You are on page 1of 3

Tricia Mae A.

Magora Saint Agnes of Rome

O kay hirap ng hinaharap!


Kay sayang mamuhay

Sa buhay na puno ng kasaganaan

Yung tipong nakakamit lahat ng pangangailangan

At maging ang rurok ng kasiyahan ay nakakamtan

Sa una’y walang kasing saya

Ang makitang maligaya ang iyong pamilya

Sagana sa pagmamahal, pag-aalaga at pag-aaruga

Maging sa pagkain ay di maikukubling maraming naihahanda sa lamesa

Pero sa una lamang pala iyon

Sa una lamang kung saan magiging masaya ka ng pansamantala

At pagkatapos ay pighati naman ng madarama

Sa likod ng masasayang mukha ng aking mahal na mama at papa

Ay ang mukhang hirap na hirap para buhayin kaming mga anak nila

Trabaho doon, Trabaho dito

Walang pahi-pahinga kahit na magmukhang bangag, wala paring humihinto

Ako’y naiyak sa aking mga natuklasan

Kung gaano kahirap ang mga ginagawa nila

Para maiahon kami sa kahirapan


Nagpapagod buong araw, linggo, buawan at taon

Ngunit ang kasaganaan ay di parin natutunton

Aking napagtanto na ang mundong aking ginagalawan

Ay sakop ng kahirapan

Kahirapan na siyang salot sa bayan

Ang bansang Pilipinas ay sagana sa kasalatan

Salat sa pera, sa pagkain, sa trabaho at maging sa pamahalaan

Nagiging dahilan ng kahirapan ang pamahalaan

Dahil sa kapangyarihan na kanilang pinag-aagawan

Kanilang iniisip lamang ang sarili

Upang ang posisyon ay mapanatili

Lingid sa kanilang kaalaman, ang kanilang pinamamahalaan

Ay nalulunod na sa kahirapan

Walang tanong tanong, walang lingon lingon

Kung ayos ba kami? O kung kami ba ay nakakabangon?

Hindi nila alam, at wala silang alam

Dahil kailanman hindi naman nila inalam

Kung paano kami nabubuhay sa ganitong buhay

Sa buhay, na halos kami ay mamamatay na sa kakaisip ng paraan

Kung paano naming maitatawid ang ganitong estado

Hirap na Hirap, at iyak ng iyak


Kaming mga taong di nabibigyan ng prayoridad

Tanging hangad lang naman namin ay ang mamuhay ng tiyak

Yuong walang bahid ng sakit at pighati sa buong syudad

Yuong wala ng mahihirapang tao upang igapang ang sarili sa hirap

Sana sa pagkakataong ito

Ay mapagtanto ninyo na

Kami muna, kailangan naming kayo

Kami ay inyong tulungan!

Sapagkat ang buhay na meron kami

Ay parang hayop na nakatali

Nakatali sa isang kalbaryo tulad nitong kahirapan

Kailangan naming ng mga taong mag-aalok ng kamay para sa amin

At kayo iyon, Kayo iyon! Pakiusap kami ay inyong tanggapin

Naniniwala kami na sa magandang ugnayan

Ay matapos na rin ang kalbaryong nagpapahina sa mga tao

You might also like