Replektibong Sanaysay Patungkol Sa Aking Naging Karanasan Sa Mga
Itinuri Kong Kaibigan Noon
“ Mga Kapatid kong Sumakabilang Landas” Sa panulat ni: Elyza D.Sumba
Ilang linggo na makalipas ang opisyal na pagbubukas ng klase sa paaralan noong
una kong nakilala ang limang mga babaeng nasa kaparehang edad ko rin. Bilang isang kabataan “teenager” isang malaking biyaya sa buhay ko ang magkaroon ng mga kaibigan. Simula noon sa bawat araw na dumaan sila na ang mga nakakasama ko. Nagdaan ang ilang buwan unti-unti kong nakikita ang mga tunay nilang pag-uugali madalas ay ipinaparanas nila sa akin ang mga hindi ko mapangalanang asal ngunit hinahayaan kona lamang sapagkat sila ay aking mga “kaibigan”. Madalas kung sila ay mag-aya ng mga “jamming” o salu-salo sa kani-kanilang mga tahanan, minsan tinanggihan ko ang kanilang pag-iimbita sapagkat napakarami kopang kailangang gawin na proyekto at isa pa naiinis na si Mama sa kaka-lakwatsa ko raw madalas sa daan. Hindi nila nagustuhan iyon ilang araw din silang walang imik kaya kahit na madalas ay alam kong mapapagalitan ako sa twing sasama ako sa kanilang magliwaliw pumapayag parin ako. Hindi ko maisip kung paano bubuuin ang isang araw na hindi sila kasama. Naging isang mabuting kaibigan ako, lagi akong nandoon para umantabay sa kanila lalo na sa mga panahon na mahina sila dahil sa kani-kanilang mga problema sa buhay. Lagi akong nandoon para damayan sila, kahit na madalas kailangan korin ng taga-agapay at tulong hindi kona lang sinasabi dahil baka madagdagan pa ang mga pasakit na nararanasan nila. Minsan kahit na nakakagawa sila ng mga maling desisyon at aksyon sakanila parin ako pumapanig. Minsan nasasabihan nila ako ng mga salitang alam kong hindi ko “deserve” ngunit hinayaan kona lamang dahil iniisip ko baka stress lang sila o pagod. Laging ganoon ako lagi ang nagpaparaya, umiintindi at umaagapay sakanila. Kaya hindi ko lubos maisip na mangyayari ang panahong magagalit sila sa akin at lalayuan ako. Basta na lamang sila lumayo at pinutol ang pagsasamahan namin sa isang iglap. Ngayon ko sa aming lahat sa barkada ako ang pinaka-pagod matagal koring tiniis at masasabi kong minsan narin akong nabuhay para sakanila na kahit puro sakit lang ang ibinibigay nila sakin pinakisamahan koparin sila ng maayos. Sa labingpitong taon kong pamumuhay sa mundong ito ngayon ko lamang naranasang traydurin ng mga taong pinagkatiwalaan at minahal ko ng lubusan. Hindi ako ganun kabuting tao pero hindi ko deserve ang ibinigay nilang pag-uugali sa akin. Kung dumating man ang panahon na pagsisisihan nila ito mapapatawad ko sila ngunit para sa salitang “respeto” na lamang iyon. Salamat narin sakanila at natutunan kong wag lubusang magtiwala at kilalanin muna ng mabuti ang isang tao bago lubusang ibigay ang buong pagtitiwala dito. Ngayon kahit wala na akong matirang kaibigan ayos lang, basta ba totoo ito at mahal na mahal ako. Ang karanasang ito ang nagturo sa akin upang mabuhay hindi para sa ikasasaya ng ibang tao mabubuhay ako para sa ikakasaya KO. Kung ayaw ako ng isang tao hinding hindi ako magsusumiksik sa buhay nya para lang magustuhan ako. Higit sa lahat natutunan kong maging matapang maging independent at maging masaya sa piling ng aking sarili at ng mga taong alam kong mahal ako at totoo talaga sa akin.