You are on page 1of 11

"Awit Sa Marawi"

Ni:Esang De Torres

(Tekkstong Naratibo)

Hindi bala, hindi bomba sa Marawi ang sagot


Ang iisang dugo ay galit ang bumabalot
Mga walang kamuwang-muwang kayakap ang luha at takot
Mga maling adhikain ay 'di tamang sagot

Marawi sabay-sabay nating ibabangon


Buong pagmamahal tayo ay aahon
Marawi darating din ang isang dapit-hapon
Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon

Kristyano at Muslim hindi ba't iisa?


Nilalang tayo ni Allah na iisang Ama
Kung bubuksan ang puso ng bawat isa
Sa mundo ang maghahari ay ngiti't saya

Marawi sabay-sabay nating ibabangon


Buong pagmamahal tayo ay aahon
Marawi darating din ang isang dapit-hapon
Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon

Hindi kulay ang kailangan upang magkaisa


Pula, puti, asul, dilaw tayo ay iisa
Ang pag-ibig, isapuso 'yan ang mahalaga
Ako, ikaw, sila tayo'y magsama-sama

Marawi sabay-sabay nating ibabangon


Buong pagmamahal tayo ay aahon
Marawi darating din ang isang dapit-hapon
Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon
[Repeat]

Marawi…
Nueva Ecija kay Ganda

Nina:Redstilo and Bituin

(Tekstong Persweysib)

*Chorus

Halila ka nat sumama dito sa nueva ecija 


Rice granary of the Philippines 
Dito ninyo makikita 
Tagalog ilokano
Lenggwahe namin dito 
Maaaliw kang tunay
Kaya isama na agad ang mahal mo

*1st Verse
Marami ng gustong tumungo saming lalawigan
Upang makita ang ganda ng aming kalikasan 
Puntahan maligo at talagang kaaya aya
Ang malinis malamig na tubig ilog dupinga
At pwede kang tumambay puntahan magbakasyon
Dun mo masasaksihan ang talon sa gabaldon
Gusto mo ng ibang trip na pwede mong maranasan 
Tambay sa tanawan kasama tropat kaibigan
At dito mo rin makikita ang sobrang dami ng palay
At libutin mo ang kampo sa fort magsaysay
At sibuyas ng bongabon pwede mo tong ibaon 
At licab mo makikita festival ng kariton 
Sa san leonardo may malawak na gulayan 
Ibat ibang gulay ang masusulyapan
At kagandahan ng kalikasan dun mo matatagpuan 
At magandang bulubundukin ng caranglan

(Repeat Chorus)

*2nd verse
Sa Nueva ecija talagang nakakasabik 
Dinarayo sa aliaga ang mga taong putik
Ang isama iniibig bawal ang walang kaparehas 
Dahil sa gapan mo makikita ang dambuhalang tsinelas
Malas ka pag itoy hindi mo matikman 
Ang batutay longgonisa ng cabanatuan
At tikman ang jumping salad na nakakatakam at libutin mo din ang pantabangan dam
At kapitolyo ng lalawigan ay gusto mong tignan 
Ikaw ay tumungo sa bulubundukin ng palayan 
Sa san geronimo dinadayo ng mga deboto 
Matatagpuan mo to sa bayan ng sto domingo
Tyak kaligayahan ay dito mo matatamo 
Ang festival ng talugtog na walis tambo 
Sa lupao ka makakakita at makakabili ng maraming masasarap na kabute

(Repeat Chorus)

*3rd verse
Ang ganda ng gen tinio ay hindi mo pa nadungaw subukan mong libutin ang ilog ng minalungao 
Kung gusto mo ng pag kain na masarap ang lasa
Tikman mo ang buro sa bayan ng Zaragoza
Sa llanera tyak maaliw ka sigurado kilala sila sa pag gawa sa bukid ng abono
Kung ang natividad ay hindi mo pa nadadalaw punta ka uminum ng sariwang gatas ng kalabas
Festival na maganda at maayos umistima
At sa cabiao mo mararanasan ang paistima 
Sa san isidro mag simba at ikay pumaroon
Kasaysayan ng nueva ecija’y matatagpuan mo dun 
at sa bayan ng jaen pwedw karin dun lumibot masasarap 
na puto tyak hindi mo malilimot sa muñoz mo makikita 
ang malawak na paaralan at mga produkto ng gatas na pwede mong matikman

*4rt verse
Sa quezon at cuyapo pwede mo rin puntahan dun mo matitikman
ang matatmis na pakwan sa sta rosa kung saan may
malinis na palengke ganun din ang bayan ng guimba 
at san jose sa rizal at nampicuan may taglay na kagandahan
At may masasarap na bico at mga suman 
Candy na kamatis talagang kakaiba matitikman mo 
ito sa bayan ng talavera budang ganda ng peñaranda ay hindi mo
pa nararating may mahabang ispasol at maraming kakanin sa laur mo
makikita ang bato ferry masarap mag punta dun kasama ang Family
san antonio masarap ang simoy ng hangin 
at talagang napaka sarap na gawa dito na pagkain 
at kung ako sainyo sa nueva ecija pumunta 
dito mo makikita ang hinahanap mo saya Tara na!!

Last Chorus
Halila ka nat sumama dito sa nueva ecija 
Rice granary of the Philippines 
Dito ninyo makikita 
Tagalog ilokano
Lenggwahe namin dito 
Maaaliw kang tunay
Kaya isama na agad ang mahal
"Kundiman"

Silent Sanctuary

(Tekstong Deskriptibo)

Para kang asukal


Sintamis mong magmahal
Para kang Pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot
Na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot

Kaya't wag magtataka


Kung bakit ayaw kitang mawala
Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw

Di baleng maghapon na umulan


Basta't ikaw ang sasandalan liwanag
Ng lumulubog na araw
Kay sarap pagmasdan
Lalo na kapag nasisinagan ang iyong mukha
Ayoko nang magsawa
Hinding hindi magsasawa sa iyo

Kaya't wag magtataka


Kung bakit ayaw kitang mawala

Kung hindi man tayo hanggang dulo


Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko

Bahala na ayoko muna magsalita


Hayaan na muna natin
Ang daloy ng tadhana

Kung hindi man tayo hanggang dulo


Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay

Hindi ako lalayo

Kung hindi man tayo hanggang dulo


Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo

Dahil ang tanging panalangin


Dahil ang tanging panalanigin ko ay ikaw
Alin ang Higit Na Nakatutulong sa Pagkatuto ng Mag-aaral: Aklat ba o Kompyuter? 
ni:Ronaldo C. Crisanto

(Tekstong Argyumentatibo)

Lakandiwa
Ang paksa ng pagtatalo kaugnay nang edukasyon
Na kung alin ang mas dapat na gamitin natin ngayon
Pagkatuto nitong bata saan higit masusulong
Sa aklat ba o kompyuter ang mas mabisang solusyon 

At sa panig nitong aklat higit daw na kailangan


Si Sir Ador ay nagsabing ilalaban ng pustahan
Samantalang si Mam Shirley sa kompyuter nanindigan
Na sinumang makatalo ay hindi nya uurungan

Upang ating pong malaman kung sino ba ang mas tama


Ang panig ng bawat isa bigyang daan sa pagtula
Sa pagtindig ni Mam Shirley katwiran ay itutudla
Salubungin ng palakpak, sa bulwagan ay gumitna

Unang Tindig ng Mambabalagtas: Shirley R. San Antonio (Panig sa Kompyuter) 


Ako itong si Mam Shirley sa Kompyuter ay pumanig
Pagkat aking nalalaman na sa aklat lalong higit 
Pagtuturo dun sa bata kapag ito ang ginamit
Lahat sila’y matututo sa paraang mas mabilis

Samantalang itong aklat kung ito ay babasahin


Maiinip yaong bata at malimit na antukin
Kaya ngayon katalo ko sayo’y aking sasabihin 
Mga aklat ay tiklupin kompyuter ko ang gamitin

Unang Tindig ng Mambabalagtas: Cipriano Ador Dionisio (Panig sa Aklat) 


Ako itong si Sir Ador pumanig sa mga aklat
Na dapat lang na gamitin nang ang turo ay umunlad 
Kapag ito’y binabasa maya’t mayang binubuklat
Pagkatuto nitong bata ay mabilis na lalawak. 

Alam mo ba na ang bata kung ba’t hindi natututo 


Madalang na sa kanila nagbabasa nitong libro
Kaya ngayon malinaw ba sa isip mo katalo ko
Kompyuter mo ang itago ang aklat ko ang buksan mo 

Ikalawang tindig panig sa kompyuter 


Alam mo ba na ang aklat kung ba’t ayaw nang basahin 
Mga bata’y nagsasawa hirap silang intindihin 
Pag ang guro ay may tanong at ang nais ay sagutin
Basahin man yaong aklat hirap silang unawain
Samantalang sa kompyuter hawakan lang yaong buton
Lalabas na itong sagot kung ano ang tinatanong 
Kaya ngayon katalo ko dapat sa’yo ay umurong
Ipunin mo iyong aklat at itago mo sa baul. 

Ikalawang Tindig (Panig sa Aklat) 


Mga batang mag-aaral ngayo’y tamad nang magbasa
Paano nga ang kompyuter malaki ang impluwensya 
Sa halip na ang utak ay hasain nang gumana
Ang pangahas ay kompyuter duon na lang umaasa

Paglipas ng mga araw h’wag mo sanang pagtatakhan 


Pag ang bata’y laging wala sa loob ng paaralan
Kung mahubog sa ugali ang matinding katamaran
Walang ibang sisisihin kompyuter mo ang dahilan

Ikatlong Tindig: Panig sa Kompyuter


Ang paggamit ng kompyuter kaunlara’y ihahatid 
Sapagkat ang kaalaman mas lalo pa na lalawig
Kapag sila’y ginabayan tinuruan bawat saglit
Sa pahamak ay malayo sa tagumpay ay malapit

Samantalang itong aklat basahin man araw-araw


Hindi mo rin masasabing marami kang malalaman
Kaya ngayon katalo ko ang gawin mo na mainam
Aminin mo ang tutoo, talo ka na sa’ting laban

Ikatlong Tindig (Panig sa Aklat) 


Ang aklat ko ay kumpleto nandun lahat ang aralin
Marami kang malalaman kung lagi mong babasahin 
Kung may tanong at di alam kung paano sasagutin
Tingnan mo ang halimbawa at pwede mo na gayahin

Aaminin ko na ngayon ako sayo’y tuwang-tuwa


Sapagkat ang pananaw mo katulad ng isang bata
Pag ang aklat ay binasa’t pinilit mong inunawa
Kapag hindi mo nalaman ang utak mo ay mahina

Lakandiwa: 
Akin munang sumandaling putulin ang pagtatalo
Sapagkat ang bawat isa mainit na yaong ulo
Kung sabagay sa pahayag matibay ang patotoo
Walang tulak at kabigin magagaling ng pareho

At ngayon ang balagtasan ay muli kong ibabalik


Ang pingkian ng katwiran atin muling maririnig
Si Mam Shirley ay minsan pang katwiran ay ipipilit
Upang lalong patunayan na tama ang kanyang panig

Ikaapat na Tindig (Panig sa Kompyuter) (rebuttal) 


Hindi mo ba napapansin pagkatapos ng halalan
Nang dahil sa kompyuter ko ay mabilis ang pagbilang
Hindi tulad nuong araw iniabot ng siyam syam

Ikaapat na Tindig (Panig sa Aklat) 


Bumabagal ang pagbilang alam mo ba ang dahilan
Kandidato sa eleksyon walang lubay sa dayaan 
Pag natalo’y dadagdagan ang nanalo’y babawasan

Panig sa Kompyuter
Ang mata mo’y masisira kung lagi kang nagbabasa 
Lalo na kung babasahin maliliit yaong letra

Panig sa Aklat
Masisira yaong mata ng lahat ng ‘yong eskwela
Sa radyesyon ng kompyuter duon iyon…makukuha

Panig sa Kompyuter
Ang paglabo nitong mata dumarating itong kusa
Lalo na kung yaong tao papunta na sa pagtanda

Panig sa Aklat
Kahit bata o matanda pag radyesyon ay tumama
Yaong mata ay hihina at lalabo….magkabila

Hatol ng Lakandiwa: 
Matapos ko na marinig ang katwiran ninyo’t panig
Sinuri ko nang mabuti kung sino ba ang mas mat’wid
Sapagkat ang hatol dito kapag ako ang nalihis
Daming bata’t mga guro sa akin ay magagalit

Ang aklat ay talaan ng impormasyong mahalaga


Lubos tayong matututo kung palaging binabasa
At bago pa ilathala at dumaan sa imprenta
Sinusuring isa-isa bawat laman ng pahina

Ang halaga ng kompyuter kaya naman inimbento


Sa pag-unlad nitong agham, inilaang idisenyo
At ang bata kung nais mong sa turo ay umasenso
Gamitin mo ang kompyuter, halos lahat matututo

Ngunit huwag lilimutin ang bibliya nang masulat


Ang may gusto at may akda ay ang Diyos nating lahat
Hindi pa man nangyayari’t matagal pang magaganap
Basahin mo ang bibliya nandun na at …NAKASULAT
Kaya ngayon ang hatol ko sa paksa ng balagtasan
Walang talo at panalo patas sila sa tagisan
Mga aklat at kompyuter gamitin sa pag-aaral 
Pagkat ito’y mga susi patungo sa……. KAUNLARAN
Sipag at Tiyaga ang Susi ng Tagumpay ( Talambuhay ni Henry Sy Sr. )
(Tekstong Impormatibo)

Noong ika - 25 ng Disyembre 1924 si Henry Sy Sr. ay ipinanganak sa Xiamen China. Siya ang anak nina
Henry H. Sy at Tan O Sia. Siya ay isang Chinese - Filipino na negosyanteng pinangunahan ang
pagtatag ng SM Malls. Siya din ang Presidente ng SM Prime Holdings. Siya ang itinaguriang
pinakamayaman sa Pilipinas.

Si Henry ay lumaking dumanas ng tinding hirap. Siya ay determinadong tao at masipag .


Nagtatrabaho siya araw at gabi upang matustusan ang kanyang pag-aaral. Nagtapos siya ng high
school sa Chiang Kai Shek College at nagtapos ng Associate at Arts sa Far Eastern University. Hindi
madali na maabot niya ang posisyon niya ngayon. Maraming pagsubok ang kanyang pinagdaanan sa
buhay.

Nagsimula si Henry sa sariling tindahan ng kanyang pamilya. Kahit siya'y estudyante , tinutulungan
parin niya ang kanyang mga magulang sa pagbebenta ng mga produktotulad ng kendi. Mas pinili niya
ang magtinda dahil nakahanap siya ng ligaya sa pagtitinda. Sa kasawiang palad nasira ang kailang
tindahan dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Lumuwas siya sa Estados Unidos upang
makahanap ng mga produktong maari iyang ibenta at doon na niya naisip na gumawa ng sariling
negosyo at bumalik sa Pilipinas.

Itinatag ni Hnery Sy ang isang maliit na tindahan ng sapatos sa Quiapo , Manila noong 1958 at
pinangalanganang SM o Shoe Mart. Noong Nobyembre 1972 ang kanyang maliit na tindahan ng
sapatos ay naging SM Quiapo ,  ang unang SM Department Store. Itinatag niya ang kanyang unang
SM Supermall ,  ang SM City North Edsa noong Disyembre 25 , 1985. Hindi lamang siya ang
Presidente ng mga Prime Holdings. Siya rin  ang nagmamay-ari ng SM Investments Corporation  ,
Banco de Oro Universal Bank , Belle Corporation at Highlands Prime Inc.

Dahil sa kanyang kasipagan at galing maraming parangal ang natanggap niya. Kagaya ng mga
Management Man of the Year by Makati Business Club - 1999 .  , Honorary Doctorate in Business
Management by De La Salle University in January 1999. , 1st Chinese-Filipino resipient of the PCE Big
1st Chinese. , Filipino recipiet of the PRA President's Award (2005) at maramipang iba.
El Filibusterismo
Kabanata 1: Sa Ibabaw ng Kubyerta
(Tekstong Ekspositori)

Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig, isang umaga ng Disyembre at patungong Laguna. Nasa
ibabaw ng kubyerta ang mga makakapangyarihan na tao tulad nina Don Custodio, Donya Victorina,
Kapitan Heneral, Padre Salvi, Padre Irene, Ben Zayb, Donya Victorina, at Simoun.

Napapasama si Simoun sa mga mayayaman dahil kilala nila ito bilang isang maimpluwensiyang
alahero. Kilala siya sa buong Maynila dahil naiimpluwensiyahan ito ng Kapitan Heneral.

Upang mapawi ang pagkainip sa mahaba at mabagal na biyahe, napag-usapan nila ang pagpapalalim
ng Ilog Pasig. Iminungkahi ni Don Custodio na mag-alaga ng itik. Sinambit naman ni Simoun na
kailagang gumawa nang tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng lawa ng Laguna at sa Maynila.

Sandaling nagkainitan sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang suhestiyon at
mithiing ipatupad. Ayaw naman ni Donya Victorina na makapag-alaga ng pato sa kanilang lugar dahil
darami raw ang balut na pinandidirihan niya.

Kabanata 2: Sa Ilalim Ng Kubyerta

Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip at siksikan doon dahil may mga pasahero at
naroon din ang mga bagahe at kargamenrto.

Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na isang makata mula sa Ateneo.
Kausap nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang balak ng mga mag-aaral tungkol sa pagtuturo
ng wikang Kastila na hindi naging matagumpay.

Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani na si Paulita Gomez, pamangkin ni Donya Victorina
de Espadaña.

Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni Basilio si Simoun kay Isagani.
Nagwika si Simoun na hindi siya nadadalaw sa lalawigan nina Basilio at Isagani dahil mahirap ang
lugar at walang bibili ng alahas.

Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa. Tumanggi sila
at sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya mahirap at tamad ang mga tao sa kanilang
lugar ay panay tubig ang iniinom at di alak.

You might also like