You are on page 1of 2

Para sa Aking Dakilang Ina

Ni Aisa G. Tolentino

Ilaw ng tahanan siya ay tinagurian,


Inang nagdala sa akin ng siyam na buwan,
Nag-alaga at minahal akong lubusan,
Una kong salita’t, hakbang ay inabangan at inalalayan.

Ni sa lamok ayaw akong ipakagat,


Todo asikaso kapag may sakit at lagnat,
Karga-karga niya ako palagi alintana aking bigat,
Sa pagmamahal, hinding-hindi ako sinalat.

Ako’y tinuruan ng magandang ugali at asal,


Kahit na mahirap, ako’y kanyang pinag-aral,
Upang di mapariwara ang aking buhay,
Diplomang matatanggap sa kaniya ko iaalay.

Walang hanggang pasasalamat aking iaalay,


Sa aking ina na walang hanggang gumagabay,
Sa lahat ng oras ay nagiging karamay,
Aking Ina na mamahalin ko habang buhay.

Patawad Ina kung minsan ako’y pasaway,


Mga sakit sa ulo na aking binibigay,
Pasensya sa mga araw na ako’y dumadabog,
Mga problema na aking minsan hinahandog.

Maraming salamat sa lahat aking ina,


Sa pag-aaruga at pag kalinga mula pagkabata,
Mahal na mahal kita, o aking dakilang ina,
Pangako ina, lahat ng pangarap ko’y aking tutuparin.

You might also like