You are on page 1of 3

Ako ay iba tuwing araw ng mga puso

Isinulat ni: Darwin Ice M. Anchurez

Araw ng mga puso

Kaysaya ipagdiwang lalo na’t uso

Magbigayan ng bulaklak ang gusto

Kapit kamay mga mag nobya o nobyo

Isang pares nagmamahalang totoo

Mga labing ngumunguso

Sabay na umiindak sa musiko

Mga bugang bibig ay pangako

Ngayong araw ng mga puso pano ako

Lahat may pareha kung sino sino

Wala rin kahit umiidolo

Wala man lamang bang magtatanong masaya pa ba ang puso mo?

Oo akoy may kaibigan

Kaso lahat sila may ka-ibigan

Kayo ako naman itong naiwan

kaya eto ako ngayon walang ka kuwentuhan

tanim ko sa aking isip hahanap ako

ngunit di ko kaya kasi hindi ako to

kung kayo’y nagtataka hindi pa ako buo

kasi pakiramdam ko pag umibig ako ng gusto ko d ako tanggap ng pamilya ko

gusto ko’y iba sa gusto nila


gusto kong tao parehas kami ng itsura

ngunit gusto nila ay iba yung normal baga

hindi ako makapamili sa gusto nila ,ayaw ko talaga

napagispan ko ngayong araw ng mga puso

mahalin ang aking sarili ng buo

makisama sa ibang tao

makiosyoso sa magkapareho

maging thirdwheel ikanga nila

pag tuunan ang sarili bago ang jumowa

ayusin ang pag aaral lalo’t meron pa

maging masaya muna lalo’t d pa wasak o buo pa

akin munang paiisipan kung aamin ako sakanila

na iba ako sa gusto nila

babae lalake ako’y nasa gitna

nagiisip nagmumuni ako’y tanggap kaya nila?

Madaling isipin mahirap sabihin

Katagang Ma Pa iba ako sana ako’y inyong gustuhin

Hindi ako perpekto tulad ng iba

Hindi ako katulad nila ,kaya tanong ko , ako’y tanggap niyo ba?

Bago ko sabihin yuun akin munang pagiisipan

Mahirap na baka wala tayong matirahan

Kay hirap ng dinadala ang aking puso

D makaamin o maka-ibig man lamang ng gusto


Kaya lagging may tanong ako lagi

Paulit ulit saking isip lagi

Paano na namn kaya ang puso ko ngayon

Kaya mo pa ba magmahal ng naaayon.

You might also like