You are on page 1of 10

BAKASYON NA NAUWI SA REBELASYON

Hapon na at pauwi na kami ni lorie, dito kami dumaan sa short-cut. Nakakatakot nga lang
dahil ang daming puno at ang tataas pa. Kaya medyo madilim na, palubog na din kasi yung
araw. Mas mabilis daw kung dito kami dadaan, pero kanina pa kami nag-lalakad hindi pa rin
kami nakaka-alis dito.
______________________
Walang mga bahay bahay dito.
Tuluyan na nga kaming inabot ng dilim dito, natatakot na ako sobra, Tanging liwanag lang ng
buwan ang nag-bibigay ng liwanag sa amin para makita ang daan. Napaka-tahimik ng buong
paligid.

“lorie malapit na ba tayo? Kanina pa tayo dito, natatakot na ako.” Ako.


Tahimik lang sya at patuloy lang sa pag-lalakad. Parang may kakaiba, hanggang sa...
________________________________________________________________________
Nandito ako sa kwarto ko at nakahiga. Gabi na naman, haysst, hindi Ko pa din malimot limot
yung mga nangyari nung gabing yun. Akala ko mamatay na ako pero ito buhay pa din.
Mahigit isang taon nung nangyari samin yun. Iniisip ko, pano kaya kung maulit yun?
Mabubuhay pa kaya ako. Syempre hindi na yun mauulit, kalokohan. Pero nakakatakot.
Nakakatakot yung mga nangyari, nakita mo kung pano mamatay yung mga kasama mo sa
harap mo. Ayokong maulit yun. Bakasyon ngayon, wala kaming mga pasok. Nag-pa-plano sila
kung saan magandang pumunta, ewan ko nga Kung sasama ako eh. Nag-iisip pa ako at saka
nag-pa-plano pa naman sila.

Nag-open na lang ako sa messenger dahil wala akong magawa.

“Babe? Tulog ka na ba?” Si Dwen.


“Hindi pa, ikaw tutulog ka na? Kumain ka na ba?” Ako.
“Hindi pa, Oo kakatapos ko lang, ikaw kumain ka na?” Si Dwen.
“Oo kanina pa.” Ako.
“Babe sasama ka ba?” Si Dwen
“Saan?” Ako.
“Mag-babakasyon daw tayo doon sa lola nina Kai, sasama ka? Sina Red at Aiden kasama, pati
yung iba.” Si Dwen.
“Kelan daw ang alis?” Ako.
“’Sa Monday, ano sasama ka? Lpag-papa-alam kita kay na tita, Sigurado naman akong
papayag, hindi lang naman ito ang una nating napuntahan, ang dami na nating nagalaan,
pinayagan ka Naman diba.” Si Dwen.
“’Sige po.” Ako.
“Bukas pupunta ako dyan, mamili na rin tayo ng mga dadalhin natin, pati yung ibang mga ka-
kailanganin natin.” Si Dwen.
“Sige po, saan ba tayo doon? Anong gagawin natin doon Pag-dating” Ako.
“Sabi nila camp daw sa tabi ng ilog, overnight daw doon sa gubat, Parang kagaya nung
pinuntahan natin.” Si Dwen
“Ahh okay, may ilog pala doon.” Ako.
“Ahh oo nga daw.” Si Dwen
“Sige na babe tutulog na ko, bukas na lang, i love you.” Ako.
“Sige po, i love you more, sleep well, sweet dreams.” Si Dwen.
“Babye mwaaah!” Ako.
--------------------------------------------------------------------
Kinabukasan, nandito na ngasi Dwen at pinag-paalam ako, pumayag naman sila. Kaya ito
papunta na kaming mall, ewan ko kung anong bibilhin namin, siguro pagkain, linggo na kasi
ngayon, bukas lunes na.
Yung iba daw namimili na din eh, share share na lang daw Pag-dating doon. Nasa mall na
kami at nag-iikot ng biglang may nag chat, si Jeralene.
Sabi nya na wag na daw kami bumili ng frozen foods, doon na lang Daw kami bumili pag
dating kasi malayo daw yung byahe namin.
Nag okay na lang ako, bibili na Sana kami ng hotdog at fries eh. Marami yata kami ngayong
mag-babakasyon. Kasama yung ibang pinsan ni Kai, yung mga kaibigan ni Jeralene. Sana
maging ka close Ko agad sila.
Wala naman na kasi akong pwede isama eh. Ang layo naman kasi ng Bahay nina Jennie, pag
yun niyaya ko sasama yun. Pwede naman Na sa bahay na sya matulog ngayon para bukas
kasabay na namin Syang pupunta kay na Kai. I chat ko nga.
“Jennie?” Ako.
“Oy Alexa, na pa chat ka?” Si Jennie.
“Gusto mo sumama bukas, bakasyon tayo isang linggo, madami Kami, sasama ka ba?” Ako.
“Biglaan naman, pero sige, bukas na agad pano yun?” Si Jennie.
“Pupuntahan ka namin dyan ni Dwen bago mag-tanghali para sa bahay ka na lang matulog.
Mag ayos ka na ng mga dadalhin mo Kami na bahala sa pag-kain.” Ako.
“Sige sige, kaya pala ako binigyan ni Papa ng 5k kasi mapapasama Ako sa inyo, hahaha.” Si
Jennie.
“Hahaha sige na, mag ayos ka na.” Ako.
“Sige bye” Si Jennie.

Patuloy lang kami sa pag- ikot hanggang sa nakumpleto na namin Yung mga bibilhin namin.
Padiretso na kami ngayon kay na Jennie.

ANGELA
Nasa van kami ngayon, nag-gagala kami ng mga kaibigan ko, may
Pupuntahan kasi kaming resort. Dito na kami dumaan sa short-cut para mabilis.
Ang layo na ng tinakbo namin pero hindi parin kami nakakalabas Dito, gubat lang kasi buong
paligid, tas isang kalsada lang, isang Sasakyan lang ang makakadaan, wala pang mga bahay
bahay. Parang pabalik balik kami, tinandaan ko na yung puno na yun, pero Dina-anan ulit
namin. Imposible namang may kaparehas yun.

“Akala ko ba short-cut tong dina-anan natin, eh bakit wala pa rin?” Si Jhiciel.


“Kanina pa tayo dito.” Si Cleo.
“Sana sa highway na lang tayo dumaan, nakakatakot eh.” Si Harvey.
“Parang pabalik-balik lang tayo ng dinada-anan.” Ako.
“Wag ka ngang manakot ng ganyan.” Si Jhiciel.
“Hindi ako nananakot, nag-sasabi lang ako ng totoo.” Ako.
“Tama na nga, makaka-alis tayo dito.” Si Lester kaya natahimik Kaming lahat. Bakit kasi dito
pa dumaan.
“Okay ka lang?” Si Calvin na katabi ko.
“Oo, ikaw?” Ako.
“Okay naman, napansin mo din pala na pabalik balik tayo kanina Pa.” Si Calvin.
“Oo, ano ng gagawin natin?” Ako.
“Guys? Kung bumalik na lang kaya tayo?” Si Calvin.
“Huh? Bakit pa babalik?” Si Jhiciel.
“Ang layo na ng tinakbo natin oh.” Si Lester.
“Oo nga.”’ Si Harvey.

Natahimik naman si Calvin.

“Na engkanto na yata tayo.” Si Calvin.


“Natatakot ako” Ako.

Kami lang ni Calvin ang nakakarinig sa pinag-uusapan namin.


“Tinatakot lang tayo nyan, wag kang mag- alala, makaka-alis din Tayo dito.” Si Calvin.

Tiningnan ko yung celphone ko. Walang signal. Inabot na kami ng hapon dito pero hindi
parin kami nakakalabas sa short cut nato. Hanggang sa biglang tumigil yung van na
sinasakyan namin.

“Anong nangyari?” si Harvey.

Yung puno nakaharang sa dada-anan namin. Isang malaking puno.


“Sinasabi ko na eh, kung kanina pa tayo bumalik, edi sana naka-alis
Na Tayo dito.” Si Calvin,

Napatingin kaming lahat sa kanya.

“Kasalanan pa namin, hindi naman natin ginusto to eh.” Si Jhiciel.


“Bumalik na lang tayo.” Si Cleo.
“Oo nga, bumalik na lang, baka abutin pa tayo ng gabi dito” Si
Harvey.
Inikot na ni Lester yung van. Sana maka-alis na kami dito.
Kasalanan ko to eh, sana hindi na lang kami dito dumaan. Natatakot din ako, palubog na
yung araw eh. Tapos paubos pa yung Gas, ayokong sabihin sa kanila dahil baka mag panic
sila. Tapos kanina may nahagip yung mata ko na babaeng nakaitim na Nakatayo sa gilid ng
puno nung inikot ko yung van. Sana guni guni ko lang yun. Pagod lang siguro ako.
TO BE CONTINUED...
__________________________________________
Gabi na at nandito na kami sa bahay, kumakain na kami nina Jennie, Dito na din matutulog si
Dwen, kinuha na nya yung mga gamit nya sa kanila.

“Excited na ko bukas.” Si Jennie.


“Agahan nyo yung gising, dahil malayo pa yung byahe natin.” Si Dwen.
“Kayong tatlo ay mag-iingat ha, wag kung saan punta ng punta, Ito Alexa oh, rosaryo para
gabayan kayo ng diyos kung saan kayo Mag-punta at hindi kayo mapahamak” Si Mama at
kinuha ko Naman yun sa kanya.
“Mag iingat kayong lahat bukas, Dwen ayusin ang pag-da-drive!” si Mama.
“Opo Tita!” Si Dwen.

Tumaas na ulit si Mama. Kami namang tatlo nag-patuloy lang sa Pagkain.

JERALENE
“Tapos ka na ba d’yan? Maaga pa tayo bukas.” Si Kai.
“Patapos na din to, matulog ka na.” Ako.
“Sabay na tayo.” Si Kai.
“Sayang hindi pwedeng isama si John Fred.” Dugtong pa ni Kai.
“Oo nga eh.” Ako.
“Tapos na ko dito, matulog na tayo.” Dugtong ko pa.
“Tara na sa kwarto.” Si Kai.
“Tulog na ba sila?” Ako.
“Oo, I love you baby!” Si Kai.
“I love you more baby.” Ako.
Agad naman akong hinalikan ni Kai.

“Ang sweet mo ah.” Ako.


“Syempre, lagi na lang kasi akong busy, di na ko nakakabawi sayo.” Si Kai.
“Okay lang yun, I love you.” Ako at niyakap sya.
“I love you so much.” Si Kai.
Pumunta na nga kami sa kwarto at natulog.

ANGELA
Inabot na nga kami ng gabi dito, nakipag-palit ako ng pwesto kay Calvin dahil ayaw ko na dito
pumwesto sa may bintana.
“Guyss?!” Si Lesterat natataranta.
“Bakit?” Si Jhiciel.
“Anong nangyari?” Si Harvey.
“Ayaw gumana nung preno!” Sigaw ni Lester.

“Ano?!” Sabay sabay naming sigaw. Hanggang sa tuluyan na ngang bumangga yung
sinasakyan naming Van sa isang puno. Nawala yung ilaw kaya dumilim. Kinover ko agad yung
ulo ko kaya hindi ako masyadong nasaktan.

“Ayos ka lang ba?” Si Calvin.


“Oo, ikaw?” Ako.
“Okay lang din.” Si Calvin.
“Yung iba? Okay lang ba sila? Natatakot ako.” Ako.
“Wag kang maingay, may tao sa labas.” Si Calvin.
Gusto ko ng umiyak dahil sa sobrang takot nanginginig na yung mga Kamay ko.
Nakita kong bumukas yung pinto sa unahan kung saan naka-pwesto Si Lester, agad syang
kinuha nung lalaking medyo matangkad At malaki yung katawan, hindi ko makita yung
mukha nya dahil Madilim. Hindi nag-tagal si Cleo naman yung nilabas nya sa Sasakyan. Wala
silang mga malay, kami lang ni Calvin ang meron.
Ano bang nangyayari? Ano ng gagawin namin. Maya maya pa bumalik na sya at kinuha si
Jhiciel.

“Tara na bumaba, 5 minutes bago sya bumalik.” Si Calvin.


“Pero pano sila?” Ako.
“Mamaya na natin sila isipin, kailangan na nating umalis dito at Humingi ng tulong, babalikan
natin sila.” Si Calvin.
“Hintayin nyo ko.” Si Harvey.

Mabilis akong lumabas ng van, sumunod si Calvin, sumunod naman Sa kanya si Harvey. Nasa
labas na kami at sobrang dilim, tanging liwanag lang mula sa Buwan ang nag-bibigay ng
liwanag sa paligid.

“Umalis na tayo dito.” Si Calvin.


“Ano ng plan-“ Si Harvey at bumagsak sa kalsada ang katawan nya, Hinampas sya nung lalaki
sa ulo, may suot syang maskara, kaya Hindi makita yung mukha nya.
“T-tulong! W-wag nyo akong i-iwan!” Si Harvey at nagapang Papalapit samin ni Calvin.
“Umalis na tayo dito.” Si Calvin at agad akong hinawakan sa kamay.

Tumakbo na kami papalayo sa kanila, pero nakatayo lang yung


Lalaki at pinapanood kami.

“Hindi nya tayo hinahabol.” Ako at patuloy lang kami sa pag-takbo. Tumatakbo pa din kami,
pero kagaya nung kanina hindi parin kami Maka-alis dito.
Napatigil si Calvin sa pag-takbo na ikinagulat ko. Nakatulala sya sa harap namin. Agad akong
tumingin doon at Isang nakaitim na babae ang nakatingin samin. Nanginginig na Kaming
dalawa sa takot, nabato na kami at hindi alam ang gagawin.

Nakakatakot yung mukha nya. Para syang sinunog. Biglang may bumusina sa likod namin,
kaya agad kaming Napalingon doon.
Muli akong humarap, ngunit wala na yung babaeng nakatayo at nakatitig samin kanina.
“ Ayan yung lalaki kanina, dito tayo.” Si Calvin at tuluyan na nga Naming pinasok yung gubat.

Pakinig pa namin yung busina ng sasakyan, patuloy lang kami sa Pag-takbo para makalayo sa
may kalsada. Natatakot na ako, ano bang nangyayari?

“Calvin? Saan na tayo pupunta?” Ako.


“Kailangan muna nating mag-tago.” Si Calvin.

Inabot na kami ni Calvin ng umaga sa pagtatago. Hindi parin kami Nakaka-alis sa gubat na to.
Ang tataas ng puno tapos sobrang lamig Pa. Puro huni ng ibon ang maririnig mo.

“Calvin?” Ako.
“Bakit? May problema ba? Okay ka lang?” Si Calvin.
“Ahh oo, ang tahimik kasi natatakot ako, saan natin sila Hahanapin?.” Ako.
”Babalikan natin yung sasakyan, baka malapit lang sila doon” Si Calvin.
“Pero pano pag nandoon yung lalaki?” Ako.
“Ako na bahala.” Si Calvin, napatango naman ako.

ANGELA

Habang tumatagal kami sa gubat at padami ng padami ang Mga puno, mas lalong
nakakatakot. Nakakaramdam na din Ako ng gutom pero hindi ko na alam kung ano bang
dapat kong Maramdaman, naghalong takot at kaba.
Hanggang sa nakakita kami ng batong bakod medyo mataas ito at Kita sa dulo yung malaki at
lumang bahay. Mataas na ang mga damo Dito. Nagulat ako ng biglang tumigil sa pag lalakad
si Calvin at nag sign Sya na wag maingay.

“B-bakit?” Dahan dahan at mahina kong pagtatanong.


“May lalaki, ayun yung lalaki kagabi, ibig sabihin dito nya dinala sina Lester:” Si Calvin.

Tuluyan na ngang lumabas yung lalaki sa mataas na gate at Mukhang nag-mamadali. Rinig
mula dito ang pag-bukas non. Tuluyan na syang nakalayo.
“Ano ng gagawin natin?” Ako.
“Papasok tayo dyan.” Si Calvin.
“Pero-“ Ako.
“Ako bahala” Si Calvin.
Dahil may tiwala ako sa kanya, at kailangan ng tulong ng mga Kaibigan namin, tuloy lang.
TO BE CONTINUE.
--------------------
ANGELA
Nandito na kami sa may tapat ng mataas na gate. Naka-padlock yun Kaya hindi ko alam kung
paano kami makakapasok. Aakyat na lang Siguro, pero hindi parin nawawala yung kaba sa
dib-dib ko.

“Aakyat tayo, ako na mauuna.” Si Calvin.


“Pano pag dumating yung lalaki?” Ako. Kabadong kabado ako.
“Kaka-alis pa lang nya, wag kang kabahan, parang hindi tayo Umaakyat sa bakod ah, parang
magnanakaw lang tayo.” Si Calvin.
“Pero iba to eh-“ Ako.
“Makinig ka Angela, parang kagaya lang to ng ginagawa natin Nina Lester, nag-nanakaw tayo,
aakyat sa bakod, lalaban, Makikipag-bugbugan kung kina-kailangan!” Si Calvin.

Oo ganon yung ginagawa namin. Nag-aakyat kami sa mga bakod, Nag-nanakaw, sanay din
kami makipag-away. Sanay kami sa Takbuhan pag hinabol kami ng mga pulis. Pero yun
parang Wala lang, pero dito kinakabahan ako sobra. Hindi naman kami Pumapatay,
nananakot lang. Parang binalik yun samin. Lalo na Kagabi. Pero sa ngayon kailangan muna
naming maka-alis lahat dito.
Nag-simula na ngang umakyat si Calvin. Aakyat na sana ako pero sa di kalayuan isang babae
yung papalapit sa akin.

“Sino ka?” Sino kayo?!” Sya at biglang taas ng boses na mas ikinabang dib dib ko. Hindi
naman sya matanda, hindi naman sya bata, Kasing edad ko lang din.
“Nasaan yung mga kaibigan namin?” Pagtatanong ko.
“Ahh, kayo pala yung nakatakas, pwes ngayon hindi na kayo Makakatakas.” Sabi nya na
ikinagulat ko, bigla syang nag-labas ng Pocket knife. Hindi pa ako nakakaranas ng ganto pero
sina Calvin, Oo yata.

Hanggang pananakot lang ako at pang-tututok ng pamalo. Pero iba Na to.

“Angela tumakbo ka na!” Rinig ko pang sigaw ni Calvin. Pero nabato Lang ako sa
kinatatayuan ko. Si Calvin sinusubukan naman nyang Tumaas pero hindi ko na alam Bigla ko
na lang hinawakan yung kamay nya at pilit na inaagaw Yung pocket knife sa kanya. Pinipigilan
naman nya akong gawin Yun kaya agad ko syang tinulak dahilan para matumba sya. Tuluyan
Na ngang naka-akyat si Calvin at agad syang lumapit sa akin. Sakto Namang nandyan na din
yung lalaking kumuha kay na Lester Kagabi.
“Angela tumakbo ka na, humingi ka ng tulong at bumalik ka Dito” Mahinang sabi sakin ni
Calvin kaya mabilis akong tumakbo Papalayo sa kanila. Hindi ko na alam kung anong nangyari
sa kanila basta tumakbo na Lang ako ng mabilis.

***************TO BE CONTINUED***************

Ipinasa ni:
Renemund A. Limpin
Grade 9 Amethyst.
Student Ipinasa kay:
Bernadith Nierva Zamora
Teacher

You might also like