You are on page 1of 46

Maraming bagay at misteryo dito sa mundong ibabaw ang hindi kayang ipaliwanag ng

siyensya o ng kahit na sinong eksperto. Mga bagay na hindi napapansin lalo pa't
puro makabagong teknolohiya na ang pinagkakaabalahan ng karamihan sa atin. Katulad
ng nangyayari sa mga kaluluwa na'tin kapag umalis na ito sa katawang lupa na'tin,
saan ito nagpupunta?
Bakit may mga kaluluwang ligaw?
Bakit may mga kaluluwang hindi matahimik, may mga misyon ba silang hindi matapos
kung kaya't nananatili sila dito sa mundo?
Kung totoo man, may paraan ba upang sila'y matulungan?
Ilan lang 'yan sa mga katanungan na hindi mabigyan ng eksaktong kasagutan. Wala
ring nakakaalam kung hanggang kailan tayo mananatili dito sa mundo.
Ngunit paano kung isa ka sa mga binigyan ng pagkakataong malaman ang lahat ng
posibleng mangyari. Susubukan mo bang baguhin ang itinakda? O hahayaan mo na lang
na isa-isang maglaho ang mga tao at ang mga mahal mo sa buhay dahil iyon ang
nakasaad sa guhit ng kanilang kapalaran?

BLACK BOOK (Book1)

1
Comi Yanagihara's POV
"N-nasaan ako?" nanunuyo pa ang lalamunan ko at nanghihina ang buong katawan.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. Puting-puti ang paligid,
tanging tunog ng relos na nakasabit sa dingding ang maririnig. Pinilit kong igalawa
ang aking kaliwang kamay ngunit may karayom na nakatusok kung kaya't sinubukan ko
itong itaaas ng bahagya upang makita ng malapitan.
"Ilang araw na kaya akong nandito?" Bulong ko sa aking sarili. Namamaga na ang
kaliwang kamay ko sa pagkakatusok ng dextrose kaya sigurado akong may ilang araw na
akong na akong nandito sa ospital.
Inalis ko ang nakatakip na oxygen mask, pakiramdam ko kasi mas lalo akong hindi
makahinga dahil dito.
Pinipilit kong alalahanin kung ano ang nangyari, pero mas lalo lamang kumikirot ang
ulo ko. Bumangon ako, upang maupo at sumandal. Hindi pa man ako nakakaayos ng
pwesto ay napansin ko na ang isang babae di kalayuan.
Nakatalikod ito sa'kin at naka-uniporme na pang-nurse. Hindi ko maaninag kung may
ginagawa ba siya. "Excuse me" tawag ko, nakailang ulit pa ako pero parang hindi
niya ako naririnig. "Excuse me ate, hello?" Nakakaramdam na ako ng konting
pagkayamot dahil kahit ano'ng tawag ko ay patay-malisya lamang ito.
"Geez! What's wrong with this nurse?" Hindi ko alam kung masakit lang talaga
lalamunan ko o uhaw na uhaw na talaga ako, kaya gusto ko sanang uminom ng tubig
pero malinis ang table sa tabi ng hospital bed. Walang bulaklak o kahit na anong
figurine sa ibabaw, kahit man lang isang baso sana ng tubig may naka-alalang
maglagay just in case magising ako, pero wala eh.
Napansin ko ang drawer ng table. Naisip ko tuloy bigla na siguro naman, siguro lang
naman kung may nakaalalang bumisita sa'kin, nag-iwan sila ng note, phone, or
anything.
Walang ibang laman ang drawer kundi ang isang black book. "What's this?" bulong ko.
Simpleng black book, walang disenyo o kahit title man lang ang cover kaya na-
curious ako kung anong meron sa loob nito. Naaaninag ko pa sa peripheral vision ko
'yung nurse na nakatayo pa rin sa kinaroroonan niya hanggang ngayon. Weird.
"Book of dead" Basa ko sa nakasulat sa unang pahina ng itim na aklat. Kinilabutan
ako bigla, hindi lang dahil sa title, kung hindi dahil sa mismong itsura ng libro
na hawak ko. Ngayon ko lang napansin na itim din pati ang pages nito at may
kalumaan na
Inilipat ko ang pahina sa sunod na page, may mga nakasulat na mga hindi ko
maintindihang letra. Kaya inilipat ko na lamang sa sunod na pahina.
Naaninag ko na gumalaw 'yung nurse, dahan-dahan siyang humarap sa gawi ko at nag-
umpisang maglakad pabalik sa'kin. Ibinalik ko na ang atensyon sa pagbabasa ng libro
na hawak ko.
Kaye Absalon (1990-2016) February 20, 2016
Pasado alas sais na ng gabi, abalang-abala ang mga doktor at ang iba pang nars sa
kani-kanilang mga trabaho, maliban kay Kaye Absalon. Nasa loob siya ng stockroom at
iyak ng iyak, punung-puno ng hinagpis at sakit. Hawak-hawak niya ang isang surgical
blade. "Ayoko na" paulit-ulit na wika niya kasabay ng bawat hikbi. Dahan-dahan
nitong inilapat sa kaliwang kamay niya ang surgical blade, malapit sa kanyang
pulso. Ipinikit niya ang mga mata niya kasabay nang paglaslas nito sa kanyang
pulso. Ilang ulit pa niyang inulit upang masiguro niyang babawian siya ng buhay.
Patuloy siya sa pag-iyak habang pinagmamasdan ang pagtagas ng sariling dugo, unti-
unti ay nakaramdam siya ng panghihina, Ilang minuto rin ang itinagal bago siya
tuluyang bawian ng buhay.
Isinara ko kaagad ang libro pagkatapos kong basahin ang unang paragraph at
ipinatong sa tabi ko.
"Ang creepy naman" wika ko. Napansin ko ang nurse na inaayos ang dextrose ko. "Ate,
anong date na pala ngayon?"
"February 21, 2016" tipid na sagot niya. Napaisip naman ako bigla sa binaggit
niyang date. February 20 'yung nakalagay sa libro. Coincidence lang naman siguro na
isang araw lang ang pagitan ng dates. Ngumiti ako sa nurse dahil iniayos niya ang
kumot ko. Napukaw ang atensyon ko nung mapansin ko ang kaliwang kamay niya. "Ate
wala ka bang planong gamutin 'yung wrist mo? Dumudugo oh"
Huminto siya sa pag-aayos ng kumot ko kaya nagtakha ako. Ilang Segundo lang ang
nakalipas ay nag-umpisa na siyang humikbi. "Miss okay ka lang ba?" nag-aalalang
tanong ko. Pero hindi niya ako pinansin. Mas lalo akong nag-alala nung mapatingin
ako sa sugat niya sa kaliwang kamay, parami ng parami 'yung dugo na lumalabas sa
sugat niya sa may pulso kaya nababahala ako.
"Ate, nag-aalala na ako. Okay ka lang ba? Ano'ng nararamdaman mo?" tanong ko ulit
sa kanya, pero patuloy lang siya sap ag-iyak, hanggang sa mapatingin ako sa
nameplate niya,
Absalon, Kaye.
Mabilis kong kinuha ang black book na nakapatong sa tabi ko, sa kanan, kaya bahagya
akong nakatalikod sa nurse. Shit! Kung hindi ako nagkakamali ayun 'yung pangalan
nung babae sa book diba? Dali-dali kong inilipat ang mga pahina para i-check ang
name. Kaye Absalon.
Huminto ang iyak na naririnig ko, pero damang-dama ko ang kilabot sa buong katawan
ko. Hindi ako makalingon sa kinaroroonan nung nurse dahil natatakot ako. Totoo ba
'tong nangyayari o nanaginip lang ako? Totoo ba 'yung mga nakasulat dito sa libro o
napaparanoid lang ako?
"Ayoko na" halos lumundag ang puso ko palabas ng dibdib ko nung marinig ko tinig
niya. Puno ng pait at sakit ang dalawang katagang binigkas niya and it gave me
chills. Dammit!
Kahit takot na takot ako ay dahan-dahan akong lumingon sa gawi niya.
Nasaan na?
Bakit nawala?
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto nitong silid. "Miss Yanagihara, gising
nap ala kayo? Saglit lang po at tatawagan ko ang pamilya niyo"
"Yanagihara?" takhang tanong ko. Ngayon ko lang napansin na I don't even know my
name, kung may kamag-anak ba ako o kaibigan. I don't even know my past.
"Opo, saglit lang po tatawag lang po ako" paalam nung nurse saka nagmadaling
lumabas.
***
-5 months later-
"Yanagihara, Comi"
Nakatanaw ako sa labas ng bintana. Malakas ang ihip ng hangin kaya nagliliparan ang
mga tuyong dahon mula sa malaking malaking puno ng mangga sa tapat nitong
classroom, pero hindi 'yun ang nakaagaw ng aking pansin. Ang tinitingnan ko ay ang
isang lalaking nakatayo sa may ilalim ng puno. Nakatingin siya sa direksyon ko kaya
nakaramdam ako ng kaba. Siguro ay isa na naman 'to sa mga kaluluwang sumusunod
sa'kin. Inaabangan ko kung maglalaho siya bigla, ayan kasi ang normal na nangyayari
tuwing makakakita ako ng kaluluwa. Pero ang nakakapagtakha kasi ay hindi sya
katulad ng mga pangkaraniwang kaluluwa na nakikita ko dahil malinaw na malinaw kong
nakikita ang mukha niya.
Simula kasi nang lumabas ako ng ospital ay nag-umpisa na rin akong makakita ng mga
kung anu-ano. Limang buwan na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako sanay. Sino ba
naman kasing normal na tao ang masasanay sa pagpapakita ng mga kaluluwa. Iba't-
ibang uri ng kaluluwa ang nakakasalamuha ko. May mga kaluluwang nariyan lang kasi
wala lang, hindi ko alam kung trip lang nilang manatili dito sa mundo o ano. May
mga kaluluwa namang humihingi ng hustisya. Sila 'yung madalas at ang hilig sumunod
sa mga taong nakakakita sa kanila para tulungan sila. At ang pinaka-ayoko sa lahat
ay 'yung mga kaluluwang nandirito pa upang maghiganti, marami niyan ah, at 'yun ang
mga kaluluwang iniiwasan ko dahil nananakit talaga sila.
"Yanagihara, Comi"
Ibinalik ko ang tingin ko doon sa lalaking nakatayo sa may puno ng mangga. Lumingon
pa ako saglit sa iba kong mga kaklase pero tila ba wala naman ibang nakakapansin sa
kanya. Kung tama nga ang hinala ko, isa nga syang kaluluwa. Pero bakit clear na
clear kong nakikita ang mukha niya?
"Yanagihara, Comi"
Bahagya akong siniko ng katabi ko, si Kathleen Costales, ang isa sa mga matalik
kong kaibigan, 'daw' ha. Kasi wala naman akong naaalala sa past ko. "Kanina ka pa
tinatawag ng prof Comi"
"Present!" Mabilis na wika ko.
"Wala ka yata sa sarili Ms. Yanagihara" Puna ng propesor sa akin. I bowed my head
and bit my lower lip dahil agaw eksena naman ako sa klase. Hindi ko naman kasi
namalayang tinatawag na ako ng prof.
"Sorry po Ma'am" Sabi ko.
"Next, Bawagan, Ciela"
"Present po Ma'am!"
"Aceremo, Christle"
"Dyosang present po!"
Nung mawala sa'kin ang atensyon ng professor ay ibinalik kong muli ang tingin sa
labas. Hindi na rin naman ako nanibago nung hindi ko na makita 'yung kaluluwa nung
lalaking naroon kanina.
"Atis, Shaina"
"Present!"
Sinubukan kong ilibot ang tingin, pero hindi ko na talaga nakita 'yung lalaki. Err
bakit ba interested ako masyado sa multong 'yun? Weird.
***
"Ano'ng nangyari sa'yo Comi? Nakakita ka na naman siguro ng multo kaya nag-space
out ka kanina sa klase 'no?" Tanong ni Kathleen. Nasa cafeteria kami, kumakain
sila, ako kuntento na sa iniinom kong chuckie.
"Feeling ko ganun na nga Kathleen" And here comes the nosy friend awardee of all
time, Ciela. "Mga sestra, naalala niyo 'yung kinukwento ni Comi last time? 'Yung
about doon sa Black Book? Sis nasaan na 'yung book na 'yun? Naaalala mo pa ba
'yun?" Dugtong pa nito
"Hindi ka pa rin ba over dun Ciela?" Tanong ko sa kanya habang sinisipsip 'tong
chuckie.
"Kasi naman Comi, hindi ka naman kaya nakakakita ng multo before ka maaksidente" I
frowned. For the past five months, iwas akong i-topic ang about sa past ko bago ako
maaksidente. I don't even know why, siguro kasi kasabay ng aksidenteng 'yon namatay
buong family ko kaya partly, masaya ako na wala akong maalala, even them. Kaya
siguro okay na sa'kin kung anuman ang alam ko ngayon at iniiwasan kong alalahanin
ang lahat para hindi ako masaktan, lalo pa ngayon nag-iisa na lang ako sa buhay.
Pero kung sa relationship may 3 month rule after ng break-up, siguro naman oras na
para harapin ko 'yung mga di ko maharap noon. Hindi ko rin kasi masabi sa sarili ko
na moved on na ako, siguro 'yung Comi ngayon, oo moved on na, wala naman akong
maalala eh. Pero 'yung Comi na nakilala nila noon, hindi pa. Tsk. Ano ba 'yan puro
kakornihan na naiisip ko.
"Talaga? Never ba akong nag-kwento sa inyo noon na nakakakita ako ng multo?"
Umiling silang tatlo. Natawa ako ng mahina. Swerte pa rin ako, nawalan man ako ng
pamilya at memorya, may mga kaibigan naman ako, nagulat na nga lang ako na may mga
kaibigan pala ako, sina Kathleen, Ciela, Frances at Christle.
"May dala akong dyosang chocolates girls gusto niyo ba?" That's Christle, naupo
siya sa tabi ko pagkarating niya. Nagkakagulo sina Ciela at Kathleen sa dala ni
Christle na chocolates maliban kay Frances, tahimik lang ito, parehas siguro kaming
hindi mahilig sa chocolates. Maya-maya ay naagaw naman ang pansin ko nung lalaking
nakatayo di kalayuan sa amin. Siya 'yung lalaking nakita ko kanina sa labas ng
classroom. The hell?! Pero bakit siya nandito.
"Uy Comi ano na?" Tanong ni Ciela sa'kin. Huminto ako saglit sa pag-iisip tungkol
sa Black Book, matagal ko na ngang nakalimutan ang tungkol doon. Hindi ko na binasa
ulit simula nung unang beses akong magising sa ospital. "Bakit ano'ng gagawin
na'tin doon?" Kunot-noong tanong ko.
"Ang dyosang Black Book na very very weird, omy omy! Sestra Comi, nasaan na nga ang
dyosang black book? Baka 'yun ang reason kaya ka nakakakita ng mga dyosang mumu"
Tumigil ako saglit sa pag inom ng chuckie. "Iisipin ko pa kung saan ko nailagay,
hindi ko na rin maalala pero sigurado naman akong iniuwi ko iyon" Sagot ko.
Napaisip ako sa sinabi ni Christle, ano naman ang kinalaman ng black book na iyon
sa mga nakikita ko?
"Comi, tanda mo ba 'yung kinwento mo sa'min, 'yung tungkol doon sa babaeng nurse na
nakita mo? Alam mo bang nag-research kaming dalawa ni Kathleen tungkol doon?"
Kwento ni Ciela.
"Nagpakamatay siya sa loob mismo ng stockroom nung ospital na 'yun nung February
20, 2016, hindi namin sigurado kung ano ang reasons ng pagpapakamatay niya pero
diba ang weird dahil 'yun din 'yung nabasa mo doon sa book?" dugtong ni Kathleen.
"Hindi kaya diary niya ang black book na iyon?" singit ni Ciela. "Oo nga 'no?
Pwedeng diary niya 'yung black book tapos isinulat na niya 'yung gagawin niya
before pa mangyari" Pagsang-ayon ko sa sinabi ni Ciela.
***
Hindi pa ganoon kalalim ang gabi, ngunit madilim na nung naglalakad ako sa kalsada
pauwi sa bahay namin. "Comi gabi ka na ah" Bati nung isa sa mga nag-iinom na
lalaki.
"Oo nga po eh" Nahihinyang sagot ko, ayoko naman talagang sumagot, kaso nakakatakot
din naman na deadmahin ang mga manginginom, baka mamaya kung ano pa ang maisipan
nilang gawin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mangilan-ngilan nalang ang taong nakikita
ko sa kalye. Umihip ang malakas na hangin and for some reason ay napatingin ako sa
kabilang kalsada. Tumindig ang balahibo ko nung makakita ako ng isang pigura ng
babaeng nakasuot ng kulay puti, mahaba ang buhok nito at hindi ko maaninag kung
nakatungtong ba siya sa lupa o ano.
Hindi na ito bago sa'kin kaya inalis ko ang tingin sa babae upang magpatuloy sa
paglalakad.
Habang naglalakad ay naaaninag ko pa rin sa peripheral vision ko ang babaeng
nakaputi, nasa kabilang kalsada siya at kasabay ko siyang naglalakad. Hindi ako
nagpapanic pero ang utak at dibdib ko nagrarambulan na dahil hindi ko alam kung ano
ang dapat kong gawin, kung hihinto ba ako para kausapin 'yung babaeng nakaputi o
itutuloy ko lang ang paglalakad.
"Ano ba'ng kailangan niya?" Bulong ko, bumibilis na rin ang paglalakad ko maging
ang tibok ng puso ko.
"Tulungan mo ako" Nagsusumamo ang tono ng boses niya, nakaramdam ako ng
pangingilabot at panlalamig ng mga palad, paulit-ulit at tila palapit ng palapit
sa'kin ang tinig ng babae. Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko habang mabilis na
naglalakad pero parang walang epekto dahil palakas ng palakas at tila nageecho ang
boses nito sa tenga ko.
Hindi ko alam kung nasaan siya dahil ayokong lumingon, diretso lang akong
naglalakad ng mabilis, kahit naririnig ko syang tinatawag ako. Ilang saglit pa ay
natanaw ko ng ang huling kanto nang nilalakaran ko. Sa wakas, malapit na ako sa
bahay.
Natigilan ako nung makaliko ako sa kanto, kailan pa naging ganito kadilim dito?
Halos hindi ko matanaw ang dulo ng kanto sa sobrang dilim, maging ang mga bahay ay
walang mga ilaw. Sinulyapan ko ang kalsada na dinaanan ko kanina, may kuyente
naman, ngunit wala akong makita ni isang tao na naglalakad.
"Nananaginip ba ako?" bulong ko sa sarili ko. Ngayon lang nangyari sa akin ang
ganito kaya hindi ako nakakasigurado.
Baka naman may nasirang poste lang sa kanto na 'to kaya walang ilaw dito.
Sige Comi, papaniwalain moa ng sarili mo dyan.
Nagtatalo ang utak ko kung itutuloy ko ang paglalakad. No choice rin naman ako,
malapit na ako sa bahay, alangang bumalik pa ako?
Inumpisahan kong maglakad, ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay mayroong
boses na ng babae akong narinig.
"Tulungan mo kami" sabi niya, humihikbi siya kaya alam kong umiiyak siya. Mas lalo
kong binilisan ang paglalakad dahil hindi lang isa o dalawang tinig ang naririnig
ko.
"Comi"
"Naririnig mo kami diba?"
"Tulungan mo ako"
"Tulungan mo kami"
"Comi Yanagihara"
"Pakiusap..."
Paulit-ulit ang mga tinig na naririnig ko, mga boses nang umiiyak, may boses
lalaki, may boses babae, may matanda, bata, lahat sila nagsusumamo at nakikiusap na
tulungan ko sila. "Tigilan niyo ako!!!" Hiyaw ko saka mabilis na tumakbo.
Hingal na hingal ako nung makarating ako ng bahay. Dali-dali kong binuksan ang mga
ilaw at tumungo sa kusina upang uminom. "Shit!" I said pagkainom ko ng isang basong
tubig. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung totoo ba ang mga naranasan ko
kanina. Ilang minuto akong nagpahinga, nung manumbalik sa normal ang pakiramdam ko
ay umakyat ako sa ikalawang palapag nitong bahay. Hindi ganoon kaluma ang bahay
namin, ngunit hindi rin naman ganoon kabago. May dalawang palapag itong bahay, apat
ang kwarto at ako lang mag-isa ang naninirahan, kaya tatlo sa mga ito ay bakante.
Sa madaling salita, masyadong malaki itong bahay para sa'kin.
Naglalakad ako sa hallway ng ikalawang palapag nitong bahay, papunta na ako ng
kwarto ko nung mapalingon ako sa isa sa mga bakanteng kwarto. Sumagi kasi bigla sa
isip ko na doon sa kwarto na iyon ko inilagay ang black book.
Naglakad ako papunta sa bakanteng kwarto. Pipihitin ko pa lamang ang door knob ay
nakaramdam na ako ng kaba.
Inilibot ko ang tingin pagkapasok ko ng kwarto, limang buwan na rin ang nakalipas
nung huling beses akong pumasok dito kaya naman sobrang alikabok na.
"Kung tama ang pagkakatanda ko dito ko lang inilagay 'yon eh" Lumapit ako sa mga
patong-patong na kahon. Alam ko kasi inilagay ko iyon sa isa sa mga— "Shit!"
Napahawak ako sa dibdib ko kasabay ng malakas na pagsara ng pinto nitong kwarto.
Lumingon kaagad ako sa bintana, sarado naman ang bintana kaya imposibleng hinagin
ang pinto.
Pinakiramdaman ko ang paligid pero wala na akong naramdamang kakaiba, gayunpaman ay
mabilis kong binuksan isa-isa ang mga kahon para hanapin ang black book.
"Nasaan na ba 'yon?" Bulong ko sa sarili ko habang aligaga sa paghahalungkat sa isa
sa mga kahon. Halos mapaupo ako sa gulat nung malaglag ang isa sa mga kahong
nakapatas. Malayo ito sa akin kaya imposible namang nasagi ko. At mas lalong
imposible na hinangin ang kahon dahil wala namang hangin.
Lumapit ako para i-check at laking gulat ko nung makita ko kung ano ang nahulog
mula rito. "Found you" Nakangiting saad ko habang tinitignan ang black book na
hawak ko.
Lumabas na ako ng kwarto para tumungo sa kwarto ko. Habang naglalakad ay
inumpisahan ko nang basahin ulit ang nakasulat sa black book.
"Ano'ng nangyari sa nakalagay dito?" tanong ko sa sarili ko. Wala namang ibang
nakialam nitong book kaya bakit ganito?
Wala na dito 'yung nabasa ko tungkol sa nurse, pero may iba't-ibang pangalang
nakasulat at iba't-ibang kwento ng pagkamatay nila. Pero may isa na nakaagaw ng
pansin ko.
Nicole Acuavera (1995-2016) July 6, 2016
Alas kwatro y media ng hapon nung lisanin niya ang kanyang paaralan, kasabay niyang
naglalakad ang ilan niyang mga kaibigan. Hindi pa man sila nakakalayo ng paaralan
ay may mabilis na pulang kotseng may plakang ABC1234 ang natanaw nila. Umiiwas
lahat ng estudyanteng naglalakad na nakakita sa kotse dahil sobrang bilis ng takbo
nito. Tinawanan lamang ito ni Nicole at binalewala. Diretso siyang naglalakad at
hindi alintana ang mabilis na kotseng makakasalubong niya. Ilang mga kaibigan na
niya at kaeskwela ang humiyaw ngunit kampante siya na hindi siya sasagasaan. Ilang
segundo lang ang nakalipas ay nangyari na ang kinatatakutan ng mga kaibigan nito.
Nabangga ng pulang kotse si Nicole, tumilapon ang katawan nito sa sobrang lakas ng
pagkakabangga. Ang ilang estudyante ay tumawag ng ambulansya, ang ilan ay tumawag
ang guro, ang ilan ay tumawag ng pulis upang habulin ang nagmamaneho ng pulang
kotse na mabilis tumakas pagkatapos ng nangyari. Hindi pa nakakarating sa ospital
ay binawian na si Nicole ng buhay.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at saka naupo sa kama ko. "July 5" basa ko sa
date sa cellphone. Ang sabi kanina ni Ciela ay baka diary itong black book nung
nurse sa ospital, kanina akala ko ganun nga. Pero ngayon I doubt that, dahil kung
diary ito nung nurse bakit may mga ganito dito?
Tinayuan ako ng balahibo nung basahin ko ulit ang pangalan ni Nicole Acuavera.
Paanong hindi ako kikilabutan e schoolmates kami?

2
Comi Yanagihara's POV
Kakatapos lang ng first subject naming and since vacant pa naman, naisipan naming
lima na tumambay dito sa cafeteria.
Kanina ko pa tinitignan si Nicole, kasama niya ang recent boyfriend niya. No, let
me rephrase that. Kalandian niya ngayon ang recent boyfriend niyang si Vince. Wala
silang pakialam kahit nakikita sila ng ibang estudyante na naghahalikan dito mismo
sa loob ng campus.
Napansin yata ni Nicole na tinitignan ko siya kaya tinaasan niya ako ng kilay.
Pagkatapos ay hinatak pa niya lalo si Vince palapit sa kanya at saka itinuloy ang
pakikipaghalikan. "May gusto ka ba kay Vince?" tanong ni Ciela. Naalis ang atensyon
ko doon sa dalawa para tingnan ang mga kasama ko. "Anong may gusto sinasabi mo
dyan?" tanong ko.
"Sestra Comi aagawan mo pa ako ng crush ah!" singit ni Kathleen, oo nga pala, head
over heels nga pala sya kay Vince. "Mga sira, hindi ko gusto 'yon. May nabasa kasi
ako sa black book kaya na-curious ako bigla"
"Omy ang dyosang black book dala mo ba?" tanong ni Christle. Tumango ako saka
kinuha sa bag ko ang black book. Mabilis na inabot ni Ciela sa kamay ko ang black
book at saka binuksan. "Nye? Ano 'to? Akala ko ba sestra may mga nakasulat dito,
bakit wala?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
"Anong wala ang sinasabi mo dyan?" Kinuha ko sa kanya ang libro upang tingnan. Mas
lalong kumunot ang noo ko nung makita kong may nakasulat naman. " Wala ako sa mood
makipaglokohan Ciela ah, may nakasulat naman eh" Sabi ko sakanya. Kinuha ni
Kathleen sa kamay ko ang libro upang tingnan. "Sestra, tama si Ciela, wala namang
nakasulat eh" Pinagpasa-pasahan nila ang black book at pare-parehas lamang ang
sinabi nila.
Inagaw ko ang black book saka inumpisahang basahin ang tungkol kay Nicole Acuavera.
"Alas kwatro y media ng hapon nung lisanin niya ang kanyang paaralan, kasabay
niyang naglalakad ang ilan niyang mga kaibigan. Hindi pa man sila nakakalayo ng
paaralan ay.. "Nakakadalawang lines pa lamang ako ay pinahinto na ako ni Ciela.
"Saglit lang Comi" pigil niya sa'kin.
"Bakit?" Kunot-noong tanong ko.
"Wala bang tagalog?" tanong niya.
"Anong walang tagalog?" Naguguluhang tanong ko.
"Pwede rin namang dyosang English sestra Comi, huwag lang alien language" Singit ni
Christle.
Ibinalik ko saglit ang tingin ko sa black book bago tumingin sa kanila,
"Tagalog naman ang sinasabi ko ah" Nagtawanan silang apat sa sinabi ko.
"Tagalog ka diyan! Wag kami ang lokohin mo sestra" Natatawang sagot ni Kathleen.
"Ano ba kasi nakasulat diyan?" Tanong ni Ciela.
"About kay Nicole Acuavera, nakalagay dito na masasagasaan—"
"Comi wag kang mag alien language omy! Naiistress ang dyosang bangs ko sa'yo" Wika
ni Christle.
Now I get it, everytime na babasahin ko sa kanila ang nakasulat sa black book,
ibang language ang naririnig nila. Pero bakit? "Pahiram ako ng ballpen at papel"
Sabi ko, kaagad namang kumuha si Ciela at saka iniabot sa'kin. Isinulat ko sa isang
piraso ng puting papel ang tungkol kay Nicole Acuavera, tinignan ko kung ano ang
magiging reaction nila and as expected, hindi pa rin nila naiintindihan kung ano
ang ibig kong sabihin. "Stop playing with us sestra Comi, hindi na ako natutuwa"
Batid ko ang pagkayamot sa tono ng boses ni Kathleen.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo, hindi ko alam kung paano ieexplain pero kusang
nag-iiba 'yung language na bibigkasin or isusulat ko everytime na sasabihin ko kung
ano ang laman nitong Black Book" Paliwanag ko. Tumawa si Kathleen at Christle,
halatang hindi sila naniniwala sa sinasabi ko. "Pupunta muna ako ng library,
naiinis ako sa view dito" Ngumuso si Kathleen at tinuro si Vince at Nicole na
naglalandian pa rin hanggang ngayon. Natawa kami ng mahina saka nag-agree.
"Sasamahan ko na lang sa dyosang library si Sestra Kathleen, wala pa naman akong
gagawin eh" Paalam ni Christle sa'min.
Naiwan kaming tatlo nina Frances at Ciela dito sa cafeteria. Tahimik lang silang
dalawa. Si Ciela ay busy sa pagkalikot ng black book, si Frances naman ay tahimik
lang na nakatingin sa'kin. "I thought diary 'to nung nurse" Sabi ni Ciela habang
inililipat ang pahina ng black book. Naaaninag ko sa bawat pahina ang mga nakasulat
at nakakapagtakha kasi wala silang nakikita doon. "Wala ba talaga kayong nababasa?"
paninigurado ko. Umiling si Ciela at nagpatuloy.
"Ang weird, at nakakakilabot" Sabi pa niya.
Napalingon ako sa dulong bahagi nitong cafeteria. Nakatayo doon 'yung lalaking
nakita ko kahapon sa ilalim ng puno ng mangga habang nakatingin sa direksyon ko.
"Comi" tawag ni Ciela sa'kin. "Bakit?" Takhang tanong ko. "Hindi kaya book of dead
'to? I know ang weird pakinggan pero what if dito nakasulat kung sino ang mga sunod
na mamamatay. Tulad nung kinwento mo sa amin tungkol sa nurse diba? Tapos ngayon,
mangyayari pa lang 'yung sinasabi mo kanina kaya natatranslate siya sa ibang
language. Uhh—pero lahat ng 'yan e sariling conclusion ko lang naman based sa mga
nangyari, kaya wag mo na lang paniwalaan" Sabi ni Ciela, pero nakuha ko ang ibig
niyang sabihin doon.
"Iniisip ko rin 'yan kanina pa"
Pagsang-ayon ni Frances, walang kibo si Ciela dahil abala pa rin sya sa pagbabasa
ng black book, sila talagang dalawa ni Ciela ang mahilig sa ganito eh. "Nakakakita
ka ng mga kaluluwa simula nung maaksidente ka, at simula nung mapasaiyo 'yang black
book" Saad ni Ciela habang nakatingin sa black book.
May punto silang dalawa. Pero ang hirap kasing magbuo ng konklusyon kung ibabase ko
lang doon sa nangyari sa nurse.
Kaso kung may katotohanan ang sinasabi nila, nasa panganib ang buhay ni Nicole
Acuavera. Saglit kong sinulyapan si Nicole, pagkatapos ay nalipat na naman doon sa
lalaking nakatayo sa malayo ang aking atensyon.
Nasaan na siya?
Bakit nawala na naman siya? Err!
***
"Comi bakit ka ba nagmamadali?" Nakasunod sa akin 'yung apat kong kaibigan.
Pasulyap-sulyap ako sa orasan sa cellphone ko, 4:25 na. Limang minuto na lang ay
lalabas na si Nicole nitong campus. "Basta" tipid na sagot ko.
Ang daming estudyante na lumalabas ng gate ng campus kaya hinagilap ko kaagad ang
kinaroroonan ni Nicole.
"Nicole, sure ka bang hindi ka sasama sa'min ngayon?" Tanong ni Jasmine, isa sa mga
kaibigan nito.
"Oo eh, may lakad kasi kami ngayon ni mommy. So paano? Kita-kits nalang us tomorrow
girls" Paalam niya sa iba pang kaibigan saka bumeso. Kasabay naman niyang naglakad
paalis ang dalawa pa niyang kaibigan, maging ang boyfriend niyang si Vince.
"Bakit ba na'tin sinusundan sila Vince?" Tanong ni Kathleen, may halong pagkainis
ang tono ng boses niya. Siguro iniisip na talaga nito na may gusto ako doon sa
Vince na 'yon.
"Don't get me wrong Kathleen, may gusto lang akong alamin, about sa nakasulat dito
sa Black Book" Paliwanag ko.
"That dyosang black book na very mysterious" Singit ni Christle.
Patuloy silang apat sa pag-uusap habang nakasunod sa'kin. Hindi ko inaalis ang
tingin ko kay Nicole, nakaabang din ako sa—"Hala tignan niyo!" Nanlaki ang mga mata
ko nung makita ko ang itinuro ni Frances. Lahat ng estudyanteng kasabay naming
naglalakad at tumabi dahil may paparating na kotseng pula na mabilis ang andar.
Mabilis ang mga pangyayari, sa isang iglap ay may narinig kaming malakas na
pagbangga ng sasakyan at sigawan ng mga estudyante. Kumaripas ang pulang kotse
upang tumakas matapos ang pangyayari.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ng mga nakasaksi, maging ang apat kong
kaibigan. Lahat sila ay gulat na gulat sa pangyayari, maliban sa akin, lingid sa
kaalaman ng lahat ay alam ko na ang mangyayari. Naririnig ko ang usapan ng mga
estudyante tungkol sa plaka ng sasakyan, walang kahit isang estudyante na nakakuha
man lang nung plate number. Dinukot ko saglit sa loob ng bag ang black book,
"ABC1234" wika ko. Nagtinginan sa'kin ang mga estudyante, ang ilan ay natuwa dahil
may idea na sila ngayon kung sino ang hahanapin.
Naki-usisa ang mga kaibigan ko sa nangyari kay Nicole katulad ng iba pang
estudyante. Tumalikod ako upang maglakad palayo. Hindi ko namalayan na tumulo ang
luha mula sa mga mata ko. Tumungo ako habang yakap-yakap ang black book, marahan
akong naglakad palayo sa kanilang lahat. Nakakapanlumo.
"Kasalanan ko ba lahat ng nangyari? Alam ko na ang mangyayari pero wala akong
nagawa. Dapat kasi naniwala na lang ako sa nakasulat sa black book. Dapat pinigilan
ko ang mangyayari" Gulung-gulo ang isipan ko ngayon. Nahinto lang ako pag-iisip
nung may umagaw ng black book mula sa pagkakahawak ko.
Pinunasan ko saglit ang mga luha ko bago nagtanong. "Ikaw?" Tanong ko. Lumingon ako
sa paligid, malayo na ako at wala na masyadong tao sa kinaroroonan namin.
"Tama lang ang ginawa mo, huwag mong susubukang pigilan ang mangayayari" Saad niya.
"Sino ka at ano'ng alam mo?" Naguguluhang tanong ko. Ito ang pangatlong beses na
nakita ko siya. At until now ay hindi ako sigurado kung tao ba siya o isa ng
kaluluwa. Isa lang ang malinaw sa'kin, hindi ko alam kung ano ang intensyon niya
kaya hindi ko sya dapat pagkatiwalaan.
"Hindi ito ang tamang lugar para ipaliwanag ko sa'yo ang mga nangyayari. Pero
kagaya nung sinabi ko, huwag mong susubukang pigilan ang mga mangyayari" Mariing
saad niya.
"So ano'ng plano mo? Hayaan ko lang may mangyari sa mga nakasulat dito sa Black
Book?" Naaasar na ako dito sa lalaking 'to. Ano bang alam niya? Alam ba niya kung
ano ang nararamdaman ko ngayon? Alam ba niya kung gaano ako ka-guilty? Geez! Wala
syang alam. "You don't know anything kaya stop lecturing me" Sagot ko saka ko
inagaw sa kanya ang Black Book at nagsimulang maglakad palayo.
***
Kakatapos ko lang maghugas ng plato, pasado alas otso na ng gabi. Tulad ng
nakasanayan ko ay naupo muna ako sa isa sa mga upuan dito sa kusina.
"Comi"
Shit!
Tumindig ang balahibo ko nung may tumawag sa pangalan ko. It's a soft whisper on my
left ear pero daig ko pa ang binuhusan ng malamig ng tubig dahil biglang nanlamig
ang buong katawan ko. "Comi" Napasinghap ako ng malalim nung marinig ko muli ang
bulong sa kaliwang tenga ko, ayokong lumingon, nagtatalo ang isip ko kung titingin
ba ako o sasagot. Hindi man halata sa kilos ko ay natatakot ako, kahit pa sabihin
na sanay na ako sa ganito, may part pa rin sa akin na natatakot tuwing nakakakita
ng kakaibang nilalang.
"Comi, bakit mo ako hinayaang mawala" pamilyar ang boses ng babae na bumulong sa
akin kaya mas lalo akong kinabahan.
Nagsimula syang umiyak kaya tinakpan ko ang magkabilang tenga ko. "Bakit mo ako
hinayaang masagasaan ng kotse?" Pinagpapawisan ako ng malamig, nanunuyot ang
lalamunan ko at hindi makasagot sa tanong niya. "H-hindi ko alam" Mahinang sagot ko
kasunod ng pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Nanginginig ang buong katawan ko
nung tumayo ako mula sa pagkakaupo. Hindi ako makalakad ng maayos dahil nanghihina
ang mga tuhod ko. Magkahalong takot, kaba at guilt ang nararamdaman ko.
"Bakit mo ako hinayaang mamatay!"
Napasalampak ako sa sahig nung bigla siyang lumitaw sa harap ko. Si Nicole,
nanlilisik ang mga mata niya habang naliligo sa sariling dugo. Galit na galit siya
sa akin at paulit-ulit ang tanong niya. Pumikit ako at tinakpan ang magkabilang
tenga ko. "Hindi ko alam! Hindi ko alam!"
"Wala kang ginawa, hinayaan mo lang akong mamatay" Pinilit kong tumayo kahit ilang
ulit akong natumba sa sobrang takot, tumakbo ako palabas ng kusina. Palabas na ako
ng bahay nung makarinig ako ng tatlong malalakas na katok sa pinto. Kahit
nangangatog ang kamay ko ay dali-dali ko itong binuksan.
"Comi, ano'ng nangyayari?"
"Frances!" Mabilis akong yumakap sa kanya kahit ramdam ko pa ang panginginig ng
katawan ko. "Ayos ka lang ba? Ano'ng nangyayari sa'yo?" Tanong niya. Hindi ako
makapagsalita, ang tanging nagawa ko lamang ay umiyak ng umiyak habang mahigpit na
nakayakap sa kanya.
***
"Sigurado ka bang okay lang na samahan mo muna ako?"
paninigurado ko. Nakasandal ako sa headboard ng kama at pinagmamasdan si Frances na
nakaupo sa study table ko, hiniram niya ang notebook ko para kumopya ng lectures.
"Oo naman, tatawag na lang ako mamaya sa bahay para magpaalam" Sagot niya. "Okay ka
na ba? Ano nga pala ang nangyari sa'yo kanina?" Dagdag pa niya.
Humigpit ang kapit ko sa kumot nung maalala ko ang nangyari. "Si Nicole, nakita ko
si Nicole, minumulto niya ako. Ako ang sinisisi niya sa pagkamatay niya dahil hindi
ko nagawang pigilan ang mangyayari"
Tumigil siya sa ginagawa niya at saka tumingin sa akin. "Diba ang sabi mo nabasa mo
sa Black Book ang tungkol sa pagkamatay niya?"
Tumango ako. "Ibig din sabihin totoo ang Black Book? Nakasulat doon ang mga
papanaw?" Tanong niya ulit. Tumango ako, dahil malinaw na rin naman sa akin ang
lahat ngayon. "Sa madaling salita kailangan na'ting pigilan ang mga mangyayari"
Saad ni Frances. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Siguro nga ito ang
way para tigilan ako ng mga kaluluwa.
Iniabot sa akin ni Frances ang Black Book "Bawat minuto na lumilipas may namamatay,
kaya hindi tayo dapat mag-aksaya ng oras kung nais mong tulungan ang mga nakalista
sa Black Book" Aniya.
Binuklat ko kaagad ang libro upang basahin. Iba't-ibang pangalan at mga pangyayari
ang nakasulat, pero una kong hinanap ang mga kakilala ko.
Jonathan Ortañez
Martin Dave Mirabueno
Alfred Martinez
(1995,1995,1996-2016) July 10, 2016
Sa isang salu-salo, habang ang lahat ay abala at nagkakasiyahan, napagkasunduan ng
magkakaibigan na umalis upang bumili ng iba pang maiinom. Alas dyes kinse ng gabi
nung napagdesisyunan nilang umalis. Wala pang tatlumpung minuto simula ng makaalis
sila ay napansin na ni Jonathan na walang preno ang minamaneho niyang sasakyan.
Kanya-kanya silang kontak ng mga kasamahan nila pero huli na ang lahat dahil ilang
saglit pa ay nahulog sa bangin ang sinasakyan nito.
Cynthia Almen (1997-2016) July 10, 2016
Alas diyes y media ng gabi, abala ang lahat sa salu-salo, kanya-kanyang tawanan,
kwentuhan at kung anu-ano pa. Nagpaalam si Cynthia upang tumungo sa comfort room ng
lugar. Lingid sa kaalaman ng lahat ay makikipagtagpo ito sa lihim niyang nobyo, si
Vince. Hindi niya batid na sa pakikipagtagpo niya sa lihim na nobyo ay nakasunod si
Bea Manlangit na ngayon ay lango na sa alak, isa rin siya sa mga lihim na nobya ni
Vince. Punung-puno ito ng galit habang nakasunod at nakaabang sa kilos ni Cynthia,
ayaw na ayaw ni Bea ng may ibang lumalapit na babae kay Vince, at hindi ito ang
unang beses na gagawin niya ito. Nagkulong sa isa sa mga cubicle sina Vince at
Cynthia, nasa katabing cubicle naman si Bea. Pinakikinggan niya ang ginagawa ng
dalawa at mas lalo niyang naiisipang ituloy ang mga plano niya. Nung matapos sina
Vince at Cynthia sa kanilang ginagawa ay naunang lumabas si Vince, hinalikan pa
nito si Cynthia bago tuluyang nilisan ang comfort room. Nagmadaling lumabas ng
cubicle si Bea upang ikandado ang pinto ng buong comfort room. Inilabas niya ang
maliit na cutter na dala-dala niya. Kumakanta si Cynthia habang nagbibihis kaya
hindi niya napansin at narinig ang ginawa ni Bea na pagkandado ng comfort room,
nagulat na lamang siya nung may kumatok sa cubicle. Sa pag-aakalang si Vince ang
kumatok ay dali-dali niyang binuksan ang pinto ng cubicle kahit hindi pa siya
nakakapagsuot ng damit. Laking gulat na lamang niya nung si Bea ang makita niya.
Mabilis siya nitong sinunggaban ng saksak sa iba't-ibang parte ng katawan kaya
hindi na ito nakapanlaban pa.
"Ano'ng nabasa mo?" tanong ni Frances sa'kin. Puro pangalan ng schoolmates namin
ang nakasulat sa Black Book, at ang nakakabahala pa ay iisang date ang nakalagay.
"Sa July 10, 2016, may mangyayari kanila Cynthia, Jonathan, Martin at Alfred. Puro
schoolmates na'tin ang—"
"Teka muna, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo Comi" Bumuntong hininga na lang
ako. Oo nga pala, kahit ano ang gawin ko ay hindi niya ako maiintindihan. "Pero
kahit ano'ng mangyari handa akong tumulong para iligtas ang buhay ng kung sinuman
ang nakasulat sa Black Book, sabihin mo lang sa akin kung ano ang gagawin ko"
Ngumiti ako sa kanya bilang sagot.

3
Comi's POV
Usap-usapan sa buong campus ang nangyari kay Nicole kahapon. Lahat yata ng
estudyante at guro 'yun ang pinag-uusapan maliban sa'kin. Lumingon ako kay Kathleen
na abala sa pagtetext. Okay rephrase my first line, lahat abala sa pag-tsitsismisan
sa nangyari kay Nicole maliban sa aming dalawa ni Kathleen. "Shems! Kinikilig
talaga ako kay Vince" mabilis akong lumingon sa kanya nung marinig ko ang pangalan
ni Vince.
"Ka-text mo si Vince?" takhang tanong ko sa kanya. "Hihihi oo sestra" Kinikilig pa
siya nung sinagot niya ang tanong ko.
Bigla akong kinabahan nung maalala ko ang nakalagay sa Black Book patungkol kay
Bea. "Hindi naman sa nangingialam ako Kathleen, pero diba kamamatay lang kahapon ng
girlfriend ni Vince, si Nicole?—" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay kinontra
na kaagad ako ni Kathleen.
"Sestra relax! It's not like we're dating or something, magakatext lang kami, 'yun
lang 'yun" explain niya without looking at me, dahil obviously, aliw na aliw siya
sa katext niya. "Saglit lang sestra ah" kinikilig pa siya nung magpaalam siya
sa'kin na lumabas ng classroom.
"May naisip ka ng plano?" Ibinaling ko ang tingin ko kay Frances, kakaupo niya lang
sa bakanteng upuan sa harap ko. "Wala pa eh, tatlong araw pa naman bago ang party.
Naguguluhan ako sestra, hindi ko alam ang gagawin. Ayoko nang maulit ulit ang
nangyari kay Nicole pero paano ko magagawang pigilan ang mga mangyayari?"
"Hi mga dyosang classmates! Nandito na ang pinaka-dyosa niyong classmate" Hyper na
pumasok na classroom si Christle kasama ni Ciela.
"Mamaya na na'tin pag-usapan ang tungkol dito" Bulong ni Frances, tumango ako at
saka umayos ng upo. Ibinalik din niya ang tingin niya sa harap. "Sestra Comi, may
problema ba? " Tanong ni Ciela, naupo siya sa armchair na katabi ko, samantalang si
Christle naman ay naupo sa tabi ni Frances, pero parehas silang nakatingin sa'kin.
Ikinwento ko sa kanilang dalawa ang pagpaparamdam sa'kin ni Nicole, at tulad ng
naging reaction ko ay takot na takot din sila.
"Ano'ng nangyari pagkatapos mong umalis sa kusina Comi?" Natawa ako nag mahina
dahil magkahawak ang kamay ni Ciela at Christle halatang takot na takot.
"Wag mo nang ituloy ang kwento sestra, baka mapanaginipan pa niyang dalawang 'yan
ang tungkol kay Nicole" singit ni Frances.
"Ano nang nangyari sestra?" Pangungulit ni Ciela.
"Ayon, ayun nga nagpakita siya sa'kin. Tapos sinisisi niya ako kasi hindi ko siya
nagawang iligtas, kaya nga napagdesisyunan ko na susubukan kong iligtas lahat ng
kakilala ko na mababasa ko ang pangalan sa black book"
"Very bad talaga ang black book na 'yan huhuhu. Hindi na siya dyosa! Pero sestra,
tutulungan ka naming iligtas kung sino man ang mga gusto mong iligtas, basta
sabihin mo lang sa'min. I'm just one text away, alam mo naman ang dyosang number ko
diba?" tumango ako sa sinabi ni Christle kahit puro dyosa lang naman ang
naintindihan ko.
"Tutulong kaming magresearch ni Christle tungkol sa black book" Suhestyon ni Ciela.
"Salamat mga sestra ah" Buti talaga lagi silang nandyan para sa'kin.
"Always present ang mga dyosa mong friends for you" Magkasabay na yumakap sa'kin
sina Ciela at Christle kaya yinakap ko rin sila. Nakasunod ang tingin ko kay
Frances dahil tumayo siya upang lumabas ng room.
***
July 9, 2016, naglalakad palabas ng campus nung marinig ko ang usap-usapan ng mga
estudyante. Birthday raw ni Vince Miguel, bukas kaya imbitado ang lahat ng
estudyante nitong paaralan na gustong umattend ng party.
"Pupunta ka ba?"
"Oo naman, ikaw ba?"
"Syempre hindi ako pwedeng mawala doon ah"
Tahimik akong naglalakad at nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga estudyanteng
nadadaanan ko. Iisa lang naman ang topic nilang lahat, ang tungkol sa birthday
party ni Vince. Tila ba nakalimutan na nila na nakaburol pa hanggang ngayon ang mga
labi ng pumanaw na nobya nitong si Nicole. Hanggang sa makalabas ako ng campus'
gate ay puro ganoon ang naririnig ko.
Saglit akong tumigil nung makalabas ako ng gate, tumingala ako, kulay kahel na ang
kalangitan dahil dapithapon na. Ibinalik ko ang tingin ko sa daan at saka
nagpatuloy sa paglalakad pauwi sa bahay. Okupado ang utak ko ng mga mangyayari sa
party bukas habang naglalakad.
"Ikaw si Comi hindi ba?" huminto ako saglit upang lumingon sa kung sinuman ang
nagsalita. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko
bago siya nagpakilala. "Ako nga pala si Reiner, Reiner Antonio"
Inabot ko ang kamay niya kahit hindi ko ugaling makipagkilala para hindi naman siya
mapahiya. "Comi Yanagihara" pakilala ko. Ngumiti ako saglit bago ako nagpatuloy sa
paglalakad. Medyo nakakainis lang kasi sumasabay siya sa paglalakad ko.
"Na-meet ko pala sa library 'yung mga kaibigan mo, sina Christle at Ciela. Kaya
alam ko 'yung sitwasyon mo ngayon" Huminto ulit ako sa paglalakad upang tingnan
siya.
"Ano'ng kinwento nila sa'yo?"
Tumawa siya ng mahina at saka bahagyang itinaas ang dalawang kamay. "Saglit lang,
bago ka magalit, gusto ko lang malaman mo na narito ako para tumulong" Saad niya.
Kumunot ang noo ko, paano naman ako makakasiguro na nagsasabi siya ng totoo?
"Sestra!" Magkasabay kaming lumingon ni Reiner sa dalawang babae na tumatakbo
palapit sa amin, sina Christle at Ciela. "Omy akala naming hindi na namin kayo
maabutan " Mukhang malayo ang tinakbo nilang dalawa dahil pagod na pagod sila.
"Saan ba kayo galing?" tanong ko sa kanilang dalawa, pero hindi nila ako sinagot.
"Nagkakilala na pala kayong dalawa?" Tanong ni Ciela kaya nagkatinginan kaming
dalawa ni Reiner. "Sestra may alam siya tungkol sa black book, nakilala kasi namin
si Reiner kanina sa library habang nagriresearch kami. And siguro destiny na
makilala namin talaga siya dahil di rin naman namin expected na may alam siya
tungkol dito" sagot ni Ciela sa'kin.
"Tama ang dyosang sestra! May alam si Reiner tungkol sa dyosang black book " Hyper
na pag-agree ni Christle.
***
Nung makarating kami sa bahay ay nagsimula ring bumuhos ang ulan. Sumilip ako
saglit sa binta "Sana hindi mawalan ng kuryente" kapag ganito pa namang malakas ang
ulan nawawalan ng kuryente. "Sestra noodles lang ba talaga ang meron ka?" Natawa
ako dahil parang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura ni Ciela habang
tinitignan ang mga noodles sa isa sa mga drawer sa kusina.
Lumipas ang isang oras, natapos kaming magluto, kumain at maghugas ng mga plato.
"Reiner ikwento mo na sa'min 'yung tungkol sa dyosang black book" Sabi ni Christle
pagkaupo niya sa isa sa mga upuan ng lamesa sa kusina. Kakatapos ko lang magpunas
ng kamay kaya naupo rin ako sa isa sa mga silya.
"Ha?!" Hiyaw ni Reiner na ngayon ay nasa salas.
"Ang sabi ko ikwento mo na ang tungkol sa dyosang black book!" Hiyaw ni Christle sa
kanya pabalik. Malakas ang kulog at kidlat sa labas ng bahay kaya kailangan pa
naming lakas ng bahagya ang mga boses namin. Nung maintindihan ni Reiner ang sinabi
ni Christle ay kaagad nitong pinatay ang TV at saka tumungo dito sa kusina at
nakipulong sa amin.
Umayos kaming tatlo nina Christle at Ciela ng upo upang makinig. "Doon kasi sa
baryo namin sa probinsya, meron akong kababata, si Armhoncelle. Simula pagkabata
namin ay kinukwento na niya ang tungkol sa black book. Na gusto niya rin daw mag
may-ari ng black book tulad ng lola niya"
"Ibig sabihin, dating may-ari ng black book ang lola niya?" tanong ni Ciela.
Kumidlat ng malakas kaya napatingin ako sa may bintana sa salas. May naaninag akong
babae na nakadungaw sa may bintana.
"Si Frances ba 'yon?" Kunot-noong tanong ko sarili ko. Pero imposible namang si
Frances, dahil kung siya 'yon edi sana kumatok na lang siya sa pinto.
Inusod ko ang upuan ko palapit kay Ciela dahil nakaramdam ako ng konting takot.
"Yun ang sabi ni Armhoncelle sa'kin. Na ang lola niya ang pangalawang may-ari ng
black book. Nalilipat ang pagmamay-ari ng black book sa oras na magtagpo ang
kasalukuyang may-ari, at ang susunod na may-ari"
"Ibig sabihin kung gusto kong mailipat ang pagmamay-ari ng black book kailangan
kong hanapin ang susunod na may-ari, ganoon ba?"
Hindi makasagot si Reiner sa tanong ko kaya nagsalita na rin si Ciela.
"Paano naman namin mahahanap kung sino ang sunod na may-ari, saka wala bang
consequences 'yan?"
Sunud-sunod na tanong niya.
"Hindi ko kasi alam ang buong istorya ng black book kaya ayokong sagutin ang mga
tanong niyo. Baka maling impormasyon ang masabi ko, pero isa lang ang nasisiguro
ko. May sumpa 'yang black book na 'yan, at—"
"At ano?" Sabay-sabay na tanong naming tatlo nina Christle at Ciela.
"At namamatay lahat ng nagmamay-ari ng black book" Namatay lahat ng ilaw kasunod ng
malakas na pagkulog at kidlat.
"Omaygad!"
"Shets!
"Saglit, kukuha ako ng mga kandila sa second floor" Paalam ko. "Samahan na kita
Comi" Pagpi-prisinta ni Reiner.
"Hala! Huwag mo kaming iwan dito ni Christle" Hawak-hawak nina Ciela ang laylayan
ng manggas ng polo ni Reiner kaya natawa ako ng mahina.
"Sige na, samahan mo na lang sila dito, ako na lang ang kukuha sa itaas ng mga
kandila, may ilaw naman ako oh" Pinakita ko sa kanila ang cellphone ko at saka ako
naglakad patungo sa hagdan.
Iniisip ko ang sinabi ni Reiner hanggang sa makaakyat ako ng hagdan. Hindi naman
ako natatakot mamatay, kung totoo man 'yung sumpa na sinasabi niya, ang mas
kinakatakot ko ay 'yung mawala ako ng wala man lang akong nagagawa para mailigtas
'yung mga buhay ng mga nakasulat sa black book.
Pumasok ako sa pangalawang bakanteng kwarto, dito ko inilalagay ang mga kandila
dahil malimit mawalan ng kuryente kapag naulan. Binuksan ko ang cabinet at saka
kumuha ng limang kandila
"Omygod!" gulat na gulat ako pagkasara ko ng cabinet dahil nakatayo si Ciela.
"Akala ko naman kung sino" Iniabot ko sakanya ang iba pang kandila.
"Akala ko ba takot ka, tignan mo, sabi ko na hindi niyo ako matitiis, pinasamahan
ako ni Christle ano?" Pagbibiro ko habang naglalakad kaming dalawa pababa ng
hagdan.
Malapit na ako sa kusina nung marinig ko ang tawanan nina Christle, Ciela at Reiner
sa may kusina kaya nilingon ko si Ciela na nasa likuran ko. Nakatingin siya ng
diretso sa'kin at saka ngumiti ng nakakakilabot.
Tinalikuran ko siya at saka ako mabilis na naglakad papuntang kusina. Pagharap ko
sa may kusina ay nadantan kong nandoon 'yung tatlo. Naaaninag ko pa 'yung babae
kanina na nakatayo sa may gilid ko. "Oh sestra? Bakit parang nakakita ka ng multo?"
Tanong ni Ciela. Pinagpawisan ako bigla ng malamig. Naglakad na ako palapit sa
kanilang tatlo at iniabot ang mga dala kong kandila.
Habang sinisindihan ni Reiner ang mga kandila ay sumiksik ako palapit kanila
Christle at Ciela. Ayokong tumingin sa madidilim na parte nitong bahay dahil baka
kung ano na naman ang makita ko.
"Reiner" tawag ko sa kanya. Kakatapos niya lang magsindi ng huling kandila na
sinindihan niya.
"Bakit Comi?" Tanong niya. "Yung sinasabi mong kababata mo na apo nung pangalawang
may-ari ng black book, wala bang chance na makausap ko siya?" Tanong ko
"Ang totoo niya, tinawagan ko na siya kanina dahil malapit lang naman ang
Unibersidad na pinapasukan niya dito"
"Ano'ng sabi niya?"
"Tatapusin niya lang daw ang preliminary exams nila hanggang sa 13, tapos ay
pupunta raw siya kaagad dito" Tumango ako, wala naman akong ibang choice ngayon
kung hindi ang maghintay.
"Pero habang wala pa si Armhoncelle, ako na lang muna ang tutulong sa inyo kung ano
ba ang mga plano niyo".

4
Comi's POV
Malakas ang tugtog at sobrang dami ng tao, mula sa parking lot hanggang dito sa
garden. Hindi ko inakala na ganito karaming estudyante ang dadalo sa birthday party
ni Vince. Sinulyapan ko saglit ang relos na suot ko. Nine o'clock pa lamang, may
isang oras pa ako para hanapin sina Cynthia, Jonathan, Alfred at Martin.
Inilibot ko ang tingin ko, unang nahagip ng mata ko si Bea na walang inaatupag
ngayon kung hindi ang uminom ng uminom. "Sestra!" Nawala ang atensyon ko kay Bea
dahil biglang sumulpot si Kathleen. "Oh sestra?"
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa dahil bihis na bihis siya, "Hi Comi" bati ni
Shaina, ka-blockmate namin. "Alam mo bang pinsan pala ni Vince 'tong si Shaina?
Nagulat ka ba sestra? Nagulat din ako eh" Natatawang aniya. Ngumiti ako dahil hindi
ko alam ang isasagot. "Alam mo bang sa lahat ng naging girlfriend ni kuya Vince,
itong si Kathleen ang pinaka-nagustuhan ko?"
What?! Girlfriend?!
Napansin kong hinila siya ni Kathleen.
"I mean, nililigawan pa lang pala" Palusot ni Shaina.
Nabaling ang tingin ko kay Frances, nasa malayo siya at sinesenyasan niya ako
palapit sa kanya. "Babalik ako Kathleen" paalam ko sa kanilang dalawa ni Shaina.
"Ang ingay mo naman sis! Sabi ko sa'yo sikreto lang namin 'yun ng pinsan mo eh"
Binalewala ko na lang ang narinig kong sinabi ni Kathleen kay Shaina at nagmadaling
pumunta kay Frances.
"Sestra!" bati ko sa kanya.
"Yung mga kotse, naka-park doon sa labas" Saad niya. Hindi ko pa agad nakuha ang
ibig niyang sabihin hanggang sa ipakita niya sa'kin ang ice pick na nasa loob ng
bag niya.
"Teka pala, bakit ka naka-school uniform?" Natatawang tanong ko sa kanya, hay nako
talaga 'tong sina Ciela, hindi man lang sinabihan si Frances na hindi uniform ang
isusuot dito sa party. "Don't mind my question. Tara na sa parking lot"
Nagmamadaling sabi ko sa kanya.
Halos isang oras ang inabot ng ginawa naming dalawa ni Frances. Tinignan ko kung
may nakapansin sa pagsira namin sa mga gulong ng mga sasakyang nakaparada dito sa
parking lot sa labas.
"Hahahaha p*ta, buti dala mo tsikot mo pre?" Umayos ako ng tayo nung matanawan ko
'yung tatlong paparating. Sina Jonathan, Martin at Alfred.
Napansin kaagad nila ang mga gulong ng kotse kaya sunud-sunod ang mura ni Alfred
sabay tingin niya sa'kin.
"Nakita mo ba kung sino ang gumawa nito? " tanong niya. Itinago ko kaagad ang hawak
kong ice pick sa likod ko. Mabilis akong umiling. "Pano na 'yan pre? Paano tayo
bibili ng mga alak?"
Tanong ni Martin.
"Ay kung 'yan ang problema niyo, may umalis na kanina, narinig ko bibili rin sila
ng mga alak eh" Palusot ko, kahit wala naman talaga.
"Ganon ba? Eh p*ta paano 'tong kotse ko? " galit na tanong ni Alfred.
"Tatawagan ko na lang 'yung tropa ng daddy ko pre, gising pa naman siguro 'yon"
Lumingon ako sa paligid ko pero hindi ko na nakita si Frances, siguro ay natakot na
rin siya kaya bumalik na siya sa party. Naglakad na ako palayo sa kanila para
hayaan silang tatlo na mag-usap.
Kahit nasa malayo ako ay tinatanaw ko pa rin 'yung tatlo, siguro naman hindi na
nila maiisipang umalis. Kinuha ko ang black book sa bag na dala ko para i-check ang
mga pangalan nila, at napangiti ako nung unti-unting naglaho ang mga pangalan nila
sa listahan.
"Diba sinabi ko na sa'yo na wag mong susubukang baguhin ang mga mangyayari?"
Nalaglag ang black book mula sa pagkakahawak ko sa sobrang gulat sa lalaking galit
na galit na nagsalita.
"Ano bang pakialam mo at sino ka ba?!" Galit na bulyaw ko sa kanya pabalik.
"Sestra!" Lumingon ako sa pamilyar na boses ng babae na humiyaw, si Christle,
kasama nina Ciela at Reiner.
"Verncizep liuytiqp motus lafurenzia capretuc pluviot tui azoier buvizx
profrequeizon la mitra costriconupulla kapra y uztico myxter hyctronax lu
vienzacinto" Ibang language ang sinasabi niya kaya ang tanging naisagot ko lamang
ay "Ha?! Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo"
"Tss nevermind" tinalikuran niya ako at saka siya naglakad palayo. "Saglit lang"
pigil ko sa kanya nung may maalala ako. Tumigil siya saglit sa paglalakad pero
hindi siya humarap sa'kin. "May-ari ka rin ba ng black book?" tanong ko sa kanya.
"Dati" tipid na sagot niya saka nagpatuloy sa paglalakad.
Gusto ko pa sana siyang pigilan at tanungin ng mga bagay-bagay pero dumating sina
Christle. "Sino 'yung lalaking kausap mo sestra?" Takhang tanong ni Ciela
pagkapulot niya sa black book. "Nakita niyo 'yung lalaking kausap ko kanina?"
Kunot-noong tanong ko sa kanilang tatlo. I thought multo na siya.
"Of course sestra, kitang-kita ng dalawa kong dyosang eyes. Kaano-ano mo ba 'yon?
Saka nasaan pala si sestra Kathleen?" Tanong ni Christle. Dinukot ko kaagad sa bag
ko ang cellphone ko nung maalala ko si Vince. "Shit! Pasado alas onse na pala?"
Bakit hindi ko namalayan ang oras?
"Tulungan niyo akong puntahan lahat ng CR dito" Aligagang pakiusap ko sa kanila.
Pero hindi pa man kami nakakaalis ay may narinig na kaming hiyawan ng mga babae.
***
Nakaupo ako sa isa sa mga benches sa tagong lugar ako sa dito sa loob ng campus.
Hanggang ngayon ay punung-puno pa rin ako ng guilt. Hindi ko kasing nagawang
iligtas ang buhay ni Cynthia. May part sa'kin na masaya dahil nailigtas ko naman
'yung tatlo.
"Sestra, ano'ng problema?" Saglit kong sinulyapan si Frances, umupo siya sa tabi
ko. "Gusto mo? " Inalok ko siya ng sandwich na kinakain ko pero tumanggi siya.
"Nagu-guilty kasi ako, hindi ko nailigtas si Cynthia" I sighed.
"Balitang-balita nga ngayon ang tungkol sa pagkamatay ni Cynthia, ang sabi pa ng
ilan, ay hindi pa nahuhuli kung sino ang gumawa nun. May suspetsya pa sila na iyon
din ang may dahilan ng pagkamatay ni Nicole" Mabilis akong lumingon kay Frances
dahil sa sinabi niya.
"Talaga?" tanong ko. Tumango lang siya bilang sagot.
***
Ciela's POV
"Alam naming miss na miss mo na si Comi, pero sa dami ng nangyayari ngayon sa kanya
paano na'tin ioopen sa kanya na magboyfriend kayo?"
Tanong ko. Magkakasama kaming tatlo nina Reiner at Christle sa library at nag-iisip
pa rin ng solusyon.
"Dyosang right, Reiner! Saka na muna ang lovelife kapag na-solve na na'tin ang
mystery ng dyosang black book"
Bago maaksidente si Comi ay nabanggit na niya sa amin ang paniginip niya.
Binalewala lamang naman namin ang lahat dahil hindi naman namin sukat akalain na
magkakatotoo ang mga ito. "Ano palang balita kay Armhoncelle?"
Tanong ko, and yes kakilala namin si Armhoncelle dahil palagi namin siyang
nakakasama tuwing pupunta kami nila Comi kay Reiner.
"Nag-text nga siya sa'kin kanina na tapos na prelims niya bukas kaya pupunta siya.
Kinakamusta niya rin si Comi kung nakakaalala na raw"
Tumango ako at saka nagbasa ng mga libro na kinuha namin dito sa library. Puro
tungkol sa mga witches ang libro na kinuha ko. "Sigurado ba si Armhoncelle sa
kinwento niya sa'yo tungkol sa black book?" Tanong ko, pero hindi makausap ng
matino si Reiner dahil abalang-abala sa paghahanap ng sagot.
"Huwag ka ngang ma-stress, hindi naman na'tin hahayaang madamay sa sumpa nung black
book si Comi"
"Korek!"
Ipinagpatuloy namin ang pagbabasa ng mga libro na kinuha namin nung naki-table
'yung blockmate namin. "Ciela, Christle. Kilala niyo ba si Kimberly Guevarra? "
Tanong ni Shaina. "Bakit ano'ng meron kay Kimberly?" Takhang tanong ko. "Nalilink
kasi 'yan ngayon sa pinsan kong si Vince, tapos siya 'yung prime suspect sa
pagkamatay ni Cynthia, may hinala rin 'yung iba na siya rin ang driver nung pulang
kotse na sumagasa kay Nicole"
"Seriouly?" tanong ko.
"May nakakita raw kasi nung pulang kotse na naka-park malapit sa bahay nila
Kimberly, kaya mas lalo silang naghinala" Kawawa naman pala si Kimberly, pero kung
totoo naman na siya ang may gawa, syempre kailangan naman niyang pagbayaran ang
ginawa niya. Saka mas may kailangan pa kaming unahin sa ngayon.
"Sis! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap" biglang dumating si Kathleen
kasama si—wait bakit sila magkasama ni Vince? "Hi sestras!" Masayang bati ni
Kathleen sa'min.
"Bakit kayo magkasama?!" Gulat na gulat na tanong ko. Sinaway kami nung librarian
dahil sa ingay na nagawa namin.
"Sshh huwag masyado mag-ingay mga dyosa" Segunda ni Christle. Kunot-noo kong
tinignan si Kathleen na umupo sa tabi ko. Naghihintay ako ngayon ng explanation
niya. "Oh sige na mga sestra aamin na ako" abot tenga ang ngiti niya kaya mukhang
alam ko na kung ano ang aaminin nito. "Kayo na 'no?" Inunahan ko na siya. Hindi
naman niya itinanggi, sunud-sunod na tango ang ginawa niya sabay pulupot ng braso
kay Vince. "Omy congrats!" Bulong ni Christle.
***
Comi's POV
"Ang dami namang tao dito. Doon nalang siguro tayo sa CR sa may gym" Sabi ko kay
Frances.
"Nabasa mo na ba ulit ang black book?" Tanong niya sa'kin habang naglalakad.
Tumigil ako saglit.
"Uhmm oo, kani-kanina lang, ang totoo pa nga niyan..." nagdadalawang isip ako kung
sasabihin ko ba sakanya ang mga nabasa ko, kasi kahit ako hindi ko matanggap.
"Bakit ano'ng nabasa mo?" tanong niya sa'kin.
Sasagutin ko sana ang tanong niya nung mapansin kong may nakatingin sa amin di
kalayuan si Jasmine, 'yung isa sa mga kaibigan ni Nicole. Nakakunot ang noo niya
habang titig na titig sa akin. "May dumi ba ako sa mukha?" Pabirong tanong ko kay
Frances.
"Huh? Wala naman, bakit?"
"Pfft. Tara na nga"
Sumilip muna ako sa CR para masiguro na walang ibang tao bago ako pumasok. Pero
mukhang meron, dahil kakasara lamang nung dulong cubicle. "Hindi ka ba magsi-CR?"
tanong ko kay Frances. "Hindi eh, hihintayin na lang kita dito sa labas" sagot
niya.
Pumasok ako sa pinakaunang cubicle para umihi. Patapos na ako nung may marinig
akong pinto na bumukas. Siguro ayun 'yung tao sa dulong cubicle. Kinilabutan ako
nung mag-umpisang mag-hum 'yung kung sinumang estudyante na kasama ko dito sa loob
ng CR. Pagka-flush ko ng bowl ay natigilan ako saglit dahil sa isang pares ng paa
na natatanaw ko sa ilalim nitong pinto ng cubicle na kinaroroonan ko.
Hinihintay ba niya akong lumabas?
Nanlamig ang buong katawan ko nung marinig ko ulit na mag-hum ang babae. Gusto kong
tumingala dahil naririnig ko na sa itaas ko nanggagaling ang tinig pero natatakot
ako. Nagtatalo ang utak ko kung hihiyaw ba ako para humingi ng saklolo o bubuksan
ko ang pinto ng cubicle.
Tinignan kong muli ang paa niya, nakikita ko pa naman, hindi naman siya nakatiyakad
pero bakit naririnig ko sa itaas ko ang hum niya?
Hindi na ako nakakapag-isip ng maayos, tumingala ako kaya't napaatras at hiyaw na
lamang ako nung makita ko si Cynthia, nakadungaw siya sa itaas ng pinto ng cubicle.
Pilit ang ngiti niya habang may tumutulong dugo mula sa bibig niya.
Kahit nanginginig ang buong katawan ko sa takot ay pinilit kong buksan ang pinto ng
cubicle para tumakbo palabas.
"Sestra ano'ng nangyayari?" sinalubong ako ni Frances. "Putlang-putla ka, ayos ka
lang ba?" Tanong pa niya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko. Nakailang
lingon pa ako sa CR na pinanggalingan ko sa sobrang takot.
Hindi ko na rin nagawang sagutin ang tanong niya dahil naiyak na lamang ako nung
niyakap niya ako.
***
"Comi tama na!" hiyaw ni Ciela sa akin. Pigil-pigil ako ni Reiner dahil nagwawala
na ako kanina pa. Gusto kong pumunta ng President's office para ipagtanggol si
Kimberly Guevarra. "Bakit kasi siya 'yung pinagbibintangan? Hindi naman siya 'yung
may kasalanan eh" Hindi ko na napigilang hindi umiyak dahil sa mga nangyayari.
Alam ko ang buong pangyayari! Alam kong si Bea Manlangit ang gumawa ng sunud-sunod
na pagpatay sa mga estudyante ngayon dito sa Campus, pero wala akong magawa. "Alam
naman naming totoo ang sinasabi mo sestra, kaso lahat ng ebidensyang hawak nila ay
si Kimberly Guevarra ang tinuturong suspect kaya ano ang magagawa na'tin? Sa tingin
mo ba paniniwalaan ka nila kung sasabihin moa ng tungkol sa black book? Magmumukha
ka lang tanga" Paliwanag ni Ciela.
Wala na akong nagawa kung hindi maupo sa isang monoblock chair. Inabutan ako ni
Reiner ng bottled minral water. "Oh, uminom ka muna" Sabi niya. "Thanks" tipid na
sagot ko.
Mahigit isang oras 'yung nagawang pag-uusap sa loob ng President's office. Ayoko
namang umalis dito kahit may klase dahil hindi talaga mapapalagay ang loob ko kapag
napahamak si Kimberly. Kaming dalawa na lamang ni Reiner ang naiwan dahil umattend
ng klase sina Ciela.
Umiiyak si Kimberly nung lumabas ng President's office. "Comi" pigil ni Riner nung
akmang tatayo ako. Gustuhin ko mang kausapin si Kimberly ay hindi ko magawa.
"Ma'am excuse po, pwede pong magtanong kung ano'ng nangyari?"
Hindi ko rin napigilan ang sarili kong magtanong sa isa sa mga propesor nung
makalampas si Kimberly sa amin. "Hindi pa tapos ang ginagawang imbestigasyon ng mga
pulis, pero sa ngayon, si Ms. Guevarra ang prime suspek nila sa pagkamatay nina Ms.
Acuavera at Ms. Almen"
"What?!" gulat na gulat na tanong ko.
"Pero hindi magagawa ni Kimberly 'yun, Ma'am"
"I'm sorry Ms. Yanagihara, by the way wala ba kayong mga klase?" tanong niya.
"Pasensya na po sa istorbo Ma'am" singit ni Reiner saka ako hinila paalis.
***
"Comi saan ka ba pupunta?" Kanina pa nakasunod sa akin si Reiner at pinipigilan ako
kaya nainis na ako. Huminto ako sa paglalakad nung hawakan niya ang braso ko "Ano
bang problema mo?" tanong ko.
"Hayaan mo na lang ang tungkol sa pagkamatay nina Nicole at Cynthia, wala naman na
tayong magagawa kung iba ang lumabas sa imbestigasyon" mas lalong nakapagpainit ng
ulo ko ang sinabi niya.
"Hindi niyo ako naiintindihan eh. Palibhasa hindi niyo nararanasang multuhin nung
mga kaluluwa nina Cynthia at Nicole. Reiner hindi nila ako pinapatahimik, at sa
tingin ko mas lalo silang hindi matatahimik dahil sa mga nangyayari" nahagip ng mga
mata ko si Bea na masayang naglalakad kasama ng iba pa niyang mga kaibigan.
Pakiramdam ko ay umakyat lahat dugo ko sa ulo dahil puro galit na lang ang
nararamdaman ko. Gusto kong sugurin si Bea para komprontahin pero humarang si
Reiner sa dadaanan ko. "Comi, tara na"
"Bakit ba lahat pinakikialaman mo Reiner? Kung maka-asta ka akala mo ang tagal na
na'ting magkakilala. Nakakainis ka na eh" bulyaw ko sa kanya.
"Pasensya na Comi ah kung masyado akong pakialamero. Oo nga pala 'no? Sino nga ba
ako sa'yo, eh ako lang naman 'yung boyfriend na nakalimutan mo na five months ago"
Bakas ang kalungkutan nung bitawan niya ang mga salitang 'yun. Hindi ko na nagawang
sumagot o magtanong dahil umalis na siya.

5
Kimberly Guevarra (1996-2016) July 13, 2016
Mag-aalas otso na ng gabi, walang nakakarinig ng pag-iyak niya dahil sa sobrang
lakas ng ulan. Ilang ulit niyang binabanggit ang mga katagang 'wala akong
kasalanan' habang hawak-hawak niya ang isang kutsilyo.
Kathleen Costales (1995-2016) July 13, 2016
Ito ang unang beses na lumabas siya kasama ang nobyong si Vince, alas kwatro pa
lamang ng hapon ay sinundo na siya ni Vince. Kahit inabot sila ng malakas na ulan
ay bakas ang kasiyahan sa mga ngiti niya hanggang sa maihatid siya ni Vince sa
tinutuluyan niyang apartment mag-aalas otso ng gabi. Lingid sa kaalaman niya ay may
naghihintay palang panganib sa kanyang apartment. Kanina pa nandoon si Bea
Manlangit at hinihintay siyang makauwi, walang kahirap-hirap niyang napasok ang
loob ng bahay ni Kathleen dahil naiwan nitong bukas ang pinto sa likod. Pagkapasok
na pagkapasok pa lamang ni Kathleen ng kanyang apartment ay inundayan na siya ni
Bea ng saksak. Sinubukan ni Kathleen manlaban ngunit masyadong mabilis ang mga
pangyayari. Hindi siya tinigilan ni Bea hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng
buhay.
Reiner Antonio (1995-2016) July 13, 2016
Mag-aalas syete ng gabi, hindi pa siya ganoon kalasing ngunit nakailang bote na rin
ng alak ang binata nung nag-uumpisang kumulog at kumidlat, senyales ng malakas na
ulan na paparating. Nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang si Christle.
Inutusan siya nito na bantayan ang kaibigang si Comi, dahil may sakit ito. Kahit
bahagyang nahihilo ay kaagad nitong tinungo ang kotse niya upang puntahan ang
kanyang nobyang si Comi. Bumuhos ang malakas na ulan habang tinatahak niya ang daan
patungo sa bahay ng nobyang si Comi. Dahil sa dulas ng dinadaanan, at dala na rin
ng presensya ng alcohol sa kanyang sistema ay hindi na nito nagawang kontrolin ng
maayos ang minamanehong sasakyan. Nagpagewang-gewang ito hanggang sa bumangga sa
kasalubong nitong sasakyan. Lulan ng nakabungguang sasakyan ang nobyo ng kaibigan
niyang si Kathleen Costales na si Vince Miguel at pinsan nitong si Shaina Atis.
Kaagad nilang sinugod si Reiner sa ospital ngunit huli na ang lahat dahil binawian
na ito ng buhay bago pa man sila umabot sa ospital.
Mabilis kong isinara ang black book pagkatapos kong magbasa. Hindi ko namalayan na
umiiyak na pala ako. Kasalanan ko 'tong lahat eh, pati mga malalapit sa'kin
napapahamak ng dahil sa'kin.
Ang daming gumugulo sa utak ko ngayon, idagdag mo pa 'yung tungkol sa amin ni
Reiner. Nakarinig ako ng tatlong malalakas na katok sa pinto kaya pinunasan ko ang
mga luha ko.
"Okay ka lang ba Comi? Nag-aalala ako sa'yo kaya pumunta ako dito"
"Frances!" yumakap kaagad ako sa kanya nung makita ko siya. "Thank you, kailangan
ko talaga ng makakausap ngayon eh" pinatuloy ko siya sa bahay. Habang magkasunod
kaming naglalakad ay tinanong ko siya kung gusto niya ng maiinom o makakain pero
tinanggihan niya. "May itatanong sana ako sa'yo sestra, pero sana sagutin mo ng
totoo" Sabi ko.
"Ano 'yun sestra?" tanong niya pagkaupo naming dalawa sa sofa sa living room.
"Magboyfriend ba talaga kami ni Reiner bago ako maaksidente?" pinagmasdan kong
maigi ang mukha niya at halatang hindi siya nagulat sa itinanong ko.
"Oo, tatlong taon na kayong magboyfriend, hanggang sa maaksidente ka" Nag-umpisa na
namang tumulo ang luha ako dahil sa sagot niya. Nakadagdag pa tuloy 'to sa guilt na
nafifeel ko, "Tatlong taon kaming mag-boyfriend tapos ngayon hindi ko siya maalala?
Ang sama-sama ko" ang sakit siguro sa kanya ng mga nangyayari ngayon.
"Hindi mo naman kasalanan na wala kang maalala sestra, at isa pa, desisyon niya na
huwag sabihin sa'yo ang tungkol sa inyo dahil baka makadagdag pa raw siya sa mga
iniisip mo" paliwanag ni Frances. I just sighed. Sobra-sobrang guilt na 'yung
nararamdaman ko.
"May nabasa ka ba sa Black Book?"
pag-iiba niya ng usapan. Tumango ako bilang sagot. Hindi rin naman niya
maiintindihan kung sasabihin ko sa kanya dahil for sure ibang language naman ang
maririnig niya. "Tutulungan mo ba ulit ako sestra?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman, ano bang plano?"
nakangiting sagot niya. Buti na lang talaga nandyan lagi si Frances.
***
"Christle ano'ng sabi ni Kathleen?" Nakahiga ako sa kama at nagpapanggap na may
sakit, nag-aaya kasi ngayon na pumunta ng Batangas sina Chistle at Ciela, pupunta
raw sa bahay ng lola ni Armhoncelle. Hindi sa ayokong sumama, ang totoo niyan,
gusto kong malaman ang lahat, ang kaso nga lang July 13 ngayon. Ngayon ang petsang
nakasulat sa black book kaya kailangan kong pigilan ang mga mangyayari.
"According to her very dyosang text, hindi raw siya makakasama dahil may dyosang
promise na siya kay Vince na lalabas sila ngayon"
"Ano ba naman 'yan si Kathleen, inuna pa talaga makipag-date?!" galit na sagot ni
Ciela.
"Okay lang 'yan sestra, nandito pa naman ang pinaka-dyosa sa lahat. Gora naman ako
sa Batangas" gusto kong tumawa dahil ang cute nilang dalawang mag-usap kaso
mahahalata nila na wala talaga akong sakit kapag tumawa ako.
Lumapit si Ciela sa'kin saka hinipo ang noo ko. "Hindi ka naman mainit Comi, ano
bang nararamdaman mo? Hayy bakit ngayon ka pa nagkasakit kasi? Ano bang
pinaggagagawa mo?"
"Nahihilo kasi ako kapag tumatayo eh, saka nasusuka" palusot ko.
"Omygolly! Baka buntis ka?" Nabigla ako sa sinabi ni Christle. "Hindi ah! Siguro
dala lang ng puyat at pagod. Hindi kasi ako nakakatulog ng maayos lately"
"Yan naman kasi ang sinasabi ko sa'yo, ang tigas talaga ng ulo mo Comi" Nag-umpisa
na namang manermon si Ciela, ganitong-ganito rin siya sa akin noon, nung nasa
ospital pa ako at nagpapagaling.
"Sestras, may dyosang text na from Armhocelle. Sabi niya, umalis na raw tayo kasi
baka gabihin tayo sa daan. Mahirap daw hanapin ang dyosang bahay ng lola niya kapag
inabot tayo ng gabi"
Wala pang ilang minuto nung makapagpaalam sina Christle at Ciela ay bumangon na rin
ako upang maligo at mag-ayos. Tinignan ko kaagad ang oras sa cellphone ko
pagkatapos kong magbihis. Magaalas-tres pa lamang ng hapon may ilang oras pa naman
ako. May dala akong maliit na backpack, doon ko nilagay ang black book at ang iba
pang kailangan ko. Kakababa ko lang ng hagdan nung makarinig ako ng tatlong
malalakas na katok sa pinto.
"Nakaalis na ba sila?" tanong ni Frances pagkabukas ko ng pinto. "Oo kanina pa,
tara na kila Kathleen" tugon ko.
***
"Mauna ka nang pumasok, may titignan lang ako" sabi ni Frances. Nagdoorbell ako
dahil wala pa namang alas kwatro kaya alam kong nandito pa si Kathleen sa apartment
niya. "Oh sestra, ang akala ko ba may sakit ka kaya hindi ka nakasama ng Batangas,
ano'ng ginagawa mo dito?" Bihis na bihis na siya, may make-up na rin at mukhang
pabango ang ipinaligo niya.
Iniikot ko kaagad ang mga mata ko sa buong apartment niya nung patuluyin niya ako.
Napangiti kaagad ako nung makita ko sa ibabaw ng isang table ang picture naming
magkakaibigan, na nakasugot ng puting toga, high school graduation to be exact.
Lumapit ako at kinuha ang picture frame para tignan ng malapitan.
Si Christle, ako, si Kathleen at si Ciela.
Pero bakit wala si Frances?
"Siguro college namin siya naging kaibigan" bulong ko.
"Ano 'yon sestra?" tanong ni Kathleen, sinulyapan ko siya saglit. Nakangiti siya
habang nagsusuot ng dangling earrings. "Wala! Ang sabi ko tama na pagpapaganda,
baka pakasalan ka na ni Vince niyan"
"Hahaha omygosh huwag kang magbiro ng ganyan sestra alam mo namang I do agad ang
sagot ko dyan" Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya hanggang sa mahagip ng
tingin ko ang isang malaking antique na salamin.
"Omygod!" Napahiyaw si Kathleen nung mabitawan ko ang picture frame at mabasag.
Hindi ako makagalaw sa pagkakatayo ko dahil nakita ko si Kathleen na punung-puno ng
saksak sa salamin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maialis ang tingin ko sa
salamin. "Ano bang nangyari Comi? Oh sh*t! Don' tell me may nakita kang multo?"
Nagpapanic na rin si Kathleen dahil hindi ko siya masagot.
"Omygod sestra ano bang nakita mo kasi?" tanong niya sakin. "W-wala, namalikmata
lang ako" sagot ko.
"Mag-ayos ka na, ako na ang magliligpit niyang frame na nabasag. Baka dumating na
si Vince," sagot ko.
"Sure ka ba? Comi sabihin mo kapag may mga nakikita kang masamang espiritu dito sa
apartment para makalipat kaagad ako ah?" Paalala pa niya, tumango ako at saka
pumunta sa kusina para kumuha ng walis at dustpan, pero bago ko gawin 'yun ay
siniguro kong nakakandado ng maigi ang pinto sa likod ng bahay.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay narinig na namin ang busina ng kotse ni Vince.
"Oh paano ba 'yan Comi, nandito na ang date ko" Excited na sabi niya, nakalimutan
na nga agad niya 'yung nangyari eh. "Hahaha sige, ingat kayo ah. Uhm sestra, pwede
bang pahiram ako ng kotse mo mamaya? Ako na rin magsasara nitong apartment" kumunot
saglit ang noo niya pero kaagad naman niyang kinuha ang susi sa isa sa mga drawer.
"Oh ayan, may sarili akong susi nitong apartment kaya paki-lock na lang kapag
umalis ka sestra ah"
Ngumiti ako sa kanya at saka bumeso.
Pagkaalis ni Kathleen ay kaagad kong tinawagan si Reiner. Nakakailang ring pa
lamang ay sinagot na niya kaagad ang phone.
"Comi"
Umupo muna ako sa sofa bago ko siya sinagot. "Reiner, ano sorry nga pala dun sa
nangyari last time ah" nakita kong pumasok nitong apartment ni Kathleen si Frances
kaya sinundan ko siya ng tingin.
"Ayos lang, hindi mo naman kasalanan eh" sagot niya.
"Oo nga pala, may sasabihin sana ako sa'yo" sabi ko. Tinanaw ko si Frances dahil
nakita ko syang umakyat sa itaas.
"Ano 'yon" tanong ni Reiner sa'kin.
"Kahit ano'ng mangyari huwag kang aalis dyan sa inyo ha? Kahit tawagan ka nila
Christle, pupunta kasi ako dyan mamaya" bilin ko.
"Huh? Bakit Comi, may mangyayari ba?"
"Oo kaya huwag kang aalis, okay ba 'yon?" Paalala ko. Nakatingin pa rin ako sa
hagdan dahil nagtatakha ako kung bakit umakyat si Frances sa itaas.
"Oh sige sige, anong oras ka ba pupunta?" tanong niya.
"Mamaya, mga seven" sagot ko.
"Sige, ingat ka" ibinaba ko na kaagad ang phone para sana sundan si Frances sa
itaas.
Nakakaisang baitang pa lamang ako nung may magsalita. "Comi saan ka pupunta?"
Natigilan ako at kinilabutan nung marinig ko ang boses ni Frances. Mabilis akong
lumingon sa likod ko, nakatayo siya sa may pinto ng apartment at kunot-noong
nakatingin sa'kin. "Akala ko umakyat ka sa itaas?" takhang tanong ko. Sumilip pa
ako sa itaas ng hagdan para makasigurado.
"Huh? Anong umakyat e kakapasok ko lang"
Hindi ko na sinagot si Frances kahit hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako.
Sunod kong idinial ang phone ni Kathleen. Inabot ng ilang tries bago niya sinagot
ang tawag.
"Yes sestra?" masaya ang bungad niya sa tawag kaya natawa ako ng mahina.
"Uhm sestra may favor sana ako sa'yo kung okay lang?" umpisa ko.
"Of course, anything sestra ano ba 'yon?" sagot niya.
"Okay lang ba na sa bahay ni Reiner ka magpahatid mamaya kay Vince?" sumilip ako sa
may bintana, kinakabahan ako kasi baka anytime dumating si Bea.
"Huh bakit?" tanong niya.
"May surprise kasi ako kay Reiner eh uhh, naalala ko na kasing boyfriend ko siya"
pagsisinungaling ko.
"Omygosh really? That's good news. Sige sige, narinig mo 'yun babe? Sa bahay ni
Reiner mo raw ako ihatid mamaya" narinig ko sa kabilang line na nag-agree si Vince
kaya mukhang okay na." Yun lang ba Comi?" tanong pa niya.
"Yup! Sige Kath, enjoy kayo ni Vince ah"
"Oo naman!"
Binalikan ko 'yung nililinis ko kaninang basag na frame pagkatapos ay nagpahinga
ako saglit.
"Comi, mag-ayos na tayo, baka dumating na si Bea" paalala ni Frances. "Grabe sestra
kakaupo ko lang ah" angal ko, pero tumayo rin naman ako kaagad. May point naman
siya, baka dumating na si Bea.
Inilagay ko sa bulsa ko ang susi ng kotse at apartment ni Kathleen, pagkatapos ay
hinayaan kong bukas ang pinto sa harap ng apartment. Tanaw kasi mula sa kwarto ni
Kathleen ang pinto sa harap kaya iyon ang iniwan kong bukas. Sunod ay pumunta ako
sa kusina para kumuha ng kutsilyo, pang self-defense lang naman just in case
magkaroon ng problema.
Pinatay ko lahat ng ilaw para magmukhang walang tao at saka ako umakyat sa kwarto
ni Kathleen.
Ciela's POV
"Pasok kayo" pinatuloy kami ni Armhoncelle sa bahay ng lola niya dito sa Taal
Batangas, kaming dalawa lang ni Christle ang tumungo dito sa Batangas dahil naiwan
si Reiner kay Comi. "Ang dyosa ng bahay ng lola mo Armhoncelle ah" Bati ni Christle
sa bahay. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa panahon ng mga kastila dahil sa disenyo
ng bahay. Natatakot akong tumingin sa malalaking larawan na nakasabit sa dingding
dahil pakiram ko ay may sarili itong mga buhay.
"Mabilis lang naman pala ang dyosang byahe, wala pang 1 hour from Laguna we're here
na agad"
"Huwag kayong mahiya, kasambahay lang naman ang tao dito" Sabi niya. Palinga-linga
pa rin ako hanggang sa makaupo kami sa salas nitong bahay ng lola ni Armhoncelle.
"Hintayin muna na'ting makarating si Kelvin Rey bago ko isalaysay sa inyo lahat ng
alam ko" Nakangiting saad niya.
"And who's that pokemon?" Itatanong ko rin sana 'yan kaso naunang magtanong si
Christle.
"Siya 'yung pang-anim na nagmay-ari ng Black Book" Sagot ni Armhoncelle.
"Nagmay-ari? Past tense? Ibig sabihin, nauna siya kay Comi? Eh bakit ang sabi ni
Reiner lahat ng nagmamay-ari ng black book namamatay?"
"Yun din ang akala ko eh, hindi ko nga akalaing may nabuhay sa mga nagmay-ari ng
Black Book. Nalaman ko na lamang nung magkakilala kami ni Kelvin Rey. Minsan na
siyang nagpunta dito. And that was 5 months ago, bago siya maaksidente".
"5 months ago rin nung maaksidente si Comi ah" Parang puzzle na unti-unting nabubuo
sa utak ko ang mga konklusyon. "Uminom po muna kayo"
May dalang tatlong baso at isang pitcher ng juice 'yung isa sa mga katiwala nitong
bahay.
"Omy maraming thank you po sa dyosang juice!"
Saglit kaming nagkwentuhan, tungkol sa school ang topic naming at sa mga kursong
tine-take namin. Ang sabi ni Armhoncelle, mamaya na namin pag-usapan ang tungkol sa
Black Book kaya iyon ang sinunod namin.
"Ma'am Armhoncelle, pinapasok ko na po 'yung mga bisita niyo"
"Mga?" Takhang tanong naming tatlo.
Unang pumasok 'yung lalaking nakita naming kausap ni Comi sa party, marahil siya na
si Kelvin Rey. Kasunod niyang pumasok ang isang babae. "Buti nakarating kayo" Bati
ni Armhoncelle sa kanila.
"Hi" bati sa amin nung babaeng kasama ni Kelvin. "Marie, Marie Gutierrez"
pagpapakilala niya.
"Ikaw pala si Marie" mabilis na sagot sa kanya ni Armhoncelle, "Ako nga pala si
Armhoncelle, ito sina Ciela at Christle, mga kaibigan ni Comi"
"Hello" bati niya sa'min
"Hi" tugon ko.
"Dyosang Christle here!"
"Manang padala rin po sila ng maiinom" magalang na utos ni Armhoncelle sa isa sa
mga kasambahay.
"Sige po"
Nung matapos kami sa pagpapakilanlan sa isa't-isa ay nagkanya-kanya na kaming
pwesto ng upo dito sa living room.
"Mawalang galang na, pero pwede ko ba malaman kung sino si Marie? Or I mean uhm
bakit siya kasama dito kasi medyo private 'yung magiging topic na'tin" Pakiramdam
ko ang walang-galang ko sa sinabi ko, pero mas mabuti na kasing nakakasigurado eh.
Nagkatinginan sina Marie at Kelvin bago ako sinagot ni Kelvin. "Siya ang susunod na
magmamay-ari ng black book" Sagot nito.
"Paano mo nalaman?" mabilis na tanong ko.
"Mahirap ipaliwanag Ciela, kaya mas mabuti pang ikwento ko na lang sa inyo" Si
Armhoncelle ang sumagot ng tanong ko.
Tumikhim si Armhoncelle bago siya nag-umpisang magkwento. "Bago mamatay si lola
Noregen, ibinilin niya sa'kin ang lahat ng alam niya tungkol sa black book ng sa
gayon ay makatulong daw ako kung sakaling mayroon akong mabalitaan na may-ari nito"
"Isa ba sa may-ari ng dyosang black book ang lola mo?" Tanong ni Christle.
"Hindi, pero 'yung kapatid ng lola ko ang pangalawang may-ari ng black book kaya
alam niya ang tungkol dito" sagot nito. Tahimik kaming nakinig hanggang sa mag-
umpisa siyang magkwento. "Lima silang magkakaibigan, si lola Jade na kapatid ng
lola ko, si lola Angeline na lola ni Comi, si lola Myka na lola ni Kelvin, si lola
Gladys na lola ni Marie at si lola Antonette, ang unang may ari ng Black Book"
-Flashback of the story-
"Antonette, ano ba 'yang nililimbag mo sa itim na libro na 'yan?" tanong ni
Angeline, isa sa mga kaibigan ni Antonette.
"Inilalagay ko ang mga pangalan niyo, dahil kayo ang susunod na magmamay-ari nito.
Ako ang una, pangalawa si Jade, pangatlo si Myka, pang-apat si Angeline at panglima
si Gladys. At hindi pa dito matatapos ito, dahil mauulit ulit ito hanggang sa mga
susunod na henerasyon niyo ng naaayon pagkakasunud-sunod na'ting lima," sagot nito.
"Ngunit para saan ang itim na libro na iyan?" takhang tanong ni Myka.
"Para malaman na'tin kung sino ang yayao. Nguni tang tunay na layunin ko rito ay
upang mabuhay muli"
nagkatinginan ang apat sa mga binitawang salita ni Antonette. "Sa oras na yumao na
ang unang pitong nagmay-ari nitong itim na libro ay mabubuhay muli ako,"
Nakangiting paliwanag ni Antonette.
"Mabubuhay kang muli?"
"Ganoon na nga" sagot niya. "Ginamit ko lahat ng nalalaman ko at mga nabasa ko sa
libro ng lola ko para magawa itong libro na ito"
Nakangiting dugtong nito. Nagkaroon ng kaba sa dibdib ang apat niyang mga kaibigan
dahil magmula ng matuto ito ng itim na mahika ay tila ba nawala na ito sa katinuan.
"Pero diba masama iyan? Antonette pinaiiwas na ako ni nanay sa'yo dahil sa
napapabalitang kondisyon ng nanay mo, na kesyo gumagamit daw ng itim na salamangka
ang mga magulang mo, tapos nagkakaganyan ka pa. At isa pa, ayokong sumali dito,
kung nais mong ituloy ang mga binabalak mo, ikaw na lang, ayokong sumali,"
"Ngunit Jade, tapos na ang ritwal, kaya't sa ayaw man ninyo o sa gusto, wala na
kayong magagawa"
-End of Flashback-
"Inialay ni lola Antonette ang kaluluwa niya sa demonyo upang mas mapatibay ang
sumpa ng Black Book dahil naniniwala siya na balang araw ay mabubuhay syang muli"
pagpapatuloy ni Armhoncelle sa kwento.
"Excuse lang, pwede bang malaman kung paano maiiligtas si Comi?"
singit ko.
"Wala ng chance na mailigtas si Comi dahil binago niya ang nakasulat sa Black Book"
sagot ni Marie. "Ang tanging magagawa na lamang na'tin ngayon ay pahabain pa ang
natitirang sandal ng buhay niya. Kailangan na'tin syang pigilan na baguhin pa kung
ano ang mga nababasa niya sa libro. Nalaman lang din namin ang tungkol dyan nung si
Kelvin ang may hawak ng Black Book, siya ang kauna-unahang nakaligtas sa sumpa.
Kung tutuusin madali lang naman ang solusyon, iiwasan mo lang baguhin kung ano ang
nabasa mo, hayaan mo lang mangyari ang mga dapat mangyari. Pero since hindi ka
aware na ito ang solution, malaki talaga ang tendency na iligtas mo sa peligro
'yung mga buhay ng taong mababasa mo lalo na kung buhay ng mga kakilala mo o ng mga
taong malalapit sa'yo," dugtong pa niya.
"Kapag nakapagligtas si Comi ng limang buhay at nagkrus ang landas nila ni Marie,
malilipat na kay Marie ang Black Book," Kelvin added.
"Pero ikaw? Ano'ng nangyari sa'yo? Paano nalipat kay Comi ang Black Book?" Usisa
ko.
"Tatlong taong nasaakin ang Black Book at natapos ko ito hanggang sa huling pahina
ng walang binabagong pangyayari. Ilang kaibigan at malalapit sa akin ang nabasa ko
pero hinayaan ko lang lahat. At pangalan ng pamilya ni Comi ang nasa huling pahina,
then five months ago, nabangga ang minamaneho kong sasakyan. Doon ko nalaman na
family car nila ang nakabanggaan ko" He explained.
"At nung mag-krus ang mga dyosang landas niyo ay nalipat na kay sestra Comi ang
black book together with its sumpa?" singit ni Christle.
"Ganun na nga"
"Wait lang, may nagtext sa'kin. Emergency raw," tumingin kaming lahat kay Marie.
"Ihahatid na kita?" sabi ni Kelvin. "Hindi na, pahiram nalang muna ng kotse mo,
aabot pa naman siguro ako. Babalik nalang ako dito pagkatapos" iniabot sa kanya ni
Kelvin ang susi, tatayo pa sana ito pero pinigilan na siya ni Marie. "Ituloy niyo
lang kwentuhan dyan"
natatawang sambit niya.
"Ingat ka" paalam namin.
***
Comi Yanagihara's POV
Sh*t nakatulog ba ako?
Bumangon kaagad ako at kinapa ang paligid. Mukhang nakatulog nga ako sa kama ni
Kathleen.
Madilim na ang buong paligid, hindi ko alam kung anong oras na pero nakakarinig na
ako ng pagkulog at pagkidlat. Narinig ko ang ringtone ko na tumutunog at palapit ng
palapit sa kinaroroonan ko. Damn!
Nandito na kaya si Bea?
Nasaan ba si Frances?
Ang daming tanong sa utak ko pero mabilis akong pumasok sa loob ng closet upang
magtago.
"Comi, yuhoo! Nandito ka ba? Kanina pa tumatawag ang boyfriend mo, sasagutin ko
ba?" hindi ako maaaring magkamali, boses ni Bea ang naririnig ko. Sh*t! Ano na
kayang nangyari kay Frances?
"Comi" sa pagaakalang si Frances ang bumulong sa kanang tenge ko ay lumingon ako.
Muntik na akong mapahiyaw nung makita ko ang duguang mukha ni Cynthia, ang talim ng
mga tingin niya sa'kin pero nakangiti siya ng nakakakilabot. Tinakpan kong mabuti
ang bibig ko para hindi ako mapahiyaw, at saka ako pumikit.
"Comi, I know you're here" gusto kong lumabas ng closet dahil sa paulit-ulit na
binubulong sa'kin ni Cynthia. Kasalanan mo kung bakit ako namatay.
Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Kathleen. Naririnig ko
ulit ang ringtone ng phone ko, pero papalayo na siya ngayon. Hindi na ako
nagdalawang isip na lumabas ng closet.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at naglakad sa hallway. Tanging kidlat lamang
ang nagsisilbing ilaw. Nakita ko ang isang babae na nakatayo at nakatalikod sa gawi
ko. Hawak-hawak niya ang cellphone ko kaya't dahan-dahan akong lumapit.
Hahawakan ko na sana ang balikat niya nung humarap siya. "Ahh!" I screamed, napaupo
pa ako sa sahig sa sobrang takot dahil duguang mukha ni Nicole ang bumulaga sa'kin.
Kasabay nun ang pagkahulog ng cellphone ko na hanggang ngayon ay nagriring pa rin.
Pinulot ko kaagad ito at saka ko pinilit tumayo kahit nanghihina na ang mga tuhod
ko.
Nakakapit ako sa dingding dahil hindi ko makita ang nilalakaran ko, maliban na lang
tuwing kikidlat ng malakas. Palapit ng palapit sa kinaroroonan ko hindi lang si
Nicole, pati si Cynthia. Halo-halo na ang nararamdaman ko, pati ang utak ko gulung-
gulo na kung ano ang uunahin kong gawin.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari, nabigla na lamang ako nung may mabangga ako,
naitulak ko ito sa sobrang gulat. Narinig kong humiyaw pa ito. Tumakbo kaagad ako
pababa ng hagdan sa sobrang kaba. Napatakip ako ng bibig nung kumidlat at makita ko
kung sino ang nahulog sa hagdan. "Sh*t! Bea! Bea!" umaagos na ang dugo mula sa ulo
niya dahil sa pagkakahulog niya sa hagdan.
Omygod ano'ng nagawa ko?
***
Niloudspeaker ko ang cellphone ko nung makita kong tumatawag si Ciela dahil nagda-
drive ako. "Yes hello?" papunta na kaming dalawa ngayon ni Frances sa bahay ni
Reiner
"Comi nasaan ka?" tanong niya.
"Kasama ko si sestra Frances, papunta kami ngayon sa bahay ni Reiner, doon ko rin
kasi pinapunta si Kathleen. Sestra, nailigtas na namin si Reiner at Kathleen,"
tuwang-tuwa kong ibinalita sa kanya ang nangyari, kahit puro dugo pa ang kamay ko
at hindi pa nawawala ang panginginig nito dahil sa mga nangyari kanina.
"Sestra Frances?" Nagtakha ako dahil sa tono ng pananalita niya ay takhang-takha
siya na kasama ko si Frances.
"Oo si sestra Frances, bakit?"
"Comi, sinong sestra Frances ang tinutukoy mo?" tanong niya.
"Ciela ano bang nangyayari sa'yo? Hindi mo ba kilala si Frances Antonette Roque?
Yung lagi na'ting kasama nina Kathleen at Christle?" tanong ko sa kanya.
"Comi... apat lang tayong magkakaibigan nina Kathleen at Christle, kaya sinong
Frances Antonette Roque ang tinutukoy mo?"
"Huh? Sestra huwag mo nga akong tinitrip. Masyadong maraming nangyari ngayon kaya
wag ngayon please"
"Comi seryoso ako, hindi ko kilala ang sinasabi mo"
"Sestra Frances kausapin mo nga to—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil
gulat na gulat ako nung makita ko ang katabi ko sa passenger's seat. Pulang-pula
ang mga mata ni Frances at may tumutulong dugo mula sa mata niya, ang damit na suot
niya ay parang bagong bangon sa hukay.
Nakarinig ako ng malalakas na busina ng sasakyan. "Sh*t!" I cussed, bago ako
tuluyang bumangga sa kasalubong ko.
***
Ciela's POV
"May problema ba sestra? " tanong ni Christle.
"Ano'ng buong pangalan ni lola Antonette, Armhoncelle?"
"Frances Antonette Roque, bakit?"
Saglit akong natigilan dahil bigla kong naalala ang mga sinabi sa'kin ni Jasmine
Rose Rodriguez, isa sa mga kaibigan ni Nicole.
-Flashback-
"Ciela!"
"Oh Jasmine? Bakit parang nakakita ka ng multo?" pawis na pawis siya at namumutla
nung inapproach niya ako.
"Natatakot kasi ako kay Comi"
natigilan ako sa binabasa ko nung marinig ko ang pangalan ni Comi.
"Bakit ano'ng meron kay Comi?"
tanong ko.
"Kanina kasi, nakita ko siya sa likod nung lumang building na nakaupo sa isa sa mga
bench, nagsasalita siya mag-isa. Binalewala ko pa dahil akala ko nagrereview or
nagmememorize ng kung anuman. Pagkatapos nagkasalubong ulit kami, papunta siyang
mag-isa ng gymnasium"
"Tapos?"
"Nakita ko may kinakausap siya, pero wala naman akong makitang kasama niya. Wala
rin namang ibang tao, ano bang nangyayari kay Comi? Hindi naman siya ganoon dati
diba? Hindi lang pati ako ang nakakakita ng ganun, pati ibang estudyante na
nakausap ko, nakikita raw nila madalas si Comi na may kausap"
-End of Flashback-
"Bakit hindi ko napansin ang mga 'yun?" tanong ko sa sarili.
"Ang alin ba sestra? Ano'ng nangyayari? Ano bang sabi ni Comi?"
Sunud-sunod na tanong ni Christle. Hindi ko rin namalayan na pabalik-balik na pala
akong naglalakad.
"Sestra heller? Tumigil ka nga muna sa paglalakad, sagutin mo muna ang mga dyosang
katanungan ko. Ano baa ng nangyayari?"
Tumigil ako sa paglalakad at saka tumingin sa kanilang dalawa ni Armhoncelle. "May
binabanggit siya sa'kin na kasama niya si Frances" kinakabahang sagot ko. "Oh sh*t!
So you mean nagpapakita rin sa kanya si lola Frances? Ganyang-ganyan din ang
nangyari kay Kelvin" sagot ni Armhoncelle.
"What to do? What to do?" pati si Christle ay nagpanic na rin.
"Tatawagan ko si Reiner saglit"
Napaupo ako sa sofa nung may maalala pa ako na sinabi sa akin ni Comi. Naramdaman
ko ang pag-init ng mga mata ko. "A-ang sabi niya sa'kin, nailigtas na raw niya sina
Reiner at Kathleen"
Nalaglag ang cellphone na hawak ni Christle sa pagkabigla sa sinabi ko, si
Armhoncelle naman ay nahinto at napaupo rin sa sofa. "Ibig sabihin, nakapagligtas
na siya ng limang buhay?" Nanlulumo ang boses ni Armhoncelle, nakaramdam ako ng
panghihina, hindi ko na rin napigilan na hindi maiyak.
Ilang minuto lang ang nakakalipas ay tumatakbong pumasok si Kelvin nitong bahay ng
lola ni Armhoncelle.
"May mga tumawag na pulis sa'kin"
"Bakit?
"Ano'ng nangyari?"
"Nabangga raw 'yung kotse ko"
napahilamos pa ito ng mukha pagkatapos niyang sabihin ang masamang balita. Naiyak
na kami ng tuluyan ni Christle kaya't si Armhoncelle na lamang ang nagtanong. "Si
Marie, okay lang ba sya?"
"Ang sabi ng mga pulis, isinugod sa ospital ang nagdadrive, kaya tingin ko okay
lang naman si Marie. Ang kaso..." tumigil siya saglit bago nagpatuloy. "Hindi
nakaligtas 'yung nakabungguang sasakyan"
Kahit punung-puno ng takot at ayokong marinig ang isasagot niya ay tinanong ko pa
rin. "Si Comi ba?" umiiyak na tanong ko. Tumango lamang siya bilang tugon.
***
Marie Gutierrez's POV
"N-nasaan ako?" nanunuyo pa ang lalamunan ko at nanghihina ang buong katawan.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. Puting-puti ang paligid,
tanging tunog ng relos na nakasabit sa dingding ang maririnig. Pinilit kong igalawa
ang aking kaliwang kamay ngunit may karayom na nakatusok kung kaya't sinubukan ko
itong itaaas ng bahagya upang makita ng malapitan.
"Ilang araw na kaya akong nandito?" Bulong ko sa aking sarili. Namamaga na ang
kaliwang kamay ko sa pagkakatusok ng dextrose kaya sigurado akong may ilang araw na
akong na akong nandito sa ospital.
Inalis ko ang nakatakip na oxygen mask, pakiramdam ko kasi mas lalo akong hindi
makahinga dahil dito.
Pinipilit kong alalahanin kung ano ang nangyari, pero mas lalo lamang kumikirot ang
ulo ko. Bumangon ako, upang maupo at sumandal.
Pagkasandal na pagkasandal ko ay napalingon ako sa isang table na katabi ng
hospital bed. "Ano 'to?" kunot-noong tanong ko sa sarili pagkakuha ko ng isang itim
na libro.

-end of book1-

BLACK BOOK (Book 2)

1
Marie Gutierrez's POV
"N-nasaan ako?" nanunuyo pa ang lalamunan ko at nanghihina ang buong katawan.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. Puting-puti ang paligid,
tanging tunog ng relos na nakasabit sa dingding ang maririnig. Pinilit kong igalawa
ang aking kaliwang kamay ngunit may karayom na nakatusok kung kaya't sinubukan ko
itong itaaas ng bahagya upang makita ng malapitan.
"Ilang araw na kaya akong nandito?"
Bulong ko sa aking sarili. Namamaga na ang kaliwang kamay ko sa pagkakatusok ng
dextrose kaya sigurado akong may ilang araw na akong na akong nandito sa ospital.
Inalis ko ang nakatakip na oxygen mask, pakiramdam ko kasi mas lalo akong hindi
makahinga dahil dito.
Pinipilit kong alalahanin kung ano ang nangyari, pero mas lalo lamang kumikirot ang
ulo ko. Bumangon ako, upang maupo at sumandal.
Pagkasandal na pagkasandal ko ay napalingon ako sa isang table na katabi ng
hospital bed. "Ano 'to?" kunot-noong tanong ko sa sarili pagkakuha ko ng isang itim
na libro.
Narinig kong bumukas at sarado ang pintuan nitong kwarto kaya tinignan ko kung sino
ang paparating.
"Oh gising ka na pala" kaswal na saad niya nung makaupo siya malapit sa'kin.
"Sino ka?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Sinulyapan ko ang supot ng fastfood na
dala niya. Sh*t fries!
"Pagkatapos mong ibangga ang kotse ko, tatanungin mo kung sino ako?" Aba'y gago ang
isang 'to. Tinatanong ng maayos, sasagutin ako ng pabalang. WTH?! Saka ano bang
kotse ang sinasabi nito? "Eh bakit ba kasi nasa akin ang kotse mo?" kainis ah!
"Hiniram mo kaya"
"Oh pinahiram mo naman pala, tapos ngayon sisisihin mo ako. Jusko! People
nowadays..."
"Kumain ka na. Wala ka nang maalala ang daldal mo pa rin" padabog kong kinuha sa
kanya 'yung plastic. Di bale ng walang modo ang kasama, ang importante naman, itong
fries.
"Wala ka ba talagang maalala?"
tanong niya. Tumingin ako sa kanya saglit habang kumakain ng fries.
"Mukha ba akong nagjojoke?" tanong ko.
"Eh bakit mahilig ka pa rin sa fries?" Hindi ko sinagot ang tanong niya, kasi hindi
ko rin naman alam ang isasagot. Sinubukan kong isipin kung may maalala ako, pero
wala talaga akong maalala eh.
"Diba sabi mo naibangga ko kotse mo?" tumango siya sa tanong ko. "Bakit pala nasa
akin ang kotse mo?" tanong ko ulit.
"Hiniram mo nga" sagot niya na parang naiinis na.
"Talaga? Pinahiram mo ako ng kotse? Bakit? Magkaibigan ba tayo?"
"Oo nga!" Halatang nakukulitan na siya sa'kin.
"Paano?" takhang tanong ko.
"Ano'ng paano?" tanong niya pabalik.
"Nagtatakha lang kasi ako kung paano kita naging kaibigan eh parang ang sama naman
ng ugali mo" tugon ko.
"Amina nga 'yan!" Mabilis niyang agaw sa French fries na kinakain ko.
"Hoy!" bastos 'tong lalaking 'to. Nakain pa ako eh.
Binato ko siya ng unan kasi tumayo siya at inilayo ang fries. "Akala ko ba masama
ugali ko?" Tanong niya.
"Masama nga! Tignan mo kung hindi ka ba naman siraulo eh kumakain pa ako inagaw mo"
"Pera mo pinambili nitong fries ha? Pera mo?" nakangising tanong niya.
"Babayaran kita!" Mabilis na sagot niya.
"Oh paano 'yung kotse ko?" Sinamaan ko siya ng tingin kasi halata namang nang-aasar
siya. "Wag kang mag-alala, isusungalngal ko sa'yo ang kotse mo. I mean, 'yung
pambayad"
"Anong isusungalngal? Itong fries kaya isungalngal ko sa'yo?"
"Hoy grabe ka sa—" Huminto ako saglit sa pagsasalita para hawakan ang ulo ko,
bahagya kasi itong kumirot. Tang*na kasi nitong lalaking 'to fries lang
pinagdadamot pa sa'kin.
"Okay ka lang?" Nung mapatingin ako sa kanya ay nasa tabi ko na pala ulit siya.
"Paki mo?" masungit na sagot ko. Ang sakit ng ulo ko sh*t.
"Hoy Marie, nagka-amnesia ka ba talaga? Parang wala ka namang pinagbago" Marie? So
Marie pala ang pangalan ko?
"Marie pangalan ko?" tanong ko sa kanya.
"Hindi, pangalan ko yon" Tinignan ko siya ng masama kasi ba naman, nung magsabog
yata ang langit ng kapilosopohan, sinalo niya lahat walanghiya!
"Wag ka nga kasing tanga, may iba pa ba akong kausap dito?"
Natatawang tanong niya. Makatanga wagas "Edi shing!" Natawa siya kaya inagaw ko na
'yung supot ng fries at nagsimula ulit kumain. Hindi naman siya kumontra kaya
naisipan ko ng magtanong. "Ano nga kasi pangalan mo?" seryosong tanong ko.
"Hindi mo ba talaga ako maalala?" tanong niya.
"Magtatanong ba ako kung oo?" tanong ko ulit sa kanya.
"Kelvin" Tipid na sagot niya.
"Kelvin?" tanong ko.
"Oo nga"
"Ang pangit"
"Kumpara naman sa Marie"
"Hoy!"
"Oh bakit ah?"
"Wala" natatawang sagot ko. Ilang minuto kaming nanahimik. Ayoko na rin munang
magsalita, kahit naman sinong nakain na walang inumin mabubulunan pag sinamahan pa
ng pagdaldal. Bakit ba kasi hindi pa niya sinamahan ng drinks 'tong fries?
"May tanong ako" sabi ko.
"Ano 'yon?" tanong naman niya.
"Ay mali pala hindi pala tanong, idescribe mo na lang ako. Para naman kahit wala
akong maalala medyo may clue ako"
"Ahh. Tanga, abnormal, siraulo, maingay, mahilig mambara—"
"Manahimik ka na nga!" Bulyaw ko. Hayop na 'to! Kinuha ko nalang ang itim na libro
na nakita ko kanina sa lamesa upang basahin.
"Oy ano ba?!" galit na bulyaw ko matapos niyang agawin sa'kin ang libro. "Mamaya mo
na 'to pakialaman" sinubukan kong agawin 'yung libro sa kanya kaso ang hirap naman
kumilos kasi naka dextrose pa ako eh. "Wag mo muna 'tong pakialaman, hangga't wala
ka pang alam tungkol dito" Seryoso ang pagkakasabi niya kaya nagtakha ako.
"Sige bumili ka nalang muna ng drinks" pinigilan kong matawa dahil mukhang inis na
inis siya sa sinabi ko.
"Makautos ah?"
"Edi please, bili ka po ng drinks po"
tumayo siya at nag-umpisang maglakad palayo pero tumigil din siya sa paglalakad
saka humarap sa'kin.
"Sure kang okay lang sa'yo maiwan mag-isa?" tanong niya.
Tumango ako na may halong pagaalinlangan kasi hindi ko alam kung ano ang ibig
niyang sabihin.
"Kaya mo mag-isa dito sa hospital room?" tanong niya ulit.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Wala, may amnesia ka nga. Sige bibili na ako. Wag kang tanga dyan ah"
***
"Malayo pa ba?" Natawa siya sa tanong ko. Kanina pa kasi kami palakad-lakad, mas
lalo lang akong inuuhaw. "Sabi ko naman kasi sa'yo magpaiwan ka na sa kwarto eh"
Pero okay rin naman kasi kinukwentuhan niya ako habang naglalakad. Kinukwento niya
'yung mga nangyari bago ako maaksidente.
"Kailan natin bibisitahin si Comi?" tanong ko sa kanya, ang kwento kasi niya,
nabuhay raw 'yung nakabanggaan ko ng sasakyan ilang minutes after niya maideclare
na patay. Ang kaso nga lang hindi pa siya nagigising until now.
"Ikaw ba, kailan mo gusto?" tanong niya.
"Hindi ba galit sa'kin mga kamag-anak at kaibigan niya? Kasi syempre ako 'yung
nakabanggaan niya ng sasakyan"
Tumawa siya ng mahina "Hindi nga" tumigil kami parehas nung makarating kami sa
isang vendo machine.
Ako lang ba? O talagang ang creepy dito sa kinaroroonan naming dalawa?
Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar habang naghuhulog siya ng barya sa vendo
machine. Unang nahagip ng mata ko ang isang babae na nakatayo sa kabilang dulo
nitong hallway. Nakasuot siya ng hospital gown tulad ng suot-suot ko kaya alam kong
isa siya sa mga pasyente nitong hospital.
Kaso ang weird kasi hindi man lang siya gumagalaw sa kinatatayuan niya.
Titig na titig ako sa kanya. Inaabangan ko kung gagalaw sya. Napatakip ako ng bibig
nung unti-unti siyang humarap at tumingin ng diretso sa'kin. Gusto kong humiyaw at
tawagin si Kelvin na nasa likod ko lamang pero walang boses na lumalabas sa bibig
ko.
Nag-umpisa siyang maglakad palapit sa'kin kaya mas lalo akong hindi makagalaw.
Sh*t! Nararamdaman ko ang panginginig at panlalamig ng mga kamay ko.
Palapit sya ng palapit sa'kin kaya't mas lalong nagiging clear sa paningin ko ang
itsura niya. At habang palapit siya ng palapit, pawala ng pawala ang iilang tao na
nasa hallway. Pakiramdam ko kaming dalawa nalang ang nandito. Pati si Kelvin hindi
ko na naririnig sa likod ko.
P*tang*na! Gusto ko nang alisin ang tingin ko sa kanya kasi nagtatakha ako kung
bakit. I mean bakit puro sugat ang mukha niya? May mga bubog pa na nakatusok sa
mukha niya pati sa braso.
"Hoy, ano bang tinitignan mo?" Bumalik ako sa ulirat nung humarang si Kelvin.
"Fudge!" Napamura na lang ako sa sobrang takot. "Naalala mo na ako?" tanong niya.
Pero imbis na sagutin ko siya ay naiyak na lang ako. Syet eh. Perstaym ko makakita
non eh.
"Hoy g*go anong nangyayari bakit bigla kang nageemote dyan?"
"May nakita kasi ako eh" Hindi ko magawang maikalma ang sarili ko. Kahit naman
siguro sinong makakita ng ganon diba?
"Yan na ba sinasabi ko, kung saan-saan kasi tumitingin. Tara na nga".

2
Marie's POV
Inaalala ko pa rin 'yung nakita ko kanina hanggang sa makabalik kaming dalawa sa
hospital room. Paksyet eh. Multo ba 'yun? O guni-guni ko lang?
"Hoy. Natatanga ka na naman dyan? Kala ko ba nauuhaw ka?" Nung bumalik ako sa
sarili ay hawak-hawak na niya sa harap ko na ang bottled mineral water na nakabukas
na. Kinuha ko ang bote ng mineral water ng hindi siya sinasagot.
"Alam mo Marie, tingin ko ginagago mo ako" Pinaningkitan ko siya ng mata dahil sa
sinabi niya. "Ano na namang trip mo?" tanong ko.
"May amnesia ka ba talaga?"
"Ano ba 'yan? Ilang ulit mo bang itatanong 'yan?" inis na tanong ko pagkainom ng
tubig.
"Bakit tinawag mo akong fudge kanina?" tanong niya.
Pinilit kong alalahanin 'yung sinasabi niya. May katangahan din 'tong lalaking 'to
eh. "Kala ko ba Kelvin ang pangalan mo? Ano't biglang naging fudge? Mura 'yon
tanga. Oh ano pag nagsabi akong stupid, f*ck, damn, aangkinin mo na rin?"
Umalis siya sa pwesto niya para umupo malayo sa'kin. Kainis. Feeler ang walanghiya.
"Pero alam mo? May nakita kasi ako kanina eh" kwento ko.
"Oh?"
"Hindi ko sigurado kung totoo 'yung nakita ko o natatanga lang ako"
"Baka nga natatanga ka lang?" tanong niya sabay tawa.
"Seryoso kasi ako Kelvin eh"
"Seryoso naman ako"
"Kanina ko pa kasi iniisip kung totoo eh. Paksyet nakakatakot kasi" sabi ko.
Ilang minutong natahimik ang buong silid. Iniisip ko pa rin 'yung nangyari kanina.
Hindi mawala sa isip ko 'yung itsura nung babae hanggang sa magsalita muli si
Kelvin. "Ikekwento ko na sa'yo 'yung tungkol sa Black Book"
***
Sa sobrang dami nang kinwento sa'kin ni Kelvin hindi ko na alam kung ano ang unang
iisipin. Papunta kaming dalawa ngayon sa hospital room ni Comi para bisitahin kung
okay siya. Simula nung ikwento ni Kelvin sa Black Book ay hindi ko na ito
binitawan. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang magbasa. Kinakabahan kasi
akong makabasa ng pangalan ng mga kakilala ko. Pero kung sa bagay, wala naman akong
kakilala, bukod sa kanya.
"Hoy lampas ka na"
Huminto ako sa paglalakad nung marinig ko ang boses niya. Tingnan mo 'tong lalaking
'to. Ang layo ko na saka pa sasabihing lampas na ako.
"Wow thank you sa concern ah" sarkastikong sagot ko dahil halos nasa dulo na ako ng
hallway, sya nasa gitna pa.
"Tanga kasi" bulong niya nung makalapit ako sakanya kaya sinamaan ko siya ng
tingin.
Kumatok siya ng dalawang beses saka binuksan ang pinto ng kwarto.
"Hala nandito na pala kayo, papunta pa lang kami sa kwarto sana ni Marie para
ibalita ang dyosang good news"
sabi nung isang babae na alam kong si Christle, nakwento na rin kasi 'yan ni Kelvin
kanina. Pinatuloy nila kami sa loob ng hospital room. Ang daming tao, kala mo may
party dahil ang dami ring pagkain. Ang gulo pa nila at kanya-kanyang selfie doon sa
nasa hospital bed. Siya na nga siguro si Comi. Binati nila kami, kaya ganun din
naman ang ginawa ko.
"Marie, buti naman okay ka na" ngumiti ako matapos akong batii ni Comi nung makaupo
ako sa isang silya malapit sa kanya. Nasa tabi ko lang si Kelvin kaya bumulong ako.
"Akala ko ba hindi kami magkakilala ni Comi? Bakit feeling close?"
"Aba malay ko" bulong niya pabalik.
"Naikwento na namin lahat ng nangyari kay Comi kanina pa paggising niya. Buti nga
hindi siya nawalan uli ng alaala" Singit nung isang babae na katabi ko sa kabilang
side.
"Ahhh ha-ha" Hindi ko alam kung tatawa ba ako o mahihiya kasi narinig pala niya ang
sisnasabi ko tungkol kay Comi. "Armhoncelle nga pala, hindi mo na ba ako naalala?"
pagpapakilala niya. Tinignan ko saglit si Kelvin, dahil isa siya sa mga naikwento
nito, pagkatapos ay inabot ko ang kamay ni Armhoncelle. "Hindi eh, pero naikwento
ka na nitong gago sa'kin" natatawang sabi ko.
"Hi Marie, ito nga pala ang boyfriend kong si Vince" ngumiti ako sa kanya. Ito
siguro 'yung Kathleen na hindi raw kasama nung gabing magpunta kami ng Batangas
dahil may date.
"Tapos ito 'yung pinsan niya, si Shaina"
"Hi Marie, ngayon lang tayo nagkita" ngayon lang kami nagkita pero feeling close na
rin kaagad. "Tapos ayun si Christle, Ciela at si Reiner" tumango-tango na lang ako
sa mga sinasabi ni Kathleen, syempre kunwari paying attention ako, kahit hindi
naman talaga.
***
"Hoy wala ka pa bang balak bumalik sa kwarto mo? Ano'ng oras na oh" Paalala ni
Kelvin kaya tinignan ko siya ng masama. Ang KJ naman kasi, kung kailan
nakikipagkwentuhan ako at saka gumaganun.
"Mamaya na! Mauna ka na dun kung excited ka aba" sagot ko sa kanya.
"Ang sweet nyong dalawa" biglang sabi ni Ciela kaya napatingin ako sa kanya.
"Omygash kanina ko pa rin 'yan napapansin! Bagay kayo in fairness, sigurado ba
kayong, hindi kayo bago mawalan ng memorya si Marie?" dugtong ni Kathleen. Parang
gustong bumaliktad ng sikmura ko sa mga naririnig ko.
"Yak ah, mandiri kayo ah" sagot ko.
"Ayan? Magkamatayan na!" sagot naman ni Kelvin.
"Kasuklam-suklam" bulong ko pa.
"Hindi katanggap-tanggap" dugtong naman niya. Aba'y gago talaga 'to. Makalait kala
mo naman kung sinong ka-rape-rape. Kapal ng mukha.
"Mauuna na ako, bahala ka dyan" Akala ko nagjo-joke lang siya. Hanggang sa
magpaalam din siya sa iba. "Oy g*go, iiwan mo ba talaga ako?" bulyaw ko sa kanya,
wala akong paki kahit naririnig nung iba, try niyo kayang maiwan.
"Mukha ba akong nagjojoke?"
Nakangising sagot niya, saka lumabas nitong hospital room ni Comi. Omaygad! Paano
ako mamaya maglalakad pabalik ng kwarto eh hindi ko alam kwarto ko! Follow the
leader lang peg ko kanina eh.
***
"Sh*t naman kasi nakakainis bakit ba niya ako iniwan? Hindi ko alam kung nasaan ang
kwarto ko walanghiya!"
Kanina pa ako palinga-linga, habang tulak-tulak ko ang dextrose stand ko.
Sinusubukan kong alalahanin kung alam ko pa ang daan pabalik sa hospital room ko.
"Excuse me, kanina ka pa ba dito?"
bati ko sa isang babae na nakaupo sa isa sa mga benches.
"Medyo" sagot niya.
"May nakita ka bang lalaki na dumaan dito?" tanong ko sa kanya pabalik at saka ako
saglit na umupo sa tabi niya. Sh*t kapagod maglakad ah.
"Marami na akong nakitang lalaking dumaan, ano'ng itsura ba?" tanong niya.
"Uhmm mukhang tao naman, pero basta sure ako gago 'yon. Meron ba?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya. Ano ba naman 'yan, mukhang hindi pa yata matino 'tong
napagtanungan ko.
"Wala na bang ibang description?" tanong pa niya.
"Gago, walanghiya, mag-iiwan, makapal ang mukha, siraulo—"
"Yung pisikal na anyo kasi" masungit na sagot niya. Choosy pa 'to si ate, eh pag
nakita mo naman si Kelvin bingong-bingo na dun sa gago palang kuhang-kuha na buong
pagkatao eh.
"Wag na nga ate, not paying attention ka naman yata sa mga nadaan. Thank you na
lang" paalam ko at saka tumayo.
"Saan ko kaya hahanapin ang walanghiyang 'yon?" Tulak-tulak ko pa rin ang dextrose
stand habang palinga-lingang naglalakad.
Naupo muna ulit ako saglit nung may ilang minuto na akong naglalakad. Napatingin
ako sa black book na kanina ko pa hawak sa isang kamay ko.
April Rose Azucena (1995-2016) July 20, 2016
Mag-aalas diyes na ng hatinggabi, habang nahihimbing na ang karamihan sa pagtulog
ay hindi naman mapakali si April Rose, kanina pa siya pabalik-balik. Iyak siya ng
iyak dahil hindi niya alam kung paano sasabihin sa mga magulang niya na siya ay
nagdadalang-tao. Inabot ng dalawang oras ang pag-iyak nito hanggang sa naisipan
niyang lumundag mula sa bintana ng gusali ng ospital.
"Omaygash! Ang creepy naman this!"
wika ko sabay sara ng Black Book. Potek! Sabi ni Kelvin totoo ang mga nangyayari sa
Black book, tinanaw ko ang wallclock na nasa may nurse station malapit sa
kinaroroonan ko. 12:20 na. Ano bang date na? Baka naman last year pa 'yan nangyari
OA naman ako mag-react.
Pero in fairness gabi na, kailangan ko nang bumalik sa kwarto ko aba.
"Miss! Miss! Sabay na tayo hintayin mo ako" tawag ko sa pasyenteng nakikita kong
maglakad. "Hindi mo rin ba mahanap kwarto mo?" tanong ko pa sakanya nung sabayan ko
siya sa paglalakad. Imbis na sagutin niya ako ay nilalaro niya 'yung rosary
bracelet niya na kulay pula.
Ang feeling close ko masyado, snobber pala 'to si ate. "Pasabay nalang kahit medyo
papeymus ka ah? Nakakatakot kasi 'yung nabasa ko eh" Halos kaladkarin ko na ang
dextrose stand sa bilis maglakad nitong kasama ko. Sumasakit tuloy ang ulo ko
kakalakad. Kasalanan lahat 'to ni Kelvin eh.
"Kanina ka pa ba palakad-lakad?" tanong ko. Tumigil siya saglit at saka tumingin
sa'kin. Mukhang bagong iyak lang siya dahil puno ng luha ang mga mata niya. Wrong
choice of call a friend yata ako. Mukhang cannot be ang isang 'to dahil parang ang
drama.
"Hindi naman" tipid na sagot niya. Oh yes! For the first time in forever nagsalita
rin siya. Ngumiti ako bago nagtanong para mukhang friendly.
"May nakita ka bang gago na palakad-lakad kanina?" tanong ko.
"Huh?" tanong rin niya pabalik.
"Sabi ko kung may nakita kang gago na palakad-lakad kanina?" tanong ko ulit.
"Siya ba?" tanong niya sabay turo sa likuran ko. Lumingon ako at napakunot ang noo
ko nung may makita akong kumpulan ng mga tao. At syet! Sabi ko na eh! "Omaygad siya
nga!" Tuwang-tuwa na sabi ko dun sa babae.
"Salamat ah! Buti alam mong gago 'yun?" pasasalamat ko. Hindi niya ako sinagot,
nakatingin lang siya ng diretso sa kumpulan ng mga tao.
"Ano nga pala pangalan mo? Saka anong room mo? Bisitahin kita minsan"
"April" tipid na sagot niya.
"Hoy Marie!" mabilis akong lumingon nung marinig ko ang boses nung gagong mang-
iiwan.
"Hoy ka rin ulul!" Lumingon-lingon siya sa paligid ko nung makalapit siya sa'kin.
Ipapakilala ko sana siya kay April kaso bigla namang dumaan sa harap naming 'yung
ibang nurse, tulak-tulak nila ang isang stretcher at may nakatalukbong na puting
kumot doon sa nakahiga. "Ano'ng nangyari?" tanong ko kay Kelvin.
"Tumalon ng building eh, sayang nga akala ko ikaw na" tiningnan ko siya ng masama
pagkatapos niyang sabihin 'yon.
Bigla akong kinilabutan nung eksaktong malaglag ng bahagya ang kamay nito nung
mapatapat sa'min kaya natanaw ko ang kulay pulang rosary bracelet. "Saglit lang!"
pigil ko sa mga nurse.
"Tignan mo 'tong tangang 'to eksena na naman"
"Gago teka lang kasi, may kailangan akong iconfirm" sagot ko sa kanya. Dahan-dahan
kong inalis 'yung kulay puti na kumot na nakataklob sa nakahiga. "Syet!" Nakaramdam
ako ng pangingilabot nung makita ko ang mukha ni April. "Tara na" pag-aaya sa'kin
ni Kelvin paalis bago pa man ako tuluyang mag-emote doon.

3
Marie's POV
"Syet! Syet! Syet! Kelvin nakita mo ba 'yung babaeng nakahiga?" tanong ko pagkasara
nya ng pinto ng hospital room. Nanlalamig pa ang mga kamay ko at hindi pa rin ako
lubos na makapaniwala.
"Malamang" tipid na sagot niya saka inagaw sa'kin ang Black Book.
Lumapit muna ako sa hospital bed para maupo. "Kasama ko 'yun kanina eh, sinabayan
ko pa nga, akala ko papeymus"
"Sabi ko naman sa'yo huwag kang mangausap ng kung sino-sino" sagot niya. Binato ko
siya ng unan para naman kahit papaano mahimasmasan siya. "Sino ba naman kasing
tanga ang biglang nang-iiwan?" tanong ko sa kanya.
"Ang bagal mo kaya, puro daldal inaatupag mo dun sa kwarto ni Comi, kala mo naman
close kayo"
"Coming from you na feeling close sa'kin?" sagot ko. Tinignan ko 'yung blackbook na
hawak pa niya hanggang ngayon. "Oh alam ko iniisip mo" sabi niya.
"Sige nga, ano'ng iniisip ko?" tanong ko sa kanya.
"Ang gwapo ko" nakangising sagot niya.
"Wow ah?! Wow!" Inis na sagot ko.
"Seryoso kasi ako Kelvin, 'yung kinwento mo kasi sa'kin tungkol sa Black Book,
nabasa ko 'yung pangalan nung babae. Tapos..."
"Tapos?"
"Tapos nakachikahan ko pa huhuhu shet! Pakshet talaga sinabayan ko pang maglakad
ang walanghiya! Sinabihan ko pang papeymus tang*na multo pala 'yon?!" Naiiyak ako
sa kaba habang inaalala ko ang katangahan ko kanina.
"Ang tigas kasi ng ulo mo. Makinig ka na sa'kin sa susunod"
Pinagmasdan ko siya habang nililipat-lipat niya ang pahina ng Black Book.
"May nababasa ka ba?"
"Wala, ikaw lang makakabasa dito"
"Eh bakit, nililipat-lipat mo 'yung pages? Feeler ka lang ganon?" kung hindi ba
naman gago eh. Jusko! Paano ko ba naging kaibigan 'tong isang 'to?
"Manahimik ka na, uminom ka nung gamot mo. Dinala 'yan ng nurse kanina nung wala
ka"
***
-Meanwhile-
Ciela's PoV
"Okay lang ba kung mauna na muna kami Reiner, Comi?" tanong ko sakanilang dalawa.
"Oo naman, ako na ang magbabantay kay Comi" nakangiting sagot ni Reiner.
"Hahahaha for sure, gustung-gusto 'yan ni Reiner" singit ni Kathleen.
"Kidding, oh mauuna na muna kami ah?" dugtong pa nito.
"Mag-iingat kayo ah" paalala ni Comi.
"Magdyo-dyosang ingat sestra!" pagtatama ni Christle.
Nung makapagpaalaman kami at makalabas kami ng kwarto ay nag-usap-usap naman kami
kung sino-sino ang magsasabay-sabay.
"Mga sestra, mauuna na kami ah? Nagmamadali si Shaina eh. Sa kanilang dalawa ni
Vince na ako sasabay ah?"
"Sa bahay kasi siya matutulog" dugtong ni Shaina. Chinicheck ko ang phone ko dahil
kanina pa text ng text sa'kin si Joseph, tinatanong kung susunduin ba raw niya ako
dito sa ospital.
"Mag-dyosang ingat kayong tatlo!"
"Ingat rin kayo"
"Ingat"
"Alright"
"Bye"
Ngumiti ako sa kanila, pagkatapos kong replyan si Joseph ng hindi. Kaming tatlo
nina Armhoncelle at Christle ang magkakasama. Hindi pa naman kami talaga
didiretsong uwi dahil may dadaanan pa kami dito sa ospital.
***
"Hi!" bati ko kay Naomi, isa sa mga kaibigan ni Bea Manlangit. Siya kasi ang
nagbukas ng pinto ng hospital room ni Bea.
"Oh hello, tulog na si Bea. Pasok kayo"
"Hindi na dito na lang siguro sa labas kakamustahin lang sana namin" sagot ko.
Nagkaroon ng head injury at ilang bali sa katawan si Bea dahil nung pagkahulog niya
sa hagdan. Tapos nung magising ito, wala na itong maalala. Sabi ng doctor siguro
raw dahil sa head injury kaya ganon.
Lumabas si Naomi saglit, kaya naupo kami sa isang mahabang benches.
"May dyosang memory na ba si Bea?" tanong ni Christle. Alam namin ang nangyari sa
kanila ni Comi sa bahay ni Kathleen dahil naikwento pa ito sa'min ni Comi nung
magising siya.
Umiling si Naomi. "Wala pa eh, ang laki nga ng pinagbago niya. Minsan ang weird
lang kasi ang sungit niya, parang 'yung normal na Bea. Tapos minsan sobrang bait
naman niya"
"Naomi" tawag ni Cris Joy na kakalabas lang ng hospital room ni Bea. " Ay akala ko
kasi nawala ka na"
Tumingin siya sa'ming tatlo at saka ngumiti. "Hello nandyan pala kayo."
"Hi" tugon ko.
"Dyosang hello"
"Hi"
"Hahahaha hinanap mo naman ako agad" sagot niya.
"Tumatawag kasi si Vince kanina sa'yo." Sabi ni Cris Joy. Nagkatinginan kaming
tatlo nina Christle at Armhoncelle sa narinig namin, pero wala ni isa sa'min ang
nag-react. Halata namang na-conscious si Naomi kaya nagchange topic ako.
"May nababanggit ba si Bea about doon sa nangyari sa kanila ni Comi?" tanong ko.
"Naku wala eh, tinatry nga rin naming syang tanungin tungkol dyan pero wala talaga
syang maalala eh" sagot ni Cris Joy.
***
Marie's POV
Bumangon ako kasi kanina pa ako hindi makatulog. Buti pa 'tong si Kelvin, parang
ang sarap ng tulog doon sa sofa. Palit kaya kami minsan, baka mas masarap matulog
doon eh.
Dahan-dahan kong kinuha sa tabi niya ang Black Book at saka ako lumabas ng hospital
room. "Ang lamig syet, dapat kinuha ko rin jacket ni Kelvin eh" bulong ko habang
naglalakad-lakad. Hindi pa man ako nakakalayo sa kwarto ay natanawan ko na ang
isang pamilyar na mukha. "Comi?" tanong ko nung magkasalubong kami. Tulak-tulak din
niya ang dextrose stand niya.
"Hi Marie, pupuntahan sana kita sa kwarto mo kasi wala akong kasama sa kwarto.
Natatakot ako eh" bati niya. "Hahahaha duwag ka pala eh" natatawang sagot ko. "Pero
hindi rin naman ako makatulog kaya lumabas ako, teka diba buong barangay kasama mo
kanina sa kwarto mo, nasaan na sila?" usisa ko.
"Ahh, kanina pa sila umalis eh. Si Reiner naman may biglaang emergency kaya umalis
na rin. Ikaw ba? Nasaan na si Kelvin?"
"Ahhh. Nandoon sa kwarto, sarap nga ng tulog sa sofa eh" tipid na sagot ko. Tumawa
siya ng mahina. "May tanong ako" sabi ko.
"Ano 'yun?" sagot naman niya.
"Dito ba tayo magtsi-tsismisan sa hallway hanggang umaga?" tanong ko kaya tumawa
ulit siya.
"Palabiro ka pala 'no?" sabi niya saka siya nag-umpisang maglakad.
"Uy hindi joke 'yon ah. Naisip ko lang 'yun kasi iiwan naman kita kung plano mong
mag-stay doon hanggang umaga" sagot ko.
"Hahahaha" oh tignan mo, kahit siya natawa sa kalokohan niya. Tahimik kaming
naglalakad sa hallway. As usual follow the leader ang peg ko kasi hindi ko naman
alam kung ano'ng room niya. "Buti alam mo kung saan 'yung kwarto ko?" tanong ko sa
kanya.
"Ahh oo, tinanong ko kanina kay Reiner bago niya ako iwan"
"Ang sabi sa'kin ni Kelvin, ikaw may hawak nitong Black Book bago mapunta sa'kin?"
tanong ko ulit. Napaka-off topic ko yata. Tinignan ko 'yung nurse na nakasalubong
namin kasi nakatingin siya sa'ming dalawa. Ngayon lang yata nakakita ng dalawang
pasyente nagchichikahan sa madaling araw.
"Oo, nasimulan mo na bang basahin ang Black Book?" tanong niya.
"Omygash oo! At alam mo ba grabe as in grabe syet ayoko na palang ikwento kasi
duwag ka. Baka matakot ka lang" sagot ko. "Pero buti okay ka 'no? Sabi ni Kelvin
namamatay raw mga gumagamit ng Black Book. I mean, buti hindi ka namatay" ano ba
'yung mga sinasabi ko parang mali naman pagkakatanong ko. Baka ma-offend siya.
"Pero mas mabuti na nailigtas ko ang mga kaibigan ko" tipid na sagot niya. Tinignan
ko siya dahil pakiramdam ko naiiyak siya. Halata kasi sa tono ng pagsasalita niya.
"Ang sabi ni Kelvin sa'kin, huwag daw baguhin 'yung nakalagay sa Black Book eh.
Kahit sinong pangalan daw mabasa ko hayaan ko lang" huminto siya sa paglalakad kaya
huminto rin ako, nandito na yata kami sa tapat ng kwarto niya.
"Bakit naman ako, nailigtas ko sina Kathleen at Reiner, pero buhay naman ako" sagot
niya pagkabukas ng pinto. "Pasok ka"
"Oo nga 'no? May pagkagago talaga 'yon. Pero 'yun nga pinagtatakha ko eh. Bakit
buhay ka? Diba dapat patay ka na kasi nagligtas ka ng mga buhay?" tanong ko.
Tumawa siya kaya napaisip ako kung nakakatawa 'yung tanong ko. " Hindi ko rin alam
Marie. Pero thankful naman ako kasi buhay ako" sagot niya. Umupo ako sa sofa, siya
naman bumalik sa hospital bed. Pinagmasdan ko siya kasi kanina pa niya tinitignan
ang black book naglalakad palang kami.
"Ano'ng plano mo?" tanong niya sa'kin.
"Huh? Ano'ng plano?" tanong ko.
"Ikaw ba ano'ng plano mo? Wala ka bang planong alukin ako niyang mga pagkain sa
lamesa?" tanong ko pa.
"Hahaha kain ka" sagot niya. "Pero dyan sa Black Book ang tinutukoy ko. Plano mo
bang sundin 'yung sinabi ni Kelvin, o magliligtas ka ng mga buhay?" tanong niya.
"Hindi ko alam eh, wala naman akong mga kaibigan. Kaya wala akong planong
pakialaman ang Black Book. Kapag pangalan naman ni Kelvin ang nabasa ko,
magpapaparty pa ako" Sagot ko habang kumukuha ng cake.
"Saglit lang ah, magsi-CR lang ako. Kumain ka lang dyan" paalam niya.
"Oo naman, kakain talaga ako" sagot ko.
Kakapasok pa lang ni Comi sa CR nung may marinig akong boses ng babae na tumawag sa
panglan ko.
"Marie" lumingon ako sa kaliwa't kanan pero wala namang tao. "Comi?! Tinawag mo ba
ako?" Hiyaw ko.
"Ha? Ano 'yun?" hiyaw niya pabalik. Mukha namang hindi siya 'yung tumawag sa'kin.
Potek namamaligno yata ako. "Wala! Sabi ko enjoy!" hiyaw ko ulit sa kanya.
"Marie tulungan mo ako"
Paksyet! May naririnig talaga akong boses eh.
"Marie" bulong niya ulit. Nakakaramdam na ako ng takot pero kunwari syempre
matapang ako. Baka lalo akong takutin eh.
"Hoy! Paano kita tutulungan kung hindi mo naman sinasabi kung ano ang kailangan
mo?" tanong ko. Para tuloy akong tanga na nagsasalita mag-isa.
"Sinong kausap mo?" tanong ni Comi pagkalabas niya ng CR.
"Ahh, wala binabasa ko 'yung nakalagay sa box ng cake. Alangan kausapin ko 'tong
cake? Para 'tong sira" palusot ko. Baka sabihin niya nababaliw na ako eh. Ayoko
pang madala sa mental, hello?
"Akala ko minumulto ka na eh" sagot niya. Omaygosh! Multo ba 'yung kumakausap
sa'kin? Pero bakit kaya humihingi ng tulong?
"Nung nasa'yo ba ang Black Book, palagi kang minumulto?" tanong ko.
"Sobra" tipid na sagot niya.
"Hindi ka natatakot?"
"Natatakot. Pati nga 'yung unang nagmay-ari ng Black Book nagmulto sa'kin. Alam mo
bang akala ko kaibigan namin siya. Hanggang sa maaksidente ako" sabi niya.
Natahimik ako kasi napaisip ako sa sinabi niya.
"Bakit bigla kang natahimik?" tanong niya.
"Wala lang, naisip ko lang na ang tanga mo pala" sagot ko, saka ulit ako kumain ng
cake. Tumawa siya ng mahina hanggang sa makarinig kami ng katok sa pinto.
"Sabi na nga ba nandito ka eh" ay sus naman! Nandito na ang gago.
"Good morning" masayang bati ko sa kanya.
"Anong good morning. Bumalik ka na dun sa kwarto mo." Utos niya. Daig pa martial
law tarantula. "Pasensya na Comi ah, inistorbo ka ba ni Marie?"
oh kapag kay Comi ang bait niyang magsalita.
"Hoy excuse me, hindi ako ang nang-istorbo ah. Siya kaya dyan 'yung nang-istorbo
sa'kin. Naglalakad lang ako kanina sa hallway bigla niya ako chinika" sagot ko.
"Diba Comi?"
Ngumiti naman siya kay Kelvin kaya ngumiti rin ako. "Oo natatakot kasi ako mag-isa
dito eh, okay lang ba kung dito muna si Marie?" sagot niya.
"Oh see? I told you" sagot ko at saka sumubo ng cake. "Kumain ka na lang din oy"
alok ko.
Ikinuha ko siya ng platito at tinidor.
"Nakakahiya naman sa naka-dextrose Kelvin, baka gusto mong ipaghiwa na ang sarili
mo ng cake?" sabi ko sakanya, ang sakit kasi nung kamay ko, nasagi ko yata ang
dextrose.
"Sus" lumapit naman siya saka kumuha ng cake niya. "Kita mo na, para-paraan ka rin
para makapag-cake eh. Kunwari pa nag-aaya" pang-aasar ko.
"Manahimik ka, alangan tumunganga ako dito"
"Hahahah ulul mo" sagot ko. "Ikaw ba Comi? Ayaw mo? Baka maubos namin 'to nako
tapos saka ka maghahanap kapag ubos na ah. Wag ganun beh, kumain ka na dito" alok
ko.
"Hahaha sige lang kain lang kayo, may palabok pa doon" binitawan kaagad ni Kelvin
'yung platito ng cake nung marinig ang palabok.

4
Marie's POV
Tinitignan ko si Kelvin habang kumakain, nakakatatlong beses na yata siyang balik
doon sa palabok. Putek! Nakatulugan na nga kami ni Comi eh. Pano ba naman kain lang
kami ng kain, "Oy bilisan mong kumain, tulog na si Comi oh" bulong ko. "Oo patapos
na" sagot niya.
Dahan-dahan kaming lumabas ng kwarto ni Comi nung matapos si Kelvin kumain. "Hoy
ang sama ng ugali mo, hindi mo man lang hinugasan kinainan natin" sabi ko habang
naglalakad kami.
"Bakit ako? Diba dapat ikaw?" sagot niya.
"Nakakahiya naman sa'kin, nakadextrose ako oh, paghuhugasin mo ako"
"Sus alisin mo na 'yan. Tignan mo nga kung kumilos ka, parang di ka galing
aksidente" sagot niya.
"Oo nga 'no?" pagsang-ayon ko. "Amina 'yung Black Book" utos niya kaya napatingin
ako bigla sa kamay ko. "Omaygash! Naiwan ko sa kwarto ni Comi. Saglit babalikan ko"
paalam ko.
"Tanga talaga kahit kailan" hindi ko na pinansin 'yung gago kahit narinig ko syang
bumulong.
Iningatan kong gumawa ng kahit anong ingay nung buksan ko ang pinto. Laking gulat
ko nung makita ko si Comi na nakatayo sa harap ko. Pero pagkakurap ko nawala na
siya. Shet? Nababaliw ba ako o natatanga?
Hindi ko na lang pinansin ang nakita ko, dumiretso ako sa paglalakad. "Oh Comi
bakit gising ka?" gulat na gulat siya nung batiin ko siya, nakasandal sya sa
headboard ng hospital bed at nililipat ang pahina ng Black Book. Lumingon ako
saglit sa pinanggalingan ko dahil naalala ko 'yung nakita ko.
Namalik-mata lang siguro ako.
"Ahh, nagising kasi ako eh" sagot niya sa'kin. Lumapit ako sa kanya saka walang
pakundangan na kinuha ko ang Black Book sa kamay niya. "Wag mo na 'tong hawakan,
pasalamat ka nabuhay ka pa. Aba mukhang gusto mo pa ng take two ng aksidente" sabi
ko sakanya pagkakuha ko ng Black Book kaya tumawa siya.
"Babalik nalang kami dito mamaya ah, nagagalit na 'yung gago eh"
paalam ko. "Sige" nakangiting sagot niya.
***
"Hoy wala ka bang balak matulog?"
tanong ni Kelvin, kanina pa kasi ako tahimik lang. Inaalala ko lahat ng nangyari
simula nung magising ako.
"Ang tagal ko ng tulog ah, diba sabi mo comatose ako simula maaksidente? Tapos
patutulugin mo na naman ako. Ikaw ang matulog aba" sagot ko sa kanya saka bumalik
sa pag-iisip.
"May nakita ka ba uli? O nagbasa ka ng Black book?" tanong niya.
"Hindi ako nagbasa ah" sagot ko. Humiga siya sa sofa saka nagkumot at pumikit.
"Pero may narinig ako kanina, saka may nakita rin ako"
dumilat siya kaagad saka tumingin sa'kin.
"Ano narinig at nakita mo?" mabilis na tanong niya.
"Tinatawag 'yung pangalan ko eh. Nung nakain ako ng cake, baka multong inggit.
Gusto makitikim ng cake"
"Tanga walang ganon" sagot niya.
"Alam ko gago, joke kasi 'yon eh. Malay ko ba naman kasi kung ano'ng tulong ang
kailangan niya puro Marie, Marie ang sinasabi, ayaw sabihin agad kung ano ang
kailangan" sagot ko.
"Ewan ko sa'yo matutulog na ako. Matulog ka na" sagot niya.
"Pero nakita ko si Comi kanina nung bumalik ako sa kwarto niya"
"Malamang, kwarto niya 'yon eh"
tinignan ko siya ng masama kasi nakakagago 'yung sagot niya.
"Seryoso kasi tayo Kelvin, kainis naman di makausap ng seryoso"
Bumangon siya mula sa pagkakahiga.
"Ano bang joke sa sinabi ko? Malamang makikita mo siya sa kwarto niya, sino ba
gusto mong makita doon, ako?" Kunghindi ako naka-dextrose nasungalngal ko na 'tong
lalaking 'to ng hospital bed eh.
"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. Ganito kasi, pagkabukas ko nung pinto nung
kwarto, parang namalik-mata ako, nakatayo siya sa harap ko mismo tapos umiiyak
siya. Pero saglit lang 'yun eh. Mga one second lang kasi pagkakurap ko nawala na.
Nung pumasok ako kwarto nakita ko naman siyang nagbabasa ng Black Book" kwento ko.
"Hindi ko alam kung ano nangyari, baka namalikmata lang ako, or natatanga siguro"
"Baka nga natatanga ka lang" sagot niya saka bumalik sa pagkakahiga. Napakagago
talagang kausap ng hayop na 'to.
***
"Paksyet ang bigat non ah!" angal ko pagkatapos kong ibaba lahat ng gamit sa kotse.
"Hoy wala ka bang balak tulungan ako?" tanong ko nung matanaw ko siyang naglalakad
palayo ng kotse.
Tumigil siya saglit saka lumingon sa'kin. "Kanino bang mga gamit 'yan?" tanong
niya. "Sa'kin" mabilis na sagot ko.
"Oh buti alam mo" nakangiting sagot niya.
"Hoy kakagaling ko lang ospital ah!"
bulyaw ko sa kanya. "Hindi ka man lang ba marunong mahiya sa bagong discharge?"
dugtong ko pa.
"Okay lang yan. Nakakahiya naman sa may-ari ng bahay at sa nagbayad ng bill ng
ospital" sagot niya habang naglalakad palayo. Putek!
Tinignan ko ng masama si Kelvin nung mailapag ko lahat ng gamit sa tapat ng pinto
ng bahay. Nakangiti kasi siya sa'kin. Parang tuwang-tuwa pang nahirapan ako.
"Ano'ng ngini-ngiti ngiti mo?" Akala niya ba ikinagwapo niya 'yon? Napatingin ako
likuran niya dahil may batang lalaki.
"Ate Marie?"
"Tao ka ba?" diretsong tanong ko.
"Tanga malamang tao 'to. Si Felix, pinsan ko. Kasama na'tin 'yan dito sa bahay mula
noon"
"G*go! Maigi na 'yung sigurado. Baka mamaya multo diba?" sagot ko. "Ate Marie, buti
okay ka" sagot niya.
"Anong okay? Hindi ako okay. Yang pinsan mong siraulo, pinagbuhat ako ng marami oh.
Feeling ko maoospital uli ako"
"Wag kang OA, iaakyat mo pa 'yan sa taas. Tara na Felix" sabi nung gago saka
inakbayan 'yung pinsan niya at naglakad palayo.
"Hoy!" bulyaw ko. Takte naman eh! Pagod na ako eh.
Hindi ko muna iniakyat ang mga gamit sa kwarto. Nakakapagod kaya, hindi naman
aangal 'yang mga gamit ko kung iiwan ko saglit dito sa salas. Na-divert kasi
attention ko sa mga pictures sa frame. Puro pictures namin ni Kelvin. May picture
din kaming tatlo ni Felix. Tapos may picture pa kami kasama 'yung ibang hindi ko
kilala.
Close pala talaga kami?
Akalain mo 'yun?
"Ate ako na mag-aakyat ng gamit mo ah?" lumingon ako saglit sa nagsalita.
"Omaygash! Buti naman naisipan mo. Akala ko kasing walanghiya ka ng kuya mo eh"
tumawa siya at saka inumpisahang kuhanin isa-isa 'yung mga bags.
"Wait lang, may tanong ako" pigil ko sa kanya bago pa siya makaalis.
"Ano 'yun ate Marie?" tanong niya.
"Matagal na ba kaming close ni Kelvin?"
"Oo ate" sagot niya. "May sira ba ako sa ulo nung magkakilala kami? Paano ko naging
kaibigan ang walanghiyang 'yan?" tumawa siya sa tanong ko.
"Nagka-amnesia ka ba talaga ate Marie?" natatawang tanong niya.
"Bakit?" takhang tanong ko. Ganyan din kasi ang tinatanong sa'kin nung gago mula pa
sa ospital.
"Wala lang, parang hindi ka naman nagbago. Ganyan ka pa rin magsalita eh"
"Ewan ko sa'yo. Para kang pinsan mo. Lumayas ka na nga" sagot ko. Mukhang wala
naman akong matinong malalaman sa kanya.
Naglakad na ako papuntang kusina para maghanap ng maiinom.
***
"Ang sarap naman nito. Saan mo 'to binili?" tanong ko habang kumakain.
"Sa tindahan" tipid na sagot ni Kelvin.
"Tignan mo 'yang kuya mo Felix, diba ang sarap ingudngod sa plato niya?" tanong ko
kaya tumawa si Felix.
"Wag mong pinag-iiintindi 'yang ate mo Felix, kumain ka ng kumain" tumawa uli si
Felix kaya tinignan ko ng masama si Kelvin na abala sa pagkain.
"Wag kang magdididikit dyan sa kuya mo Felix ah? Wala kang matututunang maganda
dyan. Hangga't bata ka, umiwas ka sa masasama" paaalala ko sa kanya kaya tumawa na
naman siya.
"Pinaglihi ka ba sa sound effects?" seryosong tanong ko kay Felix at ano pa ba? Edi
tumawa na naman siya.
"Wag mo nang sagutin, alam ko na sagot" sabi ko, saka ako nagtuloy sa pagkain. Tawa
kasi ng tawa, parang sira.
"Naayos ko na 'yung mga kailangang ayusin, lilipat tayo ng school" sabi ni Kelvin.
"Sinong tayo?" tanong ko.
"Kami nung table" ibinagsak ko ng padabog 'yung kutsara dahil napaka-pilosopo ng
kausap ko. "Goodluck sa inyo ng table" sagot ko.
"Tanga kasi sino pa ba kausap ko?"
sagot niya.
"Malay mo si Felix diba?"
"Nakakita ka ba ng sound effects na nag-aaral?" tanong ni Kelvin kaya natawa ako.
Tumawa rin siya. "Oo nga naman. May point!"
"Kuya naman eh" tinignan ko si Felix habang tumatawa ako. "Naks! Himala nagsalita"
sabi ko sabay tawa.
"Pero uy, anong lumipat ng school sinasabi mo? Bakit saan ba tayo nag-aaral dati?"
tanong ko.
"Wala naman, lumipat lang para mas malapit. Doon pati nag-aaral sina Comi" sagot
niya.
"Talaga? Edi magkikita-kita kami doon?" omaygash excited ako! Magkakachikahan kami
lagi. "Pero bawal makipagchikahan. Pag oras ng uwian, uwi na" sabi niya. Para
namang malalaman pa niya mga ginagawa ko hehehe.
5
Marie's POV
Charmaine Hilada (1993-2016) Augut 1, 2016
Mag-aalas kwatro na ng hapon. Iyak ito ng iyak dahil sa mga sunud-sunod na
pagbabanta sa buhay na natatanggap niya simula ng mahuli niya sina Naomi at Vince
na may ginagawang kung ano sa tagong bahagi ng library. Takot na takot ito. Gulung-
gulo ang kanyang isip sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung sino ang nagpapadala
sa kanya ng mga pagbabanta. Habang mag-isa siyang nasa loob siya ng Chemistry
laboratory ay nakaramdam siya ng pagka-uhaw. Mabuti na lamang at dala nito palagi
ang maliit na water jug nito. Nakatingin siya sa Workbook niya nung uminom kung
kaya't hindi nito batid na asido pala ang laman nito.
Mabilis kong isinara ang Black Book na kanina ko pa binabasa. "Marie okay ka lang?"
bulong ni Kathleen na katabi ko lang. Kaklase ko sila. Akalain niyo 'yon? Hindi ko
na kailangang tumakas para makipag-chikahan. Kaso busy naman sila kanina sa
pakikinig sa professor kaya hindi ko na sila inabala. Nagbasa na lang ako nitong
Black Book.
"Oo naman, bakit?" Bulong ko pabalik.
"Silence" saway nung professor sa harap na akala mo may tower ng globe at smart sa
lakas ng radar. Katahimikan pala ang gusto, dapat doon sa sementeryo nagturo.
Hello? Buhay kaya mga estudyante niya. Malamang mag-iingay.
Hindi na sumagot si Kathleen dahil dun sap ag eksena nung prof.
Pero omaygash. Diba ang pangalan ng boyfriend niya Vince?
Hindi naman siguro 'yung boyfriend niya 'yung tinutukoy dito diba?
Sumulyap ako sa relos na suot ko. Magaalas-kwatro na ng hapon.
"Ma'am may I go out?" itinaas ko pa ang kamay ko para mapansin ako ng professor.
"Faster" sagot niya.
"Marie saan ka pupunta?" usisa ni Ciela.
"Sa labas?" patanong na sagot ko. Out nga diba? May 'May I go out' bang sa loob?
"Magsi-CR ka ba? Sama ako" prisinta ni Kathleen
"Ako rin!" segunda ni Christle.
Hindi lang sila ang sumama, pati si Ciela, Shaina at Comi.
"Ma'am kayo ayaw niyo sumama, para Juan for all, all for Juan?" tanong ko sa prof.
Walanghiya naman kasi magsi-CR lang gusto pa tropa-tropa.
Habang naglalakad kami papunta sa CR. Tinitignan ko naman 'yung mga dinadaanan
naming kung nasaan ang Chemistry lab.
"Ang boring nung subject na'tin" basag ni Shaina sa katahimikan namin.
"Dyosang korek! Tapos may dyosang seatwork pa huhuhu di ko knows ang sagot sa
number 4. Ano'ng sagot niyo don?"
"Wala pa akong sagot dun, hahahaha number 2 pa nga lang ako eh" sagot ni Shaina kay
Christle.
"Hindi ko sigurado sagot ko, pero anchoring heuristic nilagay ko" sabi naman ni
Ciela.
"Wala pa rin akong sagot dyan" natatawang sabi ni Comi. "Pero ayun nalang isasagot
ko" dugtong pa nito.
"Ikaw Marie, ano sagot mo sa 4?" tanong ni Kathleen sa'kin.
"Huh? Wala, wala akong papel eh, pahinging papel mamaya" sagot ko. Bakit ganon?
Wala yata dito sa building na 'to ang Chemistry lab. Or baka naman hindi talaga
tiga dito sa school 'yun.
"Omy bakit hindi ka nag dyosang seatwork?" tanong ni Christle.
Hindi ko na sinagot si Christle, busy pa ako ano ba! "Wala bang Chemistry lab
dito?" tanong ko. Napatingin sila sa'kin.
"Bakit?" tanong nila.
"Ano'ng gagawin mo dun?" dugtong pa ni Shaina.
"Magbabasketball ako don. Ikaw gusto mo dun ka mag-CR para 2 in 1"
Hello naman kasi ano ba ginagawa sa Chem lab?
"Marie talaga kahit kailan"
natatawang sabi nila. Yehes maka-kahit kailan parang 5 years ng friends.
"May nabasa ka ba sa Black Book?" seryosong tanong ni Ciela nung mapatapat kami sa
pinto ng CR.
Sasagutin ko pa lang si Ciela narinig ko na ang boses ng maligno. "Marie!" Huminto
ako sa tapat ng pinto ng CR at saka lumingon kaagad ako sa likuran ko. "Good
afternoon!" masayang bati ko kay Kelvin habang ngiting-ngiti. Daig ko pa channel ng
TV sa bilis mag-switch. Tinignan niya ang Black book na yakap-yakap ko bago
ibinalik ang tingin sa'kin. "Tapos na ba klase mo?"
"Oo tapos na, pauwi na nga ako eh"
"Oh bakit hindi mod ala bag mo?"
"Pinauna ko na. Excited umuwi eh, parang ikaw. Mag 4 palang oh" Sabi ko sabay
pakita ng relos ko sa kanya.
"Para kang tanga kausap" bwisit na sagot nito.
"Mas para kang tanga, bakit ka nandito sa CR ng girls? Papalit ka napkin? Sorry beh
wala akong extra pad"
"Tanga nakita kita doon oh" tinuro niya 'yung malaking bintana, katapad 'yun nung
building nila. "Yehes naman Kelvin, noon gago lang. Ngayon gagong stalker na?"
"Bakit ka nga kasi nasa labas ng room, binasa mo Black book 'no?" pangungulit niya.
"Bakit bawal ba?" tanong ko. Tumingin ako sa likuran ko dahil naaninag ko sa
katapat kong glass door na nakatingin si Kathleen sa'min ni Kelvin. Ngumiti siya
sa'kin nung tingnan ko siya. Naglakad ako papunta sa may dulo ng corridor. Kasunod
ko namang naglakad si Kelvin. "Saan dito 'yung chemlab?" tanong ko sa kanya.
"May nabasa ka nga 'no?" sabi niya.
"Bakit mo ako tinatanong? Diba nakwento mo sa'kin na kapag nagkwento ako tungkol sa
Black Book ibang language ang masasabi ko" sabi ko sakanya.
"Ang sinasabi ko lang naman, baka pigilan mo 'yung mangyayari"
"Of course not. Nagaabang lang ako ng UD ng Black Book, inaabangan kong pangalan mo
ang mapalagay"
natatawang sagot ko.
"Ewan ko sa'yo" sagot ni Kelvin sabay talikod.
"Hoy 'yung tanong ko!" bulyaw ko sakanya. Tignan mo 'to. Napaka-user, pagkatapos
alamin, iiwan ako.
"Hanapin mo. Pag hindi mo mahanap, pahanap mo sa bag mo" sagot niya. Itinaas pa
niya ang kamay niya na parang nakaway sa'kin habang naglalakad palayo. Gago talaga
kahit kailan.
***
"Mag-mall tayo!" pag-aaya ni Kathleen. "Inaya ako ni Vince manood ng cine eh,
samaya kayo mga sestra?" dugtong pa nito.
"Omy dyosang cine. Gora kami dyan ni baby Zayn, kanina pa kami nag-iisip ng
pupuntahan eh" mabilis na sagot ni Christle.
"Sakto nag-aaya rin si Joseph eh" sagot naman Ciela.
"Sige itetext ko si Reiner" excited na sabi ni Comi. "So dapat pala ayain ko rin si
James?" sabi naman ni Shaina.
"Marie ikaw?" tanong ni Kathleen sa'kin. "Ahh hindi, kayo na lang. Ano'ng gagawin
ko dun? Gwardya sibil?" walang ganang sagot ko.
"Edi isama mo si Kelvin"
"Oo nga!"
"Jusko! Baka magkaroon ng massacre sa sinehan, kayo na lang"
sagot ko. Isinuot ko na ang shoulder bag ko at saka tumayo mula sa pagkakaupo.
"Sumama ka na, minsan lang naman kaya"
"Oo nga"
Gusto ko namang sumama eh. Kaso, ano'ng gagawin ko doon putek! Ang pagkakatanda ko
August ngayon eh, hindi naman February.
Saka isa pa, ang sabi nung gago dumiretso ng uwi eh.
"Kayo na lang" tipid na sagot ko.
***
Kaming dalawa lang ni Kelvin ang kumakain dahil tapos na si Felix kanina pa. Wala
akong ganang kumakain, iniisip ko kasi kung ano ang ginagawa nila. Huhuhu siguro
enjoy na enjoy nila ang panonood ng cine.
"Hoy ayaw mo ba niyang pagkain?" tinignan ko si Kelvin, pagkatapos kumain na lang
ulit ako.
Tahimik ulit kaming kumakain nung magsalita ulit siya. "Nabalitaan mo ba 'yung
nangyari kanina sa Chemistry lab?" tanong niya. Tumingin ulit ako sa kanya. Ano
kayang movie pinanood nila?
"May nakita doon kaninang estudyante eh, Charmaine Hilada ang pangalan. Mukhang
nakainom raw ng asido dahil hindi maiexplain 'yung pagkalusaw ng balat hanggang
laman doon sa parte ng bibig, tapos may hawak pang water jug na may lamang asido.
Inaalam pa raw kung may foul play. May nabasa ka ba sa Black Book?"
Ilang movie kaya pinanood nila? Sana naman isa lang para di ako masyado mainggit
bukas. Wag kaya akong pumasok bukas?
"Hoy nakikinig ka ba?" tinignan ko ng masama si Kelvin dahil sa lakas ng
pagkakabulyaw niya.
"Mukha bang may paki ako sa sinasabi mo ah?" sagot ko.
"Ano ba'ng iniisip mo?" tanong niya.
"Nanood kasi silang cine" sagot ko.
"Oh bakit hindi ka sumama?" gusto kong ipalunok ng buo kay Kelvin 'yung plato niya.
Isama mo na pati baso dahil sa sinabi niya. "Pwede ba akong manood ng cine?"
tuwang-tuwang sagot ko.
"Hindi" tumayo na siya saka inilagay ang pinagkainan niya sa lababo.
"Tang*nang 'to nagtanong pa, hindi naman pala pwede" bwisit na sagot ko saka
padabog na inilagay ang mga plato sa lababo. "Hugasan mo 'yan ah!" utos ko sa kanya
kaya tinignan niya ako.
"Bakit ako ang maghuhugas? Nakakahiya naman sa may ari ng bahay at sa bumili ng
pagkain" sabi niya.
"Oh kanino bang bahay 'to?" sagot ko.
"Akin, kaya ikaw maghuhugas" sagot niya.
"Ikaw ba nagbuhat ng mga gamit ko noon? Diba ako, kasi akin? Kaya hugasan mo 'yang
mga plato mo"
nakangiting sagot ko saka umalis. Aba wala ako sa mood ah. Hindi ako nakapanood ng
cine tapos ako pa maghuhugas ng pinggan?

6
-Next day-
Ciela's POV
"Nagkaayos na kaya si Kathleen at Vince?" tanong ko kay Comi habang naglalakad
kaming dalawa sa hallway. Nag-away kasi 'yung dalawa kahapon dahil may biglaang
lakad si Vince, hindi tuloy natuloy panonood namin ng cine.
"Hindi ko alam eh, sana okay na. Wala namang naiikwento pa si sestra Kathleen"
sagot ni Comi.
"Hi guys" natigilan kaming dalawa ni Comi sa nakasalubong namin.
"Hi Bea" tugon ko. Tumingin ako kay Comi, batid sa reaksyon nito na naiilang siya.
"H-hello" bati niya kay Bea.
"Kamusta ka na Comi? Okay ka na ba?" nakangiti ito kay Comi, pinagmasdan kong maigi
ang facial expression ni Bea. Wala naman akong mapansing kakaiba at kaduda-duda.
Bukod sa sobrang masayahin niya.
"Naikwento na sa'kin nina Naomi at Cris Joy ang mga nangyari noon sa'tin Comi.
Gusto ko sanang humingi ng sorry. Kahit hindi ko talaga maalala kung bakit ko
ginawa ang mga 'yon. Sana mapatawad mo ako"
puno ng sinseridad ang paghingi nito ng tawad kay Comi. Tahimik lang ako dahil
hinihintay ko ang reaction ni Comi.
"Okay lang Bea, ako nga 'yung dapat na humingi ng sorry, ako 'yung dahilan kung
bakit ka nahulog sa hagdan. Kaya I'm sorry" sagot ni Comi. Ngumiti ako, mukha
namang okay na silang dalawa.
"Pwede ba tayong maging magkaibigan?" nakangiting tanong ni Bea. Tinignan ko ulit
si Comi kung ano ang magiging reaction niya.
"Oy siya pala si Bea?" napalingon ako sa sumingit sa usapan. Si Marie. "Hi! Marie
tama?" bati ni Bea sa kanya.
"Wow ang famous ko, sino kayang gago nag-tsismis ng pangalan ko eh kakatransfer ko
lang naman"
napatawa ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga si Marie, ang blunt masyado.
"Hahaha naikwento ka rin kasi sa'kin nila Cris Joy at Naomi"
"Tsismosa mga prendship mo ah" sagot ni Marie. "Sige una na ako, may hinahanap
akong gago eh" paalam ni Marie.
"Marie wait, sabay na tayo mamaya"
pigil ko kay Marie kaya lumapit siya sa'kin at naghintay.
"So friends na tayo?" baling ni Bea kay Comi.
"O-oo naman" sagot ni Comi.
"May doubt siya. Feeling ko ayaw ka pa niya maging friend" singit na naman ni Marie
kaya tiningnan ko siya. "Nag-stutter beh! Diba pag ganoon may doubt?" bulong niya
sa'kin. Pinipigilan ko na lang matawa.
"Okay! So mamaya sabay-sabay na tayo maglunch ah?" sabi ni Bea sa aming tatlo, kaya
nagkatinginan kaming tatlo.
"Sige" nakangiting sagot ni Comi.
***
Marie's POV
Sinundan ko ng tingin sina Bea hanggang sa makaalis sila. "Mabait naman pala 'yung
si Bea 'no?" sabi ko kila Ciela at Comi.
"Mukha ngang okay na si Bea"
pagsang-ayon naman ni Ciela. "Ikaw ba Comi ano'ng tingin mo?" tanong niya. "Oo,
mukhang wala nga siya talagang maalala" sagot naman ni Comi. Naikwento na ni Kelvin
sa'kin 'yung nangyari kaya hindi na ako nagtanong.
Speaking of the devil, "Bakit hindi ka pa pumupunta sa room mo?" tanong ni Kelvin
nung makalapit siya sa'min.
"Hoy bakit mo ako tsinismis?" tanong ko sa kanya pabalik.
"Ano'ng tsinismis?" kunot-noong tanong niya.
"Alam ni Bea pangalan ko eh, siguro pinagkalat mo 'no?"
"Tanga para namang may interisado sa'yo" natatawang sagot niya saka naglakad
palayo.
"Mauna na kayong dalawa sa room ah" paalam ko kay Comi at Ciela, saka naglakad para
sundan si Kelvin.
"Hoy!" hiyaw ko, may ilang metro ang layo namin sa isa't-isa kaya napatingin 'yung
ibang estudyante. Mga feeling HOY ang pangalan ng mga walanghiya.
"Hoy Kelvin!" hiyaw ko ulit. Nagtinginan sa'kin 'yung tatlong babae na nadaanan ko
kaya tiningan ko sila ng masama. "Kayo ba si Kelvin?" tanong ko kasi tumatawa pa
sila habang nakatingin sa'kin. Feeling Kelvin amp*ta.
"Hoy ang papeymus mo," inis na sabi ko nung maabutan ko si Kelvin. Huminto naman
siya sa paglalakad kaya nagsalita na ulit ako. "May sasabihin kasi ako sa'yo.
Kanina pa nga kita hinahanap eh" Hindi pa rin siya kaya nag-umpisa na akong
magkwento. "Nung naglalakad kasi ako kanina, naririnig ko 'yung mga usapan nung mga
students eh. About kay Charmaine Hilada. Nakita raw siya siya..."
Hindi ko pa tapos ang kinukwento ko nagsalita na siya. "Tanga kagabi ko pa 'yan
sinasabi sa'yo hindi ka nakikinig sa'kin"
"Sinabi mo? Wala ka namang sinasabi!" sagot ko.
"Sinabi ko nung kumakain tayo ah. Puro cine nasa utak mo" sagot niya.
"Malay ko bang sinabi mo. Dapat inulit mo!" sagot ko. Kainis! Alam na niyang
importante eh.
"Nabasa mo ba 'yun sa Black Book?" tanong niya. Tumango ako bilang sagot, kaya
nagtanong ulit siya. "Oh kilala mo kung sino gumawa non?" tanong niya ulit.
"Hindi nga eh, hindi nakasulat sa libro eh" sagot ko.
"Curious ka?" tanong niya na naman.
"Syempre naman, gusto ko malaman, although may mga namention pang ibang names kaso
ang labo eh."
"Yang katangahan mo ikakamatay mo. Wag mo nang alamin" sagot niya saka ulit nag-
umpisang maglakad.
"Wow ah, coming from you beh?" hiyaw ko. Maglalakad na sana ako papunta sa room
nung matanawan ko 'yung boyfriend ni Kathleen na si Vince. Mag-isa lang 'tong
naglalakad. Pinagtitinginan siya nung ibang mga estudyante, lalo na nung mga babae.
Hindi ko alam kung bakit, hindi naman gwapo.
Nag-umpisa akong maglakad para sundan siya, "Hi! Vince, diba?"
huminto siya nung marinig niya ang boses ko. "Ikaw 'yung boyfriend ni Kathleen
diba?" tanong ko nung tinignan niya ako. "Ex" paglilinaw niya.
"Ex?" takhang tanong ko.
"Ikaw si Marie diba? 'Yung nasa ospital?"
Natawa ako dahil kilala niya rin ako. "Maniniwala na akong peymus talaga ako. Una
si Bea, sunod ikaw. Pag gusto mo ng autograph ko at picture magsabi ka lang ah,
hindi naman ako madamot" sabi ko. Tumawa siya kaya kumunot ang noo ko. "Break na ba
talaga kayo ni Kathleen?" takhang tanong ko. May bagong break bang mukhang masaya
naman?
"Oo kahapon pa" sagot niya.
"Bakit ano'ng nangyari?" tanong ko ulit. Ang feeling close ko masyado ah.
"Wag na na'ting pag-usapan." Sagot niya. "Teka may kasabay ka ba mamayang mag-
lunch? Gusto mo sabay na tayo?" tanong niya kaya kumunot ulit ang noo ko. Mas
feeling close pala siya sa'kin. Pero kung sasabay ako sa kanya mag-lunch baka may
mabanggit siyang hint tungkol doon sa nangyari kay Charmaine.
"Wala" nakangiting sagot ko.
"Sige kita nalang tayo mamaya sa cafeteria ah" sagot niya.
Tinalikuran ko siya pagkasabi niya nun para pumunta sa room. "Bakit?" I mouthed
nung makita kong nakatayo si Kelvin doon sa malayo. Akala ko nakaalis na siya
kanina. Nandoon pa pala. At ano pa ba aasahan kong sagot sa gago? Edi ayun
tumalikod na at lumakad palayo.
***
"Hindi ba talaga papasok si Kathleen?" bulong ni Ciela kay Shaina, kakarating lang
ng prof namin sa first subject. Mukha namang hindi siya strict.
"Baka feeling depressed pa rin si sestra? " singit ni Christle.
"Hindi yata eh, magdamag umiyak, dinamdam ng bongga 'yung pagbe-break nila ng
pinsan ko" sagot ni Shaina.
"Ano ba kasing pinag-awayan nilang dalawa?" tanong ni Comi.
"Hindi ko nga alam eh. Hindi naman sinabi sa'kin ni sis. Basta iyak lang ng iyak."
Napaisip ako bigla kung ano'ng reason ng break-up nila. Wala naman siguro 'to
kinalaman doon sa nangyari kay Charmaine diba? Baka naman nag-ooverthink ako
masyado.
"Hindi ba mas lalong nakakadepress 'yang ginagawa ni Kathleen? Dapat nga pumasok
siya para hindi puro iyon ang naiisip niya" sabi ni Ciela. May point ah in
fairness. Kaya ayoko niyang mga lovelife-lovelife na 'yan eh. Puro sakit lang sa
ulo.
Ibinaling ko ang tingin ko sa bintana.
Nanlamig ang buong katawan ko nung makakita ako ng babae. Nakaputi ito, mahaba ang
buhok niya na medyo nakaharang sa mukha niya pero kitang-kita ko 'yung mga sugat-
sugat niya sa mukha. Unti-unting nalulusaw ang mukha niya habang palapit siya ng
palapit sa kinaroroonan ko. Nagpapanic ang utak at dibdib ko sa sobrang kaba pero
hindi ako makakilos. Gusto kong humiyaw ng malakas para marinig ako ng mga kaklase
ko pero hindi ako makagalaw. Syet! Parang hangin na tumagos siya sa bintana palapit
sa'kin.
"Hinayaan mo lang akong mamatay"
galit na galit siya sa'kin. Nanlilisik ang mga mata niya hanggang sa magkatapat ang
mga mukha namin. Ramdam kong tumutulo na ang mga luha ko sa takot. Humiyaw siya ng
malakas kaya napapikit ako.
***
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. "Putek!" daing ko nung hawakan ko ang ulo
ko. Pakiramdam ko umakyat 'yung puso ko sa ulo ko, tumitibok-tibok eh. "Akala ko
plano mo pang matulog dito sa clinic magdamag eh" hindi ko pa tinitignan kung sino
'yung nagsalita pero kilala ko na agad.
"G*go" sabi ko. Bumangon ako nung maalala kong may reporting kami ngayon sa next
subjecct, "Babalik na ako sa klase" sabi ko pagkabangon ko.
"Sige, goodluck" sabi niya. Iniabot niya sa'kin ang bag ko saka siya naunang
lumabas ng clinic.
"Ms. Gutierrez, paki-sign muna dito before ka lumabas ng clinic," sabi nung nurse.
Sinunod ko naman agad.
"Picture ko ayaw mo ate?" tanong ko sa kanya. Walanghiya kasi, pangatlong tao na
siya na may kilala sa'kin. Napakapeymus ko na masyado.
Tumawa siya ng mahina. Ayaw niya, edi wag!
Pagkalabas ko ng clinic, natanaw ko pa si Kelvin na naglalakad palayo. Bakit walk
out lagi ang drama nitong g*gong 'to?
"Oy saan ka pupunta? Samahan mo muna ako sa cafeteria kakain ako" hiyaw ko sa
kanya. Ang creepy naman wala kasi akong nakikitang students. Tumakbo ako para
maabutan ko si Kelvin, naalala ko kasi 'yung nakita ko kanina walanghiya. "Kumain
muna tayo sa cafeteria" sabi ko nung masabayan ko siya sa paglalakad.
"Grabi na tanga, sarado na 'yon"
"Gabi na?!!" gulat na gulat na tanong ko. "Omaygash paano na 'yung report ko?"
"Edi wala na" sagot niya.

7
Marie's POV
"Alam mo ba sabi ni Vince kanina sa'kin break na raw sila ni Kathleen? Tapos 'yun
din 'yung pinagke-kwentuhan nila Ciela kanina sa room" kwento ko kay Kelvin habang
kumakain kaming dalawa ng dinner. Speaking of pagkain, hindi nga pala natuloy ang
lunch namin ni Vince dahil dun sa nangyari kanina.
"Yung paki ko hingi ba nila naikwento kung nasaan?" walang ganang sagot ni Kelvin
kaya tinignan ko siya ng masama. Sarap salaksakin ng kutsara sa bibig.
"Kinukwento ko lang kasi nakita ko name niya dun kay Charmaine, kaya iniisip ko
kung ano'ng connect niya sa nangyari"
"Kaya mo ba kinausap kaninang umaga?" mabilis na tanong niya.
"Oo" sagot ko.
"Ang kulit mo eh. Sabi nang—"
"Wala akong gagawing iba, gusto ko lang kung ano'ng connection niya sa nangyari.
Hindi ko naman pipigilan ang mangyayari" paninigurado ko.
"Ayoko pa mamatay 'no" dugtong ko pa.
Napalingon ako saglit sa may bintana sa kusina "Sh*t!" bulong ko sabay tayo mula sa
pagkakaupo. Muntik ng mahulog ang baso na nasagi ko, kung hindi lang nasalo ni
Kelvin. Napahawak ako sa dibdib ko. Halos isang segundo ko lang nakita 'yung nakita
ko. Pero 'yung puso ko gusto ng tumalon palabas ng dibdib ko.
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Kelvin. Tumingin ako sa kanya na nakakunot ang noo
habang titig na titig sa'kin. Bumalik ako sa pagkakaupo bago sinagot ang tanong
niya. "Nakita ko si Comi doon sa bintana e. Puro dugo 'yung mukha niya saka puro
bubog"
sagot ko.
"Huh?" takhang tanong niya. Kinuha niya saglit ang cellphone niya. "Bro kasama mo
ba si Comi?... Ahh wala natanong ko lang sige sige salamat"
Tinignan ako ni Kelvin pagkatapos niyang ibaba ang cellphone sa lamesa. "Kakahatid
lang daw ni Reiner kay Comi sa bahay. Baka natatanga ka na naman" sabi ni Kelvin.
Lumingon ulit ako sa may bintana. "Sigurado ako may nakita ako eh"
sabi ko. "Si Comi talaga 'yon" dugtong ko pa. Hindi ko alam kung iiyak ba ako sa
takot o ano. Kanina pa akong umaga minumulto. Syet di ko yata kakayanin kapag
naging araw-araw ang ganito.
***
"Bilisan mo namang maghugas dyan" utos ko kay Kelvin. Hindi kasi ako makaakyat sa
kwarto. Wala akong kasama pag-akyat eh.
"Kung tinutulungan mo akong maghugas tapos na sana" sagot niya. Sinusulyap-sulyapan
ko 'yung bintana ng kusina. Baka kasi magpakita uli si Comi doon diba?
"Anong tingin mo sa'kin kapuso foundation? Kaya mo na 'yan" sagot ko.
"Iwan kaya kita dito?"
"Hoy! Subukan mo! Subukan mo lang tignan mo. Ipagkakalat ko sa school na bakla ka"
pagbabanta ko.
"Ipagkalat mo na rin na nawawala ang paki ko" sagot niya. Nagkatinginan kaming
dalawa ni Kelvin nung may magdoorbell.
"Buksan mo pinto" utos niya. Tinignan ko siya ng masama pero umusog ako palapit sa
kanya. "Bakit ako? Eh ikaw nakaisip" sagot ko.
"Sige, bubuksan ko, maghugas ka dito" naghugas siya ng kamay at akmang aalis na
kaya sinabayan ko siya sa paglalakad.
"Hoy maghugas ka" sabi niya.
"Mamaya! Bakit ba! Hindi naman aalis 'yang mga plato dyan" sabi ko.
Kakalabas palang naming ng kusina huminto na siya sa paglalakad para tingnan ako.
Sinasabayan ko pa rin kasi siya. "Para kang tanga Marie" sabi niya.
"Bakit ba?! Akala ko ba nawawala paki mo? Bakit pinakikialaman mo ako?" sagot ko.
P*tek! Ayoko nga mag-isa eh, natatakot ako aba.
"Ewan ko sa'yo" sagot niya at saka naglakad papunta sa maindoor. Syempre nakasunod
lang ako.
Nagkatinginan kami nung buksan ni Kelvin ang pinto. "Ano'ng ginagawa niyo dito?!"
gulat na gulat na tanong ko.
Bakit nandito ang Lotlot and friends?
"Surprise!" Magkakasama sina Armhoncelle, Shaina, Ciela, Christle, Reiner, Comi,
Vince at Kathleen. Tapos may tatlong lalaki pa silang kasama na hindi ko kilala.
"Bakit ang dami niyo yatang dala? Saana ng camping?" tanong ko nung makita ko kung
gaano karami bitbit nila.
"Nag-alala kami sa'yo kaya dito kami matutulog" sagot ni Ciela.
Akala ko ba hinatid na ni Reiner si Comi sa bahay. At isa pa. Akala ko break na 'to
si Vince at Kathleen? Tinignan ko si Kelvin, mukhang nagulat din naman siya.
"Wala ba kayong balak papasukin kami sa dyosang bahay niyo?" tanong ni Christle.
'Yung uto-utong si Kelvin pinapasok naman sila sa bahay. Tinitignan ko sila isa-isa
habang pumapasok sila. Sabagay, okay na rin 'yan para marami kaming kasama ngayon.
Hindi na ako matatakot.
"Comi ikaw? Hindi ka pa ba papasok?" tanong ko nung makita ko si Comi na naiwan sa
labas.
"Hoy Marie, plano mo bang tumanga dyan hanggang mamaya?" lumingon ako sa likuran ko
nung magsalita 'yung gago. "Eh si Comi kasi" tinuro ko 'yung—"Nasaan na 'yun?"
"Ano'ng si Comi sinasabi mo? Nandoon na sa loob si Comi tanga" sagot niya. Kumapit
ako bigla sa braso ni Kelvin nung sabihin niya 'yon.
"Nakita ko si Comi sa labas eh"
kinakabahang sagot ko.
"Natatanga ka na naman" balewalang sagot niya, saka isinara ang pinto.
Pero paksyet nakita ko talaga si Comi eh!
Pinagmamasdan ko si Comi nung makarating ako sa salas, nakikipagkulitan siya sa
boyfriend niyang si Reiner. Gag*ng Comi 'to eh, buhay pa pero minumulto na ako.
Pinahihirapan ako masyado mag-isip.
"Hoy 'yung mga hugasin mo sa kusina" paalala ni Kelvin. Oo nga pala syet! "Mamaya,
excited talaga 'to. Hugasan mo kung hindi ka makapaghintay"
"Mas lalong nakakatakot maghugas mamaya kapag wala ka ng kasama" mabilis kong
tinignan si Kelvin pagkasabi niya nun. P*ta! Oo nga 'no.
"Samahan mo na akong maghugas"
sabi ko.
"May gagawin pa ako"
"Wow ah, pag usapang hugasan biglang naging busy person. Iba rin" sagot ko.
Naglakad siya palayo sa'kin at umupo sa tabi ni Reiner kaya gusto ko siyang
hambalusin ng sofa.
"Syet" bulong ko nung tignan ko ang kusina na naka-off ang ilaw. Papunta na akong
kusina nung dumaan si Felix sa harap ko kaya hinila ko siya at isinama sa kusina.
"Dito ka muna, wag kang aalis hangga't hindi pa ako tapos maghugas ah" paalala ko
sa kanya.
"Bakit ate ano'ng meron?" tanong nung pinaglihi sa sound effects.
"Ayaw magpahugas ng pinggan ng ako lang mag-isa kaya kailangan ko ng kasama" sagot
ko sa kanya. Mukha namang naniwala siya kasi tumahimik lang siya saka naupo sa may
lamesa.
"Ate Marie, bakit maraming tao?"
tanong niya. Binabanlawan ko na 'yung mga plato. Yehes! Konti na lang matatapos na.
"Ewan ko nga rin sa mga 'yan. Feeling close masyado. Ako rin may tanong" sagot ko
sa kanya.
"Ano 'yon ate?"
"Ano nga palang paki mo kung nandyan sila?" tanong ko. Tinignan ko siya ng masama
nung tawa lang ang isinagot niya sa'kin. Bumalik na ako sa paghuhugas, parehas sila
ng pinsan niyang magulo kausap.
"Felix matulog ka na gabi na" Kahit hindi ko tinitignan alam ko kung sino 'yang
g*gong KJ na 'yan.
"Nagpapasama kasi kuya si ate Marie,"
"Hoy Marie, alam mo nang papasok ng maaga 'tong si Felix bukas iniistorbo mo pa"
mabilis akong lumingon sa kanilang dalawa.
"Napakasumbungero nito, pwede ka namang umalis aba ako pa ang sinisi mo" sabi ko sa
sound effects. "Ikaw naman, huwag kang judger! Kung sinasamahan mo ako dito edi
sana hindi ko sinama 'yang pinsan mong sound effects" napaka!
Pumasok si Ciela sa kusina kaya tumahimik kami. "Magtitimpla ako ng juice ah" sabi
niya. Potek dagdag hugasin na naman 'yon. Ilang saglit pa ay umalis na ng kusina
sina Kelvin at Felix. Syet! Mawawalan na naman ako ng kasama. "Ciela 'wag kang
aalis agad ah" sabi ko. Natawa siya pero nag-agree rin naman.
"Ano nga palang nangyari sa'yo kanina sa school? Bakit bigla ka nalang nahimatay?"
tanong niya.
Kinwento ko sa kanya 'yung nakita ko, sakto ring tapos na akong maghugas kaya naupo
ako sa tabi niya sa may lamesa.
"Talaga? Ganyang-ganyan din si Comi noon after niya maaksidente eh, nakakakita na
siya ng mga multo" sagot niya.
"Pero alam mo kung ano 'yung weird?" tanong ko sa kanya.
"Ano?" tanong naman niya.
"Iodized salt 'yang nilagay mo sa juice, hindi ba maalat?" tanong ko sa kanya.
Dinouble check niya 'yung lalagyan ng inakala niyang asukal, tapos tinikman niya
'yung juice. "Darn! Ang alat nga" natawa ako sa kashungaan niya. Kadamutan 'yan eh,
titimpla ng juice di man lang marunong mag-alok. Siya lang ba ang uhaw? Hello, tao
rin ako. Napapagod at nauuhaw rin.
"Hugasan mo 'yan ah! KKH dito aba, kanya-kanyang hugas beh" sabi ko. Tumayo siya
kaagad at itinapon sa lababo ang juice niya.
Nagtitimpla na ulit siya ng juice nung magsalita ako. "Pero may weird talaga eh"
sabi ko. Tinignan niya kaagad 'yung lalagyan nung asukal.
"Tange hindi 'yan. Alam mo kasi nagtatakha ako kung bakit ko nakikita si Comi"
kwento ko.
Tumigil siya saglit saka tumingin sa'kin, "Huh? What do you mean?"
"Nakikita ko kasi kaluluwa niya. I mean minumulto ako ng kaluluwa niya" Hindi niya
ako sinagot hanggang matapos siya sa pagtitimpla.
"Ibig mong sabihin, nagpaparamdam siya sa'yo kahit buhay siya?" tanong niya nung
makaupo siyang muli sa tabi ko.
"Oo ang weird diba?" tanong ko.
"Hala! Hindi kaya si lola Frances Antonette 'yang nagpaparamdam sa'yo?" tanong
niya.
"Oo nga 'no? Nagpapakita nga pala siya sa may hawak ng Black Book"
sagot ko. Yang mga multong 'yan talaga, hindi ko alam kung bakit nagpaparamdam.
Feeling close masyado. Pumasok si Kathleen sa kusina. Ngiting-ngiti ito at mukhang
kilig na kilig.
"Omaygash mga sestra, alam niyo bang feeling ko forever na kami talaga ni Vince?"
sabi nito saka naupo sa tapat naming dalawa ni Ciela.
"Eh diba break na kayo?" tanong ko.
"Bakit nga pala kayo nagbreak?" dugtong ko pa.
"Nahuli ko kasing may babae eh. Pero nagsorry naman na siya kaya kami na ulit
hihihi!" kilig na kilig pa siya nung sinabi niya 'yan.
Naniniwala na ako, tropa-tropa nga silang tanga. Kung hindi ba naman tanga, alam ng
may babae eh pumayag pang makipagbalikan.
"Sus lolokohin ka lang ulit niyan" sabi ko.
"Napaka-negative nito ni Marie, hindi naman siguro. Nagsorry na nga 'yung tao eh"
tumingin siya sa iniinom ni Ciela na juice. "Omaygash gusto ko rin nag juice. Ikaw
ba Marie gusto mo? Ipagtitimpla na kita" sabi pa niya.
"Ayoko, kayo na lang. Baka mahawahan pa ako ng katangahan niyo" sagot ko.
"Oy grabe ka ah. Bakit kadamay ako?" tanong ni Ciela.
"Tanong mo sa iodized salt" sagot ko sa kanya saka tumayo para lumabas sa kusina.

8
Marie's PoV
Pinagmamasdan ko sina Kathleen, Shaina, Christle at Comi. Kanya-kanya silang
pakialam ng mga gamit ko sa kwarto. Si Armhoncelle at Ciela naman ay naglalatag ng
tutulugan sa sahig.
"First time mo bang makakita ng lampshade Shaina?" tanong ko, kanina niya pa kasi
kinakalikot 'yung lampshade.
"Hahahaha gaga, tinetesting ko lang kung magagamit na'tin mamaya" sabi niya.
"Ay hindi ko naman 'yan ginagamit kapag matutulog eh, naka-off lahat ilaw" sabi ko.
"Ano ka ba naman Marie, syempre magdyo-dyosang chichikahan pa us later" singit ni
Christle.
"Korek! Mas cute kaya magchikahan kapag dim ang light diba mga sestra?" segunda ni
Kathleen.
"Ang dami niyong alam" sagot ko.
Hinintay ko silang lahat makatapos sa kani-kaniyang ginagawa. Hindi ko alam kung
first time ko ang ganitong overnight, kasi wala naman akong maalala diba. Pero in
fairness nakakaaliw namang tingnan ang lotlot and friends dito sa kwarto ko.
Iniisip ko lang kung ano kaya ginagawa ng tropang potchi doon sa kwarto ni Kelvin?
May chikahan moments din kaya sila?
"Game na Marie, umupo ka na rin dito sa baba" pag-aaya ni Armhoncelle. Pinatay ni
Ciela ang ilaw, tapos binuksan naman ni Shaina ang lampshade, oh diba parang mga
g*go lang? Daming trip sa buhay.
Nakapabilog kami sa sahig, tapos nasa gitna namin 'yung lampshade. "Ano bang pag-
uusapan na'tin?" tanong ko.
"Mga dyosang multo kaya?" suggest ni Christle.
"Ay ayoko" mabilis na sagot ko. Tumanggi rin ang ilan kaya nag-isip sila ng topic.
"Lovelife!" magkasabay na sabi nina Kathleen at Comi.
"Oh edi kayo na may lovelife" sabi ni Armhoncelle. Natawa ako kasi mukhang
nagmemerienda siya ng ampalaya.
"Wala rin ako niyan, kaya audience impact nalang ako" tumawa sila sa sinabi ko. Mga
walanghiyang 'to palibhasa may mga lovelife.
"Start na'tin kay Ciela, kamusta na kayo ni Joseph?" tanong ni Kathleen, napag-
alaman ko na isa si Joseph doon sa tatlong lalaki na kasama nila na hindi ko
kakilala kanina. Tapos 'yung isa, si James, boyfriend ni Shaina, 'yung isa naman si
Zayn, boyfriend ni Christle.
"Okay naman kami, hahahaha ano bang tanong 'yan" nahihiya pa 'tong si Ciela, pero
obvious namang kinikilig.
"Anong okay? Ano na nga? I mean, kayo na ba? Sinagot mo na ba?" Sunud-sunod 'yung
tanong ni Kathleen, kala mo may quiz bee.
Akala ko plano pang magpasko ni Ciela dito sa tagal niyang sumagot eh, ilang minuto
kasi kaming naghintay ng sagot niya. Pabebe much. "Ano guys, secret lang na'tin 'to
ah. Ayaw pa kasi muna namin sana ipaalam sa iba, pero uhh—oo kami na, kahapon lang"
parang mga bulateng binuhusan ng asin sa sobrang kilig 'yung mga gaga.
"Kyaa!"
"Syet!"
"OMG!"
"Omygosh! Ano'ng nangyari? Pano niya tinanong ang very dyosang tanong?" tanong ni
Christle.
Napatingin ako sa may pinto kasi napansin kong gumagalaw ang doorknob ng kwarto ko.
Hindi naman sobrang obvious, pero alam kong someone's trying to open the door.
"Saglit lang ah" paalam ko sa kanila saka tumayo at tumungo sa may pinto.
Lumingon ako sa kaliwa't kanan pero wala naman akong nakitang tao pagkabukas ko ng
pinto. Akala ko naman isa sa tropang potchi na nakikitsismis ang gumagawa nun.
Babalik na sana ako sa loob nung mapansin kong dahan-dahang bumubukas ang kwarto ni
Felix. I frowned for a mere second, tapos naglakad na rin ako papunta. G*go 'tong
pinsan ni Kelvin eh. Alam ng may pasok pa siya kinabukasan hindi pa natutulog.
"Hoy sound effects! Ano'ng oras na bakit gising ka pa?" bulyaw ko sakanya. Hindi na
ako pumasok sa loob ng kwarto niya. Pinagmasdan ko nalang siya mula dito sa pinto
ng kwarto niya. Wala akong natanggap na sagot, tinignan niya lang ako. "Ano ba
nagriritwal ka ba? Bakit nakaupo ka lang dyan sa kama? Baka naman nanonood ka pa ng
porn? Nako Felix ano'ng oras na ha. Kapag bukas hindi ka nagising ng maaga,
kakaladkarin kita par---"
"Hoy tanga! Sino'ng kausap mo?" mabilis akong lumingon sa likod ko dahil narinig ko
ang boses ni Kelvin.
"Pinagagalitan ko 'yung pinsan mo aba kit—Felix?" kunot-noong tanong ko nung
mapatingin ako sa katabi niya. Biglang namawis ang mga kamay ko at nanuyo ang
lalamunan ko. T*ngina sino 'yung kinagagalitan ko?
Lumingon ulit ako sa may kama para tingnan kung may nakaupo doon pero wala.
"Paksyet!" bulong ko.
"Ano bang nangyayari sa'yo? Kanina pa sa kwarto ko si Felix," tinignan ko muna
saglit si Felix, mukhang naghihintay rin siya sagot ko. Pero ayoko namang takutin
siya. Okay lang sana kung itong gago lang ang matatakot. "Wala, Felix pumasok ka na
sa kwarto mo" utos ko. Sinundan ko siya hanggang makarating siya sa kama. Sumilip
pa ako sa ilalim ng kama, chineck ko mga closet niya, pati CR sa loob ng kwarto
diouble check ko kung may makikita ako, pero wala naman.
Wala namang kakambal si Felix diba? P*tek! Nung una si Comi nagmumulto sa'kin,
ngayon si Felix. Ano'ng nangyayari sa mundo at pati ang mga buhay na buhay
nagmumulto?!
"Ate Marie ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Felix nung mapansin niyang tinitignan ko
ang drawer niya.
"Ahh wala, naglalaro kasi kami nung Lotlot and friends ng bring me, matulog ka na.
Kapag hindi ka natulog ikaw ang dadalhin ko dun" sagot ko sa kanya.
"Natatanga ka na naman Marie" sinamaan ko si Kelvin na nakasandal sa may pintuan.
"Manahimik ka dyan di ka kausap ah. May search and rescue operation ako ngayon"
sabi ko.
"Ewan ko sa'yo"
"Ate Marie, sino pala si Lotlot? Wala naman akong naririnig na may pangalang Lotlot
doon sa mga kaibigan niyo eh"
Natawa ako sa tanong ni Felix, pati si Kelvin natawa. "Sabi ko naman sa'yo Felix,
wag kang magdididikit dyan sa kuya mo eh. Kita moa ng epekto sa'yo?" natatawang
tanong ko.
"Hoy bakit ako? Ako ba nagbabanggit ng Lotlot and friends?"
"Hayaan mo na mukha ka namang Lotlot" sagot ko, saka naglakad palabas. "Goodnight
Felix" paalam ko saka ko itinulak si Kelvin palabas at isinara ang pinto.
"Nakakita ka na naman ng multo kaya ka natatanga 'no?" tanong niya habang
naglalakad kami.
Pero imbis na sagutin ko siya ay hinila ko siya pababa ng hagdan. "Samahan mo muna
ako sa kusina, nauuhaw ako"
Bubuksan ko sana ang ilaw nung makababa kami ng hagdan pero nakarinig kami ng boses
ng lalaki.
"Hindi ko alam kung ano'ng oras ako uuwi bukas babe eh... bakit pala gising ka
pa?... ahhh... I missed you too..." nagkatinginan kami ni Kelvin nung makita namin
si Vince, pagkatapos ay dahan-dahan kaming nagtago.
Walanghiyang Vince 'to. May Kathleen na tapos bume-babe pa.
Nagtago kami hanggang sa matapos makipaglandian sa phonecall si Vince at umakyat ng
hagdan.
"Bakit ba tayo nagtago? Dapat sinungalngal na'tin kay Vince 'yung phone niya eh.
Kita mo ba ha? Nakikipaglandian sa phone, eh girlfriend niya si Kathleen ah. At
dito pa niya talaga ginawa 'yan sa bahay mo. Hindi man lang nahiya, jusko!"
sabi ko kay Kelvin nung makarating na kaming dalawa sa kusina. Pinipigilan niya
kasi ako kaninang lapitan si Vince.
"Ano namang mangyayari kapag ginawa mo 'yon?" tanong niya na ikinatahimik ko naman.
"Mas masusubaybayan na'tin ginagawa niya kung wala siyang alam. Ikaw na rin may
sabi na nabasa mo pangalan niya sa Black Book diba? Kapag nagbreak sila ni
Kathleen, paano mo na malalaman mga ginagawa niya?"
Kumuha ako ng pitcher ng tubig at isang baso. Hindi ko na sinagot si Kelvin kasi
may point naman siya. Pero nakakainis pa rin 'yang si Vince ah.
"Ni hindi nga na'tin alam kung sino kausap niyang 'babe' sa cellphone eh"
"Oo nga 'no? Sino kaya ang haliparot na 'yon?"
Iinumin ko palang ang basong may tubig nung agawin niya at inumin.
"Hoy!" bastos talaga 'to kahit kailan p*tek! Ako 'yung nauuhaw eh.
***
Hanggang makabalik ako ng kwarto ayung kay Vince ang iniisip ko.
"Oh ayan na pala si Marie eh"
"Saan ka ba galing?"
"Bakit ang tagal mo?"
"Kanina ka pa naming hinihintay"
"Tatanong kasi namin kung may lahi si Kelvin, para kasing meron"
Sunud-sunod ang tanong nila hanggang makaupo ulit ako sa lapag.
"Wala bang call a friend? Ang dami niyong tanong eh" nagtawanan sila, tapos inulit
ni Shaina 'yung tanong niya.
"May lahi ba si Kelvin?" tanong niya.
"Meron" tipid na sagot ko. Halata sa mukha nila excitement puro 'ano?' naririnig ko
kaya sinagot ko rin agad.
"Yung nanay niya shih tzu, tapos tatay niya pitbull kaya ayon ang resulta,
bullsh*t" nagtawanan sila at naasar sa sagot ko.
"Ano nga kasi?" pangungulit ni Kathleen.
"Aba malay ko! Hello?! Amnesia girl here," parang mga sira.

You might also like