You are on page 1of 3

MAHAL TAYONG LAHAT NG DIYOS

Buhay niya’y sa iyo hindi ipinagkait


Upang kaligtasan iyong makamit
Nagtiid sa hirap at pasakit
Walang hanggang kaligayahan ang kapalit

Masdan mo ang kalikasan


Tingnan mo ang mga tao sa kapaligiran
Ang lahat ay parang walang pakialam
Sa ibinigay sa atin na kaligtasan.

Huwag sanang mangyari na ikaw ay tumulad sa kanila


Sa masasamang gawa nila’y gumaya ka
At kahit saan sila magpunta
Baka ikaw rin ay sumama.

Huwag mong kalimutan


Iyo laging pakatandaan
Na si Hesus lagi sa iyo naghihintay
Na iyong pansinin ang kanyang pananawagan.

Buong araw Siya’y nag-aabang


Sa iyo na Kanyang mahal
Lagi mo sanang pakatandaan
Na mahal ka ng Diyos, maging sino ka man.
ANG AKING PAMILYA
Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay,
Ang mga magulang ko ang aking taga gabay.
Sa mundong puno ng lungkot at problema,
Hindi nila ko hinayaang mag-isa at walang kasama.

Sa loob ng labing-anim na pagkabuhay ko sa mundo,


Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko.
Mula sa araw ng aking pagsilang, sila’y nasa tabi.
Hindi nila ko hinayaan hanggang sa ako’y lumaki.

Laking pasasalamat ko sa kanilang pag-aalaga


Pagkat ako’y lumaki nang maayos at may kwenta.
Kapag may problema, laging nariyan para umalala
Dahil sa ako’y mahal at anak nila.

Bilang isang anak, hindi man ako perpekto.


Ayos lang dahil sila nama’y mahal ko.
Hindi ko man ipakita ang pagmamahal na ito
Alam kong nararamdaman ito ng kanilang puso.

Salamat sa inyo, aking ama’t ina.


Sa walang sawa niyong pagsuporta.
Alay ko sa inyo ang matatanggap na medalya,
Kapalit ng inyong maayos na pag-aaruga.
ANG GURO KO

Sa loob ng sampung buwan


Marami mang pagsubok ang pinagdaanan
Ngunit wala pa ring atrasan
Marami na rin ang pinagsamahan at naging magkakaibigan.

Isang grupo ng kabataan,


Na nagkaroon ng isang magangdang samahan.
Kahit anong pagsubok ay hindi nila inaatrasan, kaya:
Kaya nila itong pagtagumpayan.

Isang grupo ng kabataan


Na kung minsan ay may alitan
Pero ilang sandali, ito ay kanilang kinakalimutan
At tuloy na ulit ang kasiyahan.

Sa kabila ng lahat ng ito ay may nakaagapay


Isang guro ang na aming tagapatnubay
Na maaaring maging inspirasyon namin sa aming tagumpay.
Guro na yata sa habambuhay; motto nya siguro sa buhay.

Bb.ana fe enriquez ang kanyang pangalan.


Kahit kailan ay hindi mo malilimutan.
Salamat sa iyo aming guro, na tumayo bilang ikalawang ina sa aming mga
estudyante mo.
Salamat po sa inyo mahal naming guro.

Salamat mo sa iyo mahal naming guro, ng dahil sa inyo kami ay natuto.


Kaalaman na galing sa aming magulang, kasama ang kaalamang mula sa
inyo.
Ay hindi kayang tumabasan ng anmang ginto.

You might also like