KILALA AT LALONG LALO NA
WALA KANG KARAPATAN PAGSALITAAN SYA NG KUNG ANO MAN!!!'' sigaw ko sakanya.

''OHMYGOSH!! FIRE!! SOMEONE!! HELP!! *cough* SUNOG!! S-un-og!!!*cough*'' ilang


minuto ang lumipas nagbabagsakan na yung mga pader sa pwesto namin ni Grace, na
ngayon ay nakaupo na at di makahinga sa usok. Maging ako hindi na rin makahinga.
Parang bigla akong natauhan kung ano na ang nangyayari sa paligid ko. Ang laki na
ng sunog. Hindi ko nga lang alam kung saan nanggaling ito.

Sobrang kapal na ng usok, andami na ring debris sa paligid, di na ako makahinga si


grace di ko na makita.

''GRACE!! *cough* *cough* GRACE!! NASAAN KA?!!'' pilit na sigaw ko habang nakahiga
na.

''Shit! Scarlett!! Okay ka lang ba!?'' naaninag ko naman si Dion sa di kalayuan.

''D-dion..tulong,''

Scarlett's POV

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero si Dion kasi, nasa malayo lang sya
kanina mula dito sa kinalalagyan ko pero parang hangin sya na nandito kaagad sa
harapan ko. Ang bilis. Ang bilis ng kilos.

''Scarlett. Ayos ka lang?! Ilalabas kana namin dito.'' Dion na binubuhat na ako.
''Bilis, Dionne. Lumalaki na yung apoy!'' sigaw ni Sandy habang nauunang lumalakad
sa harap namin ni Dion. May tubig syang nilalabas sa kamay nya. Binabasa nya yung
mga dadaanan naming may nakaharang na apoy.

A-anong nangyayari sa kanila ni Dion?

Paanong..

''Si Grace..Dionne! Sandy! Si Grace! Balikan natin sya!!'' sigaw ko sakanila

''Di na pwede, Scarlett! Masyado nang delikado!'' natatarantang sabi ni Dionne.


Buhat-buhat lang ako ni Dionne

Pagkalabas at pagkalabas namin ng bahay ang dami nang tao sa labas. Halos manlumo
rin ako sa nakita ko, yung buong bahay halos gumuho na sa sobrang laki ng apoy.

''SCARLETT!! SI GRACE?! NASAAN SI GRACE?! YUNG ANAK KO?!! NASAAN?!'' napatingin


naman ako sa babaing lumapit saakin at iyak ng iyak. Si Tita.

Umiling lang ako sakanya at nagsimula nang umiyak. ''Tita, hindi na po namin sya
nabalikan--''

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla nya akong sampalin.


*PAK*

Napahawak ako sa pisngi ko na nasampal ni Tita.

''MALAS KA TALAGANG BABAE KA!! MAY PINATAY NA NAMAN KAYO SA MGA MAHAL KO SA BUHAY!!
*sob* PINATAY MO SI GRACE!!! *sob* YUNG A-ANAK KO!!'' Lumuhod na si Tita at patuloy
lang ang iyak nya. Nilapitan naman ako nila Dion at Sandy.

''Tita, maniwala po kayo *sob* w-wala po akong k-kasalanan--''

''SYEMPRE MERON!!'' tumayo na si tita sa pagkakaluhod at tinitigan ako ng masama.


''NASA DUGO MO NA ANG PAGIGING MALAS!! NASA DUGO MO NA!! DUMADALOY SA DUGO MO ANG
PAGIGING MAKASALANAN!! PAREHAS KAYO NG AMA MO!! KAYA LUMAYAS KA NA DITO!! LUMAYAS
KA SA HARAPAN KO!! SUMAMA KANA SA MGA ENGKANTONG KALAHI MO!! LAYAS!!''

Inakap lang ako ni Sandy at iginaya sa Playground.

Iyak parin ako ng iyak.

''H-Hindi ko naman kasalanan. Maniwala kayo, w-wala akong ginawa.'' Hagulgol na


sambit ko.

''Ssshhh..Oo, wala kang kasalanan..Tahan na, Scarlett..'' pagaalo sakin ni Sandy.

Iniisip ko parin kung anong nangyari kanina saamin ni Grace. Parang namulat nalang
ako nang punong-puno na ng usok ang paligid. Puro apoy na.

Napatingin naman ako kay Dion na seryoso lang na nakasandal sa puno 'di kalayuan
saamin.
''Sandali nalang, bespren. Hintay lang ng konti, okay?'' nagtaka naman ako sa
sinabi ni Sandy. Anong hintay ang sinasabi nya?

''Tara na'' nakangiting sabi ni Dion habang lumalapit saamin. May isang malaking
ibon na rin ang nakadapo sa balikat nya. Ang laki tsaka ang ganda ng kulay. May
asul at puti.

''S-Saan na tayo pupunta, bespren?'' tanong ko sakanila. Ibang daan na kasi yung
tinatahak namin.

''Sa tunay na lugar kung saan tayo dapat tumira.'' Sandy.

Nasa harap na kami ng isang malaking halaman. Puro halaman. Mga Vines. Gubat na
tong dinadaanan namin.

Nagitla nalang ako nang biglang maghiwa-hiwalay yung mga vines na yon at magkaroon
ng daanan. Hinawakan lang naman nila Dion yung halaman.

''Saan ba tayo pupunta? Anong lugar na 'to?'' Tanong lang ako ng tanong pero
nakangiti lang sila saakin habang lumalakad kami. Mahabang daanan lang sya pero
puro puno sa paligid. May kabayo rin na puti ang lumapit saamin. Sumakay lang kami
rito hanggang sa marating namin ang isang kakaibang lugar.

Mga kabahayan na gawa lang sa kahoy pero magaganda. May mga bulaklak sa buong
paligid. Masayang mga tao na halos lahat ay nakangiti. Malamig na hangin at masarap
na simoy. Parang puro peace lang ang masasabi mo sa buong paligid.

''Ano 'to, Sandy?''


''Welcome to our real home, bespren. Magic Paradise.''

''Magic Paradise? Ano bang kalokohan yun bespren? Kailangan ko pang samahan si
Tita, nalulungkot yun nga--''

''Galit sayo yung tita mo, bespren. Well, una pa lang naman galit na 'yon sayo.
Hayaan mo na, I mean hindi mo naman kasalanan yung nangyari. Aksidente yon pero
hindi kana nya gusto pa makita. Kaya napagdesisyonan na namin ni Dion na--''

''Na iuwi kana sa tunay nating mundo.'' pagpapatuloy ni Dion. ''Tara na sa StoneGem
Academy.'' Dionne na nakangiti.

Bigla akong kinabahan sa paraan ng pagngiti nila sa'kin. Parang.. may malalaman ako
mamaya-maya la'ng.

**

Manghang-mangha lang ako sa mga nakikita ko sa paligid. Andito kami ngayon sa


StoneGem Academy. Yun ang sabi nila Dion at Sandy. School siguro, pero sobrang laki
kasi. Parang condominium. Ibang-iba sa mga schools na napuntahan ko na noon.
Malawak. Malaki. Maganda. Higit sa lahat, KAKAIBA.

Mula sa labas. Ang lawak ng garden. Puro halama at puno, may mga iba't-ibang kulay
ng bulaklak. Sa side naman, may malaking parang court. Sobrang laki na court.

Yung tiles, yung floors, kulay makintab na asul na parang may tubig sa ilalim. Yung
mga dingding kulay puti lang sya pero puno ng mga paintings na kakaiba.
Naggagalawang paintings ng mga taong..taong parang naglalabas ng...mahika?
Habang pumapasok kami, may mga estudyante na, hindi naka uniform, nagbabasa sa
gilid, nagkwewkentuhan, basta masaya lahat.

''OH MY GOD!'' napatigil ako sa paglalakad ng makita ko yung isang babae na


pinalipad yung bag nya papunta sakanya.

''Ano nangyari, bespren?'' tanong sakin ni Sandy.

''S-Sandy. Lumilipad y-yung--'' hindi ko na natapos yung sinasabi ko nang itap ni


Sandy yung balikat ko.

''Mamaya, bespren. Mamaya mag-eexplain kami ni Dion. Sa ngayon, lahat ng bagay na


makikita mo, TOTOO. Halika na, nauna na si Dion doon sa principal's office.''

Natutulala lang ako sa bawat nadadaanan namin ni Sandy. Anong lugar ba 'to? Circus
ba ito? Ang gandang circus naman. Puro kakaiba yung mag nakikita ko. Nagliliparang
bagay. Maliit na ipo-ipo sa kamay nung lalaki. Naging bato yung babae. Basta
napapasinghap nalang ako sa mga kakaibang tao na nakasalubong namin,

At ngayon nasa harap kami ng malaking double door na kulay white na may blend na
red. Na may nakaukit sa gitna na...

-Mr. Cavin Wastridge-

-PRINCIPAL'S OFFICE-

Ngumiti muna saakin si Sandy saka kumatok ng tatlong beses sa pinto.


''Tuloy'' Sabi ng boses lalaki sa loob. Binuksan naman yun ni Sandy at pumasok kami
sa loob.

Kung kanina namangha ako sa labas ng office na ito dahil sa mga taglay na kakaiba
ng mga studyante, ngayon sobrang namamangha na talaga ako. Yung kwarto sobrang
laki, may waterfalls sa kaliwang parte at may malawak na halamanan naman sa kanan.

''P-Paanong...--''

''Illusionist'' bulong ni Sandy

''Goodafternoon, Mr. Cavin. This is Scarlett Astrid SunDust.'' Ngumiti lang ako ng
pilit sa lalaking sa tingin ko nasa edad 45 pataas na. Sya naman mukhang natulala
nung binanggit ni Sandy kung anong pangalan ko.

''Scarlett Astrid Sundust.'' Mr. Cavin, ngumiti kaagad ito saakin.

''G-Good afternoon po'' bati ko.

''Isang Sundust?'' mukha namang naguluhan sila Sandy at Dionne sa patanong na


sambit nito sa surname ko. ''Ah, sorry. Wag nyo na intindihin yung sinabi ko awhile
ago. Anyway, w-welcome, welcome Ms. Scarlett. Welcome dito sa StoneGem Academy.
Galing ka daw mundo ng mga tao?''

''Mundo ng mga tao? Ano palang lugar 'to?'' nagugulahan na talaga ako. Kung galing
ako sa mundo ng mga tao, ano pala tong mundo na 'to?
Nagpalingon-lingon naman si Mr. Cavin kila Dionne

''Sir. Cavin, wala pa po siyang ideya. Sa lahat-lahat.'' sabi ni Dionne na katabi


pala ni Sandy.

Mr. Cavin just stared at me. And then he gave some folders to me.

''This folders holds everything you'll need as a new student here in this Academy.
Class schedules, Classroom number, the book, and the dorm's key. Ms. Hilltur and
Mr. Crawk i-guide nyo si Ms..Sundust''

''Thank you, Mr. Cavin.'' sabay na sabi nila Dion at Sandy.

''A-ano ba talaga meron dito sandy? Dionne?'' tanong ko,

''Mamaya na, Scarlett. Sa kwarto nyo na.'' Dionne

Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa marating namin ang part ng 2nd floor ng
Academy na puro pinto. Mga dorms.

Ginamit ang susi na binigay ni Mr. Cavin at pumasok sa isang kwarto.


''Your new room, new home.'' sabi ni Sandy. Hinatak ko naman sila ni Dionne sa
couch na nakita ko at umupo kami roon.

Kulay asul na may halong puti ang theme ng kwarto. Medyo may kalakihan. May kama na
kasya ang dalawang tao, may veranda, malaking bintana, at salas.

Nagcross arms ako at nagtaas ng kilay. ''Waaa! 'Wag ka naman ganiyan, Scarlett.
Nakakatakot ka kapag mataray ang hitsura! Help me, Dionne!'' Sigaw ni Sandy saka
kumapit sa braso ni Dionne.

''Tsk. Tsansing ka!'' pabirong sabi ni Dionne

''Ang kapal ng mukha mo, Dionne. Pasalamat ka nadidikitan ka ng magandang nilalang


tulad ko!'' Padabog itong kumalas sa pagyapos sa braso ni Dionne.

Ako naman pinagbabato ko sila ng throw pilow.

''Gosh! Ang hard mo naman, bespren!'' sigaw ni Sandy habang umiilag sa mga binabato
ko,

''Kayong dalawa! Kanina pa ako parang shunga dito ha! Ano ba talaga 'to? Saang
lupalop ba 'to? Anong lugar ba 'to? Bakit ganun yung mga tao dito? Bakit parang
kakaiba? Bakit may lumilipad? Bakit ganun yung mga studyante sa baba? Paanong
nagawa nila 'yon?''

Si Sandy nakanganga habang nakakatitig saakin si Dionne naman nagpipigil ng tawa.


''Daming tanong. Isa-isa la'ng!'' Sandy

''Sagutin niyo na kasi ako!'' Inis na sigaw ko.

''Huy, Scarlett! Chill ka lang!'' Natatawang si Dionne. ''Payat, simulan mo na ang


introductio--'' Dionne

''Sexy ako, not payat.''' Sandy habang may lumabas sa mga palad nya na tubig at
pinilipit sa leeg ni Dion. Napatulala naman ako dun.

Nginuso naman ako ni Dionne kaya natigil si Sandy. ''Ay, ha-ha. Ito na nga,
bespren. Ganito kasi. Ikaw, ako, si Dion baliw, tsaka yung iba pang nakita mo kani-
kanina lang ay-hindi tao-Mga hayop tayo.'' Sandy

''ANO?! HAYOP?!' sigaw ko. Anong hayop?! Ang gulo nitong dalawang 'to! Mababaliw na
ako dito kaunti nalang talaga!

Binatukan naman ni Dionne si Sandy. ''Don't mind her. Ako na magpapaliwanag. Ang
mundong 'to, Scarlett. Magic Paradise ang pangalan ng mundong 'to. Mundo ng mga
mahika, kapangyarihan at mga taong kayang kumontrol at nagtataglay ng kapangyarihan
o mahika-'' di ko na pinatapos si Dionne sa pagpapaliwanag at nagsalita na ako.

Baka kasi pinagtritripan lang nila ako.


''Teka-teka-What do you mean? Mahika? Powers? Mga taong may powers? Ibig
sabihin...'' hindi ko naman masabing 'joke ba 'to?' kasi nakita na mismo ng mata
ko kanina.

May mga lumulutang..

''Yeah, bespren. Andito tayo kasi isa tayo sa kanila. Nakita mo 'to bespren?''
saka may tubig na lumutang sa paligid namin. ''This is my power, Water. And Dionne
beside me has Speed power.'' Kaya pala..Kaya pala ang bilis ni Dion kumilos kanina
sa loob ng bahay na nasusunog.

''A-ako? Bakit ako n-nandito? Hindi naman a-ako katulad n-ninyo na may-''

''No, you're wrong, Scarlett. You have your own power since before. Naalala mo yung
nasunog na bahay kanina? Dadaanan ka sana namin ni Sandy sainyo para mamasyal. Pero
naramdaman nalang namin yung enerhiya mula sa bahay nyo. Sigurado kaming galing
sayo 'yun, o kaya sa emosyon mo. Nagalit ka ba?'' tanong ni Dionne.

Napaisip naman ako. Oo nga, nagalit ako. Nagalit ako dahil sa mga sinabi ni Grace.
Bigla naman akong nakaramdam ng awa para sa sinapit ni Grace, kasalanan ko 'yun.

''Bespren, nanginginig ka. Okay ka lang?'' hinawakan ni Sandy ang mga kamay ko.

''Kasalanan ko pala talaga. Si Grace. Napahamak kasi d-dahil sa-''


''Kalimutan mo na, Scarlett. Kaya tayo nandito para makontrol mo yang kapangyarihan
mo..'' Sandy

''Namatay si Grace..'' ulit ko at nagtutubig na ang mga mata ko.

''Sshhh...No, may dahilan kung bakit ka nagalit, right? Hindi lahat ng nangyari
dahil sayo. May part rin si Grace sa nangyari..kaya don't blame yourself..'' Sandy

''Magpahinga kana, Scarlett. May pasok pa bukas. Dito mo sa StoneGem Academy


matututunan ang paggamit ng kapangyarihan mo.'' Dionne

''Tama, bespren. Ito na yung dapat mong gawin para di na ulit makasakit yung power
mo. Dito tayo nararapat. Susunduin ka namin bukas, alright?'' Ngumiti lang ako
sakanila saka sila lumabas ng kwarto.

Siguro nga dito talaga ako dapat. 'Di parin ako makapaniwala sa mga nalalaman ko.
Mga taong may kakaibang kakayahan. Lugar na malayo sa normal.

Hindi ko man masyado mapagtanto pero malamang yung apoy galing saakin yun. Ayoko na
ulit makasakit.

Gagawin ko ang lahat makayanan ko lang yung kapangyarihan na sinasabi nila Sandy.
**

Scarlett's POV

Umaga na, hindi ako masyado nakatulog kagabi. Ang dami ko rin kasing iniisip.
Tungkol sa nangyari kay Grace. Kung nakaligtas ba sya? Pero mukhang imposible at
sinisisi ko ang sarili ko.

Tungkol naman sa Lugar na 'to. Sa mundo na 'to. Ano pa kaya mangyayari sakin dito?

Nag-ayos lang ako ng sarili, nakajeans at long sleeves lang ako at lumabas saglit,
susubukan ko lang magtingin-tingin kung anong meron sa lugar na 'to. Siguro naman
pwedeng mamasyal dito 'no?

Paglabas ko ng dorm ko dumiretso ako sa main gate ng Academy.

Naglalakad -lakad hanggang sa makakita ako ng mga maraming malalaking pwesto na may
malalaking payong. Parang palengke sya pero maayos at malinis.

Sa bawat lugar na nadadaanan ko, napapanganga na lang ako sa sobrang mangha.

Nandito yung mga bagay na hindi mo ineexpect na tunay..

''Hi, there!'' sigaw ng isang babae saka lumapit saakin.

''H-Hello'' bati ko. May maikli syang buhok saka kulay puti. Teka, lola na ba siya?
''Dun ka ba sa StoneGem Academy nag-aaral?'' nakangiting tanong nya. Mukha syang
puno ng goodvibes kanina pa nakangiti e.

''Uhmm, Yeah. May iba pa bang school bukod dun?''

''Oo naman. Kaso malayo dito, dun pa yun sa kabilang banda-Teka nga. Bago ka ba
dito?'' tanong nya. Tumango lang ako.

''You mean-Bago..as in? Galing ka bang mundo ng mga normal na tao?'' Manghang
tanong niya.

''Oo, kahapon lang.''

''Ohh. Alam mo kasi yung kabilang banda na sinabi ko sayo, mga nakatira dun more on
fairies, dwarfs, wizards and witches na. Mga spells na ang pino-focusan sa lessons
dun.'' nakangiting sabi nya. Kung ganoon, may isa pang Academy? At ano raw? Dwarfs?
Totoo rin yung mga unano na 'yon?!

''Yaaah! Nakalimutan kong magpakilala, sorry. I'm Faye Lurzis, hypnotism is my


power, I can hypnotise you whenever I want to, you know *winks*'' sabay ngiti nya
ng nakakaloko. Nanlaki naman yung mata ko. Hypnotism?!

''H-Ha?!'' ako. Baka naman gamitin niya sakin 'yon! Naku, wala pa naman akong
kakilala dito na pwedeng tumulong sakin mula sakaniya kung sakali!
Humagalpak naman sya ng tawa. ''Hahaha! Kidding! Mukha kang labanos! Ang puti na ng
mukha mo sa sobrang putla! Hahahaha'' napaface palm naman ako paano ba naman ang
lakas ng tawa nya na napapansin na kami ng iba. Katakot rin to ha! Hypnotism?

''Huy! Tigil na, pinagtitinginan kana.'' bulong ko. Napatigil naman sya saka kami
nagpatuloy sa paglakad. ''Scarlett Astrid Sundust'' sagot ko bilang pagpapakilala.

''Oh, Hi then, Scarlett! Can we be friends, from now on? Hindi kita ihi-hypnotise!
Hahaha, 'di ako bad 'no!'' inabot nya yung kamay nya bilang shake hands pero
naloloka parin ako sa kakayahan nya kaya nag-aalangan akong tanggapin yung kamay
nya, malay ko ba kung anong gawin nya?

''Fine, natakot tuloy kita. Sige dito ka lang ha. Babalik ako. May bibilhin lang
ako para sa'yo.'' saka sya tumakbo palayo.

**

Dito lang daw ako...

dito lang daw ako...

Jusko!! 5minutes na!! Mainipin akong tao kaya mamamasyal na ako!

Naglakad-lakad ako sa mga lugar-lugar, may playground at kakaiba ha! Malalaking


mushroom bilang bench? Makukulay at malalaking jelly-ace na pinaglalaruan ng mga
bata. Tumatalbog lang sila tapos ang saya na nila at marami pang iba. May mga
nagtitindan rin na satingin ko Levitator ang powers, kasi napapalutang nila yung
mga paninda nila.

Nakaramdam na ako ng gutom, shit! Di pa pala ako nag-aalmusal T__T

Bumalik ako sa pinagdaanan ko pero iba na yung dinadaanan ko. Patay! Naligaw na
ako!

''Waaahh!! Bwisit naman o! Paano na 'to!?'' gutom na ako T__T nagpapapadyak ako sa
sahig, pwede kaya kainin yung jelly-ace sa playground?

''What the hell?! Shit! Hey! Stop it!'' may sumisigaw na lalaki pero di ko na
pinansin tuloy lang ako sa pagpapadyak habang nagmamasid-masid sa paligid. Gutom na
ako at naliligaw, puro bata lang nandito.

''Paano na 'yan?! Nasaan na ba 'yung Academy na 'yon!'' Naiinis na bulong ko habang


nagpapapadyak parin sa sahig.

''Hey, tumigil ka! Nababasa mo 'ko!'' napitlag ako sa sumigaw sa gilid ko. Lalaking
may kulay asul na buhok na nakakunot-noong nakaupo sa ilalim ng puno. At yes, basa
nga siya!

Tinaasan ko sya ng kilay, ganitong gutom ako nagiging monster talaga ako. ''Anong
problema mo at nakasigaw ka? Ano naman kung nababasa ka? Kasalanan ko?'' mataray na
sigaw ko. Saka naalala na naman na naliligaw ako ng daan kaya nainis ako at
nagpapadyak na naman sa lupa.
O_____O

Nanlaki ang mga mata ko saka dahan-dahan yumuko para tignan ang pinapadyakan ko..

Hindi lupa yung pinapadyakan ko. Ngayon ko lang napansin na tubig pala! Or should I
say PUTIK?!

Slow motion naman akong napalingon sa lalaking nakaupo sa side ko.

ANG SAMA NA NG TINGIN NYA!

''GUSTO MO BANG KURYENTIHIN NALANG KITA?!'' sigaw nya. Kuryente daw?! Power nya
kuryente? Hala! Wala akong pangdefense! Anong gagawin ko?!

''A-ah, Hindi ko naman sinasadya. Hehe,'' Kinakabahang sagot ko dito. Saka ngumiti
ng malapad. Waaa!

''Whatever you say, you stupid!'' saka nya tinaas ang palad nya na may kuryenteng
kulay dilaw na sa mga iyon. OH.MY.GOD.
Nagtaasan na yung balahibo ko. Shit. Shit. Shit.

''OHMYGOSH!! SCARLETT!! THERE YOU ARE!!'' Si Faye na tumatakbo papalapit sa


kinaroroonan ko. ''I told you na hintayin mo ko diba?! Ikaw talaga!! H-Halika na,
gutom na ako!'' hinila nya ako at tumakbo kami ng pagkabilis-bilis.

Nang lumingon ako sa likuran namin, nakalayo na kami..

Para akong nakahinga ng maluwag!

''Ikaw, Scarlett! Muntik kana dun! Mabuti at nahagilap kita!'' Sigaw nito, ''Kilala
mo ba 'yong lalaking 'yon?! Si Trey 'yon. Trey Wastridge! 'Yung arogante, suplado,
at makapangyarihan ng StoneGem Academy!''

''O-oo nga, ikaw kasi! Bakit mo kasi ako iniwan, naligaw tuloy ako..''

''Ewan ko sayo! Ito, pagkain. Binili ko kasi peace offering sa pananakot ko kanina
HAHAHAHA! Sige, una na ako may gagawin pa pala ako. Bye.'' Faye

Sandy's POV

Umaga pa lang masaya at masigla na akong gumising dahil, FINALLY! Nadala na namin
si bespren Scarlett dito sa Magic Paradise specifically dito sa isa sa
pinakamalaking paaralan ng mahika sa Paradise, ang STONEGEM ACADEMY.
Noon palang nung nasa mundo pa kami ng mga tao, naramdaman na namin ni Dionne ang
kakaibang presensya na taglay ni Scarlett. Nung una natatakot pa kami, dahil may
kalakasan ang taglay nito at hindi pa nya alam ang tungkol sa mga kaya nyang gawin.

Pero ngayon, kampante na kami kasi simula ngayong araw na 'to, matututunan na nya
'yon gamitin.

''Nginingiti-ngiti mo diyan? Naaaning ka nanaman ba? O baka naman, iniisip mo lang


ang gwapo kong mukha?'' Hinampas ko naman sa braso 'tong kasabay kong maglakad.

''Kapal mo, Dionne! Ang aga-aga inaasar mo ako!'' Papunta kasi kami sa dorm ni
Scarlett tsaka baka gising na 'yon at nagugutom na.

''Mukha ka kayang tanga diyan. Nakangiti na parang takas mental--ARAY KO SANDY!''


hinampas ko sya ng tubig na kinorte kong latigo. Water is my power, right? Ha,
serves him right.

**

''So, how was your sleep, bespren ganda?'' bungad ko kay Scarlett nang pagbuksan
nya kami ng pinto sa dorm nya.

''Okay lang naman-naninibago.'' Sagot nito.

''Namimiss mo bang pagkuskusin ng sulok-sulok ng bahay nyo, Scar? Gusto mo


magkuskos-'' tanong ni Dionne sabay tawa. Everymorning kasi pinaglilinis ng buong
bahay agad to si Scarlett ng Tita nya.
''Titigil ka o lulunurin na kita ng tuluyan?!'' pananakot ko, kumilos naman sya ng
mabilis at pumunta sa kabilang side ng kama. Mukha namang gulat na gulat si
Scarlett sa pinakitang bilis ni Dionne.

''Masanay kana.'' sabi ko at ngumti kay Scarlett. Speechless lang si bespren


Scarlett at tumango. Hinintay namin syang matapos mag-ayos ng sarili, may mga bago
na syang damit sa closet nya. Binili ko na talaga 'yon dati pa.

***

Scarlett's POV

Nandito kami ngayon nila Dionne at Sandy sa Cafeteria para kumain ng breakfast.

Ramdam ko ang bawat tingin ng mga estudyante saakin. Malamang kasi bago lang nila
ako nakita.

Hindi ko muna babanggitin yung mga nangyari kanina saakin kila Dion at Sandy,
Makikinig muna ako ng mga i-eexplain nila about -weird things -__- joke lang, about
dito sa Academy na 'to.

''So, ayun. Officially enrolled kana dito sa academy. Masaya ba?'' Sandy,
''Magkakaroon ka ng instant jewelries dito.''

Tinaas nito ang kamay at pinakita ang isang bracelet na may makinang at magandang
Blue gem.

''Since Blue color symbolizes the Water, Air, Clouds at marami pang iba. Kulay Blue
ang Gem ko kasi Water ang power ko.'' Sandy, ''Every students have their own gems,
doon nanggagaling 'yung magic nila.'' Masaya nitong pagkwekwento.

Nilibot ko naman ang tingin ko sa paligid. Halata mo talaga na hindi normal ang
lugar na 'to.

Yung mga ginagawa nila.. extraordinary!

Although normal na tao parin naman ang hitsura nila, pero 'yung powers la'ng kasi..
hindi parin talaga ako sanay.

''Bakit ako? Walang gem?'' Takang tanong ko. 'Di ba may Fire power ako tulad ng
napalabas ko sa aksidente-na hindi ko naman talaga sinasadyang mangyari kay Grace.

Kibit-balikat na sinubo ni Dionne ang tinapay niya saka sumagot. ''Nabanggit na nga
'yan ni Mr. Cavin saamin. Ang kaso mo na 'yan na wala parin gem, siguro dahil
kailangan mo muna mapalabas ulit 'yung Fire power na 'yon.'' Dionne

''Tama. Baka sa 2nd encounter mo ng power mo, Scarlett baka lumitaw na 'yung gem
mo.'' Sandy

Kung mangyari man 'yon, malamang.. magiging mahirap siguro para sakin na kontrolin
'yon.
Ewan. Pakiramdam ko lang naman..

Scarlett's POV

''Kyaaaah''

''I'm so excited!!''

''Ngayon na ang dating ng mga Royal Colors''

''OMG! Really?''

Isang linggo na simula nang makarating ako sa lugar na 'to.

Wala naman nangyaring masama. Kapag pagtatangkaang bullyhin ako ng mga ibang
studyante na may kapangyarihan pinagtatanggol naman agad ako nila Sandy at Dionne.

At yeah, magkaklase kami ni Sandy. Pangalawang section si Dion.


Ang dami ko na ngang natututunan sa lugar na 'to, about sa mga nabubuhay pang
nilalang na wala sa mortal world, mga iba't-ibang kapangyarihan.

Yung gem ko, ayaw parin lumabas. Kaya pag-aaral sa lugar at mga powers na lang muna
ang pinagtutuunan ko ng pansin dito.

'Yun nga la'ng.. sila sa actual na practice at pag-aaral na.

Ako? Sa mga libro pa la'ng dahil wala pa naman akong kapangyarihan.. anong
ipraractice ko?

''Sandy? Ano nangyayari?'' tanong ko sakanya. Nandito kami sa loob ng Classroom,


maaga pa kaya wala pa ang guro namin.

''Ha? Ah kasi, may dadating. Yung grupo na Royal Colors, magtratransfer sila dito.
Yung Royal Colors na 'yan sila yung mga swerteng nakakuha ng Gem na nagbigay
sakanila ng double power. Alam mo yun?'' Sandy

''Double? As in, dalawang kapangyarihan?''

''Uh-huh..Mga may special at advance ability sila kasi kaya nilang maglabas ng
dalawa na powers. Kainggit nga eh.'' nakasimangot na sabi nya habang nakapalumbaba.
''Alam mo ba Scarlett, may special treatment sakanila dito. Katulad nalang ng nasa
maganda silang room. Alam mo, maging friend mo lang yung isa dun maiinggit na rin
yung iba sayo. Kahit nga yata makausap mo lang eh.'' dagdag nya pa
Napatango nalang ako. Wala naman akong interes sa kanila.

---

Nasa kalagitnaan kami ng klase nang biglang may kumatok sa pintuan ng Classroom
namin.

Saglit silang nag-usap nung guro na nagtuturo saamin ngayon.

''Ms. Hilltur ililipat ko kayo ni Ms. Sundust sa Section ng Royal Colors.'' Mr.
Cavin said

Lahat naman kami ng mga kaklase ko nagulat. Si Sandy naman nanlaki yung mata.
Section ng mga advanced students, may mga advance powers? Pero bakit?

''No more questions, okay? Don't worry isasama ko rin yung isa nyong kaibigan na si
Mr. Crawk para hindi na kayo mailang.'' Mr. Cavin.

Napahawak naman si Sandy sa kamay ko na may malaking ngisi sa mukha. Syempre gusto
nya kaya ang Royal Colors..

Ano kaya ang dahilan ni Mr. Cavin?


Wala naman kaming special powers, isa lang sa pagkakaalam ko ang power nila Sandy.
Hindi ba para sa mga students na dalawa ang powers ang grupong Royal Colors?

----

Sumunod na kami nila Dionne at Sandy kay Mr. Cavin sa room ng Royal Colors.

Si Dionne naman parelax lang ang mukha, ayaw pa nga nung una kasi yung mga katropa
raw nya maiiwan nya. =___= So kami okay lang na hayaang ma O.P sa bagong section?

Nang makarating na kami sa tapat ng isang kulay itim na double door na malaki,
walang duda ito na ang room.

Royal Colors

''Scarlett, Ohmygod! Malalapitan ko na ang Royal Colors! Papa-autograph talaga


ak-'' Sandy

''Tahimik, Payat!'' biglang singit ni Dionne sa nagsasalitang si Sandy. Sinamaan


naman sya nito ng tingin

''Epal kahit kelan! Kung wala lang akong awa pinuno ko na yang utak mo ng tubig!''
Sandy
''O, ba't ka naiinis pinapatahimik lang naman kita.'' nakasmirk na sabi ni Dionne.

''Epal ka kasi kita mo na nag-uusap kami. Bastos!''

''Bastos nakahubad!'' Dionne na halatang nalilibang sa pang-aasar kay Sandy. Itong


dalawang 'to talaga..

''YOU!!!!'' Sandy na pikon na pikon na, inawat ko naman yung dalawa kaso mukhang
makikipagsuntukan talaga si Sandy

=____=

''Yea, me. I'm Dionne Crawk, ma'am, how may I help you?'' Natatawang asar ni
Dionne. =___= Hilig talaga mang-asar neto. Pikunin pa naman tong isa.

''Aba't Loko ka tal-''

*eeckkkk*

Kahiya talaga 'tong mga kasama ko -___-


Bumukas na yung double door,

Nakatingin lahat ng mga Royal Colors saamin at syempre sa agaw pansin na pwesto ng
mga kasama ko.

Sandy na sasapakin na sana si Dionne, at si Dionne na nakasalag.

''Ah, hehehe'' Sandy. Dahan-dahan itong umayos ng tayo at nagpagpag ng damit.

''Come in, Ms. Sundust, Ms. Hilltur and Mr. Crawk'' Teacher

Pumasok naman kami sa loob ng silid at.....err....Parang may dumaang anghel, ang
tahimik.

''Royal Colors, may makakasama kayo sa special Classroom na ito. She's Sandy
Hilltur-'

''Omygod! Hello!! Nice to be here with you guys!'' Sandy na sobrang lakas na sigaw

''Mr. Crawk, Ms. Sundust.''

*Blaaaag*
WHAT THE HECK?! ANO YUN?!

Malakas na bumukas yung sobrang laking double door.

'Di ata uso ang katok. Gusto grand entrance talaga?

''Mr. Wastridge. 'Di ka parin nagbabago! Palagi kang distruction! Kung subukan mo
kayang magbago naman dahil hindi nalang ikaw ang importanteng estudyante dito
ngayon-'' Teacher

Hindi na natapos yung sermon ng teacher nang biglang magdilim sa buong lugar at
mabalutan ng mga pulang kuryente ang kisame at dingding.

Kinilabutan ako! Rinig pa naman yung sounds ng kuryente!! Napapalibutan kami ng


kuryente!!

Teka nga..

Pamilyar siy-

''SHUT THE FVCK UP! Gusto ko ba pumasok sa klase mo?! Dito sa boring mong klase, sa
tingin mo ginaganahan ako pumasok?!'' sigaw nya. Mas lalong nakakatakot na, ang
dilim ng aura ng lalaking 'to! ''Kung hindi ka lang naman makulit kay Tanda, hindi
ko na papasukin klase mong walang kwenta!'' Naupo na ito sa likuran at nawala ang
mga kuryenteng pula sa paligid.

Napailing nalang ang mga Royal Colors. Yung iba napangiti at mukhang namangha. Lalo
na't yung teacher na napatiklop lang ng estudyante? Ay nako, grabe walang galang.

''Bespren, monster siya. Yang anak ni Mr. Cavin,'' bulong ni Sandy sakin. Anak ng
may-ari?!

Pero swear! Nakakatakot yung boses cold na cold.

O___O WAIT A MINUTE!!

Si.. si ano 'to ah!

Pamilyar sya...

Si.. sino nga ba 'to?!


Tinitigan ko ang mukha nito.

Bingo! Trey Wastridge is the name! Yung may kuryenteng power sa labas ng academy!

Nangangatog pa si Ma'am. Bakit kaya? Kinatatakutan ba yung lalaking 'yon?

Sabagay, nakakatakot siya sa sigaw niya. Malapit na rin nga siguro ako manginig.

Nagpakilala na kami. Hindi naman lumilingon yung lalaki, parang wala talagang
pakialam. Nakatingin lang sa malaking bintana malapit sa upuan niya.

Naupo na nga kami sa likuran, medyo malapit dun sa lalaki. May Royal Colors pa nga
kaming nakatabi kaya naloka na naman ang kaibigan kong loka-loka. Si Sandy.

Nag-excuse muna yung teacher namin at makikipagmeeting kay Mr. Cavin for some
reasons.

Nagbulungan yung dalawang babaeng Royal Colors sa tabi namin tapos ngumiti kay
Sandy? Eh?

''She's Maxine Gabrielle Lee, I'm Regina Ignacio and YES, we're friendly gusto ka
rin namin maging friend, don't worry.''

Napanganga naman si Sandy while kami ni Dionne mukhang naguluhan? Ano daw sabi?
''D-Did you just....'' Sandy

''Oh yeah, my dear. She did. She read your thoughts. She's a MIND READER''
nakangiting sabi nung Maxinne.

''Kakatransfer lang namin so. Gusto naman namin ng new friends.''

''Wow. Really?! Ibebefriend nyo kami?! Wow, It's a pleasure to be your friend''
Sandy

''Tignan mo yang kaibigan natin, mapupunit na yung pisngi sa sobrang ngiti.''


natawa naman ako sa binulong ni Dionne

''And Oh WAIT! Sandy Dionne and Scarlett, right? Eto nga pala si Ice, Khione
Marzon,''

''Hi Ice'' sabay na bati namin ni Sandy sa babaeng nasa dulo ng row na inuupuan
namin. May tatlong libro sa desk at busy sa binabasa pa na isa pang libro..

Tumingin lang sya tsaka ngumiti at nagbasa na ulit.

''That's ICE Ang Pinaka cold sa Royal Colors.''


Sinuri ko ang paligid. Lima lang silang Royal Colors. Dalawang lalaki, tatlong
babae. Ah, tatlo palang lalaki, kasama yung Trey Wastridge..

Nag-usap-usap sila, ako naman napahikab. Inaantok pa ako, gabi na rin kasi ako
nakatulog kagabi.

Tinignan ko ang lalaking si Trey.. kahit nakakatakot tumingin sakaniya.

Pagkatingin ko sa gawi niya..

O__O

Bakit siya nakatitig?

Hello po,

Maha-Hiatus po muna ito.

Sorry talaga T___T

Nawala na kasi yung mga ideas sa isip ko,

wag po kayo magalit kasi lahat naman po ng nag enroll kasali sa next update siguro
next week.

Sorry talagaaaaa!!! Wag kayo magalit kay ate Mayu :(


-Mayu

Scarlett Astrid's POV

Natapos na ang klase namin.

Nakakatuwa makilala ang ilan sa mga miyembro ng espesyal na Royal Colors.

Si Maxinne, Si Regina at Ice.

Si Sandy nga close na agad ang ilan sa mga Royal Colors,

At syempre hindi rin kami nakaligtas sa mga tao sa paligid namin sa campus.

Yung iba natuwa at namangha dahil pinabilang kami sa section ng Royal Colors.

Pero mostly, kinutya lang kami. Sa pagkakaalam kasi ng lahat wala kaming espesyal
na kakayahan. Kami nila Sandy at Dionne.

Bakit daw kami inilipat doon imbes na ang mga students na namaster na ang kanilang
kapangyarihan.
"Echoserang frog lang ang mga yon. In short naiinggit sila kasi ka-bonding natin
ang Royal Colors. Muwahaha" Sandy.

"Bakit nga kaya tayo inilipat doon?" balik tanong ko. Nagshrugged lang ng balikat
si Sandy at nagpatuloy sa kinakain na popcorn.

Naglalakad kami ngayon dito sa labas ng StoneGem Academy.

Madilim na rin dahil gabi na.

Tinitignan lang namin yung mga tao na abala sa mga pagdedekorasyon sa paligid.

Yung mga levitator na nagpapalutang ng pasabit sa mga puno tapos mga teleportation
ang kapangyarihan na nagpapalipatlipat sa lugar upang mapabilis ang trabaho. Meron
din na Water User na nagdedesenyo ng fountain na malaki sa gitnang bahagi ng lugar.

"Ano mayroon dito? Mukhang abala ang lahat?" naguguluhan din na tinignan ni Sandy
ang mga busy na tao.

"Oo nga..May espesyal sigurong magaganap." ako

"Hi, guys!!"
Sila Regina, Maxinne at Ice pala.

"Hey, Royal Colors." bati ni Sandy. Kasama rin pala nila si Dionne na nakabusangot
ang mukha at mukhang badtrip.

Third Person's Pov

"Gabi na a! Saan kayo pupunta ni Scarlett?" nakangiting tanong ni Maxinne .

"Naglilibot lang. Boring kasi sa loob ng dorm. And wala naman assignments." sagot
ni Sandy.

"Ah ganun ba? Kami kasi we're heading downtown. At Night Market. You know masaya
'dun" Nakangiting sabi ni Regina

"Talaga?? Sumama nalang kaya kami sainyo?" Sandy

"Great Idea!" Maxinne and Regina

Naglakad na sila Scarlett, Sandy, Maxinne, Ice, Regina at Dionne papuntang Night
Market.
"Hi, Ice." bati ni Scarlett sa tahimik na kaibigan. Masaya kasing nag-uusap sila
Maxinne, Regina at Sandy sa likuran.

"Hello."

"Ano nga pala ang gagawin niyo sa Night Market?" tanong ni Scarlett

Ngumiti naman siya. "Bibili kasi ako ng books na more about my power, Air."

"You really love to read books, don't you?" nakangiting tanong ni Scarlett kay Ice

"Yep. I do. Nakakatanggal ng boredom and then may natututunan ka pa. Ikaw? Do you
love reading?" Ice

"I do, as well. Kaso nga lang naiwan ko sa mortal world. I love sketching, too. I'm
good on it." sagot ni Scarlett

Ngumiti lang si Khionne Ice dito.

Sa isip ni Scarlett, kahit tahimik si Ice, masayang kausap rin ito. Cute din kapag
ngumingiti.

Kailangan mo lang sya makilala. Kung una, medyo hindi namamansin at mukhang
masungit, kapag nakilala mo ang other side ng Ice princess ng Royal Colors
malalaman ng lahat na mali ang bansag .
Nagkwentuhan ang magkakaibigan habang naglalakad medyo malayo rin kasi ang Night
Market.

Nagugulat na nga lang at napapahinto sa pakikipagkwentuhan sila Maxinne at Regina


sa likuran nila Dionne, Scarlett at Ice kapag nakikitang tumatawa si Ice.

"Nagkasundo na kaagad sila ni Scarlett. Haha. Nice," Maxinne

"Hahaha, siguro nakagaanan ng loob kaagad ni Ice." Maxinne.

"Hindi ba tumatawa si Ice?" tanong ni Sandy sa sobrang naguguluhan.

"Minsan. Minsan ngiti lang. Meron kasi siyang history na binubully noon. She was
kind though I don't know kung anong nakain ng mga bullies at ginanon siya at
walang gusto makafriend sya. Since 'noon hindi na siya palangiti, minsan nalang.
Pero sa mga nakakagaanan niya siguro ng loob, ayun friend niya.." pagpapaliwanag ni
Maxinne. Tumango naman si Sandy bilang pagsang-ayon.

****

Malapit na sana ang magkakaibigan sa entrance ng Night Market nang madaanan nila
ang part ng street na pundi ang light. Wala rin tao.

"Creepy. Wag na kaya tayo tumuloy?" Sandy.


"Don't worry. I can manage to light up the way." Nakangising sabi ni Maxinne saka
lumakad sa harapan ng lahat at naglabas ng apoy sa palad.

"Fire is her treasure." Regina

Naglakad na ang iba pero naiwan si Ice.

"Ayaw mo ba?" tanong ni Regina sa kaibigan.

"You know, Maxinne. Why don't we teleport? Mas madali." Regina

Nagsnap naman si Maxine at napa face palm.

"Shoot! Oo nga naman...You know, Regina? Bakit hindi mo yan sinabi agad?"
natatawang sabi ni Maxinne. Hinampas naman ng mahina ni Regina at nagtawanan.

Pumikit si Maxinne at isang kisap mata lang ay napunta na sila sa maingay na Night
Market.

Ang night market ay katumbas ng mall sa mortal world. Mas magara nga lang at
kumpleto.
"Bakit wala kang imik jan, Dionne? May problema ba?" tanong ni Scarlett.

Kumakain ngayon sila sa isang Restaurant. Gawa sa kahoy ang lamesa at ang mga upuan
naman ay hitsurang pinutol na puno.

Mga Human-fairies ang nagseserve.

Humagalpak naman ng tawa si Regina at Maxinne pagkatanong ni Scarlett non kay


dionne. Si Dionne naman umirap sa dalawa at sumubsob sa lamesa.

"Bakit?" nakangiting tanong ni Sandy.

"Crush kasi niya ako!! Hahahaha" masayang sigaw ni Regina.

"The hell!! H-Hindi yon totoo no!" Dionne.

"May gusto si Dionne sayo?" Sandy

"Binasa kasi ni Regina ang isip niya kanina dahil titig ng titig." sagot ni Ice na
parang nagpipilit na 'wag tumawa.
"N-Nagandahan ako sayo, OO. Pero crush?! Tss." tumayo naman si Dionne at parang
hangin na nawala bigla.

"Speed gem ba 'yung ginamit niya? Cool!'' Maxinne

Nagkasundo naman na pumunta ng boutique shops sina Maxinne at Regina samantalang si


Sandy naman na biglang tumahimik ay sumama kay Ice sa bookshops.

Naglibot lang si Scarlett. Hanggang sa napadaan siya sa isang shop.

Black and Violet ang motif ng shop.

Puro black spell books, brooms, wands and potions ang naroon sa loob. May mga
maliliit na bottles rin na may liquids na ibat iba ang kulay at may mga maliliit na
hayop ang nasa loob.

Minsan na pinangarap ni Scarlett ang maging Witch pero alam niyang walang spell ang
gagana dahil hindi siya witch. Tumingin parin siya sa mga gamit sa loob.

Nang hinugot niya ang libro sa shelf may nakita siyang babae na matalim ang titig
sakanya at nakangiti ng nakakatakot. Kulay pula ang mga mata nito.

Pinuntahan niya agad ang kinaroroonan ng babae sa likod ng shelf pero wala naman
tao sa bandang yon.
Agad niyang binalik ang libro sa shelf pero may napansin siyang parang unti-unting
umuukit doon sa libro.

'Ako ang tatapos sa 'yo, mark my words, Sundust.'

Scarlett's POV

Lumabas na ako ng Witchcrafts Shop na 'yon.

Nakaramdam rin ako ng kakaibang feelings pagkapasok ko palang.

Feeling ko may nakamasid kaya hindi ako mapakali.

Yung libro naman na basta nalang may biglang umukit nailaglag ko ng 'di oras,
napatingin nga ang mga witches na namimili eh, binalik ko na ulit sa shelf agad,

Pero to my surprise, nawala na yung letters. Yung title na ulit yung nandun
nakasulat.

Mas lalo pa akong kinabahan dahil parang inukit yun gamit ang dugo.
May gusto ba pumatay saakin?

Sino? at BAKIT?

Ano ba nagawa ko?

Nang makalabas na ako sa shop na 'yon, naglakad na ako sa buong Night Market.

Namili lang ng konting damit, mga kakailanganin sa schools like experiments, damit
para sa trainings, at iba pa.

Hindi ko na nga mahanap sila Maxinne, tsaka sila Ice, Malamang nag-enjoy yun sa
pamimili, marami rin kasing tao kaya imposibleng mahanap ko rin sila.

Nakaramdam na ako ng pagkapagod at inaantok na rin ako dahil lumalalim na ang gabi
kaya napagdesisyunan ko na umuwi na sa academy.

Naglakad na ako palayo sa Night Market at nadaanan ang madilim na part ng street.
Natatakot na ako dahil parang kanina pa may nakasunod saakin.

Hindi ko alam pero may naririnig akong hiss ng ahas. Ingay. Sa likuran ko.
Binilisan ko ang lakad ko, dahil alam kong wala akong kakayahan umopensa sa
kalaban. Hindi ko alam palabasin ang Fire power ko.

I gasped nang may lumitaw na puting ahas sa harapan ko.

Hindi ko alam kung saan siya nanggaling.

Third Person's POV

Lumitaw bigla ang kanina pang nakamasid na ahas sa dalaga.

Tatakbo na sana pabalik sa Night Market si Scarlett dahil natatakot na siya sa


pwedeng gawin ng simpleng ahas sa harapan.

Pero nabato na siya sa kinatatayuan nang gamitin ng puting ahas ang kapangyarihan.

Nagkulay dilaw ang mga mata ng puting ahas, hindi na maalis ni Scarlett ang tingin
sa ahas.

Hindi siya makagalaw. Hindi siya makapagsalita. Gusto niya sumigaw dahil alam niya
na naa-under na siya sa kapangyarihan ng ahas.
Lumapit ang ahas na puti sa dalaga at pumulupot sa bisig ni Scarlett.

Nanginginig na hindi makalaban si Scarlett, natatakot na siya, pero ang ahas walang
ibang ginawa kundi ang pumulupot sa wrist ni Scarlett at umalis na. Naglaho. Sa
dilim.

Parang nanlalambot sa takot si Scarlett dahil akala niya masasaktan na siya. Akmang
mapapaupo na siya sa sahig dahil sa panlalambot, pero hindi niya naramdaman ang
pagbagsak sa lupa.

Bisig lang ang umalalay sakanya, napatingin siya sa kung sino ang umaalalay
sakanya.

Napakunot-noo siya nang maalalang ang lalaking 'yon ay ang nakaaway niya nung unang
araw niya sa lugar.

''Mapanganib dito. Anong ginagawa mo dito na nag-iisa ka?'' Tanong nito habang
nakakunot-noo. ''Ihahatid na rin kita sa academy. Hindi mo alam kung ano ang
pwedeng mawala kung may mangyari sayo. Mag-ingat ka nalang, Trid.''

Nagtaka ang binata kung bakit walang imik ang dalaga. Nilingon niya ito dahil karga
niya ito. Natawa nalang siya ng bahagya nang malaman na tulog na pala si Scarlett
sa bisig niya.

He smirked. ''Tinulugan mo na naman ako.''


Scarlett Astrid's POV

Nagising ako sa ingay na parang malikot ang kama ko.

Parang may nagbabangayan din sa tabi ko.

''Dun kana nga!''

''Ayoko nga! Kanina kapa ha!

''Tignan mo, dahil sa kaartehan mo wala tuloy nakasabay si Scarlett sa pag-uwi!''


Malakas na boses ni Sandy. ''May pa-walk-out walk-out ka pa nalalaman!''

''AT BAKIT AKO?! Kayo nga ang kasama. Nag-iisa siya dun sa madilim na daan! Mabuti
nalang at may nakasabay siya doon, palibahasa puro mga damit ang inatupag niyo.''
Dionne

''Excuse me?! Hindi ko papabayaan ang best friend ko 'no! Nagkataon la'ng na
nagkahiwa-hiwalay! 'Wag mo nga akong sisihin, nakakainis ka na!'' Sandy, ''Eh ikaw?
Siguro nga nag-date kayo ni Regina kaya wala ka kagabi sa tabi ni Scarlett eh!
Mamaya may nakasalubong siyang Dark-gem holders, wala kang silbi lalaki ka!''
''Umuwi na ako kagabi sa dorm ko. Kanina mo pa ako tinutulak sa Royal Color na 'yon
ha, nakakahalata na ako.''

''H-ha? N-Nakakahalata?! M-Mali yang iniisip m-''

''Nakakahalata na akong baliw kana! Pumunta kana sa mental! HAHAHHAHA''

''ARGHHH!!''

Ang ingay!

Nang imulat ko ang mata ko,

=___________=

Kaya pala.

Ngayon alam ko na, kung bakit parang duyan yung kama ko at ang likot.

Naghahampasan ang mga loko ng unan. Sa magkabilang gilid ko pa.


Pinagigitnaan pa ako ng pillow fight ng mga baliw kong kaibigan. ''Yung totoo,
sinasadya niyo talagang pagitnaan ako para magising na ako 'no?'' sabat ko. Dahil
kung hindi pa ata ako magsasalita hindi pa ako mapapansin.

Tsaka baka matamaan na ako ng mga unan.

Natigil naman sila sa pagpipillow fight na parang bata at ngumisi sakin.

''Yes. Gising na siya!'' Dionne

''Sleeping beauty. You've been sleeping for 3days. Nasarapan ka ata matulog.''
Sandy

O______O

WHAT?!

''3DAYS?! For real?! Weh?'' ako

''-____- 3days na kami nagpipillow fight dito.'' Sandy

''Tss. 3days mo na rin ako inaaway.'' Dionne


''Whatever. Mag-ayos kana, Scarlett. Sabi kasi ni Mr. Cavin, pumunta daw tayo sa
office niya once na magising kana.'' Sandy

**

Nag-ayos na ako ng sarili at nagpunta na kaming tatlo sa Office ni Mr. Cavin.

Pagbukas namin ng pinto, hindi parin ako matigil sa pamamangha sa loob ng silid ni
Mr. Cavin. Maganda parin talaga.

''Hi, Sandy friend! Hello, baby D!'' Bati ni Regina

Nandito ang Royal Colors na sila Regina, Maxinne, Ice at 3 lalaki pa na ibang
miyembro ng grupo.

Namumulang nag-iwas naman ng tingin si Dionne at nagkamot ng ulo. Si Sandy naman


ngumiti lang pero parang may kakaiba sa ngiti niya,

Binati kami ng ibang Royal Colors, ganun din kami. Dumating naman si Mr. Cavin at
binati naming lahat,

''Maupo kayo.'' utos nito saamin. Naupo naman kami sa mga sofa nito. ''Nagtataka
siguro kayo kung bakit ko kayo pinatawag? Nagtataka rin siguro kayo kung bakit sa
dami ng Royal Colors, kayo lang ang pinatawag ko, tama ba, Royal Colors Members?''

Tumango naman ang Royal Colors.

''Bago ko sabihin ang dahilan, mag-umpisa muna tayo kay Ms. Scarlett Astrid
Sundust.'' napalingon naman ang lahat saakin. Tinanguan ko lang si Mr. Cavin

''Ano po 'iyon, Mr. Cavin?'' tanong ko. Kinakabahan ako at naguguluhan ngayon.

''O, talagang hindi niyo muna hinintay ang kulang, ano?''

Lumingon naman kaming lahat sa bagong dating.

And then, may mga pangyayaring naalala ako. Hawak niya ako sa beywang nung gabi na
nasa Night Market ako. Dahil sa antok hindi ko na maalala ang mga nangyari.
Tatanungin ko nalang sila Sandy.

''Alam ko naman na hindi ka pupunta. You're not paying attention in some situations
like this, right? Miracle dahil pumunta ka? Dahil ba 'yon kay-''

''Papa!'' guy na parang namutla at napasulyap sa side namin. Or side ko?


''Fine. Seryoso na 'tayo.'' Mr. Cavin na parang nagpipigil ng tawa. ''Si Ms.
Sundust. She is the daughter of Zigamord Merfild.''

To be continued...

#611

This chapter is dedicated to @Kwaynanana my friend.

Basahin niyo ang story niya, nakakaengganyo basahin. Tapos guys may story rin siya
na ''Strangers turn into Couples'' Clash-type story

Third Person's POV

Nanlaki bigla ang mga mata ni Scarlett sa narinig.

"A-Ano ho? T-Tatay ko?" naguguluhang tanong ni Scarlett kay Mr. Cavin.

Matagal nang napupuno ng katanungan si Scarlett tungkol sa mga magulang niya.

Never kasing nagsalita ang tiyahin at ina nito noong nabubuhay pa, tungkol sa
kanyang ama.
"Tama ka ng rinig, ms. Sundust. Buhay ang ama mo. At ayun ay si Zigamord Merfild.
Actually, Sundust talaga siya, natripan lang siguro niya ang Merfild. Pfft-" Mr.
Cavin na nagpipigil pa ng tawa.

Binato naman ni Trey Wastridge ang ama na si Mr. Cavin ng lapis. "Seryoso, PAPA!.
Para naman kayong nakakaloko." irap ni Trey.

Yung Royal Colors naman hindi parin maka bawi sa nalaman na impormasyon sa ama ni
Scarlett.

Pati rin sa katotohanang ang malakas at kagalang-galang na si Mr. Cavin Wastridge


ay binabato-bato lang ng lapis. -____-'

"Ehem*" tikhim ni Mr. Cavin. Nanatiling tulala lang si Scarlett at maya-maya ay


ngumiti pero naluluha sa sobrang saya. "Pag-uusapan natin ang tungkol sa bagay na
'yan mamaya, Ms. Sundust. Privately-Sa mga Royal Colors naman na naririto including
you Sandy and Dionne. I am assigning the all of you to be Ms. Sundust's guardians
and protectors.''

Nagkatinginan naman ang lahat ng Royal Colors pati sila Sandy at Dionne.
Naguguluhang ekspresyon lang ang mababasa sa kanilang mukha.

Samantalang si Trey naman ay nakaupo lang ng prente sa sofa katapat ng inuupuan ni


Scarlett, at pasikretong napapangiti sa pagmamasid sa maamong mukha nito.

"May gusto ba manakit kay Scarlett kaya kailangan niya ng err..ganito kadaming
guardians at protectors?'' tanong ni Maxinne na nagpalingon-lingon pa sa mga
katabi.
"Nasa panganib ba siya kaya kailangan protektahan, Mr. Cavin?" tanong ni Ace
Knight, isa sa Royal Colors.

Kinakabahang hinawakan naman ni Scarlett ang kamay ni Dionne na katabi niya dahil
sa takot sa mga bagay na maaari pang sabihin ni Mr. Cavin.

Napa-arko naman agad ang isang kilay ni Trey sa nakitang pagholding hands ng dalawa
sa harap niya.

"Malayo pa naman ang kinatatakutan ng lahat, Royal Colors. Pero, sa ngayon gusto ko
na agad ipaalam sainyo para mapaghandaan niyo-'' Mr. Cavin

''Na si Scarlett Astrid ay ang Crystal Moon na matagal na natin hinahanap.'' Sabi
ni Trey na halatang nababagot na tono.

Napanganga naman ang halos lahat ng tao sa silid.

Nag poker face naman si Mr. Cavin.

"Anong sinabi mo?! Si Scarlett-?'' Dionne

"Ayoko na ulitin nakakabobo. Sayang sa laway." Trey


"S-Si Scarlett?!" Maxinne

"Ibig bang sabihin....." Felix na isa rin sa Royal Colors.

Halos lahat ng nandoon ay gulat samantalang si Scarlett naman ay naguguluhan kung


ano ang ibig sabihin ng mag-ama.

''A-Ano po? Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi ninyo.'' Scarlett

Ngumiti naman sakanya si Mr. Cavin. ''Ayaw kita mastress at biglain kay maari bang
kami muna ng mga Royal Colors ang mag-uusap? You may go now, Sundust.'' anunsyo ni
Mr. Cavin

Tumingin naman si Scarlett sa lahat, ngumiti lang ang mga ito sakanya. Lumabas si
Scarlett ng silid, isasara na sana niya ang pinto mula sa labas ng biglang may
pumigil sa door knob nito.

''Astrid''

Parang hangin na mabilis na nagbago ang ekspresyon at aura ni Mr. Cavin pagkalabas
at pagkalabas ng dalawa sa silid.
''Si Scarlett Sundust ang nakatakdang Crystal Moon na nabubuhay. Sa ngayon, alam
niyo naman siguro na bago palang niya natuklasan ang Academy her power either.
Marami pa siyang dapat na matuklasan at malaman. Mula sa kapangyarihan niya
hanggang sa pagkatao niya.'' Mr. Cavin

''Malamang nararamdaman na ng mga kalaban ang presensiya niya ngayon. Simula nung
araw na tumapak siya dito sa mundong 'to, naalarma na ang mga kalaban. Gusto ko na
bago matuklasan ng mga masasamang kaaway na hawak na natin ang Crystal Moon lumabas
na ang tunay na kulay ng kakayahan niya....

Ngayon, binibigyan ko kayo ng katungkulan. Dalawa lang ang pagpipilian niyo. Ayan
ay kung, pumapayag ba kayong maging isa sa mga Protectors at Guardians ng Crystal
Moon?'''

Nagtinginan naman ang Royal Color . Parang hindi sigurado.

''Ngayon na lang ang pagkakataon niyo pumili. Magsakripisyo para sa Crystal Moon at
sa Mundong 'to o umatras?'' dagdag ni Mr. Cavin

Nagtanguan naman ang Royal Colors still hindi parin nagsasalita ang mga ito. Gulat
parin at nabigla sa lahat ng nalaman.

''Good. Hanapin niyo ang si Angel Lynne Park sa Praxi Tribe Mountain.. Mas maganda
kung mauunahan natin ang masamang kampo makuha siya.''

''Siya ba 'yung missing Royal Color?'' Tanong ni Sandy dito na may seryoso din na
tono.
''Oo, silang dalawa nga. Itinago sila sa mountain na 'yon dahil sa kapangyarihan
nila. Ngayon mas makakahinga tayo ng maluwag kung malalaman natin na nasa kampo na
natin sila.'' Mr. Cavin

''Kung ganoon, kailan ang alis namin, tsaka, ano ba ang mga pangalan at espesyal sa
dalawang 'yon?'' tanong ng lalaking miyembro ng Royal Colors na si Paul Williams.

''Angel Lynne Park. Ang four-gems holder, may hawak na apat na klase ng gem.
Namaster niya ang gem na 'yon kahit sa batang edad, malakas talaga.Saka ko na
sasabihin ang kasunod niyong misyon, 'wag kayong mag-aalala, once na kaya na ni
Scarlett tumayo sa sarili niyang mga paa, doble na ang laban natin sa masasama, mas
magiging panatag na tayo.'' paniniguro ni Mr. Cavin sa lahat at nagpaalam na at
lumabas ng silid.

Khionne Ice's POV

''Kapatid mo diba?''

''AY PUSANG KALBO!!!-Felix naman!'' inis na pinalo ni Ice si Felix Williams na


biglang sumulpot sa tabi niya at nagsalita. Si Felix ay isa rin sa Royal Colors.

Tumawa naman ng bahagya si Felix. '' Tama diba? Si Angel Lynne Park na missing
Royal Colors, kapatid mo? Half sister? '' Felix na nakarest ang dalawang braso sa
likod ng ulo habang sumasabay kay Ice na mag-isang naglalakad sa Hallway ng
Academy.
Lumingon naman si Ice kay Felix na parang malungkot ang mukha. ''Tahimik na siya sa
Mountains. Baka-Baka mapahamak na naman siya kung kukuhanin ulit siya ng Academy.''
nakayukong sabi ni Ice

Sandaling natahimik naman silang dalawa. Tinitigan lang ni Felix ang dalaga na
malungkot na nakatungo at maya-maya ay ginulo ang buhok nito.

''Hindi 'yan, Ice. Tiwala lang. Kasama na natin ang Crystal Moon. Hindi na mauulit
yung nangyari noon na muntik na siyang makuha ng masasama gaya ng sinabi ni Mr.
Cavin sa 'yo.'' Nakangiting sabi ni Felix

Maxinne's POV

"Akalain mo 'yun Si Scarlett pala ang sunod na legendary Crystal Moon?" Regina

Naglalakad kami ngayon patungo sa dorms namin.

Pagkatapos kasi namin umalis sa office ni Mr. Cavin nagpaalam na kami sa isa't-isa.

Hindi ko rin naisip na si Scarlett ang Crystal Moon.

Expected ko kasi na, siyempre Crystal Moon, malakas, matapang. Katulad nalang ng
mga naunang Crystal Moon.

Pero si Scarlett?
Hindi mo aakalain na siya ang pinakahihintay ng lahat. She looks so vulnerable.
Hindi mo mahahalatang sakanya napiling ibigay ang espesyal na kakayahan na inaasam
ng lahat.

"bakit ba gustong-gusto ng masasamang Wizards at mga taong experts sa gems makuha


ang Crystal Moon?" takang tanong ko.

Ang lahat kasi ng impormasyon tungkol sa Crystal Moon, hindi basta-basta nilalabas
sa pampublikong Library dito. Pati nga sa library ng Academy, wala rin masyadong
detalye na alam ang mga estudyante na katulad ko kundi ang tungkol sa espesyal na
gem ang meron ang crystal Moon tsaka sa espesyal na kakayahan.

Hindi ko alam kung namamana ba ang power nito,

- #303

Third Person's POV

"Astrid"

Nagulat naman si Scarlett sa pagtawag sakanya ni Trey sa second name niya, alam
niyang walang tumatawag sakanya sa 'Astrid' pero parang meron na wala. -_- Gulo!
Nagtatakang napatingin naman si Scarlett dito. "Bakit?"

Napakamot naman ng ulo si Trey. Basta ang alam niya lang gusto niya muna ito
makasama at makausap.

"Gutom na kasi ako. May sasabihin ka ba?" Scarlett na ilag parin dito. Hindi nga
naman kasi maganda ang ugali nito sa pagkakaalam niya,.

Parang nagliwanag naman ang mukha ni Trey. "Ah yeah, yayayain sana kitang kumain sa
cafeteria? Treat ko naman.''

Nagtatakang napatitig si Scarlett kay Trey. Alam niyang hindi niya pa 'to kilala,
pero ang bait sakanya. Opposite ng Trey na first na nameet niya na mukhang mag-
eevolve na sa pagiging Pokemon joke sa monster.

Nabahala naman si Trey na baka tumanggi ito dahil ang tagal sumagot. Kaya may
naalala siya.

''Libre na kita ng Pasta.'' Trey

Suddenly her face lit up. "Pasta?! Really? Tara?" Masayang alok ni Scarlett.
Hinawakan niya ang braso ni Trey at nagsimulang lumakad papuntang Cafeteria.
Hindi naman mapigilan ni Trey mapatawa ng mahina. "Your favorite, Trid. Pasta."
bulong nito.

*****

"Do you know that Pasta is the most delicious food for me? It is my favorite,"
parang bata na kumakain si Scarlett ng pasta kaya hindi maiwasan ni Trey na tumitig
at ngumiti dito.

"Yeah. I know its your favor-I mean, oo nga favorite mo halata naman." Trey

''Alam mo na favorite food ko ito? Stalker ba kita?'' Natatawang sumubo ng pasta si


Scarlett Astrid.

Kinabahan na naman agad si Trey. "I-Uhmm-No.''

''Hmm?'' Scarlett

"Okay. Ano nga pala name mo?" Scarlett. Nagulat naman ang dalaga nang makita na
parang nalungkot ang mga mata ng binata sa sinabi niya.

''Pangalan?'' Napangiti ito ng tipid. ''Oo nga, hindi mo na nga naman pala alam
ulit ang pangalan ko.''
Naguguluhan lang na naghintay ng sagot si Scarlett.

"Ofcourse I can't. Ngayon lang tayo nagkakilala, right?" nakangiting sabi ni


Scarlett.

''Hm. Trey Wastridge.''

''Thanks for the treat. I am Scarlett Astrid Sundust." masayang sabi ni Scarlett
saka inalok ang kamay for shakehands, nakipag shake hands naman din si Trey at
ngumisi sa kaamuhan ng mukha ng dalagang kaharap.

''Sorry sa inasal ko nung nakaraan. Badtrip la'ng.'' Napakamot pa ng noo ang binata
na parang nahihiya.

''Tinakot mo nga ako dun, e. Ang sungit mo. Pero ayos la'ng.'' Scarlett

Kumain lang sila sa Cafeteria natutuwa naman ang dalaga dahil nilibre pa siya ng
Pasta ni Trey. Si Trey naman masaya dahil nakausap niya muli si Scarlett.

Napatigil naman sandali sa pakikipagtawanan si Scarlett kay Trey nang mapansin na


maraming mata ang nakatingin sa kanila. Matatalim na titig.

"Don't mind them. Mga naiinggit lang sayo 'yan. Ganda mo daw." Trey na nakangiti.
Napahagikhik naman ang dalaga.

Regina's POV

"Ano ba, Ace Knight!! Hahambalusin na kita kapag hindi ka nagtigil!" sigaw ni
Maxinne.

"Babe, ang hard mo talaga sakin. Hindi ka ba naaatract sa gwapong mukhang-" Ace na
naka pogi-posing pa

"Ah gwapong mukha ha, ano yung sabi mo? Na-aatract? Ito o, yung apoy ko naaatract
sa mukha mo. Gusto mo ihagis ko na to sa face mo??" Sarcastic na sabi ni Max habang
may naka stand-by na apoy sa palad niya.

Nagtawanan naman kaming lahat na nanonood sa away nilang dalawa.

Parang aso't-pusa talaga.

Since magkakilala yang mga 'yan sa Magic School namin, war na talaga e.

Nandito nga pala kami sa Hallway. Lunch na rin kaya we're on our way to Cafeteria.

Ako, Si Max at Ace, si Sandy at baby D. Short for Dionne. Haha


"Asa kapa na maatract sayo 'yan" salubong samin ni Felix Williams. Isa sa mga
kaklase namin sa Royal Colors.

"Haha. Babae type niyan." biro ni Ice na kasama ni Felix

"Excuse me? Iba ang boyish sa tomboy ha." Maxinne

Nameywang naman si Ace at nagtaas ng kilay na parang bakla "Kaya nga. Excuse me,
kahit boyish yan may pag-asa parin ako diyan." boses babae na sabi ni Ace.

Nagtawanan naman kami habang nag-away na naman yung dalawa.

Pumasok kami sa Cafeteria, maraming nagbubulungan tapos iirap sa kabilang table.


Ganun din ang iba tataray sa iisang table

"Woahh. Aba aba naman! Nakahanap na naman ng lalandiin si Wastridge!'' Ace

Si Scarlett and Trey nagtatawanan at kumakain magkasama?

SI TREY??! Seryoso ba 'to?! TUMATAWA NA SI TREY?!


"Si Trey na kasing gago ng gago? Tumatawa na? Wow." Felix

Lumapit naman kami sa table nila dahil sinenyasan rin kami ni Scarlett nung makita
niya kami.

Umupo kami at nakisalo sa table nila. Mga nakangiti pa sila. Kaya itong mga kasama
ko, ngumiti ng nakakaloko.

''Trey, dude. 'Di ka nagsasabi na may hidden feelings ka dito kay Scarlett.''
nakangising sabi ni Felix

''Crystal Moon, dude. Baka makita mo si Kamatayan kapag niloko mo 'yan at sinakt-''
Ace

''The hell!! Ano ba pinagsasabi niyo, anong loko-loko, we're just eating together,
what's wrong with that!'' sigaw ni Trey na mukhang naiinis na.

Hahahah

''Kasi ganito yan. Trey Wastridge is a 'playboy' right? Or was a playboy? Ano na
b-'' sabat ko pero hindi na ako natapos nang bigla niya akong bigyan ng death glare
niya. Pfft. Kakaiba talaga.

''Ano na sabi ni Mr. Cavin?'' tanong ni Scarlett saamin,


''Mission. Well, malayo pa naman yata yung pagpunta natin sa Mountain.'' Felix
shrugged his shoulders at umorder na ng lunch para saamin.

''Praxi Tribe's Mountain, known as hidden village or city 'yon diba? Yun ba 'yun?''
takang tanong ni Maxinne. Hindi ko rin alam so..

''O, ano yang mga titig niyo!?'' Haha. Lahat kasi kami nakatingin kay Khionne Ice.
Siya kaya ang bookworm saaming magkakaibigan. Malamang nabasa niya na yung infos
tungkol dun sa mga librong nababasa niya.

''Tingin ng gwapo yung akin-AW! babe, ba't ka ba nananakit'' Ace. Binatukan ni Max.

''Nakakarimarim yung 'gwapo' na word sayo. And don't 'babe' me, you moron!''
Maxinne na katabi lang din ni Ace

''So, ano na, Ice? May alam ka ba tungkol sa Mountain na 'yon?''

''Ewan..'' Ice na yumuko pa. mukhang may pumipigil sakanya magsalita. Kita ko na
uneasy siya.

So I decided to read her mind. What's the use of my power diba? Sa mga ganitong
pagkakataon na nahihiwagaan ako sa ibang tao, ginagamit ko 'to.
'Ayoko sabihin. Baka mapahamak pa ang kapatid ko.'

''Don't be afraid, Ice. You can trust us.'' sambit ko. Napatingin ang lahat ng
barkada saakin. Maging si Ice na namutla pa.

''Mapagkakatiwalaan naman kami, Ice. Concerned din kami sa safety ng sister mo.
That's why we'll head to the Mountain, right?'' pakiusap ko.

''Susunduin natin siya 'dun, Ice. Kasi mas magiging ligtas siya sa kamay natin sa
panahon ngayon,'' Maxinne

Tumango naman ang iba bilang pagsang-ayon.

''Okay lang naman kahit hindi niya sabihin ang infos sa Mountain. Sasabihin rin
naman ni Mr. Calvin. Don't pressure her, guys.''

I stiff. That voice.

''Paul! Dude, kamusta?!'' bati ni Felix sa bagong dating na si Paul. Paul Williams.
Ang matagal ko nang mahal, sa kabila ng attitude niya. Masungit, sometimes cold. I
don't care, I think Love at first sight ako sakanya kahit 'di niya ako
pinapansin...minsan.

''Nandito kana rin pala sa StoneGem Academy. Hey, ganda ng gem ha! Last time I
checked kulay brown pa 'yan. Wow lang bro, Grey na! Level up!'' Ace
''Nagpapalakas ka talaga, Paul ha! Sige battle tayo minsan.'' biro ni Maxinne.

''Sus, Williams! Wala ka parin igagaling sa gem ko,'' nakangising sabi ni Trey at
nakipag bro-fist kay Paul.

Nginitian lang niya ang mga ito. At umupo na.. sa tabi ko. Katabi yung babae na
kasama niya.

''So, ano meron?'' Paul

''Mission. And this girl infront of you is Scarlett. Scarlett Astrid SUNDUST! How
come na hindi natin agad naalala na ang pamilya ng Sundust ay madalas maging
Crystal Moon-Look at Mr. Zigamord Merfild-AW! ARAY, BABE!'' Ace na pinipingot ni
Maxinne.

''Guys, sige, una na kami ni Ace. Masyadong makati dila niya ngayon eh.'' Paalam ni
Maxinne at lumabas na ng Cafeteria.

Natahimik naman ang lahat. Iniiwasan talaga namin maopen-up ang topic na 'yon. Wala
kami sa posisyon para sabihin kay Scarlett....kung sino talaga ang dad niya.

''Tsk. 'Di tuloy nakakain ng lunch si Max.'' pagsasalita ni Dionne. He's just
trying to cool the atmosphere here~

Nakita ko naman sa peripheral view ko na nagsimula na kumain ang lahat. Pati yung
girl na sinusubuan pa si Paul.

Uncomfortable ako. Hindi ko gusto nakikita ko.

Nakakainis naman kasi, bakit kailangan may girl pa siyang kasama!

So, lumipat ako ng ibang vacant seat....Yung hindi ko sila katabi.

Naiinis na nga yata ako.

Tumabi ako sa seat ni Maxinne na katabi si Dionne. Napatingin naman sila sakin.
Why?

I read Felix' mind. 'Nagseselos siguro 'to kaya lumipat-Hey, Regina! I know that
look! i know na pinapasok mo na naman ang utak ko! Anyway, mukha kang baliw, halata
masyadong jealous. Hahaha'

'Bwisit ka! I'm not jealous!' sagot ko sa isip ko. Hindi naman ni Felix maririnig
'yon kasi Mind reader lang ako, kayang bumasa ng mind ng iba, hindi ko kayang
makipagcommunicate. Kaya pinandilatan ko nalang siya ng mata.
Naisip ko rin na halata nga masyado. Kaya napatingin ako kay Baby D *smirks*

''Hi, baby D. Gusto mo nito? Ayaw ko kasi eh.'' malamyang sabi ko sabay lipat ng
meat sa plate ni Dionne.. Kunyari nalang gusto ko iflirt si baby D. Kesa magmukhang
bitter dahil sa pagglipat ko bigla ng pwesto ng walang dahilan.

Napatingin naman silang lahat. Yea, Yeah ,yeah, I looked like a bitch now. Arghhh!

"Bagay kayo," biglang sabi ni Scarlett habang sumusubo ng Pasta.

''Ha?'' Loko 'to si Scarlett ha, ayoko na nga eh!!! Oo, madalas ko biruin si
Dionne. WITH PURPOSE YUN KASI ALAM KO NA TYPE SIYA NI SANDY!

One time natripan ko yung mind ni Sandy na basahin. Sakto kasi kinakausap niya ang
sarili niya.....sariling feelings towards baby D ^____^

Gusto ko lang naman, mapaamin si Sandy.

''Tao kaya sila.'' Trey

''I mean, bagay sila AS A COUPLE!'' Scarlett.

WHAT THE-! SCARLETT MAGTIGIL KA!


''Tutal may crush si Dionne kay Regina diba? Tapos mukhang mutual feelings rin kasi
si Regina may gusto-'' Scarlett

Paul asked while frowning. Napatitig naman ako sakanya. Ohmygosh, concerned siya?
He cares?

''Ha? O-Ofcourse wal-'' ako

''YES! Mayroong feelings si Regina kay Dionne, dude. Bakit?'' nakangiting sabi ni
Felix. Pinanliitan ko naman ito ng mata. The hell, Felix!

Si Felix, Max, Ace, Khionne Ice at Trey lang naman kasi ang may alam na may gusto
ako kay Paul. So ano tong trip ni Felix?! Hambalusin ko rin kaya 'to? O sigawan
nalang gamit yung super melody gem ko!

''Alright.,'' sagot ni Paul. I don't know if its only me pero parang may sadness
and hurt sa mata niya. Ohmygosh! Regina, stop day-dreaming! One sided love lang
kayo. ''Good to hear that. Ibig sabihin hindi na ako pagpapantasyahan ni Regina
Ignacio? Hindi na rin siya aasa. Great,'' Paul

My jaw drop. W-What did he say?

Hi, gemstones
May gusto lang ako malaman.

Nung nagpa-character enroll ako,

Yung mga nag-enroll ba, nagbabasa pa rin nito?

Just comment ''Yes, ate Mayu''

Kasi hindi ko na isasali or tatanggalin ko yung nag-enroll na hindi na pala


nagbabasa :D

Masyado na kayong marami, tapos may paparating pa na iba. MARAMI PA!

Sakit ng braincells ko pero nag-eenjoy parin ako ^___^

Ang saya ng story na 'to for me hehehe

-Mayu

-SilveryLuna
Khionne Ice's POV

"Ano na naman ba yang trip mo!" pagalit ko sa lalaking kasabay ko maglakad. Si


Felix.

"What?! Ba't ka ba nasigaw," balik sigaw niya rin saakin.

"Yung kanina! Bakit mo ba pinagtripan si Regina!? O ngayon nakakatuwa ba yung


sinagot ni Paul?!" sigaw ko sabay hampas ng libro sa braso niya.
Nagkanya-kanya na kami ng alis sa Cafeteria kanina, si Scarlett kasi pinatawag ni
Mr. Cavin, tapos si Trey naman sumunod kay Scarlett palabas ng Cafeteria. Sabi niya
naaasiwa raw siya doon kaya aalis na siya. May kakaiba talaga sakanya ngayon. si
Regina, nauna na sa dorm niya, masama raw pakiramdam. Tsk. Si Sandy at Dionne naman
ang naiwan sa Cafeteria, kami ni Felix papunta ng Library.

Nagkamot naman siya ng batok, "Sorry na. Kala ko naman kasi magseselos yung gago.
Sakit pala magsalita, bibigwasan ko yun mamaya."

Napairap nalang ako kay Felix.

Hindi ako sanay na sumisigaw pero sa nakita ko sa reaksyon ni Regina kanina? Parang
nagka urge ako na sampalin si Paul, na kapatid ni Felix.

Hindi naman kasi maganda yung sinabi niya. Pinagpaantasyahan daw?

Nakakabastos naman sa babae 'nun. Parang napahiya si Regina 'dun. Although, totoong
may feelings si Regina sakanya, pero ewan ko nalang sa mga susunod na araw. Ang
sama pala talaga ng ugali ni Paul. The cassanova, cold-hearted, strongest Ice gem
holder ng Royal Colors.

Kung biro niya yon, ayos lang sana. Kaso hindi e, SERYOSO niya sinabi.

Flashback*-

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa table namin, pagkatapos magsalita ni Paul ng


masakit kay Reg.
''Paul-'' matigas na saway ni Troy pero pinutol agad ni Regina,

"A-Ano daw? Tss, ako pinagpapantasyahan ka? Wow, Paul alam ko gwapo ka, pero sorry.
Si Dionne kasi talaga yung gusto ko simula una." medyo natatawang sagot ni Regina,
"Naalala niyo yung lagi ako nagc-cut classes sa dati nating school? Know why? Lagi
kasi kami namamasyal ni Baby Dionne.''

"Ha? Ah oo. L-Lagi kasi ako ginagawang trainor ng mga new Gem users kaya w-wala
kaming time ni Regina....mamasyal." sagot ni Dionne.

Napanganga sa gulat si Sandy at Scarlett.

Si Felix at Trey naman poker face. Siyempre alam naman namin na hindi 'to totoo.

Nangisi lang si Paul na parang hindi naniniwala.

Minsan lang ako sumabat sa mga usapan,. Hindi niya deserve mapahiya sa lalaking
'to.

"Yeah, minsan ko na nga kayong nakita. Grabe PDA kayo ha! Yakap monster si Dionne
kay Regina. That's so sweet." dugtong ko.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Felix. Atleast masesave ko ang bestfriend ko sa


gantong pagsisinungaling..
"'I don't fvcking care.,' Paul stood up and left us in the cafeteria. Kasama niya
yung girl na kasama niyang pumunta rito kanina,

"Bad girl. Marunong ka na magsinungaling, Regina? Nakiride ka pa, Dionne? Can't


believe it," Trey teased Regina. Nginitian lang siya nito at nagpatuloy sa pagkain.

End of Flashback*

Trey's POV

Naglalakad na ako ngayon dito sa Hallway, papunta sa office nung tatay ko.

Kalalabas ko lang sa Cafeteria na mala drama ang love story ang natanaw ko.

Akala ba nitong ugok na Paul na 'to na nakaligtas sa paningin ko yung balled fists
niya? Tapos lumabas siya ng Cafeteria na nagyeyelo ang mga kamao? Gago siya
sasaktan-saktan si Regina tapos mababadtrip, tsk. Tanga,

''Bakit ka nakasunod?'' tanong ng nasa harapan kong naglalakad. Astrid.

Tinaasan ko naman siya ng kilay at pumunta sa harapan niya, ''Porket nasa likuran
naka sunod agad? O ngayon, nasa likuran ka, bakit ka nakasunod?'' pang-aasar ko
sakanya.

''Di nga, bakit ka nakasunod? May kailangan ka ba?'' Astrid

''Well, wala naman,'' sagot ko saka pinatong ang dalawang braso sa likod ng ulo ko
at nagsimula na kaming lumakad. ''Pupunta kasi ako sa office ni tanda,''

''Tanda?''

''Hmm. Cavin Wastridge, yung madaldal kong tatay.''

''Bastos. Galangin mo naman yung tatay mo,'' medyo pagtataas ng boses niya sakin,

''Woah, easy. Tatay ko naman 'yon, hindi mo tatay -__-'' makapagalit naman, daig pa
nanay ko.

Why I'm calling my father ''Tanda'' ? Kasi 60 years old na 'yon. 'Di nila halata
diba? Illusionist yung matandang 'yon eh. Kala nila flawless and young pa 'yon,
tsk. Kulubot na 'yon! Power niya lang na ilusyon ang ginagamit niya, =____=

I know walang galang pero who cares? Okay lang naman kay Tanda ^__^

Kumunot-noo naman siya saakin 'to talaga si Astrid, pikunin pa rin. Hanggang
ngayon.

**

''O, anong ginagawa ng mabait kong anak dito?'' papa na mukhang nagulat pa
pagkapasok namin ni Astrid sa office niya.

''Babantayan ko lang ang dapat bantayan, mahirap na baka dumaldal pa.'' -___-
Magets niya sana

Humagalpak naman ng tawa si papa, ''Ewan ko sayo, bata. Don't worry hindi ko naman
ikwekwento kay Ms. Astrid na gus-''
Naglabas naman agad ako ng apoy saka lumingon sa isa sa mga pinakamamahal niyang
lumang vase,

''Ge, tuloy mo lang yang sinasabi mo, sunog yang mga collections mo, papa.''
pananakot ko habang nakatingin parin sa mga vases niya na ilang milyon na ang edad.

Nagpoker face naman siya saka iginaya si Astrid sa sofa niya at tumuloy sa desk
niya.

''Tsaka nga pala, don't ever call her ''Astrid'' again. Scarlett lang,'' sabi ko
saka umupo sa single sofa na kaharap ang desk ni papa.

Si Astrid naman parang namamangha sa paraan ng pag-uusap namin nito ni Tanda.


Nagtataka rin kung ano yung pinag-uusapan namin at kung bakit siya pinag-uusapan,

''Oo na, makautos kala mo pag-aari niya pa ri-'' bulong ni Tanda pero nakangisi ng
nakakaloko,

''Hoy, Tanda! Naghihintay si Astrid, magsabi kana ng infos! bubulong-bulong pa,''

Tumikhim naman si Tanda at tumitig kay Astrid ng seryoso, ''Ms. Scarlett. Bago tayo
magsimula...k-kamusta ang mama mo?''
''Ha? Uhmm...w-wala na po si mama.'' Papa frowned, still staring intently at
Astrid. ''Patay na po si mama,'' Astrid said. Somehow, parang feeling ko naging
malamig ang pagkakasabi niya 'non.

''H-How? Kailan pa-'' Tanda

Napailing nalang ako.

''Pa, let us not talk about her mom. Let's go back to the main topic here.''
pinanliitan ko naman ng mata si papa. Hindi maganda kung pag-uusapan pa namin 'to
ngayon. Alam kong everytime na about sa mom ni Astrid ang usapan nalulungkot siya.

Natulala si papa ng ilang segundo pero nagpatuloy na, ''Do you know anything about
your father?''

Umiling naman si Astrid, ''Matagal ko na pong hindi kilala ang papa ko. K-kilala
niyo po ba siya?''

''Y-Yeah. Oo, kilalang-kilala. Don't worry, Scarlett. Mamemeet mo rin siya. I


assure you na magkikita kayo. For now ang ibibigay ko lang na impormasyon tungkol
sakanya ay ang pangalan niya. The name's Zigamord Sundust.''

Nakatitig lang si Astrid kay papa. Hindi siya nagulat, hindi nalungkot, hindi
sumaya. Seryoso lang. Bakit ganito?

''About your identity or should I say REAL identity. Do you have any idea about
your power?''
''Fire. Minsan ko na po siyang nagamit...and unfortunately, may namatay na
dahil....sakin,'' Astrid said, nakayuko siya na parang may inaalala.

Tinitigan ko lang ang babae sa side ko na nakaupo sa long red sofa. Marami talagang
bad memories ang mortal world sakanya.

''Fire? Is that all? Really, ms. Scarlett? Nalulungkot ka ba kasi may isa kang
kapangyarihan na taglay hindi gaya ng mga mortal? Mas malulungkot ka ata kapag
sinabi kong hindi lang Fire ang kapangyarihan mo.'' Papa

Nagtaas naman ng tingin si Astrid kay papa. ''Ano pong ibig niyong sabihin? May iba
pa po akong kapangyarihan?'' Astrid frowning, kita ko rin ang nanginginig na mga
daliri niya. Her whole face is starting to look pale.

''Astrid....relax. Don't be afraid. Powers lang 'yon,'' pagpapagaan ko ng loob


niya. I know kinakabahan na siya, Big time. I know it when her fingers start to
tremble.

Teary-eyed na umiling-iling siya sakin ng ilang beses, ''No, I-I don't know if I
can still control these powers of mine. Minsan na akong n-nakapatay.''

Nagkatinginan nalang kami ni papa, ''Maiiwasan mo naman yung mga ganung bagay kung
kontrolado mo yung kapangyarihan mo, Astrid.'' ako

''Wag kana mag-alala iha. Nandito kana sa StoneGem Academy. Lahat ng kailangan mo
matutunan, malalaman mo. Sa mundong 'to Ms. Scarlett, maraming nag-aagawan dahil sa
gems. Sa ganung paraan nadadagdagan ang kapangyarihan nila. Halimbawa nalang ikaw,
Fire ka diba? Red gems dapat meron ka, kung sakaling mapatay ka ng iba at makuha
yang gem mo? Parang bula na mawawala yan sayo, mapupunta yang Fire power mo sa
makakakuha ng gem mo..pumapatay sila para makuha ang gems ng iba. Know why? para
matalo ka nila. Mapatay ka nila. Sila ang mga nilalang na galing sa Erebus. Land of
Darkness.''

I saw Astrid stiffened. Freezed. Sobrang dami na niyang impormasyon na nalaman sa


isang araw lang. Tama na 'to.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko dahilan para mapatingin sila sakin. Lumapit ako sa
kinauupuan ni Astrid at hinila na siya patayo.

''Information overload, Astrid?'' nakangiti kong sabi, trying to calm her trembling
hands. Ikaw ba naman malaman mo na may mga TAONG gusto pumatay sayo? 'Di kaba
manginig? ''Tama na muna, tanda. Next time naman-''

''Teka, Trey. Marami pa akong itatanong. Still sobrang napa-puzzled pa rin ako sa
mga bagay na sinasabi niyo. Wala akong maintindihan. Una, ano po yung Crystal Moon?
Bakit ako? Paanong ako? Pangalawa, nasaan ang tatay ko? Pangatlo, paano ko
makokontrol ng maayos yung pangalawa kong kapangyarihan kung kahit yung Fire power
ko e hindi ko makon-''

''Feel free to ask questions to Trey.'' agad na napatingin ako sa matandang


nakangisi sa harapan ng single sofa na inuupuan ko. Siya dapat gagawa 'nun ha, ba't
sakin niya pinapasa. Loko 'to ah!

''Ngayon na. Gusto ko na malaman yung mga sagot ngay-'' Astrid

''Aish! Don't be stubborn, Astrid. Mababaliw ka kung sabay-sabay mo malalaman yan.


May oras naman para diyan. Siguro bukas nama-'' she cut my words
''Pero, Trey! Mas mababaliw naman ako, kung ipagpapabukas pa!'' sigaw niya sakin.
Napahilamos naman ako ng mukha ko. MAS makulit na siya ngayon.

''Okay, okay. Ganito. Magpahinga ka muna, kasi may training ka ng Fire bukas.
Tapos, bukas rin sasabihin ko sayo LAHAT ng sagot sa mga tanong mo.''

''Pero, Trey-''

''No buts, let's go.'' mabilis na hinila ko na siya palabas ng office ni Tanda.
Kulit eh, ayaw pa patalo.

Makakalayo na sana kami sa office ni tanda nang may humila sa balikat ko, napahinto
kami ni Astrid sa paglakad.

''Bakit?'' tanong ko. Si Tanda.

''Nakalimutan ko sabihin...'' Tanda na lumingon-lingon pa sa paligid na parang may


hinahanap. Problema nito?

''Ms. Scarlett, simula ngayon lumipat kana 'dun sa dorm ni Trey....''

O___O Anong sa dorm ko?! Ano na naman trip netong matandang 'to, pagsusunugin ko
talaga vases nito sa office niya!

Seryoso lang si Tanda na nakatingin saamin. Hindi siya ngumisi o ngumiti. Hindi
siya nagbibiro, ano kaya problema?
Nagulat naman si Astrid at parang magrereklamo na,

''Makinig kayo. Sinabihan na kita, Trey na obligasyon mo ang safety ni Ms. Scarlett
pero mukhang nakalusot 'tong White snake sayo.'' tinaas niya ang wrist ni Asytrid
sa harapan namin. Nanlaki ang mata ko. Damn! bwisit!

May puting manipis na sinulid ang nakatali sa wrist ni Astrid. Pero hindi lang 'yon
basta sinulid! Hindi yon basta-basta!

''Ms. Scarlett, 'wag ka magalit, pero itong puting bagay na 'to ay tanda na pumayag
kang pakasalan ang isang White Snake Guardian. Kukunin ka ng Guardian na 'yon ano
mang oras. Wala kang laban, si Trey ang aatasan kong magbabantay sayo, Sana
maintindihan mo. Malaki ang dorm ni Trey, maproprotektahan kana niya 'doon.''

''Pero....Mr. Cavin, p-pwede naman na sila M-Maxinne, Regina or sila Dionne nalang.
May power rin sila, kaya nila akong protektahan. Tsaka.....tsaka kakakilala lang
namin ni Trey-'' Astrid.

-___- Anong gusto niya iparating! Kakakilala lang namin at baka may iba pa akong
ugali na. Putek naman Astrid! Kung pwede lang isigaw....

Kung pwede lang isigaw na...''Tangna! Astrid, MATAGAL NA TAYO MAGKAKILALA!!''

Scarlett Astrid's POV


Dorm daw ni Trey?!

Kasalukuyan na kaming naglalakad ni Trey papunta sa dorm ko.

Tutulungan na daw niya ako ilipat yung kaunting gamit ko pati kaunting damit sa
dorm niya.

Hindi nga niya ako kinakausap simula kanina na iwanan kami ni Mr. Cavin. Mukhang
badtrip pa.

Sabagay, hindi pa naman kami close kaya bakit niya ako dadaldalin diba?

Gusto ko nga sana na kila Maxinne, Regina, Ice o kahit kay Dionne o Sandy nalang
ako mags-stay. Atleast sila hindi ako naiilang.

Pero bawal daw dahil may mahalagang misyon silang mga Royal Colors.

Sabi ni Mr. Cavin, hindi naman daw magtatagal ang pag-stay ko sa dorm ni Trey,
pwede na daw akong bumalik sa dorm ko kapag nagawan na ng paraan yung tungkol sa
White Snake Guardian.
Isa pa yung tao o hayop o kung ano man na nilalang 'yon. Sa lahat tao dito, ako pa
natripan!

Ngayon, naiilang na ako kay Trey. Kakikilala ko pa lang sakanya kanina. Babae ako.
Mukha pa namang playboy 'to si Trey.

Hindi katiwa-tiwala yung kagwapuhan niya. Kinakabahan tuloy ako ma-rape-Ohmygod!

"Huy!"

"Aray!" pinitik niya ako sa noo.

"Pfft. Namumutla ka? Problema mo?" sabi niya habang nagpipigil tumawa.

Problema ko? wala akong problema. Wala talaga. Huhu.


"Wala naman,"

Inirapan naman niya ako sabay pitik pa sa noo ko, "Pwede ba, Astrid? 'Wag ka nga
mamoblema dahil makakasama mo 'ko ng ilang araw..Hindi ako rapist o kung ano mang
masama ang iniisip mo. Tch"

"Wala naman akong iniisip ha.." Mind reader ata siya. Nahulaan niya iniisip ko
sakanya.

**

Kumuha ako ng ilang damit at mga ilan ko pa na gamit nilagay ko yun sa backpack ko
na suot ngayon ni Trey ..

Sabi niya, siya na daw bibitbit dahil mabait daw siya..

Naglalakad na kami papuntang Boys' Dorm. Hiwalay kasi ang place ng Girls' Dorm sa
Boys'.

Kanina pa nga ako naiilang sa mga nadadaanan namin na room eh. Halos lahat kasi ata
ng rooms dito nakabukas at puro lalaki na nagkakasiyahan, nag -uusap....at
nakatingin sakin. Titig na nga yata.
"Witweew"

"Hoy, bawal babae dito ha!"

"Hoy, Trey! New chicks!"

"Oo nga! Tinik mo talaga!"

"Pare, 'wag mo pahirapan 'yan ha. Hahaha"

Bawat lalaki nakangiti tapos sumisigaw lang ng kung ano. Lalo tuloy akong nagworry
kung tutuloy pa ba talaga ako na sa dorm muna niya o hindi.

"Uh..Trey-" bigla niyang tinakpan yung dalawang tenga ko. Para tuloy siyang
nakaakbay sakin, tumayo naman yung mga balahibo ko. Ang bango niya!

"Don't mind those bastards, Astrid." Sabi niya. Para naman akong napipi at tumango
nalang sakanya. Naiilang na ako sa posisyon namin habang naglalakad.

Good thing, narating na namin ang dorm niya.

Kulay pula ang pinto nito na may gold na door knob.

May maliit na korteng diamond sa gilid ng door knob. Nakita ko na tinapat niya ang
kulay pulang gem ng singsing niya doon at pinihit ang door knob..

Pinauna niya akong papasukin sa loob, at tama nga si Mr. Cavin, malaki nga ang
dorm niya.

Malawak ang salas, malaking flat screen t.v, dalawang mahabang black sofa,lumibot
ako sa paligid dahil namamangha na talaga ako. May pinto sa kaliwa at yun na pala
ang kusina, may pinto naman na kulay pula sa kanan. I think, kwarto na niya 'yon.
Nakabukas kasi yung pinto at kita ko ang King-size bed na kulay itim at puti. May
isa pang pinto, may normal size na bed. Extra room siguro..

Umupo ako sa sofa, "Astrid, doon kana lang sa room ko.." iniabot naman niya ang
backpack ko.

"Okay lang ba sayo? Ayos lang naman sakin kung 'dun nalang ako sa isang room-"

"Tsk. 'Dun kana, Astrid. Tuwing gabi, dito ako sa salas, para madali ko makita kung
paparating yung gagong White snake Guardian na 'yon."

"Ano ba 'yon?" Hindi ko kasi alam kung ano rin yung nasa wrist ko ngayon. Oo, may
parang manipis na puting tali nga. Tinatanggal ko nga pero hindi ko siya mahawakan.
Weird.
"Creature galing sa Erebus. World of darkness. Kapag napusuan nila ang kung sino
mang babae, mamarkahan nila niyan," saka niya tinuro ang wrist ko. Umupo naman siya
sa tabi ko at sumandal doon sa sofa at marahang pumikit. "Dadalhin ka 'nun sa
tahanan nila at gagawing alila. Hindi kana makakabalik dito kapag nakuha ka niya.
*sigh*" bumuntong hininga lang siya saka pinisil ang bridge ng ilong na parang
problemado.

Natakot naman ako sa nalaman ko. Diba sabi may gusto daw pumatay sakin dahil ako
ang Crystal Moon? Tapos ngayon may isa na naman na gustong kumuha sakin.

Parang ayoko tuloy humiwalay kay Trey. Bakit ba napakahirap ng nangyayari sakin
dito? Kailan kaya ako mamumuhay ng normal?

Nanlulumo na tinaas ko ang wrist ko. Tinitigan ko lang ang marka na sinulid. "Paano
kapag nakuha ako nung Whi-"

"Asa siya! Tutustahin ko muna siya ng apoy ko saka kukuryentihin ng kuryente ko


bago ka niya mahawakan." madiin na sabi niya habang nakakunot ang noo na nakapikit.
Hawak niya rin yung wrist ko ng mahigpit.

"Salamat, Trey. Pero paano niya nga to nalagyan ng marka?" wala naman kasi akong
natatandaan na humawak ng bisig ko.
Dumilat naman siya saka tumingin sakin, "May...May puting ahas ba...na pumulupot
dito?" tinaas niya ang wrist ko

Umiling lang ako ng bahagya dahil wala nama- Wait!

Nung pauwi ako galing sa Night market..

"Oo! Meron! Nung gabi na galing ako sa Night Market! Ahas na puti, kulay dilaw ang
mga mata--" ako

"WHAT?! DILAW ANG MATA?!" napadiretso siya ng upo saka hinawakan ang kamay ko ng
mahigpit.

"Oo, Trey."

"Pero mabubuting Guardian ang may mga dilaw na mata. Bakit nilagyan ka nila ng
marka? Hindi nangunguha ng mga tao ang mga White snake guardian na may dilaw na mga
mata.''
"Damn, may traydor sa clan," singhal niya saka dumiretso sa loob nung kwarto niya.

-**

Kinabukasan...

Ilang minuto na paghihintay, hindi pa rin lumalabas si Trey sa kwarto niya kaya
napagdesisyunan ko na 'dun muna magbihis sa extra room niya.

"Trey, aalis na ako! May pasok pa kasi ako!" sigaw ko mula dito sa salas.

Walang sumagot, baka nakatulog na. Kinuha ko na ang bag ko sa sofa at akmang
lalabas na sana nang may malaglag na bagay galing sa sofa.

Yung tipo ng bagay na hinding-hindi mo maiisipan na meron ang Trey Wastridgesa dorm
niya.

Pinulot ko ang MGA ITO at itinaas sa ere. Tinitigan ko lang ito, parang 'di ako
makapaniwala.

Napahagikhik naman ako. Parang ang sayang naman.. ang gwapo ni Trey.
"Buti nalang. Atleast 'di na ako maiilang sayo, Trey." sambit ko habang nagpipigil
tumawa ng malakas kahit alam ko na nasa loob ng kwarto si Trey.

"And why ar-'' Trey, ''What the f-ck?''

Lumingon naman ako sa kalalabas lang ng kwarto na si Trey may hawak na lumang libro
at namumutla na inagaw sa mga kamay ko ang..

Okay.

Panty at Bra. Red Brassiere and Panty.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na humagalpak ng sobrang lakas na tawa.

Napaupo pa nga ako sa sofa at tumawa ng tumawa.

Gaad. Kanina pa ako namomoblema na baka harasin at reypin ako ni Trey dito. 'Yun
naman pala..

Pffftt.
"Binabae ka? Pfft Hahahahahahahahaha! Bading? Hahahaha beki?" pulang-pula na si
Trey na nakatingin sa ibang direksyon. Bakla siya! Hahahaha

"Tumigil ka nanga, Astrid. Mali ka ng iniis-"

"Hahahahaaha Sayang ka, girl! Hahahaha"

"The hell! Lalaki ak-" Trey

"Hahahahaha Gwapo ka pa naman, girl! Naloko mo 'ko sa pa-boy effect Hahahaha"

"Astrid, tumigil ka nga! Isa!" Trey na namumula na.

Hahahahaha!

"Can't imagine-Hahahahah this Hahaha-Trey the handsome wearing brassiere and Pfft
Haha-"

"Dalawa! Umayos kana ng-" Trey


Pero di ako nakinig sa pagalit ni Trey. Hindi ko nga mapigilan wag tumawa.

Imagine, guys! Trey wearing a red bra and pant-

"Waaaa!" impit na tili ko. Halaaa

"Ayaw mo talaga tumigil?" Trey smirked. Tinulak niya ako sa sofa na kinauupuan ko
at napahiga ako dito. Waaaa nasa ibabaw ko siya. Isang maling kilos magkikiss na
kami.

"Titigil na ako! Trey!" utal na sabi ko. Nararamdaman ko na yung hininga niya.
Sobrang lapit ni Trey Waaaa!

"Itong bra at panty? Kay Lalaine 'to. Yung ex-girlfriend ko. Masyado atang nag-
enjoy last time...kaya nalimutan dalhin 'to." Mas lalong ngumisi si Trey. Feeling
ko mahihimatay na ako sa posisyon namin.

Oo na! Gwapo siya lalo sa malapitan.

Bakit ko ba naisip na bakla siya. Gaad!

And ano daw? Sa ex niya?


"Trey.." natatakot na ako. Baka kung ano pa magawa niya sakin. Waaaa! Dapat kasi di
na ako tumawa kanina! T.T

Napatitig siya sa labi ko at madiin na pumikit. Tinukod niya na ang dalawang braso
niya sa magkabilang gilid ko. ...Na akala ko tatayo na talaga siya mula sa ibabaw
ko..

Well, akala ko lang pala,

"Lalaki ako, Astrid. And I can prove it to you right now."

Then the next thing I know....our lips met. He is now kissing me.

Scarlett/Astrid POV

KISSING ME!

Naramdaman ko nalang na parang nanlambot yung katawan ko. Nanghina.


First time ko mahalikan ng lalaki!

Ang lambot ng mga labi niya.

Lalong naramdaman ko yung puso ko na parang sobrang ingay na ng tibok. Parang


maririnig na nga ata ni Trey 'to.

Gumagalaw yung lips niya na parang ineenjoy yung lips ko...hindi ko alam kung anong
nangyari sakin at saglit akong nagrespond sa halik niya..

Nanlaki ang mga mata niya sa pagrespond ko sa halik niya...'dun na ako natauhan at
itinulak na siya palayo sa ibabaw ko,

Nahulog siya sa sofa at sinamaan lang ako ng tingin. Maya-maya, napatingin na naman
siya sa mga labi ko at ngumisi ng nakakaloko.

WHAT THE HELL, SCARLETT!

STUPID! STUPID! STUPID!


Bakit nga ba ako nagrespond?!!

"You like it, huh Astrid?" nakangising si Trey.

Nag-init naman yung mga pisngi ko saka pinunasan ng madiin yung labi ko. "HINDI HA!
IKAW!!" dinuro ko siya na nakasalampak parin sa sahig. "FIRST KISS KO 'YON!! YOU
STOLE IT! YOU, MORON! ARGHHH!"

Tinaasan niya lang ako ng kilay saka humagalpak ng tawa. "Pfft. Sus, nag-enjoy ka
naman yata sa ki- Ouch! Huy! Aray, Astrid tumigil ka nga!" pinagbabato ko siya ng
throw pillow na nandito sa sofa niya.

"BASTOS!" I rolled my eyes on him and run towards the door.

Tumakbo na ako kasi pakiramdam ko sobrang pula ng mukha ko. Nahihiya na ako na
galit kay Trey..

Pero ewan ko sa sarili ko, may part sakin na.....kinikilig?!

Ang gwapo lang kasi-Scarlett, what the heck! Urgh!

**

Pumasok ako sa klase, section ng Royal Colors.


Lutang at tulala lang ako buong discussions ng teachers. Kahit nakakaaliw yung
lesson dahil about history iyon ng Mundong 'to, hindi ko parin mapigilan maisip
yung kiss namin kanina.

Buong-buo yung itsura ni Trey sa isip ko. Waaaaa nababaliw na ata ako!

At mabuti nalang hindi pumasok si Trey ngayon.

Classmate ko rin kasi siya. Royal Colors section din siya dahil dalawa ang power
niya, fire and lightning.

Boring din kasi wala akong kausap. Bukod naman kasi kila Maxinne, Ice, Regina,
Sandy, Dionne at sa mga bago ko na nakilala na sila Felix, Paul at Ace wala na
akong ibang kilala dito.

E ABSENT SILA NILA SANDY! LAHAT NG KILALA KO, WALA!

Ang susungit ng mga ibang Royal Colors yung mga boys naman parang walang matinong
gagawin.

Lumabas na ako ng classroom dahil nagring na yung bell.


Nakita ko sila Sandy at iba pa na nagkukumpulan sa Hallway.

Nandun silang lahat. Maging si Paul. Wala si Trey, buti nalang.

"Guys!!" sigaw ko. Tumakbo ako palapit sakanila, napansin naman nila ako kaagad.

"Hi, Scarlett!" bati ng lahat maliban kay Paul.

"Bakit absent kayo?" tanong ko

"Naghahanda na kami sa misyon namin." Maxinne

"Scarlett, hinahanap na kasi kami ni Mr. Cavin at ng iba pang Magic Faculty." Felix

"Oo, nga una na kami, Scarlett. 'Wag mong mamimiss ang gwapong mukha ko ha." Ace
"Weh? Saan banda ang gwapo diyan?" Maxinne

"Alam kong love mo 'ko. Let it go~" Ace na kumanta pa at may hand gesture sa harap
ni Maxinne.

''Letche kang lalaki ka! Kadiri!'' Maxinne

''Nako, ganitong-ganito lolo at lola ko. Away sa una, kadiri daw sabi ng lola ko
pero sa huli nagkatulu-'' Felix

''Iba kami sa lolo at lola mo, Felix!'' Maxinne

''Oo kasi kami, hindi lang magkakatuluyan. Magkakagustuhan na rin-Ahh!!! 'Yung


buhok ko!!! Maxinne!!!'' Sigaw ni Ace nang sambunutan na siya ni Maxinne. Napailing
nalang kami saka natatawang nag-usap.

Nagpaalam na sila sakin pagkatapos magkausap-usap isa-isa saka naglakad paalis. Si


Regina tahimik pero halata mo rin na malungkot.

"Sandy?" Napansin ko naman si Sandy sa gilid ko. Nakatanaw lang kila Regina at
Dionne na naglalakad .. Bakit?
"Hi, Scarlett" ngumiti siya sakin pero alam ko may problema siya.

"May problema b-" ako

"Sige, sunod na ako sakanila. Bye." bumeso siya sakin tsaka naglakad paalis.

Anong meron?

**

Wala nang klase, hapon na rin at inaantok na ako dahil medyo pagod ako ngayong
araw.

Kaya lang...

Gustuhin ko man na humiga na sa kama na malambot ay hindi pwede. Nahihiya na ako


kay Trey ngayon..

Alam ko na! Sa dorm ko nalang!


Kasalukuyang naglalakad na ako ngayon dito sa Hallway ng Girls' Dorms.

Pang-walo pa na pinto ang room ko dito sa kaliwa. Wala ring katao-tao dito sa
Hallway.

Siguro nasa galaan pa ang girls.

Maya-maya nakarinig ako ng ingay...mula sa likod ko.

Tunog ng heels?

Nilingon ko ang likuran ko pero nagulat nalang ako nang pagkalingon ko, may tubig
na malakas na tumapon sa mukha ko.

"Scarlett Astrid Sundust," boses ng babae.

Pinunasan ko ang mga mata ko at hinarap ang walanghiya na gumawa sakin nun.
Naka Violet sleeveless dress siya na sobrang ikli, kita rin ang cleavage nito na
halatang nangf-flirt at naka black stilletos.

"Ano bang problema mo?!" sigaw ko. Nag cross arms siya saka ngumisi saakin. May
tubig naman na umikot saaming dalawa. Paikot-ikot lang ito.

"Itsura mo pa lang, walang-wala kana sakin. Ano 'tong naririnig ko na nilalandi mo


si Trey? And worst sa dorm pa niya?!" Sigaw nito. bumuhos saakin yung tubig.
Basang-basa na ako.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Ayoko sabihin. baka pinag-iinitan niya ako dahil
may gusto siya kay Trey

Duh! Kaniya na 'yon!

"Mapatunayan ko lang na totoo ang naririnig kong tsismis. Lulunurin kita sa tubig
ko!" tumalikod na siya at naglakad paalis pero may tubig na naman ang tumapon mula
sa ulunan ko..

Kainis! Arghh! Aaralin ko ang Fire power ko! Letseng bruha 'yon! Susunugin ko
siyaaaa!
Pumasok na ako sa dorm ko at laking gulat ko nalang nang makita na...

LAHAT NG GAMIT KO BASA NG TUBIG!

Ace's POV

''Ano ba, panget! Lumayo ka nga! Dikit ng dikit kala mo mabango eh!''

O___O

Inamoy ko naman agad yung sarili ko.

Dinuro ko siya, ''Hoy, kung hindi lang kita mahal, nakooo! Bango ko kaya. Pinaligo
ko na nga yung pabango ko, reklamo kapa jan!''

''Yun nga eh! Sa sobrang tapang ng amoy, nakakasuka kana amoyin, duh!'' Maxinne
sabay irap pa sakin.

Ngumisi naman ako sakanya, ''Sooo, inaamoy mo pala ang nakaka-inlove kong amo-ARAY!
OO NA, HINDI NA! AWW! ARAY! MAHAL!''

T____T

Binubugbog niya na ako ng pagmamahal niya.


Pinagbabato niya lang naman ako ng mga maliliit na bato na napulot niya sa
dinadaanan namin. Take note, maliliit man ang binabato niya,

sinabaysabay niya naman T___T chakit, guys.

''Bakit ba kasi ayaw mong umamin na mahal mo din ak--Waaaa, fafa Felix, help meeee!
Sasaktan ako ni Maxinne mylabs!'' Tumakbo na ako kay Felix.Ang sama na kasi ng
tingin ni mahal eh T__T

Pero ang gagong Felix, tinulak lang ako palayo sakanya saka humabol sa paglalakad
ni Ice.

''Pangit ka! Tse! Diyan kana nga!'' Maxinne, matapos niya akong kurot-kurutin. Lagi
niya akong kinukurot alam niyo ba?

Battered husband ako eh ^___^ SELF PROCLAIMED HUSBAND

Lagi akong kinukurot 'nun, nakyu-kyutan siguro sa gwapo kong balat. Yaan na nga!
^___^

''MAXINNE BABES! HINDI MASAMANG UMAMIN NA MAHAL MO AKO! DALI, PAG-UMAMIN KA


PAPAKASAL AGAD TAYO!'' sigaw ko habang nakangiting nakatingin sa babaeng mahal ko
na naglalakad na palayo. Lumingon naman ito at nag death glare sabay bato ng mga
fire balls na inilagan ko naman.
''PAPAKAMATAY NALANG AKO KUNG SAYO RIN AKO IKAKASAL! TSE!''

Denial stage lang 'yan, guys.

Sa gwapo kong 'to? Imposibleng hindi yan mainlove si Maxinne mylabs/babes/mahal ko.

Aamin din yan...SOON...ABANGAN... T___T

Regina's POV

''MAXINNE BABES! HINDI MASAMANG UMAMIN NA MAHAL MO AKO! DALI, PAG-UMAMIN KA


PAPAKASAL AGAD TAYO!'' napalingon naman ako sa likuran. Si Ace na naman. Nag-
iiskandalo.

''PAPAKAMATAY NALANG AKO KUNG SAYO RIN AKO IKAKASAL! TSE!'' Napangiti naman ako sa
sagutan nung dalawa.

Wala na ata talagang pag-asa yung pagmamahal ni Ace hahaha.

''Kainis 'yon! Hmp!'' sumabay naman sa paglalakad saamin ni Dionne si Maxinne.

Naglalakad na kasi kami papunta sa farm kung saan laging nakatambay yung mga
unicorns. Sasakay kami 'dun para magpahatid sa Praxi Tribe's Mountain at hahanapin
ang half sister ko.

Si Trey at Scarlett hindi kasama sa misyon. Kasama sana sabi ni Mr. Cavin, kaso
nagka-aberya daw kay Scarlett. Hindi naman nilinaw ni Mr. Cavin kung ano yung
problema pero si Trey na daw ang bahala.

Binigay na rin ni Mr. Cavin ang impormasyon na makakatulong sa paghahanap namin.


Kagaya nga kasi ng sinabi niya, ang mga Missing Royal Colors ay may espesyal na
kakayahan. Itinago sila doon sa Mountain para hindi makuha ng mga taga-Erebus o
World of Darkness, dahil kung sakaling makuha man sila at KUNG SAKALING HINDI PARIN
NI SCARLETT MALAMAN ANG KAPANGYARIHAN NIYA, PATAY ANG MGA TAGA-STONEGEM ACADEMY.
Paniguradong unang aatakihin ang Academy dahil nandun ang mga students na may
kakayahan lumaban.

Si Angel Lynne Park, can takes anyone's power by just singing. May Wind, Water and
Healer gem rin siya. Kaya bale, apat na gem ang hawak niya. 4gem holder na Royal
Color, sa tatlong buwan nagawa niyang makontrol agad ang apat na 'yon, namaster na
niya iyon kaya siguradong maraming taga-Erebus ang maghahabol sa kapangyarihan at
kakayahan ni Angel at gagamitin lang 'yon sa kasamaan.

Ito rin ang Half-sister ni Ice. Magkapatid sila sa ina.

''Pwede ba, Dionne?! Kahit ngayon lang, layuan mo naman si Regina?! Usap lang kami
pwede? Kahapon pa kayo magkadikit. PORKE'T NAGKAAMINAN NA KAYO NG FEELINGS SA
BARKADA PWEDE NA ANG PDA??'' Maxinne.

nilakihan ko naman ito ng mata. Kailangan pa ba sumigaw?

Mas lalo naman ako naguluhan nung ngumisi itong si Maxinne at nginuso si Paul na
naglalakad rin sa medyo harapan namin at unti-unti nang nagyeyelo ang mga daliri at
palad?

''sa mga kamay makikita ang emosyon ni Paul diba, bestpren?'' bulong saakin ni
Maxinne habang nakaplaster parin yung ngisi sa mukha nito. O-oo nga, ibig sabihin?
Galit o masaya si Paul ngayon?

''LAYO KA NGA, MAXINNE! 'di ko MASOLO si Regina KO,'' Mas lalong nanlaki yung mata
ko nang si Dionne ang magsalita?

Wow, talagang nakiki-ride na si Baby D? Hindi ko naman talaga gusto seryosohin yung
sinabi ko sa cafeteria.

''Nasabihan na kita, right? Tama na, ayos na yun..'wag niyo na pahabain yung
storya.'' madiin na bulong ko sa dalawang taong nakangisi sa magkabilang side ko.

Kinausap ko na rin kasi si Dionne nung nagkaroon kami ng time, humingi ako ng
pasensya at nasali pa siya sa kalokohan ko na magpanggap. I feel so sorry for Sandy
too.

Napaka-tahimik na rin niya kanina pa. Alam ko naman na may feelings siya kay
Dionne.

''Okay lang 'yan. Atleast malalaman niya na hindi ka talaga interested sakanya.
Ipamukha pa natin, kasi ang taas ng confidence netong si Paul eh.'' Maxinne

''Aish! No. Okay na 'to. Ikaw naman Dionne, 'wag na rin makisawsaw, okay?''
napakagat naman ng ibabang labi si Dionne. Napahiya ko yata.
Wala rin naman pakialam si Paul. What for?

Kunyari nagkalabuan nalang kami agad ni Dionne. Ay bahala na!

''Ano, Dionne. Walang kausap si Sandy. bff kayo diba? Na-out of place na o!'' turo
ko kay Sandy na naglalakad mag-isa sa harapan at tahimik lang.

Feeling ko naman na natulala si Dionne, ''Sige, kawawa naman si payat, bye''


nagpaalam ito saka tumungo kay Sandy, pero ang masama pagka lapit at pagkalapit
nito kay Sandy na inaasar niyang 'payat' binatukan niya pa. Gulat naman na naglabas
ng water si Sandy sa palad nito at tinapon sa mukha ni Dionne.

Nagtawanan naman kami, pati sila Ice at Felix, si Paul nagsmirk lang.

''HAHAHHAHAH, Sandy 'wag mo saktan 'yan, MAHAL NI REGINA 'YAN!''

''MAXINNE! ISA!'' sigaw ko rito.

Ngumiti lang si Sandy saamin pero halata yung lungkot. Mali talaga eh!

''Maxinne, last na 'yon ha! Sasapakin na kita!''


''Oo na po, boss.'' Maxinne na nagpeace sign pa.

Napatagil nalang kami sa paglalakad nang mapansin na nandito na pala kami sa


malawak na farm na tinatambayan ng mga unicorns.

Kinaladkad na ni Ace si Maxinne palayo saakin at tinulungan iakyat sa unicorn para


makasakay na. Si Maxinne naman pumpiglas, ang alam ko kasi gusto niya ma-experience
yung mag-isang nakasakay sa unicorn. Pero mukhang mahahadlangan na naman ang dream
niya, dahil hindi siya mag-isang sasakay.

Hahaha

''Hoy! Ano ba, Maxinne! Tsk! 'Wag ka nga malikot, 'pag tayo nalaglag! Huy! Isa!''
Ace na humawak na sa bewang ni Maxinne

''Yaaaah!! BASTOS! 'WAG MO 'KO HAWAKAN! WAAA BABABA NA AKO-Waaaaa!'' pinalipad na


agad ni Ace yung unicorn nang akmang bababa na si Maxinne. Napatawa nalang ako
sakanilang dalawa.

Bagay talaga sila.

Naikagat ko nalang yung daliri ko nang maalala na hindi nga pala ako sumasakay sa
mga ganitong hayop.
May fear of heights ako. Takot sa matataas.

Laaah! Pano na 'to?!

Si Ice at Felix nakaayos na at handa na umalis. Si Felix nga ngumisi pa sakin na


hindi ko naman magets ang dahilan.

Si Sandy naman tinulungan na ni Dionne makaakyat sa unicorn, ''Partner nalang tayo,


Regina'' nakangising sambit ni Dionne nang akmang lalakad na siya sa direksiyon ko
ay biglang may mataas na Ice wall ang humarang sa harap niya.

Muntik pa mahagip yung mukha ni Dionne!

O___O

''PAUL!! MUNTIK NA MATAMAAN SI DIONNE! ANO KA BA NAMAN!'' lalapitan ko na sana yung


Ice wall at gagagmitan ng Super melody gem ko para mawarak nang sa ganon
mapupuntahan ko si Dionne. Natamaan kaya siya? May galos kaya?

Ano bang problema nitong si Paul!

''Regina, sumakay kana!'' may biglang humatak nang marahas sa braso ko at hinila
ako palapit sa unicorn. Pagkatingin ko, sobrang galit yung mukha ni Paul.
''Bitiwan mo nga ako!''

''Ah ganon? Gusto mo na iwanan nalang kita dito? Fine. Mag-isa kang sumakay sa
unicorn.'' sumakay na siya sa unicorn pero hinatak ko naman ang shirt niya.

A-ayoko mag-isa.

He just gave me his cold gaze

''Sige na..'' inirapan niya lang ako saka binuhat, as in buhat talaga! Nagulat
nalang ako pero, naisakay niya na rin naman ako sa harapan niya.

''Hold on, Reg. I won't let you fall. but if you still fall? I won't hesitate to
catch you,''

Tumingin ako sa mukha niya sa likuran ko. May binubulong ba siya?

Pero agad rin akong humarap kasi nakatitig rin siya saka ang lapit ng mukha namin.
Namumula na yung pisngi ko, iba din yung feeling kasi first time na maging ganito
kami kalapit.

Cold na tao si Paul, playboy rin yan. Imposible talagang magkagusto sa tulad ko si
Paul.

Nagsimula na lumipad yung unicorn, nagtakip na ako ng mga mata ko. Pero feeling ko
malalaglag naman ako kasi bumitaw ako dun sa katawan nung unicorn kaya binalik ko
yung mga kamay ko sa ulo ng unicorn pero wrong move, sobrang taas na pala namin
kaya nagulat ako at napalikot sa kinauupuan ko.
''Relax, Regina..'' I heard Paul murmured. Halos iyakap niya na rin yung dalawa
niyang braso sa beywang ko habang nakahawak dun sa tali nung unicorn.

Pumikit nalang ako at humawak sa braso niya. Ewan, pero I feel safe with him now.

Felix' POV

''Tyansing ang gago! Woooo!'' sigaw ko. Kita kasi sa hulihan sila Regina at Paul na
magkasama sa iisang unicorn.

Pasimpleng nagbato naman ang gago ng ice ball at pinatama sa balat ng unicorn,
umuga naman yung unicorn dahil sa lamig at muntik pa kami mahulog nitong babaeng
uod na 'to. Bookwrom kasi si Ice, kaya uod ang asar ko diyan.

''PAUL WILLIAMS!'' saway ni Ice sa taong nasa likod namin pero hindi lang siya
pinansin nito. Siyempre malamig pa sa malamig yang si Paul, asa ka pang pansinin ka
niyan. Kahit barkada pa kami niyan basta hindi masyadong kailangan pag-usapan hindi
kami papansinin niyang gagong yan..

Sa unahan naman namin sila Ace at Maxinne, isa pa 'tong lokong 'to, simpleng yakap
kay Max.

Si Dionne at Sandy nga lang ang matino-tino ngayon, well kami rin naman.
''Masaya ka ba, uod?'' tanong ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon habang nakasakay
ng unicorn. Kinurot niya lang yung braso ko na nakahawak sa tali ng unicorn,

''Hindi ako uod. Tao ako, okay?'' Ice

''Hindi ka uod, hindi ka tao, bagay ka tapos bagay din ako. Bagay tayo.''

Pfft. Hahahha saan ko napulot 'yon?!

''Corny mo, Felix. Tulak kita diyan eh!'' Ice

''Sus, baka 'pag ako namatay umiyak ka?''

''Oo, kasi wala na akong pangit na friend huhu' Ice

''Ha Ha Ha. Natawa ako, uod. Astig. Friendzoned.''

Inirapan niya lang pero nakangiti naman. Weird talaga ng mga babae.

''Ulitin ko tanong ko ha. Masaya ka ba kasi makikita mo na si Angel na half sister


mo?'' maayos na tanong ko.
''Malamang.''

-___- ''Maayos yung tanong ko. Ayos, uod.''

''Oo nga. Seriously, namiss ko na yung babaeng 'yon. Kahit mahilig sumigaw 'yon.
Ilang taon na rin kami hindi nagkikita. 6 or 7 years? Mula nung mamaster niya ang
gems niya..'' She sighed.

**

Nakalapag na kami sa mini city ng Praxi Tribe's Mountain. Banal na mountain 'to,
kaya dito tinago ang missing Royal Color na si Angel..

''So, saan na natin si Angel hahanapin?'' Maxinne

''Kay Pepper o 'di kaya kay Justine.'' Ice

Yung dalawang yun kasi ang kasama ni Angel yata ngayon dito sa mini city na 'to.
Tahimik at parang normal lang dito. Bawal gumamit ng gem. Well, 'di ka rin naman
makakagamit. May barrier dito na nakakapigil ng gem powers.

Kung makakagamit man kami, ibig sabihin siguro may Dark-gem holders na nakapasok at
nakaalam na ng lugar na 'to. Nabasa ko la'ng..
Mabuti lang 'yon para hindi matrace ng mga taga-Erebus na may ganitong lugar.

Padilim na rin ang langit dahil medyo ginagabi na kaya dumiretso na kami sa alam na
lugar ni Ice kung saan nakatira ang half sister niya...

Mahirap tuntunin, maraming lulusutan, mga likuan na masusukal na daanan, maraming


puno at mga damo.

Nakarating kami sa hindi kalakihan na bahay na gawa sa bato. Nasa tabi 'yon ng
falls at may mga tanim na halaman sa likuran. Tahimik at madilim na..

''Ice, s-saan na ba?''

''Pfft. Pare, nababakla ka na ba?!'' putek 'to si Ace. Nautal siya diba?? Natatakot
na ba 'to? Hahahah

''Oo, magpapakabakla nalang ako. Ayaw naman ako sagutin ni Maxinne. Babae ata tipo
niyan..Hmp 'diyan na nga kayo! Tse!'' saka ito naunang maglakad na parang bakla at
tumungo sa bahay nila Angel sa unahan.

''Lampake sayo!'' Maxinne


Sumunod naman sila Sandy at Dionne na nagkukulitan na rin. Si Regina at Paul naman
magkalapit na? Akala ko war sila?

''Musta, pre? Pahawak-hawak nalang sa beywang ni Regina ha?'' pang-aasar ko dito,


nakaalalay kasi ito sa beywang ni Regina.

Tinignan niya lang ako ng masama, ''Fvck you! Nahihilo lang 'to kaya inaalalayan
ko. Gusto mo, ikaw na umalalay.'' cold na sabi niya.

Kinalas nalang ni Regina yung kamay nito sa beywang niya saka ngumiti ng tipid,
''Wag mo na ako alalayan, utang na loob ko pa yata yung pag-alalay mo. Ayos na
ako.'' Regina saka naglakad papalapit kila Ice.

Tumalikod na rin ako kay Paul. Tama lang sakanya 'yan, 'di na natuto magpigil ng
bunganga 'to si Paul.

''bullshit!'' lihim akong napangisi sa mahinang mura niya. Ha! Kumbaga sa Love
game, nasa stage 1 pa lang si pareng Paul...

nagdedeny pa lang..
Hi, gemstones!

Gusto ko lang ipaalam sa lahat ng nagbabasa na ieedit ko 'tong StoneGem Academy.

Alam niyo naman siguro na may Gem guardian/power guardian or whatsoever ang mga
character dito diba, guys?

Babaguhin ko 'yon. Tatanggalin ko na. Mawawala na 'yung guardian chorva ek-ek na


'yon. Sakit lang sa ulo. Bale, ang mahalaga na sakanila ngayon ay yung gem nila.

Paramihan ng hawak na gem, mas maraming gem mas malakas. Pero hindi naman basta-
basta nakukuha yung gem kasi kailangan mo pa pumatay para makuha mo ang gem ng
isang tao sa mundo na kinabibilangan nila Scarlett.

Okay, pinaliwanag ko lang baka naguguluhan na kayo.

Magcomment lang kayo kung may katanungan at reklamo, hindi ako magagalit..

Okay, bye guys aylabyooo!

-Mayu

-SilveryLuna
Scarlett Astrid's POV

Kainis na 'to! Bakit naman basa dito sa loob ng dorm ko!

Bumaha ba?
Umulan ba kanina? Kagabi?

Bakit 'di ako nainform?

''WAAAAAAA!!'' gusto ko magwala sa inis. Ano ba nangyari dito!?

Lumabas ako ng dorm ko at tinignan ang ibang room, sakto dahil may nakabukas na
room sa bandang kaliwa ko.

Kumatok ako at lumabas naman yung girl na nagmamay-ari ng room.

Kunot-noong pinasadahan nito ang buo kong katawan ng tingin, ''Hello, anong
kailangan mo?'' tanong niya. Gusto ko man ngumiti ay hindi ko magawa. Ikaw kaya
basain ko buong bahay niyo, makangiti ka pa ba?

''Bumaha ba?''

Kunot-noo na tinignan niya naman ako na parang iniisip pa kung anong katangahan
yung tinanong ko sakanya,

''Baha? Hindi ah..Bakit?''


umiling nalang ako saka nagpilit ng ngiti at lumakad papasok sana sa room ko..

''Wait!'' girl

Lumingon ako sakanya, ''Nakita ko na-promise mo hindi mo sasabihin na ako nagsabi,


please?'' girl

''Okay. okay. ano nakita mo?'' tanong ko..

''Si Lalaine Norix, nakita ko kasi siya nagpapasok ng tubig sa ilalim ng door mo.
Concerned lang naman ako sayo, kasi nagawa niya na 'yon saakin noon. Basa 'yung mga
gamit mo, ano?''

''Oo, sige salamat..'' ako

Nanginginig na pumasok ako sa dorm ko..

Bakit 'di ko nga pala naisip?!

May galit na galit na babae ang bumasa sa buo kong katawan bago pa lang ako
makapasok ng dorm ko.
Tapos ngayon magtataka ako kung ano o sino ang may gawa nito?!

KAINIS!

Tinignan ko yung mga damit ko, basa lahat. Mga libro na kinahiligan ko basahin na
galing pa sa library ng Academy, basa rin lahat. BASTA LAHAT BASA!

Pero parang nalumo naman ako nung may naisip ako NA HINDI DAPAT MABASA NG TUBIG!

Shit! Hindi pwede!

Halos magkanda-dulas-dulas ako sa pagmamadali sa pagpunta sa ilalim ng center table


sa salas.

Kinuha ko 'yung sketchbook ko, at parang gusto ko nalang maiyak kasi basang-basa na
rin ang mga pages nito,

Ito nalang yung remembrance eh, ala-ala ni mama ko! Naalala ko na dito ako madalas
turuan ni mama ko magdrawing noong edad 5 taon gulang palang ako...

Napaupo nalang ako sa sahig kahit basa pa, at napasapo ng ulo.


Mas nalungkot naman ako nung may litrato na nalglag galing sa sketchbook na hawak
ko.

Picture namin ni mama na masayang kumakain ng Ice Cream sa park..

Pero wala rin, lusaw na yung colors nung litrato at hindi mo na talaga madi-
distinguish yung nakapaloob sa litrato.

Kapag malungkot ako at namimiss si mama ito yung hinahanap ko, paano na ngayon
yan?!

Nakita ko nalang ang sarili ko na naglalakad palabas ng dorm room ko. Hindi ko na
alam pero sobrang galit ako,

Parang gusto ko sabunutan yung Lalaine na 'yon.

Kilala niya na ba ako?!

May naging atraso na ba ako sakanya!?

Kainis lang kasi na may nadamay pang bagay na importante sakin!

Hindi ko na alintana kung saan na ako napupunta, basta dinala nalang ako ng mga paa
ko sa cafeteria, 'dun ko una naisip pumunta at hanapin yung babaeng 'yon.

Wala na rin akong pakialam kung mukha na akong baliw na pinagtitinginan ng LAHAT ng
nakakasalubong ko na students ng Academy. Basang-basa na babae na sobrang galit na
naglalakad papuntang cafeteria!? Bahala na!

Halos mapamura na ako ng malakas nang makita ko pa yung Lalaine na 'yon na masaya
pang nakikipagtawanan sa mga kaibigan na babae habang nakaupo sa cafeteria at
masayang kumakain? Habang ako halos manlumo dahil sa ginawa niya!

Nakaramdam ako na parang may tumutulak sakin na sabunutan siya, saktan siya
hanggang sa malumpo siya, nanggigigil ako sakanya na gusto ko siya kalbuhin!!

Naglakad ako papalapit sa kinaroroonan ng hayop na malanding babae na 'yun, marami


na nga akong nabubunggo na studyante pero pakialam ko ba?!

ANg mahalaga malagasan ko ng buhok yung hayop na babaeng Lalaine na 'yon!

Tawa lang siya ng tawa hanggang sa mapatingin sila sa gawi ko. Lalo pa siyang
ngumisi at parang tinignan pa ako na may pagkadiri. Lalong kumulo yung dugo ko,

Tumayo siya at hinarap ako, magsasalita palang sana siya nang hindi niya mapigilan
ang kamay ko na malakas na sinampal ang makapal niyang mukha.

Natahimik ang buong cafeteria at natigil sa ginawa ko. Mabilis na lumingon siya
sakin na kulay asul na ang mga nanlilisik na mata. Pero hindi ako nagpasindak.

Naiisip ko na naman yung mga ala-ala ni mama ko na naiwan saakin NA NGAYON AY WALA
NA DAHIL SAKANYA!

Mabilis akong nakakilos bago pa niya ikumpas ang mga kamay niya para siguro
umatake, nakita ko nalang ang sarili ko na idinidiin si Lalaine sa pader sa sulok
ng cafeteria at may mga kutsilyo na nakapalibot sa bawat sides niya. Kutsilyo na
nakatarak sa mga side ng damit niya, kaya hindi siya makakaalis basta-basta sa
pader na 'yon.

May hawak na rin akong kutsilyo na madiin kong hinahawakan, itinapat ko ito sa leeg
niya, halos mangilid na ang luha niya at nanginginig na ang mga labi niya.

Hindi ako nakakaramdam ng awa, parang gusto ko na siya patayin at yun nga ang gusto
kong mangyari kaya mabilis kong itinaas ang kamay ko na hawak ang kutsilyo,
napatili nalang ang mga babae sa cafeteria.

Pero may kamay na pumigil sa braso ko at marahas akong hinatak palayo sa hayop na
Lalaine na 'yon.

''Astrid, what's going on here!?!'' Parang biglang lumamlam yung nararamdaman kong
galit..Gusto ko nalang sana na umiyak ng malakas nung makita ko ang pag-aalala sa
reaksyon ni Trey.

Alam ko naman na wala ang mga kaibigan ko ngayon, kaya feeling ko wala akong
kakampi. Feeling ko si Trey lang ang malalapitan ko ngayon..
Mas lalo kong namiss si mama nung nahawakan ko yung mga bagay na nakapag-alala
sakanya tapos basang-basa pa.

Napalingon ako sa gawi ni Lalaine na ngayon ay masama na ang titig sakin.

Hindi ko alam kung saan galing yung mga kutsilyo, paano ko siya naidiin ng mabilis
sa pader?

Pero ayoko na muna isipin yon...Nakakaramdam na naman ako ng pangungulila kay mama
ko..

Naramdaman ko na yung isang patak ng luha sa pisngi ko kaya gusto ko na umalis sa


lugar na 'to saka umiyak sa mas tahimik na lugar.

Aalis na sana ako nang pigilan ako ng mahigpit na hawak ni Trey sa braso ko..

''Anong nangyayari?!'' pang-uusisa nito

''TINRY NIYA YUNG POWER NIYA SAKIN! WALA NAMAN AKONG GINAGAWA SAKANYA! LAHAT DITO
NAKITA, DIBA?! LAHAT KAYO NAKITA NIYO NA NANANAHIMIK LANG AKO?! DIBA?!'' sigaw ni
Lalaine habang tinatanong ang maraming studyante na nakatigil at nakatingin saaming
tatlo. ''NAKITA NIYO ANG NANGYARI! MAYABANG YANG BABAENG YAN KASI MAY GANYAN SIYANG
KAPANGYARIHAN, KAYA SIGURO TINRY NIYA SAKIN KASI GUSTO NIYANG SIYA ANG SIKAT! DIBA,
YUN NAM--'' Lalaine

''LALAINE, STOP IT! SHUT THE FVCK UP, LALAINE!'' matigas na sigaw ni Trey. Halos
manginig na ako sa kinatatayuan ko.
Nakakaramdam na ako ng hiya dito, kusang tumutulo na yung mga luha ko. Pero ang
higpit parin ng pagkakahawak sakin ni Trey.

''Astrid! Bakit ka naman nag-eeskandalo dito!!!?'' sigaw niya sakin..

Hindi ko na napigilan na mapahikbi at umiyak, kinagat ko na ng madiin ang ibabang


labi ko, mukha namang napalitan ng malambot na ekspresyon yung mga mata ni Trey
pagkarinig ng hikbi ko.

''Ano?!'' Hindi makapaniwalang tinignan ko siya pati ang mga tao sa paligid.
Kinakampihan nila ang babaeng 'yan?! Mukha lang siyang anghel, pero demonyita yan!

''Astrid, kung nagkataon baka natamaan mo ng knives si Lalaine.'' Trey. May bahid
na dissapointment ang tono nito.

''Wala ka naman alam sa reasons ko eh. Hindi ko 'yung gagawin kung wala la'ng!''
Umiiyak na sabi ko. Naiinis ako. Huling bagay nalang na makakapag-alala kay mama e,
nawala pa!

''Reasons?! Hindi naman kita kilala, so bakit mo 'ko sasaktan? Baka nga naman gusto
mo la'ng gumawa ng eksena dito at magpapansin. Famewhore!'' Sigaw ng demonyita.

''ARE YOU GOING TO SHUT YOUR FVCKING MOUTH OR I'LL BURN THAT MOUTH OF YOURS?!''
Trey
Tumakbo na ako palabas ng cafeteria. Hindi naman rin nakaligtas sa mga mata ko ang
halos lahat ng estudyante na matalim ang tingin saakin..

**

'Di ko alam kung saan 'tong lugar na 'to, pero dito ako napadpad.

Umiyak lang ako ng umiyak.

Miss ko na si mama..

Si Trey naman, asa pa talaga akong kampihan ako 'nun. Ex nga niya si Lalaine,
malamang yun ang kampihan niya,..

Siya sana yung gusto kong pagsumbungan kanina,

Hindi ko na alam kung ilang oras na akong umiiyak...

Isang oras? Dalawa? Tatlo?

Feeling ko nga magang-maga na 'tong mga mata ko at gusto na pumikit,,


''Lika na, ubos na siguro yang luha mo. Madehydrate ka niyan..''

Gusto ko pa sana tignan kung sino yung nagsalita pero inaantok na talaga ako at
pumikit na...

Bago pa ako makatulog narinig ko pa itong nagsalita saka naramdaman ko na binuhat


niya ako sa mga bisig niya..

''Hindi ka na talaga nagbago. Iyaking Scarlett,''

Trey's POV

Fvck. Fvck. Fvck. Fvck!

Umiiyak siya! Sht.

I was about to get out of this cafeteria and follow Astrid when Lalaine grabbed my
hand,

''Trey. A-ang sakit ng braso ko..pati yung paa ko..Trey, nagdudugo. Sinaksak 'to
nung babae, please ipunta mo ako sa clinic, Trey..'' Tinignan ko nga ang katawan ni
Lalaine...

Nanlaki ang mga mata ko at parang gusto ko maawa kay Lalaine..


Talagang ginawa 'to ni Astrid?!

Puro dugo ang braso at paa ni Lalaine...

Tinignan ko ulit yung labas ng cafeteria, pero wala na si Astrid..Ayoko rin naman
iwanan si Lalaine dito na ganito...

Siya yung naargabyado dito..

Binuhat ko na nga si Lalaine at tumungo sa clinic ng Academy..

Kita ko ang mga awa sa mga mata ng mga tao sa cafeteria..

Paanong nagawa ni Astrid 'yon?! Hindi naman ganun si Astrid..

naiinis man ako sa sarili ko dahil umiyak kanina si Astrid pero 'di ko parin
maiwasan magtaka....

''Ano ba nangyari-''
''Sino ba 'yon! Ganun ba talaga 'yon?! Ang bait ko na nga sakanya! Alam mo ba na
nakipag-away 'yon kay Tina kanina sa likod ng Academy?!'' sigaw ni
Lalaine..ginagamot na rin ng mga healer ng Academy ang LAHAT ng sugat niya..

Ang daming sugat!

Tumingin ako kay Lalaine na halos 'di rin maipinta ang mukha sa galit. ''Anong
nakipag-away?'' tanong ko dito..

Kelan pa naging palaaway si Astrid.

Mula pagkabata namin nila Astrid hindi marunong makipag-away 'yon, unless nalang
kung talagang isasali mo sa usapan ang mga mahal niya sa buhay..

''Oh yes, Trey! Si Tina na nerd ng section White. Kinaladkad nung babaeng baliw na
'yon papuntang likod ng Academy..Nacurious kami ng friends ko kaya sinundan
namin..There we saw that crazy girl, sinisigawan si Tina. Walang magawa si Tina
dahil baguhan lang 'yon!''

''T-then? What happened?'' Ayoko maniwala dahil I know Astrid. Pero parang gusto ko
maniwala dahil I know Lalaine too,

Hindi ko ex si Lalaine katulad ng sinabi ko kay Astrid..

Childhood friend ko si Lalaine dito.


Siya lang ata yung babaeng walang gusto sakin dito sa Academy dahil parang kapatid
na ang turingan namin. Kaya hindi ko rin magagawang hindi siya paniwalaan,

''Ofcourse dahil hindi ko kaya makakita ng binubully, tinulungan ko si Tina. I used


my Water gem to save Tina from that crazy girl. Alam mo ba, that girl was about to
throw daggers to Tina?! Ohmygod, Tina was so nakakaawa talaga that time. Kaya
siguro sinugod niya ako sa cafeteria dahil nangialam ako..''

Napanganga ako sa mga narinig ko..

Really, Astrid? You did that?

Tumayo na ako para sana pakinggan naman yung side ni Astrid..

Gusto ko lang fair ako, dahil kahit hindi ako makapaniwala na nagawa nga talaga o
ginawa ba talaga ni Astrid 'yon..

Di ko magawang magalit sakanya..

''Trey..''

Lumingon ako kay Lalaine, palabas na sana ako..


''Ano?''

''Ganun nalang ba 'yon? Papayag ka ba na walang parusa yung babaeng 'yon? Sinaktan
niya ako o..Sinaktan ng baliw na babaeng 'yon yung bestfriend mo..'' maiyak-iyak na
sabi ni Lalaine.

''Pag-iisipan ko pa-''

''WHAT?! WHY?! Diba dati galit na susugurin mo yung mga nananakit sakin!? BAKIT
NGAYON KALMADO KA PARIN! PARUSAHAN NIYO YUNG BALIW N-''

''Don't call her like that. May pangalan siya,''

Lalaine's jaw dropped, ''Kinakampihan mo ba 'yo-''

''No! I'll just ask her side, okay?! Just rest, Lalaine.'' iritang sabi ko saka
lumabas na ng clinic.

Bakit ganito si Lalaine? Bago siya umalis ng StoneGem Academy, sweet and caring pa
'yon ha. Hindi rin yun nagsasalita ng bad words towards other people.

What the fvck is going on?!


Scarlett Astrid's POV

''Waaaaaaa!!''

Tinakpan ko ang mga mata ko..

''Hey, hey, calm-''

''ANONG GINAGAWA MO DITO!? BASTOS KA! UMALIS KA!'' pinagbabato ko siya ng tsinelas
ko.

''Wag ka ngang O.A, Scarlett. Wala nam-Ouch! That hurts!'' binato ko na siya nung
suklay ko na mabigat!

SINO BA NAMAN KASI ANG BABAE NA HINDI MAGWAWALA, KUNG KAGIGISING MO LANG GALING SA
KAMA MO AT MAKAKITA NG HALF NAKED NA LALAKI SA SALA MO! PRENTENG NAKAUPO SA SOFA!
-___-

And how come he knows my name?

''MAGSUOT KA NG T-SHIRT MO AT LUMAYAS KA RITO! AHHHH!! ALIS!!'' Feeling ko


nadudungisan ang mga inosente kong mata sa mga abs niya! Oh god!
''Pfft..Ganyan ka ba kapag nakakakita ng gwapo? Namumula?'' nagpipigil na sabi
niya..

''What the! Hoy Umalis ka dito! MAGNANAKAW! WAAA-hmpp!'' nanlaki ang mga mata ko
nang maramdaman na hindi ko na maigalaw ang bibig ko. Pati yung mga braso at binti
ko..

''Sorry, Scarlett. Masyado ka kasing maingay. Hayaan mo muna kasing magpaliwanag


ang isang gwapong katulad ko..''

Hayop! Kapal ng mukha!

''Tsaka ganyan kaba bumati sa bumuhat sayo papunta sa dorm mo? Grabe, miss. Ang
sama mo. Kung wala ako, nandun ka parin sa likod ng Academy natutulog..Naku!
Pinapak kana ng langgam dun!''

Ginala ko nga ang paningin ko..

Nandito na nga talaga ako sa dorm KO.

Tuyo na yung mga basang gamit..Basta wala nang tubig sa paligid.


And...siya ba 'yon?!

Yung narinig ko na boses bago ako makatulog?!

''O ba't ka natulala jan? Narerealize mo na ba ang kagwapuhan na binukulan mo ng


suklay mo?'' hinawakan niya naman yung noo niya, ''Sakit kaya!'' nakapout na sabi
niya, bumukol nga yung noo niya.

Parang gusto ko matawa. Seriously, childish ba 'to? O bakla?

''Hmmp!'' Hindi ko parin mabuka yung bibig ko. Kahit siya pa yung nagdala sakin
dito, dapat na lumayas pa rin siya! Hindi ako sanay na may lalakeng half naked na
kasama!

''Oops! Maya na. Papakilala muna ako. Baka mamaya, batuhin mo na naman ako ng kung
ano jan-I am Travis Wastridge,'' O______O ''Ang pinaka-gwapong nilalang sa balat ng
lupa at kung may balat man ang tubig, okay pati sa balat na rin ng tubig.'' at
nagpogi pose pa siya

Wastridge? Travis Wastridge? Trey Wastridge? Travis, Trey, Travis, Trey, Travis,
Trey..

Mr. Cavin WASTRIDGE

O___O ''Hmmp!'' kapatid ka ba ni Trey?!


Letse 'di ako makapagsalita!

Maya-maya naging okay na yung bibig ko, nagagalaw ko na rin yung katawan ko. Nung
tinignan ko yung mga binti ko, para siyang naging bato. Pero unti-unti na rin nagf-
fade at bumabalik na sa normal ang kulay ng binti ko.

''A-Ano mo si Trey?'' kaya pala medyo magkahawig nga sila pero magkaiba parin ng
gwapo..

Nagsmirk naman ito, ''Tss..'yon? Kambal. Karibal. Kaaway. Enemy. Hindi bati. Ano pa
ba?''

''M-may kambal pala 'yung kumag na 'yon..'' bulong ko..Naalala ko naman na dapat
galit pala ako sa lalakeng 'yon. Sinigawa ako sa cafeteria?! Samantalang,

''Oh gosh!'' hinanap ko ang sketchbook at picture namin ni mama sa center table.
Tuyo na ang lahat ng gamit dito diba? Yung sofa, yung sahig, kama at iba pa.

''Please, sana hindi na rin basa yung mga 'yon.'' naghalungkat lang ako ng
naghalungkat..

''Sketchbook and picture? Tinapon ko na,'' Agad naman na liningon ko siya na


nakaupo na sa upuan sa harap ng dining table at nakapatong pa ang mga paa sa isa
pang upuan..

''BAKIT MO. TINAPOOON!!'' I bit my lower lip. I tried to suppress my sobs. Shet
ka'ng lalake ka!
''Bakit? Basa na naman sila at yung picture hindi na rin maaayos...''

Pabagsak na umupo ako sa sofa at yumuko..may tumulo na basa sa binti ko..I'm crying
again! Psh!

Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko, ''Paano mo naman maiiwasan malungkot
kung hindi mo aaralin mag move-on? I think naiinis na yung mama mo sa kadramahan
mo..''

I glared at him, ''Hindi ako nagdradrama!''

''Hahahha, Fine. Fine.'' He pinched my nose, yung sobrang higpit.

''Feeling close ka rin eh no?'' inirapan ko namna siya. ''Teka! Dapat pala lumayas
kana rito! Feel at home na feel at home ka rin ah!'' sarcastic na sigaw ko sakanya.

''What the heck?! Anong feeling close! Ewan ko sayo! Samantalang dati, nakikishare
kapa ng lollipop sakin! Kapal!''

''Anong binubulong mo!'' Para kasi siyang bubuyog na nakasimangot tapos may
binubulong sa dulo ng sofa..

''WALA! Kumain kana! Nagluto ako, nandun sa table. Makalayas na nga!''


Natulala nalang ako sa pigura niyang lumalakad papunta sa pinto..

Hindi ko alam pero feeling ko matagal ko na 'to kakilala. Feeling ko, close nga
kami.

Third Person's POV

Nauna nang pumasok sila Dionne, Sandy, Ice, Ace at Regina sa bahay na sinasabi ni
Ice kung saan daw nakatira ang kapatid na si Angel o ang missing Royal Color.
Sumunod naman si Felix pero nanatili si Paul sa labas at umupo sa malaking bato sa
'di kalayuan.

Mangha ang lahat ng nasa loob nang makapasok sila doon. May kaliitan ang bahay gawa
sa kahoy at bato ang ibang parte nito pero maayos ang loob. Yung mga gamit gawa sa
inukit na kahoy at bato,

''Gabi na ah, nasaan na 'yon si Angel?'' tanong ni Felix kay Ice

Umupo muna sila sa mga upuan sa loob ng bahay, at napiling magpahinga muna saglit
saka hintayin si Angel na baka sakaling umalis lamang ito ng sandali at babalik rin
kaagad,

''Madilim na sa labas, tagal naman nung kapatid mo, Ice?'' Maxinne


''Gala na pala ngayon 'yon si Angel ha...bata palang tayo noon, bungangera 'yon
pero ngayon mahilig na rin pala maggala!'' Ace

Nanatiling tahimik si Ice, pinaglalaruan ang kuko sa daliri at nakamasid sa maliit


na bintana, sa madilim na kakahuyan sa labas.

Pansin naman ni Felix na tahimik lang si Ice pero alam niyang tensyonado na rin ito
dahil sa habit nitong paglalaro sa kuko nito..

Hinawakan ni Felix ang kamay ni Ice na namamawis na ng malamig sa kaba, ''Tsk. Ice,
relax lang...baka may pinuntahan na kaibigan lang 'yung kapatid mo..'' Felix

Tinanguan siya ni Ice pero halata parin ang kaba nito kaya iginaya na siya ni Felix
sa labas ng bahay para makapagpahangin na rin,

''Relax, Ice. Osige, dito tayo sa labas para tayo ang unang makakita sa pagdating
ng kapatid mo..'' Felix

Nginitian ito ni Ice pero tipid lang 'yon, makalipas ang trenta minuto lalo lang
kinabahan si Ice dahil wala pa rin ang kapatid. Sobrang dilim na rin sa paligid..

''Felix, wala parin si Angel baka nakuha yun ng mga taga-Erebus, Felix, nag-aalala
na ako...pa-'' Ice
''Ssshhh. Hindi 'yan. Hintayin pa nati-'' Felix

''Hala ka, Ice baka iniihaw na yun sa Erebus ngayon. Patay kaaa-ARAY FELIX!'' Ace
na kalalabas palang ng pinto ng bahay. ''Problema mo, Felix ba't ka ba
nananakit?!'' sigaw ni Ace nang gamitan siya ni Felix ng Eagle-eye gem nito.

Si Felix William kasi ay isang Eagle-eye gem holder at Earth-gem holder din. Kaya
niyang tumarget ng sapul na sapul sa subject niya. Kahit anong weapon pa ang gamit
niya, kahit maliit na bato kaya niyang itarget yun sa kahit saang gusto niya.

Pinanlisikan lang ni Felix si Ace ng mata saka dinuro, ''Tatamaan ka sakin, Ace.
Tignan mo lang!''

''Ha-Ha n-nagbibiro lang ako, Ice..'' Ace

''Wala pa ba ang missing royal color, Ice?'' nag-aalalang tanong ni Sandy dito..

Malungkot na umiling naman si Ice sakanila.. ''Hanapin na natin, Felix. Baka kung
ano na nangyari sa kapatid ko.'' Ice

''Woah, woah! Ice, ang dilim na o! Mahabag ka naman sa gwapong tulad ko, baka
mamaya sakmalin pa ako ng mga lamok diyan. Magkaron pa ako ng pantal-'' Ace

''Game! Hanapin na natin!'' Tinignan naman ng masama ni Ace ang pumutol sa mga
sinasabi niya.., ''Bakit? Nababakla ka yata, Ace eh.'' pang-aasar ni Maxinne
''Anong bakla! HOY ANO, ANG KUKUPAD NIYO, TARA NA! Okay sa'kin na hanapin si Angel
kahit madilim na! Lalaki ako!'' Ace,

''Ha? Saan?'' Regina

''HAHANAPIN NATIN SI ANGEL SA MADILIM AT NAKAKATAKOT NA LUGAR NA 'TO! Ako ang


mauuna dahil gwapo ako.....at hindi ako bakla!'' Ace

''Psh. Pangit mo!'' Maxinne

''Gabi na, Ice. Bukas nalang. Uuwi naman siguro 'yon si Angel.'' Felix

''Gabi na, mahihirapan tayo maghanap.'' napalingon naman ang lahat sa nagsalita..

''Pero, Paul-'' Ice

''Isa pa, Ice. Talaga ba na sigurado ka na dito nakatira yung kapatid mo?'' Paul

''Oo naman kasama naman ako sa nagdala sakanya dito noon. Tsaka nandiyan pa yung
mga gamit niya..''

''Still, hindi parin tayo pwede maghanap ngayon. Gabi na. Bukas nalang, Ice. Who
knows baka gagabihin talaga siya ngayon..'' cool na sabi ni Paul saka pumasok na ng
bahay.

''Felix...'' Ice

''Tsk. Heto na naman ba ang stubborn, hard-headed na Ice? Bukas nalang, Ice..''
hinawakan na ni Felix ang wrist ni Ice at hinila papasok ng bahay. Sumunod nalang
si Ice dahil wala na rin siyang nagawa.

Sumunod naman sakanila si Regina, Sandy, Dionne at si Maxinne na malakas isinara


ang pinto.

''HOY, PUCHA MAXINNE BUKSAN MO 'TO! HOY!'' Mas lalo naman nagsisigaw si Ace nang
may marinig na kaluskos sa sulok ng mga puno..

''HOY, MAHAL! AYOKO PA MAMATAY, MAGPAPAKASAL PA TAYO, HIHINTAYIN KO PA ANG


CONFESSION MO SAKIN! AAMININ MO PA NA GWAPO AKO, H-''

''Ano ba'ng sinisigaw mo! Para ka talagang engot!'' Maxinne na binuksan ang pinto

''Nilockan mo ako ng pinto! Ikaw kaya dito sa labas tapos ako maglock ng pi-''

''MAY LOCK BA TONG PINTO NA 'TO! TIGNAN MO NGA, KAHIT DOORKNOB WALA, LOCK PA KAYA!
Ewan ko sayo, Ace!'' Pairap na tinalikuran ni Maxinne si Ace na nakanganga ngayon
sa pinto na parang naghahanap talaga ng doorknob.

''Oo nga, walang doorknob. What the fvck, Ace?'' malumanay na bulong nito sa sarili
saka pumasok ng bahay.

**

Natulog sa sahig ang lahat. Samantalang may isa naman sakanila ang hindi makatulog
at pilit iniisip ang mga kasalanan na gagawin pa lang, na maaaring ikagagalit ng
mga kaibigan. Pati ng buong StoneGem Academy.

--

Kinaumagahan..

Ginising nila Felix ang lahat dahil nakaluto na sila ng breakfast..mabuti nalang
may kagamitan sa maliit na kusina nito at ginamitan nalang ni Maxinne ng Fire-gem
niya ang mga kahoy sa labas para magluto doon.

Sumapit ang tanghali pero lalo lang nabahala ang lahat sakanila dahil walang Angel
o kahit sino ang dumating sa bahay..

''I think kailangan na natin umalis..'' Paul

''Oo nga, mukhang wala na tayong hinihintay dito,'' Felix


''Sht, nasaan si Angel kung ganoon?!'' Ice na maluha-luha na.

Inalo naman siya ni Felix at niyakap.. ''Hush. Baka hindi na siya dito nakatira..''

''ICE, FELIX, ACE, MAX, PAUL, REGINA AT DIONNE!''

Napatingin naman ang lahat sa sumigaw mula sa di kalayuan na mga puno..

Humahangos na lumapit sakanila si Sandy..

''Bakit?'' kunot-noong tanong ni Dionne dito saka inabutan ng bimpo dahil pawis na
pawis.

''May bata.'' Sandy na hinihingal pa rin..

''Bata?'' Maxinne

''Yeah, ayun o,'' tumingin sila sa itinuro ni Sandy, may bata nga na naglalakad
papunta sa direksyon nila. ''Si Duane yan, kakilala raw si Angel eh.''

''Sino kayo?'' tanong nito sakanila.. ''Anong ginagawa niyo dito sa bahay ni Ate
Angel?''
Nagliwanag naman ang mga mata ni Ice sa tuwa dahil kumpirmado na bahay nga ng
kapatid niya ito, ''Nasaan si Angel? Kapatid niya ako..hinahanap ko siya..''
nakangiting sambit nito sa bata..

''H-hindi ako magbibigay ng impormasyon...'' iling-iling na sabi ng bata saka


akmang tatakbo nang pigilan siya nila Ace at Felix.

''Hindi namin siya sasaktan...hindi kami galing sa Erebus.'' Dionne

Tahimik lang ang bata na tinitigan silang lahat...

''Taga-Erebus man kayo o hindi...wala na rin kayong magagawa...'' bata

Lumakas naman ang kabog ng dibdib ng lahat sakanila at parang kinakabahan sa bawat
sasabihin ng batang nasa harapan nila..

''Anong ibig mong sabihin nakuha na ba....si Angel ng mga taga Erebus?'' Regina

Napatulala sa ibang direksiyon ang bata saka naluluhang tinignan sila.. ''Hindi. A-
Alam ko kung nasaan siya..''

''Talaga?! Nasaan ang kapatid ko?!'' Ice


Nagtataka man sila sa naging reaksyon ng bata ngayon pero pinagsawalang bahala
nalang nila iyon dahil nalaman na rin naman nila na hindi pa ito nakukuha ng mga
taga-Erebus...

''N-nasa palasyo siya ngayon ng King Evo, k-kaarawan ng prinsesa mamaya at isa si
ate Angel sa naglilingkod s-sa palasyo..''

''O, e bakit nags-stutter ka? Ba't ka nabubulol? Problema ng dila mo?'' Ace

Binatukan naman si Ace ni Regina, ''Wag mo takutin, ikaw naman.''

''Nananakit kana Regina? Grabe..'' Ace

''Pwede mo ba kami samahan sa palasyo na sinasabi mo?'' Sandy

Tumalikod naman sakanila ang bata pero hindi nakaligtas sa paningin ni Ace ang
pagpikit nito ng mariin pagkatalikod sakanila...

''Sasamahan ko po kayo..'' bata

Si Ace ay elasticity-gem holder at Sharp-eyesight gem holder. Kaya niyang pahabaain


ang katawan niya, matalas at mabilis rin ang paningin niya..
Nagsimula na silang lumakad at sumunod sa bata..

''Problema ng mata mo? Ba't nagkulay green?'' tanong ni Regina habang siniko-siko
ito,

''Walaa~ tsismosa kana, Regina,'' Ace

''Psh..Ang sama!''

--

Nakarating sila sa harap ng malaking gate ng palasyo pero pinigilan agad sila ng
bata..

''Hindi kayo papapasukin basta-basta..'' bata

''Eh kailangan na namin sunduin si Angel..'' Maxinne

''Kung gusto niyo, dumalo kayo mamaya sa kasiyahan ng kaarawan ng prinsesa. Magsuot
kayo ng magarang damit dahil yun ang required sa kasiyahan ng prinsesa. Makakapasok
ang kahit sino mamaya. Pero hindi ngayon.''

Nagkatinginan ang lahat sa isa't-isa pwera lang kay Paul at Felix na nakamasid sa
paligid..

Pagkatingin nila sa harapan nila ay naglaho na si Duane, wala na ang bata...

Nilingon pa nila sa iba't-ibang direksiyon pero wala na...

''Asan na yun?'' Ace

''Bilis mawala, bawal kapangyarihan dito sa Praxi Tribe's Mountain diba?'' Dionne

''Weird.'' Sandy

''Paano tayo makakapunta mamaya, kung wala tayong masusuot na gown?'' Regina

''De, ang tanong diyan, saan tayo makakakuha ng gown?'' Maxinne

''Yun lang! Hirap pala hanapin yung si Angel. Kala ko madali lang, excited pa naman
ako kahapon, kahit loyal ako sa pagmamahal ni Max babes, e naging mahal ko rin yun
si Angel noon'' nakangising sambit ni Ace

Tinignan naman siya ni Ice ng masama, ''Lahat na ganyanin mo, wag lang si Angel
baka makasapak ako ng lalaking malakas ang topak.'' Ice
''Oo nga, sabi ko nga. Kaya nga si Max my babes na ngayon-''

''Baka masapak kita, manahimik kana, Ace!'' Maxinne

Hindi nahirapan ang mga kababaihan dahil nakadaan naman sila sa lugar na parang
mini Night-market ng lugar.

May dala rin silang mga ginto at pilak na ginagamit bilang pera sa lugar kaya hindi
na sila nahirapan makabili..

Masayang namimili naman ng damit sila Maxinne at Sandy na pinipilian ang mga
pangiti-ngiti lang na sila Regina at Ice..

Yung apat na lalaki naman tapos na rin namili ng maisusuot sa kasiyahan sa darating
na gabi..

''Wow! Sexy naman ni Regina!'' maingay na sigaw ni Maxinne pagkalabas ni Regina


suot ang long black fitted dress ni Regina na may diamonds na design sa beywang at
kita ang likod nito. Kita rin ang mga balikat nito.

''Ganda.'' simpleng sagot ni Sandy

Si Sandy naman ay eleganteng dark green ang gown na hapit ang beywang pero palobo
ang bandang ibaba na may makikinang na design sa buong gown. Blue naman ang kay Ice
at White with black pearls ang kay Maxinne.

--

Palasyo...

Nakangiting pumasok ang mga kababaihan sa palasyo na nakasuot ng sobrang eleganteng


mga damit..

Nakita naman agad nila Sandy sila Dionne sa isang banda at nilapita ito, halos
matulala naman ang apat sa mga kasuotan ng nila Ice..

''Wow, nagmukhang tao ang bestfriend ko..'' Dionne, ''Ganda naman ng mahal ko,''
pabirong sabi nito kay Regina..sinamaan lang siya nito ng tingin.

''Gorgeous girlfriend..'' nakangising sabi ni Felix kay Ice,

''What?!'' Ice

''Haha, Girl na friend. Problema mo?'' Felix

''Psh..''
''Pangit,'' Napatingin naman ang lahat sa nakasimangot na si Ace

''Pangit? Mo? Oo, pangit ka,'' Maxinne

''Pangit ng suot mo, talaga bang sinadya niyong magbacklass gown ni Regina?
Pinagtitinginan na kayo o!''' Ace

''Ganda kasi kami kaya pagtitinginan kami,'' Maxinne

''Osya tama na away niyo. Maghanap na tayo kay Angel nagsisilbi lang yun sa mga
bisita, Sandy and Dionne hindi niyo kilala si Angel, mag-enjoy nalang kayo'' Felix

''Hindi ko rin ata kilala si Angel, mag-eenjoy nalang din ako dito sa- ARAY!'' Ace

''Gusto mo lang magflirt e! Manahimik ka! Kilala mo yun!'' Regina

''Sama mo T___T Brutal kana ngayon, Regina'' Ace

Nilapitan na ni Dionne si Sandy, si Felix at Ice naman, si Ace at Maxinne na bwisit


na bwisit na sumama na rin kay Ace at si Paul na hinatak nalang bigla si Regina sa
kamay. Naghiwa-hiwalay na ang magkakaibigan para makita si Angel...
Nakisiksik sa mga nagsasayawan at nakisali doon habang iniikot ang paningin sa
paligid upang maghanap.

Scarlett Astrid's POV

Tumayo na ako ng sofa at tumungo sa lamesa para kumain.

Lumayas na kasi yung Travis na feeling close...

Nagtataka na napapatingin nalang ako sa buong paligid ng dorm ko,

Paanong natuyo na 'to?

Basang-basa 'to nung iniwan ko diba? Mukhang dinalaw talaga ng baha..

Pumasok na naman yung itsura nung hayop na babaeng Lalaine na 'yon sa isip
ko..Parang nanggigigil ako.

Sumigaw-sigaw sa cafeteria na gusto ko lang magpasikat at famewhore ako, dahil


ginamitan ko siya ng kapangyarihan ng walang dahilan?!
Hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang pagtaas ng dugo ko sakanya LALO NA SA
MAGALING NA TREY na 'yon! Akala mo kung sinong mga mababait na sinigawan pa ako, na
feeling ko pa ako ang nagkamali at masama saamin ni Lalaine!! Kainis lang!

Halos sumakit naman ang ulo ko, sa kakaisip 'dun tungkol sa nagawa ko kay Lalaine.
I pinned her to the wall with the use of knives. Knives pinning the sides of her
clothes to the wall at sa tingin ko pa napakabilis ko kumilos that time na to the
point na hindi na niya ako napigilan.

May hawak akong kutsilyo 'nun.

"Wala akong maalala na dumampot ako ng kutsilyo," bulong ko sa aking sarili.

Inisip ko talaga kung paano o saan ko nakuha yung nga kutsilyo noon, pero ginulo ko
nalang ang mahabang brown hair ko sa sobrang frustrated na frustrated.

Ganoon ba talaga kapag nagagalit ang isang tao? Hindi mo na alam ang mga nadadampot
mo? Siguro nga. Aish, ewan!

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng masarap na luto nung Travis na 'yon na may
talent pala sa pagluluto. Aba! Ang sarap, guys. Baka may gayuma na 'to kaya ganito?

*Blag!*
Napitlag ako sa lakas ng balandra ng pinto ko. Ano 'yun?!

Tumayo agad ako at lumakad papuntang pinto..

"Travis? Ginagawa mo? Akala ko ba um-"

"Sshhh 'wag ng maraming tanong. Ano...uhmm...Ah alam ko na! Tara sa labas!" hinila
niya agad yung wrist ko na aakmang palabas na nga sana ng pinto.

Pinigilan ko siya agad. Malay ko ba kung anong trip neto. "Bakit? Anong meron sa
labas?"

Lalo naman itong ngumisi na parang good question ang natanong ko, "May live show
mamaya sa labas," Travis

Wow. Meron nun dito?!

"Really? Tara na.." lumabas na kami ng dorm. Excited na ako. What kind of liveshow
kaya? Sana maganda.

"O bakit?" tanong ko. Pagkasara niya kasi ng pinto lalakad na sana ako paalis nang
hilahin niya ako pabalik.
"Wait," Travis

Kunot-noong tinignan ko siya. Nakatingin siya dun sa hallway e. Dun sa likuan na


parang may dadating?

Maya-maya may narinig na kaming mga footsteps.

Nagulat ako nang hawakan ni Travis ang kamay ko ng mahigpit saka tumitig sakin na
maya-maya ay naging ngisi, "Igaganti kita. Sa paraan ko, hahaha. Naiimagine ko na
yung mukha niyang hindi na maipinta. Pfft."

"Naka drugs ka ba, Trav-" Bigla-bigla niya akong isinandal sa pader at...shit!

Hinahalikan niya ako! Si Travis, hinahalikan ako!

Nanlamig yata yung mga kamay ko at nagsitaasan ang mga balahibo ko sa batok. Hindi
ako sanay na hinahalikan! >/////<

Second kiss: gone.

Mula sa pagkagulat nagkaroon kaagad ako ng urge itulak si Travis. ANO BA KASING
KABALIWAN ITONG GINAGAWA NIYA! MANYAK TALAGA ATA TO EH!
Pero ang mas nakakagulat dito, hindi ko siya maitulak!

Hindi ko magalaw ang mga braso ko, mga binti ko rin pati ang beywang ko. WHAT THE
HECK?!

"The fvck!" Nanlaki ang mata ko nang may isa pang boses na nagsalita di kalayuan
saamin, sa tingin ko.

Pinilit kong tignan ang nasa side ko, kahit hindi ako makagalaw,

Oh my god, Trey!!

Naramdaman ko ang pagngisi nitong manyak na 'to sa mga labi ko. MAPAPATAY KITA,
TRAVIS! ANO GINAWA MO SA KATAWAN KO!

Hindi ako makagalaw!

Travis broke the kiss but I gasped when Trey punched Travis. Very hard. Na talagang
tumalsik si Travis sa pangatlong pinto mula dito sa doorm door ko..

Hindi parin ako makagalaw pero ramdam ko ang sobrang galit ng taong nasa gilid ko
ngayon. Si Trey. Nanlilisik sa kulay orange ang mata nito at umiilaw ng maliwanag
ang red gem nito. He is clenching his jaw and his fists are in balled shape.
"Long time no see too, brad." nakangising sabi ni Travis habang tumatayo at
pinupunasan ang dugo sa labi at ilong.

"Pumunta ka pa dito!" nanunuyang sabi ni Trey..

"Oo, naalala ko nga agad si Scarlett." Travis.

Mabilis na nilapitan ni Trey si Travis at kinuwelyuhan ito, "Gago ka, mananahimik


ka lang kung ayaw mong magkaharap tayo. Ulit!"

"Ha! Takot na takot ka talaga, ano? Satingin mo ba may patutunguhan itong ginagawa
mo? You're just wasting your t-" Travis

"Fvck you, bastard! You don't fvcking care!" Trey

Nakita kong tinulak na ni Trey si Travis ng marahas. May pinag-uusapan sila pero
malayo sila at mahina lang yon, mukhang galit pa sila kaya hindi ko talaga marinig.

''Hindi ka niya mapapatawad dahil nanay mismo natin ang-''

Nagulat nalang ako nang habang nag-uusap sila biglang sinuntok ni Trey si Travis.
Hindi ko alam at hindi ko marinig yung pinag-uusapan nila pero mukhang nag-aaway na
ang mga ito..
"Subukan mo lang na magsalita tungkol diyan!" Trey

Naglabas ng apoy si Trey sa mga kamay niya at tinutok kay Travis pero agad naman
naging bato ang buong katawan ni Travis at hindi tinablan ng apoy..

Napatili na ako. Magpapatayan ba sila?!

''Trey, tama na 'yan!''

Gusto ko na makialam sana dahil kanina pa sila nagsasakitan. Diba magkapatid sila?!

Pero naramdaman ko ang katawan ko na hindi ko parin maigalaw. Tumingin sa mga mata
ko si Travis at nag-ilaw yun ng puti, naramdaman ko na naigagalaw ko na ang katawan
ko bago pa humarap saakin si Trey at agad nitong mahigpit na hinawakan ang wrist ko
at hinila paalis sa lugar na iyon.

**

"Trey, masakit na yung wrist ko" angal ko. Kanina pa kasi niya hindi binibitawan
ito kahit binabawi ko na.

Tumigil kami sa tapat ng room na may nakaukit na,


Punishment room

A-anong meron dito? bakit dito kami nagpunta?

"You almost kill Tina! Is that true?!!!" napaatras ako sa sobrang lakas ng sigaw
niya..

"N-no. No. Sino ba 'yon? Wala akong muntik nang mapata-"

"Liar!!" Trey

What the, "Bakit ka ba nagagalit ng ganyan, hindi ko nga alam ang sinasabi mo!!"
Liar daw?! Ako?

"Hindi mo alam?! Mabuti at dumating si Lalaine sa oras na 'yon. Hindi mo kailangan


manakit dito, Astrid.''

"Hindi ko alam ang sinasabi mo! Sinungaling yang Lalaine na 'yan! Malandi at hayop
yan dahil-"

"SHUT UP!" Trey


Lalaine weaved stories about me and that Tina girl?! E ni hindi ko nga kilala yon!

''May parusa na ipapataw sa'yo kapag nagsumbong ang Tina na 'yon. Hindi ka ba nag-
aalala manlang?! Sabagay, paanong maiisip mo nga naman 'yon kung abala ka sa
pakikipaghalikan kay Travis!'' Galit na galit nitong sabi saka mahigpit na hinawan
na naman ang wrist ko. Ang sakit na talaga!

"WHAT?! Hindi ako nakikipaghalikan sakanya!" Pagtatanggol ko sa sarili ko at pilit


kinukuha ang braso ko.

He smirked, "Ano yun, kusa humalik yang labi mo sa gagong yun?! Mukha ba akong
tanga, Astrid?! Talagang pati yun magsisinungaling ka?!!"

"E hindi naman talaga totoo! Kung ayaw mo makinig edi wag mo! Bakit nga ba ako
nagpapaliwanag sayo?! Oo sige, nakipaghalikan ako o ano naman sayo?! Gusto ko yun,
at wala kang pakialam dun, Trey! PAKIALAMERO!"

I was about to turn my back on him when someone grabbed my elbow harshly. "YOU
FREAK!! IKAW YUNG MUNTIK PUMATAY SAKIN!!"

Tumingin ako sa babaeng sumigaw. Nerdy girl na hindi ko naman kilala.

"What?!" Ito na ba yung sinabi nung Lalaine na lies. Bwisit talaga!

"MUNTIK MO NA AKO SAKSAKIN NG DAGGERS MO!" She turned to Trey "SHE DESERVED TO BE
PUNISH!"
Nagulat ako ng biglang hablutin ng babaeng 'to ang buhok ko at ipasok ako sa pinto
ng Punishment room.

Gusto ko sana huminga ng tulong kay Trey na mukhang tulala parin pero nagdalawang
isip ako.

Stupid me, siya nga nagdala sakin dito!

Sumara ang pinto ng room. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid..

Buong itim ang dingding at sahig. Sobrang tahimik at wala kang ibang makikita..

Parang gusto ko na maiyak...

Ayoko dito. Wala naman akong ginawa! Si Lalaine dapat dito!

''Nakakainis ka Trey! Arghhh!'' Sigaw ko.

Nakaramdam ako ng sakit na matindi sa ulo at sobrang panghihina. Parang may


something na humihigop sa energy ko.
"AYOKO NA DITO!! PALABASIN NIYO AKO!!"

Scarlett Astrid's POV

Wala pa akong dalawang minuto dito pero sobrang sakit na ng ulo ko.

Parang binbiyak sa tuktok. Ang sakit sobra. Parang gusto ko nalang iuntog sa
matigas na bagay para tumigil yung sakit.

Kasabay ng pagsakit ng ulo ko ay ang paghina ng katawan ko. Nanlulumo ang mga kamay
at binti ko na parang sobrang pagod na pagod ako..

Nahihirapan na rin ako huminga, pakiramdam ko unti-unting nauubos ang oxygen dito
sa loob ng malaking walang laman na silid na ito.

Siguro kaya tinawag na Punishment Room ito dahil sa mapangparusang mga bagay na
nararamdaman ko ngayon..

At dahil hindi ko na kinakaya ang sakit ng ulo ko na parang pinupukpok ng martilyo


tumayo naako para puntahan ang pinto,

Halos matumba na ako pero ayos lang, pinilit ko parin.

"PALABASIN NIYO NA AKO DITO!!" sigaw ko. Tiningnan ko ang pwesto ng pinto kanina,
pero wala na iyon doon.

Sigurado ako na doon nakapwesto yun!

"AYOKO NA DITO!!" Sa bawat pagsigaw ko tumitindi ang sakit sa ulo ko kaya napaupo
na naman ako..

"TREY!" naiiyak na ako. Ayoko na dito!

"AYOKO NA DITO!! WALA AKONG KASALANAN! MAAWA KA-Ahhhhh!!" Ayoko na! Ayoko na!

Mababaliw na ako sa mga pagpapahirap na nararamdaman ko dito!

Biglang nagliwanag ang buong paligid.


Parang binuksan ang ilaw sa silid. Napangiti ako. Sawakas, palalabasin na ako!

Pero napawi ang ngiting 'yon nang makita ko ang buong paligid na may unti-unting
gumagapang na puting bagay sa paligid. Sa dingding. Sa sahig. Sa itaas.

Kasabay noon ang malakas at malamig na ihip ng hangin.

Nagyeyelo dito sa loob!

Nanginig ang katawan ko sa takot at sa lamig.

Sobrang lamig na agad dito. Tinignan ko ang mga palad ko. Nanginginig yun ng walang
tigil. Namumuti na ang mga palad ko, ang labi ko at ngipin na nangangatal na rin sa
lamig.

Gusto ko nalang maiyak. Pero walang luhang lumalabas sa mga mata ko. Sa sobrang
lamig dito sa loob..
Ganito ba talaga dito?

Akala ko ba mas okay dito katulad ng sinabi nila Dionne at Sandy?

Akala ko ba ito ang tunay kong tahanan?

Parang mas pinahihirapan naman ako dito.

Sa loob-loob ko, gusto kong saktan yung bibig ko sa walang tigil na pagsigaw at
paghingi ng tulong kay Trey.

Isa rin naman siya sa mga taong mapanghusga sakin. Mukha ba akong masama para
sigawan nila bilang sinungaling?

Pero ewan ko, akala mabait siya. Umaasa ako na tutulungan niya ako dito, pero siya
pa nga ang nagdala sakin sa lugar na 'to.

Hindi na ako makahinga sa sobrang lamig. Tuluyan nang nagyelo ang paligid. Pati ang
katawan ko namumutla na..
Feeling ko magb-breakdown na ako..

Naisip ko ang kapangyarihan kong apoy, pero hindi ko naman yun alam gamitin..

Nahilo na ako kaya kahit ayaw ko man matumba, pabagsak na napahiga na ako. Tumama
pa ang ulo ko sa paumbok na yelo, naramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy
mula sa ulo ko..

May dugo.

Umiikot na ang paligid kaya't unti unti na ang pagpikit ng mga mata ko..

*boogsh*

"SHIT, NO! NO, ASTRID! WAKE UP! FVCK! DAMN THIS!"

Hindi ko maaninag ang sumisigaw. Pero kilala ko yung boses.

Isang tao pa lang naman ang tumatawag saakin sa pangalan ko na "Astrid diba?

"Astrid! Damn." naramdaman ko ang pagdikit ng mainit na bagay sa balat ko kasabay


ng pag-angat ko sa malamig na sahig..
"I hate...you, Trey" I whispered. And then everything went black.

Trey's POV

"I hate...you, Trey" I looked at Astrid as she fell asleep

Buhat-buhat ko na siya at mabilis na naglalakad-takbo papuntang clinic ng Academy.

Hindi ko na alam ang gagawin ko..hindi na ako makapag-isip ng ayos.

fvck!

Parang gusto kong bugbugin yung sarili ko sa tuwing napapatingin ako kay Astrid na
buhat-buhat ko ngayon.

Putlang-putla. May namumuong yelo pa sa mga damit niya..may dugo sa noo

I swear if anything bad happen to Astrid, makakapatay talaga ako. Kung pwede lang
patayin ko yung sarili ko kapag nawala pa sa tabi ko si Astrid ulit.
"TUMABI KAYO! DAMN! ALIS!" nanggigil na sigaw ko sa mga students na nakatuon ang
pansin saamin at nakaharang sa daanan ko.

Tarantang-taranta na ako. May mga tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko na 'yon


pinapansin.

Kailangan ko muna maipunta si Astrid sa Clinic. shit! This is all my fault!

"T-trey!" Parang nag-init yung dugo ko sa babaeng sumalubong sakin. Huminto ako sa
harapan ng dalawang babaeng humarang sa daanan ko.

"LALAINE, GET OUT OF MY WAY!" halos dumagundong sa buong Hallway ang malakas na
boses ko.

Nakita ko ang lungkot, galit at takot sa ekspresyon niya, pero wala akong pakialam!
Wala naman siyang kasalanan dito pero ewan ko, gusto ko siyang sisihin na to the
point na gusto ko....Shit!

To the point na gusto ko siyang saktan!

"TANGNA, BABALIKAN KITA!" I clenched my jaw as I yelled to Tina. Dinuro ko siya.


"KASALANAN MO 'TO! You'll pay for this." Nanginig siya pero nagpatuloy na ako sa
paglakad-takbo papuntang Clinic.
●●●●●

Hindi ako mapakali sa pagtayo at upo dito sa Hallway katapat ng clinic.

Mahuhusay ang mga healer dito sa StoneGem Academy, pero hindi ko maiwasan mag-
alala.

Napahilamos ako ng mukha. Nakakabakla pero gusto kong maiyak, naaawa ako sa tuwing
maaalala ko ang maamong mukha ni Astrid kanina na putlang-putla na parang naubusan
na ng dugo..

Nasuntok ko ang pader dito sa hallway. Nabutas 'yon at agad na nagdugo ang kamao
ko. Nag-aapoy at may kahalong kidlat na din ang mga kamay ko..

Natulala ako kanina habang nagtatalo kami ni Astrid.

Hindi ko lang talaga matanggap na naabutan ko siyang kahalikan ang hayop kong
kakambal!

Hindi pa sila matitigil kung hindi ako dumating? May gusto ba si Astrid kay Travis?
Paano?!

Ayoko lang naman na may iba pa siyang hahalikan bukod sa 'kin.

Hindi ko rin gusto sigawan at pagbintangan si Astrid. Hindi ko yun sinasadya!

Hindi ko naman siya talaga ipapasok sa Punishment Room. Putangna! Kung di lang
nakialam ang babaeng Tina na 'yon!

Nag-ilaw ang katawan ko. Hindi na ako magugulat, inaasahan ko na rin naman 'to.

Trey's POV

Napapikit nalang ako ng madiin nang tuluyan ng mag-ilaw ang buo kong katawan.

Nakarating agad yung balita sakanya?! Bilis naman!

"TREY WASTRIDGE! YOU HARD-HEADED SON OF MINE! WHAT HAPPENED TO SCARLETT?!" Dumilat
ako at sinalubong ang matalim na titig ni papa sakin.
Nandito na pala ako sa office niya. Kapangyarihan niya rin ang papuntahin ang isang
tao sa lugar kung saan niya gusto pero minsan niya lang ito ginagamit. Kapag galit
at kailangan niya.

Pinisil ko ang bridge ng ilong ko at pumikit ulit ng mariin. Frustrated at magulo


ang isip ko..

Sinisisi ko ang sarili ko. ayaw na ayaw ko talaga nakikita na nasasaktan si


Astrid!

It reminds me of what happened in the past. The darkest secret of ours. The tragedy
that I fvcking hate to remember.

"ANSWER ME, TREY! ANONG KALOKOHAN ANG NANGYARI KAY SCARLETT?!"

"I...I didn't mean to d-" I was about to explain nang biglang makatanggap ako ng
malakas, sobrang lakas na suntok sa mukha.

"WHAT THE FVCK IS WRONG WITH YOU?!" Sinuntok ko rin ang taong bigla nalang sumulpot
dito sa office at sinuntok ako.

"TRAVIS AND TREY! Tumigil kayo ngayon din!''

Galit na tumingin saakin si Travis. Puta! Ano bang problema niya?!


"STOP?! REALLY, PA?! SI SCARLETT, DINALA NIYA SA PUNISHMENT ROOM NA PINAGLALAGYAN
LANG SA MGA MABIBIGAT ANG KASALANAN NA STUDENTS!! SI SCARLETT NA WALA NAMAN GINAWA
INILAGAY NIYA DOON AT NAKARATAY SA CLINIC NGAYON! NOW TELL ME, SHOULD I STOP
PUNCHING THIS BASTARD'S FACE, PAPA?!" Nanginginig na sigaw niya

Nakatanggap na naman ako ng suntok mula kay Travis kaya tumalsik na ako sa sulok.

"PAPATAYIN KITA KUNG MAY HINDI MAGANDANG MANGYARI KAY SCARLETT NGAYON!" He yelled
at me habang dinuduro ako. Lumabas na siya at pabagsak na sinara ang pinto.

Tinignan ko si papa at masama rin ang titig sakin habang umiiling at sapo ang noo..

Hindi na ako nakipagsuntukan kay Travis, alam kong kasalanan ko talaga.

Nadala lang ako ng emosyon ko. PUTANGNA NAGSELOS LANG NAMAN AKO KANINA!

"Anong dahilan, Trey." Mahina yon na sambit ni papa pero sobrang madiin at
malamig.."You were the in charge for Ms. Scarlett the Crystal Moon's safety, and
then ikaw pa ang dahilan ng mga 'yon ngayon?! PALPAK KA NA NAMAN, TREY!
BINABANTAYAN MO PA SIYA LABAN SA PESTENG WHITE SNAKE GUARDIAN TAPOS..." Yumuko
nalang ako sa sobrang lakas na sigaw ni papa..

I bit my lower lip very hard. I clenched my jaw. Astrid. Astrid. sorry,
"Anong nilabas ng Punishment Room?! SABIHIN MONG AYOS LANG SI SCARLETT!"

"Ice. N-nasa clinic na siya.." nakayuko parin ako.

"Now tell me, kaya mo pa bang bantayan si Scarlett?! Magiging panatag pa ba ako na
ikaw ang magbabantay sa Crystal Moon o ibibigay ko nalang ang responsibilad kay
Travis?!"

Agad na napataas ang tingin ko kay papa..

"NO! You're not giving Astrid to Travis. AKO ang magbabantay sa Crystal Moon! Kay
Astrid. Wether you like it or not," matigas na sabi ko at tumayo na sa sahig at
lumabas ng office. Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni papa sakin.

Pumunta ako sa clinic. Nakabukas na ang pinto, ibig sabihin tapos na gamutin si
Astrid.

"How is she? Astrid Sundust." tanong ko sa healer o nurse na nakasalubong ko dito


sa labas.

"Okay na po siya. Although may mga pantal sa balat pero ayos na siya. May mataas na
lagnat din siya, hindi nga namin maintindihan kung bakit hindi namin mapababa ang
temperatura ng lagnat niya. Grabe siguro ang Ice na nilabas ng Punishment Room.."

"Okay, thank you." nagnod lang ito saakin saka umalis.


Hindi kasi normal si Astrid. Crystal Moon siya.

Pumasok na ako sa loob pero hindi na ako tumuloy dahil nakaupo sa tabi ng nakahiga
at tulog na si Astrid si Travis.

Lumabas nalang ako. Alam kong galit na galit siya, ayoko magkagulo kami ngayon dito
at magisnan pa ni Astrid.

Lumakad lang ako ng lumalad sa hallway.

Pinilit ko talagang ilabas si Astrid kanina mula sa loob ng Punishment Room. God
knows I really tried all my best. Pero sadyang ganun lang talaga ang pinto doon,
naglalaho once na isara mo na.

Kaya sinira ko na ang dingding, I put almost all of my power and energy in that one
attack I made.

Mabuti nalang at nasira ang wall nun at naagapan ko pang gising si Astrid.

Hindi ko naman talaga dapat pagbintangan si Astrid. Sinabi na niyang wala siyang
kasalanan. Hindi marunong magsinungaling si Astrid at alam ko yun.

Alam ko rin na hindi magagawa ni Lalaine magsinungaling. Naniwala ako sakanya pero
napahamak si Astrid.
Kita ko si Lalaine kasama ang mga kaibigan na nakaupo sa mahabang bench sa garden
ng Academy. Sa di kalayuan naman ang babaeng nagngangalang Tina.

Umahon na naman ang galit ko.

This time dapat si Astrid naman siguro ang paniwalaan ko.

Mabilis akong lumapit sa Tina na yon at mahigpit na hinatak ang wrist niya. Hinila
ko siya sa banda nila Lalaine..

"Trey.." Namutla bigla si Lalaine na ikinataka ko..

"TELL ME, WHAT. REALLY. HAPPENED." madiin na sambit ko. Marahas kong binitawan ang
Tina na 'yon palapit kay Lalaine na ngayon ay parehas na silang namumutla.

Nakita ko ang paglunok nila at pagtingala sa langit na ngayon ay dumidilim na at


kumikidlat. Dulot ng galit na namumuo sa loob ko, at alam kong alam ni Lalaine ang
ibig sabihin ng mga kidlat na iyon na galing sa gem ko na malapit ko nang gamitin
kung hindi magsasabi ng totoo ang Tina na 'to.

Isang maling salita..tutuloy sa lupa ang kidlat na yan!


"Ano...kasi-" Tina na naiiyak na. Kumapit naman ng mahigpit si Lalaine sa braso
niya, tinignan niya si Lalaine na parang nakikiusap sa mga mata nito.

Pinanliitan ko sila ng mata. May iba bang nangyayari dito?!

"SAGOT!" sigaw ko. Napaatras naman silang dalawa sa gulat. Nagsilayuan na ang ibang
kaibigan ni Lalaine pero may hinatak siyang isang babae at pinanatili sa tabi
niya..

"Trey m-" Lalaine

"HINDI IKAW. ANG TINATANONG KO LALAINE!" sigaw ko. Tumama naman ang malakas na
kidlat sa bandang likuran nila at nasira ang lupa ng garden..

Umiling-iling si Tina at nag-iiiyak na.."Hindi. H-hindi talaga ginaw-" Natigil ulit


si Tina at tinignan ang sobrang higpit na kapit sakanya ni Lalaine.

Marahas kong tinabig ang kamay ni Lalaine doon at mahigpit na hinawakan ang braso
ni Tina. "ITULOY MO!" sigaw ko.

"Hindi ginawa ni Scarlett. H-hindi totoo na muntik na niya akong m-mapatay."


nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

Shit! Astrid.
Sa galit ko, pinalutang ko siya sa ere habang may nagbabadyang mga kidlat sa
himpapawid. Lalo naman siyang nag-iiyak.

"Trey!" Lalaine

"Wag kang makialam dito!"

"Galit ka din ba sa 'kin?! Dahil sa babaeng 'yon kaya mag-aaway tayo?!" Ipinalutang
ko rin si Lalaine katulad ni Tina.

"ITO KANINA KO PA NAIISIP. LALAINE, KUNG HINDI MUNTIK MAPATAY NI ASTRID ITONG
SINUNGALING NA BABAENG 'TO, ANONG KAGAGUHAN YUNG SINABI MO SAKIN?!" Nanginginig na
ako sa galit. ''Ginagago niyo ba ako?!''

"INUTUSAN NIYA AKO! MAGSINUNGALING DAW AKO! TINAKOT LANG NIYA AKO!" Tina

"WHAT?! YOU BITCH, DON'T BLAME ME. I DIDN'T TOLD YOU TO LIE-Ahhh!" Lalaine na
napatili dahil sa daplis ng maliit na kidlat na inatake ko sa braso niya.

"NAGSINUNGALING KA, LALAINE?! SABIHIN MO YUNG TOTOO TANGNA DAHIL KUNG HINDI, HINDI
AKO MAGDADALAWANG ISIP IHAGIS KAYONG DALAWA SA MGA KIDLAT NA YAN!!" Sigaw ko at
lalo pa silang itinaas sa mga maiitim na ulap.

SINIGAWAN KO SI ASTRID AT PINAGBINTANGAN?! STUPID! FVCK! MAPAPATAY KO ITONG MGA


BABAENG TO!
-

Hello sa mga readers nito na mahilig mag-votes at comments.

@Sweetylyn_YLAINE_ME

@jcshadow

@Forever_Yours20

@cutiexrcille

@zie_dao

@SweetLuckyAngel

@Crazyheart143

@MaanMicael

@Llauriscetag_atll

@LooneyBee

@ICEY07

@daisy7170

@Vhiejaan16

@madriaga_clarence

@LadyMMB

@patoochai

@MisaAmane17

@Sapphire-Princess

Madami pang iba. Next time naman

Regina's POV

Kasalukuyan akong nandito sa mga nagsasayaw ng slow dance kasama si Paul.


Nagwawala na naman yung sistema ko, hawak niya yung beywang ko habang ako naman
hawak ko ang balikat niya.

Natetense na naman ako. Ganito na naman kami kalapit. Bakit ba kasi bigla niya
akong hinila?! Bakit naman ako nagpahila?!

"Uhmm.." Ang awkward talaga paano ko ba ihahandle 'to?

"You look stunning tonight." Paul.

Napalunok naman ako. Ano daw? Ako ba yung pinupuri niya? May iba pa ba siyang
kausap dito?

"Uh, thank you." simpleng sagot ko.

"Sorry," napatingin na ako ng diretso sa mga mata niya. Sorry?

"Ha? B-bakit?"

"I'm sorry...for being harsh to you, Yna." Paul


Napa-iwas ako ng tingin kay Paul at bumaling sa ibang direksiyon.

Tinawag niya ako sa nickname ko na siya lang ang tumatawag...

Yna

Bata pa lang kami, magkakaibigan na kami nila Maxinne, Ice, Felix, Angel, Ace, at
Paul. Huli nalang namin nakilala sila Travis, Trey at Lalaine.

Si Paul ang pinaka-tahimik at cold saamin. Playboy at masungit pero bata pa lang
kami lagi ko siya nun nilalapitan at kinakausap. Pinaparamdam ko na kahit hindi
siya friendly, isa parin siya sa barkada.

Hindi niya ako madalas pinapansin. Sinisigawan at itinutulak palayo.

Ngumiti nalang ako ng peke. Bakit nga ba kasi ako nahulog dito sa lalaking masungit
na 'to?

"Ayos lang. Sanay na naman ako. Pero...yung sinabi mo nung..nakaraan..iba na yun."


Nag-iba yung aura ng mukha niya. Napayuko siya saka humarap ulit saakin.

"Sorry ulit, may gusto ka kay Dionne, yes?"


''Siyempre wala!'' Mabilis na sagot ko. Umaasa na tinatanong niya ang bagay na 'yon
dahil nagseselos siya. Pero hindi, right?

Hays.

Nabalik nalang ako sa realidad nang maramdaman ko ang labi niya na lumapat sa noo
ko.

Nag-init yung mga pisngi ko.

"Someday maiintindihan mo rin.... Back to work. Baka lalo kanang mainlove sakin
niyan.." he smirked at lumakad na palayo saakin na tulala parin at namumula.

Akala ko ba...shit naman! Ba't ba ang galing ng mga playboy sa mga ganyang bagay?!

Simpleng halik sa noo pero nagawa nun pagguluhin yung puso ko. BUONG SISTEMA KO!

"Hoy, maya na ang lande!" Natigil ako sa pag-iisip nang biglang may magsalita sa
gilid ko at batukan ako.

I glared at Maxinne. "Maka-batok ka!"

"Ay ateng, limang minuto kanang nakastand-by ditey. Mahiya naman po tayo, mukha
kanang guard diyan sa gitna." Maxinne

"Nasaan ba yung prince charming mo?" Ace. Nagsasayaw sila pero nakikipag-usap
sakin. Kahiya naman pala 'to.

Tinarayan ko lang silang dalawa. "Wala. Akong. Prince. Charming! Makaalis na nga
lang! Hmp, bagay talaga kayo, mga malakas ang trip sa buhay!" Inaasar pa nila ako
pero umalis na ako sa gitna at pumunta sa mga table..

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Nasaan si Paul? +___+ bakit ko naman hinahanap?!

Dapat pala si Angel ang hinahanap ko rito.

Tumingala ako. Malaki pala talaga ang palasyo. Malawak.

Mahihirapan talaga kami. Umalis na ako sa kinauupuan ko at umakyat sa sobrang laki


na puting hagdan.

Pilit kong hinahanap ang mukha ni Angel.. pero wala.

May mga taga-silbi ng palasyo na nakauniporme ng asul at puti pero hindi si Angel
ang mga iyon.
Mahihirapan talaga yata kami ngayong gabi.

Pinuntahan ko ang mga malalaking silid ng palasyo dito sa ikalawang palapag.


Hanggang ikalawang palapag lang naman ang sakop ng kasiyahan..

Una ang Library. Ang kusina. Mga kwarto. Ang balkonahe.

Hinihingal na tumigil muna ako sa balkonahe dito sa ikalawang palapag. Wala si


Angel. Nahihirapan din ako dito sa suot ko na malaking sagabal.

Pinagmasdan ko ang malaking garden ng palasyo mula dito sa balkonahe. Maraming tao.
Nasalubong ko ang tingin ni Ice na nasa baba at nakatingin rin sakin.

Sumenyas siya kung nakita ko ba, pero umiling ako.

"Regina!" Lumingon ako sa tumawag sakin. Si Maxinne at Sandy pala.

"Si Paul?" tanong nila sakin.

"Wala. Nagkahiwalay kami kanina pa. Bakit?"

"Wala yung boys, Regina. Si Ace alam kong malikot talaga yon pero sabi niya
kukuhanan niya lang ako ng drinks. 20 minutes pero wala parin!" di mapakaling sabi
niya.

"Ano yan, nagwoworry ka?" nakangisi kong sabi.

Tinarayan naman niya ako. "HINDI 'NO! Nainis lang ako kasi nauuhaw ako tapos hindi
dinala 'yung ano, 'yung inumin ko." Maxinne

"Sus.." asar ko

Tinignan ko naman si Sandy na hindi rin mapakali na nagmamasid mula dito sa


balkonahe.

"Si Dionne nawawala din, Sandy?" tanong ko. Tumango lang siya saka nagmasid ulit.

"Baka naghahanap lang yun sa paligi-" ako

"A-ayun!" tumingin kami sa ibaba. Nandun nga sila Dionne at Ace pero wala si Felix
at Paul. Nagmadali kaming bumaba.

"Huy! San ba kayo galing?!" Maxinne

"Ayos lang kayo?" Sandy


"Hindi." seryoso lang si Ace, weird. "Hinuli si Felix at Paul ng mga castle's
guards. Pinagbibintangan na galing sa Erebus.." Ace

"Ngayon, kung hindi pa tayo kikilos baka bukas wala na dito sa mundo yung dalawa."
Dionne

"Oh god!" Sabi ng bagong dating na si Ice.

"Tara na! Nasaan sila ngayon?!" sht! Bakit naman sila pagbibintangan?!

Umilaw ang mga mata ni Ace sa kulay berde. Nakatingin lang siya sa mapuno na parte
ng gubat sa bandang likuran ng palasyo.

"Ayun si Felix. Si Paul at may tatlong lalaki. Malamang guards na yon. Tayo na!"
Ace.

Nagsimula na kaming tumakbo papunta sa gubat..

"Bakit nandun sila?!" Maxinne

"Di rin namin alam. Pero hinarang nalang kami dun habang naglalakad kami." Ace
Nakita ko na nagtatalo si Ice, Dionne at Sandy sa likuran. Naging maputla at
natulala sandali si Ice. Bumagal ang lakad niya at mataman nakatitig sa dadaanan
namin.

Ilang lakad nalang makakarating na kami sa pwesto na tinuturo nila Dionne.


Nakarinig na kami ng mga boses.

"F-CK SHIT!" Paul

"YOU REALLY DON'T KNOW THIS THINGS, MAN!" Felix

"STOP!" someone

"FIX THIS ASAP!" someone (girl)

Nagkatinginan kaming tatlo nila Ace at Maxinne. Kami kasi ang nauuna dahil nasa
likuran sila Dionne, Ice at Sandy..

"Teleport, Max. Now!" utos ko.

Sinunod naman niya iyon at nawala sa tabi namin. Tumakbo kami sa kinaroroonan ng
mga boses.
Si Paul at Felix katabi ang dalawang lalaki na nakahandusay mga naka castle guards'
uniform. At si Maxinne na nakatayo lang sa harap nila.

Ice's POV

"Ano nangyari?!" Agad na tanong nila sandy.

"Pinatulog na namin tong mga kawal. Napagkamalan lang kami pero ayaw makinig." Paul

"Nahanap na rin namin si Angel. Nakasalubong namin kanina pagka alis nila Dionne."
Felix. Parang tumalon yung puso ko nang lumabas mula sa di kalayuan ang pigura ng
babae.

Payat, may kulay pulang buhok. Itim na itim ang mata. Si Angel nga!

Naiiyak na lumapit ako dito at niyakap. "Angel Lynne!" sambit ko

Niyakap niya rin ako at ngumiti. "Hi ate." sagot niya

Nabigla ako saka nag-isip.


Doon ko na binawi ang ngiti sa mga labi ko.

"MAXINNE!" Ace

Lumingon ako kay Maxinne na ngayon ay nahimatay pala. Kani-kanina lang ay tulala at
hindi nagsasalita.

Anong meron..
Hello, stonegems!

Hindi 'to update wag kayong madissapoint. Pipitikin ko yung noo ng


madidissapoint diyan, naka-tatlong update na ako sa isang linggo! :))

Well, HAPPY 17.7K READSSSS!! WALA LANG MASAYA LANG AKO HAHA

Pampalipas oras ko lang to tapos ngayon ko lang napansin na O..O 17k reads na?!
Wow! Yey! charot!

Nataasan pa yung nauna kong fantasy story! Galing!

Alam niyo ba, balak ko na to burahin nung Magic 06?! Na writer's block kasi ako.
Buti nalang nakaisip na naman ako ng bagong plot at twists Wihihihi! Astig!

Forte ko kasi ang Fantasy genre :)

Hello sa mga readers nito, mga laging may comment at vote. Hi sa silent readers..

Yun lang...natutuwa lang ako. Sobra!

Pahingi ng bagay na pwedeng gawin ni Trey para mapatawad siya ni Astrid ganda.
Wihihi.

♠SilveryLuna

Trey's POV
"Trey kilala mo ako! Hindi ako magsisinungaling sa 'yo!" Lalaine

''Sinungaling ka Lalaine Norix! Sabi mo magsinungaling ako sa bagay na 'yon para


hindi niyo na ako saktan ng mga kaibigan mo!'' Balik sigaw ni Tina. At talagang
hindi na ako makapaniwala.

Hindi ko na alam kung sino ang nagsasabi ng totoo kaya mas lalo ko pa silang
itinaas sa mga ulap.

"UMAMIN KANA LALAINE!! UMAMIN KANA!" Tina

"FINE!" Lalaine

Kumunot ang noo ko. ''What do you f-cking mean?!''

"WALANG KINALAMAN SI TINA DITO!!" Lalaine

"What?!" So she lied?! What the-!

"No, I only lied to you because someone blackmailed me! Believe me, Trey!'' Lalaine
Kaibigan at kababata ko parin si Lalaine, tama siya niminsan hindi pa siya
nagsinungaling sakin.

"Trey, ibaba mo sila." Tiningnan ko naman ang nagsalita. "Gumagawa na kayo ng


eksena."

Si Travis.

Napaismid ako. Nakikialam na naman siya.

Unti-unti ko na nga sila ibinaba. Humihikbi parin si Lalaine, may sugat rin ang
braso niya dahil sa inatake kong kidlat kanina.

"Sino ang may pakana ng lahat kung ganoon, Lalaine?! Hindi ako makapapayag na hindi
yun malagot. May nasaktan dahil sa maling sinabi mo. Worse si Astrid pa!"

"Si..." Lumingon-lingon si Lalaine na parang may hinahanap. "Si Queenie! Ayun yung
kaaway ko! Gusto niya kasi na saktan si Scarlett himdi ko alam kung bakit,
tapos...tapos..tinakot niya ako-"

"WHAT ARE YOU TALKING ABOUT?!" That Queenie girl

"DON'T DENY IT! or else.." may mahinang sinabi pa si Lalaine sa harap ng babae pero
hindi namin yun narinig..
Ang mahalaga, magbabayad na tong babaeng to.

"Queenie, right? Is it true?" mahinang sabi ko.

Namutla siya saka tinignan ang mga kamao ko na nag-aapoy na.

"IS IT FVCKING TRUE?!" I yelled

"SAY IT!" Lalaine

"YES! I DID BLACKMAIL HER! I WANT SCARLETT OUT OF THIS...THIS...ACADEMY!"


nangangatog na sabi niya.

Nagtagis naman ang bagang ko.

"Queenie, Tina and Lalaine. Sumunod kayo sakin." Travis

"Huh?! B-bakit?! Saan?!" Lalaine

"Akala mo porke't nakahanap ka ng mapapasahan ng kasalanan maka-" Travis


"ANO? WALA NGA AKONG KASALANAN! I ALREADY TOLD YOU, SI QUEEN-"

"Travis, hindi kasalanan ni Lalaine.." singit ko.

Tiningnan naman niya ako ng masama. "Hindi mo kilala yang babaeng yan," Travis

kunot-noo ko siyang tinignan, "What?! Kababata natin siya. Hindi ko ata maaatim na
parusahan siya!" Naramdaman ko ang humihikbing si Lalaine na kumapit sa braso ko.

"Hindi mo maaatim na masaktan si Lalaine dahil kababata natin? Kahit si Scarlett


yung nasaktan? Anyway, may kasalanan parin siya dahil nagsinungaling siya. Kahit
nakahanap pa siya ng alibi." Travis

**

Scarlett Astrid's POV

Nagising ako sa sobrang lamig..

Iminulat ko ang mga mata ko,


Ang sakit ng mga mata ko. May pagka-dilaw yung nakikita ko sa kahit saan ako
tumingin. Umiikot ang paligid at nasusuka ako.

Ang sama ng pakiramdam ko.

Hinila ko ang kumot na makapal at ikinumot hanggang sa leeg ko.

Pumikit na ako nang may mapagtanto ako.

Dumilat kaagad ako at umupo ng mabilis.

"Aray, aww" Dahil sa agad na pag-upo ko umikot ang paningin ko at sumakit ang ulo
ko.

Tinignan ko ulit ang paligid. Kwarto ni Trey?

Nakahiga ako sa king-size bed niya. Tinignan ko ang pinto, eto nga yung kwarto
niya!

Anong ginagawa ko dito sa kwarto ng hayop na lalaking 'yon?!

Inis na tinanggal ko ang makapal na kumot ko at tumayo mula sa kama. Nakaramdam


agad ako ng pangangatog sa sobrang lamig.
Tumayo na ako. Pupunta ako sa dorm ko, ayoko makita yung lalaking yun!

Kaya lang pagkatayo ko, umikot na naman yung paningin ko. Agad na natumba ako sa
hilo..

"Astrid!"

Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko pero bumitiw din.

"Taas ng lagnat mo, teka!"

"Wag mo nga akong hawakan! Ayoko dito!" mahinang sabi ko. Feeling ko isa akong
lantang gulay. Nanghihina pa ako.

Akala mo ang bait ni Trey 'no? Pero hindi pala! Ni hindi pa nga niya napapatunayan
yung binibintang nila sakin tapos hinayaan niya na akong mapunta sa ugh! Sa room na
yun!

Hindi na ako nakapiglas nang buhatin niya ako sa kama. I feel so weak. Gusto ko
nalang sana magtago sa ilalim ng kumot dahil nilalamig talaga ako. Sobrang init din
ng mga mata ko.
Then, naalala ko na naman yung Punishment Room.

"Astrid, sorry. Wala ka palang kasalanan per-" Trey

"Wala talaga! Pero patuloy ka parin sa pambibintang mo kahit wala naman katuturan
yung pinagsasabi mo! Ang masama pa dun wala naman akong kasalanan pero kailangan mo
pa talaga ako dalhin dun sa harap ng Punishment room na yon!" Naiinis parin talaga
ako. Nakakabwisit na nga ang mapagbintangan sa hindi naman ginawa, tapos 'yung
maparusahan pa?!

"Astrid, hindi naman talaga k-"

"Hindi mo pa ako agad tinulungan makalabas! Talagang sinadya mo patagalin ako sa


loob para magdusa talaga ako 'n-"

"No! No! Ofcourse not! God knows I really tried to break the f-cking door of that
room. Hindi lang yon basta-bastang pinto, Astrid."

"Wag kana magkunyari! Masaya ka na?! Sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon dahil sa
Punishment Room na yon! Saya niyo siguro nung bitch na yon 'no!" Ramdam ko rin na
iba ang boses ko dahil sa sipon ko.

"Hindi. Astrid, sorry. Hindi naman talaga ako naniniwala kay Lalaine. Galit lang
talaga ako that time, nagsel-I mean...basta! Astrid.."
"Wag mo na akong lapitan or kausapin. And wag kana magsorry. Kasi magsorry ka man o
hindi wala naman magbabago. Matapos nga lang tong kalokohan na pagtuloy ko sa dorm
mo, aalis na kagad ako and parang wala na! Kaya lumayo ka sakin baka hindi kita
matantiya, naaalala ko lang lalo yung sarili ko sa pesteng pumishment room na
iyon!" agad na humiga ako at nagtalukbong. Naha-high blood lang ako dito.

Akala mo totoo yung pagsosorry eh. Baka nga acting lang yon para hindi ko
maisumbong sa tatay niya yung nangyari. O baka takot lang na maparusahan, kaya
kunyari sorry sorry na siya sakin.

Ano kaya kung sabihin ko sa tatay niya tapos hilingin ko na ipasok rin siya sa room
na yon? Para fair kami!

Kaso wag na. May awa parin namin ako. At naniniwala sa karma! Bahala siya sa buhay
niya!

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Astrid, kumain ka mu-"

"Umalis ka, wala akong gana!" pagputol ko sa sinasabi niya. Acting like he cares?!
Sipain ko siya papuntang planet Jupiter eh!

"Pero, Astrid gabi na. Ilang oras kanang tulog at wala pang laman ang tiy-"

"BINGI KA BA?! WALA AKONG GANA SABI KO!"


Bwisit!

An:

HAPPY 22.5K READSSSWAAAAcharot! Haha Yey!

Scarlett Astrid's POV

"Wow! Paano mo ginawa 'yon? Turuan mo 'ko ng magic mo!"

sabi ng batang babae matapos maging bato ang mga halaman na hinawakan ng batang
lalaki.

''Sige ba, basta ba friends na tayo?'' Nakangiting sabi ng batang lalaki.

**

"Waaah Hi, tito C." patakbong bati ng batang babae sa lalaking kadadating lang ng
bahay nila

"Hi, princess. How are you?"

"Okay lan-"

"Anong ginagawa mo dito?! Umalis ka na! Mamaya makita ka niya, magagalit na naman
ang asawa mo!" Madiin na sabi ng isang babae.

**

"Umalis ka nga dito!"

Tinulak ng batang lalaki ang batang babae dahilan para mapaupo ito sa putikan.
Nagtubig naman ang mga mata nito at nagsimula na humikbi ng tahimik.

Tumayo ang batang babae at nagsimula maglakad palayo habang palakas ng palakas ang
iyak nito

"Uy...teka.." batang lalaki.

Lumingon ito sakanya na may namumulang mata.

"S-sorry na." Sabay pahid ng panyo sa basang pisngi nito.

Lalo naman naiyak ang batang babae

"U-uy, Astrid. K-kung gusto mo, k-kurutin mo nalang a-ako. Wag kana umiyak.."

Nagmulat ako ng mata..

Panaginip lang pala. Panaginip na puro malabo at blurred ang lahat.

Parang totoo at pamilyar. Pero may panaginip ba na totoo? Ang alam ko kasi likha
lang sila ng imahinasyon..

Inilibot ko ang tingin ko sa lugar...

Oo nga pala, nandito ako sa kwarto ng Trey na 'yon..


Tinignan ko ang malaking bintana niya sa kwarto. Madilim na at patay na ang mga
ilaw ng mga bahay sa labas ng Academy.

Pakiramdam ko medyo okay na rin ako. Although, mainit at nahihilo parin ako pero
hindi katulad kanina na ang dilaw ng paningin ko. Tanda ng hindi magandang
pakiramdam ko.

Naiihi ako kaya hinanap ko kung may banyo ba dito sa loob ng kwarto?

Tumayo na ako ng kama nang makitang mayroon nga dahil tanging yun lang ang may-ilaw
dito sa loob ng kwarto.

Pero muntik na akong mapatili nang may matapakan ako sa sahig.

Nanlaki ang mata ko. Nandito pala siya?! Sa sobrang dilim, hindi ko na napansin.

Si Trey na tulog na tulog. Nakaupo siya sa sahig pero nakayuko at nakarest ang ulo
sa gilid ng kama. May hawak pang bimpo.

Sus, sinadya niya sigurong matulog diyan para maawa at patawarin ko siya. Asa! Alam
ko na yang ganyang style!

Pinilit kong wag matumba sa paglakad papunta sa banyo dahil talagang umiikot yung
paningin ko. Hindi nga pala ako kumain! Aish!

Matapos kong umihi, dahan-dahan parin ako sa paglakad. Nahihilo parin ako. PArang
daig ko pa ang sumakay ng roller coaster 5x.

Lumundag na ako sa kama dahil putek kung di pa ako makakarating ng kama tutumba na
talaga ako dito sa sahig.

Gumalaw naman ng bahagya si Trey. Humiga na siya ng tuluyan sa sahig. Wag! Wag ka
magising!

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang tulog na tulog parin siya..Sinilip ko
ulit. Namamaluktot sa sahig.

Psh, sinasadya niya atang gawin yan para makonsensya ako eh! Humiga na ako ng kama
at pumikit.
Bahala siya! Sino ba kasing may sabi na diyan siya mahiga?!

Ilang minuto ng pagpikit, hindi parin ako makatulog. Sinilip ko ulit si Trey sa
sahig.

Nangangatog na siya habang namamaluktot na nakahiga.

Arghh! "Okay Trey, panalo kana." inis na bulong ko. kahit umiikot pa yung paningin
ko tumayo ako sa sahig at naghanap ng extra kumot sa drawer niya.

Mabuti at mayroon doon. Kinuha ko yon at kinumot ng dahan-dahan sakanya. "Effective


yung acting mo. Tss," bulong ko.

Kaya lang...Paano kung gising pala siya?

Baka sabihin niya kinumutan ko siya dahil..


Agad na inalis ko ang kumot at lumakad papunta sa drawer..

Kaya lang ulit....paano kung...paano kung mamatay siya sa ginaw? Baka ipakulong ako
ng tatay niya..

Imagination:

"Wala kang awa! Pinatay mo ang anak ko sa ginaw! Ipatapon sa North Pole yan!" Mr.
Cavin

"Nooooo!"

End of imagination.

Bumalik ako sa tabi niya at ikinumot nalang..

Naisip ko kasi bigla yung effort ko sa pagbukas at sara ng drawer para kunin yung
kumot...tapos hindi ko naman din pala ikukumot?

Aba! Sayang ang effort at energy ko. I just shrugged my shoulders. Wala e, ayaw ko
ng nasasayangan ng effort. NO choice, kumutan nalang natin tong lalaking to.

Pabalik na sana ako ng kama,.


"Ay tanga!" I bit my lower lip. Shemay. Tanga naman o!

Natalisod kasi ako sa naapakan kong-ano nga ba naapakan ko? Sakit ng pwet ko! Aww!

"Astrid?" Bigla naman bumukas yung ilaw ng lampshade.

Wala na! nagising na! Arghh!

Napairap naman ako sakanya. "Matulog kana nga lang ulit! Kainis!" tinry ko tumayo
pero ang sakit ng balakang ko. Aruy ku pu!

Agad naman akong binuhat ni Trey pabalil ng kama, "Ano ba kasing trip mo sa sahig?"
Trey

"Wala! Matutulog na ako!"

Nagtalukbong na ako pero narinig ko pa siya, "Kinumutan mo 'ko?" Trey


Agad ko naman tinanggal ang kumot at inilabas ang mukha ko.

Humarap ako sakanya...Nakangisi na parang tanga! Psh.

"Hindi ah!" tanggi ko. "Nagising na nga lang ako nasa sahig na ako! Baka multo!"

Lalo naman siyang ngumisi at umiling nalang..

"Aamin nalang..." Trey na tumayo at may kinuhang palanggana sa sahig. 'Yun ata yung
dahilan ng pagkatalisod ko.

"ANONG AAMIN NALANG! MULTO NGA YON!" sigaw ko.

"Edi multo, Hahaha," Trey na papalabas ng kwarto hawak yung timba na may tubig ata.

"T-teka. Saan ka pupunta?" tanong ko

Humalakhak naman siya, "Sa lugar kung saan walang multo."


"HA?! Y-you mean.." ako

"Yeah, may multo diyan." Trey

"Yaaah! bumalik ka dito!!"

Scarlett Astrid's POV

"Yaah! bumalik ka dito!!" Hindi na ako takot sa lahat pwera lang sa ghosts and
ipis.

Narinig ko naman siyang tumawa, "Oo saglit lang! Nandito lang ako, namimiss mo
kagad ako," sigaw ni Trey mula sa labas ng kwarto..

Aba! Tumatawa na! Bakit ko ba kasi kinakausap yan?!

Hindi na ako umimik saka sumiksik sa headboard..

Bukas na ang ilaw sa banyo pati na din ang lampshade pero ang dilim parin dito.
Ang laki pa naman ng kwarto ni Trey tapos may mga sulok na part na madilim--

*Spiff*

O_O

At ang malakas na tunog na yun ang naging signal ko upang...

"AHHHHH!!" Tumili na ako at nagtatatakbo palabas ng kwarto.

Sakto naman na sumalubong si Trey kaya nauntog ako sakanya at naout of balance na
naman! Tsk.

"Bakit? Anong problema?!" Trey na tinutulungan ako makatayo.

"Problema?! Ikaw! Bakit ka ba nakaharang sa tatakbuhan ko!? Hindi pa nga okay tong
balakang ko dahil kanina tapos ngayon natumba na naman ako!" bulyaw ko. Nagkamot
naman siya ng batok at inalalayan ako sa sofa.

"Ba't ka ba kasi sumigaw?"


"May malakas na tumunog kasi-" Napatingin naman ako sa mga nagkalat na kutsara at
tinidor sa sahig malapit sa kusina, "Nevermind" so yun yon? Tunog lang ng mga
kutsara at tinidor? Ba't ba kasi ang O.a ko? Ikaw ba naman kasi tahimik tapos focus
ka sa pag-iisip ng nakakatakot tapos may biglang malakas na tutunog?!

"Tch. Kumain kana muna. Ginugutom mo yung sarili mo," Trey

"Wala-" ako

"Anong walang gana, kanina kapa. Mamaya lumala yang sakit mo dahil nagpapagutom ka!
Kumain ka nga! Para kang bata, Astrid." Trey

"Ano?! May sinabi ba akong wala akong gana?! Ang sasabihin ko sana ay wala naman
pagkain, paano ako kakain! psh. GUTOM NA AKO!"

Feeling to! I already decided not to befriend this guy. Simula una pa lang naman
masungit na sakin yan. At hindi ko kailangan ng ganyang taong kaibigan.

Tumayo naman siya saka pumunta sa dining table at kinuha yung pagkain, "Iinitin ko
lang, saglit lan-"

"Ayoko niyan. Gusto ko yung bagong luto." utos ko.

"Ha? Ah ayaw mo ba nito? Magluluto na-" Trey


"May kasalanan ka sakin. Dapat lang siguro na pagsilbihan mo-"

"Kahit 'di mo na sabihin, Astrid." sabi niya saka ngumiti saakin. Agad naman akong
nag-iwas ng tingin.

'Wag niya akong daanin sa makalaglag panty na ngiti niya! Di effective! Hindi
talaga!

I heard him chuckled. Sabunutan ko 'to eh!

Ilang minuto lang at naghain na siya agad ng mainit na sabaw sa harapan ko. May
kaunting prutas rin siyang binigay, may gatas saka isang tabletas ng gamot at tubig
sa gilid.

"Ayoko ng gatas, juice gusto ko." cold na utos ko dito.

"Ha? Pero mas okay yung milk, Astrid."

"Juice."

Agad naman nitong kinuha ang gatas at nagtungo sa refrigerator. Nag-aalangan na


tumingin naman ito sakin, "Astrid, may sipon ka pa, ang lamig nito." Trey
"Juice," sagot ko

Wala na siyang nagawa at binigay na nga sakin 'yung juice. Nagsimula na akong
kumain kahit wala akong gana, kanina pa kasi ako walang kain.

"Ayoko na pala ng juice. Gatas nalang,"

Agad naman nitong kinuha ang baso sa harap ko.

"Teka..." pigil ko sakanya,

"Gatas 'yung black." ^____^ I swear nag-eenjoy ako sa ginagawa ko.

"What?! Black na gatas? Pinagloloko mo ba ako, Astrid?!"

"Wag mo nga akong tinataasan ng boses! Naiinis na ako! Ayoko na kumain!" tumayo na
ako ng padabog pero hinila niya naman ulit ako sa sofa katabi niya,

"Hindi nangalahati 'yung pagkain, Astrid. Kumain ka pa."

"Sinong masusunod dito?"


Nagkamot naman ito ng ulo, "Sabi ko nga ikaw. Pero walang laman yung tiyan mo, di
ka agad gagaling niyan."

"Okay na yung kain ko." tumayo na ako at mabilis na humisa sa kama ng kwarto niya.
Ang lambot kaya ng kama. Ang laki pa.

Pumikit na ako pero ilang minuto lang may biglang dumampi sa noo at leeg ko.

Agad na dumilat ako. Si Trey na kinakapa yung noo ko.

"Sinat. Gagaling kana. Tulog na."

Tinarayan ko ito at pumikit na. May naririnig akong buntong hininga kaya dumilat
ulit ako. "Bakit nandito ka pa?" tanong ko.

"Ha? Ah kasi babantayan sana kita."

"Mukha ba akong tatakas rito sa kwarto para bantayan pa?"

"Sorry. Sanay kasi akong nags-stay sa tuwing lalagnatin ka-Ah shit! No, nevermind!
Ge, alis na ako!" Trey na natatarantang umalis ng kwarto.
Kitang-kita ko pa yung pagkamutla ng mukha niya mula sa ilaw ng lampshade.

"Sa tuwing lalagnatin? Sino? Ako?" bulong ko.

Ngayon pa lang naman ako nilagnat na kasama siya ah.

Minsan talaga ang weird nung taon yon! Naalala ko pa na sinabi niyang favorite food
ko raw ang Pasta. Tapos parang narinig ko siyang nagtawag sakin na "Trid"

Feeling ko pamilyar sila ni Travis. Pero sobrang imposible. Ngayon ko pa lang sila
nakilala, kaya sobrang weird talaga!

Tinignan ko ang orasan sa bedside table,

1:46am

Pumikit na ulit ako at nagpaantok sa sarili.

Kahapon. Ang dami agad nangyari.


Hinalikan ako ni Trey sa sofa. Waaaaa!

Napadilat ako at feeling ko nakaramdam ako ng mabilis na heart beat sa naalalang


kiss na 'yon. Buong-buo pa sa isip ko yung malapitang view ng mukha ni Trey.

Okay ang gwapo na niya, oo na.

Inalog ko ang ulo ko dahil ayaw ko ng alalahanin 'yun kaya lang sumakit tuloy ang
ulo ko. Pumilig ako sa left side at pumikit ulit.

Kahapon din yung halik ni Travis na kambal pala ni Trey.

Bwisit na lalake 'yon! Walangya siya! Bastos!

Dumilat ulit ako at narealize na ang higpit na ng hawak ko sa unan na yakap ko.

Kapangyarihan din siguro ng Travis na yon ang mapahinto ka na parang bato. Ilang
beses niya na ginamit sakin yon! At ang bwisit, Humalik pa!

Arghh! Di maikakailang magkapatid sila ni Trey!


KISS STEALER!

Mas lalo kong hinigpitan ang pagpisil sa yakap kong unan nang pumasok naman sa isip
ko, na kahapon rin pala yung away namin ni Lalaine.

At sino rin yung babae na nagtulak sakin sa Punishment Room!? Bwisit talaga! Arghh!

Pumilig ulit ako sa right side at tinignan ang orasan.

2:24am

Para naman akong napatalon sa kinahihigaan ko nang may makita akong pigura ng tao
sa pinto.

"Uhmm. I'm sorry. Just checking you. Gising ka pa pala. Tulog kana, Astrid.
Madaling araw na." Si Trey lang pala. bigla ko kasing naisip yung...multo.

Hindi na ako sumagot. Paalis na siya nang maalala ko naman yung..

"Trey...wait." tawag ko dito at umupo. Lumingon naman ito.


"Why?"

"Naalala ko lang. Sabi mo kasi, sasagutin mo yung mga katanungan ko diba? Naalala
mo? Yung pinag-usapan natin nila Mr. Cavin."

Tumango naman ito at umupo sa gilid ng kama.

"Hindi ka ba makatulog?" Trey

Umiling lang ako. Naalala ko na dapat pala galit ako sakanya. Pero wala na yung
galit ko, kahit na sinigawan niya akong sinungaling.

Bakit ba ganito?

"Astrid, sorry dun sa kahapon. Hindi ko naman talaga dapat kita ipapasok dun.
Sorry."

"It's-" ako

"Sorry talaga, naniniwala naman ako sayo. Hindi mo yun magagaw-"

Pero sinigawan mo parin akong sinungaling? Aba ayos.


"Okay na.." Pagputol ko sa sunud-sunod na sabi niya.

"Pero hindi talaga totoo yung...sinabi mo." pahabol ko pa.

"I know..I know. I'm sorry. I didn't mean to yell at you. I'm just-Uh-basta. Pero
sorry talaga." Trey

"Gusto mo ba marinig yung tunay na nangyari?"

Napatitig naman siya sakin at tumango.

"Alam ko baka magalit ka sa ikwekwento ko. Kasi ex mo yung-" ako

"She's not my ex. Childhood friend lang,"

"Pero diba-"

"Yeah I lied." pangiting sabi niya. Inirapan ko naman siya.


"Ikaw pala ang sinungaling dito! Not me.." sabi ko. Sumandal na rin siya sa
headboard katabi ko at ngumiti na tinitigan ako. Tumingin nalang ako sa kamay ko
dahil nailang ako.

"Ayaw mo kasing matigil sa kakaasar sa 'kin na bakla. Okay go, continue."

"Tapos na ang class at inantok ako nun. Gusto ko sana pumunta dito at magpahinga
but then hindi ko tinuloy kasi..." Paano ko ba sasabihin? Parang nakakailang iopen
yung kissing blah blah thing. Arggg! Awkward talaga!

Narinig ko naman ang pigil na tawa niya, "About the kiss, Astrid? Hahaha. Ginawa ko
lang yon para hindi mo ako pagtawanan at asaring bakla.." Trey. Lalo naman akong
napaiwas ng tingin.

Bakit ba kasi ginawa pa niyang halikan ako! ANG EPIC TULOY NG FEELING!

''Namumula ka na naman.''

''Ano? Hindi ah.''

"Pfft. Cute mo talaga!" he pinched my cheeks. At feeling ko nag-init talaga ang mga
pisngi ko! Mabilis kong tinampal ang kamay niya.

"T-tumigil ka nga, Trey! Ikwekwento ko na yung ginawa nung shit na bitch na 'yon."
"Tch. Astrid, don't say bad words. Last mo na yun." Trey

"Whatever. Papunta ako ng dorm ko. Ayun, binuhusan niya ako ng tubig. From her
power. She insulted me. Walang-wala daw ako sakanya at babalikan niya ako kung
malaman niyang totoo ang chismis na dito ako nakatuloy ngayon.."

Kunot noong tinignan ako ni Trey. Wag niya sabihing di siya naniniwala.

I heaved a sigh. "Okay, fine. I know you won't believe me. She's your childhood
friend anyway."

"No. Astrid naniniwala ako. Pero sabi niya binlackmailed siya ni Queenie."

"I don't know who's Queenie. I don't have a friend name Queenie as well. She's such
a liar."

"I don't understand." Trey

"Madali lang naman intindihin yun. Nagsinungaling si Lalaine. Siya ang nauna. You
don't understand because you're doubting-"

"No, I mea-"
"Hindi ko siya sasaktan that time sa cafeteria kung hindi masyadong malala yung
ginawa niya. Okay lang kahit bullyhin niya ako at saktan. Sanay na ako sa mortal
world. Pero yung ginawa ni Lalaine...na pati yung.....nag-iisang picture namin ni
mama nadamay..."

"W-why? What happened?"

Nanlabo na ang mata ko sa pangingilid ng luha ko.

Kapag napag-uusapan talaga si mama hindi ko mapigilan maiyak.

Happy 8th death anniversary, mama. It's already 3 in the morning. The exact time of
your death.

**

AN: Sakit ng binti ko sa dance practice namin.

Ang hirap turuan ang boys, pero pursigido sila na magsayaw ng EXO-Growl kaya go!
Share la'ng :P

(・へ・)(・へ・)(・へ・)(・へ・)

Scarlett/Astrid's POV

"T-teka Astrid, 'wag kanang umiyak,"


Madaling pinunasan ko ang mga kumawalang luha sa mga mata ko.

Binatukan ko ang sarili ko sa isip ko. Nalulungkot na naman ako. Hindi talaga
siguro ako matitigil sa pagiging malungkot hanggat hindi ko nalalaman ang dahilan
ng pagkamatay ni mama.

"Buo parin sa ala-ala ko ang itsura ni mama, nakahiga sa kama na puno ng dilaw na
rosas at wala ng buhay.." kinagat ko na talaga ang ibabang labi ko para hindi
mapahikbi.

Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Trey at hinaplos ang buhok ko..

Lalo na akong naiyak at napahagulgol. Bakit ba ganito 'no, sa tuwing patatahanin ka


lalo kang iiyak.

"Hush, Astrid. I'm sorry. I'm very sorry. 'Wag kanang umiyak,." Trey

Kumalas ako sa yakap at pinigil ang pag-iyak.

"Death anniversary ni mama ngayon." mahinang usal ko. Lumunok na ako ng ilang
beses, nagbabadya na naman ang mga luha ko..

Wala akong nalaman sa pagkamatay ni mama. Binangungot?

"Astrid, hanggang kelan ka ba iiyak sa tuwing mama mo ang usapan? Tanggapin mo na.
I'm sure nalulungkot na siya sa ginagawa mong pag-iyak ngayon." Trey

"Hindi ko alam. Pipilitin ko. Pero, mahirap talaga ang saya ko nung buhay pa siya.
Parang walang kaproble-problema.." At sa pangalawang pagkakataon, humagulgol na
naman ako.

"Sshh..G-gusto mo ba..dalawin natin ang puntod ni tita-I mean ng mama mo?"

Agad na nilingon ko ito. Seryoso ba siya? "Pero sa mortal world pa yon."

Ngumiti ito, "Ayos lang. Edi pupunta tayo doon.."

"Wag na," malungkot na nginitian ko lang siya..


"O bakit? Pwede naman tayo pumunta ng mortal world. Ako bahala." Masiglang sambit
nito.

"H-hindi ko alam kung saan."

"Alam ko," Trey

"Alam mo? Kung saan? Paano?" Ako nga hindi ko alam dahil hindi naman ako isinama sa
libibg at iniwan lang sa bahay na umiiyak.

"Basta, alam ko lang. Wag kana magtanong.."

Nanlaki ang mga mata ko at parang umurong na yung mga luha ko..

Madadalaw ko na si mama?!

"Talaga?! Pupuntahan na ba natin? Totoo ba yan, Trey?!" masayang tanong ko.


Poker face lang itong tumango, "Ingay, Astrid. Madaling-araw pa lang sigaw ka na ng
sig-Woah!"

Niyakap ko ito,"Thank you. Thank you. Thank you. Ang saya ko! Salamat, Trey!" at
habang nakayakap pa rin ako sa leeg niya hindi ko alam ang pumasok sa kukote ko
at....hinalikan siya...sa pisngi.

Halata ang pagkagulat niya. Mas lalo naman ako!

Agad na bumitiw ako dito. "Uh. Sorry. Di ko sinasadya. Masaya lang talaga ako--Eh?
Trey?" Namumula ba ito? Kahit madilim kita ko parin ang maputing mukha nito na pula
na ngayon..Katabi kaya niya ang lampshade!

"Psh, nanghahalik kana ngayon, Astrid?" nakangisi na ito.

"Di yun sadya! Ba't ka ba nakangisi. Wag ka nga gumanyan, nagmumukha kang aso!"
Tinarayan ko ito pero ewan ko, di matanggal yung ngiti ko.

Excited na ako dumalaw kay mama.

"About sa litrato, kung ano man yung nangyari, kakausapin ko si Lalaine. Tinakot
lang talaga siya nung kaibigan niya. Believe me, Astrid mabait si Lalaine. Mali
lang ang pagkakakilala mo sakanya.." Trey
Agad na napawi ang ngiti ko..

Bakit ba ako naiinis?! Naiinis na hindi niya ako paniwalaan?! What's the big deal,
Scarlett?!

"Yung ano.. Crystal Moon.." pag-iiba ko ng usapan.

"Crystal Moon?" Trey. Tumango naman ako dito. Matagal siyang nakatitig sa malaking
bintana sa side niya.

Feeling ko, malalim ang iniisip niya..Ibubuka ang bibig tapos hindi ulit
magsasalita na parang nag-aalinlangan.

Na parang pinipili muna ang sasabihin..

"Earth to Trey? Hello?" winagayway ko pa ang kamay ko sa harap ng mukha niya.


"S-sorry..may naisip lang." Trey, "Yun nga, ikaw ang kasalukuyang Crystal Moon,
Astrid. Siguro namana mo ito sa papa mo. May natatangi kang gem na taglay sa loob
ng pagkatao mo, Astrid. Kailangan yan ng mga Dark-gem holders na nakatira sa Erebus
sa di matukoy na dahilan malamang gagamitin sa kasamaan, kaya ngayon, pinaghahanap
ka nila. Pero wag ka na mag-alala, ang mga kaibigan nating Royal Colors ang mga
Protectors at Guardians mo. Isa na ako dun."

Gusto kong magsalita pero natatakot ako na baka itigil niya ang pagkwekwento.

isa pa hindi ko alam ang sasabihin..kaya nanatili nalang akong tahimik.

"Astrid, lahat ng Crystal Moon may kakaibang kapangyarihan na siya lang ang may
taglay. Alam kong takot ka gamitin yon. Pero kasama mo ko magtraining, palalabasin
natin ang kapangyarihan mo." Trey

Puro tango lang ang naisasagot ko. Hindi kasi ang tungkol dun ang gusto ko malaman
ngayon.Hindi tungkol sa kapalaran at kapangyarihan.

"Zigamord Sundust. Si papa." ako

Napansin ko na natigilan siya


"May problema ba?" tanong ko.

Umiling ito. "Nasa malayong lugar pa siya ngayon.."

"Kelan ko ba siya makikita? Saan siya nakatira? Alam niya ba na anak niya ako?"
sunod-sunod na tanong ko. Sabik na akong makilala ang papa ko. Hindi ko pa
nararanasan ang magkaroon ng ama sa tanang buhay ko..

"A-alam niya na anak ka niya noon." pabulong na sinabi niya ang huling salita niya
kaya hindi ko ito masyadong narinig.

Hindi ko nalang pinansin. Ang mahalaga may posibilidad na makasama ko siya.

"Nakatira siya sa malayong lugar. Malayong-malayo, dito. At magkikita rin kayo, sa


takdang panahon." Trey

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ni Trey o mahihiwagahan sa tono at


salita niya. Kaba at saya? Ang weird na tao talaga ni Trey.
Humikab ako at humiga, "May dapat pa ba akong malaman?" tanong ko rito sa inaantok
na boses. Wala na akong maisip itanong.

"Ha? W-wala na.."

"Okay," mahinang sabi ko at humikab na naman. Unti-unti nang bumibigat ang mga
talukap ng mata ko.

Naramdaman ko nalang na parang tumayo si Trey sa kama at may mainit na dumampi sa


noo ko.

And then everything went black.

"Someday, you'll know my secrets. Sana hindi ka magalit sa'kin. Saamin. Patawad,
Trid."

Plug:

"It Started With A Contract"

"Boys vs Girls: Love and Hatreds"

READ MY STORIES, THANK YOU, GUYS! :*


---------------------------------------------------------------------------

Scarlett/Astrid's POV

"Bakit ba kasi hindi tayo magpaalam?!" inis na tanong ko dito. Kasalukuyan kasing
alas kwatro pa lang ng madaling-araw.

At para kaming magkasintahan na magtatanan sa lagay namin ngayon.

Hila-hila niya kasi ang wrist ko at mabilis naming tinatahak ang daan pababa sa
main gate ng Academy palabas.

Inaantok pa talaga ako sa totoo lang. Mga 3am na yata ako nakatulog kani-kanina
lang. Pero dahil si mama naman ang dahilan ng paggising ko ng ganito kaaga, ayos
lang!

"Dahil maghihysterical 'yon. Hindi tayo papayagan at bubungangaan ako sa paggising


sayo ng ganito kaaga." Trey

Agad naman akong huminto sa pagsunod sakanya, "Anong ibig mong sabihin? Na bawal
talaga pumunta ng mortal world, ganun?"

"Tsk, hindi ah! Hindi lang 'yon papayag dahil lalabas tayo ng mundong 'to, maraming
Dark-gem holders sa paligid at ikaw ang Crystal Moon. Malamang sa alamang
bungangaan talaga ako 'non kapag nalaman niya 'to,"

Nagdalawang isip naman ako. Bawal pala. Paano kung may mangyaring masama sakin sa
daan? Pero ayoko naman na hindi rin makadalaw sa puntod ni mama. Ngayon ang pinaka-
una na makikita ko kung saan siya nakalibing. Ngayon lang.

"Tss, 'wag mo na kasi isipin 'yon si tanda! Ayaw mo ba makita ang puntod ng mama
mo?"

"Gusto...tara na?" nginitian lang ako nito saka hinawakan na ang kamay ko at
nagtatakbo na kami palabas ng Academy.

Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa mga kamay namin na magkadikit. Bakit ko ba
'to nararamdaman? Dahil first time na may humawak sa mga kamay ko na lalaki at
ganito pa katagal?

No! Nakailang hawak na rin sa kamay ko si Dionne na bestfriend ko. Mas matagal pa
dahil pinagtriripan ako 'nun that time. Pero wala akong...err..ilang na
nararamdaman 'dun.

I sighed. Nababaliw na ako. Binibig-deal ko na ang lahat. Stress lang 'to, may
sinat pa ako.

Sumakay kami ng unicorn, malamig dito sa himpapawid dahil madaling-araw pa lang.


Medyo madilim pa ang kalangitan...

Inakap ko na ang sarili ko sa lamig..Ang ganda din ng view nitong mga kabahayan sa
ibaba. Yung kabuuan ng Magic Paradise na 'to. Mga kakaibang lugar pa.

Nagulat ako nang maramdaman ko na may mainit na bagay sa balikat ko. Tinignan ko
ito at ewan ko, pero napangiti nalang ako kay Trey. "Salamat," sabi ko dito. Sinuot
niya kasi ang blue jacket niya saakin.

Tumango lang ito at nag-iwas na ng tingin sa ngiti ko.


**

"Astrid," nakaramdam ako na parang may kung anong tumatapik sa pisngi ko. Sino ba
'tong istorbo na 'to! "Astrid, wake up! We're already here! Astrid,"

Nagmulat na ako ng mata at sinalubong ang gwapo at nakangiting mukha ni Trey.

Hindi naman siguro masamang purihin siya dahil gwapo naman talaga siya! Yung mga
nag-iisip ng kung ano jan, bahala kayo! Walang ibang meaning 'yon!

Pero joke lang! Oo at gwapong mukha niya ang nasalubong ng kakamulat na mata ko
pero HINDI NAKANGITI! Nakasimangot, mukhang yamot na yamot. Hahaha

"What's funny?'' Trey

''You? And your frowned forehead?''

''Tch. Sinong hindi sisimangot sa bigat mo? Umayos kana nga ng pwesto at
nangangawit na ako!'' Trey na kulang nalang ata sisigaw na. Tinignan ko naman ang
paligid. Nandito kami nakaupo parin sa unicorn, nakadantay ang likod ko sa dibdib
niya. Nailang naman yata ako sa lapit namin sa isa't-isa. ''Akala mo ba ang gaan
mo? Magdiet ka nga, payatot pero ang bigat eh 'no!''

Tinaasan ko ito ng kilay, sungit?

Kaya agad akong umayos na ng upo. "Nasaan tayo?" Nasa itaas yata kasi kami ng burol
na puno ng halaman at mga matataas na damo. May tatlong sobrang laking puno sa
paligid, mukhang tahimik dahil kami lang ang narito.

May araw na rin, umaga na! ''Dito inilibing ang mama mo, sa lugar na 'to,'' Trey
Hindi na ako sumagot, inalalayan niya akong makababa sa unicorn at naglakad kami sa
kaliwang side na may punong malaki na mukhang matanda na. Malawak ang mga ugat at
parang hindi talaga normal ang puno.

"Wala nga pala tayo sa mortal world, sorry. Isa 'to sa lugar ng Magic Paradise. So,
technically andito parin tayo malapit sa Academy.. Konting layo lang."

Iginaya niya ako sa likod ng malaking puno..Halos manlabo na naman ang mga mata ko
dahil sa mga nagbabadyang luha. Nanlambot ang mga binti ko at nanginig na ako..

May puntod na bato ang nakatayo sa isang lupa sa harap ng puno. May mga patay na
bulaklak sa paligid nito,

I bit my lower lip, napaluhod na ako sa harap ng puntod. Mahangin ang paligid kahit
medyo maaraw na ito..

May naka engrave na pangalan dito ni mama, pangalan lang at mga desenyong rosas sa
gilid.

"Wendy"

Unti-unti nang naghabulan ang mga luha ko sa pisngi ko..

Hinaplos ko ang puntod habang pinupunasan ang mga basang pisngi ko.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Trey sa likod ko na parang kino-comfort ako..Tsaka


ko na namalayan na humahagulgol na pala ako ng iyak..
Ipinikit ko ang mga mata ko at kinausap si mama sa isip ko,

'Namimiss na kita, mama. Sana masaya kana diyan. Promise ko, hindi na ako iiyak
palagi. Mahal po kita'

Sa pagmulat ng mata ko, kitang-kita ko si mama na nakaputing damit sa 'di kalayuan.


Nakangiti at tumango saakin.

Gulat na lumingon ako kay Trey sa likuran ko na nakaupo at nakatanaw lang sa ibaba
ng burol. Tumingin ito saakin na parang nagtatanong kung may problema ba,

Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa pwesto kung saan ko nakita si mama na nakatayo
pero wala na 'yon doon..

Lumungkot naman ang buong sistema ko

Nag-uumpisa na naman ako mangulila. Sa mga yakap at halik ni mama. Sa boses at


pagtawa nito. Sa pagmamahal na oras-oras nito pinapadama..

Pero siguro nga kailangan ko nang tanggapin na walong taon na itong wala.

Kailangan ko ng pakawalan si mama. Nahihirapan na rin siguro siya sa ginagawa ko..

**

"Salamat, Trey." Tumabi ako dito. Medyo malayo sa puntod at kita ang ibaba ng
burol. Kita din ang malaking building ng StoneGem Academy. Sobrang laki at taas
talaga 'nun. Nakakamangha habang tinititigan mo.

"Walang anuman, okay ka na ba?" tanong nito..


"Ayos na. Masaya ako ngayon dahil sawakas nadalaw ko na si mama. Paano nga pala
napunta dito sa mundong to ang labi ni mama?"

"Pagkamatay ng mama mo, dinala siya rito ng papa mo. Tahimik na lugar." bumuntong
hininga ito at tumingala sa langit.

Tinitigan ko ang mukha ni Trey, kanina ko pa napapansin ang pagbuntong hininga


nito.

"May problema ba, Trey?"

Pumikit ito ng mariin at hindi nakaligtas sa paningin ko ang kumawalang patak ng


luha sa pisngi nito.

"T-trey.."

"Sorry, Sorry, Astrid." Trey

"Ha? O-okay na sakin yung ..n-nagawa mo, Trey. Hindi na ako galit."

Ngumiti ito sakin pero malungkot yon. Umiling nalang siya ng bahagya at hinaplos
ang pisngi ko.

"Hindi 'yon magiging okay. Baka hindi mo pa ko mapatawad." pabagsak na humiga ito
sa damuhan at doon kitang-kita ko ang mga luha na tuloy-tuloy umaagos sa mga pisngi
niya. Nakapikit lang siya at halata ang lungkot.

"Ang drama mo! Okay na nga e, ayaw mo pa! Oo, siyempre nung una sobrang inis ako
sayo! Pero diba dapat mas magalit ako sa babaeng naglagay sakin dun? Kaya wag kana
umiyak nagmumukha kang bakla," nakangiting asar ko dito.

Kumurba naman ang ngiti sakanyang mukha at dumilat na..

"Bakla? Sa gwapo kong 'to? Kahit nga sumimangot ako maraming namamatay sa
kagwapuhan ko."

"Kapal naman..."

"Bakit ayaw mo maniwala? Halata naman na sa mukhang 'to. Sige ipapahawak ko pa sayo
ang hulog ng langit na mukha ng gwapo." kinuha niya ang kamay ko at akmang ididikit
sa pisngi niya nang kurutin ko ito ng madiin. Pero hindi ko ginamit ang kuko ko,
kawawa naman.

"Aww! Araaay! Astrid, 'wag ang gwapong-gwapong ubod ng gwapong mukha ko! Araay!'"
Trey

Binitiwan ko na ito at humagalpak na ng tawa sa sobrang pulang marka sa pisngi


niya..

Sinamaan naman niya ako ng tingin..

"Sakit 'nun ha!" nakasimangot na sabi nito.

"Okay nga yun e, instant blush on sa gwapong-gwapo mong mukha--TREY! YAAH! HAHAHAHA
OHMYGOD BITAW NGA!" Sigaw ko. Bigla ba naman kasi bumangon at hinila ako palapit
sakanya at pinagkikiliti na ako..

Malakas pa naman ang kiliti ko sa batok. Paanong alam niya kung saan agad ako
kikilitiin?!
"Punishment to sa binigay mong blush on sa gwapong-gwapo kong mukha!"

"Waaa! Hahahaha T-Trey Hahaha tigil Hahaha uy! Waaa hahaha Hindi--Hahaha-Hindi na
ako-Haha-makahinga!!!"

Tumigil naman ito ng nagpipigil ng tawa. Gulo-gulo kasi yung buhok ko tapos
nakahiga ako sa damuhan.

"Bwisit 'to!" tinignan ko ito ng masama. Nagngisi lang ito at akmang hahawakan na
naman ang batok ko nang kurutin ko na ang braso niya ng madiin. Yung may kuko
Wahaha >:)

"Aray Aray Aray! Hindi na! Please, hindi na mauulit!! Araaay!" Trey

Nang tinigilan ko ito nakita kong bumaon ang kuko ko. Haha.

"Sakit mo mangurot."

"Trey, naalala ko lang. Bakit ang sungit mo nung unang meet natin tapos ngayon iba.
Ang bait ng super konti."

"Tss, wala! Sinong hindi nagsusungit nun kung puro putik ka?! Tsaka binulyawan ako
ni tanda nung araw na 'yon." Trey

"Ah okay..Gutom na ako. Balik na tayo sa Academy."

"Astrid.." tumingin ito saakin ng seryoso.."Promise ka muna na hindi ka na


malulungkot about sa mama mo.."
Lumingon ako sa puntod ni mama na ngayon ay puno na ng mga bulaklak na pinitas ko
kanina lang..

"Promise, Trey. Nangako na rin ako kay mama..Salamat ulit sayo."

◆◆◆

"Saan 'to?"

"Library," Trey

Binatukan ko naman ito. "Aray naman! Nananakit kana ngayon?!"

"Oo! Kasi tinatanong ng maayos tapos sasagot na parang baliw!" Tinarayan ko ito.

Nasa isang restaurant yata kami. Pero kakaiba eh. Ang astig ng design. Ang walls
parang aquarium.

"Seafood restaurant, obviously." Trey na pinaghila ako ng upuan.

Simula nung pumasok kami rito pinagtitinginan na kami ng mga tao. Ay mali, hindi
kami, si Trey lang. At hindi ng mga tao, mga BABAE lang.

"See? Ang daming fan ng kagwapuhan ko, Astrid." Trey said while grinning.

"Ewan ko sayo, pangit ka naman talaga." Pero joke yun na malupet. Gwapo siya. ;)

"Wew. Bulag ka yata.." Trey


"G-good morning, s-sir Trey. A-ano pong order n-niyo?" Waitress na mukhang isda.
Bagay talaga sa restaurant. What's with the stutter? May problema lang sa dila?

Nanlaki ang mga mata ko nang hilahin ni Trey yung fishdang waitress at mapaupo sa
lap niya..

"I would like to order you. Pwede kaya?" He flashed his makalaglag panty smile.

Ang landi! Anong kalandian yan?!

"S-sir..Ohmygod," Waitress na mukhang isda. Aba mukhang kinikilig pa.

"Ah ahemm.. Gutom na ako.." singit ko sa paglalandian nila.

Binigay ko ang order ko at pati rin si Trey. Umalis na parang baliw yung mukhang
fish na babae. Ngiting-wagi =___='

"Nakita mo 'yun? Halos mamatay na sa karisma ko. Ano lang ginawa ko? Pinaupo ko
lang sa lap ko. Tsk tsk tsk. Gwapo alert." Trey

Nag make-face lang ako dito. "Nyenyenye, Yabang Alert kamo!" Pansin ko lang lahat
ng atensyon nasa samin. Oo na, siya na gwapo. Tss.

"Oo na wag kana mainggit, ikaw na maganda tapos ako gwapo. Bagay tayo." Trey
"What the?! Bagay your face! Maganda ako period! Walang gwapong ikaw! Bleh!"
Natatawang sabi ko.

"Wi--"

"Trey?! Oh gosh, it's you! I' missed you!" Lumingon naman kami pareho sa bagong
dating na babae.

Yinakap nito agad si Trey na nagulat

Maiksi ang buhok na kulay pulang-pula. Nakablack na soooobrang iksi na dress at


makapal na make up.

"Sana di kana nagdamit," bulong ko. Dumating na rin ang pagkain.

"What did you say? I heard you," Girl

"Ha ako? Wala kaya akong sinasabi," ako

Tinarayan niya lang ako at umupo sa tabing upuan ni Trey

"Namiss kita sobra! Namiss mo ba ako, babe?" girl

"No. Di kita kilala, sino ka?" Trey

Pfft! Kamuntik na akong tumawa. Sino ba kasi to, haha


★★★★★★★★★★★★♥♡♥♥♥♥♡♡♡♡♡
AN: HI GUYS! KAKAPAGOD ANG PURO REBELASYON. TIME OUT MUNA TAYO DUN AT MAGRELAX SA
MGA LOVELIVES NAMAN NILA! MAY DALAWA PANG CHARACTER NA NAG ENROLL, DI KO PA
MASALI. Tsaka nalang muna yon.

VOTES AND COMMENTS.

GOODNIGHT, THANKS FOR READING! ♥♥

♣Mayu
♠SilveryLuna

Scarlett/Astrid's POV

"No. Hindi kita kilala, sino ka?"

Nagpipigil na tawang tinignan ko naman ang babae..

Mukha siyang napahiya pero ngumiti rin ng sobrang landi at kumapit pa sa braso ni
Trey na parang tuko..

"I'm Gigi. Your fling, babe. I missed your touch, you know.." Natigil ako sa
pagsubo ng pasta ko napanganga sa babaeng higad na katabi ni Trey ngayon..

Proud to be fling?! Kalandian?! Ka---- OMG!

Naglakbay ang mga kamay nito sa dibdib ni Trey..

Poker face naman si Trey na nakaupo lang at parang walang pakialam. Sinasandok lang
ang pagkain sa plato niya..

"Yeah..Hindi parin kita maalala, sorry. Kaya pwede ba--" Trey

"Alam mo nagugutom na ako. Pwedeng sumabay dito?" Gigi 'daw' yung higad.

"Hin--" Trey

"Omygosh, Thank you! I know you really missed me!" Tumawag naman ito ng waiter at
nag-order. Balak pa nga ata i-flirt yung waiter.

Tahimik lang kami ni Trey na kumakain habang itong mukhang higad naman dada ng dada
tungkol sa kaartehan niya..

Naalala ko nga pala na sinabi ni Regina, Maxinne at Ace na playboy nga raw talaga
'to si Trey. Hindi nga malayo, dahil gwapo naman ito.

Naalala ko si Faye Lurzis. Yung nakasalubong ko sa labas ng Academy noong bago pa


lamang ako? Sinabi niya na pinakamalakas raw na student si Trey sa Academy. Kaya
siguro marami talagang nagkakagusto sakanya..kaya ang yabang-yabang rin!

"Ikaw.." Nabalik ang atensyon ko sa mga kaharap ko nang ituro ako ng higad gamit
ang tinidor niya, "Sino ka naman? Ikaw ba ang latest fling nitong si Tre--"

"Hey, you! Enough!" sigaw ni Trey.

Maraming tao ang naagaw ang pansin dahil sa sigaw ni Trey..


FLING?! Sabunutan ko kaya 'tong malanding 'to!

Kinalma ko ang sarili ko at nginitian siya na parang hindi nabwisit sa sinabi niya!

"Ako? Sa ganda ko'ng 'to? Pangit lang ang mga nakakafling niyan, hindi ako pangit
so hindi niya ako fling. Gets?" Ngumisi pa ako ng mapang-asar sakanya..

Natigilan naman ito saakin at tinaasan ako ng kilay.."Hindi rin ata, girl. Bakit
naman ako? Maganda, sexy at maalindog. Fling ako ng isang gwapo at sikat na si
Trey?" She smirked.

"Ewan ko sayo? Baka akala mo lang. Malabo yata salamin niyo sa bahay?" malumanay
kong sagot habang nakangiti parin ng sarkastiko..

She frowned. "So anong sinasabi mo?! Gusto mo ba talagang makalaban ako!" Naalerto
agad ako ng bigla itong tumayo at gumawa ng ingay ang upuan nito sa pagtayo.

Lumutang ang mga kutsilyo sa paligid at nakatutok sa direksiyon ko.

Agad naman tumayo si Trey, "Gigi, stop it! NOW!"

"But...Trey, she's..*sniff* insulting me!" Gigi na umiiyak na. Daig niya pa ang
bata, ang arte niya talaga.

May nakakaiyak ba akong sinabi? Bakit umiiyak 'to..

"Drama.." bulong ko. Alam kong narinig niya ako. "I'm leaving..Mauna na ako sa
Academy, Trey." Tumayo na ako at tumalikod na.

"Teka sandali.." Trey

"Babe, hayaan mo na s--" Hindi ko na narinig ang sinasabi ng higad na 'yon at


tuluyan ng lumabas ng lugar.

Kabwisit! Talagang may mga ganun parin talaga 'no? Mga desperada. Nasira tuloy yung
kain ko! Naumay na ako sa mukha nung babaeng yon.

"Astrid.." Naramdaman ko na may humawak sa siko ko. Si Trey pala.

"Bakit?" simpleng sagot ko.

"Anong bakit. Ayos ka lang? May sugat ka ba? Pasensiya kana, ganun talaga kas--"
Trey

"Babe, let's go to the Tower 1. Samahan mo 'ko, I have something to buy there--
Akala ko umalis kana?!" Nakatitig na siya ng masama sakin habang nakakapit talaga
sa braso ni Trey na parang mawawala si Trey.

Tumaray nalang ako kay Gigi at nagtingin-tingin sa paligid. Paano nga ba kami
nakarating dito? Paano rin ako uuwi?! E busy nga sila Trey at ng higad!

"Okay..I'll go with you, Gi--What is it again? Nevermind. Sasamahan na kita sa


Tower 1," Napatingin ako sa gawi ni Trey. Talagang sasamahan niy--Ah teka, fine!
Sige samahan niya, tutal kalandian niya naman yan! Psh

"So...let's go?" higad

"Yeah. Pero kasama ang girlfriend ko. Astrid, let's go.." Nanlaki ang mga mata ko
nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin para maglakad..

Girlfriend?! Anong kalokohan 'to?! Ano ba'ng pinagsasabi nito ni Trey?!

"T-trey! Ano ba yang sinasabi m--"

"Just act like my real girlfriend, okay? Hindi ako titigilan niyan..Let's go."

Nilingon ko si Gigi na nakanganga parin sa pwesto niya na parang baliw.

****

Tower 1

Super laking mall siya. Parehas sila ng Night Market, kumpleto at malaki. Maganda.
Pero ang kaibahan, open to sa morning. Sa gabi naman close ito.

At heto nga kami...Naglalakad.

"Baby girl, nagugutom ka na ba?" Bumilis yung tibok ng puso ko, hindi ko alam pero
kanina pa 'to nangyayari. Sa tuwing may sweet gestures siya sakin. 'Baby girl'
nababaduyan talaga ako dun pero kapag tinatawag niya 'yon saakin, feeling ko
nawawala ako sa focus. May sakit pa nga yata ako, pahinga lang to. Ugh!

"W-Wala.." sagot ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ng kamay niya sakin..

"Sorry for this..Gusto kasi kita sabayan sa Academy, kaya lang baka sumunod siya.
Worse baka magtransfer pa 'yan 'don." Trey

Nayayamot lang na nakasunod si Gigi sa likod namin. Nakatunghay sa bawat sweet na


kilos namin. Ni Trey lang pala..

"O-okay lang naman.."

Tumango ito. Pumunta kami sa boutiques. Si Gigi raw kasi may bibilhin doon.

Hinila niya si Trey para ito daw ang mamili ng damit na babagay sakanya..Sabi ko
nga yung damit ng mga saleslady bagay sakanya..ayaw niya naman maniwala, tinarayan
niya lang ako at hinatak na si Trey sa banda ng mga maiiksing dress..

"Bagay ba? Maganda?" Gigi na nakatapat pa ang maiksing pulang dress sa katawan
niya.

"Yung damit, maganda. Damit lang." bulong ko. Malapit lang sila sakin kaya narinig
nila yon. Sinamaan niya lang ako ng tingin, naghagikhikan pa yung mga saleslady na
iniisnaban niya dahil sa sinabi ko.

"Ano ba?! Ang tanga naman!! Yung kulay Orange! Arghh! So bobo!!"

"P-Pasensiya na po, ma'am.."

Napailing nalang ako sa tatlong babaeng nag-aassist kay Gigi, nanginginig na sa


kaba. Kanina pa kasi sila sinisigawan ng higad.

"Pangit. 'Di bagay." komento ni Trey na nakasandal malapit da malaking salamin..

Gigi gasped when Trey grabbed the silver floral dress from her hands. Hinapit ni
Trey ang beywang ko at dinala sa pwesto ni Gigi,

"Hindi mo pa sinusukat, pero alam ko'ng bagay na bagay 'to sayo." Tinignan ni Trey
ang dress at ako. Nag-init naman yung mga pisngi ko. "I'll take this one.." Tumango
ang mga babae at ngumiti saakin.

"WHAT? BUT, TREY THAT DRESS IS MINE!" Gigi

"Hindi naman bagay sayo," Trey

Sa tuwing hihilahin ni Gigi si Trey para mamili na naman ng damit, bigla naman rin
ako hahatikin ni Trey para pilian ng damit. Manggagalaiti naman si Gigi.

Dumami tuloy yung damit ko..

Pumunta kami sa floor na puro foods lang.

Nagutom tuloy ako lalo, hinila ako ni Trey sa mga street foods daw ng mundong 'to.
Ibang-iba sa mortal world. Sobrang sarap nga eh.

Sinusubuan ako ni Trey paminsan-minsan tapos magugulat nalang kami kapag biglang
hihilahin ni Gigi si Trey at itatapat yung food sa bibig nito. Walang nalang nagawa
si Trey..

Paminsan-minsan naman haharap si Gigi sakin tapos magm-make face. Minsan iirap at
ngingisi ng nakakabwisit sakin..

Kaya naisipan ko na gumanti. Kanina niya pa ako binibwisit, solo niya na nga si
Trey.

Kanina pa rin kasi kami pinagtitinginan. Oo, sikat kasi si Trey .. Pero para kasi
kaming dalawa ni Gigi nag-aagawan kay Trey.

Nadamay pa ako sa kalandian niya diba?

Lumapit ako sa mga ito at biglang hinalikan si Trey sa pisngi..

"Love, anniversary natin tapos sakanya ka didikit?" Halatang gulat ang mukha ni
Trey sa mga sinabi ko, "Hoy ikaw malandi! Wag ka ngang masyadong desperada! Alam
mong may asawa na yung tao! KABIT!" sigaw ko at nsgkunyaring sobrang galit.

Namutla naman si Gigi sa sigaw ko at nang magsimula ang mga tao sa paligid
magbulungan ng masama tungkol sakanya.

Nginisihan ko ito ng pasikreto..Ano ka ngayon! Wahaha!

Nanggigigil na lumayo si Gigi samin at tumakbo palayo.

**
"Anniversary? Asawa? Grabe mo pala ako pagpantasyahan, Astrid ha!"

Inirapan ko ito dahil kanina pa niya ako inaasar.

Pinapaliwanag ko nga sakanya na siyempre nainis lang ako at nabagot kaya nagawa ko
'yon. Pero ayaw makinig..

"Tigilan mo 'ko, Trey. Kanina ka pa!" inis na saway ko dito.


"O, galit ka na? Sorry na asawa ko." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko at agad
siyang piningot.

"Ikaaaw! Ayaw mo talagang mag-ayos!!" kurot-kurot ko ang kaliwang tenga nito.

Nandito na kami sa harap ng malaking gate ng Academy. Tanghali na at parang


nahihilo na ako sa init.

"Aray! Aw! Asaw--Oo na, hindi na! Astrid!" Trey

"Isa pa'ng 'asawa ko', tatanggilin ko yang tenga mo!" inirapan ko na ito at tumuloy
na sa loob ng Academy.

"Sungit naman ng asawa ko--yung halaman kako, asawa ko." Trey na hawakhawak yung
dahon sa paso, "Hi, asawa ko."

Tinarayan ko nalang ito. Mukhang engot talaga 'to si Trey..

"Asawa ko? Wow naman!" sabay na napatingin kami sa harap namin.

"Hi, Scarscar!" Dionne hugged me. Si SAndy rin. Ngumiti naman sila Maxinne, Ice at
Regina saakin, pero tipid lang at may iba agad akong naramdaman sa tatlo. May iba.
Ang mga boys naman nakangiti lang, except kay Paul na hindi ko alam kung alam ba
ang ngumiti.

"Nawala lang kami ng isang araw, mag-asawa na kayo?! Grabe Hahahaha!" Ace

"Naku, hin--" Ako. May biglang umakbay sakin

"Nagconfess kasi 'to sakin..sabi niya nahihiya lang daw siya kasi aasarin niyo s--
Araaayy!!" Trey. Piningot ko nga

"Pinagsasabi mo! Lumayo ka nga sakin, engot ka!" Ako

Nagkamot nalang ito ng noo at ngumiti sa mga kaibigan namin.

"Kayo ha..." Regina, "Anyway, Scarlett and Trey, I want you to meet...Angel Lynne,
Ice'---"

Biglang tumikhim si Ice, "Una na muna ako sa loob."

"Ate, saan--" Angel

Nagulat kami nang biglang tarayan ito ni Ice..

Anong....problema nila?

★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★

Plug: Romeo and Juliette : Altaria's hope by @naedgoman

Read it please, thanks.

Votes and Comments. Hulaan ang tensyon na mangyayari sa Academy..

Mayu
-SilveryLuna
Scarlett/ Astrid's POV

Lahat kami nakatingin parin ng tahimik sa kaibigan namin na lumalakad na papasok ng


Academy.

"Angel Lynne?" tanong ko.

"Kapatid...ni Ice. Half." sagot ni Maxinne pero ramdam ko ang diin sa salita niya .

"May problema ba kayong dalawa? Kararating niyo lang diba?" Trey na umakbay pa
talaga sa balikat ko. Agad ko naman itong kinurot.

"Hindi ko rin al--" Angel

"Uhmm..Wala 'yan. Pagod lang si Ice." singit ni Maxinne. "Sundan ko lang, guys.
Bye." Hindi na hinintay ni Max ang mga sagot namin at tuluyan na ngang tumakbo
paalis.

Yumuko naman si Angel, kita ko ang lungkot sa mukha niya. Sandali itong tumitig
saakin at ngumiti rin.

"Hi, Scarlett. The Crystal Moon?" Angel

Ngumiti ako dito at tumango. Sumunod naman nitong tinignan si Trey, ngumiti ito kay
Trey ng matamis.

"And you are Trey Wastridge--" Angel

"How did you know?" Trey.

"Uh...Kinwento ni..Ate." Angel

Maganda talaga si Angel. Kamukhang-kamukha ni Ice. Ang kaibahan lang, palangiti si


Angel at mukhang sobrang bait at friendly. Si Ice naman, tahimik, minsan lang
ngumiti at misteryoso.

"Ge, una na ako. May klase pa kasi." Felix, "Hoy kayo, sumabay na rin kaya kayo?"
turo nito saamin.

"May sinat si Astrid. Alagaan ko pa...asawa ko--Ouch!" Ayan na naman to sa asawa


ko! Nakakailang kaya! Baka mamaya kung...kung ano isipin ng iba diyan.

"Tara," Aya ni Ace. Nagpaalam na silang lahat except kay Paul na tuloy lang sa pag-
alis..Si Sandy naman pinanliitan ako ng mga mata at lumapit saakin sabay bulong ng,
magkwento ka! Later. Sabay pahabol ng kurot sa tagiliran ko.

Bruha talaga. Ano naman ikwekwento ko? Ayoko naman ikwento yung about kay Lalaine.
Kahit naguguluhan ako kung talagang inutusan lang 'yon at kung sino naman ang may
galit saakin para utusan pa siya para gawin yung ginawa saakin sa dorm, hindi ko
parin babanggitin. Baka magkagulo lang at ayaw ko naman 'yon.

"Ano diyan ka lang hanggang mamaya?"


Napatingin naman ako sa nagsalita. Napatulala pala ako kaiisip.

Tinarayan ko si Trey na nasa harap ko na pala at nakacross arms pa.

Padabog na lumapit ako dito. Agad naman nitong kinapa ang noo at mukha ko.

"Ano ba'ng ginagawa mo!" ako

"Tsk! Ewan ko sayo." Hinila na niya ako agad..

***

"Astrid"

Halos mapatalon ako sa pwesto ko nang dahil sa sigaw ni Trey..

Nandito kasi ako ngayon sa kusina niya, nakaupo sa sahig at nangingiwing nakatulala
sa dugo na umaagos galing sa nasugatan na palad ko. Nalaglag ko kasi ng aksidente
ang plato na hinuhugasan ko, pinulot ko naman ang mga basag na parte pero nasugatan
lang ako..

Pagkakita at pagkakita ko pa lang ng maraming dugo sa palad ko, may kakaiba na


akong naramdaman..

"What happened?! Masakit ba?" Dinaluhan agad ako ni Trey at inalalayan paupo sa
upuan katapat ng lamesa.."Bakit natulala ka? Ayos ka lang ba?"

Tinignan ko lang si Trey at binaliwala ang mga sinasabi niya. Gusto kong pilitin
alamin ang gusto maalala ng utak ko.

Oo, pagkakita ko ng dugo, biglang may mga blurred visions akong nakita sa utak ko.

Kailangan ko lang malaman kung ano yun..

Kasabay ng pagsakit ng ulo ko ay ang pagpikit ko ng aking mga mata.

Wala akong maintindihan sa blur visions na nasa isip ko ngayon. Malabo ang iba.
Pero may batang umiiyak. May batang pabagsak na lumuhod at lumuha. At...may duguan
na tao sa lugar ...

"Astrid, hey! Are you okay?! Shit! I'm worried! Hey, open your eyes!" Minulat ko
nga ang mga mata ko sa pagyugyog ni Trey sa balikat ko, pati pagpisil sa isang
palad ko.

Binatukan ko ito, "Ouch! Problema mo?! Anong bang nangyayari sayo?!" Trey. Tumayo
ito at nakakunot noo parin. Kumuha ito ng first aid kit sa cabinet at umupo uli sa
tabi ko.

"Wag ka ngang o.a, Trey! Pumikit...lang ako!"

Nagsimula na itong gamutin ang sugat ko.

"Tss, ano ba 'to, ba't may dugo?!" nakasimangot parin siya habang hawak ang palad
ko at dahan-dahan ginagamot.

Napangiti tuloy ako.. Ang bait pala ng mokong na to ..

"Nabasag lang yung plato mo, naghuhugas kasi ako ng plat--"


"WHAT THE FVCK?!" Medyo nagulat at napasinghap ako nang idiin niya ng konti ang
bulak sa medyo malaking sugat sa palad ko,

"Aray ko naman! Umayos ka nga!" hinampas ko ang braso nito.

"Bakit ba kasi naghuhugas ka ng plato! Alam mong may sinat ka pa! Paano ka
gagaling?!" Trey

Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya .

Aba! Daig pa magulang ko!?

"Malamang tambak na ang hugasin--"

"Whatever you say, Magpahinga ka muna, ako na bahala dito."

***

Umaga na nang magising ako.

6:37am

May pasok pa kami.

Agad na naligo ako at nagsuot ng blue longsleeves at jeans, itinali ko lang ang
brown long hair ko sa mataas na ponytail.

Pagkalabas ko pa lang ng kwarto ni Trey, doon kasi niya ako pinatulog. Halos
magwala na ang tiyan ko sa naaamoy na aroma ng pagkain na niluluto pa lang.

Nagtungo kaagad ako sa kusina, kitang-kita ko ang bulto ng lalaki na naka green t-
shirt at black shorts na nakatalikod at nagluluto pa.

"Nagluluto ka?" tanong ko. Agad naman siyang lumingon saakin at umirap.

"Hindi ah, naglalaba ako dito sa kawali, Astrid." Trey

Napairap naman ako sa kawalan at umupo na sa tapat ng mesa.

"I mean marunong ka pala! Ang aga-aga, Trey nang-aasar ka!" singhal ko dito

Nangalumbaba ako sa mesa dahil tumutunog na talaga ang tiyan ko sa gutom,

Lumingon ito sakin pero hawak parin ang sandok na nasa kawali. Sumilay ang ngiti
nito at tinitigan ako na parang kinakabisado ang mukha ko.

"O, bakit?" tanong ko. Nakangiti itong napailing at bumalik sa pagluluto.

Baliw na nga yata ako dahil sa tingin ko sobrang gwapo ni Trey sa buhok niyang
medyo gulo at pabagsak. Kulay blue ito. Nakaapron pa siya na pula na may kidlat at
heart na design. Nakakaloko tignan yung apron.

"Bibilisan ko na nga, baka mamaya may lumabas na monster na diyan sa tiyan mo. Nag-
iingay na." Trey. Narinig ko pa itong tumawa. Tumayo nalang ako at nilapitan ito
sabay kurot sa tagiliran nito..

"Ah aray! Oy, bumaon yung kuko mo, sakit!" Bumalik na ako sa upuan at natatawang
tinignan siya.
***

"Good morning." bati ko sa mga kaibigan ko'ng Royal Colors pagkapasok namin dalawa
ni Trey sa room.

Halos lahat ng kababaihan ng Royal Colors matamis na ngumiti kay Trey at pasimpleng
inismiran ako. Pero napangiti ako nang ni-isa sakanila walang tinapunan ng tingin
ni Trey. Seryoso lang na naglakad ito sa seat niya at tinabihan si Paul.

Ngumiti saakin sila Maxinne, Regina, at Ice. Si Felix tahimik lang na nagd-drawing.
Si Ace mukhang malalim ang iniisip at nakatingin sa labas ng bintana. Si Dionne
kinikiliti at mukhang kinukulit si Sandy. Si Sandy naman mukhang bwisit na bwisit
at hindi rin ako napansin ang pagdating ko..

Tuloy-tuloy na ako sa upuan ko. Iniba na rin kasi ang seating arrangement, katabi
ko si Ace sa likuran. Sa kabilang row sina Paul at Trey.

"Hi, Ace. Problemado ha?"

Lumingon ito saakin at tinignan ang pwesto ni Trey.

Tinignan ko rin ang tinitignan niya. Sila Trey at Paul nag-uusap ng seryoso.

"May problema ba?" tanong ko.

"Dikit ka lang lagi kay Trey, wala k--" Ace

"Hi, Scarlett!!!"

Halos mabingi ako sa lakas ng boses ng taong tumabi sa kanang side ko.

Si Angel Lynne pala, iniusod niya ang seat niya sa kanan ko at ngiting-ngiti na
tumabi saamin..

"Hello, Angel Lynne." bati ko.

"Ang tahimik dito sa likod ah--"

"Tahimik naman talaga kami. Noon pa." Ace

"Ah? Ganun ba? Hahaha. Si Ate Ice din, tahimik. Ang boring nga eh. Tch." Angel

Pansin ko na natulala si Ace at maya-maya ay ngumisi, "Boring? NAGBAGO kana talaga


'no. LAHAT sayo nagbago. NAHAHALATA na ng iba. Influence ba ng mga kasamahan mo yan
dun sa Mountain?" Ace

Mukhang napawi ang ngiti ni Angel pero ngumiti ulit.

"Haha..oo yata. O paano, dun na ako kay ate." Paalam nito at umalis na.

Si Ace napatitig kay Angel at...nagsmirk? Anong mayroon?

Tatlong araw na rin ang nakalipas simula bumalik sila galing Praxi Tribe's
Mountain. Ayaw nga nila magkwento sa nangyari sa Mountain. Kahit si Dionne at
Sandy. Iniiba nila agad yung kwento. Daya!
Ganun parin si Ice, medyo naiilang yata kay Angel? Hindi niya kasi pinapansin. Si
Maxinne din ganun. Si Regina, Dionne Sandy, ako at Felix lang ang madalas kausap
niya.

...

"Si..Travis?" pagbasag ko ng katahimikan namin ni Ace. Wala pa naman kasi ang


teacher ng Royal Colors.

"Travis? Kambal ni Trey?" Ace

Wala kasi yun dito sa room. Tapos hindi ko rin napapansin sa buong Academy.

"Nandito ba siya?" Ace

Tumango ako. "Pero wala na yata ulit. Hindi ko na kasi napapansin."

"Ganun ba? Malamang nandun yun sa Hiacynth Castle. Lugar 'yon na madalas
pinupuntirya ng Dark-gem holders na mga taga-Erebus World." Ace

"Pinupuntirya?" tanong ko.

"Oo, nangunguha sila ng mga estudyante, bata lalaki man o babae, kinukuhanan nila
ng gem. O di kaya pinapatay muna bago kuhain ang gems at siyempre kanila na 'yon
mapupunta." Ace

Kinukuha nila ang gem ng iba para lalong lumakas? At ano? Para mapatay ako? Para
mapatay nila ang Crystal Moon, katulad ng sinabi ni Mr. Cavin. Hindi ko talaga alam
kung bakit kailangan nila akong patayin, di bale itatanong ko nalang kay Trey.

Tinitigan ko ulit si Ace, bumalik na naman siya sa pagtitig sa labas ng bintana at


parang malalim na naman ang iniisip.

Nitong mga nakaraang-araw, nag-iba si Ace at pansin ko yun. Hindi na siya masyadong
sumasama saamin. Paminsan-minsan lang. Tapos wala na yung Ace na maingay, madaldal
at palabiro. Wala na yung nangungulit kay Maxinne, at halata rin naman na
nalulungkot si Max kahit hindi niya sabihin.

Napostponed rin yung Fire-gem training ko, kasama si Trey. Dahil kasi yun sa
nagkasinat ako nung nakaraang-araw, si Trey din kasi sabi niya wag muna baka
mabinat ako. Ang drama, magaling na nga ako!

Pag-uusapan nalang daw mamaya sa office ni Mr. Cavin.

"Scarlett.." Napatingin ako kay Ace, "Iniba mo si Trey...naging palangiti na siya


sa harap mo o sa likod mo..tumatawa na dahil sayo. Hindi na siya kumukuha ng babae
para paglaruan. Hindi na siya cold at masungit." Ace

Iniba? Paano? Nihindi ko nga siya kilala ng lubos. Hindi niya rin ako kilala ng
lubos. Ang sabihin ni Ace, kaya lang yon laging tumatawa dahil madalas ako nun
pagtripan at barahin. Yun 'yon! Psh,

"Hindi, Ace. Mali k--"

"Mahalaga ka sakanya. Ingatan mo siya. Wag mo hahayaan na...mapunta siya sa---" Ace
"Ace! Stop it!" napatingin kami sa sumigaw sa harap namin.

"Unfair na 'to, Ice! Tayo lang ang--" Ace

Hindi na ito naituloy ang sinasabi niya ng hilahin na siya ni Ice palabas ng room.

May hindi ba sila sinasabi? Ano ba yun?

Tumayo na ako para sana sundan sila nang magawi ang paningin ko sa bintana, sa
baba.

Gilid na yon ng Academy. Puro puno, halaman at mga ilog, falls at sapa sa mga
lugar.

At ewan ko pero nakaramdam ako ng inis. Naiinis ako at hindi ko alam ang dahilan..

Angel and Trey....kissing.

★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★

Votes and Comments!

Humihina ang mga nagbabasa nito. Paramdam naman yung iba para alam ko kung itutuloy
ko pa ba.

Ps. Ang sakit ng katawan ko. Sunburn din.:(

★Mayu
♚SilveryLuna
AN: ATTENTION! WAG NIYO NA PO AWAYIN SI ANGEL, MAY TAO KASI BEHIND THAT
CHARACTER.NAHUHURT PO SIYA. SO PLEASE.. :(

Si ano nalang awayin niyo...si Trey, malandi kasi. XD

Scarlett/Astrid's POV

Agad na tumalikod ako at umupo sa seat ko.

Hinawakan ko ang aking dibdib, ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang nainis at
nalungkot ako at the same time. Nabwibwiset ako kasi hindi ko alam kumg bakit
nararamdaman ko ito..

Ano naman kung maghalikan sila?!

Bakit ganito ang reaksiyon ko?!

Affected ba ako?! NO!

Hindi ko gusto o kung ano man si Trey! Hindi maaari!

Ilang araw pa lang ang nakakaraan nang makita ko siya! Ilang araw ko pa lang siya
nakakasama! Ilang araw pa lang simula nang makilala ko ang ugali niya! Ilang-araw
pa lang magbuhat nang makita ko siya!

Ilang-araw pa lang 'yon at wala pa yatang isang-linggo pero gusto ko na siya?!


Pwede ba 'yon?!

Napaka-imposible!

Malamang nagulat lang ako nang makitang nakikipaghalikan siya! Tama! Yun lang 'yon.

Kinalma ko ang sarili ko kahit na may ibinubulong ang utak ko.

Na parang bumubulong na...


niloloko ko lang ang sarili ko

Mabilis na umiling-iling ako. Hindi! Hindi talaga lagpas sa kaibigan si Trey


saakin. Hindi.

"Scarlett?" natauhan ako nang may tumabi saakin. Si Regina. "May problema ba?
Masakit ba ang ulo mo?"

"Hindi, ayos lan--" halos mabulabog ang buong sistema ko nang maisip na...si Regina
itong kaharap at kausap ko.

Si Regina ito..

Si Regina na isang mind reader..ayokong malaman niya na nagkakaganito ako dahil sa


nakita ko kanina..

Ayokong malaman kung...kung ano ang dahilan at ganito ako kastress sa pag-iisip
dahil sa paghahalikan nila Trey at Angel.

Ayokong mabasa niya ang iniisip ko!

"Scarlett, namumutla ka na. Talaga ba'ng okay ka lang?" Regina


"R-Regina, tell me the t-truth. N-Nabasa mo ba ang i-isip ko? Or binabasa m-mo ba?"

Tinignan ako nito at umiling. Parang nakahinga tuloy ako ng maluwag.

"Inaamin ko kanina I tried to read your mind. But, Scarlett I was really shocked
when something blocked me from reading your mind. I got headache." Regina

"Talaga? Pero paano?"

"May kinalaman siguro ang pagiging Crystal Moon mo. I'm not really sure." Regina,
"Pero mukhang may bumabagabag sayo. Ano ba 'yun? Kaibigan na tayo, baka matulungan
kita."

"A-ah? W-wala 'to, Regina!" agad na sabi ko at hinawakan siya sa braso. "Naisip ko
kasi ang...ang...Uhmm..yung ano..yung mga kalaban ng Crystal Moon. I feel so
scared, Regina. What if hindi ko kayanin ang fate ko?"

"Kaya mo, Scarlett. Puso at pagmamahal. Hindi puro lakas at kapangyarihan. Kahit
papa mo an--Oh no! Tell me you didn't heard my words." Regina. Nagpale agad ang mga
mapupulang pisngi at ang labi nito.

"Huh? What?"

"W-wala! Nevermind, Scarlett. Kunyari wala akong sinabi. Bye." Umalis na ito sa
tabi ko.

Hindi ko siya maintindihan. Nabanggit niya ang papa? Papa ko? What's with my
father?

May mga sikreto ba ang mga kaibigan ko at ayaw sabihin sa iba? O baka saakin lang?

Hinayaan ko nalang. Dahil kung hindi naman siguro kailangan, hindi na nila ipaaalam
saakin. At kung kailangan at importante e sasabihin naman yata.

Napalingon ako sa kabilang row. Wala nang tao roon.

Wala si Paul. At mas lalong wala si Trey..

Nilibot ko ang buong lugar nang mapansin na wala rin sa buong room si Angel..
Nag-igting ang panga ko. Nainis na naman ako at hindi mapakali. Nasaan na sila?!
Baka may kung ano na ang nangyari sakanilang dalawa?! O baka kung ano na ang
ginagawa nila?!

Oh god! I so hate this feeling.

Hindi ko alam ang ginagawa ko at namalayan nalang ang sarili ko na lumalakad ulit
papunta sa bintana at dahan-,dahan na sinisilip ang bintana..

Wala ng tao roon.

Ipinikit ko na ng mariin ang mga mata ko at bumalik sa upuan ko

Dumating ang guro ng Royal Colors.

Anim na oras ang klase, dumating agad sila Ace at Ice kasama si Maxinne. Hindi na
ako pinansin o kahit tinignan man lang ni Ace.

Halos buong anim na oras tingin lang ako ng tingin ng pasikreto sa pinto ng room,
inaasahan na bubukas at bubungad si Trey.

Pero natapos ang klase na walang Trey o kahit Angel Lynne ang sumipot sa klase.

Kabago-bago ni Angel, aabsent agad siya?! Ilang days pa lang siya ah!

Lunch na

Nandito kami ng barkada sa cafeteria ng campus.

Nandito si Paul. Si Maxinne na nakikipag-usap kay Regina pero pasimpleng susulyap


sa tulala at tahimik na si Ace. Si Ice na tulala rin at mukhang malalim ang
iniisip, minsan bigla pa ngang hihigpit ang hawak sa kutsara at tinidor, pipikit ng
mariin at hahangin ng malakas. Winawarningan nga siya agad ni Ace, hindi yata ni
Ice napapansin na napapalakas niya ang hangin dahil sa emosyon niya. Si Felix
naman kinukulit si Ice pero hindi siya nito mapansin-pansin. Si Dionne at Sandy
magkasama sa Library. Sa tingin ko may iba sa pagitan ng dalawang 'yon. At ako...na
ewan ko. Parang gusto ko dumating si Trey dito at sumabay saamin.
Naging tahimik lang ang kain namin. Walang Ace na maingay. Walang magsusungit na
Maxinne.

"Bakit feeling ko nakalmot ng dragon ang matabil na dila ni Ace?" pambabasag ni


Felix sa katahimikan.

Ngumisi lang si Ace dito at binato si Felix ng ulam na baboy.

"Si Maxinne tuloy nalulungkot.." Regina

"Bakit naman, aber!" Maxinne

"Miss mo na si Ace, sabi mo diba?" nakangising sabi ni Regina.

"Ano?! Hindi...kaya! Ba't ko naman mamimiss yan!" Maxinne na namumula ang


magkabilang pisngi.

Nginitian lang ito ni Ace at kumain na.

May...iba sakanilang lahat. Pakiramdam ko, ako lang ang walang ideya dito.

Natapos ang Lunch at pinili ko na 'wag muna dumiretso sa dorm ni Trey.

Nakwento pala ni Dionne kaninang oras ng klase na si Lalaine Norix ay pinarusahan


at ikinulong ng tatlong araw sa Yellow Land. Ang sabi, mahirap at pangit daw na
lugar 'yon. Walang gaanong pagkain at tubig. Walang ayos na bahay at higaan. Kasama
raw ni Lalaine ang Queenie na yon.

2:30pm na ng hapon. Nandito ako sa butterfly and fairy garden. Ito ang nasa
kaliwang side ng StoneGem Academy.
Maganda at relaxing dito.

Maraming makukulay na flowers at fairies ang naririto.

Umupo ako sa swing na may nakapulupot pa na vains rito at mga pulang bulaklak.

Pumikit ako para marefresh ang utak ko.

Ayokong isipin na naman ang tungkol sa baliw ko'ng nararamdaman tungkol kay Trey.

Agad na nagmulat ako ng mga mata nang may maramdaman ako sa ulo ko.

Sinalat ko ito at kinuha..

Isang korona na puno ng mga bulaklak na iba't-iba ang kulay.

Napatingin ako sa paligid kung sino ang may gawa..

Wala naman ibang tao. Ako lang..

Pagkatingin ko sa harapan ko, halos mapatalon ako sa gulat nang may maraming fairy,
babae at lalake ang nakahilera sa harapan ko.

Maliliit sila, mayroong may maiikling buhok, may mahahaba at iba-iba pa ang kulay.
May mga suot rin sila na gawa pa ata sa petals ng mga bulaklak at dahon. Ang mga
sapatos ay mukang sa dahon rin gawa. May mga pakpak sila na tila may kanya-kanyang
disenyo at kulay pero parepareho ang laki. Kasing taas nila ang sukat ng kamay ko.
Kahit maliliit ang anyo nila kita parin ang mga cute na mukha nila. Kita parin ang
bawat mukha nila na nakangiti saakin.

Ngumiti ako ng matamis sakanila, "Kayo ang may gawa nito?" tanong ko

Nagsabay-sabay sila ng salita, pero hindi ko yun maintindihan. Parang mga maliliit
na boses lang na hindi ko magets.

Pero alam ko'ng 'oo' ang kanilang sagot dahil nagsiliparan pa sila sa ere ng
paikot-ikot at masayang pinalibutan ako.

"Kung ganoon, salamat! Napasaya niyo ako. Lahat kayo. Ang ku-kyut niyo!" masayang
sambit ko.

Hinawakan nila ang mga daliri at dulo ng damit ko. Hinila nila yon na parang
pinatatayo ako sa swing. Isinuot ko muna ang korona na gawa sa bulaklak at dahon
saka ako tumayo.

Nakita ko na naghawak-hawak sila ng kamay, at masayang kumanta at nagpaikot-ikot


saakin.

Kahit hindi ko sila maintindihan, alam ko na masaya ang kanta nila. Sinabayan ko
ito ng palakpak at ngumiti sa kanilang lahat.

Pansin ko ang mga mumunting bahay nila sa paligid. May butas ang ibang sulok ng
puno. Mayroong malaking bato na may parisukat na butas, bahay din yata nila..May
mga gawa sa kahoy na munting mga bahay. Maraming bahay na hugis sa paligid at
nakakamangha tignan.

"Astrid." Natigil ako at ang fairies sa pagsasaya at napalingon sa taong kararating


lang. Correction, MGA kararating lang.

Trey and Angel.


"Yes?" pasimpleng sagot ko. Pero yung dibdib ko parang tambol na sa pagkabog ng
puso ko. Habang tumatagal at lumilipas ang araw iba na amg nararamdaman ko
pagdating kay Trey. Natatakot na ako.

"Nandito ka lang pala, Scarlett. Kanina ka pa namin hinahanap eh" Angel

"Ganun ba? Kanina pa KAYO MAGKASAMA na naghahanap sakin?"

Tumingin si Trey kay Angel, agad naman itong nag-iwas ng tingin nang ngitian siya
nito ng matamis.

"May...sasabihin raw si Papa eh. Tara, Astrid?" Hinawakan ni Trey ang kamay ko.
Feeling ko nakuryente ako sa pagdikit ng kamay namin.

Agad na hinila ako palabas ni Trey sa garden. Lumingon naman ako sa likuran..

Kita ko ang...

isa-isang pagbuhos ng mga fairy kay Angel ng tubig na inilagay pa nila sa dahon.

Matutuwa ba ako? Ewan pero natuwa ako haha.

****
AN: WATCH YOUR WORDS, GUYS. Wag awayin si Angel. May tao behind that character,
nasasaktan po siya. Si Lalaine nalang, parating na kasi yun sa next chapter eh
Hahaha

Votes, comments :*

♥Mayu

★SilveryLuna
Scarlett/ Astrid's POV

Nananatili lang akong tahimik at nakatulala sa kamay namin ni Trey na magkahawak.

Minsan namamalayan ko nalang na napapangiti ako?

Patuloy lang rin naman kami sa paglalakad.

''Astrid, bakit nandoon ka?''

''Ha? Saan?''

''Sa Fairies' Garden.''

''Ah, dun ba sa garden? Wala lang. Nakita ko kasi, kaya pumasok ako.'' patuloy lang
kami sa pag-uusap. Bumagal na nga ang kaninang mabilis na lakad-takbo namin. Parang
wala kaming importanteng pupuntahan. E sa office nga raw ni Mr. Cavin diba?
''Hindi mo ba nabasa yung karatula sa gilid? Dangerous sa lugar na iyon. Kaya
walang pumapasok roon dahil makukulit at pasaway ang mga fairies.''

''I doubt it, Trey. Mababait at masayahin sila. Look, they even made this crown for
me.'' ipinakita ko ang korona na hawak ng isang kamay ko. Kunot-noo lang itong
tumingin saakin.

''Namimili talaga sila..Tss, saakin nga pinagbabato ako ng mga lupa at bato na
maliliit noon. Kaya ang ginawa ko pinagbabato ko rin...ng apoy.'' He chuckled.

''Grabe, Trey! You're so cruel to them! Napaka-cute nga nila."

Ngumiti naman ito sakin. Parang nag-init naman ang mga pisngi ko. Bakit ba kasi ang
gwapo ni Trey kahit saang anggulo?

"Alam mo, may mga sabi-sabi tungkol sa fairies diyan sa garden."

"Ano naman 'yon?"

"Pinipili lang nila yung pakikisamahan at pakikitaan nila ng kabaitan. Nararamdaman


raw kasi nila ang ugali ng mga tao....pati iniisip at pakay." Trey, "Ganun din kung
may masamang nagawa ang mga tao sa buhay nila. May sikreto na masama. At iba pa."

Kunot-noo na inisip ko naman yung nakita ko kanina. Si Angel sa garden kasama ang
mga fairies na binuhusan siya ng tubig.

Sa tingin ko mabait naman si Angel, palangiti at friendly. Pero bakit naman siya
gaganunin ng mga fairies?

Pumasok naman sa isip ko yung nakita ko'ng halikan nila..feeling ko bumigat yung
loob ko. Napaka-o.a ko talaga!

Magkarelasyon kaya sila?

Ano ba naman kasi pakialam ko!

"May relasyon ba kayo ni Angel?" mabilis na lumingon ito sakin at kunot noong
tinignan ako.

"What?!" Trey

I bit my lower lip. Shocks! Bakit ko naman naitanong yun! Talaga ba na lumabas sa
bibig ko yon?!

"Ha? Ano...wag mo na intindihin yung sinab--" agad na binawa ko ang kamay ko dahil
nakaramdam na ako na parang sobrang naiilang na ako.
"Tss. Pinagsasabi mo? Si Angel? Wala!" Trey

"G-ganun ba?"

"May mahal na ako.." kinuha ulit nito ang kamay ko at hinawakan uli. "At hinding-
hindi ako makikipagrelasyon sa iba...sa babaeng mahal ko lang.."

Mas binilisan na niya ang paglakad kaya binilisan ko na rin.

May mahal na siyang iba.

***

"Good afternoon po." bati ko kay Mr. Cavin, pagkapasok at pagkapasok namin dito sa
office niya ni Trey.

Inimuwestra niya ang upuan, agad naman din akong naupo sa sofa.

Ganun din si Trey na tumabi sakin at boring na sumandal sa sofa sabay pikit..

"Wala naman talagang kinalaman sayo ang sasabihin ko, Scarlett." Mr. Cavin na
nakaupo na sa single sofa..

"So, bakit pa kami nandito?" Trey. Nakapikit parin ito.

"Because of Ms. Lal--" Mr. Cavin


"Hi, Trey. Look o! Andami ko'ng sugat sa environment ng pinuntahan namin. Di ka ba
naaawa, dapat hindi nila ako dinala sa Yellow Land diba!" Nanlaki ang mga mata ko
sa malanding boses na nagsalita.

Tinignan ko ang katabi ko. Mas lalo naman akong nagulat.

Bakit ganito si Lalaine? Ang landi.

Nakakandong sa lap ni Trey.

Tinignan naman ako ni Trey at hinawakan ang beywang ni Lalaine, pilit niya itong
pinatatayo.

"Lalaine, umayos ka nga. Ang daming mauupuan dito mo pa talaga napili." Agad na
yumakap naman si Lalaine sa leeg ni Trey

"Bakit? Anong masama, bestfriends naman tayo." Lalaine. Sumulyap ito sakin at
nginitian ako ng matamis.

Bakit parang ayaw ko maniwala na hindi mapait yung nasa likod ng ngiti niya?

"Lalaine," warning ni Trey

Agad naman tumayo ito at tumabi kay Trey sabay lingkis sa braso nito. May sa lahing
linta ata to.
"Yan...tungkol sa..uh..kay Ms. Lalaine Norix." Mr. Cavin, "Gusto niyang...tumira sa
dorm mo, Trey. Ayaw niya sa dorm niya dahil--"

"Takot ako sa multo! I'll stay in your dorm! Pwede diba? Dati na naman akong
nagstay dun tuwing nandito a--"

"No." Trey

Napapanganga nalang ako sa mga usapan nila.

Kaya ko ba makasama si Lalaine? Okay ba talaga siya? Hindui ba talaga siya--

"BUT WHY?! I MEAN, GUSTO KO DUN! WALA KA MAGAGAWA!" Lalaine

"Meron, dahil dorm ko yun. Lalaine, malaki kana. Stop acting like a childish brat
again! For pete's sake, Laine, 17 years old kana!" Trey

"Ayoko! Bakit ba ayaw mo! Dati naman, okay sayo! Last month nga, dun pa ako nagstay
eh! What's wrong with you!" Lalaine

"Laine, wala kanang matutulugan 'dun kasi--" Trey


"What the! Reasons, reasons! May vacant room ka kaya! Tapos we used to be sleeping
together before kaya!" Lalaine

"Laine, si Astrid sa dorm ko nags-stay. 'Wag na makulit." Trey

Kita ko ang paglaglag ng panga ni Lalaine. Nagpalipat-lipat ito ng tingin saamin ni


Trey..

"Si..Scarlett? So..totoo yung tsismis?" Lalaine

Nanliit yung mga mata ko. Naalala ko yung banta niya noon ah. Kapag nalaman ko'ng
totoo ang tsismis, patay ka sakin.

Totoo ba yung sinabi niya na yon o act lang kasi nautusan nga lang siya?

"What's the meaning of this?" Tanong nito kay Mr. Cavin.

"Si Scarlett ang Crystal Moon h--" Mr. Cavin

"SI SCARLETT?! YUNG..YUNG CRYSTAL MOON?! TAMA BA ANG RINIG KO?! OMG! SIYA?!"
Lalaine

Tinaas ko ang isa kong kilay. Ayaw niya ba? Edi kung pwede lang,siya nalang!
"Yes. Kailangan lang siya mabantayan ni Trey dahil nabiktima siya ng White Snake
Guardian. Si Trey ang inassign ko na maging pangunahing protector nito." Mr. Cavin,
"At hanggang ngayon hindi parin nagpapakita ang white snake. Nababahala parin ako,
kaya dapat munang kasama ni Trey si Scarlett...palagi."

Si Trey? Napangiti naman ako. Masaya yata ako na protector ko si Trey.

"Oh, is that so? Fine." Lalaine.

"Okay na sayo? Mabuti nam--" Trey

"No. I said fine. Fine, because I'll stay parin no matter what! Tsaka, ayaw niyo
yun. May kasama si Trey..MAGBANTAY..tutulungan ko siya BANTAYAN si Scarlett. Hindi
ko HAHAYAAN ang snake. Hindi talaga. Okay, bye, ipupunta ko lang ang mga gamit ko
sa dorm mo, see ya!" paalam nito. Humalik pa ito sa dalawang pisngi ni Trey. Yung
parang kulang nalang labi na.

Lumabas na ito agad sa office at wala nang nakapigil.

May pakiramdam akong hindi magandang ideya kasama si Lalaine. Pakiramdam ko lang..

Tumikhim si Mr. Cavin kaya nabalik ang atensyon ko sakanya. Si Trey naman hilot-
hilot ang sentido at nakasandal na ulit sa sofa habang nakapikit.

"May mahalaga pala akong sasabihin, sayo Scarlett." Mr. Cavin. Seryoso ito na
nakatingin sa vase na nasa gitna ng lamesa na center table.
Agad na kinabahan ako..Ano na naman kaya?

"A-ano po 'yon?"

"Umpisahan niyo na ang pagsasanay.." baling nito ng tingin kay Trey na ngayon ay
nakapikit parin at nakasandal ang ulo sa sofa. "Trey, listen. Alam ko'ng marami ka
pa'ng oras kaya parelax-relax ka lang diyan.."

"I'm not." Trey

"Kailangan na ni Scarlett mailabas ang kapangyarihan at gem niya bilang Crystal


Moon.." Mr. Cavin

"Bakit ka ba nagmamadali diyan." Trey

May binato si Mr. Cavin na violet scroll kay Trey. Umiilaw pa ang mga linya na
nakaukit rito.

Nanlaki naman ang mga mata ni Trey habang nakatuon ang paningin sa scroll..

"Shit. Umukit na?!" Trey


Lalo akong nakaramdam ng kaba sa ekspresyon ni Trey.

Ano ba kasi yon!

**

Scarlett/Astrid's POV

Para akong lutang na naman habang naglalakad dito sa hallway. Paakyat na ako ng
hagdan para pumunta dun sa 4th floor, specifically sa boys' dorms.

Kagagaling ko lang sa office ni Mr. Cavin. Si Trey naman, may pupuntahan pa raw sa
Library at matatagalan pa. May gagawin kasi itong homework namin.

Magbibihis lang ako ng damit sa dorm dahil pawis na ako dito sa makapal na t-shirt
ko, atsaka ko siya tutulungan doon sa Library.

Yung tungkol nga pala sa sinabi ni Mr. Cavin pati na rin doon sa violet scroll.

"Ikawang Crystal Moon. Ang itinakda na maging tagabantay at tagapanatili ng


kapayapaan rito, Scarlett. Perosa ngayon, sabihin na natin na hindi ka pa ganap na
Crystal Moon..

At ang scroll na 'yan ang magsasabi ng araw kung kailan ka magiging ganap na
Crystal Moon. Tungkol na man sa kapangyarihan mo, sa oras na maging ganap kanang
Crystal Moon, magiging madali nalang sa mga Dark-gem holders na kuhanin sayo ang
Crystal Moon's gem. Nagiging handa na ang gem para magamit mo ito." Ibinaling nito
ang tingin kay Trey na napanganga sa scroll, "Ngayon, paano mo gagamitin ang gem
kung hindi pa kayo nagsasanay? Paano kung magkaharap kayo ng Dark-gem holders kapag
naging ganap kanang Crystal Moon? Paano ka lalaban kung hindi mo pa kaya kontrolin
ang g--TREY!" Mr. Cavin
Bigla naman kasi akong hinila ni Trey patayo. Patungo na sa pintuan, palabas.

Bastos talaga sa tatay niya kahit kailan!

"Ang dami mo pa'ng sinasabi. Eto na nga, mag-uumpisa na kami." Trey

Hindi ko talaga maintindihan! Parang habang tumatagal at habang nadaragdagan ang


mga nalalaman ko'ng impormasyon, mas lalo akong naloloka. Lalo akong naguguluhan na
parang gusto ko nalang maglaho sa sobrang kaiisip sa mga bagay-bagay.

Gusto ako'ng kuhanin o patayin ng mga Dark-gem holders na 'yan dahil sa Crystal
Moon's gem na nakakabit sa loob ko o ng soul ko. KAYA PALA hindi pa sila gumagawa
ng kahit ano saakin ngayon ay dahil wala pa itong bisa dahil hindi pa ako ganap ng
Crystal Moon?! Ganun ba talaga 'yon?

Kasi naisip ko rin. Siguro naman, kung alam na nila na nandito na ang Crystal Moon,
dudukutin na nila ako or something para makuha lang ako paalis rito.

Pinilig ko nalang ang ulo ko at hindi na nag-isip pa tungkol sa bagay na iyon. Ang
sakit sa brain!

Binilisan ko na ang kilos at nagtungo sa dorm ni Trey..

Kaya lang...nang makarating na ako sa harap ng pinto at akmang bubuksan na sana ang
pinto gamit ang substitute gem ni Trey na binigay niya pa sakin, nakarinig na ako
ng kaluskos sa loob. May usok rin ako'ng naaamoy. Parang...may nagluluto sa loob?
Then, I remembered...Lalaine.

Nakaramdam ako ng kaba, what if saktan niya ako? What if may gawin siya sakin na
hindi maganda?

Pero hindi naman daw siya yung may gawa diba? Okay, sige makikita natin.

Pumasok na ako sa loob ng dorm. Tumunog ng bahagya ang pinto dahil sa pagbukas ko.
Narinig ko na may nagh-hum. Pero natigil.

Kailangan ko na nga pala bilisan, dahil naghihintay si boss Trey baliw sa Library.
May pag-uusapan rin kami about sa training kaya kailangan ko na talaga magmadali.

Mabilis akong naglakad papunta sa pintuan ng kwarto ni Trey. Dito na kasi ako
natutulog. Si Trey naman sa sala or dun sa kabila. Alangan naman katabi ko? Subukan
niya lang, sasapakin ko siya!

Pero bago ko pa maabot ang doorknob ng kwarto ay may humawak na sa braso ko. Gulat
na napalingon ako rito.

Si Lalaine, nakangiti saakin.


''So, tunay na dito ka talaga, huh Scarlett?'' Lalaine

I gulp. ''Oo, bakit?''

Binitawan niya ang braso ko saka nagpunas ng kamay sa suot niyang apron. Napataas
naman ako ng kilay. Wow naman, may virus ba ang braso ko?

''Wala naman. Anyway, yung nangyari last time, let us just forget that ha? Napag-
utusan lang naman ako. Hindi ko naman yun magagawa sayo dahil bestfriend ko si
Trey, parang kapatid na ang turing ko sakanya. So, sana maging friends parin
tayo?'' Lalaine

Hindi agad ako nagpakita ng ekspresyon rito. Hindi ako sumimangot, hindi ngumiti.
Parang kinukumbinsi ko muna yung sarili ko, kung dapat ba ako magtiwala rito? Kahit
na parang may gustong sabihin yung isang part ko, na parang ang plastik niya!

Inilahad nito ang kamay niya sabay ngiti saakin ng wagas. ''Please be my friend?''
Lalaine

Nagkibit-balikat ako at ngumiti na ng bahagya sakanya, malay ko ba kung o.a na


naman ako at mabait na pala ito? Malay ko ba kung natural na sakanya ang mukhang
plastik at maarte, diba?

Tatanggapin ko na sana ang kamay niya bilang pags-shakehands pero bigla niyang
binawi ang kamay niya nang malapit ko na itong maabot.

Nalaglag ang panga ko. Feeling ko lang naman kasi napahiya ako. Bastusan ba talaga
gusto niya?

''Okay, friends na tayo. Nasaan nga pala si Trey? Tsaka anong gagawin mo sa kwarto
namin? Hindi ba dapat doon ka sa kabilang kwarto, dahil hindi ka naman malapit kay
Trey? Oh sorry 'wag ka maooffend, naalala ko lang naman kasi na sinabi niya noon na
ang mga espesyal lang sakanya ang makakatungtong diyan sa loob. So, kailan ka pa
naging special kay Trey? Ask lang ha, wag ka maoffend, friends tayo eh, diba?''
sabay ngiti nito ng sobrang lawak. Oh..my..god.

Ako lang ba ito, o parang gusto ko lamutakin yung labi niya sa kakangiti tapos yung
dila niya sa sobrang...argh! TABAS NG DILA! Siya na special! Tss!

Pinilit kong ngumiti. Ayoko sumimangot. Hindi ako apektado. Malay ko ba kung trip
lang niya manbwisit, hindi niya ako mabibiktima!

''Ewan ko nga eh..Sabi kasi niya dito nalang daw ako matulog. Baka nga speci--''

''Oh I almost forgot! Baka kaya ka lang niya pinatutulog diyan ay dahil sa case mo!
Diba, may naghahabol sayo na White Snake Guardian?'' tanong nito habang nakaplaster
parin ang ngisi sa mukha niya habang nagsasalita. Yung tipong parang masaya pa
siya. ''Oh, poor little Crystal Moon. Now I understand. Osige, pasok kana diyan sa
kwarto namin ni Trey. Sige, luto lang ako ng food ni Trey..Bye, FRIEND!'' saka ito
nakipagbeso saakin pero hindi dumikit yung balat sa balat ko. Dumiretso ito sa
kitchen na parang nagmomodel pa sa lakad niya.

Talagang natigilan ako sa kinatatayuan ko. Nakatulala parin ako sa gawi ng


pinuntahan niya. Grabe! Nawindang naman ako sa mga salita niya! ''Friends?!'' inis
na bulong ko. May attitude talaga yung babaeng 'yon! Sinasabi ko na nga ba! Aish!

Padabog na binuksan ko ang pinto at padabog rin na isinara. Parang may narinig pa
nga akong humalakhak ng tawa, ewan! Mabilis akong nagbihis ng white shorts, pink
longsleeves at pink dollshoes. Inilugay ko lang ang buhok ko.

Badtrip parin akong naglakad palabas. Binilisan ko na at baka makita ko pa ang


bruha na Lalaine na 'yon at kung ano ano pa ang masabi saakin! Letseng 'yon!
Umiinit talaga ang dugo ko! Argh!
**

Hinanap ko si Trey sa buong Library. Nakita ko ito na nag-iisang nagbabasa sa table


sa dulo.

Lumapit na ako dito at padabog na umupo sa harapan nito,

Unti-unti naman itong lumingon saakin mula sa pagbabasa ng libro na about history
of mythical creatures pa yata.

''Anong mukha 'yan?'' tanong nito na parang natatawa pa.

Tinignan ko naman ito ng masama, ''Ano pa, edi mukha ng maganda! Dyosa!'' sagot ko
saka tinarayan ko naman ito.

Humagalpak naman ito ng tawa, hindi na kami sinasaway ng Librarian dahil takot sila
sa kasama ko. ''Anong nakakatawa?!'' inis na tanong ko.

''Yung mukha mo kasi! Ang cute, tange! Umayos ka nga! Bakit ka ba naiinis diyan?''
binato pa ako nito ng crumpled paper.

''Wala!'' bulyaw ko. ''Akin na nga yang pinapagawa mo sakin, nang matapos na at
makapagtraining na tayo!'' inagaw ko ang mga libro at papel malapit sakanya. Dalian
natin ang training nang mapatay ko na ang bruhang Lalaine na 'yon!
''Excited! Bukas pa tayo magt-training, Uunahin na natin yung Crystal Moon gem mo.
Saka nalang yung Fire-gem mo, ayos lan--''

''Oo na! 'Wag kana magsalita naiinis lang ako lalo!''

''Bakit ka nga kasi naiinis! Tsaka 'wag ka nga kasi sumimangot natatawa ako sa noo
mo. Hahahha,'' Trey, huminto ito saglit, ''Nga pala, nakita mo ba si Lalaine sa
dorm, ano ginaga--''

''AYOKO NA NGA! Ikaw na mag-isa gumawa niyan! Letse!'' tinapon ko ng pabalibag ang
mga notebooks, pen, at books sakanya, tumama pa nga ang iba sa mukha niya. Halata
naman na nagulat ito at nanlaki ang mga mata sa ginawa ko. First time ko nga naman
kasi gawin yun sakanya.

Mukhang napasinghap rin ang mga nakakita at matalim na tiningnan ako. Pakialam ko!
Nakakabwiset kaya siya! Magsama sila ni Lalaine na may sa-lahing bruhilda!

Tumayo na ako at lumabas na ng Library. Badtrip talaga ako ngayon! Ang sama ng mood
ko!

''Hey!'' narinig kong sigaw ni Trey sa likuran ko. Mas binilisan ko pa ang lakad.

''Astrid, hey! Wait nga lang, huy Astrid ano ba!''

Hindi ko parin ito nililingon.

''Astrid, isa! Kapag hindi mo binagalan ang takbo mo...Astrid!'' Trey. Mas lalo ko
pang binilisan ang pagtakbo. Yes, tatakbo talaga ako hanggang sa mapagod siya at
hindi na ako habulin! Pupunta nalang ako kila Sandy at Dionne! Feeling ko lumilipad
na ako sa pagtakbo ko. Yung buhok ko kasi hinahangin.
Hindi ko na narinig si Trey sa pagsigaw. Baka hindi na yon sumunod! Mabuti!

Binagalan ko na ang pagtakbo dahil hinihingal na rin ako.

Pero...agad na nagulat ako at napatigil sa pagtakbo nang biglang may mga apoy na
gumagapang sa magkabilang gilid ko. Naghugis pabilog ito sa kinatatayuan ko.
Malaking apoy na kasing laki ng beywang ko. Paglingon ko sa likuran, kasama ko pala
ito sa malaking bilog na apoy. Malamang siya ang may gawa nito..

Nakuha na rin namin ang atensyon ng lahat ng nasa Hallway. Sino ba naman kasi ang
hindi mapapatingin kung may naglalagablab na apoy sa hallway?!

''TREY, PATAYIN MO NGA 'YAN! KAPAG NASUNOG ITONG ACADEMY, KAKALBUHIN TALAGA KITA!''
sigaw ko. Pero tinaasan lang ako nito ng kilay. Seryoso rin ang mukha nito at
mukhang hinihingal pa. Pawis rin ang mukha. Mabilis ba ako tumakbo?! Grabe, arte
naman!

''I told you to stop running, right Astrid! Pero you didn't listen!'' unti-unti
itong naglakad papalapit saakin. Seryoso parin ito. ''Hindi ko talaga mapapalampas
yung ginawa mo kanina sa Library. Pinahiya mo lang naman si Trey Wastridge, ang
pinakamalakas dito sa StoneGem Academy..''
Inirapan ko naman ito at dinuro ang noo nito. ''Ang yabang mo. Wala akong pakialam
kung ikaw ang pinamalakas rito! Nakakainis ka lang kaya ginawa ko 'yon!''

''Nakakainis? Anong nakakainis sa mga sinabi ko? I was just joking, tapos nagtanong
lang ako kung anong mayroon kay Lalaine sa dorm! ANong kinainisan mo 'dun!''

''Wala! Pwede ba, alisin mo na yang apoy mo! Hindi ka ba nahihiya, ang dami nang
nanonood!''

Ayoko nga sabihin yung tungkol sa kinaiinisan kong mga pinagsasabi ni Lalaine.
Malay ko ba kung hindi pa siya maniwala! Edi napahiya pa ako at nagdiwang pa kung
sakali yung bruha! Ohdiba, naisip ko yun! Talino ko talaga!

''Seriously Astrid, hindi ko talaga mapapalampas ang ginawa mo kanina. Tapos,


pinagod mo pa ako kahahabol sayo.'' kita ko nga ang maliliit na daplis na sugat sa
pisngi nito. Marahil dahil sa pagbato ko ng notebooks and pens sakanya kanina.

''Ang arte mo talaga! Gusto mo lagi kang napapansin 'no, pwede ba, sa ibang lugar
na tayo mag-usap kung gusto mo talaga makipag-usap hindi dito na ang dami nang
nakakarinig! Tsaka ako? Mabilis tumakbo? Wala pa nga yatang 20 minutes na takbo--''

''Ofcourse you accidentally used your gem without noticing it! Pag-usapan natin 'to
sa ibang lugar tama ka!'' agad na lumapit ito at...

WHAT THE! ''Ano ba yang ginagawa mo, Trey!'' iniwas ko ang tingin ko sakanya at
lumingon sa side ko. Yung mga kababaihan, nagtititili na sa kilig, kala mo
sinisilya elektrika!
Paano ba naman kasi biglang naghubad itong lalaking 'to ng t-shirt niya!

Nag-init tuloy ang mga pisngi ko! Ang lapit kasi niya sakin! Ano ba yan!

Naalala ko naman si Travis, pero feeling ko...mas maganda itong katawan ni Trey
kays--Waaa! Nevermind--Pero, seriously, 8 pack abs!

Lumapit pa ito to the point na dumikit na ang abs niya saakin, pinikit ko nalang ng
madiin ang mga mata ko. Nagtilian lalo yung mga kababaihan nang makalapit si Trey
saakin. Tili na parang may ipinapahiwatig na hayop kang babae ka! ''Sasapakin kita,
Trey! Ano ba kasi ginagawa mo sa buhay mo! 'Wag mo na ako idamay kung ano man yang
trip m--'' Naramdaman ko ang kung ano na bumalot sa likuran ko.

''Wag kana ngang madaldal, Astrid. M-meron ka ba ngayon? Y-you know, r-red days?''
Trey. Agad na nagmulat ako ng mga mata.

''Bakit?'' mabilis na tanong ko.

''May..tagos ka yata.''

'Oh my god!

AN: Halaaa! Hahaha! Nahihiya na ako! Yung classmate ko kasi napag-alaman kong
nagbabasa nito. HAHA!

Hi, @Pachichay_11 SILENT READER KO RAW 'TO :))


----------------

Scarlett/Astrid's POV

O\\\\\O

Tinignan ko nga ang likuran ko.

"Wag mo nang tignan, dahil meron talaga. Tara na nga, tsk." Nakapulupot yung t-
shirt niya sa beywang ko. Tinatakpan na rin nun yung likod ng white shorts ko.

Waaaa! Lahat ng tao nakatingin saamin. Biruin niyo, takbo takbo pa ako kanina! MAY
RED STAIN NA PALA AKO!

Tinakpan ko na talaga ang mukha ko dahil sa hiya habang iginigiya ako ni Trey
palakad..

Huhu, gusto ko na maiyak! Pulang-pula na rin ang buong mukha ko sa hiya..

"Buti nalang sinabi mo, waaaa!" tili ko habang nakatakip parin ng mga kamay ko ang
buong mukha ko.

"Tss, tigas kasi ng ulo mo. Sabi kong tumigil ka tumakbo.."

"Eh sa nakakabwiset ka kasi! Nakakainis ka naman! Arghh! Dahil sayo napahiya


akooo!"

"Ako pa? Buti nga nagkusa ako na ipang-cover yung tshirt ko diyan sa shorts mo na
may stain.."

Nilagyan ko ng kaunting awang yung mga daliri ko at sinilip siya..

O.O

Ohmygosh!

Nakaakbay pala siya sa beywang ko. TOPLESS PA! Kaya ako, dikit na dikit sa katawan
niyang---

Okay, ako na ang nahihiya na naiilang pa.

"Bakit ka ba nakalapit sakin ng ganiyan." Naiilang na tanong ko. Lumayo ako ng


bahagya dahil..ang awkward para sakin.

"Wag ka ngang pasaway, Astrid." hinila nito ang beywang ko na hawak niya palapit
sakanya.. Waaa! Ano ba naman!

"Ayoko nga.." lumayo ulit ako. May mga tao parin kasi sa hallway na dinadaanan
namin. Baka sabihin may relasyon kami nito, gerahin pa ako..

"Isa, Astrid!" pagbabanta nito. Lumalayo ulit ako..kasi naman!

"Fine! Bahala ka.." bumitaw na ito sa beywang ko..

Kasabay ng pagbitaw nito ay ang paglaglag ng tshirt na tumatakip sa white shorts


ko.

"Waaa, Trey baliw ka talaga!!" sigaw ko at mabilis na pinulot ang tshirt niya sa
sahig.
Kita ko nga yung stain. Ang laki! Letse talaga! May mga nakakita pa. Patayin niyo
nalang ang magandang ako, guys!

"What?! Sabi mo lumayo ako."

"Letse!"

Nakarating kami ng sabay rito sa dorm niya. At ang bruha naabutan namin na nagm-
make-up. Lisptick lipstick.

Landi talaga!

***

"Pakilinis na rin yung gilid nung table 'dun. Madumi na rin yata kasi yun, diba
Trey?"

"Yea. Ikaw na rin yung magluto, nagugutom na ako.." Trey

"Ay naku, gusto mo ako nalang? Masarap ako magluto." Lalaine

"No..Let Astrid cook for us."

Napairap na talaga ako sakanya.

Grabe! Gawin daw ba akong instant yaya nila?!

Umaga na ngayon, mamayang hapon na ang start ng training namin..excited sana


ako sa araw na 'to eh. Kaso..Urgh! Kainis!

Punishment ko daw 'to, dahil dun daw sa kahapon.

Punishment agad?! Binato ko lang naman siya ng libro kahapon! Pero hindi talaga
ako naniniwala na punishment 'to. Pakiramdam ko pinaglololoko lang ako nitong
lalaking 'to eh!

Halos ipalinis na niya yung lahat ng sulok ng dorm niya! Tapos mahuhuli ko pang
ngingiti-ngiti na nanonood sakin habang ako nagpupunas na ng pawis sa noo dahil sa
dami ng pinagagawa nila!

Itong bruha naman ngingisi-ngisi rin. Nakikienjoy kay Trey. Magsama sila! Hindi
na ako nagreklamo, wala rin naman ako gagawin ngayong umaga. Tsaka marumi na rin
ang buong malaking dorm ni Trey, dagdag pa kasi 'tong bruha na hindi marunong
maglinis kahit punas man lang..

Matapos ang dalawang-oras na paglilinis at pag-uutos nila, natapos ko rin. Yung


sahig, vases, paintings, lamesa at iba pa napunasan ko na, nakapagwalis na ako pati
sa mga kwarto, naghugas ng plato. Yung banyo naayos at linis na. Kulang na nga lang
pati hallway sa labas iutos nila na linisin ko.

"Pwede na kayo lumamon." sabi ko nang mapadaan ako sa sofa na kinauupuan nila.
Lumingon si Lalaine sakin tapos umirap..

"Nakatulog na si Trey kakahintay sa bagal mo." Lalaine


Huminto ako sa paglalakad papunta sana sa banyo. "O, akala ko mabait ka? Maldita
ka naman yata, dahil ba tulog si Trey, ilalabas mo na ang bruha side mo?"

"Maldita ba yun, Scarlett? Pinatitigil na nga kita dahil pagod kana sa


paglilinis. Kaso, ayaw mo naman papigil." biglang nagbago ang ekspresyon nito na
akala mo talagang inaaway ko. Nagtaka naman ako. Anong pinagsasabi nito?

"Bakit?" inaantok na tanong ni Trey nagising na pala ito.

"Ha? Ah kasi si Scarl--" Lalaine

"Ewan ko sainyo!" inis na sabi ko at dumiretso na sa banyo. Ang sama ng tabas ng


dila kapag kaming dalawa lang, tapos biglang babait sa 'di malaman na dahilan. May
sayad ata yung bruha na 'yon.

Naligo nalang ako. Nagrelax, pawis na pawis talaga ako..

Nang matapos akong maligo, nagbihis na ako nagsuklay at lumabas ng banyo.

Pumunta lang ako ng kusina at naabutan silang kumakain sa lamesa.

"Ang pangit naman ng lasa nito, Astrid.." Napangisi ako.

"Oo nga, ano ba naman 'tong niluto mo!" Lalaine

Nakangisi parin ako at dinaan lang sila. Dumiretso ako ng fridge at kumuha ng
milk.

"Sabi niyo magluto ako. Hindi naman kayo nagtanong kung marunong ba akong
magluto.."

**

Dumiretso ako ng cafeteria, nag-order at kumain.. Iniwan ko na yung mga


nakakainis na tao dun sa dorm.

Halos bilang lang ang mga kasabay ko rito sa cafeteria..Lahat kasi rito pang-
umaga talaga ang class, walang afternoon class.

Kami kasi ni Trey excuse muna. Hangga't hindi ko pa nakakayanan gamitin ang
gems ko. Priority daw muna namin to kaysa sa studies sabi ni Mr. Cavin. Si Lalaine
naman hindi ko alam kung bakit kasama namin kanina, umabsent siguro.

"Ano ba, tigilan mo nga ako!" Si Ace. Umabsent siguro 'to. Pumasok ito ng
cafeteria pero halatang inis na inis. Kasabay nito ang nakapulupot na babae.

Natawa naman ako. Naalala ko si Gigi. Clingy bitch.


"Sabay na tayo kumain nga! Sige na kasi, Ace!" girl

"Pwede ba?! Argh!" Ace

Napapangiti talaga ako dito na parang baliw. Ang puti, sexy, maganda at
masyadong nang-aakit yung galaw nitong girl pero parang wala lang kay Ace.
Siyempre, may Maxinne na kaya 'yan!

**

"Kumain ka ba kanina?" Trey

"Namumutla ka, pahinga muna tayo?"

"Pagod ka na ba?"

No response parin ako..

Pagkatapos nila akong pagtripan at gawing yaya. Ano feeling niya, okay lang 'yon
sakin?!

Aba! Ang bait ko naman kung ganoon!

Naglalakad na kasi kami ngayon papunta sa place na sinabi ni Mr. Cavin na


paggaganapan ng training.

Isa raw 'yong tabing dagat. May resthouse. Isa 'yun sa mga pinagttrainingan ng
mga nagdaang Crystal Moons bago ako..

Sa ngayon, naglalakad kami rito sa gubat. Gubat na sakop ng Gem Mountain. Hindi
kami sumakay ng unicorns o kahit anong pwedeng sakyan dahil mainit daw yun sa mga
mata ng mababangis na hayop rito sa Gem mountain.

At sa totoo lang, sobrang sakit na ng paa ko. Ang daming bato. Nakadoll shoes
kasi ako. Shorts at black sleeveless blouse, nagsuot rin ako ng black blazer. Yung
bag ko naman puro damit at personal hygiene ang nasa loob.

"Bakit ba ayaw mo magsalita?" confused na tanong nito..blanko lang ang


expression ko na nakatingin sa dinadaanan namin.

"Yung tungkol kanina. Hindi ko naman sinabing linisin mo lahat, nakatulog lang
talaga a--" Trey

"Malayo pa ba?" pagputol ko dito.

"Astrid naman..sorry na."

"Tinatanong kita, malayo pa ba?" ulit ko.

"Medyo." sagot nito. "Sige na, Astrid, pansinin mo na ako. Sorry na.."
Hindi ko parin ito kinibo. Tuloy lang ako sa paglakad sa malubak na lupa na 'to.
Bigla itong huminto sa paglakad..

"Astrid.."

Nanlaki ang mga mata ko at hindi pinansin yung lalaking sorry ng sorry sa gilid
ko. Wala na kasing ibang madadaanan bukod dito sa ilog na 'to..

Ang bilis pa ng agos, parang kaya ako tangayin nito..

"Ahhh! Ano ba ginagawa mo!" tili ko nang bigla akong hilahin nito paakyat sa
isang puting bagay na sa tingin ko hugis at pormang ulap.

Sumampa kami roon at agad 'yon lumutang. Tumawid kami ng ilog..

"Pwede mo naman pala 'to gawin, ang sakit na tuloy ng mga paa ko kalalakad!" daing
ko rito..

Nagkamot ito ng batok at yumuko. May binulong pa nga ito pero hindi ko na
pinansin at kumapit nalang sa braso niya. Pataas kasi ng pataas yung sinasakyan
namin na ulap.

Trey's POV

"Pwede mo naman pala 'to gawin, ang sakit na tuloy ng mga paa ko kalalakad!"
masungit na saad nito.

Napakamot naman ako ng batok..",Ang bilis kaya kapag nakasakay ng ganito."


bulong ko. Mas mahabang time kapag naglalakad eh. Badtrip yung ilog -___-

Kumapit siya sa braso ko..

Isa rin kasi sa kapangyarihan ko ay ang ulap. Sub gem ng Lightning and Thunder gem
ko.

**

Nakarating na kami sa resthouse. Dalawang bahay na malaki lang ang nandito.


Tapos dagat na malinaw na puti. May simbolo na malaki ang nakaukit sa sahig ng
lugar, walang buhangin o lupa. Semento pero may napakalaking simbolo ang nakaukit,
kung tititigan mo pa ang bawat sulok niyon marami pang maliliit na simbolo..

"Weird symbols.." sambit ko. Pagkababa kasi namin dito, nagsimula na tumingin
at mamangha si Astrid sa mga symbols..

to be continue..
**
AN: NAGHEADSET LANG AKO AT NAKINIG NG WOLF- EXO GINANAHAN NA AKO MAG-UPDATE, WOW
NAMAN ANG EXO HAHA

Scarlett/Astrid's POV

Napanganga talaga ako pagkalapag namin dito sa place. May bilog na Black ang color
ng line malaki siya, may mga linya sa gitna ng sobrang laking bilog na nakaconnect
sa bawat linya rin sa iba pang sides. Iba-iba ang colors ng mga linya. May Blue,
White, Red, Green, Brown and Yellow. Parang lines na buhol-buhol sa gitna ng
malaking bilog.

May mga maliliit na butas sa paligid ng malaking bilog na symbol. Hindi mabilang
ang mga maliliit na bilog, satingin ko, nasa bilang 'yon ng 25, hindi ko sigurado..

Kinapa ko pa ang bawat drawings at symbols, mga malalabo naman at hindi


maintindihan. Basta may mga tao eh. May mga letra din. Pero rumbled letters.

Katulad nito, "R.L.N.F.S.T. M.T.G.H.F.M.S.R" lumakad pa ako sa kanan, mayroon din


letters. "O.E.I.E.O.E.O" Nagtaka ako..anong ibig sabihin ng mga ito? Daming O.

"Astrid, pasok na tayo." aya sakin ni Trey..

Hindi ako sumagot at binalik ang blanko na expression ko. Ewan ko ba,
nababadtrip ako sakanila ni Lalaine. Pakiramdam ko partners pa sila kanina sa
pantritrip sakin na utusan ako!
Tapos tatawa-tawa pa!

Dala lang siguro 'to ng menstruation ko. Pero nabibwiset talaga ako!!

Pagkapasok ko sa loob ng resthouse, napatulala nalang ako sa ganda at lawak


nito. Yung pinto, gawa sa glass, pati windows. Hanggang second floor lang ito.
Pagkapasok mo, yung sala ang una mong makikita, malawak sobra, tapos yung dalawang
staircase. BASTA, ANG GANDA TALAGA!

"Uhmm..yung kwarto mo, nandun sa taas, yung white door na may red knob.."

Hindi ako kumibo at inismiran lang siya. Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad
paitaas sa hagdan. Grabe, pati hagdan, bongga!

**

"Relax first..and.." Trey..Nakaupo kami rito sa sahig, gilid ng dagat. Wala


naman kasing sand kaya hindi ko masabi na nakaupo kami rito sa buhangin -__-

Ano ba kasing klaseng lugar to? Sabihin na natin na beach pero the heck! Walang
sand :( can't make sandcastles. Joke. Ang arte ko ngayon. Serious mode:on

Gabi na kasi at madilim na. Pero kahit ganon, ang laki at ang liwanag ng
buwan. Ang lamig pa. Nakakarelax nga..naka-indian sit kami ni Trey rito.
"..and?" tanong ko rito..

"Relax..meditate..and, pansinin mo na ako.." kamot-ulo na sabi nito..

Tinaasan ko ito ng isang kilay, "Yung huling sinabi mo, hindi 'yon kasama."

"Astrid naman..'wag kana magalit. Nag-enjoy lang kami ni La--"

"Yun nga! Pinagtripan niyo ako! Nakakatuwa ba na pagmukhain ako'ng yaya?!


Bwisit!" galit na sigaw ko rito..

"Sorry na..Astrid. Kung gusto mo, gawin mo akong utusan dito para quits tayo.."

Bigla naman akong napangiti. Pero agad ko rin binawi ang ngiting 'yon.
Payback time, eh?

"Really? Are you really willing to be my..SLAVE?"

"O-oy..Teka..linis linis lang. Bakit slave na 'yan..linis lang naman pinagawa


namin sayo.."

"Ah so kumokontra ka? E'di 'wag. Hmp!"


''Makakakontra ba ako sa mahal ko?''

''Hoy! Anong binubulong-bulong mo diyan! Kung ayaw mo, 'di wag!''sigaw ko

''Oo na. Oo na! Sige, hangga't nandito tayo, slave mo 'ko. Pero siyempre kapag
training na, ako ang masusunod!''

''Deal..'' nakangiting sambit ko. Sobrang napagod kaya ako sa kalilinis,


katatayo, kababalik-balik sa mga kwarto, salas, kitchen at banyo. Dapat siya rin
mahirapan, walanghiya siya! Dapat mag-enjoy rin ako sa pantritrip sakaniya!

''Hoy, hindi ko gusto yang ngiting 'yan ah! Nakakatakot na, Astrid..'' napansin
ko na napangiti na pala ako sa kaiisip ng mga pagpapahirap na gagawin ko sakaniya.
Agad ko itong inirapan at pumikit na.

Relax and meditate.

bumuntong-hininga ito ng maingay..''Relax, pakiramdaman mo ang bawat tunog.


Pati maliliit na huni, pakinggan mo. Iwaksi mo ang bawat problema at lungkot sa
isip mo. Lahat ng bumabagabag sa isip mo, iisang-tabi mo muna. Palayain mo ang isip
mo sa lahat ng bagay, tanging hampas ng alon lang ang dapat na damhin mo.''

Napa-kunot-noo naman ako. Makata na ba siya ngayon? Aba matin--

''Astrid, sabi ko 'wag ka muna mag-isip ng iba. Bakit nakakunot yang noo mo.
Just relax, Astrid.''
Lumunok ako at sinunod siya. Pagkatapos ng ilang minuto, tanging alon lang
talaga ang maririnig, yung hangin na maingay rin pero nakakarelax, yung mga
maliliit na tunog na parang nag-uusap-usap sa mga sulok..

Ang sarap sa pakiramdam. Parang walang kaproble-problema...pakiramdam ko


lumulutang ako. Ang lamig..

**

I opened my eyes and yawned.

Nagtataka na tinignan ko ang paligid. Hmm, nasa loob na ako ng kwarto ko.
Nakahiga at nakakumot..teka, nagt-training pa kami kagabi ah!

Nakatulog siguro ako. Napangiti ako sa pakiramdam ko ngayong umaga, ang gaan.
Feeling ko dahil 'to 'dun sa kagabi. Grabe, ano ba 'yun, magic ba 'yon? Sinunod ko
lang naman si Trey, nagrelax ako at parang may magic nga na nagpapagaan ng
pakiramdam ko.

Parte 'rin talaga siguro ng training 'yon. Magrelax muna bago siguro sa tunay
na maduguang training..I think.

Maliwanag na pagkatingin ko sa malaking bintana, ang lamig talaga kapag nasa


tabing dagat..

Nag-ayos na ako ng sarili, naligo, nagbihis at bumaba na sa kusina..


Naabutan ko si Trey na nagluluto,

Lumawak ang ngiti ko, I almost forgot, starting this day he will be my SLAVE.

Maingay na inurong ko ang upuan at umupo sa harapan ng mesa. Tumikhim ako at


nangalumbaba sa lamesa.. ''Matagal pa ba 'yan?'' kunyaring masungit na tanong ko..

''Ito? Yung Pasta mo? Ah, malapit na. Teka..''

Nangningning ang mga mata ko. Favorite ko 'yun ah! Wow, ang saya talaga ng araw
na 'to!

''Talaga? Pasta 'yan niluluto mo? Wow!'' tumayo na talaga ako at kumuha ng
plato.

''Ako na..''

''Ako nalang--Ah,no! Slave, ikaw na maghanda niyan!'' binatukan ko ang sarili ko


sa isip-isip ko. Kunyari nga masungit, galit at mataray pa rin ako diba? Ano 'to,
pasta lang bumibigay na ako!
Parang narinig ko pa itong natawa ng mahina pero hindi ko na pinansin dahil
focused na ako sa pasta na hinahain niya. I so love this food. Hinding-hindi ko 'to
ipagpapalit kahit buhay mo pa! Oo, ikaw.

Matapos ang breakfast namin, dapat ay magt-training na kami nang ipalinis ko


kay Trey ang kwarto ko..

''ASTRID, MAY PARTY BA DITO KAGABI?!'' Sinilip ko sa hagdan ang lalaking


sumisigaw sa inis kanina pa. Hahaha! Pilit kong pinipigilan ang tawa ko habang
nanonood rito na naiinis na nagdadampot ng mga damit sa sahig, mga kalat na gamit
ko, yung mga paintings nilaglag ko, yung kurtina sa bintana kinalas ko at tinapon
lang sa kung saan, yung banyo ginulo ko lahaaaat!

'Wag na kayo magtanong, dahil sinadya ko 'yon! *smirked*

Grabe, mapapa form sa ''O'' ang mga bibig niyo kung makikita niyo ang makalat na
kwarto ko. Habang siya naman, pawis na dahil ang dami talagang kalat,

''Sinadya mo 'to, yes?'' Trey

''Maybe yes? Maybe no? I can't remember.'' I flashed my playful smile.

Nakatayo lang ako rito sa pintuan habang siya nagtutupi ng kumot. Tapos na ang
mga damit at mga kalat. Mabilis ha!

''Unbelievable.'' pailing-iling na bulong nito.


''Buti nga, yan lang eh. Hindi katulad nung dorm mo na puro alikabok sa sulok-
sulok!''

''Eh ito, marami. Ayun, nagpunas ka lang--''

''Sinabi ko ba'ng magdaldal ka? Ayusin mo na 'yan, oorasan kita ng 40minutes.


Kapag hindi mo na--''

''Teka lang! Bakit may oras?! Inorasan ba kita kahapon!'' reklamo nito. Talagang
kunot-noo na siya. Pikon na!

''Hindi. Ano magagawa mo, gusto kita orasan eh.'' sabi ko habang tinitignan ang
mga kuko ko.

Inis na ginulo nito ang kaniyang basang buhok dahil sa pawis..maya-maya


napasinghap ako nang bigla itong maghubad...ng shirt.

Agad na tumalikod ako. ''Bastos!'' bubuksan ko na sana ang nakasarang pinto para
lumabas dahil..err, yung abs niya nakakadistract ng sistema!

Nagulat ako nang biglang may mainit na dumampi sa likuran ko. Yung dalawang
kamay nito tumukod sa pinto, kaya ang nangyari, nacorner niya ako dito sa pinto.
''Waaa! RAPE!'' sigaw ko nang humarap ako, sobrang lapit niya. Ang puti pa naman
ng katawan niya, yung abs..err, 8pack abs!

Hindi ito kumibo sa sinigaw ko, nang dumilat ako, halos isang maling galaw,
dadampi talaga ang labi ko sa labi niya. Ngumiti ito ng dahan-dahan, nagsisimula na
ako mailang. Ano ba naman!

''Saan ka pupunta, master? Ayaw mo ba panoorin ang slave mo na mag-ayos ng


kwarto mo?'' mahina niyang sabi pero ang lambing.

''L-lumayo ka nga! N-naduduling na a-ako sa lapit n-natin! Trey!'' sigaw ko.

Nagsimula na ako kabahan dahil, ang lapit lapit na nga niya, lalo pa siyang
lumalapit ng unti-unti! Ano 'to hahalikan niya ba ako?!

Ohmygie! Kumabog ng sobra ang dibdib ko. Nanlamig na ako, naiilang na ako!
Papatayin ko si Trey kapag nakawala ako dito!

''Trey, hindi na n-nakakatuwa y-yan..''

Lumapit pa ito saakin hanggang sa sobrang kaba ko pumikit nalang ako. Naramdaman
ko nalang na dumampi ang malambot nitong labi sa aking noo..
Napadilat ako nang maramdaman ko na wala na ang pagkakadikit ng balat niya
sa'ken at dahil rin sa malakas niyang tawa. -___- plus the flash of a...camera?

Natulala pa'rin ako..may hawak itong dslr camera at nagpipigil na tawang


tinignan ang camera.

Nang makabawi ako sa nangyari, kumuha ako ng unan at pinaghahampas ito,


''Bwisit ka talaga! Pinagtritripan mo na naman ako!''

''Pfft..bakit ba, ang cute mo nga dito--Pfft. Hahahahha!'' tumawa na ito ng


tumawa at parang gusto ko talaga siyang sakalin dahil pakiramdam ko nabwibwiset ako
sa tawa niya..

Inagaw ko ang camera, at andun nga ang picture ko. Naka-pikit, nakangiwi ang
bibig na parang kinakabahan at nakakain ng vinegar. Yung noo ko nakakunot, at
namumutla rin ako.

Tinignan ko ng masama ang lalaking tawa parin ng tawa na akala mo wala nang
bukas, nakahiga ito sa kama at hawak-hawak ang tiyan. Walanghiya, talagang handa sa
camera! Nilapitan ko ito at nilundagan dahil tutal naman nakahiga ito sa kama,
lumanding ako sa dibdib at tiyan niya kaya napa-'aray' siya.

''Astrid! Sakit 'nun, kakakain ko lang!'' reklamo nito, napatingin ito sa'ken
saglit at tumawa na naman ng malakas..

Letse talaga! Sa inis ko, sinakal ko na talaga ito. Yung tunay -__-
***

AN: ang lame ng chapter na ito. Tinatamad kasi ako. Napilitan lang ako mag-update
dahil...secret na 'yon. Bawal sabihin maraming...err..secret na nga lang..

Oo nga pala! Guys, may facebook account na si Ice at Scarlett. Pinilit kasi ako
nitong mga readers ko na kung pwede daw ba silang gumawa at maging OP. Edi pumayag
nalang ako.

Add niyo si Khionne Icee Marzon at Scarlett Astrid SunDust :)

Kung sino gusto pa diyan na maging OP, sabihin niyo lang..katuwaan lang naman :))

Ps. Ano ang sa tingin niyo pwedeng mangyari sa next?

-SilveryLuna

Scarlett/Astrid's POV

"Matagal pa ba 'yan!!!" sigaw ko mula rito sa sofa ng kwarto niya..Nababagot na


ako kakahintay.."Hoy!! Trey!!" inis na sigaw ko..

"Sandali nga! Pakain ko sayo 'tong dumi ko eh! Ano, Astrid, gusto mo?" sigaw rin
nito sabay halakhak ng tawa.

Poker face na pinulot ko yung tsinelas ko at binato sa pinto ng banyo..

"Letse ka! Baboy!" sigaw ko. Kadiri 'tong lalaking 'to!

"Kasalanan mo naman 'to-- Urgh! Ang sakit ng tiyan ko!! Fck!!" Trey

Agad na napatayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa pinto ng banyo. "Trey? Ayos


ka lang ba diyan?"

"Lundagan ko 'yung tiyan mo tapos kapag sumakit tanungin kita kung 'Astrid,
okay ka lang ba diyan?'" Sarcastic na sagot nito, ginaya pa yung boses ko..
"Malamang hindi!--Urgh, fvck!!"
"ihh. Ikaw naman may kasalanan. Kung hindi mo 'ko pinagtripan.."

Kanina kasi hindi siya nakatayo dahil dinaganan ko siya ng sobra. Sinakal ko
pa. Haha, nakakabwisit kasi. Malay ko ba na ang dami pala niyang kinain..

Nagulat ako nang bumukas ang pinto ng banyo at hilahin ako ng naka-topless na
demigod, OMG! The abs!

"Ahh!" napatili ako at napatigil sa pag-isip ng abs nang hilahin ako nito at
ipasok sa loob ng c.r, "Waaa! Rape--Waaaa baho!!! TREY, ANG BAHO BUKSAN MO NGA YANG
PINTO! PALABASIN MO 'KO!!" Pinaghahampas ko ito at pinagkukurot. Hindi rin ako
humihinga dahil ang baho talaga! I'm gonna puke, baho!

"Hahahaha! Parusa mo 'yan, sobrang sakit ng tiyan ko dahil sayo. Hahahaha, hoy
Astrid, huminga ka! Hahaha!"

"Hmmpp!" Takip-takip ng mga kamay ko ang ilong ko. Nakapulupot kasi yung braso
niya sa leeg ko at pilit na inaalis yung kamay ko sa ilong ko habang tumatawa ng
wagas..

"Trey, ayoko pa mamatay! Waaa, ang baho!!" sigaw ko. "Trey naman eh! Ayoko na!"

Bigla nitong binuksan ang pinto at tumakbo palayo habang tumatawa.

Maiyak-iyak na lumabas ako ng c.r..bwisit talaga 'tong lalaking 'to!

Habang tumatagal lalong nagiging bwisit sa buhay ko! Ugh!

Padabog na lumabas ako ng kwarto niya habang siya ayun, tawa parin ng tawa.
Kainis!

Nagkulong ako ng kwarto. Pero may bigla akong naisip. Muwahaha!


"Hello? Anybody home?" sigeeee, biro pa more!

Halos mapalundag ako sa saya nang marinig na siya..Yes!

Tumikhim ako at pilit pinigilan ang ngiti ko.."PASOK!"

Narinig ko'ng tumunog ang doorknob, naexcite ako. Muwaha!

Medyo bukas naman kasi yung pinto, may kaunting awang lang..

Tumayo ako sa harap ng pinto pero medyo malayo. Basta may magandang view >:D

"Astr--fvck!!"

*click* *click*

"HAHAHAHA!" kinuhanan ko ito ng maraming litrato. Akala mo ako lang may picture
ha!

"ASTRID!!" galit na sigaw niya. Haha! "ANG HIRAP MAGLABA!!"

Lalo akong natawa..Gantihan lang!

Pagkabukas kasi niya ng pinto sabay na natapon yung timba na may maraming
toyo/soy sauce. Nakita ko lang sa kitchen. Sayang nga eh, pero madami pa naman
'dun..

Nakastandby lang tung timba sa taas ng pinto, kapag ginalaw yung pinto siyempre
tatapon 'yon. Hahahaha!

"Gwapo o! HAHAHA!" turo ko sa mga pictures niya..

Sa katatawa at katitingin ko sa camera, hindi ko napansin na nakalapit na pala


ito at nayakap na ako..

"TREY! ARGH!" dumikit nq yung toyo sa damit ko..Tumawa ito kaya natawa na rin
ako. Parehas na tuloy kami..hinablot nito ang camera at nagpicture kami..

**

Gabi na nang mag-umpisa kami ng training..Hinihila ko kasi ito para magtraining


na kaninang hapon, kaso sakit daw ng tiyan niya..

-____-

"Hindi ko nga kaya! Letse naman 'to!"

"Ang dali--"

"E'di ikaw gumawa!"

-____- diba?

"Astrid, bawat oras at araw mahalaga. Hindi natin alam kung ilang araw ang
aabutin bago mo makontrol ang Crystal Moon's gem..seryoso na." napalunok ako.
Seryoso nga siya.

"Fine! Pero hindi ko talaga magawa." daing ko.

"Try again.." Trey

Nag-umpisa na kasi kaming magtraining dito sa labas. Yung first step daw pala
ng training ay yung pinagawa niya kagabi. Normal raw talaga na makatulog ako..yun
nga lang daw ang bigat ko raw buhatin, nagcomment pa eh 'no, epal talaga.

Nandito kasi kami sa gitna ng malaking bilog na symbol. Nakaupo na naman.

Ang sabi kasi niya kailangan ko lang gisingin ang tulog na bagay sa loob
ko..WTF! Ano, yung mga bulate ko ba? -___-

"Pumikit ka lang. Tawagin at gisingin mo yung Crystal Moon's gem. Just like
last night, focus and concentrate. Sundan mo lang 'yung ginawa mo kagabi..pero this
time, tawagin mo siya sa isip mo.."

"Ano ba'ng pangalan niya. Paano ko tatawagin kung--"

"Astrid, seryosong bagay 'to.."

"Ha..ah..oo..sabi ko nga, seryoso na'ko." katakot si Trey. Ang cold at serious


niya..Hindi na ako nagsalita at pumikit na..

Dinama ko ang hangin na tumatama at nagpapalipad sa aking mga buhok..

Ilang minuto at parang nasasanay na ako sa aking ginagawa. 'Yun parin naman.
Narerelax ako, magaan ang pakiramdam..

'tinatawag ko ang kung sino man na responsable sa pagtulong sa'ken sa Crystal


Moon's gem. Tinatawag ko ang natutulog sa aking kaloob-looban. Ginigising kita.
Tinatawag at ginigising kita..' nakaramdam ako ng panginginig. Pero binaliwala ko
lamang 'yon..

After 10minutes.

-____- Ano 'to joke?

I frowned. Wala naman akong ibang nararamdaman bukod sa panginginig. Sa inis


ko, dumilat na ako at nagcross-arms.

Kita ko ang expression ng lalake na katapat ko'ng naka-indian sit. Mukha itong
namamangha..

"Wala naman nangyari! Niloloko mo ba talag--"

"Success. You made it. Tandaan mo, kaya natin ginigising ang Crystal Moon gem
ay dahil hihingi ka ng basbas upang tuluyan na nga iyon magamit..Tanungin mo kung
ano ang gem na nakatago sa loob mo.." Trey

"What?! E wala nga'ng nangyari.."

"Meron.." tumayo na ito at lalakad na paalis..

"O, ano 'yun?" bulong ko. Ano 'yun iiwan nalang ako rito sa dilim. "Yun na ba
'yon? Training ba 'yon!! Hoy, Trey!!" sigaw ko.

"Second step. Bukas na ang next..kailangan mo na matulog!" sigaw niya at umupo


sa katawan ng puno na putol..

"Anong training 'yon?! Niloloko mo ata ako eh!"

"Tsk. Bahala ka..basta! Itanong mo ang mga katanungan mo sa gem. Hindi mo na


siya matatawag at makakausap sa susunod.." Trey. "Sige na, tulog na!" tinulak-tulak
na ako nito palayo..

"Ikaw? Diyan ka lang? Hindi ka pa matutulog? Gabi na.."

Ngumisi ito.."Wag mo na ako alalahanin, asawa ko."


"Ayan na naman 'to!" inirapan ko ito at tumakbo na sa resthouse..

**

'Scarlett..'

'Scarlett..'

"Ang lamig.." pilit ko'ng kinakapa ang kumot pero wala akong makapa. Parang
hangin lang..parang lumulutang ako? Tss, iniimagine ko na naman!

'Crystal Moon..'

Idinilat ko ang mga mata ko at agad na nasilaw sa isang ilaw na nakatapat sa


harapan ko.. Tumayo agad ako at.."Waaa!" Wala kasi akong natapakan na
sahig..LUMULUTANG NGA AKO!

"N-nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko..Tinignan ko ang paligid, nasa labas


ako?

Nakita ko ang ibaba ko. Yung mga symbols..Nandito ako sa mismong gitna ng
bilog na symbol at lumulutang..yung ibang linya at drawing nagliliwanag pero
namamatay-matay..

Naguguluhan na tinignan ko ang ilaw sa harapan ko. Unti-unti ko na itong


naaaninag at nakikita.

Tao, babae. May mahaba na buhok at may kulot ito sa bandang ibaba..nakasuot
ng puting mahabang kasuotan may pagka-gold ang disenyo ng mga sulok. At may korona
na puti at may itim na bato sa gitna..

"S-sino ka?"tanong ko rito..

Ngumiti ito saakin. Napakaganda niya..'Scarlett Astrid SunDust. Ang kasalukuyan


na tagapangalaga ng mundong ito..Sawakas, nagkaharap na 'rin tayo.." malambing na
boses na sabi nito..

"S-sino po ba kayo?"

"Ako...ako si Serentine. Masaya ako at ako'y ginising mo na.."

to be continue...

AN:

ADD ICE AND SCARLETT ON FACEBOOK.

Khionne Icee Marzon and Scarlett Astrid SunDust

SilveryLuna
Scarlett/Astrid's POV

"Serentine?" teka..nagpasalamat siya dahil ginising ko..siya?

Siya ba yung...

'Serentine..of Crystal Moon gem. Tinawag at ginising ako ng isang Crystal Moon
dahil gusto niya na ipangalaga ko ang gem sakaniya, tama ba?'

Yun nga ba? Teka, ano ba isasagot ko..Lumingon ako sa paligid, nasaan ba si
Trey? Madilim parin. Gabi.

Inalala ko ang mga sinabi ni Trey sa'kin nang magtraining kami kanina..nasabi
niya na..itanong ko ang mga bagay na may kinalaman sa gem ko diba? Ibig sabihin,
alam niya na mangyayari 'to?

Tinignan ko si Serentine sa aking harapan."T-tama po kayo..gusto ko po sana na


tulungan niyo ako makamtan ang pagkontrol sa gem na taglay ko.." kinakabahan na
sagot ko. Mataman niya lang akong tinititigan, seryoso na ito at pinakikinggan lang
ang bawat salita ko..

'Gusto mo na ipagkatiwala ko sayo ang taglay mo'ng gem? Sa iyong tingin,


nararapat ka ba para pangalagaan ang isa sa malalakas na gem?'

"Hindi ko po alam kung talagang nararapat ako..Ang alam ko lang po ay kailangan


ko ito dahil sa responsibilidad na nakapatong sa aking pagkatao. 'Yon ay ang
alagaan ang mundong ito.."

Tinitigan ako nito sa aking mga mata ng ilang segundo. Tila tumatagos ang
titig nito sa aking buong pagkatao..parang may hinahalungkat na emosyon sa'kin..

'Natatakot ka. Nag-aalinlangan. Hindi handa..Tinanggap mo pero sa kabilang


banda ay ayaw mo rin..ngayon sabihin mo, paano ko ipagkakatiwala ang isang
seryosong kapangyarihan sa Crystal Moon na nagdadalawang-isip pa lamang.'

Napayuko ako. Nag-aalinlangan pa ba ako? Siguro kung aaminin ko sa sarili ko


ay may takot pa'rin akong nararamdaman. Paano kung hindi ko magawa? Paano kung
mabigo ko ang mundong ito? Paano kung sisihin nila ako? 'Yan ang bumabagabag
sa'kin. Kaya sa tingin ko tama si Serentine. May kalahating parte sa'kin ay payag
samantalang ang isang parte ay...gusto umatras..

'Hindi ka karapat-dapat..'

Bumagsak ang mga balikat ko. Parang dissapointed rin ako. Hindi ko alam ang
dapat gawin at sabihin..paano na? Nirereject ba ako ng isang nangangalaga ng gem
ko?

"Pero..ako po ang Crystal Moon. Paano na ang mga..umaasa sa Crystal Moon ng


panahon na ito?" halos tunog-pagsusumamo ang tinig ko. Naiisip ko ang mga taong
nakakaalam na ako ang Crystal Moon, si Trey, si Mr. Cavin. Ang mga tao na
aalipustahin ng mga Dark-gem holders kung sakali na wala ako..Ayos kaya kung wala
akong gawin? Samantalang ako ang itinakda sa panahon'g ito na magligtas sakanila.
Ayos kaya kung itaboy ako ng gem ko at hindi ko ito tuluyan magamit?

'Oo, ikaw ang Crystal Moon..pero ano ang magagawa ko? May bakas pa ng pagsisisi
ang pagkatao mo tungkol rito..Ang mga nararapat lang ang tinatanggap..ang mga
nararapat na iyon ay ang mga matatapang, matibay, mautak at higit sa lahat buong
puso nila itong tatanggapin..'

"T-tinatanggap ko na po..tulungan niyo lang a--"

'Hindi sapat, Scarlett..' umiiling na sambit nito. 'Use your mind and heart.
Hindi kita tinatanggap, hindi ko ibibigay ang gem sayo..ngayon, bibigyan kita ng
pagkakataon pumili ng magiging takbo ng buhay mo..Bibigyan kita ng tyansa pumili..'
yun ang huli ko'ng narinig..bago mag-iba ang lugar kung nasaan ako.

Nakatayo na ako sa isang sahig, iniangat ko ang aking ulo para makita ang
paligid kung nasaan na ako..

Nagulat nalang ako nang nasa tapat ako ng StoneGem Academy. Pinalilibutan ng
maraming gem-holders. Lahat sila galit at pagkamuhi ako'ng tinitignan.

"Wala siyang kwenta!"

"Siya pa lamang abg Crystal Moon na walang nagawa para sa mga katulad natin!"

"Tama! Dapat sakaniya pinaaalis nalang rito!!"

Lahat sila nagsigawan na "umalis ka!"

Kita ko ang mga kaibigan kong Royal Colors.

"Regina! Maxinne!" tawag ko sa mga ito. Nag-iwas lang sila ng tingin at parang
nagkunyari na pinanonood labg ang mga katabi nila na sumisigaw lang sa'kin na
umalis.

Patuloy ko lang sila tinatawag pero tila hindi nila ako naririnig. Gusto ko
lumapit pero natatakot ako na baka saktan na ako ng mga taong nakapaligid sa'kin.

Sunod na namataan ko si Sandy at Dionne. Ibubuka ko pa lamang ang aking bibig para
kausapin sila pero agad na silang umatras. Hanggang sa hindi ko na sila makita
dahil sa mga tao na nakapaligid sa'kin at may mga kaniya-kaniyang masasakit na
sinasabi.

Pumikit ako ng mariin. Ano ba itong nangyayari?!

Pagdilat ko, sakto na nasa harap ko si..Trey.

"Trey, tulungan mo 'ko." mahinang sambit ko.

Blanko lang ang ekspresyon nito."Hindi mo kami nagawang tulungan.." punong-puno ng


sakit ang boses nito. Napasinghap ako nang biglang magpalit ang lugar na
kinatatayuan namin sa isang malawak na lugar, may maitim na kalangitan. Puno ang
lugar ng mga nakahigang tao na sugatan. Pero may mga ilan na nakikipaglaban. May
mga halimaw, dragon at iba pa. Kita ko ang mga kaeskwela ko sa Academy na gumagamit
ng gem panlaban sa mga nakaitim na tao, sa tingin ko ay dark-gem holders.

"Ito ang digmaan. Marami ang namatay dahil wala ka'ng nagawa.." Trey

Nasaktan ako sa mga salita niya. Sa boses niya na puno ng paninisi.

Bumagsak sa harapan ko ang mga kaibigan namin na puno ng sugat. Kaawa-awa ang mga
ito at naghihingalo na.

"Trey.." naluluhang tawag ko sakaniya..Wala akong maisip sabihin. Hindi ko alam


kung ano ang dapat kong gawin. Marami ang namatay dahil wala akong magawa?

umiling ito at tinignan ako na parang galit ito na makita ako. "Nagsisisi kami.
Nagsisisi ako na nakilala ka pa namin. Gayon na wala ka pala magagawa para sa
lahat..galit ako sayo, Scarlett." Pabulong na niyang naisabi ang huling pangungusap
niya. Parang nanghina ang mga tuhod ko. He used to call me Astrid before..

"Trey, sorry..patawarin mo ak--" tinangka ko siyang hawakan pero agad itong


umatras.

"...kinamumuhian kita."sambit nito at sinulyapan ang isang bangkay sa bandang


kaliwa namin.

Si Mr. Cavin, wala ng buhay.

Kasabay ng pagtalikod ni Trey ay ang pagbagsak ng aking tuhod sa lupa pati ng mga
nagbabadya kong mga luha na kanina pa gusto lumabas.
Pumikit ako ng mariin at hindi ko mapigilan na humagulgol. Bakit nung si Trey na,
ang sakit? Sobrang sakit.

Dumilat ako at bigla akong nasilaw sa maliwanag na ilaw.

Di nagtagal naadjust na rin ng paningin ko ang maliwanag na'yon.

Araw iyon. Maaliwalas na ang kanina ay madilim na kalangitan. Nandito ako sa park..

Sa park at nakatitig sa dalawang tao na masayang nagtatawanan sa bench.

"Mama.." lalo akong naiyak nang makita ko ang mukha nito. Nakaramdam na naman ako
ng pangungulila lalo na't ako at si mama ang pinanonood ko ngayon dito sa park.
Hindi ko na maintindihan..

Umiba muli ang lugar na kinalalagyan ko.

Isang eskwelahan na malaki. May mga masasayang magkakaklase ang nag-uusap. Nasa
gitna nila ay ang babaeng kamukha ko. Normal lang ang lahat sa paligid. Masaya at
mukhang walang problema at mabigat na responsibilidad ang nakahain sa'kin.

Napangiti ako, "Ganiyan siguro kung...hindi ako si Scarlett Astrid SunDust na isang
Crystal Moon." bulong ko.

Biglang dumilim ang paligid. Sobrang dilim. Walang liwanag kahit isa.

Naalerto ako at nataranta. Pero nagkaroon ng asul na maliit na liwanag sa'king


harapan,

"'Yon ang mga maaaring mangyari, Scarlett..Ngayon, kailangan mo na mamili...

...ang kamuhian at isumpa ng lahat, o ibalik kita sa normal na tao bilang mortal at
kalimutan ng lahat.." Serentine

Napapikit ako ng mariin. Ayoko na masaktan, hindi ko pa nakakamtan ang tunay na


kasiyahan sa buong buhay ko..
"Pipiliin ko nalang ang..."

to be continue...

COMMENTS AND VOTE

Ps. Epilogue na ba ang next? Joke hahaha. Palalayasin ko nalang si Astrid sa story,
tapos ako na bida. (^__^)

Mayu
SilveryLuna
Scarlett/Astrid's POV

Nang matapos ako sa pag-iisip. Tumingin ako sa babaeng nasa harap ko.

Madilim na madilim ang paligid at siya lang ang tanging liwanag.

Basta ko nalang rin naramdaman na parang buo na talaga ang desisyon ko.

Na parang tama na...piliin ko ang naisin ko. Kung saan ako sa tingin ko sasaya..

"Pipiliin ko nalang ang...pagiging responsable sa Crystal Moon." Tuloy-tuloy na


sambit ko. Nakatingin lang sa'kin si Serentine na parang may hinihintay pang salita
sa bibig ko. Kaya nagpatuloy ako, "Pinapipili mo ako sa dalawang sitwasyon, Ms.
Serentine. Una ay ang pinakita mong kaguluhan at pangalawa ay buhay kung saan ako
mukhang masaya at tahimik, kung saan buhay ang nanay ko?" unti-unti akong umiling.
"Nandito na ako. Dito sa panahon, oras at araw kung saan naghahanda para sa isang
malaking problema. Ayaw ko na tinatakbuhan ang problema ms. Serentine. Ayaw ko rin
na basta iwan ang mga aasa at umaasa na gem-holders..Naintindihan ko ang mga
pangyayari na pinakita mo po sa'kin. Ang digmaan kung saan sinisisi ako...ni Trey.
Sinisisi niya ako...dahil pinili kong hayaan na wala akong magawa. Dahil pinili ko
ang..pangalawang option mo na maging normal. Kaya sa tingin ko...tama lang na
harapin ko ang problema ng isang Crystal Moon."

Pumikit si Serentine at saktong pagdilat ng kaniyang mga mata ay ang paglitaw ng


mga naglalaban at nagkakagulo na tao sa paligid namin. Para akong invisible sa
digmaan na nagaganap, kitang-kita ang kamatayan ng mga mahalaga sakin na tao.
'Sigurado ka na tama ang pinipili mo? Baka magkamali ka at pagsisihan mo lang 'yan,
Scarlett. Dahil kapag sa huli ay nagsisi ka na yan ang napili mo, hindi na ako
lilitaw at pagbibigyan ka ng tyansa pumili muli..'

Lalong tinatagan ko ang loob ko. Wala nang pag-asa na makuha ko ang gem ko bilang
Crystal Moon, hindi ko na talaga matutulungan ang mundong ito...

'Ayaw mo ba makapiling ang iyong ina, Scarlett? Bubuhayin ko siya kung pipiliin mo
ang maging normal..'

Nanghina ang loob ko. Si mama, bubuhayin niya. Ayaw ko nga ba makapiling si mama?

Pumikit ako ng mariin. Siyempre, gusto ko makasama si mama. Gustong-gusto! Pero..

Tanggap ko na naman na wala na siya...nandito na ako sa kinatatayuan ko. Malayo na


rin ito at marami na rin akong nalaman. Marami nang nangyari at may mga gusto pa
akong alamin rito.

Pinalakas ko ang loob ko.


Nakapagdesisyon na ako!

"Kahit ano pang sabihin mo, hindi na magbabago ang isip ko. Buo na ang pasya ko!
Kung hindi mo na rin pala ipagkakaloob sa'kin ang gem, e'di h'wag! Gusto ko na
matulog kaya paalisin mo na ako rito!" matapang na sambit ko. Unti-unti ko na rin
natatanggap na hindi ko na siya mapipilit ibigay ang gem na para sana sa'kin.
Bahala na kung ano ang mangyari, basta sinisigurado ko lang sa sarili ko na hindi
na ako magsisisi na ito ang pinili ko.

Pumikit ako ng mariin at umaasa na susundin niya ang tinuran ko na paalisin na sa


madilim na lugar na ito at maglaho na siya. Ano pa ba kasi ang sense ng pakikipag-
usap sakaniya kung hindi niya rin sa'kin ibibigay ang gem ko bilang isang Crystal
Moon?

Ilang minuto ng pagpikit. Napamulat nalang ako nang marinig ko ang boses ni
Serentine na bahagyang natawa.

Pagkadilat ko ay saka siya pumalakpak ng tatlong beses.

Wala na kami sa madilim na lugar. Malabo ang lugar at hindi ko mapagtanto kung
nasaan ako.
Ang alam ko lang ay...nakatapak ako sa gitna ng mga simbolo sa sahig. Yung mga
linya at drawings, nagliliwanag pero namamatay-matay. May..parang mga nakatayo sa
palibot ng bilog. Parang mga tao na nakapaligid sakin at nakapabilog sa'kin dito sa
gitna.

Masyado silang marami at parang kung bibilangin ay aabot ng 40, hindi ko sigurado.

Hindi ko makita kung ano yung kasuotan at hitsura nila dahil talagang malabo.

Kaya tumingin ako kay Serentine na nakatayo sa harapan ko. Sa mismong harapan ko.
Nakangiti ito na parang anghel.,

"Nakapagpasya na kami, Scarlett." kumunot ang noo ko. Ano bang nangyayari?! Akala
ko ba..

"Masyado kang matalino.." tinig ng isang lalaki na may malaking boses.

"Parang kanina lamang ay nag-aalinlangan pa siya, diba?" tinig ng isang babae na


mukhang dalaga.

"Tama ka, Lazesfine." tinig naman ng isang seryosong babae.

"Samantalang ngayon ay mabilis niyang nalinis ang puso niya. Mabubuksan niya ang
Gem Dimension, nasisiguro ko 'yun." Serentine.

"Te..teka..Ano ba ang ibig sabihin nito? Akala ko ba...Ano ba ang sinasabi niyo?"
naguguluhan na tanong ko.

Pilit ko rin inaaninag ang mga taong nakapabilog ng malaki sa'kin, pero malabo
talaga. Gusto ko rin sana lumapit sakanila, pero hindi naman ako makagalaw rito sa
gitna ng mga simbolo.

Ngumiti si Serentine sa'kin habang unti-unting umaatras..

Nang maapakan na nito ang bilog na guhit na sakto lang sa mga paa niya ay nag-ilaw
ang linyang bilog. May anim na linya ang nag-ilaw ng matingkad. Anim lang pero
marami pang linya ang hindi nag-ilaw.

Kasabay ng pag-ilaw ng mga iyon ay ang pagkaramdam ko ng kakaibang pwersa na


pumapasok sa katawan ko. Parang lakas at kapangyarihan.
Ramdam ko ang paglutang ko. At ang pag-ilaw ng mga kamay ko..

Nag-aalala kong tinignan ang paligid. Nasaan ba si Trey..nag-uumpisa na akong


matakot.

Nakalutang ako sa ere at patuloy na nagliliwanag ang mga kamay ko. Hanggang sa
narinig ko nalang ang mga sunod-sunod na ingay sa ibaba.

Yumuko ako at sinilip ang mga simbolo na nakaukit sa sahig. Yung anim na linya
nagdurugtong kahit malalayo ang pwesto nila sa isa't-isa. Yung mga drawing
nagpopormang weird. Parang naggagalawan pa, may mga parang sinaunang sulat pa ang
nabubuo. Pero ang pinaka nakaagaw pansin sa'kin ay ang gitna..

Ang pinakagitna na nagdulot ng sobrang liwanag..maliwanag na maliwanag!

"Idilat mo ang mg mata mo. Buksan mo ang mga palad mo. Talasan mo ang iyong
pandinig. At..tatandaan mo, h'wag kang magpapabulag sa galit at poot. Maawa ka sa
mga taong nagsasakripisyo para sayo. Ipakita mo samin na hindi dapat kami magsisi
na ikaw talaga ang aming piliin." litanya ng...isa, dalawa, tatlo basta maraming
boses na nagsabay lang magsalita.

Maliwanag parin ang gitna kaya pumikit nalang ako. Hindi ko man maintindihan ang
nangyayari ngayon, pero parang gusto ko matuwa.

Napamulat ako sa malamig na bagay sa aking noo.

Agad na nagulat ako nang sa pagdilat ko ay may mga..vines? Vines na silver ang
nakapalibot sa akin. Galing ito sa gitna ng bilog sa ibaba, yung kaninang
nagliwanag.

Hinaplos ko ito. Matigas at parang isang uri ng bato, metal. Oo, parang ganun nga.
Sunod na kinapa ko ang bagay sa noo ko. Mali. Hindi lang sa noo. Nang tumingin ako
muli sa vines na kulay silver nakita ko ang repleksiyon ko.

Halos lumuwa ang mga mata ko..

Ako, na nakasuot ng kasuotan na kakaiba. May mahabang fitted boots ako na kulay
puti. May mga bato na itim at gold na palamuti ito. Ang damit ko ay isang uri ng
dress pero uri ng pandigma. Napakaganda! Kulay asul ito na may halong itim. Mayroon
rin akong gloves na hanggang siko ang haba, kulay puti rin ito at may nakaukit na
simbolo bilang palamuti.

At nang tignan ko ang aking ulo...

May asul akong mata at buhok...may nakatali sa noo ko. Para itong accessory na may
asul na bato sa gitna.

Napasinghap ako nang unti-unti itong maging..tattoo sa noo ko. Lalo na ang bato na
asul na napakaganda kahit tattoo na ito. Parang totoo parin na suot ko.

Nagliwanag ito at nakaramdam ako na parang ang gaan-gaan. Parang puno ako ng lakas.

"Sayo na namin ipinagkakatiwala ang ikatlong bato. Gem mo iyan.." Serentine, "Isang
uri ng napakalakas na bato. Pero Scarlett, hindi ibig sabihin na nakuha mo na ang
bato ay kontrolado mo na ito.." ngumiti ito ng malawak. "Next step, be
patient..Scarlett Astrid SunDust."

to be continue...

Comments and votes evrybody.


A/n: Kung gusto niyo lang naman ng Witchy story, then read my new story "Alyhyona
And Samara" Fantasy again.
--

Scarlett/Astrid's POV

Halos magtatalon ang puso ko sa tuwa.

Totoo?! Ipinagkaloob na sakin ang gem ko bilang Crystal Moon?!

Parang hindi na tuloy maalis ang ngiti sa labi ko.

"Salamat parin, Serentine. Pipilitin ko na hindi kayo magsisi.." sagot ko.

"Wag mo lang basta pilitin, gawin mo." ngumiti ito at sa isang kurap, nawala na ang
maliwanag niyang ilaw. Nawala na sila, si Serentine. Tinignan ko ang paligid. Nasa
lupa na ako nakaapak.

Iba na ang suot ko. Naka pambahay na suot na ulit ako.

Gabi na at malamig.."Astrid?"

Lumingon ako at ngumiti rito. Yumakap agad ako.

"Trey! Trey, baka hindi ka maniwala sa ikwekwento ko. Pero yung...yung gem! Waaa!"

"Maniniwala ako. Yun nga lang baka wala akong maintindihan. Nauna na yung sigaw mo
eh." nakangiti nitong sabi. Yinakap ko ulit ito ng mahigpit. "Woah, Astrid tyansing
na yan ah."

Bumitaw ako at mahinang kinurot ko ang braso nito. "Yung gem, Trey!!! Waaa!!"

Tinitigan ako nito saglit at mukhang nagulat. "Crystal Moon's blue gem. Ang
ikatlong bato ba 'yang nasa noo mo, Astrid?"

Napangiti na naman ako ng malawak. "Hindi ko alam. Sinabi ni Serentine kanina pero
hindi ko na matandaan. Alam mo ba na nagbago ang kasuotan ko kanina?! Grabe,
Trey!!"

"Nakita ko. Kanina pa ako nanonood." sagot nito.

"Ha? Kanina pa? Anong ibig mong sabihin? Kanina ka pa rito, ganun ba?"

Tumango ito. "Nakita ko rin yung mga pinakita sayo. Ramdam ko nga yung takot at
lungkot sa ekspresyon mo." hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa
mga mata ko. "Hindi ko talaga yata maisip na...pagsalitaan ka ng ganun, Astrid.."

Napatitig ako sa mga mata ni Trey. Biglang sumeryoso ang tingin nito at...ewan ko.
Parang...may iba...parang may pahiwatig ng pag-aalala?

Tumikhim ito at biglang ginulo ang buhok.

"Trey!" inis na inayos ko ang buhok. Pero no use rin, ang lakas ng hangin dito sa
tabing dagat!

Tumawa ito. "You chose the right choice, Astrid. Matalino ka talaga..kasi sinubukan
ka lang ng mga gods amd goddess ng mga gems."

"Pagsubok lang yon?!" Naku, nagkaroon pa naman ng part sakin na piliin ang isang
pang choice. Mabuti nalang!
"Parte yon. May pag-aalinlangan ka pa kasi. Ayaw mo pala rito? Ayaw mong makapiling
at masilayan ang gwapong mukha ng isa sa trainer mo?"

Yabang mode on na naman ang system ni Trey. "Ewan ko sayo!"

"Hahaha. Biro lang." Umakbay ito sakin at hinila ako palapit sa dagat, pinagkukurot
ko ang braso nito na nakaakbay. "Aray ko! Para nga di ka malamigan! Tss." umupo
kami sa sahig, dahil wala ngang buhangin diba? (-__-)

Inabutan ako nito ng kumot. Mabuti naman dahil ang lamig talaga.

Pero ang ganda ng buwan ha. Ang liwanag!

"Trey, kung nakuha ko na pala yung gem. Ibig ba sabihin tapos na ang training?
Tsaka ano nga pala power nito? Ito ba yung Fire?"

Nagkamot naman ito ng ulo at inirapan ako. Sorry naman, naguguluhan nga ako eh!

"Sinabihan kita na itanong lahat ng katanungan dun sa goddess o tagabantay ng gem


mo diba?" Lumingon ito sakin. "Hindi mo natanong?" mataray na tanong nito. Dahan-
dahan naman akong umiling.

Umirap ito sakin at tumitig sa dagat. Binatukan ko siya. "Wag mo nga ako iniirapan!
Mukha kang bading, seriously Trey!" pero siyempre joke lang yon. Ang gwapo nga niya
eh!

Ehem! Sinong gwapo sabi ko? Huh? May sinabi ba akong gwapo? Wala. Okay, walang
gwapo. Hindi si Trey.

slight lang..

"Siyempre, nag-alala na ako dahil sabi niya hindi niya ibibigay ang--" depensa ko.

"Oo na, oo na! Hindi yan yung Fire. Yung Fire, sariling kapangyarihan mo.
Pati...yung Air." Trey

Kumunot ang noo ko. "Anong air? Pinagsasabi mo?"

"Oo, may Air gem ka rin. Naalala mo yung tumakbo ka ng mabilis? Yung...Pfft.
Haha..yung natagus--Aray ko! Bakit ka nanghahampas!"

"Oo na! Natatawa ka kasi! Anong nakakatawa dun! Naku, kung bakit kasi babae lang
ang nagkakaroon ng buwanang dalaw!" ako, "So, anong connect ng menstruation ko sa
Air gem?" mataray na tanong ko. Humalakhak ito ng tawa.At ang o.a talaga dahil
napahiga pa siya sa katatawa.

"Hahahahaha! Tange hindi dun sa menstruation! Haahaha! Dun sa pagtakbo. Ginamit mo


yung Air, kaya nga yung mga nadaanan mo parang binagyo ng hangin eh."

"Seryoso? Edi dalawa ang gem ko, bukod pa sa Crystal Moon's gem?"

"Oo. At dun sa tanong mo kanina..katulad nga nung sinabi ni Serentine na narinig


ko. Hindi daw porket nakuha mo na yung gem at nakabaon na diyan sa noo mo eh
magagamit mo na. Yan ang purpose ng training, Astrid. Aaralin mo gamitin ang
gem..at mukhang magiging surprise pa ang gem mo dahil wala tayong kaalam-alam kung
ano yan."

**
"Ano ba naman yan, Trey wala na ba tayong ibang training? Kung hindi uupo, pipikit
naman!" reklamo ko. Pinapapikit niya kasi ako.

Tanghali na at katirik-tirikan ng araw at nandito kami sa center ng malaking symbol


sa labas ng resthouse.

Napa face palm ito. "Alam mo, Astrid. Bago ka gumawa ng kung ano, kailangan mo muna
pagplanuhan, kailangan mo mag-ISIP! Bago ka magsanay sa pisikal, kailangan mo muna
ISIPIN kung saan ka mag-uumpisa." Trey, "Ngayon, bago tayo mag-umpisa kailangan mo
muna MAGCONCENTRATE AT KATULAD NGA NG SINABI KO KANINA, KAILANGAN MO MAGRELAX MUNA
SA ISIP. MENTALLY! KAYA. H'WAG. NA. MAG. REKLAMO." Trey na parang nanggigigil na
yata.

Imbes na matakot gusto ko nalang matawa. Kaya napangisi tuloy ako.

"Astrid, isa!" Banta nito. Kaya nakangiti na pumikit ako.

Nagseryoso na ako at nagconcentrate.

Kaya lang...

"Training ba 'to o sleeping session?"

Anong...WTH!

"Laine?" Trey, napadilat ako ng di oras at napatingin sa babaeng naka malanding


tank top na white at super short shorts na blue. Sana hindi nalang siya nagdamit,
'no?

"Lalaine, naghihirap ka na ba?" nakangising tanong ko.

Nag cross arms ito at tinaasan ako ng kilay.."Hindi naghihirap ang mga magagandang
tulad ko." Lalaine. Kapal!

"Talaga? Mukhang nagtitipid ka sa tela eh. Nagdamit ka pa, 'no?" Sarkastiko kong
sambit.

"Tse! You don't care! Inggit ka lang!" Bulong nito nang makalapit na sakin. Bakit
niya binubulong?!

Lumapit ito kay Trey, "Trey, maganda ba?" turo nito sa halos kapirasong suot.

"Ano ba yang suot mo? Ang laswa, Laine." Trey

"Sabi ko na nga ba eh. Si..si ano..Si Hera kasi, yung friend ko. Pinilit ako
magsuot nito. Ayoko nga sana eh. Kaso napilit niya lang ako. Tsk." Lalaine.

Ayaw? Parang kanina lang, confident pa ito.

"Bakit ka nga pala nandito?" Trey

"Kasi--" Lalaine

"Tinatanong ka, bakit ka raw nandito. Ibig sabihin, ayaw ka rito." natatawang sabi
ko. Tinignan niya ako ng masama. Bitch!
"Astrid!" narinig kong saway ni Trey. What?! Psh!

"She's mean." rinig kong bulong nito na parang nagtatampo pa. Me? A mean?! "Anyway,
Trey. I..just missed you, best friend." Lalaine.

"Laine, may importanteng bagay kaming inaasikaso dito.." Trey

"I know, I know. Pero pinadala rin ako ni tito Cavin here, okay?"

**

"Ang shunga niya, Trey! Hindi siya nagcocontrate maigi. Kaya siguro hindi kayo
matapos-tapos!" Sabi ng maarteng babae na naka pajama at ling sleeves na ngayon.
Naka shades pa ito.

Gigil na tumayo ako at dinuro siya. Yung babaeng leche! Tsaka yung lalaking bwisit!

"PAANO AKO MAKAKAPAGCONCENTRATE SA MAARTE MONG BOSES?! TAHIMIK NA NGA YUNG LUGAR
BIGLA KA NAMAN DADADA!" galit na sigaw ko sabay turo sa maarte namin na kasama.
Sunod ko naman tinignan ng masama yung lalaking katabi lang nung maarteng babae
naming kasama. "AT IKAW! IMBES NA PUNAHIN MO YANG MADALDAL AT PAKIALAMERA NA BRUHA
NA YAN, DADAGDAG KA PA! MAGAGALIT KA RIN AT DADALDAL RIN! NGAYON PAANO AKO
MAKAKAPAGCONCENTRATE, SIGE NGA!" Sobrang inis na sigaw ko.

Ngumisi si Lalaine na lalong kinainit ng dugo ko.

Flashback (kanina)

"Concentrate! Hindi naman yata siya nagcoconcentrate eh!" Lalaine

"Astrid, ayusin mo naman!" Trey

what the fvck?!

to be continue...

A/n: Can't sleep. Actually, I just don't wanna sleep hehe. Good mornight! 1:27am.

Comments and votes. Nawawalan na ako ng gana here. Dun sa isa ako ginaganahan.
Hahaha

Mayu (Goddess of Magic)

SilveryLuna
A/n: Guys, kapag sa boses at salita ni Lalaine isipin niyo nalang na maarte at
bitch ang tono. Hihi.

**

Third Person's POV

Tumikhim si Trey at natarantang lumapit kay Astrid. Ayaw naman talaga niyang
magalit sakaniya si Scarlett--

"Uhmm...Astrid..Kasi--" Biglang nakangising lumapit si Lalaine umangkla ang mga


kamay nito sa braso ni Trey..

"No. Tama lang naman kami ha, hindi mo ginagawa ng maayos kaya hindi tayo makajump
sa next step ng training.." Nakangisi parin ang dalaga ng mapang-asar. Habang si
Scarlett naman ay nagtaas ng kilay, at nagpipigil ng galit. Naiirita parin kasi
siya rito, sa ngiti at boses nitong plastik.

"Trey..may sasabihin ka rin sakaniya diba?" Lalaine

Tumikhim si Trey at naging blanko ang ekspresyon na tinignan si


Scarlett.."Concentration lang, Astrid. Kapag totally nakapagconcentrate kana, iilaw
ang gem sa noo mo at makokontrol mo na ito ng paunti-unti..pero mukhang...hindi mo
parin magawa, ilang minuto na ta--" Trey

Naputol ang pagsasalita ni Trey dahil umirap lang sakaniya si Scarlett at bumuntong
hininga. "Fine! Tumigil ka na!" Singhal nito at pabagsak na umupo at pumikit muli
upang magconcentrate.

Parang gusto tuloy ni Scarlett sa loob-loob niya na magwala at sabunutan si


Lalaine. Parang kanina lang kasi ay mabait at maayos pa sakaniya si Trey, oo
mapang-asar pero hindi ganiyan kasungit. Tapos dumating lang si Lalaine, nag-umpisa
ang training at puro pintas at sermon na ang inabot niya sa dalawa. Napaka bipolar
naman yata ni Trey.

Naisip niya bigla na seryosong bagay ito at kailangan niya nalang sumunod dahil
trainer nga naman niya si Trey. Si TREY LANG! HECK, NOT LALAINE!

Nagkamot ng ulo si Trey dahil sa frustration at tahimik na hinila si Lalaine sa


medyo malayong pwesto..

"Hey, bakit?" Lalaine, "Tama lang ang ginagawa natin.."

"Pwede ba'ng ako nalang? H'wag kana makisali.." Trey, "...Tsk! Sakit mo kasi
magsalita, nasasaktan si Astrid eh!"

"What?! Yun nga ang okay!! Anong gusto mo purihin natin, e tanga naman talaga
siya.."

"Ano?"

"Nevermind. Basta itutuloy ko ang sinabi ko sayo. Gusto ko lang naman makatulong sa
Crystal Moon. Concerned lang ako kay..ehem Scarlett." Malambing na boses na sabi
nito.

Lingid kasi sa kaalaman ni Scarlett ay nagkasundo kanina lang si Trey at Lalaine sa


isang plano.

Plano na laging ginagawa sa mga Crystal Moon na nagttraining pa lamang..na kung


hindi pa nakokontrol ang gem, dapat ay magkaroon ng malakas na emosyon upang
sapilitan mapalabas ang kakayanan nito.

At ang planong 'yon ay galitin si Scarlett Astrid.

Ayaw nga nung una...hanggang ngayon ni Trey. Una sa lahat, ayaw niya kasing
magkagalit ulit sila ng dalaga. Ayaw niyang Hindi na naman siya pansinin at
kausapin ng maayos ni Scarlett.

Kaya lang...naisip niya rin na tama si Lalaine. Gusto lamang talaga nito makatulong
kaya sinuggest ang paraan na iyon.

Isa pang bagay na iniisip niya ay malapit na maging ganap na Crystal Moon si
Scarlett. Kapag nangyaring maging ganap na ito at hindi parin nito kontrolado ang
gem ay tiyak na magkakagulo. Sigurado naman na kikilos na agad ang mga dark-gem
holders para makuha si Scarlett..

"Wag kana mag-alala, best friend. Gusto ko lang talaga..." lumingon ito sa banda ni
Scarlett na nagcoconcentrate parin pero nakakunot-noo na tila may kung anong
naiisip.. "...siya, tulungan.."

Pumikit ng mariin si Trey at bahagya pang umiling, "Ge..go on." Trey, Lalo naman
lumaki ang ngiti ni Lalaine na may naiisip na kalokohan. Biglang hinawakan ni Trey
ang braso nito. "Wait...basta, pagkatapos nito...mag-explain ka. Ayoko naman
na...tuluyan mainis si Astrid sa'kin.."

Napalitan ng gigil ang saya ni Lalaine, "May gusto ka kay Scarlett, yes?" bitter na
tanong nito.

nag-iwas si Trey ng tingin. "Anong tanong ba 'yan..siyempre...W-wala."

Lalaine gritted her teeth and forced a smile. "Okay then--"

"So 'yan ang plano niyo?"

Napatingin sila Trey sa nagsalita.

"Ano naman ang...I mean, Hi to all of you. Bakit kayo nandito?" Lalaine

Dumating na kasi sa Gem Mountain sila Regina, Maxinne, Ace, Paul, Angel
at..isang..kauri ni Lalaine.

"Bitch. Bitch. Bitch." natatawang bulong ni Maxinne.

"Narinig ko yon. Ako ba tinutukoy mo? May galit ka?" Lalaine

"What?" natatawang tanong ni Maxinne, tinuro nito ang dagat. "Beach! As in ayan o,
may dagat wala nga lang sand. B. E. A. C. H. Naintindihan mo? BITCH KA LALAINE,
NASA BEACH KA I MEAN, HAHAHAHA!" Humalakhak ito nang malakas pero hinampas rin ni
Regina.

"Bakit ka nga pala nandito, Lalaine?" tanong ni Ace

"Kayo dapat kong tanungin diba?" Balik sagot ni Lalaine. Pinipigilan niya ang inis
sa tono niya. Dahil ang totoo, naiinis talaga ito sa mga Royal Colors na dumating.
Mga kaibigan ni Scarlett..yun ang naiisip niya.

"Wow!" sarkastikong sigaw ni Maxinne at pumalakpak pa. "Kami? Kaming ROYAL COLORS,
ay protectors at guardians ng CRYSTAL MOON. KASALI kami sa TRAINER ni Scarlett kaya
kami NANDITO.." Nakangising sambit nito na may diin pa sa mga salita. "Ikaw? Royal
Colors kana ngayon? Protector din? Wow, ano ba yan hindi ako nainform, tsk."
Maxinne

Napailing nalang na natatawa si Ace at Regina sa sinabi ni Maxinne. Minsan kasi


magandang sumagot ito si Maxinne kapag inaatake ng bitch na ugali si Lalaine. Alam
naman ng buong barkada yon.

Namula sa inis ang maputing mukha ni Lalaine sa narinig kay Maxinne at nagtimpi
nalang..

"Tama na 'yan..nasaan si Scarlett?" Paul

Tinuro nila ang kinaroroonan nito na ganun parin ang pwesto at kinakausap ngayon ni
Angel.
"Nakuha niya na ang gem?" Paul

"Oo..pinagcoconcentrate namin--" Lalaine

"Ay tanga!" napalingon sila kay Maxinne. "Katangahan, guys! Kakukuha pa lang,
pwedeng pagpahingahin muna si Scarlett?" Maxinne

"Bakit naman. Minamadali na nga ang training tapos--" Lalaine

"Sino nagsabi sayong nagmamadali na. Masyado ka talaga, Laine. Wag magmarunong
minsan ha?. Hihi, I'm not galit, really." Maxinne. Tinakpan na ni Regina ang bibig
ni Maxinne.

"Alam niyo na ba kung kailan ang eksaktong araw kung kailan magiging ganap si
Scarlett na Crystal Moon?" tanong ni Regina

"Labing-dalawang araw mula ngayon." Trey

"See? Ang haba pa ng araw--hmp!" Tinakpan muli ni Regina ng panyo ang bibig ni
Maxinne

"So balak niyo talaga galitin? Ayos kaya yon?" Paul

"Gagana yan. Marami na rin Crystal Moon ang ginawan ng ganun. Success naman." Ace

"Diba, Trey? Sabi sayo eh." Lalaine

**

"Mukhang wala ka sa mood, Scarlett ha." Pagsisimula ng salita ni Maxinne. Nakaupo


kasi sila sa sofa ngayon ng salas. Yung mga lalaki naman ay nasa labas ng rest
house at naglalaban, katuwaan na laban gamit ang mga gems nila.

Ngumiti si Scarlett kay Maxinne. Si Regina naman at Angel ay nasa taas.

"Inaaway ka ni Lalaine?" Maxinne

"Ha? Uhmm..naku, hindi...masyado." Scarlett


Napapalo sa unan si Maxinne, "She's a bitch! Pati ikaw? Porke't hindi ka masyadong
lumalaban! Alam mo, kung ako sayo ipakita mo rin ang pagiging Crystal Moon mo
sakaniya!"

Napatawa nalang si Scarlett, "I admit, I'm irritated at her voice, her smile, her
movement..plastik kasi. Parang may..inis sakin?"

"Talagang may inis sayo! Siyempre, may gusto si Tre--I mean, Truck! Gusto...gusto
ko ng truck. Ha-ha wag mo na ako pansinin. Hehe.." Napakagat si Maxinne ng kaniyang
ibabang labi nang muntik pa madulas sa pagsabi na may gusto si Trey rito sa
dalagang kausap niya. Halata naman kasi na may gusto si Trey sa dalaga..Bago
dumating si Scarlett sa StoneGem Academy ay talagang kabaliktaran ng ugali ng Trey
ngayon ang Trey noon. Si Trey ang pinaka-bastos, babaero, arogante at mainitin ang
ulo sa buong Academy. Pati ang ama nito ay madalas barahin sa salita.

Samantalang noong nandiyan na si Scarlett ay palangiti na ng sincere ang binata.


Hindi na nambubogbog at nantritrip ng mga students ng Academy. Hindi na halos
makita na may kasamang iba't-ibang babae sa bawat oras. Hindi na laging nakasigaw
at higit sa lahat nakikibagay na sa iba. Napuna yon nila Regina, Ace, Felix, Ice,
Sandy, Dionne at Maxinne. Hanggang sa mapagtanto na nila na malamang dahil yon sa
lagi nitong kasama...si Scarlett.

"May gusto kasi si Lalaine kay Trey, that's why.." Maxinne

Nagulat ang dalaga sa sinabi ni Maxinne. "T-totoo?" Scarlett

**

Regina's POV

Nagluto na ako ng dinner namin ng barkada. Inaayos ko na ang mga pagkain sa


mahabang mesa,
Nagulat ako nang pumasok si Paul dito at naupo sa upuan harap ng lamesa. Basa pa
ito ng pawis.

"Yna, pahingi naman ng tubig.." Paul na tinawag pa ako sa nickname ko sakaniya

Sa pagbigkas niya pa lang ng pangalan ko ay lumakas na ang tibok ng puso ko.


Masasabi ko na hindi ko pa talaga siya kaya iunlove.

Medyo taranta pa akong kumuha ng tubig para sakaniya. "Naku, m-mukhang


ano..pawis..ka. G-gusto mo..lagyan k-ko ng bimpo yung..yung likod mo?" Alok ko.
Nanlamig ako nang marealize na halatang may gusto ako rito. Haaay. "Uhmm..ano..Wag
na lang..kung..kung ayaw..mo, ayos lang."

Bigla nitong hinawakan ang kamay ko na may hawak na bimpo. "No..pakilagyan nalang.
Salamat.." Paul

Akmang lalapit na ako rito nang pumasok si Trey sa kusina at mukhang alalang
alala..

"Nandito ba si Astrid?!" Trey

"Wala..bakit?" Paul

"Fvck!! KANINA PA SIYA NAWAWALA!!" Trey

to be continue...
A/n: Sorry ang bagal ko mag update. Busy sa school kahit itanong niyo pa kay
@Kwaynanana @pachichay_11 at @xhyra08 .. ♥

VOTES AT COMMENTS.

Third Person's POV

"Sabihin mo na kung nasaan si Astrid!!" Hinawakan ni Trey ang braso ni Maxinne.


Mahigpit.

"What?!" Gulat na tanong nito. "Kahit ilang beses mo pa akong pagbintangan, Trey.
Kaibigan ko si Scarlett! Hindi ko magagawa ang sinasabi mo!"

"Yun na nga!!" Tumaas na ang boses ng binata. "Ikaw ang huling kasama! Ikaw ang
kaibigan na huling nakakita, kung ganoon nasaan na siya ngayon!!" Galit na sigaw ni
Trey.

"Hindi ko alam, okay!! Hindi ko talaga alam!" sigaw ni Max at pinipilit bawiin ang
braso na hawak ni Trey ng sobrang higpit.

Dalawang-araw na ang nakalilipas. Bumalik na silang magbabarkada sa StoneGem


Academy nang hindi mahanap si Scarlett sa Gem Mountain.

Apat na araw na rin ni Trey napagtataasan si Maxinne ng boses. Pinagbibintangan.


Hindi nakikinig at naniniwala ang binata sa hinaing at side ng dalaga.

Lagi na rin galit at frustrated ito sa bawat oras. Laging umaalis para maghanap sa
mga lugar.
Nag-aalala na nga ang lahat. Baka daw malapit na bumalik ang dating Trey. Yung
laging galit, at arogante.

Marami na rin nagtitinginan sa dalawa dahil nasa cafeteria ang mga ito.

"Trey!" Saway ni Ace nang makalapit sa mga ito."Bitawan mo si Maxinne! Bakit naman
naisipan mo na magagawa niya yun?! Nahihibang kana ba!" Ace. Agad na hinila ni Ace
ang braso ni Maxinne mula kay Trey.

"Hindi ko alam. Hindi naman aalis ng walang paalam si Astrid!" Trey, "Kung may
kinalaman ka talaga sa lahat ng ito, Maxinne, hinding-hindi mo magugustuhan ang
gagawin ko sayo!" Madiin na litanya ni Trey at tuluyan nang lumisan sa harap nila.

Napailing nalang si Ace. Alam niyang hindi naman yon magagawa ni Maxinne.
Magkaibigan ang dalawa.

"Ayos ka lang?" tanong ni Ace habang hinihilot ang braso jg dalaga na sobrang pula
dahil sa higpit ng hawak ni Trey kanina.

"Ayos lang," sagot ng dalaga at tumalikod na.


Wala si Ice, Sandy, Felix at Dionne sa Academy. Nasa mundo sila ng mga tao ngayon
at naatasan lipulin ang mga may hawak na gem at pag-aralin sa StoneGem Academy.

Utos yon ni Mr. Cavin, at walang may alam mg dahilan. Marahil...marami ang mga
kalaban.

Sa apat na araw na lumipas, medyo marami na ang nangyari.

Si Trey na nagbago dahil sa pagkawala ni Scarlett. Si Ace na...kasintahan ngayon si


Regina.

Tama, si Regina at Ace ay magkasintahan ngayon. Mabilis ang nangyari, unti-unti


lang naging malapit ang dalawa at nagkagustuhan...

Iyon ang naiisip ni Maxinne. Nagkagustuhan ang dalawa. Pero hindi. Lingid sa
kaalaman ni Maxinne at ng lahat, ay peke lamg ang relasyon ng dalawa.

Noong mga nakaraang araw ay may madalas bumuntot kay Ace na babae. Makulit at
bratinella iyon. Nananakit ng iba kapag nilalapitan si Ace. Kaya ito ang naisipan
na solusyon nila, Ah, hindi, hindi sila ang nag-isip ng solusyon kung hindi si
Angel.

Dahil doon, lumayo ang loob ni Maxinne kay Regina. Alam natin na close na close ang
dalawa na parang magkapatid na. Per ngayon, hindi nila maintindihan kung bakit
madalas na ilag si Maxinne kay Regina at Ace. Ganun din si Maxinne, hindi niya rin
naman malaman ang dahilan kung bakit siya lumalayo.

Parang pakiramdam niya...naiilang na siya sa kaibigan.

Si Paul rin na hindi na lumalapit o nakikipag-usap sa dalaga na si Regina. Kahit


sulyap hindi niya na binibigyan ang dalaga..

Pakiramdam tuloy ni Mr. Cavin, nag-uumpisa na magwatak-watak ang magkakabarkadang


ito.

At siyempre...natutuwa naman ang mga may nais nito.

Scarlett/Astrid's POV

"Ano ba! Sabi mo pababalikin mo rin ako sa mga kaibigan ko!! Ilang-araw na akong
nandito!!!" Inis na sigaw ni Scarlett. "HOY, HARLI!!"

Kasalukuyan akong nakaupo sa kahoy na bahay. Binubulyawan ang lalaking


nakikipaglaro sa mga pato sa tubigan na parang batang baliw.

Apat na araw na ako dito. Hindi ko nga alam kung ano bang lugar ito. Basta nasa
gitna kami ng kakahuyan. May mga kalapit-bahay naman..
Tinangka ko noon na tumakas, pero parang may mahika lang na nagpapabalik sakin rito
sa kahoy na bahay na ito..

Sabi niya hindi niya ako sasaktan. Tutulungan niya pa daw KAMI. Sabi ko nga,
tamang-tama! Dahil training ko ngayong mga araw na to.

Pero putek na yan! Hanggang ngayon nakatunganga parin ako dito!

Kasama itong si Harli. Si Harli na isang uri ng White-Snake Guardian.

Kasalukuyan akong nasa mundo nila. Kinuwento niya na White-Snake Guardian sila pero
sila yung mga mababait.

"Oo na, oo na! Eh hindi pa magets nung boyfriend mo yung clue na binigay ko eh.
Hindi niya talaga malalaman na nandito ka!" Haril

"Hoy, sinong boypren! Wala akong boyfriend, bwisit ka!"


"Ibig mong sabihin..." Nagkakamot na tanong ni Haril. "..sa tagal niyo na magkasama
ni Trey ngayon, hindi pa siya...hindi pa kayo...uhmm...Hala! Hahaha!"

Ha?! Ano daw?!

Wala akong naintindihan, seryoso!

Humalakhak na siya na parang baliw habang bumubulong na torpe.

"Hoy! Ano bang pinagsasabi mo!" sigaw ko ulit.

Bigla itong natigil sa pagtawa at parang aso na suminghot-singhot.

"Hoy, ano ginagawa mo?! Bakit? Para kang aso." Natatawang saway ko.

Naghand gesture ito sakin na tumahimik. "Nandiyan na ang prince charming mong
torpe, hintayin nalang natin si Tammy..
Ngumisi ito na parang baliw at katatakas lang sa mental institution, "....masaya
'to!!" sigaw niya.

Sino naman si Tammy?!

to be continue...

A/n: Exam namin. Huhu Sakit sa brain,

Comments and Votes.

Mayu

*SilveryLuna

Third Person's POV

Galit na binilisan i Trey ang takbo at tinungo ang lugar.

May bigla kasing papel sa table niya ang kaniyang nakita. Sinasabi roon abg lugar
kung nasaan si Scarlett, kaya wala pang ilang oras pumunta na siyang lagusan
papuntang White-Snake Guardian World.

Doon niya rin naalala na may White-Snake Guardian pa pala silang pinoproblema kay
Scarlett.

Napagtanto rin ni Trey na mali siya. Mali siya sa pagbintang kay Maxinne..kaibigan
nga naman nila ito. Kababata niya rin, bakit niya paghihinalaan.

Namataan niya ang isang bulto at likod ng isang babae na nakatayo at parang naiinis
na pumapadyak-padyak sa lupa.

Kilalang-kilala niya iyon.


"Astrid!! Shit." Kasabay ng paglingon ng dalaga ay ang pagyakap ni Trey rito ng
mahigpit.

"Trey?" Scarlett

"Shit, ayos ka lang ba?! May masakit ba sayo?! May sugat ka ba?! Sinasaktan ka ba
r--" Sunod-sunod na tanong ni Trey habang hawak ang magkabilang pisngi ni Scarlett
at alalang-alala ang ekspresyon..

Hindi na tuloy napigilan ni Scarlett ang matawa.

"Hey, man!" Bati ni Harli. "Kamusta naman!"

Lumingon si Trey sa lalaking nakatopless at nakashorts na mahaba lang. Maputi at


singkit ang mata, may hawak na pato at nakababad ang tuhod sa tubigan.

"HARLI?!" sigaw ni Trey na hindi makapaniwala. Agad na umilaw ang gem nito at
naglabas si Trey ng apoy sa kamay. "WALANG HIYA KA! IKAW PALA MAY PAKANA NITO!
KAIBIGAN KITANG HAYOP KA!" Trey

"T-teka!! Naku, Waaaa! Hoy Scarlett! Pigilan mo yan!!" takot na sigaw ni Harli

"Trey! Hindi naman siya masama!" Scarlett

"Fvck! Kung ganoon bakit ka niya dinala dito! Bakit ka niya minarkan noon sa bisig
bilang kabiyak!" Namumula na ang Mukha ni Trey sa galit at pagsisigaw. "..AT PUTA
BAKIT GANIYAN YANG ITSURA MO GAGO KA!" Duro nito kay Harli na nagpoker face.

"Dude, nakakahurt ka ha. Ang gwapo-gwapo ng hitsura ko. Hmp!" Harli

"ANG IBIG KONG SABIHIN BAKIT NAKAHUBAD KA! FVCK, WAG MO SABIHIN NA MAY GINAWA KA
KAY ASTRID NA KABAS--" Trey

"Trey!! Ano bang sinasabi mo diyan!! Anong...Argh! Pwede ba, kumalma ka muna!!"
Scarlett

At dahil sa sigaw ni Scarlett, pumikit ng mariin si Trey at nagpigil ng galit.

Naiisip pa lang kasi niya na may ginawa itong si Harli o kung sino man kay Scarlett
na masama, parang gusto na niya manakit.

"Under..de saya.." Natatawang bulong ni Harli.

"Ayan, okay kana siguro 'no?" Scarlett, "Itong si Harli, tutulungan daw tayo. So,
hindi siya masama,. Isa pa, ikaw rin na ang nagsabi na magkaibigan kayo.."

**

Pumasok silang tatlo sa kahoy na bahay ni Harli.

Nakaupo na sila sa mga upuan. Habang si Trey, prente ring nagrerelax at umiinom ng
tsaa habang nakamata kay Harli.

Si Scarlett naman na katabi si Trey at kaharap si Harli. Pigil-pigip nito ang


pagtawa.

Paano ba naman kasi ay pinagsuot ni Trey si Harli ng balot na balot na damit. H'wag
raw ipakita ni Harli ang katawan niya kay Astrid dahil babae ito at baka masapak
niya raw ang lalaki

Napairap naman si Astrid rito. Isip-isip niya na parang hindi ito nagt-topless sa
harapan niya sa dorm.

"O, ano ba meron?" Relax na tanong ni Trey.

Tumikhim si Harli at umayos ng upo. "Parating si...Tammy."

Bigla naman napabuga ng tsaa si Trey. At siyempre dahil nasa harapan nila si Harli,
edi ayun sapul ng tsaa na nabuga ni Trey.

"Bro, kung hindi lang talaga kita mahal...Naku. Naku. Naku!" Harli

"Bakit naman dadating rito yung...yung...makulit na babaeng yon?!" Trey

"Uhmm..sino si Tammy?" tanong ni Scarlett. Pero nagpatuloy ang dalawa sa pag-uusap


na parang wala siya roon.

"May mahalaga siyang sasabihin." Harli

Tumayo na si Trey at hinila ang kamay ni Scarlett patayo rin. "Ayoko. Ayokong
kausapin yon," Trey

Napatayo rin si Harli at pinigilan ang dalawa, "Naku, Trey! Dude, mahalaga nga!"
Harli

"Kalokohan lang ang alam ng babaeng yon. Ayoko! Aalis na kami." Trey

Didiretso na sana palabas ng kahoy na pinto sila Trey nang biglang may pumasok na
babae, ngiting-ngiti ito.

Naka-yellow floral dress, may hat na puti at sobrang laki. Nakaboots na orange at
may hawak na bulaklak na green, sinisinghot-singhot ito.

"KUYA TREY!! LONG TIME NO SEEEEE!!" Bumalot ang malakas, sobrang tinis na sigaw
nito sa loob ng kahoy na bahay ni Harli.

Napa face palm naman si Trey. "Hindi parin nagbabago." bulong nito.

"KUYA TREY! MAY MAHALAGA AKONG SASABIHIN!!" Tammy. Hinatak nito ang kuya na maupo
sa mga kahoy na upuan.

"Guguho bahay ko sa tinis ng boses nito eh." bulong ni Harli habang nagkakamot ng
batok at sumunod sa tatlo, naupo ito katabi si Tammy.

"Tammy, kapag ito puro kalokohan at pagsasayang oras isusumbong ko kay tanda
na...nagboboypren ka na sa mundo ng mga tao.." Panakot ni Trey. "...sasabihin ko
rin na yung gangster pa yung pinatulan mo."

Nanlaki ang mga mata ni Tammy at napalunok. Tumingim ito kay Harli at ngumiwi ng
patago. Nilakihan lang siya ni Harli ng mata at tinanguan.

"H-hindi to sayang sa oras..a-at kalokohan.." bulong ni Tammy.

"You're lying..Humina ang boses mo ibig sabihin kinakabahan ka


or...nagsisinungaling." Trey

"H-Hala, hindi ah. I mean--HINDI, KUYA TREY! KASI ANO.." Tammy


"Fine, hinaan mo yung boses mo!" Trey

"Pangitain kasi kuya Trey eh." Tammy.

Si Tammy kasi ay bunsong kapatid nila Travis at Trey, ang kapangyarihan nito ay
Future Teller.

"O, ano naman na pangitain yan.." Trey. Alam kasi ni Trey na puro kalokohan ang
bunso. Lagi kasi siya niyan pinagtritripan noon pa. Yung akala niya seryosong
pangitain yun pala kalokohan lang.

"May..may ano daw..babae.." Tammy

"O, ano kinalaman ko sa babae?" Trey. Bigla naman nito dinuro si Tammy at ngumuso
"Hoy,Tammy hindi na ako nangbababae, umayos ka!"

"Hindi kuya! Hindi ko nga kilala eh. Basta mamamatay raw ito kapag hindi pa kinasal
ngayon na." Tammy

"So? Pakialam ko sa Babae? Hindi ko siya obligasyon, bakit ko ba sakin pinaaalam,


sun sa babae na yan mo sabihin!" Trey

"Crystal Moon kasi yon." Napatigil si Trey at Scarlett sa narinig. "Baka kilala mo
lang naman yung Crystal Moon. Hindi ko kasi kilala..." Tammy

"Anong sinabi mo ulit?" singit ni Scarlett.

"Mamamatay kapag hindi kinasal sa araw na to...teka!" nilapit ni Tammy ang mukha
kay Astrid. "IKAW YON HA! YUNG NASA PANGITAIN KO!"

"Siya nga." Harli, "Crystal Moon."

"Tammy, hindi magandang biro yan. Magagalit na talaga ako sayo!" Trey

"Hindi ako nagbibiro." seryosong sambit nito. "Totoong mamamatay siya ngayon kung
hindi mapapakasalan sa araw na to." Tammy

"Ayoko maniw--" Trey

"Ugh!" Napatingin ang tatlo kay Scarlett,

"Bakit? Anong nangyayari, Astrid?!" Tarantang tanong ni Trey.

Namimilipit si Scarlett sa sakit ng tiyan. "Ang..ang sakit ng tiyan ko!! Ahhhh!"


nanlalamig na ang dalaga at maiyak-iyak.

"Kuya ayan na ang pangitain! Tara na pakasalan mo na siya!!" Nagmamadaling tumayo


si Tammy at hinila ang dalawa

Muntik na mapahalakhak si Harli mula sa pagpipigil ng tawa.

"Teka...A-ano?! Aghh!!!" Scarlett

Nagpanic na rin si Trey habang alalang alala na tinitignan si Scarlett. "Fvck! Ito
ba yung pangitain mo?!" Trey

"Oo, kuya! Bago siya madeds, I mean mamatay pakasalan mo na siya!" Tammy, "Pari
naman si Harli eh. Uhmm..Hindi pala. Medyo pari lang." Tammy
"Pero..." Trey

"Aghhh! Ang sakit ng tiyan ko!!" Scarlett na naiiyak na.

"Ayaw mo kuya?! Si Harli nalang ang ipagkakasal!!" Tammy

"Ano?! Ayoko nga! A-ako nalang!!" Trey. "A-ayos lang ba kung ako, Astrid?"

"Oo na, oo na Trey!! Waaaa! Basta tanggalin niyo lang tong sakit ng tiyan ko.
Huhuhu ang sakit sakiiit!!" Scarlett.

Parang hindi tuloy alam ni Trey kung lulundag siya sa saya o matataranta sa
pamimilipit ni Scarlett sa sakit ng tiyan.

**

Naghanda ng mabilisan na seremonyas at ritwal sila Harli at Tammy habang nagpipigil


ng tawa. Sila Trey at Scarlett naman nandun parin at walang pagbabago, namimilipit
parin si Scarlett.

"Ayos! May lovelife na si kuya!" Tammy, "Yung first love niya pa!" nag apir ang
dalawa.

"Kailangan lang mapainom to kay Scarlett para mawala yung sakit sa tiyan niya.
Dahil rin kasi yun sa herb na nilagay ko sa kanin niya kanina," Nakangiting sambit
ni Harli.

**

Sinimulan nila ang seremonyas. "O-oo, n-angangako akong mamahalin si Trey


Wastridge...habang buhay." Napakagat ng labi si Astrid. Ewan niya pero parang may
kung anong kumiliti sa puso niya habang sinasabi ang mga linya.

Nagpatuloy ang seremonyas.

"Oo, tinatanggap ko rin si Scarlett Astrid Sundust, at hindi pababayaan, mamahalin


lang at aalagan...habang buhay." Trey na nakatitig kay Scarlett. He gulped. Feeling
niya kasi nagtatapat na rin siya.

Nagtuloy ang ritwal at nagkaroon sila ng singsing na may napakagang bato may asul
at pulang kulay ang parang naghahalo sa loob ng bato.

"Ang singsing na iyan ang nagpapatunay na kayo ay iisang dibdib na. Matatanggal yan
kung gugustuhin niyong maghiwalay dalawa bilang kasal" Harli na feel na feel ang
paring costume.

"Inumin niyo ito, simbolo ng kayo ay masaya bilang bagong kasal." Tammy. Binigay
niya ang baso na may laman. Yung baso ni Trey alak ang laman, yung kay Scarlett
naman lunas para sa sakit ng tiyan.

"Para sa pagtatapos ng seremonyas....you may now kiss the bride." Harli

"C-can I?" Pagpapaalam ni Trey kay Scarlett

Tumango nalang si Scarlett na parang lutang sa nangyayari..

And the newly wed kissed.


to be continue...

TAMMY: WE'RE SO TALINO TALAGA!

COMMENTS AT VOTES .

Mayu

*SilveryLuna
Tammy's POV

"Ayos ba ang acting skills ko?" Nakangiting pang-maganda ako ngayon. Exclusive for
magaganda, only. Dapat magaganda lang ang gumagamit tulad ko.

Natutuwa talaga ako at nakatulong ako kay kuya. Like duh, ayokong matulad na naman
siya dati.

Dati na inuuhog sa sipon kaiiyak. Hindi ko man alam ang nangyari dahilan dahil 5
yrs. old lang yata ako and Kuya was 7 or 8, not sure.

He was crying for 1 month or 2. He was so sad way back there, tapos may binabanggit
na 'Sorry, Trid, hindi ko sinasadya' Tapos hahagulgol na. Ang sakit sa tenga kaya!

Pero naawa ako kay Kuya nun. Ayaw nga ikwento ni Kuya Travis, pero simula nung araw
na 'yun, lagi niya nang inaaway si Kuya Trey. Naging madamot, nananakit, at bad si
Kuya Travis kay Kuya Trey. I felt awa to Kuya that time.
Then si Kuya Travis hindi masyadong close kay Papa.

Nainis rin ako. Ayaw kasi sabihin ni papa ang dahilan ng sudden changes na yon ng
mahaharot kong Kuya!

Tapos, habang lumalaki ako napapagtagpi ko ang mga bagay. Joke, hahaha. Mukhang
detective lang.

I mean, habang lumalaki ako hindi ko parin yon kinalimutan, Curious lang ako,
hanggang ngayon.

Naikwento ni Papa ang Crystal Moon. Yun daw si Scarlett Astrid Sundust. Tapos
naalala ko bigla si Kuya Trey dati, minsan niya nang nabanggit ang Astrid.

Kaya lang, sabi ko sa sarili ko, maraming Astrid dito sa mundo. Or sa mundo pa ng
mga mortal. Kaya hindi talaga ako napakali.

Pinagawa ko kay Harli ang parte niya sa plano. At yun nga...Minarked niya ang wrist
ni ate,
Pero nang malaman ko na true ang mga tsismis na...sweet DAW sa isa't-isa sila Kuya
at Ang Scarlett Astrid Sundust na iyon? hindi ko man sure kung true nga ang naiisip
ko na siya si Trid something, well wala na akong pake, Itinuloy ko ang plano ko.

At boogsh boogsh! THEY'RE NOW MARRIED!

Turn na ni kuya yan! Siya na ang bahala kung paano paaaminin at popormahan si ate
Scarlett Astrid!

Sa tingin ko kasi...pa hard to get pa si ate -3- Gwapo-gwapo ng kuya ko!!

Scarlett/Astrid's POV

"Asawa ko.."

"Asawa ko, hellooo!"


"Scarlett Astrid Sundust Wastridge..so perfect!"

"Asawa ko..ba't ba ang layo mo, lika nga rito.." Hinila niya ang braso ko. At kahit
naiilang ako sa presensiya ng kumag na si Trey, hindi ako nagreact.

Sabi nga nila, kapag inaasar ka, hayaan mo, pag nagsawa yan titigil yan. Pero
putek! Thirty minutes na si Trey nang-aasar! Hindi niya ba nahahalata na naiilang
ako at...at...namumula na ang mga pisngi ko?!

Bakit nga ba namumula? Ang sagot, ewan ko din. Sa inis siguro sa boses ni Trey.

Nandito kami sa office ni Mr. Cavin at ipapaalam ang mga kababalaghang kasalan na
nangyari.

Pero! Dahil wala pa si Mr. Cavin, heto kami nakaupo sa couch at...ako tahimik lang.
Yung katabi ko nakasinghot ng rugby, 'asawa ko' ng 'asawa ko'

Inamoy nito ang buhok ko. Parang nagsitaasan yung buhok ko sa batok, what the!
"Bango talaga ng asawa ko..." Nakangisi nitong bulong. Yung seductive! Jusko, yung
dimples! "...bango, amoy lupa."

"Hahahahahaha!" Trey

Nanlaki ang mga mata ko, "Ang kapal talaga ng mukha mo!!" Galit na sigaw ko. "Araw-
araw+ ko naliligo, letche kang lalaki ka!!" Sinabunutan ko ito at hinila pa ang
buhok.

"Arayy!!! Astrid, hwag mo kong kalbuhin!" Trey na nakahawak sa kamay na sumasabunot


sakanya, tinatanggal niya ito. "Binibiro lang kita! Ayaw mo kasi mag salita, Waaaa
araaaay!!"

"Hindi magandang biro! Kakalbuhin na talaga kita!"


Hinila ko pa ang buhok niya. Sobrang sigaw na nga siya sa sakit eh. Siyempre,
biglang pumasok sa isip ko yung nasa Gem Mountain, feeling ko pinagtutulungan na
naman ako ng Lalaine at Trey na ito! Kaya with feelings na ang sabunot ko. Ugh!

"Astrid, kapag Araaay! Kapag nakalbo ako, papangit ang asawa mo!! Gusto mo ba yon?
Araay!"

"Ano sa tingin mo, gwapo ka?!" Asar ko. Duh, siyempre gwapo siya :D

Hindi ko parin binitawan ang buhok niya at sinabunutan lang siya.

Hanggang sa hindi ko namalayan na naitulak na ako nito...oh my god, pahiga dito sa


couch habang siya nasa ibabaw ko.

I bit my lower lip. May naalala ako sa posisyon na to ah!! Tapos couch rin, naku
po!

"O, ano, asawa ko. E'di na tigil ka rin." Halos bulong na sabi nito, plaster parin
ang ngiti sa mukha nito. Tapos ang bango pa ng hininga,

Sa taranta ko, tinakpan ko na agad ang labi ko. Mahirap na, kiss stealer pa naman
ang Wastridge brothers sakin last time! "Hwag kang baliw, Trey. Umalis ka diyan sa
ibabaw ko!" Sabi ko habang takip-takip ang bibig ko.

"Ayoko nga, tapos sasabunot ka nanaman sa buhok ko. No way, Asawa ko."

"TREY!!" Sigaw ko nang halikan nito ang pisngi ko. Ngumisi ito, kita ulit yung
dimples.

"What?!" Trey

"Umalis ka na nga diyan!!" Tinutulak ko ito ng isang kamay, yung isang kamay ko
nakatakip sa bibig ko. Pero ang tigas ng katawan at hindi parin umaalis.

"Ayok--"

"Wow, ang sweet...niyo naman?" Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin kay Mr.
Cavin na kapapasok lang..

"Oo nga eh, istorbo ka, pumasok-pasok ka p--Aray ko,Astrid!" Nalaglag ito sa sahig
ng itulak ko. Nakakahiya naman kung ganun lang kami forever. Walanghiya talaga
kahit kailan -___-

Dumiretso si Mr. Cavin sa kanyang desk at umupo,

"So..kamusta, Scarlett? Saan ka nagpunta?" Mr. Cavin

Hindi na ako pinagsalita ni Trey at siya na ang nagpaliwanag. Pero hindi niya
binanggit yung tungkol kay Harli, Tammy at...eherm, 'dun sa kasal.

"Ganun ba? Mabuti at nakarating kana ulit rito...dahil nagkagulo ang mga kaibigan
mo sa mga hindi malaman na dahilan.." Mr. Cavin

Naguguluhan na nilingon ko ang katabi ko. Relaxed lang ito at nakaakbay pa sa


sandalan ko.

Ano ibig sabihin ni Mr.Cavin? Nagkagulo??


"Anyways, tapos na ang problema ni Scarlett sa White Snake Guardian...that means,
pwede na siya tumuloy sa kaniyang dorm. Hindi naman pala masama ang White snake na
iyon--"

"Hindi pwede, tanda.." Singit ni Trey.

"Bakit na naman.'' Mr. Cavin

''Ang mga kasal na couple, magkasama na sa iisang lugar--''

Nang agad na maintindihan ko ang pinupunto niya, agad na binatukan ko ito. ''Ayoko,
Trey..'' Inirapan ko ito.

Hinimas nito ang kaniyang ulo at ngumuso na tumingin sakin. ''What?! Hindi ako
papayag,'' Trey

''Ako ang hindi papayag! Andiyan si Lalaine, 'no! H'wag mo na ako idamay sa--''
''Ayoko parin. Ayoko. Ayoko. Ayo--'' Trey na parang bata na umiiling-iling.

''Teka, teka nga! Hoy, anak!'' agaw pansin ni Mr.Cavin, ''Ano ba, hindi ko kayo
maintindihan. Puro ayoko, ayoko, ayoko. Anong ayoko ba 'yan?!'' Mr. Cavin.

AT yun nga ang nangyari. Kinwento na ni Trey na walanghiya ang mga nangyari. Pati
yung pangitain ni Tammy..

Yung reaksyon nga ni Mr. Cavin parang nagpipigil ng tawa at biglang...nagseryoso?

Tumikhim ito. ''G-ganun pala...'' Mr. Cavin na halatang nagpipigil ng tawa? Bakit?
Nagside view ito at tinakpan ang mukha, para talaga siyang natatawa! Baliw na ba si
Mr. Cavin?

**

''Bakit ba gusto mo ko sa dorm mo? May gusto ka ba sakin?'' asar ko.

Nagkamot ito sa batok niya. ''Ano naman sayo. Wala ka nang paki dun!'' Trey
What the! Hindi man lang tumanggi to! Kung alam ko lang, kaya niya gusto ako sa
dorm niya ay para hindi siya mawalan ng mapagtritripan..

NEVER! Tapos nandun pa si Lalaine?! Ano, gagawin nila akong yaya ulit! Tse!

Nagulat si Mr. Cavin at hindi talaga maayos ang naging reaksyon nito matapos ng
kwento ni Trey..

Tahimik ito at kunot ang noo. Nang nagpaalam na kami narinig ko pa itong may
tinawagan sa telepono. Tammy raw eh, tapos galit ang tono.

**

Dumiretso kami sa dorm ni Ace, nandun na rin ang lahat maging si Angel at Lalaine
-___- bakit nandito yan.

Nang kumatok kami at pumasok sa loob, nagulat sila at natulala. Tahimik lang kasi
sila kanina at mukhang mga badmood. Si Maxinne wala rito. Si Lalaine nakangisi. Si
Angel wala rin dito, maging si Ice, Sandy at Dionne.

''Si Maxinne?'' bungad ni Trey. Nabanggit nito ang alitan nila ni Max. At talagang
maraming kurot ang inabot niya sakin! Ang kapal niya kasi! Mangiyak-ngiyak na nga
yung lalaking yon nung kurutin ko siya sa pisngi eh, nagsugat! Bakit niya naman
naisipan ibintang kay Max! At alam niyo ang sinagot niya?

'Malay ko ba kasi! Kinausap lang ako ni Angel, sabi niya si Max ang huli mong
kasama, tapos...ayun, nagconclude na kami ng...bagay-bagay. Nag-alala lang naman
ako sa 'yo.''

Medyo nabwisit ako kay Angel, masamang mag-isip ng mali sa kapwa, mas lalo ang
mang-bintang! Palabiro at maingay yan si Max, kahit nito lang kami nagkakilala,
alam ko na..na hindi niya magagawa MANGIDNAP! Heck, baliw talaga 'to si Trey kahit
kailan!!

''O, ano, nagsisisi ka na sa panghihila ng mahigpit sa braso niya! Pagsigaw sakanya


sa harap ng ibang tao!'' Nag-iigting na ag panga ni Ace sa pagsigaw. Galit ito,

Napasinghap nalang ako ng pasikreto. Ginawa yun ni Trey?! Kay Maxinne?!

''Ace, babaan mo ang boses mo, pwede?'' Regina, tumayo ito at niyakap ako. ''Nasaan
kaba kasi nanggaling, Scarlett? Mabuti at walang nangyaring masama sayo.''
''Mahabang kwento, Regina..''

Nilingon ko si Trey na mukhang bagot na bagot na. Siniko ko ito, ''Hindi ka hihingi
ng pasensiya kila Ace?'' bulong ko.

''At bakit ako hihingi?'' Trey

''Galit sila sa...inasal mo kay Maxinne! Humingi ka ng sorry, kasalanan mo rin


naman!'' diin na bulong ko. Nagkibit-balikat lang ito at lumabas na ng silid na
ito.

''Aba't! Hoy, Trey!! Bumalik ka nga dito!!'' sigaw ko. Kumaway lang ito pero hindi
lumingon, nakapamulsa ito at nagtuloy-tuloy ang lakad sa hallway.

''Arogante at walang pinakikinggan yung gagong yun, nitong mga nakaraang apat na
araw, Scarlet. Pasensiya na kung sumigaw ako kanina, hindi ko lang talaga kasi
gusto yung mga binibintang at inaasal niya kay Maxinne.'' Ace

''Ayos lang, Ace. Kasalanan niya yon, h'wag kana humingi ng pasensiya.''
''Si..Ace at Trey kasi..halos magpang-abot kanina bago si Trey umalis ng academy.''
Regina

''Sige, sige. Kakausapin ko 'yon, ako na humihingi ng tawad sa inyong lahat.


Kasalanan ko rin..sorry, sorry talaga..''

''Naku, Scarlett, hindi.'' Ace

Nagpaalam na ako at hinabol si Trey sa dinaanan niya kanina.

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Pakiramdam ko ako may dahilan nito eh. Si Ace, Trey at
Maxinne hindi maayos ngayon.

Hinanap ko si Trey o di naman kaya ay si Maxinne sa halos lahat ng classroom at


silid na madaanan ko. Wala sila, puro mga estudyante lang na nagbubulungan tungkol
sa pagkainis sa pagkawala ko nitong mga nakaraang araw. Rinig ko na nainis sila
dahil sinadya ko raw yun para problemahin ng Royal Colors..
Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang paghahanap.

Hanggang sa may makabunggo akong dalawang babae.

''ARAY!'' daing ng isa na napaupo.

Ang isa naman ay kunot-noong tinitigan ako. Maya-maya ay tinulungan ang isang babae
makatayo.

''Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo! Ano akala mo, tatabi ang lahat ng tao sa daan
para lang sa 'yo!'' girl

''Naku, hindi ko naman alam. Sorry.''

Nilagpasan na nila ako. Pero ilang hakbang palang ang nalalakad ko, parang may
pakiramdam ako na dapat akong lumingon.

Kaya lumingon muli ako sa dalawang babae.


Nakita ko ang isang babae na nakabunggo ko rin, nakangisi. At ang pangit ng
pakiramdam ko sa ngisin nyang yon, sa akin.

to be continue...

A/n: Gumawa ako n fb account, wahahhaa. Wala lang. Baka gusto niyo friends tayo,
pero fb naman. Tapos dun na kayo magrequest ng kung anong kaek-ekan niyo :D Pwede
na ako magdedic eh, twice a week lang, kasi madamot yung tita ko sa laptop niya
-___- Tapos yung computer ko, sira, bulok ang HP T__T

(Mayu WP) Fb account, kagagawa ko lang, be my first friend there!

Comments and Votes.

-Mayu

-SilveryLuna
Scarlett/Astrid's POV

"Huy! Trey kasi!" Hinihila ko na ang braso nito. Nandito ko siya nahanap sa dorm
nakahilata ng higa sa kama.

"Pwede ba, Astrid hwag kang makulit.." bulong nito. Nakadapa ito sa kama at
nakapikit.

"Gusto mo talaga na patagalin yung awayan niyo?! Si Maxinne, kawawa naman! Magsorry
ka lang, dali na!!" Pilit ko at hinila na naman ang braso niya.
"Hayaan mo yun. Mamaya nalang, Astrid!" Trey

"Ang sama talaga ng ugali mo! Bakit ka ba ganiyan, ang bait nila Ace sa 'yo. Gusto
mo siguro mawalan ng mga kaibigan, 'no."Pagalit ko dito. Nakapameywang na ako
habang ito naman ay nakadapa parin. Tinalukbungan pa nga ang ulo ng unan, loko
talaga! "Trey, walang tatagal sa ugali mo kung ganiyan ka ng ganiyan! Magbago ka
kaya! Akala mo nakakatuwa yung arogante at rude! Akala mo siguro porke't ikaw ang
anak ng--"

"SHUT UP! SHUT THE FVCK UP, OKAY?! I'M HAVING AN EXTREMELY HEADACHE AND YOUR
FVCKING MOUTH IS NOT HELPING! GET OUT!" Sigaw nito na ngayon ay nakaupo na.

Napaatras ako ng bahagya sa lakas ng boses nito at biglaan na pagsigaw. So ngayon


mumurahin niya ako!

"Gusto lang kita pagsabihan! Bwisit! Bahala ka sa letche mong buhay!!" Nagmartsa
ako palabas ng kwarto at sinarado iyon ng malakas.

Naabutan ko si Lalaine sa harap ng pinto at nakangisi. Nag-init lalo ang dugo ko.

"Anong nginingiti-ngiti mo! Gusto mo tanggalin ko yang nguso mo nang hindi ka na


makangisi! Ano!" Sigaw ko at tinutulak-tulak pa ang noo nito. Nagulat ito sa sinabi
ko, pero bago pa siya makasagot ay tumalikod na ako at umalis sa dorm ng walang
kwentang lalaking yon.
**

Hapon na at nandito ako sa carnival malapit sa StoneGem Academy.

Gusto ko lang maaliw. Naiinis parin kasi ako kay Trey, psh! Buti nga
pinagtyatyagaan ko pa ang ugali niya!

Pasalamat pa nga siya at nag-aadvice pa ako! Para din naman sakaniya yon!

Kapal niya murahin ako! Nakakainis talaga!! Ugh!

"O, bakit ka umiiyak?"

Nilingon ko ito. Hindi ko siya kilala.

"Ano bang paki mo!" Sungit ko dito.

Tapos kinapa ko yung mukha ko. May luha nga!


Bakit naman ako umiiyak?! Tss!

Nakaupo kasi ako rito sa isa sa mga benches.

Tapos itong...lalaki, umupo rin. Okay lang naman, hwag lang siyang makialam eh

"Sungit parin talaga. Tsk." Nakangiting bulong nito. "Anong problema? Inaway ka
ulit ni Lalaine?"

"You don't care, okay! Don't talk to me! Sino ka ba! Hindi kita kilala!"

Ngiti lang ito ng ngiti.

"Gusto mo pakita ko sayo yung abs ko? Kinalimutan mo na yung gwapo kong mukha eh."
Pagyayabang nito. Kinalimutan eh hindi ko nga maalala na nakita ko to! Okay, I
admit medyo pamilyar.."It's me Travis."
"Wala akong kilalang Tra--Wait!" Mula sa pagkakaupo sa bench humarap ako dito at
tinitigan ang mukha nito. "Oh...okay, ikaw yung kakambal nung Trey na kilala ko.
Hello sa 'yo." Boring na bati ko at humarap ulit sa mga kasiyahan.

Yung mga bench kasi pinalilibutan yung buong carnival na puro bilihan, laro, at
rides siyempre. May mga booth din. At ako inaaliw ko ang sarili ko sa panonood ng
booth na puro teddy bear, ang cute kasi, kaya lang mahirap yung game, kaya
tinitignan ko nalang kung may makakakuha.

"Ganun lang? Hi lang? Walang 'Hi, Travis loves! Namiss kita! Pa-hug!'" He even
mimicked my voice.

"Wala. Umalis ka dahil bad mood ako, pasensiya ka na." Sabi ko nang hindi inaalisan
ng tingin ang couple na sweet na sweet na naglalaro dun sa booth ng teddy bear.
Ugh! Hwag lang nila makuha yan!

"Tss!" Nagulat nalang ako nang hilahin ako nito patayo. Palapit dun sa booth na
tinititigan ko. "Ang saya ng carnival tapos ikaw umiiyak. Baliw ka ata." Travis.

Dinala niya ako dun sa booth na may cute at malaking blue teddy bear at may cute na
damit.

"Anong gagawin natin dito?"


"Wala. Papanoorin mo lang kung paano ang gwapong katulad ko makuha ang gwapo rin na
teddy bear na ito." Travis

Kinamot ko ang noo ko at hindi na pinigilan si Travis.

Pumila kami sa booth. Yung game kasi, isa siyang...for couples only.

Nang turn na namin. Nagtaka ako nang wala man lang ni anong binigay samin para
laruin ang game. At...pinalapit kami dun sa heart na stage. Kanila pala yon?

"Uh..Travis, ano gagawin?" Tanong ko. Ang dami rin nanonood. "Hindi ko kasi alam
na..err, Hwag na tayo sumali--"

"Ready, lovebirds?" Rinig kong sabi sa microphone ng isa sa nagpapatakbo ng booth.


"Ano daw?! Love birds?!" Naguguluhan na sabi ko kay Travis na hindi parin matigil
sa kangingiti.

Hinapit ako nito sa beywang at hinarap sa kaniya. "Hindi ka naman tumanggi, akala
ko ayos lang. Pfft. Haha, exciting." Travis

Naguguluhan na tatanungin ko sana ito nang mahagip ng mga mata ko ang maliit na
board, hindi kalayuan sa pa-heart na stage na ito.

*Love Birds' Booth*

*Ang magkasintahan na may pinakamatagal na kiss ay ang magwawagi ng larong ito.*

*Prizes: Teddy bears, chocolates and blahblahblah..*

Hindi ko na tinapos ang pagbabasa at pinanlakihan ng mata si Travis.

"Loko ka ba! Alam mo bang kiss yung labanan dito sa booth?! Travis!" Bulong ko ng
madiin.
Tumawa lang ito at mahigpit na hinawakan ang beywang ko, "Nandito na eh, hayaan mo
na. Hahaha!" Travis

Namutla ako. Bakit ba may ganitong booth dito!! Ang cute pa naman ng teddy bear!
Ugh!

"3...2...1! Go!" Signal ng isa sa staff ng booth.

Magrereact na sana ako nang hawakan nito ang likod ko at halikan ang labi ko.

Sabi ko na nga ba, mahilig sa halik tong kambal na to eh! -___- >/////<

Binilangan kami ng malakas ng staff ng booth na yon. 7seconds palang nang biglang
mamatay ang mga ilaw sa stage na heart na kinatatayuan namin. Namatay rin ang
pulang lights na nakatutok samin at sa iba pang couple.

Biglang may marahas na humila sa braso ko, nakakapaso pa yung init nung kamay.
Tumunog pa nga yung buto ko, langya!

"Hinahalikan mo 'tong ASAWA KO?! What the fvck!"

"Trey?!" Si Trey nga!

"What are you talking about. Booth ito, at..anong sinasabi mo.." Travis

"Sa--" Bago pa makasigaw ulit si Trey ay hinatak ko na ito palayo doon.


"Ano bang problema mo, mag iiskandalo ka pa!" Inis na sabi ko habang tinatahak ang
daan papuntang academy. Ang dami kasing tao dito at nakakahiya mag-sigawan dito.

Hindi ito sumagot pero namumula sa inis at naka-lukot ang mukha sa galit

**

"S-sorry..yung about kanina..I didn't mean to yell at you. Masakit lang yung ulo
ko," Trey

"Humiga kana ang dami mo pang sinasabi!" Nandito na kami sa dorm niya at ang loko,
ang taas ng lagnat. Ang sakit pa daw ng ulo at namumutla.

Huminga ito ng malalim at humiga sa kama pero hinila ang beywang ko at nasama ako
sa pagbagsak sa kama.

>/////<
"Sorry na. Hindi ko gustong sigawan ka, asawa ko."

"O-oo na." Umupo ako pero hinila ulit ako nito at niyakap ng mahigpit. Ang init ni
Trey, shemay nagwawala yung puso ko. Ano ba to? "Trey!"

Hindi ito sumagot, nang tingalain ko ito nakapikit na pala at mukhang matutulog na,
pero ang higpit ng yakap sakin.

"Pakinggan mo yung chest ko. Dali." Utos nito pero nakapikit parin. Ginawa ko
nalang at dinilit ang ulo ko sa dibdib nito.

Teka, may sakit ba to sa puso?! Ang bilis ng beat ng heart niya. Parehas kami!

"Nagkakaganiyan lang yan kapag hinahawakan kita, kapag nakikita kita, kapag
nakikita kong nakatawa at ngiti ka. Kapag malapit ka at kapag...hinahalikan kita."
Mahinang sabi nito. Parang patulog na ito sa boses niya.
Napalunok ako. Anong kalokohan ba yang sinasabi ni Trey. Pinilit kong tumawa.
"Hwag...mo nga akong p-pagtripan." bulong ko.

Matagal itong di sumagot. Nakatulog na yata. Panaginip niya lang siguro yung
kanina..

I heave a sigh. Ayaw parin mag beat ng normal nitong nasa dibdib ko. Ano ba
nangyayari sakin!! Tsk!!

Patayo na sana ako nang...shit!

"Mahal kita, Astrid. Dati pa.."

..at tuluyan na ngang hindi naging normal tong dibdib ko. Konti nalang sasabihin
kong...inlove na nga ako.
I sighed.

**

"Guys!!" Sigaw ko. Gabi na at nandito ako sa hallway. Kita ko sila Regina, Ace,
Ice, Dionne, At Maxinne na nag-uusap usap.

Lumapit ako sa mga ito. Ngumiti lang ng payak si Maxinne sakin. Si Dionne naman
yumakap at humalik sa pisngi ko.

"Nawala ka daw? Ano ba nangyari?" Dionne

"Sasabihin ko mamaya. Pero sa ngayon, Maxinne, gusto ko sana magsorry. Yung inasal
ni Trey.." Baling ko kay Maxinne. Siya lang yung hindi nagsasalita sa kanila nang
mapansin ko sila kanina dito.

"Okay na yun.." Maxinne.


"Talaga?"

Tumango ito at ngumiti lang. "Una na ako sa dorm ko." Maxinne

Tumango lang kami.

"Nagbago yata si Max?" Dionne

"Sabi na Ace eh!" Regina

"Sus, hindi yun! Edi sana dati pa lang nahalata ko na. Tsk!" Ace

"So gigive up kana lang? Ganun? EH MUKHANG KAYA GANUN SI MAXINNE NGAYON DAHIL.."
Regina. Tumingin ito kay Ice.
"Nagseselos!" Sabay na sabi nila Ice at Regina. Nagtawanan pa ang mga ito.

"Ayon? Nagseselos? Patawa ka, Regina." Ace.

"Pero namumula ka? Hahaha! Landi neto!" Ice

"HOY, MGA BINIBINI AT MGA LALAKI!" Si Sandy na tumakbo palapit sa pwesto namin..

"Ingay mo, Payat." Dionne

"Hi, Scarlett." Sandy, "Pero narinig niyo na ba yung balita?"


"Hoy payat ang dami mong naririnig." Dionne

"Wag ka magulo." Sandy, "Si--Ay, nandito pala si Ice. Hehe 'wag nalang." Sandy

"Ano ba yun, Sandy?" Ice

"Ha? Naku, wala! Hehe!" Sandy

"Sabihin mo na, hindi yan magagalit." Ace, tumango naman si Ice.


Kumapit sa braso ko si Sandy, "Kapatid mo kasi eh, baka magalit ka. Si Angel nakita
daw kanina...naghahalikan sila ni Felix."

Napasinghap kaming mga babae. "Totoo?!" Regina

"Teka, ibig sabihin hindi na si Trey ang gusto niya? Hinalikan niya rin si Trey
last time." Sagot ko

Mas lalo naman nagulat si Ice. Pero nag poker face rin at bumuntong hininga.
"Babaero at sinungaling. Bagay sila." Ice, lumakad ito palayo mula saamin at
umalis, "Isa pa, hindi ko yun kapatid." Pahabol ni Ice na malamig na ang
ekspresyon.

Hindi kapatid?" Tanong ko.

"Ay, hahaha! Ibig niyang sabihin, half-sis lang sila, ganun. Pero magkapatid sila.
Hwag niyo na isipin yon," Ace

"Seryoso si Felix? Nililigawan nun si Ice ah." Dionne


To be continue...

Add me on fb, [ Mayu WP] kagagawa pa lang. :D

Comments Votes

-SilveryLuna
Yung mga gusto magpadedicate, imessage niyo ako. Hindi ko kasi maalala kung sino-
sino kayo..

Makakalimutin kasi ako dahil sa hirap ng lessons at reports sa school pag uwi naman
ng bahay type agad ng updates :3 Ang payat ko na nga, wengyah kasi kayo, natetempt
ako mag update sa comment niyong "Bitin/Update" tapos may "Ang ganda mo ate Mayu,
update kana" Hey, @Fionachic special mention dahil ikaw gumagawa niyan XD hahaha

Add me on fb: Mayu WP

Dun kayo magmessage,


And wala kaming pasok bukas, I'll try to update later. :))

Thank you.

Mwah

-SilveryLuna
Scarlett/Astrid's POV

Nakaupo ako ngayon rito sa couch ng sala ng dorm ni Trey.

Nanonood ako ng movie while eating a chocolate ice cream.

Tulog na ang lahat. I mean, si Lalaine and Trey

12:24am na pero hindi pa ako makatulog. Naiinis rin ako dahil nandun natulog si
Lalaine bruha sa tabi ni Trey.

Landi talaga! Sarap hilahin yung buhok! Ugh!

Bigla kong naalala yung pag-uusap namin nila Sandy at Dionne kanina. Ang kwento
nila, si Dionne and Felix ay nililigawan na si Sandy at Ice.

Talagang hindi na ako nagulat sa dalawa kong best friend. Alam ko naman na
magkakadevelopan sila, 'no. The more you hate, the more you love, away kaya sila ng
away diba? Dati?

Pero ang kinagulat ko talaga, si Felix and Ice. Nililigawan naman pala ni Felix si
Ice, eh bakit may kiss na humor about sakaniya and Angel?

Ipinatong ko ang dalawa kong binti dito sa couch at yinakap ang mga ito.

Really, what's with this Angel girl?

Ayokong isipan siya ng masama. Mabait siya at halata yun sa mga mata niya. Pero
bakit parang yung kinikilos niya, malayo sa mala-anghel na pangalan niya?
Seriously, wala akong galit sakaniya, inis lang siguro. Why she kissed Trey before?
And now si Felix naman. Crush niya ba ang mga ito,?

Tapos itong mga lalaking to naman. Gusto rin kaya nila? Naku, naku, Trey!! Sa pag-
iisip pa lang na nagkakagustuhan si Trey at Angel parang...err, hindi sila bagay!

At may isa pa akong bagay na naiisip. Naguguluhan talaga ako.

Si Ice. Si Ice na mahal na mahal at over protective and sabik makita si Angel noon,
bago pa nila mahanap si Angel. Tapos bakit ngayon na nandito si Angel eh nag-aact
si Ice na parang hindi niya kapatid ang isa? Bakit pakiramdam ko napakalamig ng
pakikitungo nito kay Angel? I'm so confused.

Nag-away ba sila? Pansin ko na unang araw pa lang nga ni Angel rito, cold na si Ice
rito.

Ano naman kaya ang--

"Hoy!"

"Ahh!" Tili ko nang may mag-"hoy" sa gilid ko. Tahimik ang atmosphere, bukas ang
pinto ng dorm at tunog lang ng movie ang maririnig tapos may malakas na 'hoy' what
the fvck.

Nilingon ko ang salarin. Si Trey ito na pfft. Hahaha, balot na balot ng kumot,
"Anong ginagawa mo at anong nakakatawa?" Paos na tanong nito. Sinarado nito ang
pinto ng dorm at tumabi sa'kin dito sa couch. To my surprise, niyakap ako nito,
yung dalawa niyang kamay nakapulupot sa beywang ko. Yung ulo niya nakapatong sa isa
kong balikat at sumandal don.

"T-trey..ang init mo, l-lumayo ka kaya." Utos ko na nauutal pa. Pinilit ko ito
lumayo sakin, pero humigpit lang ang yakap nito sa beywang ko at siniksik lalo ang
mukha malapit sa leeg ko. Ang init ng hininga niya, shit lang..ang lapit na naman
ni Trey.

"Alam ko hot ako, hot ang husband mo." Natatawang sambit nito.

"Trey!"

"Let me hug you, please." mahinang sabi nito.

"Tsk. F-fine.."
"Bakit 'di ikaw yung katabi ko dun?" Pagalit na tanong nito pero mahina ang boses.
"Akala ko umalis ka na naman.." Trey

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Nagtataka ako kay Trey.

"Saan naman ako pupunta." Ako, "Trey? May tanong ako.."

"What is it.." Trey

"Bakit...bakit minsan feeling ko nagc-care ka? Yung..yung sobrang care.


Bakit...minsan parang..." Shit, ang hirap maghanap ng tamang word. Assuming na ba
talaga ako?! Urgh! "Aish! Erase, erase! Nevermind, kunyari wala lang yung sinabi
ko" nahihiyang sambit ko. Sinong matinong babae ang magtatanong niyan sa lalaki?!
Kahiya, shet!

"You're very special for me. Mas mahalaga ka pa sa milyon-milyong gems," Seryoso
ang boses nito.

At naramdaman ko na ayan na naman ang puso ko, parang nagmamarathon sa bilis ng


tibok.

"Psh, anong..anong kalokohan yan--" Natatawang tanong ko. I felt uneasy here.
Pakiramdam ko iba si Trey ngayon, seryoso at sincere?? What the! Kailan magiging
sincere ang lokong to, "Trey, cut the crap. Pinaglololoko mo na naman ako. Dinamay
mo pa ang gems--"

"Shut up." Mahinang sambit nito. Sa bawat salita niya, pakiramdam ko tumatama sa
leeg ko eh. "Wag mo kong tignan na parang hindi marunong sumeryoso, pwede? Kapag ba
sinabi kong mamamatay na ako sa loob ng 5seconds, siguro mamamatay talaga ako dahil
tatawa ka lang. Akala mo joke. I'm serious here."
"Oh..okay. Sorry." Oo nga, seryoso na. Pero..maniniwala ba ako dun sa cinompare ako
sa gem? Ako? Ano naman ibig niyang sabihin sa isang yon?!

Lumayo ito sakin pero humiga naman sa lap ko at bumuntong hininga. Inilagay niya
ang kamay ko sa mga mata niya at ipinantakip yon. Ang hot este ang init niya..

"Trey ang taas naman ng lagnat mo!" Sigaw ko na natataranta. "Teka..ano, kukuha ako
ng--"

"Stay. No need to do that," Trey.

"Trey! Wag ka ngang matigas ang ulo. Ano nagugutom ka ba? May gusto ka ba inumin?
Pinainom ka ba ng gamot ni Lalaine kanina? Nahihilo ka? Kaya mo pa ba o dalhin na
kita sa clini--" Tarantang tanong ko rito. Nag-uumpisa na ako mag-aalala. First
time ko mag-aalaga ng may sakit tapos mataas na lagnat pa.

"I'm okay. I just...just want to say something.." Trey

"Mamaya na." Akmang ililipat ko ang ulo niya na nakapatong sa lap ko dito sa
cushion, para sana tumayo at kumuha ng tubig maligamgam..

Pero hindi niya ako hinayaan, at nanatili parin sa lap ko na nakahiga. "Astrid.."

I heave a sigh. "Sabihin mo na nga! Para patayuin mo na ako rito at makainom kana
ng gamot!! Tsk! Kainis."
He chuckled. "Wow, sounds like a worried wife. Sarap naman pala ng may asawa.."

Feeling ko nag-init ang mga pisngi ko. "B-baliw ka talaga! Natural na alagaan kita
k-kasi inalagaan mo rin ako noon."

"So kung hindi kita inalagaan noon, hahayaan mo lang akong may lagnat ngayon?" Trey

"Siyempre, hindi! I mean, m-makokonsensya naman ako kaya a-aalagaan parin kita--"

"Aminin mo na...nag-aalala ka sa'kin kasi mahal mo 'ko." Trey

Nanlaki ang mga mata ko at agad na hinampas ang braso nito. "Letche ang kapal mo!"

"Aw! Wag ka nga manakit!" Trey, "Bakit, sa gwapo kong to hindi ka nahuhulog?"
Nakangisi nitong tanong. Tinignan ko ang mukha nito, nakatingala rin pala sa'kin.
Nag-iwas agad ako ng tingin, naiilang ako. Hindi ko alam kung bakit.

"H-hindi."

"Then why the hell are you blushing, asawa ko?" Malambing nitong tanong at
hinawakan pa ang pisngi ko.
Tinampal ko nga ang kamay nito. "Hindi ah! Imbento ka!"

"Astrid?" Trey

"Ano na naman!" Masungit na sagot ko.

"Kapag ba sinabi ko sayong...mahal kita, ano reaksyon mo?" Trey

I stiffened. Nagkasakit lang 'to kung ano-ano na sinasabi! Ano ba 'to si Trey!
Kainis eh, ang lakas ng epekto sa akin! Kanina pa ayaw maging normal nitong puso
ko, psh!

"Trey, sa panahon kasi ngayon kahit sino, kahit hindi naman nila mahal, kahit hindi
naman sila seryoso sinasabi nila yang words na yan. Kaya action speaks louder than
words talaga..at tinatanong mo kung ano reaksyon ko kapag sinabi mo yan?" Tanong
ko. Kita ko na nakapikit ito. "Hihilahin ko yang tenga mo kasi alam kong
pinagtritripan mo lang ako! Yan reaksyon ko!"

Dumilat ito agad at sinamaan ako ng tingin. "Mamatay man si tanda, promise seryoso
ako rito. Hindi nga ako nagbibiro!" Trey

Kinurot ko ng bahagya ang pisngi nito. "So..mahal mo 'ko? Imposible! Ikaw? Yung
tipo mo alam ko na mga magaganda at sexy! Yung katulad ni Lalaine, yung malalakas,
yung sikat--" Shit na malagkit!

Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang bumangon ito bigla at halikan ako!

Nanghina agad ako at nagsitaasan ang mga balahibo ko nang gumalaw ang mga labi nito
sa labi ko. Shit shit shit!

Kung kanina hindi na normal ang puso ko dahil ang bilis nito, nang halikan ako ni
Trey mas lalong nagwala eh! Pero may parte sa'kin na gusto ito..What the heck,
Astrid!!

Unti-unti kong naramdaman ang likod ko na humihiga sa couch. Nang makabawi ako ay
sinubukan ko kumawala sa halik nito. Malambot ang mga labi ni Trey at ayoko
magsinungaling, masarap ito humalik. Pero bago to sa'kin at...at...shit,

Tumigil ito sa paghalik pero malapit parin siya sa mukha ko at nakadagan parin sa
ibabaw ko. Bakit ang hilig niya sa couch?! Ohmygod, Astrid! Tinitigan nito ang mga
mata ko. Yung mga mata niyang mapupungay parang may sinasabi..

"Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako, Astrid. Mahal kita.." Trey, "Gusto mo bang ulit-
ulitin ko para maniwala ka na! Mahirap ba yon pakinggan?! Sa tingin mo ba
imposibleng mahalin kita!"

"Trey"

"Astrid! Hindi pa ba halata sa mga halik ko sa'yo?! Ha!" Pataas ng pataas ang boses
nito at bigla ulit akong hinalikan pero bumitiw ulit.

Nag-iwas na ako ng tingin sa mga mata niyang nakatitig sakin.

"Trey..sige sabihin na natin na...na seryoso ka..pero hindi ka ba nagtataka?"

"Fvck! Saan?! Bakit pa ako magtataka eh dati ko na tong nararamdaman!"

"Dati? Wala pang isang taon bago tayo magkakilala, Trey. Infatuation lang ang
nararamdaman mo. Mawawala rin yan.." Nanginginig na sabi ko. Gusto ko rin maiyak
nung maisip ko na mawawala nga yon. Kaya lang...bakit naman ako iiyak?! May hindi
talaga ako maintindihan rito! At parang ayoko na yon alamin.

"Shit" Mahina nitong mura. "I'm your childhood friend. Matagal na kitang kilala!
Matagal na to, Astrid!!"
"You're my what?! Ano na naman yan Trey?!"

"Wala kang matatandaan! Pero dati na tayo magkakilala, okay!" Lumayo ito sa ibabaw
ko at nanatili kaming nakaupo. Naguguluhan ako. Anong sinasabi niyang--

"Sa Mortal World. We were 7years old that time." Trey, "Dun na ako nagsimulang
magkagusto sayo! At alam mo, habang lumalaki at tumatanda ako, ikaw parin naman!
Ikaw lang yung minahal ko, naiintindihan mo. Now tell me, infatuation pa ba to
matatawag, ha Astrid?" Trey

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, nagsisinungaling ka. Wala akong matandaan na kilala
kita noon pa." Umiiling na sambit ko.

"Maniwala ka sa hindi, totoo ang sinasabi ko, something happened in the past
kaya..kaya hindi mo maalala. Kung totoo man to o hindi, hindi yun mahalaga. Ngayon
sagutin mo ang tanong ko, mahal kita eh ako ba? Answer me."

Napaawang bibig ko. Naguguluhan na ako. Ano bang alam niya na hindi ko alam!!
To be continue...later :D

A/n: Plug

"Loving You" and "When Im with you" ni CookiesPopcorn

"Simcard(ONESHOTSTORY)"

Comment and vote. Ano nga ba ang nangyari sa past?

Add me on fb : Mayu WP

Nagbibigay ako ng clue sa fb. Haha

-SilveryLuna
Scarlett/Astrid's POV

"Hindi ko sasagutin yang tanong mo hangga't hindi mo sasabihin ang mga bagay na
alam mo pero HINDI ko naman alam!" Sigaw ko.

"Hindi mo na kailangan malaman." Trey

"What?! But I believe na about my past yon! Part yon ng life ko! Sabihin mo para
hindi ako mukhang tanga dito!" Inis na sigaw ko. "Sabihin mo nang maintindihan
kita! Una, ano ba talaga ang nangyari sa'kin?! Bakit... anong nawalan ako ng
memories?! Kilala mo na ako noon pa? Sino ka ba talaga?! Kilala na ba talaga kita
ha!" Hindi parin ito lumilingon sa'ken.

"Hindi mo malalaman. Hindi mo kailangan malaman.." Bulong nito na umabot parin sa


pandinig ko.

"Damn! Anong hindi ko dapat malaman?! Ano bang problema! Alam mo, ginulo mo lang
ako eh!" Alam ko sobra na tong pagsigaw ko. Pero may something talaga na tumutulak
sa'kin na sumigaw, na magalit. Pakiramdam ko baka may bagay sa memories na yon na
dapat talaga niyang ikwento at sabihin dahil dapat ko rin naman talaga yon malaman!

Isa pa, una ko rin naisip ang tungkol kay mama, "May kinalaman 'to kay mama?"
Paniniguro ko. Gusto ko lang itanong kahit alam kong namatay ito sa bangungot
katulad ng nadatnan ko. Na nakahiga ito sa kama na puno ng dilaw na rosas.

Agad itong tumingin sa'kin at naging malikot ang tingin. Nanliit ang mga mata ko
dahil sa inakto niya. Lumakas ang kutob ko. Bakit ganun nalang yung nararamdaman ko
sa bawat ekspresyon niya?!

"Bakit ayaw mo magsalita! Trey, ako naman ang nagtatanong! May kinalaman ba 'to kay
Mama!" Sigaw ko.

"W-wala! Wala! Anong sinasabi mo! Wala! Nawalan ka ng memorya dahil...dahil sa


aksidente at magkaibigan na tayo non. Yun lang, Scarlett! Yun lang!" Tinawag niya
akong 'Scarlett'

Hindi pa ako kuntento sa sinagot niya pero yun na eh. Aksidente? Magkaibigan na
kami? M-mahal niya ako? Ano pa ba!

"Yun lang? Bakit hirap ka pa magsabi, kung yun lang. Ano pa ba ang hindi ko alam?"

"Wala na. Nasabi ko na. Yun lang.." Trey, "Siguro naman ngayon hindi mo na ako
pagdududahan. Now it's your turn to answer my question. D-do you love me?" Trey

"I..I don't know," Sagot ko. "Pwede bang next time nalang yan, Trey? Magpahinga
ka--"

"Last na 'to, Astrid." Trey, "Say yes kung gusto mo pang magpatuloy to. Just...Just
say no, kung..kung wala naman pala 'to sayo and I'll stop this fvcking feelings of
mine towards you." Nakayuko na ito ngayon at hinihilot ang sentido.

Napalunok ako. I wanted to say 'no' pero may...may sumasalungat sa iniisip ko.
Parang...parang may malaking mawawala kapag ginawa ko yun. Feeling ko...mali 'yon.

Then 'yes' ? Anong ibig sabihin? Parehas nga kami ni Trey ng nararamdaman? I don't
know. Naguguluhan ako. Tinignan ko siya, nakasandal na ito sa couch at nakatingala
habang nakapikit.

May nararamdaman ba ako sa lalaking 'to?

Yung...yung pare-parehas na epekto ng mga salita at actions niya sa'kin. Yung hindi
ko naman nararamdaman sa iba. Ano na ba ang pahiwatig nun? Should I say yes yes na
ba? Pero paano naman kung hindi ko naman pala ito talaga mahal? Edi umasa lang yung
tao?

Ayokong umasa si Trey...dahil sa ngayon hindi ko pa alam ang sagot.

"N-no, Trey." Simpleng sagot ko at tumayo na para abutin ang remote control at
pinatay ang t.v. Tumungo ako sa kitchen at kinuhaan si Trey ng biscuits at bread,
tapos tubig at gamot.

Alam kong nabigla siya sa sinagot ko. Ramdam ko ang pagtitig at pagsunod ng tingin
niya sakin. Nanlamig ako sa binitawan kong salita. Parang nagsisi ako.

Pagbalik ko sa sala dala ang mga biscuit at breads niya pati gamot at tubig.
Naabutan ko itong nakayuko at...parang nagpunas sa mga mata.

"T-trey, inom ka muna ng gamot.." Naiilang na sabi ko.

"Wag na. Salamat," Hindi man lang ito nag-abala tumingin sa'kin at naglakad na
patayo patungo sa kwarto niya. Narinig ko pa itong suminghot.

Napabuga nalang ako sa hangin at pabagsak na umupo ng couch.

Umiyak si Trey?

Nasaktan ko ba siya? Ayoko lang naman na paasahin yung tao.

"Tanga," Napalingon ako sa nagsalita. Si Lalaine.

Tinaasan ko ito ng kilay. "Ano?"

"Sabi ko tanga. Ikaw. Tanga." Lalaine. "Tanga ka, para maintindihan mo."

"Ayoko makipag-away sa'yo."


"Nakikipag-away ba ako?" Umirap ito. "Nakikipagsiksikan ako rito para hindi kayo
tuluyan magkaroon ng time ni Trey. Ginagawa ko ang lahat kapag wala ka sa paligid.
Tapos eto ka, tinatapon ang pinapangarap ko? Stupid." Umupo ito sa single sofa at
nagde-kwatro.

"Pinapangarap? O, so umaamin kana? May gusto ka nga kay Trey? Ikaw talaga yung
umaway sakin dati, ano. Walang nag-utos sa--"

"Manahimik kana! Ano naman ngayon? Ano naman kung nagawa ko yun? Ano naman sayo
kung may gusto ako kay Trey? Selos ka?" Lalaine.

What the!

"Bakit ako m-magseselos? Ikaw na ang nagsabi na I rejected him. Sayo na. Hindi ko
aagawin." Napalunok ako sa sarili kong nasabi. Bakit ba nagkakaganito ako, damn!

Nag-smirk ito. "Akin na talaga. Narinig ko ang pag-uusap niyo. Sabi niya, if you
say 'no' titigil na siya. And fortunately you gave him a 'no' answer!" Ngiting-
ngiti nitong sabi. "Tinaboy mo ang crush ng buong StoneGem Academy. Tinaboy mo ang
pinaka-sweet na lalaki. Hindi ka talaga nag-iisip!"

"Bakit ba. Sinesermonan mo ba ako?! Ayaw mo ba na..na pwede kana kay Trey ngayon!"
Inis na sabi ko.

Tumayo na ako sa inis pero bigla may mahigpit na kung ano ang pumigil sa braso ko
dahilan para mapanatili akong nakaupo. Lubid na tubig galing kay Lalaine.

"Congratulations, nagpapaka tanga at MANHID ka, Scarlett! Hindi kita sinesermonan,


sinasampal ko lang sa'yo ang totoo." Lalaine. Umayos ito ng upo. Bitch! Nagcross
arms ito at sumandal sa sofa. "Hinintay ka niya, hanggang sa magtapo ulit kayo
rito. Hindi ka niya kinalimutan tapos ito ang igaganti m--"
"Hindi ko alam ang sagot. Hindi ko alam at sigurado kung gusto ko yung tao. Ayokong
umasa siya, kaya tanggalin mo tong lubid na tubig na 'to dahil magpapahinga na ako.
Stop meddling with my life and decision." Matapang na sambit ko rito. Lalo naman
humigpit ang lubid kaya napadaing ako. Lumapit ito sa'kin pero nanatiling nakatayo
sa harap ko.

"You're stupid. You're blind. You're deaf. Why don't you open those eyes and ears
of yours? Bakit hindi mo intindihin yung paligid? Ganiyan ka talaga katanga.
Nararamdaman mo na, ipinapapasa-walang-bahala mo pa." Tumalikod na ito at nagmartsa
papuntang kwarto ni Trey. Nawala na ang tubig na lubid. Lumingon muli ito sa'kin at
inirapan ako. "Best tanga and manhid I've ever met. Di bale, kaw rin kawawa sa
huli."

**

"Bangin ang eyebags natin ngayon ah." Malakas na kantyaw ni Dionne. "Lalim!"

"Oo nga! Anong problema ha, hindi ka pinatulog ni Lalaine? Nag-aaway pa kayo?"
Sandy

"Naku, kayong dalawa talaga! Hindi. Nanood lang ako ng movies buong magdamag."
Sagot ko at nilibot ang tingin dito sa cafeteria. "Hindi...kasi..ako ...
nakatulog." Mahina at putol-putol na sabi ko. Pasikretong sinundan ko ng tingin ang
bagong pasok ng cafeteria. Trey and another girl na nakakapit sa braso niya.

"Hey! Hindi ka nakikinig!" Sandy


"Ha? Ay, ano ba yun? Sorry, inaantok lang kasi ako."Palusot ko.

"Inaantok. Wide na wide nga ang mga tingin mo kay Trey at dun kay Hecate." Dionne

"Hecate? Sino siya?" Tanong ko agad.

"Yung kasama ni Haydee, transferees sila na magkaibigan.And they're very silent


tapos mabait rin." Sabi ni Dionne na binulong pa ang hulong linya.

Nagulat naman kami parehas ni Dionne nang biglang may tubig na tumama sa mukha
nito.

"Anong--" Dionne

"Mabait? Paano mo nalaman, nag-usap kayo?! O baka naman nakikipag-halikan ka na rin


habang niliigawan ako!" Sandy. Agad naman na inakbayan ni Dionne si Sandy at
yinakap.

"Siyempre naman hindi ko yun gagawin sayo, payat. Alam mo naman na labs na labs
kita, yat eh." Dionne, "Sagutin mo na ako para hindi kana mag-alala kung
makipaghalikan ako sa ib--"

"Walanghiya ka! Edi nakikipaghalikan ka nga?! Lumayo ka sa'kin!" Sandy

Napatawa nalang ako sa dalawang kaharap ko ngayon. Lunchtime na kaya nandito kami.
Pagkagising ko kasi kanina, wala na si Trey and... Lalaine.

Nagtalo na ang dalawa pero sweet parin naman sa harap ko. Kaya ibinalik ko ang
tingin kay Trey...nakaupo na ito at may kasamang dalawang babae sa upuan. Nandun si
Regina at Ace, pati rin si Paul.

Nakaakbay ito dun sa Babaeng pangalan raw ay Hecate ayon kay Dionne.

Pero maya-maya ay lumapit si Lalaine rito at kumandong kay Trey habang nakangisi sa
gawi ko. Nag-iwas na ako ng tingin dahil pakiramdam ko nabwibwisit lang ako kay
Trey, babaero! Psh!

Tinusok ko ang karne at padabog na kinain ito. Paano pala kung girlfriend niya ako,
eherm! Baka habang kami eh may iba pa siya.

"Hi," Biglang may bumeso sa pisngi namin ni Sandy. Si Ice pala. Si Ice na mugto ang
mga mata.

"Ice..are you..okay?" Sandy

"Pahiram ng make-up. Traydor tong mga mata ko eh, tsk tsk." Ice

"Guys!" Napatingin kami sa bagong dating it's Maxinne. Umupo ito sa left side ko.
"Ano nangyari diyan?" Maxinne turo kay Ice na pinapahiran ni Sandy ng make-up.

"Umiyak yan.." Bulong ko. Tumango naman ito.

"Boys?" Maxinne. Tumawa ito ng mapait.

Naalala ko na may sasabihin pala samin si Mr. Cavin sa office nito. Kaya tumayo na
kami para umalis. Dadaan pala kami sa table nila Trey..

Nang natapat kami sa table nila...

"Pare-parehas lang sila.. mga hindi makuntento sa isa.." Maxinne. Napalingon tuloy
samin sila Regina, Ace, Paul, Trey yung isang babae si Hecate at Lalaine. Nagtama
ang tingin namin ni Trey pero nag-iwas lang ito. Ganun rin si Regina at Ace.

Hindi kami binati nila Ace, pakiramdam ko tuloy nahati kami.


Tapos si Trey naman...h'wag niyang sabihin na magiging ganun rin siya. Haaays.
Parang ang bigat naman ng ganito sa pakiramdam.

Nasanay na kasi talaga siguro ako na laging bubuntot-buntot si Trey sakin.


Nangungulit sa umaga tapos dadaldal-daldal.

"May problema ba, Maxinne?" Tanong ko. Naging tahimik kasi ito. Akala ko okay na
sila ni Trey at magiging masayahin ulit ito tulad ng dati.

"Oo," Maxinne. Naglalakad na kami rito sa Hallway. "Si Ace at itong huli nang
nararamdaman ko para sakaniya." Napalingon samin tuloy sila Ice at Sandy. Teka,
umaamin na ba ito? Kay Ace na gusto niya?

"Kaso huli na. May Regina na siya..." Maxinne na malungkot ang tono. "Kaya ikaw
Scarlett, ikaw Sandy at sayo rin Ice. Hangga't may chance pa wag na kayo mag-
alinlangan. Mas okay kasi na tinanggap nito kaysa nireject niyo yung pagmamahal
nila.." Maxinne

Those words of her hit me.


To be continue...

Scarlett/Astrid's POV

Nakatunganga lang kami rito nila Maxinne, Ice, Sandy, Dionne, at nila Ace, Regina,
Felix, Paul dito sa office ni Mr. Cavin.

Sabi kasi hindi muna magsisimula hangga't kulang eh. Wala naman si Trey.

"Matagal pa ba 'yon?" Ice

"Susunod yon! Maya-maya," Ace na katabi si Regina.

Tumango naman kami. Pero si Mr. Cavin hinampas na ang kaniyang desk. "Susunod siya,
sigurado ka Ace? Thirty minutes na. Alam niya namang mahalaga ang mga ganito dahil
isa rin siya sa main protector ng Crystal Moon!"

Napakamot ng ulo si Ace. "Sabi kasi...susunod daw." bulong nito.

"Scarlett, magt-training kayo mamaya. Hindi na sa Gem Mountain, maraming padating


na okasyon at baka mamissed niyo ang mga iyon." Mr. Cavin

"So...saan po ang training?" Regina

"Mirror room." Mr. Cavin.

"Hindi po ba na mapapabilis ang training kung gem mountain kami? Nandun ang circle
of gods and goddesses." Regina

"Okay na ang Mirror room. Makinig at sumunod nalang tayo, hindi yung ang dami niyo
pang kwestyon." Simpleng sagot ni Maxinne. Tumingin tuloy sakaniya Si Regina ng
nagtataka at nanahimik na..

Iniwan kami ni Mr. Cavin sa office niya matapos sabihin na kailangan na talaga
mapadali ng training. Pinagplano niya ang Royal Colors kung paano ang gagawing
technique sa pagtrain sakin. Pero hindi naman nag-usap ang mga ito. Sa halip ay
lumabas agad si Paul at Maxinne sa silid. Sila Sandy naman at Dionne kasama si Ice
ay may misyon rin sa mortal world,hindi na sila kasama sa training.

Bumuntong-hininga si Ace. "Iba na yun si Maxinne. Tapusin na natin tong kalokohan


na 'to, Regina?" Ace

"Mabuti alam mo! Baka mamaya niyan sabunutan na ako nun!" Regina

"Bakit hindi niyo pa isakto sa Night Party?" Dionne

"Tama! Dun ka umamin kay Max, sa Night Party! Malapit na rin yon diba?" Regina

Nag-uusap-usap pa sila nang magpaalam na ako. Lumabas ako ng office. Sumunod nga si
Ice sa'kin eh, pero nakita kong hinila ito ni Felix ng sapilitan, mag-uusap daw at
magpapaliwanag si Felix.
**

Kumunot ang noo ko nang makilala ang isa sa lalaking nasa gitna ng mga kumpol ng
estudyante,

Agad na tumakbo ako dun, Si Trey at isang guy, nagkakagulo??

Nakisiksik ako sa mga taong nakapalibot dito at halos manlaki ang mga mata ko nang
masaktohan ang pagsipa ni Trey sa tiyan ng guy na nakahiga na at duguan na ang
mukha. Sumuka ito ng dugo at tuwang-tuwa naman ang mga nanonood.

"Trey!" Sigaw ko at kumaripas ng takbo sa gitna. Nilapitan ko ang lalaki na puro


dugo ang black shirt pati ang mukha. Halos hindi na ito makadilat.

"Ano bang ginagawa mo!!" Sigaw ko kay Trey at matalim na tinignan. Blanko lang ang
ekspresyon nito at tinignan lang ako saglit na parang walang narinig. Pinunasan
niya ang gilid ng labi niya at naglakad na paalis.

"Kayo!" Turo ko sa mga nanonood. "Tulungan niyo siya, kung ayaw niyong makarating
kay Mr. Cavin to, na tuwang-tuwa pa kayo sa ganito!!" Galit na sigaw ko.
Nagsilapitan naman ang dalawang lalaki at pinagtulungan na buhatin ang kawawang
lalaki papuntang clinic.

Hinabol ko si Trey..

"Trey! Bakit mo ginawa yon dun sa lalaki?!"

"Dahil gusto ko." Walang gana nitong sagot.

"Ano?! Gusto mo!? Kawawa naman yung lalaki, ano bang nangyari at kailangan na halos
patayin mo yung tao!" Inis na sigaw ko rito. Umupo ito sa bench malapit sa Fairy
garden.

"Ano bang pakielam mo. Sino ka ba para pagsabihan ako. Ikaw ba ay ako? Kung ano ang
gusto ko, yun ang gagawin ko!" Trey

Lalong nabwisit ako sa sinagot nito. Pati rin yung way ng pagtingin niya sa'kin
parang hindi niya ako kaibigan.

"So yun ang gusto mo?! Patayin yung guy na 'yon?!"

"Gusto ko, wag mo ko kausapin." Tumayo ito at lumakad na paalis.

Nilingon ko ang walang modong lalaking to. "Ano ba nangyayari sayo! Galit ka ba
sakin?! Ano bang problema mo!"

"Manhid ka. Yun lang." Sagot nito nang hindi lumilingon.

**

Day 2 of training.

Nandito ako sa Mirror room. Yung pagttrainingan ko. Sobrang laking kwarto ito,
puno ng salamin sa bawat sulok at pwesto. Pati ang bubong, may salamin.

Wala silang lahat. Wala si Maxinne, si Paul, si Regina, si Ace. Hindi na yata
pupunta ang mga iyon para tulungan ako. Siyempre ganun din si Trey, asa pa ako dun!
Laki talaga ng topak sa utak eh!
Day 1, kahapon. Nagkagulo rito sa loob ng room na ito. Si Maxinne na
sinasalungat ang mga ginagawa ni Regina. Si Paul na sinuntok bigla si Ace, dahil si
Ace at Regina...naghalikan.

Hindi nag-usap ang mga ito ng buong araw na iyon. Hindi namin pinaalam kay Mr.
Cavin. Hindi ko rin gusto ipaalam. Hayaan na, may tiwala naman ako sa kakayahan ko.
Gusto ko na subukan kung kaya ko ba ng mag-isa.

Tumayo ako sa pinakasentro ng silid. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.


Nakasuot ako ng short shorts at green sleeveless blouse. Nakatali ang buhok ko ng
bun. Pinilig ko ang ulo ko habang nakatitig sa salamin, kanina pa ako nagtataka
eh..

"Bakit kaya may dilaw na kulay diyan?" Tanong ko sa sarili ko. May dilaw kasi
na kulay ang nakapalibot sa katawan ko. Buong katawan mula ulo hanggang paa. Kita
iyon sa salamin.

Hindi ko na iyon pinansin at pumikit nalang. Nagrelax ako at inhale-exhale. Inisip


ko na gusto ko matutunan ang gem ko.

After 10minutes

Wala parin. Sinabunutan ko ang sarili ko sa inis. Paano ko matututunan kung hindi
ko alam ang gagawin?!

Last time, pinapagconcentrate ako nila Trey at Lalaine. Ayan na, nagconcentrate ako
ng halos sampung minuto! Wala naman!

Pinagpatuloy ko ang concentration sa halos isang oras. Nangalay na nga lang ang
likod ko, pero wala parin nangyari. Sinubukan ko nga tawagin ang kung sino man sa
isip ko tulad ni Serentine ng gem ko para humingi ng tulong. Wala rin nangyari. Ano
'to lokohan?! Argh!

Lumabas ako ng mirror room na ito at tumungo sa kung saan. Excuse ako sa mga klase.
Maging ang mga trainer ko, dahil sa training namin.

Naisipan ko na pumunta ng dorm ni Trey at maligo ulit. Ang init kasi.

Kumatok ako pero walang nagbukas ng pinto. Ginamit ko ang gem na pula ni Trey para
mabuksan ito.

Pagkapasok ko, naabutan ko si Lalaine na hawak ang mga gamit ko. Si Trey na nakaupo
sa sofa at nanonood ng t.v

"Bakit mo hawak yan?" Tanong ko.

"Kasi pinapaalis na kita dito?" Nakangisi nitong sabi.

"Pwede ka na umalis dito. Wala na ang White Snake Guardian threat. Makakabalik kana
sa dorm mo." Trey

Parang nung nakaraan lang pinilit niya pa na dito ako. Edi aalis! Psh!

Padabog na kinuha ko ang bag ko at dumiretso sa dorm ko. Naisipan ko nang bumalik
sa mirror room.dahil nabwibwisit lang ako.
Pagtingin ko sa repleksiyon ko...kulay puti ang nakapaligid sa katawan ko. Ano bang
effect ng mirror ang meron sa lugar na to.

"O, asan yung asawa mo?"

"Travis?"

"Gwapong Travis..nasaan nga yung mga trainer mo, pati yung magaling mong asawa na
nambugbog daw?"

"Psh..andun sa dorm niya, kasama si Lalaine..naglalandian siguro.." Simangot ko.

"Selos ka naman?"

"Bakit ako magseselos?"

"E diba asawa mo yun? Bakit nga ba hindi ka nagseselos?" Travis

"Kunyaring kasal lang yon...mahabang kwento.." Ako

"Kunyaring kasal pero true feelings ka na. Gusto mo yung ugok kong kambal?" Travis
na naka crossed arms at nakasandal sa salamin.

"H-hindi ah. Nireject ko na yun 'no." Nag-init bigla ang mga pisngi ko. Parang
imbestigador naman si Travis.

"Nireject?! What the fvck!" Travis

"So that explains why he's back being the Trey bad boy. Ikaw pala dapat sisihin ng
mga nabubugbog eh." Tumawa ito ng pagak.

"Bakit ako. Tinanong ko siya kanina sabi niya gusto niya lang manakit.." Ngumuso
ako sa inis. Nakakagigil yung babaerong yun.
"Nagbago na yon eh. Nireject mo lang.Anyway, hindi kana sisiputin sa training
niyo," Travis

"Tama ka.." Sagot ko. Bakit naman ganun si Trey! Dahil lang...dahil lang nirejet
ko..kaya ganun na yung ugali niya?!

"Right, kaya ibig sabihin kapag binawi mo ang rejection niya...babait ulit na
parang aso yun, panigurado." Travis

Hala! "Paanong nabasa mo ang nasa isip ko?" tanong ko.

Tinuro nito ang salamin sa itaas. "Gumuhit yung nasa isip mo. Ganun yan kapag
malakas ang emosyon mo." Napanganga ako. "Kaya nga delikado mga sikreto mo rito
eh..haha" Travis, "Ako na makakasama mo sa training,"

To be continue...

A/n: Papikit na yung mata ko. Bye, goodnight. 1:31AM -___-

Scarlett/Astrid's POV
Day 5

Nanlaki ang mga mata ko at patalon na niyakap si Travis.

"Woah!" Travis

"Nagawa ko!!" Masayang sigaw ko habang yakap ko parin ito. "Nagawa kong kontrolin
ang apoy at hangin sa loob ng dalawa araw, Travis! Wow!"

"Okay, okay., fine, fine. Nagawa mo, pero pwede bang bumitaw ka na, can't
breathe,you know." Natatawang sabi ni Travis. Kaya humiwalay ako sa yakap. Masaya
talaga ako't sa loob ng dalawang araw at kalahati ay nakontrol ko kagad ang gem ko
na apoy at hangin.

Una, nahirapan ako. Sobra! Nandun yung puro bandage na ang mga braso at kamay ko.
Pero hindi ako natinag at tumigil, ganun rin siyempre ang napaka-bait at may
mahabang pasensya na si Travis.

Una, mali-mali ang mga nagagawa ko. Puro palpak. But look, here I am, rejoicing!
Sawakas kaya ko na gumamit ng Air at Fire. Konting techniques pero atleast I can
control those gems of mine!
"Galing! Consistent ka talagang matuto, hindi yan mahirap sa may malakas na loob.
You amazed me, Scarlett. You deserved to be our Crystal Moon." Travis

"Talaga?! Ikaw rin naman! Ang husay mo maging trainer, salamat sa'yo!" Masayang
puri ko rito.

Tumango lang ito at ngumiti. Pinasadahan nito ng haplos yung mga mata ko.

"Eyebags. Matulog ka ng maaga mamaya, lagi kang puyat eh. Tara, kain na tayo."
Hinawakan nito ang kamay ko at masaya naman akong tumango rito at sumunod sa
paglabas ng mirror room.

I guess 2pm na ng hapon. Hindi ko na maiwasan mapangiti sa pag-iisip na kaya ko na


gumamit ng gems tulad ng iba.

Hindi ko na iisipin na mahina ako. Hindi na ako matatakot dahil kaya ko na


protektahan ang sarili ko. At isa pa...mas lalo akong naexcite na makontrol naman
ang huling gem na meron ako.
Yun ay ang Crystal Moon's gem.

Pinaupo ako ni Travis sa bakanteng upuan. Marami na rin tao dahil lunchtime na ng
mga students.

Dalawang-araw pa lang ang lumipas. Pero marami na ang nagbago.

At nasasaktan parin ako sa mga bagay...at mga taong nagbago na iyon.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng cafeteria.

Tahimik ang mga babae at lalaki. Maingay lamang ay ang kumpol ng mga babae sa isang
table..
Nandun si Maxinne...ang leader ng grupo na iyon.

Si Maxinne, na nakahanap kagad ng mga bagong kaibigan. Nag-iba siya, sobra! Naging
pala-suot ito ng maiiksi. Everyone's describing her as a bitch. Hindi na siya ang
palabiro na makakapagpatawa at pangiti saamin. Siya na yung palabiro in a harsh and
rude way.

Si Ice na naging tahimik na rin at laging libro ang kasama. Parang bumalik siya sa
pagiging title niya noon. The Cold Princess of the Royal Colors.

Wala nang makikitang kausap si Ice dahil iniignore niya na ito. Pati sila Ace..sa
hindi ko malaman na dahilan.

Lumala lalo ang sitwasyon ng barkada. Lagi na akong nasa mirror room nagttraining
with Travis kaya hindi na ako masyadong nakakabalita sa mga nangyayari sakanila.

Si Ace at Regina na sa tingin ko ay patuloy parin sa in-a-relationship-acting nila.


Ang gusto lang naman raw nila ay mapaamin si Maxinne sa nararamdaman nito. Pero sa
tingin ko naman ay mali na ang ginagawa nila dahil nag-iiba si Max.
Si Paul...na laging kasama si Felix...at Trey.

Isa pa ang lalaking yon, si Trey. Sobrang ibang-iba na ito sa Trey na kilala ko at
nakasama ko ng ilang araw!

Kapag may sumuway sa inutos jiya, agad niyang bubugbugin ito. Hindi niya
ginagamitan ng gem pero grabe ang sakit pisikal na natatamo ng mga nakakaawang
estudyante. Minsan na akong nakialam...pero nagawa niya akong itulak, hindi ko alam
kung sinadya o hindi. Pero mabuti at dumating si Travis..muntik na silang mag-away
nun. Dahil pakiramdam ko lalong nagalit si Trey sa pagdating at pagtulong ni Travis
sakin.

Ito pa ang pinaka-pinagbago niya. Pero ang sabi ni Travis..hindi raw ito
nagbago..bumalik lang sa dating Trey, yung bully, arogante...at babaero.

Kahapon...shit lang kahapon sa Girls' dorm. Tatlong pinto mula sa dorm room ko.
Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang pakikipaghalikan ng marahas nito sa isang
babae. Pangatlo ko na itong nakitang ganun, sa iba't-ibang babae.

Nakakaramdam ako ng di maipaliwanag na feelings. Yung parang gusto ko kagad na


alisin ang tingin ko sa mga ito. Pangalawa ay yung kirot na namumuo sa dibdib ko

At yung nangyari kahapon...yung nakikipaghalikan siya habang nakatingin ng masama


sa'kin.

Hindi ko alam ang nangyari nun at may tumulong luha mula sa mga mata ko matapos ng
mga kirot sa dibdib ko.

Natigil si Trey nun at tinignan lang ako na nagtataka. Tumakbo na ako ng dorm ko at
nagkulong sa kwarto. Humagulgol ako ng iyak sa mga unan ko
Matapos nun ay parang baliw na nainis ako sa sarili ko. Bakit ako nagkakaganito?!
Bakit naman ako umiyak at humagulgol pa,?! Anong problema ko!

"Here's your strawberry slice-cake, pretty." Iniabot ko ang binigay na cake at


juice ni Travis at ngumiti rito. Umupo ito sa tabi ko.

"Ang lungkot mo?" Travis

"Hindi." Depensa ko. Pero ang totoo, malungkot nga ako. Sobrang lungkot.

"Sinungaling.." Ngumisi ito at akmang susubuan ako ng cake.."Here..dali, masarap


daw to sabi nung babae dun sa bilihan." Travis
"Alam ko masarap yan, pero nakakahiya-hmmfp" Bigla nitong sinubo ang cake. Ang laki
pa naman. "Chravish!!" Galit na sigaw ko habang puno ang bibig ko. "*cough*
*cough*"

Tumingin ito ng nakangisi sakin at tumawa ng malakas. Yung pinupukpok pa yung


lamesa...tahimik pa naman sa buong cafeteria kahit maraming tao. Takot kasi sila
kila Trey at Maxinne, maging kay Hecate ay Haydee na mga girlfriend yata ni Trey,
madalas nitong kasama.

Nagsitinginan ang lahat samin at nakakahiya yung hitsura ko. Kinurot ko naman si
Travis.

"I'm not a radish, I'm the handsome Travis. Pfft. Hahaha epic you. Haahaha!" At
tumawa na naman ito ng malakas. Inabot ko ang juice at nilunok ang cake.

"Walangyah ka, Travis! Ang laki nung cake na sinubo mo sa'kin!" Sigaw ko.
Nagpipigil ng tawa na kumuha ito ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. "Para
sa mga madami pang sinasabi bago kumain, dapat ganun ginagawa. Sinusubuan agad
hahaha" Travis

Hinampas ko ito sa braso. "Bad!"

Tumawa ulit ito at napatingin sa likuran ko. Nagseryoso ito at nagsmirk maya-maya.

"Subuan mo rin ako ng cake.." Pabulong nitong sabi.

"Ano?! Gagawin mo pa akong utus--"


"Kahit malaking slice pa. Ayaw mo yun makakaganti ka?" Nakasmirk nitong sabi pero
bulong talaga

Ngumiti na ako at naglagay ng malaking slice ng cake sa kutsara. Lumipat ito sa


harapan kong upuan at ngumanga

"Say ahh" Aliw na sabi ko at sinubo nga ang malaking slice. Puno talaga yung bibig
niya. "Pfft. Cute hahaha!" Tawa ko. Nanlaki kasi ang mga mata nito sa laki ng cake.
Gusto niya diba? Haha!

"Aw, awng shweet naman ni Scharlett, kaya lowve na lowve kita eh." Puno pa ang
bibig na sabi nito pero pasigaw.. What the heck, love ba yung narinig ko?!
Uminom ito ng juice at nagpunas ng tissue sa bibug niya. Bumalik ito sa right side
ko na upuan at he cupped my face. Yung sobrang lapit na talaga.

"Travis..ano..anong ginagawa mo?" Tarantang tanong ko.

"Ginagandahan yung view ni Trey. Bakit?" Bulong nito.

Kinalaman ni Trey dito?

*boogsh*
Napalingon ako sa left side ko..likuran ko kasi nakaharap ako sa right side, kay
Travis.

Tumba yung table at basag ang mga plato at baso.

Tinignan ko ang nag-iisang lalaki na naglalakad patungong pinto ng cafeteria.


Binubunggo pa ang mga nakaharang sa daan niya..

"Si Trey ba yon? Siya ba...yung gumawa nun?"


Tumawa ng pagak si Travis. "Jealous jerk."

To be continue...

A/n: Walang dedic nakamobile ako.

Inaantok na ako, next time yung karugtong..

-SilveryLuna(Mayu WP *fb acc.*)


a/n: Yung mga napangakuan ko ng dedic, message me, nakalimutan ko na ulit kayong
lahat. Waa penge memoplus gold! TT___TT

Plug!

''Roll of the Dice'' / ''The Six Keys of Escapade'' -by fabulouswitch

=Omg! Ang ganda niyan, basahin niyo! ^___^, Inaabangan ko yan! Sa author niyan,
MAG-UPDATE KANA!

**

Trey's POV
Tangina! Bumalik na ako ng classroom ng Royal Colors. Hindi ko na maatim ang
ginagawa nila Astrid at nung gagong Travis na 'yon.

Mabuti nga lang at table ang sinuntok ko at hindi ang mukha nung gagong yun!

Ang ingay na nga nila sa cafeteria na parang nagpapapansin...shit! Naghalikan pa!

"Fvck!" Galit na sigaw ko at tinadyakan ng malakas ang mga upuan dito.

Ilang-araw ko na silang nakikitang magkasama. Nagngingitian! Magkadikit sa bawat


oras! Laging nagtatawanan! Fvck shit! Baka naman may relasyon na sila?!
Binitawan ko lang si Astrid, dumating agad ang gago kong kambal!

Tangina talaga! Hinagis at binalibag ko pa ang lahat ng makita ko rito sa classroom


na 'to.

Ganun-ganun lang talaga kay Astrid?! Alam niya naman siguro na may gusto pa ako sa
kaniya, tapos heto siya makikipag-lampungan sa kakambal ko?!

Konting-awa naman sana, nagseselos pa ako eh! Fvck sht!

Nang may pumasok na isang royal color, tinitigan ko lang ito ng masama at binunggo
nang madaanan ko palabas ng classroom.

Ano naman yung eksena na nakita ko kahapon! Kitang-kita ko na tumulo ang luha ni
Astrid habang parang nabato na nakatulala samin nung slut sa girls' dorm.
She's giving me mixed signals!! Hindi ko alam kung ano nang dapat kong paniwalaan
dito! Was she hurt yesterday? About me and that slut kissing.

Sht! Nagseselos talaga ako! Tangina naman! Fvck!

Pagkatapos nung gabi na ma-reject ako ni Astrid, nilayuan ko na ito. Bumalik ako sa
pagiging ako.

Bakit pa ako magpapaka-mabait, dahil lang naman sakaniya kaya ako nagbago mula sa
bad image at attitude ko.

"Alam mo, bata, ang pangit-pangit mo." Nabwisit ako bigla sa epal na batang babae
na ito na biglang lumapit sakin.

"Ano sabi mo!! Epal ka ah!! Akala mo sa sarili mo maganda!?"

Umismid ito at nag-chin up. "Maganda ako! Crush mo nga ako eh!"
Nanlaki ang mga mata ko at nag-iwas ng tingin, "Sa pangit mong yan. Hindi ako...m-
magkakagusto sa'yo. Kahit KAILAN."

"Hindi rin ako magkakagusto sa'yo, 'no!" Batang Astrid na nakapameywang.

"B-bakit naman hindi."

"Kasi hindi ka mabait, hindi ka ngumingiti. Hindi mo pinapakita yung teeth mo, sabi
nga ni prince charming Travis bungi ka kaya ganun. Ahahaha bungi ka pala eh! Bad ka
pa, ayoko sa mga ganun!" Tumalikod ito sakin habang ako natulala lang. Maya-maya ay
ngumiti rin ito pagkaharap sa akin, "Paglaki ko, papakasalan ko yung mga mababait.
Kukurutin ko naman yung mga bad.."

I tried my best, para sana kahit ngayon na lumaki na kami..baka sakaling magustuhan
niya na ako sa pagbago ko ng ugali ko.
Tch. Pero sa tingin ko, yung Travis parin na 'yon yung gusto niya! MAGSAMA SILA!
FVCK!

Dumungaw nalang ako sa malaking bintana rito sa hallway, kita muli rito ang labas
ng academy.

Mahal ko na talaga si Astrid, noon pa.

"Mahal mo pala, bakit kung makipag halikan ka sa iba wagas?"

Napalingon ako. Si Regina, tss a fvcking mind reader,


"You're invading my privacy, Regina. Don't read my mind." Malamig na utos ko rito.

Magsasalita pa sana ito nang biglang dumaan si Maxinne. Maxinne with her bitchy
outfit and aura, seriously what happened to our jolly Maxinne?

"Oh so now you're flirting with Trey?" Nakataas ang isa nitong kilay. Kunot-noo
lang si Regina, tumalikod na ako dahil wala akong plano manood sakanila. Obvious na
nagkakainitan sila dahil sa asshole na si Ace. It was all their plan. "You itchy
bitch," rinig kong sambit ni Maxinne.

Malala na ang mga ito. Tsk!


Dumiretso ako dito sa lobby ng academy, umupo ako ng sofa at boring na nagbasa ng
newspaper,

Wala na rin akong kasama sa dorm, may misyon si Lalaine sa mortal world. Isinama
siya ni tanda sa misyon nila Ice, Felix, sandy at dionne sa mortal world. Hindi ko
alam ang pinagagawa sakanila ni tanda dun, ayaw rin magkwento ni Lalaine.

Minsan na nagkwento si Lalaine, pero kaunti lang na impormasyon ang binigay. Ang
sabi niya...watching someone. Tss, misyon ba yon?! Kahit kelan talaga 'to si tanda!

"Hi, Trey.." napaangat ako ng tingin mula sa newspaper na binabasa ko. Si Angel
Lynne Park, tumabi ito sakin. Halos wala ngang tumabi sakin dito sa takot ng ibang
students, then here she is. Naglalakas loob, as if we're friends or what.
"Wala akong panahon sa kamustahan. Kung may mahalaga kang sasabihin, then I'm
giving you 10mins to talk." Walang ekspresyon na sabi ko rito. I know her agenda,
may gusto siya sakin, at sa lahat ng lalaki dito sa academy.

Pero wala akong balak taluhin ang kapatid ng isa sa mga malapit na kaibigan ko.

Umangkla ang braso nito sa braso ko at lumapit pa sakin. "Grabe naman, parang hindi
ako special sa'yo at binibigyan mo pa ng oras sa pagsasalita ko." She seductively
said. Ibang-iba sa kapatid niyang si Ice.

Special? Sa'kin? Dream on, Angel.

"Time's running. What do you need?"


Kita ko ang pasimple nitong pag-irap. "I'll offer a help." Angel

"What."

Ngumiti ito ng malaki. "I want to help you. Narinig ko ang barkada, yung about
sainyo ni Scarlett--''

''Okay, stop.'' agad na pigil ko rito, ''Hindi kita binigyan ng karapatan makialam
sa buhay ko. I don't need your help, I don't need help.''

''But..Trey, narinig ko si Scarlett..she said..she said she's inlove with you!''


Angel

''What the fvck!''


''Tama! Natatakot lang yun umamin, sa tingin ko!'' Angel. Anong sinasabi nito?!
Pero sana nga totoo yung mga sinasabi niya. Ano nga naman ang mapapala niya kung
magsisinungaling siya. I lied. I badly need help. Especially when it comes to
Astrid. I love her, sht! ''Gusto ko lang kayo tulungan..''

''Then paanong tulong?''

Nanlaki ang mga mata nito at ngumisi agad ng malaki. ''You. Will. Date. Haydee''

''What?!'' malakas na sigaw ko. Tinitigan ko ng masama ang mga students na lumingon
samin. Agad naman na nagsi-iwasan sila ng tingin. Bumaling ulit ako kay Angel. ''Sa
tingin mo papayag ako?! Magkaka-ayos kami ni Astrid at aamin siya kung may id-date
akong iba?! No fvcking way! Go away, Angel Lynne Park! You're just wasting my
time!'' Inis na sabi ko. Magsasalita pa sana ito at lalapit sa'kin nang ako nalang
ang tumayo at umalis doon.

''Magseselos siya at aamin na siya sa'yo! Ayon naman yung narinig ko eh, sabi niya
sa sobrang selos niya muntik na daw siya mapaamin last..last time daw..I heard her
and ate Ice talking.'' Angel
Lumingon ako sa likuran ko. Pinanliitan ko pa ito ng mata. So mahal rin ako ni
Astrid. The feeling is mutual between us?

Ngumiti ako ng tipid. Knowing na may nararamdaman rin sa'kin si Astrid, kahit konti
pa lang 'yon. Gagawa talaga ako ng paraan.

''I'm accepting your offer..''

Third Person's POV

''Kumagat sa plano.'' nakangiting sambit ni Angel sa tatlong tao na kaharap niya.

''Ang Crystal Moon ang pakay natin dito diba?'' Paul, ''Wag na tayo mandamay ng
iba. Wag na natin isali si Trey dito.''
''Hindi naman natin makukuha kagad si Scarlett..'' Hecate

''Nakabantay sakaniya sila Travis. Sinubukan ko na yon nung nakaraan. Namataan ko


lang si Travis na nakatingin samin kaya umalis na ako. Mahirap ang magpadalos-
dalos..''Haydee

''Kung minamadali mo ang plano para lang makalaya kana, Paul Williams. Lalo lang
tayo mahihirapan na magtagumpay na maihatid sa Erebus ang Crystal Moon para sa
hari.'' Sambit ng nakangiti na si Angel, dalaga na unti-unti nagpapalit anyo sa
katauhan ng ibang babae.

Nasaan naman kaya ang tunay na Angel Lynne Park na holder ng 4 gems? Yung tunay na
kapatid ni Ice.

To be continue...

A/n: Itutuloy ko na yung Alyhyona and Samara pero slow update, thank you po ^__^

-SilveryLuna
Scarlett/Astrid's POV

"Ano na naman bang kalokohan 'yan?" Rinig kong bulong ni Travis sa tabi ko. Nandito
kami sa Hallway,

"Ano pa bang bago. Sus," Sagot ko at nag-iwas ng tingin nang magkiss ang mga ito in
a passionate way.
Sino pa ba. E'di ang malanding si Trey at yung isa sa transferee, si Hecate or
Haydee? Hindi ko naman kilala.

Nagulat ako ng bahagya nang paglingon ko muli ay saktong dadaan sila Trey sa harap
namin.

Nakaakbay ito sa balikat ni Haydee yata. Habang nagtatawanan at nagbubulungan.

Tinitigan ko si Trey sa mga mata, masaya na siya sa iba. Hindi ko maintindihan ang
loob ko, pero parang gusto ko itong lumingon sa direksiyon ko.

"I'm hungry na, Trey. Will you cook my favorite food? Hmm?" Haydee

"Ofcourse. Anything for my sweetheart." Trey

Akala ko ba nagselos ito kanina?! Hindi naman pala eh! Ayan o, ang saya na
nakikipaglandian sa iba!

Parang nagkaroon ng sariling isip ang mga paa ko at lumakad palayo dito. Para
kasing nanghihina yung mgs tuhod ko sa ... lungkot? Bakit lungkot? Hindi ko na
alam.

"Scarlett! Hey," Travis

"Dapat na tayo magtraining siguro." Walang emosyon na sambit ko. Nasa garden pala
kami. Babalik pa sa loob dahil nasa 6th floor ang Mirror room. Tanga ko talaga!

I heard Travis chuckled. "You're jealous too. Obviously you and Trey both love each
other. Better admit it now hangga't hindi pa nauubusan ng paraan yung gago Haha,
baka gumive-up yon, sige ka."

"Paraan? And excuse me..I don't love him." Parang gusto ko sabunutan ang sarili ko
nang masabi ko ang huling mga salita na halos pabulong. Ano bang problema ko!

"Scarlett, 'wag mo na lokohin sarili mo. Umamin kana lang na sa maikling panahon na
nagkasama kayo, nahulog na rin ang loob mo--"

"Takot lang ako, napaka babaero niya." I immediately covered my mouth with my hand.
Seriously, ano yung lumabas sa bibig ko?!

Humalakhak na si Travis ng tawa. "Yon! Game over na ako! Umamin kana na NAHULOG
kana nga sa loko!" Travis at ngumiti nalang. "Gusto nga kita eh, kaso wala naman
akong balak maging epal sa pagmamahalan niyo. Eh hindi naman yata nasira yang love
na nararamdaman niyo since bat--Oh well,"

Nag-init ang mukha ko sa kahihiyan. Nahulog na nga ba ako? Hindi--O..oo ata.

"50% No, I don't love nor like him. 50% Y-yes? Ewan! Weird!" Inis na sigaw ko at
tinakpan ang mukha ko. Nahihiya ako sa mga sinasabi ko! Nababaliw na ata ako!

Tinanggal ni Travis ang mga kamay na nakatakip sa mukha ko at hinawakan ang


magkabila kong balikat. "Bakit sa tingin mo may other 50% pa bukod sa No answer mo?
Kung wala kang ibang nararamdaman na special sakaniya, siyempre dapat 100% na alam
mong hindi mo siya gusto. Pero sa'yo iba eh..may hati. May oo at hindi kang
answer., May nararamdaman ka for my brother pero nag-aalangan ka. Scarlett, walang
mawawala, just try to say yes. Check kung magiging masaya ka, then iwan mo siya
kung hindi."

I pouted my lips. "Hindi ko kaya...n-nahihiya ako." Bulong ko at yumuko. Pero


nasulyapan ko ang paglaki ng mga mata nito. Bumibilis lalo yung tibok ng puso ko
habang tumatagal itong usapan...habang napapaamin ako.

"Then ano.. umaamin ka na ba? Hey, hindi kita pinipilit ha, tanungin mo yung sarili
mo. Pero I bet tama na ako, may gusto ka sa kambal ko, yes?" Mabilis nitong tanong.

"Uhmm... s-siguro nga." Nahihiya talaga ako. Bakit ba ganito?! Ugh!

**

Magkasama bawat oras.

Laging nagtatawanan.

Sabay kumain sa cafeteria.

Laging sweet sa lahat ng sulok ng academy.

He even asked that Haydee kung pwede ba siyang manligaw. Tss, kakikilala lang nila!

Namimiss ko na yung Trey na laging kasama ko. Yung lagi kong kasama sa pagkain ko,
yung laging nang-aasar sa'kin. Yung laging nandiyan para bumuntot sa'kin, yung
tawag ng tawag ng "Asawa ko" - Asawa ko nga naman kasi siya.. Yung handa pala akong
protektahan kasi... kasi mahal pala talaga ako. Simula pa raw noon.

Eh ako? Ito, laging nagseselos. Tama.. nagseselos ako. Naiinis ako at the same time
nagsisisi at nasasaktan sa tuwing makikita ko siya na parang may bago nang gusto.
Ni hindi na nga rin niya ako tinitignan sa mga mata na parang wala na talaga siyang
pakialam.

Bakit ko nga ba nireject ang lalaking 'to, itong sweet sa pang-asar na paraan,
itong over protective na lalaking 'to.

Gusto ko na maiyak sa tuwing naghahalikan sila. Nung nakaraan nagselos raw siya
diba? O, ano na nangyari? Nasaan na yung Trey na nagselos? Naka-move on na ba agad?
Sht naman 'to! Ugh!

Nandito ako ngayon... sa rooftop ng StoneGem Academy.

Gabi na, pero maliwanag parin kasi may mga alitaptap naman, tsaka yung buwan
malaki.

Nakatayo ako ngayon.. at pinagmamasdan sila. Si Trey at Haydee, nakadungaw sa ibaba


habang sweet na nagtatawanan.

Bumuntong hininga ako at lumakad na papunta sa pwesto nila.

"Trey.."

Nahinto sila. Yung Haydee lumingon sa'kin. Si Trey, hindi.

"Anong kailangan mo?" Haydee

Btch pala siya eh! Trey nga sabi ko diba?! Gusto ko lang kausapin si Trey, kaso
lagi silang magkasama! Parang kami lang noon.

"Trey, I wanna talk to you.."

Kita kong nagtaas ng kilay itong Haydee na 'to. "Kita mong nag-uusap kami diba?"
"Sige. Haydee, una kana muna. Susunod ako." Cold na sabi nito. Hindi parin ito
lumilingon, at nakatingin sa ibaba ng rooftop.

"Bwisit." I heard her muttered before leaving.

Tumabi ako sa kinatatayuan ni Trey at hinawakan ang braso niya.

Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko, kung dati nangyayari 'to dahil kinikilig ako.
Ngayon, dahil kinakabahab ako... sobra!

"Trey, Y-yes na yung sagot ko. Please bigyan mo ko ng chance na bawiin yung pag-
reject ko sa'yo."

Mukha nang desperada, pero wala na akong balak umatras at manahimik. Ayokong maiwan
sa tabi na nagseselos palagi. Ayokong mahuli at malaman-laman nalang na mahal niya
na ang Haydee na yon. AYOKO!

Humarap ito sakin at nagsmirk. "Ilang araw na ang nakalipas. Nakalimutan ko na nga
yon eh." Napalunok ako sa tono nito at sa balak niyang sabihin. Mukhang nakalimutan
na nga niya. "Kalimutan mo na lang rin, Sundust." Trey

"Ganun kadali? Ang bilis naman." Mahina kong sabi. Sinusubukan kong magsalita ng
maayos kasi feeling ko anytime mababasah na ang boses ko. Nakakahiya yon sa harap
ng taong hindi maiintindihan tong luhang babagsak kung makikita niya, at ayoko nun.

"Hindi ka naman worth it para maging malungkot ang isang tulad ko sa'yo." Tumawa
ito at yumuko pero tumingin muli sakin. Pinanatili ko ang puno ng emosyon na tingin
ko dito. "Siguro nga infatuation lang 'yon. Salamat sa rejection. Mas nagkaroon ako
ng time sa ibang babae. Kay Haydee." Trey na lumingon pa sa dinaanan ni Haydee
kanina.

Nangatog na ang mga kamay ko. Grabe na 'to, harap-harapan na pinamumukha sakin.
Infatuation?

Lumunok ako. Trying to suppress my sobs, trying to hold my tears from falling.
Pero no use. Tumulo parin. Kaya tumalikod kagad ako.

"K-kung ganoon, k-kalimutan mo n-na yung s-sinabi ko ngayon." I bit my lower lip at
naglakad na paalis.

First heartbreak. Ang sakit, ayoko na sana 'to maulit. Tumingala ako ng isang beses
sa buwan. Unforgettable night.

Nagtuloy-tuloy na ang mga luha ko kaya minabuti ko na pumunta na kay Travis at


umiyak. Tutal, siya nalang ang makakausap ko.
Pero nagulat nalang ako nang may malamig na kamay ang humawak sa braso ko at
hilahin ako para sa mainit na yakap.

"Ayokong umiiyak ka..kaya binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Joke lang 'yon."

To be continue...

A/n: Wala akong gana sa dramahan, mahina ako diyan.

Ps. Karugtong later.

-SilveryLuna(fb: Mayu WP)

Scarlett/Astrid's POV

Napanganga ako at di parin gumagalaw mula sa yakap ni Trey.

Lumayo siya sa yakap at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

He kissed me. Smack.

Namula ako dahil doon at hindi parin makapagsalita.

Joke lang yun. Ibig sabihin ba nun...

So..hindi totoong may mahal na siyang iba? Joke lang? Hindi rin totoo na
nakalimutan na niya yon? Hindi totoong infatuation yon, kasi mahal niya talaga ako?
Hindi totoo na gusto niya si Haydee?

Joke lang..yun.
"Talk, please. Kinakabahan ako sa reaksyon mo--" Trey.

Hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang hawakan ko ang tenga niya at kurutin
yon.

"Talagang kabahan ka, kumag ka!!Yaah! Hindi yon magandang biro!" Tinakpan ko ang
mukha ko ng dalawa kong kamay at humagulgol ng iyak. Hindi ko na napigilan. Kanina
ko pa 'to tinatago eh.

Tapos joke lang daw. Huhuhu hayop talaga!!!

Hinila ulit ako nito para yakapin habang nakatakip parin ng mga kamay ko ang mukha
ko.

"Sorry na. Tinignan ko lang naman kung anong feeling ng man-reject--Araaaay!"


Sumigaw na ito nang kurutin ko ng pino yung dibdib niya. Still, ayaw parin nung
luha ko magsitigil.

"Akala mo ba magandang biro yon!" Umiiyak na sigaw ko at hinampas pa ito ng


malakas. Napangiwi ito. "Bwisit ka talaga kahit kailan, Trey! Akala ko naman...
totoo na..yun." Umiiyak na sabi ko.

Buti nalang...T.T

"Kakayanin ko bang i-unlove ang asawa ko? First love never die, first love lasts
for me. At hindi ko kayang makita na tumanda sa tabi ni Haydee," Trey. Napaiyak na
naman tuloy ako. Hindi na ako nag-aalinlangan ngayon. Sa naramdaman kong sakit
kanina, alam kong isa lang ang ibig sabihin nun.

"..hindi sa tabi ni Haydee. Baka sa mas sexy pa siguro--Woah, teka!" Trey

"Sa ibang babae na mas sexy?! Ganun ba!" Pinahangin ko ng malakas dito sa rooftop.

"Siyempre, biro lang yon 'no. Sa asawa ko lang na sexy at maganda. Pa-kiss naman!"
Trey.

"Kiss mo yung sahig! Di kita papatawarin sa ginawa mo kanina yung joke na yan! Mag-
isa ka diyan!" Tumalikod na ako pero ngumiti ulit.

Masaya ako na mahal niya talaga ako..Kasi mahal ko rin pala siya.

"Wife! Patawarin mo na ang gwapo mong asawa! Mahal naman kita eh! Hoy, bumalik ka
dito! I labyu na nga! IcKaW LhaNg SzAphaT nUahH! HAAHAHA" Sigaw nito. What the
heck! Napatawa tuloy ako. Conceited.

Pero wala talagang mapaglagyan ang tuwa ko. I love you, more. Trey.

"Pupunta ako kay Travis! Matulog kana!" Sigaw ko bago buksan ang pinto ng rooftop.

"What the Fvck! Subukan mo lang pumunta sakaniya, magpapatiwakal ako dito!" Sigaw
nito na nakatayo parin sa pwesto niya kanina at dinuduro ako mula sa malayo.

Ngumiti ako ng malawak. "Sige magpatiwakal ka, kapag nawala ka sa mundo--" Hindi ko
tinuloy ang sasabihin ko sa halip ay gumawa ako ng sulat na gawa sa apoy sa mismong
harap niya. Ayoko naman kasi isigaw. Mamaya mamis-understood pa ng iba.

Nakasulat, papakasalan ko si Travis kapag nagpakamatay ka, sige ka. I love you.

**
"Anong mukha yan. Parang nanalo lang ng isang sakong picture ni Travis ah."
Salubong ni Travis sakin dito sa Mirror room.

"Kapal mo, picture mo pa talaga." Sagot ko pero tumili ng malakas at tatalon-talon


na yinakap si Travis.

Salamat sa lalaking 'to. He made me understand all. Naamin ko na rin sa sarili ko,
sawakas! At mas masaya ako sa answer na yes kaysa no.

"Thank youuu, Travis!! Ang galing mo talaga, sobraaa!"

"Tss, okay na kayo?" Travis

"Ay, paano mo nalaman?" Ngiti kong tanong. Di ko na mapigilan ngumiti.

"Sa hitsura mo pa lang na hindi matigil kangingiti." Lumapit ito saka pinisil ng
bahagya ang pisngi. "Okay na pala kayo eh. Tara na magtraining. Nga pala sa sobrang
saya mo visible na yung iniisip mo sa mga salamin dito sa mirror room." Travis

=___= Hayup kang salamin ka.

**
Alam mo, Scarlett sa mga ganitong sitwasyon ng Crystal Moon...matapos niyong makuha
ang gem niyo ng lubusan, pahirapan na ng paghahanap ng paraan para makontrol mo
ito." Travis na nakasandal parin sa malaking salamin habang naka crossed arms.

"Naalala ko na concentration ang pinagagawa sakin nila Trey, ginawa ko na kanina,


wala naman nangyari." Nakanguso kong sabi. Bakit kasi ganun!

"Tsk, Tsk." Travis, "Ang pinaka-mabisang paraan sa isang Crystal Moon na


nagttraining, ay ang paglakas ng emosyon, Scarlett. Wala nang parte ang
concentration dito." Nakangiting sambit ni Travis. Kanina pa siya nakangiti, hindi
maikakaila na gwapo talaga ito at maganda rin ang katawan.

Parehas sila ni Trey, gwapo.

"Ganun ba. Paanong alam niyo magtraining ng Crystal Moon, Travis?" Takang tanong
ko.

"Si Papa.." Travis, "..si Papa yung trainer ng nakaraan na Crystal Moon..tinuro
niya lang samin sa hindi malaman na dahilan."

Tumango ako.

"Stand up," Lumapit ito sa banda ko. Sinunod ko ang utos nito. "Tulungan mo ang
sarili mo sa ipapakita ng mga salamin dito,"
Nawala bigla ang lahat ng ilaw. "Teka..Travis." Taranta kong tawag rito.

"Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, Scarlett." Travis

**

Nagising ako nang maramdaman ko ang lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko.

"Scarlett.." Sandy

"Hindi parin gising? Grabe.." Ice

"Puyat ba 'to?" Maxinne

"Tanong mo.." Ace

"Ha-Ha patawa ka? Tulog tatanungin mo?" Maxinne

"Bakit ka sakin nagtatanong kung puyat, alam ko ba?" Ace

"Bakit ang tapang mo? Gusto mo makipagbreak na ako sa--"Maxinne

"Boom tarat tarat! Boom tarat tarat, wala akong naririnig!!" Ace

"Hayup." Maxinne

"Tumigil na nga kayo,gisingin niyo na si Scarlett, mala-late na tayo o." Regina

"Oo nga, magtampo pa si Justine. Alam niyo naman yun." Angel

"Ayaw nga eh, ikaw na." Haydee

"HOY, TREY HALIKA NGA RITO BWISIT KA!" Regina


Gising na ako pero mukhang ayaw pa dumilat ng mga mata ko. Hindi ko maintindihan...

Teka bakit may parang boses ni Haydee? Anong ginagawa niya dito?

Tsaka..nagt-training kami ah, nakatulog ba ako?

"Problem?" Boses ni Trey.

"Gisingin mo yang girlfriend slash asawa mo ah! Tulog mantika, aayusan pa namin
yan." Ice

Gustong manlaki ng mga mata ko pero di ko madilat. Anong trip ni Ice?! Girlfriend??

"Hayaan niyo na, sunod nalang kami mamaya." Trey

"Puyat. Nagdate sila kagabi. Kinilig. Di nakatulog. Plakda!" Boses ni Felix.

NAG-DATE?! CONFESSION, OO ALAM KO NANGYARI KAGABI. Pero date? Di pa nga ako niyaya
niyan kahit kailan.
Ano bang nangyayari? Naloloka na ako! At teka.. kailan pa nagkaayos si Maxinne at
Ace?!

To be continue...

A/N: 10pm-3am magpatay ng gadgets at t.v. May dadaan na..hindi ko matandaan kung
ano..pero dadaan yun sa labas ng earth at totodo ang amount ng radiations.
Nakakamatay yung radiations na yon, concerned lang po. Inannounce ni kuya kim sa
cable channel.

gusto ko sana magpuyat hanggang 4am dahil friday naman :(

-SilveryLuna

Third Person's POV

"Basta ba you'll give me a chance to make hila her buhok later eh." Tammy

"Kailan ka tatahimik? Kailan ka magsasalita..yung normal na? Kairita eh." Reklamo


ni Lalaine.

Nginitian lang ito ni Tammy ng sarcastic sabay bulong ng 'magdusa ka, letche ka.'

"Tukoy na ba ang gem ng isa?" Tanong ng bagong dating na si Dionne.

"Yep. At yung isa..cloning," Sandy, "..and then yung isa Black magic. Pero wala
naman yun ginagawang masama..SA NGAYON. Kaya hindi natin yon mahuhuli." Sandy at
sumubo pa ng grape.

Umirap naman sa kawalan si Lalaine. "Obvious na 'yon 'no! May pakay yung kasama
niya, sa tingin niyo siya, wala?! Magkasama sila!" Lalaine

"Walang ebidensiya. Magagalit ang karamihan pati ang mga nakatataas. Shut up." Ice
"Hey, hey hey~! Anong kasungitan yang natatanaw ko, Ice?" Felix na lumundag pa
paupo sa sofa at nilamukos ang mukha ni Ice.

"Ano ba, Felix." Cold nitong sagot.

"Tss. Hindi pa ba ako forgiven dito? Kitang-kita na hindi ko inintensyon


mahalikan.." Felix

"So? Ayoko na muna maligawan for now. Laylow ka muna, please lang." Ice

Napaseryoso naman si Felix. Si Dionne naman binatukan si Felix ng natatawa,

"Wala naman akong kasalanan ah! That's unfair, Ice! No. I'll still court you."
Felix

"Felix--" Ice

"Kapag tumutol ka pa, I'll make you my official girlfriend., Good?" Nakangising si
Felix

Inirapan ito ni Ice at bumalik na sa banda ng girls para sa plano.

Scarlett/Astrid's POV

Okay, nag-uumpisa na ako maguluhan.

Nagising na nga ako ng tuluyan nang gisingin pa ako ng todo nila.

Dumilat ako at natagpuan sila Regina, Maxinne, Sandy, Ice, Angel at Haydee na
nakapalibot sakin nakaupo sila sa kama ko.

Si Felix, Ace, Paul, Dionne, Trey at Travis ay nasa pintuan ng kwarto ko nakatayo
at nakangisi ng malaki.

Kinakausap na ako ng girls pero hindi ko magawang magsalita, sa halip ay nagkukusa


ang bibig ko na tila sumasagot sa kanila.

Gulong-gulo na ako. Ano ba 'tong nangyayari sakin ngayon?

Lumipas ang oras. Maya-maya ay nakakapagsalita na nga ako na ako ang kumokontrol.
Hindi katulad kanina.
"Teka..ano ba ang nangyayari?" takang tanong ko. Pinilit nila akong pagbihisin
nitong violet dress na 'to pagkatapos kong maligo. Yung boys nandun sa sala... at
masayang nag-uusap na parang hindi magkakagalit noon.

"Grabe, Scarlett nagdrugs ka? Pinaulit-ulit ko 'to kahapon sa'yo. Tapos itatanong
mo kung ano nangyayari ngayon. Ewan ko sayo." Natatawang sagot ni Regina na
naglalagay ng blush on sakin.

"What? Kahapon?" Ako.

"Yes..excited ka pa nga dahil alam mo na..yung surprise nating girls sa boys,


right? Yiee." Maxinne na bumubulong pa habang tinititigan ang black stilleto na
isusuot ko rin daw.

"A-ano namang surprise?" Takang tanong ko.

"Duh, magsesexy dance tayo! Yieee! Excited na ako!" Angel "Lalo na't napapayag
natin si Ice at Haydee!" Tili pang sabit ni Angel habang inaayos ang buhok ko sa
braid at nilalagyan ng kung anong accessories.

"SEXY DANCE?!" ako

Jusko po, ayoko nga! Hindi ko pa nga nagagawang gumiling-giling ng pang sexy sa
tanang-buhay ko. At aasarin lang ako ni Trey, ayokooo!
"Tsaka malandi naman si Justine. Matutuwa lang 'yon! Hahaha!" Angel

"Tama, tama! Malandi rin si Ace, matutuwa rin yon!" Maxinne.

"Maharot si Felix at Travis, matutuwa yon, Haydee at Ice." Regina. Nagtawanan


silang lahat.

"..at satingin mo malandi at maharot si Paul? Patay ka!" Asar ni Maxinne rito.

Nagtawanan na naman sila.

"Diba nagt-training lang ako kahapon? Ano bang nangyayar--" ako

"Training saan?" Sandy, "Duh, bespren. Anong training, diba namaster mo na yung gem
mong tatlo?!" Sandy
"Ano ba, Scarlett parang galing ka sa hindi maipaliwanag na amnesia ah." Tawang-
tawa na sambit ni Ice.

May mali. Parang...nagtime-travel ako? Ano ba 'to?!

Naalala ko na dumilim nga sa Mirror room. Pagkatapos, ito na yung senaryo. Tulog
ako...pero bago ako mapunta dito..ang sabi ni Travis,

Something about..wait! Oo nga! Sinabi ni Travis na..may ipapakita ang salamin!


Tulungan ko raw ang sarili ko.

Hindi kaya...ilusyon na naman 'to? Katulad nung ginawa ni Serentine sa Gem


Mountain?

"Huy!" Maxinne, "Natulala ka."


"Tumayo ka nang makita namin ang masterpiece namin." Ngisi ni Haydee.

Wala sa sariling tumayo ako sa harap ng salamin.

About sa training ko pa rin ba 'to? Itong nangyayari?

"Sabi na maganda taste ko sa damit eh! Bagay yung Violet dress o!" Haydee

"Ang galing ko mag blush on!" Regina

"The hair! Perfect!" Angel

"Stilleto, ako pumili niyan, Scarlett. I mean, katulong ko si Sandy Diyan. Hahaha!"
Nag-apir pa si Sandy at Maxinne.
"Ang money..sakin galing. Mga walanghiya kayo!" Natatawang sigaw ni Ice.

"Teka..ano yung..gem ko?" Baka sakaling makatulong to. Alam ko na wala kaming ideya
ni Travis sa gem ko..kaya ata hindi pa namin maitraining yon. Puro mentally
training pa lang.

Kaya sana makatulong..

"Ikaw talaga, nagbibiro ka ba. Hawak mo, tapos itatanong mo.." Nakangiting sambit
ni Haydee

"Sige na...ano nga?" Pilit ko.


Namawis na ako ng malamig at kinakabahan. Makukuha ko ba ang sagot dito?

"Diba nga..Weapon Gem!" Regina

"Kaya mong gumamit at lumikha ng kahit anong sandata na isipin mo. Yun naman diba?"
Maxinne

Tuluyan na akong napanganga. Yun nga kaya ang gem ko?

"Kaya nga remember the scene sa cafeteria.." Lumingon kami sa bagong pasok ng
kwarto na si..Lalaine. Nakaayos na rin ito sa magandang dress na royal blue tulad
namin. "Biglang may knives na lumitaw nung galit ka sakin. You pinned me to the
wall! Nauntog ba si Scarlett?" Lalaine

"New Ey den't knew." Maarteng sagot ni Maxinne. Binato naman ito ni Lalaine ng
purse niya.
Mukhang close na sila.

"Anyway, Ahhhhh bitches!! Nakita ko na ang love of my life ko! Ayoko na kay Trey!"
Tili ni Lalaine na bigla pang namula sa kilig.

"Da who!" Angel

"Tara sa mortal world--" Lalaine

"MORTAL WORLD?!" Tanong ng girls. Napatingin na rin ako dito.

"Mortal siya eh. Pake niyo!" Lalaine

"How sad." Sabay na sabi ni Maxinne at Sandy na mukhang inaasar si Laine.


"Osiya, tama na yan! Tara na sa labas." Ice

"Yea! Excited much!" Maxinne

"Oy, Maxinne yung lipstick kong mahalaga pa sa buhay mo." Haydee

"Ewan! Hinablot ni Angel eh." Max

"Wut?! Wala sa'kin. Pinatago ko kay Ice." Angel

"Hep! Inabot ko kay Regina dahil tinignan niya yung tatak." Ice

"Na kay Sandy!" Regina na busy sa pagmamake-up.

"Nagpasahan pa! Grabe!" Lalaine

"Here!" Sandy

Napangiti ako. Sana nga totoong mangyayari 'to sa future kung nagtime-travel man
ako.
"Woaaahh!" Sabay na sabi ng boys nang lumabas kami ng kwarto.

To be continue...

A/n: New Story entitled, "The Ghost I Love" nirevised ng aking mabuting pinsan na
tinype ko rito.

Add me on fb (Mayu WP)

Add Trey, Astrid, Khionne Ice, Angel, Justine and Lalaine on facebook. Ciao!

*SilveryLuna

...
Scarlett/Astrid's POV

"Justine! Happy Birthday, babe!" Tinig ni Angel.

Nagsimula na akong magpanic nang bigla-biglang dumilim ang paligid.

Pagkalabas at pagkalabas pa lang namin ng kwarto ko sa dorm ay dumilim na ang


paligid. Tanging mga boses nalang ang naririnig ko.

"Dammit! Pwede ba'ng umuwi na muna! Papapalitan ko lang ng damit si Astrid!" Tinig
iyon ni Trey.

Hindi na ako makagalaw at hindi makapagsalita. Ano na naman ba ang nangyayari!

"Trey, magtigil ka! Napaka-kill joy!" Haydee

"Kaya nga!" Maxinne, "Simula nang sagutin ka ni Scarlett--"

"Hindi kaya 'yan sinagot ni Scarlett, remember?" Regina at rinig kong nagtawanan
ang girls pati boys.

"Ah, oo. Hahaha kasi si Scarlett--" Maxinne

"Maxinne!" Rinig kong tinig ko.

Nagtawanan na ulit ang lahat ng tinig ng mga kakilala ko at bumalik sa pag-uusap.

"Lagi kang pinagbabawalan, Scarlett? Kung ako sa'yo hihiwalayan ko na 'yan." Tinig
ni Felix na tatawa-tawa.

"Tapos bawal pa ang mga gusto mong damit? Hiwalayan na 'yan!" Boses naman ni Ace.

"Tama," boses naman ni Lalaine

"Hoy kayo, magtigil kayo bago pa mapikon yung ugok." Boses ng...lalaki. Pero hindi
ko ito makilala, o baka hindi ko kilala.

"Tusta yang mga 'yan." Natatawang sabi ni Paul.

Nawala ang mga boses. Biglang napadpad ako sa isang maingay na lugar, maraming tao.
Mukhang kasiyahan. Naka-Violet ako na dress.

Malabo ng bahagya ang paligid pero ang paningin ko ay nakapako lamang sa isang
banda.

Madilim ang lugar na tinitignan ko. May pares ng mata doon. Isang sa tingin ko ay
lalaki ang nakatingin rin sa'kin.

Nakangiti ito pero hindi umabot ang ngiti nito sa kaniyang mga mata.

Nagkusa ang mga paa ko na lumakad papunta rito..

Napasinghap ako nang magliwanag ang lugar bigla.

"Scarlett,"

Idinilat ko ang aking mga mata. Unang nadatnan ko ay ang sarili kong repleksiyon sa
salamin ng kisame.

Tinulungan akong umupo ni Trey. Nasa Mirror room ako.

"Salamat at gising kana. Isang buong araw ka rin tulog. Kagabi ka pa tulog." Trey.
"Kamusta ang pakiramdam mo?"

"A-ayos naman ako--" Hindi ko na natapos ang mga dapat ko pang sasabihin nang
magsalita na ito.
"Ano, nakita mo ba kung ano ang gem mo?" Trey na tila sabik malaman ang sagot sa
kaniyang tanong.

"O-oo, Trey. N-nabanggit nga sa p-pangyayaring nasaksihan ko.."

"Ganun ba, masaya ako para sa'yo, Scarlett. Tayo na, may pupuntahan tayo." Trey

Tinawag niya akong Scarlett? Diba Astrid? Ano na naman ba ang dina-drama nito ni
Trey.

Iginiya niya ako palabas ng Mirror room.

Napaigtad pa nga ako sa higpit ng hawak ng malamig niyang kamay sa aking braso.

Halos lakad-takbo rin ang ginagawa namin.

Napakagat ako sa aking ibabang-labi.

Masyado naman akong nadala sa magandang nasaksihan ko kanina. Imposible na 'yon


dahil panigurado isa lang iyong ilusyon na ginamit malamang ng Mirror room upang
masagot ang katanungan ko sa aking gem.

Sweet at masayang friends? Nah.

"T-trey.." Doon na ako napatigil sa pag-iisip nang marealized na parang palabas na


kami ng academy?

Nadaanan namin sa cafeteria si Maxinne, sumunod ito samin. Si Regina rin. Tapos si
Ace na sumunod rin sa likuran namin.

Teka...saan ba kami pupunta?

Bakit itim na itim na parang blanko ang mga mata ng apat ko'ng mga kaibigan?

Nakalabas na nga kami sa academy. Didiretso na sana kami sa madilim na parte ng


daan, nang magpumiglas ako.

"Trey, magsalita ka nga! Kinakabahan ako sa'yo! Prank ba 'to, buti sana kung date
'to!" May halo pang biro na sabi ko. Humarap lang ito sakin at doon ko nga nakita
na blanko rin na itim ang mga mata nito.

Hinablot niya ang braso ko at mahigpit na hinawakan ito. Hinila niya ulit
ako...kinaladkad.

Nagsimula na akong mabahala. Ano ba'ng pakulo 'to?!

Binawi ko ang braso ko kay Trey, pero lalo niya lang hinigpitan ang hawak sa braso
ko na halos madurog na yata ang buto ko rito.

"Trey..Trey hindi na ako natutuwa!" Pilit ko parin binabawi ang braso ko dito. Pero
nagulat ako nang hawakan na ako ng mahigpit nila Maxinne at Reginna.
May dumating nq unicorn sa aming harapan, lulan noon si Angel, nakangiti ito na
parang anghel. Hindi ko na alam kung ano na ang ibig sabihin ng kinikilos nila,
pero alam kong si Trey ang kasama ko. Ligtas naman siguro ako?

"Hi, Scarlett. Papasyal lang tayo, don't worry." Ngisi nitong sabi. May dumating na
apat na pegasus. Pilit akong isinakay doon nila Ace. Hinayaan ko nalang...

Napalipad na namin ang pegasus, kasama ko si Trey sa likod ko. Wala pa rin itong
imik.

"Trey, magsalita kana. Bakit ang tahimik mo?"

Hindi ito umimik. Diretso lang sa himpapawid ang tingin. Gamit parin ang blanko
niyang mga mata.

Nalingunan ko si Angel...at ngiting-ngiti ito na hindi maipaliwanag.

"Ahhh!!" Sigaw ko nang magwala ang pegasus na sinasakyan namin. Unti-unti itong
bumababa sa lupa kahit nagpipilit na lumipad.
"Anong nangyayari!" Iritang sigaw ni Angel.

Nakalapag nga kami sa lupa. Pero nanatili kami sa aming pwesto. Hindi ko na alam
kung bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko. Maging ang pagpikit ng aking mga mata
ay di ko magawa

Naramdaman ko nalang na umangat ang aking katawan. Si Paul.

"Madali kang mamamatay, kung magpapabulag ka sa sobrang pag-ibig,Crystal Moon."


Malamig nitong sambit.

Third Person's POV


"Bakit kasi nagkaganun!" Sandy na maiyak-iyak na.

"Kuya is so tanga talaga! I'll make pukpok-pukpok his head talaga." Tammy

"Pwede ba, relax! Kaya ni Scarlett ang sarili niya, wag nyong gawing BOBO yun.
Dahil panigurado hindi yon susunod kay Trey, hindi talaga." Sarkastikong sabi ni
Lalaine.

Kinakabahan na nakasakay sila sa unicorn. Papunta sa Academy.

Si Ice at Felix. Si Sandy at Dionne. Si Lalaine. Si Tammy. Si Haydee.


"Balak pa natin na bukas gawin yung plano. Sht, yun pala ngayong gabi na nila
kukunin si Scarlett!" Inis at nanggigil na bulong ni Ice. Inalo naman ito ni Felix
at pinakalma.

"Bakit ba kasi ang bilis natin maniwala, hindi nga natin sigurado kung totoo ang
sinasabi nitong...babaeng to." Matalim na tiningnan ni Lalaine ang babaeng
nakasakay rin sa unicorn. Si Haydee.

"Totoo ang sinasabi ko! P-potion ko pa nga yung..ginamit kay Trey. Sila Maxinne,
Ace at Regina ay ganun din, puro pagkamuhi ang nararamdan nila kaya madali ko
silang napasunod sa kapangyarihan ng potions ko." Pagsasabi ni Haydee na sabay lang
inirapan ni Tammy at Lalaine.

"bitch." Tammy

"Tungkol naman kay Angel--" Lalaine


"Ayun sila! Si Trey ayun! Si Maxinne din!" Biglang sigaw ni Sandy na nakapagpatigil
sa sasabihin sana ni Haydee sa tanong ni Lalaine.

"Hindi pa sila nakakaalis. Tara na!" Felix na ikinontrol ang unicorn na kanilang
sinasakyan pababa sa parte ng madilim na banda di kalayuan sa academy.

"Scarlett!" Dionne pagkababa at pagkababa nila.

"Angel." Madiin na tawag ni Ice.

Hindi gumalaw ang mga ito at tanging si Paul lang at Scarlett ang nakakakilos.
Tumakbo si Scarlett kila Dionne at Sandy para yumakap.

"Bespren, si Trey.." Nanginginig na sambit ni Scarlett. Pinakalma naman ito nila


Dionne

Nakasimangot na lumapit sila Felix, Ice, Lalaine, at Tammy kay Paul. Sa likod nito
si Haydee na labis ang kaba.

"H-haydee Lancaster." Gulat na sambit ni Paul pagkakita sa dalaga.


"Anong nangyayari dito, Paul? Kasama ka rin ba sa mga may balak kumuha kay Scarl--"
Ice

"Wala!" Mabilis na tutol ni Haydee. "Hindi kasama si Paul! Hindi." Haydee

Nanliit ang mga mata ni Lalaine sa tinuran ni Haydee. At binalubgan ng tingin si


Angel. Na paralisado parin sa pwesto at di makagalaw.

"Dadalhin na sana nila ang Crystal Moon. Pero...nakita ko sila, kaya..pinigilan k-


ko." Paul, "Ginamitan ko sila ng Gravity gem. Kaya hindi sila makakagalaw." Paul

"Omo! Kuya there you are!" Humarurot ng takbo ang dalaga kay Trey na hindi rin
makagalaw. Pinaghahampas nito ang binata. "You were about to dragged ate Scarlett
papuntang Erebus, you moron kuya!" Tammy

"So..dahil sa potion mo kaya ganiyan ang mga mata nila? Walang emosyon. Wala sila
sa sarili tama ba?" Lalaine

"T-tama 'yon. Natakot lang ako na baka tuluyan na nga kaming pumatay ng tao.
Ayoko...'nun." Haydee

Gamit ang speed gem ni Dionne ay nilapitan nito si Haydee. "Sumama ka at ipapaalam
namin ito sa nakatataas." Aya nila Dionne at Sandy rito. "May mga iba pa kaming
katanungan sa'yo."

Takot man ay sumama na si Haydee paalis.

"Paul. Si Angel," Utos ni Ice. Naintindihan naman ni Paul si Ice kaya pinakawalan
agad ni Paul si Angel mula sa kaniyang Gravity gem.
"Ugh! Sa wakas!" Iritang sigaw ni Angel at bumaba ng unicorn.

Mabilis na lumapit si Ice dito at binigyan ng malakas na sampal.

"Sino. ka. ba." madiin na tanong ni Ice.

Lumingon dito si Angel na may gulat na ekspresyon.

"Ako ang kapatid mo, Ate Ice." Angel


"Cut the crap! Never akong nag-'ate' kay Khionne Ice!" sabi ng bagong dating.

To be continue..

A/N: Sorry na late. Ang dami kong gagawin, malapit na ang three days exam tapos
NCAE, no wattpad muna ako. TAPOS BAWAL NA MAGFB HUHU.

~Badtrip pa yung science teacher pinunit yung notebook ko. Aish, sarap manambunot
-_- kala mo ang galing magturo, damn you!

P.S badtrip ang author.

-SilveryLuna

Ice's POV

"Cut the crap, never ako nag 'ate' kay Khionne Ice."

Napalingon kami kagad sa isang babae na naka tank top na black at white skirt. Naka
ponytail ang buhok at may umiilaw na grey gem sa kaniyang bracelet.

Itinapat niya ito sa Angel na katapat ko. Na ngayon ay putlang-putla na


nakikipagpalitan ng tingin kay Paul at real Angel

"Humm," nag hum si Angel at may puting usok ang gumapang sa buong katawan ng
impostorang Angel. "Your gem will break. Your power will vanish." Angel chanted
And with that..nabasag nalang bigla ang cloning gem ng fake Angel.

**

"What. The. Hell." Ace

Nabawi na sila ni Maxinne, Regina, Ace at Trey sa potion. Salamat kay Haydee. Pero
hindi parin kami tuluyang nagtitiwala sakaniya..siya ang gumawa ng potion.

Dahil una...hindi namin alam ang rason kung bakit niya nagawang kumampi sa Erebus,

"Salamat kay Paul. Salamat ulit." Pagpapasalamat ni Scarlett. "Baka kung hindi siya
dumating at wala ang Gravity Gem niya, nakuha na ako." Scarlett

Tumango lang si Paul na nakatayo sa likuran ng single sofa na inuupuan ni Maxinne


at nag-iwas na ng tingin.

Nandito kami ngayon sa office ni Mr. Cavin,naghihintay kay Mr. Cavin. Hating gabi
pa rin. Halos tulog na ang lahat ng students ng StoneGem Academy, pero hindi
pwedeng itulog namin ang nangyari ngayong gabi.

Nakaupo si Trey sa sofa habang nakatukod ang mga braso sa tuhod at nakalapat ang
mga palad sa mukha. Katabi nito si Scarlett na tulala. Si Ace na katabi si Regina.
Si Maxinne na nakaupo sa single sofa. Si Lalaine na nakaupo sa arm ng sofa. At
Tammy na nakaupo sa desk ni Mr. Cavin.

Ako naman na nakaupo rin sa other couch katabi si Felix na nakaakbay na naman.

And...my real sister. Angel Lynne. na katabi ko rin.

"Ano ba ang nangyari? Paanong naloko tayo dito?" Regina

"Diba ikaw naman 'yung nasundo namin sa Praxi Tribe Mountain?" Kausap ni Regina
dito.

Umiling si Angel at ngumiti,

"Sabi na talaga. Una pa lang naghinala na tayo eh." Ace

"And hindi natin napansin na nung time na 'yon, nakagamit tayo ng gems. Eh diba no
use ang gem sa Mountain." Sabi ko.

Nakagamit that time ng teleportation gem si Maxinne. Tama, ngayon nalang talaga
namin napansin..

"So bakit nangyari 'yon, ate Ice?" Tammy

"Nabasa ko na ang Mountain sa iba't-ibang mga libro ng Library dito." Sagot ko


habang inaalala ang mga nabasa ko na tungkol doon. Lumingon na ang lahat sa'kin.
Maging si Trey at Paul. "Protektado ng Gods and Goddesses ang Mountain. Hindi
tatalab ang gem doon para hindi malaman ng mga Dark-gem holders na may ganoong
lugar. Na doon tinatago si Angel, ang 4 gem holder." Sambit ko at nilingon si Angel
Lynne.

"Nagamit niyo ang gems niyo dahil may nakapasok na mga taga Erebus na dark-gem
holders, that's the cue kung may nakatapak ng darkgemholders doon." Angel, "Noong
panahon na 'yon nagtago na kami ni Justine, ng boyfriend ko."

Nagsitanguan kami sa sinabi ni Angel. Ganun pala,


Pero nagkunot-noo na ang boys na tila naguluhan. Lalo na si Ace.

"Hindi mo alam na pumunta kami doon?" Ace. Umiling si Angel.

"I'm still confused. Paano nila nalaman na may Mountain?" Trey

"Pwede siguro na nasundan sila." Scarlett

"Okay, sabihin na natin na nasundan sila. Pero paanong alam rin na papunta kayo sa
Mountain nung araw na 'yon." Tumulis ang tingin ni Trey sa bawat isa sa'min. Parang
may bagay na nakapagpa-inis dito.

"Baka naman may masyadong madaldal dito. Kasi tayo lang naman 'yung sinabihan ng
mission ni Mr. Cavin." Kibit-balikat na sabi ni Maxinne,

Walang umimik.

Ilang segundo kaming natahimik. Nag-iisip. Hanggang sa tumayo si Trey.

"Kaibigan na ang turingan natin dito. Kahit papaano, nakilala ko na rin kayo. Isang
tanong, may traydor ba dito?" Trey

Doon na kaming lahat tuluyan napa-angat ng tingin kay Trey.

"Ano ba 'yang sinasabi mo, Trey. Siyempre wala!" Regina

"Unang nag-react ang guilty." Ngising sabi ni Maxinne at lumabas ng office.

"What! Hindi ako siyempre!" Inis na sabi ni Regina at naglakad papunta sa pinto,

"Hey, where are you going?" Ace

"I can't take this anymore! Lalong sumasama 'yung ugali n'ya, kakausapin ko na!!"
Regina na pabagsak na sinara ang pinto . Kamot-ulo na sinundan naman ito ni Ace sa
labas.

Pwede nga rin na may traydor. Si Lalaine kaya?

Pumasok ng office sila Travis, Mr. Cavin, Sandy, Dionne at Haydee.

"O bakit may nag-aaway 'dun sa hallway?" Umpisa ni Mr. Cavin. Nagtuloy ito sa
swivel chair niya matapos humalik sa pisngi ng anak na si Tammy. Ganun 'din naman
si Tammy sa kuya Travis n'ya.

"LQ. Love triangle, pfft." Natatawang sagot ni Trey na binato pa si Paul ng cushion
sabay sabi ng torpe.

"Pa, bakit 'di s'ya nakakulong? She's bad." Tammy na nakataray kay Haydee na
nakayuko..

"She's not." Sagot ni Sandy at ngumiti.

Nagkatinginan kaming lahat at hinintay ang paliwanag ni Mr. Cavin.

Akmang magsasalita na sana si Mr. Cavin nang itikom muli nito ang kaniyang bibig.

"Trey labas muna." Mr. Cavin


"No." Trey

"Trey..lumabas muna." Ulit ni Mr. Cavin. "Samahan mo, Ms. Sundust."

"At bakit kailangan namin lumabas? Gusto ko rin marinig yung mga pag--" Trey

"Travis, sige ikaw nalang ang sumama kay Ms. Sundust sa--" Mr. Cavin

Hindi na natapos ni Mr. Cavin ang kaniyang sasabihin nang hilahin na ni Trey ang
kamay ni Scarlett.

"Sige ako nalang," Trey

Tuloy-tuloy na silang lumabas at kami nalang ang natira.

"Seloso talaga. Saan kaya nagmana 'yon. Matino naman ako noong kabataan." Nagkibit-
balikat si Mr. Cavin.

"Sorry." Haydee. Nakayuko ito. Nasa likuran niya si Travis, Sandy at Dionne.

"Not enough." Lalaine

"Lalaine," Warning ni Travis dito.

"What. Muntik na mawala ang Crystal Moon sa kamay natin dahil sa babaeng 'yan.
Sorry. Is. Not. Enough." Lalaine

"Kailan ka pa naging concern kay Scarlett?" Seryosong sambit ni Travis. Nagtaas ng


kilay si Lalaine.

"Hindi ako concern sakaniya. Siya ang Crystal Moon, nag-aalala lang ako sa
kalalabasan kung makuha siya dahil sa kapabayaan niyo at sa witch na 'yan," Lalaine

"I'm sorry. Sorry talaga." Haydee na pinaglalaruan ang daliri habang nakayuko.
Mukha naman siyang sincere.

Umirap si Lalaine.

"Nabanggit ni Ms. Haydee Lancaster na tinablan agad ng mahinang potion na gawa ni


Haydee ngunit ipinanglinlang ng fake Angel sila Maxinne, Regina at Ace dahil
malakas lagi ang mga emosyon ng mga ito." Mr. Cavin na ipinipitik ang lapis sa desk
niya. "May gusto ba magpaliwanag sa nangyayari sa tatlong mga batang 'yon?"

Felix chuckled. "Pag-ibig lang, Mr. Cavin."

Nagtaas ng dalawang kilay si Mr. Cavin at tumango. "Una pa lang hindi na intensyon
ni Ms. Haydee Lancaster na pumatay, gusto niya lang maghiganti sa isang tao. Pero
hindi ang pumatay tulad ng patutunguhan ng plano ng fake Angel at ng Erebus. Paki-
kwento naman ang lahat Ms. Lancaster." Mr. Cavin

Nagtaas ng tingin saamin si Haydee at napakagat ng ibabang labi na tila


kinakabahan. Travis tapped her shoulder and nod.

"P-plano kasi ng fake Angel na pagselosin namin ni Trey si Scarlett, na sinang


ayunan ni Trey. Pero hindi 'yun tagumpay dahil kusa na nakipag-ayos si Scarlett
noon. Kaya pinagawa niya ako ng potion na makakapagpa-hypnotise sa apat. Hininaan
ko lang ang epekto ng potion dahil gusto ko na hindi muli siya magtagumpay kaya
lang...puro malakas ang emosyon nila Ace, Max, Reg. at Trey. Kaya tagumpay na
gumana ang potion." Haydee
"Anong balak niyo sa Crystal Moon?" Angel

"H-hindi ko alam. Pinilit lang ako ng fake Angel na umanib sakanila. Ang alam
ko..gusto nilang makuha ang Crystal Moon bago maging ganao ang pagkorona dito
maging Crystal Moon." Haydee

"May plano silang masama sa Crystal Moon. Bukod sa pagpatay dito at pagkuha ng
gem." Mr. Cavin. "Think about it, kung gusto nila si Scarlett na patay, bakit hindi
nalang utusan ang fake Angel na gawin 'to?"

"Pwedeng gusto ang gem," Justine na boyfriend ni Angel.

"Pwede. Hindi naman makakaya ng isahang tao ang pagkuha ng gem, lalo na sa Crystal
Moon. Baka dadalhin sa Erebus para magawa ng mas marami pang Dark-gem holders ang
ritwal." Felix

"O, baka may iba pa." Paul

"Pwede naman silang magdala ng marami pa na tauhan para gawin ang ritwal ng pagkuha
ng precious gems ng Crystal Moon." Dionne

"Okay, okay. Kung ano man ang dahilan nila mag-ingat nalang tayo." Pagputol ko sa
hahabang pag-iisip nila. "Sino ang paghihigantihan mo?" Baling ko kay Haydee.

Agad itong tumingin kay Mr. Cavin na parang hindi alam ang sasabihin. Ngumiti lang
pabalik ang matanda kay Haydee.

"Pinalabas ko si Trey dahil si Scarlett ang tunay na dapat hindi makarinig ng bagay
na dahilan ni Haydee." Salita ni Mr. Cavin.

"What do you mean, papa?" Tammy

"Alam natin na ang ama ng Crystal Moon ay ang namumuno sa Erebus ngayon." Mr.
Cavin, "Bata pa lang si Haydee natikman na niya ang lupit ng kasamaan ng naturang
tao. Ni Zigamord Merfild. Itutuloy ko ba Ms. Lancaster?"

Nanginginig na pala si Haydee ngayon.

Mukha na siyang nakakaawa talaga. Siguro nga hindi niya intensyon ang pag-anib sa
Erebus.

Tumango lang ito. Kita ko na hinawakan ni Travis ang braso nito.

"Isinumpa si Ms. Haydee ng ama ni Scarlett. Tuwing sasapit ganap na hatinggabi,


nagiging mabangis itong hayop at...kumakain ng mortal na tao. Kaya gusto
niyang..gantihan ang anak na lang ng sumumpa sakaniya..si Scarlett." Mr. Cavin

**

Maxinne's POV

"Why are you following me." Tanong ko nang hindi lumilingon. Naglalakad ako dito sa
hallway papuntang dorm ko. Inaantok na ako.

"Maxinne." Boses ni Regina.

Humarap ako dito at nagtaas ng kilay. "What do you want?"


"I want us to talk about the--" Regina

"Wala tayong pag-uusapan. Inaantok na ako." Tumalikod ako dito pero hinatak nito
ang braso ko paharap at sinampal ako...malakas.

"What the hell is your problem!?" Sigaw ko at sinampal din ito.

Pagkalingon nito sa'kin ay namumula na ang mga mata at parang naiiyak na.

Nagulat ako doon at hindi makapaniwala sa sarili na...nakasampal ako ng iba. Worst
kaibigan ko pa.

Bitch man ako manamit at umakto ngayon, pero hindi nabago yung ugali ko! Ako parin
yung mahal na mahal ang mga kaibigan, 'yung maingay, 'yung halos best friend na si
Regina.

Kaya hindi ko maisip na aabot sa ganito. 'Yung sasampalin niya ako..at ganun 'din
ako sa kaniya.

"Wow, Maxinne. Kapatid na turing ko sa'yo." Ngiting mapait ang binigay nito sa'kin.

"Regina..hindi ko 'yun sinasadya."

"Hindi ko inaagaw si Ace, Max. Alam mo naman na si Paul ang mahal ko diba. Hindi
ako magkakagusto sa prince charming mo 'no." Ngumiti ito pero malungkot 'yon. "Ang
kaso..alam mo naman na may pagka-pasaway ang Ace mo, ayun magkunwari daw kami para
magselos ka at mapaamin. Sige, alis na ako. Matulog ka na, Max." Tumalikod na ito
habang ako parang binuhusan ng malamig na tubig.

Ano ba 'tong nagawa ko!! Aish, kainis!

Kasalanan ko 'to. "T-teka Regina!" Habol ko dito. Siyempre hihingi ako ng tawad,
pakshet naman o!!
Third Person's POV

Matapos ang pag-uusap at kaunting paalala ni Mr. Cavin sa Royal Colors at Protector
ng Crystal Moon, lumabas na sila ng office.

Naglakad sila patungo sa 4th floor sa girls' dorm at boys' dorm. Pero hindi pa man
sila nakakalayo ay namataan na nila si Maxinne at Regina si Ace rin na nasa 'di
kalayuan at sina Trey at Scarlett na naglalakad palapit sakanila.

Kapwa tahimik ang lahat.


Halata ang lungkot at problema sa iba. Samantalang si Scarlett naman na inaantok na
ngunit ayaw pa patulugin sa dorm ni Trey kaya nag-aaway na naman sa sulok.

Magkakaniya-kaniya na sana ng alis ang lahat nang walang kibuan nang biglang hindi
sila makakilos.

Parang nabato sila sa kanilang kinatatayuan.

Literal na nabato sa sahig ang kanilang mga paa.

"What the fvck, Travis!" Trey / "Kuya Travis naman!" Tammy

"Walang aalis. Hindi kayo matutulog hangga't hindi ayos ang lahat. Mapapahamak si
Scarlett sa atin, dahil sa problema niyo hindi niyo siya mabantayan ng maayos."
Travis
Napayuko ang ibang Royal Colors samantalang napaiwas ng tingin ang iba.

"Ayusin niyo 'to ngayon din. Ngayong gabi na 'to, dahil isang araw nalang ang
natitirang araw ng training ni Scarlett bago siya maging ganap na Crystal Moon.
Dapat handa na ang gem na magamit."

"Uh, Travis..m-malapit na maghatinggabi." Haydee, "M-mag-iiba ako ng anyo sa..sa


ibang--"

"I can help." Lahat napalingon sa masiglang nagsalita. Si Angel na nakataas pa ang
kamay.

"Angel.." Ice
"Nakasama ko ang ilang tribo sa loob ng Mountain, and may lolo sa tuhod si Justine
na kayang lumaban sa mga sumpa." Nakangiting sambit ni Angel.

"Ano.." Kamot-ulo naman bigla si Justine. "May problema.. "

"What." Angel

Trey sighed, "Walang katapusang problema. Sa dorm ko, 'dun natin pag-usapan.
LAHAT!" Trey na naiirita.

"Pero," Haydee
"Tutulungan na nga pepero ka pa." Trey, "Ano, ganito nalang ang mga binti namin?"
Sarkastiko nitong sigaw kay Travis habang nakaturo sa binti nila na..naging bato
dahil sa kagagawan o gem ni Travis.

"Uh, sorry naman.." Travis at itinapat ang kaniyang Stone gem sa mga binti ng
lahat.

"Dun ka sa dorm ko matutulog." Trey kay Scarlett nang magsimula na silang maglakad
at tumungo nga sa dorm na malaki ni Trey.

"Kaya 'dun tayo magmemeeting lahat sa dorm mo para diretso tulog na ako dun? Mautak
ka talaga.," Irap ni Scarlett sa nakangising lalaki na nakahapit sa beywang niya.
To be continue..

A/N: Thursday next ud. Grounded ako sa internet. At nakitype lang ako nito sa pc ng
kaibigan ko. Lame, lame daw nito. T.T

~Dionne, need male op katuwaan lang.

*SilveryLuna

Scarlett/Astrid's POV

"Patay na kasi 'yung lolo ko na 'yun. Technically, hindi na 'yun makakatulong."


Kakamot-kamot na sabi ni Justine na boyfriend daw ni Angel nang umpisahan s'yang
usisain nila Ice.

Tungkol naman kay Haydee. Ayon, dahil hatinggabi na nakita namin 'yung pagpalit
n'ya sa ibang anyo. Anyo ng mabangis na hayop. Parang hindi n'ya kami kilala.
Napakapit nalang ako sa braso ni Trey ng mahigpit. Muntik na kasi n'ya akong
atakihin kanina.

Nakakatakot. Mukha s'yang mabangis na leon na kulay puti.

Pinagtulungan nalang ni Dionne at Travis ito na mailabas ng dorm ni Trey at dinala


sa labas. Siguro ikukulong. Hindi ko alam. Nakakaawa si Haydee.

"Tch. Sinuggest pa. Ano gigisingin natin sa hukay?" Trey

Kinurot ko ito agad sa braso. "Aw! What the, Astrid naman. Mawawalan na ako ng
balat kakakurot mo." Reklamo nito. Pero lalo akong niyakap. Imbes na pagalitan ko
tuloy, napangiti ako ng 'di oras.

"Naglambingan pa." Felix. "Paano na 'yan."


Nakaupo sa sahig ng indian sit ang mga boys except dito kay Trey na nakakapit na
naman sa'kin na parang linta. Specifically sa beywang ko.

While the girls, sa dalawang couch ni Trey. Tapos kami nakatayo.

Ewan ko ba kay Trey kung hindi s'ya nangangalay sa pwesto namin. Naka-rest lang
'yung mukha n'ya sa left shoulder ko tapos nakayakap sa beywang ko. Ayoko nga
sawayin, at hindi ko alam kung bakit.

Siguro sa tagal na hindi kami nakapaglapit sa isa't-isa, namiss ko nalang 'yung


presence n'ya.

At ngayon na marunong na ako umamin. Inaamin ko, kinikilig talaga ako. Nandito
parin 'yung mabilis na heartbeat, pagb-blush pero ang kaibahan lang..alam ko na
ngayon kung bakit nangyayari sa'kin 'to.

Kasi mahal ko pala s'ya.


"Ganun ba? Sorry, hindi ko alam." Paghingi ng pasensiya ni Angel.

Umuwi na si Tammy dahil gabi na talaga. At tinulak na s'ya paalis ni Trey, nasipa
pa nga sa katawan ang asawa ko. Ang cute talaga nila mag-kuya.

Asawa ko. <3 *sigh* ^___^

"2 years na s'yang patay. Pero 'yung kagamitan n'ya para sa mga sumpa buhay na
buhay. Tinatawag namin na Curse Chest ang pinaglalagyan 'nun." Justine

"Dahil sa mga sumpa ginagamit 'yung nasa loob kaya Curse Chest? Corni, brad."
Felix
"I'm tired. Balik na ako sa dorm." Walang gana na sabi ni Maxinne. Napatingin kami
kaagad dito. Mukha s'yang problemado. Dati masayahin pa s'ya at palangiti. Ganun na
ba katindi 'yung problema daw nila? Nakakapanghinayang lang.

Tumayo ito pero hinatak ulit ni Sandy ang braso n'ya paupo. Sa isang couch kasi ay
sina Regina, Sandy at Max ang nakaupo. Siyempre ginitnaan ni Sandy. May tensyon
kasing mabigat.

"No. Stay. We're not yet done, Max." Sandy

Bored na tumayo ulit ito, pero this time si Ace na ang pumigil sa kamay n'ya. Para
naman 'tong nakuryente at inilayo ang kamay kay Ace.

"Maxinne. Ayusin nalang natin ngayon." Ace gamit ang boses na parang nagmamakaawa.

"Maxinne Gabriel, umupo ka." Cold na utos ni Ice. Nakakatakot kasi seryoso s'ya
dun. Kaya pabagsak na umupo si Max at inirest ang ulo sa sandalan sabay pikit.
Yumuko si Regina bigla. Si Ace naman ay napahilot ng sentido. Ang bigat ng
atmosphere sa tatlong 'yon.

"Buti pa tayo tapos na d'yan." Rinig kong bulong ni Trey sabay singhot sa leeg ko.

"Trey. Uy, nakikiliti ako. Tumigil ka nga, seryoso na 'yung mga tao, para ka namang
walang pakialam sa mga kaibigan natin." Pabulong na saway ko.

"Hayaan mo sila."

"So..ano..tuloy mo 'yung sinasabi mo. Curse Chest what?" Sandy

"Wait a minute!" Hyper na sigaw ni Ice. "Nabasa ko 'yun! Curse Chest! Nabasa ko nga
sa Library ng StoneGem Academy!" Ice
"Bookworm attack. Uod alert." Pang-aasar ni Felix. Nahampas naman ito ng unan ni
Ice. Natawa naman kami dahil ang sweet lang tignan, may reaksyon na si Ice. Okay na
kaya sila?

Kami lang pala ni Sandy, Angel at Justine tumawa.

"Seriously, nabasa ko talaga!" Lumingon saamin si Ice dito sa likuran ng couch na


inuupuan n'ya at ni Lalaine.

"Super sealed ang chest na 'yon. Kahit anong elemento pa ang gamitin hindi
mabuksan-buksan. Kahit spells pa ng witches and wizards!" Ice, "The only key to
open the Curse Chest is the third-gem of the Crystal Moons. The Weapon Gem!"

Napanganga ako nang matapos ito sa pagsasalita. Weapon Gem? Third-gem?

"Bakit?" Angel
"Ewan ko rin. Pero ang huling litanya daw ng lolo mo, Justine, right?'' Ice ''Bago
ito mawala na ang 'tanging Weapon Gem lang ang makakabukas ng naisarang mga
kagamitan na makakatulong para sa tadhana n'ya. Tadhana raw ng Crystal Moon.'" Ice

Ibig ba 'nun sabihin may Weapon Gem nga?

Na pwedeng tama talaga 'yung sinabi sa scene na nakita ko sa loob ng Mirror Room?

Weapon Gem.

Kasi kung hindi, ano 'yun imaginations? Sana walang Weapon Gem na ganun dito. Pero
'ayun nga at kakabanggit lang ni Ice!

Naalala ko rin 'yung sinabi sa'kin ni Serentine! Na binibigay n'ya sa'kin ang
third-gem.
Tumugma nga!

Ako na ba ang makakatulong kay Haydee?

"Hey, Scar!" Sandy

Natigil ako sa pagkakatulala ko at napalingon sakanila.

"B-bakit?"
"What is your gem, again?" Sandy na nakangiti. "Sana Weapon Gem na para ligtas kana
sa kapahamakan from Hay--" Hindi na nito natapos ang sinasabi nang magyelo ang labi
nito.

"Paul!" Saway ko. Si Paul lang ang may Ice dito.

Ang bad n'ya naman nagsasalita 'yung tao!

"Sige, magsalita ka pa. Magiging frozen human ka." Paul

Nag-peace sign si Sandy. Ang sama naman ni Paul!

Pansin kong natatawa si Felix na umiling nalang.


"Mga mukhang tanga."Trey

"Bakitba kayo nagpapakahirap."Lalaine

"Uhmm..to help?" Angel

"Yea right! To help the traitor. Muntik na 'yung Crystal Moon tapos tutulungan n'yo
pa si Lancaster. Mga hypocrite ba kayo? Helping the enemy?" Sarcastic nitong sabi
at ininom ang orange juice na nakahanda para sakanila.

Una sa lahat wala akong maintindihan. Si Angel--I mean 'yung fake ang may ideya na
kunin ako siguro para dalhin sa Erebus? Pero bakit pumasok sa eksena si Haydee na
nagsosorry? I don't get it, really.

"Si Haydee kasi 'yung dahilan kaya naging hypnotized sila Trey, Scarlett." Regina
"H-ha?" Obvious binasa n'ya ang isip ko. Ganun ba?

"Sorry, I read your mind. You look puzzled kasi. I'm sorry." Regina

"Okay lang 'yun."

"Sobrang bait. Kaya naabuso ang mga katulad mo." Lalaine

"Laine, enough." Trey

"What! I'm just saying the truth." Lalaine

"May masama ba sa pagiging mabait at inosente. Wala kaya!" Sandy


"Tama na." Paul, "Anong gem mo, Scarlett?"

Katahimikan....

Nilingon ko si Trey na nakatingin na rin sa'kin at nakatayo na ng tuwid habang nag-


aabang rin ng sagot tulad ng lahat except kay Max at Lalaine na hindi nakatingin.

"Weapon Gem.."
Napanganga sila, ang iba ay nanlaki ang mga mata. Si Maxinne na napadilat at
nagtatanong ang mga mata na tinignan ako.

Si Lalaine naman na kumibit-balikat. "Another responsibility, then. Poor Crystal


Moon. I have to go." Lalaine. Lumabas na ito ng dorm at naiwan kaming wala parin
nagsasalita

"Paano mo naman nalaman?" Regina

"Kontrolado mo na ba, Scar?" excited na lumapit sa'kin si Sandy at ngumiti.

"Wow!" Ace

"Kailan pa?" Ngiting tanong ni Ice.


Tinignan ko si Trey na nakangiti na rin ng tipid at ginulo ang buhok ko saka
lumakad papuntang kusina.

"Uh..kanina lang. Kanina ko lang nalaman--"

"Lumabas ba bigla? Gaano ba ka-cool? Halika nga rito!" Hinila ako ni Sandy paupo sa
tabi ni Ice.

Lahat na sila nakangiti. Pati si Paul and Max. Angel and 'yung boyfriend n'ya si
Justine.
"Sa Mirror Room. Nagbigay 'yun ng pangitain. Parang scene. Nabanggit na kontrolado
ko ang gems ko..tapos pati daw 'yung Weapon Gem.." Ako

"The Mirror Room! Sabi na eh!" Sandy

"Pati Fire at Air gem?" Singit bigla ni Trey na may dalang mga plato na may kanin
at ulam. Nilapag n'ya yon sa table, "Kumain ka muna." Aya nito.

"Teka nga, brad! Alam kong sweet 'yang late dinner na inaaya mo kay Scarlett..pero
hindi mo alam kung na-train na ni Scarlett 'yung mga gems n'ya?" Felix

"Wala kami dito 'nun, alam mo 'yan. Inutusan kami ni Mr. Csvin na manmanan sila
Hecate at Haydee. Na kasama si Tammy at Lalaine. So kung hindi mo alam..sino kasama
nito? Nag-isa?" Sandy
Tumikhim lang si Trey.

"Kasama si Haydee. Nakikipag-flirt." Biglaan kong nasabi. Naisara ko ng madiin ang


mga labi ko. Ano ba 'yung sinabi ko,!

"Woah! Hahaha!" Felix, "Sapakin na natin, Scarlett? Babaero ba?" biro pa nito.

Ngumiti lang ako.

"Si Travis. S'ya 'yung nagvolunteer. 'Yung gumawa nung dapat si Trey ang gumawa.."
Ako

Nagpoker-face si Trey at tumabi kay Ace sa sahig. "Brad, mukha ba akong engot para
'di ma-gets na diniinan n'ya talaga 'yung salita n'ya para patamaan ako? E,
nireject 'yung confession ko..siyempre nilayuan ko." Kausap nito kay Ace na patawa-
tawang umiling nalang. Nag-apir pa sila Trey at Felix na tawang-tawa.
"Ano kamo, ate Scarlett?! Ang sweet nung Travis??" Angel

"H-ha?" Anong sinasabi n'ya? ?__?

"Wow naman! Ang sweet n'yo pala sa training n'yo! Ilang-araw 'din 'yun ah!" Sandy

"Ha? Teka..anong swe--" Ako.

"Nako, nako. Sila lang 'dun! Dalawa lang sila. May namuo ba na--" Ice

"Wala! Naku, wala!" Pigil ko. "Wala, promise, Trey." Ang sama na ng tingin n'ya.
Seryoso pero makakapatay na 'yung tingin!
"Wrong! Si Trey, tanungin n'yo kung MAY ginawa ba s'ya nung nagkagalit kayo." Sandy

"Mayro'n! Kita ko sila ni Haydee!" Felix na nakataas pa ang kamay.

"What the hell, Williams!" Trey

"Brad, sorry. Pero nando'n kayo ni Haydee sa dilim..may nakahubad, Scarlett!" Felix

Natahimik kami ng lahat. Si Paul at Ace nakangiti.

Yung girls parang handa na patayin si Trey, parang signal ko nalang hinihintay.
Totoo kaya? Nung hindi pa kami nagkakaaminan? Nakahubad?! 'Di rin naman ako
pinanganak kahapon para 'di maintindihan na gumagawa sila ng milagro sa kwento ni
Felix!

Hindi ko matignan si Trey. Mahal daw n'ya ako! Kainis naman! Kahit saan tignan mali
naman 'yon, hindi pa nga kami okay nakagawa na s'ya ng mali!

Ilang segundo pa..nanlabo 'yung paningin ko sa luha. Wala bang paliwanagd'yan,


Trey?! Kainis talaga!

"Sorry, natukso lang a--sht!" Trey. Lumingon ako dito at napamura na s'ya nang
matitigan ang mga mata ko na puno na ng luha. Natukso. Kainis kang tukso ka!!
Papatayin kita kung may buhay ka!

"Trey, bwisit ka talaga. Alam mo 'yon?" Ice, ''Ang lakas 'din ng topak mo eh!''

Tumuloy-tuloy na ang tulo ng mga luha ko nag-iwas na rin ako ng tingin. Madrama na
kung madrama! Pero kung kayo rin masakit talaga 'yung malaman na mahal mo pa that
time tapos nakipag--shemay naman o!
Nagulat ako nang umalis sa tabi ko si Ice at Sandy. Umupo naman sa right side ko si
Trey. Rinig ko 'yung tawanan nila Felix.

Hinawakan ni Trey ang pisngi ko at pinatingin ako sa mukha n'ya. Kainis naka-ngiti
pa! Masaya pa!

''Hala, uy, Scarlett..binibiro ka lang namin.'' Sandy

''Ngihh..sorry, ate Scarlett.'' Angel

"Ako pa ba, Astrid? Matutukso sa iba? Never." Hinalikan ni Trey ng smack ang lips
ko.

"Parang dati lang, brad. Kaliwa't-kanan mga babae mo nung wala pa si Sc--" Felix

"Titigil ka diba? Ayaw mo masunugan ng buhok diba, brad?" Trey. Natawa ako ng
bahagya maging sila Max.
"Hindi 'yun...totoo?" Ako

"Sa katawan mo na sexy lang ako na-aarouse, asawa k--Aray!" Hinampas ko na ito ng
malakas sa braso. Bastos!

"Binibiro ka lang ng ugok na 'yan." Sinamaan nito ng tingin si Felix.

Haaay, parang nakahinga ako ng maluwag. I love this guy beside me, I really do.

Maxinne's POV

Tipid na napangiti ako sa dalawang nakikita ko sa harapan ko.

Ang sweet nitong dalawang 'to kahit kailan. Kahit halatang walang ka-sweetan si
Scarlett, bawi naman kay Trey na halos langgamin sa ka-sweetan.

Buti naman nagka-aminan rin. Matagal na rin namin sila napapansin. Si Trey lalo na!
Nag-iba s'ya bigla eh.

Kapag mahal talaga, tsk tsk.

Tinignan ko ang lalaking nakaupo sa sahig, sa harapan ko. Naka-sideview kasi


nakatingin kay Trey at Scarlett na naglalambingan na naman.

Parang dati lang s'ya humahabol sa'kin, tapos itataboy ko. 'Yun naman pala nung
time na 'yon, gusto ko na rin s'ya.

Kaya nung naging sila ni Regina...nung natigil s'ya kasusunod, nalungkot talaga
ako.

Tapos unti-unti...napag-alaman ko nalang na..ayaw ko na palang makita s'yang may


iba. Tapos kaibigan ko pa.
Ang sweet pa na laging magkasama. Alam naman ni Regina na..sabagay 'di nga pala
n'ya alam na may gusto rin ako kay Ace..

Pero ngayon na may dahilan pala at hindi totoo na...

''Maxinne..'' Scarlett

Tumingin ako sa mga kaibigan ko. Nag-space out na pala ako sa kaka-kausap sa isip
ko.

''Bakit?''

Ngumiti si Scarlett sa'kin at nginuso ang lalaking nakayuko lang. Si Ace.

''Usap na kayo. Ayusin muna natin 'yung barkada, bago 'yung mga problema ko. Okay
ba?'' Scarlett
Napa-iwas ako ng tingin at biglang nanlamig. Nakakakaba kaya. Sa'min nakatutok
'yung pag-uusapan.

Pero mga kaibigan ko naman sila.

''Umpisahan na ang dramatical love story.'' Trey. Agad itong hinampas ni Scarlett
sa likod. ''Aw! Astrid naman..''

katahimikan ang namalagi. Wala parin ang nagtangkang nagsalita saamin tatlo.

Hindi ko kasi alam kung paano uumpisahan. Ano nga ba sasabihin ko?

Aamin ba ako? E, paano kung pinagtritripan lang ako ni Ace, tapos joke-joke n'ya
lang 'yung..'Maxinne, mahal nga kita'
Ayoko mapahiya. Ayoko matapakan ang pride ko, 'no!

''So..ano pa ba ang problema talaga dito?'' pag-uumpisa ni Ice.

''Wala,'' sagot ko.

''Sus! Wala nga ba.'' Sandy, ''Grabeng 'wala' 'yan! Ayaw na magpansinan, at ano
'tong naririnig ko na madalas kayo mag-away ni Regina! Grabe parang dati lang best
friends, kambal tuko forevs! Ayusin na ang 'Wala' problem na 'yan!'' Sandy

''Wala naman talaga,'' ngumiti ako ng..fake. At ang hirap pala.

Inirapan ako ni Ice, kitang-kita.


''Kung magsisinungaling ka, Maxinne, make sure na wala ako sa paligid. O kaya,
dapat wala ako sa harap mo ah, 'yung 'di ko makikita 'yung mata at 'yang fake na
fake na fake na fake na ngiti mo. Naiinis na ako, at sa inis ko napapadami na ang
sinasabi ko.'' Ice. Bumuntong hininga ako. Ang dami na nga n'yang sinabi. Galit na
'yan..

''Maxinne..'' Regina

Hindi ako lumingon. Nakatingin lang ako sa paahan ko.

''Bakit ka ba galit sa'kin?'' Regina..

Bwisit na 'bakit' 'yan!

''I'm not mad--''

'Liar.'' Regina, napatingin na ako sa right side ko, sakan'ya. ''You're just lying.
Galit ka kasi may gusto ka kay Ace. Galit ka sa'kin, simula no'ng malaman mo na may
relasyon kami ni Ace, 'coz you have feelings for him, special feelings na lovers
lang makakaintindi. Admit it, Max.'' Regina.

''What. Wala..naman--''
''Gusto mo na umamin. Pero nahihiya ka lang. I'm one of your best friends. Kaya nga
'best' . More like kapatid na ako sa'yo, kilala na kita. Plus I read your mind, few
minutes ago.'' Regina winked. Napanganga nalang ako at hindi na talaga alam kung
kanino titingin kasi ramdam ko na nakatutok sila sa'kin ngayon.

''Yun naman pala--Aray ko, Astrid,'' Trey

''Cocomment ka pa talaga.'' bulong ni Scarlett

''Mahal pala ako, brad! Akin na 'yung pusta mo na puso ng nanay mo!'' Bigla'ng
sigaw ni Ace kay Felix at Paul.

''Sinasabi mo?'' Paul

''Pusta n'yo dati. 'Yung kinakawawa n'yo ko dahil wala na akong pag-asa dito kay
Max. Akin na, bilis!'' Ngiting wagi na sabi ni Ace. Tumayo pa ito para gumitna kay
Paul at Felix. Para s'yang nasaksakan ng energy drink 1million times. Hyper 'yung
galaw, ang lakas na ng boses tapos halos mapunit na 'yung labi kangingiti.
''Loko ka! Puso ni, Maxinne kunin mo, 'wag sa nanay namin!'' Felix

Tumingin bigla sa'kin si Ace at aba! Kumindat..

''H-hoy..ano 'yan. Sinabi ko ba na..g-gusto kit--'' Maxinne.

''Natatakot. Baka daw ma-one-sided love s'ya, Ace!'' Sigaw ni Regina.

Binasa na naman 'yung isip ko! Argh!

Tumabi agad si Ace sa'kin dito sa sofa at..umakbay.

''Pakasal na tayo para sigurado na. Ano, gusto mo ba?'' Ace

''Ace!'' saway ko dito at hinarap 'yung mukha n'ya. Ngiting-ngiti ang loko. Nahawa
tuloy ako!
Pumalakpak si Felix, sumunod tuloy ang lahat tapos naghiyawan!

''Wooooh!'' Felix

''Yey! Sawakas!'' Sandy

''..at d'yan po nagtatapos ang storyang matinde ng mga masyadong pinaglihi sa


telenovela na mga kaibigan ko,'' Trey na parang reporter dahil may hawak pa na mic.
Invisible microphone.

Ngumiti lang sila Angel, Justine, Regina, Paul at Scarlett.

Tsk. 'Yaan na nga! Ganun talaga, kailangan din bumigay paminsan-minsan. Malas ko sa
isang loko-loko pa ako nainlove. Abnormal na puso!

''Abnormal ka daw, Ace!'' Natatawang sigaw ni Regina.

''Walang abnormal na masarap humalik, Maxinne baby.'' Ace

''What the fvck!''

*tsup*

O///////O
Regina's POV

Napasandal na ako dito sa sofa pagkatapos namin magyakapan at magka-ayos ni


Maxinne.

Buti nalang tapos na.

Hindi na ako aawayin ng malditang 'yon, tapos hindi na rin ako bubuntot lagi sa
abnormal n'yang soon-to-be boyfriend n'ya. =____=

''May babae kasing addict na addict sakaniya. Kaya naisipan n'ya na magkaroon ng
fake girlfriend..at ako ang nakita n'ya. Tapos tumuloy ang plano sa pagpapaamin
sa'yo kung magseselos ka lang naman. Fortunately, nagselos ka nga.'' sabi ko.

''Duh, hindi kaya!'' Maxinne.

Hindi daw, pero nakangisi at namumula pa. Halata rin 'to masyado. Hahahah.

''Si Angel nag-suggest na ikaw ang piliin ko.'' Ace,


''Fake Angel, kuya Ace.'' Angel

''Ah, oo nga, sabi ko nga fake.'' Ace

''She just want to ruin your friendship with Ate Maxinne, right Justine?'' Angel

Nagtataka na tinignan namin si Angel. Ano daw? Anong sinasabi n'ya?

''That's the plan. Ilang araw namin s'ya nakikita at nahuhuli na..kausap ang mga
kakampi n'ya. Para hindi masyado ninyong matuunan ng pansin si ate Scarlett.''
Angel

''Kasi magkakagalit tayo.'' Poker face na sambit ni Maxinne.

''Tama nga, success s'ya sa halik sa'kin. 'Di ako pinansin ni Uod.'' Felix

''Uod pa, pupunuin ko ng hangin 'yang tenga mo.'' Ice


''What.'' Natatawang si Felix, ''Bookworm nga eh, Uo--Sorry,'' Felix na nakangiti
nang mapansin na nagbilnk-blink na ang blue gem ni Ice. Handa na labasan ng Air
power.

''Dun naman tayo kay..Pareng Paul!'' Trey

''Ano problema mo sa'kin. Wala akong problema.'' Paul

''Mayro'n daw, sabi ng asawa ko.'' Scarlett.

Napatakip agad ito ng bibig Ayieee. Ang sweet, ''Asawa ko? Nice endearment!'' Sandy

''Sino nakaisip n'yan napaka mais! CORNi!'' Ace

''Wag n'yo na kami pansinin ng asawa ko.'' Trey na parang tinutukso pa si Scarlett.
Nag-pout lang si Scarr..
''Oy, pare. Akala mo nakalimutan ko na 'yung sapak mo sa'kin sa Mirror Room?! Ba't
mo ko sinapak!'' Ace kay Paul.

Napakagat ako ng labi. Bakit nga kaya? Nagselos ba s'ya for me? Assuming overload!

Matagal ka na one-sided love sainyo ni Paul! T___T Fine!

''Wag ngayon..'' Paul

?___? So may date ang sagot n'ya? Pwede naman sabihin na 'Non, hindi ko s'ya gusto,
'yung parang tulad lang dati. Sa cafeteria,

Baka naman...huhuhu umaasa na naman ako. T__T

''Ah oo! 'Wag muna 'yon, unahin natin 'yung...tanong na..'' Trey na biglang
sumeryoso..ano na naman kaya
''...bakit nasa panig ka ng Erebus, brad?'' Trey, Felix at Ace/

To be continue...

A/N: Mahaba 'yan, pambawi lang. Mwah :* Mobile update.

-SilveryLuna
Plug: ''Fheinstinah Academy'' by @Tmae08 ^__^

Trey's POV

Natahimik ang lahat. Nagseryoso kaming mga lalaki.

Sandaling napatingin sa'kin si Paul, pero nag-iwas agad ng tingin. Nag-iba ang
timpla ng mukha nito.

Walang emosyon.

Pero alam ko, alam namin ang totoo. Kami pa la'ng ng mga lalaki.
"What are you talking about, Wastridge?" Paul

I smirk,

Ilang taon rin kami nagkasama magkakaibigan. Nalayo lang sila sa'kin, dahil
napalipat sila ng ibang Magic school. Pero sapat na 'yung mga taon, para makilala
ko sila ng lubos.

At ngayon, alam ko na may iba sakan'ya. Simula nang dumating sila dito para sa
Crystal Moon.

Tapos kinompronta ko sila Ace at Felix. Tama rin ako, pati sila nakapansin. Tapos
si Felix na kapatid n'ya, humihingi ng tulong sa'kin dahil nasa panganib ang
kapatid n'yang si Paul?

Sapat na 'yon para tanungin s'ya.

"Mapag-uusapan naman natin siguro 'yan, Williams."

"Brad, ano'ng mayro'n?" Seryoso na tanong ni Ace dito.

"Wait a minute!" Sandy

"Oo nga, ano ba 'yang sinasabi n'yo.." Regina


Biglang tumingin samin si Paul, may ibig iparating ang mga mata nito. Na parang..
manahimik muna kami

"Kayo talaga." Umpisa ng bagong dating. Travis. "Wag n'yo nga pagtripan 'yang
kaibigan natin."

"Pero, brad si--" Ace

"Tsk! Tigilan n'yo si Williams! Antok na la'ng 'yan!" Travis, bumaling ito sa mga
babae, "Tulog na, gabing-gabi na. Hindi totoo 'yung sinasabi ng mga 'yan,"

Napailing nalang ako. Kaibigan?

"Tara na, payat! Hatid na kita," Hila ni Dionne kay Sandy,

"Hindi pa kaya kami tapos!" Sandy

"Tama! Issue pa ni Ice at Felix, 'no!" Astrid.

"Hoy, matulog ka na rin." Saway ko dito. Nakatanggap lang ako ng hampas.

"Wag mo 'ko hino-hoy! Ikaw naman naka-isip na pag-usapan issues nila, e!"
"Gabi na nga."

"Wala naman kaming issue, ah!" Ice

"Khionne Ice, ha!" Asar ni Angel.

"What?! Shut up," Ice

"Bukas, training ni Astrid, aasahan ko kayo." Anunsyo ko.

"Yung kay Paul at Re--" Maxinne

"Inaantok na tayo! Ano ba, tara na!" Hinila na talaga ito ni Regina palabas. Mabuti
'yan!

Halatang ayaw pa nila Max pero lumabas na sila.Kaming mga lalaki nalang ang naiwan
dito na walang kibuan. Kami nila Ace, Felix, Paul at Travis.

Teka..nasaan 'yon si Astrid?

"Hoy, punta na 'ko sa kwarto. Good night!" Astrid.


"Magu-good night ka nalang pagalit pa." Bulong ko, hinalikan ko 'to sa labi. "Dream
of me," Ngisi ko.

Poker face lang ito na kinurot ako saka pumasok na ng kwarto.

"Hindi n'yo dapat muna sinasali mga babae dito. Hindi lang nila maiintindihan
kagad." Travis

Tahimik parin kaya tumikhim ako at umayos ng upo.

"Explain, Pare. Maiintindihan ka namin, 'wag ko lang marinig na gusto mo rin


ipahamak si Astrid." Nagtagis ang bagang ko. Ayos kahit ano pa ang dahilan n'ya,
alam ko na kaibigan kami dito. Pero uunahin ko 'yung mahal ko.

"Paul.." Felix

"Wala akong dapat ipaliwanag." He said in a cold tone.

Tumayo ito kaya nabwisit na ako.

"Walang ieexplain?! Ha. That's bullsht, Pare! Kahit wala pang kwentang reason,
sabihin mo. Kahit sabihin mo nalang na hindi ka namin magiging kaaway dito!" galit
na sigaw ko.

"Lower down your voice, Trey. Hindi natin kailangan magkagulo dito at magsigawan."
Travis
"Nand'yan lang si Scarlett," Paalala ni Ace.

Tumayo rin ako at dinuro ito. "Magsasalita ka, Paul! Kung ayaw mo na ako ang
magsalita sa buong Academy!"

Dumiretso ako sa kwarto kung nasaan si Astrid.

Hindi ko nakontrol ang emosyon ko. Alam kong napag-usapan na namin ni Ace na dapat
'di namin pangunahan ng galit si Paul. Pero maisip ko lang na nandito lang s'ya
lalapit-lapit sa Crystal Moon na mainit sa mga mata ng Dark-gem holders. Tapos isa
rin s'ya sa tagasunod ng Erebus?! Ha.

Magkakagulo talaga kami!

Pumasok ako sa kwarto para sana tignan kung gising pa si Astrid. Pagkabukas ko ng
pinto, nandun nga s'ya nakatayo at mukhang nakikinig.

"Tsk! Tigas talaga ng ulo. Sabing matulog na."

"Si Paul. Ano nangyayari?"

"Wala. Matulog ka na o tatabihan kita? You choose."

"Pero, Trey..kalaban ba s'ya? Hindi na ba natin s'ya kaib--"


I sighed. "No. He has a reason. Pag-uusapan pa namin 'yon, kaya 'wag ka na muna
magtanong. Training pa bukas, mapapagod ka ulit. Rest now." Utos ko dito. Tumango
s'ya. Pero yinakap ko muna ito.

"I'll protect you, no matter what. I love you, good night."

**

"Ano?!" Galit na sinapak ko kagad si Paul. "Traydor ka! Fvck! 'Wag mo hahawakan si
Astrid, papatayin kita!" Dito na kami nag-usap sa labas ng dorm. Hallway.

Inawat ako nila Ace pero pilit ko parin gusto masuntok ang traydor na 'to.

"Hindi ko magagawa 'yon kay Scarlett." Paul. Pinunasan nito ang dugo sa labi n'ya
na dulot ng malakas kong suntok. Honestly, gusto ko na s'yang gamitan ng gemstones
ko!

"Wag mo kaming gawing tanga dito! Kasasabi mo lang! Erebus ordered you to get the
Crystal Moon!"

"Pare, ano ba kasing dahilan mo? Bakit ipagpapalit mo 'yung Crystal Moon d'yan?"
Felix

"Paul, kakampi tayo dito. Brad, kapag bumaliktad ka...magkakagulo nga." Travis
Nag-iwas ito ng tingin. "I'm doing this because of.."

"Of?" Ace

"Pati ako naguguluhan din. Sabihin mo na, bro." Felix

"Wag n'yo na alamin. Hindi ko sasaktan si Scar--" Paul

"Tell us your reason. We need to know the truth." Singit ko. Hindi pwedeng wala
kaming malaman. Nag-aalala rin ako para sakaniya, pero mas nababahala ako sa maaari
niyang gawin.

Pumikit ito ng mariin. "Fine. Gusto..gusto ko lang mabawi 'yung second gem ni..ni
Regina."

Nagtaas ako ng dalawang kilay. Come again? Gem nino? What for?

"Ano ulit?!" Travis na parang gusto mangiti. "Ano daw ulit?! Pakiulit nga sa'kin,
nabibingi na yata ako!"

"Second gem ni Regina?" Napangiti na ako at humarap kay Ace at Felix na nagpipigil
tumawa. "Pare, 'yun ba 'yung nakuha ng mga taga-Erebus dahil sa kakulitan ni Paul.
Noong bata pa sila?"

Nagsenyasan kaming apat at napahagalpak ng tawa.

"What the fvck!" Paul

"I can't breathe, Pare!" Travis


"Loverboy!" Felix at Ace

"Mahalaga 'yon kay Regina dahil bigay pa 'yon ng mga namatay niyang magulang! Stop
laughing, hoy mga ugok!" Paul

Hindi parin kami natigil katatawa. Umeecho na nga sa buong hallway rito yung tawa
namin dahil kami nalang ang nandito.

"Hindi mo talaga nalimutan 'yon, Pare?! Ang halaga naman ni Regina sa'yo!" Tukso ni
Ace

"Naguguilty lang a-ako.." Paul.

Say what? Nagstutter ang Ice King ng Royal Colors! Haha.

"Pare, nakalimutan na nga ng may-ari yung gem!" Felix na tatawa tawa.

"Wala akong pakialam. Gusto ko lang kunin 'yon." Seryoso nitong sabi. "Trey, hindi
ko na naman itutuloy yung pagsunod sa Erebus, mali yon. Pero gusto ko lang talaga
makuha yung--"

''At sa tingin mo basta-basta 'yon ibibigay sa'yo ng mga Dark-gem holders ng


Erebus? No, Pare. Walang taong tumutupad ng pangako sa lugar na 'yon.''

''Oo, tama.'' Tango ni Felix, ''Bakit kasi kukunin mo pa? Kung mag-sorry ka nalang
'dun sa may-ari ng gem. Tsaka mukhang ayos lang naman sakan'ya. Kay Regina.''

''Mapapahamak ka lang naman, kung itutuloy mo pa. Kami rin, brad. Utak!'' Travis

Yumuko ito at namulsa. Simpleng dahilan lang pala! Tsk!


''You see, hindi na ako pinansin ni Regina--'' Paul

''Pfft.'' Ace

''The fvck!'' He cursed under his breath. ''N-nevermind..'' mabilis na itong


naglakad palayo at pumasok sa dorm n'ya.

''Brad, tinamaan ka na!'' pahabol na sigaw ng dalawang ugok.

Nagkatinginan kaming tatlo,

''In love! Lakas ng virus mo!'' Travis na sinuntok ako sa braso. Well, ayos na
naman kami. Akin na naman si Astrid, kaya hindi na n'ya ulit makukuha 'yon. Kaya
sige, tinatanggap ko na na may kapatid pala akong lalaki.

''Parang ikaw, walang love virus, Pare, ah!'' Ace kay Travis

''Tch. You shut up, bro. Baka gawin na kitang bato dito.'' Travis

''May sikretong malupet! Nabalitaan mo na ba, Trey?'' Felix. Umakbay ang ugok
sa'kin.
Ano na naman kaya trip nitong mga 'to..

''Ang alin?'' curious kong tanong.

Nanlaki ang mga mata ni Travis.

''Haydee, Pare! Pinopormahan ng kambal mo!'' Felix

O___O

^____^

Akin na talaga si Astrid!

To be continued...

A/N: Sorry na kung boring. Inayos ko lang ang gusot ni Paul.

Add them on Facebook,

Scarlett Astrid Sundust

Trey Wastridge

Khionne Icee Marzon

Regina Ignacio
Dionne Crawk

Ace Knight

Maxinne Gabriel Lee

Paul Williams

Sandy Hilltur

Lalaine Norix

Haydee Lancaster

Angel Lynne Park

Justine Mark Filius

-SilveryLuna

Third Person's POV

Nagpulong sa Library sila Trey, Paul, Ace, Felix, Dionne, Sandy, Ice, Maxinne at
Regina. Maaga pa la'ng, tulog pa ang lahat.

"Sobrang daming nangyari..to the point na hindi na natin naisip na bukas na


magiging ganap na Crystal Moon si Scarlett." Regina

"Kaya nga kailangan na natin magmadali. Kung gagawin natin ang normal na
training..aabutin tayo ng ilang araw. At hindi maganda 'yun." Ice

"Tch!" Trey
"Okay la'ng naman na hindi pa ma-master ni Scarlett ang Weapon Gem n'ya bukas at sa
mga susunod pang araw." Felix, "Kaya la'ng masyado ng delikado. Babantayan talaga
natin s'ya, 24/7."

"Hindi din natin sigurado, baka nga kumilos na ang mga nananahimik na Dark-gem
holders bukas para makuha si Scarlett. Syempre pati gem nito." Ace

"Na hindi ko naman mapapayagan." Trey, "Sabi ni Tanda, simula bukas magiging mainit
na sa mga mata ng Dark-gem holders si Astrid. Ganap na kasi ang Weapon Gem nito.
'Di ko talaga maintindihan." Trey

"Baka gusto nilang patayin? O kaya 'yung gem..intetesadong-interesado sila." Dionne

"Kung ganoon, bakit hindi pa sila kumilos ngayon? Alam naman nilang hindi pa alam
ng Crystal Moon gamitin ang Weapon Gem nito?" Ace

"Alam ba? Engot mo." Maxinne

"Mahal din kita." Biro ni Ace na ginantihan la'ng ng irap ni Maxinne na namumula
na.
"Psh, seryosong usapan na nga! Landian ng landian!" Ice

Napatawa nala'ng sila Sandy..

"Sabagay may punto si Ace." Paul

Napatingin ang lahat dito..

"Oha! May punto!" Ace

"Bakit 'di pa nila samantalahin 'yung panahon na hindi pa alam ni Scarlett yung gem
nito? Pwede nila dukutin o kung ano man si Scarlett, hindi naman makakalaban si
Scarlett kung ganon." Paul

"Tsaka nagtataka rin ako." Sandy na pinipitik ang lapis sa lamesa. "Madami naman
siguro ang Dark-gem holders. Bakit si Haydee la'ng ang nandito? Saka 'yung fake
Angel. Ganun na ba sila kahina kumilos?" Sandy

"May pinaghahandaan sila. May iba pang dahilan, malamang." Trey

Tumango silang lahat bilang pagsang-ayon.


"Gawin na natin 'yung suggest ni Lalaine!" Felix

"Ha?" Sandy

"Naalala niyo yung paraan na sinabi niya sa Gem Mountain?" Felix

"Williams! No!" Trey

"Yung galitin si Scarlett?" Regina

"Kuha mo, Regina!" Felix

"Wag naman. Iba na la'ng!" Sandy

"Tama 'yon. Isahang bagsak na la'ng 'yon." Ace

"Sang-ayon din ako. Sa lahat ng dumaan na Crystal Moon, kalahati ng mga 'yon ito
ang paraan na ginawa ng training nila." Paul
"Still NO." Trey

"Brad naman!" Ace

"Hindi ba delikado?" Dionne, "Baka mawalan ng kontrol si Scarlett kapag nagalit."

"Maganda! Lagot tayong lahat." Ace na tumawa-tawa pa. Hinampas naman ito ng libro
ni Maxinne.

"Kailan ka aayos?" Maxinne

"Maayos ako." Ace

"Ah! Shit." Trey

Napatingin agad ang lahat dito. Bigla itong napayuko na sapo ng mahigpit ang ulo.
Nakapikit din ito ng mahigpit.
"Brad, okay ka la'ng?" Felix

"Trey?" Maxinne

"My head hurts, fvck! Shit." Trey

Trey's POV

Sa kalagitnaan ng pag-uusap naming lahat. Biglang sumakit ng matindi 'yung ulo ko.

Sobrang sakit. 'Di ko na alam gagawin ko,

"Wala kang awa!" Boses ng babae.


"Fvck! Sino ka?!" Sigaw ko

"Trey? Sino?" Sandy

"Not you. Hindi kayo! Shit, ang sakit talaga!" Daing ko. Nakapikit parin ng madiin
ang mga mata ko at hawak hawak ko ang ulo ko ng mahigpit.

"Inosente s'ya! Wala kang puso!" Sigaw ulit nito na may galit na galit na tono..
Sinubukan ko dumilat at hanapin sa paligid kung sino man 'yun!

Wala naman. Madilim parin. Kami-kami la'ng ang nandito sa Library, dahil 5 AM pa
la'ng.

"Brad, ano bang trip 'yan?" Felix

Nanlabo na ang mga mata ko. At nahilo na ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Naramdaman
ko rin na kusa na bumagsak ang ulo ko sa lamesa.
"Trey!" Sigaw ng mga nasa paligid ko.

Bago pumikit ang mga mata ko..may naaninag pa ako sa labas ng Library. Sa Hallway.

Matalim ang mga mata nito. Namumula na parang galit na galit na nakatingin ng
diretso sa mga mata ko.

Madilim doon. Hindi ko makilala kung sino s'ya.

Nagsalita s'ya. Wala man boses pero naintindihan ko ang gusto n'ya iparating.

"Magbabayad ka. Idadamay ko s'ya."

Third Person's POV


''Gaad! Trey!'' Tili ng girls.

Bigla kasing nahimatay na la'ng si Trey.

''Ano bang nangyayari kay Trey?'' Nakakunot-noong tanong ni Ice na nagpapanic na


rin.,

*Boogsh*

*Boogsh*

Nagsitayuan ang lahat para sana gisingin si Trey at i-check kung ayos la'ng ba ito
nang biglang may malakas na pagsabog ang narinig nila.

Sunud-sunod na malakas na pagsabog.

''Ano 'yun?!'' Dionne

''Si Scarlett! Hala, mag-isa la'ng siya sa dorm ni Trey diba?!'' Sandy
''Brad, dalhin muna natin si Trey sa Clinic.'' Utos ni Ace kay Dionne. ''Maxinne
puntahan mo muna si Scarlett sa dorm, bilis!'' Ace

''Kami na bahala 'dun sa kung ano man na sumabog!'' Paul

''Sunod kayo ah!'' Regina.

''Oo!'' Ace

--

Napakurap ng ilang beses si Ice, Sandy at Regina. Samantalang gulat na gulat naman
sila Felix at Paul nang marating nila ang harap ng Academy.

Madilim pa ang paligid. Wala pa ang araw, dahil alas singko pa lang ng madaling-
araw.

Halos mapanganga silang lima nang makita ang tatlong babae sa harapan ng Academy na
naglalaban.
Gulo-gulo na ang mga dating maayos na puno at mga bulaklak, mga halaman, benches.

''Si Scarlett ba 'yan? S'ya ba talaga 'yan?'' Sandy

Nag-kibit-balikat si Paul. ''I guess, 'di na natin kailangan maghirap mag-training


sakan'ya.'' Paul.

Crossed-arms na napangiti naman si Felix. ''Nagawa na yata ni Lalaine ang trabaho


natin.''

''She loves to annoy Scarlett, I think.'' Ice

Sa harapan kasi nila ay sila Lalaine at Hecate na nakikipaglaban kay..Scarlett.

Kay Scarlett na visible na ang nakaukit na asul na gem which is Weapon Gem
sakan'yang noo. Umiilaw pa ito, maging ang buhok at damit nito ay nag-iba. May
hawak si Scarlett na espada, nakikipaglaban kay Lalaine na may espadang gawa sa
Water Gem n'ya. At kay Hecate na may hawak na mahabang wand,
Hindi nakialam ang lima dahil alam nilang wala naman magkakasakitan. Si Lalaine
iyon, na nagt-training kay Scarlett..

Pero maya-maya..

''Omaygaad! Tulungan natin si Scarlett! Bruha talaga 'tong Hecate!'' Sandy na


sasali na sana sa laban ng tatlo pero pinigilan ni Felix.

''Di 'yan. Wala na si Scarlett dito, Weapon Gem spirit na n'ya ang kumo-kontrol
sakan'ya ngayon.'' Paul

''Hayaan lang natin. Makakatulong din yan kay Scarlett para makabisado niya kahit
papano ang gem n'ya.'' Felix

''Pero baka saktan na nila 'yung kaibigan ko--'' Sandy

''Kaibigan din namin s'ya, Sandy. Sinasabi ko sayo, ako mismo tutulong kapag
nasaktan s'ya.'' Regina
Napalunok nalang si Sandy at pinilit na 'wag makialam sa labanan ng tatlo.

Sabay na sinugod ni Lalaine at Hecate si Scarlett. Kulay asul nga ang mga mata nito
ngayon.

Nagulat ang lima nang biglang may ilaw na asul sa kamay ni Scarlett. Naghugis
espada ito na matalas at maya-maya ay naging tunay na espadang asul na nga.

''Weapon Gem.'' Paul

Nag-umpisang sugurin nila Lalaine at Hecate ng sabay si Scarlett. Pero si Scarlett


naman ay parang bihasa na sa mga espada, mabilis kumilos at mahusay. Napatalsik ang
dalawa sa lakas ng pagkakasalag ng mga espada ni Scarlett sa mga sandata nila.

Nagbato agad ng malalaking Water Balls si Lalaine sa pwesto ni Scarlett. Binitawan


ni Scarlett ang mga espada n'ya sa lupa na naging abo, nag-ilaw ulit ang kamay nito
at nagkaro'n ng malaking shield na sumalag naman sa binatong Water Balls ni
Lalaine.
Napatili si Regina at Sandy nang biglang may tatlong kutsilyo na lumipad papunta sa
ulo ni Lalaine. Mabuti nalang at mabilis naman na nakatayo kagad si Lalaine at
umatras palayo. Mga kutsilyo ni Scarlett.

Pero may mga patulis na metal ulit itong inatake kay Lalaine, na tinamaan sa hita.

"Ahh!" Sigaw sa sakit ni Lalaine.

Bigla naman naglaho sa paligid si Hecate., at napunta sa likuran ng nakatalikod na


si Scarlett.

Nakatutok ang mahaba nitong wand kay Scarlett na nakahinto parin sa kinatatayuan,

''Game over, Crystal Moon.'' Hecate

Umilaw ang mahabang wand ni Hecate na handa na sana labasan ng magic pang-atake kay
Scarlett nang gamitin na ni Ice ang Wind Gem n'ya. Nilipad palayo ang Wand ni
Hecate na tinapunan la'ng ng masamang tingin si Ice.

''Huli ka ngayon,'' Ice, ''Felix, get her!''


''Pero bakit? Wala naman s'yang--'' Felix

''Felix! Ngayon na!'' Ice

Bago pa malapitan ni Hecate ang lumipad n'yang wand sa lupa ay nagamit na ni Felix
ang Eye-Gem nito. Nag-focus s'ya sa Wand ni Hecate at napalutang n'ya ang wand sa
mas malayo pang lugar.

''In the Circle, rightly cast, Safe from curse or blast,'' Bulong ni Scarlett na
may hawak na malaking salamin na asul. Itinutok nito iyon kay Hecate at malakas na
tumalsik naman ito sa puno na dahilan para mag-crack iyon.

Nanlaki ang mga mata ni Hecate na idinuro si Scarlett. Wala parin emosyon ang mga
mata ng dalaga.

''Curse you! Anong ginawa mo sa'kin! Binato mo 'ko ng spell-vanishing spell?!


Bwisit kang babae ka!" Hecate
Ngumisi la'ng ng inosente si Scarlett at maya-maya ay nahimatay na.

"Aba't! Bruha ka, anong tinawag mo sa kaibigan ko?!" Sandy na naglabas ng maraming
porsyento ng tubig at inatake sa banda ni Hecate na nakaupo parin sa lupa. Pero
bago 'yon, may lumitaw ng usok at naglaho na si Hecate na parang bula.

"Hindi kakampi si Hecate?" Felix

"Ewan ko sa'yo!" Mataray na sigaw ni Ice dito at nilapitan na si Scarlett na wala


ng malay.

Tinulungan naman ni Paul si Lalaine makatayo.

"Akala ko kasi.." Felix


"Kaya nga sinabi kong get her, 'di ba?! Hindi ko naman sinabing pansinin mo 'yung
wand n'ya! Psh." Ice

"Hindi mo naman kasi sinabi na kalaban pala si--" Kakamot-kamot ulo na sabi ni
Felix habang nakatayo at nakatingin kay Ice na dinadaluhan si Scarlett.

"Kung sumunod ka na la'ng kasi sa'kin kanina." Ice

"Akala ko kasama din 'yung Hecate sa for purpose battle na 'yun?" Regina

"Heck, no! Kasama s'ya ni Haydee dito. Matagal na namin s'ya minamanmanan nila
Dionne, Lalaine, Tammy at Sandy! Kaaway 'yon, na pinatakas ni Felix!" Ice

"Ice naman.." Malungkot na lambing nito kay Ice.


"Bakit kasama mo si Hecate?" Paul kay Lalaine.

"Sinadya ko 'yon. Para hindi na s'ya makatakas sa paningin ko! Plano ko na sana na
kapag naging success ang plano ko sa Crystal Moon saka ko huhulihin si Hecate
papunta kila Mr. Cavin! Hindi man la'ng rin kayo tumulong, pinatakas niyo pa!
Damn!"

**

Regina's POV

"Hi, Ms. Regina." bati ng binatilyong lalaki. Taga-kabilang building 'to, 3rd year
Magic section.

"Hi." Bati ko at binalik na ang pansin sa kinakain ko.

Kumakain kasi ako ngayon dito sa Cafeteria. 7 AM na.

Nasabi na namin kay Mr. Cavin ang nangyari. Sinabi namin na nagamit na ni Scarlett
ang Weapon Gem n'ya, mukha namang maganda ang first try. Kaya tuwang-tuwa si Mr.
Cavin, sobrang ngiti pa nga, e.
Si Lalaine, Trey at Scarlett naman nagpapahinga parin sa Clinic.

'Yung iba, ewan. Nagkan'ya-kaniya na kami. Nagugutom na kasi talaga ako.

Itong mga binatilyo naman na mga freshmen pa yata, bati ng bati sa'kin ng 'Hi' at
'Hello'.

"Rin!"

Napataas kagad ako ng tingin. Isang tao la'ng naman tunatawag sa'kin ng Rin'no.
Ginagawan nila ako ng puppy names -.-
Umupo ito sa harapan ko.

I sighed. "Ben? Anong...ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Ang lungkot mo naman na nandito ako." Biro nito.

Talagang malulungkot ako. Hindi la'ng lungkot, takot at diri din!

Akala ba n'ya hindi ko napapansin 'yung mga malalagkit n'yang tingin sa'kin!

Sa dating Magic School, kaklase namin ang troublemaker na lalaking 'to.

Buti nalang nga at isa ako sa napili ni Mr. Cavin bilang Protector ni Scarlett, at
required na dito ako mag-aral sa StoneGem Academy. Napalayo ako kay Ben.
"Wag mong sabihin na dito ka mag-aaral?"

"Kasi nandito ang babaeng gusto ko?" Ben na nakangiti pa. Kinikilabutan ako sa
taong 'to!

Bwisit naman talaga oh!

Read: @Kwaynanana's stories. "Strangers Turns Into Couples" Maganda po 'yun,


favorite ko.

>>>>>>>

Trey's POV

Naguguluhan na tinignan ko ang paligid.

Napakunot-noo ako. Hindi pamilyar 'yung lugar sa'kin. Nasa loob ako ng bahay na
gawa sa kahoy, madaming orasan sa dingding. May mga grandfather clock, ginto at
pilak na orasan.
Sabay-sabay na nagsisitunugan. Ang sakit na nga sa tenga! Tch.

Pero kahit gano pa ang mga 'yon kaingay, napukaw parin ng dalawang tao ang atensyon
ko.

Babae at lalaki.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo?!" Babae na parang naiiyak na. Kitang-kita ko ang
mukha nito, naitagilid ko ang ulo ko ng bahagya, pamilyar s'ya. Hinawakan ko ang
dibdib ko, iba kasi ang tibok..hindi normal.

"Umayos ka na, please! Hindi na kasi ako masaya sa inaakto mo. Ginawa ko ang gusto
mo, hinayaan kitang gumawa ng bagay na bawal sa orasan ko! Hinayaan kitang gamitin
ang gem ko! Please, bumalik ka na sa dating ikaw!" Humagulgol na ang babae. Pero
hindi man lang nagsalita ng kahit ano 'yung lalaki.

"Nakapaghiganti kana! Tanggalin mo na 'yung galit d'yan sa loob mo!" Babae


Biglang kumislap ang nasa kamay ng nakatalikod na lalaki. Pamilyar din ang bulto at
hugis ng katawan ng taong ito sakin.

Nag-apoy bigla ang lugar kaya nagulat ako at lalabas na sana ng bahay na 'to. Pero
nagulat na lang din ako nang sakalin ng lalaki ang babae.

"A-anong ginagawa m-mo?!" Babae

"Papatayin kita..kailangan kitang patayin."

Nanigas ako bigla. Mali yata ako ng dinig. Mali nga ba? O boses ko 'yung narinig ko
sa tinig ng lalaking nakatalikod sa'kin?!
"T-trey..." Babae. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Bumagsak na ito sa sahig na
walang malay kasunod naman 'non ay ang paghinto ng mga tunog ng orasan sa paligid
at pagkabasag ng mga ito sa piraso.

"Trey! Huy!" Napamulat na 'ko, at mukha kagad ni Lalaine na nakakunot-noo ang


nadatnan ko. Ramdam kong pawis na pawis ako at mabilis ang paghinga ko. Nanlalamig
pa 'ko at nanlalambot sa tuhod.

Ngayon ko lang 'to naramdaman. Na parang galing ako sa labanan at sobrang hinang-
hina ako. Ang bilis pa ng tibok ng puso ko at..inaamin ko, parang natatakot ako.
Panaginip lang..

Lumingon ako sa paligid, clinic pala 'tong lugar.


"Trey? Okay ka lang?" Napalingon ako sa kaliwang banda ko.

Napangiti ako. Hinawakan ko ang kamay ng babaeng nasa kabilang gilid ko..I felt
relieved. Kumalma bigla ang katawan at loob ko.

"Astrid."

"Ano bang nangyari sa'yo? Binangungot ka ba?"

"Hm." Tumango lang ako dito at pumikit ulit ng madiin. Buo parin sa isip ko ang
hitsura ng babae..iba talaga ang pakiramdam ko sa kaniya. Dumilat na ako at
hinalikan ang kamay ni Astrid.
Tch. Nagtataksil na 'ko sa asawa ko. Mukha na ng ibang babae ang naiisip ko. Hindi
'to pwede! -__-

"Okay ang sweet." Bored na tono ng isa pang tao sa gilid ko. Si Laine pala 'to..

"What are you doing here, Lalaine?" May benda sa binti. "Anong nangyari sa'yo?"

"Long story." Lalaine

Napalingon naman ako kay Astrid. "And you?"

"Nahimatay s'ya, napagod sa sobrang paglabas ng weapons. 2 weapons yata 'yon sa


loob ng sampung minuto.." Lalaine
"What do you mean?"

"Psh. Her gem! Nagamit niya na, so slow."

Tinaasan ko ito ng dalawang kilay. Ang sungit ng babaeng 'to? Last time I checked,
nilulutuan pa 'ko nito, ah.

"Tama s'ya. Medyo naaalala ko nga. Biglang nag-iba 'yung feeling, Trey. Malakas
tsaka mabigat sa pakiramdam..mahirap i-explain..tapos..huli kong naalala, nakahawak
ako sa espada." Astrid

Ngumiti ako at bumangon sa kinahihigaan ko dito sa Clinic. "Kung ganon, edi


maganda. Nasa first step kana. Pero Lalaine, how did that happen? Anong..you know,
nag-training ba kayo? And what happened to me?" Gulong-gulo na tanong ko. Paanong
natutulog lang ako dito at wala sa training ng asawa ko.

"You fainted. Matapos kang magsisisigaw, parang nasasapian tapos masakit ulo mo."
Ice
Pumasok dito sa loob si Ice, Felix, Sandy at Dionne.

"Kumusta? Ayos na?" Felix, tinapik pa nito ang braso ko. Tumango lang ako.

"May babae kanina.." Bulong ko. Naalala ko kanina yung babae sa labas ng Library.
Di aki pwede magkamali. May tao talaga doon!

"Saan? Babae?! Sino?!" Astrid

I snorted. "Astrid, iba ka na ng iniisip, e. Ibig kong sabihin, 'yung babae kanina
na masamang nakatitig sakin. Bago ako mahimatay. Sa labas yun ng Library mga tol."
Baling ko kay Felix at Dionne.
Nagkatinginan ang mga 'to. "Wala akong napansin." Dionne

"Sigurado ka? 'Di kaya..mumu lang yun?!" Kunwa'y nanlaki pa ang mata ni Felix. At
ang gago bigla pang yumapos kay Ice.

"Ice, payakap! Takot ako sa mumu--Ouch! Sabi ko nga mas takot ako sa'yo, e."

"Puro ka ganiyan! Umayos ka nga!" Ice

"Oo nga. Ayos ka nga, Scarlett!" Felix


Hinampas na talaga ito ni Ice. Dinamay pa asawa ko na tatawa-tawa lang.

"So, sino kaya 'yung babae na sinasabi mo?" Lalaine

"Di ko alam.." sagot ko. Nakaramdam ako ng panlalamig. Bwisit, ano ba 'tong
pakiramdam na 'to! Nababakla na yata ako! Fvck!

"Ikaw, Scarlett? Okay ka na ba? Naku, ang galing mo dun, ah! Paturo ng sword!"
Sandy

"Hala. Hindi naman ako magaling dun. Yung gem 'yun. Ano na nangyari pagkatapos ko
mahimatay?" Astrid

"Oo nga pala, Trey, doble ingat na. Nakatakas kasi si Hecate. Kalaban din. Muntik
na asawa mo." Dionne

Napahigpit ako ng hawak sa kamay ni Astrid. Tumango nalang ako sa mga ito.
--

"Kuyaaaa!" Agaw-pansin na sigaw ng kapatid ko. Sino pa ba? Isa lang naman ang
kapatid ko na may matinis na boses. Tammy Wastridge.

"Kuyaaaa!"

"Tam! Don't shout, okay?! Your Kuya's not deaf."

Nakadungaw lang ako sa malaking bintana dito sa veranda. Nagpapahinga si Astrid sa


loob, nanghihina pa kasi ito.

"Kuyaaa!" Sigaw pa nito kahit nasa tabi ko na. Napakamot na 'ko ng noo.

"What?!"
"Wala bang nangyari sa'yong masama?! Okay ka lang ba?! Dapat ba tong malaman ni
papa?! Nag-aalala ako sa'yo, you know.." Tammy

Poker face na tinukod ko ulit ang dalawa kong braso dito sa railing ng veranda ng
dorm ko.

"Ayos na 'ko. Kailangan mo?" Diretso kong tanong. "Kuya mo 'ko, alam kong may
kailangan ka..ano ba 'yun? Wag mo lang sasabihin na buntis ka."

"Kuyaaaa! Letche kaaa! I'm not preggy!" Hinampas pa niya ang braso ko ng bag niya.

Natatawang niyakap ko ito. "Ano nga kailangan mo, Baby Tam-tam." Lambing ko. Na-
miss ko 'tong bunso namin, kahit nakakairita ang boses, nakakatanggal tutuli ang
sigaw.
"Kuya..punta na 'kong Mortal World. Sige na, please."

"Tamm--" Hindi ko na natuloy ang pagtutol ko sana! Kasi kumaripas na ito ng takbo
palayo,

"Hindi mo kailangan tumutol, sabi ni Ate Scarlett paalam daw ako sa'yo..hindi naman
nun ibig sabihin na hindi na ako pwede pumunta kung tutol ka or not. Paalam lang,
e. Hihi, Bye, Kuya!" Tammy

"Hey! You, Tammy!" Sigaw ko.

Sinara na niya ang pinto. Napabuntong hininga na lang ako. May lovelife kasi sa
Mortal World. Okay lang sana kung mukhang disente at matino! Ang kaso, barumbado at
gangster pa yata!
Biglang bumukas ang pinto. Pagtingin ko, si Tammy na nakalabas ang ulo sa pinto at
nakangiti sa'kin..

"Don't worry na, Kuya Trey! Kasama ko po si Ate Lalaine. May ipapakilala ako
sakaniya, e. Bye bye! Mwah!"

Tch.

Scarlett Astrid's POV

"Nasabi mo na kay Tanda?" Tanong ni Trey sa'kin. Naglalakad kami ngayon papunta
sa..wala. Nabagot la'ng daw siya sa dorm niya, kaya inaaya niya ako na sumama
sakaniya maggala sa loob ng Academy.
Ayaw nga akong iwan mag-isa. Feeling ko naman isa akong 7 years old na bata na
madaling maligaw kaya ayaw lubayan ng tingin ng nanay -___-

"Nasabi na po."

"Nagugutom ka ba?"

"Hindi po. Kumain kami nila Sandy kanina.."

"Tch. Cut that 'Po', Astrid. Hahalikan kita.."


Nanakot pa! As if matakot ako, mag-asawa here! 'Yun nga lang madaming tao dito sa
Hallway, nakakahiya, nakakatakot nga.

"Subukan mo lang. Madaming tao o!"

"So kung wala pa lang tao, papahalik ka?" Ngumisi naman ito bigla. Parang baliw na
nag-init naman ang mga pisngi ko.

"Pwede rin." Bulong ko..Pero siyempre 'yung bulong na sure akong hindi niya
narinig.

"LAHAT KAYO!" Nagulat ako sa sigaw ni Trey. Nakakatakot. Seryosong-seryoso.


Nakatingin ito ng matalim sa mga tao dito sa Hallway. "LAHAT KAYO, UMALIS DITO SA
HALLWAY! WALANG MATITIRANG ISA, KUNDI TUSTA KAYO SA'KIN!" Trey na nag-aapoy na ang
dalawang braso at kamay.

"Trey..ano ba yang ginagawa mo?!" Bulong ko.

Anong trip n'ya?!

Nag-smirk lang ito sakin. At ang gwapo! At nakakakaba at the same time.

Mukha namang natakot at nasindak nga niya ang lahat. Nagmamadaling naglakad ang mga
ito hanggang dulo ng hallway paliko.
"TAGAL! DO YOU REALLY WANT ME TO BURN YOU ALL?! YOU KNOW, I CAN DO THAT!" Sigaw
ulit nito na lalong nagpabilis sa pag-alis ng mga tao sa hallway. As in, wala na
talaga!

Humarap ito sa'kin at sumandal sa pader sa likuran niya. Namulsa pa ito at ngumisi.

Siya na nga ang hot na lalaking nakita ko! Oo na, sige na nga! Bakit ang gwapo ni
Trey?!

"Nasaan na?" Trey

"Ang alin? Mga tao? Ayun, pinaalis mo." Pilosopo ko. Hindi ako tanga para hindi ma-
gets na ginawa niya yun para halikan ko siya! Siya na nga gwapo at mautak, 'di ba!
Kaya lalo akong naiinlove sa lalaking 'to, e! Ang paraan sa buhay, para lang makuha
ang gusto!

"Astrid..wala ng mga tao--" Trey

"Oo nga, kasi nga pinaalis mo. Tinakot mo, e. Nakakatakot kaya 'yung apoy mo, sige
Bye na natatakot din ako sa apoy mo, e." Kunwa'y nagpaalam pa 'ko. Binibiro ko lang
naman. Haha.

Tumalikod na ako pero kagad niya naman akong hinawakan sa dalawang balikat at
sinandal sa pader na kaninang pinagsandalan niya.
"Give me my kiss, wife." Ngumiti pa ito lalo. Siguro nahalatang pulang-pula na yung
mga pisngi ko! Aba't loko talaga!

"Trey--"

*tsup*

O\\\\O

He's kissing me! Heto na naman ako! Nanghihina ang tuhod sa halik niya!

Waaaah!

Bakit ganito?! Alam ko naman na naka-ilang halik na rin 'tong lokong 'to sa labi
ko, pero bakit ganun parin? Parang first kiss, nandun parin yung kinikilig, tapos
pakiramdam ko babagsak na ako sa sahig, yung tuhod ko! Waaaa.
Bumitaw na rin siya sa halik.

Nahihiya parin ako, kaya yumuko na ako.

"Sweet." Tumingala ako. Ang tamis nga ng ngiti niya..Nakakagulo naman yung ngiting
yan! Nakakagulo ng sistema!

Nagulat ako nang bigla itong lumapit sa mukha ko. Sa labi ko!!!!!

*tsup*

He's kissing me, again. Pero this time..he's moving his lips na!

Omaygad what to do, what to do..lalo akong nanghina! My knees became more wobbly.
Humawak na ako sa mga braso niya at..gumanti rin ng halik. We shared passionate
kiss.

*Click!* *Click!* *Click!*

Naitulak ko ng 'di oras si Trey dahil sa ano ba 'yun?! Flash?!

"The fvck!" Trey

Liningon namin kung ano yung flash..

Only to found Paul, Felix, Dionne and that Justine guy. Si Travis rin at Ace na may
hawak na cameras!

Naghiyawan ang mga ito at pinagbabatukan si Trey, except kay Justine and Paul.

"Hayup ka, brad!" Travis

"Kaya pala nagkumpulan sa kabilang Hallway yung mga estudyante!" Dionne

"Dumadamoves! Sa wakas lalaki ka na!" Ace

"Mga gago! Pucha, wrong timing kayo." Rinig ko pang bulong ng loko. Lalo tuloy
akong nahiya, nakangisi pa na parang nang-aasar si Paul.
"Nabitin pa! Aba matinde!" Felix. At nag apir pa sila sabay tawa ng malakas na
umecho sa walang katao-taong hallway bukod samin.

"Huy! Waaa, akin na yang camera! Burahin niyo yung pictures!" Sigaw ko at pinag-
aagaw yung camera ni Travis at Ace.

Nakakahiya! Alam ko pa naman sa sarili ko na iba 'yung halik namin ni Trey kanina!
Gosh!

"Nah-uh-uh.." pang-asar ni Ace at Travis at lumayo-layo na sakin.

Paano kapag nakita ng girls 'yun?! Tapos makita ng buong students! Makita rin ng
professors, teachers at iba pa! Sabihin napaka-landi ko! Oh no! Letche kang Trey
ka! Huhu. Paano rin kung makita ni Mr. Cavin tapos pagalitan ako?! O kaya bullyhin
ako ng mga katulad ni Lalaine?!

Nanlamig bigla ang kamay ko habang tinitignan ang boys na nagtatawanan sa harapan
ko.
Si Travis at Ace na medyo malayo samin.

*Plok* *Plok*

Basag na nalaglag ang mga cameras sa sahig, lahat kami napatingin dun.

May parehas na malaking butas sa gitna ang mga camera..

Lahat sila napatingin sakin. Sumenyas ako kay Trey na 'ano'

Ngumiti ito ng malawak at nagcrossed arms nginuso pa ang kamay ko. Pagkababa ko ng
tingin sa kamay ko, may hawak akong boomerang!

"Woah!" Ace, Dionne, Felix at Justine.


"I saw it! That boomerang you threw while you were spacing out, a while ago." Paul

"Bulls eye sa dalawang camera ng Boomerang weapon mo?! Woah, Scarlett!" Felix

"Ako?" Di makapaniwalang tanong ko. Ngumiti lang si Trey sakin saka tumango.

Swords and Boomerang

Wow!

Ano kaya ang next?

>>

"Scarlett!"
"Ay putek ka!" Gulat na sigaw ko at napatayo sa kinauupuan kong swing dito sa gilid
ng StoneGem Academy.

"Sorry. Nagulat kita." Yumuko ito sakin at humarap din. Si Haydee.

Human form na ulit siya.

"A-anong kailangan mo?" Kinakabahan na tanong ko. Baka..baka lang naman..na kaaway
ko rin siya.

Wala pa naman si Trey at bumili ng maiinom sa cafeteria.

"Wag kang matakot. Hindi kita sasaktan, kakampi mo na ako, swear." Haydee, "Gusto
ko lang sana na makausap ka."
"G-ganun ba? Upo tayo." Naupo kaming dalawa sa swings.

"Una sa lahat, sorry." Pag-uumpisa nito. Nakatingin lang ito sa mga maliliit na
damo sa lupa. "Narinig ko na handa ka rin na tulungan ako, dito sa curse na mayro'n
ako. Nabanggit ni Travis., Ang bait mo talaga, kahit di mo na yun gawin ayos lang."

"No, I insist. Ako lang naman makakatulong sa kalagayan mo, e. Okay sa'kin 'yun."

Ngumiti ito sakin. "Talaga?! Thank you, Scarlett. Kahit pinagtangkaan ko ng isang
beses ang buhay mo, tutulungan mo parin ako. Sorry talaga. Kahit..nagbalak pa 'ko
na sirain kayo ni Trey dati, hindi ka parin galit. Salamat at sorry, sana mapatawad
mo 'ko. Kahit lumuhod ako, okay lang sakin.." Akmang luluhod nga siya kaya
pinigilan ko na. Hindi naman ako diyos na dapat sambahin!

"Hey, hey. 'Wag na. Ayos lang talaga, hindi na kailangan lumuhod. Napatawad na
kita, buti na 'yung nakita mo kagad na masama yung gagawin mo at umanib ka kagad
samin." Malumanay na sabi ko. "Pero bakit nga ba pinagtangkaan mo ang buhay ko?
May..kasalanan ba akong nagawa?"
Hindi ko rin maintindihan. Wala rin naman kasi ako nang mag-usap sila sa office ni
Mr. Cavin.

Yumuko ito. "Wala talaga akong matandaan sa pagkabata ko. Nagising na lang ako sa
pangangalaga ng isang babae. Tuwing gabi, nagpapalit-anyo ako sa puting leon. Iba
sa nangyayari sa mga normal na tao at gem holders. Mahirap kasi, nawawala ako sa
katinuan ko kapag ganun na ang anyo ko. Kinailangan namin tumira sa gitna ng
bundok, para walang makaalam ng sikreto ko. Hanggang sa isang araw napilit ko ang
babaeng iyon na sabihin kung bakit ganito ang nangyayari sakin, pinagtapat niya na
isinumpa ako., Inutusan niya akong maghiganti.. Para sa lahat ng paghihirap na
nadanasan ko." Haydee

Ramdam ko ang sakit at lungkot sa boses niya habang nagkikwento.

Masalimuot nga..kung ako rin yun ay talagang malulungkot at magagalit ako sa may
gawa sakin nun! Pero hindi higanti siguro ang solusyon..

"Naguguluhan ako." Sambit ko. "Kung maghihiganti ka, bakit sakin? Hindi naman
ako..wala naman akong kinalaman sa sumumpa, 'di ba?" Takang tanong ko.
Tinitigan ako nito. May galit at poot na tingin pero nawala rin at napalitan ng
lungkot at paghihirap. Mga emosyon na mahahalata mo sa mga mata niya..

"Ikaw kasi ang anak. Anak ng walang-awang sumumpa sa'kin, anak ng kasalukuyang
namamahala at namumuno sa Erebus ngayon."

Napaawang ang bibig ko sa matinding gulat. Pakiramdam ko nawalan ako ng dugo sa


mukha..

Ang gustong pumatay sa'kin ay ang namumuno ng Erebus ngayon...na sarili kong ama?!
--

Dan dandandan!
PS. Top 4 parin ako, guys! Hindi bumaba grades ko kahit mabaliw-baliw ako kaka-
update! Yey! Thank god! Hooo!
A/n: Dapat bukas pa 'to, pero naexcite ako sa twists. Kaya mamadaliin na natin :))

Third Person's POV

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Trey sa kinatatayuan niya habang nakatigil


sa 'di kalayuan sa dalawang naabutan na nag-uusap.

''Haydee. Leave. NOW!'' Walang emosyon na sigaw nito kay Haydee. Sumulyap saglit
ang dalaga kay Scarlett at tumakbo na palayo.

Nanginginig na nag-umpisa na maiyak si Scarlett. Puro tanong na ang nasa isip n'ya,
takot at lungkot sa nalaman.

Naitapon ni Trey ang mga hawak niya at kagad na lumapit kay Scarlett at hinila ito
patayo upang mayakap ng mahigpit.

Lalo nang naiyak ng malakas si Scarlett at nagpupumiglas sa yakap. ''Ano pa ba ang


'di ko alam?! Ang dami niyo nang tinatago! Sabihin niyo na lahat!'' Umiiyak na
sigaw nito.
Humigpit lalo ang yakap dito ni Trey at matagal na hinalikan lang si Scarlett sa
ulo. ''Astrid, calm down first. Please.'' Pag-aalo nito sa humahagulgol na babae.

''Calm down?! Trey, 'yung sarili kong ama papatayin ako?! Okay lang sa'kin kung
maraming gusto pumatay sa'kin, dahil hawak ko ang espesyal na gem! Pero ang malaman
na sarili kong ama?! Natitirang pamilya ko?! Bullshit, Trey! Ayaw ko na!'' Umiiyak
parin na sigaw nito habang nagpupumiglas na makaalis sa yakap.

''Astrid, hindi namin sinabi sa'yo kasi magugulo ka lang. Alam kong malulungkot ka.
Mabibigla ka--''

''Bakit niya 'ko papatayin?! Gustong-gusto ko siya makita! Gusto ko siya makilala!
Bakit?! Dahil ba malas rin ang tingin niya sakin, tulad ng tita ko?! Salot, walang-
kwenta?! Ikaw, ganun rin ba tingin mo sa'kin?! Bakit ba laging may nagagalit
sa'kin?!'' Niyakap na rin ito ni Scarlett ng mahigpit saka umiyak ng umiyak.

''Shh. Not like that. Kakampi mo ako dito, Astrid. I love you, okay? Hindi salot at
walang-kwenta ang tingin ko sa'yo. Walang may ganung tingin sa'yo, besides, Astrid
wala naman kasiguraduhan na papatayin ka ng papa mo. Hush now, wala pang
nakakasiguro na 'yun nga ang gusto mangyari ng papa mo.'' Pag-aalo ni Trey kay
Scarlett. Nasasaktan siya sa bawat pag-iyak nito, everytime she cries nagpapanic
kagad si Trey na parang ayaw itong umiiyak.

''But I am hundred-percent sure na masama ang balak sa'yo ng ama mo, Ms. Sundust.''
Napalingon ang dalawa sa taong nagsalita sa kanilang likuran.

''Papa.'' May bahid ng inis ang boses ni Trey sa pagsaway sa kaniyang ama na
nakangiti lang.

Nagkibit-balikat ito. ''Oras na rin para hindi na tayo maglihim kay Scarlett. We
should've not fed her lies. Malalaman at malalaman rin naman niya.'' Mr. Cavin

''Pa,'' Trey

''What lies? Ano pa ba ang nalalaman niyo? Please, let me know.'' Scarlett.
Napatingin ito sa kamay ni Trey na humigpit sa paghawak sa braso niya. Hindi
mapakali si Trey at napatingin na la'ng sa ibang direksyon na namumutla.

''Let's talk.'' Mr. Cavin, ''Privately. Without Trey around.''

''Papa..'' Ninenerbiyos na tawag nito sa kaniyang ama. Sinuklian lang siya ng


matamis na ngiti ng kaniyang ama at tumango.
--

''Gusto mo malaman kung bakit ganun nalang ang gusto ng ama mo na mangyari sayo?''
Mr. Cavin

Nakayuko na nanlalamig si Scarlett Astrid habang nakaupo sa sofa ng office ni Mr.


Cavin.

''Gusto ko po muna malaman..kung bakit napunta siya 'dun. Sa Erebus.''

Ngumiti ang matanda. ''Perfect question, hija. Nandu'n siya, sa Erebus na lugar ng
mga taong may masasama at maiitim na budhi..Kasi masama s'yang tao..''

Napaangat kagad ng tingin si Scarlett Astrid dito. ''Bakit..paano..''

''Hindi naman talaga niya minahal ang mama mo, hija. Hindi naman marunong magmahal
ang taong iyon. Puro pasakit lang ang dinanas ng iyong mama sakaniya. Naging
trainor niya ako, dahil siya ang Crystal Moon na may kakaibang gem noong araw.
Nasilaw na siya ng kapangyarihan..'' Mr. Cavin. ''Wag ka na malungkot kung dumating
ang araw na kailangan mo siyang patayin..
..siya rin naman ang pumatay sa iyong ina, Ms. Scarlett Astrid Sundust.''

--

''Damn this life. Bakit ba napaka-laki ng paaralan na 'to.'' Bulong ng naiinis na


binata habang chine-check ang mga nadadaanan na silid. Nagbabaka-sakali na naroon
ang kaniyang hinahanap. ''Hindi naman siguro ako papalpak sa misyon ko.'' Kamot-
kamot sa batok na bulong ulit nito.

''Benjamin, where are you going?''

Lumingon ito sa tumawag sakaniya. ''Sa..misyon ko?''

''May nakakita sakanila sa gilid ng Academy. Si Cavin, 'yung Crystal Moon at 'yung
legendary-clock breaker.'' Umiling ito sa binata. ''Wag kang pa-petiks-petiks
la'ng, masasaktan ka sa'kin. Hindi tayo pwede mahuli.''
''Opo, tito.''

Mas binilisan pa niya ang paghahanap sa Crystal Moon, ''The hell. Nalibot ko na
lahat ng pasilyo dito, ah! Wala naman sa dorm niyang sarili, wala sa mga classroom
alam ko excused siya.'' He hiss. Padabog na sinipa nito ang trash can at nagpadire-
diretso sa paglakad sa Hallway.

Hanggang sa madaanan nito ang pinto na may sign na -Mr. Cavin- [Principal's Office]

Nanliit ang mga mata niya at inambaan ng biro na parang susuntukin ang pinto,
''Dito pala ang opis ng matandang ilusyonadong iyon.'' Bulong nito. Aalis na sana
siya ng may marinig na boses.

''Gusto ko po muna malaman..kung bakit napunta siya 'dun. Sa Erebus.''

Kagad na nanlaki ang mga mata niya. ''Boses ng Crystal Moon!'' Benjamin

''Perfect question, hija. Nandu'n siya, sa Erebus na lugar ng mga taong may
masasama at maiitim na budhi..Kasi masama s'yang tao..''

Nanginginig na kinatok niya ang pinto kaagad. Hindi na siya makapag-isip ng maayos,
sa sobrang taranta. ''Hindi pwede 'to. Hindi pwede 'to.'' nasambit niya.
Napaatras nalang ito nang hindi rin niya madikitan ang pinto. ''Anong..! Damn you,
Old Wastridge!'' Nanginginig na kinalas nito agad ang kwintas kung saan nakalagay
ang gem na kulay grey.

Nag-ilaw kagad ang Grey gem niya saka hinawakan niya ang dingding kung saan
nakakabit ang pinto ng office, pero tulad lang rin kanina. Hindi niya madikitan o
malapitan. Balak niya kasi sana na gamitin ang Super strength gem niya, at sirain
nalang ang pinto kung hindi naman niya makatok.

''Dammit! Ganito ba talaga ang paraan niya sa seguridad ng opisina niya o alam lang
niyang nandito kami ni tito.'' Nanggigigil na bulong nito at napahilamos na ng
mukha. ''Palpak! Huli na kami! Palpak! Shit.''

''Hoy!'' Regina

Lumingon ito sa dalaga pero hindi na rin ito pinansin saka naglakad na sa opposite
na Hallway,

''Hoy, Ben! Anong ginagawa mo sa harap ng office ni Mr. Cavin?!'' Regina


Humabol ito sa mabilis na naglalakad na binata., Nahihiwagahan siya sa aura nito,
mukhang ibang-iba 'di tulad dati na laging ngingisi-ngisi at mukhang...manyak na
palaasar.

''Wala.'' simple nitong sagot. Pero nagulat siya nang tumakbo si Regina sa harapan
niya at magfocus sa mga mata niya habang parang nakaharang ang mga kamay nito sa
dadaanan niya.

He finds it cute. Her expression, actions and face. Nag-smirk ito sa dalaga at
kagad na hinatak sa madilim na vacant classroom at tinakpan ang bibig sabay
hinalikan sa tenga.

''Nilalayuan na nga kita, lapit ka naman ng lapit. Gusto mo yata talaga ako, 'no.''
Nanunuya na sabi ni Ben.

Nanlaki naman ang mata ni Regina saka buong lakas na tinulak ang lalaki.
''Walanghiya ka! Layuan mo ako!'' Galit na sigaw nito saka lumabas ng classroom.
Leaving Benjamin laughing so hard habang lumalabas rin ng vacant classroom na iyon.

Pinaghahampas naman ito ni Regina ng mga dalawang libro na hawak niya. ''Manyak!''
She shouted.

Hindi parin mapigilan ni Ben ang matawa habang umiiwas. ''Manyak raw, lapit ka nga
ng lapit. You're attracted to me, admit it.''

''Shut. Up! Ugh! I so hate your guts!'' Tinarayan ito ng dalaga saka humarap sa
daanan sa hallway para maglakad na at umalis nang may makabunggo naman siya dahilan
para mapaupo siya.

''Pfft.'' Benjamin

Napapikit na lang si Regina ng madiin sa kamalasan na inaabot niya sa tuwing kasama


niya si Ben.

Nilahadan naman agad siya ni Ben ng kamay para tulungan makatayo na tinaggap niya.
Pagkatayo niya nanlaki naman ang mga mata niya nang makita na walang emosyon na
Paul ang nasa harap nila..nakatitig sa magkahawak nilang kamay.

''Hindi pwede ang mga estudyante sa palapag na 'to, unless you are one of the
members of Royal Colors.'' Malamig na sabi nito saka nilagpasan na sila. ''May
meeting kasama ang Royal Colors, may bagong professor. Baka hindi mo lang naman
alam at nakikipag goodtime ka pa rin sa lalaking 'yan dito.'' Pahabol nitong sabi.

''Woa. Maganda ka talaga, Regina. Mukhang madami na rin akong kaagaw sa'yo dito,''
Benjamin

Inis na lumingon si Regina kay Benjamin at binawi ang kamay niya dito ng padabog.
''Bwisit ka rin, e 'no?'' Regina
''What?! Hahaha. Basta ako la'ng 'yung makakatuluyan mo until the end--''

Hindi na natuloy ng binata ang sinasabi nang biglang hilahin na ni Paul si Regina
at hinila na pasama sakaniya paalis.

''Paul Williams! Ano ba.'' Regina

''Baka ma-late ka la'ng sa meeting, kaya sinasabay na kita.'' Paul

To be continued...

A/N: Okay ba sainyo na maging Mortal Version ito? Tanong la'ng 'to. Walang
kinalaman sa libro.

Votes and comments.

-MayuKimmy
Scarlett Astrid's POV

Nabigla ako sa mga salitang binitawan ni Mr. Cavin.

'Yung sarili kong ama?


''Masama siya, Ms. Sundust. Ang mga katulad niya ang mga pinapatay kaagad. Naging
kaibigan ko siya noon, oo. Pero marami na siyang pinatay. Marami na siyang
nasaktan, tignan mo na la'ng si Haydee Lancaster, sinumpa niya ang batang iyon ng
walang dahilan. Napaka-hindi makatarungan, hindi ba?'' Mr. Cavin

Hindi ko matignan si Mr. Cavin sa mga mata. Parang nakangiti kasi ang mga iyon
habang nagkwekwento, at kanina pa nanginginig ang mga kalamnan ko sa sobrang gulat
sa mga nalalaman.

Kung ganoon, hindi ko na la'ng pala dapat inaasam na makita ang taong 'yon.
Papatayin man niya ako o hindi, ang punto doon ay napatay niya na-...siya ang
dahilan kung bakit namatay si Mama.

Namatay si mama nang walang bahid ng mga dugo o kahit anong sugat. Malamang ay
ginamitan niya nga iyon ng mahika. Napakasama niya! Hindi man la'ng siya naawa
sa'min, sa'kin!

''Bukas na magiging ganap ang iyong gem. Kumbaga, hihirangin ka na bilang


tagapangalaga ng lahat bukas na bukas rin. At ikakalat na ang balita na nandito na
sa pangangalaga ng StoneGem Academy ang Crystal Moon. Paniguradong makakarating ang
balitang ito sa mga taong may masamang balak sa'yo at sa nasasakupan ng lugar na
'to. Kaya ngayon pa la'ng ay pagsikapan mo na ang iyong gem na magamit, Ms.
Sundust.'' Mr. Cavin

Tumango ako bilang pagsagot at tumayo na papunta sa may pintuan para lumabas.

Ipaghihiganti kita Mama. Hahanapin ko siya at papatayin!

''Astrid.''
''Trey, n-nandiyan ka pala.'' Gulat na sambit ko. Nakasandal siya sa pader at
mukhang kanina pa naghihintay rito.

''Okay ka la'ng? Anong..anong sinabi ni papa?''

Nagsimula na kaming maglakad palayo sa office ni Mr. Cavin. ''Wala. M-mga bagay
la'ng na nagpaintindi sa'kin na.. na dapat talaga akong maghanda. Para bukas.''

'''Yun la'ng ba ang sinabi ni papa?'' Tinignan ko si Trey at parang namumutla ito
at hindi mapakali.

"Trey, namumut--" Hahawakan ko sana ang mukha niyang tabigin niya ang kamay ko.

"Sagutin mo ang tanong ko! Yun lang ba ang sinabi ni papa sayo?!" Sigaw nito na
nakapagpagulat sa'kin.
Hindi ako nakasagot kaagad,

Bakit niya ako sinisigawan.

"Sa tingin ko hindi tama na sigawan ang isang babae" Lumingon kaming dalawa ni Trey
sa nagsalita. Hindi ko kilalang lalaki. Nakatayo ito sa likuran namin at nakangisi,
pero 'yung mga mata niya.. galit.

"Ano ba ang alam mo. 'Wag ka makialam!" Trey

''Alam ko? Tinatanong mo kung ano ang alam ko?'' Ngumisi ito na nakapagpahigpit ng
hawak ni Trey sa braso ko. ''Alam ko ang lahat, Wastridge. Lahat ng kalokohan
niyo.'' Huli nitong sinabi saka dinaanan kami at naglakad na paalis.

''Gago!'' Sigaw ni Trey at kita ko na nilabas niya ang orange gem niya. Nanlaki ang
mga mata ko nang may mga malalaking apoy ang pumalibot doon sa lalaki na pumigil
sakaniya sa paglalakad paalis.
''Trey, ano ba! Itigil mo nga 'yan!'' Saway ko kay Trey pero napaatras na la'ng rin
ako nang makita ko na iba 'yung mga mata niya., Galit, parang nag-aapoy sa galit!

Anong nangyayari sakaniya?!

Natatakot na ako.,

Trey's POV

Hindi ko mapigilan ang sarili ko..pakiramdam ko gusto kong manakit!

Parang.. parang 'yung pakiramdam na 'to, naramdamaman ko na 'to dati.

Sino ba kasi 'tong gagong 'to?!


Alam nga kaya niya ang lahat?! Pati 'yung..

'Di pwede! Hindi niya pwede ipaalam sa lahat 'yon!

Lalo na kay.. Astrid.

Ayoko na mawala sa'kin si Astrid.. ayoko!

>>

Scarlett Astrid's POV

''Away pa more!'' Sandy

Dahan-dahan na dinidikit ko 'yung bulak na may gamot sa mga sugat sa mukha ni Trey
habang nakasandal naman siya sa sofa at nakapikit.
''Tara, resbakan na natin! Nasaan ba, brad?!'' Ace

''Shut up.'' Trey

''Ano ba kasing pinag-awayan nila? Scarlett?'' Ice

Tinignan ko la'ng si Ice atsaka tinuloy ang paggamot sa mga sugat ni Trey.
Ngumingiwi siya pero tahimik la'ng at nakapikit parin.

Naglaban sila kanina nung lalaki. Nagkasakitan. 'Yung mga pader at tiles nga sa
floor na 'yun ang sobrang natatamaan nila kanina. Pinipigilan ko sila, lalo na si
Trey kaso para siyang bingi na walang naririnig.

Hindi ko siya maintindihan kanina. Galit na galit 'yung ekspresyon niya. Pati 'yung
apoy na nilalabas niya ang lalakas. Halos wala ngang atake 'yung isang lalaki dahil
super strength ang gem 'nun.

Kung hindi pa lumabas si Mr. Cavin sa office niya at hindi kami nakita, hindi pa
yata sila titigil. Pero.. ito ang nakakapagtaka ..
''Trey! Tumigil na kayo!'' Naka-ilang sigaw na ako ng ganiyan. Halos mag-apoy na
itong parte ng hallway na ito at medyo may cracked na rin ang mga dingding dahil
sakanila. Mabuti na la'ng no student's are allowed here at tanging Royal Colors
la'ng. Pero itong lalaki .. urgh!

''Stop!'' biglang may bumalotnadilimsapartenamin at sobrangdilim. Parang nahihilo


na nahuhulog kami, hindi maipaliwanag ang pakiramdam. Kumalma saglit ang mga gem
nila Trey, doon nawala ang dilim.

Pagkatingin namin. Si Mr. Cavin pala ang dumating at may gawa 'nun. Mabuti at
napatigil ni Mr. Cavin ang dalawa. Nakahinga ako ng maluwag.

''Benjamin .. Woodblood.'' Bahagyang napatawa si Mr. Cavin, ''Sinasabi ko na nga


ba..''

Sugatan na 'yung lalaki at nakakaawa siya. Galit ang emosyon ng mga mata niya nang
mapatingin siya kay Mr. Cavin, ngumisi pa ito at biglang naglaho.

Pero bago siya naglaho.. sinulyapan niya pa ako saglit.


Bakit parang kilalang-kilala niya sila Trey at Mr. Cavin?

Nandito kami ngayon sa dorm ni Trey at nagpapagamot siya sa'kin. Medyo puro sugat
'yung mga braso at mukha niya.

Nandito ang lahat ng Royal Colors,

''Sino ba kasi 'yung nakaaway mo?'' Travis

''Oo nga, ang tindi niyo sa floor pa kung saan malapit office ni Mr. Cavin.'' Felix

''Wala 'yon.'' Nakapikit parin nitong sagot.

''Bakit parang kilalang-kilala kayo? Sa tingin ko nga bago la'ng 'yon dito, ngayon
ko la'ng siya nakita.''
Dumilat siya saka hinawakan ang pisngi ko. ''Wala 'yon, okay? 'Wag mo na intindihin
'yon.''

Tumango na la'ng ako kahit hindi ako kumbinsido.

''KUYA! WHAT HAPPENED TO YOU?!''

Nandito na rin pala sila Tammy kasabay si Justine at Angel.

''Pwede ba, Tammy.'' Trey

''Ako na diyan, Ate Scarlett. May healing gem ako.'' Napatingin kami kay Angel.

>>
''Mahal mo ba talaga ako?'' Trey

Kunot-noo ko itong tinignan. ''Ano?'' Nagpapahinga kami ngayon dahil nag-uumpisa na


ang buong Royal Colors na itraining ang Crystal Moon gem ko. Hapon na at nandito
kami ngayon sa malawak na burol. Tahimik at walang katao-tao kung hindi kami la'ng.

''Mahal mo ba talaga ako, sabi ko.'' Trey. Humiga ito sa damuhan at inunan ang
dalawang braso. ''Kahit nasigawan kita kanina?''

''Ano bang tanong 'yan. Siyempre naman.'' Natatawang sagot ko saka hinampas ko ito
sa tiyan ng mahina.

''Paano kapag may.. may ginawa akong .. akong bagay na hindi mo magugustuhan. Mahal
mo parin ako?'' Pumikit ito ng madiin at bumilis ang paghinga. Kinabahan ako. Ano
naman ang ibig niyang sabihin dito? ''Pero, Astrid .. hindi ko 'yun sinasadya..Wala
ako sa sariling .. katinuan 'non.''

''Trey! Tumigil ka nga! Ano ba 'yang sinasabi mo diyan?! Siyempre hindi kita
mapapatawad kung nakabuntis ka!'' Biro ko kahit pinipilit ko na la'ng tumawa. Ang
lakas ng tibok ng puso ko sa ekspresyon niya ngayon. Sa mga salita niya na parang
may gustong sabihin na problema!
''Tss.'' Dumilat ito bigla saka hinila ako pahiga sa braso niya. ''Kung may
bubuntisin man ako dito, ikaw na la'ng! Ikaw la'ng naman maganda sa paningin ko!
Ikaw rin asawa ko. Sayo la'ng dapat ako magkaanak.'' Trey

Tumindig naman 'yung mga balahibo ko sa buntis word. Waaa! Hanubayan! Bakit ba
napunta usapan sa buntis na 'yan! ''Promise ka nga, hindi tungkol sa babae at
relasyon 'yang problema mo!'' Kinakabahan na biro ko.

Natahimik siya. Bwisit, ba't siya natahimik! -___-'' May babae ba 'to?!

Yumakap ako sa tiyan niya. ''Trey, 'wag ka gagawa ng bagay na magpapalungkot


sa'kin, ah. Masasaktan ako.'' Bulong ko saka pumikit. ''Di bale na ibang tao ang
gumawa. 'Wag la'ng ikaw..''

Naramdaman ko na naging tensed ang katawan niya.


''O-oo naman. W-wala akong babae, utak mo talaga!'' Trey. Tumawa ito pero parang
pilit rin.

''Hey! Yohoo, Lovebirds! Training na!'' Maxinne

''Tara.'' Trey

''Okay, Scarlett. Isipin mo lahat ng nakakainis na bagay. Since hindi mo naman


mapalabas ang kayang gawin ng gem mo, mag-isip ka na la'ng ng bagay na
makakapagpalakas ng emosyon mo.'' Paul

''Yung mga bagay na makakapagpagalit sa'yo, in short.'' Sandy

Nakapalibot sila sa'kin sa bilog na shape at nasa gitna ako. Kaharap ko si Trey na
tulala.
''Oo nga. Kapag napalabas mo na 'yon sa ganung paraan, subukan mo naman na
kontrolin. Kapag nakontrol mo edi viola! Magagamit mo na 'yun!'' Dionne,

''Anytime, anywhere!'' Justine

Ano kaya ang iniisip niya? Ni Trey,

Tungkol kaya kanina?

''Isipin mo 'yung mga kaaway mo. Wait, nabully ka na ba? Ayun! Isipin mo 'yun!''
Regina

Ano kaya talaga ang problema ni Trey? May problema nga ba talaga? May kinalaman
kaya 'to sa'kin? Sa'min?

''Dedma. Haha.'' Regina


''Scarlett! Isipin mo may babae asawa mo!'' Natatawang sabi ni Ace. Napalingon
tuloy ako sakaniya.

Oo nga.. paano nga kaya kung kaya siya nagtanong 'nun bigla kasi may iba na siyang
nagugustuhan?

Kakayanin ko ba 'yun?

Makita sila na magkayakap katulad ng yakap niya sa'kin? Tapos magkahalikan--


katulad 'nung .. nung nangyari sakanila ni Haydee!

Regina's POV

Nakaka-enjoy naman! Paano kaya kung nakokontrol na ni Scarlett 'yung powers niya?
*O*

Ang lakas na siguro ng Magic Paradise na 'to, hindi na kami matatalo ng Dark-gem
holdrs; ng Erebus.
Nakapalibot kaming lahat na Royal Colors kay Scarlett. Pati si Lalaine na hindi
naman Royal Colors ay nandito rin. Ang wala la'ng ay sina Tammy at Haydee pati
Travis.

Mukhang spaced out si Scarlett at malalim ang iniisip.

''Scarlett! Isipin mo may babae asawa mo!'' Ace. Doon na siya napalingon at
napatingin kay Trey na .. malalim rin ang iniisip? Ano ba 'tong lalaking 'to,
masyadong iniisip ang asawa.

Ilang segundo ng pagchi-cheer nila Felix, Maxinne, Ace, Paul, Sandy at iba pa kay
Scarlett, bigla-bigla naman kaming nakakita ng blue aura na pumapalibot sa katawan
niya.

Nagkatinginan kaming lahat. Except kay Trey na may iniisip talaga!

''Ano 'yun?'' Tanong ko sa katabi ko.


O__O Si Paul pala ang katabi ko! Waa, 'di pa naman kami close ang epal ko naman
para magtanong! Huhu T^T

Sinulyapan niya la'ng ako sabay tingin ulit sa gitna. O, 'di ba?! Ni ayaw nga ako
tignan! Huhu T^T

''Nag-uumpisa na siyang magkaroon ng malakas na emosyon. Mape-pwersa ang gem niya


na magamit dahil doon.'' Paul

''A-ah, g-gano'n ba?''

''Tama, Scarlett, ganiyan nga!'' Maxinne na napapapalakpak.

Napansin ko na umatras ng isang hakbang si Trey at pumunta sa puno para umupo sa


ilalim nu'n. Nagtaka ako sa nangyayari sakaniya kaya binasa ko na la'ng ang isip
niya gamit ang Min-reading gem ko.
Nag-ilaw ang gem ko at nagsimula na pumasok ang mga boses sa isip ko. Boses ni Trey
na nagtatao sa loob ng isipan niya?

''Hindi ko magagawang sabihin kay Astrid 'yon. Sigurado naman na kamumuhian niya
ako, hindi ko naman gustong mangyari 'yon nadala la'ng ako ng galit at lungkot
ko..''

''Kung bakit kasi naisipan ko na gawin 'yon! Sana nakinig ako kay Secate.'' Puno ng
pagsisisi na boses ni Trey, anong sinasabi niya--I mean iniisip?! Sinong Secate?
''Si Secate, sana nandito siya. Na-mimiss ko na siya sa tabi ko.''

O_O What?! Napatigil ako sa paggamit ng gem ko. Sino si Secate?! Aba!

Biglang may humawak ng kamay ko. Si Paul! Gaad!

''Ba't mo naman h-hinahawakan 'yung kamay ko?'' Naiilang na tanong ko. Hanuba!
'yung elektresete I mean electricity ng kilig! Hawak pa la'ng niya ganito na!
Jusko!

''Tss. Kailangan. Look at them.'' Turo nito kila Ace--Sa lahat! Naghahawak-hawak
kamay nga lahat. Nandun na rin si Trey sa tabi ni Ace. Samantalang si Scarlett.
Gaaad! Hanuyaaaan?!

''A-anong nangyayari kay Scarlett?'' Natatakot na tanong ko. Si Scarlett kasi!


Punung-puno na ng Blue aura sa katawan! Tapos nakapikit siya, sa palibot niya naman
may mga ilaw na hugis sandata o weapons ang nakapalibot sakaniya na pabilog. Ilaw
pa la'ng at hindi pa masyadong maaninag. Mula maliit na weapons katulad ng daggers,
mga kutsilyo, itak, bombs arnis, grenades, at marami pa hanggang sa malalaking
sandata, shield, sword, samurai, bow and arrows, mahahabang baril, missiles, may
mga maliliit na bote? Marami pang iba na nakapalibot at umiikot-ikot la'ng kay
Scarlett.

"Bakit n-naghahawak-kamay?" Takang tanong ko.

"Tsk!" Lalaine, siya pala 'tong nasa Left side ko. "Gagawa tayo ng malaking shield
na magkukulong kay Scarlett at sa malakas niyang gem. Hindi ka siguro nakikinig
kapag nagdidiscuss ang mga teachers about sa Crystal Moons. Isa ka pa naman sa
Royal Colors na protector ng Crystal Moon." Pangungutya nito. Aba! Pisain ko kamay
nitong bruha na 'to, e!

"Lalaine Norix!" Paul

Umirap si Lalaine kay Paul. "Magsama kayo!" Lumipat siya ng pwesto. Napatabi naman
sa left side ko si Angel.
"Hi, ate Regina." Angel.

"Hello." Bati ko.

"Alam mo sabi ni Khionne Ice, kapag hindi tayo gumawa ng shield na gagawin pa la'ng
natin.. pwedeng umabot sa malayong lugar ang impact ng magiging lakas na ilalabas
ng gem ni Ate Scarlett." Angel.

"Kapag unang subok na kontrolin, ganun ang nangyayari, kaya maghawak-kamay na


kayo." Paul

Kung ganoon, siguro kaya maraming miyembro ang Royal Colors na protectors ng
Crystal Moon, ay dahil rin dito. Para mas malaki at mas matibay siguro ang gagawing
shield kapag dumating ang oras na ganito..

Lahat na kami ay naghawak-hawak kamay, palaki na rin ng palaki ang blue aura ni
Scarlett, pabilis rin ng pabilis ang ikot na pabilog sa paligid niya ng mga ilaw na
hugis weapons.

Nararamdaman ko na 'yung lakas ni Scarlett! Grabe!

Nag-ilaw ang bawat gem naming lahat na protectors. Ilamg segundo pa at ang liwanag
ng gem ni Trey na nasa singsing ay tumama sa gem ni Ace na katabi niya at tumama
ulit sa gem ni Maxinne na katabi niya at nagtuluy-tuloy hanggang sa makalibot sa
buong bilog ang ilaw. Hanggang sa magka-connect ang mga gems namin.

Nagkaroon ng malaking shield bigla mula sa mga ilaw ng gems namin. Kasabay nu'n ay
ang paglaki ng sobra ng blue aura sa katawan ni Scarlett at biglang pagsabog n'on.

Humigpit ang mga kapit ng mga kamay namin. Hindi la'ng basta sumabog 'yung blue
aura mula kay Scarlett. Parang gusto rin nun sirain ngayon ang shield at kumawala!
"A-ang init." Bulong ko. Yung mga kamay namin. Parang sinisilaban ng apoy sa init.

"WALANG BIBITAW!" Sigaw ng mga lalaki. Nila Paul.

"TREY!" Rinig namin na sigaw ni Scarlett. Hindi namin siya makita mula dito sa
labas dahil puro liwanag ng blue aura lang ang tumatakip sa view namin.

"A-astrid. NARIRINIG MO BA AKO?" Trey

Psh.. may babae ka! Hmp!


"O-oo! Ahh! 'Yung mga weapons! Ang likot!" Scarlett.

"G-GANITO, SUBUKAN MO KUMALMA MUNA, SAKA MO KONTROLIN. FOCUS, ASTRID!" Trey

Scarlett Astrid's POV

Matapos ko marinig ang boses ni Trey, sinubukan ko pakalmahin ang sarili ko.

Walang makikita dito sa loob, puro liwanag la'ng na kulay Blue. Nakakapagtaka na
hindi masakit sa mga mata.

Ang nakakatakot pa.. 'yung mga weapons na sobrang dami, nagkalat dito sa paligid ng
loob ng shield at baka atakihin ako! Hindi ko pa naman sila makita sa liwanag. At
kanina pa nila ako sinusugatan ng bahagya!
Tama! Meron kasi yata silang sariling mga isip!

Nagfocus ako. Kailangan ko na magawa 'to! Pumikit ako at nakinig sa bawat ingay.
Nasa paligid la'ng ang mga weapons na 'yon at sa tuwing hahawakan ko sila, bigla
silang lumulutang palayo at talagang nakakainis!

Pumikit ako ng mariin..

Ilang minuto.. naramdaman ko na may gumagalaw sa likuran ko.. mabilis ma umiikot-


ikot! Anong gagawin ko?!

Malapit na siya! Humarap ako bigla at hinawakan ang kung ano man parte na
mahahawakan ko.
Nahawakan ko nga at ang likot-likot na parang gusto kumawala! Pero may mahapdi rin
akong naramdaman sa bisig ko na parang nahiwa nitong weapon na 'to kaninang
hahawakan ko pa la'ng siya.

"Bitiwan mo 'ko! Ang pangit mo!" Maliit na boses na sabi nitong Boomerang. Tama,
Boomerang ang weapon na hawak ko. AT NAGSASALITA?!

''Ugh! Tumigil ka! 'Wag ka malikot!'' Hinigpitan ko ang hwak sa boomerang na 'to
pero ang likot talaga!

''Hindi ako aamo sa'yo hangga't wala ka pang napapatunayan sa'min, 'no! Hindi mo pa
nga nakokontrol ang isa saamin!'' Maliit na boses na galing sa boomerang na kulay
pula. At umiilaw!

Napa-kunot-noo ako. Paano ko ba sila kokontrolin kung ganito naman pala?! Nahawakan
ko nga pero paano?!

''PAANO KO SILA KOKONTROLIN?!'' Sigaw ko. At sana naririnig nila Trey sa labas ng
shield 'yun!
Maya-maya, ''Gamitin mo! Basta gamitin mo!'' Ice

''Sa tamang paggamit sakanila, Scarlett!'' Justine

Gamitin ko? Paano ba gamitin ang boomerang?! Ngayon pa nga la'ng ako nakahawak
nito!

Kanina.. umiikot-ikot siya sa likuran ko at pabato na aatake sana..kung ganoon..

Bumwelo ako at ibinato ang boomerang ng sobrang lakas sa left side ko. Umikot ito
ng umikot at tumama sa shield. Naririnig ko ang ingay ng pag-ikot niya pero hindi
ko na alam kung nasaan siya. Palapit ng palapit ang ingay! Tatama siya sa'kin!

Nagfocus ako at pinikit ang mga mata ko. Ang ingay niya.. nanggagaling sa,..

Alam ko na! Dumilat ulit ako at itinaas ang kamay ko sa pwestong alam ko kung saan
siya dadaan!

''Gotcha!'' NAHAWAKAN KO ULIT 'YUNG BOOMERANG! Yes! Tinignan ko ito at this time,
hindi na siya malikot.

''Ikaw na nga magaling, sabi ko nga!'' Boomerang, ''Pero kailangan mo muna i-tame
ang lahat pa ng weapons sa loob ng Weapon Gem mo, bago mo magamit! Bleh!''

WHAT?! Sinulyapan ko ang paligid. Wala na ang blue aura at kita ko na sila Trey sa
labas ng shield na kumukulong sa'kin..at sa mga .. weapons.

Kitang-kita ko na ngayon ang weapons na lumulutang la'ng sa paligid ko. AT ANG


DAMI! Tapos isa pa la'ng ang napapaamo ko!

Tinignan ko sila Sandy at manghangmangha rin sila na nakatingin,

''Good job! Boomerang!'' Ace

To be continued...

Khionne Ice's POV

''Magkalapit pa la'ng sila, natutuwa na ako. Paano pa kaya kung nag-uusap!'' Sandy
na may malapad na ngiti.

''Siyempre naman, paano ba naman kasi minsan la'ng sila mag-usap ng eye-to-eye
contact! Nakakainis, ano! Halata naman silang dalawa, tapos ang shushunga pa.''
Maxinne.

''Kaya nga. Bakit ba ganun? Natotorpe la'ng ba 'yung isa?'' Sandy

''Aba ewan ko sa mga 'yan, simula 12 years old yata kami ganiyan na silang dalawa.
Ilag sa isa't-isa! Sila la'ng kaya 'yung ganiyan sa barkada dati pa. Ang sarap
batukan, 'no?''

Kanina pa ako nakamasid sa bibig ni Maxinne na walang tigil sa pagbuka at sara.


Napaka-ingay! Dinadamay pa 'to si Sandy, lalong tumatagal nagiging madaldal at
maingay na rin tuloy 'yung isa.

''Pwede ba, hayaan niyo na sila Paul at Regina kung mag-usap man sila o hindi.
Gawin niyo na la'ng 'yung trabaho natin ngayon!'' Singit ko sa usapan nila. Nag-
usap na kasi sila Regina at Paul kagabi. Malas nila nakita pa sila ng dalawang 'to,

''Sungit! Che! Diyan ka na nga!'' Maxinne

Tinapat ko 'yung Blue Gem ko at pinahangin ng sobrang lakas 'yung pwesto niya. Ako
pa masungit, e napaka-daldal niya na nga.

''Hanuba, Khionne Icee Marzon!'' Maxinne

Nagkalat kasi kaming mga protectors sa paligid. Natapos namin itraining si Scarlett
kahapon sa burol, halos kontrolado na rin niya ang Weapon Gem niya. Halos la'ng,
dahil may iba parin talagang sandata na napaka-likot at lakas na hindi gaanong
makontrol ng lakas ni Scar.

Tinulungan naming girls kahapon sa training si Scarlett pagdating sa mga maliliit


at mabibilis na weapons, sila Ace at iba pang boys naman ang tumulong sakaniya para
makontrol at matutunan kung pa'no mahandle ng maayos ang mga mabibigat at malalakas
na weapons.

Medyo naging mahirap rin para kay Scar, pati rin samin 'yung training kahapon.
First time naming girl na maging trainer ng Crystal Moon. Lahat nga ng girls
nagkaroon ng sugat mula sa mga parang may buhay na sandata, talagang parang may mga
isip sila na umaatake samin. Si Trey naman na halos saluhin lahat ng atake ng mga
weapons na para dapat kay Scar. Okay, ang sweet. Pero kadiri naman 'yung mga blood
sa mga sugat niya kahapon.

Pinaliwanag niya samin na may mga kaluluwa daw sa loob ng weapons na 'yon. Kapag
nagamit ng maayos ni Scar 'yung mga sandata ng maayos, kakalma raw ang mga soul
'don at susundin na si Scarlett as master nila.

Ngayon, araw na pinakamahalaga para sa Crystal Moon pati rin sa mga mamamayan ng
mundong 'to, Magic Paradise.
Itatalaga at ipapaalam na sa lahat na nandito na si Scarlett at handa na
protektahan ang lahat ng gem-holders.

Pero at the same time, pinaka-mapanganib na gagawin rin namin. Kasi kapag kumalat
na ang balita na nandito na sa puder ng StoneGem Academy ang Crystal Moon, baka may
mga masasamang-loob sa paligid ang biglang lumusob at patayin si Scarlett sa
pagnanasa na makuha ang espesyal na gem na hawak nito. Kailangan talaga namin
maging mapagmatiyag.

''Uod, gutom ka?''

Hindi ko nilingon ang baliw na kumausap sa'kin. Ginamit ko ang hawak kong binocular
at binantayan maigi ang mga sulok ng lugar, tinitignan kung may mga taong may
kakaibang kinikilos.

Ganun rin naman sila Maxinne at Sandy sa bandang malapit sa'kin.

Nandito kami ngayon sa mga mataas na puno sa paligid ng palasyo ng haring Leo at
reyna Leila ng Magic Paradise. Nasa loob pa kasi si Scarlett at naghahanda pa
kasama si Trey at Travis, para sa pagkokorona sakaniya mamaya.

''Uod, hoy!'' Felix


Hindi ko parin pinapansin. May kasalanan pa 'to sa'kin.

''May dala na nga akong pagkain, pansinin mo na ako! Hoy!'' Felix

''Sinabi ko ba na magdala ka ng pagkain? Oras ba para kumain, may trabaho tayo o.''
Bored na sagot ko sakaniya.

''Oy! Felix, anong ginagawa mo dito?'' Maxinne

''Wala. Sinisigurado ko la'ng na busog 'yung uod ko. Bakit?''

Busog daw! Buset siya! Gutom na gutom na nga ako dito, baka mamaya nga la'ng malapa
ko na siya ng buhay sa sobrang gutom!

Kasalanan niya rin naman, nagluto ako kanina ng mabilisan dahil late na ako
nagising, at malapit na mag-umpisa 'yung oras ng pagbabantay namin! Anong ginawa
niya? Pumasok sa dorm ko, pinaglalamon 'yung mga niluto ko! Akala niya nakakatuwa!
Magluluto na lang sana ako kaso pinatawag na kami ni Mr. Cavin! -___-

''Naku, mainit timpla niyan! Baka mula uod maging dragon 'yan 'pag kinulit mo pa,
sige ka.'' Natatawang sigaw nila Maxinne habang naglalakad pabalik sa mga pwesto
nila.
''Uod, sorry na.'' Kamot-kamot pa nito ang noo. ''Namiss ko la'ng naman luto mo,
tsaka gutom la'ng a--''

''Tingin mo ako, hindi gutom?! Bwisit! Lumayas ka na nga, oo na ayos la'ng, umalis
ka na!'' Inis na sigaw ko. At ginamit ulit 'yung binocular para magmasid sa
paligid.

''Eat these foods, okay? Sige, balik na ako sa pwesto ko.'' Tatango na la'ng sana
ako habang hindi nakatingin sakaniya kaya la'ng.. ehem, naunahan na ako ng .. okay,
ng kiss niya sa cheek ko. ''Birthday mo bukas, date tayo ha. Bye.'' Felix

>//< Peste!

Ang init naman bigla! Ang init ng mga pisngi ko, kainis! Bwisit talaga kahit kailan
'yon si Williams!

Scarlett Astrid's POV

Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang dalawang kamay ko at bumuga ng hangin ng


ilang-beses na. Mga naka-milyon na yata ako, ang OA. Mga lima la'ng na beses.

Kinakabahan kasi ako. Haharap ako sa maraming tao. Tapos? Ano na? Mangangako ng
ilang responsibilidad para sa lahat.

Tapos mamaya la'ng makakaharap ko ang hari at reyna ng Magic Paradise. Kinakabahan
ako.

*tok* *tok*

''Astrid? Are you done?''

Si Trey pala.

''Uh..oo! Tapos na ako magbihis, sige pumasok kana.''

Pumasok siya pero si Travis naiwan lang sa labas at kumaway sa'kin.

''Ayos la'ng ba hitsura ko? Hindi ba sobrang bongga nito? O sobrang pangit? O baka
naman mukha na akong maarte? Ano ba sa tingin mo? Dapat ba palitan namin gown ko?
Mukha ba akong okay dito--Hoy!'' Aba letche 'tong lalaking 'to! Abala ako sa
pagsusunud-sunod ng tanong sakaniya samantalang siya naman halos mamula-mula na sa
kakapigil ng tawa!

''Hahahahahah!'' Trey at tuluyan na nga siyang nahiga sa kama na malaki. Nasa silid
kasi ako ng palasyo ng Magic Paradise, ang ganda nga dito. Pati mga damit ang
gaganda!

''Ano ba kasi! Kinakabahan na nga ako dito, tapos ikaw tatawanan la'ng ako!
Nakakainis kaya!'' Nakapameywang na sabi ko saka binato siya ng isang make-up na
nahawakan ko.
Nasalo naman niya saka umupo at pinilit inayos ang sarili. ''Okay, una sa lahat ang
pangit--Woah! Teka! Hahahaha. Kalma!''

Binato ko ulit siya. ''Pangit?! Walang hiya ka, ang kapal mo! Akala mo gwapo ka!''

''Hahahha! What? Nagtatanong ka tapos kapag sumagot ako magagalit ka naman.


Seriously?! Pfft.'' Trey, humawak ulit ako ng matigas na bagay at handa na siya
batuhin kaya nag-ayos naman kagad siya ng hitsura. ''Okay, fine. Patapusin mo muna
kasi ako. Hahaha. Sabi ko nga, ang pangit--Oh! wait! Ang pangit mo.. kapag
kinakabahan! Hahaha. Kaya 'wag kana kabahan, kasi maganda ka. Kahit magsuot ka pa
ng basahan, maganda ka.'' Trey

Aww. ''Talaga?'' Natutuwang tanong ko. Ang sweet nito paminsan-minsan. Minsan naman
hindi maintindihan, galit tapos mapang-asar tapos seseryoso! Upside-down ang mood!

''Oo. Pero subukan mo rin one time, 'yung gown na basahan. Mukhang mas elegante--
Pfft. Hahahah.'' Trey

''Ewan ko sayo!''

>>

''The Crystal Moon! Oh, Hello Ms. Scarlett Sundust!'' Bati sa'kin ng Reyna Leila.
Nandito pa la'ng kami sa likod ng makapal na kurtina. Bubuksan mamaya ang kurtinang
'yan kapag handa na ang lahat.

''H-hello po.'' Bati ko. Ang ganda ng reyna. Para siyang walang anak na dalawa.

''Masaya ako at nakaharap kita ngayon..ang balita ko ay napaka-bait mong bata,


magaling, matalino at mahusay? Naku, mana ka sa iyong ama kung ganon.'' Reyna
Leila. Natigilan kami parehas. Ama ko? Ha. Wala akong ama na hudas!

Natahimik kami ng reyna. Nabigla rin yata siya. ''Uh..Mahal na reyna, masaya rin po
akong nakaharap ko kayo. Napaka-swerte ko at nakalapit ako sa reyna ng Magic
Paradise.'' Pag-iiba ko ng usapan.

Ngumiti sa'kin at pinansin ang mga nasa likod ko. ''Trey at Travis Wastridge? Naku,
ang lalaki na ninyo. Ang kikisig na, bagay talaga kayong pangunahing tagapag-bantay
ng Crystal Moon. Pangalagaan ninyo si Sundust, maliwanag?'' Reyna Leila.

''Opo, Mahal na Reyna.'' Travis

''Masusunod po.'' Trey

''Siya na ba ang Crystal Moon?'' Pagpasok ng Hari sa silid. Bagay talaga sila ng
reyna,

''Ako po si Scarlett Astrid Sundust, kinagagalak ko po kayong makilala.''


Pagbibigay galang naming tatlo.
''Salamat. Protektahan mo ang mahalaga na gem na hawak mo, delikado kung makukuha
'yan ng mga may masamang balak.''

Ngumiti ako.

Ace Knight's POV

''Ang ganda talaga ng baby ko.''

''Hoy! Pusang gala kang tao ka!'' Bulyaw ni Felix sa tenga ko. Halos mapatalon
naman ako sa gulat.

''Masakit sa heart, 'wag ka manggulat brad.''

''Busy ka kasi masyado, Knight. Nakaabala ba ako?'' Felix na mukhang sarcastic pa


ang tono. Tss. Oo naabala mo ang pagtitig ko sa baby Maxinne ko!

''Hindi naman. Bakit?'' Mala-inosente kong tanong at yumapos sakaniya. ''Miss mo


'ko? Sige, bibigyan kita ng time, labs--''
''Sht ka brad! Lumayo ka sa'kin, kadiri ka!'' Felix na nagpagpag pa ng braso.

''Brad, sa gwapo kong 'to? Bakit ang brutal mo!''

Naghagalpakan na ng tawa sila Dionne, Paul at Justine na nasa malayong pwesto.


Naka-binocular sila kaya kitang-kita nila 'yung ginagawa namin. May mga earpiece
rin kaming lahat para sa pagbibigayan ng komunikasyon.

''Gagong 'to. Ikaw na nga ang may pinaka-may kwentang gem pagdating sa misyon natin
ngayon, tapos gagamitin mo pa sa kalokohan mo.'' Felix, ''O, 'wag ka magkaila!
Kanina kapa titig ng titig kay Maxinne Gabriel Lee! Minamanyak mo na nga yata--''
Felix

''Brad, walang ganiyanan! Bad 'yun!'' Natatawang asar ko sakaniya. ''Ganda kasi,
hirap alisan ng tingin!''

Dahil kasi sa dami ng tao na nasa baba para mag-abang sa Crystal Moon kay Scarlett,
kailangan pa namin--nila gumamit ng binocular para matignan ng maigi ang mga tao sa
baba na may kakaibang kinikilos. Samantalang ako, heto petiks petiks!

'Yung gem ko kasi, Far-sight Gem. Kapag nagfocus ako sa isang lugar, pwede ko 'yon
makita kahit gaano kalayo. Isa 'yon sa gem ko. Kaya useful talaga akong tao ngayon
sa trabahong 'to..
''Hoy, Knight! Ano 'tong sinusumbong ni Regina na gumagawa ka ng kalokohan diyan!''
Rinig kong boses ni Maxinne baby sa earpiece ko.

Hala! ''Hoy Regina, sinungaling!''

''HAHA. Bakit? Totoo naman. Hindi ka nagmamasid ng maayos sa mga paligid!'' boses
ni Regina. Tinignan ko ang pwesto nito sa bandang kaliwa. Tawang-tawa.

''Di naman! Baby Max, hindi--''sagot ko sana kaya la'ng may boses na biglang
sumingit..

''Cut the chitchats! Mag-uumpisa na!'' Boses ni masungit na Lalaine.

Natigil na kami sa pag-uusap at nagfocus na. Nag-iingat la'ng rin kami.. kanina
kasi, may natanggap kaming sulat.. kaming mga lalaki la'ng ang nakakaalam.
Nakasulat gamit ang kulay dugong tinta, nakalagay sa itim na envelope.

Sinabi doon na .. 'wag daw masyadong magsaya ang lahat lalo na si Trey at Scarlett.
Baka daw kapalit nun maya-maya la'ng ay luha, hinagpis at lungkot.. marami pa ang
sinabi sa sulat pero hindi ko na matandaan. Basta, parang threat letter para kay
Trey at Scarlett!

Nagtaka nga kami nila pareng Felix, Justine, Dionne at Paul! Si Scarlett ang may
hawak ng magandang gem, bakit pati si Trey damay sa threat na 'yon? Nakakabaliw
talaga ang mga bagay ngayon mga panahon na ito. Lalo na 'yung ganda ni baby Maxinne
ko? 'Yun talaga nakakabaliw!

Nag-umpisa na magpatunog ang mga kawal sa paligid ng palasyo ng mga drums at


trumpets. Simbolo siguro na palabas na ang hari at reyna kasama na rin si Scarlett.
Nagsihanda na ang maraming mga tao sa ibaba na kanina pa yata naghihintay. Grabe,
ang dami talaga! Sa tingin ko nga, aabot 'to ng milyon na bilang!

Napa-unat ako ng mga balikat ko, babantayan namin ang milyong bilang ng tao..
maghahanap kung may tao ba dito na kalaban at may kakaibang kilos! Hirap nito, 'no!
Hooo!

Nasa ikalawang palapag na terrace ng palasyo ipakikilala ang Crystal Moon para
makita ng lahat ng tao na dumalo.

Dahan-dahan bumukas 'yung kurtina saka lumabas ang hari na inaalalayan pa ang reyna
Leila sa kamay palapit sa terrace.

''Salamat sa pagdalo mga minamahal naming mamamayan!'' Hari, ''Ipinatawag ang


lahat, dahil sobrang halaga ng aming iaanunsyo ngayon oras na 'to! Gusto namin ng
mahal na reyna, na sabihin sa inyong lahat, na nasa tabi na natin ang babae na may
hawak ng pinaka-espesyal na gem sa mundong 'to! Si Scarlett Sundust.. ang Crystal
Moon ng panahon na ito!'' Hari

Kita namin si Scarlett na lumitaw at dumungaw sa malaking terrace, sa magkabilang


gilid 'yung mga gwapo! Hahahaha.

''Hahahaha. Tignan niyo si Trey, akala mo kung sinong matino sa tuxedo o! Hahah--''
asar ko na dinig sigurado ng lahat ng protectors dahil may earpiece rin sila.

''Hoy, ugok! Rinig kitang pakshit ka!'' Trey sa earpiece.

O___O
Onga, sabi ko nga rinig mo 'ko T^T

Ilang oras na nagsalita at pinakilala si Scarlett.. nangako ng mga responsibilidad


na laging handa sa anumang mga sakuna.. paglusob ng mga Dark-gem holders .. blah
blah.. boring na!

Tinignan ko na la'ng ulit si Maxinne Baby kahit ang layo ng pwesto ng puno na
pinapatunga nila ni Ice at Sandy. Pagtingin ko.. O__O Nakatingin rin siya! Sabi na,
e! ^///^ Sinasabi ko na nga ba talaga! Nagagwapuhan rin 'to sa'kin!

>>

Nag-unat ako ng mga balikat, ang tagl matapos ng speech ni Scar..

Tuwang-tuwa naman yung mga tao sa pagsasalita ng Crystal Moon.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko dito sa taas ng puno, namamanhid na katawan ko


kakaupo ..

Maya-maya, ''Urgh! Aw! Shete!'' Napadaing ako ng todo nang pagtayo ko, may tumamang
mga kutsilyo sa mga binti ko.
''Ace?! Bakit, ano nangyayari sa'yo?'' Boses ni Maxinne sa earpiece.

''Huy, Ace?'' Boses ni Sandy sa earpiece.

''Hala, Kuya Ace?'' Boses ni Angel.

Tinignan ko silang mga girls. Mga nakatingin sa'kin at nag-aalala.

''Wala 'to! Sht, tignan niyo na la'ng maigi 'yung mga tao sa paligid!''

''Magbantay na kayong lahat, kami na bahala!'' Felix

Nagsilapitan naman sa banda ko si Felix at Justine.

''Brad, ano?'' Felix

Pangiwi na hinugot ko 'yung dalawang kutsilyo. ''Wala, brad. Ang sarap.. ang sarap
magmura sa sakit.''

''Ano 'yan?'' Takang tanong ni Justine. Tinignan namin 'yung mga kutsilyo.. may mga
nakaukit na voodoo doll sa hawakan ng knives.

''Sino gumawa niyan?!'' Felix

Napatingin kami sa ibaba. 'Yung mga tao biglang nagsigawan at nag-uunahan makaalis.
''Felix, Justine! Punta sa baba, ngayon na!'' Lalaine sa earpiece. Kita ko silang
lahat na bumaba na nga. Sumunod silang dalawa. ''May umaatake kayla Trey, Travis at
Scarlett!''

''Ano nangyayari.'' Naghihinang tanong ko. Nagsimulang manlabo ang mga mata ko.
Umiikot 'yung paligid, inaantok ako.

''Ace?! Okay ka la'ng ba?!'' Boses ni Maxinne sa earpiece., ''May nagpapaulan ng


mga kutsilyo kila Scarlett, Nautusan kaming hanapin 'yung gumagawa! Ano, okay ka
lang ba?!'' Maxinne

''Hoy, Ace Knight! Nasaan ka?! Tulungan mo kami dito! Hanapin mo 'yung gumagawa ng
pagpapaulan ng Kutsilyo!'' Ice

''Calling.. Ace Knight! Use your gem now!'' Lalaine

Pinilit kong gamitin 'yung gem ko. Pero shete la'ng! Hindi na talaga kaya ng mga
mata ko, ''I..ina..antok na .. ako..kayo..na lang..'' Nanghihinang sgaot ko sa
earpiece ko.

Pero bago ako mapapikit. I saw someone, nakangisi na nakatingin sa pwesto nila
Scarlett, nakatutok ang mahabang sandata sa terrace .. nakatayo sa malayo..kubling
lugar. Pinilit ko ulit gumising. ''Babae..mahaba ang buhok..nakaitim na
bistida..nakamaskara na kalahati..may mahabang wand na hawak..'' Pilit kong sinabi
habang hawak-hawak ang mga sugat ko at inaantok na talaga. Dulot siguro ng
kutsilyo, malamang may pampatulog!

''Anong mayron dun?! Ace Knight?!'' Paul sa earpiece.

''K..kala..ban..''

Pilit ko parin pinipigilan makatulog. Hindi ako makagalaw. Kung sana hindi
nangyayari sa'kin 'to! Kanina ko pa napuntahan 'yung babaeng 'yon! Kanina ko pa
nagamit 'yung gem ko! Shete!

At tuluyan ko na ngang 'di napigilan makatulog.. Ang sakit ng mga kutsilyo mo,
kahit babae ka, may araw ka rin sa'kin.. Hecate!

>>

A/n: Wag niyong tignan 'yung clue! Sige! Hahahaha. Ang sakit ng katawan ko, kaloka
'yung E.K rides kahapon .. makalaglag panty--joke, puso. XD

@MayuKimmy (SilveryLuna, noon.) <3

Felix Williams' POV

"Putragis! Asintahin niyo!" Boses ni Trey sa earpiece.

Paano aasintahin, 'di nga namin malaman kung nasaan 'yung kalaban!

Galit na galit si Trey sa mga earpiece namin kanina pa. Para nga kaming mabibingi
sa lakas ng boses niya!

May milyon na karayom at kutsilyo ang umatake sa pwesto nila ngayon-ngayon lang at
muntik na sila Scarlett. Mabuti na lang at napansin kagad nila Trey at Travis,
nakagawa kagad sila ng shields at barriers na gawa sa Fire ni Trey at bato ni
Travis, ginamit nila yon na pananggalang para rin sa hari at reyna na katabi lang
din nila. Kaya ayun ang ugok galit na galit samin at bakit hindi daw namin napansin
yung atakeng yon.
Hindi namin napansin, naalerto kami sa nangyayari kay Ace sa pwesto niya. Pero ang
nakakapagtaka lang kanina pa namin hinahanap yung pinagmumulan ng mga kutsilyo,
hindi namin matukoy! Pusang gala talahang buhay 'to.

Tapos si Ace hindi sumasagot sa earpiece namin, kung kailan kailangan na kailangan
yung gem niya! Tsk. May bigwas sakin mamaya 'yon!

Tumulong sila Angel, Maxinne at Uod ko para mabawasan yung mga kutsilyo na
bumubulusok sa pwesto nila Trey. Sinunog ni Max sa ere, pinahangin nila Angel at
Uod yung mga kutsilyo palayo pero hindi parin nauubos! Walang hanggan na mga
kutsilyo at karayom, pucha!

"Ano na?" Salita ko sa earpiece ko, kami nila Sandy, Lalaine, Regina, Paul, Dionne,
Justine at Ace ang naghahanap sa kalaban. "Wala parin?"

Sabi nga ni Ace, babae at nakamaskara. Yun nga ang hinahanap namin ngayon.

"Negative, dito sa likod ng palasyo!" Sandy

"Ang daming tao! Ang hirap kumilos! Ano ba naman 'to!" Lalaine

Tinignan ko ang terrace na kinatatayuan nila Scarlett kanina. Wala na sila.


Malamang pumasok na sa loob ng palasyo yung mga yon kasama ang hari at reyna.

Napaangat ako ng tingin sa kalangitan. Wala na yung mga nagsisiulanan na kutsilyo.


"Putek! Wrong move, Pare! Bakit kayo pumasok diyan sa loob?!" Dionne

"Anong gusto mo, hintayin na humina barriers at shields namin at masaksak na lang
ng milyon at walang kaubusan na kutsilyo?!" Trey sa earpiece

"Hindi sa ganon. Pero baka hindi na namin lalo matunton yung kalaban. Wala na yung
mga kutsilyo." Dionne

"Di na talaga namin kaya, Pare. Kahit yung mga babae walang nagawa sa mga milyong
bilang na patalim na yon." Travis sa earpiece at tinutukoy yata sila Maxinne.

"Maghanap parin tayo!" Paul.

Inakyat ko yung puno para makita yung kabuuan ng lugar. Marami parin tao kaya
mahirap maghanap!

Pagkaakyat ko, isa lang nakapukaw ng pansin ko. Halos bumilis ng dalawang beses sa
normal yung tibok ng puso ko, gusto kong magmura.

"Khionne!!! Shit!" nag-aalalang sigaw ko.

Kitang-kita ko sa isang sulok sa may malaking puno, may bulto ng tao dun. Madilim,
hindi ko maaninag kung sino. May hawak na patalim, handa na para isaksak kay Uod na
nakatalikod!

Ginamit ko yung Eagle-Eye gem ko, naghanap ako ng kahit anong bagay na matalas!
Kahit ano, shit! Natataranta na ako!
Mabilis na nakita ko yung isang kawal na may hawak na espada. Nag-focus ako sa
espadang yon, wala pang segundo lumutang yung espada, mabilis na tinuro ko yung
pwesto ng taong sasaksak sa Uod ko.

Sobrang bilis ng espada na umatake dun sa bulto ng tao.

Hindi ko alam kung natamaan, pero natigilan siya sa gagawin niya! Mahalaga na
nabitawan niya ang patalim niya sa lupa at napalingon sa gawi niya si Khionne Ice.

Papatayin kita kung sino ka man!

Bumaba agad ako mula sa itaas ng puno at mabilis na tinakbo yung daan palapit kay
Uod. "Punta sa pwesto ni Khionne Ice! May kutob akong nakita na namin hinahanap
nam--" Salita ko sa earpiece ko habang tinatakbo ang daan papunta kay uod.

Pero pinutol rin ni Paul sa earpiece ang sinasabi ko. "Hindi. Nakita ko na yung
kalaban. Dito sa pwesto namin ni Regina." Malamig na sabi ni Paul.

"Dalawa kalaban?!" Sandy sa earpiece

"Sino ba talaga ang dapat puntahan sainyo?!" Kausap samin ni Lalaine sa earpiece.
Napailing nalang ako at hindi na sumagot.

Pagkalapit ko kay Uod, nanlaki mga mata ko. Pucha! "Ano nangyari sa'yo?!"
Tinulungan ko ito makatayo. May sugat siya sa braso at nanginginig.

"F-felix..Namamanhid yung katawan ko. Benjamin.. siya si B-ben--" Nahimatay na ito


agad, may nakatarak pa na kutsilyo sa braso niya.

"Ice!"

Regina's POV

"Paul! Hindi naman tayo sigurado kung si Ben nga!" Sigaw ko.

Ginamitan ni Paul kaagad si Ben ng Gravity Gem niya at hindi na ngayon makakilos si
Ben sa kinatatayuan niya.

"Hindi sigurado?! Kitang-kita mo naman na hawak niya yung mga kutsilyo! Paanong
magkakaroon siya niyan, ang layo ng pwesto natin ngayon sa terrace ng palasyo! Alam
natin parehas na sa terrace lang na yon pwedeng makakuha ng kutsilyong yan dahil
dun bumabagsak ang atake kay Scarlett!" Paul.

Pinanliitan ko ito ng mga mata. Nagiging mababaw ang dahilan niya! May punto siya..
pero.. hindi naman siguro si Ben.
Manyak yan, oo! Pero .. hindi naman siguro kalaban.

Naglilibot ako kanina sa pwestong 'to, nagbabaka-sakali na mahanap ang babaeng


nakamaskara dito nang makasalubong ko 'tong loko na 'to.

Pinipilit niya ako na mag-usap daw kami at may sasabihin siya na mahalaga. Umiwas
ako, alam ko naman na kalokohan lang meron siya!

Pinilit niya pa ako, biniro pa ako na hahalikan niya ako kapag hindi ako nakinig sa
mga sasabihin niya at ayun nga ang naabutan ni Paul. Tsaka ko na napansin yung
hawak niyan kutsilyo.

Pero si Paul...gaaad! Ewan ko ba dito sa taong 'to na parang laging galit sa'kin at
sa mga kaibigan ko!

"Nakuha ko 'to sa isang puno sa di kalayuan! Hindi tamang pagbintangan mo kagad


ako!" Benjamin. Ngumisi ito bigla. "Pero mukhang iba nakikita ko.. mukhang pinag-
iinitan mo lang ako, at hindi pinaghihinala--."

"PAUL WILLIAMS!" Sinuntok niya kasi si Benjamin ng malakas!

"Pinaghihinalaan kita pero pinag-iinitan rin! Pare, kita mo nga naman.. tama ka!
Pinag-iinitan kita dahil sa tuwing aabutan ko kayo nitong babaeng 'to.." Paul na
lumingon sakin at tinuro ako. Ano na naman! "..lagi kong naaabutan na binabastos
mo!!! Ano!!" Paul

Sinuntok ulit nito ng malakas sa mukha si Ben na nakapagpadugo ng ilong nito.

Lumapit na ako kay Paul at hinawakan ang braso nito. Mahirap na, baka matuluyan si
Benjamin dito! Kawawang manyak, kapag nagkataon!

Nag-unat lang ng leeg si Ben at ngumiti pa ng mapang-asar. "Selos ka lang, ako


gusto.. e ikaw?" Nagsmirk pa ito. Ramdam ko na nanigas ang braso nito, umiilaw yung
White Gem niya at lumalamig na sa paligid!

"Paul! Ano ba!" Awat ko sa pwedeng gawin ni Paul. He's gritting his teeth. Galit na
galit na 'tong lalaking 'to!

"Wala ka naman sigurong plano pagyelohin 'tong lugar, 'di ba Williams?" Lumingon
ako. Nandito na sila Lalaine. Kasunod si Sandy.

Nakahinga ako ng maluwag nang mamatay na ang ilaw ng Ice gem ni Paul. Delikadong
galitin ang Ice King na 'to, ako na nagsasabi!

"Siya ba?" Sandy

"Tss. Siyempre hindi ako!" Benjamin na hindi parin makagalaw dahil sa Gravity Gem
ni Paul.

"Ikaw. Dahil pati ang tiyuhin mo kriminal. Inutos ni Tanda kanina lang na hindi ka
na makakapasok ng StoneGem Academy at ipapatapon sa malayong lugar." Trey

"Wastridge." Diin na bulong ni Ben. Seryoso na ito at parang gusto ko maniwala na


hindi siya ang kalaban at masama na hinahanap namin!

"Trey.. wala pa tayong ebidensiya--" Lalaine


"Meron--" Paul

Pinisil ko ang kamay nito. "Pinagbibintangan mo lang siya. Kilala ko si Ben!"

Mukha naman itong natigilan pero inirapan rin ako

"Pakawalan niyo 'ko dito, dahil walang tama sa kahit ano pang binibintang--"
Benjamin

"Dalhin niyo na 'yan sa selda ng Magic Paradise," Felix na bagong dating at buhat-
buhat si Ice? Ice na walang malay? Kasunod niya si Angel na inaalalayan ni Justine,
namumutla ito. Tapos si Dionne at Maxinne na akay si Ace.. na wala rin malay at
duguan!

"Felix? Teka, ano nangyari kay Ice? Pati kay Ace?!" Sandy

Nilapag ni Felix si Ice sa ilalim ng puno at mabilis na nilapitan si Ben. Galit ang
ekspresyon nito! Ngayon ko lang siya nakitang galit! Nakakatakot.

Nilapitan niya si Ben at sinuntok sa mukha at sinikmuraan. "Kung pwede lang kitang
patayin, ginawa ko na!!! Balak mo pa saktan si Khionne Ice! Ha. Magtutuos muna tayo
bago mo yan magawa!!"

"*cough* Anong sinasabi mo!"

>>

Dinakip na si Ben at talagang nainis ako! Hindi ko alam pero iba kutob ko! Kahit
mukhang manggagantso yun, hindi ko pa naman nabalitaan na nakaoatay na yun at hindi
ko pa rin nababalitaan na may kapasidad siyang pumatay!

Super strength ang gem niya! Paano?!

"This fvcking sht is not right! Really, Trey?! Matibay na evidence na ba na


makitang may hawak siyang kutsilyo!" Lalaine na sinesermonan si Trey sa harap ko.
Si Trey naman nagkibit-balikat lang at lumakad na, na sinundan naman ni Lalaine.

Bigla naman napasok sa isip ko yung.. usapan na nangyari kagabi.

"Ano ba yung sasabihin mo?"tanong ko. Hinila niya ako, okay? Hindi ako yung gusto
makipag-usap!

Alam ko naman na gusto ko siya.. pero ako hindi niya gus--

"Okay.." Huminga siya ng malalim. He looks very... tensed. "Yna..I.. l-like you."
Paul

Napaawang ang bibig ko. Teka.. panaginip 'to. Lagi ko kayang napapaginipan 'yung
ganito!

"Joke ba 'yan?" Di makapaniwalang tanong ko. Di ba... di ba ayaw niya sa'kin?

Napayuko ito at tumingala. Huminga ulit jg malalim. "Kidding." Paul

Bumagsak na yung luha ko. Sabi na, e. Tuwang-tuwa talaga siya paglaruan feelings
ko.

"Kidding, I don't like you..." Paul., "..I..l-love you, Yna."


At hanggang ngayon.. namumula parin ako. Hindi ako nakasagot kagad kasi alam mo
'yun.. bastusan daw, e. Nag-walk-out.

Ang tagal ko kasing makasagot ng word, inabot ako ng 15mins na tulala. Siyempre uso
shock sa'kin!

Akala yata hindi na ako sasagot!

Nasa dila ko na nga yung '"I love you, too."

"Really? Who? That Benjamin bastard or me?"

O/////O "Ano.. uhmm."

Trey's POV

"Ice! Ace! Ayos lang ba silang dalawa?!" Astrid

"Oo, pinagaling na sila ni Angel Lynne." Simpleng sagot ko at uminom ng malamig na


tubig. Nakauwi na kami dito sa dorm ko sa StoneGem Academy.

"Talaga? Buti naman! May healing gem nga pala si Angel, ang laking use niya talaga
sa'tin! Thank, God nandiyan siya!"

"May lason yung mga kutsilyo." Tumayo ako at nilapitan siya. "..buti na lang di ka
natamaan." Hinalikan ko ito sa labi na tinugunan niya naman.

"Siyempre naman. Magaling kaya yung protectors ko." Astrid


"Gwapo at malakas pa. Pero Astrid..asawa ko, 'wag mo 'ko iiwan. Talagang magbibigti
ako.... sa paa!"

Nakatanggap naman ng hampas. "Aw. Ang sakit mo naman magmahal, Misis." Asar ko.
Nag-pout naman ito.

"Kung hindi mo 'ko ipagpapalit, siyempre 'di kita iiwan! Love kaya kita, Trey
Wastridge." Nagulat ako nang siya naman ang humalik ng una sa labi ko. First time!

Hinalikan ko pa ito ng ilang ulit sa labi at niyakap ng mahigpit.

"May problema ba, Trey? Kung meron man... handa akong makinig."

Meron, Astrid. Sobrang laking problema.

Habang yakap ko si Astrid, mataman na tinitigan ko ang hawak kong papel na may
sulat galing sa taong... pinagkakautangan ko ng bagay na hindi ko na mababalik at
mababayaran..

- Kamusta, Trey? Nagkakasiyahan na ba kayo ng pinakamamahal mo? Pasalamat ka


at nagbago ang isip ko, pinatagal ko ang buhay ng mahal mo. May naisipan kasi akong
mas exciting pa na bagay, mas maganda pang bagay na kabayaran sa kasalanan mo.
Masaya 'to kasi isasali ko na si Sundust! At ang pinakatatago mong sikreto kay
Sundust. Lahat kaya kong gawin at walang kayang pumigil sa'kin. Habang-buhay na
paghihirap niyo ang kabayaran sa pagkitil mo sa buhay ng inosente kong kapatid!!
Habang-buhay, Trey.

-Your nightmare, Hecate

Tumulo na ang mga luha ko. Nakakabakla, pero kasalanan ko 'to at idadamay niya si
Astrid.

Kung bakit kasi hindi ko alam na siya na pala ang kapatid ni Secate.

"Astrid, mahal kita. 'Wag mo 'ko iiwanan kahit anong mangyari."

"Para ka talagang baliw, Trey alam mo 'yon!"

><

A/n: Dedic kapag computer na gamit ko.

@MayuKimmy (SilveryLuna, dati.)


Scarlett Astrid's POV

Tinignan ko si Trey na kanina pa naiirita. Buntong-hininga ng buntong-hininga.


Akala mo naman ang laki ng problema!

"Trey, 'wag kana magalit." Mahinang suyo ko dito. Nako, hininaan ko lang boses ko
mamaya marinig pa ako nila Justine, Travis, Angel at Haydee. Nakakahiya.

Kanina pa kami naglalakad dito sa gitna ng bundok na ngayon ko lang napuntahan.


Bundok kasi 'to kung saan makikita 'yung lugar na pinaglagyan ng Curse Chest.
Yung Curse Chest na hindi namin alam ang laman. Basta ang sabi nila Justine,
matutulungan ng kung ano mang laman nun ang sumpa na nagpapahirap kay Haydee sa
gabi. Yung sumpa na. . . binigay ng ama ko na walang kasing-sama!

Sabi nila Weapon Gem ko lang ang makakabukas duon. At handa akong tulungan si
Haydee.

Umaga, pinaalam ko 'tong plano ko kay Mr. Cavin. Na simulan na namin ang paghanap
sa Curse Chest. Pero hindi ko siya napapayag, delikado daw, kahapon lang inanunsiyo
na ako ang Crystal Moon. Malamang ay kalat na sa iba't-ibang klaseng tao ang
katauhan ko at hitsura, hindi ko rin naman masasabi dahil pwedeng may iba diyan na
gusto ang gem ko kaya papatayin ako.

Pero. . . hindi ako napalagay. Gusto ko na tulungan si Haydee, ngayon na! Kaya
pasikreto ako; sinama ko sila Justine, Angel at Haydee. Pasikreto kaming aalis
DAPAT. Ang kaso...nahuli kami ng kambal.

Trey at Travis.

Hindi na rin naman nila ako napigilan kaya sumama na rin sila kahit bawal!

At heto si Trey, ayaw ako pansinin. "Trey? Kasama naman kita, e. Safe ako sa'yo
diba?" Lambing ko.

"Yun nga, e. Paano pala kung 'di namin kayo nakasalubong kanina. Aalis ka na lang
na kayo lang?! Tch."

"E 'di sorry. Alam ko naman kasi na kapag nalaman mo. . . hindi ka rin papay--"

"Talagang hindi ako papayag! Tss!"


"E 'di hindi! Psh," Binilisan ko ang lakad ko sa inis at hinabol sila Haydee.

"Scarlett. Nag-away pa kayo dahil sa'kin, pasensiya kana." Haydee

"Kayo naman kasi. Delikado 'yung plinano niyong pag-alis.." Travis

Napa-pout ako. Sige, pagtulungan nila ako!

Tahimik na kaming anim na naglakad. Nag-uusap-usap naman sila at ineenjoy ang


nadadaanan namin dito sa gubat. Kami nga lang ni Trey ang tahimik.

Matataas 'yung mga puno, halos puro puno nga lang sa paligid. Tapos wala pang
matinong daanan. May mga malalaki at creepy na puno minsan ang nasa gitna ng
dinadaanan namin na nakaharang, tapos vines na matitinik sa sahig. Mga insekto na
makati sa balat.

Natatapilok pa ako minsan. Buti nga sila Haydee at Angel, may umaalalay sakanila
kapag nakakabwisit yung madadaanang lupa dahil puro bato!

Itong Trey na 'to, napaupo na ako't lahat hindi man lang ako tinulungan!!
Nilingunan lang ako tapos naglakad na!

Parang kagabi lang ang sweet pa tapos ngayon. . . Ahhhh!!! Bwisit!! Nakakainis!!

Ilang oras na rin kaming naglalakad, medyo malapit na daw sabi ni Just.

Mabuti naman!

Kapag natapos talaga namin 'to at nakauwi na kami, hindi ko talaga papansinin si
Trey kahit lunurin niya pa ako sa ka-cornihan niya!

Lolokohin ko na iiwan ko na siya! Mwahahahaha! Great idea, Scarlett. Mahusay!

"Astrid!!"

Nilingon ko si Trey na sumigaw ng malakas.

"Tapos ngayon tinatawag mo na ako pagkatapos mong--" Hindi na natuloy ang sinsabi
ko nang mapatalsik ako ng sobrang lakas sa lupa.

"Aray. Ang sakit ng likod ko. . Huhu." Usal ko. Pakiramdam ko mababalian ako.

"Ate Scarlett!" Inalalayan ako nila Angel patayo at ginamot kagad ng Healing Gem
niya ang likod ko.

"Okay ka na, Scarlett?" Haydee

Tumango ako at nilingon sila Justine, Trey at Travis na nilalabanan 'yung bagay na
humampas ng malakas sa'kin.

"Anong. ." Di makapaniwalang sambit ko. Ano ba kasi yung nakikita namin ngayon?!
"Puno na may sariling isip?!" Gumagalaw ang mga sanga nito at inaatake yung tatlo.

Maya-maya. . saamin na papunta yung atake nung puno! Sa 'kin!

Sabay na ginamit namin ni Angel ang Air gem namin at sinangga ng malakas na hangin
ang hahampas sanang sanga nito.

Kagad na naging buong bato na ang puno nang gamitan ito ng Gem ni Travis.

Pero ang akala namin na tapos na, hindi pala! Wala pa ang sampung segundo nang may
pumulupot sa beywang ko at hinatak ako pataas!

Ugat ng puno na nasa likuran ko lang! Ganun rin, parang may isip na gumagalaw mag-
isa!

Kainis! Ano bang mga puno ang mayro'n sa lugar na 'to!

"Kuya! Si Ate Scarlett!" Angel

"Scarlett!!" Haydee

Hindi na ako makahinga nang mahigpit naman na may ugat ang pumulupot sa leeg ko.
Waaaa, mamamatay na yata ako!!
Kita kong sinusubukan nila labanan at lapitan itong kinalalagyan ko. Pero lahat na
ng puno nagsigalawan na! May kaniya-kaniya na silang kinakalaban!

"Damn! Do something, Astrid! Use your gems!!!" Trey

Pinikit ko ang mga mata ko. Hindi na talaga ako makahinga! Inisip ko ang hitsura ng
maliliit na bomba. Umilaw ang gem ko at nakapa ko na lang sa palad ko na nandun na
yung bomba! Hinagis ko yun kagad sa puno at sumabog yun!

Nakawala ako sa mahigpit na ugat at malakas na nalaglag sa lupa. Bali-bali na buto


ko nito!

Nanlaki ang mga mata ko nang may nanataan naman akong mga ugat ulit ng puno ang
lalatigo sa pwesto ko.

Masakit 'yung mga binti ko! Hindi ako makakatayo ng mabilis!!! Matatamaan parin
ako!!

Mabilis na tumakbo sa gawi ko si Trey at binuhat ako saka umiwas sa parating na mga
ugat.

"S-salamat." ako

"Tss," Inirapan lang ako nito at pinitik ang noo ko. Jusko, akala mo ang hina ng
pitik, e! "Tignan mo. Kung mag-isa ka lang, napahamak ka na. Nawalan pa ako ng
mahal."

Ngumiti ako ng malapad. "Anong ibig mong sabihin? Bati na ba tayo?!"

Tumawa ito ng bahagya. "Tumigil ka. Para kang bata." Trey

"TREY, 'YUNG PUNO BABAGSAK SA'TIN!!" Sigaw ko. Ang laking puno!

"What the!" Hinila na ako ni Trey sa pwesto nila Travis.

"Wala 'tong kaubusan, brad." Travis


"Mukha nga!"

Nagsimula na naman silang makipaglaban. Iniiwas ako ni Trey sa mga puno. Sinunog na
niya halos lahat ng mga puno, kinuryente, ginawa na ni Travis na bato, ginawa na
rin nila Angel ang lahat pero parang walang katapusan!

"Ganito ba talaga dito, Justine? Yung mga puno. . ." Haydee na hawak ni Travis ang
kamay habang nakikipaglaban.

"Hindi! Hindi, ate Haydee!" Justine. "Walang punong ganito rito!"

"Pwes ngayon meron na!" Trey na abala sa pagsunog sa nga walang katapusang puno.
"Astrid, magmasid ka sa paligid! Baka may puno na naman sa likuran mo, mukhang ikaw
pa naman ang pakay, tsk!"Trey

"O-oo, sige."

Paano na kami niyan! Tumakas na lang kaya kami mula dito. . .TEKA!

May nakita akong pangit na nilalang, ginagalaw nito ang mga kamay niya at parang
siya yung kilos ng mga puno! Nasa malayo ito at malamang hindi nito ako nakikta
dahil may malaking punong harang ang nasa pagitan namin!

"WEAPON GEM! BOW AND ARROW! BOOMERANG AT MARAMING DAGGER!" Nanggigil na sigaw ko.

Bwisit, ikaw pala 'yun! Lagot ka ngayon sa'kin!

Nagkaroon ng Bow and arrow, Daggers, Boomerang, at Sword sa mga kamay ko.
Napatingin sila Trey sa'kin pero abala parin sa paglaban sa mga puno.

"Anong ginagawa mo?" Trey


"Wala!"

Hindi ako magaling tumarget, at malayo siya! Kaya dadamihan ko ang ibabato
sakaniya!

Biglang pumasok sa isip ko na. . kahit anong weapon na isipin at gustuhin ko,
magkakaroon ako dahil sa Weapon Gem na hawak ko.

Malaki ang posibilidad na hindi ko tamaan yung nilalang na 'yon kahit damihan ko pa
'yung sandata na iatake ko sakaniya, napaka-layo niya at may punong nakaharang sa
pagitan namin!

Isa pa, 100% na rin ako ngayon na sigurado na siya ang kalaban! Malamang
kinokontrol niya 'yung mga puno!

Hinawakan ko ang Boomerang. Tinatak ko sa isip ko na kapag sumblay ako sa pagpatay


at pagpatigil sa nilalang na 'yon, paniguradong hindi na ako magkakaroon ng tiyansa
na patayin siya. Kaya hangga't hindi niya pa napapansin na wala ako sa mga
lumalaban sa mga pinapagalaw niyang puno, dapat samantalahin ko na!

"Atake, kapag tapos kong gamitin ang Bow and Arrow. Dun sa likuran ng target."
Bulong ko dito. Binato ko ito sa kung saan at parang may isip nga na lumiko ito sa
bandang hindi siya muna makikita ng target namin. "Good job, naughty Boomerang." I
mouthed.

Kumuha ako ng limang arrow, nilagay ko sa bow at nanginginig ang mga kamay na ni-
ready ang bow.

Abala parin sila Angel sa pag-ubos samga puno na hindi naman talaga mauubos kung
may nagmamanipula naman!

Nag-aalalang tinignan ko si Trey, may dugo ito sa noo at kamay.

Hindi parin nila ako napapansin.

Mabilis na tumapat ako sa pwesto ng malayong nilalang. Tinira ko ang sabay-sabay na


limang-arrow. Mukha siyang nagulat, minanipula niya 'yung mga ugat ng puno at
inatake sa banda ko.
Kusang lumapit sa mga kamay ko 'yung mga daggers. Mahigpit na hinawakan ko 'yon at
binato sa direksiyon ng nilalang.

Nahampas ako ng mga ugat, kaya napatalsik na naman ako sa sahig at malakas na
sumigaw sa sakit.

Napairap ako sa kawalan nang makita ko yung arrows at daggers na hinampas lang ng
mga ugat palayo! Sinasabi ko na nga ba!!! Sablay, Ahhh!!! Kainis!!

Lumutang yung sword ko at inisip ko na magkaroon yun ng pakpak. Pagkadilat ko


napangiti ako nang may pakpak na nga yung espada ko!

Akmang ihahagis ko na sana ito sa direksiyon ng kalaban, nang biglang tumalsik ito
dahil sa sanga ng puno na humampas sakin.

"Astrid! Damn. Tumakas na lang--" Lumapit ito sa'kin.

Ang dami parin mga puno na gumagalaw!

At ang dami ko nang pasa at sugat!

"Yung kalaban! Ayun!" Turo ko.

"Ha?"

"Sa tingin ko siya yung pinaka-kalaban! Siya yung atakihin niyo."

"HINDI TAYO MATATAPOS DIYAN SA MGA PUNO!" Trey, naglingunan nang nagtataka yung
apat. "ASINTAHIN NIYO YUNG UNANO!"

"Saan--"

Hindi na namin natapos ang pag-uusap nang may malaking anino ang bumalot sa 'min.

God.

"Deh..Dehado na tayo." Travis

Malaking puno na ang nasa harap namin. Higante! May dalawang kamay at malaking
bibig!! Hinanap ko yung nilalang, pero hindi ko na siya makita! Sinasabi ko na nga
ba!

Nilatigo kaming lahat ng maninipis na ugat nito. Napahiga kami at sobrang kirot ng
katawan namin sa sakit.

Pagod na sila Travis!

Kinapa ko ang Fire at Air gem ko pero. . nakita ko lang ang mga 'yon sa sahig 'di
kalayuan sa'kin, lumiliwanag pero namatay rin yung liwanag saka ko na napansin na
basag na ang mga iyon!

Yung gems ko. Nanlulumong tinignan ko lang ang mga ito. Hindi ako makatayo!

Malaking puno ang binunot ng higanteng puno at akmang ibabato samin. Kahit tumakbo
kami, matatamaan parin kami nun!

"This is not happening." Trey

Binato ko ang puno ng bombs, daggers, missiles. Pero hindi tinablan. Napapikit na
lang ako.

Ilang segundo ang lumipas. Walang puno ang tumama sakin!

Minulat ko ang mga mata ko at wala na ang higanteng puno.

Hanggang duon na lang ang naaalala ko.


Trey's POV

Nawalang parang bula yung higanteng puno. Nalaglag ang isang maliit na nilalang sa
lupa na duguan.

"Elemental Creature." Justine

"Yang shit na yan ang salarin sa lahat ng puno kanina! Bullshit, susunugin ko
'yan!" Gigil na tumayo ako para lapitan yung unanong wala na yatang malay nang
hawakan ni Travis ang kwelyo ng shirt ko.

"Puntahan mo si Scarlett at iuwi mo na. Nahimatay 'yung asawa mo!" Travis

>>

"WHAT DID I SAY?!" Tanda

"Di ko alam." Prenteng naka-upo lang ako sa sofa nitong office niya.

Habang siya umuusok na sa galit.

"I DID WARNED ALL OF YOU ALREADY! SINABIHAN KO KAYONG 'WAG TUMULOY SA BAGAY NA
PROBLEMA NI HAYDEE LANCASTER,"

"Pwede ba, Tanda. Wala naman nangyaring masama. Nahimatay lang yung nga babae, si
Travis nagpaka-hero sa Lancaster na 'yon at hinanap mag-isa 'yung Chest." Bored na
sagot ko. Siyempre, para kay Lancaster. Ang plano, ibibigay niya na lang kay Astrid
yung Chest pagkauwi niya rito.

Kaya niya na 'yon. May Stone at Metal Gem naman siyang hawak.
May sinisigaw at sinesermon pa si Tanda sa'kin pero tumayo na ako para lumabas.
Sinubukan niya pa akong pigilan ng Illusion Gem niya, tss. Pero sa huli hinayaan
niya na ako, boring siya kausap.

Parehas na inuwi nalang namin ni Justine sila Haydee, Angel at Astrid na nahimatay
tatlong-oras na ang nakakalipas. Yung boomerang ni Astrid, nailigtas kami nun. Di
ko alam kung paano. Basta nasaksak nun yung unano.

Tungkol duon kay Hecate. Maisip ko pa lang ang pangalan niya nanlalamig na ako.
Bago pa man mangyari yung kahapon, nakakatanggap na ako ng Death threats niya.
Hindi na rin ako pinapatulog ng mga ala-ala ko at ni Secate.

Yung nakaraan.

"Trey, alam mo, ang gwapo mo." Secate

"Naman! Kaya nga nagustuhan mo 'ko--"

"Sige, shut up na. Aandar ka na naman sa gwapo thingy mo! Haha."

Nalulungkot ako dahil kahit kailan hindi ko masusuklian ang pagmamahal niya sakin.
Si Astrid lang ang mahal ko kahit wala na siya, siya at siya lang talaga. .

Iyak ako ng iyak. 09 yrs old lang ako, pasaway at laging naiinis sa sariling nanay.
Kaya hindi ko inaakala na mamimiss ko pala siya ng sobra ngayong wala na siya.

"U-umayos ka na, Trey." Secate. "Ayusin mo sarili mo, tanggapin mo na lang na wala
na--"

"Umalis ka!!" Dalawang mahal ko ang nawala sakin sa isang iglap, hindi madaling
ayusin ko ang sarili ko kagad. Hindi madali

"Ilang buwan na ang lumipas, Trey. Nakakulong ka parin sa madilim na kwarto mo na


'to. Pati si Tito Cavin at Tam nag-aalala na sa--"
"WALA AKONG PAKIALAM! UMALIS KA NA, HINDI KITA KAILANGAN!" Sigaw ko mula dito sa
sulok. Gusto ko mapag-isa.

"Bakit? Bakit 'di mo makita na nag-aalala rin ako sa'yo?! Bakit sinasabi mong wala
akong pakialam! Kahit kaibigan, ituring mo 'kong kaibigan ngayon. .."

"Si Astrid lang ang. . . mahal ko. Siya ang gusto ko." Bulong ko. "Gusto ko rin
makita si Nanay." at tumulo na naman ang mga luha ko.

"Tutulungan kita!! Kalimutan mo lang si Astrid!! Kalimutan mo na siya. . KASI PATAY


NA SIYA, MATAGAL NA, TREY!!" Secate

"Tumahimik ka!!"

"Tutulungan kita...Tutulungan kita, pero sa mama mo lang. Hindi kay Astrid, Trey.
Isusugal ko ang gem ko. Wag kana umiyak."

Pero hindi ko siya pinakinggan. Sinunod ko ang gusto ko, na sa huli nagulat rin
ako. Gulat dahil isa lang ang naligtas ko.

Hindi ko na alam ang nangyari. . isang segundo narinig ko si Tanda "Patay na


siya." At dun na ako nagalit sa mundo. Na pati si Secate. . pinatay ko.

Alam ko naman na si Hecate ang may gawa ng mga kutsilyo at karayom kahapon. Isa
siyang mangkukulam na gamit-gamit ang Black magics.

Pero inutusan rin ako ni Tanda na iligpit o patahimikin si Benjamin at ang tito
niya. Tutol ako, ayokong. . ayokong pumatay ulit! Kaya napagdesisyunan namin na
ilayo na lang siya sa StoneGem Academy, marahil may alam si Benjamin kaya nagawa
namin yon ni Tanda.

Hindi ko nga alam yung eksena ni Felix kahapon. Na muntik na raw patayin ni
Benjamin si Ice, wala na akong pakialam! Basta malayo lang si Benjamin dito at kay
Astrid.
Binuksan ko ang pinto ng dorm ko. Baka gising na si Astrid, gagamutin ko pa 'yung
ilang sugat nun.

Pagkapasok ko chineck ko yung kwarto ko, kung gising na ba si Astrid.

Naabutan ko itong nakaupo sa kama, habang sa harap nito ay isang itim na maliit na
box na parang projector dahil naglalabas ng isang hologram. Di ko alam, parang
film!

Film na itinatampok ang mga eksena noong. . bata pa kami!

Mabilis na naglabas ako ng Red gem at binato ng kuryente ang maliit na black box na
'yon.

"TREY!" Sigaw ni Astrid.

"A-ano 'yun?! Saan galing 'yung bagay na 'yon?! Paanong nagkaroon ka nun?!"
Pinagpapawisan na ako ng malamig. "M-may. . nalaman ka ba na--I mean, shit!"
Tumayo ito sa harapan ko at pinisil ng mahigpit ang ilong ko. "Oo, alam ko na!
Walanghiya ka!"

Pakiramdam ko natigil ako sa paghinga.

"Astrid. ."

"Binubully mo pala talaga ako noon, ano! Grabe yung nasubsob yung mukha ko sa pupu
ng manok dahil sayo!! Letche!"

"H-ha?"

"Painosente! Itong box na 'to nasa labas ng dorm mo, nakita ko nung palabas sana
ako."
Hecate, please don't.

To be continued...

A/N: Mobile ud. NCAE na, review time! Bye, have a blessed day, everyone! Love God,
He loves us soooo much!

@MayuKimmy (SilveryLuna, past username.) <3

Third Person's POV

''Ang boring nakakainis!'' Sandy na kabababa la'ng galing sa second floor.

''Oo nga naman! Ang KJ talaga nitong mga 'to! Urgh!'' Maxinne na hinampas ng unan
si Ace at Felix na nakaupo sa sahig at naglalaro ng xbox.

''Raaay!'' Kamot-ulong lingon ni Ace kay Maxinne at nilisikan ito ng mata. ''Hoy,
baby Max! Mahal kita pero 'wag ka magulo, pustahan 'tong ginagawa namin!''

''Ah ganon!'' Pinagbabato pa ulit ito ni Max ng unan.

''Wala kasing magawa, ang boring! Ahh!!!'' Tili ni Sandy

''Ang daming pwedeng gawin! Isa-isahin natin..'' Dionne

''Oo nga naman.'' Felix


''Pwede kang ngumiti na lang. Baka mas lalo pa akong mainlove sa'yo,'' Dionne

''Hindi ako ngingiti.'' Sandy

''Tama, Sands. 'Wag ngingiti.'' Maxinne

''Oh kaya, tumambling ka.'' Felix, ''Ang lawak ng salas na 'to, tumbling kayo diyan
nila Maxinne. Hahahaha.'' Nag-apir pa silang tatlo ni Dionne at Ace,

''Mga baliw! Argh!''

''Trey, pwede mamasyal?'' Astrid na nangungulit kay Trey na nagluluto sa kusina.

''No.''

''Trey, pwede maglakad-lakad sa labas?''

''No.'' Busy parin ito sa paghahalo ng niluluto.

''Dito la'ng naman sa village.'' Crossed-fingers na sabi ni Astrid.

''Hindi pwede, umuulan.''

''E, mag-mall?'' Astrid. ''Kasama ko sila Sandy, lahat ng girls kung ayaw niyo kami
samahan.''
''Umuulan.''

Umupo na si Astrid sa counter sa kitchen. ''Di naman uulan sa loob ng mall, ah.''

''Astrid! Tsk. Kapag natalsikan ka nitong niluluto ko, umalis ka diyan.''

''Sige na kasi. Wala naman ulan sa mall!'' Bumaba pa ito mula sa kinauupuan at
niyakap si Trey mula sa likod. Napangiti naman ang binata sa pinaggagagawa ng asawa
niyang 20 minutes nang nangungulit.

Humarap ito. ''Astrid--'' Tinakpan kagad ni Astrid ang bibig nito gamit ang kiss
niya.

''Pumunta tayo dito sa Mortal World para sa wala? Akala ko ba para mag-relax--''
Astrid

''Para magtago, Scarlett.'' Paul

Napalingon silang dalawa sa mga pumasok sa kitchen. Sila Paul, Regina, Ice.

Matapos ng tatlong-araw napagpasyahan ng mga lalaki na pumunta sa Mortal World nang


patago. Gusto nilang protektahan si Scarlett, pansamantala. Una, hindi pumayag si
Mr. Cavin, responsibilidad ni Scarlett Astrid na harapin ang lahat, hindi rin naman
titigil ang mga taong gustong pumatay sakaniya at makuha ang gem kung magtatago
lang siya.

Pero ipinaliwanag nila Trey at Travis ang tunay na dahilan. Kaya sa huli, pumayag
si Mr. Cavin kahit na napipilitan lang 'to. Naiwan sa academy sila Haydee at
Travis.

Ang tungkol naman sa nangyari kay Haydee sa sumpa. Tagumpay si Travis na nakabalik
dala ang Curse Chest na halos buong-araw niyang hinanap. Puro sugat ito at halos
mahimatay na nang makabalik sa academy. Binabantayan pala ng higanteng ahas ang
Chest.

Nabuksan ang Chest nang itapat nila sa isang butas doon na pormang hitsura ng
Weapon Gem. Lumabas ang isang hiyas na malaki at umilaw sa harap ni Haydee,
kinagabihan, nanatili si Haydee Lancaster sa katauhan niya bilang tao at hindi
nagpalit sa anyong lion.

Kunot-noo na napatingin si Scarlett kay Paul at nilingon si Trey. Ganun rin si Ice
at Regina,

''Magtago?'' Ice

''Akala ko talaga para bisitahin ang Mortal World. Hays.'' Regina

Napailing nalang habang nakangiti si Paul sa reaksyon ni Regina na nakasimangot na


habang nakaupo sa upuan harap ng dining table.

''Maguguluhan sila, Trey. Sabihin na lang natin nang--'' Paul

''Williams, do'nt--'' Trey

''Trey, calm down. Ang sasabihin ko eh 'yung tungkol kay Hecate na gustong saktan
si Scarlett. .''

''Bakit, may iba pa bang dapat sabihin bukod doon?'' Ice na nakataas na ang isang
kilay.

''Nothing.'' Paul

Pinanliitan ito ng mga mata ni Regina na ikinaiwas niya ng tingin, sigurado kasing
nagta-try na itong magbasa ng mga isip nila.
''Stop that, Regina.'' Trey

''What?'' Regina

''Reading our minds?! Stop it!'' Trey. Medyo napalayo pa si Scarlett dito nang
ilagay niya ng padabog ang potholder na hawak sa lamesa at lumabas ng kusina.

Nagsimulang magtaka si Scarlett rito . . na parang may sikretong ayaw ipaalam sila
Trey at si Paul sakanila.

>

Kinagabihan

09pm na nang magisnan ni Scarlett Astrid ang lahat ng girls sa loob ng kwarto.

Iisa lang kasi sila ng kwarto, 'yun rin naman ang request nila sa mga boys. Malaki
ang kwarto at may tatlong kama.

Nakaupo ang mga ito sa iisang kama at parang seryosong nag-uusap-usap.

"Ano kaya ang nangyayari talaga?" Maxinne na nakadapa sa kama.

"Ang tanong diyan, kung totoong yun ba talagang sinasabi ni Regina ay 'yung exact
reason nila Trey." Maxinne
"Hey, kahit ano pa 'yon, hindi dapat tayo manguna." Regina,

"Seryosong bagay na 'yon. Hayaan natin si Trey diyan." Ice

Napakunot-noo si Scarlett. Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila? Ang tanong sa
isipan niya.

Umupo ito sa kamang kinahihigaan niya at nagsalita. "Anong meron kay Trey?" Medyo
mahina pa nitong boses.

Nanlaki naman ang mga mata ng apat na napalingon sakaniya.

"Scarlett!" Sandy, "Kanina ka pa gising?!"

"Sabi sainyo 'wag tayo dito mag-usap, e!" Maxinne

Lalo naman itong pinandilatan nila Ice ng mata. "MAXINNE!" Saway ng tatlo.

"Ano? Tama naman ako, e. Edi sana hindi tayo mahuhuli--"


Napahilamos na sila ng mga mukha. Samantalang lalo naman nagtaka si Scarlett sa
pinagsasabi ni Maxinne.

"Paki-kwento. Mukhang alam niyo na, pero ako hindi. Unfair, girls." Scarlett
Astrid.

Pasimple naman na kinurot ni Regina si Maxinne sa braso. Sabay bulong na daldal.

Nanatilimg tahimik silang apat. "Sandy?"

"Uhmm. . Kasi, Scar. ." Sandy

"Best friends never hide secrets from each other, hmm?" Scarlett

Napakagat ng kuko si Sandy. "Ano kasi, e. Uhm. ."

"Si Trey. . si Secate. Si Trey namimiss si Secate. Si Trey gusto ka ilayo kay
Hecate. Si Trey na laging space out dahil--Hmmp," Maxinne. Tinakpan na ng kumot ni
Regina ang bibig nito.

"Napakadaldal mo, kaasar ka!" Regina

"Sinong Secate? Si Hecate, bakit anong meron sakaniya? Si Trey. ." Naguguluhang mga
tanong ni Scarlett. "Ano ba! Magsalita nga kayo! Bakit ayaw niyong ikwento!? Bakit
ayaw niyong malaman ko?!"

Napabuntong hininga si Ice. "Okay, Scarlett. Hindi kailangan sumigaw, we're just. .
afraid."

"Sasabihin niyo sakin kung ano man yang pinag-uusapan niyo. Ganiyan ba yan ka
seryoso at pati sakin ayaw niyo sabihin?" Medyo naiiritang tono ni Scarlett.

"Oo, seryosong-seryoso na baka sa sobrang kaseryosohan. ." Ice, " ..maisumpa mo si


Trey sa galit." Bulong nito na hindi narinig ni Scarlett.

Tumayo si Ice mula sa kama na ikinauupuan nila at lumapit sa kama na kinauupuan ni


Scarlett.

Imabot niya ang libro ng History. "Lagi ko 'yan binabasa, pinag-aaralan ko 'yung
mga sinaunang tao na may mga kakaibang gems."

Naguguluhan na inabot ni Scarlett Astrid ang libro.

"Page 470, Scarlett." Ice

Nilingon ni Scarlett sila Sandy, napaiwas ang mga ito ng tingin. Si Regina naman ay
napa-buntong hininga na lang.

Binuksan niya ang libro sa sinabing pahina ni Ice.

Page 470, "Secate, The Last Clock-Gem Holder"

Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ni Scarlett kahit hindi niya alam kung bakit.
May litrato sa pahinang iyon. Picture ni Secate, maganda ito.

"Mind-reader ang kakayahan ni Regina dahil 'yon ang gem niya. Ilang beses niyang
nababasa ang isip ni Trey, nagbabanggit ang isip nito tungkol kay Secate at sa--"
Ice

"Kay Secate lang!" Regina, "...a-at sa ano. .pagkakaibigan nila ni Trey noon.."

"Magkaibigan sila?" Scarlett

"Years pa lang ang nakakaraan sabi sa librong yan noong mamatay si Secate. Ang
ikinamatay. . 'yung gem niyang nagbigay ng taning sakaniya, nabasa ko na ang gem na
hawak ni Secate ay sobrang delikado. Kaya niyang bumalik sa past, at pumunta sa
future.Pero hindi niya pwedeng baguhin o pakialaman ang nangyari na o mangyayari pa
lang kapag ginawa niya 'yon mababago ang future, mababasag ang mga orasan pati ang
gem na ibig sabihin ay mamamatay na siya." Ice, "Pero may nagsasabi na pinatay ito
dahil sa leeg niyang sobrang pula, na parang sinakal."

Naiinis si Scarlett kung bakit nanlalamig siya sa buong pagkwekwento ni Ice sa tabi
niya.
"Namimiss siya ni Trey, Maxinne?" Scarlett

"Uhm..siguro dahil kaibigan niya ito?" Maxinne

"Alam naman natin kung gaano ka niya kamahal no need to worry." Sandy na nakangiti
pero parang kinakabahan.

She, Scarlett, felt relieved."Okay. 'Yun lang ba? About Hecate?"

"Oh. About dun," Simpleng napakagat ng labi si Sandy at nilingon si Regina.

"Nothing. She's just jealous of your gem, and wanna kill you. Kaya nandito tayo sa
Mortal World." Khionne Ice.
"Ganun ba. Si Hecate, naalala kong gusto niya nga akong patayin nung nagkaharap
kami nila Lalaine sa second encounter ko gamit ng gem ko." Scarlett

"Ah!! Ha-ha-ha, o-oo si Hecate!" Maxinne

Napatango si Scarlett, "Sige, dun muna ako sa kusina, nagugutom kasi ako."

Pagkaalis nito sabay-sabay nilang tahimik na pinagbabato si Maxinne ng unan.

"Ouch, ang lakas nung sa'yo Ice!"

"Maingay ka kasi, bagay talaga kayo ni Ace,"

>>

A/n: Comments.<3 Next update side naman nila Trey.


@MayuKimmy

Felix' POV

"Dre," Tinapik ko si Trey sa balikat saka umupo sa malaking kahoy na katabi lang ng
kinauupuan niya.

Naglakad-lakad lang ako kahit gabi na, napadaan ako sa treehouse ng village, nakita
ko 'tong ugok na nag-iisa dito.

Nagdradrama pa yata.

"Oh. Ginagawa mo dito?" Trey

Inabot ko sakaniya yung isang hawak kong beer in can. "Wala. Naglakad-lakad lang
ako, eh nakita kita. Ano bang ginagawa mo dito? Buti dalawa 'tong dala kong beer,"

Natawa ito ng bahagya pero halata naman na problemado siya nitong mga nakaraan.

Napansin na namin 'yon. Nilapitan kami ni Regina, may mga sinabi siya na nababasa
niya madalas sa isip ni Trey.
"Nag-iisip lang."

"May problema ba, brad?" Seryosong tanong ko. Sandali lang siyang natulala sa hawak
niyang lata ng beer saka nilagok yun ng tuluy-tuloy.

Problemado nga 'to

"Oo, ang laki nga, e." Trey, "Naisipan ko na ngang basagin na lang yung mga gem ko
at maglakad papunta sa kampo ng mga Dark-gem holders nang walang sandata."

Ngumisi ako. "In short? Suicide? Bakit nag-away kayo ni Scarlett?" Tanong ko kahit
alam ko naman ang prinoproblema niya.

Binalaan na kami ni Paul na 'wag muna pangunahan si Trey. Wag din daw namin
ipaaalam na binabasa parin madalas ng crush niya yung isip ni Trey.

Hahahaha. Crush. Hina kasi niya kay Regina, parang bata din gumalaw sa pag-ibig
yung isang 'yon, e!

"Sana nga nag-away na lang kami, brad." Huminga ito ng malalim at sumandal sa
malaking puno sa likod namin.
"Ah, may iba pang problema? Sige, kwento na brad! Kaibigan ako dito."

"Makakaasa ba akong makikinig ka lang? Makinig lang brad, 'wag ikwento."

"Sure," Tango ko dito at chineers ang beer in can na hawak nito. Lumagok kami
parehas, at nagsimula na siyang magsalita.

"Brad, si Astrid..bata pa lang kami nagustuhan ko na 'yon. Una, ang pangit-pangit


nun sa paningin ko. Ewan ko ba!" Trey na napapailing habang nakangiti. Lagot 'to
kay Scar kung naririnig lang siya ngayon! Haha!

"Sa Mortal World? Dito?" tanong ko.

"Yup. Si tanda, matalik na kaibigan ni Tito Zig. Papa ni Astrid, na sobra naman ang
init ng ulo sakin, lagi kasi niya akong nahuhuli na binubully yung anak niya." Nag-
eenjoy nitong pagkwekwento.

"Bawas points kaagad sa Father-in-law? Tsk, tsk. Masama 'yan." Biro ko. Napangiti
lang siya.
"Maganda naman si Astrid noon. Bata pa kami. Kahit maingay, madaldal. Naiinis lang
ako sakaniya. . siguro dahil mama niya ay nagugustuhan ng tatay ko noon? Hindi ko
alam."

I frowned. "Si Mr. Cavin? Gusto ang mama ni Scarlett? Teka, teka.. gulo brad!"

"Ewan. Di ko naman talaga sigurado kung nagugustuhan nga ba o.. di ko alam, basta
yun ang nakikita ko noon. Lagi namin binibisita sila Asrid dito sa Mortal World.
Alam 'to ni Trav." Trey, napasimangot naman ito. "Siya nga ang nakasundo ni Astrid,
noon."

"Hanggang sa isang araw, nagsimulang nag-away yung mga magulang ni Astrid dahil kay
tanda. Nagselos na si Tito Zig kay tanda at dun sa mama ni Astrid na laging
magkasama sa tuwing wala siya. Nung panahon na 'yon naiinis na ako kay tanda, kasi
si mama hindi naman niya kahit kailan inalagaan at kinausap ng matagal gaya ng
ginagawa niya sa harap ng mama ni Astrid.. kahit naiinis ako sumasama parin ako kay
tanda dito sa Mortal World, gusto kong bantayan siya, ipaalala sakaniya na 'wag
kalimutan yung asawa niya na naghihintay sa Magic Paradise kasama ang bunso namin
na si Tammy."

Napalunok ako. Chickboy pala 'to si Mr. Cavin, may pinagmanahan 'tong katabi ko.

Mabuti na lang nabago na siya ni Scarlett, Nako po.

Hindi mahal ni Mr. Cavin pero nakatatlong anak!! Matinik, matinik!!

"Lumipas 'yung buwan, sa dalas ng pagpunta namin sa bahay nila Astrid, ako naman
'yung nahulog sa babaeng maingay na 'yon.." Ngumiti ito na parang maraming
inaalala. "Daming bagay ang masayang balikan noon, pero nakakalungkot lang kasi
nakatakda pala akong gumawa ng kamalian noon."
"Anong...kamalian?" Nakakunot-noo kong tanong. Ito na yata yung hinihintay kong
parte ng kwento niya!

Yung sinasabi ni Regina!

Yumuko ito. He clenched his fist, he's like remembering something--

"Labas na Ace Knight, Paul Williams, Dionne Crawk! Putek nabibwisit na ako sa
bulungan niyong tatlo." Trey

"To kasi! Sabi ng 'wag maingay! Uutot na lang, e." Dionne

"Anong ako, kutusan kita diyan, si Pareng Paul yun!" Ace

"Yung halaman 'yung pagtripan niyo, baka bigwasan ko kayong dalawa diyan!" Paul,
"Tol, hahaha." Paul. Bati nito samin.

Isa-isa ngang naglabasan yung tatlo mula sa puno sa di masyadong kalayuan sa pwesto
namin.
"The fvck! Kanina pa kayo diyan?!" Gulat kong tanong. Hanep, 'di ko napansin!

"Nasa likod mo kami kanina pa habang naglalakad." Dionne

"Nagbabaka-sakaling lumabas ka ng bahay para mang-chixx. Sayang! Vivideohan kita,


susumbong ko kagad kay Ice!" Ace

"Aba't! Wag mo 'kong itulad sa gawain mo!" Sigaw ko saka pumulot ng bato at ibinato
dito, umiwas naman agad ang itlog.

Nag-siupuan na rin sila sa kahoy. "Sweet, pare! Since birth nagmamahalaan na pala
kayo ni Scarlett mo!" Ace

"Kuha pa ng isang case dun ng beer! Mapapasarap kwentuhan natin dito!" Paul.

Ginamit naman ni Dionne ang Speed gem niya papunta sa bahay nila at kumuha ng isang
case
"Ano ba talaga yung pinaka-problema mo? Wag ka na magtago, brad. Nahahalata na
namin na problemado ka." Paul

Nagkuhaan ulit kami ng beer sa case na kinuha ni Dionne mula bahay.

"Yun ba? Wala 'yon!" Trey, mabilis na iniinom yung beer niya saka kumukuha ulit sa
case at dirediretso na naman na iinumin.

Nakangangang tinitigan ni Ace yung case. "Pre, nag-iinit pa lang kami sa isang
beer!" Dionne

" Ikaw naka.. one, two, three, four na beer kagad?" Ace.

Sinenyasan ko si Paul na patahimikin yung dalawa sa tabi niya.

Hinintay namin si Trey na magsalita ulit.

"Naghahanap ng lakas ng loob." Paul mouthed to us


Kibit-balikat lang ako.

"Bata pa lang ako, nakapatay na ako."

Nanlaki ang mga mata nila Ace at Dionne, dinuro ko na sila, mahirap na baka magside
comment tong mga to, maudlot pa pagkwekwento ni Trey!

Nakapatay siya. Ayan nga ang ikinuwento ni Regina saamin na nabasa niya kay Trey.

"Ano pa." Paul

Tumawa ito ng malakas. Si Trey. "Ano pa? Hahaha! Ano pa?! Yun lang naman..
nakapatay lang ako ng tatlong tao noon!"

Lasing na 'to.

"Sino, pre?" Dionne


"One time, sumugod sa galit ang mama ko dito sa Mortal World.'' Trey,

''Sinabi kong ipagpapalit na siya ni papa sa mama ni Astrid kung wala pa siyang
gagawin! Alam niyo nangyari nun?" Namumula na ang mga mata nito.

"Ano?" tanong ko.

"Napatay ni mama ang nanay ni Astrid, walang laban si tita Wendy dahil mortal lang
siya kaysa kay mama na Fire gem user. Pero ang ikinagulat ko.. ay pag-iyak ni
Astrid nun. Nandun siya nanonood sa nangyari. Binura ni Tanda ang ala-ala niya, at
umalis kami dun kahit labag sa kalooban kong iwan si Astrid na wala ng maalala at
ang nanay niyang wala ng buhay. Kasalanan ko yun, kaibigan lang naman talaga ang
turing ni tanda kay Tita Wendy. Nagalit lang ako dahil mas may oras siya dun kaysa
samin! Sa huli...parehas na patay ang mga ina namin ni Astrid. N-namatay rin si
mama, kasi nakahanap rin ng lusot si tita Wendy para lumaban.''

Galit ang rumehistro sa mukha ni Dionne. Matalik niya nga palang kaibigan si
Scarlett.

"Dun kami nagkalimutan ni Trav bilang magkapatid kasi mali raw ang ginawa namin.
Iniwan lang ng walang tulong sila Astrid. Mali naman talaga, alam ko." Nagbukas
ulit ito ng bagong beer, nagkatinginan kaming apat sa sobrang gulat sa mga narinig
namin. ''Nagluksa kami sa pagkamatay ni mama, sobrang hirap nung mga panahon na
'yon, wala akong kinakausap..bukod sa makulit na si Secate..''
Hinayaan lang ulit namin ito na maglabas ng mga problema niya talaga.

''Kaya nga binalikan ko 'yung bahay nila Astrid, kung saan iniwan namin ang mama
niyang wala nang buhay. Pero iba 'yung nadatnan ko..bangkay na Astrid na lang rin
ang nandoon.'Hindi ko alam kung anong nangyari..''

''Wala na rin akong kinakausap nun, nagkukulong ako sa kwarto ko na parang babae
kasi sinisisi ko 'yung sarili ko. Kasalanan ko kung bakit nagkamatayan silang
lahat! Kasalanan ko..'' Rinig namin ang pagsinghot nito..umiiyak na.

Napatingin na lang ako sa malayong direksiyon. Grabe pala talaga 'yung mga
nangyari. Ito ba 'yung madalas niyang maisip? Kung ako rin ang nasa posisyon niya,
baka hindi ko nga kayanin ang konsensiya..

''K-kung ganoon, p-paanong...'' Ace, ''Paanong buhay si Scarlett ngayon? Ibang tao
ba yung kinikwento mo?''

Tumingin ito samin isa-isa saka tumawa ng malakas. Nanatili parin kaming tahimik,
dala lang yan ng alak. Kailangan din namin siya matulungan..mabigat na problema nga
ang meron siya at kaibigan kami dito.

Tumingala ito at sumandal sa puno habang nakapikit. ''Si Secate..'yung huling may
hawak ng Clock-gem? Matalik kong kaibigan na higit pa sa kaibigan ang turing
sa'kin? 'Yon., siya lang ang nakatagal sa ugali ko na suwail, 'yun pala mahal na
ako. Haha!'' Trey, ''..kasagsagan ng pagluluksa at pagkukulong ko sa kwarto.. in-
offer niya sa'kin ang pinaka-magandang tulong na natanggap ko sa buong buhay ko.''
''...in-offer niya na gamitin namin ang gem niya. Babalik kami sa nakaraan at
babaguhin 'yon. Bubuhayin namin si mama. Pumayag ako. Pero gumawa rin ako ng paraan
para mabuhay rin si Astrid, laking tuwa ko at nagtagumpay ako. Ginawa ko rin ang
lahat para maligtas yung mama niya.. pero wala. Pagkabalik namin sa present time,
nagalit si Secate.. ayaw niya kay Astrid..''

''...gagawin niya raw ang lahat mapatay lang ulit si Astrid, sinaktan ko siya gamit
ang gem ko. Nagalit ako. Sumunod na araw, nagbanta siya na ipagsasabi niya sa mga
nakatataas ang tungkol sa illegal na paggamit namin sa Gem niya.'' Trey

''Illegal?'' ako

''Hindi dapat gumalaw ng mga bagay sa nakaraan o hinaharap.. 'yun ang rule ng gem
na hawak ng Last Clock-gem holder.'' Paul, ''Pero ginawa pa rin ni Trey..''

''Tama.. natakot pa ako nun. Kaya..sinakal ko siya. Pinatay ko siya. P-pinatay ko


siya, maniwala kayo nagsisisi na ako!'' Nagtono na itong nagsisisi na naman.
Napailing na ako sa mga nagawa niyang MALI. Maling-mali ang lahat! ''Nabuhay nga si
mama nun, pero sa 'di malamang dahilan ay namatay rin. At.. si Astrid--'' Trey

Hindi na siya nakapagsalita nang tumayo si Dionne na kanina pa tahimik. Hinila nito
sa kwelyo si Trey patayo na ikinagulat namin, sinuntok niya ng dalawang beses sa
mukha.

Napatayo kami kagad para awatin siya.


''..at si Scarlett! Lumaki sa puder ng tiyahin niya na laging pinahihirapan siya!
Laging umiiyak sa pagkamatay ng nanay niya at naghahanap ng mga taong magmamahal
sakaniya!! Hindi ako galit sa'yo dahil pinatay mo ang nanay niya, nagpapasalamat pa
ako kasi nabuhay si Scarlett dahil sa kagaguhan mo! Pero masusuntok uli kita kung
sasaktan mo lang rin sa huli si Scarlett!'' Dionne

**

A/n: NCAExamination bukas, aba naka-update pa ako kahit ang daming dapat reviewhin!
Hahahah, ganun ko kamahal ang mga naghihintay! Yung MP, sa Friday na lang UD nun :*

@MayuKimmy (Mayu Kimmy : FB)

A/n: Nitong mga nakaraang chapters napaka-gulo. Aware naman po ako du'n, kasi po
lagi na po akong busy, kung hindi busy malungkot. O kaya bad mood at stress, madami
po kasi akong ginagawa sa buhay ko. Kaya 'yung updates ko ang lame tapos ang gulo,
dahil lagi akong nagmamadali magtype. Minsan may mga nakakalimutan na ako iadd sa
chapter kaya lalong magulo na.

Susubukan ko pong ayusin na, promise.

P.S: Don't expect too much naman po, Grade 9 High school la'ng po ako T__T Huhu

Third Person's POV

Tanghali nang maabutan nila Paul at Felix si Trey sa sala na nag-iisa.

Wala sila Scarlett dahil pinayagan na rin nila ang mga ito na mamasyal kasama sila
Dionne at Ace,

"Ano 'yan?" Tanong ni Paul kay Trey tungkol sa hawak nitong mga pulang envelope.

Nag-igting ang panga ni Trey at pinunit lahat ng sulat na 'yon at tinapon.


"Pananakot ni Hecate."

"Hecate? Alam niyang nandito tayo?" Paul

"Oo, ayun na nga o. Shit talaga!" Trey

"Anong plano? Magtatago na la'ng ba tayo? Si Scar?" Felix,

Bumuntong hininga si Trey at pinisil ang bridge ng ilong. "Di ko alam. Hindi ko na
alam! Fvck! Bakit ba ganito, putang ina!" Napatayo na ito at binasag ang mga
maliliit na vase sa center table sa sobrang galit.

Nagkatinginan ang dalawang magkapatid at hinayaan la'ng si Trey sa paglalabas ng


sama ng loob nito.

"Kasalanan mo, talagang pagbabayaran mo. Ganun talaga," Simpleng sambit ni Paul at
umupo sa sofa. "Wala tayo magagawa,"

"Hindi naman yata titigil ang isang 'yon hangga't wala siyang naigaganti, I guess."
Felix

"Tama. Kaya harapin mo na la'ng si Hecate," Payo ni Paul na kalmado parin ang tono.
"Tapusin mo! Nang sa gano'n tapos din problema mo."

Lumingon rito si Trey at ngumiti na halata namang problemado parin. "Yun nga
gagawin ko. Pero ayokong idadamay niya pa si Astrid dito, ayokong masaktan pa si
Astrid.."

"Ayaw mo rin na malaman ni Scarlett. 'Yung tungkol sa mama niya 'di ba?" Lumingon
silang lahat sa dumating.

"Regina. Anong ginagawa mo dito? S-si Astrid?" Trey


"Don't worry, Trey. Kasama nila Ace dun sa basketball court." Kibit balikat nito at
mataman na tinitigan ang mga basag na vases. "Una sa lahat, gusto ko rin tumulong.
Pwede ko ba malaman kung bakit ka natatakot? Dahil sa hindi mo natulungan ang mama
ni Scar?" Regina

"No. Dahil nanay ko ang pumatay sa mama ni Astrid. Plus lagi niya itong iniiyakan,
naaalala kong sobrang lungkot niya sa pagkamatay ng mama niya. Hindi ko sigurado
kung--baka..baka magalit si Astrid, natatakot ako." Trey. Napaupo na ito sa sahig
habang frustrate na hawak ang mga hibla ng buhok

"So? Ganiyan ka na la'ng? Hanggang si Scarlett na mismo ang makaalam? Hindi mo ba


gagamitin utak mo Trey?" Regina

"Naiisip ko pa la'ng na babanggitin ko 'yon sakaniya, nanghihina na ako! Hindi 'to


madali! Hindi madali, Regina. Hindi." Trey na pahina na ng pahina ang boses.

Napuno ng katahimikan.

"Pre, mas maganda 'yung habang okay pa 'yung sitwasyon hanapan mo na ng solusyon."
Felix, "Kasi kahit saang anggulo halata naman na relasyon niyo 'yung manganganib
dito kung sakaling malaman na 'to ni Scarlett."

"Ano ba! Mali naman kasi kayo!" Inis na sigaw ni Regina, "Talagang manganganib
'yang relasyon niyo kahit ano pa gawin mo. Sorry, pero binabasa ko 'yung nasa isip
mo palagi Trey at alam ko na ang buong kwento. Ang masasabi ko la'ng,bilang
kaibigan gusto ko sanang magpaliwanag ka na kay Scar. Hangga't maaga pa, Trey"
Tumayo na at lumabas ng bahay.

Trey's POV

"Nagalit na." Paul, "Pero tama si Regina. Ipaintindi mo kay Scarlett na wala kang
masamang ginawa. Nakatadhana na lahat 'yon, wala tayong magagawa."

Napayuko na ako sa laki ng takot na nararamdaman ko.

Sasabihin ko na?

Anong magiging reaksyon ni Astrid dito?

Iiwan niya ba ako?

Magagalit ba siya sa katarantaduhan ko?

Pero bata la'ng ako nu'n! Hindi niya ako pwedeng iwan! Hindi 'yon mangyayari.

"Kaya mo 'yan. Nandito la'ng kami, brad."

Nag-angat ako ng tingin sa dalawa na nakangiti na saakin. Bumuntong-hininga ako


saka tumayo.

"Tara," Aya ko at lumabas ng bahay.

Mahal ko si Astrid at hindi ko siya bibigyan ng dahilan na iwan ako.

Hindi niya ako iiwan.

**

Pinuntahan namin 'yung basketball court na sinasabi ni Regina.

Ginagawa nila dito?

"Waaaa! Ang gwapo naman nu'n!" Rinig kong tili ni Astrid kay Sandy.
What the fvck!

Sinong gwapo bukod sa'kin?!

Tatanggalan ko ng ngipin!

Nakaupo silang mga babae sa gilid habang pinapanood 'yung mga nagbabasketball na..
kalaban sila Ace?

Madaming tao.

"Oo nga! Ang puti talaga lalo na 'yung chinito o!" Sandy

"Ay, bet namin ni Khionne Ice 'yung naka-red sando!" Maxinne

"Talaga? Red Sando?" Sabat ni Felix, napatawa ako. Nagkunyari pa itong tinatanaw
kung nasaan 'yung naka-Red Sando. Meron nga. "Yan ba pagpapalit mo sa'kin, Ice?
Wala ka na bang taste ngayon?"

"Hala, hoy ah! Hindi ako nagsasalita dito!" Ice

"Hahahaha, ang gwapo kaya! Galing pa na three point shooter!" Astrid na ngumiti pa
ng malapad.

"Aba't ilang minuto mo la'ng ako hindi nakasama, pinagpapalit mo na ako?!"


Nilapitan ko ito saka kinurot sa ilong. "Gwapo na sa tabi mo ipagpapalit mo pa?
Tsk."

"Aray! Galing kaya, ang bait pa!" Tumayo ito bigla. "WOHOOO! GO, GIO! TALUNIN MO
'YANG MGA PANGIT NA 'YAN! GO!" Sigaw nito.
Naghagalpakan naman ng tawa sila Paul at Regina,

"Hoy, Scarlett! Nakakasakit ka ng puso!" Sigaw ni Dionne na hinahabol 'yung kalaban


na may hawak na bola.

-___-

Kita kong kumaway 'yung putang inang hindi ko kilala! Bakit niya kinakawayan si
Astrid?!

Nagkakagustuhan na ba sila?!

Aba't kumindat pa ang gago!

"Fck, babangasan ko 'yan." Bulong ko.

"Di ba? Kita mo 'yun?! Ang gwapo diba? Mahihimatay na ako dito sa kagwapuhan niya,
saluhin mo na lang katawan ko ah." Astrid. Mukhang nag-eenjoy pa. Aba!

Poker face na tinitigan ko si Astrid, Maxinne, at Sandy.

Mga taksil samin. Nag-a- I love you dun sa mga naglalaro ng basketball!

Isa pang sigaw baka masunog ko na 'yong Giong gago na 'yon.

"Bakit?" Natatawa nitong tanong. Ni Astrid. "WAAA TINGIN DUN, TREY! NAKASHOOT ULIT
SI GIO O! WAAAA NAIINLOVE NA AKO--" Astrid

Hindi niya na natuloy 'yung sinasabi niya nang hubarin ko 'yung t-shirt kong white
at ibato sa mukha niya 'yon.

"Paul, Felix tara laro!" Aya ko sa dalawa na game rin na lumapit sa gitna ng court
kasama ko.
"Woah! Trey! Mga brad, dito na pala kayo sakto!" Ace

"Hoy, palit kampi!" Sigaw ni Dionne sa tatlong kakampi nila kanina.

Lumapit 'yung mga kalaban nila kasama 'yung Gio na may mukhang magnet. Pakiramdam
ko namamagnet 'yung kamao ko sa pagmumukha niya.

"Sino naman kayo? Naglalaro kami, kita niyo?" Gio

"Hindi. Bulag ako, sorry. 'Di ko makita, nasan ka?" Acting ko na bulag-bulagan.

Ngumisi ito saka pinatong 'yung kamay sa balikat ko. "Mapagbiro 'tong kaibigan
niyo," Gio gago.

Tinabig ko 'yung kamay niya saka ngumiti. "Bakla, mahina." Bulong ko. Meron siyang
taglay e. Taglay na kapangitan, saang parte ba dito ang nagwagwapuhan 'yung asawa
ko?!

Ah, 'yung likod siguro. Tama,

"Asawa ng pinagpapacute-an mo, pare." Nakangising sambit ni Ace sa Gio. Lumingon


naman ito sa pwesto ni Astrid.

'Yan tama 'yan, nang malaman niya!


"Ah, 'yung maganda at sexyng babaeng 'yon na nag-I love you sa'kin? Haha, asawa?"

Inirapan ko si Astrid na nakangangang nakatingin samin.

"Maglaro na la'ng tayo! Dadaldal ka pa, e!" Pigil na inis na sabi ko dito. Ngumiti
ito na lalong nag-uudyok sa'kin na bangasan na siya nang 'di na siya makangiti.
Tang-ina, ang sarap niyang tustahin.

Pumito 'yung referee sa gilid kasabay ng umpisa ng laro at sigawan ng mga babaeng
nanonood.

Pinasa ni Paul sa'kin 'yung bola, pero hinarangan kagad ako ni Gagong Gio.

"Lampa, bigay mo na 'yung bola," bulong nito na suot na naman ang nakakabadtrip
niyang ngisi.

"Lampa? Ha, takot ka na kaya hinihingi mo na lang yung bola?" Asar ko saka mabilis
na nilusutan siya at nag 2points.

Scarlett Astrid's POV

"Oh my god. Bakit--" Sandy


"Bakit ang yummy ni Trey, Scar! Ang abs uwaaah--Ouch, Ice!" Maxinne

"Shut up, yummy yummy ka nalalaman!" Ice

"Hahaha, tandaan mo, LQ kayo ni Ace kaya nandiyan 'yan sa court! Your fault,
actually." Regina na tumatawa.

Nakasimangot parin ako.

Pinagtritripan ko la'ng naman si Trey, e!

Matutuwa na sana ako na makikipaglaro siya ng Basketball dun kasi nagselos nga
siya, PERO BAKIT SIYA NAKA-TOPLESS DIYAN?!

Masyado niyang pinagmamalaki 'yung abs niya, nakakainis ang daming mahaharot na
babae ang naglalaway katitingin sakaniya ngayon! Hay nako!

Ilang minuto na at grabe talaga! May talent sa sport na 'to ang mga kaibigan ko!
Idagdag mo pa si Trey na tinatapatan lagi 'yung 3pts shoot ni Gio! Napaka-ano pa..
macho omaygad! Haaaay, lalo akong nainlove sa asawa ko! Gosh,

Nag-second quarter, last quarter na ng game. Ang score 39-45. 45 Sila Trey.

"MYLOVES ACE BATI NA TAYO, GO KAYA MO 'YAN!" Maxinne

"Hindi talaga uso hiya sa'yo, 'no?" Regina

"Hindi, sorry." Maxinne


"Hahaha, patay LQ!" Sandy

"Hindi sila Lovers, excuse me. Hahaha!" Ice

"Hindi rin naman sila lovers ni Felix, nyenye~!" Maxinne

"Haha, mabuti pa kami. Husband and Wife," Asar ko sakanila.

"Then, patay ka later. Hahaha," Sandy

"Oo nga, may HWQ kayo." Maxinne, "Husband and Wife Quarrel kayo. Hahaha"

"Hahaha, I love you, Gio pa, Scar." Ice

"Hindi naman ako nag-I love you, Gio!" depensa ko.

"Oo, sige cheer mo na la'ng ulit si Gwapong Gio. Hahaha lagooot~" Regina

T___T

**

at the Mall

Gabi na at nandito parin kami sa mall.

Pagkatapos ng game, umuwi kami sa bahay at pinaligo 'yung boys saglit saka
dumiretso dito.

Kung tatanungin niyo la'ng naman kung kamusta 'yung game..

Ayun, panalo sila Trey siyempre.

Paano ba naman, tuwing hahawakan na rin ng team nila Gio 'yung bola nung last
5mins, bigla nitong nabibitawan.
Magsasabi sila ng ang init daw ng bola, nakakakuryente 'yung bola, ang lamig daw
masyado ng bola o kaya bigla daw dumudulas yung bola sa kamay nila.

O, 'Di ba ang daya. Halatang may mga gumamit ng gems, e.

Tapos nung natapos na 'yung game, may lumapit kay Khionne Ice na lalaki, nakipag-
usap la'ng 'yon, hiningi pa nga 'yung phone number ni Ice tapos.. haaay, si Felix
nakipag-away kaagad.

"Trey, galit ka?" Nakangiti kong tanong. Naglalakad kami sa mall, gusto ko mamili.
Pero wala sa mood itong tagabitbit ko, kailangan magbati muna kami.

"Bakit ako magagalit?" Kanina pa siya may cold treatment sakin!

"Ano.." Bakit daw siya magagalit? Kunyari pa, e! "Dahil dun kay Gio? Nagselos ka?"
Nakangisi kong tanong.

"Ah, 'yung lalaking lampa maglaro na nagugustuhan mo sabi mo?" Trey na tumawa pa ng
bahagya. "Bakit naman ako magseselos. Ang saya nga, e. Ang daming magagandang babae
'yung nakilala ko sa court."

"Ano?!" Hinampas ko ito sa braso, bwisit siya! "Binibiro la'ng naman kita kanina,
nambababae ka na diyan." Ismid ko dito.

"Ah, ngayon sasabihin mo biro lang. Ako hindi nagbibiro, may nakilala talaga akong
babaeng maganda at s--Pfft." Trey
Hindi ko na siya narinig dahil binilisan ko na mag-lakad.

Nakakairita! Sabi ko na nga ba kaya naghubad 'yon ng shirt kanina, e! Para ipang-
akit 'yung abs niya sa ibang babae!

Kainis!

Nagbibiro la'ng talaga ako kanina, lalo na nung dumating sila nila Felix sa court.
Sakto 'yon na narinig niya akong nagsabi na ang gwapo ni Gio, e.

Gwapo naman talaga! Pero mas gwapo talaga siya; si Trey. Hahaha.

Nung naglalakad kasi kami, nakasalubong namin 'yun. Sila Gio, tsaka 'yung mga
kaibigan niya. Kinausap kami, nakipagkwentuhan. Ang bait nga, e.

Tapos si Sandy lalo na si Maxinne, ay nako! Nagpacute na! Crush daw nila. Tapos
naabutan kami nila Ace, lalong nabadtrip 'yung mga 'yon kasi sinabi pa ni Max na
hindi daw namin kilala sila Ace at Dionne. Tawa nga la'ng kami ng tawa nu'n nila
Ice,

Tapos sila Gio, nag-aya ng larong basketball. Malapit na kasi sila magsuntukan yata
nu'n! Ang yabang kasi ng mga kasama ni Gio, ang hangin!

Tapos ngayon...dahil dun kaya niya ako ipagpapalit! Bwisit talagang Trey 'to!

Tapon ko siya sa mga restaurants, e. Gawin siyang tray sa pagkain dun. Huhu.

Nagdadate na panigurado sila Sandy..


"Hoy, bati na tayo." May humawak sa braso ko,

"Nag-away ba tayo? Hindi naman." Patay malisya ko.

"Bakit ang bilis mo maglakad?" Trey

"Naghahanap kasi ako ng gwapong lalaki na ipampapalit ko sa'yo." Irap ko dito.

"Ah, ganun ba? Okay, good luck." Trey na halatang nambibwisit!

What?! Argh!

"Talaga!" Inis na nilapitan ko 'yung lalaki na nakatalikod, "Hi, handsome. Gusto mo


ako na la'ng girlfriend mo?"

Nilingon ko si Trey, haha. Nakasimangot na. Dumila pa ako sakaniya, akala niya ah!

Pero maya-maya namula na 'yung mukha ni Trey at tumawa ng malakas.

Nakakatawa na ba na ipagpalit ko siya ngayon?!

Hindi na maipinta ang mukha ko, habang pinanonood siyang tumawa.

Wala na siyang pakialam, ganun?! Kaya tatawa na la'ng siya?!

Waaaaa--

"Uhm..hija?"

"H-huh? B-bakit po--" Pagharap ko dun sa nakatalikod na lalaki. Napanganga ako sa


shock!

Omygod, lupa sige na lamunin mo na ako! Sige na, please la'ng! Ngayon na, please!

Ito ba 'yung sinabihan kong handsome?! 'Yung nakatalikod?!

E, lolo na 'to, e!
Ahhhh!!!! Hanuba, kahihiyaaaan!

"Hija, kung gusto mong lumandi, 'wag 'yung asawa kong 60-anyos na! Aba, may balak
ka pa yatang kumabit blah blah blah." Matandang babae na asawa yata

Yumuko na ako sa hiya. Ahhh!!! TREY PAPATAYIN KITA MAMAYA!!

"Ah, naku, naku hindi po! Hindi po kayo sinabihan niyang handsome." Trey na biglang
umakbay sakin. Tinignan ko siya, at halatang pagtritripan niya ako base sa ngiti
niya.. "Yung nasa tabi niyo po. Si Jollibee, medyo may sira po kasi sa utak 'tong
girlfriend ko. Obsess po siya sa pwet ni Jollibee, pfft. Pasensiya na po."

T_____T Bibitayin kita mamaya, hintayin mo la'ng makauwi tayo.

**

Restaurant..

"Hahahahaha!" Tawanan nilang lahat. Nila Sandy, Ice, Regina, Maxinne, Felix, Paul,
Dionne, Ace at Trey.

Hinihintay namin 'yung orders namin tapos sila pinagkwekwentuhan 'yung kahihiyan ko
kanina. Naiiyak na nga ako sa hiya, e!

"Ang bad niyo.." Pout ko sa mga bwisit. Hindi ko 'to mga kaibigan. Huhu..

"Ikaw, Trey puro ka kalokohan. Kapag ikaw hindi binati ni Scar mamaya, lagot ka."
Regina

Tumawa la'ng 'yung impakto kong katabi.

"E, alam niyo ba may nakita akong nagkiss kanina? Aba, sa arcade pa ang napiling
place!" Maxinne
Nanlaki 'yung mga mata ni Ice at biglang namutla ang mukha. "Maximne," Warning
nito.

"Hahahaha! Unang nagreact!" Sandy

"Naks! Pare, level up!" Dionne, "Hanggang hug pa la'ng ako, e." Sabi nito at
yumakap pa sa katabing si Sandy na ikinatawa namin.

"Smack la'ng daw 'yon, bulong ni Khionne Ice." Tatawa-tawang sabi ni Felix.

"Titigil ka o itatarak ko 'tong tinidor sa'yo?" Ice

"Woah, kalma." Felix na nakataas ang mga kamay.

"Buti nga kayo may kiss at hug! E, si Pareng Paul kaya?" Asar ni Ace. Na nagpatawa
sa apat na lalaki.

"Deputa, pinagtritripan mo na naman ako, Knight!" Paul

"Hahahaha. Ano, Regina?" Felix, "Kailan mo ba 'yan balak sagutin?"

"Ha? Ano, bakit? Sino?" Regina.

"Hahahaha."

Poker face na naman si Paul.

Nagkakagustuhan na ba sila? Wow naman.

"Yung torpeng bahag ang buntot na lalaki sa tabi mo daw," Ace


"What. Hindi pa nga n-nanliligaw." Regina na namumula na.

Napatawa na kaming lahat saka pinag-aasar silang dalawa. Si Paul biglang napangiti,
bagay sakaniyang ngumiti! Tapos yumuko ito sa lamesa, sa hiya.

"Ayun o!" Dionne

"Ligawan na 'yan!" Ace

"Paanong manliligaw 'yan, e torpe nga. Hahaha!" Trey

"Hahaha. Nga naman!" Felix

"Ang ingay niyo, restaurant 'to" Regina. Blushing..

"Hoy mga ate at kuya!"

"Tammy?! Ano ginagawa niyo dito?" Gulat na tanong ko. Si Tammy nga! May..kasama.

"Date namin ni baby." Tammy

"Woy, kuya mo dito!" Ace


"Oo nga. Hi, Kuya Trey, boypren ko here.

hehehe," Tammy

"-____-" Trey

"Ay, si Ate Lalaine nga pala! Ayun o." Turo nito sa malayong table. Napatingin
kamibg lahat..

+O+

"Sino 'yun?" Tanong namin. May kausap itong lalaki

"Ah, si Gio 'yon, ate Scarlett. Her suitor..ang sweet nga nila e!" Tammy

"Nandito rin si Laine?" Trey, "Paanong.."

"Lumalablayp si ate. Hayaan mo siya! Sige, ciao!" Tammy

--

@MayuKimmy [ SilveryLuna ]
A/n: Ang sakit sa ulo. Nawawala na 'yung plot at twists sa isip ko. Hindi ko na
'to kaya tapusin, sa tingin ko. (.__.) Sht.

-Haahaha oo nga pala, may crush na ako! <3 Wohoho Normal na tao na ba ako? XD
Scarlett Astrid's POV

''Astrid naman. Hindi naman ako marunong sa mga ganito.'' Maktol ng lalaki sa
likuran ko na nagmo-mop ng sahig.

Nakaupo kasi ako dito sa dining area at kumakain ng ice-cream, while Trey.. well,
doing his punishment.

''Tumigil ka, Trey. Gawin mo na 'yan para bati na tayo.'' Pang-uuto ko. Nakakagigil
siya. Hindi dahil gwapo at hot siya kundi dahil doon sa nangyari sa mall! Aba,
hindi pwedeng hindi ako makaganti. Nakakahiya kaya 'yung nangyari sa'kin! -___-

Kaninang umaga pa siya naglalambing sa'kin, pero hindi ko siya pinapansin. Actually
kagabi pa, e. Dahil gabi na kami nakauwi ng bahay mula sa mall. At talagang naiinis
parin ako sakanya, pero ngayon.. slight na la'ng.

Kaya pinaglinis ko siya ng buong bahay. Ang laki pa naman ng bahay na 'to, pumayag
naman siya basta daw pansinin ko na siya. Ewan ko na la'ng kung hindi pa siya
magtanda sa kakapang-trip niya sa'kin. ^___^

''Malinis naman 'yung buong bahay-'' Trey

*plokk*

Mabilis kaming napatingin sa harap namin, sa may pinto ng kusina papuntang Living
room.

Nandoon si Ace na may gulat na ekspresyon sa natapon niyang bagoong sa sahig.

Napahagikhik ako ng mahina saka tinignan si Trey sa likuran ko na nakaface-palm na,

''Deputa,'' bulong nito sa inis.


''Peace, bro. Dumulas la'ng sa kamay ko.'' Ace na sobrang lapad ng ngiti saka
tumakbo rin palabas ng kusina kaagad. Natapon kasi niya 'yung mangkok ng bagoong sa
sahig, ewan ko kung natapon o tinapon.

Hahahahaha. ''Ayan, may lilinisin ka na ulit.'' Pang-aasar ko.

''Tss,''

''TREY! NABASAG 'YUNG VASE DITO SA KWARTO NI KHIONNE ICE! PAKIDAMPOT!'' Rinig kong
sigaw ni Felix mula sa second floor.

Napailing na lang ako habang nakangiti. Pinagtritripan nila 'tong loko.

''PUCHA! MUKHA MO BABASAGIN KO KAPAG HINDI IKAW ANG DUMAMPOT NIYAN!'' Trey

''SCARLETT! AYAW NI TREY OH!'' Sigaw ulit ni Felix na parang bata.

''Hoy, Trey! Linis na! Dali. Shoo!''

Umirap siya na nakapagpatawa na naman sa'kin. Pikon, hahaha.

--

''Inaantok ka?'' Nilingon ko ito. Ang gwapo ng lalaking 'to kahit kailan.
Nakashades siya at diretso lang ang tingin sa daan habang hinahangin ang kulay asul
niyang buhok. Naka-shirt ito na white at nakangisi na naman.
Napagdesisyunan naming lahat na magpunta sa bahay-bakasyunan nila Sandy at Dionne
sa isang island. Pero ang napagplanuhan, kotse la'ng ang sasakyan namin. Open car,
hindi ko alam kung paanong nakabili sila nito.

Nasa likod ng kotseng sinasakyan namin ang open car nila Dionne, Felix, Paul at
Ace.

''Hindi ako inaantok, bakit?''

Ang sarap ng hangin na tumatama sa mukha ko,

''Wala la'ng.'' Sagot nito.

ilang minuto ang lumipas...

Napakunot-noo na ako nang mapansin na parang hindi mapakali si Trey, parang tilt ng
tilt yung ulo niya sa side mirror para tignan ang kung ano, e.

''Umayos ka, mabangga tayo niyan..'' Pagpapaalala ko.

''Maayos po ako, ma'am.''

''May problema? Nawalan ba ng preno? Paubos na ba 'yung gasolina-''

''Kalma. Daming tanong.'' Natatawa nitong sagot, ''Walang-walang problema.''

Nanliit ang mga mata ko saka kinuha 'yung shades sakaniya at sinuot ko sa'kin
'yon..
''Hey, kapag ako napuwing dito, ah.'' Trey,

Nginitian ko lang siya saka kinuha ang camera DSLR namin at nag-picture.

Hindi ko alam pero bigla rin kasi akong kinabahan. Kanina pa rin ako hindi mapakali
at titig ng titig sa mga punong nadadaanan namin. Mahabang daan na kasi ang
tinatahak namin at puro puno sa gilid. Walang kabahayan sa malapit, at ilang oras
pa bago kami makarating sa destinasyon namin na island.

Pakiramdam ko may masamang mangyayari. Kakaiba 'yung tibok ng puso ko na parang


kaunti na la'ng at magpapanic na ako sa takot at kaba na 'to.

Parang ewan, pero parang may nakamasid talaga! Kanina pa!

Nilingunan ko ulit si Trey sa left side ko, nagda-drive parin naman ito.. pero
halata ko na ngayon na talagang may binabantayan siya sa side mirror ng kotse dahil
nakatanggal na ang shades niya.

Tinignan ko ang likuran, kotse nila Ace ang kasunod saka nila Paul at Felix..

''Matulog kana la'ng, Astrid. Tama na 'yang pagkain ng chichirya, malayo pa


pupuntahan natin.'' Pagsasalita ni Trey,

'Yun nga, e. Kung hindi ko la'ng nararamdaman 'tong bwisit na pakiramdam na 'to,
baka malamang kanina pa ako naghihilik.
''Ayaw ko,'' tanggi ko sakaniya,

''Tsk, 'wag nang pasaway, Astrid.''

''Ayaw ko nga, kulit.''

''Mat-''

''Ayoko.'' Pagmamatigas ko.

Ayokong matulog.. lalo na't three seconds ago nang may mamataan akong mga
kalalakihan na mabilis ang kilos at nagtatago sa mga likod ng puno at parang
sumasabay sa bilis ng kotse namin.

Dapat malaman 'to ni Trey..

''Trey sa tingin ko-''

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang kumuha siya ng chips sa chichiryang hawak
ko at ipasak sa bibig ko. Bwisit talagang, Trey!!

''Wag ka na magsalita ng kung ano. I love you na la'ng sabihin mo, dali, para
sumaya naman ako.'' Nakangiti nitong sabi.

''E, Trey, may nakita akong-''

*tsup*

O___O ''Umayos ka nga, Trey! Tignan mo 'yung dinadaanan natin!'' Gulat na sigaw ko.
Bigla kasi siyang lumapit sa mukha ko saka pinigil ang pagsasalita ko ng kiss niya.
Loko talaga, paano kung mamali siya ng drive.
''Kiss la'ng naman, asawa ko.. pinaglinis mo nga ako ng buong bahay kanina. Pagod
pa nga ako, e. Pa-kiss ulit..'' Parang bata siyang nakapout.

Napahagikhik ako sa sobrang cute niya. ''Mamaya! Magdrive ka muna ng maayos.''


Nakangiti kong sabi.

''Mamaya? Okay, sige.'' Ngumiti ito na nagfocus na sa pagdadrive pero nang


mapasulyap na naman siya sa side mirror, parang na-bother na naman.. nakikita din
kaya niya yung nakita kong mga lalaki kanina?

''Sino ba 'yung tinitignan mo sa side-''

Naudlot na naman ang sasabihin ko nang bigla itong magsalita at hawakan ang isa
kong kamay sa lap ko, kanina pa niya ako pinuputol sa pagsasalita! ''Kapag naging
maayos na ang lahat, aalis tayo ng Magic Paradise. Dito na tayo titira sa Mortal
World, bubuo ng masayang pamilya sa magandang lugar..''

Napataas ako ng kilay, ''Excuse me, Mister.. maayos naman po ang lahat.''

''Haha, tama. Maayos naman.. ang lahat.'' Ngiti niya pero mukha namang may malalim
na iniisip.

''Tsaka, excuse me ulit-''

''Nakaupo tayo, wala kang madadaanan-Hahaha aray! Bakit ba?'' Trey

Hinampas ko siya, e. Pipilosopohin pa ako. Kapag 'excuse me' ? dadaan kagad?

''Bakit tayo aalis ng Magic Paradise, e ako ang Crystal Moon? Forever
responsibility ko ang lugar.. 'di ko nga alam sa'yo kung bakit umalis tayo doon
para magbakasyon dito. Hindi mo ba naisip na baka nasa panganib na ang mga naiwang
tao doon..'' Pagsesermon ko. Lagi ko kasi yun naiisip tuwing gabi. Nag-aalala ako.
Nakakahiya sa mga tao na iniwan ko para magbakasyon la'ng..
Pero sabagay, naiwanan naman sila Travis, Haydee, Justine at Angel doon. Nandoon
rin si Mr. Cavin at iba pang professors at teachers..

''Tch..hindi habang buhay, Astrid. Ayokong habang buhay nandoon ka,'' Seryoso
nitong sabi na kinahigpit ng hawak niya sa kamay ko,

''Wala tayong magagawa. Ganun talaga,'' kibit-balikat ko.

''Meron..uubusin ko silang lahat.'' Sambit nito saka nagliwanag ang red gem niya,
nagkaroon ng apoy mula sa gem at lumipad 'yon papunta sa..uh..ewan ko kung saan
napunta 'yung apoy. Pero may impit na sigaw akong narinig.

''Ano 'yun? Baka makasunog ka ng mga puno o makatama ka ng mga buhay na hayop,
engot ka talaga!''

Ngumiti lang ito sakin saka kumindat.

Nako, pati pagkindat nakaka-inlove, haaay.

--

Trey's POV

''Kita niyo 'yun?'' Paul,

''Ang alin?'' Sandy

Nagsipuntahan kami kaagad dito sa labas ng bahay-bakasyunan nila Sandy, pagkaayos


namin ng mga gamit sa loob ng bahay.

Tulog pa rin si Astrid kahit binuhat ko na sa kwarto sa itaas, ganun din daw sila
Regina at Ice sabi nila Felix,
''Yung mga lalaking nakasunod. Kanina ko pa napupuna 'yung mga 'yon, mabibilis ang
kilos.''

''Ah, ito ba mga brad?'' Ace at Dionne na ibinagsak ang isang lalaki sa harapan
namin,

''Tinumba ko na, balak pa kaming patayin, buti na lang at mas mabilis ako.'' Dionne
na kaagad umakbay sa girl friend niya, habang pinaglalaruan sa kamay ang kulay
Orange na gem.

''New gem?'' Maxinne, ''Wow,''

Maya-maya hinigop ng isang gem niya 'yung orange gem, ''Got it. Speed gem rin 'to
tulad ng gem ko.'' Dionne,

Kaagad na nilapitan namin 'yung bangkay,

''Kilala niyo?'' Felix

''Nope,'' Dionne

''Ngayon ko lang yan nakita,'' Sandy, ''I mean ng malapitan, tutal kanina pa sila
nakasunod sa'tin..''

''Wag niyo ipapaalam kay Astrid 'to, ah. Gusto kong mag-enjoy tayo dito, hindi
magka-problema.'' Pagpapaalala ko sakanila,

Ang totoo, kilala ko ang lalaking bangkay na ito..

Nakasagupa ko na siya dati at isa siyang Dark-Gem holder,

Isa la'ng ang napatumba nila Dionne, pero apat 'yung nakita ko kanina..
Nandito lang rin yung iba sa paligid,

Kaunting oras pa, gusto ko lang gumawa ng masasayang ala-ala kasama si Astrid..wala
naman kasing nakakaalam at baka huling pagkakataon ko na 'to na maging masaya sa
tabi ng mahal ko..

Pagkatapos nito.. haharapin ko na ang lahat.

--

Umupo kami sa buhangin ni Astrid.,

Busy 'yung iba sa kung anu-anong bagay.

''Woooow~!''

Ginulo ko ang buhok niya. Parang bata na manghang-mangha sa sunset.

''Aish. Gulo na nga ng buhok ko sa hangin, dadagdag ka pa.'' Angal nito saka
sinambunutan ako. Brutal talaga kahit kailan.

''Ganiyan mo talaga ako kamahal, ano? Kundi kurot at hampas, sabunot?'' Nakangiti
kong sabi sakan'ya.

''Oo, para feel na feel mo 'yung pagmamahal ko. Kung gaano kasakit 'yung kurot ko,
ganun kita ka-love.'' Pilyang ngumiti na naman ito saka pinisil ng sobrang diin
yung pisngi ko.

Kinagat ko nga 'yung wrist niya. ''Pasaway,''

Pinanood la'ng namin 'yung maalon at maingay na dagat habang palubog na ang kulay
kahel na kahel na araw.

Ang ganda nito,

Parang yung katabi ko lang..

Naramdaman kong humiga ang ulo nito sa balikat ko, ''Trey, ilang araw tayo dito?
Ang ganda dito, ano?'' Astrid

''Ewan. Hangga't gusto mo pa dito, e di dito muna tayo.'' Sagot ko.

''Gusto ko dito. Ang refreshing, saka ang ganda. Kaya la'ng..''

''Wag mo muna 'yon isipin, nabalitaan ko naman na ayos la'ng ang Magic Paradise.''
Pagsisinungaling ko.

Tinignan ako nito sa mata, ''Weh?''

''Pfft, oo.''

''Paanong nabalitaan mo? May ganun ka nang gem ngayon?'' Pag-uusisa na naman niya,

Tumikhim ako. Wala akong maisip na palusot, ''May..ano-si Lalaine! 'Yon, si Laine,
sinabi sa'kin.''

Totoo, may sinabi si Lalaine sa'kin.. doon sa mall.

Pero kabaliktaran..

Mula dun sa restaurant, hinayaan nalang namin si Lalaine kasama 'yung..boyfriend


niya yata 'yun.
Pagkatapos namin magkwentuhan tsaka kumain doon, lumabas na kami at naging
tagabitbit ng mga babaeng kasama namin..

Pangalawang pagkakataon, nakita ko ulit si Lalaine, nilapitan niya ako..

''If I were you, babalik na ako sa Magic Paradise may-''

Sinulyapan ko sila Astrid na abala parin sa pagpipili ng mga damit, bago ko hinila
si Laine sa medyo kalayuan sa lugar..

''Bakit? Anong meron?'' takang tanong ko.

''Napapadalas na 'yung pagdalaw ng mga Dark-gem holders sa StoneGem Academy.


Saktong wala si Sundust.'' Nagcross-arms ito at tinaasan ako ng kilay, ''Dapat
nandoon palagi ang babaeng 'yan, hindi 'yung nagshoshopping lang dito.''

I sighed. ''No. Hindi pwede. Dito muna kami. Tsaka na lang ang responsibilidad niya
dun, 'wag mong babanggitin yan sakanila.'' Paalala ko.

''Trey, hangga't wala pang krimen na ginagawa 'yung Dark-gem holders, bumalik na
kayo dun.''

''Kaya nila Tanda 'yon. Naiwan rin sila Travis dun, at baka nakakalimutan mo na
malalakas ang mga proffesors sa academy. Hindi basta-''

''Paano kung lumusob silang lahat? Lahat ng Dark-Gem holders. Tapos kasama 'yung
ama ng Crystal Moon na may malakas na darkness gem?! Siyempre kakailanganin ng
lahat si Sundust! At 'pag nagkataon, saan namin kayo hahagilapin?!'' Lalaine

''Lower down your voice, you don't need to shout, Laine. Pero hindi parin kami
babalik muna dun. I have my reasons. At teka, bakit hindi ikaw ang pumunta dun at
tumulong? Isa ka sa malakas na Water-gem holder, ah.''

''A-ano..ayoko nga!'' Kaagad nitong sabi. ''Isa pa, wala pa namang masamang
ginagawa ang mga Dark-gem holders dun, nakakapagtaka nga na pinapasok lang nila
'yung mga dorms ng babae at parang may hinahanap. Inis na nga si Tito Cavin dahil
nakakapasok sila dun samantalang may barrier na nakapalibot sa buong academy
against Dark-gem holders.''
''Ah okay. Oh, ayan na pala 'yung mayabang mong boyfriend.'' Tingin ko sa palapit
na si Gio. Tignan mo nga naman, o. Haha,

''Boyfriend?! Magtigil ka, Trey. Hindi ko pa siya sinasagot..'' Diin nitong bulong,

Napatawa na lang ako. Kaya ayaw niyang bumalik sa academy ay dahil siguro dito..
*smirks* kaya laging nababalitaan ko na nasa Mortal World siya? Haha,

''Hoyy!''

Natigil kaagad ako sa pag-aalala sa pag-uusap namin ni Laine, heto na naman kasi si
Astrid at nanghahampas.

''Bakit? Pasensiya na, may naalala lang ako.''

''Ang dami ko nang nakwento! Hindi ka naman pala nakikinig. Nakwento ko na 'yung
kabataan ko, 'yung kabataan ng mga kaibigan ko, pati yung kabataan ng mga lolo at
lola nila tapos wala kang reaksyon, 'yun pala wala na akong kausap!''

=___= Seryoso? Kabataan ng lolo at lola ng mga kaibigan niya?!

''Joke la'ng. Smile kana ulit, hubby.''

Napangiti na nga ako agad, wala e. Hinalikan na ako ng malambot niyang mga labi.

Hihiwalay na sana siya sa halik kaya hinawakan ko kaagad yung likod ng ulo niya
saka nilaliman yung halik.

Mahal na mahal ko talaga ang lahat sa babaeng 'to.

''one..two..three-''
Ano 'yon?

*Click*

*Splash*

*Splash*

''WHAT THE HECK!!''

''Ang lamig!'' Astrid

''Hahahahahahhaa''

Nabigla kaming dalawa ni Astrid nang may malamig na tubig ang bumuhos sa ulunan
namin.

Fvck! Ang lamig nga!

''Sabi sainyo, dun kayo sa kwarto niyo, e!'' Ace, ''Hahahaha!''

''Iiscore kapang gago ka, ah! Hahahaha!'' Felix

Tinignan ko sila ng masama.

''Kainis kayo ang lamig ng tubig!!!'' Sigaw ni Astrid saka pinaghahabol sila Ace,
Felix, Dionne, Sandy at Maxinne na nagsitakbuhan na.

--

Buong gabi lang kaming nagkwentuhan habang nakaupo sa buhanginan, habang


pinalilibutan ang bonfire. Nagkukulitan silang lahat, samantalang ako hindi
mapakali sa kalilinga sa paligid.
Nagmamasid at naniniguro na wala sa paligid yung mga kalaban.

Bigla akong tinapik ni Paul sa balikat at bumulong ng, ''Wala 'yan, ikaw na nagsabi
na mag-enjoy tayo dito. Hindi mamroblema,'' Paul

Tinanguan ko lang siya saka nakisali na sa usapan nila na puro kalokohan lang..

Benjamin's POV

''Boss, nakita na namin 'yung Crystal Moon.''

Nagkatinginan kami ni papa at ni Tito Zig, ang ama ng Crystal Moon.

''Talaga? Saan?''

''Mortal World, kasama ang ilan sa mga Royal Colors ng academy. Pati 'yung anak ni
Cavin Wastridge, kasama.''

Napataas ng dalawang kilay si tito Zig. Sinasabi ko na nga ba, e.

''Ano na ang plano, Master?'' tanong ko.

''Kunin niyo ang anak ko at dalhin niyo sa'kin sa susunod na araw..'' Ama ng
Crystal Moon.

--

Plug: ''Fan Turned Into An Idol'' - gizibe365

''The Chosen Godess'' - GoddessGelly


''HER Reincarnation'' - Samvergz

''Archaic World: Ice Princess'' - Zackrey_WP

''Strangers Turns Into Couples'' - Kwaynanana

@MayuKimmy

Advance Merry Christmas, don't forget to pray, aryt? :)

Plug: ''Ang Kulit Mo'' by @lady_with_love

Third Person's POV

''Ito, ito!'' Hila ni Sandy kay Scarlett saka tinapat dito ang napiling dress.
''Bagay sa'yo, 'di ba, girls?''

''Tama. Pero mas okay 'to,'' Turo naman ni Maxinne sa napiling damit.

Inirapan naman ito ni Ice. ''Hindi bayarang babae si Scarlett, Max. Ibalik mo na
'yang piraso ng tela na 'yan sa pinagkuhanan mo.''

''Damit 'to!''

''Piraso ng tela. Hahaha.''

''Bakit ba kayo biglang nagyaya dito? Akala ko mamasyal, namimili naman tayo ng
damit ko, e.'' Kamot-ulong sabi ni Scarlett sa mga babaeng kasama.

Nasa boutique sila ngayon sa lugar na pinaka-pamilihan malapit sa rest house na


tinutuluyan nila at thirty minutes nang pinipilian si Scarlett ng mga damit at
accessories.

''Ano ka ba! Kailangan mo maghanda! Kailangan maging sobrang ganda mo.'' Sandy.
Hinila na naman ulit nito si Scarlett palapit kay Regina na kasalukuyang namimili
ng mga high heels.

''Bakit? Wala namang okasyon. Tsaka Sands, hindi ko yata masusuot 'yang mga 'yan.
Hindi ako sanay, ano ka ba.'' Scarlett

''Nandito naman si Maxinne, handang sanayin ka sa mga kalandian.'' Natatawang


kibit-balikat ni Ice.

''Nakakainis 'to! Hindi 'yon kalandian, ang tawag dun kagandahan!'' Maxinne

''Okay, whatever you say.'' Ice

Naguguluhan na tinignan na la'ng ni Scarlett ang mga kaibigan.

''Hindi mo ba alam kung anong mayro'n sa susunod na araw, Scarlett?'' Regina

Umiling si Scarlett at sinukat ang binigay nitong high heels.


''Lagot. Birthday ng asawa mo sa susunod na araw.'' Maxinne

''Huh?!'' Nanlalaking mga mata na sigaw ni Scarlett at muntik pa ma-out-of-balance


sa sinusukat na high heels. Mabuti na la'ng at naalalayan kaagad ito ni Sandy na
katabi la'ng niya.

''Ang OA, Scarlett? 'Wag mo sabihing hindi mo alam.'' Maxinne

''B-birthday niya?'' Scarlett,

''Oo, nagbibirthday pa naman 'yun si Trey kahit ganun 'yon.'' Natatawang iling ni
Ice tsaka umupo sa nakitang mauupuan at nagbasa ng dala-dalang maliit na libro.

''H-hindi ko alam na birthday na pala niya sa susunod.''

''Ngayon alam mo na. Hahaha. 'Kaw talaga, Scar. Magtatampo siguro 'yun kung hindi
mo maalala na birthday niya.'' Sandy

''E, hindi rin naman niya nababanggit.'' Napa-pout na si Scarlett.

''Mabuti nga at nabanggit ni Ice at Regina. 'Di bale, at least ngayon


mapaghahandaan mo. Sa tingin ko sa bahay ni Mr. Cavin gaganapin, for sure.'' Sandy
''Tama. Lagi naman dun, e. Tapos as usual tatakasan na naman ni Trey 'yung party na
magaganap.'' Natatawang sambit ni Regina.

''And then matatapos 'yung party na wala 'yung celebrant.'' Maxinne

''Babalik 'yung celebrant kapag tapos na 'yung party, tapos bubulyawan ni Mr.
Cavin, tapos aasarin lalo ni Trey 'yung tatay. Hahaha.'' Sandy

''Kabisado niyo na, congrats.'' Napailing na la'ng si Ice sa pinagsasabi ng mga


kaibigan.

''Seryoso? Ganun ang palaging nangyayari sa tuwing birthday ni Trey?'' Scarlett

''Oo, ganun. Nakakahiya nga minsan, kasi marami talagang invited. Pero siyempre
ngayon hindi na 'yon mangyayari. 'Di ba?'' Nakangiting nakipag-apir si Maxinne kela
Regina na tumango at sumang-ayon sakaniya.

''Kasi nandun kana, Scar. Tapos talbugan mo 'yung mga flirt na babaeng gem-holders
na dadalo! Ipakita mo 'yung beauty ng isang Crystal Moon!'' Tuwang-tuwa na sabi ni
Sandy

Nakangiting sinaway naman ito nila Ice at Regina dahil halos sila la'ng ang
sumisigaw sa loob ng boutique.
Masayang pumayag naman si Scarlett sa idea ng mga kaibigan na mamili na ng susuotin
para sa magaganap na kasiyahan.

"O, ano 'yan?" Lingon ni Ace sa mga babaeng kararating la'ng sa loob ng bahay.

"Paper bags. Ano ba sa tingin mo? Mukha ba 'tong mga furnitures?"

"Baby Max, alam kong mahal mo 'ko. Damang-dama ko sa bawat mga sagot mo."
Sarkastikong sambit ni Ace at umiling na nanood na ulit sa television.

"Astrid!" Biglang sigaw ni Trey na halos nakapag-patalon sa mga kaibigan sa sobrang


gulat.

"Huh? Ano ba 'yan, Trey. Bakit ba sigaw ka ng sigaw." Scarlett. Inilapag nito ang
mga bitbit sa sahig at lumapit kay Trey na mukhang gulat na gulat ang ekspresyon.

"Anong ginawa niyo sa buhok nito?!" Hinawakan ni Trey ang ilang hibla ng buhok ni
Scarlett tsaka nakakatakot na sinamaan ng tingin ang mga babae sa likuran ni
Scarlett.

"E-eh? B-bagay naman, ah." Sandy


"Tigilan mo nga kami, Trey. Nakakaloko 'yung mata mo, 'wag mo na uulitin na
magdeath-glare." Tuluy-tuloy na lumakad si Ice papunta sa sofa at pabagsak na
umupo.

"Bakit pula na 'yung buhok nitong asawa ko?! Brown 'to, 'di ba?!" Yumakap na ito sa
beywang ng asawa.

Agad naman syang hinampas ni Scarlett sa likuran habang yakap parin ni Trey. "Asus!
Gusto mo la'ng yata makayakap, e."

"Hahaha. Nagulat la'ng ako, akala ko kung sino ka. Alam ko kasi brown 'yung
magandang buhok ng mahal ko."

"Pula na ngayon 'to, hindi mo na ako mahal?"

"Nako, naglambingan pa!" Sigaw ni Felix saka sinilip ang mga laman ng paper bags.
"Dun nga kayo sa lugar na hindi namin natatanaw! Nang hindi kami maumay sa itsura
ni Trey, nakakapanibago eh!" Tatawa-tawa nitong sabi.

"Inggit ka la'ng, e. Hindi mo mayakap si Khionne Ice." Pagpaparinig ni Dionne saka


hinalikan sa pisngi ang katabing girlfriend na si Sandy.

"Anong hindi. Nagpapayakap nga 'yan one time, tinanggihan ko la'ng, busy kasi ako
nun!" Felix
"Aba! Ang kapaaaal!" Ice

"Hahahaha. Seryoso, Ice?" Regina

"Hindi. Kailan ba nagseryoso 'yan si Felix."

"Ouch." Felix

"Di ba masakit?" Ace, "Hayaan mo, p're, 'pag tayo naging snob at famous one day,
who you sa'tin 'yang mga 'yan." Duro pa nito kay Maxinne at Ice na nakangisi la'ng
sa kalokohan na pinagsasabi niya.

"Daming alam!" Trey

"Wag kang epal, alam naming happy happy kana kay Scarlett." Felix

"Paul pare! Sali kana sa grupo namin. Wala ka rin naman pag-asa dyan kay Regina,
kakawawain ka la'ng niyan!" Ace
"O! Nananahimik ako, 'wag ako! Kalokohan niyo, e!" Paul

"Wawasakin la'ng niyan ang puso mo!" Felix

"E, kung mukha mo kaya wasakin ko. Ano, Felix." Natatawang asar ni Regina sa
binata.

Nagsitawanan na la'ng sila habang pinagtutulungan na asarin 'yung dalawa.

**

Nakangiting naglakad si Trey sa kubo na nasa tabing dagat nang makita na nandun si
Scarlett Astrid at ngingiti-ngiti na hawak ang tablet na pagmamay-ari ni Sandy.

"Hoy!"

"Ay walangyang butiki!" Gulat na gulat na sigaw ni Scarlett na halos maihagis ang
tablet na hawak. "Ano ba problema mo, ang lakas-lakas talaga mg trip mong lalaki
ka!"
"Hahaha. Kalma, galit ka ka'gad, e. Ano ba 'yang ginagawa mo?" Tinabihan nito si
Scarlett pero kaagad itong lumayo sakaniya at lumipat ng katapat na kahoy na upuan.

"Wag ka nang magulo. Sige na dun kana sa loob ng bahay!" Pagtataboy nito sa lalaki.

"Tanghaling tapat nandito ka nag-iisa, tapos kukunot-kunot pa 'yang noo mo sa


sobrang focus sa tablet na 'yan, tapos ayaw mo pa ipakita? Ayaw ko nga. Dito la'ng
ako." Nang-aasar nitong sabi saka humiga sa mahabang upuang kahoy sa loob ng kubo.

"Nakakainis talaga 'to! Trey kasi. Nakakaistorbo ka ngaaaa!"

"Saan ngaaa?" Ngumisi na si Trey nang makita ang itsura ng babae sa harap na
naiirita na.

"Basta! Malalaman mo rin naman 'to, e!"

"Gusto ko malaman ngayon na." Cool nitong sabi at inayos pa ang pagkakahiga sa
mahabang upuan na kahoy.

"Next time! O kaya mamaya!"


"Ngayon nga. Ano ba 'yan?"

"Wala! Ako na nga la'ng ang aalis! Kainis naman 'to, e!" Inis na sigaw ni Scarlett
tsaka sinuot ang dalawang tsinelas at lumabas ng kubo hawak-hawak ang tablet.

Nakangising sinundan naman ito ni Trey tsaka inagaw-agaw ang hawak na tablet ni
Scarlett. Mabuti na la'ng at nakita kaagad siya ni Scarlett na papalapit at
nakangiting tumakbo na palayo kay Trey.

"Trey! Pasaway ka talaga!" Tili ni Scarlett nang muntik na siya matalisod sa


buhanginan katatakbo.

Napaupo naman si Trey sa isang tabi. "Bilis mo tumakbo. Ginamit mo yata 'yung Air
gem mo, e. Daya naman."

"Anong ginamit?!" Sigaw ni Scarlett Astrid na nakatayo malayo kay Trey. "Wala na
akong gems, bukod sa Crystal Moon's gem!"

"Wala?" Nagtatakang tanong nito kay Scarlett Astrid.

"Hmm-hmm. Nakalimutan ko sabihin sainyo. Nabasag 'yung gem ko na 'yon, tsaka--"

"Nabasag?!" Trey
"Oo nga! Pati 'yung Fire gem ko,basag na din. Ito na la'ng natitira." Tinuro ni
Scarlett Astrid ang blue gem na biglang lumitaw sa kaniyang noohan.

"Talaga? Kailan pa?" Tanong ni Trey habang dahan-dahan na lumalapit kay Scarlett
Astrid.

"Nung nasa forest tayo papunta Mountain na may Curse Chest--ay teka! Diyan ka
la'ng!" Sigaw nito saka kumaripas na ng takbo papasok sa Rest house. "Waaaaahh!"

Nagtatawanan na nakapasok silang dalawa sa rest house at naabutan ang lahat ng mga
kaibigan na nasa sala at nag-uusap-usap.

May tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa.

"Kuya Trey! Ate Scarlett!"

"Tammy? Hello." Scarlett.

Lumapit si Tammy sa dalawa at niyakap ang mga ito ng mahigpit.


"Kuya. Ate." Tammy

"Tam? Umiiyak ka ba? Tsaka anong ginagawa mo dito?" Trey

"K-kuya. Wala, wala. D-dumalaw la'ng ako. Isinama ko pala 'yung.. 'yung mga
kaibigan ko," Liningon nila ang tatlo pang tao sa sofa.

"Hi, Trey and Scarlett. Ako si Faye Lurzis." Pagpapakilala ng dalagang may puting
buhok.

"Faye..Faye..Faye Lurzis." Bulong ni Scarlett na pilit inaalala ang pamilyar na


pangalan ng dalaga sa harap.

"Scarlett, naalala mo pa ako? Ako yung kasama mo nung unang meet niyo ni Trey sa
labas ng academy." Faye Lurzis

Nagliwanag naman ang mukha ni Scarlett Astrid nang maalala nga ang babae. "Faye!
Kumusta ka na? Ikaw nga 'yon!" Yakap nito kay Faye Lurzis.

"Haha, ayos la'ng ako. Itong isa pa naming kasama, sila Kaye at Anna, mga shield
creator. Mga kaibigan din namin ni Tammy," Faye. Sumang-ayon naman si Tammy ng
ngiti at nagpakilala ang dalawa
Nagkatinginan silang lahat tsaka masayang tinanggap sa loob ng bahay ang apat na
babaeng panauhin.

"Hinahanap ko talaga kung anong mali kanina pa kay Tammy, e." Ace

Madilim na at sabay-sabay silang kumain.

"Wag mo na hanapin, kalokohan na naman 'yang sasabihin mo." Regina

"Di! Meron talagang mali!" Ace

"A-ano naman po 'yon, Kuya Ace?" Tammy

"Umiiyak kanina? E, 'di ba palatawa itong kapatid na 'to nila Travis at Trey?"
Sandy

"Maingay din si Tammy, I mean cute naman ang maingay niyang boses. Hehe" Dionne
"Ayun! Hindi siya nakasigaw!" Ace

"Nakasigaw? Oo nga, 'no. Hindi ako natanggalan ng tutuli sa madalas niyang isigaw
na kuya," Trey

"Kuya naman, e. Syempre ano.. nakakapagod din ang sumigaw, ano." Tammy

"Okay ka la'ng ba Tammy? Bakit mukhang namumutla ka?" Scarlett. Inabutan nito ng
tubig ang katabi.

Ilang segundo pa ang lumipas, bigla naman nakaramdam ng hindi magandang kutob si
Scarlett.

"N-nawalan na po ako ng gana, mga Ate at Kuya. Pwede pong magpahangin sa labas?"
Tammy

"Ah, okay ka la'ng ba? Gusto mo uminom ng gamot?" Ice

"Hindi! Hindi na, Ate Ice. Labas na po ako, ah. Excuse po." Tumakbo nga ito
palabas.

"Nanginginig si Tammy, okay la'ng ba talaga 'yon?" Paul

"Tsk, hindi pa nag-ubos ng pagkain. Hayaan niyo 'yun, malaki na 'yon." Trey

Humawak naman kaagad si Scarlett sa braso ni Trey nang magtuluy-tuloy ang kaba na
nararamdaman niya.

"Ang lamig ng kamay mo. Ayos ka la'ng, Trid?"

Tumango lang si Scarlett dito at pilit kinalma ang sarili.

Habang abala naman sa pagkwekwentuhan ng masasayang bagay ang lahat maliban kay
Scarlett, itinago ni Faye ang kaniyang hypnotism gem sa kaniyang palad at nagfocus
sa mga mata ni Scarlett na kaharap niya la'ng.

Nang mapatitig ito sakaniya, ginamitan kaagad niya ng hypnotism gem.


Napakagat ng labi naman sila Kaye at Anna na nagkatinginan sa isa't-isa. Natatakot
na baka mahuli si Faye nila Trey.

Tumikhim bigla si Scarlett na nakaagaw ng pansin ng mga kaibigan. "Ano.. May


gagawin pa pala ako. Excuse muna." Blanko ang ekspresyon nito.

"Huh? Pero wala pa sa kalahati yung pagkain mo, Scar." Sandy

"Hayaan mo,baka nagdadiet. Alam mo na~ para dun sa dress niya." Bulong ni Maxinne

"Ah! Sige, sige!" Sandy na humagikhik pa.

"Ayos ka la'ng ba?" Paniniguro ni Trey. Tumango lang si Scarlett Astrid dito.

"May itatanong pala ako kay Faye, Anna at Kaye. Samahan niyo 'ko, okay la'ng?"
Scarlett.

"Sure!" Anna at Kaye. Ngiting-ngiti na tumango naman si Faye.


"Good job." Faye

To be continued...

Third Person's POV

Lumabas ng Dining Area si Scarlett kasama sina Faye, Anna at Kaye.

Wala parin sa sarili si Scarlett, under parin siya ng Hypnotism gem ni Faye Lurzis
at naglakad papunta sa taas. Sa kwarto niya, katulad ng inuutos sakaniya ni Faye
Lurzis sa kaniyang isip gamit ang Hypnotism gem.

"Faye.." Tawag nila Anna at Kaye dito.

"Ano?" Faye, "Sundan niyo na si Tammy sa labas! Gawin niyo na 'yung plano, ano
ba?!" Natataranta nitong utos.

"Ah, oo. Ito na." Nagmamadaling lumabas naman ng bahay sila Anna at Kaye.

''Gawin mo ng tama ang lahat, Scarlett Astrid Sundust. Marami na ang tumutulong
sa'yo.'' Bulong ng dalaga saka pinagmasdan ang Crystal Moon na maglakad papuntang
silid nito.

''Tammy!''

''Anna at Kaye! Bilisan niyo na, malapit na sila dito!'' Nagpapanicked na utos ni
Tammy dito. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman niya. Kaba at takot. Kaba na
mahuli nila Trey at mabuko ang mga pinaplano nila. Takot, na baka hindi nila magawa
ng maayos ang huling bagay na pwede nilang maitulong para sa Crystal Moon.

''Sigurado ka ba talagang gagana 'tong naisip mo, Tammy?'' tanong ni Kaye habang
tumutulong kay Anna na simulan ang paggawa ng malaking-malaki na shield.

''Sigurado na ako. Isa pa, tinulungan na rin ako nila Harli. Nung mga White Snake
Guardians! Sabi nila pwede daw 'tong naisip ko! 'Yun nga la'ng may kapalit..''

''Gosh. 'Yung kapalit~ huhu.'' Kaye, ''Paano na 'yung crush ko-''

''Hoyy! Manahimik ka na nga! Hindi ka naman nun pinapansin kaya wala rin mawawala
sa'yo.'' Anna
''Sabagay.'' Kaye, ''Ready na ako sa consequence nitong gagawin natin.''

Nakagat ni Tammy ang labi niya sa sobrang pag-iisip ng mga pwedeng mangyari sa
gagawin nilang apat.. ''Ako la'ng talaga ang pinakitaan ng mga signs sa future.
Kaya dapat ako la'ng din ang gagawa ng paraan para mag-prevent nito. Pasensiya na
kayo at nadamay pa kayo..''

Nagkatinginan naman ang dalawa nang mahalata na palungkot nang palungkot ang boses
ng kaibigan. ''Tammy naman.. okay la'ng sa'min 'to. Swear,'' Anna. Tumango naman
bilang pagsang-ayon si Kaye. Napangiti dito si Tammy.

''Salamat. Pati na rin kay Faye, kahit frenemies kami.'' Tammy

''Oh really?'' Biglang pagsulpot ni Faye.

''Psh.'' Tammy

''Bakit kasi hindi mo ihingi ng tulong 'tong bagay na 'to sa mga kuya mo?! Ang
tanga mo rin talaga, Wastridge!'' Faye
''Hindi pwede! Masyado na tayong madami! Tuluyang magugulo ang mga rules na Futures
gem-holders la'ng ang may alam! Tama na 'yung.. apat la'ng tayo ang trumabaho nito.
Besides, mandadamay pa ba tayo ng magiging consequence nito?''

''Fine. Gawin niyo na, Anna.'' Faye,

Napakagat ng labi ang dalawa saka mas ginamit ng lubos ang kanilang gems. Unti-unti
silang nakagawa ng malaking-malaking shield na invisible. Sinakop ng shield na 'yon
ang buong place na kinalalagyan nila at ng rest house.

''Tagalan niyo hanggang magliwanag. 'Wag niyong hahayaan na makapasok 'yung mga
parating. Kailangan natin pigilan ang mangyayari, kailangan na natin makialam.''
Faye

Nang maisara na ni Scarlett Astrid ang pinto ng kwarto, sunod na ginawa niya naman
ay ang pumunta sa cabinet at kunin ang isang maliit na bagay.

Itim na box na galing sa labas ng dorm ni Trey sa loob ng academy.

Lumiwanag ang itim na box na 'yon at naging mala-projector na naman tulad ng dati.
Tulad ng dati na ipinakita ang childhood memories nila ni Trey Wastridge. Pero
ngayon iba na ang ipapakita ng box.

Biglang nawala ang kapangyarihan ng Hypnotism gem ni Faye Lurzis kay Scarlett
Astrid Sundust.

Nagtataka itong napatingin sa paligid niya.

''Nasaan naman ako? Kwarto?'' Naguguluhang bulong nito sa sarili. ''Pero kanina
la'ng.. kanina la'ng kumakain pa kami sa ibaba, ah.''

Napailing na la'ng ito sa pagtataka at tutungo na sana sa may pintuan na nakasara


upang lumabas at puntahan ang mga kaibigan, ''Bakit hindi ako makagalaw?!''

Hindi niya maikilos ang mga binti. Kaya nang mapadako ang mga mata niya sa bagay na
nagliliwanag sa kaniyang harapan ay natigilan na rin siya. Naguguluhan at
kinakabahan man siya sa nangyayari, mas pinili niya parin pakinggan ang loob niya
na pansinin ang bagay sa harapan.

''Yung box na itinago ko.''

Mataman na inabangan nito ang mayro'n sa bagay.


At ang itim na box na naging projector ay nag-umpisang magpalabas ng mga larawan at
pangyayari.

Na tampok ang nakaraan.. nila Trey at Scarlett. Ang masalimuot na nakaraan.

''Scarlett.. Astrid.. Sundust.'' Nanlaki ang mga mata ni Scarlett. Nagpalinga-linga


ang Crystal Moon sa paligid para hanapin ang babae na nagmamay-ari ng boses.

Basang-basa pa ang mga pisngi nito sa luha. Halos napaupo na rin siya sa sahig na
kinatatayuan kanina, sa sobrang hindi niya kinaya ang mga nakitang bagay na
nangyari sa pagitan ng mga magulang nila ni Trey. Hanggang sa pagkamatay ng
kaniyang ina dahil sa mga Wastridge.

Napuno siya ng lungkot. Ng takot. Mga katanungan. Galit at poot, at pagtataka.

''May mga bagay sa mundo na hindi mo pa alam, pero kailangan mo malaman.''

''S-Sino ka?!'' Pakiramdam niya pamilyar 'yung boses..


''Kilala mo na ba talaga si Trey, Crystal Moon?''

''Sino ka ba?!''

''Alam mo na ba ang totoo? Na ginamit ka la'ng niya dahil sa konsensiya?''

''Magpakita ka! Magpakita ka!''

''Haha, nakakaawa. Ito na la'ng ang tanong ko, minahal ka ba talaga niya?''

''Sino ka ba talagang babae ka?!''

''O baka naman.. gusto la'ng niya na maging maayos ang pagitan niyo dahil sa nagawa
nilang kasalanan, at sa katotohanang ikaw pa ang Crystal Moon-''

''Tumahimik kana! Tahimik! Tumigil ka!''


Sa sobrang lungkot at galit nagbato ng iba't-ibang klase ng mga patalim ang Crystal
Moon sa paligid. "LUMABAS KA!"

Tumawa la'ng ang tinig ng babae. "Naalala mo? Ako ang nagpangako na kikitil sa
walang ka-kwenta-kwenta mong buhay, Scarlett Astrid Sundust."

Napasinghap naman ang Crystal Moon nang maalala bigla ang babae sa Witchcraft shop.
Doon sa Night Market,

"Mukha ngang mababali ko ang pangako ko sa'yo, Crystal Moon. Gusto kong ikaw mismo
ang pumatay sa sarili mo. Hanggang sa muli." Tumawa ito ng pagkalakas-lakas at
nakakakilabot.

"Hanggang sa muli kong maisipan kung papatayin ba kita.. o tadhana na ang mismong
papatay sa 'yo, Crystal Moon." Biglang lumitaw sa harap ng Crystal Moon ang babaeng
hindi masyadong maaninag ang hitsura.

Nawala ito kaagad at napalitan ng itim na usok na nilipad rin ng malamig na


hangin..

Isa la'ng ang pumasok sa isip ni Scarlett Astrid. "Hecate."


Namatay ang liwanag ng itim na box at tuluyang naging madilim na madilim sa loob ng
kwarto.

Pakiramdam niya niloko la'ng siya ni Trey. At ng ama nito.

Hindi niya na alam kung sino pa ang papaniwalaan.

Kung sino ba ang dapat paghigantihan.

Kung sino ba ang kalaban.

"Trey, ginamit mo nga la'ng ba ako?"

--

Benjamin's POV

Umayos ako ng upo nang pumasok bigla dito sa silid ko ang pinuno ng mga Dark-gem
holders kasama si Tito.

"Sugurin niyo ang nasasakupan ng Stonegem Academy. Kunin niyo ang tig-iisa ng
iba't-ibang klase ng gems. Pamunuan mo ang mga Dark-gem holders." Master Zig.

"Masusunod." Pagyukod ko sa harapan nito bilang paggalang. Malakas at magaling


siyang tao. At deserving siya na makatanggap ng mga paggalang higit kaysa sa
matandang Wastridge na may maitim na katauhan.

Tumango ito at tinapik ang balikat ko.

"Malaki ang tiwala ko sa 'yo, Benjamin. Sainyo ng tito mo," Lumingon rin ito kay
Tito. "Kayo ang tumutulong sa 'kin na magmulat lalo at gawin ang tamang laban. Kayo
din ang gumising sa matagal nang tulog kong gem. Kaya malaki rin ang pasasalamat ko
sainyo. Hayaan niyo't may gantimpala kayo kapag natapos na ang lahat ng 'to."

"Nako, maraming salamat. Gusto la'ng din namin na maalis si Cavin Wastridge sa
itaas dahil hindi siya ang nararapat na ginagalang doon." Tito

Ngumisi la'ng ang ama ng Crystal Moon. "Talagang maghaharap kami. Malapit na."

"Yung tungkol nga po pala sa batang babaeng Future gem-holder. Pumayag na siya sa
mga plano. May mga signal rin daw siyang sinusundan at ayos la'ng kahit pamilya pa
niya ang kalaban." Pagpapaalam ko.
"Si Tammy. Ang batang babaeng musmos palang nung huli kong makita. Kawawa't nadamay
pa." Iiling-iling nitong sambit.

"Alam niya na rin yata ang tunay na kulay ng kaniyang ama. Mas pipiliin nya rin
naman siguro ang tama." Tito

"Yun nga po ang sinabi niya,"

Ngumiti ang ama ng Crystal Moon. "Kahit ano. Basta makuha ko rin ang anak ko. Kung
pwede nga la'ng ay ikaw ang maging kabiyak ng aking anak na nag-iisa, Benjamin."

Nanlaki naman ang mga mata ko at parang nabilaukan sa sariling laway.

Kay Regina la'ng ako nakatakda!

Pero ayos din, maganda din yung Crystal Moon.


Pinagmasdan ko sila ni Tito na lumabas ng silid.

Matagal na nahimlay at nanahimik si Zigamord Merfild.

Isa sa Crystal Moon na may kakaibang bilis, lakas at utak.

Isa sa may pinaka-magandang gem dito sa mundong 'to.

At isa rin sa pinaniniwalaan ng lahat na masama..

Napailing na la'ng ako sa pag-iisip.

Masama? Ha. Nabulag ng husto ni Cavin Wastridge ang mga gem holders.
Rinig kong ipinakalat niyang naging trainer siya ni Master Zig dahil Crystal Moon
ito. Oo, totoo 'yon. Naging magkaibigan sila, oo totoo rin ang bagay na 'yon.

Pero nakakagago. Ano itong sinasabi ng lahat ng tao na naging sakim sa


kapangyarihan si Master?!

Wala silang alam.

Wala silang alam na si Cavin ang naging sakim at uhaw sa mga gems dito!

Mabuti na nga la'ng at natulungan kaagad ako ng mga Dark-gem holders na makalaya
mula doon sa selda ng Magic Paradise!

Ipinakulong pa nila ako sa selda! Kasi malamang natakot sila na baka may alam ako.
Ha. Siyempre may alam ako!

At talagang matakot na sila, dahil malapit nang gumalaw ang mga Dark-gem holders.
To be continued...

@MayuKimmy

Merry Christmas! Let us not forget the real meaning of this holiday! Pray, guys
aryt?

Here's the update. Enjoy! :)

Third Person's POV

Nagkagulo-gulo sa buong Magic Paradise.

Sinugod kasi ng mga Dark-gem holders ang labas ng academy.

Walang nasaktan.

Lahat sila nanlaban. Pero pinagdiinan ni Benjamin sa mga kasamang Dark-gem holders
na walang mananakit.

Tanging ang mga pakay na gems la'ng ang kanilang kinuha.

Isang Water gem. Isang Fire gem, Teleport gem, Healing gem, Ice gem, Stone gem,
Metal gem, Levitate gem, Shadow gem, Mind-read gem, Air gem at marami pang gems.
Marami pa silang kulang na gems. Kailangan nilang makuha ang tig-iisang klase ng
mga gems at madalas ang mga kulang na la'ng ay ang kakaibang gem na hawak ni Ace
Knight at Felix Williams. Ang Eagle-eye gem at Far-sight gem, pati na rin ang nag-
iisang gem ni Mr. Cavin at Tammy.

"Ano, napasok niyo na ang academy?" Tanong ni Benjamin sa pinuno ng mga Dark-gem
holders.

Malalim na ang gabi kaya hindi rin inaasahan ng mga gem-holders ang ginawang
pagkuha ng mga gems nila Ben.

"Wala ang mga professors, teachers at 'yung principal sa loob kaya madali la'ng ng
kaunti ang naging trabaho namin. Pati 'yung isang Wastridge sa campus, si Travis.
Wala rin sa loob, 'yung four gems holder na si Angel Lynne Park, wala rin."

Napakunot ang noo ng binata. 'Wala?'

'Nasaan sila?'

Inutos ni Ben sa lahat na magmadali at umalis na kaagad sa lugar.

'May plinaplano na rin 'yung matanda at paniguradong kumikilos na rin siya tulad ng
ginagawa namin.' Sabi nito sa sarili.

"Baka may hakbang na ginawa na sila laban sa'tin, boss?" Kausap ng usang Dark-gem
holder kay Benjamin habang nakasakay sila ng mga Pegasus.
"Yan nga rin ang iniisip ko. Pero kung ano man ang ginagawa nila ngayon, maling-
mali parin sila." Nakangiting sambit ng binata. "Hindi nila alam kung gaano kalawak
ang mga na-plano ng Master. Talong-talo sa laban ang matandang Wastridge, kahit ano
pa ang gawin niya."

**

Umiiyak na tumayo mula sa dilim si Scarlett Astrid. Gusto niyang sugurin at saktan
si Trey.

Hindi niya alam ang totoo, pero alam niyang marahil naman ay may ideya dito si
Trey! Tungkol sa mama niya na napatay naman ng ama ng taong mahal na mahal niya.

Nasa isip ngayon ni Scarlett ang mga buhul-buhol na mga katanungan.

Una, ay kung ano nga ba ang totoo? 'Yung nakita niya ba sa box na itim o 'yung
sinabi ni Mr. Cavin tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ina.

Gulung-gulo na siya na sinasabayan pa ng matinding mga emosyon at mga luhang hindi


mapigil sa pagtulo.

'Si hecate 'yung nagbigay ng box? Paano ako maniniwala sa mga nakita ko, alam kong
kalaban ang babaeng 'yon! Kaya la'ng.. paano kung totoo?!'
Binuksan niya ang pinto ng kaniyang silid. Napagdesisyunan niya na pumunta ng
academy at itanong ang lahat kay Mr. Cavin, naging malapit na kaibigan ito ng
kaniyang ama kaya naisip niyang masasagot nito ang lahat ng itatanong niya.

Kailangan niya itong makausap.

Lumabas si Scarlett Astrid sa kwarto pero halos parehas silang mapatalon ng babaeng
bumungad sa kaniya sa labas ng pinto sa gulat.

"Ate.."

Si Tammy na mukhang namumutla at kinakabahan.

Hindi siya pinansin ni Scarlett Astrid at tuluy-tuloy na lumakad at nilampasan ito.

"A-ate, saan ka pupunta?" Pigil ni Tammy sa braso ni Scarlett. Ngumiti la'ng ito ng
tipid sa dalaga saka binawi ang braso st nagpatuloy sa paglakad.

Nakasalubong niya naman si Faye, na ganun din ang tanong.

"San ka pupunta, Scarlett?"


"D'yan la'ng." Sagot nito saka aalis na sana nang hilahin sya ni Faye at ginamitan
ng Hypnotism Gem. Tinitigan niya si Scarlett gamit ang mga mata niyang nagkulay
itim na itim.

"Hindi ka aalis ng lugar na 'to." Utos ni Faye na may mahika ng hipnotismo.

Ilang segundo ang lumipas, halos manginig sa kaba si Tammy na pinanonood si


Scarlett at Faye. Kinakabahan siya na baka hindi nila mapigilan si Scarlett sa
gagawin nitong pag-alis sa lugar katulad ng nakatakdang mangyari sa hinaharap na
gusto nilang mapigilan.

Napaatras sa gulat si Tammy nang biglang humangin ng malakas. Halos malaglag ang
kaniyang panga nang makita si Faye na nakadikit na sa pader habang may mga kutsilyo
na nakatusok sa bawat sulok ng damit nito sa pader.

Tinignan niya si Scarlett, ngumiti ito sakanila na may kulay asul na mga mata.

"Hindi mo 'ko pipigilan."

•••

"A-Anna! Nandiyan na sila sa labas ng shield 'di ba?" Nahihirapang tanong nito sa
kaibigang nakatayo rin sa kalayuan habang nakataas ang mga kamay at tinitibayan ang
ginawang invisible shield
"Malamang! Kita mo naman na may lumalaban sa Invisible shield, o! Siguro nasa labas
nito sila Mr. Cavin kaya magdasal kana na kayanin natin 'tong shield na 'to
hanggang mag-umaga katulad ng sinabi ni Faye at Tammy!"

Parehas nilang tinodo ang pag-gamit ng Barrier-maker gems nila. Kitang-kita kasi
nila na may mga mahika na lumalaban sa labas para masira ang ginagawa nilang
shield. Alam nilang sila Mr. Cavin na 'yon, dahil 'yun naman ang nakatakdang
mangyari na ikinuwento ni Tammy na Future gem-holder.

'Pupunta si Papa sa rest house, para kunin ang Crystal Moon at pabalikin ng
Academy. Na hindi pwedeng matuloy.'

"Marami sila! Higit sa limang gem 'tong nag-aatempt na sumira sa shield galing sa
labas! Patay," Anna

"Kaya pa ba natin 'to? Anna naman, e. Baka hindi natin magawa. Paano na 'yan?" Kaye

"Tumigil ka nga! Umayos ka na diyan! Kaya 'yan!"

Nilingon ni Kaye ang loob ng rest house. "Oy, bie Anna. Nasaan si Faye? Paano kapag
nahuli tayo dito nung mga Royal Colors ng academy?! Nung.. nung gwapong Felix
Williams! Double dead tayo niyan." Nag-aalala nitong sabi.

"Hindi iyon mangyayari. Nandun sila Faye at Tammy sa loob. Babantayan nila silang
lahat na hindi lalabas ng buong bahay." Anna

"Ah, o-okay."
Ilang segundo pa.. biglang humangin ng malakas.

Kasabay n'on ay ang pagkamatay ng liwanag ng mga gems na hawak nila Kaye at Anna.
Nagtaka sila kaagad.

Pero bago pa sila makapagtanong sa isa't-isa kung anong nangyayari, biglang parang
salamin naman ang shield na nabasag sa piraso.

Napatili ang dalawa sa sobrang gulat.

"Anong nangyayari!" Kaye

To be continued...

@MayuKimmy
HAPPY NEW YEAR! THANK YOU GUYS! BECAUSE OF YOU, AND YOU ALL OF YOU MY 2014 IS
WORTH REMEMBERING!

Surprise ko 'yung sa Epilogue. ;)

Plug: ''My Bestfriend, My Boyfriend.'' By @MinseoksForever

**

Third Person's POV

"Uhm..Mr. Cavin, bakit po ganito? Hindi tayo makalapit?" Tanong ni Angel Lynne
Park, 4-gem holder at kapatid ni Khionne Ice.
Tinitigan ni Mr. Cavin ang buong bahay na nakikita nila. 'Yun ang rest house na
tinitirahan nila Trey, Scarlett at ng Royal Colors ngayon ayon sa pinaimbestiga
niyang spy.

Tahimik ang paligid ng bahay. May mga ilaw na nakabukas. Pero ang ipinagtataka
nila, sa tuwing lumalapit sila parang may nakaharang na pader. Na wala naman!

"May barrier. Patamaan niyo ang buong paligid!" Utos ni Mr. Cavin sa mga gem-
holders na kasama.

"Teka! Teka!" Pigil ni Travis sa lahat. "Bakit? I mean, bakit maglalagay ng barrier
sila Trey at Scarlett? Baka naman pwedeng hintayin na la'ng natin na sila mismo ang
magtanggal ng barrier na 'yan. Baka may maantala tayong plano nila Trey, papa."
Travis.

"O-oo nga. May punto si Travis, Mr. Cavin." Haydee

Ngumisi la'ng sa mga ito si Mr. Cavin at tumango. "May punto ka nga."

"So.. babalik na ba tayo ng academy-'' Travis

"May punto ka, pero kailangan kong makausap ang Crystal Moon." Mr. Cavin
"Hindi ba pwedeng ipagpaliban 'yan?"

"Hindi. Ngayong gabi, kailangan na niyang bumalik ng Magic Paradise."

"Pero bakit naman hi-"

"Sirain niyo ang barrier na 'yan!!" Sigaw ni Mr. Cavin sa mga gem-holder na kasama.

Napakunot-noo na la'ng si Travis at umatras para panoorin ang iba sa pag-atake sa


hindi nakikitang barrier.

"May mali dito." Bulong nito.

"Sa tingin mo?" Haydee

"Hindi ko alam. Iba 'yung pakiramdam ko."

Patuloy la'ng ang mga gem-holders sa pag-atake sa barrier. Kahit ang teleport gem-
holder ay hindi din makapasok at makalagpas sa barrier na invisible.

Hanggang sa makalipas ang ilang minuto. Bigla na la'ng sila nakarinig ng malakas na
tunog. Tunog ng malakas na pagsabog o pagkabasag.
Nabasag na ang barrier, na ikinangiti naman ni Mr. Cavin.

**

Matapos ng pag-atake ni Scarlett Astrid ng malalakas na mga patalim sa buong parte


ng barrier, nabasag rin ito sa piraso.

Seryosong-seryoso pa rin ito na babalik sa academy para harapin at makausap si Mr.


Cavin pero bago pa siya makalakad para umalis ay nahila na siya ni Tammy ng mabilis
palayo sa lugar. Papuntang tagong banda malapit sa dalampasigan.

"Ano ba! Bitiwan mo 'ko!" Sigaw nito.

Hinarap kaagad siya ni Tammy nang masiguro na nakalayo na nga sila ng kaunti sa
rest house.

"Sandali, ate Scarlett. Saan ka nga ba kasi pupunta?" Kinakabahang tanong ni Tammy
sa babaeng may halos nagliliyab na asul na asul na mga mata.

"Kanina mo pa ako pinipigilan. Ano ba talaga ang ginagawa mo?!"

Halos hindi kaagad nakasagot si Tammy sa pagsigaw ni Scarlett Astrid sakaniya.


"A-ate Scarlett, 'w-wag po kayo magalit sa 'kin." Maiyak-iyak na ito. "G-gusto ko
la'ng po tumulong.."

''Gusto mo tumulong? Hayaan mo akong umalis."

Nilampasan na nito si Tammy at paalis na sana nang magsalita ang dalaga.

"Nandun po si papa sa harap ng rest house." Aniya. Napatigil kaagad si Scarlett


Astrid.

"Ano?"

"Pero ate, hindi po pwedeng magpakita kayo kay papa. Makinig po kayo, pero may
hindi magandang mangyayari kapag tinuloy niyo pa ang pina-plano niyo."

"Anong mangyayari ang sinasabi mo?" Malamig na tanong nito. "Naranasan ko na ang
halos lahat ng bagay na hindi maganda. Namatayan ako ng sariling ina. Masama ang
ama ko. Niloko ako ng lahat.." Aniya. "Kaya wala na akong pakialam.."

"Ate. Hindi lahat niloko ka-"

"NILOKO LA'NG AKO NI TREY! NILOKO AKO NG PAPA MO TUNGKOL SA NANAY KO, NAIINTINDIHAN
MO BA!" Galit na galit na sigaw nito. Lalo naman naiyak si Tammy.

"Astrid."

Nilingon nila ang nagsalita.

"Kuya." Umiiyak na tumakbo dito si Tammy saka yumakap.

"Ayos ka la'ng?" Trey

"Kuya..si Ate Scarlett."

Tinignan ni Trey ang babae sa harap tsaka ngumiti kay Tammy. "Iwan mo muna kami,
Tam."

Tumango ang dalaga tsaka umalis sa lugar.

"Ano bang nangyayari sa'yo."

Walang nakuhang sagot si Trey. Nakatitig la'ng si Scarlett Astrid sakaniya.


Maya-maya..

Tumakbo si Scarlett Astrid dito at yumakap ng mahigpit.

"'Di ba hindi naman kayo 'yung pumatay kay Mama?" Scarlett. "'Di ba mahal mo 'ko?
'Di ba hindi ka la'ng nandito sa.. sa tabi ko dahil sa konsensya? Trey,
mapagkakatiwalaan kita 'di ba?" Umiiyak na sabi nito.

Parang lalo naman nanlamig si Trey. Gusto niyang magsalita pero hindi niya maisip
kung ano ba ang dapat sabihin.

Ilang minuto rin ang lumipas...

Ngumiti ito pero pilit at isang mapait na ngiti 'yon. ''Nagsinungaling kami,
Astrid.''

Natigilan si Scarlett dahil doon. Hindi siya umimik. Nanatiling nakayakap kay Trey
at nakapikit ang mga mata, naghihintay.

"N-nagsinungaling kami. Astrid, nakonsensya ako, oo. Pero ano bang sinasabi mo.
Siyempre mahal ki-"

Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang biglang kumalas sa yakap si Scarlett at
hinarap si Trey na may kabadong dibdib at nanginginig na mga kamay.
"Trey.. nagsinungaling? Saan?"

Napaiwas ng tingin ang lalaki dito. Bumuntong-hininga. Inaalis ang takot sa loob
niya pero maya-maya ay umiling la'ng sa kausap na parang ayaw na la'ng sumagot
rito.

Pero bigla nitong naisip na wala ng magandang idudulot pa kung hindi pa niya ngayon
sasabihin ang totoo. Kaya nilingon niya ulit ang babae sa harap na may halo-halo na
rin na emosyon sa mga mata. Hinawakan niya ang mga kamay nito at mahigpit na
hinawakan.

"Astrid. Kami.." Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy. "..kami 'yung pumatay kay
Tita Wendy." Halos pabulong na sabi nito.

Tila natigil naman ang lahat ng ingay sa paligid para kay Scarlett. Parang gripo na
tumuloy-tuloy na ang mga luha nito sa pag-agos at isang malakas na sampal na la'ng
ang naisagot niya sa sinabi ni Trey.

Nasundan pa ang malakas na sampal ng isa pa.

"Pinatay niyo si mama?" Umiiyak na tanong nito. "Pinatay niyo si mama!" Sigaw ni
Scarlett na may bahid na ng pagkamuhi ang tono.
"Astrid. Makinig ka muna-"

"Makinig? Saan?! Sa mga kasinungalingan na naman?! Anong nagawa namin sainyo?!"


Pinaghahampas na nito si Trey na tinatanggap la'ng rin ng lalaki.

"Astrid! Parehas la'ng tayong nawalan ng ina! Tangina pwede bang makinig ka muna sa
'kin!''

''Sinungaling kayo! Ubos na ang tiwala ko sainyo! Mamamatay tao kayo! Ang sasama
niyo!'' Tuluy-tuloy na sigaw nito, at naging nagliliyab na asul na asul na naman
ang mga mata. ''Totoo 'yung mga sinabi ni Hecate. Ayoko na-''

''Teka. Teka nga!'' Nagtaas pa ito ng dalawang mga kamay dahil nag-iiba na ng aura
ang paligid ni Scarlett sa galit. ''Hindi mo pa alam ang buong kwento, Astrid
parehas tayong nawalan, naiintindihan mo ba?! Namatay rin-Shit.'' Hindi ito
nakapagsalita ng maayos nang magsimulang mawala sa sarili si Scarlett sa galit na
nararamdaman at maglabas ng ilang bilang ng mga patalim at iatake kay Trey.

Ilang ilag pa ang ginawa ni Trey hanggang sa naisipan niya nang lumapag sa sanga ng
puno.

''Ano ba! Namatay rin 'yung nanay ko dahil sa nanay mo, sa tingin mo ba ikaw la'ng
ang dapat malungkot dito?! Astrid, tumigil ka nga muna!'' Trey, ''Hindi ako
natatakot mamatay, natatakot ako na kamuhian mo 'ko. Mag-usap muna tayo ng matino,
pwede?!''

Naka-ilang sigaw na ito pero parang wala la'ng na naririnig si Scarlett Astrid at
patuloy sa paglalabas ng mga nakamamatay na patalim patungo sakaniya.

Kaya isa la'ng ang naisipan niyang gawin nang mapagod na siya sa kaiilag.

Pumunta na ito sa likuran ng ni Scarlett nang magkaroon ng pagkakataon at yumakap


ng mahigpit. ''Astrid..'wag ganito, pakiusap.''

Check this out, my new teen-fiction story entitled "High School Life".

Third Person's POV

Pilit kinalma ni Scarlett ang galit na sarili at pumikit ng mariin.

''Anong nagawa ng nanay ko?'' Malamig nitong umpisa. ''Bakit kailangan niyo siyang
patayin at takbuhan ng ganun-ganun na la'ng?!''

''Hindi namin gusto 'yong nangyari-''

''Pero kahit na! Trey, alam niyong mali kayo! Buong buhay ko nagluksa ako kasi siya
la'ng 'yung nasa tabi ko!''
''Alam kong mali kami, maling-mali. Patawarin mo na kami, Astrid. Walang may gusto
ng nangyaring 'yon.. maniwala ka.'' Pagsusumamo nito habang mahigpit na yakap ang
babae.

''Hindi ko na alam.. nagawa niyo nga itago ang t-totoo tungkol sa pagpatay niyo kay
mama! Isinisisi niyo sa tatay ko ang lahat.''

''Astrid, ginawa namin 'yon kasi.. kasi wala naman ang may gusto na mangyari ang
pagpatay na 'yon! Kaya binaon na namin sa limot at isa pa wala akong alam sa-''

''IBAON SA LIMOT?! Ang kapal ng mukha niyo!'' Sigaw nito. Hindi na niya napigilan
maiyak at sampalin ang lalaki sa harap. ''Anong akala mo sa buhay ng nanay ko?!
Akala mo ba ganun ganun la'ng 'yon! Pagsisihan niyo 'yung pagpatay niyo kay Mama!
Inalisan niyo 'ko ng ina! Ano bang kasalanan namin?! Ayokong tagbuhan niyo 'to!
Ayokong umakto kayo na parang mataas at mabuti kayo! Ayoko!'' Pinagsasaktan na
naman nito si Trey at pinagsasampal.

Tinatanggap la'ng ni Trey lahat ng pananakit na ginagawa ni Scarlett. ''Oo na! Oo


na! Pinatay ng mama ko ang nanay mo. Pero hindi pa ba sapat 'yong nangyari?!
Napatay din naman ni Tita Wendy si mama! Naging miserable rin ako nun, tulad mo
naalisan din ako ng ina nung panahon na 'yon!'' Inis na sabi ni Trey dito habang
hawak-hawak na ang mga bisig ni Scarlett Astrid.

''Sinungaling ka! Nagsisinungaling ka na naman! Hindi na ako maniniwala sa'yo!''


"Trey. Crystal Moon."

Nilingon ni Trey ang may-ari ng malalim na boses.

"P-papa.''

Parang nagpantig naman ang pandinig ni Scarlett nang marinig ang boses at hinarap
ito na may galit na emosyon sa mga mata.

''Nagsinungaling ka! Ang sabi mo ang papa ko ang pumatay sa sarili kong ina! Ang
sabi mo masama ang tatay ko! Sinungaling!'' Sigaw nito.

''Anong ibig mo sabihin, Sundust? 'Wag mo 'kong binabastos at pinaparatangan ng


kung anu-ano.'' Mr. Cavin

Galit na nag-ilaw na naman ang mga mata ni Scarlett Astrid sa kulay na asul.
Nagpakawala siya ng tatlong klase ng patalim at inatake ng sobrang bilis sa
direksiyon ni Mr. Cavin. Nakailag rin kaagad ang matanda.

''Ang lakas talaga ng loob niyo, ano. Huling-huli na, nagmamaang-maangan pa! Alam
ko na ang totoo, Mr. Wastridge. Alam ko na ho na sinungaling kayo!'' Humalukipkip
si Scarlett Astrid at ngumiti ng mapang-asar. Asul parin ang mga mata nito at unti-
unti na rin napupuno ng galit ang sarili. ''Demonyo.. ka.'' Mabilis na dinuro niya
ang matanda sa harapan pero nasa kalayuan.

Kaagad naman na nagulat si Trey nang may lumitaw na mga matatalas na samurai sa
paligid ni Mr. Cavin Wastridge. Nakalutang ang mga ito at nakapaikot na parang
ikino-corner ang matanda.

Nagdaan ang ilang segundo na tahimik la'ng sila. Maya-maya ay unti-unting tumawa
ang matanda, palakas ng palakas. ''Pinapahanga mo talaga ako, Crystal Moon.
Napakaganda ng gem mo. Tungkol naman sa ano? Totoo? 'Yon naman ang totoo, Crystal
Moon. Sakim at masama ang tatay mo..'' Mr. Cavin. Matapang at walang bahid ng takot
ang boses nito kahit napapalibutan na siya ng mga patalim.

Pagkatapos magsalita ng matanda ay kaagad na tumaas na naman ang dugo ni Scarlett


sa galit. Parang kasing bilis ng hangin na nagsi-galawan ang mga samurai at tumutok
sa direksiyon ni Mr. Cavin.

Isang maling galaw la'ng...

''Papa! Tama na, ano ba 'yang sinasabi ninyo?!'' Pag-aalma ni Trey sa ama. ''Tama
na 'yong sinabi natin noon na hindi natin alam ang pagkamatay ni Tita Wendy! Pero
'yong gagawa na naman tayo ng panibagong kasinungalingan? Hindi na 'to tama.''

Ngumisi la'ng si Mr. Cavin at nilingon ang anak na lalaki. ''Umalis ka na, dahil
hindi na kita kailangan.''

Naguguluhan na tinitigan ito ni Trey. ''Anong sinasabi niyo?''

Humalakhak kaagad si Mr. Cavin, halakhak na palakas ng palakas. At nagiging


nakakatakot sa pandinig.
''Demonyo ka!'' Inis na sigaw ni Scarlett Astrid at inuwestra ang kamay sa hangin.

Dumire-diretso na ang mga patalim sa direksiyon ni Mr. Cavin na siguradong walang


magiging kawala.

Parang nahigit ni Trey ang hininga nang biglang magsigalawan ang mga patalim ni
Scarlett Astrid at atakihin ang ama.

Pakiramdam niya hindi siya makagalaw. Nagbalik sa ala-ala niya ang mga nangyari
nung mamatay ang nanay niya. ''A-Astrid.'' Pigil nito. Sa tingin niya hindi na niya
kakayanin kung makukulangan na naman siya ng magulang, tulad noon.

Hindi siya pinansin ng babae, galit na galit ito.

Bago pa kasi makalapit ang mga patalim niya, naging itim na usok na ang katawan ni
Mr. Cavin at naglaho na ang matanda na parang bula.

Seryosong hinanap ng mga mata ni Scarlett Astrid ang matanda sa paligid. Tahimik na
pinapakiramdaman niya ang mga ingay. Kinakausap siya ni Trey tungkol sa kung ano,
pero parang hindi niya ito nadidinig. Naramdaman niya na hinawakan ni Trey ang
braso niya, pero parang may mali.

May usok na itim ang bumalot sa buong katawan niya. Gulat na gulat at may malakas
na pintig ng puso niya itong hinahawi pero parang talagang nakapalibot ito
sakaniya.
''Demonyo ako?'' Malalim na boses. Nakakatakot. Nakakapanindig-balahibo. Hinanap ni
Scarlett ang pinanggalingan ng boses, pero wala siyang makita kundi usok na itim.
Biglang tumawa ang tinig, tawang hindi pantao. ''Kung ganon.. ipapakita ko sa 'yo,
kung gaano kalupit ang demonyong.. tulad ko..''

Nanlaki ang mga mata ni Scarlett Astrid nang maramdaman na parang nahuhulog siya.
Parang biglang hindi na lupa ang tinutung-tungan niya. Ipinikit niya ang mga mata
at pinilit na 'wag sumigaw at matakot.

''A-Anong nangyayari?!'' Tarantang sigaw nito. Nang maidilat niya ang mga mata niya
ay nakahiga na siya sa lupa na halos magkulay pula dahil sa ilog malapit dito. ''A-
ano 'to?!'' Ilog ng naglalagablab na apoy.

''Nasa teritoryo ka ng demonyo, Scarlett. Ni hindi mo 'ko makita o mahawakan kasi


ganiyan ka kahina, wala kang laban kahit ikaw pa ang Crystal Moon.'' Malalim na
boses. Humalakhak na naman ito na parang isang demonyo.

Napalunok si Scarlett Astrid. Namumuo na ang takot at kaba sakaniya. Sobrang init
sa lugar at nakakatakot na dahil nang ilibot niya ang tingin sa paligid..

Napagtanto niya na nag-iisa ang lupang tinatapakan niya sa gitna ng dagat na apoy.

Scarlett Astrid's POV


Pero kanina la'ng ilog ang apoy na 'to.. paano ako makakaalis dito?!

Sa kalagitnaan ng pagmamasid ko sa paligid, biglang umugoy ang lupa.

Nanginig ako bigla.. lalo na at may malaking alon ng apoy ang hahampas sa
kinalalagyan ko.

Hindi ko na alam ang gagawin.

Sobrang lakas na ng pintig ng puso ko sa kaba. Kinapa ko ang leeg ko para kunin
sana ang Air gem ko.. o kahit man la'ng ang Fire gem ko.

''Basag na nga pala..'' Naibulong ko sa sarili ko.

Sht, anong gagawin ko?!

Kaunti na la'ng.. malapit na akong malamon ng apoy na alon, napapikit na la'ng ako
at naiyak..

Ilang segundo ang lumipas...

Biglang lumamig..
Nagdilat ako ng mga mata...

Hindi na mainit ang paligi, dahil wala na ako sa lugar na may dagat na apoy!

''Ahh! Ano ba 'tong nangyayari!!!'' Inis na sigaw ko.

Nasa lugar na ako na pamilyar sa 'kin-teka!

Dahan-dahan na tumayo ako at naglakad palibot sa buong silid. Tama, nasa loob ako
ng silid ngayon.

Tahimik. Malinis. Ganun parin ang pwesto ng mga gamit.

Naglakad ako palapit sa isang tukador. Inabot ko ang litrato namin ni mama..

Nasa silid ako ni mama.

Hindi ko na naman naiwasan ang maiyak.


''Namimiss na kita.'' Bulong ko.

''Mga walang hiya kayo!''

Halos mapatalon ako sa gulat. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses ng babae na


hindi ko kilala.

Nagulat ako kasi ang dami nang tao.

Si mama na nakatayo at sinisigawan ng babae, may lalaki rin na nakatalikod at


prinoprotektahan si mama laban sa babaeng nananakit sakaniya.

''Dumalaw la'ng ako dito, ano ba! Pinaiiral mo na naman ang pagseselos mo!'' sigaw
'yon ng lalaki.

Nagsisigawan. Nag-aaway. Ang sakit na sa tenga..

Tumakbo ako palapit kay mama, niyakap ko siya. Ito siya sa harap ko! Buhay na
buhay!

Niyakap ko siya pero tumagos la'ng ako.. nagkakasakitan na sila ng babaeng hindi ko
kilala kaya lumayo na ako habang tumutulo na naman ang mga luha ko sa pangungulila
sa ina.
Nabato ako sa kinatatayuan ko nang sa panood ko sa nangyayari sa kanilang tatlo ay
bigla na la'ng natumba si mama..

Napatakip ako ng bibig..

Parang sirang plaka ang mga eksena.. paulit-ulit silang nag-aaway.. tapos
magsisigawan, tapos maya-maya ay may mga mamamatay. Uulit na naman. Mag-aaway,
magsisigawan, tapos makikita ko na naman ulit kung paano nila napatay o talagang
pinatay si mama. Hanggang dun la'ng, tapos uulit-ulit na parang binabaliw ako sa
sakit!

Kumurap ako, ang sakit makita ang nangyari noon. Sana naipagtanggol ko man la'ng
siya..

Napadausdos na ako sa sahig at niyakap ang aking mga binti. Hindi ko maalis ang
paningin ko sa mga nangyayari, pakiramdam ko para na akong mababaliw sa mga
nakikita ko. Si Mama.

Hanggang sa hindi ko na kinaya at tinakpan ko na ang mga pandinig ko. Pero kahit
ganon, dinig na dinig ko parin lahat ng away at sigawan. Nag-eecho. Kahit ipikit ko
pa ang mga mata ko, kitang-kita ko pa rin... kung gaano kawalang-awa na pinatay ng
babaeng 'yon si mama. Nakakahilo.

Naramdaman ko na la'ng na parang gusto ko na matumba...

''Anak..''
Dinilat ko ang nanlalabong mga mata ko sa luha. Naaninag ko na wala na ako sa loob
ng silid,.

At may mga bisig na yumayakap sa katawan ko.

Scarlett Astrid's POV

''Ate Scarlett! Gising ka na, mabuti naman. Salamat naman sa dyos!''

Tuluyan na akong nagdilat ng mga mata.

Una kong naaninag si Angel Lynne.

''Mga ate at kuya! Gising na si Ate Scarlett!'' Rinig kong sigaw nito sa matinis na
boses niya.

Naramdaman ko na may mga taong nagsilapitan sa tabi ko. Tuluyan na akong umupo,
naglibot ng paningin.

Nandito ako sa tabing-dagat. May normal na hangin.


''Scarlett, mabuti at gising ka na! Akala ko naman magiging sleeping beauty ka
pa.'' Maxinne na may malapit na umiyak na tono.

''Seryoso na, Max. Ano ba.'' Ace

''Ano rin ba?! Seryoso ako!'' Maxinne

''Wala na tayong oras! Ano pang ginagawa niyo diyan?!'' Lapit saamin ni Paul.

Halos mapanganga ako sa dami ng sugat ni Paul sa mga braso. Tinignan ko rin ng
mabuti sila Maxinne, Ace, Regina at Angel na mga malapit saakin.

''Bakit ang dami niyong mga sugat?!'' Gulat na tanong ko. Puro gagas at dugo sila!

''Sa tingin ko saka na tayo magkwentuhan. Wala na kasi talagang oras, Scarlett.
Tayo na diyan.'' Regina

''Pusang hindi gala naman, Trey pare! Umayos ka na! Akala ko ba matibay 'yang buto
mo!''

''Tigilan mo nga ako! Hindi pa naman ako baldado!''


''Eh itsura mo kasi.''

Napalingon ako sa likuran ko. Si Trey at Felix nandun..

Nagtama ang mga mata namin ni Trey. Dyos ko, ang dami niyang dugo sa katawan!

''A-anong..'' Hindi ko naituloy ang pagtatanong sana. Tama bang mag-alala pa ako?
Pero bakit nga ba hindi ako mag-aalala?! ''Trey, anong nangyari sa 'yo?!''
Diretsong tanong ko. Kahit alam kong may problema, wala, nag-aalala la'ng ako
sakaniya.

Ngumiti ito ng pagkalaki-laki. Lumapit siya sa 'kin na paika-ika at iginiya akong


magpatuloy sa paglakad kasunod nila Maxinne at Ace na mukhang nag-aaway na naman.

''Walang problema, naligo la'ng ako sa ketchup.''

''Wag mo nga akong gawin na naman na tanga! Anong nangyari sabi!''

''Wala 'to. Sus''

''Bilisan na natin! Dehado tayo!'' Biglang dumating naman na sumisigaw ng ganyan si


Travis. Kasunod si Justine, Haydee at Ice.. na ganun din. Maraming mga sugat.

''Ano bang nangyayari? Bakit ang dami niyong mga sugat?! Saan tayo pupunta?!''
Naguguluhan na tanong ko.

''Scarlett lahat ng Gem-holders gusto ka makuha at ang gem mo.'' Khionne Ice,
''Hindi namin alam kung bakit nila 'yon ginagawa. Ang sabi ng iba sakanila, inutos
ni Mr. Cavin 'yon dahil sabi ni Mr. Cavin gagamitin mo daw ang gem mo sa masama...
tulad ng papa mo.''

Napatikom ako ng bibig. 'Yung demonyong 'yon!

''Ginawa na namin ang lahat ng paliwanag sa mga Gem-holders na 'yon na pumunta pa


talaga ng Mortal World, pero hindi talaga sila naniniwala.'' Haydee

''Bakit kaya nagkaganun si Mr. Cavin? Anong problema ng tatay mo, Trey?'' Maxinne

Hindi na la'ng sumagot si Trey at nagkibit-balikat la'ng.

''Bakit sugat sugat kayo?'' Ulit ko sa tanong ko.

Lumingon sa'kin si Justine. ''May mga nananakit kasi. Wala kaming nagawa kundi
lumaban na la'ng din kaysa kami ang masaktan.''

Tumango ako at tinitigan ang mga braso ni Trey na talagang puro dugo.
''Pupunta tayo sa Magic Paradise, hindi na safe dito. Nadadamay na ang mga tao na
inosente.'' Salubong saamin ni Paul sakay ng malaking agila. May mga agila pa
siyang kasunod sa likuran.

Hindi na ako nagsalita. Pinigilan ko na ang sarili ko na magalit o magkwento. Hindi


ko alam kung anong nangyari nung mawalan ako ng malay.. o kung sino 'yung taong
naramdaman kong yumakap sa 'kin nun.

Magkasama kami ni Trey sa malaking agilang 'yon. Hindi siya umiimik. Mukhang
malalim ang iniisip pero kapag tinitignan ko naman ang mga emosyon niya bigla
siyang ngingiti saakin na parang.. parang wala la'ng..

''Trey-''

''Magtatago tayo sa Magic Paradise, malayo sa academy. Mag-iisip ng mga plano. Ng


mga gagawin. Magiging maayos din ang lahat.''

Tumango ako.

''Anong nangyari kay.. sa papa mo.'' Mahinahon na tanong ko. Alam ko naman na tatay
parin siya ni Trey. Mahal ko si Trey at alam kong ganun din siya sa 'kin. Basta,
bahala na!

Ngumiti ito ng tipid. ''Hinahabol ka rin niya. Pero may humarang sakaniya, na hindi
papayag na masaktan ka. At siyempre.. ayoko din na.. saktan ka niya. Humawak ka ng
mabuti, 'pag nakiliti 'yang agila laglag ka, sige ka.'' Ngiti nito saakin.
Nang makalapag na kami sa lupa, dumiretso kaagad kami sa isang malaking kahoy na
bahay. Niyakap kaagad ako ni Sandy at Dionne. Nandun din sa loob si Lalaine na
nakapameywang.

''Sabi ko na nga ba, hindi magiging maganda ang idudulot mo sa'min, e!'' Singhal ni
Lalaine sa akin.

Napataas ako ng isang kilay. Anong problema niya sa 'kin. Pero bago pa ako
makahanap ng kung anong isasagot sa pagmamaldita niya sa'kin ay nauna na si Sandy
at Maxinne.

''Sabi ko na nga rin ba hindi magandang nandito ka, e!'' Maxinne na ginagaya ang
kilos ni Lalaine.

Napahagikhik naman si Sandy. '''Wag si Scar ang pagbuntungan mo ng galit sa nasunog


na balat mo kaka-iba-iba ng lotions!''

''Wag mo na la'ng pansinin.'' Bulong saakin ng dumaan. Si Khionne Ice.

Nag-thumbs up naman si Ace sa 'kin at hinila na palayo doon si Maxinne.

Hinawakan ni Trey ang kamay ko saka hinila papasok ng bahay. Pinaupo niya ako sa
isa sa mga sofa doon sa sala kung saan nandun na din sila.

''Plano.'' Felix. Hinagis nito sa center table ang malapad na papel. Tinignan namin
iyon. Mapa. ''Plano na, kasi maatutunton nila tayo dito maya-maya la'ng
panigurado.''
Nag-unat naman ng leeg si Ace. ''Bago 'yan, kailangan muna natin malaman..'' Hinto
nito at tinignan si Trey. ''..kailangan natin malaman kung sino ang kalaban-'' Ace

''Tatay ko.'' Mabilis at seryosong sagot ni Trey.

Napatahimik kaming lahat.

Hanggang sa basagin ni Regina ang katahimikan na 'yon.

''At bakit?''

''Hindi ko alam.'' Trey. ''Walang may alam. Basta ilayo niyo si Astrid sakaniya.
Ilalayo natin si Astrid sakaniya.''

Nagsitanguan naman ang lahat. Kahit ako naguguluhan. Papatayin ba ako ng demonyong
'yon kaya niya ako pinapahuli sa mga gem-holders? Anong gagawin niya sa gem ko?

Lumipas ang mga minuto.. nakikinig la'ng ako sakanila.

Plano kung saan na kami pupunta pagkatapos dito sa bahay na 'to sa gitna ng
kagubatan. Plano kung sino ang hihingian ng tulong. Plano kung paano namin 'to
matatapos lahat! Plano kung paano babalik sa ayos ang lahat-lahat dito.
Pero ang sagot nilang lahat rin ang nakapag-pawala ng pag-asa ko. Sabi din ng
bawat-isa hindi nila alam kung paano aayusin ang mga gem-holders na 'yon na ayaw
makinig!

''Masama ba talaga si Mr. Cavin? Baka naman may plano la'ng siya-''

''M-masama po siya.'' Tammy. Umiiyak na pala ito at pulang-pula na ang mga mata.
''Masama po.''

Pinatahan si Tammy ng lahat. Tinanong kung bakit niya iyon nasabi, pero umiyak
la'ng siya at nagsabi na ''masama'' talaga ang demonyong 'yon.

Nagpahinga kami sandali sa loob nun. Wala kaming maisipan na lapitan.

Hanggang sa...

''MAY MGA BLACK GEM-HOLDERS!'' Sigaw ni Dionne mula sa labas ng bahay.

Naalerto kaming lahat.

''Walang gagamit ng gem, hindi namin kayo sasaktan!'' Sigaw ng boses ng kung sino.
''Ben?! Anong kalokohan 'yan?!'' Regina

''Hoy! 'Di ba nakakulong ka?!'' Paul, ''Anong ginagawa mo dito?!''

''Kukunin ko sana si Regina, magpapakasal na kami- Ah!'' Napasigaw ito sa sakit.


Nagyelo kasi ang buong katawan niya except sa ulo.

''Papakasalan mo muna ang bagsik ni Paul the great.'' Natatawang sambit ni Ace

''Anong ginagawa mo dito? Kasama mo pa 'yang mga alagad mo.'' Trey

''Okay, okay. Kalma.'' Ben. ''Ikaw, Wastridge, alam mong hindi ako gumagawa ng
masama pero pinakulong niyo parin ako, 'wag mo kaming husgahan. Lalo na't pogi
'tong mga kasama ko, pati ako siyempre!''

Biglang humangin ng malakas sa pwesto nila Ben at ng marami niyang mga kasamang
black gem-holders.

''Walang willing makipagbiruan sa 'yo dito.'' Khionne Ice

''Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?'' Trey

''Kailangan ko ang Crystal-Fu-ck! Ang init!'' Sigaw nito. 'yung kaninang


nagyeyelong katawan niya napalitan ng apoy na namatay din kaagad nung sumigaw siya.
''Bakit mo kukunin si Astrid?'' Trey

''Para patayin siya-Putspa! KALMA KASI MGA DRE!'' Sigaw ulit nito. Halos muntik na
rin kasi siyang atakihin ng lahat ng mga Royal Colors kabilang si Travis, Angel at
Justine nung sabihin niyang papatayin niya ako.

''ANO NGANG KAILANGAN MO SA 'KIN?!'' Iritang sigaw ko. Kaunti na la'ng babatuhin ko
na siya ng mga kutsilyo! Kinakabahan ako, sobra!

Inayos nito ang kwelyo ng damit niya at tumikhim. ''Kailangan..'' Pabitin nitong
salita.

Lahat kami nag-aabang ng sasabihin niya. Seryosong mukha niyang-kininditan si


Regina.

''What the! Hoy, ano na!'' Regina

Parang hangin na nakarating si Dionne sa likuran ni Ben at sinakal ito. Naalerto


naman ang mga balck gem-holders.

''Niloloko mo talaga kami, ano?'' Dionne

''Hindi! Kailanganniyapumuntasapupuntahan!'' Mabilis na salita nito.


''Ano daw?!'' Sandy

''Ano ba naman!'' Maxinne

Binitawan naman ni Dionne ang leeg nito. ''KAILANGAN NIYA PUMUNTA SA GEM MOUNTAIN!
NGAYON!'' Benjamin

A/n: Sorry kung may typo, mahirap mag-type kung may pusang tulog sa lap ko. Haha.
Naka-stretch pa siya, e. K, share la'ng.

Vote at comment, 'yan la'ng kapalit ng bawat updates ng mga author. ;)

Third Person's POV

"Hindi mo parin binago 'yung plano mo. Nangangarap ka parin sa bagay na alam mong
'di mangyayari kahit kailan."

"Mangyayari 'yon kung hindi ka makikialam."

"Tinuring kitang parang kapatid. Pinaka-malapit na kaibigan. Pinagkatiwalaan kita


sa lahat dahil AKALA ko mabuti ka! Tapos ngayon anak ko pa sasaktan mo ulit?! Sa
tingin mo naman wala ulit akong magagawa?"

Sobrang kaba ang bumalot kay Zigamord Sundust nang malaman niya galing kay Benjamin
at Tammy na nagpunta si Cavin Wastridge sa mismong rest house na tinutuluyan
nglalaking anak ni Cavin Wastridge at ng anak na Crystal Moon.
Hindi niya alam ang mangyayari pero alam niyang kailangan na niyang iligtas ang
anak nung mga oras na nakausap niya si Tammy.

Hinihingal na nakarating si Tammy sa lugar na pinaglalagyan nila Benjamin, mga


Black gem-holders at ng hari nito. ''Kailangan niyo na pong pumunta ng Mortal
World, Mahal na hari. Ngayon na po ang oras na pipilitin kunin n-ni papa ang gem ni
Ate Scarlett..''

Nagmamadaling pinuntahan mag-isa ng matanda ang lugar at nakitang tulala ang


lalaking anak ni Cavin. Napalingon si Trey sakaniya at halatang nagulat at namutla.

''Mahal mo ang anak ko, 'di ba? Protektahan mo siya bago ko maisipan na paglayuin
kayong dalawa pagkatapos ng lahat ng 'to.''

Walang nasabi si Trey at tumango la'ng dahil sa matinding pagkagulat sa matandang


nakakausap niya sa harap.

Pagkatapos nun ay umalis ang matanda papunta sa anak na kasalukuyang nasa panganib.

Napangiti sa pag-iisip ang ama ng Crystal Moon. Naisip niyang napaka-ganda pala
talaga ng anak at halatang matibay at matalino. Sa tingin niya ay kahit wala pa
siya, makakaya pa rin ni Scarlett Astrid ang pagprotekta sa mga gems.

Nabalik sa realidad ang matanda nang marinig ang paghalakhak ni Cavin.

''Malakas na siya ngayon, kayang gumamit ng gem at may mga alam na dito sa mundong
ito. Dahil 'yon sa 'kin, hindi ba dapat ikaw ang gumabay sa anak mo na Crystal
Moon? Sa tingin ko dapat la'ng na tumanaw siya ng utang na loob sa pagtulong ko-''
''Utang na loob? Ginawa mo 'yon dahil sa una pa la'ng may plinaplano ka nang
masama. Hindi ba't kaya nga isinugal mo ang mga gem na hawak mo noon sa mga Goddess
at God ng mga gem para isumpa akong makatulog ng mahabang panahon? Dapat siguro
ikaw ang may utang dito. At magbayad.'' Sa pagkakataong ito, ang matandang lalaki
naman na nagsalita ang ngumisi.

Inis na tinignan ito ng isa. ''Aalis ka sa dadaanan ko at papatayin ko ang anak mo!
Pamumunuan ko ang lahat na sa puntong pati ang mga dyos at dyosa ng mga gems ay
walang magagawa at mapipigilan ko na naman sa ikalawang pagkakataon tulad noon!''

Naging alerto si Zigamord Sundust sa isinigaw ni Cavin Wastridge na nababalutan ng


itim na aura ngayon sa galit.

Nagdilim ang buong paligid. Alam niyang isang Illusionist gem-holder ang dating
kaibigan kaya hindi malabong gagawa la'ng ito ng ilusyon sa magiging buong laban
nila hanggang sa ikabaliw niya ang mga makikita at sumuko.

At 'yon ang hindi pwede mangyari.

Sa sobrang dilim ng paligid parang nasa lugar ng kawalan ang matanda. Walang ibang
marinig. Walang ibang makita na dinaig pa ang taong bulag.

Matapos ang ilang segundo, biglang nagliwanag ang lugar. Masakit sa mata na
liwanag. Halos hindi madilat ng matanda ang mga mata, pero tuluyan nanlaki ang mga
mata nito sa gulat nang biglang may dragon na malaki ang nakatayo sa harap niya.

Handa na siyang bugahan ng apoy. Kinalma niya ang sarili at pinilit na 'wag
matakot, alam niyang ilusyon la'ng 'yon.

Pero kahit ganun pa man, pinilit niya umilag at umiwas sa paparating na apoy na
ibubuga ng malaking dragon.
Nagteleport ang matanda sa kaliwang banda ng dragon gamit ang teleport gem na
hawak. Ngumisi siya sa pakiramdam na makagamit ulit ng gem. Ang huli niya kasing
paggamit ng uri ng gem ay napakatagal na panahon na rin ang nakalipas dahil sa
sumpang pagtulog na hiniling ni Cavin sa God of Wishing-gem.

Nagdilim ulit ang paligid. Napangiwi ang matanda sa kirot na naramdaman sa buong
braso. Gumamit siya ng Light gem sa buong paligid, nagliwanag sa lugar at kita niya
na ngayon na may sugat siyang nagdudugo sa buong braso. Parang paso ng apoy.

''Saan ko 'to nakuha?'' Tanong niya sa sarili na pabulong.

Nagdilim ulit. Narinig niyang tumawa na naman ng malakas ang dating kaibigan.

''Saan sa tingin mo, hindi ba ikaw ang pinaka-matalino sa ating lahat noon?'' Boses
ni Cavin na may tonong nang-iinis at pagkamuhi. Biglang nagliwanag. Nagulat ulit
ang matandang Zig nang makitang nasa harap niya ulit ang Dragon at bumuga ng
maraming apoy.

Gumamit ng malaking shield ang matanda para sanggain ang apoy. Napapaatras pa siya
sa sobrang lakas ng apoy nito.

''Isa ka la'ng ilusyon. Hindi mo 'ko pweng masaktan..'' Bulong nito. ''Pero may
sugat akong natanggap.''

May hayop bigla ang umungol ng malakas sa likuran niya. Nagkaro'n bila ng napaka-
lamig na hangin.

''Sino ba kasing nagsabi na ilusyon la'ng ang bagay na 'yan, Kaibigan kong
genius?'' Nakangiting sabi ni Cavin Wastridge na hanggang ngayon hindi parin
makita-kita ni Zig.

Hindi nakailag kaagad ang isa sa paparating na pagbuga ng dragon ng hangin na


nakapagpapayelo. Kaya nagyelo ang buong katawan nito.

Dun la'ng nagpakita si Cavin, sa likod ni Zigamord at tumawa ng malakas. Pumitik


ang dalawang daliri nito sa hangin at nagkaroon ng hindi mabilang na iba't-ibang
mga dragon sa paligid.

''Matagl na kasi tayong hindi nakakapag-kwentuhan, kaibigan. Naikwento ko na ba sa


'yo na habang nahihimbing ka dahil sa sumpa ay nangolekta ako ng iba't-ibang uri ng
gem galing sa mga malalakas na tao sa buong Magic Paradise?'' Ngiting-ngiti na sabi
nito. ''Pinatay ko na nga rin ang asawa ko dahil ayaw niyang sumunod sa mga plano
ko noon. Ayaw niya nga rin ibigay ang gem niya, kaya tinuluyan ko na.'' Humalakhak
na naman ito.

Buhay si Zig sa loob ng bloke ng yelo. Kinamumuhian siya habang naririnig ang
nakakainis na tono ng pagkwekwento niya..

''Oo nga pala, aalis na ako. Hahanapin ko pa ang anak mo at papatayin.. nakalimutan
ko pa sabihin..Alam mo rin ba, na patay na ang asawa mo na nangyari ayon sa plano
ko?'' Tumawa ng malakas si Cavin at tuluyan nang nawala sa lugar ng kawalan.

Nagpantig ang tenga ni Zigamord sa narinig. Wala pa ang ilang segundo at nawasak na
ang bloke na kinalalagyan niya..

Hinarap niya ang hindi mabilang na mga dragon na nag-iingay ngayon sa galit.

Mabilis pa sa isang segundo na naglaho na kaagad ang mga dragon sa harap nito.
''May nakalimutan din akong ikwento, mas malakas na ang gem ko kaysa noon. Ikaw
naman ang mapapatay ko.''

A/n: Nakakahilo 'tong story na 'to. Muntik na ako sumuko hahahaha. Epic :3

Good Morning... :D

Chapter dedicated to:

@whootberry @joshuajacobandres @Keezziiaah

@Ametria @GleeAnn @lila_cute @normayla07

@Arigato7 @jomelynbalaquit @MjBlue @grethelcahatol @LadhieSupfakira

@GearAngel19 @Jeanthirdmae @iamDestroyer18

@IceCream_NiLuhan @delzataladtad @blackria @jlalquero_06

Last Chapter...

Pagkasabi at pagkasabi pa la'ng ni Ben na utos daw ng hari na sunduin kami, lalo na
ako, papunta sa Gem Mountain kahit ano mangyari, sumunod kaagad si Trey.

Sobrang naguguluhan ako! Pa'no kung hindi pala kami safe sa Ben na 'yan, e nung
nakaraan la'ng pinagtangkaan niya pa 'yung buhay ko.

'Yung kinulong pa nga siya sa selda!


Kasalukuyan kaming nakasakay sa kabayo na dala nung mga Dark gem holders.

At oo nga pala..

"Trey, akala ko ba kalaban 'yong mga Dark gem holders? Bakit tayo susunod,
nasisiraan na ba kayo?" Tanong ko dito.

"Hindi pa naman.."

"Ano ba, seryoso nga!" Inis na sabi ko. "Bakit tayo susunod sa mga kalaban?!"

"Kasi-"

Hindi na niya natuloy ang sagot nang manlaki parehas ang mga mata namin sa nakita.
May batang babae kasi na biglang huminto sa dadaanan namin kaya agad na pinahinto
namin 'yung kabayo..

"Ano ba 'tong batang 'to!" Trey,

"Kristine!" Sigaw ng matandang babae. Dinaluhan nito ang bata.


Napahinto sila Maxinne at iba pa nang mapansin siguro na nakahinto rin ang kabayo
na sinasakyan namin.

"Itali niyo ho 'yong anak ninyo, magpapakamatay pa yata eh." Trey

"Itali?! Tumigil ka nga lalaki ka!" Saway ko dito.

"Eh nagmamadali tayo, putek na mga taong 'to!" Paalis na sana kami nang tawagin
naman kami nung babaeng matanda.

Siguro ay nakatira sila dito sa gubat.

"Ikaw 'yung Crystal Moon, hindi ba?" Matandang babae.

Nilingon namin siya. Tumango ako.

"Siguro ay nakarating na sa inyo si Haydee Lancaster." Matandang babae na nakatitig


sa mga mata ko ng diretso.

Kita kong marahas na ginulo ni Trey ang buhok niya sa inis.


"Wala ho kaming oras sa kamustahan, ale." Trey

"Trey! Konting bilis!" Rinig kong sigaw nila Ace at Ben.

Hindi ko sila pinansin. "Ano po bang meron kay Haydee?" Tanong ko at lumingon kay
Haydee na kabababa la'ng rin ng kabayo na sinasakyan niya kasama si Travis.

"Mamang!" Niyakap ni Haydee ang matanda, masayang kinamusta naman ito nung babae..
na lalong kinainis ni Trey dahil sayang daw sa oras.

Ewan ko pero pakiramdam ko may mahalagang sasabihin 'yong matanda na kailangan ko


marinig.

"Mama mo, Haydee?"

''Ah, oo.''

Ngumiti ako sakanila, siguro ay matagal silang hindi nagkasama ulit.

Nakakainggit..

Sa way ng pagkakayakapan nila, parang namiss ko lalo si mama.


Napahinga ako ng malalim saka nag-iwas ng tingin.

''Pwede na ba umalis?'' Trey.

Siya la'ng talaga 'yong mapapansin na reklamo ng reklamo. Sabagay siya la'ng kasi
ang makapal ang mukha. Tho alam kong magrereklamo na rin soon ang ibang boys base
sa mga ekspresyon nila na nagmamadali at naghahabol ng oras.

Pero hindi ko talaga pwedeng palampasin 'tong nararamdaman kong may something na
kailangan ako malaman sa matandang babae. Ang weird..

''Crystal Moon patawarin mo kami.'' Matandang babae.

Napatingin kagad ako dito. Ito na ba 'yung something na 'yon?

''Bakit po? Saan?'' takang tanong ko.

Tumingin siya kay Haydee na naguguluhan din tulad ko, at kagaya nila Sandy na ganun
din.

''Siguro ngayon alam mo nang isinumpa noon ng ama mo ang anak ko. Na siya naman
talagang dahilan kung bakit nasa ganoong academy si Haydee. Para makapaghiganti.''
''Mamang ayos na po kami ni Scarl-'' Haydee

''Hindi. Oo ayos na kayo pero kailangan malaman ni Scarlett na hindi ka naman


talaga isinumpa ni Zigamord, na plano la'ng 'yon ni Cavin Wastridge para saktan mo
si Sundust at kusang mapadali na mailabas nito ang gem niya. Para na rin kamuhian
niya ang kaniyang ama na hindi naman talaga naging masama noon pa..''

Sobrang inis na inis na may pinaghalong galit na ang emosyon na nararamdaman ko


ngayon.

Nakakainis talaga 'yong demonyong 'yun! Bakit ba ginagawa niya 'yon sa 'kin at kay
papa?!

Ano bang problema niya!

"Kalma, Scarlett." Nakangiting sigaw ni Dionne habang sinasabay malapit saamin ang
sinasakyan nilang kabayo. "Nagiging asul na tao ka na sa galit, bespren." Segunda
naman ni Sandy.

Ngumiti lang ako ng tipid. Ano ba kasing pina-plano nitong demonyong 'to, na
kamuhian ko 'yong ama ko?! Para saan?!
"Astrid, humawak ka ng mabuti." Biglang salita ni Trey, natigil ako sa pag-iisip at
tinignan ang mukha niya.

"Ha?"

"May mga professors at teachers ng academy sa likuran. Humawak ka na nang mabuti,


bibilisan ko ang takbo nito." Seryoso parin na sabi nito. Bukod sa napaka-seryoso
niya, tahimik din siya kanina pa. "Nasundan tayo kaagad. Ang bilis!"

Naalerto ako at lilingunin sana ang likuran nang marinig ko ang mahinang pagmura ni
Trey.

Napatili ako nang biglang ihinto ni Trey ang kabayo na sinasakyan namin.

May mga tao na nakaharang sa dadaanan namin. Pamilyar. Mga teachers sila sa
academy!

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Trey sa braso ko. Teka, hinahabol din ba
nila ako?

Nag-ilaw kagad ang gems ng mga teachers sa harapan namin, sunod na nangyari ay ang
pag-atake na nila saamin.

Mabilis na binaba ako ni Trey sa kabayo na 'yon.


"Kami na dito," Sabi ni Dionne na kasama na sila Sandy, Ace, Regina, Paul at
Maxinne.

"Sayang, gusto ko pa naman makita 'yung Gem Mountain." Maxinne na nagreready na ng


red gem niya.

Tinignan ko si Trey, nakasilip ito sa likuran niya. May iba pang estudyante ng
academy na nandun, nilalabanan ng mga Dark gem holders kasama sila Travis, Angel
Lynne, Justine at Haydee.

"Hoy! Ikaw!" Ben na tumatakbo palapit sa'min kasunod nito si Felix, Tammy at
Khionne., nakaturo kay Ace na tinutulungan sila Maxinne sa paglaban sa teachers
namin na sa tingin ko talagang malalakas!

"Anong ako, tumulong ka dito-peste ang sakit nung gem mo ah!" Ace. Duro nito sa
isang teacher na katapat niya. "Napaka boring na nga ng subject mo sa academy!"

Tumawa si Paul. "Yamot na yamot na nga rin ako sa isang 'yan."

"Ace Knight, hindi pwedeng magpaiwan ka dito. Sumama kayo ni Felix Williams sa Gem
Mountain! Tara na-" Ben

"Ano? Bakit naman-"

"Sumunod ka na!" Sigaw ni Trey saka hinila na ako, sumunod naman sila Ben sa
likuran. Papuntang Gem Mountain na kami ulit. Ano kaya ang gagawin namin doon? Mas
ligtas kaya kami dun?
Pagkatapos ng mabilis na paglalakad na inabot ng thirty minutes siguro, ay pagod na
narating namin ang Mountain.

Manghang-mangha pa rin ako sa malaking bilog na nakaukit sa sahig malapit sa dagat.


'Yung mga nakaukit na kabit-kabit na mga linya sa gitna ng bilog, mga nagcoconnect
na lines. Mga latin words, symbols and letters.

Pero ang nakapagpa-mangha lalo sa 'kin ay ang pagkamakulay ng malaking bilog


ngayon. 'Yung mga maliliit na butas sa gilid ng bilog na line, may mga gems na
nakalagay na ngayon! Mga nagliliwanag na gems,

Kaya kahit madilim at gabi na, nagsilbing liwanag naman ang ibat-ibang kulay ng
gems dito.

''Ang ganda tignan. Bakit may gems diyan? Ano ba talagang gagawin natin dito?''
tanong ko.

''Pipigilan mo maging diyos ng panibagong gem si Cavin Wastridge.'' Seryosong sabi


ni Ben na sumulyap pa kay Trey na nakatingin rin sakaniya. Si Khionne Ice at Felix
ay seryoso parin na tinitignan ang mga symbols sa bilog.

Si Ace at Tammy ganun din, nakatingin sa mga gems na nakapalibot sa nakaukit na


sobrang laking bilog sa sahig.

"Maging diyos ng panibagong gem?" Trey


"Hindi mo siguro alam na nag-iipon siya ng gem at pinagsasama-sama ang mga iyon.
Ngayon kaya niya nang manakit sa pisikal habang nasa loob kayo ng bisa ng Illusion
Gem kaya niya nang magpasok dun ng iba pang mga kapangyarihan. Basta!" Pumalatak si
Ben at ngumisi kay Trey. "Sabi ko sainyo alam ko mga sikreto niyo eh!"

Umismid lang si Trey dito. "Sikreto niya. 'Wag mo na 'ko idamay.." sulyap nito sa
'kin.

"Pero anak ka niya.." nang aasar na sabi ni Ben.

"Alam ko. Ano pang alam mo?"

"Mga nalalaman ko? Ahm.." Ben. Kailan ba niya balak sumeryoso ng diretso? Parang
kanina ko pa napapansin na parang nag-eenjoy pa siya. "Alam ko na nagkaroon siya ng
bente na bilang ng gems noon. At ipinampalit sa isang God ng Wishing gem para
isumpa ang ama mo, Sundust, na makatulog sa mahabang panahon."

Biglang nakuha nun ang atensyon nila Felix at Khionne Ice. Pati ako ay nagulat.

"Natulog..ng mahabang panahon?! Kaya wala siya sa tabi ko noon pa?!"

Tumango si Ben. "Naiinggit siya kay Master Zig o Hari ng Dark gem holders ngayon.
Kasi Crystal Moon 'yon at may sobrang lakas na gem. 'Pag sinabi kong
sobra...matakot na tayong lahat."
Tumawa siya na parang tuwang tuwa habang kami nakatitig parin sakaniya.

Nakaramdam din ako ng kaba. Pero pilit ko parin yun na inalis, alam ko kasing
marami akong kaibigan na kasama. Tutulungan nila ako.

"Nainggit si Mr. Cavin kaya gusto niya lumamang sa ama ni Scarlett sa pamamagitan
ng pagiging diyos ng isang gem?" Khionne Ice. "Bakit parang may libro akong nabasa
na ganitong-ganito ang tema naiba lang sa mga pangalan?"

Ngumisi ulit si Ben dito. "Libro 'yon ng tito ko. Siya ang nagsulat nun. Marami
siyang nalalaman dahil kaibigan niya ang hari. Yung librong 'yon, wala halos ang
nakapansin na hango sa totoong nangyayari." Ben

"Ginising 'yung matagal na nakatulog na hari ng dalawang lalaki gamit 'yung


limampung mga witches at spells. E 'yun 'yung librong pinilit mo sakin na basahin
ko Khionne ha!" Felix

"Tama, kami 'yun ng tito ko, matagal na panahon na. Hinintay lang namin na magbalik
sa dating lakas ang Black gem ng Hari. Saka kinilala na ng Dark gem holders si
Master Zig na hari nila."

"Sinabi mong hari? Ang papa ko hari-teka, n-nasaan pala siya ngayon? Gusto ko siya
makita."

Sabik na sabi ko. Gusto ko na makaharap ang tatay ko.

"'Pag nagawa mo ng maayos ang gagawin mo dito... makakasama mo siya, Ate. Kaya mo
'yan."
Nakangiting sabi ni Tammy. Parang nakonsensya ako, nasigawan ko siya kanina.

"Tara na! Ano bang magiging silbi ko dito?" Excited na tanong ni Ace.

"Silbi mo? Ilagay mo ang gem niyo ni Felix sa dalawang butas na wala pang gem na
nakalagay." Ben.

"Yun lang?! E di sana hindi ko nalang iniwan si Maxinne dun! Tang-! wala ka
talaga!" Inis na sigaw ni Ace.

Iginaya na ako ni Ben sa gitna ng bilog. Sumunod lang ako sakaniya. Kaya lang bigla
naman humawak si Trey sa kabila kong braso. Nilingon ko siya na mukhang nag-aalala
para sa kin.

Niyakap niya ako ng mahigpit na ikinagulat ko,

"Trey-?"

"Mahal kita. Trid."

Saglit akong natulala.. pero niyakap ko na rin siya.


Wala ngang may alam kung anong pwedeng mangyari samin. Kung matatapos ba 'to ayon
sa kabutihan o kasamaan..

"Trey, lagi naman kitang mahal eh."

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa. "Ako din. Sige na.." Bumitaw na ito
pagkatapos halikan ako sa labi.

Pagkatapos ko umapak sa gitna ng malaking bilog ay umilaw kaagad ang mga linya na
hindi mabilang kung ilan. Ganun din ang mga gems.

"Ang mga gems sa mga gilid ay galing sa mamamayan sa labas ng academy. Iba't-ibang
uri ng gem na kakailanganin mo ngayon." Ben

"Anong gagawin ni Astrid?" Trey

"Ang gagawin niya ay susubok na mabuksan ang Gem Dimension. Ha Ha,"

Nanginig ako. Si Mr. Cavin!!!

Lahat kami napalingon sa nakangising lalaki. Nangingitim na ang mga mata niya.
"Ano batang Benjamin, sa tingin mo magaling ka na? Magmamakaawa kayo sa mga dyos ng
mga gems? Walang kwentang plano!"

Umuga ang lupa. Nabiyak ito at ang biyak ng lupang yon ay papunta sa gawi ko!

Magtatangka pa sana akong umatake sa demonyong 'yon nang biglang tumaas sa langit
ang liwanag ng mga gem na nakapaikot sa bilog na nasa sahig.

Pinalibutan ako ng mga liwanag na 'yon. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko
dito? Ano ba ang mangyayari?

Bahala na!

Third Person's POV

Pinilit nila Trey, Ice, Benjamin, Felix at Ace na pigilan si Mr. Cavin sa pagtarget
nito kay Scarlett Astrid sa gitna ng bilog.

Nasaktan na nga ng Ice gem na hawak ni Mr. Cavin ang sariling anak.

"P-papa.. tumigil na po k-kayo." umiiyak na si Tammy.

Ngumiti lang ang matanda dito. Pero maya-maya ay gumamit ng Air gem. Tumalsik si
Tammy dahil dun.

"Tammy!" Sigaw nila Trey, Ace, Felix at Ice sa pag-aalala.

"Bakit sasaktan mo pati mga anak mo?! Anong klase ka bang hinayupak Sir?!" Felix na
naiinis na din.

Nag atake ng kidlat na malalakas si Trey dito. Hindi na niya inisip na ama niya ang
kalaban, ang nasa isip niya lang ay kung okay lang ba si Tammy. Naglabas na rin ng
malalaking apoy si Trey.

Halos kung titignan ay parang inuubos na ni Trey ang kapangyarihan ng gem niya sa
pag atake.

Galit na galit na ito ngayon.

"Anak na walang modo. Manang mana sa ina." Mr. Cavin

Lalong nag init sa galit ang isa. "Kapangyarihan lang talaga ang gusto mo. Wala
kanang pakialam kung mamatay si Tammy?!!" Trey

"Dinidisiplina ko lang ang kapatid mo. Napakatigas na ng ulo.." Nakangising sabi ng


matanda at naglabas ng Illusion Gem.
Napasailalim kaagad sa mga ilusyon sila Ace, Benjamin, Felix, Ice at si Trey. Mga
ilusyon na talagang kayang makapatay mentally.

Humalakhak si Mr. Cavin at nagdire-diretso sa paglakad palapit sa malaking nakaukit


na bilog na may nagliliwanag na mga bagay sa gilid at gitna.

"Mga sagabal. Anak? Hindi ko kailangan ng mga anak na walang kwenta!"

Nakalutang na si Scarlett Astrid at nakapikit ang mga mata. Nagliliwanag ang noo
nito na may nakaukit na asul na gem ng Crystal Moon.

"Mapapasaakin ka na rin Weapon Gem." Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis. Aatakihin na


sana ang bilog para magulo ang pagpasok nito sa Dimension ng mga Gods at Goddesses
ng mga gems, nang biglang may tumapik sa balikat niya.

Nilingon niya yon at nakatanggap siya ng malakas na suntok.

"Suntok yan ng ama at asawa." Zigamord Sundust

Nanlaki ang mga mata ni Cavin at kaagad na lumayo.

"Milyon na dragon 'yon... paanong nandito ka kaagad at nakalabas ng lugar na yon?!"


"Yan! Tama yan, matakot ka na. Alam mong kaya na kitang patayin ngayon mismo,
Cavin."

Pinakita nito ang itim na itim na magandang gem. "Nilamon ka na ng katangahan at


galit. Alam mong isa ka sa tinitingala noon-"

"Oo tama! Hinahangaan rin ako dahil sa husay ko! Pero nilamangan mo ako samantalang
ako naman ang naging tagaturo mo sa pagiging Crystal Moon! Wala kang utang na
loob."

"Nilamangan?! Nainggit ka lang noon, Cavin. Nainggit ka lang.."

Itatapat na sana ni Zigamord ang itim ba gem sa kausap nang marinig nila ang
pagtili ni Scarlett.

Gulat na nilingon niya ang anak na nasa labas na ngayon ng malaking bilog at
nakasalampak sa sahig.

"Hecate!" Scarlett

Ngumisi si Cavin at kaagad na gumawa ng halimaw na gawa sa tubig. Inatake nun ang
isang matanda na sandaling nawala sa pokus.

Sa pagkakataranta ng ama ay ginamit na niya ng walang alinlangan ang itim na gem sa


dating kaibigan.
"Sagad na ang kasamaan mo. Dapat kanang kainin ng kawalan." Zigamord. Sa isang
kisap mata ay may lumitaw na mga walang mukha na mga anino. Niyakap ang sumisigaw
na si Cavin Wastridge at dinala sa kawalan.

Nagliwanag ng sobra sa paligid.

Ilang bilang ng babae at lalaki na may kaniya-kaniyang suot na magagandang korona


ang lumitaw sa paligid..

"Crystal Moon.." God of Water Gem

"Napaka imoortante ba ng dahilan kung bakit kailangan na buksan mo ang Gem


Dimension?" Goddess of Weapon Gem

"Tulad ng inaasahan,natawag nga niya tayong lahat." Godess of Light gem. "Ano ang
iyong dahilan?"

Scarlett Astrid's POV

Sobrang liwanag. Boses lang nila ang maririnig.

Pero sobrang tuwa ko nang natawag ko sila! Ngayon hindi ko alam ang tunay na ibig
sabihin ni Ben sa pagbukas ng Gem Dimension..sa pagtawag sa Dyos at dyosa ng mga
gem
Pero ang gusto ko lang ay matapos na ang lahat.

Nagbaba ako ng tingin sa aking tiyan na puno ng dugo.

Oo, dugo.

Umiikot na rin ang paningin ko.

Gawa 'to ng spells ni Hecate.

At nanghihina na rin ako.

Hindi ko na kakayanin magsalita. Pumikit ako at nagdasal na sana marinig nila ang
sasabihin ko sa isip. Kahit dun nalang...sana.

''May gusto sana ako ipakiusap...gusto kong..''

Napangiti ang mga Dyos at Dyosa pagkatapos marinig ang hiniling ng Crystal Moon
saka tuluyan na bumagsak sa sahig ang katawang tao ni Scarlett Astrid Sundust.

-
Epilogue next >>>
Naguluhan ako dito kaya naudlot ang pag-post nito. J

Magulo 'to! Sorry, Hahaha sorry sa paghihintay. Salamat sa readers~ mahal ko


kayooo :* mwah.

3,876 words

Epilogue...

''Nahimatay 'yung Crystal Moon. May nakakitang Dinosaur sa katawan niya, kinain ang
buong katawan niya. Nadighay pa ang Dinosaur saka umalis. The end.'' Ulysses

''Wala ngang nakalagay na The End.'' Sabat ni Elysia habang nakaupo sa ibabaw ng
malaking treasure chest at nakatungo sa iPad na hawak nito.

''Tss, bakit ka ba nariyan sa likuran ko?! Dapat nandito ka sa harapan ko dahil ako
ang story-teller!'' Singhal nito.

''Eh bakit? Makikinig ba ako? Hindi naman eh. Sinama niyo lang naman ako dito sa
creepy na attic na 'to na maraming mosquito. Hmp!'' Sabi nito habang naglalakad na
palabas ng attic.

Kaagad na nangunot-noo naman si Lime na kanina pa naiinis sa pakikinig kay Ulysses


sa pagbabasa ng hawak na librong makapal. Hinablot niya ang libro sa kamay ni
Ulysses at tinignan mabuti ang pinaka-huling page..

''Hey! Akin na nga 'yan!'' Ulysses


''Eh ni wala ngang Dinosaur dito eh! Liar!'' Turo nito sa blankong pahina.

Napakamot naman ng ulo ang batang lalaki. ''Wala nga. Kaya nga dinugtungan ko
nalang eh.'' Ulysses

''Paano naman 'yon? Story na walang ending?'' Nagtataka rin na tanong ni Patrick
habang nakahiga sa isang lumang sofa sa kinalalagyan nilang attic at gumagawa ng
mga eroplanong gawa sa papel., ''One time natignan ko 'yung mga libro ni Grapes,
lahat may ending. Puro ''Happily ever after'' pa nga. Baka naman napunit ang huling
pahina niyan.''

''Naku, eh baka hindi pa 'yan tapos. S-sabi ko naman sainyo 'wag na tayo mangialam
dito. Baka mahuli tayo nila Tito Trey at Tita Scarlett, 'di ba pinagsabihan na t-
tayo?'' Aira

''Hindi tapos? Imposible!'' Ulysses, ''Ilan taon na nga yata itong librong 'to na
nakatambak dito sa sulok ng attic namin. Baka hindi tinapos.''

Umismid naman ang batang si Lime. ''Kung hindi tinapos ng nagsulat.. pwes, ako ang
tatapos! Ikaw, Aira, kuhanin mo ang krayola kong pula sa pencil case kong Barbie na
maganda tulad ko!''

Kanda tumba naman sa pagtayo ang batang si Aira na may malaking salamin sa mata at
nakatirintas na buhok. ''O-oo s-saan ba ang pencil case mo?''

''Ay shunga! 'Di ba pinahawak ko sa 'yo kanina pagka hatid sa atin dito nila Mama?!
Hmp! Bayaran mo 'yun! Mahal 'yon!'' Lime
''Sus, parang 'yon la'ng eh. Bilhan pa kita ng maraming ganun,'' Patrick

''Mahal nga sabi 'yon eh! Hanapin mo 'yon ngayon na! Nakakainis kang Aira ka ah!''
Lime

'''Wag mo hanapin, Aira. Hayaan mo siya na humanap 'non.'' Patrick

''H-ha? Ah o-oo sige.'' Aira. Ngumisi naman ng mapang-asar si Patrick kay Lime.
'Yung kita lahat ng ipin.

''Epal ka talagang Patpat ka. Kausap ba kita?'' Lime

''Mas epal ka,'' Patrick

''Pangit mo!'' Lime

''Bungi. Haha.'' Pang-aasar pa ni Ulysses kay Lime.

''Isusumbong ko kayo kay Tita Sandy at Tita Scarlett, inaasar niyo na naman ako!''
Lime
''Eh kinakawawa mo na naman si Aira eh. Ikaw kaya isumbong ko kay Tita Khionne.''
Patrick

''Hoy teka lang! Ano ba gagawin mo sa krayola, Lime?'' Ulysses

Umirap muna ang batang si Lime kay Patrick bago nagtaas ng isang kilay kay Ulysses.
''Lalagyan ko lang ng ending. 'Yong ending na Happy! Parang sa Cinderella. Bakit?
Aangal ka?'' Lime

''Ano?! Puro happy ending! Nakakasawa 'yon! Iba naman!'' Patrick

''MGA BUBWIT ANONG GINAGAWA NIYO DITO?!''

Apat silang halos mapatalon sa gulat nang marinig ang sigaw ng bagong dating.
Nakapameywang ito sa tapat ng hagdan pababa at nakaduro sa anak. Habang si Elysia
naman nakangiti ng matamis sakanila habang nagkukubli sa likuran ng lalaking
dumating.

''Tay.'' Ulysses.

''Patay tayo.'' Patrick

'''Diba sinabihan ka na namin ng Nanay mo na Off-Limits kayong lahat dito,


Ulysses?! Ang tigas talaga ng ulo mo!'' Pagpapagalit ni Trey sa anak. Kaagad na
lumapit ito sa mga bata at kinuha ang makapal na libro. ''Gusto mo na yatang tuliin
kita ngayon na!''
''Ewwww.'' Lime

Napanguso naman si Ulysses dito. ''Tatay naman. Nagbabasa lang naman kami.
Knowledge din 'yon para-''

''Hindi niyo ba alam na may mumu dito? Siya ang author ng librong-'' Trey

''Ahhhhhh!! RUN!!'' Lime. Nagsitakbuhan na 'yung tatlong bata pati si Elysia pababa
ng hagdan.

Nakangising binuhat naman ni Trey ang anak na lalaki nang makita na hindi talaga
ito tumakbo at natakot sa sinabi niya. Binuhat niya ito patiwarik at naglakad na
pababa ng hagdan.

''NANAYYYYYYY!!!!''

''Ah susumbong mo pa ako ha.'' Trey, ''NANAY 'YUNG IPIS NATIN NANDITO NA NAMAN SA
ATTIC! HULOG KO NA BA SA HAGDAN 'TO?''

Scarlett Astrid's POV

Halos mabitawan ko ang hawak ko na sandok. Nagluluto kasi ako ngayon ng dinner
namin dahil nandito sa bahay ang mga inaanak ko, weekends naman kasi at padating na
rin ang mga magulang nila mamaya. Tinignan ko kung sino 'yung yumakap sa likuran
ko.

Si Aira pala. Si Aira na mahiyain, tahimik at napakagandang bata.

''Tita sorry po. Love mo ako 'di ba?''

''Aira? Siyempre naman. Bakit?'' Natatawang sagot ko. Minsan talaga may pagka-weird
itong batang 'to. Sensitive siya at talagang baby pa,.

''Tita kasi... pumasok po kami sa attic niyo.'' Narinig ko naman na suminghot ito.
Teka umiiyak na naman ba si Aira? ''Sabi niyo kasi 'wag na kami papasok tapos
pumunta pa rin kami dun. Sorry po, Tita.''

Napangisi ako at hinarap siya. ''Naku, Aira, okay lang 'yon. Tahan na.''

''Oh my god, Aira nauna ka na talaga dito kay Tita magsumbong ha!'' Napalingon kami
sa mga batang pumasok sa Dining Area. Si Lime pala kasunod si Patrick at Elysia.
Ang cucute talaga nila. Nasaan na naman kaya ang pasaway na anghel namin ni Trey.
''Tita Scarlett anong sinabi niya sa 'yo? Kuuuu, si Aira po ang nagpumilit na
pumasok kami ng attic!'' Pagsasabi nito habang nauupo sa upuan.

''Sinungaaaaling. Tita, hindi si Aira. Si Uly po talaga.'' Patrick

Ngumiti nalang ako sakanila saka nagpatuloy na sa pagluluto. Isang putahe nalang
ang kulang at kumpleto na ang Dinner naming lahat.
Dadating sila Maxinne, Ice, Regina at Sandy mamaya kasama ang mga husbands nila.
Ngayon nalang ulit kami magiging kumpleto, lagi na rin kasi kaming busy sa mga
business, may kaniya-kaniya na rin kaming buhay at pamilya kaya minsan nalang
magkakita-kita.

Napagdesisyunan namin na dito na mag-dinner sa bahay. Pinauna na nila ang mga


anghel nila dito dahil may aasikasuhin pa sila, 'yung iba naman talagang nauna na
dito sa bahay para makalaro na daw nila si Ulysses. Ang prinsipe ko.

Sakto ngayong weekends na free kaming lahat sa schedule. Sabagay hindi rin naman
pwedeng hindi kami free ngayon para magkabonding lahat. Itong araw na 'to... araw
kung kailan nagising kami sa Mortal World na may bago nang mga buhay. Lagi kaming
nagcecelebrate sa araw na 'to.

Si Haydee at Travis lang ang wala, nasa ibang bansa kasi ang mga ito at doon na
nakatira. Yes, ikinasal sila 4 years ago at healthy pa rin ang relasyon.

Napaisip ako bigla.. ang tagal na rin pala simula nung huli kaming nakatapak sa
Magic Paradise. 'Yong huli kaming nakagamit ng mga kapangyarihan. Sa StoneGem
Academy. Mga kakaibang nilalang. Mga kakaibang lugar, 'yong mga bagay at pagkain na
hindi makikita dito sa normal na mundo.

Nakakamiss din pala humawak ng gems.. gumawa ng mga sandata.

Napangiti nalang ako. Oo nga at nakakamiss, pero mas gusto ko ang buhay namin
ngayon. Normal. Gigising ako sa umaga na ang iisipin ko lang ay ang paghahanda ng
uniform ni Ulysses, susuotin ng asawa ko para sa trabaho na hindi parin nagbabago
ang ugali hanggang ngayon, breakfast namin, pag-aalaga sa anak namin, paglilinis ng
bahay at mga bills lang.
Tama talaga ang hiniling ko sa mga Gods at Goddess, nakakatuwa.

''May gusto sana akong ipaki-usap... gusto kong..'' Tama, napag-isipan ko na rin
ang bagay na 'to. Pinaka-magandang hiling na mahihingi ko para matapos lang ang
paghihirap at kaguluhan dito. Kapangyarihan at lakas.. 'yan ang mga dahilan kung
bakit maraming nasisilaw at nababaliw. Kaya gusto kong .. ''..burahin niyo na ang
gems at mga mahika na meron kaming lahat. Tanggalan niyo kami ng kapangyarihan.
Sana ay wala nang iba pang tao na magkaroon pa ng gem o kahit anong mahika kahit
kailan! Kung maaari pa ay burahin niyo na rin ang mundong 'to sa ala-ala namin!
Tapusin niyo na ang gulo ngayon.. please iligtas niyo rin kaming lahat,''
Nanghihina na ako dahil sa sugat na natamo ko sa paglalaban namin ni Hecate kaya
nabagsak na rin ang katawan ko sa lupa at nakaramdam ng pagkamanhid at matinding
antok.

''Nakakatuwa naman. Kung 'yan ang hiling mo oo sige tutuparin namin. Pero hindi
mawawala ang mundong 'to at ang gems pati na rin ang mahika, hindi 'yon pwede,
Sundust. Isasara namin ang pintong nagbubuklod sa Mortal World at Magic Paradise.
Aalisin ang ala-ala ng lahat, maliban sainyo na naging malaking parte ng mga
makapangyarihang bato.''

''Isa pa, napakalaki rin ng hinihiling mo samantalang isa ka lang naman na Crystal
Moon.''Tinig ng babae. ''Kaya sa tingin ko dapat na may hingin din kaming
kapalit..''

''Gusto niya lang naman na mapabuti ang lahat. Sapat na 'yon, sa tingin ko.''

''Pero sa tingin ko hindi. Sino nga ba ang masusunod? Hindi ba't ako?'' Goddess.
Kinabahan ako sa pwede niyang hilingin na kapalit..
''Anong kapalit?'' Tanong ko kahit unti-unti ko nang hindi nakakayanan ang mga
sakit sa kalamnan ko.

Pinikit ko ang mga mata ko pagkatapos ma-satisfied sa naging desisyon nila kahit
ganun na lang rin ang bagay na binigay nilang kapalit sa naging hiling ko, ayos
lang basta ba matapos na ang mga gulo dito na dahil sa mga kapangyarihan, pero bago
'yon may isa pa akong naalala..

''Akala mo ba talaga magiging ayos pa ang lahat? Ha! Diyan ka nagkakamali! Mamatay
man ako ngayon dahil nasaksak mo ako ng ilang libong espada sa katawan.. buhay
parin ang sumpa ko sainyo..'' Purong takot ang naramdaman ko, nagsimulang mamasa
ang mga mata ko. Hindi pwede.. patay na siya pero nanatili ang boses nito sa hangin
na parang buhay na buhay parin sa pandinig ko.. Isa siyang baliw na mangkukulam!!!

''..sumpa ko na makakalimutan ka ni Trey Wastridge pati ang binuo niyong pag-ibig.


MAGKAKALAYO KAYO AT MAHIHIRAPAN!'' Hindi... 'yon mangyayari.

Nagising nalang ako isang araw na ginigising ako ng isang ginang. Nakahiga ako sa
maayos na higaan, sa isang malinis na silid.

''S-sino po kayo? Nasaan po ako?'' 'Yon lang ang nasabi ko.

Pero ang ginang.. binatukan ako. Lalo tuloy akong nagising sa kaninang inaantok na
kaluluwa ko.

''Tigilan mo nga akong bata ka. Alam ko naman na tinatamad ka lang pumasok,
bumangon kana dahil mala-late ka na sa pasok mo!'' Pagsasabi nito saka nagpulot ng
mga kalat sa paligid ng kama ko. ''..at para sa kaalaman mo lang naman babae, ako
ang nanay mo. 'Wag mo 'kong actingan na parang nabagok ang ulo mo. Hala sige,
bangon!''

At doon na nagsimula ang lahat. Nasa Mortal World na ako. Walang ni isang galos o
dugo sa katawan.

Maguguluhan pa sana ako nang salubungin ako ng kung sino sa labas ng kwarto na
pinanggalingan ko.

''Anak.''

Lumakas ang tibok ng puso ko sa hitsura at boses pa lamang ng lalaking nasa harap
ko.

Nag-usap kami. Pinaliwanag niya na ito ang nangyari sa hiniling ko. Bagong buhay
para sa aming lahat. Sobrang saya ko lang kasi nakaharap ko na rin ang tatay ko.

''Kung titignan mo lang rin ng mabuti.. iyon ang nanay mo. Medyo tumanda lang ng
ilang taon dahil bata kapa nang mamatay siya, hindi ba? Pero kahit ganoon mahal
parin natin siya. Walang nagbago, anak. Nawalan lang tayo ng karapatan sa mahika.''
'Yan ang sinabi ng papa ko na dating pinakamalakas na hari ng Dark-gem holders, na
isa na ngayong mabuting ama.

Sobrang saya ko nung mga panahon na 'yon. Nakumpleto ang pamilyang matagal ko nang
hinihingi at matagal ko nang iniyakan.

Dumaan ang mga buwan na wala ang mga kaibigan ko sa tabi ko, lalo na si Trey.
Nakakalungkot. Hindi ako sanay.
Pero nakatakda na rin yata na mangyari.. nagkasalubong kaming lahat unti-unti,
nagkakita-kita. Nagkasiyahan dahil talagang nakakatuwa na may mga iba't-iba kaming
mga pamilya at buhay ngayon. Naging classmates kami nung high school.

Talagang naranasan namin ang normal na buhay. Iyong gigising ka sa umaga na wala ka
nang takot at kaba na mararamdaman dahil may papatay sa 'yo. Naiba 'yung pamumuhay
namin na hindi tulad dati na magical. Naiba nga din 'yung surnames namin.

Sa loob lang ng ilang taon mas lalong tumibay 'yung mga relasyon na meron kami sa
isa't-isa. 'Yung pagmamahalan nila. Tapos 'yung pagkakaibigan naming lahat kahit na
minsan na nagkakatampuhan. Normal na papasok ng school at proproblemahin ang normal
na assignments at projects tapos kung minsan may nakakaaway sa hallway.

Magkakasama na kaming lahat. Natapos kami ng paghahayskul pero parang kulang pa


din.

Tama. Kulang nga.

Nasaan ka Trey?

Nakatungtong kami ng kolehiyo. Iba-ibang kurso ang kinuha namin. Nagkahati-hati sa


oras.

Araw-araw parin akong umaasa na magpapakita si Trey sa 'kin isang araw. Hindi ko
kasi alam kung saan mag-uumpisa para hanapin siya. Mahal ko si Trey at halos oras-
oras ko naiisip na baka nambababae na 'yon habang wala ako sa tabi niya.
Medyo malandi pa naman ang lalaking 'yon.

Hanggang sa naalala ko 'yong sumpa ni Hecate... binaliwala ko 'yon dahil okay naman
kaming lahat.

Umiiyak na nadatnan ko si Maxinne sa kwarto ni Sandy. Nandun din si Regina pero


wala si Khionne Ice dahil may aasikasuhin daw ito sa University.

"Bakit? Anong nangyari?"

''Nagseselos na naman siya dun sa bestfriend kuno ni Ace.'' Regina na napapailing


nalang.

''Hindi lang siya best friend, okay? Nabasa ko 'yung messages nila nung lecheng Ace
na 'yon sa cellphone! Ayoko na.. ang landi niya!'' Maxinne

Hanggang 2nd year college.. hindi nagpansinan sila Maxinne at Ace. Ewan ko.. basta
ang kwento ni Sandy, may suyuan na nangyari pero may nangyari ulit na nagdulot ng
pag-alis ni Maxinne sa University at lumipat sa ibang collge school. Ayun.. wala
na.

As in.. wala na talaga. Gumawa pa nga kami ng way para makapag-usap silang dalawa
sa pangunguna ni Felix. Pero wala talaga. Tapos lumayo si Ace samin, ewan kung
nasaan siya nung mga college palang kami.
Ang sunod na nangyari? Kay Khionne Ice at Felix. Ito hindi masyadong matinde.
Walang babae o lalaking involve kasi bakod na bakod si Khionne sa mga lalaki. Ang
naging kalaban lang ng relasyon nila?

''Minsan napapaisip ako kung ganiyan ka ba talaga o ganiyan ka lang talaga.''


Naiiritang umpisa ni Khionne kay Felix. Nasa Library kami dahil may matinding
review kaming ginagawa. Hindi nalang namin kunyari pinansin 'yung dalawa dahil
medyo malayo naman sila,.

''Ano? Nag-aalala lang ako kasi parang wala lang ako sa 'yo.''

''Eh bakit kaya kita pinayagan na ligawan ako kung wala ka lang sa 'kin?''

''Ewan. 'Di ko alam. Bakit nga ba? Hindi mo na rin yata naman ako sasagutin,
pinagtritripan mo lang ako, yes?''

Doon na kami nagkatinginan nila Dionne. Ganiyan sila lagi. Si Khionne na naiinis
dahil hindi makapaghintay si Felix na sagutin siya nito,.

''Bakit kasi hindi mo pa sagutin? Ang tagal na natin magkakasama..'' Sandy

''Ayoko. Mag-aaral pa ako, bukas na lang tayo mag-usap-usap.'' Khionne Ice.

Nalaman namin na kaya ganun.. ayaw ni Khionne Ice kasi nagdo-doubt siya kay Felix.
Masyado daw itong friendly sa mga babae..

''Ayoko naman matulad sa isa nating kaibigan na hanggang ngayon warak parin ang
puso dahil sa lalaki. No thanks..'' Kibit-balikat na sabi ni Khionne sa paguusap-
usap namin nila Sandy. Tapos isang-araw huminto na daw si Felix.. basta.

Ang gulo ng nangyari dati. Minsan nga ako yung nakakaramdam ng lungkot kapag
nakikita kong nagkakalayo-layo ulit kami,. Pero mas magulo nung dumating ang araw
na...

''Teka.. Sandy.''

''Hmm? Bakit?''

''S-si Trey. Si Trey 'yun oh!''

''Ha? Si Trey MO? Where?''

3rd year college kami nang lumipat ako ng University na pinag-aaralan kung saan
nag-aaral si Trey. Ang hirap nung mga panahon na 'yon. Napagmukha pa akong tanga.

Hindi niya daw ako kilala. Hecate's curse.

Okay lang sana eh, kakausapin ko lang siya tapos pipilitin ko na maalala niya ako.
Okay lang sa 'kin 'yon. Kaya lang.. wala na daw siyang time, dahil hinihintay na
siya ng girlfriend niya.
Naging stalker pa ako nun! Hinila-hila ko pa si Sandy sa kung anu-anong bagay
mabalik ko lang si Trey. Ang dami kong nagawang katangahan. Pati nga si Paul
napagsasabihan na ako minsan kasi nawawalan na daw sila ni Regina ng time minsan
kakahila ko sa mga kaibigan ko..

tapos..

''Uy. Sarap ng dinner natin neto ha. Sunog na Afritada. Hmm.'' Narinig ko pa ang
pagngisi ng taong yumakap sa beywang ko mula sa likod. Natigil kaagad ako sa
pagbabalik sa nakaraan at napatingin sa niluluto ko.

Napangiwi ako. Ang pangit na ng amoy! ''Sunog na 'to. Bakit 'di mo 'ko sinabihan
kaagad?!'' Tarantang sabi ko kay Trey saka pinatay ang stove.

''Aba inosente po ako, misis. Kapapasok ko nga lang ng kitchen dahil nangangamoy
sunog na.''

''Paano na 'to? Favorite mo pa naman..''

Ngumisi lang siya saka humalik sa pisngi ko. ''Ayos lang 'yan. Ang dami mo na ngang
naluto. Nandiyan na silang lahat.'' Trey

Napangiti ako. Si Trey na asawa ko na ngayon.. pagkatapos ng maraming pag-iyak ko


dati, kami parin sa huli.
Aaminin ko sainyo, wala parin siyang naaalala. At parang wala na yatang balak
bumalik ang mga ala-ala niya. Pero okay lang sa 'kin.. kasi kahit hindi niya
maalala kung gaano niya ako kamahal dati, nagawa niya parin na mahulog sa 'kin sa
pangalawang pagkakataon. Nakakatuwa lang kasi ang bait at sweet niya, walang
pinagbago sa Trey noon.

Nanlaki ang mga mata ko. ''Talaga?'' Tanong ko at napangiti ako nang makita silang
lahat na nasa sala. ''Long time no see!'' Masayang sigaw ni Sandy saka sinalubong
ako ng yakap. Ganun din ako sakanila at nagkausap-usap. Halos lahat sila nandito
na. Si Regina at Paul. Sila Sandy at Dionne. Si Felix at Khionne Ice. Si Ace,
Maxinne.

Sabay-sabay na kaming nagdinner. Medyo awkward parin sa pagitan ni Ace at Maxinne.


Nasabi ko na ba sainyo na.. sila lang saaming lahat ang hindi.. nagkatuluyan?

May sari-sarili na silang pamilya.

''Okay, get ready, people. Lalagyan ko lang ng timer.'' Pagsasabi ni Trey. Naghanda
na kaming lahat ng aming mga sarili. Nandito kami sa garden ng bahay namin na
pinaayos ko pa kanina.. napagdesisyunan ko na magpicture-picture kaming lahat..
remembrance, dahil siguradong matagal na naman kaming magkakakumpleto ulit next
time.

**

After two days, may pasok na naman. Wala na ulit sila Patrick, Elysia, Aira, Lime
at Grapes.

Pagkapasok at pagkapasok ko pa lang ng bahay namin galing sa school nagtatakang


napatingin ako sa batang babaeng nakaupo sa sofa namin. Nakangiting humarap saakin
si Nanay at Tatay.
''Anong ginagawa niya dito? 'Di ba siya 'yung maduming bata sa kalye, Tay?'' Tanong
ko.

''Your new little sister. Melody.'' Nakangiting sabi ni Tatay saakin. Napangiwi
tuloy ako. Nakakadiri, bakit naman siya naging kapatid ko? ''Inampon na namin siya
ni Nanay mo kasi wala na siyang mga magulang. Wala na rin siyang pamilya.'' Tatay

''Hi,'' Bati nito. Malinis na siya, bago na ang damit niya. Nainis tuloy ako.. kung
kapatid ko na siya baka mas lalo niyang agawin sila Nanay at Tatay. Lagi na ngang
wala ang mga iyon dahil sa work.

''7 years old lang siya, matanda ka lang ng 2 years kaya Kuya ka niya.'' Ani Nanay.

Napalabi nalang ako at nagmano kayla Tatay at Nanay sabay umakyat ng kwarto.

**

Nakarinig ako ng nabasag na bagay kaya kinabahan ako. Hindi kaya nag-aaway na naman
sila Nanay at Tatay?

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nun si Melody.

Umiiyak siya na tumakbo sa akin at yumakap. Kaagad ko naman siyang tinulak, bakit
ba nangyayakap ang maduming batang 'to.
''Ulysses nakakatakot sila Nanay, nag-aaway na naman sila..'' Nanginginig nitong
sabi.

Napakunot-noo na ako. Lagi na silang nagsisigawan, tapos may naririnig ako kay
Tatay na kung bakit daw hindi sinabi ni Nanay kaagad.. wala akong maintindihan
minsan nga tinanong ko sila kung bakit sila nag-aaway at laging galit si Tatay.

Sumagot lang si Nanay na 'sorry' tapos 'wag ko na daw isipin 'yon mahal niya daw
kaming tatlo nila Tatay at nung Melody.

After 8 years

Bumuntong hininga ako at binuksan ang pinto ng bahay namin. Sumalubong si Manang na
isa sa mga katulong dito.

''Naghanda na kami ng mga pagkain, kumain ka na bang bata ka?''

''Hindi po ako nagugutom, Manang. Si.. Melody po? Nakauwi na ba siya?'' Tanong ko.

''Ah, oo. Pinagalitan ko nga kanina, iho.. pinag-aalala tayo ng husto.''

Tumango nalang ako. Ang arte din ng babaeng 'yon kahit kailan, sakit sa ulo!

Pupunta na sana ako ng kwarto ko nang madaanan ko naman ang hagdan paakyat sa
attic.

Parang hinihila ang paa ko.. hanggang sa namalayan ko nalang na binubuksan ko na


ang pinto papunta doon.

''Lolo!'' Gulat na sabi ko. Nagulat kasi ako na may tao at si Lolo pa ang nandoon
sa loob. Minsan lang siyang dumalaw dito saamin at talagang may katandaan na.

Ngumisi ito saakin at inaabot ang nasa kamay niyang libro. Napakunot-noo ako.

''Nadalaw mo na ba ang puntod ng Nanay at Tatay mo?'' Tanong niya. Inabot ko ang
librong makapal na hawak niya saka tumango. ''Good. Ang gusto ko naman ngayon ay
pag-ingatan mo ang librong 'to. Sa Nay at Tay mo ito. Itago mo.. aalis na ako,
napadalaw lang. 'Yung kapatid mo, ayusin mo na ang trato mo sakaniya, kapatid mo
rin siya. Naiintindihan mo ba, apo?''

''Sige Lo.'' Sagot ko. Tinapik nito ang braso ko saka umalis na ng attic.

Death anniversary ngayon ni Nanay at Tatay. Isang malungkot na araw parin para
sakin kahit matagal nang nakalipas ang pagkamatay nila. Sabay pa.

Lumaki ako na maagang naulila, si Melody na palagi kong inaasar noon dahil walang
magulang? Lagi siyang umiiyak, akala ko ang drama niya lang kaya ganun.. 'yon naman
pala masakit talagang mawalan ng mga magulang.

9 years old ako nang biglang hindi na nagising si Nanay. Hindi nakapagsalita nun si
Tatay. Parang wala na siya sa katinuan at wala na ako sa paligid niya. Nung
kinagabihan.. sumunod siya kay Nanay. Nagpakamatay siya.
Binuklat ko ang libro na inabot saakin ni Lolo. Naalala ko na ito 'yung palaging
binabasa namin nila Lime, Patrick, Grapes, Elysia at Aira. Palagi pang nagagalit
sila Nanay at Tatay kasi mahalaga raw ito at hindi dapat pinakikialaman.

''Libro 'to na walang wakas.'' Nasabi ko bigla. Naalala ko kasi na natapos na namin
'to basahin noon at walang ending. Kapangalan pa nga ng mga characters dito sila
Nanay at Tatay tsaka sila Tito Felix, Travis, Ace, Dionne, Paul at Tita Maxinne,
Sandy, Khionne, Regina at Haydee. Weird.

Nagulat ako nang binuklat ko ang libro may pahina doon na nalaglag mula sa libro.
Pinulot ko 'yon at binasa..

''Masaya na kaming lahat sa Mortal World.. masaya na akong may dalawang anak na
sila Ulysses at Melody at masayang pamily kasama si Trey. Kaya lang hindi talaga
pwedeng puro saya lang.. nalalapit na ang oras ko. At nararamdaman ko na malapit na
malapit na akong mawala. Buhay ang naging kapalit na hiningi ng mga Gods at Goddess
kapalit ng normal at ligtas na buhay naming lahat. Buhay ko. Kaya sana maging
maayos parin ang lahat pag-alis ko. Paalam. Mahal ko kayong lahat..''

Nailayo ko ang librong hawak ko. Ang weird. Ang weird...

Wakas.

Salamat sa inyo. J Bet ko ang Melody at Ulysses sana.. kaya lang.. hahaha. Bye!
Kita-kita nalang sa iba kong storyyy <3

Hi. May Book 2 pero hindi siya Fantasy. Teen-Fiction siya.


Maiba naman. Hahaha.

Happy Valentines in advance! ♥

Mamimiss ko kayo dito sa SGA~

Hello sa mga nakakausap ko na readers, tapos 'yong mga babies ko..

Hi Angel. Hi Maxene. Hi Lyra. Hi Gleaf. Hi Gail. Hi Peam. Hi Sei. Nakalimutan ko na


yung iba, sorry, iinom muna ako ng Memo Plus Gold. Bye! Lovelove ♥

- MayuKimmy

You might also like