You are on page 1of 4

PANUNURING PAMPANITIKAN SA MAIKLING-KWENTO

VICENTENG BINGI
JOSE VILLA PANGANIBAN
PANIMULA
Tungkol sa May-akda:
JOSE VILLA PANGANIBAN
Si Jose Villa Panganiban ay isang Batanggenyong ipinanganak at lumaki sa Pangasinan.
Doktorado sa Pilisopiya sa Universidad de Santo Tomas at riteradong direktor ng Surian ng
Wikang Pambansa (naging Linangan ng mga Wika sa Pilipinas na ngayon ay Komisyon sa
Wikang Filipino.) Dating propesor sa Espanyol, Ingles at Filipino sa UST, San Beda College,
PNU at MLQU. Naging unang pangulo ng Akademya ng Wikang Pilipino, UNESCO-Pilipinas at
Akademya ng Wika, Unibersidad ng Santo Tomas.

Mga Aklat at Akdang Naisulat:


Ang ilan pa sa kanyang mga naisulat ay:
 The Stealer of Hearts and Other Stories (1927)
 Milkman of Makiling
 Maria Velez
 Vicenteng Bingi
.
PAG-AANALISA (LITERARI ANALISIS)
KONOTASYON- Ang pamagat na “Vicenteng Bingi”
maaaring isiping isang tukso sa taong may kapansanan
sa pandinig. Buhat sa pamagat na ito, mahihinuha na
tatalakay sa buhay at pakikipagsapalaran ng isang taong
PAMAGAT may kapansanan.
(KONOTASYON
AT DENOTASYON) DENOTASYON- Sa lokal na pagpapakahulugan, ang
salitang “bingi” ay nangangahulugang pagkakaroon ng
kapansanan sa pandinig o kawalan ng kakayahang
makarinig. Nang ito ay idikit sa pangalang Vicente, ito
ay naging isang bansag.
 Ang kwentong ito ay tungkol sa isang taong may
kapansanan sa pandinig, kapos sa anumang uri ng
kayamanan sa daigdig ngunit sa kabila niyon,
nanatiling may mabuting puso hanggang sa
TEMA kanyang kamatayan.
 Binibigyang-halaga rin sa akdang ito ang mga
kasambahay na naglilingkod sa kanilang amo nang
walag pasubali.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga tauhang nagbigay g
buhay sa kuwento:
 Vicenteng Bingi- Pangunahing tauhan
Isang lalaking may kapansanan sa pandinig na
tapat na naglingkod bilang alila
PANGUNAHING TAUHAN
 Pepito - ang tagapagsalaysay at ang senyorito ni
Vicente.
 Ama - ama ni Pepito na siyang kumupkop kay
Vicente.

 Nagsimula ang kwento sa paglalarawan ng tagpuan
ng maikling kuwento sa pamamagitan ng
pagbabalik-tanaw. Sa pagbubukas ng kuwento
inilarawan ang tahanan ng pangunahing tauhan sa
Paniqui matapos itong salantahin ng Bagyong
Ruby kung saan sa paglabas nito sa kanilang
tahanan ay nakita ang isang lalaki ang
nakahandusay sa harapan ng kanilang pinto.
 Inalagaan ng kanyang ama ang lalaki. Napag-
alamang ito ay si Vicente, isang bingi ngunit
bahagyang nakapagsasalita ng pinaghalong
Tagalog at Kapampangan. Nagpasya ang kanyang
amang kunin si Vicente bilang alila.
 Nagpatuloy ang pagsasalaysay ng tungkol sa kung
paano nagkaroon ng personal body guard ang
BANGHAY
tagapagsalaysay ng kuwento sa katauhan ni
Vicente. Siya ay waring isang yaya sa kanya na
inihahanda ang lahat mula sa paggising hanggang
sa pagtulog ng kanyang senyorito. Kahit mga
kapilyuhang kanyang ginagawa, lalo na kung ang
mga ito ay nagbubunga ng kaguluhan, ay inaako ni
Vicente huwag lamang mapalo o makagalitan ang
kanyang senyorito.
 Minsang nasangkot ang senyorito sa kaguluhan sa
isang lutrina dahil sa kanyang panununog ng
buhok ng mga batang babae. Dahil sa pagtatanggol
ni Vicente sa kanyang senyorito na humantong sa
pagwawala nito ay hinuli at ikinulong ang pobreng
bingi.
 Ipinadala si Pepito ng kanyang ama sa Seminario
de San Javier upang mag-aral nang walang
pagbabakasyon. Samantala, si vicente ay nakalaya,
pansamantalang nawala dahil sa paglalayas ngunit
bumalik din naman dahil sa walang makain.
Nagpatuloy itong magtrabaho sa kanilang pamilya
bilang alilang tagapag-alaga ng kambing at sisiw
ngunit hindi na kumibo kailanman.
 Natapos ang pagsasalaysay sa pagbabalik ni Pepito
sa Paniqui kung saan nalaman niyang namatay na
pala si Vicente makaraang magkaroon ng
pulmunya dahil sa pagsagip sa mga sisiw at
kambing. Dinalaw nito ang puntod ni Vicente at
saka ipinatala ang pangalang Vicenteng Bingi sa
mga pamisa sa simbahan.

 Ang diyalogo ng kuwento ay mula sa isang


“omniscient” na tagapagsalaysay na waring
nakikita ang mga nagaganap sa kuwento mula sa
DIYALOGO itaas.
 May himig ng lalawiganin din ang ilang diyalogo
dahil sa paggamit ng may-akda ng ilang mga
pangungusap sa Kapampangan.
Ilan naman sa mga simbolismo ang mga sumusunod:
 Bagyong Ruby
SIMBOLISMO
 Ang sisiw na kasabay dumating ni Vicente

 Teoryang Humanismo - pinaningning sa akda


ang katangian ni Vicente bilang isang matapat
na alila sa kanyang senyorito.
 Teoryang Realismo - maaaring ang mga
pangyayari sa kuwento ay bunga ng mga
TEORYA karanasan ng may-akda hinggil sa mga
nasaksihan nitong paraan ng pagtrato sa mga
may kapansanan.
 Teoryang Romantisismo - naipakita sa
pagpapakita ng walang maliw na pag-ibig ni
Pepito sa kanyang senyorito.
 Gumamit ng tinatawag na “Flash backing”
ISTILO teknik ang may-akda upang ipaalam sa mga
makababasa ng kuwento kung paanong dumating
sa kanilang buhay si Vicente.
 Gumamit din ito ng mga simbolismo na siyang
higit na nagbigay ng lalim sa mga pangyayari at
tunggaliang naganap sa kuwento.

 Ang kuwento ni Vicente bagama’t kathang-isip


lamang ay isang realidad sa ating lipunan. May
mga pag-ibig na inilalaan ngunit hindi naman
DALOY NG KAMALAYAN
nasusuklian. Gayun din, maraming may
kapansanan ang nililibak at pinagtatawanan pa
rin sa kasalukuyan.
“Ang mga kapuspalad at may kapansanan ay may
PANLOOB NA PAHAYAG
puwang din sa lipunan”
 Lutang din sa akda ang isyu ng mahirap laban sa
mayayaman… makikita ito sa agwat ng estado sa
buhay ni Pepito at Vicente.
ISYUNG PANLIPUNAN
 Sa huling bahagi, ang pagtawa ng pari nang marinig
ang pangalang Vicenteng Bingi ay sumasalamin sa
panlilibak ng lipunan sa mga may kapansanan.
 Ang kabuuang tema o paksa ng kuwentong ito ay
isang panawagan para sa lahat na bigyan ng
IMPLIKASYON SA pagpapahalaga ang pagpapamalas ng pag-ibig
KASALUKUYANG PANAHON anumang estado o kalagayan sa buhay.
 Binibigyang-pansin din sa kwento ang nararapat na
trato sa sa mga may kapansanan.

You might also like