You are on page 1of 3

Franco, Jezreel Mae P. G. FEDERICO B. RIVERA JR.

STEM 11-06 112819

IKAW ANG TUNAY NA DARNA

Kung nag-aalab ngayon ang usapin tungkol kay Darna,

Na ang kuwalipikasiyon ay ‘sing tapang ng leon

Mayroon akong kilalang karapat-dapat na maging kapantay ni Darna

Walang iba kung ‘di ang aking Ina, na siyang Ilaw ng aming Tahanan

Wala ka mang kapangyarihan na tulad kay Darna

Namumukudtangi naman ang iyong tapang sa t’wing ako’y may nagawang kamalian

Kamalian na siyang gusto mo lamang itama

Sapagkat ang tanging hangad mo lamang ay ang aking kinabukasan

Matapang ka sa pagtanggap ng lahat ng mga laban,

Laban na handa mong harapin para sa aking kapakanan

Kapakanan na iyong laging isinasaip at pinahahalagahan

Pinahahalagahan sapagkat labis labis ang iyong pagmamahal

Ngunit ika’y parang kandila na nauupos,

At ako ang magsisilbi na taga-patay ng ilaw upang ikaw’y manatiling nakatayo’t ‘di nawawala

Ikaw din ay tila isang bituing tanglaw,

Bituing Tanglaw na siyang tagagabay sa aking landas ng buhay


Franco, Jezreel Mae P. G. FEDERICO B. RIVERA JR.
STEM 11-06 112819

Kulang ang mga salita o letra na aking isinasambit,

Sa lahat ng mga paghihirap mo para sa’kin

Ramdam ko ang pagmamahal na ibinibigay niyo sa’kin ng Itay,

Na hinding-hindi ko mapapantayan ng kung anoman

Naaalala ko pa noon kung paano nabiyak ang iyong damdamin,

Noong mga panahon na ako’y nabalot ng kadiliman

Hindi ka nagkulang sa pag-agapay sa akin hangga’t aking matanaw muli ang kaliwanagan

Ikaw at ang Itay ang nagsilbing kalasag ko upang bumango muli sa pagkalugmok

T’wing iyong kinukuwento ang iyong paghihirap para sa akin,

Hindi ko mapigilang mapaluha sapagkat kita ko ang saya sa iyong nagniningning na mga mata

Hindi alintana ang matagal na pagdarasal sa Panginoon,

Masilayan mo lamang ako at mahagkan

Batid ko ang lahat ng inyong paghihirap,

Paghihirap sa pagpapalaki sa akin

Paghihirap sa pagtaguyod para sa aking kinabukasan

Kinabukasan na siyang tangi niyo lamang hangad


Franco, Jezreel Mae P. G. FEDERICO B. RIVERA JR.
STEM 11-06 112819

Kaya, Ina, sa kabila ng aking mga dinanas

Ikaw at ikaw pa rin ang talaga—

Ikaw pa rin ang pinakadakila

Ikaw pa rin ang namumukod tangi sa lahat ng Darna

Sapagkat, kahit wala kang kapangyarihan tulad niya,

Ang mga haplos at yakap mo lamang ay tunay na nakaliligtas na

Ang mga payo mo lamang, sapat na upang ako’y bumangon muli

Ikaw ang aking kaligtasan

Ikaw ang Kaligtasan

Ikaw ang tunay na Darna

You might also like