You are on page 1of 1

!!

If you come back


by xxakanexx

Once
2.7K 601 a 308

by xxakanexx

Look at me 3

Mcbeth Lemuel Arandia's 8

Ilang oras na akong tulala. Nakaupo lang ako sa


kama namin ni Pia habang nakatitig sa bakanteng
closet sa harapan ko. Wala na ang mga damit niya.
Wala na ang mga maliit niyang gamit, wala na ang
mga libro niya sa bedside table – wala nang bakas ni
Pia sa bahay na ito. 2

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung


paano ko siya babawiin. Mahal ko siya, alam kong
totoo iyon pero alam ko ring madalas ko siyang
masaktan kasi wala, gago ako period. Sinubukan ko
naman talagang magbago, pero pakiramdam ko
noon, hindi naa-appreciate ni Pia lahat ng
pagbabago ko. Hindi siya natutuwa kapag binibigyan
ko siya ng regalo o kapag inaalala ko siya, hindi na
siya madalas ngumiti sa akin, hindi niya naibalik ng
buo ang tiwala niya sa akin. 3

Alam kong kasalanan ko iyon. Hindi ko naman siya


sinisisi. Wala akong sinisisi kundi ang sarili ko.
Walang ibang may kasalanan nito kundi ako lang.

Pinahid ko ang luha ko. Wala rin akong karapatang


umiyak dahil ako naman ang may kasalanan nito. I
chose this for myself. It was my choice and it hurt her.
I broke my Pia. I broke her. 2

Umuwi ako sa bahay ng mga magulang ko.


Sinalubong ako ng maids para sabihing wala si Mom
at Dad dahil umuwi sila ng Bulacan. Hindi ako
nagsalita, pumasok lang ako sa loob ng bahay pero
hindi pa ako nakakapasok nang tuluyan ay may
humatak sa polo ko palabas noon. Nagulat ako –
tinapon ako sa lupa at nang lumingon ako, nakita ko
si Kuya Paolo. Galit na galit siya.

"Putang ina ka!" Sigaw niya sabay kuwelyo sa akin.


"Gago ka talaga!" Wala akong ginawa. Sinuntok niya
ako sa mukha. Nakita kong patakbong gumitna si
Yves sa aming dalawa. "Tang ina ka!" Sigaw ni Kuya
Paolo sa akin. Lumuluha ako ng tahimik. "Kung gusto
mo palang maglandi, Mcbeth, magpakalalaki ka!
Hiwalayan mo!" 6

"Tama na, Pao!" Sigaw ni Yves.

"Isa ka pa!" Dinuro niya si Yves. Natahimik kami


pareho. "Mga gago! Ang kapal ng mukha mo, Mcbeth.
Kapag nabalitaan kong nilapitan mo pa ulit si Pia,
sasaktan kita iyong sakit na maoospital ka kahit
itakwil pa ako ni Daddy!" 10

"Bakit ba si Pia ang kinakampihan mo? Ako ang


kapatid mo!"

"Kapatid kita oo, pero hindi ibig sabihin sasama ako


sa'yo pati sa kagaguhan mo. Lahat tayo may kanya –
kanyang kagaguhan Mcbeth. Lahat tayo
nagmamahal, swerte kayo ni Yves, andyan iyong
inyo, iyong akin, wala na, kaya hindi ko
maintindihan, bakit hindi ninyo alagaan? Mga gago
kayo!" Dinuro ako ni Kuya. "H'wag na h'wag kang
lalapit kay Pia!" Sinapak na naman niya ako bago
siya umalis. Itinayo ako ni Yves. 16

"Umayos ka. Gagamutin kita." Narinig namin ang


pagharurot ng kotse ni Kuya Paolo. Hindi ko na
tinanong kung saan siya pupunta. Mahirap na, baka
masapak na naman ako, although I deserve it, ayoko
na muna, ngayong wala si Pia, lahat sa akin masakit.

Nilapatan ako ni Yves ng unang lunas. Nilagyan niya


ng yelo ang labi kong pumutok.

"Pet ni Kuya si Pia, kaya pagpasensyahan mo na.


Tumawag si Kuya Peter kagabi, nag-aalala kasi hindi
raw ma-contact si Pia. Hinanap niya, ayon..."

"Sa-saan niya nakita?"

"Sa may Jones Bridge. Nag-iiyak. Ikaw kasi. Bakit


nambabae ka na nga binuntis mo pa."

"Wala naman..." I said. "Hindi ko alam na buntis..."


Hindi ko naman talaga alam. Baka nga hindi pa sa
akin iyong batang iyon dahil hindi lang naman ako
ang nakaka-date ni Nancy. Nakilala ko si Nancy sa
isang bar minsang lumabas kami nila Edmund. Hindi
siya tulad ng ibang mga babaeng nakikipaglandian
sa akin. Disente siya. 13

Napabuntong – hininga si Yves.

"Anong balak mo?"

"Hindi... hindi ko alam. Kuya..." Napaluha ako. "Wala


na si Pia. Kinuha niya na lahat ng gamit niya. Nilimas
niya lahat ng laman ng bookshelf niya. Hindi na
babalik si Pia." I cried like a little boy. Alam ko,
ramdam na ramdam ko, hindi na babalik si Pia. Wala
na si Pia.

Niyakap ako ni Yves. 2

"Tumahan ka. Para itong bata." Yumakap pa ako kay


Yves. Tinapik – tapik pa niya ang balikat ko.
Mayamaya ay humagulgol na ako.

"Kuya, wala na si Pia. Sinaktan ko si Pia. Kuya..."

"Ulol." Tanging nasabi ni Yves sa akin. 10

xxxx

"Putang ina ka!"

Tinanggap ko ang sapak ni Kuya Peter. Deserve ko


iyon. Nasa may harap ako ng bahay nila Pia,
nagpunta talaga ako roon para makiusap sa kanya na
sabihin sa akin kung nasaan si Pia pero sa halip na
sagutin niya ako ay sinapak niya ako. Napasigaw ang
fiancée niya at si Mommy Tess – ang stepmom nila ni
Pia. Hinataw niya ako ng suntok hanggang sa
makarating kami sa may puno ng acacia sa may park
sa tapat ng bahay nila.

"Napakawalang – kuwenta mo, Mcbeth! Putang ina


ka!" Sigaw lang siya nang sigaw. Alam kong naririnig
kami ng ibang tao kaya't ganoon na lang ang
pagtingin nila sa kinatatayuan ng kapatid ni Pia.
Hindi ako lumaban, wala akong karapatan. Hindi ako
nasaktan ni Pia ng pisikal, siguro ito ang ganti ng
mundo sa akin. "Ang kapal – kapal ng mukha mong
magpunta dito!"

"Peter, tama na. Nagdudugo na ang mukha ni


Mcbeth." Sabi ni Ria. Pero hindi ako tinigilan ni Peter.
Tinanggap ko lahat ng iyon. Mayamaya ay may
umawat sa amin. Nakilala ko ang magkapatid na
Sandoval. Iyong isa ay hinatak si Peter palayo, iyong
isa ay tinayo ako.

"Hoy, tama na. Hindi patas, hindi naman lumalaban


iyong isa."

"Talang dapat hindi siya lumaban!" Sigaw ni Peter.


"Ginago niya si Pia, Japet! Ang kapal ng mukha!
Nambabae na, nambuntis pa! Hindi na siya naawa sa
kapatid kong walang ginawa kundi ang
magpakatanga sa kany! Putang ina ka! Mamatay ka
na, Mcbeth!" 2

"Tang ina!" Sabi ni Japhia. "Talaga ba, Mcbeth? Ang


kapal mo rin ha! Sige, Bal, hawakan mo! Pasapak
lang ng isa!" Nagulat ako nang suntukin ako ni Japet
pero hindi ako lumaban. Iniisip kong bawat suntok
na nakukuha ko ay galing kay Pia, baka sakaling
mabawasan ang galit niya sa akin. 8

"Gusto ko lang makita si Pia." Wika ko sa kanila pero


hindi nila ako naririnig. Tinigilan lang ni Peter at
Japhia ang pagsuntok sa akin nang sumigaw ang
Stepmom nila Pia. Nilubayan ako ng dalawa.
Binitiwan ako ni Eli. Umalisn si Peter at Japhia pero si
Eli, sinakay niya ako sa kotse nila at inihatid sa bahay
namin.

"Pasensya ka na, Tol. Galit si Japet sa mga babaero.


Loyal raw kasi siya kay Aswell noon pa." Nagawa
pang ngumiti ni Eli sa akin. "Dito na iyong bahay
ninyo."

"Gusto ko lang makausap si Pia." Wala akong ibang


bukambibig. Napatingin ako kay Eli. Napapailing
siya.

"Pare ha, alam ko masakit iyang mukha at katawan


mo, pero intindihin mor in kung bakit umalis hindi
nakikipag – usap si Pia sayo. Hindi ko alam ang
istorya ninyo pero nakita kita minsan, hindi lang
iisang beses kitang nakitang may kasama iba tapos
makikita ko kasama mo ulit si Pia. Siguro hinahanap
ni Pia iyong sarili niyang nawala noong minahal mo
siya. Baka nawala na iyong respeto niya sa sarili niya
dahil sa nangyayari sa inyo at kung aalis man siya o
kung umalis man siya, dapat lang iyon, Pare. Kung
wala kang respeto – dahil naniniwala akong walang
respeto ang mga babaerong tulad mo sa mga
babaeng sinasaktan nila – sana magbigay ka ng awa.
Awa na lang , Pare, baka sakaling kapag binigay mo
iyon, makalaya siya kahit paano." 12

Kumatok si Yves sa kotse, binuksan ni Eli ang


sasakyan at inalalayan na ako ng kapatid ko pababa
roon. Nagpasalamat si Yves sa kanya at pumasok na
kami ng bahay.

"You can't keep on doing this, Mcbeth." Wala akong


naririnig, ang isip ko, gusto ko lang makita si Pia
gusto ko siyang makausap. 3

xxxx

Dalawang linggo pa iyong lumipas, gumagaling ang


mga pasa ko, tinigilan ko ang gabi – gabi pag – inom.
Tinigilan ko ang pagsama kina Edmund. Ayoko
muna. Mas gusto kong hanapin si Pia, pero kahit
isang tao sa partido niya ay walang may gustong
magsabi sa akin at naiintindihan ko iyon. Hindi lang
iisang beses ipinamukha sa akin ng Tatay ni Pia kung
gaano ako kagago. Hindi raw sapat na tanggapin ko
ang lahat kasi sobrang nasaktan si Pia.

Hindi ko rin maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ko


ginagawa iyon. Sigurado akong mahal ko siya, pero
pakiramdam ko kasi may kulang. Oo, may kulang,
may hinahanap ako. Siguro dahil na rin sa tagal
naming dalawa. Alam kong gusto ko si Pia, kasama
siya sa lahat ng pangarap ko, kasama siya sa lahat ng
plano ko pero hindi ko maalis sa isipan ko at sa
damdamin kong medyo naiinip ako sa aming dalawa. 6

Parang naging habit na lang iyong sa amin ni Pia,


naging routine. Nakasanayan na lang at nakakainip
ang mga bagayb nan paulit – ulit. Alam kong kapag
narinig ako ng mga tao sasabihin nilang gago ako –
gago na kung gago, alam ko naman iyon, mababaw
nga ang dahilan ko. Tuwing maiisip kong mawawala
si Pia sa akin, natatakot ako, gusto kong tumigil pero
tuwing maiinip ako, uulit ako. 14

Nakikita kong nasasaktan ko siya, nagagalit siya,


susuyuin ko siya, tatanggapin niya ako, magtitino ako
– saglit – pero uulit ako kasi nakikita kong
tinatanggap niya ako. Maling – mali iyon. Nakita ko
kung paano pikit mata niyang tinanggap lahat ng
panloloko ko, nakita kong unti - unti niyang ibinaba
ang sarili niya para lang sa akin, nakita kong unti -
unti at dahan – dahang nawawala ang Pia na minahal
ko noon. 1

At kasalanan ko lahat iyon.

"Pia..." Napaawang ang mga labi ko nang makita ko


siya. Nasa grocery ako kasama si Yves. Namimili siya
ng mga kung ano – ano para sa condo nil ani Lauren.
Wala raw ito ngayon, nasa Palawan at gusto ni Lauren
na pag- uwi niya malinis ang bahay at may laman ang
ref at mga cupboards nila. Isang taon nang live in ang
kapatid ko at ang girlfriend niya, nabawasan na ang
pagbe-break nila o baka hindi lang sinasabi sa akin ni
Yves.

"Pia..."

"Mcbeth!" Tinawag ako ni Yves pero hindi ako


lumingon. Si Pia iyon, nakita ko si Pia. May tulak –
tulak siyang cart. Mabilis ang mga paa kong tumakbo
para hanapin siya.

"Pia! Pia!"

At natagpuan ko siya. Nakatayo siya sa may tapat ng


mga cereals at tila nag-iisip ng kung anong bibilhin.
Tumibok nang mabilis ang puso ko nang makita siya.
Ganoon pa rin siya, mahaba ang buhok, maganda pa
rin, pero sobrang pumayat siya ngayon.

"Pia." Tinawag ko siya. Tumingin siya sa direksyon ko


at ganoon na lang ang pagsakit ng puso ko nang
makita kong nag-unahan agad ang mga luha niya sa
pagpatak. Ang itim ng ilalim ng mga mata niya,
maputla si Pia at namumugto ang mga mata.
Tinalikuran niya ako.

"Pia!" I grabbed her arm pero buong lakas niya akong


tinulak.

"Ayoko na, Mcbeth." Sabi niya. "Pabayaan mo na


ako."

"Pia, mag-usap tayo. Aayusin ko na. Ayoko ng ganito.


Ayoko ng wala ka." Hinawakan ko ulit siya.

"Bitiw." She hissed. "Bitiw." Bigla siyang humagulgol,


iyong malakas, iyong parang pagod na pagod. "Ayoko
na, Mcbeth." Sabi niya. "Tama na. H'wag mo na
akong saktan." Para siyang nauupos na kandilang
napaupo sa sahig. Iyak siya nang iyak. Nakatingin ako
sa kanya at naluluha rin.

"Tama na!" Sigaw niya. "Hindi ka pa bat apos? Kulang


pa ba? Dapat ba mas masakit pa? Lahat na! Lahat na
Mcbeth! Nilunok ko, tinanggap ko lahat! Ano pang
kulang!" Humahagulgol siya habang sinasabi iyon.
Awang – awa ako.

"Ano? Kailangan ba makita ulit kita sa akto na may


ka-sex kang iba? Gusto mob a ivideo ko pa kayo?"

Hindi siya ganito...

Ang gago – gago ko. 1

Lumuhod ako para itayo siya but she pushed me


away. Napaupo ako. I ended up just looking at her.
Iyak siya nang iyak. Niyakap niya ang tuhod niya at
umiyak nang umiyak. 1

"Bakit... bakit?" Mahina iyong boses niya pero


malinaw ko siyang naririnig. "Ano... ano bang mali
ko?" She sobbed. "Minahal lang naman kita...bakit...
bakit mo ako ginaganito?" 3

"Mahal kita, Pia. Sana maging sapat iyon." She shook


her head. 4

"Do... do you see me?" She asked. "Look what you


did to me. Hin... hindi naman ako ito, Mcbeth..." Iyak
lang siya nang iyak. "Ayoko ng ganito ako..."

"Pia, I'm so sorry. Umuwi na tayo. Ayusin natin ito." 3

"AYOKO!" Sumigaw siya. "H'WAG MO AKONG


HAWAKAN!" 1

Nagtipon na ang mga tao sa paligid. Pinagtitinginan


na kami. Iyak nang iyak si Pia hindi ko alam ang
gagawin ko.

"Mcbeth!" Natagpuan ako ni Yves. "Tang ina! Ano na


namang ginawa mo!" Dinaluhan niya si Pia pero
ayaw ringh magpahawak ni Pia sa kanya. 1

"Ako ito, Pia. Si Yves. Calm down. Please, calm


down." He keeps on patting her back. 1

"Ayoko sa kanya..." Ako ang tinutukoy niya. Tumingin


si Yves sa akin.

"Tarantado ka talaga." Napapailing siya. Binuhat niya


si Pia at inilayo. I ended up watching them leave.
Hindi ko alam kung paano ko mababawi si Pia. Gusto
ko lang naman siyang makausap – kasi baka... baka
maayos pa kami... 3

Baka kaya pa... 1

Baka pwede pa... 50

To be Continued...
If you come back
Last updated: 4 hours ago

Add Vote

Leave a comment

smiley03
5 minutes ago
Naiyak ako dito
Reply

yatchyy
6 minutes ago
Alam mo yung masakit? Yung hindi ka
naman sinaktan physically pero grabe yung
trauma mo emotionally? Hindi ko
maimagine. Ang lungkot the hell
Reply

Show more

Recommendations

Almost, But Not Quite (...

by beeyotch
15.9M 605K 71

(GDL # 2) From strangers to


friends. From friends to close
friends. From close friends to
lovers. When Joey met Psalm,
she didn'...
beeyotch

generalfiction +2 more

Come On, Make Me (COMPL...

by beeyotch
13.3M 498K 54

(GDL # 1) It's hard to prove


yourself when everyone thinks
that everything's being given to
you on a silver platter. And in
Siobh...
gomezdeliaño gdl

+2 more

I Watched Him Fall For...

by beeyotch
12.5M 399K 33

I was 21. I just got out of


college. I wanted to explore the
world. I wanted to go to the US
and travel around Europe.
Tapos maiy...

Unbecoming Humans

by BeeKienitz
221K 10.4K 34

Aria was raised to be genetically


superior, but when a regular
girl, Nima, arrives at her
compound, Aria discovers a
love that sc...
girlxgirl

forbiddenrelationship

+23 more

The Price Of Love

by RainbowColoredMind
1.6M 85.4K 22

Yuka wants nothing in the world


more than a good old rags-to-
riches kind of story. She's dealt
with the rags part of it and
tryin...
stcroix zamora

POSSESSIVE 21: Knight V...

by CeCeLib
57.4M 2.2M 117

WARNING: SPG | R-18 | Mature


Content "I act like i don't care,
but deep down, i swear it kills
me. I would say i'm okay, but
i'm...
spaniard lies

+14 more

Obey Him (Jackson Cole)

by JFstories
7M 346K 52

Would you marry your young


drop dead gorg step-dad? PS.
He has an attitude problem. PS
again, he's the youngest
politician in tow...
rich romance

+14 more

The Untouchable Beast [...

by greatfairy
16.5M 365K 50

Not your ordinary CEO-


Assistant story. ♥♥♥ ©greatfairy
untouchable love

+10 more

Report Story

View Full Site

Language

Open in the Wattpad App

Get the App

© - Wattpad

You might also like