You are on page 1of 3

Dakila Ka Inay Sa aking isipan ay nanghihinayang, panahong kaytagal na di namalayan, Aking nalimutan ang mga pangaral at pinaghirapan nang

mahal kong Inay. Kanyang inigatan sa sinapupunan di pa nasilayan ay kinasabikan, Maaring hantungan di kinatakutan ang aking pagsilang maging kamatayan. Hirap na tiniis ngayon aking batid, luha at hinagpis na di ko napahid. Yakap na mahigpit nang kanyang pag-ibig, sa tuwa niyat galit akoy nasasabik. Aking ala-ala pantulog na kanta, sakin ang halik nya lamang pa kay Ama. Tanging mahalaga laging nauuna, ako ang maganda at wala ng iba. Masuyot malambing maalalahanin, ang tingin sa akin isang babasagin. Lahat ay gagawin hindi man pansinin, palagi na hiling akoy makapiling. Mga kagustuhan kanyang ibinigay, aking kahilingan walang tinanggihan. Nagawang pagtakpan maging kasalanan sa gipit kong lagay hindi iniwanan. Ngayon aking dasal sanay magampanan, magawang pantayan kanyang pagmamahal. Saking pagluluwal nang anak kong mahal, siya pa rin ang sigaw Dakila Ka Inay. Inay Dakila Ka Nang akoy magluwal sa anak kong Mahal ikaw rin ang sigaw Dakila Ka Inay. Sa aking pag-aray na ikaw ang sigaw iyong pagmamahal lalong naramdaman, Ang bigay mong buhay sa iyo ay utang saan kailan man di kalilimutan. Ngayon dinaranas sa piling ng anak iyong paghihirap na higit ang saklap, Noon isang palad lampin ko ay hawak kung basay masalat magpalit kaagad.

Anak kong malambing na kagaya ko rin sa bawat pag-gising walang malang gawin, Gatas at pagkain saan manggagaling pagkalong sa akin sino ang kapiling. Sa luhang pumatak pawis na kumatas pagod mo at hirap batid ko nang lahat, Sa mahal kong anak ang laging pagyakap katumbas ay lahat na iyo ring hanap. Tuwing pagmamasdan manika mong bigay alaalay ikaw bilin moy ingatan. Pagdating ng araw kahit naluma man sa apo mong mahal aking ibibigay. Akin ngayong awit sa iyo nadinig hanggang sa mapikit hawak na mahigpit, Akoy nasasabik sayong mga halik anak kong makulit hindi mo kalapit. Inay Dakila Ka sayo ay nagmula narito ka sana anak ko ay karga, Minamasdan siya kamukha ni lola ikaw ay kasama hanggang maging Ina . Inay Dakila Ka Nang akoy magluwal sa anak kong Mahal ikaw rin ang sigaw Dakila Ka Inay. Sa aking pag-aray na ikaw ang sigaw iyong pagmamahal lalong naramdaman, Ang bigay mong buhay sa iyo ay utang saan kailan man di kalilimutan. Ngayon dinaranas sa piling ng anak iyong paghihirap na higit ang saklap, Noon isang palad lampin ko ay hawak kung basay masalat magpalit kaagad. Anak kong malambing na kagaya ko rin

sa bawat pag-gising walang malang gawin, Gatas at pagkain saan manggagaling pagkalong sa akin sino ang kapiling. Sa luhang pumatak pawis na kumatas pagod mo at hirap batid ko nang lahat, Sa mahal kong anak ang laging pagyakap katumbas ay lahat na iyo ring hanap. Tuwing pagmamasdan manika mong bigay alaalay ikaw bilin moy ingatan.

Pagdating ng araw kahit naluma man sa apo mong mahal aking ibibigay. Akin ngayong awit sa iyo nadinig hanggang sa mapikit hawak na mahigpit, Akoy nasasabik sayong mga halik anak kong makulit hindi mo kalapit. Inay Dakila Ka sayo ay nagmula narito ka sana anak ko ay karga, Minamasdan siya kamukha ni lola ikaw ay kasama hanggang maging Ina . ANAK KA NG INA MO Nanginginig na ang kaniyang mga pasmadong daliri. Tila giniginaw ang mga kamay. Mga kamay na umaakay sa iyo noong mga unang araw ng iyong pagtuntong sa eskwela. Mga kamay na pinagkukunan mo ng isang libot isang lakas upang mabuhay. Nakakurba na ang kaniyang tindig. Tila kawayang nakayuko ang kanyang likod. Mga likod na natutuyuan ng pawis sa paglalabada upang may mailaman ka sa iyong kumakalam na sikmura. Nakakunot na ang noo niya kapag tumitingin sa iyo. Parang laging may inaaninag ang mga mata. Mga matang laging nakatingin sa iyo habang ikaw ay natutulog sa banig. Mga matang nagmamasid at nagbabantay sa iyo mula pagsilang hanggang sa iyong paglaki. Mahina na ang kaniyang pandinig. Parang baradong lababo ang kaniyang mga tainga. Mga taingang dumirinig sa iyong pagngawa kung inaagrabiyado ng iyong mga kalaro. Mga taingang handang makinig sa iyong mga daing dahil sa kabiguan. Mabagal na ang kaniyang paghakbang. Sa wariy binibilang ng mga binti at paa ang bawat minutong lumilipas. Mga binti at paang ginagamit niya upang masaklolohan ka sa mga panganib na sinusuong mo noong iyong kabataan. Mga binti at paang inaasahan niya upang makaraos kayo sa araw-araw. Kulubot na ang kaniyang balat. Parang chicharong bulaklak sa platong losa ang kabuuan ng kanyang mukha. Mukha na pilit niyang pinakapal upang lumapit at umutang sa kaniyang mga kaibigan at kakilala sa panahong ang enrolment ay malapit na. Mukhang pinakakapal ng katwirang gagawin ang lahat para sa iyo. Luyloy na ang kaniyang mga dibdib. Nilipasan na ng panahon ang kaniyang mga suso. Mga susong datiy pinagkukunan mo ng matimyas na kalusugan. Mga susong nagbigay sa iyo ng lakas at tibay ng katawan sa pagsagupa sa mga karamdaman. Binura na ng kulay puti ang mga itim sa kaniyang tuktok. Tila abo ang kulay ng kaniyang buhok. Mga buhok na malasutlang hinahawakan mo kapag ikaw ay kanyang pinatutulog. Mga buhok na sagisag ng mga taon at panahong ginugol niya sa pag-aaruga at pagkalinga sa iyo. Mga Sanaysay sa Filipino 2011. Mahina na ang kanyang boses. Tila garalgal ng radyong walang signal ang kanyang tinig.

Mga tinig na pinagbuhatan ng maraming magagandang aral ng buhay na ibig niyang maging gabay mo sa iyong pagkatao. Tinig na puno ng pangaral na magagamit mo sa iyong pagtahak sa sariling lakbayin sa daigdig. Lupasay ang kanyang katawang mortal. Sa iyo napunta ang kanyang lakas. Sapagkat pinagpala ka niya. Nagtingala siya ngayon sa iyo. patuloy kang inaaruga at matiyagang naghihitay. Sapagkat siya sa kanyang pagiging ina. ay marubdob na nagnanais na matapunan din ng kahit kaunting pagkalinga Mahalin natin ang ating mga ina! POLAR COVALENT BOND -In a polar covalent bond, the electrons shared by the atoms spend a greater amount of time, on the average, closer to the Oxygen nucleus than the Hydrogen nucleus. This is because of the geometry of the molecule and the great electronegativity difference between the Hydrogen atom and the Oxygen atom. The result of this pattern of unequal electron association is a charge separation in the molecule, where one part of the molecule, the Oxygen, has a parital negative charge and the Hydrogens have a partial positive charge. y You should note this molecule is not an ion because there is no excess of proton or electrons, but there is a simple charge separation in this electrically neutral molecule. y Water is not the only molecule that can have polor covalent bonds. Examples of other molecules that have polar covalent bonds are Peptide bonds and amines .
y

The biological consequence of polar covalent bonds is that these kinds of bonds can lead to the formation of a weak bond called a hydrogen bond. POLARITY polarity refers to a separation of electric charge leading to a molecule or its chemical groups having an electric dipole or multipole moment. Polar molecules interact through dipoledipole intermolecular forces and hydrogen bonds. Molecular polarity is dependent on the difference in electronegativity between atoms in a compound and the asymmetry of the compound's structure. For example, a molecule of water is polar because of the unequal sharing of its electrons between oxygen and hydrogen in which the former has larger electronegativity than the latter, resulting in a "bent" structure, whereas methane is considered nonpolar because the carbon shares the electrons with the hydrogen atoms almost uniformly. Polarity underlies a number of physical properties including surface tension, solubility, and melting- and boiling-points.

You might also like