Ang ilaw sa madilim na kasaysayan ng Perlas ng Silangan
Iyong liwanag ang naging gabay sa pagtahak tungong kasarinlan Ika’y aking mamahalin, gagamitin bilang lakas At gagawing panangga para sa darating na mga bukas
Sandigan ng katapatan, kaluluwa ng mahal kong bayan
Amin kang nabawi’t nakamtan sa tulong ng mga magigiting na lumaban Wikang may alab ng apoy at lakas ng bato Hanggang sa huling hininga, ipagsisigawan ka sa mundo
Naglalagablab kong wika, ika’y aking tatangkilikin
Sapagkat naipapahayag mo ang mga saloobin at damdamin namin Magmula nung ako’y may gatas pa sa labi, ikaw na ay nakapiling Kaya’t asahang lagi kang makikilala, gamitan man ako ng piring
Sa nakaraa’t sa ngayo’y patuloy ka naming hinahasa
Ibabahagi ka sa iba nang gamitin ka pa ng mas maraming dila Wikang maihahalintulad sa punyal na kay tagal na nating sinasalita Hindi hahayaang mabakasan ng kalawang at dagta
Atin lamang buksan ang kanya- kanya nating kamalayan
Agad na bubungad sa’tin wika nating makulay kung pagmasdan Ito’y may kapangyarihang magbuklod ng mga mamamayan Mga mamamayang niyayakap nitong Pilipinas na ating bayan