You are on page 1of 2

TAHANAN (Pamilya)

Ang pamilya ay isang mahalagang bahagi ng ating buhay. Ang kanilang pagmamahalan at suporta ay
tulad ng pundasyon ng isang tahanan.

Hndi ba’t kaygandang pagmasdan ang isang tahanang kumpleto at pulido ang pagkakagawa?
Parang isang pamilya na kay sarap tignan kung kumpleto at masaya ang bawat isa. Sabi nga nila na
ang Ama ang siyang haligi ng tahanan, nangangahulugang siya ang nagbibigay ng matibay na suporta
at gabay sa pamilya. Katulad ng haligi na nagbibigay ng lakas sa isang bahay, ang ama ay nagbibigay
ng seguridad, direksyon, at pagmamahal sa buong pamilya. Ang ina bilang ilaw ng tahanan ay
nagsasaad ng kanyang papel bilang nagbibigay liwanag at init sa pamilya. Tulad ng ilaw na nagbibigay
liwanag sa kwarto, ang ina ay nagdadala ng pagmamahal, kalinga, at liwanag sa buhay ng kanyang
mga anak at ng tahanan bilang buong. Ang mga anak bilang mga kagamitan sa bahay ay
nagpapahayag ng kanilang papel bilang bahagi ng buong sistema. Sila ay tulad ng mga kagamitan na
nag-aambag sa kahandaan at kaginhawaan ng pamilya. Katulad ng mga kagamitan sa bahay, ang mga
anak ang siyang pumupuno ng kulang sa isang tahanan. Ang bubong ng tahanan ay ang mga Lolo at
Lola dahil sila ang pinagmulan ng lahat, kung gayon sila ang nagsisilbing silong ng lahat ng myembro
ng pamilya. Ang bawat isa sa kanila ay may natatanging gampanin at ginagampanan ang kanilang
bahagi sa pagpapalago at pagpapayaman ng buong tahanan.

Katulad ng tahanan, ang pamilya rin ay nagbibigay sa atin ng suporta at proteksyon, lalo na
sa mga panahon ng kagipitan at pangangailangan. Ito ang kanlungan kung saan tayo ay
pinahalagahan at tinatanggap ng buong pagmamahal. Ang pamilya rin ay namamana natin ang ating
mga kagandahang-asal, paniniwala, at tradisyon. Ito ay nagiging pundasyon ng ating pagkatao at
nagbibigay ng kahulugan sa ating buhay. Ang pamilya ay hindi lamang isang kwento, ito ay isang
magandang realidad na nagpapakita ng kagandahang-asal, respeto, at pagmamahalan. Ito ang
pundasyon ng ating pagkatao at tagapagbigay ng kahulugan sa ating buhay. Ang pamilya, tunay na
walang kapantay. Ito ang pundasyon ng ating pag-asa at pagsisikap. Sa bawat sandali, ang pamilya ay
tagapagdala ng liwanag sa ating buhay.
Sa huli, ang pamilya ay hindi lamang isang samahan ng mga taong magkakamag-anak, ito rin
ay isang institusyon na nagbibigay ng kaligayahan at kasiyahan sa bawat isa. Ito ang naglalayong
magbigay ng tibay at lakas ng loob sa bawat isa para harapin ang hamon ng buhay.

You might also like