You are on page 1of 9

ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION

ANGELES CITY
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG FILIPINO

VICENTING BINGI
Jose Villa Panganiban

Guerrero, Calica Lawrence B.


BSED-3B
HEARING IMPARED
III. MGA TAUHAN
1. Senyorito (anak) – anak siya ng kumupkop
kay Vicente Pilyo at makulit, may katigasan ang
ulo at kalooban.
2. Papa – ama ng tinatawag na “Senyorito”. Ang
nagligtas at kumupkop kay Vicente.
3. Vicenting Bingi – lalaking iniligtas ng mag-
ama. Natagpuan siya sa harap ng bahay nila sa
putikan at nilalagnat.
4. Padre – pari na nagmisa sa bangkay ni Vicente.
IV. BUOD

Isang araw ay may natagpuan ang mag-


ama na nilalagnat sa harap ng bahay nila. Siya ay
putikan at basang-basa. Gumaling naman ang
lalaki at kinupkop na lamang dahil sa mga
kabutihang kanyang ginagawa. Siya ay
pinangalanang Vicenteng Bingi. Siya ang naging
body guard ng anak nito. Siya ang sumasalo sa
lahat ng kamalian ng bata. Dahil nga sa murang
kaisipan ng bata ay walang halaga sa kanya ang
mga pagmamahal na iniuukol ni Vicente.
Isang pangyayari ang ikipinahamak
ni Vicente dahil sa pag-ako nito sa
pagputol sa buhok ng batang babae ng
kandilang may ningas na ginawa ng batang
pilyong kanyang senyorito. Dahil nga rito
ay hinuli at kinulong si Vicente
samantalang ang bata ay pinaluwas ng
kanyang ama sa Maynila at dinala sa
Semenario de San Javier. Ilang taon din
ang kanyang ginugol doon.
Nang muling mag-asawa ang
kanyang ama ay pinahintulutan siya na
makauwi sa Paniqui. Doon na lamang niya
nalaman na namatay si Vicente sa
pagkakaroon ng pulmonya dahil sa pag-
aalaga ng mga manok pagkaraan nitong
makalaya. Malaki ang pagsisisi niya dahil
binalewala niya ang atensyong iniukol ni
Vicente para sa kanya. Pinamisahan na
lang niya ang puntod ni Vicenteng Bingi.
V. PAGSUSURI
1. Panahong Kinabibilangan:
kasalukuyang panahon at panahong darating
pa.
2. Mga Sariling Puna:
naging makatotohanan ang kwento dahil sa
lugar na ginanapan at karaniwan itong nangyayari.
May taglay na kahiwagaan dahil bihira na lamang ang
taong katulad ni Vicenting Bingi para maintindihan..
Ang kulang lamang ay ang pagbibigay ng pangalan ng
mga tauhan tulad ng “papa” at “senyorito”.
Walang pangalan itong binaggit
kundi “ang aking papa” at tulad ng “anak”
at “senyorito”. Hindi nabigyan man lang
ng palayaw para mas madaling maikwento
ito nang maayos kung sino at ano ang
sinasabi ng may-akda. Maganda ang
kanyang naging panimula kaya
nakawiwiling basahin.
=GINTONG KAISIPAN=

“Ang mga kapuspalad ay may puwang din sa


lipunan”
Tulad ni Vicente na isang kapuspalad
ngunit may malaking ginagampanan o naging
importante sa buhay ng bata at naging huwaran
ng kagandahang-asal sa lipunan.

You might also like