You are on page 1of 4

INTRODUCTION

Maganda gabi po sa ating lahat.


We meet here today to celebrate/honor/pay tribute to the life of Nanay
Adelaida Sta. Ana Morales. To give thanks for her life and the experiences
that we shared - and to bless her well now that our time together is over.

All the faiths of the World speak of another life after death. We do not know
what it is but we can hold on to the hope, the belief or the knowledge of
peace, rest, fulfillment and of people being reunited in love.

For Nanay Adelaida, the journey is beginning, but for us, there is loss, grief
and pain. Every one of us here has had our life touched - perhaps in the
tiniest way, or perhaps totally transformed - by Nanay Adelaida existence.
We would not be here otherwise. Her life mattered.

It is important for us to acknowledge and accept that something


fundamental has changed with her going. Life will not be the same - and life
should not be the same.

II.
Atin pong simulan ang programa ngayong gabi sa pamamagitan ng isang
dasal-awitin. Hingen at damhin po natin ang presensya ng ating panginoon
ngayong gabi. Kung naangkop sa inyong kalagayan, tayo pong lahat ay
magsitayo, at manalangin
sabay sabay po nating awiting ang kantang “I SEE YOU LORD”.
Maari na po kayong magsiupo.
Ngayon pong gabi ay ang huling gabi ng ating minamahal na si Nanay
Adelaida.
At ngayon po ay tayo’y naririto, nagtitipon tipon, upang samahan si Nanay
Adelaida sa kanyang huling gabi dito sa mundong ibabaw.
Alam ko po at ramdam ko po ang kalungkutan at pighati na inyong
nararanasan, nararamdaman sa pagkawala ni Nanay Adelaida.
Gayunpaman, sa mga naririto, na nagmamahal kay Nanay Adelaida, atin
pong gamitin ang pagkakataong ito upang sariwain ang naging buhay ni
Nanay Adelaida, gunitain ang mga masasayang karanasan at pagkakataon
na nakasama natin si Nanay Adelaida nuong sya ay nabubuhay pa, at
higit sa lahat alalahanin natin ang mga mahahalagang aral na iniwan sa
atin ni Nanay Adelaida bilang isang kapatid, kaibigan, kumare, asawa,
magulang, ninang, lola at kung anuman ang naging turingan natin kay
Nanay Adelaida at kung ano sya sa ating buhay.

1
Kaya po, sana po ay ibigay natin ng kusa at taos puso ang ating oras at
aktibong partisipasyon at kooperasyon sa ating programa. ialay po natin
ito, gawin po natin ito para po kay Nanay Adelaida.

III
At upang umpisahan ang ating eulogy or tribute para kay Nanay Adelaida ,
ating pong panuurin ang ginawang video presentation ng Marinas Funeral
Homes and Services.

IV.
Nanay Adelaida is safe. She is already through the barrier and free to
another reality to experience whatever joy awaits her there but, for us, it is
important to say this final farewell to her body as we commit it to its
natural end

Nanay Adelaida, wish you well and thank you for being a part of our life.
We honor your life on Earth and we pray (wish) for your peace ever-after.
We will not forget you. Go well.

ISANG ANAK, ISANG KAPATID


Atin pong balikan ang History ni Nanay Adelaida. Una ko pong tatawagin
ang taong ito na magsasalaysay sa atin sa buhay ni Nanay Adelaida bilang
isang anak at bilang isang kapatid.
_________________________________________________
Pangalan ng mga Magulang, Ilang magkakapatid, birthplace, hobbies.
Maraming Salamat po. Salamat po sa inyong pagpapatunay ng kabutihan
ni Nanay Adelaida bilang isang anak at bilang isang kapatid.
ISANG KAIBIGAN (Katrabaho, kupare, kapitbahay) – Favorite food, favorite
place
________________________________________________

ISANG PANGALAWANG MAGULANG SA KANYANG MGA INAANAK – Mahilig


bang magregalo si Nanay Adelaida tuwing pasko? Ano yung
pinakamemorable nyang regalo sayo.
________________________________________________

2
ISANG TIYAHIN (PAMANGKIN) – Ano ang lageng pinapaala sa iyo ni Nanay
Adelaida? Ano yung pinakamahalang turo, aral, o leksyon ang natutunan
mo sa kanya?
_______________________________________________
Bago po natin ipagpatuloy ang ating pagalaala ay hayaan nyo po akong
pangunahan ang pagawit ng isa sa mga favorite songs ni Nanay Adelaida.
Ito daw pong kantang ito ay itinuturo pa ni Nanay Adelaida sa kanyang
apo. Ang title po ng kantang ito ay Paper Roses na orihinal na kinanta ni
Anita Bryant nung 1960 at mas pinasikat ni Maria Osmond nung 1973.

ISANG LOLO – Sino ang paboritong apo ni Lola?


________________________________________________
ISANG MANUGANG (FATHER IN LAW) – Ano po ang pinaka hindi mo
malilimutang mensahe ang sinabi sa iyo ni Nanay Adelaida?
________________________________________________
ISANG INA – Ano ang namimiss mong ulam na niluluto sayo ni Nanay
Adelaida? Anong namimiss mong gawin sa iyo ni Nanay Adelaida? Isang
bagay na binigay sa iyo ni Nanay Adelaida na hanggang ngayon ay nasayo
parin?
_________________________________________________
ISANG ASAWA
_________________________________________________
Maramimg maraming salamat po sa lahat ng nagbahagi ng kanilang
kwento kasama si Nanay Adelaida. Sa lahat ng nagbigay ng mensahe,
pasasalamat at pagpapatunay ng kabutihan ni Nanay Adelaida nuong sya
ay nabubuhay pa. Tunay ngang naging makabuluhan at puno ng saysay
ang naging buhay ni Nanay. At ang hiling ko po, ay sana ay inyo itong
isapuso at isa-isip, at manatili ito sa inyo hindi lang bilang alaaala kundi
mahalagang pamana ni Nanay Adelaida.
Hindi po matutumbasan ng kahit anong halaga o kahit anong material na
bagay ang mga ala-ala at pamanang iniwan sa inyo.
Nanay Adelaida, Salamat po. Paalam.
At bilang pagtatapos sa programang ito, tayo po ay mananalangin para sa
ating pinakamamahal na Nanay Adelaida.

3
Panginoon naming Diyos,
Ama namin,
Ikaw po ang dahilan ng aming pagsilang,
Ikaw po ang dahilan ng aming pag-iral,
At sa iyo galing ang aming hiram na buhay,
Kaya sa alabok kami’y nanggaling
At sa alabok din naman kami babalik.

Buong kababaang loob po kaming nananalangin sa iyo,


At nagmamakaawa,
Kalugdan mo po kaluluwa ng aming namayapang si Nanay Adelaida.
Na pumanaw sa mundong ito
At nananatiling nasa sa iyong mga kamay.

Kunin mo siya at bigyan ng katahimikan


Sa iyong kaharian
At palisin mo ang anumang mga karumihan
Upang siya’y maging karapat-dapat
Sa iyong walang hanggang kalinisan.
Nasa sa iyong mga kamay, Panginoon,
Ang kanyang kaligtasan,
Iahon mo siya mula sa apoy ng impiyerno
At bigyan ng puwang sa iyong Kaharian.

Magkaroon nawa ng katahimikan,


Ang kanyang kaluluwa
Gayundin ang kanyang espiritu
At makapiling sana niya
Ang iyong kaluwalhatian
At kadakilaan
At pag-ibig na wagas.

Amen

Final
Magsi upo po tayo at hahandog ng mga kanta ang mga (pangalan ng banda)
Muli ang Marinas Funeral Homes and Services ay taos pusong nakikiramay
po sa Family Sta. Ana-Morales.

You might also like