You are on page 1of 4

ANG LIWANAG NG ISANG PAMILYA

Walang tutumbas sa pagmamahal ng isang ina. Ang salitang “ina” ay hindi basta-
basta salita lamang, ito’y may mabigat na kahulugan sa ating mga puso. Kapag ating
naririnig ang salitang ito, mararamdaman natin ang mainit na pagmamahal na
kanilang ibinibigay mula nang tayo’y kanilang hilingin sa Diyos, inalagan sa
kanilang sinapupunan ng siyam na buyan hanggang sa kasalukuyang panahon. Ang
bawat ina ay may sariling kwento ng kadakilaan, isang kwento na puno ng sakripisyo
at pagmamahal. Ang kanilang mga ginagampanang papel bilang ilaw ng tahanan ay
naglalarawan ng kahusayan at tapang na bukod-tangi na hindi matutumbasan ng
kahit ano.

Sa pag-aalaga niya sa akin ng siyam na buwan, sa pagtitiis ng sakit habang ako


inululuwal, sa pagbibigay ng pangalan, damit at bahay na puno na pagmamahal,
siya’y tunay na dakila. Ang aking kalusugan na kailanman hindi niya pinabayaan,
ang aking ina na nagbibigay ng kakaibang init at liwanag sa tahanan.

Ang pag-aasawa at pagiging ina ay isang hamon ngunit ito’y kaniyang tinanggap
niya nang buong puso.
Makita niya lamang na ako’y humihinga pa sa araw-araw, wala na siyang hihilingin
pa. Ang kaniyang mga ngiti, kahit pagod at puyat, ay nagpaparamdam ng
pagmamahal at seguridad sa akin. Siya ang aking inspirasyon sa bawat hakbang
tungo sa tagumpay. Siya ang tumatayong unang guro na nagtuturo ng tamang asal,
mga aral ng buhay at paano mahalin ang kapuwa.

Sa pagtutok sa ilaw ng tahanan, nakikita natin ang tapang at kadakilaan ng bawat ina.
Hindi biro ang magmahal at magbigay ng buhay sa iba, ngunit ito'y isang tungkuling
tinatanggap ng mga ina nang may pagmamahal at walang pag-aalinlangan.

Sa bawat galak, lungkot, tagumpay, at kahinaan, ang mga ina ay patuloy na


nagbibigay inspirasyon at kadakilaan sa ating mga tahanan. Sila ang tunay na bayani
ng pamilya, ang ilaw na nagbibigay liwanag sa madilim na gabi, at ang
nagpapatunay na sa likod ng bawat matagumpay na pamilya ay isang dakilang ina.
\

You might also like