You are on page 1of 6

WIKA SA LUPANG TINUBUAN

Nasilayan ang unang sikat ng araw


Sa piling ng langit na bughaw
Narinig ang wika, sa aki’y pumukaw
Sa damdaming sabik, pag-ibig na uhaw.

Wikang Filipino sa aki’y naghatid pang-unawa


Karunungang dulot, sa kamangmangan ay lumaya
Saan man magpunta,sa usapin nakahanda
Magbibigay ngiti, sa katwiran ay sagana.

Ngunit bakit tila pagpapaunlad sa wika


Nawalan ng saysay, sa dayuhan humanga
Wikang hiram niyakap, mas binigyang halaga
Nasaan ang dangal ng bayang inalipusta?

Wikang magbubuklod sana, sa bawat mithiin,


Ng mga Pilipinong tigib ng alalahanin
Kailan pa kikilalanin, kailan pa titingalain?
Kung hindi tayo kikilos ay walang mararating.

Makipot man ang daan patungo sa katwiran


Mahirap man sa karamihan na sundan ang kabutihan
Kung gawin nating wika ang daang matuwid
Pagkakaisa, pag-unlad at karunungan ang siyang hatid.
Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-
Filipino
ni Avon Adarna

Ang wika ay apoy – nagbibigay-init,


Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit,
Ang inang kumalong at siglang umawit,
Wikang Filipino ang siyang ginamit.

Ang wika ay tubig - na nagpapaputi,


Ng pusong may sala at bahid ng dumi,
Manalangin lamang at saka magsisi,
At patatawarin ng Poong mabuti!

Ang wika ay hangin – siyang bumubuhay,


Sa patid na hinga ng kulturang patay,
Ito’y nagbibigay ng siglang mahusay, 
Sa mga tradisyon at pagtatagumpay.

Ang wika ay bato - na siyang tuntungan,


Nitong mga paa ng mahal na bayan,
Wika ay sandigan nitong kasarinlan,
Sa bundok o burol, maging kapatagan.

May alab ng apoy at lakas ng bato,


At kinang ng tubig na wari ay ginto,
Wikang Filipino’y matatag na hukbo
Na lakas ng iyong pagka-Filipino!

WIKANG FILIPINO
ni Marvin Ric Mendoza
Ito ay punyal na ubod ng talim
Punyal na kumikinang sa gabing madilim
Ang puluhan nito ay utak na magaling
At ang talas nito’y kakaiba kung limiin.

Sa nakaraa’t sa ngayo’y patuloy na hinahasa


Na ang gamit ay kaydaming mga dila
Ang punyal na kaytagal nang ginawang pananda
Ay may bakas na rin ng kalawang at dagta.

Ang punyal na ito ay ang wikang Filipino


Na patuloy na umuunlad sa pag-ikot ng mundo
Ang kapara nito’y matigas na bato
Na ‘pag di ipukol ay di malaman kung ano.

Mula sa isang bibig ay kumalat nang kumalat


Mangyari’y dala-dala ng bapor na laging naglalayag
Ang wikang Filipino’y katulad ng kamandag ng ahas
Na sa isang sarili ay nagpapalakas.

Ang wika sa malayo ay kakaiba sa narito


Iba ang sa kanya, iba rin ang sa iyo
At dahil tayo ay kapwa Pilipino
Yakapin natin ang wikang Filipino.

Ang wikang Filipino ay ilaw ng Pilipinas


Liwanag sa pagtahak sa tuwid na landas
Gamitin natin at gawing lakas
At gawin ding pananggol sa darating na bukas.
Madaling magkaisa kung may pagkakaunawaan
Madaling makakita kung may liwanag na natatanaw
Medaling mananggol kung may lakas na taglay.
Sa lahat ng ito’y wikang Filipino ang daan.

Sa bukas na darating ay ating mamamalas


Ang dating ilaw ngunit bago nang landas
Maaaring paabante, maaaring paatras
Maaaring pababa, maaaring pataas.

Ang wikang Filipino’y magsisilbing gabay


Sa kayraming taong sa Pilipinas namamahay..
Sa tuwid na landas ay walang mawawalay 
Kung tayo’y hawak-kamay sa pag-abot sa tagumpay…

WIKA
Ano Ito?
ni Avon Adarna
“Ito ay espada sa anumang laban,
Lakas na sa wari’y sigla ng tanggulan,
At ilaw sa dilim nitong kapanglawan,
At gabay sa landas na dapat tawiran.”
Ang bagay na ito’y makintab sa langis,
Pinatalas noong panahong mabilis
May bahid ng digma’t mga pagtitiis,
Hinasa sa dila pati na hinagpis.

Ginagamit ito ng mga pulubi,


Sa daang mabilis at nagmamadali,
Kanyang pangungusap sa nagdaang hari,
Ay tinumbasan lang ng mapait na ngiti!

Mistulang sandata ng kalalakihan


Sa ibig na liyag na kadalagahan,
Sa puhunang laway sa nililigawan,
May asawa na pala nang magkabistuhan.

Ito ri’y kalsada ng mga pinuno,


Upang makarating sa nais na p’westo
Ibinabayubay bago pa maupo,
Sa masa na hayok sa bagong gobyerno.

Mga patalastas sa mga programa,


Ginagamit ito na lakas at sigla;
Mungkahing produkto ng isang artista,
Ang tibay at galing ay hindi naman pala.

Inaabuso rin nitong kabataan,


Sa pagkakahaling sa lamiyerdahan
Gawaing proyekto sa paaralan,
Ang sasabihin pa na siyang dahilan.
Ginagamit nitong mga talipandas,
Upang makaiwas sa hatol ng batas,
Sa pagkakagumon sa yaman at lakas,
Ito ang paraan ng kanilang pagtakas.

Ginagasta niyong mga kumaliwa,


Sumigaw sa kalyeng umayaw sa lisya,
Ngunit itong sagot sa mga problema,
Hindi naman nila lubos na unawa.

Sa musikang tugtog nitong mga kwerdas,


Hindi na marinig ang tunay na lakas.
Tila nagwari lang na isang alamat,
Simula ay ingay, gulo itong wakas.

At sa pagtitiis ng kabayanihan,
Tila nalimutan ang pinanggalingan,
Sa marmol na bato sa Kamaynilaan,
Doon lang naukit ang pinaghirapan...

You might also like