You are on page 1of 1

Edelyn Joy P.

Jimenez

Ama’t Ina
Aking ama’t ina, sa aki’y ay nagbigay buhay at hininga
Lumaki sa kanilang walang hanggang pagmamahal at kalinga
Ang pag-ibig na tunay, wagas at napakadakila
Humubog sa aking damdamin, isip at diwa

Salamat sa aking mga mahal na ama’t ina


Na nagtatrabaho at nagsisikap para sa aming pamilya
Mapunan lamang ang gusto at pangangailangan ng bawat isa
Hindi alintana ang pagod, hirap at pangungulila malayo sa pamilya

Kaya’t sa bawat hakbang sa landas ko’ng tatahakin


Masasayang mga alaala kasama sila’y aking gugunitian
Ang kanilang sakripisyo at pagmamahal ay palaging aalalahanin
Magsisikap sa aking mga pangarap at pagod nila’y aking papahirin

Araw,buwan, at taon pa man ang aking paghihirap


At kahit ano mang pagsubok ang aking hinaharap
Mananatiling matibay at magsusumikap
Aking mga magulang kayo ang aking inspirasyon sa aking mga pangarap

You might also like