You are on page 1of 6

Talk Show Script

Jail
Vinz Hanzel B.Aguarilles-Scriptwriter/Director

Samuel David Bacatan-Technical/Co-writer/Anak

Hanz Christian Gendrala(Hands)-Bayani

Jirene Evangelio Sawan(Jairin)-Host

Abegail Jay Tubio(Abigael)-Host

Denise Ann Forro-Technical/niligtas

Technical Test

Intro

*SUPERCELL INTRO

Intro

*PARTY MUSIC

Jairin: (Napakagandang hapon sa inyong lahat) -normal weather meaning not too hot not too rainy

(Isang maulan pero masayang hapon sa inyong lahat)-rainy

(Isang Napakainit na hapon sa inyon lahat)-hot

sama-sama naman tayo ngayong hapon dito sa…

Jabegael: Jail talk show

Jairin: Sama-sama tayong makinig

Abigael: at matuto sa iba’t ibang karanasan ng ibang tao

Jairin: Ngunit di lamang sila mga ordinaryong mga tao

Abigael: Syempre naman sila ang mga taong may na tulong sa atin na mga mamamayan na
nagpapahiwatig ng kanilang kabayanihan

Jairin:Oo naman Abe at isa na sa kanila ay ang ating mga bombero


Abigael: Tama ka diyan sila yung isa sa mga taong nag sasakripisyo para sa kaligtasan ng ating mga
mamamayan

Jairin: Oo… At alam mo ba na mayroon isang kilalang bombero na nag viral sa social media?

Jairin-gusto mo bang marinig Ang video?

Jairin-eto panuorin natin

*MUSIC STOPS

VIDEO MUSIC

Abigael: Mapapa wow ka talaga sa ginawang kabayanihan ni (name ni Hands or kung anong gina tawag
sa kanya: kuya or something)

Jirini: Tama ngunit di lamang natin siya makikita sa social media video kundi ngayon rin sa harapan kaya
iniimbitahan ko si (name ni Hands or kung anong gina tawag sa kanya: kuya or something)

*enter guest*

*CLAPPING MUSIC

*enter guest*

Interview

Jairin-Kamusta Hands?Salamat at tinanggap mo ang aming imbitasyon.

Hands-Salamat rin sa Jail na inimbitahan niyo ako sa programang ito.

Abigael-So Sir kamusta po ang buhay-buhay?

Hands—Maayos naman po sa kasalukuyan. Nakakatulog ako nang mahimbing ngunit hindi ko madalas
kasama ang aking Pamilya dahil sa abala sa trabaho.

Jairin-Bakit po ninyo pinili ang pagiging bumbero?

Hands—um, pinili ko ang pagiging Bumbero hindi lang dahil pangarap ko ito, ngunit para ako’y
makapagligtas at makasalba ng mga buhay, bagay, at bahay ng mga mamamayan na nangangailangan ng
aking tulong. Sa kanilang simpleng pasasalamat, ito ay nag-iiwan ng espesyal na lugar sa’king puso at
nag-iiwan ng ngiti sa aking labi abot hanggang pisngi.
Abigael-Ano ang pinaka-kaakit-akit na bahagi ng pagiging isang bumbero?

Hands—Para sa akin, ang bahagi na pinaka nakakaakit-akit is ay ang pagkakaroon ng pagkakataon na


makatulong at makapaglingkod sa komunidad sa panahon ng mga kritikal na sitwasyon tulad ng sunog.
Ang pagsasalba sa kanilang ari-arian at ang pagtulong sa kanila ay nagbibigay hindi lang sa kanila kundi
rin sa akin ng malaking kasiyahan at pag-asa.

Jairin-Ano ang pinakamahirap na misyon na hinarap mo dahil sa iyong trabaho?

Hands-- Ang pinakamahirap na misyon na aking hinarap ay ang sabay-sabay na pagligtas sa mga
nasasakupan sa isang masukal at liblib na lugar dahil sa limitadong resources at kailangan ng plano at
koordinasyon ng marami upang masugpo ang problema.

Abigael-Ano naman ang di gaanong kaakit-akit na aspeto ng pagiging isang bumbero?

Hands-ito naman ay kabaliktaran sa sinabi ko kanina. Kung hindi ako nakapagligtas ng mga buhay at ari-
arian nila, ako ay nalulungkot at dinadamdam din ang sakit na kanilang nararamdaman at nakikiramay
nalang.

Jairin-masakit Naman talagang isipin na may mga taong Hindi mo talaga maliligtas,siguro ito ay Isang
natural na,na nangyayari bilang tagapaglingkod Ng Bayan,pero di talaga natin maiiwasan na isipin Yung
mga “sana” natin sa Buhay.

Jairin-Para sa mga tao o kabataan na gustong maging bumbero.Ano ang masasabi mong
pinakamahalagang kalidad para sa isang bumbero?

Hands-Ang pagiging Bumbero ay isang matindi at kapaki-pakinabang na trabaho. Araw-araw ay isang


pagkakataon upang tumulong sa iba at gumawa ng positibong epekto sa mundo. Isa rin itong trabahong
nangangailangan ng pisikal at mental, ngunit sulit ang kasiyahan sa pagliligtas ng mga buhay at
pagprotekta sa mga tao.

Ang payo ko dito ay kailangan mo ng lakas at maging mabilis sa iyong gagawing aksyon at desisyon. Isa
pa ang hindi basta-bastang sumusuko sa laban.

Jairin-Isang napakagandang sagot po sir,Sana ay maging isnpirasyon Ang mga sagot mo para sa mga
susunod na henerasyon.

Abigael-ihanda niyo na Ang inyong Tenga sa isang mensahe na inyong maririnig mula sa isang taong
gustong magpasalamat sa ating bayani,miss Denise Forro pwede ka nang nag-umpisa

Den-Sir Hanz,gustong gusto po kitang pasalamatan,dahil sa iyo nadugtungan Ang Buhay ko,kaya dahil
Doon,Ako ay gumawa Ng Isang spoken poetry para sa iyo

*SAD MUSIC

Den-Sa isang tagpo ng gabi, sa ilalim ng madilim na langit,

May isang babae na sa panganib ay napilit.


Ang apoy ay sumiklab, ang bawat hakbang ay delikado,

Ngunit isang bumbero ang agad na tumulong sa kanya sa gitna ng gabi.

Sa kanyang mabuting puso at tapang na ipinamalas,

Ang bumbero’y handang magsakripisyo nang walang alinlangan.

Sa abot ng kanyang makakaya, siya’y naglingkod at nagmalasakit,

Upang iligtas ang buhay ng babae, sa panganib na nagmistulang lihim.

Sa kanyang mga kamay, ang apoy ay natutunaw,

Ang bawat hakbang ay tila isang himala, isang himig na sumasayaw.

At sa wakas, sa ilalim ng ulap at mga bituin,

Ang babae ay ligtas na, salamat sa bumberong handang magtiwala at mag-alay ng kanyang buhay para
sa iba.

Kaya’t sa gitna ng kadiliman, sa panganib at lungkot,

Nagpapasalamat ako sa bumberong nagtanggol, sa bawat pagkakataon na lumalaban at sumusulong.

Salamat sa iyong tapang, sa iyong pagmamahal at sakripisyo,

Ikaw ang tunay na bayani, sa aming mga puso’y nag-iingay nang palaging buo

*STOP SAD MUSIC

*CLAP MUSIC

Abigael-Salamat Denise sa iyong sinabing mensahe na tagos sa puso

Abigael-Sir Hanz,ano po Ang masasabi niyo sa masahe na binigay sa inyo?


Hands-salamat Denise,Sana mabubuhay pa akong naaaapakatagal,upang masmarami pa Akong
maliligtas tulad mo

Jairin-napaka-emotional Ng hapon natin Ngayon, kaya Magpapahinga Muna tayo

*COMMERCIAL MUSIC(DEPENDS)

Hands-Panatilihin itong ligtas at masaya, huwag hayaang walang masira.

Tiwala Ka Ba? Trust Condoms: Proteksyon Na Mapagkakatiwalaan!

Pag ang condom ay nabutas,

Tatay ka na bukas!

Sa Trust Condom, proteksyon mo’y tiyak, sa bawat sandali, kaligtasan ay wag pabayaan! Trust Condom,
dahil sa bawat saglit, protektado ka!

Pagpapasalamat

Jarin-nagbabalik Ang

Jabigael-Jail Talk Show!

Abigael-kasama parin natin Ngayon si Sir Hanz,Bago tayo magtatapos,may Isa pang gustong magbigay
sayo Ng Isang mensahe.

Jairin-Hello po Sam,salamat at tinanggap mo Ang aming imbitasyon,so para po sa ating pagtatapos


mayroon ba ikaw masasabi sa iyong ama? (facing at Samuel)

Sam-Opo

*SAD MUSIC

Sam-Salamat po sa pagiging isang mabuting ama, salamat sa mga oras na nilaan niyo po sa akin at alam
ko po na marami kang natulungan na mga tao kaya proud na proud po ako sa inyo tay… Alam ko po na
hindi po ito sapat para sa mga ginawa mo sa akin ngunit sana ay tanggapin niyo po itong aking
pasasalamat ng buong puso’t kaunawaan

Jairin-Proud na proud talaga ang anak niyo sir Hands… meron ka po bang masasabi sa inyong anak ?

Hands-Nak thank you, sisiguraduhin kong hindi kita pababayaan basta tandaan mo lang na kung may
problema ka isipin mo lang na andito lang ako para sa iyo… laging nagsusuporta sayo’t nagmamahal
sayo.

Abigael-Aughhh

*STOP SAD MUSIC


*PAUSE KADALI (3 secodonds)

Jairin-Maraming salamat po sa inyong mga mensahe sa isa’t isa at salamat po sa pag pupunta ninyo
ngayong hapon dito sa talkshow namin

Ending

Abigael-Dahil sa iyong Kabayanihan Sir Hands,Ang Jail Talk show ay gustong magbigay sayo Ng
groceries,bilang konting tulong sa inyong pamilya

*WOWOWIN SOUND EFFECT

*PARTY MUSIC

Jairin-Maraming salamat po sa inyong mga mensahe sa isa’t isa at salamat po sa pag pupunta ninyo
ngayong hapon dito sa talkshow namin

Abigael-Yesss at dahil tayo’y kulang na tayo ng oras ay tatapusin na po natin ito

Jairin-At Syempre magkikita naman ulit tayo sa Lunes, ako ulit si Jairin

Abigael-Ako naman si Abigael

Jabigael-Sama-sama tayong muli dito sa Jail talkshow!

*SUPERCELL INTRO

You might also like