You are on page 1of 2

Alamat ng Aso- ipo

Bakit ba ako nabuhay sa mundo? Bakit ako nabuhay kung isang masamang tao lang naman ako? Mula
nung ako'y nag kaisip ay puro pag patay nalang aking kayang gawin, puro pag holdap ang aking
kinagisnan at puro pananakot nalang ang aking nagawa sa buhay ko.

Ako si Manubert tubong taniw, labing walong taon. Ipinanganak akong kriminal dahil sa mga mamatay
tao ang aking mga kinalakihan. Si papa ay isang serial killer at si mama naman ay nabubudol-budol
habang ako'y iniensayo nila bilang isang holdaper. Oo, bata pa ako pero napahawak na agad ako ng
patalim at nag simulang manakut sa mga tao. Isa akong banta sa sangkataohan dahil walang "pulita"
(parang pulis o isang manananggol na bayan) ang nakakatalo saakin. Lahat ng tao makakita saakin ay
takot at parang mas pipiliin pang mamatay kesa sa makasalubungan ako. Hindi ko inaakalang liligaya ako
dahil sa parang akong hari ng mundo. Nakukuha ko ang kahit anong nais ko, isang tutok ko lng ng aking
matalim na kutsilyo ay bibigyan sila agad ng ginto. Isang titig ko lang sa kanilang mga mata'y luluhod na
sila na parang nagsasamba saakin. Isang maliit na ngisi ko lng ay gusto ba nilang magpakamatay. Isa ba
akong Diyos? Isa ba akong hari? Isa ba akong makapangyarehan tao? Nagagawa ko na ang lahat at sino
mang pulita ang humamon saakin ay namamatay at ang sino mang tumangi sa gusto ko ay sila'y
binibitay. Daig ko pa ang tagabantay ng buhay dahil ang kumukuha ng buhay nila. Ako na ba si
kamatayan? Tuwang tuwa ako saaking sarili at kung ano-ano nalang ang aking naiisip. Laking
pasasalamat ko saaking mga magulang dahil ipinalaki nila akong Demonyo na walang sungay.

'Ma! Pa!' Sigaw ko saaking mga magulang 'erpats asan na kayo?!" Tinatawag ko ang aking mga magulang
subalit ako'y nag taka kung bakit sila di nagsasalita. Kahit anong pilit kong tawag di sila nagpapakita. Ano
ba ang nangyayare tanong ko saaking sarili pumunta ako sa kusina namin at nakita kong nakahandusay
na sa lupa ang aking mga magulang. Binaril sa ulo ang aking ama habang ginahasa ang aking ina. Ang
mundo ko'y parang nawasak. "Ma! Pa!" Sigaw ko nang sigaw 'tulong tulong' humihingi ako nang saklolo
subalit walang gusto tumulong at sila'y tuwang tuwa dahil nabawasan ang demonyong nanggugulo
sakanila. Tumulo ang aking luha at dahil wala akong magawa kahit ang matalim kong kutsilyo walang
patama sa buhay nilang di na maibabalik pa. Lumipas ang ilang araw ay nabalitaan ko nasangkot pala sa
droga ang aking ama kayat ito'y pinatay sa marami na tong alam. Nanghina ang aking loob at nag simula
mag isip na wakasan ang aking buhay. Kumuha ako ng lubid at ang matalim kong kutsilyo. Ginilitan ako
ang aking mga palad at pulso sabay bigti sa lubid ngunit....

Pag mulat ko ng aking mga mata ay ang aking katawan puno ng balahibo at nag hugis akong parang
hayop. Medyo mahaba ang aking nguso at ang aking mukha ay nag iba na. Sigaw ko ng sigaw ngunit
tahol ang aking nasasabi kahit ano isigaw ko ay tahol parin ang aking naririnig. Nag lakad ako papalabas
saamin bahay nakita ko ang pinagbigtaan ko ngunit wala ang aking katawan. Naglakad ako sa bayan
nakita ko ang mga taong masaya at parang di na takot maglakbay. Nakakita ako ng masayang pamilya
kumakain sa karederya. May nakita akong mga batang nag lalaro. May nakita akong matandang nag
tatrabaho at nakita ko ang mga aking biktima na para bang walang ng pinoproblema. Nag sisi ako dahil
sa marami na pala akong naagrabiyado. Marami na pala akong nasirang pamilya at marami na pala
akong inalisan ng mga ngiti. Inggit ang aking naramdaman dahil sa pamilya kumpletong tumatawa pa na
di ko minsan naramdaman saaking mga magulang. Nakonsensiya ako sa mga matatanda na aking
hinoldap dahil nag tatrabaho pa din sila kahit ang katawan nila'y di na kaya habang ako kukunin lang ang
pinag hirapan nila. Nag sisi ako at nung habang ako'y nag lilibot may kumausap saakin at ang sabi saakin
"lahat ng tao ay nagkakamali ngunit di ito ang dahilan para alisan natin sila karapatang mag bago, ito na
ang pagkakataon mo. Humayo ka at magpakabuti at di na muli maging banta sa nakakarami".
Napagtanto ko ako ay isang problema lanh at hindi Diyos kaya mag mula noon ay naging bantay na ako
ng lahat ng aking ginawang kasalanan.

You might also like