You are on page 1of 3

Ang buhay ay isang pakikipagsapalaran

Yan ang sinasabi ng karamihan


Isang paglalakbay na may dapat kang marating at
mapuntahan
Pero pano kung paulit ulit nalang?
Magandang araw, umaga na pala
Unang araw sa kolehiyo,simula na ng istorya
Marami na naman akong bagong makikilala
Kagaya ng kung anong naranasan ko nung ako’y
highschool pa
Bagong kaklase, guro at barkada,bagong mga ala ala
Na sa dami ng aking nakikilala di ko na matandaan
pangalan ng bawat isa
Pero bakit sa dinami-dami nila, puro lang pansamantala
Mga kaklaseng lalapit dahil kailangan ka nila
Tapos pag ako na yung may kailangan bigla nalang
nawawala
Meron din namang magsasabi na di sila masaya
Lalapit sakin kase yung puso daw nila ay sira
Tapos pag nabuo ko na nagsisialisan nalang bigla
Para silang mga bula na nagwawala pagkatapos ko silang
magawa
Sige,simulan nating bilangin ang mga nanatili sakin
Isa, dalawa, tatlo naaalala ko na mag isa nga lang pala
ako
Nakakapagod isipin na sa bawat tulong na ibigay ko,pag
iisa ang sukli nito
Na kahit saang parte ko tingnan ay malulungkot talaga
ako
Dito sa paulit-ulit na pangyayari na parang iisa ang takbo
Pero isang araw biglang may isang babaeng pumukaw ng
atensyon ko
Isang dalagang mag isa sa sulok at nagbabasa ng libro
Nilapitan ko sya at naglakas loob akong iabot ang kamay
ko
At sa pakikipagkilala nya sa akin nagsimulang magbago
ang nakakasawang buhay na’to
At sa araw na ito nabaliktad ang kinalalagyan ko
Na akong dati mag isa ay nakahanap ng kaibigang totoo
At ang magulong buhay ko siya na rin ang bumuo
At ang kasiyahang naramdaman ay di kayang maipinta
Sa bawat araw na kasama ko siya ito’y nagiging masaya
Parang sa lahat ng bagay nagkakasundo kaming dalawa
Pero bakit?bakit sa kalagitnaan ng saya biglang may
sasambitin siyang mga salita?
Mga salitang magpapalungkot muli sa aking nadarama
Pagsambit niya ng salitang “May sakit ako at may taning
na ang bihay ko” ay wala akong nagawa
Na ang ilang buwang pagkakaibigan naming ay
matatapos na pala
At sa huling araw niya ako’y may nalaman mula na kanya
Nang sabihin niya sa akin na magpatuloy ka dahil
mahalaga ka
Dinala ko ito hanggang sa aking pagtanda.

You might also like