Ating pagmamahalan, Sana'y walang hangganan, Kahit may humadlang man.
Hirap man pagdaanan,
Hindi ka iiwanan. Mag-isa sa kawalan, Hindi pababayaan.
Kung ikaw ma'y lilisan,
'Di ka malilimutan. Gabi at umaraw man, May puwang sa isipan. Iwan may kataksilan, 'Di ako masasaktan. Pagkat pag-iibigan, Ang tanging kasiyahan.
Ilang Tanong Sa Sarili
Ni Virgilio V. Vitug Ngayong natutuhan ko nang pahalagahan ang simbutil na kanin sa aking pagdulog sa dulang, bakit kailangan kong hawakan sa kanang kamay ang kutsara at ang tenidor naman sa kaliwa? Bakit kailangang dampian ng serbilyeta ang aking labi kapag ito'y namamantikaan? Sabi nila'y ito ang itinuturo ng libro sa kagandahang-asal at ginagawa ng mga sibilisado.