Professional Documents
Culture Documents
Philippines
(formerly University of Regina Carmeli)
Ni
G. Erwin E. Urian
Propesor
Filipino 206:
Nobela, Tula at Dula
Unang Trimestre
Taong Pampaaralan 2019-2020
La Consolacion University
Philippines
(formerly University of Regina Carmeli)
MAYKAWAYAN
ni Bb. Francisca Laurel
Manunulat na taga-Meycauayan
Pebrero 1961
La Consolacion University
Philippines
(formerly University of Regina Carmeli)
Sa gitna ng isang malawak na parang Saka siya’y may isang patnubay na tala
Na luntiang damo ang nakahalayhay Ang Sta. Relihiyon na kahanga-hanga
Sa tabi ng batis buhat sa Marilaw Ang pintakasi niya’y bukod pinagpala
At hanggang sa ilog noong Binuangan San Francisco de Asis, ang nagpakarukha
May isang lupaing ligid ng kawayan Tanang yaman niya’y ipinagbiyaya
Iyan ang bayan ko; mutyang Maykawayan. Nagtiis ng madling hirap at dalita.
Kung siya ma’y isang bayang munti’t dukha Nilisan ang kanyang mariwasang buhay
At sa lalawigan ang pinakaaba Nagpakasakit siyang namuhay sa ilang
Angkin naman nuya ang lalong dakilang Nagdamit ng lalong karukha-rukhaan
Maningning na hiyas sa balat ng lupa Nababatid niyang sa mundong ibabaw
Isang kayamanang hindi mawawala, Yama’y tanikala sa kapalaluan…
Ginintuang puso, bigay ni Bathala. At nakamiy niya ang langit na bayan.
DASALAN AT TOCSOHAN
ni Marcelo H. Del Pilar
Propagandista mula sa Bulakan, Bulacan
1888
Ang Tanda
Ang tanda nang cara- i- cruz ang ipangadya mo sa amin, Panginoon naming Fraile, sa manga
bangay 1aming, sa ngalan nang Salapi at nang Maputing binte, at nang Espiritung Bugaw.
Siya naua.
Pagsisisi
Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagkatuo gumaga at sumalacay sa
akin: pinagsisihan kong masaquit sa tanang loobang dilang pag-asa ko sa iyo, icaw nga ang
berdugo ko. Panginoon ko at kaauay ko na inihihibic kong lalo sa lahat, nagtitica akong
matibay na matibay na dina muli-muling mabubuyo sa iyo: at lalayuan ko na at
pangingilagan ang balanang makababacla nang loob ko sa pag-asa sa iyo, macalilibat nang
dating sakit nang manga bulsa ko, at nagtitica naman acong maglalathala nang dilang
pagcadaya ko umaasa akong babambuhin ka rin, alang-alang sa mahal na pasyion at
pangangalakal mo nang Cruz, sa pagulol sa akin. Siya naua.
Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman
mo, quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming
kaning iyong inaraoarao at patauanin mo cami sa iyong pagungal para nang pag papataua
mo kung cami'y nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at
iadya mo cami sa masama mong dila. Amen.
Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia ang Fraile'y sumasainyo bukod ka niyang
pinagpala't pina higuit sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok. Santa Baria,
Ina nang Deretsos, ipanalangin mo caming huag anitan ngayon at cami ipapatay. Siya naua.
Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, icao ang cabuhayan at catamisan. Aba bunga
nang aming pauis, ikaw ang pinagpaguran naming pinapanaw na tauong Anac ni Eva, ikaw
nga ang ipinagbubuntong hininga naming sa aming pagtangis dito sa bayang
pinacahapishapis. Ay aba pinacahanaphanap naming para sa aming manga anac, ilingon mo
sa aming ang cara- i cruz mo man lamang at saca bago matapos ang pagpanaw mo sa amin
ay iparinig mo sa amin ang iyong calasing. Santa Baria ina nang Deretsos, malacas at
maalam, matunog na guinto cami ipanalangin mong huag magpatuloy sa aming ang manga
banta nang Fraile. Amen.
Igalang mo ……………
Katakutan mo………… Ang Fraile
At Pag Manuhan mo …..
La Consolacion University
Philippines
(formerly University of Regina Carmeli)
TULA #45
Rio Alma (Virgilio S. Almario)
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
Manunulat mula sa San Miguel
Mula sa Lungting Lungsod ng Lunggati
2013
Ang panitikan ay isang lagusan upang tanawin ang kasaysayan, kultura, lahi, at wika.
Salik ito upang mabanaag ang angking kagandahan ng isang sibilisasyon. Madalas sa hindi,
pamayanan.
Sa ating bansa, malaki ang saklaw ng Panitikang Pilipino. Sa dami ng mga pangkat
etniko na may kani-kaniyang sariling wika, nagkaroon din ng maraming mga anyo ng
panitikan na nabuo ayon sa dikta ng kanilang mga kultura. Ngunit sa mga nakaraang mga
kurikulum ay tila ba hindi naisasama sa mga nakatakdang aralin sa pantikan ang mga
akdang rehiyunal.
Binanggit ni Bienvenido Lumbera sa kanyang aklat na lumakas lamang ang gamit ng
“rehiyonal” lalo na bilang pantukoy sa panitikan nang matapos ang panahon ng pananakop
isinasama sa mga teksbuk ang mga katutubong mga akda lalo na yaong mga nakasulat sa
ng Cultural Center of the Philippines ay unti-unting naging matunog ang mga panitikang
halos nagkaroon ng maling pagkaunawa noon na hindi naisasama ang mga halimbawa ng
panitikang rehiyunal sapagkat marami sa mga akdang itinuring na canon noon ay nasa
wikang Tagalog lamang. Sa pag-usad ng panahon, ang mga akdang rehiyonal ay naisalin sa
Mula sa kalipunan ng mga akdang rehiyonal ay may mga akdang matutukoy bilang may
“pambansang” tatak dahil sa nilalaman nitong mga tradisyon at kultura na ilan sa mga
halimbawa nito ay nagbibigay ng pagkilala sa Pilipinas bagama’t ito ay may himig rehiyonal.
Mayaman sa panitikan ang Pilipinas bago pa man dumating ang mga mananakop sa
ating bansa. Mayroon na tayong sariling kalinangang minana sa ating mga ninuno na
tagapag-ugnay sa atin sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa ating bansa. Kung susuriin, sa
MGA SANGGUNIAN
Apiit, Marilyn S. et. al. Panitikang Rehiyonal – Ikapitong Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral
Quezon City. Vibal Group, Inc. 2017
Lumbera, Bienvenido. Writing the Nation/Pag-akda ng Bansa. Quezon City. University of the
Philippines Press. 2000. pp. 157-165