You are on page 1of 5

KABANATA 13

ANG PAGKAMULAT SA BAKAS NG NAKARAAN

Nang nawalan na ako ng malay, hindi ko na alam ang mga nangyayari sa aking paligid. At
ang tanging naririnig ko na lamang ay isang boses nang umiiyak at mga maiingay na tunog
ng mga sasakyan at ng isang ambulansya. Dahil sa pag-alala ni Levi sa akin sa mga
pangyayari sa aming pinuntahan na pasyalan ay dinala niya ako sa hospital at tila
naguguluhan siya sa mga nangyayari sa akin. Habang tumatakbo ang sinasakyan naming
ambulansya may naririnig akong mga salita
“Love naman, gumising ka na huwag mo kong iwan mahal na mahal kita hindi ko alam ang
aking gagawin kapag mawawala ka sa akin” sambit niya.
At nang narinig ko na ang mga katagang iyon ay tuluyan na akong natulog.
Nang nakarating na ang ambulansya sa hospital ay dali-dali nila akong ipinunta sa ICU.
Akala ni Levi ay iiwan ko na siya ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay inilabas na nila ako
roon at ipinunta sa isang private room. Agad namang tinawagan ni Levi si Daddy at sa mga
kapatid ko.
“Hello Tito, (umiiyak) “. “Bakit iho napatawag ka? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?
Ha?” sunod-sunod na sabi ng Daddy ko. “Ti-tito, si Maeve” (umiiyak). “Bakit? Anong
nangyari kay Maeve? Anong nangyari sa anak ko? Dagdag pa niya rito. “Sasabihin ko na
lang mamaya tito, nasa hospital po kami ni Maeve dito po sa hospital ng Adams”sambit ni
Levi. “Sige pupunta na kami” sagot rin ng Daddy ko.
“What’s wrong, Dad?” sabi ng ate ko na si Ivy. “Ang kapatid niyo nasa hospital kailangan
nating puntahan siya” sabay sabi ni Daddy. “Anong nangyari kay Maeve, Dad?” dagdag ni
kuya Joash. “Hindi ko rin alam, kaya pwede ba huwag kayong tanong nga tanong, magbihis
na kayo kung gusto niyong sumama pero kung ayaw niyo ako na lang pupunta mag-isa”, sabi
ng daddy ko. “No, Dad!”, sabay sabi nina ate Ivy at kuya Joash. “Sasama kami gusto kong
makita si Maeve”, sambit ni Ive. “At ayaw rin naming mag-isa ka lang pupunta dad delikado
na ngayon lalo na’t tumatanda na kayo”sabi naman ni Joash. “Kung gayon tayo na at bilisan
natin dahil naghihintay na doon si Levi”sabi ni Daddy.
At dali-dali nang pumunta sina Daddy, ate at kuya sa hospital upang tignan ako. Buong
magdamag binantayan ako ni Levi. Hindi na rin siya kumakain hanggang sa dumating na sina
Daddy, ate at kuya ngunit dipa ako gumigising.
“Iho”, sabi ni Daddy pagkakita niya kay Levi. “Tito!” sagot ni Levi at bigla niya itong
niyakap. “Anong nangyari”? “Hindi ko po alam Tito, ang bilis ng pangyayari akala ko lang
guni-guni na lang niya ang mga nangyayari sa kanya kahapon ngunit hindi pala”, paliwanag
ni Levi.
“Diko gets, anong pinagsasabi mong guni-guni lang niya yun?”, sabay tanong ni Ivy. “Hindi
ko po alam ate, habang kami ay nasa bundok ay madalas na siyang nahihilo at sinasabing
masakit daw ang kanyak ulo pero lagi rin niyang sinasabi na kada nahihilo siya at sumasakit
ang kanyak ulo ay guni-guni na lamang niya iyon. At nang umuwi na sana kami at nadaanan
namin ang isang kubo doon at pagkatapos niya itong natanaw ay doon na siya nawalan ng
malay. At di ko na alam kung ano ang gagawin ko, kaya dali ko nalang dinala dito sa malapit
na hospital”, paliwanag pa ni Levi.
Yumuko si ate Ivy at tumingin kina Daddy at Kuya Joash. Habang nag-iisip si Daddy ng
paraan kung paano niya sasabihin kay Levi ang buong katotohanan tungkol sa akin ay bigla
nalang nagsalita si kuya.
“Dad, what if sabihin na natin ang totoo sa kanya ang tungkol kay Maeve”, sambit ni kuya
Joash. At narinig naman nito ni Levi na litong-lito na at gulong-gulo na sa mga nangyayari.
“Ano pong sasabihin niyo tungkol kay Maeve? “, tanong ni Levi kay Daddy. At sinundan pa
ito ng isang tanong ni Levi, “May lihim po ba kayo tungkol kay Maeve na hindi ko po
nalalaman?”. Napatingin nalang silang tatlong at nang sasabihin na sana ni Daddy ay pinilit
na binago ni Kuya Joash ang daluyan ng usapan. “A-ah-uhm, wa-wala iyon tol, hindi ganoon
ang ibig sabihin ng sinabi ko. Uhm, baka gustom ka tol gusto mo kumain muna? Kumain
tayo sa labas para naman may laman ang tiyan mo habang nagbabantay sa kapatid ko”.
Napaniwala naman ni kuya Joash si Levi. “Siguro nga kuya, Pasensyana po tito, ate at kuya
sa mali kong pag-iintindi”sambit ni Levi. At sabay na silang umalis sa Privage room upang
kumain sa labas. Sa bandang kabila, iniisip ni Daddy kung paano niya sasabihin ang totoo
kay Levi bago akong gumising. Ngunit sa di inaasahan ay mas lumala pa ang sitwasyon at
lumipas na ng ilang araw.
Pagkalipas ng tatlong araw na di pa ako gumigising ay nababahala na si Levi sapagkat
napakatagal ko na raw nawalan ng malay kung bakit raw umabot na ko sa tatlong araw. Kaya
naman lagi siyang nagmamakaawa sa mga Doktor na gagawin nila ang lahat ng kanilang
magagawa basta’t gumising lang ako.
Hindi na pumapasok si Levi dahil siya ang nag-aalaga at nagbabantay sa akin sa hospital.
Maging ako ay dina rin pumapasok dahil di pa ako gumigising. Ang lagi kong ginagawa noon
na halos pinaggugugulan ko sa buhay ay di ko na nagagawa. Habang minamasdan ako ni
Levi ay naglayag ang kanyang isipan sa aming nakaraan. Mga panahon at araw na kami’y
masaya pa, mga araw kung paano kami nagkakilala at nag-umpisang magkasintahan. At
habang nagbabalik tanaw siya sa aming nakaraan ay bigla na lang tumutulo ang kanyang mga
luha.
Hinawakan niya ang aking kamay at sabay sabing, “Maeve, miss na miss na kita kailan ka ba
gigising? Gumising ka na love” pagkasabi na’y sunod-sunod na ang pagtulo ng kanyang mga
luha. Sa kabilang banda, naririnig ko ang mga sinasabi ni Levi, kahit na gusto kong imulat
ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa sapagkat tila ba may pumipigil ba na ako ay
gumising. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman maging ang nangyayari sa aking
sarili na sa tingin ko ay parang nababaliw na ako ngunit hindi naman.
Bumisita sina Daddy at ate Ivy sa hospital, samantalang si kuya Joash ay hindi na sumama sa
pagbisita sa akin dahil may lakad siya at may gagawin din siyang importante kaya sina
Daddy at Ate na lang ang bumisita sa akin.
Nadatnan nila si Levi na umiiyak sa room na hawak-hawak ang aking mga kamay, at tila ba’y
biglang nakaramdam ng pagkirot sa dibdib si Daddy. Awang-awa na siya kay Levi gusto
niyang sabihin ang totoo ngunit naghihintay na lamang siya ng tamang tiyempo.
“Dad, alam kong nababahala kayo na sabihin ang totoo kay Levi ngunit siguro ang masasabi
ko lang ay habang maaga pa’y sana malaman na ni Levi ang totoo upang sa gayon ay mas
maiiintindihan na niya si Maeve sa kanyang kalagayan” sabi ni ate Ivy. “Huwag kang mag-
alala anak sasabihin ko rin sa kanya ang lahat bago gumising ang kapatid mo” sagot naman ni
Daddy. Nagyakapan sila at sabay ibinulong ni ate Ivy kay Daddy, “Hindi lang si Levi, alang-
alang na rin sa kabutihan ni Maeve dad”.
“Tito andyan na pala kayo” sabi ni Levi sabay punas sa kanyang luha sa kanyang mukha.
“Oo Iho, kamusta na siya? May improvement na ba siya na sinabi ng doctor?” sabi ni Daddy.
“Sa ngayon Tito nasa magandang kalagayan na po siya sabi ng doktor kanina, eh yon nga
lang ay hanggang sa ngayon ay hindi pa gumigising” sagot ni Levi kay Daddy. “Magandang
balita nga iyan at masaya ako na nasa mabuti siyang kalagayan” sabay ngiti ni Daddy sa
kanya. “Eh, ikaw ba kumain ka na ba?’ tanong ni Daddy. “Hindi pa tito pero nag-coffee na
ako kanina” sagot ni Levi. “Alam kong mahal na mahal mo ang anak ko ngunit huwag mo
naman sana hayaan na mapabayaan mo ang sarili mo at maging sa pag-aaral mo” sabi ni
Daddy. “Siguro nga po tama kayo, mahal na mahal ko po ang anak niyo at ang pagmamahal
ko sa kanya ay mas higit pa sa pagmamahal ko sa aking sarili. Kaya naman gagawin ko lahat
at ipinangako ko sa kanya na kahit anuman ang mangyari ay nasa tabi lang niya ako. Tawagin
niyo man akong baliw, ngunit seryoso po ako kay Maeve at kung mawawala man siya ay
parang hindi ko na kayang mabuhay sapagkat nasanay na ako na kasama siya” sagot naman
ni Levi kay Daddy na tila ba ay nakikilig at nakangiti na halos abot na sa kanyang mga
taenga.
“Alam naman namin yun Levi, kaya nga botong-boto ako sa’yo para kay Maeve eh. Ngunit
tama si Daddy kailangan mo ring magpahinga at alagaan ang sarili mo at lalong-lalo na ang
pag-aaral mo. Halos buong araw at magdamag kang gising, puyat at di pa kumakain! Alam
mo naman na ayaw na ayaw ni Maeve na dika kumakain at nagpupuyat. Siguro nga’t kung
gising siya magagalit sayo yun diba? Sabi naman ni ate Ivy kay Levi.
“Opo ate huwag po kayong mag-alala, kayang-kaya ko to alang-ala lang kay Maeve. By the
way pala ate tapos ko na po yung mga assignment, activities at mga research ni Maeve baka
puwede naman po pakibigay na lang po sa kaklase niya para maipasa at hindi niya bumagsak
kahit na ganito ang kalagayan niya. Alam naman natin na simula’t simula pa lamang ay ayaw
na ayaw niyang nababagsak at ni isa walang liban” sagot ni Levi.
“Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo sa anak ko, Iho” sabi ni Daddy
Niyaya ni Daddy na kumain sila sa labas ni Levi at pumayag naman siya. At ang naiwan at
nagbantay na lamang sa akin sa room ay si ate. Lumabas na nga sina Daddy at Levi. Habang
nasa loob sila ng kotse ay patuloy pa rin ang kanilang pag-uusap at habang sila ay nag-uusap,
nag-iisip na rin si Daddy ng paraan para masabi na ang tunay na kuwento sa likod ng aking
mapait na nakaraan at sinapit ng aming pamilya.
Nang nakarating na sila sa kanilang pupuntahan at doon nga sa isang hospital na medyo
malayo sa hospital. Ang restaurant nga ito at patok na patok sa mga taga-roon (Ilokano) dahil
sa masarap, mura, malinis at mga magagandang tanawin na iyong makikita sa paligid.
Napakatahimik din doon at napakabait ang mga empleyado maging ang kanilang
tagapamahala.
Pumunta sila sa isang gilid na kung saan ay abot tanaw mo ang imga bundok na
napakagandang pagmasdan. Umupo na sila at pumili na sila ang mga gusto nilang kainin, at
habang hinihintay nila ang kanilang pagkain ay dito na inumpisaan na sabihin ni Daddy ang
buong katotohanan. Mga totoong pangyayari sa aking nakaraan kung bakit ako
nagkakaganito.
“Levi, huwag ka sanang magagalit o mabibigla sa mga sasabihin ko” sabi ni Daddy. “Ano po
yun Tito?” tila ba magulumihanan na sagot ni Levi. “Tungkol ito kay Maeve” dagdag pa ni
Daddy.
Hindi na nakasagot si Levi dahil kitang-kita sa kanyang mukha na para bang nalilituhan siya
kung ano ang sasabihin ni Daddy.
“Alam kong litong-lito ka na at naguguluhan na. gusto kong sabihin iti hindi dahil dagdagan
pa ang sakit mong nararamdaman kundi para malaman mo ang katotohanan upang sa gayon
ay gumaan ang iyong pakiramdam” paliwanag ni Daddy.
“Hindi ko po kayo maintindihan, ano po ang tungkol kay Maeve na sinasabi niyo po? Ano po
ba ang lihim na iyan na di ko pa nalalaman?” sagot ni Levi. At ang sagot ni Daddy,
“Mayroong sakit si Maeve at hindi namin alam iyon, ngunit sabi ng mga pinuntahan naming
mga manggagamot ay nakuha niya raw ito sa kanyang labis na pagdadalamhati at
pagkalungkot noong pumanaw ang kanyang pinakamamahal niyang pinsan at ina. Na kung
saan ay hindi niya tanggap ang kanilang pagkawala nito at tila ba’y isinisisi niya ang kanyang
sarili kung bakit namatay sila.” Maalumanay na paliwanag ni Daddy kay Levi. “Ngunit
paano, kailan, at saan ito nangyari tito?” nababahalang tanong ni Levi. “Ang lahat ng ito ay
nagsimula dito sa Adams at sa lugar na inyong pinuntahang pasyalan ay doon nangyari ang
lahat ng trahedya na hindi inaasahan.” Sagot ni Daddy.
“Ngunit anong trahedya po ang nangyari?” tanong ulit ni Levi na para bang gusting-gusto
niyang malaman ang buong katotohanan. “Matagal na ang panahon ng lumipas kaya sa akala
namin ay okay na siya ngunit di naming alam na mas lumalala pa pala ang kanyang
nararamdaman at nararanasan. Awing-awa na ako kay Maeve kaya lagi kong ipinagdadasal
na sana ay mawala na ang mga gumugulo sa kanyang isip na sana ay matapos na ang
kanyang paghihirap at mapagaling siya ng Panginoong Maykapal.” Pagpapaliwanag ni
Daddy.
Ikinuwento lahat ni Daddy kay Levi ang buong pangyayari kung bakit ganoon na lamang ang
nangyayari sa aking na kung saan ay madalas na ako ay nahihilo at sumasakit ang ulo ko. Sa
una hindi agad naniwala si Levi ngunit kalaunan ay naniwala rin naman siya. Hindi niya
maisip kung bakit at kailangan pa na ako pa ang siyang nagdusa, nagpapakahirap at
makaranas ang mga iyon.
“Hindi ko mawari kung bakit sa kanya pa. Marami namang iba diyan na hindi sa kanya. Bakit
siya pa na napakabait, masipag, mapagpatawad at mapagmahal na tao. Bakit siya pa ang
nagdusa sa mga kasalanan na hindi naman siya ang may gawa. Bakit siya pa na walang
kalaban laban. Bakit! Bakit…….” Sunod-sunod na sabi ni Levi at bigla na naming tutulo ang
kanyang mga luhang di niya mapipigilan.
Tumingin ang ilang mga tao sa kanilang paligid. Tumayo si Daddy mula sa kanyang
kinauupuan at tumungo ito sa tabi ni Levi at doon pinatahan niya na hawak-hawak niya sa
likod nito. Nang kumalma na si Levi at bumalik si Daddy sa kanyang upuan at sakto namang
luto na ang kanilang order. Nagtinginan na lamang silang dalawa at kumain.
Sa kabilang banda, habang naglalakbay ako sa isang paraiso na napakaganda, napakatahimik
at napakagaan sa karamdam ay mayroon akong nakitang isang babae na nakatalikod na para
bang naglalaro at naririnig ko ang kanyang boses. tila ba parang nakikilala ko ang boses na
iyon. Parang napakalapit niya lang sa akin ang babaeng iyon, na pakiramdam ko ay mayroon
na kaming pinagsamahan na gustong-gusto kong balikan ngunit hindi pwede. Habang
papalapit na papalapit na ako sa kanya ay mas lumalakas ang boses na aking naririnig.

You might also like