You are on page 1of 1

LIHAM

Mahal kong Pamilya,


Salamat sa gabay at pag-intindi niyo sa akin sa panahong hindi ko na
naiintindihan ang sarili ko. Salamat kase dahil sainyo natutunan kong mahalin ang sarili
ko. Sa bawat parangal na sertipiko at medalya na natatanggap ko sa aking pag-aaral ay
siya rin namang pagmamalaki niyo sa akin sa ating mga kapitbahay. Ma Pa hindi kop o
makakalimutan na isa sa mga gabi ng taong 2010 buwan ng Mayo na humagulhol
kayong dalawa sa kaiiyak na pati ako ay napaiyak narin dahil sa malaking pagsubok na
nagbigay sa inyong dalawa ng kabiguan at pagkadismaya, gabing sinabihan mo ako
mama na magiging katulad lang din naman ako sa ate at hindi na makakapagtapos sa
pag-aaral. Naging pressure po ito sa akin ang pagiging anak na babae niyo po kasi
pakiramdam ko noon ang kamalian na nagawa ni ate ay magiging kapalaran ko rin.
Nasaktan po ako non mama pero imbes na magpadala sa mga sinabi mo ginawa koi
tong inspirasyon at motibasyon para ipakita sa inyo na kaya kong ibalik ang pagtitiwala
niyo sa akin. Kuya salamat din po, kasi tinulungan mo ang ating pamilya para
makaahon sa pang-araw-araw na pagsubok. Salamat sa mga puyat at paghihirap sa
pagharap mo sa iyong pagtatrabaho magampanan lang ang responsibilidad mo sa
Pamilya. Ate pasensya na po, dahil suplada at maldita po ako sa iyo at sa mga anak mo
minsan. Pero mahal po kita ate sa katunayan nga eh hangang hanga ako kasi
napakatibay mong tao, mahal kita ate kahit na napakaingay at napakabungangera mo
minsan. Sa nakababata kong kapatid Long kahit na napakatamad mo at sumusimangot
ang nguso pag inuutusan minsan pero mahal din kita kase hangang-hanga ako saiyo
kahit na hindi mo naipagpatuloy pag-aaral mo ay pinapakita mo parin na may
mararating ka sa pamamagitan ng pagsali sa karerang pandagat at paglaot na gusto
mong gawin. At panghuli para inyo bunso kong kapatid at sa dalawa kong pamangkin
sana maging matibay at matupad ninyo lahat ng pangarap niyo sa buhay humingi kayo
lagi ng gabay sa panginoon para sa landas na inyong tatahakin. Ngayong araw ng puso
espesyal na araw para sa mga taong umiibig. Para ito sa ating lahat. At hindi lang ito
ang araw ng mga puso kase araw-araw naman nating pinapakita ang pagmamahal
natin sa pamilya. Salamat sa lahat lahat pamilya ko, sa pagtulong sa akin sa landas na
tinatahak ko. Lahat ng pangarap na ginagawa at gagawin ko pa ay para sa inyo.
Ganyan ko kayo ka mahal.

Nagmamahal,
JENELYN

You might also like