You are on page 1of 3

Aking ina

Habang nasa sinapupunan, ako’y hindi mapakali dito sa aking unang tirahan.
Galak ng makalabas upang aking masilayan ang s’yang ilaw at haligi ng
aking magiging pangalawang tirahan ng aking buhay.
Ang s’yang ilaw at haligi sa poot at saya ng aking buhay
Ang s’yang magdadala sa akin patungo sa maayos na kinabukasan
Ang s’yang gabay ko sa aking daan upang makamit
ang aking mga pangarap.
Nang ako’y iyong isilang, lubos kang nahirapan ngunit heto ako na di mapatahan
at iyong inalagaan aking mahal na magulang
Nang ako’y iyong unang nakita, lubos ang saya ninyo ng aking ama
sa aking unang pag-ngiti
Ang ngiti na bumubura sa inyong nadaramang pighati
Pighati na sa pang araw-araw ay inyong pasan at bitbit
habang ako’y inyong nasa tabi
Sa pagmulat ng mata, ilaw ng tahanan ang unang nakita at ang nadarama
Oo, ikaw yon aking ina…
Sa unang pag gapang, pagtayo at paglakad, ako’y iyong inalalayan
hawak hawak ang aking kamay na sa iyong aking gabay patungo
sa aking itatahak sa buhay
Itatahak na kung saan nariyan ang problema at saya sa buhay nating pamilya
Ngunit ang ating pamilya ay hindi magpapa apekto sa problema
dahil iyan ay problema lamang at tayo ay buong sama samang pamilya
At sa aking unang pagsalita
dama ang ngiti at pagpatak ng luha ng aking ina sa aking mukha, ngunit bakas ang saya
sa kanyang mga mata.
Habang sa dilim ako’y takot,
ikaw ang liwanag sa takot ko ay bumabalot
Nariyan ka sa aking pagtawa, pagiyak at naging tagapayo
kaya ako’y nagsusumikap
Nagsusumikap upang matumbasan ang dugo’t pawis ninyong paghihirap
Nagsusumikap upang maabot ang sa akin ay inyong pangarap
Pangarap rin para sa pagsubok sa buhay na aking hinaharap,
kakayanin kahit mahirap,
matumbasan lamang ang dugo’t pawis na sa iyo ay dumaloy sa paghihirap
Ang pagmamahal mong di matumbasan ay nakatatak sa aking puso’t isipan,
kaya aking ina nandito lang ako sa iyong tabi handang ipaglaban ka hanggang sa huli.
Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino

Pamagat: Talumpati
Pangalan: Jason A. Ogalesco
BSN2A1-9

You might also like