You are on page 1of 2

Pamilya:

isinulat ni: Abcel Zucchi

Pamilya, sino nga ba sila?


Sila ang nagbibigay saya
Sa hirap man o sa ginhawa
Kaya sa’kin sila’y mahalaga

Ang ama ko na nagtatrabaho ng husto


Matustusan lang ang pang araw araw na gasto
Ang ina kong nagbibigay ng mga payo
Upang Mapalakas lang ang loob at puso

Hindi ko man makuha ang premyo sa lotto


Maswerte naman ako sa pamilya ko
Sila ay mas higit pa sa pera at ginto
Dahil pamilya ko’y hinding-hindi maglalaho

Alam ko na kailanman ay hindi magbabago


Ang pagmamahal na nararamdaman ko sa inyo
Kaya asahan ninyo itong aking pangako
Na kailanman ay hinding-hindi susuko

Naisulat ko itong aking tula


Di dahil sa wala akong magawa
Kundi dahil sa mga ala-ala
Naidulot ng aking pamilya

You might also like