You are on page 1of 2

GAWAIN: PANA NG PAG-IBIG

Mahal kong
Sa bawat araw na lumilipas, napagtatanto ko ang lahat ng sakripisyo at pagmamahal na
ibinigay mo sa amin, hindi lamang bilang isang ina kundi pati na rin bilang isang tao. Ang iyong
kabutihan, pang-unawa, at malasakit ay nagbibigay-buhay sa aming pamilya. Ikaw ang
nagbibigay kulay at kahulugan sa aming buhay.
Hindi sapat ang mga salita upang ilarawan ang mga gawaing ginagawa mo para sa amin.
Mula sa mga masasarap na lutong pagkain na iyong inihahanda, sa mga payong payo na laging
may kabuntot ng pagmamahal, hanggang sa mga yakap at halik sa mga oras ng pangangailangan,
ikaw ang aming sandigan.
Hindi ka lang isang ina; ikaw ay isang anghel na nagbibigay ilaw sa aming buhay. Sana ay
patuloy kang binibiyayaan ng kalusugan, kaligayahan, at buhay na puno ng pagmamahal. Mahal
na mahal kita, Inay, at wala akong ibang masasabi kundi maraming salamat.
GAWAIN 5
CUPID
KALAKASAN
1. Ang pagmamahal niya sa isang taong mortal na si Psyche
2. Kapangyarihang mapaibig ang sinuman sa kanila.
3. Pagmamahal na hindi napipigilan
KAHINAAN
1. Ang pagmamahal niya kang Psyche
2. Pagtakip sa kanyang pagkakakilanlan
3. Pagdulog sa Diyos
PYSCHE
KALAKASAN
1. Kagandahan
2. Tapat at Matiyaga
3. Kabutihang-loob
KAHINAAN
1. Pag-aakala
2. Pagkamausisa
3. Pagkabahala at Pag-aalala

Questions:
2. Naniwala siya sa kanyang kapatid na patyin ang kanyang asawa dahil isa daw itong halimaw
3. Nainggit si Venus sa kanyang kagandahan bilang isang mortal
4. Dahil nais niyang subukin ang tiwala nito sa kaniya
5. Dahil isa na siyang ganap na Diyosa. Masaya si Venus na ngayong diyosa na si Psyche ay
maninirahan na ang kaniyang manugang sa tahanan o kaharian ng diyos.
6. Ang hindi magandang katangian ni Venus ay siya ay isang mainggitin na diyosa.

GAWAIN 6
1. Kung ako si Psyche, tatanggapin ko rin ang mga hamon ni Venus dahil, kung gagawin ko ito
para sa taong mahal ko, lahat ay maaari . Malaki ang magagawa ng pag-ibig para sa isang tao;
siguro dahil sa pag-ibig natuto kang magsumikap sa buhay, dahil sa pag-ibig haharapin mo ang
mga hadlang sa buhay ng may katatagan, dahil sa pag-ibig natutunan mong pahalagahan ang
lahat. Ipaglalaban ko kung ano man ang malakas na sentimyento ko para kay Cupid, at alam
kong ganoon din ang nararamdaman ni Cupid para sa akin.

2. Ang aking reaksiyon dito ay lubos na pumapayag sa kanyang pahayag. Sa isang relasyon, ang
pagtitiwala ay nagbibigay daan sa bukas na komunikasyon, pang-unawa, at pagkakaugma. Ito ay
isang pundasyon ng malusog at matagumpay na pag-ibig. Kapag mayroong pagtitiwala, ang
dalawang tao ay mas nagiging bukas sa isa't isa, nagkakaroon ng seguridad sa kanilang relasyon,
at handang magtiwala sa kabila ng mga pagkukulang at pagkakamali.

You might also like