You are on page 1of 1

NAME: JADE S.

EVANGELISTA

GR/STRAND/SEC: 12 HUMSS 4

SUBJECT: PILING LARANGAN

Nang ako'y iniwan ng aking lola, hindi ko alam kung paano magsisimula ang buhay na wala siya. Siya ang
aking naging gabay at kasama sa mahabang panahon. Ngunit sa kabila ng kanyang pag-alis, alam kong
may dahilan siya para gawin ito. Ipinaramdam niya sa akin ang pagmamahal at pangangalaga sa
pamamagitan ng pagtitiwala sa aking totoong mga magulang.

Sa unang pagkikita ko sa aking mga magulang, puno ng kaba at takot ang aking puso. Ngunit sa kanilang
mga mga yakap at ngiti, unti-unti akong naramdaman na ako ay tinatanggap at minamahal. Ang kanilang
pag-aalaga at pagmamahal ay nagbigay liwanag sa dilim ng aking lungkot. Naging masaya ako sa kanilang
mga piling.

Ako'y nagpapasalamat sa aking lola sa pagkakataon na ito. Dahil sa kanyang pagmamahal, nahanap ko
ang aking tunay na tahanan sa piling ng aking mga magulang. Ito ay isang pagpapala na hindi ko
matutumbasan. Ang pag-ibig at pangaral niya ay mananatili sa aking puso habang buhay, at aking
pangangalagaan ang kanyang mga aral at alaala.

You might also like