You are on page 1of 1

ANG MGA KABABAIHAN SA BUHAY KO

Ang aking ina’t lola ang aking taga gabay,


Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay.
Hindi nila ako hinahayaang mag-isa at walang buhay,
Sa mundo na punong-puno ng lungkot at tamlay.

Ako’y tinuruan nila ng magandang asal


Sa gitna ng kahirapan ako’y pinag-aral.
Upang hindi mapariwara ang aking dangal,
Diplomang natanggap ko sa kanila i-sampal.

Lahat ay ginawa para ako’y mapasaya,


Nagtrabaho upang buhay ko ay guminhawa.
Kaya’t maraming salamat aking ina’t lola,
Sa’yong sakripisyo mula nang ako’y bata pa.

Ilaw ng tahanan kung sila ay tagurian,


Sila’y dakilang inihandog ng Diyos sa tanan;
Kahit sinuman ay tiyak na maligayahan,
Sa taglay na buti ng kanilang katauhan.

May kolorete man sila sa mukha o wala,


Mayroong makapal man silang kilay o wala.
Sila ang mga kababaihan sa’king tiyera,
Sila’y may busilak na puso’t kahanga-hanga.

Ang babae sa buhay ko, aking ina’t lola,


Sila ay mararangal at kahali-halina.
Inakalang mahina sa mga mapanghusga,
Dapat sila ay igalang, matanda man o bata.

Ang hirap nila ay ‘di matumbasan ng pera,


Hirap na nagtratrabaho para sa pamilya.
Ako, ikaw at siya ay sadyang mamamangha
Sa mapag-arugang puso na isang biyaya.

Sino ako ‘pag wala ang aking ina’t lola,


Nang dahil sa kanila’y nadama ko ang kalinga.
Maraming Salamat, mahal kong ina at lola,
Maraming salamat sa pagmamahal at pag-aaruga!

You might also like