You are on page 1of 2

Zia Emilia Ruth P.

Awichen
STEM-11-PASCAL

Tungkulin ng Ina

Isa na marahil sa pinakamahirap na tungkulin ang gawain ng isang Ina. Sila ang
nagbibigay ng ilaw sa ating tahanan at nagbibigay daan sa liwanag ng ating tinatahak. Ang
pag-ibig ng isang Ina ay nagbubukod tangi, walang labis o kulang ang sakripisyong hindi
mapapantayan ng bawat sinuman at higit sa lahat ang pag-aaruga sa kaniyang mga anak.
Isipin natin na sa loob ng siyam na buwan, dinala niya tayo sa kanyang sinapupunan. Hindi
niya inalintana ang hirap ng pag-aaruga mula nang iniluwal niya tayo sa mundo. Siya ang
nakatutok sa ating paglaki.
Siya ang nagdadala sa atin sa clinic para sa kailangang bakuna. Kapag tayo ay
nagkakasakit, siya ang nagbabantay, nagpapakain, at nagbibigay ng gamot na kailangan
nating inumin. Nang umabot na tayo sa school age, siya ang nage-enroll para sa atin.
Binabantayan niya tayo sa mga unang araw ng klase hanggang sa masanay na tayong nag-
iisa. Sa ating pagdadalaga, naroroon siya upang gabayan tayo sa nagiging pagbabago sa ating
katawan. Hindi man natin namamalayan pero sa tuwina’y ipinagdarasal niya tayo para sa
ating kaligtasan at kabutihan.
Bagama’t hindi niya madalas sabihin na mahal niya tayo, ang tapat niyang pagganap
sa kaniyang tungkulin at sakripisyo ay naghuhumiyaw na katotohanan ng kanyang
pagmamahal. Balang araw, hindi na natin makakasama ang ating ina. Pagdating ng panahong
iyon, masasabi nating, “Miss ko si Nanay, sana nandito pa rin siya.” Kaya ngayon pa lamang
na kapiling pa natin siya, ating pahalagahan, respetuhun at ipadama ang ating pagmamahal sa
ating Ina.

You might also like