You are on page 1of 2

MIKHAELA CENTENO HUMSS 2

CREATIVE NON-FICTION: PERSONAL ESSAY

BABAE SA BABAE

Pangalawang taon sa sekondarya sa paaralang Mangaldan National High School. Nasa

araling panlipunan class kami sa lata building. Ang teacher namin nasa mesa niya sa likod ng

silid. Busy sa kakatype sa kaniyang laptop. Iniwanan niya kami ng gagawin at hinayaan niya

nalang kami. Karamihan sa mga kaklase ko noon ay nakikipagkwentuhan lang, nag cecellphone,

naglalaro o di kaya gunagawa ng journal gaya ko. Ito yung mga journal na tig siyete na

kinakailngan mong bilhin at kailangan mong sagutin.

Nakaupo ako sa pinaka harap at habang pinagkakaabalahan kong sagutin ang mga

acronyms sa journal narinig ko ang mahinang kwentuhan ng mga kakalase ko. Puro sila mga

babae at nagkataong patungkol sa mga karanasan ng mga babae ang kanilang pinag uusapan.

Narinig ko ang bulong ng isa kong tinuturing malapit na kaibigan sa iba kong kaklase. "Parang

bukid yung kilikili niya." Nakabilog ang kanilang posisyon at naka upo sa sahig. Kahit naka

harap ako sa aking journal nakita ko sa gilid ng aking panigin ang tingin nila sakin. May mabilis

akong malamig na naramdaman sa aking likod. Bumagal ang takbo ng pag iisip ko at bumilis

ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ko. Huh? Ano? Bakit ako? "Kaibigan ko ba talaga sila?"

Ito ang unang beses na naransan kong pinagkukwentuhan ako ng hindi maganda lalo na

sa katawan ko. Lalo na at matalik na kaibigan ko pa ito kasama ang mga stranghero kong

kaklase. Parang tinusok ang puso ko nang marinig ko iyon. Totoo man ang kanilang sinasabi

pero masakit dahil ipinagsabi lang sa marami. Ka chismis chismis ba ang isang normal na
pinagdadaanan ng babae? Ka chismis chismis ba ang natural sa aking katawan? Nagpanggap

akong walang tenga. Nagpanggap akong naka piring ang aking mga mata. Nagpanggap akong

itinahi ang aking mga labi sa isat isa. At hindi nasira ang aming pagkakaibigan.

Sobra akong nahiya sa aking sarili noon. Parang ibong napilayan ang pakpak ng mga

panahon na iyon. Kung sa ibon bumaba ang lipad. Sa akin bumaba ang naging tingin ko sa aking

sarili. Masakit din sa pakiramdam na hindi nila napansin ang pagkalayo ko ng loob sa kanila

noon. Tila nagpatuloy ang pagkatahi sa aking labi noon. Wala akong napagsabihan. Tanging sa

sarili ko lang naibaon iyon.

Sinubukan kong gawin lahat ng inirekomenda nila sa akin sa pagtanggal ng buhok sa kili

kili. Purot at ahitin ko lang daw ayos na. Sinubukan ko din mag wax. Sa ilang oras kong mag

taas-baba sa screen ng cellphone ko nabasa ko sa isang article na mas matagal ang pagtubo muli

ng mga buhok. Parang nakakapaso ang sakit pagkahugot mo ng tela pero natitiis ko naman ito.

Kahit minsan magsugat sugat tinitiis ko. Kahit mahapdi titiisin ko.

Nakakapanghinayang lamang na kailangan kong maglaan ng ilang oras para lang hindi

makutya pero yung iba hindi na nila kailngan maglaan ng oras para maging katanggap tanggap

sila. Bakit din kung sino pa ang mas inaasahan mong makakaintindi at magiging komportbale

kasama eh sila pa iyong magkukutya sayo?

You might also like