You are on page 1of 1

Repleksyong Papel: Sa Una Lang Pala

Lumaki akong kasama ang aking mga magulang at mga kapatid. Lumaki akong pag-
uwi ng bahay ay makikita ko sila at sa pagkain ay kasalo ko sila. Lagi ko silang kasama at
gusto ko naman ng pagbabago. At dagil doon, ninais kong lumipat ng paaralan pagtungtong
ko ng senior high. Ito ay natupad at lumipat ako dito sa Puerto upang mag-aral. Dahil nasa
ibang lugar ang bago kong paaralan, lumipat ako ng matitirahan at namuhay na hindi sila
kasama. Naisip ko, ah, kalayaan, sa wakas. Masaya ako na wala ng magbabawal sa akin.
Masaya ako na wala ng magtatanong kung anong oras ako uuwi. Masaya ako na kaya ko ng
gawin ang lahat. At ang saya na yun, sa una lang pala.
Dahil makalipas ang ilang buwan, hindi ko na alam kung bakit ako umiiyak. Di ko
alam kung bakit ako nalulungkot. Di ko alam kung bakit ang bigat bigat sa pakiramdam. Di
ko alam kung bakit sa bawat araw ay parang may kulang. At naisip ko, ah, wala pala sila
dito. Wala pala akong maiiyakan. Wala pala sila dito para pasayahin ako. Wala pala sila dito
para pagaanin ang loob ko. Wala pala sila dito para kompletuhin ang araw ko. Akala ko
kapag di ko na sila kasama ay magiging masaya ako, akala ko lang pala. Dahil sa bawat araw
na lumilipas, lagi kong hinahanap ang luto nila mama at papa. Lagi kong hinahanap ang
pag-uusap namin nila ate. Lagi kong hinahanap ang kulit ng mga kapatid ko. Lagi ko silang
hinahanap.
At doon ko na lamang naisip kung gaano sila kahalaga sa akin. Doon ko lang naisip
kung gaano kalaking parte ang nawawala sa akin tuwing di ko sila kasama. Doon ko nalang
naisip, at hindi pa huli ang lahat. Kaya simula noon, lahat ng pagkakataon na kasama ko sila
ay pinahahalagahan ko. Lahat ng pagkakataon na kasama ko sila, sinusulit ko. Lahat ng
pagkakataon na kasama ko sila ay mahalaga sa akin.
Nais ko lamang ipahiwatig na pahalagahan natin ang ating pamilya. Dahil sila ang
isa sa mga pinakamagandang ibinigay satin ng Diyos. Sila ang tutulong sayo kung
pakiramdam mo ay hirap ka. Sila ang bubuo sayo kung pakiramdam mo ay wasak ka. Sila
ang aangat sayo kung pakiramdam mo ay nalulugmok ka. Sila ang nagmamahal sayo at
patuloy na magmamahal sayo kung pakiramdam mong di ka kamahal mahal, sila yun.
Kaya’t hanggang nandyan sila, iparamdam mong mahalaga sila sayo. Dahil sa kanila ka lang
babalik at patuloy na tatanggapin.

You might also like